Mariano Gómez
-
Upload
quinnzone-castro -
Category
Documents
-
view
410 -
download
1
description
Transcript of Mariano Gómez
Mariano Gómez
Si Padre Mariano Gómez ay isinilang noong Agosto 2, 1799 sa distrito ng Santa Cruz
sa Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Alejandro Francisco Gomez at Martina
Custodio na kapwa may dugong Pilipino at Instik.
Si Mariano Gomez ay nagtapos ng "Canon Law", at Teolohiya sa Unibersidad ng Santo
Tomas at naging pari sa Parokya ng Bacoor,Kabite noong Hunyo 2, 1824. Siya ay
naging aktibo sa pagpapaunlad ng agrikultura at industriyang pantahanan sa bayang
ito. Siya rin ang naging tagapaglutas ng mga sigalot at alitan ng mga pari kung kaya't
siyay minahal at iginagalang ng lubos ng maraming tao. Nagpagtagumpayan din niya
ang pakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga paring Pilipino laban sa mga
prayleng Kastila.
Kaisa siya ng maraming tao sa mga ipinaglaban nilang karapatan. Dahil na rin sa
kanyang pagtatanggol sa mga kababayan, pinaghinalaan siya na kasali sa rebulusyon
na sumibol sa Cavite. Kasama sina Burgos at Zamora, si Gomez ay pinatay sa
pamamagitan ng garote noong ika-17 ng Pebrero, 1872.
José Apolonio Burgos
Si Jose Apolonio Burgos ay ipinanganak
sa Vigan, Ilocos Sur noong ika-9 ng Pebrero, 1837. Ang
kanyang ama ay si Tenyente José Tiburcio Burgos at ang
kanyang ina ay si Florencia Garcia.
Siya ay naulila sa magulang noong siya ay walong taong
gulang pa lamang. Bilang isang mag-aaral, siya ay may
angking katalinuhan. Nagtapos siya ng Bachiller en
Artes sa Colegio de San Juan de Letran. Naging pari
noong Pebrero 11, 1885 at itinalaga sa Katedral ng
Maynila. Nagpatuloy siya sa pag-aaral at nakatapos siya
nang may karangalan para sa kursong Teolohiya (1859), Pilosopiya (1860), "Bachelor of
Canon" (1866), at "Doctorate's Degree" para sa Teolohiya (1868) at "Canon Law" (1871).
Si Padre Burgos ay naging aktibong kasapi ng kilusan na pinamumunuan ni Padre Pedro
Pelaez. Ipinaglaban nila ang karapatan ng mga Pilipinong pari at sila ay nagtagumpay.
Nang namatay si Padre Pelaez, ang kilusang ito ay pinamumunuan ni Padre Burgos
kasama sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora.
Sa paglilitis ng Pagaaklas sa Cavite noong Enero 20, 1872, isa sa mga nag-aklas na si
Sarhento Bonifacio Octavo ay naisaiwalat ang isang lalaking nagngagalang Zaldua na
naghihikayat ng mga tao na magaklas. Si Octavo ay tumestigo na ang lalaking ito ay
inuutusan ni Burgos para gawin ang panghihikayat, ngunit dahil sa paiba-iba ng testimonya
ni Octavio, ang naturang pagsisiyasat ay nauwi sa wala. Ngunit ang naturang pangyayari ay
sinabi ni Gov. Rafael Izquierdo sa Madrid at ang testimonya ay nagpatunay ng kanyang
pagdududa. Nadiin sina Burgos kasama ng dalawa pang pari na sina Padre Zamora at
Padre Gomez, sa kasong sedisyon.
Ang tatlong pari ay kinaladkad sa mga akusayson na pinatunayan ng mga huwag na
testigo, at kung saan ang kani-kanilang abogado ay trinaydor sila sa korte. Noong Pebrero
15, 1872, sila ay ginarote sa Fort Santiago sa gitna ng Bagumbayan na ngayon ay Luneta.
Si Burgos, sa edad na 35, ay ang pinakabata at huling namatay. Ang tatlo ay nagsilbing
mahalagang aral kay Jose Rizal, kung saan pinangalanan niyang GOMBURZA at naging
inspirasyon niya na gawin ang kanyang pangalawang nobela, El Filibusterismo sa siyang
gumising sa mga pilipino na ipaglaban ang ating kalayaan laban sa mga banyaga.
Jacinto Zamora
Si Padre Jacinto Zamora ay isinilang noong Agosto
14, 1835 sa Pandacan, Maynila. Ang kanyang mga
magulang ay sina Venancio Zamora at Hilaria del
Rosario.
Nag-aral si Zamora sa Colegio de San Juan de
Letran na kung saan ay natapos niya ang
kursong Bachiller en Artes. Nagpaluloy siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Santo
Tomas na kung saan naman ay natamo niya ang diploma para sa kursong Bachiller en
Leyes Canon.
Si Padre Zamora ay hindi kasintalino nina Padre Burgos at Padre Gomez subalit siya ay
nakakuha rin ng mataas na marka sa pagsusulit na kinuha niya noong siya ay
pansamantalang nadestino sa Parokya ng Pasig. Sa kabila ng mataas na marka at
pagkakapasa sa pagsusulit, si Padre Zamora ay hindi binigyan ng permanenteng
posisyon sa kadahilanang isa lamang siyang "indio".
Lumipat ng Maynila si Padre Zamora at dito siya nakipagtagisan ng kuru-kuro laban sa
mga Kastilang Prayle. Buong giting na ipinagtanggol ni Padre Zamora ang mga
Pilipinong pari.
Nang maganap ang himagsikan sa Cavite noong Enero 1872, siya ay dinakip at
ikinulong sa Fort Santiago. Siya ay isa sa pinagbintangang namuno sa pag-aalsa laban
sa Kastila, kasama ni Padre Jose Apolonio Burgos at Padre Mariano Gomez. Siya ay
kasamang binitay noong Pebrero 17, 1872 sa pamamagitan ng garote. Siya ay isa sa
tinaguriang tatlong paring martir na lalong kilala bilang GOMBURZA.
Dr. Jose Rizal
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa
matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.
Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
ANDRES BONIFACIOSi Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan.
Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho
Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.
Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo.
Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain.
Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897.
Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na inilarawan sa mga katagang ito: " Andres Bonifacio Matapang na Tao...."
Juan LunaSi Juan Luna y Novicio ang nagpinta ng pamosong larawan “Spolarium”. Siya ay nakilala sa buong
mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa
pamamagitan ng pluma at espada.
Siya ay ipinanganak noong Oktubre 23, 1857 sa Badoc, Ilocos Norte kina Joaquin Luna at Laureena
Novicio sa Badoc, Ilocos Norte.
Nag-aaral siya sa Ateneo de Manila. Ang pangarap niyang maging isang mandaragat ay natupad
matapos siyang mag-aral at magtrabaho sa barko sa murang gulang na 16. Marami siyang napuntahang
magandang lugar at iba't ibang tao ang kanyang nakasama. Bagamat napagtala siya bilang mandaragat
huminto para lamang maipagpatuloy niya ang pag-aaral sa pagpinta.
Pumasok siya Academio de Dibujo y Pintura sa Maynila noong 1876 sa kursong Bellas Artes.
Ipinagpatuloy niya ang kursong ito saMadrid, Espanya. Personal din siyang nagpaturo sa pagpinta kay
Alejo Vera na siyang nagdala sa kanya sa bansang Roma, Italyaupang magmasid. Pumunta siya
sa Barcelona, Espanya noong 1877, doon siya naging propesyonal na pintor noong 1880 noong nipanalo
niya ang ginuhit niyang The Death of Cleopatra. Nagwagi ito ng pangalawang karangalan sa Eksposisyon
sa Madrid. Ito ay binili ng Gobyernong Kastila at ginawang permanenteng exhibit sa Museo Nacional de
Pinturas, Salon de Pintures Modernas.
Tumanyag ang pangalan ni Luna nang ginawaran ng gintong medalya ang kanyang Spolarium sa
Exposición Nacional de Bellas Artes sa Madrid noong 1884. Ito binili rin ng Diputación Provincial de
Barcelona sa halagang 20,000 pesetas noong 1886.
Ang iba pa niyang nilikha ay ang Pacto de Sangre, Idilio, España y Filipinas, Lavandera, Escena
Mariquina, Batalla de Lepanto, at iba pa.
Noong Oktubre, 1884, lumipat siya sa Paris kung saan niya ipinagpatulong ang pagpinta.
Si Juan Luna ay nagpakasal kay Paz Pardo de Tavera noong 1886 at noong 1894 pagkalipas ng 17 taon
napagkawalay sa Pilipinas ay siya ay bumalik. Siya ay napagsuspetsahan na isa sa mga kasangkot sa
pagpapasimula ng rebolusyon kaya’t siya ay hinuli at ikinulong. Pinatawad siya ng Espanya noong Mayo
27, 1897.
Sa taong 1898, si Luna ay itinalaga ni Heneral Aguinaldo na isang sugo sa Europa para ipresenta ang
panig ng mga Pilipino sa usaping pagkapayapaan. Siya ay inatake sa puso at namatay noong Disyembre
7, 1899 sa Hong Kong.
Antonio LunaSi Antonio Luna (Oktubre 29, 1866 - Hunyo 5, 1899) ang
nakakabatang kapatid ni Juan Luna.
Ipinanganak siya sa Maynila noong ika-29 ng Oktubre, 1866 sa Binondo, Maynila. Siya ang bunsong
anak nina Joacquin Luna at Laureana Novicio. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Ateneo Municipal
de Manila noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong parmasyutika sa Unibersidad
ng Santo Tomas at nakamit niya ang kanyang lisensya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona.
Natapos din siya sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Gante, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang
parmasyotiko.
Ang pagsusulat ang libangan Antonio Luna. Iniakda niya ang El Nomatozario del Paerdismo na nalathala
sa Madrid noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaki niyang naiambag sa literaturang pang-medisina.
Siya ang nagtatag ng La Independencia at nagpapadala rin siya ng mga lathalain sa ibang pahayagan.
Sa simula pa lamang ay isa na siyang tagapagtaguyod ng paghingi ng reporma sa mapayapang
pamamaraan. Dahil sa hinalang siya ay isa sa mga teroristang laban sa pamahalaan, dinakip siya ng
mga maykapangyarihang Kastila, nilitis at ikinulong.
Nang siya ay makalaya, nag-aral siya ng iba't ibang paraan ng pakikipaglaban sa Gante. Pagbalik niya sa
Pilipinas, sumapi siya sa rebolusyonaryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Hinirang siyang direktor ng
digmaan at tagapamahalang heneral ng Hukbong Rebolusyonaryo. Siya ay ginawang kabahagi ng
sandatahang lakas laban sa mga Amerikano.
Bilang isang sundalo, si Antonio ay mahigpit magparusa. Sa panahon ng pakikipagdigmaan,
pinagsumikapan niyang maipailalim sa isang disiplina ang mga tauhan sa Batalyon ng Kabite. Isa sa
kanyang madugong pakikipaglaban ay naganap sa La Loma na kung saan ay napatay si Major Jose
Torres Bugallon. Marami pang ibang pinuno ng kalaban ang nagapi ni Heneral Luna ngunit dumating ang
isang pagkakataon na sila ay natalo at ito ay naganap sa Caloocan.
Nasawi ni Heneral Luna noong ika-8 ng Hunyo, 1899 sa Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Nagtungo siya roon sa pagtupad sa isang ipinalalagay na pagtawag ni Heneral Aguinaldo upang dumalo
sa isang pulong.Habang nasa loob ng simbahan ng Cabanatuan, binaril siya ng mga sundalo ni
Aguinaldo na inihingi niyang bigyan ng disiplina.
Sa pagkamatay ni Antonio Luna nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng rebolusyon ang Unang
Republika ng Pilipinas.
Marcelo H. del PilarSi Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto
30, 1850 - Hulyo 4, 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang
Propagandista", ay isangilustrado noong panahon ng Espanyol.
Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel.[1] Pinalitan niya
si Graciano López Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad.
Mayaman ang mga magulang ni Marcelo. Marami silang palaisdaan at sakahan. Si Julian Hilario del Pilar,
ang kanyang ama, ay tatlong beses na naging gobernadorcillo.[4] Naglingkod din si Julian bilang oficial de
mesa ng alkalde mayor. Ang ina ni Marcelo ay si Blasa Gatmaitan. Kilala si Blasa sa bansag na Blasica.
Pang-siyam sa sampung magkakapatid, ang mga kapatid ni Marcelo ay sina: Toribio (paring ipinatapon
sa Guam noong 1872),[5] Fernando (ama ni heneral Gregorio del Pilar), Andrea, Dorotea, Estanislao,
Juan, Hilaria (maybahay ni Deodato Arellano), Valentin at Maria.
Ang tunay na apelyido ng pamilya ay "Hilario". Ginamit nila ang apelyidong "del Pilar" alinsunod sa
kautusan ni Gobernador Heneral Narciso Claveria noong 1849.
Noong Pebrero 1878, pinakasalan ni Marcelo ang pinsang niyang si Marciana (kilala sa bansag na
Tsanay/Chanay).[6] Sila ay may pitong anak, isang lalaki at anim na babae: Sofía, José, María, Rosario,
María Consolación, María Concepcion, and Aníta. Si Sofia at Anita lamang ang lumaki (ang lima ay
namatay noong kabataan nila).
Ang tiyuhing si Alejo ang nanging unang guro ni Marcelo. Kumuha siya ng kursong Latin sa kolehiyong
paaralan ni Ginoong Hermenigildo Flores. Lumipat siya sa Colegio de San Jose at doon ay tinamo
ang Bachiller en Artes (Bachelor of Arts).[9]
Ipinagpatuloy ni Marcelo ang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kumuha siya ng kursong
abogasya. Nasuspinde siya sa paaralan nang makipagtalo siya sa kura ng San Miguel ukol sa bayad sa
binyag.[5] Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral noong 1878.[6] Natapos niya ang kurso noong 1880.
Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang
manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan binatikos niya ang pang-
aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan.[5]
Noong 1885, hinimok ni del Pilar ang mga cabeza de barangay (kapitan ng barangay) ng Malolos na
tutulan ang kautusan ng pamahalaan na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga prayle na baguhin ang
talaan ng mga nagbabayad ng buwis.
Sa talaan ng mga prayle ay lumalabas na mayroong tatlong libo katao ang dapat magbayad ng buwis.
Kasama sa talaan ang mga taong namatay na, lampas na sa edad o lumipat na ng ibang lugar. Ang mga
cabeza de barangay ay napilitang magpaluwal ng dapat ibayad sa mga taong patay na o wala na doon.
Noong 1887, sa hikayat ni del Pilar, ay isinumbong ni Manuel Crisóstomo, ang gobernadorcillo ng
Malolos, ang dalawang prayleng lumabag sa batas kontra sa paglantad ng mga patay sa loob ng
simbahan. Ito ay isinabatas ni Benigno Quiroga y López Ballesteros, ang patnugot ng pangasiwaang sibil.
Dahil sa sumbong na ito ay inaresto ni gobernador Manuel Gómez Florio ng Malolos ang nasabing mga
prayle.
Tinuligsa ni del Pilar noong taong din yon ang kura paroko ng Binondo dahil sa paglalaan ng piling upuan
sa loob ng simbahan. Ang prayle ay naglaan ng pangit na upuan sa mga Pilipino at magandang upuan sa
mga mestisong Kastila.
Nagkaroon ng demonstrasyon laban sa mga prayle noong Marso 1, 1888.[7] Ang demonstrasyon ay
isinagawa nila Doroteo Cortés at José A. Ramos. Sumulat si del Pilar ng isang manipesto na
pinamagatang Viva España! Viva el Rey! Viva el Ejército! Fuera los Frailes! (Mabuhay ang Espanya!
Mabuhay ang Hari! Mabuhay ang mga Hukbo! Palayasin ang mga Prayle!). Ang pahayag na ito ay
iniharap sa gobernador ng Maynila na si José Centeno. Ito ay nilagdaan ng 810 na katao.
Noong taong din yon ay binatikos ng Agustinong si José Rodriguez ang Noli Me Tángere ni Rizal.
Sumulat siya ng polyeto na pinamagatang ¡Caiñgat Cayo!: Sa mañga masasamang libro,t, casulatan.
Binalaan ng prayle ang mga Pilipino na huwag basahin ang Noli. Noong Agosto 3, 1888 ay sumulat si del
Pilar ng polyeto na pinamagatang Caiigat Cayo. Ito ay sagot sa polyeto ni Padre Rodriguez.
Dahil sa talas ng mga pagbatikos sa naghaharing uri at relihiyon, inatas na hulihin siya. Nakatakas si del
Pilar, pumuntang Espanya at sumali sa mga Pilipinong propagandista na lumalaban para sa reporma
sa Pilipinas.[12] Bago siya umalis ay itinatag niya ang Caja de Jesús, María y José.
Noong Enero 12, 1889, pinanguluhan ni del Pilar ang pangkat pampulitika ng Asociación Hispano-
Filipina (Ang Samahang Kastila-Pilipino), isang samahang pambayan na binubuo ng mga Pilipinong
propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa
Pilipinas. Noong Disyembre 15, 1889, pinalitan niya si Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad,
isang pahayagang pampulitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang tinig
ng Kilusang Propaganda.[2] Naglathala siya ng mga liberal at progresibong artikulo na nagbunyag sa
kalagayan ng Pilipinas.
abis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi siya kumakain at
may panahong hindi narin natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang gutom, may panahong
namumulot siya ng upos na sigarilyo sa mga daan.[13] Ang pondo para sa pag-papalimbag ng pahayagan
ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang tulong pinansyal na dumarating mula sa Pilipinas
dahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng pahayagan noong Nobyembre 15, 1895 sanhi ng
kakulangan sa pondo.[2] Kahit gaano ang hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat
para sa ikalalaya ng Pilipinas.
Katulad ni Andrés Bonifacio, naniwala siya sa paghihimagsik. Dahil dito, nagpasya siyang umuwi ng
Pilipinas upang tumulong kay Bonifacio. Sa Barcelona ay nagkasakit siya ng tuberkulosis. Malubha man
ang kalagayan ay tinangka pa rin niya na magtungo sa Hong Kong upang doon man lang ay mapakilos
niya ang kanyang mga kababayan. Ito ay hindi na niya naisagawa sapagkat namatay siya sa isang maliit
na ospital saBarcelona, Espanya noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 45.
Graciano López JaenaSi Graciano López Jaena ay isang Pilipinong manunulat na higit
na kilala sa kaniyang akdang Fray Butod. ‘Butod’ ang
salitangHiligaynon para sa “kabag” at katumbas din ito ng balbal
na “tabatsoy”.
Dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano Lopez Jaena
sa Jaro, Iloilo, noong Disyembre 18, 1856. Ang ina niya, si María
Jacoba Jaena, ay isang mananahi lamang habang ang ama, si
Plácido López, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na lamang.
Subalit nagkapag-aral nang kaunti si Placido samantalang lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag sa
pag-aaral at sa pagsamba ang tinubuan ni Graciano.
Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng mga magulang kay Fray Francisco Jayme, na noon ay
nagtuturo sa Colegio Provincial de Jaro, upang maturuan. Personal na tinuruan ni Padre Francisco
Jayme si Graciano. Agad napansin ng frayle ang dunong ni Graciano at ang galing niyang magsalita.
Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo ng San Vicente. Labag sa nais ng
ina, hangad ni Graciano na maging manggagamot (medico, physician). Nang sa wakas ay pumayag ang
mga magulang, tinangka niyang pumasok sa Universidad de Santo Tomassa Manila subalit tinanggihan
siya. Hindi kasi siya nakatapos ng Bachiller en Artes na hindi itinuro sa seminario sa Jaro. Sa halip, ayon
sa payo sa kanya, sa ospital ng San Juan de Dios siya nagsilbi bilang turuan (apprentice) ng mga
manggagamot duon. Hindi pa tapos ang pag-aaral ni Graciano nang naubos ang tustos ng dukhang mga
magulang, at napilitan siyang bumalik sa Iloilo. Ginamit niya kung ano na lamang ang natutunan,
nanggamot sa mga barrio at baranggay sa pali-paligid.
Sa kanyang mga namasdan, lalong sumidhi ang puot niya sa lupit ng pag-api ng mga frayle sa mga tao.
Nuong 1874, nang 18 taon gulang lamang, nakainitan na siya ng mga frayle dahil sa sinulat niyang “Fray
Botod,” prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya na"Lagi nang banggit ang Dios at
Mahal na Birhen samantalang panay ang daya at pagsamantala sa mga tao.”
Hindi ito nalathala kailanman subalit maraming sipi (copias, copies) ang umikot-ikot sa Visayas. Lalong
napuot ang mga frayle kay Graciano nang patuloy siyang kumalampag (campaña, campaign) ng
katarungan para sa mga tao. Talagang nagpahamak siya nang patayin ng Español na alcalde ng Pototan
ang ilang bilanggong katutubo. Pinilit, tumanggi si Graciano na ipahayag na “natural” ang pagkamatay ng
mga bilanggo. Nagsimula siyang tumanggap ng babala na papatayin siya ng mga frayle. Nuon siya
tumakas sa España.
Noong Pebrero 15, 1889, inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad". Ang pahayagan
niyang ito ay sumikat nang husto. Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala sa iba't ibang
pahayagan. Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat upang ipaglaban ang makatao at
makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Kastila.
Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na 40 sa Madrid, Espanya.
Emilio Jacinto
Isinilang si Emilio Jacinto noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa kolehiyo ng San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa UST ngunit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1893. sa gulang na 19 siya ay isa sa mga magagaling na pinuno ng Katipunan.
Kinilala siyang Utak ng Katipunan. Gumamit siya ng sagisag-panulat na Pingkian sa Katipunan. Itinatag niya ang pahayagang Kalayaan, ang pahayagan ng katipunan. Ito'y pinamatnugutan katulong si Pio Valenzuela. ang sagisag-panulat na kanyang ginamit ay Dimas Ilaw. Siya ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan. Si Jacinto ay lubhang nasugatan ngunit pinakawalan dahil sa sakit na malaria at disenterya. Siya ay binawian ng buhay sa Sta. Cruz, Laguna noong abril 16, 1899 sa edad na 23.
Apolinario MabiniSi Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864—Mayo
13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang
Paralitiko", ay isangPilipino theoretician na nagsulat
ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-
1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahangpunong
ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa
Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina
Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.
Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat
ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral siya sa mataas na
paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung
saan natamo ang katibayan sa pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. SaUnibersidad ng
Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas,
sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.
Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng "infantile paralysis" na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni
Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na
tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang
kalihim panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang
kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".
Noong 1899, si Mabin Nueva Ecija at ipinabilanggo. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at
Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901,
si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noongPebrero, 1903 kapalit ng
panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng
Mayo, 1903sa Nagtahan, Maynila.
Ayon sa paglalarawan sa kaniya ni Arthur MacArthur, Jr., “Mabini is a highly educated young man who,
unfortunately, is paralyzed. He has a classical education, a very flexible, imaginative mind, and Mabini's
views were more comprehensive than any of the Filipinos that I have met. His idea was a dream of
a Malay confederacy. Not the Luzon or the Philippine Archipelago, but I mean of that blood. He is a
dreamy man, but a very firm character and of very high accomplishments. As said, unfortunately, he is
paralyzed. He is a young man, and would undoubtedly be of great use in the future of those islands if it
were not for his affliction.”
FRANCISCO DAGOHOY
PINUNO NG PAG-AAKLAS SA BOHOL
PINAMUNUAN NI FRANCISCO DAGOHOY ANG PINAKAMAHABANG PAG-AAKLAS SA KASAY-SAYAN NG PILIPINAS. ITO AY ANG PAG-AAKLAS SA BOHOL NA NAG-UMPISA TAONG 1744 HANGGANG 1829.
NANG MAPATAY NG ISANG KONSTABLE ANG KAPATID NI FRANCISCO DAGOHOY AY DOON NAG-UMPISA ANG PAG-AAKLAS. LABIS NA DINAMDAM NI DAGOHOY ANG PAGKAMATAY NG KANYANG KAPATID. SINUNOD LAMANG NG KANYANG KAPATID ANG UTOS NI PADRE MORALES, ISANG PARENG HESWITA NA HULIHIN ANG ISANG MASAMANG TAO SUBALIT SA KASAMAANG PALAD ITO ANG NAPATAY.
SA KAGUSTUHAN NI DAGOHOY NA MABASBASAN ANG BANGKAY NG KANYANG KAPATID AY DINALA NIYA ITO KAY PADRE MORALES PARA BASBASAN SUBALIT TINANGGIHAN ITO NG PARI SA KADAHILANANG HUMIHINGI PA ITO NG BAYAD SA PAGBABASBAS.
LALONG NAGSIKLAB ANG GALIT NI FRANCISCO DAGOHOY. SINABI NIYANG HINDI DAPAT HUMINGI NG BAYAD ANG PARE DAHIL NAMATAY ANG KANYANG KAPATID DAHIL SA PAGSUNOD SA UTOS NITO.
HINIMOK NIYA ANG LAHAT NA MAG-AKLAS AT UMANIB NAMAN HALOS LAHAT NG TAO SA ISLA NA IYON.
INABOT NG 85 TAON ANG PAG-AKLAS.
TAONG 1827 NANG UMPISAHAN NI GOB. HENERAL RICAFORT ANG PAGSALAKAY SA MGA TAUHAN NI FRANCISCO DAGOHOY SA BOHOL.
DAHIL DOON HUMINA ANG LOOB NG MGA NAG-AAKLAS. SUMUKO ANG MGA TAUHAN NI FRANCISCO DAGOHOY NOONG AGOSTO 31, 1829.
Julián FelipeSi Julian Felipe ay kinikilala bilang may-katha ng Lupang Hinirang ang pambansang awit ng Pilipinas.
Ipinanganak siya noong Enero 28, 1861 sa Lungsod ng Cavite, Cavite at siya ang bunso sa
labindalawang anak ng mahirap na mag-asawang sina Justo Felipe at Victoria Reyes.
Si Julian ay nag-aral sa isang pampublikong paaralan sa Binondo, Maynila. Dito siya natutong tumugtog
ng piyano at kinalaunan ay naging organista rin siya sa simbahan ng San Pedro. Bukod sa pagtugtog ng
piyano ay nagkatha rin siya ng mga awiting gaya ngMateti el Santesismo, Cintas y Flores at Amorita
Danga. Nagkamit siya ng karangalang diploma bilang pagkilala sa kanyang kakayahan dahil sa mga
awiting ito.
Pansamantalang isinantabi ni Julian ang musika nang siya ay sumanib sa kilusan ng kalayaan sa Kabite.
Naaresto at nakulong siya noong Hunyo 2, 1898 ngunit nakalaya rin naman. Kinuha siya ni Heneral
Aguinaldo bilang isang piyanista at kompositor. Nang ihayag ang Unang Republika ng Pilipinas
noong Hunyo 12, 1898 sa balkohahe ng bahay ni Heneral Aguinaldo sa Kawit, Kabite ay iwinagayway
ang watawat ng Pilipinas kasabay ng pagtugtog ng martsang kinatha ni Julian Felipe. Dahil dito ay
hinirang siya ni Heneral Aguinaldo bilang direktor ng Pambansang Banda ng Unang Republika ng
Pilipinas.
Sa larangan ng pulitika si Julian ay nanilbihan bilang konsehal ng lungsod ng Kabite, Kabite noong
taong 1902. Siya ay binawian ng buhay noong Oktubre 2, 1941.
Marcela AgoncilloSi Marcela Mariño Agoncillo (Hunyo 24, 1860 - Mayo 30, 1946)
ay isa sa mga gumawa ng unang watawat ng Pilipinas. Ito ay
ginawa sa Hong Kong, sa tulong ni Delfina Herbosa de Natividad,
ang isang pamangking babae ni Jose Rizal. Si Marcela ay
kinikilalang "Ina Watawat ng Pilipinas".
Siya ay kinasal kay Felipe Agoncillo, ang naging kinatawan sa
negosasyon sa Paris, na humantong sa Treaty of Paris na
nagtapos ng Digmaang Espanya-Amerika.
Si Marcela, na ipinanganak sa Taal, Batangas, ay anak
nina Francisco Mariño at Eugenia Coronel. Ang kanyang mga
magulang ay nakilalang mayaman at relihiyoso. Bilang isang bata,
siya ay tinaguriang pinakamaganda sa Batangas. Siya ay tinawag na "Roselang Hubog", isang birhen na
nakaluklok sa simbahan ng bayan. Ayon sa ilang mga kuwento, may mga taong naghihintay sa kanya sa
patyo ng simbahan tuwing umaga kapag siya ay lumalabas kasama ang isang kasambahay o isang
kamag-anak upang magsimba.
Kilala sa pagiging strikto, dinala siya ng kanyang mga magulang sa isang kumbento na kilala dahil sa
mahihigpit na alituntunin. SaSta. Catalina College ng Dominican Nuns sa Intramuros, Maynila siya
nagtapos ng kanyang elementarya at sekundaryong edukasyon. Sa kolehiyo, natuto siya ng Espanyol,
musika, sining at mayuyuming asal. Siya rin ay isang magaling na mangaawit at lumitaw ang kagalingang
ito sa ilang mga sarsuwela sa Batangas.
Si Marcela ay ikinasal sa isang hukom, Don Felipe Agoncillo, isang mayamang rebolusyonista at ang
unang Filipinong diplomata, na mula rin sa isang kilalang pamilya sa Taal. Parehong nalalapit ang dalawa
sa edad 30 nang sila ay ikinasal. Pagkatapos ng kasal, si Marcela ay lumipat
mula Taal papuntang Maynila, kung saan sila tumira ng magkasama sa Malate. Nagkaroon sila ng anim
na anak na babae: Lorenza, Gregoria, Eugenia, Marcela, Adela (namatay at 3), at Maria. Si Gregoria ang
unang Filipina na nagtapos sa Oxford University. Karamihan sa kanyang mga anak ay pinili ang pagtuturo
at walang isa sa kanila ang ikinasal. Marcela ang nag-alaga sa lahat ng kanyang anak hanggang sa sila
ay lumaki.
Tuwing Huwebes, ang pamilya ay nagkakawang-gawa, kung kailan may mga mahihirap ang nagtitipon sa
kanilang garahe upang humingi ng limos. Ang pamilya ay nagbibigay ng isang supot ng bigas at pera, at
walang isa sa mga pumunta na umuuwing walang dala.
Nang napagalaman ni Don Felipe ang plano ng gobernador-heneral na ipatapon siya sa ibang bansa,
siya pumunta sa Yokohama, Japan, at sumunod ay sa Hong Kong kung saan siya sumapi sa iba pang
mga Filipinong ipinatapon doon. Pagkatapos ng dalawamput-dalawang buwan, si Marcela at ang
kanyang mga anak ay sumunod sa Hong Kong. Ang kanilang nirentahang bahay sa Hong Kong ay
naging isang santuwaryo para sa iba pang mga Filipinong rebolusyonaryo. Ang mga pulong ay
isinasagawa sa kanilang lugar, lalo na sa panahon ng mga kritikal na buwan ng Marso at Abril 1898. Ang
ilan sa mga kasama nila ay sina General Antonio Luna at General Emilio Aguinaldo. Si Josephine
Bracken, kasintahan ni Jose Rizal, ay nagpunta rin sa bahay ng mga Agoncillo upang magtago
pagkatapos takutin ng mga awtoridad ng Espanya.
Pagkatapos ng kanilang boluntaryong pagalis sa Pilipinas, bumisita si General Emilio Aguinaldo sa bahay
ng mga Agoncillo sa Hong Kong matapos pumirma ng kasunduan ng Biak-na-Bato noong Disyembre 14,
1897. Hiniling ni Aguinaldo kay Marcela na tumahi ng isang bandila ayon sa kanyang disenyo. Para kay
Aguinaldo, ang disenyong ito ay kakatawan sa mithiin ng lahat ng mga Pilipino. Agad-agad na tinatawag
ni Marcela ang kanyang panganay na anak na si Lorenza, at ang pamangking babae ni Jose Rizal na
si Delfina Herbosa de Natividad, upang makatulong sa kanya.
Ang watawat ay ginawa mula sa pinong sutla na binili ni Marcela sa Hong Kong. Ito ay naka-burda sa
kulay ginto, may asul at pulang parihaba, at puting tatsulok na may araw at tatlong bituin. Ito ay naging
kilala bilang "ang watawat ng araw at ang mga bituin". Ito ay natapos sa loob ng limang araw, sa
pamamagitan ng isang mahirap na proseso. Sina Marcela, Lorenza at Delfina ay nagtrabaho nang mano-
mano sa tulong ng isang makina. Kinailangang ulitin muli ang watawat kapag ang guhit ng sinag ng araw
ay hindi nailalagay sa tamang direksyon. Ang kanilang mga mata at mga kamay ay nahirapan dahil sa
mahabang trabaho.
Ang watawat ay personal na inihatid ni Marcela kay Aguinaldo, na siya namang dinala niya sa pagbalik
sa Maynila. Ito ay iwinagayway mula sa bintana ng bahay ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite sa panahon ng
pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinasnoong Hunyo 12, 1898. Hindi nasaksihan ni Marcela ang unang
pagpapakita sa publiko ng bandila dahil siya'y kailangang manatili sa kanyang asawa, na noon ay nasa
Hong Kong pa rin.
Ang mga pamilyang Agoncillo ay bumalik sa Maynila matapos dumating ni Don Felipe mula sa kanyang
mga diplomatikong gawain sa ibang bansa. Ito ay matapos rin ng pagkabigo ngUnang Republika ng
Pilipinas at ang pagtatatag ng rehimeng Amerika. Ang pamilya ay nanatili sa kanilang bahay sa Malate.
Nang mamatay si Don Felipe, si Marcela at ang kanyang anak ay nagdusa sa gutom dahil hindi sapat ng
suplay ng pagkain, tubig at iba pang mga pangangailangan. Ang kanilang sitwasyon ay lalong naging
mahirap sa panahon ng pananakop ng mga Hapon. Lumipat sila sa Taal nang masunog ang bahay nila
sa Maynila. Matapos ang Digmaan ng Maynila noong 1945, ang kalusugan ni Marcela ay patuloy na
lumala. Siya ay patuloy pa ring nagluksa sa namatay na asawa, dahilan upang itago ng kaniyang mga
anak ang mga bagay na nagpapaalala sa kanilang ama. Noong May 30, 1946, siya ay namatay sa edad
na 86. Ang kanyang mga labi ay dinala mula Taal hanggang Maynila at inilagay sa tabi ng kanyang
asawa sa Catholic Cemetery ng La Loma.