MODYUL SA FILIPINO

10

Click here to load reader

Transcript of MODYUL SA FILIPINO

Page 1: MODYUL SA FILIPINO

Paunang salita…………………………1

Panimula………………………………..2

Pagsasanay…………………………….3 Mga sagot sa pagsasanay

Pagtatalakay……………………………4-5

Ikalawang Pagsasanay……………….6

Mga sagot sa Ikalawang Pagsasanay

Bibliyograpiya…………………………..7

Page 2: MODYUL SA FILIPINO

Mahal naming mambabasa,

Ang Modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Layunin

nitong tulungan ka sa iyong pag-aaral, tinatalakay nito ang

tungkol sa Pandiwa at ang mga aspekto nito. Sa

pamamagitan ng modyul na ito ay maari ninyong gamitin

ang inyong kakayahan at kahusayan sa pang-unawa at

pagsagot ng mga pagsasanay na buong sipag na aming

inihanda para sa iyo.

Nawa ito ay iyong magustuhan!

~Ang mga may-akda~

Page 3: MODYUL SA FILIPINO

Ang pandiwa o berbo (Verb) ay bahagi ng pananalita na

nagsasaad ng kilos o galaw.

Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay tumakbo, bumili,

kumanta, sumayaw at iba pa.

Sa modyul na ito ay iyong matutunan ang mga iba pang

impormasyon tungkol sa pandiwa at ang aspekto nito.

Ingatan ninyo sana ang modyul na ito, at lagi ninyo

itong basahin!

Page 4: MODYUL SA FILIPINO

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang pananalita kung saan ito ay nagsasaad ng kilos o gawa.

a. Pang-uri c. panghalip

b. Pandiwa d. pangngalan

2. Ano ang iba pang tawag sa pandiwa

a. Pandiliwa c. pang-uri

b. Pananalita d. berbo o verb

3. Alin ang halimbawa ng pandiwa?

a. maganda c. maalat

b. tumakbo d. tamad

4. Ang pandiwa ay isang uri ng ___ na nagsasaad ng kilos o galaw.

a. pananalita c. tradisyon

b. kaugalian d. panngalan

5. Ano ang isinasaad ng pandiwa?

a. katangian c.tradisyon

b. kilos o galaw d.paghahambing

Page 5: MODYUL SA FILIPINO

Ang pandiwa o berbo ay isang pananalita ng angsasaad ng kilos

o galaw at nagbibigay buhay sa isang lipon ng mga salita. Ito ay

binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Maaaring gumamit ng isa o higit

pang panlapi sa pagbuo ng salitang kilos na ito. Ang panlaping

ginagamit sa mga pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.

May tatlong aspekto ang pandiwa. Ang aspekto ng pandiwa ay

nagpapakita kung kalian nangyari, nangyayari o ipagpapatuloy pa ang

kilos.

1. Perpektibo o pangnagdaan - ito ay nagsasaad ng kilos na

naganap o nangyari na. Tinatawag din itong aspektong naganap.

Halimbawa:

Nagpaalam si Nena sa kaniyang nanay na siya ay aalis.

Nagluto si Mang Kulas ng adobong manok.

Page 6: MODYUL SA FILIPINO

2. Imperpektibo o Pangkasalukuyan - ito ay nagsasaad ng

kilos na kasalukuyang nagngyayari. Tinatawag din itong

aspektong nagaganap.

Halimbawa:

Naglalaba si Aling Bining sa ilog.

Nagwawalis si Nena sa kanilang bakuran.

3. Kontemplatibo o Panghinaharap – ito ay nagpapahayag na

ang kilos ay gagawin pa lamang. Tinatawag din itong aspektong

magaganap.

Halimbawa:

Magbibigay ng pagsusulit an gaming guro bukas ng umaga.

Maglalaro kami ng basketbol sa susunod na Biyernes.

Page 7: MODYUL SA FILIPINO

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Guhitan ang pandiwa

at isulat ang aspekto nito.

1. Nagdidilig ng halaman si Aling Nena.

2. Maghahandog ng tulong ang Red Cross sa mga kababayan nating biktima ng

mga trahedya.

3. Namitas si Carlo ng mangga kahapon.

4. Mamimili kami sa palengke bukas.

5. Naglaro si Arnold ng videogames noong sabado.

6. Nagluluto si Aling Julie ng pininyahang manok.

7. Sila ay pupunta sa Boracay sa bakasyon.

8. Kami ay maghahanda para sa darating na kaarawan ng aking pinsan.

9. Nagtitinda ng halu-halo si Mang Pedring.

10. Nagtungo si Julius sa Maynila upang humanap ng trabaho.

Page 8: MODYUL SA FILIPINO

http://WIKIFILIPINO.COM

http://FILIPINOTAGALOG.BLOG.SPOT.COM

https://prezi.com/orPREZI.COM

http://teksbook.blogspot.com/Gabaysapag-aaral/

Page 9: MODYUL SA FILIPINO
Page 10: MODYUL SA FILIPINO

MGA SAGOT SA PAGSASANAY

1. b

2. d

3. b

4. a

5. b

MGA SAGOT SA IKALAWANG PAGSASANAY

1. Nagdidilig - Imperpektibo o pangkasalukuyan

2. Maghahandog - Kontemplatibo o Panghinaharap

3. Namitas - Perpektibo o pangnagdaan

4. Mamimili - Kontemplatibo o panghinaharap

5. Naglaro - perpektibo o pangnagdaan

6. Nagluluto - Imperpektibo o pangkasalukuyan

7. Pupunta - kontemplatibo o panghinaharap

8. Maghahanda – kontemplatibo o panghinaharap

9. Nagtitinda - imperpektibo o pangkasalukuyan

10. Nagtungo - perpektibo o pangnagdaan