Mga dapat sisihin sa kawalang trabaho -...

12
TOMO 17 ISYU 14 3 MAYO 2019 Malinaw sa datos na mga polisiya sa ekonomiya na pinakikinabangan lang ng iilang mayaman ang dahilan ng malawakang unemployment. Sundan sa pahina 6 Ang “Anti-Worker Matrix” na inilabas ng Kilusang Mayo Uno (KMU) bago ang Mayo 1, Araw ng Paggawa, na nagpapakita diumano ng pagkakaugnay ng mga taong dahilan ng masamang lagay ng lakas- paggawa sa bansa. Inilabas ito ng KMU matapos ang paglabas ng Malakanyang ng “matrix” diumano ng mga sangkot sa planong “Oust Duterte” na nagpapakita ng mga personalidad sa midya at sa abogasya na nagpaplano daw na patalsikin si Duterte. Walang ipinakitang ebidensiya ang Malakanyang. Pero sa matrix na ito, ayon sa KMU, marami ang ebidensiya. Mga dapat sisihin sa kawalang trabaho

Transcript of Mga dapat sisihin sa kawalang trabaho -...

TOMO 17 ISYU 14 3 MAYO 2019

Malinaw sa datos na mga polisiya sa ekonomiya na pinakikinabangan lang ng iilang mayaman ang dahilan ng malawakang unemployment. Sundan sa pahina 6

Ang “Anti-Worker Matrix” na inilabas ng Kilusang Mayo Uno (KMU) bago ang Mayo 1, Araw ng Paggawa, na nagpapakita diumano ng pagkakaugnay ng mga taong dahilan ng masamang lagay ng lakas-paggawa sa bansa. Inilabas ito ng KMU matapos ang paglabas ng Malakanyang ng “matrix” diumano ng mga sangkot sa planong “Oust Duterte” na nagpapakita ng mga personalidad sa midya at sa abogasya na nagpaplano daw na patalsikin si Duterte. Walang ipinakitang ebidensiya ang Malakanyang. Pero sa matrix na ito, ayon sa KMU, marami ang ebidensiya.

Mga dapat sisihin sa kawalang trabaho

PW 17-14.indd 1 4/30/2019 11:43:00 AM

PINOY WEEKLY | MAYO 3, 20192

EDITORIAL BOARD Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Darius R. Galang, Kenneth Roland A. Guda, Silay Lumbera EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, JL Burgos, Jaze Marco, Gabby Pancho, Peter Joseph Dytioco, Christopher Pasion, Soliman Santos, Lucan-Tonio Villanueva Circulation Ryan Plaza Admin Officer Susieline Aldecoa Publisher PinoyMedia Center, Inc. | Email: [email protected] PMC BOARD OF TRUSTEES Rolando B. Tolentino (chair), JL Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago Executive Director Silay Lumbera EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: [email protected]

Huwag kalimutan ang US

EDITORYAL

MARK SUVA/KODAO

Sa kabila ng napakasahol na pagtrato ng

China sa Pilipinas, lalo na sa usapin ng West Philippine Sea at kuwestiyonableng mga pautang na inayunan ng rehimeng Duterte, nariyan pa rin ang lumang amo ng kasalukuyan at nakaraang mga rehimen: ang US.

Noong Abril 1 hanggang 12, umabot sa 3,500 tropang Amerikano ang lumahok sa pagsasanay-militar na Balikatan sa Central Luzon kasama ang mga sundalong Pilipino. Habang mas maingay sa midya na napag-uusapan ang panghihimasok ng China, ng mga militar at mangingisda nito sa karagatan ng Scarborough Shoal, tila pinalalampas na naman ng coverage ng midya ang arogante at mayabang na pagpapakita ng lakas o show of force ng US

sa mismong lupain ng bansa.

Sa naturang pag-sasanay-militar, ipinag-mayabang ng armadong pu-wersa ng US sa mga utu-uto nitong counterpart sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kagamitang militar nito. Kabilang dito ang mga barkong nukleyar, mga sasakyan sa lupain at eroplanong pandigma. Dumaong pa sa bansa ang USS Wasp, habang

nagpalipad ito ng mga fighter jet sa ibabaw ng Panatag Shoal.

Nagpapakitang gilas ang US sa West

Philippine Sea. Tiyak na hindi lumampas ito sa paningin ng China.

Sa pagpa-pakatuta ng

rehimeng Duterte sa dalawang dayuhang amo sa US at China, lalo nitong inilalagay ang mga Pilipino sa panganib na madamay sa posibleng digmaang sumiklab sa pagitan ng

dalawang armadong puwersa. Huwag kalimutang may armas-nukleyar ang dalawang imperyalistang bansang ito -- kahit pa di-hamak na mas marami ang sa US.

Bukod sa pandarambong ng dalawang bansa sa likas-yaman at lakas-paggawa ng Pilipinas, isang dahilan pa para tutulan ang panghihimasok ng US at China sa Pilipinas ang posibilidad na madamay sa sigalot ng dalawang malaking nag-uumpugang bato. PW

PW 17-14.indd 2 4/30/2019 11:43:01 AM

3PINOY WEEKLY | MAYO 3, 2019 3PINOY WEEKLY | MAYO 3, 2019 LATHALAIN

Malaking pagtitipon vs Duterte ng progresibo sa US, isinagawaIsang malaki’t malakas na pagpahayag ng paglaban sa mga paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas ang isinagawang pampulitikang pagtitipon ng mga Pilipino sa US. Ni Silay Lumbera

Nagtipon ang humigit kumulang

350 Pilipino sa Washington, D.C. sa isang pagtitipon para kondenahin ang mga paglabag sa karapatang pantao sa giyera kontra droga at kontra insurhensiya ni Pangulong Duterte.

Tinuturing na pinakamalaki sa kasaysayan ng mga Pilipinong nakabase sa US ang naturang summit na huli pang umabot sa ganoong bilang noong panahon ng diktadurang Marcos.

Nauulit langAni Roger Rigor,

national convenor ng Malaya Movement at beterano ng Martial Law ni Marcos, “Labis ang pagkakapareho ng mga pangyayari noong panahon ni Marcos at ngayon, ni Duterte.”

Dagdag ni Rigor, “Napakaraming bilang ng mga kababayan natin ang pinapaslang sa loob lamang ng ilang taon. Galit na ang mga tao at ito rin ang pinakawastong panahon para magkaisa laban sa iisang kaaway, gaano man ang pagkakaiba ang ating mga pulitika mula sa isa’t isa.”

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 30,000 ang napaslang sa ilalim ng kontra drogang giyera at insurhensiya ni Duterte. Di ligtas dito maging

ang mga kababayang Lumad, pesante, at mahihirap na nasa kanayunan na biktima rin ng pamamaslang at pang-aabuso sa ngalan naman ng paglaban daw kontra terorismo at insurhensiya.

Sa pagtatapos ng nasabing summit, nagkaisa ang lahat ng dumalo sa isang Declaration of Unity. Kabilang sa mga resolusyon na nakapaloob sa nasabing deklarasyon ang “Oust President Duterte!”, “End all US Aid to the Philippines”, “Stop the Killings in the Philippines!”, “End Contractualization”, “Uphold the Freedom of Press” at “Defend Philippine Sovereignty Against all Foreign Powers.”

Malaking ambagSamantala, kinilala ng

grupong Karapatan ang nasabing summit maging ang inisyatiba ng iba’t ibang progresibong grupo sa US para patuloy na kondenahin ang tumitinding human rights violations sa bansa. Kabilang sa mga inisyatibang ito ang paglalabas ng resolusyon ng San Francisco Board of Supervisors, lehislatibong katawan ng siyudad at country government ng California para kondenahin ang mga abuso at ipanawagan sa gobyernong US na huwag suportahan ang rehimeng Duterte.

Dagdag pa rito, nakasaad sa resolusyon ang pag-usig

PROTESTA ng mga Pilipino at tagasuporta nila sa harap ng US Congress sa Washington DC noong nakaraang buwan. KONTRIBUSYON

SUNDAN SA PAHINA 10

PW 17-14.indd 3 4/30/2019 11:43:01 AM

PINOY WEEKLY | MAYO 3, 20194 OPINYON

Mahigit isang dekada ko nang

minamaneho ang sasakyang mahigit dalawang dekada na ang edad.

Kinaiinisan tuwing nasisiraan noon pero maaasahan kahit luma na ngayon. Iba pa rin ang pagkakagawa ng mga sasakyan kasi noon dahil sadyang matibay pa rin ngayon. Tulad ng malalim na pagsusuri sa pambansang kalagayan, kailangan lang ng ibayong pagbabantay para masiguradong maihahatid ka sa patutunguhan.

Sa gitna ng karumihan at kaguluhan sa ating politika, tayo’y magnilay-nilay sa kalinisan at kaayusan ng aking Vitara.

Suzuki. JLX. 1.6L engine. 4 cylinders. 4WD on demand. ABS. 4 speed. Matic. Sa gitna ng sangkatutak na spesipikasyon, isang bagay lang ang dapat malaman: Nakakaya pa nitong makabiyahe mula Maynila hanggang Bikol.

Nitong nakaraang Semana Santa, umalis kami ng Malate, Maynila ng bandang 4:00 ng hapon at dumating kami sa Tabaco, Albay bandang 10:00 ng umaga kinabukasan. Opo, mga 18 oras ang biyahe pero siyempre nama’y may pahinga – tatlong oras na pagkain ng hapunan at almusal, tatlong oras na pansamantalang pag-idlip, ilang minutong paghinto para magpakarga ng gasolina.

Mainam na nasa kondisyon ang sasakyan

para sa ganitong “pamatay” na biyahe. Biro nga ng may-ari ng talyer na pinagdalhan ko ng Vitara para linisin ang aircon at palitan ang fan belt at alternator belt, “Penitensya na ang pagmamaneho mo sa Bikol!”

Totoo namang kalbaryo ang mahabang pagmamaneho. Hindi lang ito dahil sa biyaheng 500 kilometro. Nariyan din ang maraming lubak at sirang lansangan. Kailangan pa bang ipaalala ang matinding trapik sa ilang lugar kahit na dis-oras ng gabi? Ah, Semana Santa kasi! Mas lalo pang tumindi ang dati nang nakakainis na trapik.

Tandaan rin natin ang mga kalsadang hindi naiilawang mabuti sa pagsapit ng gabi kaya kailangang maging maingat at baka makasagasa. Makikipot na rin ang ilang bahagi ng naturingang “national highways.” Ginawa kasing paradahan ng ilang residenteng sa sobrang dami ng pera ay ginawa nang garahe ang kalye. Alam kaya nilang ang lansangan ay hindi ekstensyon ng bahay nila?

Sa probinsya, kapansin-pansin din ang maraming magsasakang nagbibilad ng palay sa kalye. Siyempre, kailangang iwasan ang mga nakabilad kaya ibayo pang pag-iingat ang ginagawa ng mga motorista. Pero hindi tulad ng mga walang konsiderasyong may-ari ng sasakyan na wagas kung makaparada sa kalye, alam nating lahat na napagkakaitan ang mga magsasaka ng suporta mula sa gobyerno.

Kung walang pasilidad

para sa kanilang gawain sa pagsasaka tulad ng pagbibilad ng palay, ano pa ang gagawin nila? Kung tutuusin pa nga, ayaw nilang magbilad ng palay sa kalye dahil siguradong durog ang mga ito kapag nadaanan. Hindi na nga nila kontrolado ang matinding ulan o init na puwedeng makasira sa kanilang ani, siyempre’y ayaw nilang mawala sa kanilang kontrol ang kanilang pinagkakaingatang palay.

Ito marahil ang magpapaliwanag kung bakit may mga pagkakataong literal na dinadala sa kalye ng mga magsasaka ang kanilang sigaw para sa makabuluhang pagbabago. Nagmamartsa sila para ilantad ang mga pangarap nilang dinurog ng mga polisiya’t programang nagsisilbi dapat sa kanila pero pinapakinabangan ng iba pa. Ang mga politikong nagsasabing kakampi nila sa oras ng elektoral na kampanya ay nagiging kaaway kapag nasa puwesto na. Posible ngang ang magagara nilang sasakyan ang dumudurog sa mga nakabilad na palay habang papunta sa upuan ng kapangyarihan.

Pawisang dumarating ang mga magsasaka sa kilos-protesta para hilinging makausap ang mataas na opisyal na nasa loob ng malamig na opisina. Kadalasan, hindi sila haharapin kaya hanggang sa kalye lang sila nakakapagpahayag ng kanilang saloobin. At may mga pagkakataon pang ang mismong kalye ay pinagkakaitan. Puwersahan po kasi silang pinapaalis.

Tunay na kalbaryo ang pagmamaneho pero mas matindi ang problema ng mga magsasaka. Sinisimbolo ng mga nakabilad na palay sa kalye ang kanilang abang kalagayan – kinaiinisan ng mga hindi makaintindi sa kanilang pinagdaraanan, basta lang sinasagasaan ng mga makasariling walang pakialam.

Mainam na makapagbiyahe gamit ang luma pero nasa kondisyon pang sasakyan para makita ang mga produkto ng daan-taong sakahan. Sa isang banda, pisikal na iniiwasang madurog ang mga nakabilid na palay. Sa kabilang banda, naaalalang may mga magsasaka pa pala.

Sa isang bansang agrikultural, dapat na pinapahalagahan sila. Pero ano ang nangyayari? Literal silang pinagkakaitan ng espasyo mula sa lupang sinasakang dapat na kanila hanggang sa kalyeng dapat na lunsaran ng protesta pero nagiging lugar ng mas matinding pagpaparusa.

Tapos na ang Semana Santa pero tuloy pa rin ang kalbaryo. Magsilbi sana itong mahalagang aral sa araw-araw na pagmamaneho. PW

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa https://risingsun.dannyarao.com

KONTEKSTO

DANILO ARANA ARAO

Pulitika ng pagmamaneho

PW 17-14.indd 4 4/30/2019 11:43:01 AM

5PINOY WEEKLY | MAYO 3, 2019

HUSGAHAN NATIN

ATTY. REMIGIO SALADERO JR.

Kasambahay ba o hindi?

OPINYON

Naturingan silang ating mga bagong

bayani. Kung hin-di dahil sa kanila, maaring bagsak na ang ating ekonomi-ya. Sino ba ang ating tinutukoy?

Ating tinutukoy ang overseas Filipino workers (OFW), mga kasama. Hindi maipagkaila na ang kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa, napakalayo man nito sa kanilang pamilya, para kumita man lang ng maliit na dolyar ay nakapagdulot ng malaking tulong hindi lamang sa kanilang pamilya kundi pati na rin sa ating lahat.

Ngunit hindi maiwasan na may pagkakataong naaapi ang mga OFW sa kanilang trabaho.

Ito ang nangyari sa kasong Augustin International Center, Inc. vs. Elefrenito Bartolome and Rumby Yamat, GR No. 226578 na hinatulan ng Korte Suprema nito lamang Enero 28, 2019.

Sa nasabing kaso, nag-aplay sina Elfrenito at Rumby, mga karpintero, ng trabaho para sa Middle East sa Augustin International Center, Inc., isang employment agency.

Sila ay natanggap naman at ayon sa Employment Contract na kanilang pinirmahan, sila ay magtatrabaho sa loob ng dalawang taon sa Sudan sa ilalim ng Golden Arrow Company na may opisina sa nasabing bansa.

Pagdating nila sa Sudan ay

binitawan ng Golden Arrow Company itong sina Elfrenito at nilipat sa kanyang sister company, ang Al Mamoun Trading and Investment Company. Walang nagawa sina Elfrenito kungdi ang sumunod.

Pagkalipas ng isang taon ay pinauwi na sina Elfrenito ng Al Mamoun. Tapos na raw ang kanilang trabaho at binigyan sila ng kanya - kanyang Notice of Termination.

Walang nagawa sina Elfrenito kungdi ang umuwi sa Pilipinas.

Pagdating sa Pilipinas ay nagsampa sila ng kaso laban sa recruitment agency. Ang sinampa nilang kaso ay breach of contract at illegal dismissal.

Simple lang ang depensa ng Augustin International Center sa kaso.

Una, ay hindi raw ang Augustin International Center ang pinagtatrabahuan nina Elfrenito. Ang kanilang pinagtatrabuan ay ang Golden Arrow na siyang dapat nilang dinemanda. Kaya dahil sa walang employer-employee relationship ang agency at sina Elfrenito, dapat lang pawalang bisa ang kaso.

Pangalawa, sa Contract of Employment nina Elfrenito ay nakalagay na kung sakaling hindi sang-ayon ang

manggagawa sa kaniyang pagkatanggal, ito ay maari niyang ayusin sa tulong ng Labor Attache o kung sinumang representante ng pinakamalapit na Philippine Embassy.

Kaya dapat daw ay dumaan muna sa Labor Attache o sa Phil. Embassy ang kaso nina Elfrenito. Dahil hindi dumaan sa ganitong proseso ang demanda nina Elfrenito, hininging ma-dismiss ito ng Augustin International Center.

Sa Desisyon ng Labor

Arbiter ay pinanalo nito sina Elfrenito.

Nag-apela ang kompanya hangang nakaabot ang kaso sa Korte Suprema.

Sa unang usapin, sinabi ng Korte Suprema na ayon sa Sec. 10 ng Republic Act 8042 na siyang batas natin sa overseas employment, ang isang recruitment agency ay maaring idemanda ng mga manggagawa na kanyang ni- recruit kaugnay ng kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa.

Dahil dito, may karapatan sina Elrenito na magsampa ng kaso sa Agustin International Center kahit hindi nila isinama ang foreign employer sa naturang kaso. Ito ay dahil sa solidarily liable ang recruitment agency sa

Kung sakaling ayaw ng manggagawa na makipag-areglo at dinala niya ang kaso

sa tanggapan ng Labor Arbiter, ito ay pinapayagan ng ating Labor Code, sabi

ng Korte Suprema.

ganitong pagkakataon.Sa pangalawang usapin

naman, maliwanag na ang probisyon sa Contract of Employment ng kompanya at nina Elfrenito ay tumutukoy lamang sa mga pagkakataong gustong aregluhin ng manggagawa ang kaso sa kanyang employer.

Kung sakaling ayaw ng manggagawa na makipag-areglo at dinala niya ang kaso sa tanggapan ng Labor Arbiter, ito ay pinapayagan ng ating Labor Code, sabi ng Korte Suprema.

Dahil dito, ibinasura ng Korte Suprema ang apela ng recruitment agency at kinatigan sina Elfrenito. PW

Basahin onlineang newsmagazinena naglalamanng balita, indepth atimbestigatibongmga ulat,progresibonganalisis at opinyon,at likhang-sining!

www.pinoy

weekly.org

Facebook.com/pinoyweekly.orgTwitter.com/pinoyweekly

PW 17-14.indd 5 4/30/2019 11:43:02 AM

PINOY WEEKLY | MAYO 3, 20196 7PINOY WEEKLY | MAYO 3, 2019 SURING-BAL- 7SURING BALITA6 SURING BALITA PINOY WEEKLY | MAYO 3, 2019

Inuulit lang niya ang matagal nang sinasabi ng

mga nasa gobyerno, lalo na ng mga nasa pulisya at militar, hinggil sa lumalabang mga manggagawa.

“Paano nila masasabing kontra-manggagawa kami (mga pulis)? Baka sila ang kontra-manggagawa,” sabi ni Philippine National Police Chief Gen. Oscar Albayalde, sa isang press conference sa Kampo Crame noong Abril 29.

Sabi ni Albayalde, mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang dahilan ng kakulangan ng trabaho sa bansa. “Bakit po ba umaalis ang mga investors sa atin? Papasukin ng KMU, i-i-instigate ’yung unyon, at magrarali sila ’Yung investor mawawalan ng gana, uuwi sa kanila,” sabi ng heneral.

Nagreresulta umano ang mga protesta ng KMU sa pagkawala ng libu-libong trabaho.

Reaksiyon ang naturang press conference ni Albayalde sa inilabas ng KMU na “Anti-Worker Matrix” noong nakaraang Sabado, Abril 27. Dito, makikita si Pangulong Duterte bilang sentro ng paglala ng kalagayan sa paggawa sa bansa. Kasama rin

sa matrix ang mga miyembro ng gabinete tulad ni Budget Sec. Benjamin Diokno, ang tagapagsalita ng pangulo na si Salvador Panelo, ang mga kandidato ng administrasyon sa pagkasenador na sina Ronald “Bato” dela Rosa at Christopher “Bong” Go, at iba pa.

Kasama rin sa naturang matrix ang mga opisyal ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP). Pati si Albayalde mismo.

Dati nang paniniraSa totoo lang, inuulit lang

ni Albayalde ang matagal nang sinasabi ng mga opisyal ng gobyerno, lalo na ng mga opisyal ng PNP at AFP: na kung walang protesta ang organisadong sektor ng mga manggagawa, lalo na ang mga militante, umaasenso na sana ang bansa.

Sa esensiya, isinisisi nila sa kolektibong pagkilos at paggiit ng karapatan ng mga manggagawa ang kawalan ng kaunlaran sa bansa.

Pero makikita mismo sa datos ng gobyerno na sa kabila ng mga polisiyang neoliberal ng administrasyong Duterte, tumitindi ang kawalan ng trabaho o unemployment sa bansa.

“Makikita mismo ito sa datos ng gobyerno. Makikita sa datos ng Philippine Statistice Authority (PSA) na bumagsak ang bilang ng nakaempleyong Pilipino mula 41.8 milyon noong Enero 2018 tungong 41.4

milyon noong Enero 2019,” sabi ni Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.

Ito umano ang ikalimang taon lang na bumaba ang bilang ng nakaempleyong manggagawa sa Pilipinas matapos ang diktadurang Marcos. Ayon sa Ibon Foundation, bumaba ang employment ng bansa nang 529,000 noong 1997. Noong 2005, bumaba ito nang 270,000. Noong 2014, bumaba nang 1.5 milyon. Noong 2017, bumaba nang 13 milyon, at nitong 2019, bumaba nang 387,000.

Sa kabila umano ito ng di-napuputol na pag-akit ng iba’t ibang administrasyon ng dayuhang mamumuhunan para magnegosyo sa Pilipinas. Sa ilalim ng rehimeng Duterte, kung kailan naganap ang dalawang pagbaba ng empleyo,

naging masugid at agresibo pa ang gobyerno sa pag-akit ng mga mamumuhunang Tsino.

Ipinapakita ng datos na ito, ayon sa KMU, na hindi nagreresulta sa pagkakaroon ng dagdag na trabaho sa bansa ang dayuhang pamumuhunan. Hindi rin dahilan ng pagbaba ng empleyo sa bansa ang sama-samang mga pagkilos ng KMU.

Ang salarin, ayon sa Ibon Foundation, ay ang kawalan ng kaunlaran sa agrikultura. Noong 2018, tumala lang ng 0.8 porsiyentong pag-unlad ang sektor ng agrikultura sa bansa, ayon kay Sonny Africa, executive director ng Ibon. Samantala, kalakhan ng foreign investments, lalo na sa panahon ng Build, Build, Build na programa ni Duterte, ay nakatuon sa imprastraktura sa mayayaman o mauunlad

nang mga sentrong bayan at lungsod.

At kalakhan ng mga imprastrakturang ito ay

nakatuon din para sa mas madulas na daloy ng dayuhang negosyo sa bansa.

Walang interes lutasin“Mukhang halos walang

interes ang administrasyong ito na baligtarin ang trend (sa agrikultura),” sabi ni Africa. “Halimbawa, Ang P49.3-Bilyong badyet sa departamento ng agrikultura na panukala ng Kongreso ay mas maliit nang P1.4-B sa P50.7-B badyet noong 2018.”

Sa kabilang banda, matagal nang ipinapanukala ng KMU ang paglilikha ng sapat na trabaho sa mga mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng malakas na suporta ng gobyerno sa agrikultura, gayundin sa pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon.

“Nagresulta ang matinding paggiging palaasa natin sa dayuhang pamumuhunan sa pandarambong ng ating mga rekurso at pagsasamantala ng ating lakas-paggawa,” sabi pa ni Labog. “Ang gusto ng mga

manggagawa ay paglikha ng trabaho na tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino sa halip na malalaking dayuhang negosyo.”

Hindi lang ang mga militante at KMU ang nagsasabi nito. Maging ang mga tradisyunal o burges na ekonomista, halimbawa, ng World Bank, ay may pag-amin na na sa pamamagitan lang ng masusing distribusyon ng lupaing agrikultural at pagtatatag ng sariling batayang mga industriya malulutas ang kahirapan at kawalan ng trabaho sa iba’t ibang bansa.

“Iniluwal ng 39 taon ng militanteng pakikiaka ng KMU ang di-mabilang na mga tagumpay sa dagdag sahod, regularisasyon at pagtataguyod ng demokratikong mga karapatan (ng mga manggagawa at mamamayan),” sabi pa ni Labog. PW

Malinaw sa datos na mga polisiya sa ekonomiya na pinakikinabangan lang ng iilang mayaman ang dahilan ng malawakang unemployment. Ni Priscilla Pamintuan

Protesta at kawalan ng trabaho

MURAL sa protesta ng mga manggagawa noong Mayo 1, 2019 sa National Capital Region.

BERNIE RAMOS

KR GUDA

PW 17-14.indd 6-7 4/30/2019 11:43:35 AM

PINOY WEEKLY | MAYO 3, 20198

Sinalin mula sa Ingles ni Jobelle Adan

8 LATHALAIN

Tindig ng mga kandidato sa SenadoSa kabila ng pagmamayabang ng gobyerno ng paglago ng ekonomiya, milyun-milyong Pilipino ang walang trabaho o

napupuwersang mangibang bansa para magtrabaho. Ano ang tingin ng mga kandidato sa Senado na solusyon sa malalang problemang ito? Infographic ng IBON Foundation

Krisis sa trabaho

PW 17-14.indd 8 4/30/2019 11:43:02 AM

9PINOY WEEKLY | MAYO 3, 2019 BALITA

KINONDENA ng mga katutubo ang pagpaslang kay Datu Kaylo Bontolan kamakailan sa isang ikuwentrong militar sa Sitio Ngaran, Brgy. Kapilas Kitaotao, Bukidnon noong Abril 7. Si Datu Kaylo ay isang lider-Lumad, miyembro ng konseho at pangalawang sekretaryo ng Pasaka na tutulong sana sa paglisan ng mga katutubo dahil sa umanong operasyon at pambobomba ng militar sa lugar. DAVAO TODAY

facebook.com/altermidya • youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog

Tangkilikin! Panoorin sa Facebook at YouTube!

Alab ang kauna-unahang progresibong online newscast!

Miyembro ng Anakpawis Party-listsa Sorsogon, patay sa pamamaril

Nagmamaneho ng tricycle si Dennis Españo, bandang 2 ng tanghali, Abril 29, sa Barangay Poctol 4 nang pagbabarilin ng dalawang pares ng riding in tandem.

Mula sa Barangay Tinampo, Bulusan, papunta dapat si Españo at ang dalawa pang kasamang sina Lilia Monteo at Zoren Furio, parehong taga-San Bernardo, sa libing ng ina ni Furio. Hindi na nakaligtas pa si Españo, miyembro ng Anakpawis habang sugatan naman ang dalawa.

Ayon sa BicolToday, pinaulanan ng apat na armadong riding in tandem ang tricycle na minamaneho ni Españo kaya pati ang dalawang pasahero’y napahamak.

Kinondena ng Anakpawis Party-list ang pagkakapaslang sa isa sa mga miyembro nila.

“Nasasaksihan natin ang parehong lapit na isinagawa noong prograng kontra-insurhensiya na Oplan Bantay Laya sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Recipe ito para sa pamamaslang at sistemating mga abuso sa karapatan ng mga pesante, manggagawa, abogado at kahit pa opisyal ng gobyerno. Malinaw na terorismo ng Estado ito,” sabi ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao. Joby Adan

Kasong diskuwalipikasyon vs ACT, binasura ng Comelec

Ikinagagalak ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) laban sa disqualifaction charge na isinampa ng Tao Muna Party-list.

Ayon sa petisyon ng Tao Muna Party-list, magkakaroon malalamangan raw ng ACT ang ibang mga party-list dahil miyembro ito Board of Election Inspectors (BEIs) at miyembro rin ng ACT Teachers Party-list. Giit naman ng ACT, hindi magkapareho ang ACT, isang pederasyon ng mga unyon ng pampublikong mga guro, at ang ACT Teachers Party-list.

“Hindi sapat na batayan para magdiskwalipika ng miyembro ng Electoral Boards ang pagiging miyembro ng isang party-list,” ayon sa Comelec.

“Ilang taon na kaming nagsisilbi bilang mga tagabantay ng boto ng masa, gaano pa kadelikado ang trabahong ito,” pahayag ni ACT National Chairperson Joselyn Martinez, “at itutuloy namin iyon sa darating na eleksiyon.” Joby Adan

Sa 58 na party-list na nananaig sa mga survey, aabot sa 34 ang may koneksiyon sa mga political dynasty o mga nakaluklok na, may inaalagaang mga negosyo, o mayroong kaduda-

dudang mga adhikain, ayon sa pananaliksik ng Kontra Daya.Ilan na sa mga ito ang: Duterte Youth, 1Pacman, Ako Bicol,

Kalinga, PBA, Kusug Tausug, at Global.Lumabas pa sa Pulse Asia survey nitong Abril 25 na higit

sa isa kada apat na Pilipinong boboto ang wala pang nababasa o napapanuod sa kung papaano gumagana ang mga party-list sa bansa. Ibigsabihin, kahit 1998 pa nagkaroon ng party-list elections sa bansa, mayroong 15.6 milyong Pilipinong pupuwedeng bumoto ang walang impormasyon pa rin ukol sa party-list system.

Paalala ng Kontra Daya, ang nararapat na mabigyan ng pwesto sa mga party-list ay ang mga hindi nabibigyan ng sapat na representasyon at ang mga inaaping sektor. Nabuo ang ng party-list system dahil sa paglalayong mabigyan ng higit na pagkakataon ang mga grupong kailangan ng boses sa gobyerno.BUONG LISTAHAN: Ako Bicol Political (#141) Party, 3 seatsA Teacher (#131), 3 seatsBuhay (#87), 2 seatsAn Waray Party-list (#43), 2 seatsKalinga (#109), 2 seatsAngkla (#36), 2 seatsACT-CIS (#101), 1 seatTingog Sinirangan (#99), 1 seatAPEC Party-list (#24), 1 seatAAMBIS-OWA (#112), 1 seatAGAP (#115), 1 seatPBA (#26), 1 seatAbamin (#124), 1 seat

Kusug Tausug (#9), 1 seatButil (#158), 1 seatOFW Family (#7), 1 seatKabayan (#2), 1 seat1PACMAN (#122), 1 seatAbono (#76), 1 seatDuterte Youth (#157), 1 seatGlobal (#10), 1 seatAting Koop (#144), 1 seatBH Bagong Henerasyon (#53), 1 seatYACAP (#137), 1 seatAbang Lingkod (#163), 1 seatAlona (#96), 1 seat

Mapanlinalng na party-list, pasok sa sarbey

PW 17-14.indd 9 4/30/2019 11:43:03 AM

PINOY WEEKLY | MAYO 3, 201910AN

G TARAY!

Sabi ni Pilo Hilbay, kandidato sa pagkasenador, kay Bato dela Rosa sa CNN Senatorial Debate noong Abril 28

Bossing mo na nagsabing mas mas

malala ang problema sa droga ngayon. Pagkatapos

ng maraming patayan, mas malala? Isa lang gusto sabihin: failure ang drug war ninyo.

KILITING DIWA

Malaking pagtitipon

(KONTRA)BIDA SA BALITAMARK SUVA

JUAN PONCE ENRILE. Tumatakbo sa pagkasenador. Mistulang walang kamatayan -- bawat rehimen, mula kay Ferdinand Marcos hanggang kay Rodrigo Duterte, buhay ang karera sa pulitika. Siya sana ang unang White Walker, kaso di sya tinuhog ng Children of the Forrest (sa Game of Thrones)...

MULA SA PAHINA 3

Tagalog - English translation ulit tayo:

Tagalog English‘Ba? Really?Baba (n) Chin / Down (v) Order to get down Bababa Going downBababa ba? Is it going down?‘Ba? bababa ba? Really? Is it going down?‘Ba? bababa ba? Baba! Really? Is it going down? Get down!‘Ba? bababa ba? Bababa Really? Is it going down? Going down.

sa mga miyembro ng US House of Representatives na mula San Francisco gaya ni House Speaker Nancy Pelosi para “suportahan ang isang congressional hearing tungkol sa mga dinulot na pinsala ng paggamit ng buwis ng mga mamamayan ng US para pondohan ang militar at kapulisan sa bansa, maging ang paghimok na putulin ang US military aid sa rehimeng Duterte.

Papel ng USMatapos nito, naglabas din ng dalawang congressional

resolutions na inihain sa House of Representatives at US Senate na nagkokondena sa gobyerno ng Pilipinas para sa “papel ng Estado nito sa extrajudicial killings sa konteksto ng gera kontra droga at ang pag-aresto sa mga tinuturing na human rights defenders sa bansa.”

Kapareho nito ang nilabas na resolusyon ng US Senate na may dagdag na pagkondena sa harassment at pag-aresto sa CEO ng Rappler na si Maria Ressa.

Samantala, nagngangalit ang Palasyo kaugnay ng nilabas na mga resolusyon. Ani Salvador Panelo, “hindi makatotohanan” at “gawa-gawang datos” lamang umano ang pinagbatayan ng mga ito.

Sagot ni Cristina Palabay ng Karapatan, “Hindi na maipagkakaila ang lagim na hatid ng giyera kontra droga ng gobyerno. Hindi magsasawang makipaglaban ang pamilya ng mga biktima para sa katarungan. Malaki ang pagkilala namin sa inisyatiba at pakikiisa ng mga kababayan natin na nasa ibang bansa ngunit hinihimok din namin ang gobyerno ng iba’t ibang mga bansa para magsalita at makiisa sa labang ito.” PW

LARAWAN MULA SA MALAYA MOVEMENT

PW 17-14.indd 10 4/30/2019 11:43:04 AM

PINOY WEEKLY | MAYO 3, 201910

ANG TARAY!

11PINOY WEEKLY | MAYO 3, 2019 11PINOY WEEKLY | MAYO 3, 2019 SAMU’T SARI

Tala-Salitaan ni Boy Bagwis

Asukal ang isa sa pinaka-nakokonsumong materyal o sangkap sa buong mundo. Matatagpuan ito sa napakaraming

pagkaing Pilipino, mula sa mga ulam hanggang sa mga kakanin at inumin. Mas madalas kaysa hindi na kumokonsumo tayo ng asukal na mas marami kaysa sa kailangan ng ating katawan.

Nagreresulta ito sa napakaraming sakit, mula sa maliliit na bagay tulad ng pagsakit ng ngipin, hanggang sa pagiging overweight, hanggang sa seryosong mga sakit tulad ng diabetes.

Mainam na makontrol natin ang pagkonsumo ng asukal. Sa gayon, mauunahan natin ang posibleng pagdebelop ng mga sakit. Makakatulong din ito sa pagmamantine ng malusog na timbang natin. Asukal din kasi ang isa sa pinaka-salarin sa paglaki ng ating mga bilbil.

Ito ang ilan sa tips para makapagbawas sa kinokonsumo nating asukal:

1. Itigil o bawasan nang husto ang pag-inom ng softdrinks o kahit ng mga nakaboteng energy drinks, sports drinks o kahit iced tea o juice. Isa ito sa pinakaraming asukal.

2. Bawasan ang pagkain ng processed foods o mga pagkaing pinroseso at nilagyan ng preservative bago ibenta. Mga de lata, mga cold cuts (tulad ng hotdogs atbp.). Madalas na maraming asukal ang laman nito para makatulong sa preserbasyon.

3. Iwasan o bawasan man lang ang pagkain ng kendi o matatamis na meryenda at panghimagas. Kung hindi pa naman diabetic, kontrolin lang ang pagkain ng matatamis.

4. Bawasan ang pagkain ng kanin. Kanin ang kinakain ng Pinoy na may pinakamaraming asukal. Hindi matamis ang kanin, pero mas malupit pa ito sa kendi o softdrink. Ito ang dahilan kung bakit malaki ang incidence ng diabetes sa mga lipunang kumakain ng bigas, tulad ng Pilipinas.

Pero papaano ngayon, eh hindi naman tayo puwedeng hindi kumain ng kanin? Ang solusyon, kung hindi naman diabetic pa, ay magbawas lang ng kaning kinakain. Kung kumakain sa labas, isang order ng kanin na lang. Huwag nang mag-extra rice. Kung may ekstrang pera, puwede rin kumain ng brown, red o black rice. Pero mahal ito. PW

Si Kap Sonny | Mula sa pahina 12

Ito’y patakaran o

paraan sa pagsakop at

pamamahala sa mahirap

na bansa ng malalaki

o makapangyarihang

bansa na ang hangad

ay palawakin ang

kanilang kapangyarihan

sa pamamagitan

ng pananakop,

paglulunsad ng mga

digmaan, kontrol o hindi

pantay na ugnayang

pangkabuhayan,

panteretoryo,

kalakal at pampolitika

sa ibang mga maliliit na

bansa upang makalikha

ng isang imperyo.

Imperyalismo

Bawasan ang ating asukal!Ni Marit Tamis

PW 17-14.indd 11 4/30/2019 11:43:04 AM

Si Kap Sonny

SUNDAN SA PAHINA 11

Komiks ng SAKA (Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo)

PW 17-14.indd 12 4/30/2019 11:43:05 AM