Mardi gras sa fat gabriel

11
MARDI GRAS SA FAT GABRIEL

description

 

Transcript of Mardi gras sa fat gabriel

Page 1: Mardi gras sa fat gabriel

MARDI GRASSA

FAT GABRIEL

Page 2: Mardi gras sa fat gabriel

Ritwal ng mga diyos

At ng mga halimaw

Gabing bisperas ng pag-igpaw

Ni Guadalupe, ang VAM-pira

(diin sa unang pantig aniya)

Ng kalantungang Viva

Sa kalawakan ng salimisim

Namamayagpag sa tugatog

Ng mapanglaw na pilusang kulandong

Ang tsinang dilaw

Inirampa ang kabuwanan

Sa ritmo ng “mamamalagi ako”

(I WILL SURVIVE) ni Gloria Gay-nor

Na isinisigaw sa mikrofono

Ng patpating bungal na tenor.

Page 3: Mardi gras sa fat gabriel

Kalimayon ang pangilan

Kapwa nakamata

Sa pilit pinalulugitang takda

Ng pagbulusok ng sinasambang

Bathalang buntala

Sa altar ng imortalidad…

Ngunit umambon sandali…

Nabulabog ang mga babaing paniki

Nagsiliparan, nagsilipana, nagsiltili

Sa git ng madilim na lunggati

Balak magngitngit ng “bakit?”

Sa alumpihit

Danga’t sa isip inaalong-giit:

mahigpit ang bantay

hindi nakapuslit

matinding tinamlay

kaya napaidlip…

o baka nagkasakit ulit?

Page 4: Mardi gras sa fat gabriel

Tigib ng ligalig

Ang pagpapalipas sa bote

Ng pintig…

Tumalilis ang lobong gris

Umalulong sa dalisdis

Ng namamatay na batis

Sa mesa sa karakaraka nayukuan ang anino

Nangangalisag ang mga buhok at balahibo

Nang-uuslian ang matutulis na pangil at kuko

O, panahon, sadyang di ka nagbabago

Tanging tao lamang ang “tuliro”

“Kay bilis naman mabulagan

ang liwanag ng buwan

kay bilis naman matabunan

ng ulap ang daan”

At nagpapakana nito.

Page 5: Mardi gras sa fat gabriel

MARDI GRASSA

FAT GABRIEL

Page 6: Mardi gras sa fat gabriel

Ang buong wika ay isang sistema ng pag-unawa a samut-saring karanasang pinagdaanan ng tao at ng kanyang lipunan. Isang paglalarawan ito ng daigidg na kanyang nakilala at nakabuhayan.

Ang kalikasan at buhay ang pinaghahanguan ng paksa ng tula. Sa pamamagitan ng wika, ang pagbubuklod-buklod ng mga salita ay nagbibigay-hugis ng buhay. Sa tulong ng mga guni-guni at mga larawang diwa ay napupukaw ang ating mga damdamin, naglalagos sa kamalayan at kaluluwa. Dahil dito sa dagsang karanasang maaaring maiugnay sa bawat tulang mababasa, ang kagandahan ng tula ay umaayon sa ating iba’t-ibang perpektiva.

Talakay ito ng tinatawag na teoryang pangmambabasa o reader’s theory:

Page 7: Mardi gras sa fat gabriel

Ang anumang akda, oras na ilabas at ipabasa ng manunulat, wala nang kontrol ang manunulat sa kanyang akda. Maari na itong magkaroon ng isanlibo’t isang interpretasyon batay sa karanasan ng mambabasa, sa kanyang kaalaman, sa kanyang ideolohiya, sa mga asosasyong nakaakibat sa kanyang isipan, damdamin, at buong pagkatao.

Magkagayunman, nananatili ang fundamental na kahulugan o anumang ipinararating ng awtor. Nakayukayok ito sa pamamaraang gagamitin ng kritiko sa kanyang pagsusuri, sa pagbaklas sa mga imahen at himatong na nakapailalim sa pagitan, sa gitna ng bawat linya.

Kasama sa pagbaklas na ito ang alamin ang mga pangkaligirang kasaysayan at kaalaman ukol sa may-akda. Bilang isang manunulat na nanggagaling na rin sa di iilang palihan, nararapat na maging bukas ang may akda sa iba’t ibang kahulugang ibinibigay ng iba’t ibang mambabasa.

Page 8: Mardi gras sa fat gabriel
Page 9: Mardi gras sa fat gabriel
Page 10: Mardi gras sa fat gabriel
Page 11: Mardi gras sa fat gabriel