Masusing Banghay Aralin Grade 1

7
Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 1 I. Layunin Ang mga mag-aaral ay inaasahang a. natutukoy ang mga salitang nabibilang sa konseptuwal na kategorya sa tulong ng mga larawan b. aktibong nakikilahok sa gawain ang klase II. Paksang-aralin a. Paksa: Mga Larawan at Salitang Nabibilang sa Konseptuwal na Katergorya b. Sanggunian: Filipino 1, pahina 96-97 c. Kagamitan: Mga tunay na bagay, larawan ng mga bagay na magkakauri at di magkakauri, plaskards, tsart d. Saloobin: Pagiging maayos sa mga gamit III. Pamamaraan Gawaing Guro Gawaing-Mag-aaral A. Paunang Gawain 1. Panalangin 2. Atendans 3. Balik-aral Klas, ano ang tinalakay natin kahapon? Magaling! Ano ang salitang magkahulugan? Mahusay! B. Pagganyak Mga bata, nasubukan na ba ninyong pumunta sa palengke? Anu-ano ang mga bagay na binibili doon? Mga bata, sa araw na ito ay iyong matutunghayan o makikita ang isang dula- dulaan. Ito ay tungkol sa Pamilya na pumunta sa palengke. Pagkatapos ng dula- dulaan ay inyong sasagutin - Ma’am tungkol po sa salitang magkahulugan - Ma’am ang salitang magkahulugan ay magkatulad ang ibig sabihin. - Opo - Ma’am, mga laruan, mga damit at marami pang iba.

description

Filipino Detailed Lesson Plan for Elementary

Transcript of Masusing Banghay Aralin Grade 1

Page 1: Masusing Banghay Aralin Grade 1

Masusing Banghay-Aralinsa Filipino 1

I. LayuninAng mga mag-aaral ay inaasahanga. natutukoy ang mga salitang nabibilang sa konseptuwal na kategorya sa

tulong ng mga larawanb. aktibong nakikilahok sa gawain ang klase

II. Paksang-aralina. Paksa: Mga Larawan at Salitang Nabibilang sa Konseptuwal na Katergoryab. Sanggunian: Filipino 1, pahina 96-97c. Kagamitan: Mga tunay na bagay, larawan ng mga bagay na magkakauri at di

magkakauri, plaskards, tsartd. Saloobin: Pagiging maayos sa mga gamit

III. PamamaraanGawaing Guro Gawaing-Mag-aaral

A. Paunang Gawain1. Panalangin2. Atendans3. Balik-aral

Klas, ano ang tinalakay natin kahapon?

Magaling!

Ano ang salitang magkahulugan?

Mahusay!

B. Pagganyak

Mga bata, nasubukan na ba ninyong pumunta sa palengke?

Anu-ano ang mga bagay na binibili doon?

Mga bata, sa araw na ito ay iyong matutunghayan o makikita ang isang dula-dulaan. Ito ay tungkol sa Pamilya na pumunta sa palengke. Pagkatapos ng dula-dulaan ay inyong sasagutin ang tanong na:

Anu-ano ang binili ng Pamilya Reyes sa palengke?

C. Pamantayan

Pero bago natin mapanood ang dula-dulaan. Ano ang dapat gawin habang may dula-dulaan?

- Ma’am tungkol po sa salitang magkahulugan

- Ma’am ang salitang magkahulugan ay magkatulad ang ibig sabihin.

- Opo

- Ma’am, mga laruan, mga damit at marami pang iba.

- Ma’am, manood ng mabuti.- Makinig sa usapan.- Tumahimik po.

Page 2: Masusing Banghay Aralin Grade 1

(Pakikinig at panonood sa dula-dulaan)

Dito na po nagtatapos ang munting dula-dulaan. Ngayon palakpakan natin ang mga nagsiganap.

D. Pagtatalakay

Anu-ano ang mga binili ng pamilya Reyes sa palengke?

Sinu-sino ang mga pumunta sa palengke?

Bakit mas mahalagang bilhin ang mga gulay at prutas?

Base sa dula-dulaan. Tatawagin ko muna ang mga sumusunod:Tatay, Nanay, mga anak at Tindero.

Sinu-sino sa kanila ang mga kasapi sa pamilya?

Sinu-sino ang dapat magkakasama sa grupo? Sino ang hindi kasali?

Bakit sila dapat magkakasama?

Ano ang puwedeng itawag sa Tatay, Nanay at mga anak?

Magaling!

Narito rin ang mga binili ng pamilya sa palengke. Sabihin ang mga pangalan nito.

Alin ang dapat magkakasama?

Bakit sila magkakasama o magkapangkat?

Bakit hindi kasali sa pangkat ang manika?

Tama!

Ano ang pantawag sa pangkat ng saging, mansanas at pongkan?(Pagtatalakay sa gulay pa…)

E. Kasanayang Pagkabisa

Ngayon mga bata, bubuo tayo ng

- Ma’am. Mga gulay, prutas at mga laruan.

- Ma’am. Tatay, Nanay at mga anak.

- Mahalaga po, dahil masustansiya at mainam po sa katawan.

- Ma’am. Tatay, Nanay, mga anak.

- Ma’am. Tatay, Nanay at mga anak.- Tindero po.

- Kasi po, sila ay miyembro ng pamilya.

- Pamilya po.

- Ma’am. Manga, saging, mansanas at pongkan

- Ma’am. Kinakain po at mga prutas.

- Hindi, kasi laruan po ito.

Page 3: Masusing Banghay Aralin Grade 1

tatlong pangkat, ang bawat pangkat ay mabibigyan ng mga larawan. Ang gagawin ninyo ay pipiliin at pagsasamahin ang magkakapangkat at alisin ang hindi kasali, pagkatapos ay piliin ang angkop na pangalan para sa pangkat. Ilagay ito sa mga tsart.

Pero bago natin simulant. Ano ang dapat gawin kapag may gawain?

Paano ninyo pinangkat ang mga larawan o bagay?

Ano ang pantawag sa bawat pangkat?

F. Paglalahat

Mga bata, ano ang aralin natin ngayon?

Paano ipapangkat ang bawat grupo?

G. Saloobin

Ano ang dapat gawin para maging maayos ang mga gamit?

Mahusay!

H. Kasanayang Pagpapayaman

Mga bata, mayroon akong mga lobo dito. Pero bago tayo maglaro, ano ang mga dapat gawin habang naglalaro?

Magaling!

Ngayon, hahatiin ko kayo sa tatlong grupo. Ang mga lobo na ito ay may lamang mga sulat at larawan. Ang gagawin ninyo ay papuputukin ang lobo, pagkatapos ay kukunin ninyo ang papel na nasa loob at ididikit ninyo kung saang salita nabibilang sa konseptuwal na nakapaskil na kategorya sa pisara. Tatawag ako ng tig-iisang miyembro sa bawat grupo. Naintindihan ba mga bata?

Mga bata, tignan nga natin kung tama ang inyong ginawa?

- Tumulong sa grupo.- Tumahimik po.

- Ma’am. Ayon po sa gamit.

- Ma’am. Pagpapangkat at pagbibigay ng pangalan sa pangkat.

- Sa pamamagitan po ng gamit, kulat at anyo.

- Ma’am. Para maging maayos ang mga gamit, ilagay sa tamang lalagyan at dapat hindi magkahalu-halo sa isang lalagyan.

- Ma’am. Sumali sa laro- Huwag magulo at maingay

- Opo, Ma’am.

Page 4: Masusing Banghay Aralin Grade 1

IV. PagtatayaPanuto: Pagkabitin ang mga larawan na nabibiliang sa konseptuwal na kategorya sa hanay A at hanay B sa pamamagitan ng linya.

A B

1. mansanas a. Gulay

2. Nars b. Prutas

3. pechay c. nakikita sa ospital

4. lapis at papel d. Gamit ng babae

5. palda, panty, blouse e. Gamit sa paaralan

V. Takdang Aralin

Gumuhit ng (5) limang larawan na kasama sa isang kategorya na gamit sa kusina.

Inihanda ni:

Jenna PonhalPT Student

Pinuna ni:

Mrs. Mary Grace R. LacandazoCooperating Teacher

Page 5: Masusing Banghay Aralin Grade 1

Pangalan: ______________________________________ Baitang: _________

Panuto: Pagkabitin ang mga larawan na nabibiliang sa konseptuwal na kategorya sa hanay A at hanay B sa pamamagitan ng linya.

A B

1. mansanas a. Gulay

2. Nars b. Prutas

3. pechay c. nakikita sa ospital

4. lapis at papel d. Gamit ng babae

5. palda, panty, e. Gamit sa paaralan

blouse