Nandiyan na si Tatay
description
Transcript of Nandiyan na si Tatay
Linggo na naman bukas. Darating na
ulit siya. Makikita ko na naman si Tatay.
Magiging masaya na naman ang linggo
naming magkakapatid.
Tuwing linggo, inaabangan naming
ang tunog ng katok sa pinto na nagsasabing
andito na si Tatay. Masaya kami kapag kasama naming siya,
mas lalo na kung naglalaro kami ng
tagu-taguan at habu-habulan.
Parati siyang mayroong mga dalang regalo para sa aming lahat--minsan pagkain, minsan naman laruan. Pero may mga
araw din na wala siyang dala. Kahit na ganoon,
masaya pa rin kami dahil kasama namin ang
aming tatay.
Iba’t iba ang mga nangyayari bawat araw.
Maraming mga tanong ang umiikot sa aking isipan. Isa
na roon ang tungkol sa tatay kong mahal. Saan kaya niya nakukuha ang
mga binibigay niya sa amin? Saan kaya? Ang
dami niya kasing pinapasalubungan tuwing
dadalaw siya rito sa bahay—Si Ate, si Kuya, si
Mark, si Jerome, Si Rainne at marami pang iba.
Tinanong ko si ate, “Ate, saan ni tatay nakukuha ang
regalo natin?” Ang sagot niya parati, “Hindi ko alam.” Si kuya naman,
“Malay ko.” “Siya si Santa Clause,” sabi ni Mark. Pero iba ang sinagot sa akin ni Jerome, “Bakit ayaw mo
itanong kay tatay?” Napag-isip-isip ko, oo nga naman,
bakit nga ba hindi ko itanong kay tatay.
Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Guto ko kasing malaman kung ano ba talaga
ang trabaho ni tatay.
Siguro isang taga-hukay siya ng ginto. Ay! Hindi, hindi. Baka may may-ari siya ng isang
malaking lupain na mayroon maraming puno na
namumunga ng mga laruan. Ay! Teka-teka, hindi pwede
iyon. Ano nga ba? Ah! Alam ko na, siguro isa siyang mayaman
na nagmamay-ari ng isang pagawaan ng mga laruan at
tsokolate. Ano ba yan! Ano ba talagang trabaho ni tatay.
Siguro nga tama si Mark, si tatay nga siguro si Santa
Clause.
Nang sumunod na araw, may kumatok
na sa pinto at alam na namin na si tatay
‘yon. Lahat kami ay nagsi-takbuhan para salubungin si tatay.
Pagbukas nga ng pinto, marami na
naman siyang pasalubong sa aming
lahat.
Mabilis na naman lumipas ang buong maghapon,
malapit na naman magpaalam si tatay. Nag-
iisip pa ako kung itatanong ko ba kay tatay ang tanong
na kagabi ko pa iniisip. Napansin ni tatay na may
gumugulo sa akin. Nilapitan niya ako at tinanong kung may
problem ba ako. Sinabi ko sa kanya kung ano ang
iniisip ko.
“Tay, ikaw po ba si Santa Clause? Palagi po kasi kayong pasalubong para sa amin.”
Tumawa lamang si tatay sa tinanong ko sa kanya.
“Naghuhukay po ba kayo ng ginto? O may-ari ba kayo ng malaking lupain?”
Tumawa na naman si tatay, at kinwento niya sa akin ang kanyang trabaho
“Anak, hindi iyan ang trabaho ko. Siguro masasabi mo na naghuhukay nga rin ako ng kayamanan, pero hindi ginto yung hinuhukay ko. Hindi naman lahat ng kayamanan ay ginto, anak.”
Nalaman ko na isa palang taga-kolekta ng basura si tatay. Nakakakuha siya ng
mga laruan mula sa itinatapon na ng mga tao.
Marami daw siyang nakikitang mga gamit na
pwede pang gamitin ngunit tinapon na nila. Sabi niya
sa akin na sayang daw yung mga gamit na
mapapakinabangan pa pero tinatapon na.
Napag-isip-isip ko na tamanga si tatay na maramingnasasayang na gamit na
maaari pang pakinabangan. Masaya ako na kahit hindi
pala mayaman si tatay, pinipilit pa rin niya kaming
bigyan ng mga gamit nahindi namin makukuha
kung wala siya.
Maaaring hindi nga mayaman si tatay,
masaya pa rin kami na siya ang tinuring naming tatay. Hindi
man namin siya tunay na tatay, minahal niya
kami ng tunay na anak.
Ako nga pala si Carlos, dito kami sa
bahay-ampunan nakatira. Hindi man namin kasama ang tunay naming mga
magulang, mayroong naman kaming malaki at masayang pamilya.