Pagdiriwang na Pambansa
-
Upload
camille-panghulan -
Category
Education
-
view
4.513 -
download
3
Transcript of Pagdiriwang na Pambansa
MGA PAMBANSANG PAGDIRIWANG
Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina at paaralan ang mga pambasang pagdiriwang.
Masayang sinasalubong ito bago maghating-gabi ng Disyembre 31.
Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak.
Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito.
Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986.
Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo, kapilya, at pati na sa mga tahanan na ikinukuwento ang buhay ni Cristo.
Isang prusisyon ng mga rebulto ni Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga pangunahing daan ng baryo o bayan tuwing Biyernes Santo.
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito.
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.
Tuwing Hunyo 12 ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula sa España. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito. Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.
Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang mga Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa.
2. Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador.
a. Araw ng manggagawab. Araw ng kalayaanc. EDSA Revolution
3. Ginugunita ito tuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa laban sa mga dayuhan
a. Araw ng mga bayani
b. Araw ng manggagawa
c. Araw ng kagitingan
4. Ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Pinahahalagahan ang mga nagawa ng mga bayani para sabansa.
a. Araw ng kalayaan
b. Araw ng mga bayani
c. Araw ng manggagawa