Pag-uulo Ng Balita

17
Pagwawast o ng Kopya, Sipi o Orihinal Angelique J. Ginete IV-1 Rizal Gng. Mallon

Transcript of Pag-uulo Ng Balita

Page 1: Pag-uulo Ng Balita

Pagwawasto ng Kopya, Sipi o

OrihinalAngelique J. GineteIV-1 RizalGng. Mallon

Page 2: Pag-uulo Ng Balita

Pagwawasto ng Kopya, Sipi o Orihinal

- Ito’y isang paraan kung saan ang isang tagapagwasto ng kopya (copyreader) ay inayos mabuti ang kopya, sipi o manuskrito bago ito ipadala sa limbagan. Ang kopya ay maaring isang balita, editoryal o tudling, lathalain atbp, o isang pitak na pampanitikan.

Page 3: Pag-uulo Ng Balita

Tungkulin ng Tagawasto ng Kopya Magbigay ng tagubilin sa printers (printer’s direction) tungkol sa uri at laki ng tipong nais gamitn at kung ilang ems ang lapad ng kolum.

Magwasto ng kamalian sa mga talang nakalap (errors in fact).

Magwasto ng mga kamalian sa balarila (errors in grammar), sa pagbabaybay, palabantasan, daglatan, paggamit ng malaki at maliit na titik, paggamit ng tambilang at pagamit ng pang-ukol, panauhan atbp. Mag-alis ng di-mahalagang tala o paksa.

Page 4: Pag-uulo Ng Balita

Magwasto ng mga kamalian sa kaanyuan (errors in structure). Ang balita ay dapat nasa ayos balita (baligtad na piramide) at ang editoryal ay dapat ayos editoryal atbp. Magwasto ng kamalian sa istilo (errors in style) ayon sa paggamit ng aklat pamamaraan, o istilong pamahayagan o style-book.

Mag-ayos ng pamatnubay upang maging mabisa ito at maikli.

Mag-alis ng mga salitang kuru-kuro o opinyon kung ang winawasto ay balita. Mag-alis ng mga salitang walang kabuluhan (verbal dead-wood) kagaya ng sinampal sa mukha, isinandal sa likod pasan sa balikat atbp.

Page 5: Pag-uulo Ng Balita

Matulis na lapis na may malambot at maitim na tasa.

Kagamitang pang-opisina, makinilya atbp.

Sangggunian talastasan, tesaurus, almanak, aklat pamamaraan o istilong pamahayagan (stylebook), atbp.

Aklat na barirala.

Sipi ng mga dating isyu ng pampaaralang pahayagan.

Mga Kailangang Kagamitan sa Pagwawasto ng Kopya

Page 6: Pag-uulo Ng Balita

MGA PARAAN SA PAGGAMIT NG PANANDA

o Sa paggamit ng pananda, maging malinis ang kopya at iwasan ang pagsulat ng maraming salita.

o Lahat ng pagwawasto ay ilagay sa ibabaw ng salitang iniwawasto.

oHindi naglalagay ng mga pananda o pagwawasto sa margin. Ito’y ginagawa lamang sa pagwawasto ng pruweba (proofreading).

Page 7: Pag-uulo Ng Balita

Mga Paraan sa Pagwawasto ng

Kopya Ilagda ang pangalan o pirma sa dulong kaliwa ng papel.

Ilagay ang bilin sa printer (printer’s direction or specification) sa dulong kanang itaasng papel. Bilugan ito.

Basahin muna nang may pagkaunawa ang kabuuan ng artikulo.

Page 8: Pag-uulo Ng Balita

Iwasto ang mali sa balarila, bantas, estilo, baybay at iba pang kamaliang mapansin.

Ihambing ang iniwastong mali sa tala.

Basahin muli ang kopya upang tiyakin na: 1) ang mahahalagang tala ay napaloob at ang di-mahahalagang tala ay naalis na; b) ang muling pagsulat at pagbuo ay mahusay, at c) naipasok ng lahat ang pagwawasto. Tingnan ang haba ng artikulo kung akma sa takdang espasyo.

Isulat ang ulo ng balita.

Page 9: Pag-uulo Ng Balita

Mga Pananda sa Pagwawasto ng sipi

pangulo ng pilipinas - limbagin sa

malaking titik

Pag-asa ng Bayan - limbagin sa maliit na

titik

Manila Times - limbagin na

maitim(boldface)

Dahil sa Isang Bulaklak - limbagin ng

palihis(italics)

Salamat po – lagyan ng tuldok

Page 10: Pag-uulo Ng Balita

Dahil sa iyo, ang sabi niya - lagyan ng

panipi

Paco Manila - lagyan ng kuwit

2000 - 01 - lagyan ng kudlit

Fred Lim Senador – pagpalitin ang

salita

inang baayn - pagpalitin ang

lugar ng titik

Page 11: Pag-uulo Ng Balita

pinunong ng bayan - alisin at

pagkabitin

Pang. Gloria M. Arroyo - isulat nang

buo

8 katao - isulat nang pasalita

labing dalawang katao - isulat sa

numero /tambilang

Doktor Warren Cruz - daglatin

Page 12: Pag-uulo Ng Balita

Simula bukas - wastong pasok ng talataan

kahapon. Simula bukas - panibagong

talataan

natapos ang panayam

Subalit wala pang tiyak - pagdugtungin

o pasunurin

No Ngunit di pa yari - walang bagong

talataan

pin untahan - pagkabitin

Page 13: Pag-uulo Ng Balita

Malaking Panayam - igitna ang subhead

Panggulo ng Pilipinas - alisin at paglapitin

Maynilas - kaltasin/pungusin

Wilfredo Krus - hayaang manatili ang

pagkabaybay

Mabait na bata - panatilihin, huwag

baguhin

more pa - may karugtong

30 # - wakas ng artikulo

Page 14: Pag-uulo Ng Balita

Pagsasanay Ang pulong na pinanguhanan nang pangulo ng Kapisanan ay di nalu han nang magiting at masipag ng punnong guro na paAralan na si gng. Cruz Fe. Ang kapisanan ng mga guro at magulang ng Paaralang Mababang Malabon ay Nagddaos ng isang pulong noung Setyembre 15, 19 89 sa silid aralan 2 panguna hing panukala ang Kanilang sinang ayunan. ang ito mga ay ang pagsimento ng basketball court at nang pagkumpuni ng mga aralang silid? Pinagtibayan din ang paghingi ng abuloy na halagang dalawampung piso sa ba wat familia Malugod kong hinihingi ang inyong mga tulong ang wika ng pangulo ng Kapisanan. Mabuhay ang magiting na Association President!

Page 15: Pag-uulo Ng Balita

Pangwakas na Gawain kabilang sa palatuntonang na gaganapin sa

luneta ay ang banal na mesa, ang mga pangKulturang pag-tatangjal, at ang talumpati ng panggulo ng filipinas. Ipag diwang sa sussunod na lingo ang annibersario ng Edsa Robolossyon kung saan pinatalsik ng sang bayanan ang diktador at mapangaping Markos. Tutong mapaKahalaga ang araw na ito sapagkat tayoy nakala ya sa isang pa mahalaang diktadora. Ang mga panrehiyong paaltun tunan gaganapi ay sa SAN Fernando pamp. ; Sang Fer nando, La Union ; Cabite, Mmetor Manila ; lala wigan ng Quezon City at Ilo-ilo; at CotaBatoo.

Page 16: Pag-uulo Ng Balita

Mga Katanungan

Page 17: Pag-uulo Ng Balita

Wakas