PAANO LABANAN ANG KATAMARAN
-
Upload
perla-pelicano-corpez -
Category
Education
-
view
152 -
download
5
Transcript of PAANO LABANAN ANG KATAMARAN
KADIWA KA BA?BINHI KA BA?Para sa iyo ito…
Ano ang kadalasang dahilan na tayo ay napapagalitan ni nanay, o kaya ni tatay, sa ating bahay?
SINO-SINO ANG TINATAMAD?
Walang buhay na patapon… tandaan niyo yan?
ANO ANG MGA GAWAIN SA BAHAY NA MALIMIT INAAWAYAN NG MAGKAKAPATID?
PAANO?
???
PAANO NGA BA LABANAN ANG KATAMARAN ? ETO ANG ILANG TIPS:
1. Kung nahihirapang umpisahan ang isang gawain, isulat mo ito ng paulit ulit at basahin ng paulit ulit. Halimbawa, "masipag akong mag-exercise“ o kaya "mahal ko ang trabaho ko, masipag ako". Depende sa nais monggawin ang iyong isulat. Huwag mong tigilan ang pagsulat o pagbasa hanggang sa maramdaman mo na sinisipag ka na.
PAANO NGA BA LABANAN ANG KATAMARAN ? ETO ANG ILANG TIPS:
2. Mag set ng alarm para tuwing parehong oras mo gagawin ang gawain. Ito ay upang masanay ang utak hanggang sa maging habit. Alalahanin na hindi kikilos ang katawan kung hindi uutusan ng isip. Ngunit sa oras na anggawain ay maging habit, lahat ng kilos ay magiging automatic.
PAANO NGA BA LABANAN ANG KATAMARAN ? ETO ANG ILANG TIPS:
3. Ilayo ang mga gadget lalo na kung alam mong ito ang dahilan kung bakit di ka makapag concentrate sa iyong dapat na tapusing trabaho. Ang paglalaro ng games o pagbrowse sa facebook atbp. ay umuubos ng oras at lalo lamang inaantala ang pagtapos sa ating gawain. Unahing gawin ang mas importante bago libangin ang sarili.
PAANO NGA BA LABANAN ANG KATAMARAN ? ETO ANG ILANG TIPS:
4. Ang katamaran ay madalas ding bunga ng maling uri ng pagkain na atingkinakain. May mga pagkain na sa halip pasiglahin ang isip ay kabaligtaran ang nangyayari. Kumain ng masustansya, unang una na ang pagkain ng prutas at gulay araw-araw.
PAANO NGA BA LABANAN ANG KATAMARAN ? ETO ANG ILANG TIPS:
5. Siguraduhin na nabibigyan ng sapat na pahinga ang katawan at isip, hindi labis at hindi rin kulang.Mahalaga na tama ang oras ng tulog sa gabi at tama rin ang gising. Makumpleto ang 6-8 oras na tulog na kailangan para sa epektibong pagkilos ng katawan.
PAANO NGA BA LABANAN ANG KATAMARAN ? ETO ANG ILANG TIPS:
6. Huwag mabalisa kung sakali na di mo magawa ang dapat gawin. Relax lang at magtiwala sa sarili na magagawa mo ring tapusin ang lahat. Humingi ng tulong at magdasal walang mawawala ito ay libre naman.
PAANO NGA BA LABANAN ANG KATAMARAN ? ETO ANG ILANG TIPS:
7. Bigyan ng reward ang sarili kapag nagawa mong labanan ang katamaran.Puwede mong gawing premyo ang paglalaro ng games o pagbrowse sa fb. Maaaring pagkain ng paborito mong meryenda o kahit anong bagay na magpapasaya sayo matapos ang isang matagumpay na pakikipaglaban sakatamaran.
TANDAAN:
May domino effect ang katamaran. Kapag hindi tayo nagdesisyon namagsimula ngayon ng pagbabago magiging tuluy-tuloy lang ang atingnakagawian na maling sistema. Kaya simulan na ngayon ang paunang hakbangpara labanan ang katamaran!
THE END• Thank you…