Mga Paraan Ng Pagsugpo Sa Sakit at Peste

26
MGA PARAAN NG PAGSUGPO SA SAKIT AT PESTE NG HALAMAN

description

..

Transcript of Mga Paraan Ng Pagsugpo Sa Sakit at Peste

MGA PARAAN NG PAGSUGPO SA SAKIT AT

PESTE NG HALAMAN

Tulad din ng ibang halaman, ang mga punongkahoy at bungangkahoy ay inaatake rin ng mga pesteng kulisap at sakit. Kung hindi maaagapan, ang mga halamang punla ay tuluyang mamamatay.

A. Tuwirang Pagpuksa (Direct Method)

1.Paggamit ng insecticides o kemikal n pambomba.

2.Pagpapausok (smudging o fumigating)

3.Paglalason (poison killing)

4.Paggamit ng bitag o panghuli (trapping)

5.Gamit ang kamay sa pag-aalis at pagpatay ng mga insekto (handpicking and killing)

6.Paghikayat sa mga ibong kumakain ng kulisap (attracting birds that feed on moths and catterpillar)

B. Di-Tuwirang Pagpuksa (Indirect Method)

1. Pag-iisterelisa ng lupa (soil sterilization)

2. Pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman (crop rotation)

3. Paglilinis ng kapaligiran (clean culture)

4. Pagtatanim ng mga halamang matibay sa sakit (use of resistant varieties)

Mga halimbawa ng sakit at peste ng halaman sa

pabinhian at pagsugpo dito

1. Aphids

• ito ay maliit ang katawan, hugis bilog at iba’t-iba ang kulay.

• Sinisipsip nito ang katas ng halaman na nagiging sanhi ng paghina, pangungulot at napipilipit na dahon.

• Mamamatay sa pamamagitan ng paggamit ng malathion, parathion at endoin na pulbos o pambomba.

2. Uod ng Paruparo

• May iba’t-ibang kulay, laki at hugis.• Kinakain ng mga uod ang

dahon ng halaman.• Sa pagsugpo, gumamit ng

arsenate, anim na kutsarita sa bawat galon ng tubig at ibomba sa halaman.

3. Ngusong Kabayo• Maliliit at mabibilis sumipsip ng

katas ng halaman, mabilis lumukso at lumipad kapag nabulabog, ang kulay ay mapusyaw na luntian o maitim.

• Nagkakaroon ng mantsa ang dahon hanggang sa manilaw at matuyo.

• Masusugpo ito sa pamamagitan ng pagwiwisik ng 5% DDT. Gawing tuloy-tuloy ang pagwiwisik hanggang sa mapuksa.

4. Sowbug• Ito ay tinatawag din na pill bugs, na

may malambot at mabilog na katawan at abuhin ang kulay.

• Ito ay may habang kulang 1.27 sentimetro.

• Pinupuksa nito ang ugat at murang bahagi ng sanga.

• Mapapatay ito sa pamamagitan ng lason tulad ng metaldehyde. Ilalagay ang lason sa bunton na maraming kulisap.

5. Millipedes

• Ito ay lubhang nakapipinsala sa mga murang halamang punla.• Maaari itong mapuksa sa

pagwiwisik ng metaldehyde.

Mga Kapaki-pakinabang na Kulisap

1. Laywan (honeybee)

• Ito ang mga kulisap na sumisipsip ng mga nektar ngmga bulaklak at ginagawang matamis na pulot.• Tumutulong din ito sa

polinasyon ng mga bulaklak.

2. Silkworm

• Dito namumula ang sinulid na seda na hinahabi upang gawing tela.

3. Paru-paro at putakti

• Ang mga ito ang naglilipat ng polen mula sa bulaklak upang maging bunga.

Ang mga pinsalang nagagawa ng mga pesteng

kulisap sa mga halaman

1. Kinakain ang mga dahon na nagiging sanhi ng pagkabutas ng mga ito.

2. Sinisipsip ang mga katas ng halaman na nagiging dahilan ng pagkakulubot ng halaman.

3. Kinakain ang mga bulaklak at nga bunag ng halaman.

4. Nagdadala at naglilipat ng mga mikrobyo sa ibang halaman.

Mga Paraan ng Paggawa ng Pestisidyong Gawa sa Bahay

1. Maanghang na siling pula

• Patuyuin ang sili, dikdikin at pulbusin sa oras na gagamitin.• Ibudbod ito sa mga

pananim.

2. Puno ng Kamatis

• Pakuluan ang puno at dahon ng kamatis, palamigin, ihalo ang isang bahagi nito sa isang bahagi ng tubig.• Gamiting pambomba sa

uod at langgam na itim.

3. Buto ng Atis

• Pulbusin ang buto ng atis at ihalo ang isang bahagi sa3-4 ng bahaging tubig.• Gamiting pambomba

laban sa mga kuto at langgam.

4. Bawang, Sibuyas at Siling pula

• Pakuluan sa tubig ang tinadtad na sibuyas, bawang at siling pula sa loob ng 1-2 minuto.

• Ihalo ang isang bahagi nito sa 3-4 n bahaging tubig at saka idilig o ibomba sa pananim.

5. Sabon at Tubig

• Ihalo ang isang kutsarang sabon na pulbos sa isang tabong tubig. Haluin mabuti at pakuluan. Maaari na itong gamtin pagkatapos palamigin.

6. Abo ng Kahoy at Apog

• Ihalo ang abo sa tubig at ibomba sa pananim.• Ikalat ng bagong abo

(huwag mainit) sa paligid ng tanim. Ihalo sa tubig na may sabon ang magkasindaming abo at pinulbos na apog. Ibomba laban sa cucumber beetles.

7. Tabako

• Ilagay sa isang lalagyan ang sariwa o mga durog na tuyong dahon at tangkay ng tabako. Buhusan ng pinakulong tubig at takpan agad. Pagkaraan ng 3-4 oras, ihalo ang isang bahaging tubig.

• Ibomba ito kung malala ang nagawang pinsala ng mga insekto. Nakamamatay ito sa lahat ng insekto.

8. Neemtree

• Ito ay mula sa India.• Ang dahon at buto ay

matapang na pamuksa ng mga pesteng kulisap. Ito ay napagkukunan ng sangkap ng pataba at panghalo sa gamot.