Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan
-
Upload
liezel-paras -
Category
Education
-
view
2.852 -
download
35
Transcript of Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan
![Page 1: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/1.jpg)
Mga Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos ng Katawan
![Page 2: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/2.jpg)
Kagamitan sa Paglilinis ng Buhok
Suklay o hairbrush
- Inaalis ang gusot ng buhok.
- Nagpapakintab at
nagpapadulas ng buhok.
![Page 3: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/3.jpg)
Kagamitan sa Paglilinis ng Buhok
Shampoo
- Maaalis ang mga nakakapit
na dumi/alikabok.
- Pinababango, pinalalambot
at pinapadulas ang buhok
![Page 4: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/4.jpg)
Kagamitan sa Paglilinis ng Kuko
Nail Cutter
- Ginugupit ang mahahaba at
maruruming kuko.
![Page 5: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/5.jpg)
Kagamitan Para sa Bibig at Ngipin
Sepilyo
- Tinatanggal ang nakasingit
sa pagitan ng ngipin.
- Pinalulusog ang gilagid.
- Tumutulong sa sirkulasyon
ng dugo.
![Page 6: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/6.jpg)
Kagamitan Para sa Bibig at Ngipin
Toothpaste
- Pinipigilan ang pagdami ng
mikrobyo sa bibig.
- Pinatitibay ang ngipin.
- Iniiwasang mabulok ang ngipin.
- Pinababango ang bibig.
![Page 7: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/7.jpg)
Kagamitan Para sa Bibig at Ngipin
Mouthwash
- Tumutulong sa pagpapanatili
ng mabangong hininga.
- Tumutulong sa pagpuksa sa
mga mikrobyong namamahay
sa loob ng bibig sanhi ng
mabahong hininga.
![Page 8: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/8.jpg)
Kagamitan Para sa Katawan
Bimpo
- Pangkuskos ng katawan.
- Inaalis ang libag.
![Page 9: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/9.jpg)
Kagamitan Para sa Katawan
Sabong pampaligo
- Inaalis ang dumi at libag sa
katawan
- Pinababango ang katawan
![Page 10: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/10.jpg)
Kagamitan Para sa Katawan
Tuwalya
- Pamunas sa buong katawan
pagkatapos maligo
- Sinisipsip nito ang tubig sa
basang katawan
![Page 11: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/11.jpg)
Iba’t ibang Paraan ng Paglilinis sa Sarili
•Ang paliligo araw-araw ay nagpapasigla at nag-aalisng mga masasamang amoy, dumi at alikabok nanakakapit sa katawan. Maaari kang maligo sa umagao sa gabi bago matulog. Ang mahalaga ay nalilinis moang iyong katawan. Sa paliligo mahalagang tandaanna sapat na tubig lamang ang gamitin. Ang mgakagamitan pagkatapos gamitin ay dapat na isaayos atilagay sa tamang lalagyan.
![Page 12: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/12.jpg)
Hakbang sa wastong paliligo.
1. Basain ang iyong buhok at buong katawan.
2. Lagyan ng gugo o shampoo ang buhok.Imasahe sa iyonganit upang lalong luminis. Pagkatapos ay banlawan ito nangmabuti.
3. Sabunin ang buong katawan. Gamitin ang basang bimpo sapagkuskos sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Higit nabigyang pansin ang leeg, tainga at likod nito, braso, siko, tuhod, kilikili, pusod at mga pag-itan ng daliri at paa.
![Page 13: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/13.jpg)
Hakbang sa wastong paliligo.
4. Banlawan ang buong katawan. Maaaring ulitin angbilang 3 kung kina-kailangan. Tiyaking malinis na angdulas ng katawan sanhi ng sabon.
5. Punasan at patuyuin ng malinis na tuwalya ang buhokat buong katawan. Tiyakin na ang lahat ng bahagi ngkatawan ay napupunasan at natuyo. Maglagay ngpulbos at magsuot ng malinis na damit. Iwasan angpaggamit ng damit na naisuot na.
![Page 14: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/14.jpg)
Paglilinis ng Ngipin
1.Ihanda ang isang basong puno ng malinis na tubig.
2. Lagyan ng toothpaste ang sepilyo at kuskusin angngipin. Gawing pataas - pababa ang paghagod ng sepilyo.
3. Kuskusin din ang iyong dila upang maalis ang mganakakapit na pagkain.
![Page 15: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/15.jpg)
Paglilinis ng Ngipin
4. Magmumog ng malinis na tubig. Maaaring ulitinang pagkuskos at magmumog muli.
5. Linisin at hugasan ang sepilyo bago itago. Maglaanng lalagyan nito upang hindi marumihan o madapuan ng ipis o langaw. Makabubuting may takip ang sepilyo,.
![Page 16: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/16.jpg)
Pag-aalaga ng Buhok• Ang buhok ay may malaking bahagi sa katauhan o
personalidad ng isang tao. Babae ka man o lalaki,mahalagang malaman mo kung papaano mapapanatiligmalusog at maayos ang buhok.
• Ang paggamit ng shampoo o gugo dalawa o tatlong besesisang lingo ay mahalaga. Kailangang limitahan angpaggamit sa mga ito upang hindi mawala ang natural nalangis. Maiiwasan din ang pagkatuyo ng buhok.
![Page 17: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/17.jpg)
Pag-aalaga ng Buhok
•Gumamit ng angkop na suklay o brush. Ugaliin angpagsuklay o pag-brush upang manatiling malinis atmakintab ito. Tiyakin na tumatagos sa anit angbawat hagod sa pagsuklay o pag-brush upangmamasahe ang anit at magkaroon ng normal nasirkulasyon ng dugo sa bahaging ito ng ulo.Tinatanggal din ng hairbrush ang mga alikabok atbalakubak.
![Page 18: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/18.jpg)
Pag-aalaga ng Buhok
•Ugaliin ang paggamit ng sariling suklay o hairbrush.Panatilihing malinis ang mga ito para sa iyongkalusugan.
![Page 19: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/19.jpg)
Pag-aalaga ng Kamay• Ang isang taong may maikli at malinis na kuko ay nagtataglay ng
magandang kaugaliang pangkalusugan. Mahalagang hugasanang kamay sa tuwing ito ay narurumihan. Maghugas ng iyongkamay bago at pagkatapos kumain. Hugasan mo rin pagkagalingmo sa palikuran.
• Gupitin ang mahabang kuko pagkatapos maligo. Gumamit ngnail file upang kinisin ang gilid nito. Gawin mo ito minsan saisang linggo. Iwasan ang pagkagat sa kuko. Bukod sa hindimagandang tingnan ay masama pa sa iyong kalusugan.
![Page 20: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/20.jpg)
Paghihilamos
•Ang bahagi ng katawan ng tao na lantad sa dumi at alikabok sa paligid ay ang mukha. Marapat na bigyanito ng higit na atensiyon upang manatiling malinis at maganda.
•Maghilamos ng mukha pagkagising sa umaga at sagabi bago matulog. Isa-isahin natin ang wastongparaan ng paghihilamos.
![Page 21: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/21.jpg)
Wastong paraan ng paghihilamos.
1. Lagyan ng malinis na tubig ang palanggana.
2. Basain ng tubig ang mukha pati ang tainga.
3. Sa pamamagitan ng kamay, pahiran ng sabonang buong mukha. Hagurin ng paikot at paitaasang mga pisngi, ilong, mata at tainga, noo at pagkatapos ang leeg.
![Page 22: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/22.jpg)
Wastong paraan ng paghihilamos.
4. Banlawan ang mukha. Palitan ang tubig sapalanggana at banlawan muli. Tiyakin na wala naang madulas na pakiramdam sanhi ng sabon.
5. Dampian ng malinis na tuwalya upang ito ay matuyo.
![Page 23: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/23.jpg)
Paglilinis at Pag-aalaga ng mga Binti at Paa
• Hugasan ang iyong binti at paa ng sabon at malinis natubig. Kuskusing mabuti ng sabon ang mga daliri sa pag-itan ng paa, bukong-bukong, alak-alakan at tuhod.Banlawan mabuti at patuyuin.
• Panatilihing malinis ang kuko sa paa. Gupitin ang mga itokung mahaba na. Pasobrahan ng isang pulgada ang laki ngsapatos sa iyong paa upang komportable mong maigalawang iyong mga daliri. Ang masikip na sapatos ang siyangnagiging sanhi ng paltos, kalyo at patay na kuko.
![Page 24: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/24.jpg)
Paglilinis at Pag-aalaga ng mga Binti at Paa
• Kung ang paa ay pawisan at may masamang amoy,makabubuting ibabad ang mga ito sa maligamgam na tubigna may asin pagkatapos linisin. Ibabad ito ng mga 10-15minuto.
![Page 25: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/25.jpg)
Pansariling Gamit
•Suklay
•Sepilyo
•Bimpo
•Tuwalya
![Page 26: Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050613/5a66a5b57f8b9ac5128b5feb/html5/thumbnails/26.jpg)
Pampamilyang Gamit
- Shampoo
- Nail Cutter o panggupit ng kuko
- Mouthwash
- Sabong pampaligo
- Toothpaste