Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Transcript of Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga Batayang Kasanayan sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Uri ng Teksto
Ang pagbasa ay pakikipagtalastasan ng awtor sa kanyang mga mambabasa. Tatlong mahahalagang sangkap ang sangkot dito; ang aklat o anumang babasahin na siyang nagsisilbing tsanel o midyum ng tao, ang awtor na sumulat ng akdang babasahin, at ang babasa ng kanyang mga isinulat.
Maituturing ang pagbasa na isang proseso at isa ring kasanayan, Proseso ito ng pagtuklas ng nais ipakahulugan ng awtor sa kanyang mga akda, at isa ring kasanayan sa pag-unawa sa pamamagitan ng pagsasalita o wikang ginagamit dito. Lalo itong nagkakaroon ng kabuluhan kapag nabatid ang tono, layunin, at punto de vista ng akdang binabasa.
Binubuo ng apat na hakbang ang proseso ng pagbasa.
1. Pesepsiyon sa mga salita o yunit ng mga salitang ginamit sa akda
2. Pag-unawa sa mga salita ayon sa kontektsong kahulugan ng mga ito
3. Reaksiyon ng mambabasa sa akda upang makapagbigay siya ng kanyang saloobin, pagsang-ayon, o di pagsang-ayon sa sinasabi ng akda.
Katuturan at Kahalagahan ng Pagbasa at
Pagbabasa
Ang masining, maayos at tamang pagbabasa ay nagiging kapaki-pakinabang sa mga bumbasa at mga nakikinig. Ito ay nagpapalawak ng kaalaman at nagpapalalim ng pag-unawa. Ayon sa kasabihan sa Ingles “Reading maketh a man.” ang pagbabasa ay nagpapaunlad sa personalidad ng tao.
Leo James English- Isang awtor ng English- Tagalog Dictionary, ang pagbasa/pagbabasa ay nagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag na mga salita.
Goodman- Ang pagbabasa ay isang saykolingwistiks na panghuhula kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa. Isang prosesong siklikal buhat sa texto, sariling panghuhula, pagpapatunay, pagtataya, pagrerebisa, pagbibigay ng iba pang kahulugan o prediksiyon.
James Dae Valentine- Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak at sa maraming pagkakataon, napatunayan nating marami sa mga nagtatagumpay na tao ang mahilig magbasa.
Coady- Ang kaisipang ibinibigay ni Goodman na nagwikang ang dating kaalaman ng tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa kanyang binabasang konsepto o kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa texto.
Mga Layunin ng Pagbabasa
1. Nagbabasa tayo upang maaliw 2. Nagbabasa tayo upang tumuklas ng mga
bagong kaalaman at maiimbak sa ating isip.
3. Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
4. Napaglalakbay natin ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap na
marating. 5. Napag-aaralan natin ang ibang kultura ng
lahi upang mabatid ang pagkakatulad at ang pagkakaiba nito sa kulturang ating kinagisnan.
Pangkalahatang Uri ng Pagbasa
May tatlong pangkalahatang uri ng pagbasa ayon kay Emett Albert Betts, isang awtor.
1. Pahapyaw na pagbabasa (skimming)
2. mabilisang pagbabasa (rapid reading)
3. paaral na pagbasa (study reading)
San-ayon naman kay Mildred Dawson at Henry Banman, ang pagbasa ay nahahati sa apat na uri:
1. malakas at tahimik na pagbasa (oral and silent)
2. mapanuring pagbabasa (critical reading)
3. panlibang na pagbasa (recreational) 4. paaral na pagbasa
(work-type reading)