Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

18

Transcript of Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

Page 1: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021
Page 2: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

A. Asimilasyon• Ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa

impluwensya ng mga katabing tunog nito.

• panlaping nagtatapos sa –ng katulad ng sing- na maaaring maging sin osim

• pang- na maaaring maging pan- o pam- dahil sa impluwensya ngkasunod na katinig

Page 3: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

Ang mga salitang nagsisimula sa d, l, r, s, t ay inuunlapian ng (sin-) at (pan-)

Halimbawa:

• sing + tindi = sin + tindi = sintindi

• pang + laban = pan + laban = panlaban

Page 4: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

Ang mga salitang nagsisimula sa b, p ay inuunlapian ng (sim-) at (pam-)

Halimbawa:

• pang + pilosopiya = pam + pilosopiya =

pampilosopiya

Page 5: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

Ang mga salitang nagsisimula sa

patinig /a,e,i,o,u/ at katinig na

/k,g,h,n,w,y, ay inuunlapian ng (sing-)

at (pang-). Dito ay walang pagbabagongnagaganap sa mga salita.

Halimbawa:

• sing + ganda = sing + ganda = singganda

• pang + kaisipan = pang + kaisipan = pangkaisipan

Page 6: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

Ang asimilasyon ay may dalawang uri.

Halimbawa:

•Asimilasyong parsyal o di-ganap

•Asimilasyong ganap

Page 7: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

a. Asimilasyong parsyal o di-ganap – ang

pagbabagong nagaganap lamang dito ay nasa

pinal na panlaping –ng.

Halimbawa:

• sing + tindi = sin + tindi = sintindi

• pang + laban = pan + laban = panlaban

• pang + pilosopiya = pam + pilosopiya = pampilosopiya

Page 8: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

b. Asimilasyong ganap – nagaganap ang

asimilasyong ito kapag matapos na maging /n/

at /m/ ng panlapi dahil sa pakikibagay sa

kasunod na tunog ay nawawala pa ang

sumusunod na unang titik ng salitang-ugat at

nananatili na lamang ang tunog na /n/ o /m/.

Halimbawa:

• pang + baril = pam + baril = pamaril

• pang + takot = pan + takot = panakot

Page 9: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

B. Pagpapalit•Ito ay tumutukoy sa ponemang

nagbabago o napapalitan sa pagbuo ngmga salita.

Page 10: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

• /o/ at /u/. Sa ngayon, ayon sa Ortograpiyang

Pambansa 2013, sa pag-uulit ng salitang-ugat

na nagtatapos sa patinig na o hindi ito

pinapalitan ng letrang u. Kinakabitan ng

pang-ugnay/ linker (-ng) at ginagamitan ng

gitling sa pagitan ng salitang-ugat. (tuntunin

7.5, pp. 31 at 32)

Halimbawa: linggo-linggo ano-ano

Page 11: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

• /e/ at /i/. Ganoon din sa pag-uulit ng

salitang-ugat na nagtatapos sa e, hindi ito

pinapalitan ng letrang i. Kinakabitan ng

pang-ugnay/liner (-ng) at ginagamitan din ito

ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.

(tuntunin 7.5, pp. 31 at 32)

Halimbawa:

• babae - babaeng-babae

• Salbahe - salabaheng-salbahe

Page 12: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

• /d/ at /r/. Napapalitan ng /r/ and /d/

kapag patinig ang tunog na sinusundan ng

/d/.

Halimbawa: dito >rito

ma + dapat >marapat

ma + dami >marami

Page 13: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

C. Paglilipat

• Ito ay tinatawag ding metatesis nanangangahulugan ng paglilipat ng posisyon ngmga ponema. Kapag nagsisimula sa /l/ o /y/ang salitang-ugat nito at nilagyan ng gitlaping

• -in-, nagkakapalit ang /i/ at /n/ at nagiging/ni-/.

Page 14: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

Halimbawa:

• y + -in + akag> yinakag > niyakag

(niyayakag, hindi yinayakag)

• l +-in + ayon > linayon > nilayon

(nilalayon, hindi linalayon)

Page 15: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

D. Pagdaragdag•Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng

isa pang morpema sa hulihan ng salitang-

ugat (hulapi) kahit mayroon nang dating

hulapi ang salitang-ugat.

Page 16: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

Halimbawa:

•pa + bula + han > pabulahan

> pabula(h)an + an > pabulaanan

•ka + totoo + han > katotoohan

> katoto(o)han + an > katotohanan

Page 17: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

E. Pagkakaltas• Ito ay ang pagkawala ng isang ponema o morpema

sa isang salita. Maaari itong maganap sa unahan o

gitna ng salita. May mga salita ring nakakaltas ang

ponema o morpema sa gitna, at napapalitan ng

ponema ang nasa hulihang morpema.

Page 18: Pagbabagongmorpoponemiko 160907063021

Halimbawa:

•Dala +hin >dalahin > dalhin

•Bukas +an >bukasan > buksan