Metodolohiya at Presentasyon ng Datos

12
KABANATA III METODOLOHIYA Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng diskriptib- analitikal na pagsusuri gamit ang proseso ng pagsasarbey, pananaliksik at interbyu upang masuri ng mabuti ang mga pananaw, obserbasyon at opinyon ng mga respondente ukol sa pagkakaiba at pagkawala ng Libangan noon at pagdating ng mga makabagong libangan ngayon ng ating mga kabataan. Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa iba’t-ibang kolehiyo sa loob ng Unibersidad ng Santo Tomas upang mangalap ng datos noong ika-10 at ika-12 ng Pebrero taong 2014. Upang maisagawa ang aming interbyu at sarbey ng maayos kami ay naghanda ng ilang mga katanungan. Ang unang bahagi ng aming interbyu at sarbey ay pumapatungkol sa kanilang pangalan at edad. Ang pangalawang bahagi naman ay naglalaman ng tema ng aming pananaliksik na

description

Hashtag: Throwback Libangan

Transcript of Metodolohiya at Presentasyon ng Datos

Page 1: Metodolohiya at Presentasyon ng Datos

KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng diskriptib-analitikal na pagsusuri gamit ang

proseso ng pagsasarbey, pananaliksik at interbyu upang masuri ng mabuti ang mga pananaw,

obserbasyon at opinyon ng mga respondente ukol sa pagkakaiba at pagkawala ng Libangan

noon at pagdating ng mga makabagong libangan ngayon ng ating mga kabataan.

Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa iba’t-ibang kolehiyo sa loob ng Unibersidad

ng Santo Tomas upang mangalap ng datos noong ika-10 at ika-12 ng Pebrero taong 2014.

Upang maisagawa ang aming interbyu at

sarbey ng maayos kami ay naghanda ng

ilang mga katanungan. Ang unang bahagi

ng aming interbyu at sarbey ay

pumapatungkol sa kanilang pangalan at

edad. Ang pangalawang bahagi naman ay

naglalaman ng tema ng aming pananaliksik

na nagtatanong tungkol sa kanilang madalas na limang libangan ngayon. At ang ikatlong

bahagi naman ay ang kanilang pananaw patungkol sa kanilang obserbasyon sa mga libangan

ng kabataan ngayon at ang kanilang kaalaman patungkol sa mga libangan nang mga kabataan

noon. Naging bahagi din ng aming pananaliksik

ang sosyal eksperiment na kung saan kami ay

pumunta ng Rizal Park noong ika-15 ng Pebrero

taong 2014. Kami ay nakipaglaro sa mga bata sa

loob ng parke upang magbalik tanaw sa mga

Page 2: Metodolohiya at Presentasyon ng Datos

libangan noon. Pagkatapos nito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng obserbasyon sa loob

ng SM Manila.

Ang mga respondente sa aming pag-aaral ay ang 30

kabataan na nasa kolehiyo at 20 na nasa edad 40 pataas..

Kaming mga mananaliksik ay gumamit lamang ng selpon

upang makuhanan ang mga pangyayari at para maitala ang mga kasagutan ng aming mga

respondente. Samakatuwid, pagtatally at pagkuha ng prosyento lamang ang aming ginawa

upang mapag-isa lahat ang mga tugon ng mga respondente. Sa tulong ng mga libro at ng

internet kami din ay nakakuha ng iba’t ibang datos.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

TALAHANAYAN 1

ANG IBA’T IBANG LIBANGAN NOON AT NGAYON NG MGA RESPONDENTE

LIBANGAN NILA NOON LIBANGAN NILA NGAYON

TAYA-TAYA MALLING O MAGGALA KASAMA ANG MGA

KAIBIGAN

Page 3: Metodolohiya at Presentasyon ng Datos

DOCTOR-DOCTORAN MANOOD NG SINE O MOVIE MARATHON

PIKO SOCIAL NETWORKING SITES (FACEBOOK,

TWITTER)

BARBIE BASKETBOL

Page 4: Metodolohiya at Presentasyon ng Datos

PATINTERO PAGKAIN

LUKSONG BAKA PHOTOGRAPHY

TAGU-TAGUAN PAGBABASA, PAGSUSULAT NG MGA

KWENTO, PAGGUGUHIT, PAG-AARAL

Page 5: Metodolohiya at Presentasyon ng Datos

TUMBANG PRESO MATULOG

LUKSONG TINIK

Sa talahanayan na ito pinapakita ang iba’t ibang libangan ng mga mag-aaral na

nagmumula sa iba’t ibang kolehiyo sa loob ng Unibersidad ng Santo Tomas. Ang mga

respondente na sumagot sa mga tanong ay mga kalalakihan at kababaihan. Ito ay ginawa sa

isang random na pamamaraan. Makikita na madalas na gawin ng mga kabataan sa

kasalukuyan bilang libangan nila ay ang paggagala, pagtulog, pagfacebook, twitter, at iba pa.

Makikita rin sa kaliwang bahagi ay ang mga ilan sa mga madalas na libangan noon ng mga

respondente, ito ay ang mga luksong tinik, luksong baka, tagu-taguan, habulan, at marami

pang iba.

Page 6: Metodolohiya at Presentasyon ng Datos

GRAP 1

MGA KABATAAN NGAYON NA NAGLALARO PA NG MGA LIBANGAN NOON

20%

80%

MGA KABATAAN NGAYON NA NAGLALARO PA NG MGA LIBANGAN

NOON

MERON PA

WALA NA

Sa grap na ito pinapakita ang sagot ng mga respondente sa tanong na, “May naglalaro

pa ba ng mga libangan noon sa panahong ito?” Walumpu’t porsyento ng mga respondente

ang sumagot na wala, ang ilan pa rito ay nagsabi na, “Puro teknolohiya na ang libangan

ngayon ng mga kabataan.” At sakanilang obserbasyon din sa mga kalsada ay wala na. Sa

kabilang dako, may ilan pa rin sa ating respondente na nagsasabi na mayroon pa rin ilang

mga kabataan sa kalsada ang naglalaro ng mga libangan o laro noon gaya ng mga tagu-

taguan, habul-habulan at iba pa, pero kasunod ng nasabi nila ay medyo kakaunti nalang din

dahil mas nakatuon sila sa mga kompyuter games.

Page 7: Metodolohiya at Presentasyon ng Datos

GRAP 2 MGA MATATANDA NA PABOR SA LIBANGAN NGAYON

99%

1%

MGA MATATANDA NA PABOR SA LIBANGAN NGAYON

HINDIOO

Minabuti naming mga mananaliksik na kunin angopinyon ng mga matatanda edad 40

pataas patungkol sa libangan ngayon ng mga kabataan kung mas gusto ba nila na naglalaro sa

labas ang kanilang mga anak na gaya noon o kung papanig sila sa mga ginagawa na ngayon

na gaya na lamang ng paglalaro sa komputer o paggala at iba pa. Ipinapakita sa grap na ito na

mas mataas ang bilang ng mga matanda na pabor sa libangan noon kaysa ngayon sa mga

dahilan nilang mas nakakatulong sa bata ang paglalaro sa pisikal, emosyonal, espirituwal,

kaisipan at sosyal.

Page 8: Metodolohiya at Presentasyon ng Datos

GRAP 3 MGA KABATAAN NA NAKAKAALAM PADIN SA LIBANGAN NOON

25%

75%

MGA KABATAAN NA NAKAKAALAM PADIN SA LIBANGAN NOON

Oo Hindi

Batay sa sosyal eksperiment na isinagawa naming mga mananaliksik pitumpu’t

limang porsyento o 75% ang hindi na nakaalam sa libangan noon. Samantalang dalawampu’t

limang porsyento o 25% ang nakakaalam padin sa libangan noon. Sa mga bata na di na

nakakaalam sa laro, di sila pamilyar dito at kailangan munang sabihin ang proseso bago nila

ito laruin.

Page 9: Metodolohiya at Presentasyon ng Datos

GRAP 4 DAMI NG MGA RESPONDENTE NA PAMILYAR PA SA MGA BUGTONG

1st Qtr 2nd Qtr0

10

20

30

40

50

60

70

Estudyante na may edad 16 pataas

Kaming mga mananaliksik ay nagsagawa ng eksperimento sa aming mga sarili at sa iba pang

mga estudyante sa iba’t ibang kolehiyo sa loob ng Unibersidad ng Santo Tomas. Kami ay naghanda

ng mga bugtong upang itanong sa aming mga respondente. 70% sa mga grupong aming

napagtanungan ay may kaalaman pa sa mga sagot sa aming mga naihandang bugtong, at 30%

naman ay tila nakalimutan na o halos walang ideya sa mga kasagutan sa aming mga bugtong.

Pinapakita nang grap na ito na mas marami parin’g mga kabataan na nasa edad 16 pataas

ang nakakaalala pa sa mga kasagutan sa mga bugtong. Ito ay nangangahulugan na hindi pa tuluyang

nawawala at nakakalimutan ng bagoong henerasyon ang mga libangan nila noong sila’y mga bata pa.

INTERPRETASYON AT PAGSUSURI

Page 10: Metodolohiya at Presentasyon ng Datos

Lumalabas sa resulta ng aming pag-aaral na higit na nakaapekto ang teknolohiya sa

kabataan kaya unti-unti na ang pagkawala ng libangan noon. Ayon pa sa aming mga

respondente, “Puro teknolohiya na ang libangan ngayon ng mga kabataan.” Ilan sa kanila ay

wala ng nakikitang kabataan na naglalaro ng libangan noon sa mga kalsada. Sa kabilang

dako, may ilan pa rin sa ating respondente na nagsasabi na mayroon pa rin ilang mga

kabataan sa kalsada ang naglalaro ng mga libangan o laro noon gaya ng mga tagu-taguan,

habul-habolan at iba pa, pero kasunod ng nasabi nila ay nawawala na ang mga libangan noon

dahil ang mga kabataan ngayon ay mas nakatuon na ang oras sa mga kompyuter games tulad

ng Dota, LoL, HoN at iba pa. Karamihan sa aming mga respondente ang pabor sa mga

libangan noon, dahil hindi lamang nito hinuhubog ang pagkatao ng isang bata, lumalakas pa

ang pangangatawan at isipin nito hindi tulad sa henerasyon ngayon, nawawalan na sa oras ng

ehersisyo kaya’t ang kanilang katawan ay humihina at may epekto rin ito sa hubog ng

kanilang pangangatawan dahil pag sila ay naglalaro ng kompyuter, tablet at iba pa ay

nakaupo lamang sila, dahilan ng kanilang pag-taba. Lumalabas din sa resulta ng aming pag-

aaral na marami pa rin ang nakakaalam sa mga libangan noon, ito ay marahil sila ay nagmula

sa mga probinsya, hindi tulad sa mga urban na lugar tulad ng maynila ay kakaunti na lamang

ang may alam at naglalaro ng mga libangan noon.