Masusing Banghay-Aralin sa Major 6

7
Republika ng Pilipinas PAMANTASANG ESTADO NG ISABELA Roxas Kampus Rang-ayan, Roxas, Isabela Masusing Banghay-Aralin sa Meyjor 6 Inihanda nina: Almarie S. Mallabo El Vergel R. Salvador Analiza P. Gapuz BSE III – Filipino Meyjor I. Layunin Pagkatapos ng isang oras talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. nakasasagot sa mga katanungan hinggil sa paksang tatalakayin; b. naiuugnay sa tunay na buhay ang paksang-aralin; c. naisasagawa ng maayos ang lahat ng ipinagagawa ng guro. II. Paksang-Aralin Paksa: Pabula (Si Karlo at Kaloy, ang prinsipe ng mga kalabaw) Mga Sanggunian: "Pabula". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles) . (1990 ). Youtube.com May- akda: Padre Leo James English, C.Ss.R, youtube.com Kagamitan: Laptop, Videocllips, Lobo, Dice, Powerpoint Presentation, Metodolohiya: Diskasyon at Aktiviti Metod III. Pamamaraan

description

Pabula (Si Karlo at Kaloy, ang prinsipe ng mga kalabaw)

Transcript of Masusing Banghay-Aralin sa Major 6

Republika ng PilipinasPAMANTASANG ESTADO NG ISABELA

Roxas Kampus

Rang-ayan, Roxas, Isabela

Masusing Banghay-Aralin sa Meyjor 6Inihanda nina: Almarie S. Mallabo

El Vergel R. Salvador

Analiza P. Gapuz

BSE III Filipino Meyjor

I. Layunin

Pagkatapos ng isang oras talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakasasagot sa mga katanungan hinggil sa paksang tatalakayin;

b. naiuugnay sa tunay na buhay ang paksang-aralin;

c. naisasagawa ng maayos ang lahat ng ipinagagawa ng guro.

II. Paksang-Aralin

Paksa: Pabula (Si Karlo at Kaloy, ang prinsipe ng mga kalabaw)

Mga Sanggunian: "Pabula".English, Leo James.Tagalog-English Dictionary(Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990). Youtube.com

May- akda: Padre Leo James English, C.Ss.R, youtube.com

Kagamitan: Laptop, Videocllips, Lobo, Dice, Powerpoint Presentation,

Metodolohiya: Diskasyon at Aktiviti Metod

III. Pamamaraan

Gawaing GuroGawaing Mag-aaral

A.PAGHAHANDA

1. Pagbati

Lumundag ng tatlong beses kung kayoy handa na!

2. Panalangin

Manatiling nakatayo para sa isang panalangin. Bb. Mallabo, pangunahan mo ang ating panalangin.

Amang Makapangyarihan sa lahat, narito po kami at humihingi ng kapatawaran sa lahat ng aming mga kasalanan. Bigyan Mo po kami ng lakas at talino upang maisagawa ang lahat ng nais mo. Sa Pangalan ni Hesus. Amen.3. Pagpuna sa kaayusan ng klase

Bago kayo umupo, pulutin ang mga nakikitang kalat at ayusin ang mga upuan.4. Pagkuha ng atendansJocelyn, pakitala ang lumiban sa klase.5. Pagbabalik-aral

Bago tayo dumako sa ating talakayan, Jess Rael, pakibuod mo ang huling tinalakay natin.A.PAGGANYAK

Motibasyon

Ngayon, kayo ay mahahati sa apat na pangkat. Pumili ng lider at sekretari. pumunta dito sa harapan ang mga lider at kayo ay bubunot ng isang papel.

Ang inyong mga nabunot na kulay ay ang kulay ng inyong kalabaw na magsisilbi ninyong grupo sa ating talakayan. Kapag sinabi kong standing score, sasabihin lamang ng sekretari ang inyong puntos.

May inihanda kaming laro na tinatawag na apat na larawan, isang salita. O sa ingles ay four pic, one word.

May inihanda kaming dice at ihahagis ito, kung sinong grupo ang lalabas ay siyang sasagot sa katanungan. Pupunta ang lider sa harapan upang sagutan ang larawan. Ang makakasagot ng tama ay magkakaroon ng puntos. Kapag hindi nasagot ay ihahagis ulit ang dice para sa susunod na sasagot.Handa na ba kayo?

Unang larawan = PAGBASA

Ikalawang larawan = PABULAStanding score?Mahusay. Limang puntos sa iyong grupo.

Ang mga larawan na inyong sinagutan ay may kaugnayan sa ating paksang-aralin. Na kung saan ang pagbasa ay bahagi ng komunikasyon. Ito ay haluang pag-unawa ng mga salita at ng diwang nais ipahayag ng nagsulat at ang pabula naman o tinatawag ding kathang isip ay itinuturing na isa sa pinakamatandang anyo ng panitikan na kung saan ang mga hayop ang nagsisilbing tauhan sa kwento.

Ngayon klas tayo ay manonood ng isang pabula na kung saan makapupulot tayo ng aral at kagandahang asal. Nais naming na kayoy maging mapanuri, mapagmatyag at ituon ang inyong mga isip sa palabas na inyong matutunghayan sapagkat ang mga katanungan ay manggagaling sa palabas na ito.Handa na ba kayo?B. PAGLALAHAD

Ang kwentong pabula na ating mapapanood ay pinamagatang SI KARLO AT KALOY ANG PRINSIPE NG MGA KALABAW.C.PAGTATALAKAY NG KWENTO

Magpapanood ng palabas sa pamamagitan ng videoclips.D. PAGLALAPAT

Pansamantala naming ihihinto ang palabas. Ang bawat grupo ay magbibigay ng sariling kasagutan kung sino ang pinili ni Haring Kalasiao na maging susunod na hari ng mga kalabaw. Babasahin ito ng lider. At kung sino man ang makakakuha ng tamang kasagutan ay magkakaroon ng 10 puntos. At kung walang nakakuha ng tamang kasagutan ay yung may pinakamalapit lamang na kasagutan, at magkakaroon ng 5 puntos.

Ang pormat sa pagsagot ay ganito: Si ___________ ang napili ni Haring Kalasiao sapagkat ____________.

Ihahagis namin ang dice at kung sinong grupo na lalabas sa dice ay syang unang sasagot. Mayroon lamang kayong dalawang minuto upang gumawa ng ending. Handa na ba kayo?Standing score?

Ihahagis na ang dice.E.PAGLALAHAT

Ipapalabas na ang katapusan ng kwento. At pipili ng may pinakamalapit o tamang kasagutan sa kwento.

Ang pabula na Si Karlo at Kaloy, ang prinsipe ng mga kalabaw ay isang uri ng panitikan na naglalayong magbigay ng aral at magising ang mga tao sa paggawa ng tamang asal sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Tinatawag din itongkathang kuwentong nagbibigay-aral.

Ang kahalagahan ng pabulang ito ay maging masunurin sa lahat ng pinag-uutos sa atin ng mga nakatatanda sa atin at wag mandaya upang hindi tayo mapahamak.F. PAGPAPAHALAGA

Bilang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng inyong napanood? Ihagis ang dice para sa sasagot ng katanungan.Standing score?

Bilang guro sa hinaharap, paano mo maiaaplay ang kahalagahan ng kwentong iyong napanood?

Ihagis ang dice para sa sasagot ng katanungan.Standing score?

Ang may pinakamataas na score ay magkakamit ng premyo.(Lulundag ng tatlong beses ang mga mag-aaral)(pupulutin ang kalat at aayusin ang mga upuan).

Opo Sir. (itatala ni Jocelyn ang lumiban sa klase).

Opo Sir. (ibubuod ni Romalyne ang tinalakay sa klase).

(pupunta sa harapan ang mga lider)Opo Sir.

(aktibong sasagot ang mga mag-aaral sa laro)Zero. Opo Maam

(Manonood ng palabas ang mga mag-aaral)Opo Maam. (magbibigay ng sariling kasagutan ang bawat grupo).(sasagot ang bawat grupo)(sasagot na ang mga mag-aaral)(sasagot na ang mga mag-aaral)(sasagot na ang mga mag-aaral)

(sasagot na ang mga mag-aaral)

G. EBALWASYON

Ngayon, tayo na ay darako sa ating aktiviti. Ang ating laro ay pinamagatang KARERA NG MGA KALABAW.

Narito ang mekaniks ng laro.

MEKANIKS:

Ihahagis namin ang dice at kung sino ang lalabas na grupo ay bubunot ng lobo na may katanungan at sasagutin nya ito. Kapag nasagot ay aabante na ang kalabaw. Kung hindi naman masagot ay maaaring agawin ng kalaban ang katanungan. Ang mga kalabaw sa pisara ay ang inyong grupo. Paunahan na makarating sa finish line. Ang mauna ay syang panalo at magkakamit ng premyo.H. TAKDANG-ARALIN

Humanap ng pabula na tungkol sa pagiging masipag at matulungin at isulat ito sa isang buong papel. Ipapasa sa susunod na pagkikita.