Mga Lider Atimonanin umapela sa ERC at Kongreso ito ng patuloy na suporta ng A1E sa mga relocated...

8
Mga Lider Atimonanin umapela sa ERC at Kongreso: naming mga residente,” saad ni Mayor Mendoza. “Kung hindi ito maaprubahan, kaming mga mamamayan na umaasa sa mga benepisyo ng proyekto ay maaapektuhan rin.” Sa harap ng pinagsanib na pag- dinig ng mga Komite sa Enerhi- ya at Mabuting Pamamahala at Kapanagutan, kung saan lahat ng Komisyoner ng ERC ay dumalo, sinabi ni Mayor Men- doza na matagal nang handa ang Atimonan para sa proyekto. “Biniro ko nga ho ang ating mga Commissioners kanina na matagal na, 6 na taon nang engaged ang A1E at Atimo- nan’, kaya kami ay handang handa nang magpakasal,” pahayag pa ni Mayor. “Matagal na kaming naghihintay at alam namin na maraming pasensya at mahabang oras ang kailangan upang magtayo ng isang ganito kalaking proyekto. Patu- loy naming hinihikayat ang Atimonan One Energy at Meralco na simulan na ang proyekto dahil nag-aantay na kami na maramdaman ang mga benepisyo nito,” dagdag pa ng Mayor. Ayon sa kanya, masigasig ang pagpunta at pakikipag- tulungan ng Atimonan One Energy sa mga komunidad mula nang makapag-desisyon ang kumpanya na magtayo ng proyekto sa kanilang bayan. Sa tulong ng malaking proyektong ito, ang Atimonan ay magiging isang progresibong bayan katulad ng mga bayan ng Mauban at Pagbilao sa Quezon kung saan mayroon nang tumatakbong planta ng kuryente. Sundan sa pahina 3 Sama-samang nagpunta sa Mababang Kapulungan ng Kongreso noong ika-4 ng Hulyo, 2017 ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Atimonan kasama ang mga kinatawan ng iba’t-ibang grupo ng NGOs, POs at mga residente upang magpahayag ng suporta at mag-udyok na aprubahan na ang Power Supply Agreement (PSA) ng Atimonan One Energy, Inc. Ang PSA ay para sa planong 1,200 MW na coal plant ng kumpanya. Ang proyektong ito ay itatayo sa Barangay Villa Ibaba sa bayan ng Atimonan sa Quezon. Ang grupo ay pinangunahan ni Atimonan Mayor Rusti- co Joven Mendoza. Sila ay naniniwala na ang naturang proyekto ay makakatulong sa mabilis pag-unlad ng Ati- monan at pagtaas ng kalidad ng buhay ng mga Ati- monanin. “Kami ay nagpunta dito upang hikayatin ang mga mam- babatas pati na rin ang Energy Regulatory Commission (ERC) na huwag nang patagalin ang pag-apruba sa PSA ng Atimonan One Energy dahil ito naman ay suportado Ipinarang ng mga miyembro ng NGO’s at mga local na opisyal ng Amonan sa pangunguna ni Mayor Ticoy Mendoza ang panawagan na ipasa na ang PSA ng Amonan One Energy sa Kongreso

Transcript of Mga Lider Atimonanin umapela sa ERC at Kongreso ito ng patuloy na suporta ng A1E sa mga relocated...

Page 1: Mga Lider Atimonanin umapela sa ERC at Kongreso ito ng patuloy na suporta ng A1E sa mga relocated residents.June 14, 2017 Mga Gawain ng A1E sa New Carinay Relocation Site March 8,

Mga Lider Atimonanin umapela sa

ERC at Kongreso:

naming mga residente,” saad ni

Mayor Mendoza.

“Kung hindi ito maaprubahan,

kaming mga mamamayan na

umaasa sa mga benepisyo ng

proyekto ay maaapektuhan rin.”

Sa harap ng pinagsanib na pag-

dinig ng mga Komite sa Enerhi-

ya at Mabuting Pamamahala at

Kapanagutan, kung saan lahat

ng Komisyoner ng ERC ay

dumalo, sinabi ni Mayor Men-

doza na matagal nang handa ang

Atimonan para sa proyekto.

“Biniro ko nga ho ang ating mga Commissioners kanina

na matagal na, 6 na taon nang engaged ang A1E at Atimo-

nan’, kaya kami ay handang handa nang magpakasal,”

pahayag pa ni Mayor.

“Matagal na kaming naghihintay at alam namin na

maraming pasensya at mahabang oras ang kailangan

upang magtayo ng isang ganito kalaking proyekto. Patu-

loy naming hinihikayat ang Atimonan One Energy at

Meralco na simulan na ang proyekto dahil nag-aantay na

kami na maramdaman ang mga benepisyo nito,” dagdag

pa ng Mayor.

Ayon sa kanya, masigasig ang pagpunta at pakikipag-

tulungan ng Atimonan One Energy sa mga komunidad

mula nang makapag-desisyon ang kumpanya na magtayo

ng proyekto sa kanilang bayan.

Sa tulong ng malaking proyektong ito, ang Atimonan ay

magiging isang progresibong bayan katulad ng mga bayan

ng Mauban at Pagbilao sa Quezon kung saan mayroon

nang tumatakbong planta ng kuryente. Sundan sa pahina 3

Sama-samang nagpunta sa Mababang Kapulungan ng

Kongreso noong ika-4 ng Hulyo, 2017 ang ilang opisyal

ng lokal na pamahalaan ng Atimonan kasama ang mga

kinatawan ng iba’t-ibang grupo ng NGOs, POs at mga

residente upang magpahayag ng suporta at mag-udyok

na aprubahan na ang Power Supply Agreement (PSA)

ng Atimonan One Energy, Inc.

Ang PSA ay para sa planong 1,200 MW na coal plant ng

kumpanya. Ang proyektong ito ay itatayo sa Barangay

Villa Ibaba sa bayan ng Atimonan sa Quezon.

Ang grupo ay pinangunahan ni Atimonan Mayor Rusti-

co Joven Mendoza. Sila ay naniniwala na ang naturang

proyekto ay makakatulong sa mabilis pag-unlad ng Ati-

monan at pagtaas ng kalidad ng buhay ng mga Ati-

monanin.

“Kami ay nagpunta dito upang hikayatin ang mga mam-

babatas pati na rin ang Energy Regulatory Commission

(ERC) na huwag nang patagalin ang pag-apruba sa PSA

ng Atimonan One Energy dahil ito naman ay suportado

Ipinarating ng mga miyembro ng NGO’s at mga local na opisyal ng Atimonan sa pangunguna ni Mayor

Ticoy Mendoza ang panawagan na ipasa na ang PSA ng Atimonan One Energy sa Kongreso

Page 2: Mga Lider Atimonanin umapela sa ERC at Kongreso ito ng patuloy na suporta ng A1E sa mga relocated residents.June 14, 2017 Mga Gawain ng A1E sa New Carinay Relocation Site March 8,

2

Pagsasanay para sa mga taga Sitio Carinay. Kaala-

man ang ibinahagi ng mga tauhan ng Philippine Business for Social

Progress (PBSP) na na sina G. Bong Baylon at Bb. Alecks Secretario

sa isang pagsasanay sa Values Formation at Financial Management

para sa mga miyembro New Carinay Home Owners Association

noong Hunyo 16, 2017 sa bagong Multi-Purpose Hall, Purok Balite,

Brgy. Villa Ibaba Atimonan Quezon.

Bahagi ito ng patuloy na suporta ng A1E sa mga relocated residents.

Mga Gawain ng A1E sa New Carinay Relocation Site

March 8, 2017 - Relocation Turn-over May 27, 2017 - Bumisita ang Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) sa relocation site upang suriin kung saan naayon ang pagtatanim ng kawayan (proyektong pang-kabuhayan) June 14, 2017 - Nagsagawa ng inspeksyon ang mga representative ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB). Ang inspeksyon ay kinakailangan upang maipa-rehistro ang samahan ng mga taga-relokasyon. June 16, 2017 - Sinimulan ang pagsasanay para sa mga residente ng New Carinay Relocation. Ang pagsasanay ay may temang, “Values Formation and Financial Management” mula sa PBSP. July 19 – 22, 2017- Gagawin ang profiling at resource mapping ng PBSP July 25 – 26, 2017- Sisimulan ang “Bamboo Propagation Training” sa New Carinay Relocation

Nagsagawa ng Information, Education & Communication (IEC) ang Community Environment and Natural Resources

Office (CENRO) ng DENR ukol sa Atimonan One Energy power plant project.

Sinimulan ito noong Mayo 20 at 21 taong 2017 sa mga

barangay ng Villa Ibaba, Villa Ilaya, Caridad Ilaya at

Caridad Ibaba.

Ang IEC ay pinapamahalaan ng Dalaw - Turo Team

na binubuo ng 12 miyembro na pinapangunahan ni

Gng. Miliarete Panaligan mula sa CENRO-Real.

Layunin ng Dalaw-Turo na marinig ang lahat ng isyu

ukol sa planta at binibigyan din ng pagkakataon ang

kinatawan ng itatayong planta na makapagpaliwanag.

Nitong nakaraang Hunyo 22, 2017 ay muling nagdaos ng

IEC sa mga paaralan ng Our Lady of the Angels Academy

(OLAA) at Leon Guinto Memorial College (LGMC). Hunyo

23 naman ng ito ay dumalaw sa mga barangay ng Sokol at

Baluguhin.

May mga kasunod pang ganitong gawain ang Dalaw Turo sa

iba pang barangay at paaralan upang patuloy na marinig ang

mga agam-agam ng mga mamamayan at nabibigyan ng

pagkakataon ang planta na linawin ang mga usapin ukol sa

proyekto.

Dalaw Turo para sa mga Atimonanin

Matamang na nakikinig ang mga mag-aaral ng OLAA sa Dalaw Turo Team ng DENR

Kaakibat ng pag-unlad, dapat ding pangalagaan ang kalikasan

ayun sa Dalaw Turo Team ng DENR

Palawigin ang kaalaman sa pananalapi upang maging maunlad

ang isang samahan isa ito sa mga aral na ibinigay ng PBSP

Page 3: Mga Lider Atimonanin umapela sa ERC at Kongreso ito ng patuloy na suporta ng A1E sa mga relocated residents.June 14, 2017 Mga Gawain ng A1E sa New Carinay Relocation Site March 8,

Mga Lider Atimonanin… Mula sa pahina 1

“Ang mga aktibidad na ginagawa sa lugar na pagtatayuan ng planta ay nagsisimbolo ng paninidigan ng Atimonan One

Energy na itayo ang planta,” sabi pa ni Mayor Mendoza.

Dagdag pa niya, ikinunsidera na ng

bayan ng Atimonan ang kita mula sa

taxes na ire-remit ng planta at ito ay

nakapaloob na sa kanilang Local Com-

prehensive Development Plan.

Paliwanag niya, inaantay na lamang ng

Atimonan One Energy na maapru-

bahan ang PSA na mahigit isang taon

na mula nang maisumite sa ERC.

“Napakahalaga ng PSA para umusad ang proyektong ito. Dumalo pa ang ilang residente ng Atimonan sa mga public

hearing na ginawa ng ERC para magpahayag ng suporta sa proyektong ito,” sabi ni Mayor Mendoza.

“Nakikiusap kami sa ERC na aprubahan na ang proyektong ito. Bilang napakahalagang stakeholder sa proyektong ito.

Bago pa man ang pulong sa Kongreso, nauna ng pumunta sa harap ng opisina ng Energy Regulatory Commission

(ERC) ng umaga ng Hulyo 4, 2017 ang ilang kinatawan ng non-government organizations (NGOs) at mga residente ng

Atimonan upang magpahayag ng suporta para sa planong power plant ng Atimonan One Energy.

Kabilang sa mga grupo na nakiisa sa

layuning ito ang Samahan ng Maliliit na

Mangingisda ng Balubad, Lubi, Talaba at

Kilait (SMM BALTAK), Barangay Tanod

Federation, OFW Federation, Carinay

Homeowners Association, Kalipunan ng

Liping Pilipina (KALIPI), Livelihood

Program of Atimonan Tricycle Associa-

tion, Inc. at Farmers Federation.

Ayon kay Greg T. de Gracia, Chairman ng SMM BALTAK at tagapagsalita ng grupo, nais nilang magsimula na ang

proyekto sa lalong madaling panahon.

Ang proyektong ito ay ang planong 1,200 MW na coal

plant na itatayo ng Atimonan One Energy sa Barangay

Villa Ibaba sa bayan ng Atimonan sa Quezon.

“Nais naming magsimula na ito sa lalong madaling

panahon. Malakas ang suporta naming mga residente sa

proyektong ito,” dagdag pa niya.

Batid ng mga Atimonanin na maraming benepisyong mai-

dudulot ang proyektong ito para sa bayan ng Atimonan.

“Sana ay huwag pigilan ang pag-unlad ng aming bayan para

sa interes ng iilan,” saad pa ni G. de Gracia.

“Sana rin ay pakinggan naman ng mga nasa posisyon ang tinig naming mga Atimonanin at itulak ang pagtatayo ng

power plant sa lalong madaling panahon.”

3

Sama samang nanawagan ang grupo ng NGO’s galing Atimonan sa harap ng opisina ng ERC

Nagpahayag ng suporta sa planong power plant ang mga Atimonanin sa pangunguna ni Greg

de Gracia na kinatawan ng isang NGO

Pinangunahan nina Hon. Johnny Pimentel, Chairman ng Committee on

Good Governance and Public Accountability; Hon. Carlos Roman Uy-

baretta, Vice Chairman ng Committee on Energy; Minority Floor Leader

Danilo Suarez; at Hon. Carlos Isagani Zarate ang pagdinig noong Hulyo 4.

Page 4: Mga Lider Atimonanin umapela sa ERC at Kongreso ito ng patuloy na suporta ng A1E sa mga relocated residents.June 14, 2017 Mga Gawain ng A1E sa New Carinay Relocation Site March 8,

Magandang stage ang kagustuhan ng Caridad Ibaba Ele-

mentary School Principal na si Mrs. Benilda Mapaye

upang mas maging kaaya-aya ang kanilang mga aktibidad

na gagawin. Mga materyales ang ibinigay na tulong ng

A1E upang ito ay maisakatuparan.

Pagkain ng 150 katao ang hiniling ni Punong Barangay

Maximina Macatangay upang ipagdiwang ang Victory

Ball ng Palaro ng Volleyball sa Kanlurang Malicboy

noong ika-12 ng Hunyo 2017

Mga Proyekto at Donasyon para sa Atimonan

Pananggalang sa ulan at init ng araw ang hiniling ng mga taga Maligaya Elementary School sa pangunguna ni Principal

Marilyn Firme na humiling sila ng mga kahoy para sa kanilang proyekto na covered pathway.

4

Maagang edukasyong para sa mga bata ang handog ng

A1E sa mga taga Brgy. Magsaysay sa pamamagitan ng

isang Day Care Center.

Mga kapote at flashlight para sa mga tanod ang ibinigay

ng A1E para sa kahandaan laban sa sakuna ng mga taga

Barangay Villa Ilaya.

Page 5: Mga Lider Atimonanin umapela sa ERC at Kongreso ito ng patuloy na suporta ng A1E sa mga relocated residents.June 14, 2017 Mga Gawain ng A1E sa New Carinay Relocation Site March 8,

5

Walo pang karagdagang barangay sa Atimo-

nan ang tumanggap ng donasyong tent ni-

tong buwan ng Hunyo 2017.

Ito ay ang mga sumusunod na Barangay:

Montes Balaon, Montes Kallagan, San An-

dres Bundok, Manggalayan Bundok, Sokol,

Rizal, Lubi, at San Andres Labak.

Ito ay pangatlong bahagi na ng proyekto na

nag-umpisa pa noong taong 2015 kung saan

12 barangay ang nakatanggap ng tent.

Noong 2016, 15 barangay naman ang nabi-

gyan. Dahil dito, tanging 7 na lamang sa 42

barangay ang hindi pa nakatatanggap ng ganitong donasyon na madalas gamitin sa mga gawaing pang-komunidad tulad

ng pista, mahalagang okasyon, burol, atbp.

Maaari ding kumita ang mga local na pamahalaang barangay sa pamamagitan ng pagpapa-renta o paupa sa paggamit ng

mga tent na ito.

Ang mga tent ay maipagmamalaki ding sariling gawa ng mga Atimonanin dahil mga local na manufacturers ang kinontra-

ta sa fabrication nito. Ito ay bilang pagpapatunay na sinusuportahan ng kumpanya ang mga lokal na manggawa at

katulong din sa pagpapalakas sa industriya ng bayan.

8 barangay tumanggap ng tent, umabot na sa

35 barangay ang nabigyan

Bilang dagdag kasiyahan sa taunang Atimonan Summer Basketball League na may temang “Liga ng Pagbabago,” bumisi-

ta ang 3 manlalaro sa Phil. Basketball Association (PBA) ng Meralco Bolts sa pag-uumpisa ng liga noong Abril 17, 2017.

Ang mga manlalarong sina Chris Newsome, Jared Dillinger at Amer Baser ay dumalo upang magbigay ng ilang tips at

magpakita ng ilang teknik sa paglalaro ng basketball. Sila rin ang nanguna sa seremonya ng paghahagis ng bola o cere-

monial jump. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Vice-Mayor Nida Veranga ang Atimonan One Energy sa pagda-

dala sa mga manlalaro ng Meralco Bolts na upang makadaupang palad ng mga manlalarong Atimonanin. Lubha na-

mang nasiyahan ang bawat koponan sa kanilang pagkakataong makapagpakuha ng larawan kasama ang mga manlalaro

ng Meralco Bolts.

Meralco Bolts, nakiisa sa Atimonan Basketball League

Pinangunahan nina Chris Newsome, Jared Dillinger at Amer Baser ng Meralco Bolts ang seremonya ng paghagis ng bola.

Tinanggap nina Brgy. Kap. Epefanio Anotche ng Manggalayan Bundok at Brgy. Kap. Jose

Estrada ng San Andres Bundok ang bagong tent na handog ng Atimonan One Energy

Page 6: Mga Lider Atimonanin umapela sa ERC at Kongreso ito ng patuloy na suporta ng A1E sa mga relocated residents.June 14, 2017 Mga Gawain ng A1E sa New Carinay Relocation Site March 8,

6

Sa ikatlong taon ng pagtupad sa pangakong tutulong sa pagsasaayos ng kapaligiran, muling pinangunahan ng Atimonan

One Energy ang isang paglilinis sa dalampasigan o coastal clean-up sa nasasakupan ng Brgy. Zone I, Brgy. Zone IV at

Brgy. Angeles.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng World Oceans Day noong ika-9 ng Hunyo 2017. Naging kaagapay sa proyekto ang tang-

gapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Atimonan sa pamumuno ni Gng. Maria

Rita Chavez.

Naglaan din ng oras upang maging bahagi ng pagli-

linis ng dalampasigan ang mga empleyado ng

kumpanya, mga benepisyaryo ng 4P’s at mga

miyembro ng Sanguniang Barangay ng Zone 1,

Zone 4 at Angeles.

Tinatayang mahigit kalahating tonelada o 568 kilo

ang nakolektang basura mula sa dalampasigan ng

mga nasabing barangay at ito ay dinala sa sanitary

landfill ng bayan.

World Oceans

Day, ginunita sa

pamamagitan ng

paglilinis ng

Malawakang

Pagtatanim. Isang

programang pangkabuhayan

at pangkalikasan ang hiniling

ng mga taga Caridad Ilaya sa

pamamagitan ng kanilang

Kooperatiba o CIMPCI

(Caridad Ilaya Multi-Purpose

Cooperative Inc.). Parte ng

kasunduan ng Kooperatiba

(CIMPCI), LGU-Atimonan

at Atimonan One Energy ang programang ito kung saan nagtanim ng 10,300

na Guyabano Seedlings sa kani-kanilang sakahan at 6,000 Narra seedlings sa

tabing-ilog ng Caridad Ilaya. Noong Hunyo 19, 2017, personal na inin-

speksyun ng mga tauhan CENRO Calauag na sina Alvin Lanip, Augusto

Masaoay at Elloida Escalandia) ang mga itinanim na 6,000 narra seedlings.

Abalang naglilinis sa dalampasigan ng Brgy. Zone 1 Poblacion ng Atimonan ang mga

kawani ng Atimonan One Energy at mga taga Barangay

Kaisa sa pangangalaga ng Kalikasan sa Atimonan ang Atimonan One Energy

Kaisa sa pagbibigay ng hanapbuhay at pangan-

galaga sa kalikasan ang Atimonan One Energy

Paglilinis sa tabing ilong ng Caridad Ilaya kung saan

itinanim ang 6,000 narra seedlings

Page 7: Mga Lider Atimonanin umapela sa ERC at Kongreso ito ng patuloy na suporta ng A1E sa mga relocated residents.June 14, 2017 Mga Gawain ng A1E sa New Carinay Relocation Site March 8,

A1E Medical Mission, muling ginanap

Matagumpay na naidaos ang Medical, Dental at Eye Care Mission

ng Atimonan One Energy sa Caridad Ilaya Elementary School

noong nakaraang Hunyo 26, 2017.

Ang medical, dental at eye care mission ay nakapagbigay ng 126

libreng salamin sa mata, 65 na libreng bunot ng ngipin at 60

libreng serbisyong medikal. Umabot sa 251 ang pasyenteng

dumalo sa araw na iyon mula sa mga Brgy. Caridad Ibaba, Cari-

dad Ilaya, Villa Ibaba at Villa Ilaya.

Bukod sa libreng serbisyong medikal nagturo din ang ilang kina-

tawan mula sa Department of Health ukol sa rabies, dengue,

pregnancy danger signs and post-partum, vaccines and their im-

portance, newborn screening and its importance, healthy lifestyle

at reproductive health and tuberculosis.

Naging bahagi ng libreng serbisyong medikal ng Atimonan One

Energy ang mga grupo buhat sa Rotary Club – Atimonan, Rotary

– Lakambini, Armed Forces of the Philippines – Reservists

Command, Rural Health Unit – Atimonan, Barangay Health

Workers mula sa Caridad Ilaya, Caridad Ibaba, Villa Ibaba at

Villa Ilaya at Sangguniang Barangay ng Caridad Ilaya.

Ito ay dalawang beses na ginagawa ng Atimonan One Ener-

gy taon-taon upang maipakita ng kumpanya at ng mga

empleyado nito ang pagnanais na makatulong sa mga mama-

mayan ng bayan ng Atimonan.

Kabilang sa mga volunteer doctors ang dalawang reservists

na sina Lt. Col. Elchor Caralian at Major Hernando

Marquez; Dentists Cherry Tan, Victoria Alma Conti, at Jo-

anne Cabalu, at medical doctors Noel Mayo, Richard Argulla

at Cherry Lyl Argulla kasama rin si Maj. Jose Asensi(res).

Naging bahagi naman ng community service ng Rotary Club

of Atimonan—Lakambini ang kanilang paglahok sa nasa-

bing gawain.

7

Operation Tuli. May 270 kabataan na may walong na taong

gulang pataas ang sumailalim sa pagtutuli o circumcision

kamakailan sa bayan ng Atimonan, Quezon. Ang nasabing libreng

tuli ay inisyatibo ng Leon Guinto Memorial College Alumni na si-

yang ginaganap kada taon bilang bahagi na rin ng kanilang home-

coming activities. Sinuportahan ito ng Atimonan One Energy sa

pamamagitan ng CSR Team, kasama ang Municipal Health Office

ng Atimonan at Office of the Vice Mayor of Marikina City Medical

Team. Ang partisipasyon ng A1E ay pang-apat na sa magkakasunod

na isinagawang Oplan Tuli at medical missions ngayong taon.

Maingat na binubunot ni Dra. Victoria Alma Conti ang ngipin ng

isang kabataang taga Caridad Ilaya.

Bukod sa libreng konsultang medikal, nagbahagi rin ang Atimonan One

Energy ng mga libreng gamot para sa mga residente

Matapang na hinarap ng mga kabataang ito ang operasyon

para maging ganap ng binata

Page 8: Mga Lider Atimonanin umapela sa ERC at Kongreso ito ng patuloy na suporta ng A1E sa mga relocated residents.June 14, 2017 Mga Gawain ng A1E sa New Carinay Relocation Site March 8,

“Noon, habang tinitingnan namin ni Yorme (ex-Mayor

Jose Mendoza) ang malaking bato (na nakaharang sa

pinagpaplanuhang kalsada), parang imposible.”

Si Mayor Engr. Rustico Joven “Ticoy” U. Mendoza

mismo ang nagsabi na noon ay halos imposible na ma-

dugtungan ang kalsada mula Brgy. Caridad Ilaya patun-

gong Brgy. Villa Ibaba, dahil sa laki ng gagastusin at

hirap ng pagpapagawa nito. Ito ay matapos niyang

magsagawa ng isang pag-iinspeksyon sa lugar ilang bu-

wan na ang nakakaraan, kasama sina Vice Mayor Nida

Veranga at mga kagawad ng Sangguniang Bayan.

“Pero ngayon, ang imposible ay posible na! At nakikita

na natin na unti-unting natutupad ang pangarap natin

na magkaroon dyan ng kalsada,” dagdag pa ng Mayor.

Maging ang malaking bato na dating nakaharang sa

baybayin na dinaanan ng kalsada na naging simbolo ng

isang tila imposibleng pangarap ay natibag na, hudyat

ng panibagong simbolo na wala ng hadlang ang kaun-

laran. Wala na ang dating hadlang sa mga mag-aaral na

napilitang huminto sa pag-aaral dahil sa layo at hirap

ng byahe; wala na rin ang hadlang upang madaliang

maibyahe ang mga buntis na manganganak; o mga

pasyenteng kailangang isugod sa ospital. Gayundin ang

mga maliliit na negosyanteng nagbibiyahe ng kalakal o

produkto sa kabayanan.

Dahil dito, malapit nang makaiwas sa peligrosong pag-

tawid ng dagat o maglakad sa gilid ng bundok ang mga

residente ng mga Barangay ng Caridad Ilaya at Villa

Ibaba, kasama na ang Brgy. Villa Ilaya.

Sinimulang gawin ang kalsada noong Nobyembre 2016

at inaasahan itong matatapos bago matapos ang taong

ito.

May habang 1.6 kilometro at tinatayang aabot ng halos P

200 milyon ang kabuuang halaga ng proyekto na itinataguy-

od ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno

ni Gobernador David “Jayjay” Suarez at suportado ng lo-

kal na Pamahalaan ng Atimonan sa pamumuno ni Mayor

Mendoza at ng kumpanya ng Atimonan One Energy, Inc.

Bagong

kalsada,

inaasahang

matatapos

Kasalukuyang ginagawa ang kalsadang ito upang matapos na ngayung taon

Puspusan ang paggawa sa kalsada upang kaagad matapos.

8

Lupon ng mga Patnugot

Grupong Editoryal

Address: 2/F Parco Building, Jose Rizal cor. Quezon St.

Brgy. Zone 1 Atimonan, Quezon 4331

Tel.No.: +63 42 717 4975