Mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may ... · Kami ay nakipag-usap din sa ibat ibang...
Transcript of Mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may ... · Kami ay nakipag-usap din sa ibat ibang...
Mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan
Madaling basahing bersyon sa Tagalog
Tagalog | Tagalog
National Standard for disability services EE cover and replacement pages.indd 2 3/10/2015 5:50:47 PM
Paano ang paggamit ng buklet na ito
Easy Read Ang impormasyong ito ay nakasulat sa isang
paraang madaling basahin. Gumagamit kami ng
mga larawan upang ipaliwanag ang ilang mga
ideya.
Ang ilang mga salita ay naka-bold. Ipinapaliwanag
namin kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito.
Ang Madaling Basahing dokumentong ito ay buod ng
isa pang dokumento.
Makikita mo ang ibang dokumento sa aming website sa
www.dss.gov.au
Ikaw ay makakahingi ng tulong sa pagbasa ng dokumentong ito.
Ang isang kaibigan, kapamilya o taong
tagasuporta ay maaaring makatulong sa iyo.
Maaaring hindi mo gustong basahin ang buong dokumento nang agad-agad. Ito ay may 6 na pangunahing bahagi. Maaari mong basahin ito nang paisa-isa.
3
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 3 13/03/14 9:31 AM
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 4 13/03/14 9:31 AM
Ano ang nasa dokumentong ito?
Tungkol sa mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan 5
Ano ang mga Pamantayan? 9
Pamantayan 1: Mga Karapatan 11
Pamantayan 2:
Pagsali at Pagsasama
15
Pamantayan 3:
Mga Resultang Pang-Indibiduwal
18
Pamantayan 4:
Mga Puna at Reklamo
21
Pamantayan 5:
Pagkuha ng Serbisyo
24
Pamantayan 6:
Pamamahala ng Serbisyo
28
Kontakin kami
31
4
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 5 13/03/14 9:31 AM
Tungkol sa mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan
Sa buong Australya, maraming taong may
kapansanan ang gumagamit ng marami o ibang
mga serbisyo.
Ito ay maaaring para sa:
• suporta sa araw-araw na pamumuhay
• paghahanap ng trabaho, o pagtatrabaho
saanman, gaya ng suportadong
pagtatrabaho o iba pang lugar ng trabaho
• pagtatrabaho nang may tagataguyod.
Ang tagataguyod ay isang tao na
makatutulong sa iyo na maunawaan at
magsalita tungkol sa isang problema o iba
pang isyu.
5
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 6 13/03/14 9:31 AM
Nais naming tiyakin na ang mga taong may
kapansanan ay makakukuha ng mabubuting
serbisyo.
Kaya, gumagamit kami ng isang listahan ng mga tuntunin na nagpapaliwanag kung paano ka dapat tratuhin kapag gumagamit ka ng mga serbisyo para sa may kapansanan.
Ang mga tuntuning ito ay tinatawag na mga Pamantayan.
Ang dokumentong ito ay nagpapaliwanag kung ano ang mga Pamantayan, at ang kahulugan ng mga ito para sa iyo.
Kami ay nagsulat kamakailan ng bagong bersyon ng mga Pamantayan. Ang huling bersyon ay isinulat noong 1993.
Lahat ng mga pamahalaan sa Australya ay
nagtulungan sa pagsusulat ng mga bagong
Pamantayang ito.
6
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 7 13/03/14 9:31 AM
Kami ay nakipag-usap din sa ibat ibang tao
upang alamin kung ano sa palagay nila ang
dapat isali sa mga bagong Pamantayan.
Kami ay nakipag-usap sa:
• mga taong may kapansanan,
kanilang mga pamilya at tagapag-
alaga
• mga tagataguyod
• iba pang tao na tumutulong sa
mga taong may kapansanan.
Isinali namin ang marami sa kanilang
mga ideya sa mga bagong Pamantayan.
Ang mga bagong Pamantayan ay batay rin sa ilang
iba pang mahahalagang ideya, gaya ng:
• Ikaw ay dapat pahintulutang sumali sa
lahat ng mga desisyon tungkol sa
iyong buhay.
• Ikaw ay dapat tumanggap ng mga serbisyong may mabuting kalidad.
• Ikaw ay may karapatang tratuhin nang
makatarungan, gaya ng pagtrato sa iba.
7
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 8 13/03/14 9:31 AM
At ang mga ito ay batay sa mga ideya na
nasa 2 importanteng dokumentong ito:
• Ang Kapulungan ng mga Bansang
Nagkakaisa ukol sa mga Karapatan
ng Mga Taong may Kapansanan
Ito ay isang kasunduan kung paano
dapat tratuhin ang mga taong may
kapansanan. Ito ay ginagamit sa ibat
ibang bansa.
• The National Disability Strategy
Ito ay isang dokumento na
nagpapaliwanag kung paanong ang lahat
ng ibat ibang pamahalaan sa Australya ay
nagtutulungan upang suportahan ang
mga taong may kapansanan.
8
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 9 13/03/14 9:31 AM
Ano ang mga Pamantayan?
May 6 na Pamantayan. Ipapaliwanag namin nang kaunti dito, at pagkatapos
ay magbibigay kami ng higit pang detalye sa mga sumusunod na pahina.
Pamantayan 1: Mga Karapatan
Ikaw ay may karapatang tratuhin nang
makatarungan kapag gumagamit ka ng mga
serbisyo para sa may kapansanan.
Pamantayan 2: Pagsali at Pagsasama
Ikaw ay makakasali sa komunidad at
makakaramdam na ikaw ay kasama kapag
gumagamit ka ng mga serbisyo para sa
may kapansanan.
Pamantayan 3: Mga Resultang Pang-Indibiduwal
Ang iyong serbisyo ay sumusuporta sa iyo sa pagpili mo ng mga gusto mong gawin. Ikaw ay makapagsisikap upang makamit ang iyong mga layunin.
Pamantayan 4: Mga Puna at Reklamo
Ikaw ay makakapagsabi sa mga tao ng
iyong palagay tungkol sa mga serbisyong
tinatanggap mo.
9
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 10 13/03/14 9:31 AM
Pamantayan 5: Pagkuha ng Serbisyo
Ang paghanap at paggamit ng mga serbisyo ay
pantay-pantay para sa lahat. Ikaw ay makakukuha
ng mga serbisyong kailangan mo.
Pamantayan 6: Pamamahala ng Serbisyo
Ang mga serbisyo para sa may kapansanan ay dapat pamahalaang mabuti.
10
Mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan
Pamantayan 1: Mga
Karapatan
Ikaw ay may karapatang tratuhin
nang makatarungan kapag
gumagamit ka ng mga serbisyo
para sa may kapansanan.
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 12 13/03/14 9:31 AM
Ano ang aking mga karapatan sa Pamantayan 1: Mga Karapatan?
Kapag gumagamit ka ng isang serbisyo para sa may kapansanan, ikaw ay may karapatan na:
• tumanggap ng mabubuting serbisyo
• gumawa ng mga sariling desisyon at
magkaroon ng kontrol sa iyong
buhay at sa mga suportang
ginagamit mo
• maging ligtas – walang sinuman ang pahihintulutang saktan ka
• magtangka ng mga bagong bagay at magsapalaran paminsan-minsan
12
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 13 13/03/14 9:31 AM
• Sabihin kung ano ang tama para sa iyo
• kumuha ng tulong kung kailangan mo ito
• malaman na ang iyong impormasyon ay pinananatiling pribado
Ano ang dapat gawin ng aking serbisyo?
Ang iyong serbisyo ay dapat na:
• tratuhin kang mabuti at panatilihin kang ligtas
• hayaan kang makapili
• isama ang iyong pamilya at mga tagapag-
alaga kung nais mo silang maisama
13
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 14 13/03/14 9:31 AM
• magbigay ng impormasyon sa
paraang tama para sa iyo
• igalang ang iyong pagiging pribado
• hayaan kang magsalita
• mag-alok sa iyo ng suporta upang ikaw ay makapagsabi kung kailangan mo ito. Ang suportang ito ay maaaring magmula sa isang tao, gaya ng isang abogado o tagataguyod.
14
Mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan
Pamantayan 2:
Pagsali at Pagsasama
Ikaw ay makakasali sa komunidad at
makararamdam na ikaw ay kasama kapag
gumagamit ka ng mga serbisyo para sa
may kapansanan.
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 16 13/03/14 9:32 AM
Ano ang aking mga karapatan sa Pamantayan 2:
Pagsali at Pagsasama?
Ikaw ay may karapatang makibahagi sa iyong komunidad.
Ikaw ay makakapagdesisyon kung kailan at paano mo ito gagawin.
At ikaw ay makakapagdesisyon kung kailan
at paano ka makikipag-ugnayan sa iyong
pamilya at mga kaibigan.
Ano ang dapat gawin ng aking serbisyo?
Ang iyong serbisyo ay dapat:
• sumuporta sa iyo na makibahagi sa komunidad
• kilalanin ka at ang mga bagay na gusto mong gawin
16
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 17 13/03/14 9:32 AM
• tumulong sa iyo – at sa iyong
pamilya at mga kaibigan kung nais
mong gawin nila ito
• makipagtulungan sa ibang
organisasyon sa komunidad kung
iyon ang kailangan mo
• unawain at igalang ang iyong
pinagmulang kultura.
17
Mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan
Pamantayan 3:
Mga Resultang Pang-Indibiduwal
Ang iyong serbisyo ay sumusuporta sa iyo sa pagpili mo ng mga gusto mong gawin. Ikaw ay makapagsisikap upang makamit ang iyong mga layunin.
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 19 13/03/14 9:32 AM
Ano ang aking mga karapatan sa Pamantayan 3: Mga Resultang Pang-Indibiduwal?
Ikaw ay may karapatang makapili kung ano ang
gusto mong gawin.
Ang mga serbisyong ginagamit mo ay dapat
na hayaan kang makagawa ng sariling
desisyon tungkol sa:
• kung ano ang gusto
mong gawin
• kung paano mo maaabot ang iyong mga layunin.
Ano ang dapat gawin ng aking serbisyo?
Ang iyong serbisyo ay dapat:
• hayaan kang makapili
• tulungan kang magkaroon ng layunin at
suportahan kang maabot ang mga ito
• pansinin ang mga bagay na magaling
mong nagagawa
19
• hayaan kang humanap ng suporta mula sa ibang tao – gaya ng sa iyong pamilya, mga kaibigan, o isang tagataguyod – kung gusto mo
• makipagtulungan sa ibang mga
serbisyo kung iyon ang kinakailangan
upang maabot ang iyong mga layunin
• igalang ang lahat ng tungkol sa iyo kapag
ikaw ay pumipili o nagdedesisyon, kabilang
ang:
• iyong edad
• kung ikaw man ay lalaki o babae
• ang iyong pinagmulang kultura,
relihiyon o paniniwala
• ang iyong sekswalidad
• kung ikaw man ay may asawa o wala
20
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 20 13/03/14 9:32 AM
Mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan
Pamantayan 4:
Mga Puna at Reklamo
Ikaw ay makapagsasabi sa mga tao ng iyong
palagay tungkol sa mga serbisyong
tinatanggap mo.
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 22 13/03/14 9:32 AM
Ano ang aking mga karapatan sa Pamantayan 4:
Mga Puna at Reklamo?
Ikaw ay may karapatang magsabi sa mga tao ng
iyong palagay tungkol sa mga serbisyong
tinatanggap mo.
Ang iyong puna ay maaaring mabuti o masama.
Ikaw ay makapagsasabi sa isang tao kung
mayroong problema.
At ikaw ay makakukuha ng suporta upang gawin ito.
Ikaw ay may karapatang humingi ng payo mula sa
isang tao, gaya ng isang taong tagasuporta,
abogado o isang tagataguyod.
Ang iyong problema ay dapat mapaayos.
Hindi dapat pasamain ang damdamin mo dahil sinabi
mong may hindi tama sa serbisyong iyong ginagamit
22
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 23 13/03/14 9:32 AM
Ano ang dapat gawin ng aking serbisyo?
Ang iyong serbisyo ay dapat:
• mag-alok ng ibat ibang paraan upang makapagpahayag ang mga tao
• makinig sa mga bagay na sinasabi ng mga tao sa kanila
• maging handang baguhin kung paano sila
nagtatrabaho kung mayroong problema
• makipagtulungan sa iyong pamilya,
tagapag-alaga, taong tagasuporta o
tagataguyod kung iyon ang tama para sa
iyo
• laging magtrabaho nang mabuti upang
matiyak na ang kanilang mga serbisyo ay
magaling.
23
Mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan
Pamantayan 5:
Pagkuha ng Serbisyo
Ang paghanap at paggamit ng mga
serbisyo ay pantay-pantay para sa lahat.
Ikaw ay makakukuha ng mga serbisyong
kailangan mo.
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 25 13/03/14 9:32 AM
Ano ang aking mga karapatan sa Pamantayan 5: Pagkuha ng Serbisyo?
Ikaw ay may karapatang humanap at
gumamit ng mga serbisyo para sa may
kapansanan.
Lahat ay dapat pahintulutang magtanong kung
sila ay makakagamit ng isang serbisyo.
Kung ikaw ay hindi makakagamit ng isang
serbisyo, ang mga dahilan kung bakit ay dapat
ipaliwanag nang malinaw sa iyo.
At dapat kang iugnay ng serbisyo sa ibang
organisasyon na maaaring makatulong sa iyo. Ito
ay tinatawag na pagsangguni.
25
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 26 13/03/14 9:32 AM
Ano ang dapat gawin ng aking serbisyo?
Ang iyong serbisyo ay dapat:
• mayroong magandang paraan ng pagtulong
sa mga tao na nagtatanong
• magtanong sa mga tao kung ano ang
kanilang palagay tungkol sa serbisyo at
gumawa ng mga pagpapabuti batay sa mga
ideyang ito
• magbigay ng impormasyon sa ibat ibang
paraan – ito ay babagay sa ibat ibang
pangangailangan sa
pakikipagkomunikasyon
• ipaliwanag kung sino ang makakagamit ng
serbisyo, kung paano sasali at kung paano
kakalas
• ipaliwanag kung kailangan mong maghintay
bago ka makagamit ng serbisyo
26
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 27 13/03/14 9:32 AM
• mag-alok ng ibang mga opsyon
kung hindi mo magagamit ang
kanilang serbisyo – Maaaring
kabilang dito ang pagsangguni sa
ibang serbisyo
• kung hindi mo magagamit ang
kanilang serbisyo, dapat nilang
ipaliwanag kung bakit.
27
Mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan
Pamantayan 6:
Pamamahala ng Serbisyo
Ang mga serbisyo para sa may
kapansanan ay dapat pamahalaang
mabuti.
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 29 13/03/14 9:32 AM
Ano ang aking mga karapatan sa Pamantayan 6: Pamamahala ng Serbisyo?
Ikaw ay may karapatang gumamit ng isang
serbisyo na pinamamahalaang mabuti.
Ang mabuting pamamahala ay kinabibilangan ng mga bagay tulad ng:
• pagkakaroon ng mahuhusay na mga kawani
• pagtiyak na walang mga problema, o
pag-aayos ng mga problema kung
mangyayari ang mga ito
• pagkakaroon ng mga magagaling
na proseso at pamamaraan ng
pagtatrabaho
• pakikipagkomunikasyon nang mabuti.
29
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 30 13/03/14 9:32 AM
Ano ang dapat gawin ng aking serbisyo?
Ang iyong serbisyo ay dapat:
• magkaroon ng mga kawani na sinanay
nang mabuti at magagaling sa kanilang
mga trabaho
• sumunod sa lahat ng batas na nauukol
• magkaroon ng mga mabubuting proseso
sa pamamahala ng mga pananalapi,
kawani at kaligtasan
• matuto mula sa mga puna na kanilang
natanggap at gumawa ng mga
pagpapabuti
• magtanong sa ibang tao, kabilang ang mga
taong may kapansanan, mga pamilya at
tagapag-alaga, mga tagataguyod at iba pa,
kung ang serbisyo ay gumaganang mabuti.
30
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 31 13/03/14 9:32 AM
Kontakin kami
1300 653 227
PO Box 7576
Canberra Business Centre ACT 2610
www.dss.gov.au
Easy Read
Ang Madaling Basahing dokumento sa Tagalog ay nilikha ng Information
Access Group gamit ang PhotoSymbols, mga litratong nakalaan at mga larawang sadyang-ginawa. Ang mga larawan ay hindi maaaring gamiting muli nang walang pahintulot. Para sa anumang tanong tungkol sa mga larawan, mangyaring bisitahin ang www.informationaccessgroup.com o tumelepono sa (03) 9585 2299.
31