Masusing Banghay-Aralin sa Fil 7

5

Click here to load reader

description

Ito ay tungkol sa introduksiyon sa pananaliksik

Transcript of Masusing Banghay-Aralin sa Fil 7

Page 1: Masusing Banghay-Aralin sa Fil 7

Lanting Region National High SchoolMasusing Banghay – Aralin

Filipino Grade 7- NarraDisyembre 1, 2015

I. LAYUNINPagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nabibigyang kahulugan ang pananaliksik;b. nailalahad nang may kahusayan ang mga nakalap na impormasyon tungkol sa paksa;c. masiglang nakikilahok sa talakayan at mga gawaing may kinalaman sa paksa.

II. PAKSANG-ARALINPaksa: Introduksiyon sa PananaliksikSangguian: Gabay sa Guro Baitang 7 Ikatlong MarkahanAwtor: Rowena del Castillo Et. al.Pahina: 67-69Kagamitan: Laptop, powerpoint presentation, marker

III. PAMAMARAANGawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Paghahanda 1. Panimula

a. Pagbati b. Panalangin c. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum d. Pag tsek ng atendans

e. Pagbabalik-aral

B. Pagtuklas1. PagganyakIhanda ang inyong cheer kapag tinawag ko

ang inyong grupo. Bibigyan ko ng dalawang puntos ang may pinakamaayos na grupo.

Bawat grupo ay maglalahad ng may kahusayan sa kanilang nakalap na impormasyon o datos tungkol sa ipinagawa ng guro sa kanila.Bibigyan ng 50 puntos ang may pinakamagandang output batay sa kriteria na ibibgay.

Pamantayan sa Pananaliksik Bahagdan1. Kahusayan sa pagkalap ng datos 30%2. Pagkakaisa ng grupo 30%3. Orihinalidad 40 % Kabuuan: 100%

Mahusay! Magkakaroon ng 50 na puntos ang inyong grupo!

C. PaglalahadBase sa inyong ginawang aktiviti, ito ay may

kaugnayan sa ating paksang-aralin sa araw na ito. Basahin ng sabay-sabay.

1. Mga Gabay na TanongNgayon, basahin naman natin ang mga

Gabay na Tanong.

(Magbibigay ng cheer ang bawat grupo.)

Kami po ang unang grupo at narito po ang nakuha naming impormasyon tungkol sa aming guro at paaralan.(Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan.)

“Introduksiyon sa Pananaliksik”

1. Ano ang Pananaliksik?2. Anu-ano ang mga katanungan na gustong masagot?3. Ano ang Fieldwork?

Page 2: Masusing Banghay-Aralin sa Fil 7

D. Pagtatalakay sa paksa 1. Pagsagot sa gabay na tanong

Sa iyong sariling pagkakaunawa, ano ba ang salitang pananaliksik?

Rosana?

Magaling!Ang Pananaliksik ayon kay Aquino (1974)

ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

Basahin moa ng sumunod na islayd, Jared. 

Ang inyong isinagawang pagkalap o pagkuha ng mga impormasyon at datos tungkol sa inyong guro at paaralan ay isang pananaliksik.

Anu-ano ba ang mga katanungan na nais o gusto nating masagot?

Magaling!Ano naman ang Fieldwork? Cyrus?

Tama! Para mas lalo nating maunawaan ang salitang fieldwork, sumagot kayo ng HAVEY o WALEY kung inyong ginawa ang mga sumununod; a. Pag-ikot upang mahanap ang sagotb. Pakikipanayam o pag-iinterviewc. Librod. Internet

Kayo ba ay lumabas ng klasrum upang makakuha ng impormasyon tungkol sa inyong paaralan at inyong guro?

Kayo ba ay nakipanayam o nag-interview ng inyong napiling guro?

Kayo ba ay kumuha ng impormasyon sa libro?

Kumuha rin ba kayo ng impormasyon sa internet?

Mahusay! Naintindihan ba ang ating tinalakay sa araw na ito?

Ma’am, ang pananaliksik po ay isang proseso ng pagkuha ng mga impormasyon.

Sinabi naman ni Parel (1966). na ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.

Ang mga katanungan po ay tungkol sa aming guro at paaralan.1. Ilang banyo mayroon ang buong paaralan?2. Ano ang pinakanakabubusog na kombinasyon ng pagkaing mabibili sa canteen gamitlamang ang sampung piso?3. Kapanayamin ang isang guro at itanong ang mga sumusunod:a. Ano ang buo nilang pangalan?b. Saan sila nagtapos ng pag-aaral?c. Ano-ano ang itinuturo nilang asignatura?d. Ano ang paborito niyang lugar sa paaralan?4. Ilang guro mayroon sa faculty room?5. Ano ang mga makikita sa pinakamataas na bahagi ng paaralan?6. Ano ang mga katabing lugar ng paaralan?

Ma’am, ito po ay ang pagkuha ng impormasyon sa field o sa labas po.

HAVEY!

HAVEY!

WALEY!

WALEY!

Opo Ma’am.

Page 3: Masusing Banghay-Aralin sa Fil 7

E. PagpapalawigKumuha ng ikalawang bahagi ng papel at

sagutin ang mga katanungan:1. Ano ang inyong naging karanasan sa pagsasaliksik? Masaya, malungkot, nakakakaba atpb.2. Madali ba o hindi ang pananaliksik na inyong ginawa? Oo o hindi?3. May pagkakaisa ba ang inyong grupo sa pagsasawa ng pananaliksik? Oo o hindi?4. Nakuha mo ba ang mga impormasyon na dapat kunin? Oo o hindi?5. Ano ang iyong natutunan sa gawaing ito?

F. Pangwakas na pagtatayaPangkatang GawainTayo ay maglalaro. “MESSAGE RELAY”.

Kailangan ng tig limang kalahok sa Gawain na ito. Sasabihin ko sa lider ang kasagutan at sasabihin naman ng lider sa miyembro ang sagot hanggang makarating ito sa dulo at isusulat sa pisara ang sagot.Magkakaroo ng 2 puntos ang mauuna sa pagsagot.

IV. TAKDANG ARALIN 1. Gumawa ng isang brochure na magpapakilala sa maipagmamalaki ng ating bayan.

Magdikit ng mga larawan tulad ng: a. mga sikat na pagkain at produkto b. mga kilalang tao c. mga sikat na pasyalan d. mga pagdiriwang

Sanggunian: 1. Gabay sa Guro Baitang 7 Ikatlong Markahan

Inihanda ni:

ALMARIE S. MALLABO Praktis Titser

Sinuri ni:

Gng. LIGAYA P. ACIO Koopereyting Titser

Page 4: Masusing Banghay-Aralin sa Fil 7