Masusing Banghay Aralin sa pagtuturo ng wika

10
Masusing Banghay-aralin sa Pagtuturo ng Tula (Dulog Moralistiko) I. Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. natutukoy ang mensaheng nakapaloob sa akda; B. naiuugnay ang mensahe sa tunay na buhay; C. nakabubuo ng akrostik batay sa mahalagang salita; at D. aktibong nakalalahok sa talakayan II. Paksang-aralin A. Paksa: Sulat ni Nanay at Tatay (Tula) ni: Rev. Fr. Ariel F. Robles B. Sanggunian: Internet C. Kagamitan: Sipi ng tula, graphic organizer III. Pamaraan Gawaing Guro A. Panimulang Gawain 1. Pagganyak Klas, kayo ba ay gumagawa o sumusulat sa inyong mga magulang? Talaga? Sa napakaraming teknolohiyang pangkomunikasyon ngayon nagagawa niyo pang sumulat kaya? Mabuti kung ganon. Kailan kayo sumusulat sa inyong mga magulang, pag may kailangan lang ba kayo? Okey, mabuti kung ganon, dapat hindi lang tayo sumusulat kung may kailangan tayo. Kailan kayo huling gumawa ng sulat sa inyong mga magulang, klas? Okey, mabuti kung ganon, ano naman ang inyong Gawaing-Mag-aaral Opo ma’am Yes ma’am Hindi po ma’am Noong mother’s day at Father’s day ma’am! Pasasalamat po sa kanila ma’am

description

Lesson Plan in Filipino

Transcript of Masusing Banghay Aralin sa pagtuturo ng wika

Page 1: Masusing Banghay Aralin sa pagtuturo ng wika

Masusing Banghay-aralinsa Pagtuturo ng Tula(Dulog Moralistiko)

I. Layunin:Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:A. natutukoy ang mensaheng nakapaloob sa akda;B. naiuugnay ang mensahe sa tunay na buhay;C. nakabubuo ng akrostik batay sa mahalagang salita; atD. aktibong nakalalahok sa talakayan

II. Paksang-aralinA. Paksa: Sulat ni Nanay at Tatay (Tula) ni: Rev. Fr. Ariel F. RoblesB. Sanggunian: InternetC. Kagamitan: Sipi ng tula, graphic organizer

III. PamaraanGawaing Guro

A. Panimulang Gawain1. Pagganyak

Klas, kayo ba ay gumagawa o sumusulat sa inyong mga magulang?

Talaga? Sa napakaraming teknolohiyang pangkomunikasyon ngayon nagagawa niyo pang sumulat kaya?

Mabuti kung ganon. Kailan kayo sumusulat sa inyong mga magulang, pag may kailangan lang ba kayo?

Okey, mabuti kung ganon, dapat hindi lang tayo sumusulat kung may kailangan tayo.

Kailan kayo huling gumawa ng sulat sa inyong mga magulang, klas?

Okey, mabuti kung ganon, ano naman ang inyong inilahad sa sulat n’yo? Magbahagi nga kayo klas?

Okey, pasasalamat sa mga ano klas? Magbigay nga kayo ng mga bagay na dapat n’yong ipagpasalamat sa kanila?

Magaling, ano pa klas?

Gawaing-Mag-aaral

Opo ma’am

Yes ma’am

Hindi po ma’am

Noong mother’s day at Father’s day ma’am!

Pasasalamat po sa kanila ma’am

Pasasalamat sa kanilang kabutihan magulang, sa kanilang pagmamahal at suporta ma’am.

Pagsasabi ng pagmamahal sa kanila ma’am at pagpuri sa pagiging isang dakilang magulang.

Page 2: Masusing Banghay Aralin sa pagtuturo ng wika

Mahusay, yan ang dapat na panatilihin natin bilang isang anak. Tinanong ko ito sa inyo dahil may kaugnayan sa ating magiging paksa sa araw na ito.

2. Paghawan ng BalakidBago tayo dumako sa ating bagong paksa. ay bibigyang-kahulugan muna natin ang mga mahihirap na salita at mga idyomang ginamit sa tulang ating tatalakayin.

Pag-ugnayin ang mga salitang nasa Hanay A at ang kasingkahulugan ng bawat isa sa Hanay B sa pamamagitan ng linya. Naunawaan ba klas ang panuto?

Hanay A Hanay BMahina ang teyngaMahina ang tuhodParang sirang plakaAmoy lupaPautal-utal

Matanda naNabubulolMagsasakaMalansaBingiAmoy matandaPaulit-ulitPabugso-bugso

B. Paglalahad ng AralinBago tayo dumako sa ating aralin, narito muna ang ilang mga gabay na tanong na ating bibigyan ng tuon. Basahin nga ang mga ito Ivy?1. Ano ang pamagat ng tula?2. Anong persona ang ginamit sa

akda?3. ano ang pinapaksa sa akda?4. Anong damdamin ang nanaig sa

tula?5. ano ang mensahe ng tula?

C. Unang PagbasaKlas, noong huli nating pagkikita ay binigyan ko kayo ng takdang aralin na basahin ng may pang-unawa ang tulang aking ibinigay sa inyo. Ngayon naman babasahin natin ang tula sa paraang pasaknong. Umpisahan dito sa harapan.

D. Pagtalakay sa Nilalaman ng AkdaNaintindihan niyo ba klas ang inyong binasa?

Opo ma’am

Hanay A Hanay BMahina ang teyngaMahina ang tuhodParang sirang plakaAmoy lupaPautal-utal

Matanda naNabubulolMagsasakaMalansaBingiAmoy matandaPaulit-ulitPabugso-bugso

(babasahin)

Opo ma’am

Page 3: Masusing Banghay Aralin sa pagtuturo ng wika

Katangian ng isang matandang magulang

makulit

malabo ang matamahina

ang katawan

maramdamin

mahina ang tuhod mahina ang

teyngamasungit

Ano ang pamagat ng tula, Lori?

Tama, at para kanino inilaan ang tula?

Tama ba klas, na para sa mga anak?

Okey, tama. Sino ang mga anak na tinutukoy dito klas?

Magaling, tayo ang tinutukoy na ank sa tula. Ngayon batay sa akda ano ang ginamit na persona?

Patunayan kung bakit sinabi niyong gumamit ang may-akda ng unang persona, Naïve?

Sang-ayon ba kayo klas?

Magaling, at sino ang tinutukoy ng panghalip na ako sa akda?

Tama, gumamit ang may-akda ng unang panauhan/persona para irepresenta ang magulang. Ngayon base sa naintindihan niyo, ano ang pinapaksa o nilalaman ng akdang ito Jess?

Tumpak! Ngayon ilarawan nga ang isang matandang magulang base sa tulang ating binasa, gamit ang woranetwork na ito. Ilarawan niyo, maaaring salita o parirala.

Basahin nga ang inyong mga sagot, Anabel?

Isa-isahin nga nating suriin kung tama. Kung sinabing Malabo ang mata, ano ang pagkakaintindi mo dito, Lori?

Sulat ni Nanay at Tatay ma’am

Para sa mga anak ma’am

Opo ma’am

Kami po ma’am

Ma’am, unang persona po

Ma’am, kasi gumamit ng panghalip na ako ang may-akda na nabibilang sa unang persona.

Opo ma’am

Ang magulang po ma’am

Tungkol po sa pagmamahal, pag-intindi at pagpapahalaga sa magulang lalung-lalo na kung sila ay matatanda na.

(babasahin)

Ma’am hindi po sila masyadong nakakakita, o hindi po malinaw ang kanilang paningin.

Page 4: Masusing Banghay Aralin sa pagtuturo ng wika

Tama, ang isang tao kung bata pa siya ay malakas at malinaw ang kanyang paningin, pero habang tumatanda’y lumalabo na rin ang mata.

Paano rin nagiging maramdamin ang isang matanda, anong ideya mo Cheryl?

Magaling, ang isang matanda ay madaling masaktan at madaling magtampo kahit konting bagay. Kahit mababaw ang dahilan.

Kapag sinabing mahina ang katawan ano ang ibig sabihin nito, Mona?

Tama, pang-ilang saknong natin ito makikita, basahin nga ito Isabel?

Okey tama, ang matatanda kapay sinabing ayaw huwag nating pilitin dahil baka yon pa ang dahilan ng kanilang pagkakasakit.

Ano pa karagdagan sa sinabi ni Mona, Pia?

Tama. Anong dahilan, Edna?

Tama, kung noong mga bata-bata pa sila, malakas pa ang katawan kaya kayang mag-buhat ng kahit ano. Pero ngayon na matanda na nagiging mahina na sila. Hindi na nila kayang gawin ang dating ginagawa nila.

Ano naman ang ibig sabiin ng nagiging mahina ang kanilang teynga, ipaliwanag nga ito Jessicah?

Magaling. Ganito ang mga magulang natin, ang mga lolo at lola natin, kaya dapat medyo lakasan natin ang boses hindi naman yong pagalit na tono, kapag kinakausap natin sila.

Dala rin ng katandaan nila, nagiging masungit sila. Ito ang nagpapatunay na ang isang tao

Ma’am, madali silang nasasaktan.

Ma’am, nagiging sensitibo ang kanilang mga katawan.

(babasahin)

Ma’am hindi nap o sila nagbubuhat ng mabibigat.

Ma’am mahina nap o ang katawan nila. wala ng lakas.

Ma’am, nagiging mahina ang teynga sapagkat nagbabago ang kanilang pandinig nagiging Malabo, dala narin ng kanilang pagtanda.

Page 5: Masusing Banghay Aralin sa pagtuturo ng wika

tumatanda, nagbabago. Kadalasan sinasabi nila na bumabalik sa pagkabata.

Sang-ayon ba kayo klas sa sinabi ko?

E. Muling PagbasaNgayon klas, muli nating basahin ang tula ng tahimik. Ngayon ay basahin natin na may halong musika para lubos pa nating maramdaman ang mensaheng nais nitong ipabatid, at maramdaman natin ang damdamin ng isang magulang.

F. Pagtalakay sa Mensahe ng AkdaOkey ngayon klas, mula sa tulang binasa. Ano kayang mensahe ang maari nating mapulot dito?

Tama, bilang isang anak anu-ano ang mga dapat intindihin sa magulang lalo na kung sila ay matatanda na?

Magaling, dapat ikaw na anak ang unang umintindi sa kanilang damdamin.

Ano pa ang dapat nating intindihin, Lea?

Tama, Bakit kaya dapat intindihin ang kanilang ugali at kilos, Naïve?

Magaling, tama ang sinabi ni Naïve. Sapagkat ang mga matatanda may mga ikinikilos sila na mahirap unawain at intindihin. Ano ngayon ang nais ipabatid nito sa inyo bilang isang anak?

Napakahusay, yan ang tungkulin ng isang anak. Alalahanin ninyo na sobra-sobra ang pag-intindi ng mga magulang sa inyo na mga anak. Kahit nasasaktan sila pilit paring iniintindi nila ang inyong mga kilos at ugali.

Naunawaan ba klas ang sinabi ko?

Opo ma’am

Dapat intindihin ang mga magulang lalo na kung sila ay matatanda na.

Ma’am, dapat intindihin ang kanilang damdamin. Ang damdamin ng isang matandang magulang.

Dapat intindihin ang kanilang ikinikilos at ugali ma’am.

Kasi ma’am, may mga ugali sila at kilos na parang kilos at gawi ng isang bata.

Bilang isang anak ma’am, dapat intindihin ang mga magulang gaya ng pag-intindi nila sa atin noong tayo ay mga bata.

Opo ma’am

Page 6: Masusing Banghay Aralin sa pagtuturo ng wika

Okey, ano pa klas ang maaring mapulot na aral sa akda maliban sa sinabi na?

Tama. Ang puso ibinigay sa atin ng Panginoon para gamitin sa tama. Mahalin natin ang ating mga magulang. Bilang isang anak paano mo ipadama ang pagmamahal mo sa inyong magulang, Naïve?

Okey, ano pa Pia?

Paano niyo inaalagaan ang inyong mga magulang klas?

Tama, ano naman ang ginagawa niyo kung binabantayan niyo sila, Anabel?

Okey, klas ganyang talaga ang mga matatanda nagpapabeybi, hinahanap nila ang kalinga at pagmamahal ng kanilang anak. Ano ngayon ang nais ipabatid nito sa inyo na mga anak?

Ano pa, Marciana?

Tumpak, yan dapat ang taglayin ng isang anak. Habang nabubuhay at malakas pa ang ating mga magulang ipakita natin na mahal natin sila. Gawin ang lahat para sa ikasisiya nila habang sila ay nabubuhay dahil hindi natin ito magagawa pag sila ay wala na.

G. PaglalapatKlas, bilang isang anak, paano niyo ipinapakita ang pagmamahal niyo sa inyong mga magulang, ngayon at kapag sila’y matanda na?

Ano pa, Mona?

Magaling, sa paanong paraan?

Tama, dapat magbigay o maglaan tayo ng panahon sa kanila para mangumusta, alamin ang karamdaman nila at makipagkwentuhan.

Dapat mahalin ang mga magulang gaya ng pagmamahal nila sa atin.

Pagsasabi sa kanila na mahal sila ma’am.

Pag-aalaga sa kanila ma’am

Ma’am, sa pamamagitan po ng pagbabantay at pag-aalaga sa kanila lalong-lalo na po kung may sakit sila.

Ma’am sinusubuan po ng pagkain kasi kung minsan ayaw nilang kumain.

Ma’am, bilang isang anak, tayo dapat ang mag-alaga sa ating mga magulang, hwag ipaubaya sa iba.

Kinakailangan ang tiyaga, mahabang pasensiya at pang-unawa.

Ma’am, pagrespeto sa kanila.

Sa pamamagitan ng pagpaparamdam na sila ay mahalaga sa amin.

Sa pamamagitan ng pakikipag kwentuhan sa kanila ma’am at sa pamamagitan ng pangungumusta sa kanila.

Page 7: Masusing Banghay Aralin sa pagtuturo ng wika

Ngayon, paano niyo tinatrato ang inyong mga magulang? Halimbawa kapag pinapagalitan kayo, sinasagot niyo ba sila o nagdadabog ba kayo klas?

Mabuti kung ganon, bilang isang anak, kung anuman ang mabubuting turo, gawi na natutunan natin at itinuro sa atin dapat isabuhay at isakilos natin. Dapat marunong tayong rumespeto sa ating mga magulang kahit na sila ay matanda na. Gaya ng nakalahad sa sampung utos ng Panginoon. “Igalang ang ating Ama at Ina”

IV. Pagtataya

Klas, kayo ay papangkatin ko sa apat. Bawat pangkat ay bubuo ng Akrostik tungkol sa salitang magulang. Isulat nyo sa buong papel. Gawin nyo ito sa loob ng sampung minuto.

M-A-G-U-L-A-N-G-

V. KasunduanSa buong papel, bumuo kayo ng sarili niyong tugon tungkol sa tulang ating tinalakay. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng tula o sa pamamagitan ng liham.

Hindi po ma’am pinapakinggan po ang kanilang sinasabi at kung ano ang mga payo.

Opo ma’am

Inihanda ni:

Grace Celia C. Ananayo

Pinuna ni:

Gng. Penina A. FradelaPropesor