Nainggit Si Kikang Kalabaw
-
Upload
jan-mikel-riparip -
Category
Documents
-
view
5.175 -
download
68
description
Transcript of Nainggit Si Kikang Kalabaw
7/15/2019 Nainggit Si Kikang Kalabaw
http://slidepdf.com/reader/full/nainggit-si-kikang-kalabaw-563383bc53226 1/2
Nainggit si Kikang Kalabaw
Sa isang malayong nayon sa bayan ng Maribojoc sa lalawigan ng Surigao ay may isang masipag
na magsasakang nagngangalang Mang Donato. Si Mang Donato ay tahimik na namumuhay
kasama ang kanyang pamilya at dalawang alagang hayop, sina Kikang kalabaw at Basyong Aso.
Si Kikang Kalabaw ang katuwang ni Mang Doanato sa bukid. Masipat ito sa pag-aararo at wala
ring reklamo sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay kaya naman mahal na mahal siya ng
kanilang amo. Laging may nakahandang sariwang damo at malinis na tubig para sa kanya si
Mang Donato. Binibigyan din siya ng pagkakataong magloblob sa putikan lalo na kapag kainitan
ng araw upang maginhawahan ang kanyang katawan. Sa gabi naman ay pinagpapahinga siya sa
isang kubong malapit sa bahay ng mag-anak.Sa kabila ng maayos niyang kaligayahan ay hindi
masaya si Kikang Kalabaw. Nakikita niya kasi kung panano tratuhin ni Mang Donato si Basyong
Aso. Kasama siya ng kanilang amo sa loob ng bahay. Wala ring ginagawa ang aso kundi kumahol
at kumawag ang buntot kapag dumarating sila ni Mang Donato mula sa bukid. Tuwang-tuwa
namang hahaplusin ni Mang Donato ang mga tainga ng aso. Magpapakandong ang as okay
Mang Donato at saka siya hahalik-halikan nito na labis namang ikinatuwa ng amo.
“Buti pa si Basyong Aso,” ang madalas maibulong ni Kikang Kalabaw sa sarili. “Nasa bahay lang
siya at hindi nahihirapan sa bukid katulad ko subalit mas mahal pa siya ni Mang Donato kaysa sa
akin,” dagdag na himutok pa nito.
Habang tumatagal ay lalong lumalaki ang inggit ni Kikang Kalabaw sa kapwa alagang si Basyong
Aso. Paano ba naman kasi’y madalas niyang makitang binibigyan ni Mang Donato ng pagkain
mula sa kanyang sariling pinggan si Basyong Aso. Tuwang-tuwa rin ang buong pamilya sa
pagsayaw-sayaw ng aso at pagkawag-kawag ng buntot nito kapag ito’y tinatawag.
“Paano kaya ako mapapansin at mamahalin din ni Mang Donato? Kung gagayahin ko kaya ang
ginagawa ni Basyong Aso ay mapamamahal na rin ba ako sa kanila? tanong nito sa sarili habang
nalulumbay na napapahingang mga lamok na umuugong sa kanyang tainga ang kasama niya sa
mgatahimik na gabing katulad nito samantalang si Basyong Aso ay natutulog sa isang malambot
na higaan sa ibaba ng kami ni Mang Donato.
Nakatulungan na ni Kikang Kalabaw ang kanyang mga sama ng loob Medyo nababawasan lang
ito kapag muli siyang papuntahan ni Mang Donato sa umaga at saka siya tatapik-tapikin nito
bago bigyan ng almusal niyang damo at tubig. Subalit hindi nawawala sa kanya ang pag-iisip ng
paraan kung paano niya mahihigitan ang pagtingin ng amo kay Basyong Aso.
Isang araw, nakaligtaang itali ng katiwala ni Mang Donato si Kikang Kalabaw sa posting nasa
bungad ng kanyang kubo. Tuwang-tuwa si Kika. “Ito na, ito na ang pagkakataon ko!” ang halos
pagsigaw na wika nito. “Gagayahin ko ang mga ginawa ni Basyong Aso para kay Mang Donato.
Tingnan ko lang kung hindi matuwa at mas mahalin pa ako ng amok ko,” ang tila tiyak na tiyak
na wika pa nito.
Patakbong pumasok si Kikang kalabaw sa loob ng kusina nina Mang Donato. Nadatnan niya
7/15/2019 Nainggit Si Kikang Kalabaw
http://slidepdf.com/reader/full/nainggit-si-kikang-kalabaw-563383bc53226 2/2
itong mag-isang kumakain ng tanghalian. Dali-dali siyang sumugod sa kinauupuan ng magsasaka
at kinawag-kawag ang kanyang buntot tulad ni Basyong Aso habang patalon-talon at patakbo-
takbo. Sa katatalon niya ay natabig niya ang mesa kaya’t naglaglagan ang mga pagkain at
nangabasag ang mga pinggan,baso, at iba pang bagay na Donato habang walang humpay niya
itong hinalik-halikan.“Tulong! Tulungan ninyo ako!” Dahil sa malakas na sigaw ni Mang Donato ay nagtakbuhang
pumasok sa kusina ang kanyang buong pamilya at mga katiwala. Dali-daling hinatak ng isang
katiwala na tali ng kalabaw at dinala ito sa kalapit na kubo.
“Anong pumasok sa utak mong kalabaw ka? Muntik mo nang piñata si Mang Donato sa ginawa
mo! Magtanda ka ngayon at hindi mo malilimutan ang araw na ito! Ang galit na galit na sigaw
ng katiwala habang pinapalo ang kalabaw dahil sa ginawa nito. Tunay ngang ang pagiging
mainggitin ay hindi nagbubunga ng mabuti.