Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng...

410

Transcript of Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng...

Page 1: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •
Page 2: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •
Page 3: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Manwal ng Doktrina at mga Tipan parasa TitserReligion 324 at 325

Inilathala ngAng Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling ArawSalt Lake City, Utah

Page 4: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ang mga puna at pagwawasto ay pinasasalamatan. Mangyaring ipadala ang mga ito sa:

Seminaries and Institutes of Religion Curriculum Services50 East North Temple Street

Salt Lake City, UT 84150-0008USA

Email: [email protected] lamang ang iyong buong pangalan, address, ward o branch, at stake o district. Tiyaking tukuyin ang

pamagat ng manwal kapag nagbigay ka ng mga komento.

Maaaring i-print ng mga indibiduwal ang materyal na ito para sa sarili nilang personal, hindi pangkomersyal napaggamit (kabilang sa ganitong paggamit ang may kaugnayan sa kanilang tungkulin o pagkakahirang sa AngSimbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw). Humingi lamang ng pahintulot para sa iba pang

paggamit sa permissions.lds.org.

© 2018 ng Intellectual Reserve, Inc.Lahat ng karapatan ay nakalaan.

Inilimbag sa PilipinasVersion 1, 9/17

Pagsang-ayon sa Ingles: 9/16Pagsang-ayon sa pagsasalin: 9/16

Pagsasalin ng Doctrine and Covenants Teacher ManualTagalog

14343 893

Page 5: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

123456789

10111213141516171819202122232425262728293031

Mga NilalamanPambungad sa Manwal ng Titser . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . vMga Mapa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . xi

Pambungad sa Doktrina at mga Tipan; Doktrina at mga Tipan 2 . . . . . . . . 1Doktrina at mga Tipan 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8Doktrina at mga Tipan 3; 10 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15Doktrina at mga Tipan 5; 17 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 22Doktrina at mga Tipan 6; 8–9 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 28Doktrina at mga Tipan 7; 13; 18 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 35Doktrina at mga Tipan 4; 11–12; 14–16 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 42Doktrina at mga Tipan 19 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 49Doktrina at mga Tipan 20–22 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 55Doktrina at mga Tipan 23–25 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 62Doktrina at mga Tipan 26–28 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 69Doktrina at mga Tipan 29 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 76Doktrina at mga Tipan 30–34 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 82Doktrina at mga Tipan 35–36; 39–40 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 88Doktrina at mga Tipan 37–38; 41 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 95Doktrina at mga Tipan 42 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 101Doktrina at mga Tipan 43–45 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 108Doktrina at mga Tipan 46–49 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 115Doktrina at mga Tipan 50 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 121Doktrina at mga Tipan 51–56 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 127Doktrina at mga Tipan 57–58 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 135Doktrina at mga Tipan 59–62 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 141Doktrina at mga Tipan 63 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 148Doktrina at mga Tipan 64–65 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 154Doktrina at mga Tipan 66–70 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 161Doktrina at mga Tipan 71–75 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 168Doktrina at mga Tipan 76:1–49 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 175Doktrina at mga Tipan 76:50–119 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 181Doktrina at mga Tipan 77–80 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 187

Doktrina at mga Tipan 81–83 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 194Doktrina at mga Tipan 84 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 202

Page 6: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

32333435363738394041424344454647484950515253545556

Doktrina at mga Tipan 85–87 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 209

Doktrina at mga Tipan 88:1–69 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 215Doktrina at mga Tipan 88:70–141 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 222Doktrina at mga Tipan 89–92 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 228Doktrina at mga Tipan 93 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 235Doktrina at mga Tipan 94–97 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 242Doktrina at mga Tipan 98–100 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 248Doktrina at mga Tipan 101 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 255Doktrina at mga Tipan 102; 104 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 262Doktrina at mga Tipan 103; 105 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 269Doktrina at mga Tipan 106–8 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 276Doktrina at mga Tipan 109–10 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 283Doktrina at mga Tipan 111–14 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 292Doktrina at mga Tipan 115–20 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 298Doktrina at mga Tipan 121:1–10, 122–23 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 305Doktrina at mga Tipan 121:11–46 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 312Doktrina at mga Tipan 124 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 321Doktrina at mga Tipan 125–28 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 329Doktrina at mga Tipan 129–30 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 337Doktrina at mga Tipan 131; 132:1–33 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 344Doktrina at mga Tipan 132:34–66; Opisyal na Pahayag 1 . . . . . . . . . . 351Doktrina at mga Tipan 133 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 360Doktrina at mga Tipan 134–36 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 366Doktrina at mga Tipan 137–38 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 376Opisyal na Pahayag 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 383

Page 7: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Pambungad sa Manwal ngDoktrina at mga Tipan parasa Titser (Religion 324–325)Ang Ating LayuninAng Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion ay nagsasaad na:

“Ang ating layunin ay tulungan ang mga kabataan at young adult na maunawaan ang mga turoat Pagbabayad-sala ni Jesucristo at umasa rito, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ngtemplo, at ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walanghanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit” (Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo: IsangHanbuk para sa mga Titser at Lider sa Seminaries and Institutes of Religion [2012], 1).

Upang makamit ang ating layunin, itinuturo natin sa mga estudyante ang doktrinaat mga alituntunin ng ebanghelyo na matatagpuan sa mga banal na kasulatan at samga salita ng mga propeta. Ang doktrina at mga alituntuning ito ay itinuturo saparaang humahantong sa pagkaunawa at pagiging matatag. Tinutulungan natinang mga estudyante na magawa ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral atmaihanda sila sa pagtuturo ng ebanghelyo sa iba.

Upang maisakatuparan ang mga layuning ito, ikaw at ang mga estudyante natinuturuan mo ay hinihikayat na gamitin ang sumusunod na Mga PangunahingAlituntunin sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo habang magkakasamaninyong pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan:

• Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu.

• Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase.

• Pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw, at basahin ang teksto parasa kurso.

• Unawain ang konteksto at nilalaman ng mga banal na kasulatan at ang mgasalita ng mga propeta.

• Tukuyin, unawain, damhin ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina atalituntunin ng ebanghelyo at ipamuhay ang mga ito.

• Ipaliwanag, ibahagi, at patotohanan ang mga doktrina at alituntunin ngebanghelyo.

• Maisaulo at maunawaang mabuti ang mga scripture mastery passage at angmga Pangunahing Doktrina.

Ang mga mungkahi sa pagtuturo sa manwal na ito ay naglalahad ng mga paraanpara makamtan ang mga resultang ito sa iyong pagtuturo. (Tandaan na dapatituring na mga resulta sa halip na mga pamamaraan sa pagtuturo ang MgaPangunahing Alituntunin sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo.) “Kapag

v

Page 8: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

naipatupad nang buong talino at nakaayon sa isa’t isa, ang mahahalagangalituntuning ito ay makapag-aambag sa kakayahan ng mga estudyante namaunawaan ang mga banal na kasulatan at ang mga doktrina at alituntuningnilalaman ng mga ito. Hinihikayat din nito ang mga estudyante na aktibonggampanan ang kanilang papel sa pag-aaral nila ng ebanghelyo at pinagyayamanang kakayahan ng mga estudyante na ipamuhay ang ebanghelyo at ituro ito saiba.” (Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo, 10).

Paghahanda ng LessonIniutos ng Panginoon sa mga taong nagtuturo ng Kanyang ebanghelyo na “[ituroang] mga alituntunin ng aking ebanghelyo” (D at T 42:12). Iniutos pa Niya na angmga katotohanang ito ay dapat ituro ayon sa “[paggabay] ng Espiritu,” na “ibibigay… sa pamamagitan ng panalangin nang may pananampalataya” (D at T 42:13–14).Habang inihahanda mo ang bawat lesson, mapanalangin mong hingin angpatnubay ng Espiritu para matulungan kang maunawaan ang mga banal nakasulatan at ang doktrina at mga alituntunin na nilalaman nito. Sundin din angmga pahiwatig ng Espiritu habang nagpaplano ka kung paano matutulungan angiyong mga estudyante na maunawaan ang mga banal na kasulatan, maturuan ngEspiritu Santo, at magkaroon ng hangaring ipamuhay ang natutuhan nila.

Sa kursong ito, ang Doktrina at mga Tipan ang pangunahing teksto na gagamitinmo sa iyong paghahanda at pagtuturo. Pag-aralan nang may panalangin ang mgabahagi o mga talata na ituturo mo. Hangaring maunawaan ang konteksto ngkasaysayan at nilalaman ng scripture block. Kapag naging pamilyar ka sa kontekstoat nilalaman ng bawat scripture block, tukuyin ang doktrina at mga alituntunin naitinuturo nito, at magpasiya kung alin sa mga katotohanang ito angpinakamahalaga para sa iyong mga estudyante na maunawaan at maipamuhay.Kapag natukoy mo na kung ano ang iyong pagtutuunan, mapagpapasiyahan mokung alin sa mga pamamaraan, istilo, at aktibidad ang pinakamakatutulong saiyong mga estudyante para matutuhan at maipamuhay nila ang mga sagradongkatotohanan na matatagpuan sa mga banal na kasulatan.

Ang manwal na ito at ang katugma na Manwal ng Doktrina at mga Tipan para saEstudyante ay nilayong tulungan ka sa prosesong ito. Rebyuhing mabuti angmateryal ng lesson na nauugnay sa scripture block na ituturo mo. Ang materyal naito ay tutulong sa iyo na maunawaan ang konteksto at nilalaman ng bawatscripture block at tutulong sa iyo sa pagtukoy ng ilan sa doktrina at mga alituntuninna nilalaman nito. Ang mga mungkahi sa pagtuturo sa manwal na ito ay tutulongdin sa iyo at sa iyong mga estudyante na maisama ang marami sa MgaPangunahing Alituntunin sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo sa bawat lesson.Maaari mong piliing gamitin ang lahat o ilan sa mga mungkahi para sa isangscripture block, at maaari mong iakma ang mga iminungkahing ideya ayon sapatnubay ng Espiritu at sa mga pangangailangan at kalagayan ng mgaestudyanteng tinuturuan mo. Kapag ginamit mo ang mga mungkahi sa pagtuturo oang sarili mong mga ideya, tiyaking isaisip kung aling pangunahing resulta sa mgamungkahi sa pagtuturo ang nais mong matamo, at pumili ng alternatibong ideya sapagtuturo na tutulong sa pagtamo ng gayon ding resulta.

PAMBUNGAD

vi

Page 9: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mahalaga na matulungan mo ang mga estudyante na mapag-aralan ang buongscripture block sa bawat lesson. Ang paggawa nito ay makatutulong sa mgaestudyante na maunawaan ang buong mensahe na nais iparating ng Panginoon, sapamamagitan ng Kanyang propeta. Gayunman, habang pinaplano mo ang iyonglesson, maaaring matuklasan mo na hindi sasapat ang oras sa klase para gamitinang lahat ng mungkahi sa pagtuturo na nasa manwal. Hingin ang patnubay ngEspiritu at pag-isipan nang may panalangin ang mga pangangailangan ng iyongmga estudyante habang tinutukoy mo kung aling mga bahagi ng scripture blockang bibigyang-diin para matulungan ang mga estudyante na madama angkatotohanan at kahalagahan ng mga katotohanan ng ebanghelyo at maipamuhayang mga ito. Kung maikli ang oras, kinakailangan mong iangkop ang iba pang mgabahagi ng lesson na ibinubuod ang isang grupo ng mga scripture verse o sinasabisa mga estudyante na mabilis na tukuyin ang isang alituntunin o doktrina bagomagpatuloy sa susunod na grupo ng mga scripture verse.

Habang pinag-iisipan mo kung paano iaangkop ang mga materyal ng lesson,tiyaking sundin ang payo na ito ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ngLabindalawang Apostol:

“Madalas kong marinig na itinuturo ni Pangulong Packer na umayon muna tayo, atsaka tayo umangkop. Kung napag-aralan na natin nang husto ang iminungkahinglesson na ibibigay natin, kung gayon ay masusunod natin ang Espiritu paramaiangkop ito” (“A Panel Discussion with Elder Dallin H. Oaks” [Seminaries andInstitutes of Religion satellite broadcast, Ago. 7, 2012], LDS.org).

Sa paghahanda mo ng lesson, maaari mong gamitin ang Notes at Journal tools saLDS.org o sa Gospel Library app para sa mga mobile device. Magagamit mo angmga tool na ito para magmarka ng mga banal na kasulatan, mga mensahe sapangkalahatang kumperensya, mga artikulo sa mga magasin ng Simbahan, at mgalesson. Makapagdaragdag at makakapag-save ka rin dito ng mga note o tala namagagamit mo sa iyong mga lesson. Para malaman pa kung paano gamitin angmga tool na ito, tingnan ang Notes and Journal Help page sa LDS.org.

Paano Binuo ang Manwal na ItoAng Religion 324–325 ay kurso na pag-aaralan nang dalawang semester. AngReligion 324 ay gabay ng mga estudyante sa pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan1–76. Ang Religion 325 ay tumatalakay sa Doktrina at mga Tipan 77–138 at mgaOpisyal na Pahayag 1 at 2. Ang manwal ng titser na ito ay naglalaman ng 56 nalesson, 28 para sa bawat semester ng Doktrina at mga Tipan. Bawat lesson aynilayong maituro sa isang 50-minutong sesyon ng klase. Kung nagkaklase ka nangdalawang beses bawat linggo, magtuturo ka ng isang lesson sa bawat sesyon ngklase. Kung isang beses lamang kada linggo ang iyong klase sa loob ng 90hanggang 100 minuto, iminumungkahi na dalawang lesson ang ituro mo para sabawat sesyon ng klase.

Ang mga lesson sa manwal na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na bahagi:

PambungadBawat lesson ay nagsisimula sa maikling pambungad sa bahagi o mga bahagi ngDoktrina at mga Tipan na pag-aaralan sa lesson na iyan. Ang pambungad ay

PAMBUNGAD

vii

Page 10: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

naglalaan ng buod ng kontekstong pangkasaysayan at ng nilalaman ng bawatbahagi. Ang mga pambungad na ito, na matatagpuan din sa manwal ngestudyante, ay maglalaan sa iyo at sa iyong mga estudyante ng mahalagang buodng mga scripture passage na pinag-aralan sa bawat lesson.

TimelineBawat pambungad ay may kasamang timeline. Ang timeline na ito ay tutulong saiyo na maunawaan ang konteksto ng bawat section o bahagi ng Doktrina at mgaTipan sa pamamagitan ng pagpapakita kung kailan ito natanggap kaugnay sa ibapang mga pangyayari sa kasaysayan ng Simbahan.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng pinakamalaking bahagi ng bawat lesson ay naglalaman ng patnubay at mgaideya kung paano mo maaaring ituro ang isang partikular na scripture passage,kasama ang mga tanong, sipi o pahayag, diagram, aktibidad, at impormasyontungkol sa kasaysayan. Ipinapakita ng mga ideyang ito kung paano mo isasamaang Mga Pangunahing Alituntunin sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo saiyong pagtuturo upang matulungan ang mga estudyante na mas mapalalim angkanilang conversion sa Panginoon at sa Kanyang ebanghelyo.

Grupo ng mga Scripture Verse at Buod ng KontekstoAng bawat lesson sa manwal na ito ay nakatuon sa isang scripture block sa halip nasa isang partikular na konsepto, doktrina, o alituntunin. Ang pormat na ito aytutulong sa iyo at sa mga estudyante mo na mapag-aralan ang mga banal nakasulatan ayon sa pagkakasunod-sunod nito at pag-isipan ang doktrina at mgaalituntunin sa konteksto nito kapag nakita o napansin nila ito sa teksto ng banal nakasulatan. Ang scripture block sa bawat lesson ay karaniwang nahahati sa masmaliliit na segment, o verse grouping, na sinusundan ng mga ideya o pagtutuon saisang partikular na paksa. Bawat isa sa mga segment o bahaging ito ay nagsisimulasa isang scripture reference na naglilista ng mga scripture verse na kasama sasegment na iyan, kasunod ang buod ng konteksto ng mga pangyayari o mga turona tinalakay sa grupong iyan ng mga scripture verse.

Doktrina at mga AlituntuninSa bahagi ng bawat lesson, may makikita kang mahalagang doktrina at mgaalituntunin na nakasulat sa bold letter. Ang mga doktrina at alituntuning ito aytinukoy sa kurikulum dahil (1) nakikita sa mga ito ang pangunahing mensahe ngscripture block, (2) ang mga ito ay angkop lalo na sa mga pangangailangan atkalagayan ng mga estudyante, o (3) ang mga ito ay mahahalagang katotohanan namakatutulong sa mga estudyante na mas mapalalim ang kanilang ugnayan saPanginoon. Ipinayo ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan: “Habangnaghahanda ka ng lesson, hanapin ang mga alituntuning nakapagpapabago ngkalooban. … Ang alituntuning nakapagpapabago ng kalooban ay ang yaonghumahantong sa pagsunod sa kagustuhan ng Diyos” (“Converting Principles”[evening with a general authority, Peb. 2, 1996], 1). Dapat mong malaman na hinditatangkain ng manwal na ito na tukuyin ang lahat ng doktrina at alituntunin namatatagpuan sa Doktrina at mga Tipan.

PAMBUNGAD

viii

Page 11: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ang mga mungkahi sa pagtuturo sa manwal na ito ay nagbibigay sa mgaestudyante ng maraming pagkakataon na matukoy ang doktrina at mga alituntuninsa mga banal na kasulatan. Maaari ding imungkahi paminsan-minsan sa mgalesson na ikaw bilang titser ang maaaring tumukoy sa isang doktrina o alituntunin.Kapag natukoy ng mga estudyante ang mga katotohanang natuklasan nila, magingmaingat na hindi mo maipahiwatig na mali ang mga sagot ng mga estudyantedahil lamang sa iba ang mga salitang ginamit nila sa mga salitang ginamit samanwal o dahil wala sa kurikulum ang katotohanang binanggit nila. Gayunman,kung ang pahayag ng estudyante ay maaaring gawin mas tama o talagang malingdoktrina, pag-isipang mabuti kung paano mo magiliw na lilinawin o itatama angkanyang pagkaunawa at kasabay nito ay maipadama pa rin ang pagmamahal atpagtitiwala.

Mga Tulong sa PagtuturoAng mga tulong sa pagtuturo ay kasama sa mga mungkahi sa pagtuturo sa lahat nglesson. Ang mga tulong na ito sa pagtuturo ay tumutulong sa pagpapaliwanag ngMga Pangunahing Alituntunin sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo atgumagabay sa epektibong paggamit ng iba’t ibang pamamaraan, kasanayan, atparaan sa pagtuturo. Kapag naunawaan mo ang mga alituntuning nakapaloob samga tulong sa pagtuturo, humanap ng mga paraan para patuloy na magamit angmga ito sa iyong pagtuturo.

Mga Karagdagang Ideya sa PagtuturoMakikita ang mga karagdagang ideya sa pagtuturo sa katapusan ng ilang lesson.Nagbibigay ang mga ito ng mga mungkahi para sa pagtuturo ng doktrina at mgaalituntunin na maaaring hindi natukoy o nabigyang-diin sa malaking bahagi nglesson. Sa ilang pagkakataon, ang mga ito ay naglalaan ng alternatibong paraan sapagtuturo ng isang scripture block. Hindi ka obligadong gamitin ang mga ideyangito sa pagtuturo. Dapat kang magpasiya kung gagamitin mo ang mga mungkahingito batay sa haba ng oras, mga pangangailangan ng iyong mga estudyante, at ayonsa patnubay ng Espiritu.

Ang 2013 Edition ng mga Banal na KasulatanAng impormasyon sa manwal na ito ay batay sa 2013 edition ng mga banal nakasulatan na inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga HulingAraw. Ang 2013 edition ng mga banal na kasulatan ay kinapapalooban ngbinagong mga section heading para sa ilang bahagi o section ng Doktrina at mgaTipan. Ang mga pagbabago sa mga section heading, pati na sa ilang petsa atlokasyon, ay ginawa para ipakita ang huling pagsasaliksik at mga natuklasantungkol sa kasaysayan at maglaan ng karagdagan o mas malinaw na konteksto parasa mga banal na kasulatan.

Ang teksto ng 2013 edition ng mga banal na kasulatan ay makukuha online sascriptures.lds.org at sa Gospel Library app para sa mga digital device.

Maaaring ginagamit ng ilan sa iyong mga estudyante ang dating (1981) edisyon ngmga banal na kasulatan. Karamihan sa mga pagbabago sa 2013 edition ay maliitlang at hindi makakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante ng Doktrina at mgaTipan. Gayunman, dapat mong malaman na ang mga petsa, lugar, at iba pang

PAMBUNGAD

ix

Page 12: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

impormasyon sa mga section heading ay maaaring maiba depende sa edisyon ngmga banal na kasulatan na ginagamit ng mga estudyante. Sa pagkakataong ito,makabubuting banggitin ang mga rebisyon noong 2013 sa pamamagitan ngpagpapabasa nito sa isang estudyante na mayroong 2013 edition ng banal nakasulatan o sa pagsasabi sa mga estudyante na makikita ang 2013 edition sa GospelLibrary app.

Mga Inaasahan sa Estudyante para sa Graduation CreditPara makatanggap ng credit para sa institute graduation, kinakailangang basahinng mga estudyante ang teksto ng banal na kasulatan para sa kurso (Doktrina atmga Tipan 1–76 para sa Religion 324, at Doktrina at mga Tipan 77–138 at mgaOpisyal na Pahayag 1 at 2 para sa Religion 325) at dapat ding matugunan angattendance requirements at magpakita ng kakayahan sa pamamagitan ngpagkumpleto ng learning assessment sa materyal ng kurso.

Paano Ko Iaakma ang mga Lesson sa mga Estudyantengmay mga Kapansanan?Habang naghahanda kang magturo, isipin ang mga estudyante na may mgapartikular na pangangailangan. Iakma ang mga aktibidad at mga ekspektasyon natutulong sa kanila na magtagumpay. Maghanap ng mga paraan para matulungansila na madama na minamahal, tinatangap, at kabilang sila. Magkaroon ngugnayang may pagtitiwala.

Para sa karagdagang ideya at resources, tingnan ang Disability Resources page sadisabilities.lds.org at ang bahagi ng Seminaries and Institutes of Religion policymanual na may pamagat na “Adapted Classes and Programs for Students withDisabilities.”

PAMBUNGAD

x

Page 13: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mapa

xi

Page 14: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

MGA MAPA

xii

Page 15: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

MGA MAPA

xiii

Page 16: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

MGA MAPA

xiv

Page 17: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

MGA MAPA

xv

Page 18: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

MGA MAPA

xvi

Page 19: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

MGA MAPA

xvii

Page 20: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

MGA MAPA

xviii

Page 21: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 1

Pambungad sa Doktrina atmga Tipan; Doktrina atmga Tipan 2Pambungad at Timeline“Ang Doktrina at mga Tipan ay katipunan ng mga banal na paghahayag atmakapukaw na pagpapahayag na ibinigay ukol sa pagtatatag at pamamalakad ngkaharian ng Diyos dito sa mundo sa mga huling araw” (pambungad sa Doktrina atmga Tipan, talata 1). Ang mga paghahayag na ito ay natanggap sa pamamagitan niPropetang Joseph Smith at ng ilan sa kanyang mga kahalili at “naglalaman ngisang paanyaya sa lahat ng tao sa lahat ng dako na makinig sa tinig ng PanginoongJesucristo, na nangungusap para sa kanilang temporal na kabutihan at kanilangwalang hanggang kaligtasan” (pambungad sa Doktrina at mga Tipan, talata 1).

Ang bahagi ng Doktrina at mga Tipan na may pinakamaagang petsa ay naglalamanng mga sinabi kay Joseph Smith ng anghel na si Moroni noong 1823, sa panahongnakatira pa ang pamilya Smith malapit sa Palmyra, New York. Sa pagdalaw na iyon,ibinahagi ni Moroni ang maraming mahalagang propesiya mula sa Luma at BagongTipan, kabilang na ang isa na mula kay Malakias tungkol sa ipinangakong misyonng propetang si Elijah sa mga huling araw. Ang propesiyang iyon, na nakatala saDoktrina at mga Tipan 2, ay napakahalaga sa ating pagkaunawa sa plano ng Amasa Langit na tubusin ang Kanyang mga anak.

Mga huling buwan ng 1816Lumipat ang pamilya Smith sa Palmyra, New York mula sa Vermont.

Tagsibol 1820Nagpakita ang Ama sa Langit at si Jesucristo kay Joseph Smith.

Setyembre 21–22, 1823Dinalaw ng anghel na si Moroni si Joseph Smith (Doktrina at mga Tipan 2).

Nobyembre 19, 1823Namatay ang nakatatandang kapatid ni Joseph Smith na si Alvin.

Enero 18, 1827Ikinasal sina Joseph Smith at Emma Hale.

1

Page 22: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoPambungad sa Doktrina at mga TipanAng Doktrina at mga Tipan ay naglalaman ng mga paghahayag na ibinigay kayPropetang Joseph Smith at sa sumunod na mga propeta

Paggamit ng KurikulumKapag naghahanda ka ng lesson, rebyuhin nang may panalangin ang kurikulum kasabay ngpag-aaral mo ng scripture block. Kapag ginawa mo ito, matutulungan ka ng Espiritu Santo namaiangkop ang lesson sa pangangailangan ng iyong mga estudyante. Maaari mong gamitin anglahat o ang ilang bahagi ng mga mungkahi sa pagtuturo para sa isang scripture block, o maaarimong iakma ang mga iminungkahing ideya sa mga pangangailangan at kalagayan ngiyong klase.

Bago magsimula ang klase, ilista sa pisara ang tungkol sa mahihirap na sitwasyon,pangyayari, o desisyong kinakaharap ng mga young adult. (Maaari mong isamaang ilan sa mga sumusunod: sino ang pakakasalan, oportunidad sa edukasyon,pagpili ng trabaho, social pressure, at tukso.)

• Bukod pa sa nakasulat sa pisara, ano pa ang ibang mahihirap na sitwasyon,kalagayan, o desisyong kinakaharap ng mga young adult?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga hamong kinakaharap nila oinaasahang makakaharap. Sabihin sa kanila na alamin ang mga katotohananhabang pinag-aaralan nila ang mga pambungad sa Doktrina at mga Tipan salesson na ito na makatutulong sa kanila na malaman kung paano tatanggap ngbanal na patnubay at kapanatagan na tutulong sa kanila sa mga ganitongkalagayan.

Ipaliwanag na ang Doktrina at mga Tipan ay naglalaman ng pambungad namaikling nagsasalaysay ng mga pangyayari ng Panunumbalik, naglalarawan kungpaano nagkaroon ng Doktrina at mga Tipan, at nagpapaliwanag kung paanomapagpapala ng sagradong aklat ng banal na kasulatan na ito ang buhay ng lahatng anak ng Ama sa Langit.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng mga talata1–3 ng pambungad sa Doktrina at mga Tipan. Sabihin sa klase na tahimik nasumabay sa pagbasa at alamin ang mga parirala na nagpapaliwanag kung ano angDoktrina at mga Tipan at kung bakit dapat nating pag-aralan ito.

• Anong mga salita o parirala ang tumutukoy sa Doktrina at mga Tipan?

• Anong mga dahilan ang nakita ninyo para pag-aralan ang Doktrina at mgaTipan na mahalaga sa inyo?

Sa pisara, ilista ang mga dahilan sa pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan namatutukoy ng mga estudyante. Habang ibinabahagi na ng mga estudyante angkanilang mga ideya, tiyaking matutukoy nila ang sumusunod na alituntunin namatatagpuan sa mga talata 1 at 3: Sa pag-aaral natin ng Doktrina at mga Tipan,maririnig natin ang tinig ng Tagapagligtas na nangungusap sa atin sa atingpanahon.

LESSON 1

2

Page 23: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang alituntuning ito,sabihin sa kanila na basahin ang Doktrina at mga Tipan 18:34–36, at alamin kungano ang sinabi ng Panginoon tungkol sa mga salita ng paghahayag na ito.

• Ano ang nakikita ninyong mahalaga sa paliwanag ng Panginoon tungkol samga salita ng paghahayag na ito?

• Ano ang mga naranasan ninyo sa pakikinig at pagkilala ng tinig ng Panginoonsa inyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan?

Hikayatin ang mga estudyante na hangaring marinig ang tinig ng Panginoon nanangungusap sa kanila sa pamamagitan ng pagtatakda ng mithiin na basahin angDoktrina at mga Tipan araw-araw.

Hikayatin ang mga estudyante na basahin ang teksto para sa kursong itoLahat ng banal na kasulatan ay mga inspiradong tala na naglalaman ng mga doktrina at mgaalituntunin ng ebanghelyo. Inilalarawan nito ang gawain ng Ama sa Langit sa Kanyang mgaanak at itinuturo ang tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Makapagbibigay ang mga ito ngkaragdagang pag-unawa sa ebanghelyo at sa plano ng kaligtasan. Dapat basahin at pag-aralanng mga estudyante at titser ang aklat ng banal na kasulatan na tugma sa bawat kurso ngpag-aaral.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 6 ng pambungad, at sabihinsa klase na alamin ang mga sitwasyon na kadalasang humahantong sa mgapaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan.

• Anong mga parirala sa talatang ito ang naglalarawan ng mga sitwasyon kungsaan natanggap ang mga paghahayag na ito?

• Batay sa ginawa ni Joseph Smith at ng iba upang matanggap ang mgapaghahayag na ito, anong alituntunin ang matututuhan natin tungkol sapagtanggap ng patnubay mula sa Panginoon? (Matapos sumagot ang mgaestudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Kung tayo ayhihingi ng tulong at mananalangin sa oras ng pangangailangan, ibibigayng Panginoon ang patnubay na kailangan natin.)

• Sa inyong palagay, paano nakapagpapalakas ng pananampalataya natin nagagabayan tayo ng Panginoon ang pag-aaral ng mga paghahayag sa Doktrina atmga Tipan?

Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang kanilang patotoo saalituntuning ito.

Doktrina at mga Tipan 2Isang anghel ang nagpakita kay Joseph Smith bilang sagot sa kanyang panalanginIpaliwanag na ang pinakaunang bahagi ng Doktrina at mga Tipan ay natanggapdahil sa pagdarasal at paghingi ng tulong ni Propetang Joseph Smith sa Panginoonsa oras ng pangangailangan. Ibuod nang maikli ang Joseph Smith—Kasaysayan1:29–39 na ipinapaliwanag na tatlong taon matapos ang Unang Pangitain,nanalangin Joseph Smith upang malaman ang kanyang katayuan sa harapan ngPanginoon. Bilang sagot, dinalaw siya ng sugo ng langit na si Moroni. Sinabi ng

LESSON 1

3

Page 24: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

anghel sa batang si Joseph na ang Diyos ay may gawaing ipagagawa sa kanya,kabilang na ang pagsasalin ng sinaunang tala na nakasulat sa mga laminang ginto.Pagkatapos ay binanggit ni Moroni ang maraming talata mula sa Biblia, kabilang naang mga inspiradong adaptasyon ng propesiya na nasa Malakias 4:5–6 nanagsasaad ng misyon ng propetang si Elijah. Ang propesiyang ito, na ibinigay nganghel na si Moroni kay Joseph, ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 2.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 2:1. Sabihinsa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ng Tagapagligtasna Kanyang gagawin bago ang Ikalawang Pagparito.

• Ano ang sinabi ng Panginoon na gagawin Niya bago ang Ikalawang Pagparito?

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang misyon ni Elijahsa mga huling araw na binanggit sa paghahayag na ito, ipakita ang sumusunod napahayag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ipabasaito nang malakas sa isang estudyante. Hikayatin ang mga miyembro ng klase napakinggan kung ano ang ibig sabihin ng priesthood na inihayag ni Elijah.

“Si Elias [Elijah] ay propeta sa Lumang Tipan na pinagawa ng malalakinghimala. …

“Nalaman natin mula sa makabagong paghahayag na tinaglay ni [Elijah] angkapangyarihang magbuklod ng Melchizedek Priesthood at siya ang hulingpropeta na gumawa nito bago ang pagsilang ni Jesucristo” (Bible Dictionary,“Elijah”). …

Nagpakita si [Elijah] kay Moises sa Bundok ng Pagbabagong-anyo (tingnan sa Mateo 17:3) atiginawad ang awtoridad na ito kina Pedro, Santiago, at Juan. Nagpakitang muli si [Elijah] kayMoises at sa iba pa noong Abril 3, 1836, sa Kirtland Temple at iginawad ang mga susi ring iyonkina Joseph Smith at Oliver Cowdery” (David A. Bednar, “Ang mga Puso ng mga Anak ayMagbabalik-loob,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 24).

• Bakit napakahalaga ng kapangyarihang magbuklod ng priesthood sa gawain ngkaligtasan sa mga huling araw para sa mga anak ng Diyos?

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang kahalagahan ngkapangyarihang magbuklod ng priesthood na inihayag sa pamamagitan ni Elijah,ipakita ang sumusunod na paliwanag ni Elder Bruce R. McConkie (1915–1985) ngKorum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante.

Ang kapangyarihang magbuklod ng priesthood ay “kapangyarihang magtali atmagbuklod sa lupa … at pagtibayin ito sa Langit. …

“… Kapag isinasagawa ang mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan ng o sapamamahala ng mga mayhawak ng mga susi ng [priesthood], ang ganitong mgaordenansa at seremonya ay may lubos na puwersa at bisa sa buhay na ito at sabuhay na darating” (Bruce R. McConkie, Doctrinal New Testament Commentary

[1965], 1:389, 424).

LESSON 1

4

Page 25: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 2:2 habangtahimik na sumasabay sa pagbasa ang klase, na inaalam kung ano angimpluwensya sa mga pamilya ng pagparito ni Elijah. Sabihin sa isang estudyante naibahagi ang nalaman nila.

Upang matulungan ang mga estudyante na suriin ang kahulugan ng talata 2,ipakita ang sumusunod na dalawang pahayag, at ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang unang pahayag at ipabasa nang malakas sa isa pang estudyante angpangalawa. Sabihin sa klase na alamin ang katangian ng mga ama at mga anak nabinanggit sa talata 2.

Itinuro ni Elder Bruce R. McConkie na sa propesiya na “itatanim [ni Elijah] samga puso ng mga anak ang mga pangakong ginawa sa mga ama,” ang mgakatagang “mga ama” (idinagdag ang pagbibigay-diin) ay tumutukoy kina“Abraham, Isaac, at Jacob, na binigyan ng mga pangakong ito. Ano ang mgapangako? Ito ang mga pangako na magpapatuloy ang pamilya sakawalang-hanggan” (The Millennial Messiah [1982], 267).

Ipinaliwanag ni Pangulong Joseph Fielding Smith na sa mga propesiya na “angmga puso ng mga anak ay magbabalik-loob sa kanilang mga ama” (D at T 2:2),ang mga katagang “kanilang mga ama” (idinagdag ang pagbibigay-diin) aytumutukoy sa “ating mga ninunong namatay na hindi nagkaroon ngpribilehiyong tanggapin ang Ebanghelyo, ngunit natanggap ang pangako nadarating ang panahon na ipagkakaloob sa kanila ang pribilehiyong ito. Ang mga

anak ay ang mga taong nabubuhay ngayon na naghahanda ng kanilang genealogy atnagsasagawa ng mga ordenansa sa mga Templo para sa mga patay” (Mga Turo ng mga Pangulong Simbahan: Joseph Fielding Smith [2013], 252).

• Sino ang “mga ama” na binanggit sa propesiyang ito, at ano ang mga pangakona dapat maitanim sa puso ng mga anak?

• Ano ang ilang paraan na ibabaling ng mga anak ang kanilang mga puso sa“kanilang mga ama,” o mga ninuno?

• Paano nauugnay sa atin ang propesiya na ang mga puso ng mga anak ayibabaling sa kanilang mga ama? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulatsa pisara ang sumusunod na katotohanan: Ang ating mga puso aybumabaling sa ating mga ninuno kapag nagsasagawa tayo ng mgaordenansa para sa kanila sa mga templo.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 2:3. Sabihinsa klase na alamin kung ano ang mangyayari kung ang kapangyarihan nanagbubuklod sa mga pamilya para sa kawalang-hanggan ay hindi ipinanumbaliksa lupa.

• Ayon sa propesiyang ito, ano ang mangyayari kung hindi ipinanumbalik samundo ang kapangyarihang magbuklod ng mga pamilya? (Matapos sumagotang mga estudyante, isulat aa pisara ang sumusunod na doktrina: Kung walaang kapangyarihan na nagbubuklod sa mga pamilya para sa

LESSON 1

5

Page 26: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

kawalang-hanggan, ang mundo ay lubusang mawawasak sa IkalawangPagparito ni Cristo.)

• Sa inyong palagay, bakit “lubusang mawawasak” (D at T 2:3) ang mundo saIkalawang Pagparito ni Jesucristo kung hindi naipanumbalik angkapangyarihang magbuklod?

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paano“lubusang mawawasak” ang mundo kung hindi nagpakita si Elijah noong 1836 athindi naipanumbalik ang kanyang mga susi, ipakita ang sumusunod na paliwanagni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa itonang malakas sa isang estudyante.

“Kung wala ang [kapangyarihang magbuklod] walang ugnayan ng pamilya angiiral sa kawalang-hanggan, at sa katunayan maiiwan sa kawalang-hanggan angpamilya ng tao nang ‘wala kahit ugat [mga ninuno] ni sanga [mga inapo] man.’Yamang ang pinakalayunin ng mortalidad ay isang pamilya ng Diyos naibinuklod, pinag-isa, at nagtamo ng selestiyal na kaluwalhatian, anumangpagkabigo rito ay totoong isang sumpa, at dahil dito ang buong plano ng

kaligtasan ay ‘lubusang mawawasak’” (Jeffrey R. Holland, Christ and the New Covenant [1997],297–98).

• Paano kayo mapagpapala at ang inyong pamilya dahil naipanumbalik angkapangyarihang magbuklod?

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung kailan nila nadama na naibaling angkanilang puso sa kanilang mga ama. Ipaliwanag na ang prosesong ito ay madalaskapalooban ng pagnanais na malaman pa ang tungkol sa mga magulang, lolo’t lola,at mga ninuno at magsagawa ng mga ordenansa sa templo para sa kanila.Anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi ng kanilang mga karanasansa klase.

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa mga alituntunin sa lesson na ito.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Pambungad sa Doktrina at mga Tipan. Ang Kahalagahan ng Doktrina at mga TipanSabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang unang pangungusap ng talata 8 ng pambungad sa Doktrina at mga Tipan,at alamin ang isa o mahigit pang doktrina na interesado silang malaman pa.

Ipaliwanag na bagama’t napakahalaga ang kaalaman tungkol sa mga doktrinang ito, ang Doktrina at mga Tipan ay naglalaman ngisa pang napakahalagang katotohanan. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang huling pangungusap ng talata 8, at sabihinsa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang katotohanan na siyang dahilan kung bakit napakahalaga ng Doktrina atmga Tipan.

• Anong mga doktrina ang pinakainteresado kayong malaman pa?

• Sa inyong palagay, bakit mahalaga na magkaroon ng higit na kaalaman at pag-unawa sa mga katotohanang iyon?

• Ayon sa huling pangungusap ng talata 8, paano nagkaroon ng “dakilang kahalagahan” (pambungad sa Doktrina at mgaTipan) ang Doktrina at mga Tipan? (Gamit ang mga salita ng mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin:

LESSON 1

6

Page 27: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano mapagpapala ang buhay nila kapag mas malakas ang kanilang patotoo tungkol saTagapagligtas. Maaari mong ibahagi kung paano napalakas ng pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan ang iyong patotoo tungkol kayJesucristo.

Sa pag-aaral ng mga paghahayag sa Doktrina at mga Tipan, mapalalakas natin ang ating mga patotoo tungkolkay Jesucristo.)

• Sa inyong palagay, bakit makapagpapalakas sa inyong patotoo tungkol kay Jesucristo ang pag-aaral ng Doktrina atmga Tipan?

LESSON 1

7

Page 28: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 2

Doktrina at mga Tipan 1Pambungad at TimelineNoong Nobyembre 1831, nakapagbigay ang Panginoon ng mahigit 60 paghahayagsa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith para sa kapakanan ng Simbahan atmga miyembro. Upang mas madaling malaman ng mga miyembro ng Simbahanang mga paghahayag na ito, nagpasiya ang mga lider ng Simbahan na ilathala angmga ito bilang isang aklat na tinatawag na Aklat ng mga Kautusan [Book ofCommandments]. Noong Nobyembre 1, 1831, nagdaos ang Propeta ngkumprensya ng mga elder sa tahanan nina John at Elsa (o Alice) Johnson sa Hiram,Ohio, kung saan isang komite ng mga elder na binubuo nina Sidney Rigdon, OliverCowdery, at William E. McLellin ang nagtangka ngunit nabigong makasulat ngpaunang salita para sa Aklat ng mga Kautusan. Pagkatapos ng pagtatangkang ito,natanggap ni Joseph Smith sa pamamagitan ng paghahayag ang kilala na ngayonbilang Doktrina at mga Tipan 1 (tingnan sa The Joseph Smith Papers, Documents,Volume 2: July 1831–January 1833, inedit nina Matthew C. Godfrey at iba pa[2013], 104). Sinabi ng Panginoon, “Ito [ang paghahayag] … ang aking paunangsalita sa aklat ng aking mga kautusan” (D at T 1:6). Ipinahayag din niya namaririnig ng lahat ng tao ang Kanyang “tinig ng babala” (talata 4) at ang mgataong ayaw makinig sa Kanyang tinig at sa mga salita ng Kanyang mgatagapaglingkod ay mahihiwalay mula sa Kanyang mga tao. Pinatotohanan ngPanginoon na ang mga paghahayag na ibinigay kay Propetang Joseph Smith aytotoo at iniutos Niya sa Kanyang mga tao na saliksikin ang mga ito.

Setyembre 1831Lumipat sina Joseph at Emma Smith sa Hiram, Ohio mula sa Kirtland.

Nobyembre 1831Ipinasiya sa isang kumperensya ng mga elder na maglathala ng 10,000 kopya ngAklat ng mga Kautusan [Book of Commandments].

Nobyembre 1, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 1 sa Hiram, Ohio.

Nobyembre 20, 1831Sina Oliver Cowdery at John Whitmer ay umalis papuntang Missouri dala angmanuskrito ng Aklat ng mga Kautusan [Book of Commandments] para ipalimbag.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 1:1–17Ang tinig ng babala ng Panginoon ay para sa lahat ng taoIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni ElderJoseph B. Wirthlin (1917–2008) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

8

Page 29: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“Noong Disyembre 26, 2004, niyanig ng isang malakas na lindol ang baybayinng Indonesia, na lumikha ng nakamamatay na tsunami na kumitil sa buhay ngmahigit 200,000 katao. Grabeng trahedya. Sa isang araw, milyun-milyong buhayang ganap na nagbago.

“Pero isang grupo ng mga tao na, bagama’t nawasak ang kanilang bayan, anghindi man lang nasaktan o namatayan.

“Ang dahilan?

“Alam nilang may parating na tsunami.

“Ang mga taong Moken ay nakatira sa mga bayan sa mga pulo sa baybayin ng Thailand atBurma (Myanmar). Isang grupo ng mga mangingisda, na nakadepende ang buhay sa dagat.Daan-daan at siguro’y libu-libong taon nang pinag-aralan ng kanilang mga ninuno angkaragatan at naisalin nila ang kanilang kaalaman sa ama hanggang sa anak.

“Isang bagay lalo na, itinuro nilang mabuti ang gagawin kapag kumati ang tubig ng dagat. Ayonsa mga tradisyon nila, kapag nangyari iyaon, ang ‘Laboon’—isang alon na lumalamon ng mgatao—ang kaagad na kasunod nito.

“Nang makita ng matatanda sa bayan ang mga kinatatakutang senyales, sinabihan nila anglahat na tumakbo sa mas mataas na lugar.

“Hindi lahat ay nakinig.

“Sabi ng isang matandang mangingisda, ‘Walang batang naniwala sa akin.’ Katunayan,sinabihan siyang sinungaling ng sarili niyang anak na babae. Pero hindi tumigil ang matandahanggang sa lisanin ng lahat ang bayan at umakyat sa mas mataas na lugar “ (Joseph B.Wirthlin, “Tumungo sa Mas Mataas na Lugar,” Ensign o Liahona, Nob. 2005, 16).

• Sa inyong palagay, bakit ayaw makinig o maniwala ng ilang tao sa babala ngmatatanda sa bayan?

• Kung isa kayo sa mga tao na noong una ay nagduda sa babala, ano kaya angmararamdaman ninyo sa matatanda sa bayan matapos manalasa ang tsunami?

Tulungan ang mga estudyante na magawa ang kanilang responsibilidad sapag-aaralAng espirituwal na pag-aaral ay nangangailangan ng pagsisikap at pagpili ng estudyante. Kapagginawang mabuti ng mga estudyante ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral, inihahanda nilaang kanilang puso sa impluwensya ng Espiritu Santo.

Ipaliwanag na tulad ng mga taong Moken, tayo man ay nabalaan din tungkol samga kapahamakang darating. Sabihin sa mga estudyante na alamin ang mgababala ng Panginoon sa pag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan 1 at ang mgakatotohanan na tutulong sa kanila na malaman kung paano paghandaan ang mgapangyayaring ito.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 1, at sabihinsa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung kailan at bakitibinigay ng Panginoon ang paghahayag na ito kay Joseph Smith. Maaari mongipaliwanag na ang pagtitipon na binanggit dito ay ang pinakaunang bersyon ng

LESSON 2

9

Page 30: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan at tinawag na Aklat ng mga Kautusan [Book ofCommandments].

• Ipaliwanag na sa talata 6, tinukoy ng Panginoon ang paghahayag na ito na“aking paunang salita sa aklat ng aking mga kautusan.” Paano nakatutulong saatin na maunawaan ang layunin ng paghahayag na ito ang ituring na ito aypaunang salita?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 1:1–4, atsabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung sino angbibigyan ng babala ng Panginoon.

• Kanino ibibigay ng Panginoon ang Kanyang tinig ng babala?

• Anong babala ang ibinigay ng Panginoon sa talata 3?

• Ayon sa talata 4, paano ipadadala ng Panginoon ang Kanyang babala sa lahatng tao?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 1:5–9 na ipinapaliwanag na sa mga talatang ito,ipinahayag ng Panginoon na ang Kanyang mga tagapaglingkod na hahayo upangipahayag ang Kanyang mga salita ay magkakaroon ng kapangyarihan at awtoridadna pagbuklurin ang masasama “kung kailan ang poot ng Diyos ay ibubuhos samasasama nang walang sukat” (talata 9). Ipaliwanag na ang pariralang ito aytumutukoy sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 1:10–16, at sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, nainaalam ang mga karagdagang babala mula sa Panginoon.

• Bakit maituturing na babala ang talata 10?

• Anong parirala sa talata 11 ang naglalarawan na handa ang Panginoon natulutan tayong pumili kung didinggin natin o hindi ang Kanyang mga babala?

Anong alituntunin ang matutukoy natin mula sa babala ng Tagapagligtas satalata 14? (Gamit ang mga salita ng mga estudyante, magsulat sa pisara ngalituntunin na katulad ng sumusunod: Kung hindi natin pakikinggan atsusundin ang tinig ng Panginoon at ang mga salita ng Kanyang mga propetaat apostol, tayo ay ihihiwalay mula sa mga tao ng Diyos.) Ipaliwanag na angmaihiwalay mula sa mga tao ng Diyos ay ang maihiwalay mula sa mabubuti atmula sa kapangyarihan, proteksiyon, impluwensya, at pagpapala ng Diyos, at sahuli sa Kanyang kinaroroonan.

• Anong mga salita o mga parirala ang ginamit ng Panginoon sa mga talata 15–16upang ilarawan ang mga taong inihiwalay mismo ang mga sarili mula saPanginoon? Paano mailalarawan ng mga salita at pariralang ito ang mundonatin ngayon?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “bawat tao ay lumalakad sa sariliniyang paraan … alinsunod sa larawan ng sarili niyang diyos” (talata 16)?

• Paano nagiging mahirap ang pagsunod sa mga propeta at apostol sa panahongmarami sa mga tao ang makamundo?

LESSON 2

10

Page 31: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan na mahalaga atkailangang sumunod kaagad sa mga salita ng mga propeta at apostol, ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Henry B.Eyring ng Unang Panguluhan:

“Sa bawat pagkakataon sa buhay ko na pinili kong ipagpaliban ang pagsunod sainspiradong payo o nagpasiya na hindi ako kasali doon, napag-alaman ko nainilagay ko ang sarili ko sa panganib. Sa bawat pagkakataon na nakinig ako sapayo ng mga propeta, nadama ang pagpapatibay nito sa panalangin, atpagkatapos ay sinunod ito, natuklasan kong napunta ako sa ligtas na lugar”(Henry B. Eyring, “Finding Safety in Counsel,” Ensign, Mayo 1997, 25).

• Anong payo o mga babala ang ibinigay ng mga propeta at apostol ngPanginoon kamakailan? (Maaari mong ibahagi ang ilang payo o babala mula sahuling pangkalahatang kumperensya.)

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung gaano nila sinunod ang payo naiyan at ano ang maaari nilang gawin para mas masunod pa nilang mabuti ang payoat babala mula sa mga propeta at apostol. Hikayatin sila na sundin ang anumanginspirasyong matanggap nila.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 1:17. Sabihinsa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ng Panginoon naKanyang ginawa dahil sa kapahamakang alam Niyang darating sa mundo. Bagomagbasa ang estudyante, ipaliwanag na ang salitang kapahamakan sa talata 17 aytumutukoy sa pagdurusa, kalungkutan, at paghihirap na darating dahil sakasamaan ng mundo.

• Ayon sa talata 17, ano ang ginawa ng Panginoon dahil alam Niya angkapahamakan na sasapit sa mga huling araw? (Maaaring iba-iba ang sagot ngmga estudyante, ngunit tiyaking matutukoy nila ang sumusunod nakatotohanan: Dahil alam ng Panginoon ang kapahamakang sasapit sa mgahuling araw, tinawag Niya si Joseph Smith bilang Kanyang propeta atbinigyan siya ng paghahayag at mga kautusan. Hikayatin ang mgaestudyante na markahan ang katotohanang ito sa talata 17.)

• Sa paanong paraan nakatulong sa atin ang tungkulin ni Propetang JosephSmith at ang mga paghahayag at kautusan na natanggap niya para makayanannatin ang kapahamakang mangyayari sa mga huling araw?

Doktrina at mga Tipan 1:18–33Ibinigay ng Panginoon kay Joseph Smith ang kapangyarihan na maisalin ang Aklat niMormon at itatag ang Kanyang totoong Simbahan

Magpasiya sa haba ng oras na ilalaanIwasan ang pagkakamali na maglaan ng sobrang oras sa unang bahagi ng lesson at pagkataposay magmadali sa pagtapos ng natitirang lesson. Sa iyong paghahanda, tantiyahin kung gaanokahaba ang bawat bahagi ng lesson gamit ang mga pamamaraan sa pagtuturo na iyong napili.

LESSON 2

11

Page 32: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Dahil palaging mas marami kang materyal na ituturo kaysa oras para ituro ang mga ito,magpasiya kung aling mga bahagi ng scripture block ang bibigyang-diin at kung alin angibubuod.

Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 1:18–23, atalamin ang epekto sa mundo ng mga kautusan at paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 1:24–28, atsabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang mgakaragdagang dahilan kung bakit ibinigay ng Panginoon ang mga kautusan atpaghahayag na ito.

• Ayon sa mga talatang ito, ano ang ilang paraan na mapagpapala tayo sapag-aaral ng mga paghahayag na nasa Doktrina at mga Tipan?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 1:29–30, atsabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung anongkapangyarihan ang ibinigay ng Panginoon kay Joseph Smith at sa iba pa. Sabihin samga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Paano inilarawan ng Panginoon ang Simbahan sa talata 30? (Tulungan ang mgaestudyante na matukoy ang sumusunod na doktrina: Ang Simbahan niJesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang tanging tunay at buhayna simbahan sa ibabaw ng buong mundo. Hikayatin ang mga estudyante namarkahan ang katotohanang ito sa talata 30.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng pariralang “ang tanging tunay atbuhay na simbahan”? (Kung kailangan, maaari mong banggitin sa mgaestudyante ang komentaryo na nasa manwal ng estudyante para sa Doktrina atmga Tipan 1:30.)

Tiyaking nauunawaan ng mga estudyante na ang sinabi ng Panginoon hinggil sakanyang Simbahan ay hindi nangangahulugan na wala kahit ilang katotohananang ibang mga simbahan. Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) naang paanyaya natin sa mga miyembro ng ibang mga relihiyon ay “dalhin ninyo anglahat ng kabutihan at katotohanang taglay ninyo mula sa kahit saan, at halina’ttingnan natin kung may maidaragdag pa kami rito” (“Ang Kagila-gilalas naPundasyon ng Ating Pananampalataya,” Ensign o Liahona, Nob. 2002, 81).

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang sinabi ngPanginoon na ang Kanyang Simbahan ay “buhay” na simbahan, magpakita ngisang halaman at isang bagay na walang buhay tulad ng bato (o ipakita ang mgalarawan ng mga bagay na ito). Sabihin sa mga estudyante na ilarawan ang mgakatangian ng isang bagay na buhay, tulad ng halaman, kumpara sa isang bagay nahindi buhay, tulad ng bato. (Ang halaman ay lumalago, lumalaki, kailangan ngtubig at liwanag, at maaaring magbunga.)

• Paano ito maiuugnay sa pagiging “buhay” na simbahan ng Ang Simbahan niJesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw? (Isang posibleng sagot ay angpatuloy na pag-akma ng Simbahan sa mga pabagu-bagong kalagayan sa buong

LESSON 2

12

Page 33: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

mundo at ang pag-unlad sa kaalaman sa pamamagitan ng patuloy napaghahayag mula sa Diyos.)

• Sa inyong palagay, bakit mahalagang maunawaan na bagama’t hindinagbabago ang mga walang hanggang katotohanan at mga doktrina, patuloyna nagbabago at umuunlad ang Simbahan ayon sa inihayag na kalooban ngPanginoon?

• Anong mga karanasan ang nakatulong sa inyo para malaman ninyo na AngSimbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang tanging tunay atbuhay na Simbahan?

Doktrina at mga Tipan 1:34–39Ang mga salita at mga paghahayag ng Panginoon na nasa Doktrina at mga Tipan aytotoo at matutupad lahatIbuod ang mga talata 34–36 na ipinapaliwanag na ipinahayag ng Panginoon nanais Niyang mabalaan ang lahat ng mga tao na maghanda sa Kanyang IkalawangPagparito.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan1:37–39, at alamin ang mga katotohanang itinuro ng Panginoon sa pagtatapos ngkanyang paunang salita sa Doktrina at mga Tipan. Maaari mong ipaliwanag na angibig sabihin ng tapat ayon sa pagkagamit dito sa talata 37 ay maaasahan atmapagkakatiwalaan.

• Anong mga katotohanan ang matutukoy natin sa mga talatang ito? (Bagama’tmaaaring matukoy ng mga estudyante ang ilang katotohanan, tiyakin nanatukoy nila ang sumusunod: Inaasahan ng Panginoon na pag-aaralan natinang Doktrina at mga Tipan. Ang mga propesiya at pangako ng Panginoonay totoo at lahat ay matutupad. Ang mga salita ng Panginoon ay totoo itoman ay sinabi Niya o ng Kanyang mga tagapaglingkod.)

Sabihin sa mga estudyante na magsulat ng isa o dalawang pangungusap batay salesson ngayon na nagbubuod sa dahilan kung bakit sa palagay nila ay mahalagangpag-aralan nila ang Doktrina at mga Tipan. Ipabahagi sa ilang estudyante angkanilang isinulat. Matapos makapagbahagi ang mga estudyante, hikayatin silangpatuloy na saliksikin at pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan.

Mga Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 1:31–33. Pagtanggap ng kapatawaran para sa mga kasalananIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 1:31–33. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa,at alamin ang itinuro ng Panginoon tungkol sa kasalanan at pagsisisi.

• Ano ang ilang dahilan kung bakit ang “Panginoon ay hindi makatitingin sa kasalanan nang may pinakamaliit na antas ngpagsasaalang-alang” (talata 31)?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa talata 32 tungkol sa pagtanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan? (Tulunganang mga estudyante na matukoy ang sumusunod na katotohanan: Kung magsisisi tayo at susundin ang mga kautusanng Panginoon, tayo ay mapapatawad.)

LESSON 2

13

Page 34: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang alituntuning ito, ipakita at ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Binibigyang-diin ng [Doktrina at mga Tipan 1:31–32] na hindi tinutulutan ng Panginoon ang kasalanan ngunitpatatawarin Niya ang nagsisising makasalanan dahil sa Kanyang ganap na pag-ibig. Itinuturo din nito na hindi langmahalagang sundin ang kautusang inyong nilabag, kundi sa pagsunod sa lahat ng utos magkakaroon kayo ngdagdag na lakas at suporta sa proseso ng pagsisisi” (Richard G. Scott, “Upang Maging Malaya sa Mabibigat naPasanin,” Ensign o Liahona, Nob. 2002, 87).

• Ayon kay Elder Scott, ano ang pagkakaugnay ng pagsisisi at pagsunod sa Diyos?

LESSON 2

14

Page 35: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 3

Doktrina at mga Tipan 3; 10Pambungad at TimelineNoong tag-init ng 1828, nilisan ni Martin Harris ang Harmony, Pennsylvania, dalaang 116 na pahina ng manuskrito ng Aklat ni Mormon para ipakita sa mgamiyembro ng kanyang pamilya na nakatira sa Palmyra, New York. Nang hindibumalik si Martin sa takdang panahon, nagpunta si Joseph Smith sa bahay ngkanyang mga magulang sa Manchester, New York, kung saan niya nalaman nanawala ni Martin ang mga pahina ng manuskrito. Nabalisa si Joseph at umuwikinabukasan sa kanyang tahanan sa Harmony. Pagdating doon noong Hulyo 1828,natanggap niya ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 3. Sapaghahayag na ito pinagsabihan ng Panginoon si Joseph at sinabi sa kanya napansamantalang mawawala sa kanya ang pribilehiyong magsalin, ngunit binigyandin siya ng katiyakan ng Panginoon, at sinabing, “Ikaw ay pinili pa rin, at mulingtinatawag sa gawain” (D at T 3:10). Bukod pa rito, ipinaliwanag ng Panginoon angKanyang layunin sa pagpapalabas ng Aklat ni Mormon at ipinahayag na angKanyang gawain ay mamamayani sa kabila ng kasamaan ng mga tao.

Matapos maranasan ni Joseph Smith ang pagsisisi nang “ilang panahon” (D at T3:14), ang mga lamina, na kinuha ni Moroni sa kanya noong nawala angmanuskrito, ay ibinalik sa kanya at siya ay binigyang muli ng kaloob namakapagsalin. Matapos ipagpatuloy ang pagsasalin, natanggap ni Joseph angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 10 (maaaring natanggap angilang bahagi ng paghahayag na ito noon pang tag-araw ng 1828). Sa paghahayagna ito, iniutos ng Panginoon na hindi na muling isasalin ni Joseph ang mganawalang pahina ng manuskrito. Nalaman ng Propeta na noon pa mangsinaunang panahon ay may inspiradong paghahanda nang ginawa upangmapunan ang pagkawala ng manuskrito at mapangalagaan ang mensahe ng Aklatni Mormon.

Hunyo 14, 1828Dinala ni Martin Harris ang 116 na pahina ng manuskrito ng Aklat ni Mormonmula sa Harmony, Pennsylvania, patungong Palmyra, New York.

Hulyo 1828Naglakbay si Joseph Smith sa Manchester, New York, at nalamang nawala angmanuskrito.

Hulyo 1828Bumalik si Joseph Smith sa Harmony, Pennsylvania, at natanggap angDoktrina at mga Tipan 3.

Setyembre 22, 1828Dahil naiwala ang mga laminang ginto at ang Urim at Tummim matapos angkanyang paglabag na may kinalaman sa manuskrito, natanggap muli ni JosephSmith ang mga ito mula kay Moroni.

Abril 5, 1829Dumating si Oliver Cowdery sa Harmony upang tumulong sa pagsasalin ng Aklatni Mormon.

15

Page 36: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Abril 1829Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 10 (maaaring natanggap ang ilangbahagi noon pang tag-araw ng 1828).

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 3:1–20Ipinahayag ng Panginoon na ang Kanyang gawain ay hindi mabibigo atpinagsabihan si Joseph Smith

Mga Pangunahing Alituntunin sa Pagtuturo at Pag-aaral ng EbanghelyoAng bawat lesson sa manwal na ito ay nakatuon sa scripture block sa halip na sa isang partikularna konsepto, tema, doktrina, o alituntunin. Sa pag-aaral ng mga titser at mga estudyante sa mgascripture block na ito ayon sa pagkakasunud-sunod nito, maisasama nila ang marami sa MgaPangunahing Alituntunin sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo. Kabilang sa mahahalagangalituntuning ito ang pag-unawa sa konteksto at nilalaman; pagtukoy, pag-unawa, at pagdama sakatotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at alituntunin ng ebanghelyo; at pagpapamuhayng mga doktrina at alituntunin.

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang pagkakataon na may naghikayat sa kanilana kumilos nang salungat sa mga kautusan ng Diyos.

• Bakit maaaring mahirap kung minsan na labanan ang pamimilit ng iba nagumawa ng mali?

Ipaliwanag na habang isinasalin ang Aklat ni Mormon, naranasan ni Joseph angpamimilit ng iba na isantabi niya ang payo ng Diyos. Sabihin sa mga estudyante naalamin ang mga katotohanan sa pag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan 3 at 10 namakatutulong sa kanila na labanan ang pamimilit ng iba na kumilos nang salungatsa payo ng Diyos.

Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag kung ano ang nalaman nila tungkol sapagkawala ng 116 na pahina ng manuskrito ng Aklat ni Mormon. Kungkinakailangan, idagdag ang mga sumusunod na detalye sa mga sagot ng mgaestudyante:

Mula noong Abril hanggang Hunyo 1828, isinalin ng Propeta ang mga lamina sakanyang tahanan sa Harmony, Pennsylvania, kasama si Martin Harris, isangmayamang magsasaka, na kanyang tagasulat. Si Martin na mas matanda nang 22taon kay Joseph, ay naglaan ng tulong pinansyal kina Joseph at Emma sa kanilangpaglipat sa Harmony (kung saan nakatira ang pamilya ni Emma), at tinulungan angPropeta habang siya ay nagsasalin. Ang asawa ni Martin na si Lucy, ay labis nanabalisa sa interes at pagbibigay ng suportang pinansiyal ni Martin sa gawain niJoseph. Pinilit niya at ng iba pa na magpakita si Martin ng katibayan na totoongmay mga lamina. Upang pawiin ang pagkabalisa nila, hiniling ni Martin kay Josephna ihingi ng pahintulot sa Panginoon na madala niya ang 116 na naisaling pahinang manuskrito upang ipakita bilang katibayan.

• Bakit posibleng malagay sa mahirap na sitwasyon ang Propeta dahil sakahilingang ito?

LESSON 3

16

Page 37: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na salaysay niJoseph Smith:

“Nagtanong nga ako, at ang sagot ay hindi dapat [dalhin ang manuskrito]. Gayunman, hindi siyanasiyahan sa sagot na ito, at muli niya itong ipinatanong sa akin. Nagtanong nga ako, at gayondin ang naging sagot. Subalit hindi pa rin siya nasiyahan, at sapilitang pinagtanong akong muli”(Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 73).

• Sa inyong palagay, bakit patuloy pa ring itinanong ni Joseph sa Diyos ang gayonding bagay kahit nakatanggap na siya ng malinaw na sagot?

Ipabasa sa isa pang estudyante ang mga sumusunod na karagdagang detalye sakasaysayan:

Pagkatapos ng maraming pakiusap mula kay Martin, tinanong ni Joseph ang Panginoon saikatlong pagkakataon, at pinahintulutan ng Panginoon si Martin na dalhin ang manuskrito “sailang kundisyon” (Mga Turo: Joseph Smith,73). Nakipagtipan si Martin na ipakikita lamang niyaang manuskrito sa kanyang asawa at sa ilan pang miyembro ng pamilya. Bumalik si Martin saNew York dala ang manuskrito ngunit matapos ang ilang linggo ay hindi pa bumabalik onagbabalita man lang ayon sa napagkasunduan nila ng Propeta. Sa huli, nagpunta si Joseph sabahay ng kanyang mga magulang at pinasundo si Martin para malaman kung bakit hindi na itobumalik. Pagkarating nang halos magtatanghalian na, umupo si Martin upang kumaing kasamang mga Smith ngunit kaagad na ibinaba ang kanyang mga kubyertos. Nang tanungin kung ayoslang siya, sumigaw siya ng, “Naligaw na ang aking kaluluwa!” at kalaunan ay inamin na nawalaniya ang 116 na pahina ng manuskrito (tingnan sa Lucy Mack Smith, “Lucy Mack Smith, History,1845,” 130–31, josephsmithpapers.org).

• Ano ang maaaring maisip, madama, at ikabalisa ninyo kung kayo ang nasasitwasyon ni Joseph sa sandaling iyon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sinabi ni Joseph nang malamanniyang nawawala ang manuskrito:

“Nawala nang lahat! [N]awala nang lahat! [A]no ang gagawin ko? Ako ‘y nagkasala; ako angsiyang nanukso sa poot ng Diyos; sapagkat dapat na nasiyahan na ako sa unang sagot nanatanggap ko mula sa Panginoon—sapagka’t sinabi niya sa akin na hindi ligtas na mawala sapangangalaga ko ang mga kasulatan” (Joseph Smith, sa Lucy Mack Smith, “Lucy Mack Smith,History, 1845,” 131, josephsmithpapers.org).

Ipaliwanag na dahil “ipinilit [ni Joseph] sa Panginoon ang paghingi ng pribilehiyona payagan si Martin Harris na dalhin ang mga kasulatan” (Manuscript History ofthe Church, vol. A-1, p. 10, josephsmithpapers.org), kinuha ni Moroni ang mgalamina at ang Urim at Tummim, at nawala kay Joseph ang kaloob na makapagsalin.Gayunman, ipinangako ni Moroni na muling matatanggap ni Joseph ang mga itokung siya ay magpapakumbaba at magsisisi. Nang bumalik na si Joseph saHarmony at humingi ng tawad sa Panginoon, pansamantalang isinauli ni Moroni

LESSON 3

17

Page 38: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

ang Urim at Tummim, kung saan natanggap ni Joseph ang paghahayag na nakatalasa Doktrina at mga Tipan 3.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 3:1–3.Sabihin sa klase na alamin ang gustong ipaunawa ng Panginoon kay Joseph.

• Ano ang katotohanang itinuro ng Panginoon kay Joseph Smith tungkol saKanyang gawain? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang katotohanang tuladng sumusunod: Ang gawain ng Diyos ay hindi mabibigo.)

• Paano nakatulong kay Joseph Smith sa mahirap na panahong ito angpagkaalam niya sa katotohanang ito?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 3:4–11. Sabihin sa klase na alamin ang mga payo at pagwawasto naibinigay ng Panginoon kay Joseph Smith hinggil sa pagiging bahagi niya sapagkawala ng mga manuskrito.

• Sa paanong paraan “nagpadala sa mga panghihikayat ng mga tao” si Joseph at“kinatakutan ang tao nang higit sa Diyos” (D at T 3:6–7)?

• Ano ang matututuhan natin mula sa mga pangyayaring ito tungkol sa maaaringmangyari kapag kinatakutan natin ang tao kaysa sa Diyos?

• Ayon sa talata 8, anong alituntunin ang matutukoy natin tungkol sa gagawin ngPanginoon para sa atin kung tayo ay tapat sa Kanya? (Kung tayo ay tapat saPanginoon, tutulungan Niya tayo laban sa nag-aapoy na sibat ng kaawayat sasamahan tayo sa mga panahon ng ligalig.)

• Paano maihahalintulad ang pamimilit ng iba na gumawa ng mali sa nag-aapoyna sibat ng kaaway?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon na pinili nilang magingtapat sa Panginoon sa halip na magpatangay sa pamimilit ng ibang tao. Anyayahanang ilang estudyante na magkuwento tungkol sa mga paraan na tinulungan sila ngPanginoon sa kanilang mga pagsubok dahil naging masunurin sila.

Hikayatin ang mga estudyante na pagpasiyahan na ngayon na manatiling tapat saPanginoon, at huwag magpatangay sa pamimilit o impluwensya na nakapaligidsa kanila.

Ihanda ang bawat lesson na iniisip ang mga estudyante moHabang naghahanda ka para magturo, isipin ang inaasahan mong mangyayari sa buhay ng iyongmga estudyante buhay dahil sa natutuhan nila sa lesson. Ipinaalala ni Pangulong Thomas S.Monson sa mga nagtuturo ng ebanghelyo na: “Ang mithiin ng pagtuturo ng ebanghelyo … ayhindi para ‘magbuhos ng impormasyon’ sa isipan ng mga miyembro ng klase. … Ang layunin ayhikayatin ang bawat tao na pag-isipan, damhin, at pagkatapos ay pagsikapang ipamuhay angmga alituntunin ng ebanghelyo” (sa Conference Report, Okt. 1970, 107).

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 3:12–20 na ipinapaliwanag na ipinaalala ngPanginoon kay Joseph na nawala sa kanya ang pribilehiyong magsalin dahil hindisiya nagtiwala sa payo ng Panginoon. Gayunman, tiniyak sa kanya ng Panginoon

LESSON 3

18

Page 39: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

na ang Kanyang gawain ay hahayo at sa pamamagitan ng Aklat ni Mormon,makikilala ng mga tao ng Panginoon ang Tagapagligtas.

Doktrina at mga Tipan 10:1–29Inihayag ng Panginoon ang plano ni Satanas na wasakin si Joseph Smith at anggawain ng DiyosIpaliwanag na pagkatapos matanggap ang paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 3, patuloy na nagpakumbaba si Joseph Smith sa harapan ng Diyos atkalaunan ay muling tinanggap ang kaloob na magsalin ng Aklat ni Mormon noongSetyembre 1828. Pagsapit ng Abril 1829 natanggap din niya ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 10, bagama’t maaaring natanggap na niya angilang bahagi ng paghahayag na ito noon pa mang nakaraang tag-init. Ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mga Tipan 10.Sabihin sa klase na alamin ang sinabi ng Panginoon sa Propeta tungkol sanawalang 116 na pahina ng manuskrito.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 10:1–7, atsabihin sa klase na alamin ang payo na ibinigay ng Panginoon kay Joseph nangmagsimula na siyang magsaling muli. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi angnalaman nila.

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa payo ng Panginoon kayJoseph sa talata 5? (Maaaring iba-iba ang sagot ng mga estudyante, ngunittulungan silang matukoy ang sumusunod na alituntunin: Kung lagi tayongmananalangin, madadaig natin si Satanas at ang mga taong sumusuportasa kanyang gawain.)

• Paano tayo matutulungan ng panalangin na magapi si Satanas, at maiwasanang mga taong sumusuporta sa kanyang gawain?

Sabihin sa ilang estudyante na magbahagi ng mga halimbawa kung paano silanatulungan ng panalangin na malabanan ang mga tukso ni Satanas. (Paalalahananang mga estudyante na huwag magbahagi ng anumang karanasan nanapakapersonal o napakapribado.)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 10:8–19 na ipinapaliwanag na binalaan ngPanginoon si Joseph tungkol sa masamang plano ni Satanas na pabulaanan anggawaing ipahahayag kung isinaling muli ni Joseph ang nawalang 116 na pahina ngmanuskrito.

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 10:20–29, nagsalita ang Panginoon tungkolsa impluwensya ni Satanas sa mga tao na kumuha ng 116 pahina ng manuskrito atkung paano nito isinasagawa ang kanyang masamang layunin. Gumawa ngdalawang column sa pisara. Pangalanan ang isang column na Mga hangarin niSatanas at sa isa pang column na Mga estratehiya ni Satanas. Hatiin ang klase sadalawang grupo. Sabihin sa isang grupo na basahin nang tahimik ang Doktrina atmga Tipan 10:20–29 at alamin ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa mgahangarin ni Satanas. Sabihin sa isa pang grupo na basahin ang parehong mgatalata at alamin ang mga estratehiya na ginamit ni Satanas upang maisakatuparanang kanyang mga hangarin. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante

LESSON 3

19

Page 40: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

na ibahagi ang natuklasan nila at itala ang kanilang mga sagot sa tamang columnsa pisara.

• Ano ang matututuhan natin sa mga talatang ito tungkol sa mga hangarin niSatanas? (Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang mga alituntunin nanatukoy nila, bigyang-diin ang sumusunod na katotohanan: Gusto ni Satanasna wasakin ang ating mga kaluluwa at ang gawain ng Diyos. Maaari mongisulat sa pisara ang katotohanang ito. Maaari mong imungkahi sa mgaestudyante na markahan ang mga pariralang nagtuturo ng katotohanang ito samga talata 22–23 at 27.)

• Paano makatutulong sa atin na maiwasan at matakasan ang mga patibong niSatanas kapag alam natin ang kanyang mga estratehiya?

Doktrina at mga Tipan 10:30–70Nalaman ni Joseph Smith ang plano ng Diyos na hadlangan ang mga pagtatangka niSatanas na wasakin ang gawainIbuod ang Doktrina at mga Tipan 10:30–45 na ipinapaliwanag na iniutos ngPanginoon kay Joseph Smith na huwag isaling muli ang bahagi ng mga laminakung saan nagmula ang isinalin na 116 na pahina. Sa halip, iniutos ng Panginoonsa Propeta na isalin ang talaan na nasa maliliit na lamina ni Nephi. Dahilnalalaman Niya ang lahat ng bagay, binigyang-inspirasyon ng Panginoon siMormon na isama sa talaan niya ang maliliit na lamina ni Nephi, na tinatayangkatulad sa mga nawawalang pahina ang panahong saklaw nito. Ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang mga talata 44–45, at sabihin sa klase na pansininang sinabi ng Panginoon tungkol sa mga talaan na nawala kumpara sa talaan nanasa maliliit na lamina ni Nephi.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 10:46–70 na ipinapaliwanag na itinuro din ngPanginoon kay Joseph ang papel na ginagampanan ng Aklat ni Mormon sapagtatatag ng Kanyang doktrina.

Magtapos sa pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa doktrina at mgaalituntuning itinuro sa mga paghahayag na ito.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 10:46–70. Ipinaliwanag ng Panginoon ang layunin ng Aklat ni Mormon atang papel na ginagampanan nito sa pagtatatag ng Kanyang SimbahanSabihin sa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon nang manalangin sila para sa ibang tao, at tinugon ng Panginoon angkanilang mga panalangin. Anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi ng kanilang mga karanasan sa klase. (Paalalahanan angmga estudyante na huwag magbahagi ng anumang napakapersonal o napakapribadong bagay tungkol sa kanilang sarili o saibang tao.)

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan 10:46–52. Sabihin sa klase na alaminkung sino ang nanalangin para sa ibang tao at paano sinagot ng Panginoon ang mga panalanging iyon.

• Paano sinagot ng Panginoon ang mga panalangin ng Kanyang mga disipulo?

• Sa paanong paraan naging sagot sa kanilang mga panalangin ang paglabas ng Aklat ni Mormon?

LESSON 3

20

Page 41: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 10:53–60, ipinahayag ng Panginoon na ang paglabas ng Aklat ni Mormon ay magpapatunayna Siya ay mayroon pang ibang mga tupa.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 10:61–62, at sabihin sa klase na alamin ang sinabi ngPanginoon na dadalhin ng Aklat ni Mormon sa liwanag.

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 10:64–70, na inaalam ang mga pangako ng Panginoon.Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na magpatotoo tungkol sa isa o mahigit pa sa mga pangakong ito.

• Ano ang dadalhin ng Aklat ni Mormon sa liwanag?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin mula sa mga talatang ito tungkol sa malalaman natin kapag pinag-aralan natin angAklat ni Mormon? (Kapag pinag-aralan natin ang Aklat ni Mormon, malalaman natin ang tunay na doktrina niCristo.)

• Ayon sa talata 63, paano gagamitin ng Panginoon ang mga tunay na paksa ng Kanyang doktrina upang madaig ang mgagawain ni Satanas?

LESSON 3

21

Page 42: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 4

Doktrina at mga Tipan 5; 17Pambungad at TimelineIlang buwan mula nang maiwala ni Martin Harris ang 116 na pahina ngmanuskrito ng Aklat ni Mormon, ninais niyang mabigyan pa ng karagdagangkatibayan na totoong may mga laminang ginto. Ang kanyang asawa ay hayagangnagsalita nang laban kay Propetang Joseph Smith, na pinaparatangan ito naniloloko nito ang kanyang asawa at ang iba dahil sinasabi nito na nasa kanya angsinaunang talaan. Noong Marso 1829, bumalik si Martin sa Harmony,Pennsylvania, para hilingin kung maaari niyang makita ang mga lamina. Nalamanni Joseph sa pamamagitan ng paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 5na tatawag ang Panginoon ng tatlong saksi na pakikitaan ng mga lamina atmagpapatotoo tungkol sa mga ito sa mundo. Ipinangako ng Panginoon kay Martinna kung siya ay magpapakumbaba, pahihintulutan siyang makita ang mga lamina.

Noong Hunyo 1829, tulad ng nakatala sa Doktrina at mga Tipan 17, sinabi ngPanginoon na maaaring makita nina Oliver Cowdery, David Whitmer, at MartinHarris ang mga lamina at ang iba pang mga sagradong bagay ayon sa kanilangpananampalataya. Matapos magtamo ng patotoo tungkol sa mga lamina, sila ay“magpapatotoo sa mga ito, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos” (D at T17:3).

Mga unang buwan ng 1829Ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon ay mabagal na nagsimula.

Marso 1829Hiniling ni Martin Harris na makita ang mga lamina; natanggap ang Doktrinaat mga Tipan 5.

Abril–Mayo 1829Tumulong Si Oliver Cowdery bilang tagasulat habang isinasalin ni Joseph Smithang mga lamina.

Hunyo 1829Sina Joseph Smith at Oliver Cowdery ay lumipat sa Fayette, New York.

Hunyo 1829Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 17.

Hunyo 1829Dinalaw ni Moroni si Joseph Smith at ang Tatlong Saksi at ipinakita sa kanila angmga lamina.

Mga Hulyo 1, 1829Natapos nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon.

22

Page 43: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 5:1–22Ilalabas ng Panginoon ang Kanyang salita sa mga huling araw sa pamamagitan niPropetang Joseph Smith, at tatlong saksi ang magpapatotoo nitoIsulat sa pisara ang sumusunod na parirala: Maniwala lamang kapag nakita.

• Ano ang ilang paraan na maaaring gamitin ng mga tao ang pariralang itopagdating sa mga bagay na may kinalaman sa pananampalataya at relihiyon?

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nila sasagutin ang isang taongnagsasabi na hindi siya maniniwala sa Diyos o sa Aklat ni Mormon kung walangpisikal na katibayan. Sa pag-aaral ng mga estudyante ng Doktrina at mga Tipan 5ngayon, sabihin sa kanila na alamin ang mga katotohanan na tutulong sa kanila namalaman kung paano nila sasagutin ang isang tao na nagsasabing hindi niyamapapaniwalaan ang isang bagay kung walang pisikal na katibayan.

Sabihin sa mga estudyante na noong Marso 1829, naglakbay si Martin Harris mulasa Palmyra, New York, para bisitahin si Propetang Joseph Smith sa Harmony,Pennsylvania. Mga halos walong buwan na ang lumipas mula nang maiwala niMartin ang 116 na pahina ng manuskrito, at hindi pa muling nagkita sina Martin atJoseph mula noon. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mgaTipan 5:1–3 at sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin anghiniling ni Martin Harris kay Joseph Smith at kung ano ang sinabi ng Panginoon saPropeta na isagot sa kahilingan ni Martin.

• Ano ang hiniling ni Martin at ano ang sinabi ng Panginoon na isagot ngPropeta sa kahilingan ni Martin?

• Batay sa kahilingan ni Martin, ano ang tila naramdaman niya na pinakamainamna paraan para makakuha ng katibayan na totoo ang sinasabi ni Joseph?

Unawain ang konteksto at nilalamanIsang Pangunahing Alituntunin sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo ay ang maunawaan angkonteksto at nilalaman ng scripture block. Kabilang sa konteksto ang mga sitwasyon nanakapalibot o nagsasaad ng pinagmulan ng isang talata ng banal na kasulatan, ng pangyayari, ong kuwento. Ang nilalaman ng mga banal na kasulatan ay ang takbo ng kuwento, mga tao,pangyayari, sermon, at mga inspiradong paliwanag na bumubuo sa teksto ng banal nakasulatan.

Ipaliwanag na sinasabi rin ng mga tao sa ating panahon na kung sila ay may pisikalna katibayan, maniniwala sila na totoo ang Aklat ni Mormon. Ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong JosephFielding Smith (1876–1972):

LESSON 4

23

Page 44: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“Madalas kapag narinig ng [mga tao] … ang kuwento tungkol sa paglabas ngAklat ni Mormon, itinatanong nila kung nasa isang museo ba ang mga laminakung saan nila maaaring makita ang mga ito. Ilan sa kanila na may kaalaman sasiyensya, [ang nagsasabi] na kung makikita at masusuri ng mga dalubhasa angmga lamina at mapag-aaralang basahin ito, magpapatotoo sila na totoo angaklat, at kung gayon ang buong mundo ay mapapaniwala” (Joseph Fielding

Smith, Church History and Modern Revelation [1953], 1:40).

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 5:4–10. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminkung bakit sinabi ng Panginoon kay Joseph Smith na huwag ipakita ang mgalamina sa mundo.

• Anong mga dahilan ang ibinigay ng Panginoon sa pag-utos kay Joseph Smithna huwag pakita ang mga lamina sa mundo? (Kung hindi naniwala ang mgatao sa mga salita ng Panginoon na inihayag sa pamamagitan ni Joseph Smith,hindi pa rin sila maniniwala kahit makita pa nila ang mga lamina [tingnan saD at T 5:7]; itinago ng Panginoon ang mga lamina mula sa mundo “para saisang matalinong layunin” [tingnan sa D at T 5:9].)

• Ano ang itinuturo sa atin ng mga salita ng Panginoon kay Joseph sa mgatalatang ito tungkol sa pariralang nakasulat sa pisara (“Maniwala lamang kapagnakita”)?

Isulat sa pisara ang sumusunod na tanong sa ilalim ng “Maniwala lamang kapagnakita”: Paano ko matatamo o mapapalalim ang aking patotoo sa katotohanan ng Aklatni Mormon?

Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng kahit dalawang sagot sa tanong na itosa mga salita ng Panginoon kina Joseph at Martin. Ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang Doktrina at mga Tipan 5:11–15. Sabihin sa klase na tahimik nasumabay sa pagbasa, at alamin ang isang paraan na sinabi ng Panginoon natutulungan Niya ang mundo na malaman ang katotohanan ng Aklat ni Mormon.

• Ayon sa talata 11, ano ang sinabi ng Panginoon na gagawin Niya para tulunganang mundo na maniwala sa patotoo ni Joseph Smith tungkol sa Aklat niMormon? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara angsumusunod na katotohanan: Ang patotoo ni Joseph Smith at ng TatlongSaksi ay magsisilbing katibayan ng katotohanan ng Aklat ni Mormon.)

• Ayon sa mga talata 12–13, paano matatamo ng Tatlong Saksi ang kanilangpatotoo sa katotohanan ng Aklat ni Mormon?

• Paano maiiba ang patotoo ng Tatlong Saksi sa patotoo na matatanggap ng iba?

• Paano mapalalakas ng patotoo at ng pagsaksi ng iba, kabilang na ang patotooni Propetang Joseph Smith at ng Tatlong Saksi, ang sarili ninyong patotoo sakatotohanan ng Aklat ni Mormon?

LESSON 4

24

Page 45: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga tanong na naghihikayat sa mga estudyante na magsaliksik ngimpormasyonMagbigay ng mga tanong na makatutulong sa mga estudyante na magkaroon ng pangunahingpang-unawa tungkol sa mga banal na kasulatan at hikayatin silang saliksikin ang mahahalagangdetalye na may kaugnayan sa nilalaman ng scripture block.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 5:16, atsabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang isang alituntuninna itinuro ng Panginoon tungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng patotoo sakatotohanan. (Kung kailangan ng tulong ng mga estudyante para maunawaan angtalatang ito, maaari mong imungkahi na i-cross-reference nila ang talata 16 sa Eter4:11.)

• Ano ang sinabi ng Panginoon na gagawin niya para sa mga taong naniniwala saKanyang mga salita? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat angsumusunod na alituntunin sa pisara: Kung maniniwala tayo sa mga salita ngDiyos, patototohanan Niya sa atin ang katotohanan nito sa pamamagitanng Kanyang Espiritu.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang alituntuning ito,ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni BishopGlenn L. Pace, dating miyembro ng Presiding Bishopric:

“Walang ibang paraan para magtamo ng patotoo kundi sa pamamagitan ngpagsaksi ng Espiritu Santo. Wala kayong ibang maaasahan. … Maraminghalimbawa sa mga banal na kasulatan kung paano nawalang-saysay ang isangpisikal na katibayan kung walang kaakibat na pagpapatibay ng Espiritu Santo.Ang pagbabalik-loob ay dumarating hindi sa pamamagitan ng pisikal nakatibayan mula sa langit” (Glenn L. Pace, “The Elusive Balance,” New Era, Mar.

1989, 49).

• Sa inyong palagay, bakit pinagtitibay ng Panginoon ang Kanyang mga salita sapamamagitan ng Espiritu at hindi lamang sa pamamagitan ng pisikal nakatibayan?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon na ipinakita ngPanginoon ang katotohanan ng Kanyang sinabi sa kanila sa pamamagitan ngKanyang Espiritu. Mag-anyaya ng ilang estudyante na gustong magbahagi ngkanilang mga karanasan sa klase.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 5:17–22 na ipinapaliwanag na sinabi ngPanginoon kay Joseph Smith na ang patotoo ng Tatlong Saksi ay lalaganap samundo at magdadala ng kaparusahan sa mga taong patitigasin ang kanilang mgapuso laban dito. Ipinaliwanag din ng Panginoon na ibubuhos ang kaparusahan samga tao sa mundo kung hindi sila magsisisi.

LESSON 4

25

Page 46: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 5:23–35Sinabihan ng Panginoon si Martin Harris na maaaring maging isa siya sa TatlongSaksi kung magsisisi siyaSabihin sa mga estudyante na isiping muli ang pagkakataon na ipinakita ngPanginoon ang katotohanan ng Kanyang mga salita sa kanila sa pamamagitan ngKanyang Espiritu. Sabihin sa kanila na isulat sa isang pirasong papel ang ginawanila upang matulungan ang kanilang sarili na matanggap ang pagpapatibayna iyon.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan5:23–25, at alamin ang sinabi ng Panginoon kay Martin Harris na kailangan niyanggawin para magkaroon ng patotoo tungkol sa mga lamina.

• Ano ang mga nakalagay sa listahan ninyo na katulad ng sinabi ng Panginoonkay Martin Harris sa mga talatang ito?

• Batay sa sinabi ng Panginoon kay Martin Harris sa talata 24, anong alituntuninang matututuhan natin para makatanggap tayo mismo ng patunay sakatotohanan? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat ang sumusunodna alituntunin sa pisara: Kung magpapakumbaba tayo at mananalangin saDiyos nang may pananampalataya at tapat na puso, makatatanggap tayong patunay sa katotohanan.)

• Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang may pagpapakumbaba,pananampalataya, at katapatan?

• Kailan kayo nakapagdasal nang may pagpapakumbaba, pananampalataya, atkatapatan? Paano naiiba ang panalanging ito sa iba pang mga panalangin nanarinig o sinambit ninyo?

Hikayatin ang mga estudyante na manalangin nang may pagpapakumbaba,pananampalataya, at katapatan upang matamo o mapalakas ang kanilang pagsaksisa katotohanan.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 5:26–35 na ipinapaliwanag na sinabi ngPanginoon kay Martin Harris na hangga’t hindi niya tinatanggap ang kanyangpagkakamali sa harapan ng Panginoon at sinusunod ang mga kautusan, hindi siyamagkakaroon ng pribilehiyong makita ang mga lamina. Sinabi rin ng Panginoonkay Joseph Smith na itigil muna ang pagsasalin. Ipinangako ng Panginoon napadadalhan ng tulong si Joseph upang makapagsalin.

Doktrina at mga Tipan 17:1–9Iniutos ng Panginoon sa Tatlong Saksi na magpatotoo tungkol sa mga laminaIpaliwanag na noong Abril 1829, ipinadala ng Panginoon si Oliver Cowdery paratumulong kay Joseph Smith sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon. Pagsapit ng Hunyo1829, sina Joseph Smith at Oliver Cowdery ay matatapos na sa pagsasalin habangnaninirahan sa tahanan ni Peter Whitmer Sr. sa Fayette, New York.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 17. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung saanhumantong ang paghahayag na ito. Ipabahagi sa mga estudyante angnalaman nila.

LESSON 4

26

Page 47: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ituro sa mga estudyante ang mga paraan sa pag-aaralIsang paraan para matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga banal na kasulatanat matuklasan ang mga doktrinang itinuro sa mga banal na kasulatan ay ang ituro mo sa kanilaang mga paraan sa pag-aaral na katulad ng naranasan mo noong naghahanda ka ng lesson.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 17:1–2, atsabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano angkailangang gawin ng Tatlong Saksi para makita ang mga lamina at ano pa ang mgakaragdagang bagay na ipinangako ng Panginoon na ipapakita sa kanila.

• Ano ang kailangang gawin ng Tatlong Saksi upang makita ang mga lamina?

• Maliban sa mga lamina, ano ang iba pang mga bagay ang ipinangako ngPanginoon na ipapakita sa kanila?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan17:3–6, at alamin ang magiging responsibilidad ng Tatlong Saksi matapos makitaang mga lamina.

• Ayon sa talata 3, ano ang inasahan ng Panginoon kina Oliver, David, at Martinmatapos maipakita sa kanila ang mga lamina?

• Batay sa sinabi ng Panginoon sa Tatlong Saksi sa talata 3, ano ang atingresponsibilidad pagkatapos nating matanggap ang patunay sa katotohanan?(Dapat matukoy ng mga estudyante ang alituntuning tulad ng sumusunod:Matapos tayong magtamo ng patunay sa katotohanan, mayresponsibilidad tayo na patotohanan ito.)

• Sa inyong palagay, bakit iniuutos sa atin ng Panginoon na magpatotoo sakatotohanan matapos tayong magkaroon ng patotoo tungkol dito?

• Kailan kayo nakadama ng pasasalamat dahil naibahagi ninyo sa ibang tao anginyong patotoo sa katotohanan?

• Paano napagpala ang inyong buhay ng ibang tao na nagbahagi at nagpatotoo sakatotohanan matapos nilang matanggap ang kanilang patotoo?

Ipaliwanag na matapos matanggap ang paghahayag na ito, sina Joseph Smith,Martin Harris, David Whitmer at Oliver Cowdery ay nagtungo sa kakahuyanmalapit sa bahay ng mga Whitmer sa Fayette, New York, upang idalangin namatanggap nila ang ipinangakong patunay. Bilang sagot sa kanilang panalangin,nakita nila ang isang anghel na hawak-hawak ang mga lamina, at narinig nila angtinig ng Diyos na ipinahahayag na ang Aklat ni Mormon ay naisalin “sapamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos” (“Ang patotoo ng TatlongSaksi,” Aklat ni Mormon). Bilang pagsunod sa utos ng Panginoon, “Ang Patotoo ngTatlong Saksi” ay nailathala sa bawat kopya ng Aklat ni Mormon mula nang unangilathala ito.

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga katotohanang mapapatotohanan nila.Hikayatin sila na mangako na ibabahagi nila ang kanilang patotoo sa katotohanansa ibang tao.

LESSON 4

27

Page 48: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 5

Doktrina at mga Tipan 6;8–9Pambungad at TimelineDahil walang regular na tagasulat, paminsan-minsan lamang nagagawa angpagsasalin ng Aklat ni Mormon hanggang noong Marso 1829, nang iutos kayPropetang Joseph Smith na tumigil muna sa pagsasalin at maghintay ng tulong(tingnan sa D at T 5:30–34). Bilang katuparan ng pangako ng Panginoon na“maghahanda ng mga paraan” (D at T 5:34), dumating si Oliver Cowdery satahanan ng Propeta sa Harmony, Pennsylvania, at nag-alok ng kanyang tulong.Nagsimulang magsaling muli si Joseph Smith noong Abril 7, 1829, katulong siOliver bilang tagasulat. Kalaunan ng buwang iyon, natanggap ng Propeta angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 6. Sa paghahayag na ito,tumanggap si Oliver ng payo hinggil sa kanyang gagampanan sa gawain ngPanginoon.

Nang sinimulan na ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon, hinangad ni Oliver namabigyan siya ng pagkakataong makapagsalin. Sa isang paghahayag na natanggapnoong Abril 1829 at nakatala sa Doktrina at mga Tipan 8, ipinangako ng Panginoonkay Oliver ang kaloob na paghahayag at ang kakayahang magsalin ng mgasinaunang talaan.

Sinubukang simulan ni Oliver ang pagsasalin pero hindi siya makapagpatuloy. Sakahilingan ni Oliver, nagtanong si Joseph Smith sa Panginoon at natanggap angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 9, kung saan ipinaliwanag ngPanginoon kung bakit nahirapan si Oliver na magsalin at nagbigay din ng mgaalituntunin hinggil sa paghahayag.

Mga huling buwan ng 1828Nalaman ni Oliver Cowdery ang tungkol kay Joseph Smith habang naninirahan saManchester, New York.

Abril 1829Naglakbay si Oliver Cowdery sa Harmony, Pennsylvania, upang makipagkita kayJoseph Smith.

Abril 1829Ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon ay mabilis na naisagawa kasama si OliverCowdery bilang tagasulat.

Abril 1829Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 6 at 8.

Abril 1829Sinubukan ni Oliver Cowdery na magsalin.

Abril 1829Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 9.

28

Page 49: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 6:1–24Itinuro ng Panginoon kay Oliver Cowdery ang gagampanan nito sa gawain ng DiyosSabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga sitwasyon na nararanasan nilangayon o inaasahang kakaharapin balang araw na kailangan ng patnubay ng Amasa Langit.

• Bakit magiging mahalaga na makatanggap ng patnubay ng Ama sa Langit sagayong mga sitwasyon?

Isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong:

Paano natin makikilala ang patnubay ng Panginoon?

Ano ang magagawa natin upang maihanda ang ating sarili sa pagtanggap ngKanyang patnubay?

Sa pag-aaral ng mga estudyante ng Doktrina at mga Tipan 6, 8, at 9 ngayon,sabihin sa kanila na isipin ang mga tanong na ito at alamin ang mga doktrina atalituntunin na tutulong sa kanila sa pagsagot sa mga ito.

Ipaliwanag na noong tagsibol ng 1829, idinalangin ni Propetang Joseph Smith napadalhan siya ng Panginoon ng isang taong makakatulong niya sa gawain ngpagsasalin tulad ng ipinangako (tingnan sa Lucy Mack Smith, “Lucy Mack Smith,History, 1845,” 143–44, josephsmithpapers.org; tingnan din sa D at T 5:30, 34). Angpangako ng Panginoon ay natupad sa pagdating ni Oliver Cowdery noong Abril 5,1829. Sinimulan na nina Joseph at Oliver ang pagsasalin nang buong sigasig, na siOliver ang nagsilbing tagasulat. Matapos nilang simulan ang pagsasalin, natanggapng Propeta ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 6.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 6:1–4 na ipinapaliwanag na sinabi ng Panginoonkina Joseph at Oliver na “isang dakila at kagila-gilalas na gawain ang malapit nangmaganap” (talata 1) at yaong mga gustong tumulong ay tinatawag ng Diyos natumulong.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 6:5–9.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang payo at mgapangakong ibinigay ng Panginoon kay Oliver Cowdery.

• Anong payo at mga pangako ang ibinigay ng Panginoon kay Oliver? (Kungkailangan, ipaliwanag ang paulit-ulit na payo ng Panginoon na sundin ang mgakautusan.)

• Anong mga salita o parirala ang nagpapakita na nais ng Panginoon na sagutinang ating mga dalangin at bigyan tayo ng patnubay?

LESSON 5

29

Page 50: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Unawain ang konteksto at nilalamanSa pagtulong mo sa mga estudyante na maunawaan ang konteksto at nilalaman ng mga banalna kasulatan, magiging handa silang matukoy ang mga inspiradong mensahe ng mga may-akda.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 6:10–13 na ipinapaliwanag na sinabi ngPanginoon kay Oliver Cowdery na siya ay may kaloob na paghahayag.

Ipabasa sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 6:14–17, 22–24. Sabihin sakanila na tukuyin ang doktrina at mga alituntunin na itinuro ng Panginoon kayOliver hinggil sa paghahayag.

• Anong doktrina at mga alituntunin hinggil sa pagtanggap ng paghahayag angnapansin ninyo sa mga talatang ito?

Habang tinutukoy ng klase ang mga katotohanang itinuro sa mga talatang ito,maaari mong sabihin sa isang estudyante na isulat ang mga ito sa pisara. Maaaringmatukoy ng mga estudyante ang ilang katotohanan, kabilang ang sumusunod:Kapag madalas tayong humihingi ng sagot sa ating Ama sa Langit,tatagubilinan Niya tayo sa pamamagitan ng Espiritu. Kapag nagtatanong tayosa Panginoon, bibigyan Niya ng kaliwanagan ang ating isipan. Ang Panginoonay nangungusap ng kapayapaan sa ating isipan bilang pagpapatotoo sakatotohanan.

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang naranasan nila kung kailan nakatanggapsila ng paghahayag mula sa Panginoon sa isa sa mga ganitong paraan. Anyayahanang ilang estudyante na magbahagi ng kanilang mga karanasan sa klase. (Ipaalalasa mga estudyante na huwag magbahagi ng anumang karanasan nanapakapersonal o sagrado.)

Banggitin ang mga pariralang “ipako mo ang isipan sa gabing ikaw ay nagsumamosa akin” sa talata 22, at “sinabi ko sa iyo ang mga bagay na walang sinumang taoang nakaaalam” sa talata 24. Ipaliwanag na matapos ibigay ang paghahayag na ito,sinabi ni Oliver sa Propeta ang tungkol sa naranasan niya habang nakatira sapamilya ni Joseph sa Palmyra, New York. Ikinuwento ni Oliver na, mataposmalaman ang tungkol sa mga lamina, “nagdasal siya sa Panginoon para malamankung totoo ba ang mga bagay na ito, at na inihayag sa kanya ng Panginoon na itoay totoo, ngunit inilihim niya ang pangyayaring ito, at hindi binanggit kaninuman,kung kaya’t matapos ibigay ang paghahayag na ito, alam niya na ang gawain aytotoo, dahil walang taong nabubuhay na nakaaalam ng bagay na tinukoy sapaghahayag na ito, maliban sa Diyos at sa kanyang sarili” (Manuscript History ofthe Church, vol. A-1, p. 15, josephsmithpapers.org).

Pinagmulang kasaysayanIsang paraan para matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang nilalaman at kontekstoay ituro ang pinagmulang kasaysayan ng scripture block na pinag-aaralan ninyo.

Hikayatin ang mga estudyante na patuloy na maghangad ng sarili nilang patotoo sakatotohanan mula sa Panginoon.

LESSON 5

30

Page 51: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 6:25–37Pinayuhan ng Panginoon sina Joseph Smith at Oliver Cowdery na magsalin at“huwag mag-alinlangan, huwag matakot”Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 6:25–31 na ipinapaliwanag na ibinigay ngPanginoon kina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang mga susi para dalhin saliwanag ang mga banal na kasulatan. Sinabi ng Panginoon kay Oliver na kung naisniya ito, magkakaroon siya ng kaloob na makapagsalin at makakasama si JosephSmith bilang pangalawang saksi ng Aklat ni Mormon. Ipaliwanag na maaaringnag-alinlangan sina Joseph at Oliver nang panahong iyon kung tatanggapin ba ngiba ang Aklat ni Mormon. Ipaliwanag na ipinangako ng Panginoon kina Joseph atOliver na pagpapalain sila kahit hindi man tanggapin ng iba ang gawain.

Ipabasa nang malakas sa ilang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 6:32–37.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paanopinalakas ng Panginoon ang loob nina Joseph at Oliver. (Maaaring makatulong naipaliwanag na ang pariralang “mundo at impiyerno” [D at T 6:34] ay tumutukoy sasanlibutan at kay Satanas).

• Anong mga salita o parirala sa mga talatang ito ang makahulugan sa inyo atmatutulungan kayong daigin ang pag-aalinlangan at takot?

Doktrina at mga Tipan 8Tinulungan ng Panginoon si Oliver Cowdery na maunawaan ang diwa ngpaghahayagIpaliwanag na hindi nagtagal matapos matanggap ni Joseph Smith ang paghahayagna nakatala sa bahagi 6, gustong malaman ni Oliver Cowdery kung kailan siyamakapagsisimulang magsalin. Natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 8 bilang sagot sa kahilingan ni Oliver.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 8:1–5. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang mga alituntunin na kailangang maunawaan ni Oliver Cowdery paramakapagsalin.

• Anong doktrina ang matututuhan natin mula sa mga talata 2–3 tungkol saparaan ng pakikipag-ugnayan sa atin ng Panginoon? (Dapat matukoy ng mgaestudyante ang doktrinang katulad ng sumusunod: Ang Panginoon aynangungusap sa ating isipan at puso sa pamamagitan ng kapangyarihanng Espiritu Santo.)

• Sa paanong paraan nangungusap ang Panginoon sa ating mga isipan? Sapaanong paraan Siya nangungusap sa ating mga puso?

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang doktrinang ito,ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na paliwanag ni ElderRichard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

LESSON 5

31

Page 52: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“Ang impresyon sa isipan ay tiyak. Ang mga detalyadong salita ay maaaringmarinig o madama at maisulat na parang idinidikta ang mga tagubilin.

“Ang komunikasyon sa puso ay mas pangkalahatang impresyon. Madalasnagsisimula ang Panginoon sa pagbibigay ng mga pahiwatig. Kapag kinilala angkahalagahan nito at sinunod ang mga ito, ang isang tao ay nagkakaroon ngkaragdagang kakayahan na makatanggap ng mas detalyadong tagubilin sa

isipan. Ang impresyon sa puso, kung susundin, ay pinagtitibay ng mas detalyadong tagubilin saisipan” (Richard G. Scott, “Helping Others to Be Spiritually Led” [mensahe sa Church EducationalSystem religious educators, Ago. 11, 1998], 3–4).

• Batay sa sarili ninyong karanasan sa doktrinang ito, bakit sa inyong palagaypinipili ng Panginoon na makipag-ugnayan sa atin sa pamamagitan ng atingisipan at puso?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 8:6–12 na ipinapaliwanag na biniyayaan ngPanginoon si Oliver Cowdery ng mga kaloob na tutulong sa kanya na tumulongkay Propetang Joseph Smith sa tungkulin nito na ipanumbalik ang ebanghelyo.

Paalala sa titser: Ang impormasyon tungkol sa “kaloob ni Aaron” na binanggit sa talata 6 aymatatagpuan sa Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Estudyante. Kung may mga tanongang mga estudyante tungkol sa kaloob na ito, maaari mong sabihin sa kanila na isipin ang mgapagkakataon na gumamit ang Panginoon ng mga pisikal na bagay upang ipakita ang Kanyangkapangyarihan (kasama sa ilang halimbawa ang Urim at Tummim, ang Liahona, ang ahas natanso sa tikin, ang kaban ng tipan, at ang mga tungkod ni Moises at ni Aaron). Ang mgahalimbawang ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na ipinapakita ngPanginoon ang Kanyang kapangyarihan sa maraming paraan at mga espirituwal na kaloob paraisulong ang Kanyang gawain.

Doktrina at mga Tipan 9Naghayag ang Panginoon ng mga alituntunin tungkol sa paghahayagIpaliwanag na nagsimulang magsalin si Oliver Cowdery, ngunit hindi niya itomagawa at bumalik sa pagiging tagasulat ng Propeta. Nagtanong si Joseph Smithsa Panginoon at natanggap ang paghahayag na nagpapaliwanag kung bakit hindimakapagsalin si Oliver.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 9:1–6, 11 na ipinapaliwanag na ang takot okawalan ng pananampalataya ni Oliver ang hadlang sa kanyang pagsasalin.Pinayuhan ng Panginoon si Oliver na maging matiyaga at pinangakuan na bibigyansiya ng pagkakataon na isalin ang “iba [pang] mga talaan, (talata 2) sa hinaharap.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 9:7–10.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang itinuro kayOliver Cowdery tungkol sa pagtanggap ng paghahayag.

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng pariralang “pag-aralan ito sa iyongisipan” sa talata 8? (Pag-isipan ang mga desisyon at pagpipilian,pagtimbang-timbanging mabuti ang mga alternatibo. Ipaliwanag na ipinapakitang tagubiling ito mula sa Panginoon na ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon ay

LESSON 5

32

Page 53: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

hindi ginawa nang walang kahirap-hirap mula sa tagapagsalin kundikinailangan dito ng matinding pag-iisip.)

• Anong doktrina ang itinuro sa talata 8 hinggil sa inaasahan ng Panginoon saatin kapag hiningi natin ang Kanyang patnubay at gabay? (Dapat matukoy ngmga estudyante ang doktrinang katulad ng sumusunod: Sa paghahangadnating makatanggap at makatukoy ng paghahayag, inaasahan ngPanginoon na pagsisikapan natin ito.)

• Kailan ninyo nadama na nadagdagan ang inyong kakayahan na tumanggap ngpaghahayag mula sa Panginoon dahil sa inyong pagsisikap?

Ipaliwanag na sa mga talatang ito, hindi lamang itinuro ng Panginoon kay Oliverna mahalaga na pinagsisikapan niya ang pagtanggap ng paghahayag kundi itinurodin Niya rito kung paano maaaring makipag-ugnayan ang Panginoon sa atin.

• Anong mga parirala sa mga talatang ito ang makatutulong sa atin namaunawaan ang mga karagdagang pamamaraan ng pakikipag-ugnayan sa atinng Panginoon sa pamamagitan ng Espiritu?

• Paano nakatutulong ang tagubilin ng Panginoon kay Oliver sa mga talatang itopara mailarawan ang doktrina na dumarating ang paghahayag kapwa sa atingisipan at puso?

Mga tanong na tumutulong sa mga estudyante na maunawaan angnilalaman ng mga banal na kasulatanMagtanong ng mga bagay na makatutulong sa mga estudyante na suriin ang teksto sa banal nakasulatan. Kabilang sa mga ito ang mga tanong na makatutulong sa mga estudyante na linawinang mga kahulugan ng mga salita o parirala at tulungan sila sa pagsusuri ng mga detalye ngkuwento para sa mas malalim na kahulugan. Ang prosesong ito ay naghahanda sa mgaestudyante na matukoy ang mga alituntunin at doktrina.

Maaari mong linawin na ang mga pariralang “ang iyong dibdib ay mag-alab” satalata 8 at “pagkatuliro ng pag-iisip” sa talata 9 ay sumasagisag sa dalawa samaraming posibleng paraan ng pagpapahiwatig ng Espiritu kung tama o mali angisang bagay.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano karaniwangipinadarama sa atin ng Panginoon kung tama o mali ang isang bagay, ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Richard G. Scott:

“Para sa akin, magulo iyan [ang pagkatuliro ng isipan], at hindi akomapapanatag. …

“… Ang damdamin ng kapayapaan ang pinaka-karaniwang pagpapatibay nanararanasan ko mismo. …

“… Makadarama kayo ng kapayapaan, aliw, at katiyakan na nagpapatibay natama ang inyong desisyon. O … maguguluhan kayo, matutuliro ang inyong

isipan, na nagpapahiwatig na mali ang inyong pasiya” (Richard G. Scott, “Paggamit sa Kaloobng Langit na Panalangin,” Ensign o Liahona, Mayo 2007, 10).

LESSON 5

33

Page 54: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Maaari mong ipaliwanag na kahit masigasig nating hinahangad ang patnubay ngDiyos, kung minsan ay tila walang sagot na dumarating. Tiyakin sa mga estudyantena kung tayo ay namumuhay nang marapat, makakaasa tayo na sasagutin tayo ngDiyos sa Kanyang itinakdang panahon.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 9:12–14 na ipinapaliwanag na hindi pinarusahanng Panginoon si Oliver Cowdery dahil sa nabigo ang pagtatangka niyang magsalin.Nangako ang Panginoon na kapwa sila uunlad ni Joseph kung matapat nilangipagpapatuloy ang gawain.

Patingnan sa mga estudyante ang mga tanong sa pisara na isinulat mo sa simula ngklase. Sabihin sa kanila na isulat sa kanilang notebook ang kanilang mga sagot samga tanong na batay sa natutuhan nila ngayon. Sabihin sa ilang estudyante naibahagi sa klase ang kanilang mga sagot. Hikayatin ang mga estudyante na sundinang anumang inspirasyong matatanggap nila tungkol sa kung ano ang magagawanila para mas makatanggap at makatukoy ng paghahayag.

LESSON 5

34

Page 55: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 6

Doktrina at mga Tipan 7;13; 18Pambungad at TimelineSa panahon na isinasalin ang Aklat ni Mormon noong 1829, nagkaiba ng opinyonsina Joseph Smith at Oliver Cowdery tungkol sa tanong na namatay ba o patuloyna nabuhay sa mundo si Apostol Juan. Nagtanong si Propetang Joseph Smith saPanginoon sa pamamagitan ng Urim at Tummim at natanggap ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 7. “Ang paghahayag ay isang naisaling ulat ngtalaang isinulat ni Juan sa balat ng tupa” (D at T 7, section heading) at nagtuturo naipinagkaloob ng Panginoon ang naisin ni Juan na mabuhay at makapagdala ng mgakaluluwa kay Jesucristo hanggang sa Ikalawang Pagparito.

Habang isinasalin ang 3 Nephi sa Aklat ni Mormon, nalaman nina Joseph at Oliverang awtoridad na magbinyag. Noong Mayo 15, 1829, nagpunta sila sa kakahuyanmalapit sa sakahan ni Joseph Smith sa Harmony, Pennsylvania, at ipinagdasal angtungkol sa awtoridad na ito. Bilang sagot sa kanilang dalangin, nagpakita si JuanBautista bilang isang nabuhay na mag-uling katauhan at ipinagkaloob sa kanilaang Aaronic Priesthood. Ang mga sinabi ni Juan Bautista ay nakatala sa Doktrina atmga Tipan 13.

Noong Hunyo 1829, nang malapit nang matapos ang pagsasalin ng Aklat niMormon sa tahanan ni Peter Whitmer Sr. sa Fayette, New York, tumanggap ngpaghahayag si Propetang Joseph Smith na naglalaman ng mga tagubilin tungkol sapagtatatag ng Simbahan ni Cristo. Sa paghahayag na ito, na nakatala sa Doktrinaat mga Tipan 18, tinawag si Oliver Cowdery at David Whitmer upang ipangaral angebanghelyo at itinalaga sila na maghanap ng labindalawang kalalakihangmaglilingkod bilang mga Apostol. Idinetalye rin sa paghahayag ang maramingtungkulin ng mga taong tatawaging mga Apostol.

Abril 1829Patuloy na isinalin nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang mga laminang ginto.

Abril 1829Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 7.

Mayo 15, 1829Ipinanumbalik ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood (tingnan sa Doktrinaat mga Tipan 13).

Mayo–Hunyo 1829Ipinanumbalik nina Pedro, Santiago, at Juan ang Melchizedek Priesthood.

Hunyo 1829Ipinakita sa Tatlong Saksi ang mga laminang ginto.

Hunyo 1829Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 18.

35

Page 56: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 7Si Juan, ang Pinakamamahal ay isang nilalang na nagbagong-kalagayan nanaglilingkod upang makapagdala ng mga kaluluwa kay Cristo hanggang saIkalawang PagparitoHumawak ng susi, at itanong sa mga estudyante kung saan ginagamit ito.

• Ano ang mangyayari kapag mali ang susi na gagamitin mo sa isang bagay?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Ang mga susi ay mahalaga at kapaki-pakinabang. Karamihan sa atin ay maysusi sa bulsa o bag saanman tayo pumunta. Ang iba pang mga susi ay hindilamang mahalaga at kapaki-pakinabang; ang mga ito ay katangi-tangi,makapangyarihan, at hindi nakikita! Ang mga ito ay may walang hanggangkahalagahan” (Russell M. Nelson, “Mga Susi ng Priesthood,” Ensign, Okt.2005, 40).

• Anong mga susi ang walang-hanggan ang kahalagahan? (Mga susi ngpriesthood.)

Sabihin sa mga estudyante na habang pinag-aaralan nila ang Doktrina at mgaTipan 7 at 13 na alamin ang mga katotohanan na makatutulong sa kanila namaunawaan ang mga pagpapalang bubuksan sa atin ng mga susi ng priesthood.

Ipaliwanag na noong isinasalin nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang Aklat niMormon noong Abril 1829, nagkaiba sila ng opinyon tungkol kay Apostol Juan.Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang section heading ngDoktrina at mga Tipan 7, at alamin ang katanungan nina Joseph at Oliver tungkolkay Juan.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 7:1–8. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang nalaman nina Joseph Smith at Oliver Cowdery tungkol kay Apostol Juan.

• Ano ang inihahayag ng talata 3 tungkol kay Juan? (Si Juan ay nasa mundo parin bilang isang taong nagbagong-kalagayan, naglilingkod upang magdala ngmga kaluluwa kay Cristo, at mananatili hanggang sa Ikalawang Pagparito.)

• Ayon sa talata 7, ano ang sinabi ng Tagapagligtas na ibibigay Niya kina Pedro,Santiago, at Juan? (Ang kapangyarihan at mga susi ng paglilingkod.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang pariralang “mga susing ministeryong ito” (D at T 7:7), ipaliwanang na ang ibig sabihin ng pariralang itoayon kay Pangulong Joseph Fielding Smith ay “awtoridad ng Panguluhan ngSimbahan sa kanilang dispensasyon” (Church History and Modern Revelation[1953], 1:49).

LESSON 6

36

Page 57: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 13Ipinagkaloob ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood kina Joseph Smith atOliver CowderyIpaalala sa mga estudyante na “nawala ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mundo sapamamagitan ng lubusang pagtalikod sa katotohanan na naganap kasunod ngpagmiministeryo ng mga Apostol ni Cristo sa lupa. Dahil sa lubusang pagtalikod nayaon sa katotohanan kinailangang mapanumbalik ang ebanghelyo” (Gabay sa mgaBanal na Kasulatan, “Pagpapanumbalik ng Ebanghelyo,” scriptures.lds.org). Angmga susi at awtoridad na isagawa ang mga ordenansa ng priesthood at mangasiwasa Simbahan ay nawala sa mundo sa panahon ng apostasiyang ito.

Ipaliwanag na noong isinalin nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang 3 Nephi saAklat ni Mormon noong Mayo 1829, nalaman nila ang tungkol sa awtoridad namagbinyag. Dahil sa hangarin na may malaman pa, nagtungo sila sa kakahuyanmalapit sa sakahan ni Joseph Smith sa Harmony, Pennsylvania, para magtanongsa Diyos.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 13, at sabihin sa klase na alamin kung sino ang nagpakita kina Joseph atOliver bilang tugon sa kanilang mga panalangin.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 13, at sabihinsa klase na alamin kung ano ang sinabi ni Juan Bautista tungkol sa mga susi ngAaronic Priesthood nang ipagkaloob niya ang priesthood na iyan kina Josephat Oliver.

Tukuyin ang mga doktrina at mga alituntuninAng isa sa mahahalagang layunin ng mga banal na kasulatan ay ituro ang mga doktrina at mgaalituntunin ng ebanghelyo. Ang pagtukoy ng mga doktrina at mga alituntunin sa mga banal nakasulatan ay isa sa Mga Pangunahing Alituntunin ng Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo. Angmatutuhang matukoy ang mga ito ay nangangailangan ng pagsisikap at pagsasanay.

• Anong doktrina ang matututuhan natin mula sa bahaging ito tungkol saAaronic Priesthood? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy angsumusunod na doktrina: hawak ng Aaronic priesthood ang mga susi ngpaglilingkod ng mga anghel, ng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng binyag sapamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ibig sabihin ng mgasusi ng paglilingkod ng mga anghel, ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng LabindalawangApostol:

LESSON 6

37

Page 58: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“Bilang isang kabataang maytaglay ng Aaronic Priesthood, hindi ko inisip namakakakita ako ng anghel, at inisip ko kung ano ang kinalaman sa AaronicPriesthood ng gayong mga pagpapakita.

“Ngunit maaaring hindi rin nakikita ang paglilingkod ng mga anghel. Ang mgamensahe ng mga anghel ay maipaparating sa pamamagitan ng tinig o sapamamagitan lamang ng kaisipan o damdamin na naiisip natin” (Dallin H. Oaks,

“The Aaronic Priesthood and the Sacrament,” Ensign, Nob. 1998, 39).

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kaugnayan ngpaglilingkod ng mga anghel at ng Aaronic Priesthood, ipakita ang sumusunod napahayag ni Elder Oaks, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Sa pangkalahatan, ang mga pagpapala ng espirituwal na patnubay atkomunikasyon ay ibinibigay lamang sa mga taong malinis. … Sa pamamagitanng mga ordenansa ng Aaronic Priesthood na binyag at sakramento, tayo aynalilinis sa ating mga kasalanan at pinangangakuan na kung tutuparin natin angating mga tipan laging mapapasaatin ang Kanyang Espiritu upang makasamanatin. Naniniwala ako na ang pangakong iyan ay hindi lamang tumutukoy sa

Espiritu Santo kundi pati na rin sa paglilingkod ng mga anghel, sapagkat ‘ang mga anghel aynagsasalita sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo; anupa’t, nangungusap sila ngmga salita ni Cristo’ (2 Ne. 32:3). Kaya nga ang mga maytaglay ng Aaronic Priesthood angnagbubukas ng pinto para sa lahat ng miyembro ng Simbahan na karapat-dapat na tumanggapng sakramento para mapatnubayan ng Espiritu ng Panginoon at matanggap ang paglilingkod ngmga anghel” (Dallin H. Oaks, “The Aaronic Priesthood and the Sacrament,” 39).

• Ayon kay Elder Oaks, paano tayo matutulungan ng mga ordenansa ng AaronicPriesthood na matanggap ang paglilingkod ng mga anghel?

Ipaliwanag na dahil hawak ng Aaronic Priesthood ang susi ng paglilingkod ng mgaanghel, matatamasa ng lahat ng miyembro ng Simbahan ang pagpapalang ito.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kaugnayan ng“ebanghelyo ng pagsisisi” (D at T 13:1) at ng Aaronic Priesthood, ipakita angsumusunod na pahayag ni Elder Oaks, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Tayo ay inutusang magsisi sa ating mga kasalanan at lumapit sa Panginoonnang may bagbag na puso at nagsisising espiritu, at tumanggap ng sakramentobilang pagsunod sa mga tipan nito. Kapag pinaninibago natin ang ating mgatipan sa binyag sa ganitong paraan, pinaninibago ng Panginoon ang nakalilinisna epekto ng ating binyag. …

“Hindi tayo maglalabis sa pagbanggit ng kahalagahan ng Aaronic Priesthood naito. Lahat ng mahahalagang hakbang na ito na nauukol sa ikapagpapatawad ng mga kasalananay isinasagawa sa pamamagitan ng nakapagliligtas na ordenansa ng binyag atnagpapanibagong ordenansa ng sakramento. Ang mga ordenansang ito ay parehongpinangangasiwaan ng mga maytaglay ng Aaronic Priesthood sa ilalim ng pamamahala ngbishopric, na gumagamit ng mga susi ng ebanghelyo ng pagsisisi at ng pagbibinyag at ng

LESSON 6

38

Page 59: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

kapatawaran ng mga kasalanan” (Dallin H. Oaks, “The Aaronic Priesthood and theSacrament,” 38).

• Paano nakatutulong sa atin ang mga susi ng Aaronic Priesthood na matanggapang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

Ipaliwanag na mga ilang araw mula nang magpakita si Juan Bautista, nagpakitasina Pedro, Santiago, at Juan kina Joseph Smith at Oliver Cowdery at ipinagkaloobsa kanila ang Melchizedek Priesthood at mga susi ng kaharian ng Diyos (tingnan saD at T 27:12–13; tingnan din sa Larry C. Porter, “The Restoration of the Aaronic andMelchizedek Priesthoods,” Ensign, Dis. 1996, 33). Ang Melchizedek Priesthood atang mga susing ipinagkaloob ay may kapangyarihan at awtoridad na ayusin atpamahalaan ang Simbahan ni Jesucristo at magsagawa ng iba pang nakapagliligtasna mga ordenansa.

Doktrina at mga Tipan 18:1–25Nagbigay ng mga tagubilin ang Panginoon para sa pagtatayo ng Kanyang Simbahanat tinawag sina Oliver Cowdery at David Whitmer na mangaral ng pagsisisiMagdispley ng ilang bagay na ituturing na mahalaga ng iyong mga estudyante.

• Bakit nagiging mahalaga ang isang bagay?

• Magkano ang ibabayad mo sa bawat bagay na ito?

Magpakita ng larawan ng ilang tao, at sabihin sa mga estudyante na ilarawan angkahalagahan ng isang tao. Sabihin sa kanila na alamin ang mga katotohanan saDoktrina at mga Tipan 18 na naglalarawan kung gaano sila kahalaga sa Panginoon.

Ipaliwanag na noong Hunyo 1829, malapit nang matapos ang pagsasalin ng Aklatni Mormon sa tahanan ni Peter Whitmer Sr. sa Fayette, New York, at natanggap niPropetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 18.Sa mga talata 1–5, tiniyak ng Panginoon kay Oliver Cowdery na ang mga salitangisinulat niya sa panahon ng pagsasalin ay totoo. Iniutos din ng Panginoon kayOliver na itayo ang Kanyang Simbahan sa ebanghelyo na matatagpuan sa Aklat niMormon. Sa Doktrina at mga Tipan 18:9, tinawag ng Panginoon sina OliverCowdery at David Whitmer upang mangaral ng pagsisisi.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 18:10, atsabihin sa klase na tukuyin ang doktrina na itinuro ng Panginoon kina OliverCowdery at David Whitmer. (Imungkahi na markahan ng mga estudyante angsumusunod na doktrina sa kanilang mga banal na kasulatan: Ang kahalagahan ngmga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 18:11–12.Sabihin sa klase na alamin ang ginawa ng Tagapagligtas dahil sa kahalagahan ngbawat isa sa ating mga kaluluwa.

• Ano ang ginawa ng Tagapagligtas dahil sa kahalagahan ng bawat isa sa atingmga kaluluwa? (Ang kahalagahan ng ating mga kaluluwa ay napakalakikung kaya’t pinasan at pinagdusahan ni Jesucristo ang ating mga pasakit,

LESSON 6

39

Page 60: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

nang sa gayon ay magsipagsisi tayo at lumapit sa Kanya. Isulat sa pisara angdoktrinang ito.)

Mga tanong na makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang mgadoktrina at mga alituntuninMagbigay ng mga tanong na makatutulong sa mga estudyante na maunawaan at maipaliwanagnang malinaw ang mga alituntunin o doktrina na matatagpuan sa teksto na kanilangpinag-aaralan. Kasama sa mga halimbawa ang sumusunod: Ano ang aral ng kwento? Ano angnais ng may-akda na matutuhan natin? Ano ang ilan sa mga pangunahing katotohanan naitinuro sa talatang ito?

• Paano naapektuhan ng pagpapahalaga ng Tagapagligtas sa inyong kaluluwaang kahandaan ninyong magsisi at lumapit sa Kanya?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan18:13–16, at alamin ang itinuro ng Panginoon tungkol sa pagtulong sa iba namagsisi at lumapit sa Kanya. Ipaliwanag na ang pariralang “ipangaral angpagsisisi” (D at T 18:14) ay maaaring mangahulugan ng pagtulong sa mga tao namakabalik sa Diyos.

• Ayon sa talata 13, ano ang nadarama ng Tagapagligtas kapag nagsisisi tayo saating mga kasalanan?

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa mga talatang ito tungkol sakung ano ang mangyayari sa atin kung tutulungan natin ang iba na magsisi atlumapit kay Cristo? (Kung tinutulungan natin ang iba na magsisi at lumapitkay Jesucristo, kasama natin silang magagalak sa kaharian ng Ama saLangit.)

Sabihin sa ilang estudyante na magbahagi ng mga naranasan nila sa pagtulong saiba na lumapit kay Cristo at ang kagalakan na nadama nila sa paggawa nito.

Hikayatin ang mga estudyante na gumawa ng plano na tulungan ang isang tao nanagsisikap na magsisi at lumapit kay Cristo.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 18:17–25 na ipinapaliwanag na pinayuhan ngPanginoon sina Oliver Cowdery at David Whitmer hinggil sa gawaing misyonero atipinaliwanag na ang mga nagsisisi, nabinyagan, at nagtitiis hanggang wakas aymaliligtas.

Doktrina at mga Tipan 18:26–47Inihayag ng Panginoon ang tungkulin at misyon ngLabindalawang ApostolIbuod ang Doktrina at mga Tipan 18:26–40 na ipinapaliwanag na ipinaalam ngPanginoon kina Oliver Cowdery at David Whitmer na tatawag Siya ngLabindalawang Apostol upang ipangaral ang ebanghelyo sa buong mundo. Iniutosdin ng Panginoon sa mga magiging Apostol na maging malinis at ipahayag angebanghelyo ayon sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Sina Oliver Cowdery atDavid Whitmer ay tinawag upang hanapin ang kalalakihang tinawag ng Diyos na

LESSON 6

40

Page 61: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

maging Labindalawang Apostol. Kalaunan, tinawag din si Martin Harris upangtumulong sa paghanap sa Labindalawa.

Tapusin ang lesson sa pag-anyaya sa ilang estudyante na ibahagi ang kanilangpatotoo tungkol sa isa sa mga katotohanang itinuro sa lesson ngayon.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 18:17–25. Taglayin sa Atin ang Pangalan ni CristoSa halip na ibuod ang Doktrina at mga Tipan 18:17–25, maaari mong gamitin ang sumusunod na ideya sa pagtuturo.

Anyayahan ang isa o dalawang estudyante na isulat sa pisara ang kanilang mga apelyido. Itanong sa kanila ang mga sumusunod:

Ipaliwanag na matapos tawagin ng Panginoon sina Oliver Cowdery at David Whitmer upang ipangaral ang pagsisisi, kinausap Niyasila tungkol sa mga pribilehiyo at responsibilidad na kaakibat ng pagtataglay nila sa kanilang sarili ng Kanyang pangalan.

Ipabasa sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 18:21–25, at alamin ang mga pribilehiyo at responsibilidad na kaakibat ngpagtataglay sa ating sarili ng pangalan ni Jesucristo.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ibig sabihin ng taglayin sa kanilang sarili ang pangalan ni Cristo,ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan:

“Nangangako tayong tataglayin ang Kanyang pangalan sa ating sarili. Ibig sabihin dapat nating makita ang atingsarili na katulad Niya. Uunahin natin Siya sa ating buhay. Gugustuhin natin ang gusto Niya sa halip na ang gustonatin o ang itinuturo ng mundo na gustuhin natin” (Henry B. Eyring, “That We May Be One,” Ensign, Mayo 1998, 67).

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano na ang kanilang nagawa upang taglayin sa kanilang sarili angpangalan ni Jesucristo. Hikayatin sila na sundin ang anumang inspirasyon na matanggap nila.

• Ano ang ibig sabihin sa inyo ng apelyidong iyan?

• Anong mga pagpapala at responsibilidad ang kaakibat ng pangalang iyan?

• Anong mga pribilehiyo ang natatanggap natin kapag tinaglay natin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo?

• Anong mga responsibilidad ang natatanggap natin kapag tinaglay natin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo?

• Ayon sa talata 23, bakit mahalaga para sa atin na taglayin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo? (Ang pangalan niJesucristo ang tanging pangalan kung saan tayo ay maliligtas.)

LESSON 6

41

Page 62: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 7

Doktrina at mga Tipan 4;11–12; 14–16Pambungad at TimelineNoong mga unang buwan ng 1829, binisita ni Joseph Smith Sr. ang kanyang anakna si Joseph sa Harmony, Pennsylvania. Habang naroon, ninais ni Joseph Smith Sr.na malaman kung ano ang maitutulong niya sa gawain ng Panginoon. Nagtanongang propeta sa Panginoon at natanggap ang paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 4. Sa paghahayag na ito, inilahad ng Panginoon ang mga katangiangdapat taglayin ng isang tao upang maging karapat-dapat na tumulong saKanyang gawain.

Noong Mayo 1829, naglakbay ang nakatatandang kapatid ng Propeta na si Hyrumsa Harmony, Pennsylvania, para bisitahin si Joseph. Sa kahilingan ni Hyrum,hiniling ng Propeta sa Panginoon na ihayag ang Kanyang kalooban hinggil sakanyang kapatid. Sa paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 11, sinabing Panginoon kay Hyrum ang dapat niyang gawin para itatag ang Sion.

Binisita rin ni Joseph Knight Sr. si Propetang Joseph Smith noong Mayo 1829 atsinabing nais niyang tumulong sa gawain ng Diyos. Nakatala sa Doktrina at mgaTipan 12 ang ipinayo ng Panginoon sa kanya.

Matapos lumipat sina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa tahanan ni PeterWhitmer Sr. sa Fayette, New York, at ipagpatuloy ang pagsasalin ng Aklat niMormon, tinanggap ng Propeta ang paghahayag para sa tatlo sa mga anak na lalakini Peter Whitmer Sr: David, John, at Peter Whitmer Jr. (tingnan sa D at T 14–16). Samga paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 14–16, binigyang-diin ngPanginoon ang kahalagahan ng pangangaral ng pagsisisi upang magdala ng mgakaluluwa sa Kanya.

Enero 1829Binisita ni Joseph Smith Sr. sina Joseph at Emma Smith sa Harmony, Pennsylvania.

Pebrero 1829Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 4.

Mayo 1829Binisita sina Joseph at Emma Smith nina Hyrum Smith at Joseph Knight Sr.

Mayo 1829Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 11–12.

Mga Hunyo 1, 1829Lumipat sina Joseph at Oliver sa Fayette, New York, para ituloy ang pagsasalin ngAklat ni Mormon.

Hunyo 1829Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 14–16.

42

Page 63: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga huling araw ng Hunyo 1829Nakita ng Tatlong Saksi at ng Walong Saksi ang mga laminang ginto.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 4Inihayag ng Panginoon kay Joseph Smith Sr. kung ano ang mga katangiangkailangan sa isang tao para makatulong sa Kanyang gawainIsulat sa pisara ang sumusunod na tanong bago magklase:

Paano ninyo malalaman ang nais ipagawa sa inyo ng Panginoon paramatulungan Siya sa Kanyang gawain?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang tanong na ito sa buong lesson at alaminang mga doktrina at alituntunin na tutulong sa kanila na malaman kung paano silamakatutulong sa gawain ng Panginoon.

Ipaliwanag na noong Enero 1829, naglakbay si Joseph Smith Sr. mula sa PalmyraNew York, papuntang Harmony, Pennsylvania, para bisitahin si Joseph Smith atang asawa nito na si Emma. Habang naroon, ninais ni Joseph Smith Sr. namalaman kung ano ang maitutulong niya sa gawain ng Panginoon. Bilang tugon,natanggap ng Propeta ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 4.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 4:1. Sabihinsa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang salitang ginamit ngPanginoon para ilarawan ang Panunumbalik ng ebanghelyo.

• Anong mga aspeto ng ipinanumbalik na ebanghelyo ang kagila-gilalas sa inyo?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang mga talata 2–4. Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ng Tagapagligtas nakailangang gawin para makatulong sa Kanyang gawain.

• Ano ang kailangan ninyong gawin upang makatulong sa gawain ng Panginoon?

• Ayon sa talata 2, ano ang ipinangako ng Panginoon sa mga taongpinaglilingkuran Siya nang buong puso, kakayahan, pag-iisip, at lakas? (Dapatmatukoy ng mga estudyante ang alituntuning katulad ng sumusunod: Kungpaglilingkuran natin ang Diyos nang buong puso, kakayahan, pag-iisip, atlakas, tayo ay makatatayong walang-sala sa harapan ng Diyos sa hulingaraw. Maaari mong imungkahi sa mga estudyante na markahan angalituntuning ito sa talata 2.)

Tukuyin nang malinaw ang mga doktrina at mga alituntuninSa pagtukoy ng mga estudyante sa mga doktrina at mga alituntunin, tiyaking matulungan sila naipahayag nang malinaw at simple ang mga katotohanan. Nakatutulong ito upang matiyak naang mga natukoy na katotohanan ay malinaw sa isipan ng mga estudyante.

LESSON 7

43

Page 64: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng maglingkod sa Diyos nang buongpuso, kakayahan, pag-iisip, at lakas? (Ibigay sa Panginoon ang ating lubos nakatapatan at gawing sentro ng ating buhay ang ebanghelyo.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “makatayong walang-sala sa harapanng Diyos” (talata 2)?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang mga talata 5–7, at alaminang mga katangiang dapat taglay ng isang tao para maging karapat-dapat namakatulong sa gawain ng Panginoon. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi angnalaman nila. Habang nagbabahagi ang mga estudyante, ilista sa pisara ang mgakatangian.

• Paano makatutulong sa atin ang pagkakaroon ng mga katangiang ito paramakatulong sa gawain ng Panginoon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 7. Sabihin sa klase na tahimikna sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga pangako ng Panginoon sa mga taonghumihingi at kumakatok.

• Ano ang mga ipinangako ng Panginoon sa mga nagtatanong at kumakatok?

• Paano naaangkop ang mga pangakong ito sa atin na nagsisikap taglayin angmga katangiang inilarawan sa paghahayag na ito?

Hikayatin ang mga estudyante na pag-isipan kung aling mga katangian ang masmapagbubuti pa nila. Sabihin sa kanila na hilingin sa Ama sa Langit na tulungansilang paunlarin at palakasin ang mga katangiang ito.

Doktrina at mga Tipan 11Inihayag ng Panginoon kay Hyrum Smith kung ano ang kailanganniyang gawin para makatulong sa gawainIpaliwanag na noong Mayo 1829, naglakbay din ang nakatatandang kapatid ngPropeta na si Hyrum patungo sa Harmony, Pennsylvania, para bisitahin si Joseph.Nang panahong iyon, ginagawa na nina Joseph at Oliver Cowdery ang pagsasalinng Aklat ni Mormon. Sa kahilingan ni Hyrum, hiniling ng Propeta sa Panginoon naihayag ang Kanyang kalooban hinggil sa kanyang kapatid. Pagkatapos ay tinanggapng Propeta ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 11.

Hatiin ang klase sa tatlong grupo, at i-assign sa bawat grupo ang isa sa mgasumusunod na scripture reference: Doktrina at mga Tipan 11:6–9; 11:10–14; at11:15–19. Isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong (mag-iwan ng espasyo sailalim ng bawat tanong para pagsulatan ng mga sagot ng mga estudyante):

Ano ang ipinayo ng Panginoon nagawin ni Hyrum na makatutulong paramakapaghanda siya sa paglilingkod?

Ano ang mga pagpapalangipinangako ng Panginoon kay Hyrumkung susundin nito ang Kanyangpayo?

LESSON 7

44

Page 65: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang naka-assign na mga talatasa kanila, at alamin ang mga sagot sa mga tanong na ito. Matapos ang sapat naoras, sabihin sa mga estudyante sa bawat grupo na ibahagi ang nalaman nila. Isulatang kanilang mga sagot sa ilalim ng bawat tanong.

• Anong paulit-ulit na payo ang napansin ninyo sa mga salita ng Panginoonkay Hyrum?

Ipabasa sa isang estudyante ang D at T 11:20–22. Sabihin sa klase na tahimik nasumabay sa pagbasa, at alamin ang ipinayong muli ng Panginoon na gawinni Hyrum.

• Ayon sa payo ng Panginoon kay Hyrum sa mga talata 20–22, ano ang dapatnating gawin upang matanggap ang Espiritu at ang kakayahan na matulunganang iba na magkaroon ng patotoo sa katotohanan ng ebanghelyo? (Dapatmatukoy ng mga estudyante ang alituntuning katulad ng sumusunod: Kungsinusunod natin ang mga kautusan at tinatamo ang Espiritu ng Diyos,matatanggap natin ang Espiritu at ang kakayahan na matulungan ang ibana magkaroon ng patotoo sa katotohanan ng Ebanghelyo. Maaari mongisulat sa pisara ang alituntuning ito.)

Isulat sa pisara ang mga alituntunin at doktrinaIsulat sa pisara ang mga katotohanang natuklasan sa klase, o sabihin sa mga estudyante naisulat ang mga ito sa kanilang notebook o markahan ang mga ito sa kanilang mga banal nakasulatan. Ito ay makakatulong sa mga estudyante na magtuon sa mga alituntunin na sinisikapnilang maunawaan, paniwalaan, at ipamuhay habang nagpapatuloy sa kanilang talakayan.

• Sa inyong palagay, bakit binigyang-diin ng Panginoon ang kahalagahan ngpagsunod sa mga kautusan nang itinuturo Niya kay Hyrum kung paanotumulong sa Kanyang gawain?

• Ano ang ilang paraan na matatamo natin ang salita ng Diyos?

• Ano ang pagkakaugnay ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan at pagtanggapng Espiritu?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang panahon na natamo nila ang salita ngDiyos at biniyayaan ng Espiritu at ng kakayahang tulungan ang isang tao namagkaroon ng patotoo sa katotohanan ng ebanghelyo. Sabihin sa ilang estudyantena ibahagi ang kanilang mga karanasan sa klase. Hikayatin ang mga estudyante namagtakda ng mithiin na inilalahad ang mga gagawin nila upang lalo nilangmatamo ang salita ng Diyos.

Doktrina at mga Tipan 12Itinuro kay Joseph Knight Sr. kung ano ang kailangan paramakatulong sa gawain ng PanginoonIpaliwanag na habang isinasalin ang Aklat ni Mormon, kung minsan ay walangpera o suplay si Joseph Smith na kailangan para ipagpatuloy ang gawain. Sabihinsa mga estudyante na basahin nang tahimik ang section heading ng Doktrina atmga Tipan 12, at alamin kung sino ang tumulong sa Propeta sa oras na ito ng

LESSON 7

45

Page 66: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

kanyang pangangailangan. Sabihin sa isang estudyante na ibahagi angnalaman niya.

Ipaliwanag na pagkatapos bisitahin ni Hyrum si Joseph Smith noong Mayo 1829,binisita ni Joseph Knight Sr ang Propeta at sabik na inalam kung ano pa angmagagawa niya para makatulong sa gawain.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 12:1–5 na ipinapaliwanag na sinabi ng Panginoonkay Joseph Knight na isang kagila-gilalas na gawain ang malapit nang maganap.Sinabi din sa kanya ng Panginoon na ang mga taong masigasig na naglilingkod saPanginoon ay tatanggap ng kaligtasan.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 12:6–9.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga katangianna kailangan nating taglayin upang makatulong sa gawain ng Panginoon. Sabihinsa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. (Maaaring makatulong naipaliwanag na ang ibig sabihin ng salitang mahinahon sa talata 8 ay mapagtimpi omapagpigil ng galit.)

• Sa inyong palagay, bakit kailangang taglayin ang mga katangiang nakalista satalata 8 sa pagtulong sa gawain ng Panginoon?

Patingnan sa mga estudyante ang tanong na isinulat mo sa pisara bago magsimulaang klase, at sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang magagawa nila para masmahusay na makatulong sa gawain ng Panginoon. Hikayatin ang mga estudyantena sundin ang anumang inspirasyong matanggap nila.

Doktrina at mga Tipan 14–16Inihayag ng Panginoon ang Kanyang kalooban kina David Whitmer,John Whitmer, at Peter Whitmer Jr.Sabihin sa mga estudyante na maglista sa isang papel kung ano sa palagay nila angpinakamakabuluhang bagay na magagawa natin sa buhay na ito.

Sa pag-aaral ng mga estudyante ng Doktrina at mga Tipan 14–16, hikayatin silangalamin ang mga katotohanan na tutulong sa kanila na malaman kung ano anginiisip ng Diyos na pinakamakabuluhan nating gawin.

Sabihin sa mga estudyante na tingnan sa Mga Mapa ng Kasaysayan ng Simbahan,blg. 3, “Ang mga Dako ng New York, Pennsylvania, at Ohio sa Estados Unidos ngAmerika.” Ipahanap sa kanila ang Fayette, New York. Ipaliwanag na dahil satumitinding pag-uusig sa Harmony, Pennsylvania, sumulat ng isang liham si OliverCowdery sa kaibigan niyang si David Whitmer sa Fayette, New York, at itinanongkung maaari ba silang makituloy ni Joseph sa pamilya Whitmer para tapusin angpagsasalin ng Aklat Mormon. Noong mga unang araw ng Hunyo 1829, lumipatsina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa tahanan ni Peter Whitmer Sr.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 14. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakitibinigay ang mga paghahayag sa Doktrina at mga Tipan 14–16.

• Ano ang ikinabahala ng tatlong magkakapatid na Whitmer?

LESSON 7

46

Page 67: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 14:1–6 na ipinapaliwanag na sinabi ng Panginoonkay David Whitmer na isang kagila-gilalas na gawain ang malapit nang maganap atang mga masigasig na naglilingkod sa Panginoon ay tatanggap ng kaligtasan.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan14:7–11, at alamin kung ano ang ipinagawa ng Panginoon kay David Whitmer atang mga pagpapalang ipinangako Niya bilang ganti.

• Ano ang ipinagawa ng Panginoon kay David? Ano ang mga pagpapalangipinangako Niya bilang ganti?

• Ayon sa talata 7, bakit napakalahaga ng pagsunod sa mga kautusan at pagtitiishanggang wakas? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang alituntuning katuladng sumusunod: Kung susundin natin ang mga kautusan ng Diyos atmagtitiis hanggang wakas, magkakaroon tayo ng buhay na walanghanggan. Maaari mong imungkahi sa mga estudyante na markahan ang mgasalita sa talata 7 na nagtuturo ng alituntuning ito.)

• Ano ang ibig sabihin ng magtiis hanggang wakas?

• Paano ninyo ilalarawan ang buhay na walang hanggan? (Ang buhay na walanghanggan ay hindi lamang kawalang-kamatayan, na ibig sabihin ay mabuhaynang walang katapusan. Ang buhay na walang hanggan ay pagiging dakila atpagiging tulad ng Diyos.)

• Sa inyong palagay, bakit ang buhay na walang hanggan “ang pinakadakila salahat ng kaloob ng Diyos”?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung aling kautusan ang mas masusunodnila na makatutulong sa kanila na sumulong sa buhay na walang hanggan.

Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 15–16, at alaminang mga pagkakatulad ng mga paghahayag na ito. Sabihin sa isang estudyante naipaliwanag ang napansin niya.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 15:1–5 (o16:1–5). Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabing Panginoon kay John Whitmer (at kay Peter Whitmer Jr.).

• Ano ang nalaman ninyo sa mga talatang ito tungkol sa Panginoon? Ano angnalaman ninyo tungkol kay John (at kay Peter Whitmer Jr.)?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 15:6.(o 16:6).Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon na magiging pinakamahalaga sa kanila.

• Batay sa sinabi ng Panginoon kina John at Peter Whitmer Jr., ano ang isa sapinakamahahalagang bagay na magagawa natin? (Dapat matukoy ng mgaestudyante ang alituntuning katulad ng sumusunod: Ang tumulong sapagdadala ng mga kaluluwa kay Jesucristo ay isa sa pinakamahahalagangbagay na magagawa natin.)

• Ano ang ibig sabihin ng magdala ng mga kaluluwa kay Jesucristo?

LESSON 7

47

Page 68: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang ilang paraan na matutulungan natin ang ating sarili at ang iba na masmapalapit kay Jesucristo? Bakit isa sa pinakamahahalagang bagay na magagawanatin ang pagdadala ng mga kaluluwa kay Cristo?

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa mga katotohanang natukoy sa lesson na ito.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 4:5–7. Inihayag ng Panginoon kay Joseph Smith Sr. kung ano ang mgakatangiang kailangan sa isang tao para makatulong sa Kanyang gawainMatapos matukoy ng mga estudyante ang mga katangiang nakasaad sa Doktrina at mga Tipan 4:5–7 na dapat taglay ng isang taopara makatulong sa gawain ng Panginoon, maaari mong ipaliwanag na ang bawat isa sa mga ito ay katangian ng Tagapagligtas nasi Jesucristo.

Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa mga katangiang nakalista sa pisara at ipaliwanag kung bakit mahalagang pagbutihinang katangiang iyon upang makatulong sa gawain ng Panginoon sa pagliligtas ng mga kaluluwa.

Hikayatin ang mga estudyante na pag-isipan kung aling mga katangian ang gusto nilang mas mapagbuti pa. Sabihin sa kanila nahilingin sa Ama sa Langit na tulungan silang mas mapagbuti at mapalakas ang mga katangiang ito sa kanilang buhay.

• Ayon sa mga talatang ito, ano ang mangyayari kapag naghahangad tayong magkaroon ng mga katangian ni Cristo? (Kapagnagkaroon tayo ng mga katangian ni Cristo, magiging mas handa tayong tumulong sa gawain ng Panginoon.)

LESSON 7

48

Page 69: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 8

Doktrina at mga Tipan 19Pambungad at TimelineNang malapit ng matapos ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon noong Hunyo 1829,inupahan nina Propetang Joseph Smith at Martin Harris ang manlilimbag na siEgbert B. Grandin para maglimbag ng 5,000 kopya ng Aklat ni Mormon sahalagang $3,000. Gayunman, ayaw simulan ni Grandin ang paglilimbag hangga’thindi siya nakakasigurong mababayaran. Nakipagkasundo si Martin Harris naisasangla niya ang kapirasong bahagi ng kanyang sakahan para mabayaran angpagpapalimbag.

Matapos ang paunang kasunduan, ikinabahala ni Martin ang pagsasangla sakanyang sakahan. Sa paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 19, namaaaring ibinigay noong tag-init ng 1829, iniutos ng Panginoon kay Martin Harrisna “ibahagi ang kapiraso ng [kanyang] ari-arian … [at] bayaran ang utang na[kanyang] pinagkasundo sa manlilimbag” (D at T 19:34–35). Naghayag din angPanginoon ng mahahalagang katotohanan tungkol sa Kanyang nagbabayad-salangsakripisyo at nagturo tungkol sa pagsisisi.

Mga unang araw ng Hunyo 1829Nagpalimbag sina Joseph Smith at Martin Harris kay Egbert Grandin ng 5,000kopya ng Aklat ni Mormon.

Hulyo 1, 1829Natapos ni Joseph Smith ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon.

Tag-init ng 1829Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 19.

Agosto 25, 1829Isinangla ni Martin Harris ang kanyang sakahan sa halagang $3,000 paramabayaran ang pagpapalimbag sa Aklat ni Mormon.

Marso 26, 1830Sinimulan nang ipagbili ang mga kopya ng Aklat ni Mormon.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 19:1–20Ipinaliwanag ng Panginoon ang mga ibinubunga ng hindi pagsisisi at inilarawan angKanyang pagdurusa para sa kasalananIsulat sa pisara ang sumusunod bago magsimula ang klase: Ano ang ipinagagawa ngPanginoon sa inyo na maaaring mahirap para sa inyo?

Talakayin nang bahagya ang tanong na ito sa klase. Ipaliwanag na naharap sagayong hamon si Martin Harris at tinuruan ng ilang makapangyarihangkatotohanan ng Panginoon upang gabayan siya. Sabihin sa mga estudyante na sapag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan 19, alamin nila ang mga katotohanangitinuro ng Panginoon kay Martin at gamitin ang mga ito sa pagtugon nila sainiuutos ng Panginoon sa kanila.

49

Page 70: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na nang malapit nang matapos ang pagsasalin ng Aklat ni Mormonnoong Hunyo 1829, nakipag-usap sina Joseph Smith at Martin Harris satagapaglimbag na si Egbert B. Grandin sa Palmyra, New York para magpalimbag ng5,000 kopya ng Aklat ni Mormon. Ayon sa kalkula ni Grandin at ng kanyangtypesetter na si John H. Gilbert, magkakahalaga ng $3,000 ang pagpapalimbag ngganoong karaming kopya. Bilang bahagi ng negosasyon, pumayag si Martin Harrisna isangla ang malaking bahagi ng kanyang sakahan bilang pambayad sapagpapalimbag, ngunit hindi pa gaanong naisaayos ang mga detalye ngpagbabayad nang panahong iyon. Nilinaw ni Grandin na hindi muna niya bibilhinang mga kailangang materyal ni sisimulan ang paglimbag hangga’t hindisiguradong mababayaran ni Martin Harris ang pagpapalimbag (tingnan saDocuments, Volume 1: July 1828–June 1831, inedit ni Michael Hubbard MacKay at ibapa [2013], 86).

Matapos ang paunang kasunduan, nag-atubili si Martin na isangla kanyangsakahan. Bilang tugon sa pag-aalala ni Martin, nakatanggap si Joseph Smith ngpaghahayag noong tag-init ng 1829 na kalaunan ay itinala bilang Doktrina at mgaTipan 19. Sabihin sa mga estudyante na sa pag-aaral nila ng Doktrina at mgaTipan 19, alamin ang itinuro ng Panginoon kay Martin Harris para tulungan siyangmaging handa na gumawa ng malaking sakripisyo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 19:1–3, atsabihin sa klase na tukuyin ang doktrina na itinuro ng Tagapagligtas kayMartin Harris.

• Anong doktrina ang itinuro ng Panginoon tungkol sa Kanyang Sarili sa talata 2?(Ginawa ni Jesucristo ang kalooban ng Ama. Maaari mong sabihin sa mgaestudyante na markahan ang doktrinang ito.)

• Sa paanong pamamaraan naipakita ni Jesucristo na naisagawa Niya angkalooban ng Ama sa Langit?

• Ayon sa mga talata 2–3, anong kapangyarihan mayroon ang Tagapagligtas dahilnagawa Niya ang kalooban ng Ama sa Langit?

• Sa talata 3, inilarawan ng Tagapagligtas ang kanyang responsibilidad na hatulanang lahat ng tao sa huling araw. Ayon sa Tagapagligtas, ano ang pagbabatayanng Kanyang huling paghuhukom? (Tayo ay hahatulan ayon sa atingmga gawa.)

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paanomakakaapekto ang ating mga gawa sa gagawing paghuhukom o paghatol sa atin,ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 19:4–5.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang mgakaragdagang detalye na itinuro ng Panginoon tungkol sa Kanyang paghatol.

• Ayon sa mga talata 4–5, ano ang mararanasan ng mga hindi nagsisisi?(Maaaring kailanganin mong ipaliwanag na ang pariralang “ang mgakapighatian ay mangyayari” sa talata 5 ay tumutukoy sa pagdurusangmararanasan ng mga taong hindi nagsisisi.)

Isulat sa pisara ang walang katapusang kaparusahan at ang walang hanggangkaparusahan. Ipaliwanag na ang mga ito at ang iba pang katulad na mga kataga ay

LESSON 8

50

Page 71: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

ginagamit kung minsan sa mga banal na kasulatan upang ilarawan angkaparusahan na darating sa lahat ng hindi magsisisi. Sabihin sa mga estudyante nabasahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan 19:6–12, at alamin kung paanoinilarawan ng Panginoon ang walang katapusan o walang hanggang kaparusahan.Matapos ang sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ipaliwanag kung anoang natutuhan nila mula sa paglalarawan ng Panginoon sa mga katagang ito.(Ipaunawa sa mga estudyante na ang mga katagang walang katapusang kaparusahanat walang-hanggang kaparusahan ay hindi tumutukoy sa haba ng panahon napagdudusahan ng mga tao ang kanilang mga kasalanan. Bagkus, dahil angTagapagligtas ay walang katapusan at walang hanggan, ang mga katagang ito aytumutukoy sa kaparusahan na Kanyang ipapataw alinsunod sa banal na batas ngkatarungan.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 19:13–15, atsabihin sa klase na alamin kung ano ang iniutos ng Panginoon na gawin ni MartinHarris matapos ilarawan ang walang katapusan at walang hanggang kaparusahan.

• Ano ang dahilang ibinigay ng Panginoon sa pag-uutos kay Martin Harris namagsisi?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 19:16–17, atsabihin sa klase na alamin ang pinatotohanan ng Panginoon na mangyayari sa mgataong pinipili na magsisi at ano ang mangyayari sa mga taong pinipili na hindimagsisi.

• Anong mga alituntunin ang matutukoy natin mula sa mga talata 16–17 tungkolsa mga taong pinipili na magsisi at tungkol sa mga taong pinipili na hindimagsisi? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang mgasumusunod na alituntunin gamit ang mga isinagot ng mga estudyante: SiJesucristo ay nagdusa para sa ating mga kasalanan para makapagsisi tayoat hindi magdusang tulad Niya. Kung pipiliin nating hindi magsisi,kinakailangan tayong magdusa na katulad ng pagdurusa ni Cristo.)

Ipakita ang larawang Nananalangin siJesus sa Getsemani (Aklat ng Sining ngEbanghelyo [2009], blg. 56; tingnan dinsa lds.org/media-library). Upangmatulungan ang mga estudyante namaunawaan ang tindi ng pagdurusa ngTagapagligtas, ipaliwanag na angDoktrina at mga Tipan 19:18–19 ay angtanging mga talata sa banal nakasulatan kung saan inilarawan ngTagapagligtas ang Kanyang pagdurusasa Kanyang sariling mga salita. Ang ibapang tala tungkol sa pagdurusa niJesucristo habang isinasagawa angKanyang nagbabayad-salang sakripisyoay ibinigay ng iba (tingnan sa Mateo 26:36–39; Lucas 22:39–44; Marcos 14:32–41;Mosias 3:7). Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina atmga Tipan 19:18–19, at alamin ang mga salita at pariralang ginamit ng

LESSON 8

51

Page 72: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Tagapagligtas upang ilarawan ang Kanyang pagdurusa. Maaari mong pamarkahansa mga estudyante ang nalaman nila.

• Aling mga salita o parirala ang pinakanapansin ninyo? Bakit?

• Ano ang itinuturo sa inyo ng mga salita o pariralang ito tungkol sa kahandaanng Tagapagligtas na magdusa para sa ating mga kasalanan?

• Ano ang mga nadama ninyo habang pinag-iisipan ninyong mabuti angpagdurusa ng Tagapagligtas para sa inyong mga kasalanan?

Ipaliwanag na ang pariralang “nagnais na kung maaari ay hindi ko lagukin angmapait na saro” (D at T 19:18) ay tumutukoy sa panalangin ng Tagapagligtas saHalamanan ng Getsemani na kung maaari, hindi na Niya kailangang tiisin anggayong paghihirap. Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng pariralang “gayon pa man …ininom ko at tinapos ang aking paghahanda para sa mga anak ng tao” (D at T19:19) ay sa kabila ng hindi malirip na sakripisyo, nagpasakop si Jesucristo sakalooban ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Pagbabayad-sala.

• Paano maaaring nakaimpluwensya kay Martin Harris habang pinag-iisipan niyakung isasangla ba niya ang kanyang sakahan para maipalathala ang Aklat niMormon ang pag-unawa na nagpasakop ang Tagapagligtas sa kalooban ngAma sa Langit?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 19:20.Sabihin sa mga estudyante na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabing Panginoon kay Martin Harris matapos Niyang ilarawan ang Kanyang pagdurusapara sa kasalanan.

• Ano ang muling iniutos ng Panginoon kay Martin Harris? Bakit?

• Sa inyong palagay, bakit ipinaalala ng Panginoon kay Martin ang panahon nalumayo ang Espiritu sa kanya? (Para sa karagdagang ideya tungkol sa tanong naito, tingnan ang komentaryo sa manwal ng estudyante para sa Doktrina at mgaTipan 19:20.)

• Paano nakakaimpluwensya ang pag-unawa ninyo sa pagdurusa ngTagapagligtas sa inyong hangaring magsisi at gawin ang anumang iutos ngTagapagligtas, gaano man ito kahirap?

Hikayatin ang mga estudyante na magtakda ng mithiin na pahalagahan ang mgasakripisyo ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng palagiang pagsisisi.

Doktrina at mga Tipan 19:21–41Nagbigay ang Panginoon kay Martin Harris ng ilang kautusan, kabilang na ang utosna ibahagi ang kanyang sakahan para sa pagpapalimbag ng Aklat ni MormonIpaliwanag na matapos iutos ng Panginoon kay Martin Harris na magsisi, binigyansiya ng Panginoon ng karagdagang mga kautusan at payo. Ipabasa nang malakas saisang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 19:21–24, at sabihin sa klase na alaminkung ano ang iniutos ng Panginoon kay Martin Harris. Sabihin sa ilang estudyantena ibahagi ang nalaman nila.

• Batay sa mga salita ng Panginoon kay Martin sa talata 23, ano ang matatanggapnatin kapag natuto tayo kay Cristo, nakinig sa Kanyang mga salita, at lumakad

LESSON 8

52

Page 73: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

sa kaamuan ng Kanyang Espiritu? (Kapag natuto tayo kay Cristo, nakinig saKanyang mga salita, at lumakad sa kaamuan ng Kanyang Espiritu,mapapayapa tayo. Maaari mong isulat sa pisara ang alituntuning ito.)

• Ano ang magagawa natin para matuto kay Cristo?

• Anong mga pagkakataon ang mayroon tayo para marinig ang Kanyangmga salita?

• Ano ang ibig sabihin ng maging maamo? (Kung kailangan, ipaliwanag nakasama sa pagiging maamo ang “may takot sa Diyos, matwid,mapagpakumbaba, natuturuan at matiisin sa pagdurusa. Ang maaamo aynakahandang sumunod sa mga turo ng ebanghelyo” [Gabay sa mga Banal naKasulatan, “Maamo, Kaamuan,” scriptures.lds.org]).

Unawain ang kahulugan ng mga doktrina at alituntuninSa sandaling matukoy ng mga estudyante ang mga doktrina at alituntunin sa mga banal nakasulatan, matutulungan mo silang mas maunawaan ang mga katotohanang ito sapamamagitan ng mga talakayan na makatutulong sa mga estudyante na mapag-aralang mabutiang kahulugan ng mga ito. Kabilang sa pag-alam sa doktrina o alituntunin ng ebanghelyo angpag-unawa sa mga natukoy na katotohanan, ang kaugnayan ng mga ito sa iba pang mgakatotohanan sa plano ng Panginoon, at ang mga sitwasyon kung saan personal namaipapamuhay ang mga katotohanan.

• Kailan nagdulot ng kapayapaan sa inyong buhay ang paglakad sa kaamuan ngEspiritu ng Tagapagligtas?

• Sa inyong palagay, paano nakatulong kay Martin Harris ang pagsunod sa mgaalituntunin sa Doktrina at mga Tipan 19:23 sa kanyang desisyon na isangla angkanyang sakahan?

Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 19:25–35, atalamin ang mga karagdagang kautusan at payo ng Panginoon kay Martin Harris.Maaari mong imungkahi na markahan ng mga estudyante ang mga pariralang“iniuutos ko sa iyo” at “huwag kang.” Matapos ang sapat na oras, sabihin sa ilangestudyante na ibahagi ang kanilang natuklasan.

• Anong kautusan ang ibinigay ng Panginoon kay Martin Harris hinggil sakanyang sakahan?

• Sa paanong paraan ninanasa ng isang tao ang kanyang sariling ari-arian?

• Ayon sa mga talata 26–27, bakit napakahalagang mailimbag ang Aklatni Mormon?

• Ayon sa talata 33, ano ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kung pinili niMartin na “[hindi pahalagahan] ang mga payong ito”?

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante, at sabihin sa kanila na sabay-sabay nabasahin ang Doktrina at mga Tipan 19:36–41, at alamin ang mga karagdagangalituntunin na maaaring humikayat kay Martin Harris na sundin ang mga kautusanng Panginoon. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

LESSON 8

53

Page 74: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ayon sa pangako ng Panginoon kay Martin Harris sa talata 38, ano angmatatanggap natin kung gagawin natin ang kalooban ng Panginoon?(Maaaring iba-iba ang sagot ng mga estudyante, ngunit tiyaking matutukoy nilaang alituntuning katulad ng sumusunod: Kung gagawin natin ang kaloobanng Panginoon, mapapasaatin ang mga pagpapala na higit na mahalagakaysa mga kayamanan ng mundo.)

• Ano ang ilang pagpapala na nadarama ninyong mas mahalaga kaysa mgakayamanan ng mundo?

• Sa paanong mga paraan higit na mahalaga ang Aklat ni Mormon kaysa sasakahan ni Martin Harris?

Mga tanong na makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mgadoktrina at mga alituntuninMay partikular na mga tanong na makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan angkahulugan ng mga doktrina at alituntunin. Ang mga tanong na naghihikayat sa mga estudyantena isipin ang isang alituntunin sa makabagong konteksto o pagsasabi sa mga estudyante naipaliwanag ang kanilang pagkaunawa sa isang alituntunin ay makatutulong nang malaki.

Ipaliwanag na noong Agosto 25, 1829, bilang pagsunod sa utos ng Panginoon,isinangla ni Martin Harris ang kanyang ari-arian bilang kabayaran para sapagpapalimbag ng Aklat ni Mormon. Itinuring ni Egbert Grandin na nabayaran nasiya nang buo, at sinimulan na kaagad ang paglilimbag.

Balikan ang tanong na nakasulat sa pisara na tinalakay ninyo sa simula ng lesson.Hikayatin ang mga estudyante na sundin ang Panginoon kahit mahirap ito, atipaalala sa kanila na sila ay makatatanggap ng mga pagpapala na higit na mahalagakaysa mga kayamanan ng mundo.

Paghahalintulad sa mga banal na kasulatanAng ibig sabihin ng paghahalintulad sa mga banal na kasulatan ay pagkukumpara nito sa sarilininyong buhay. Kapag nakita ng mga estudyante ang pagkakatulad ng sarili nilang mgakaranasan sa mga karanasang nakatala sa mga banal na kasulatan, mas mauunawaan nila angmga doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo.

LESSON 8

54

Page 75: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 9

Doktrina at mgaTipan 20–22Pambungad at TimelineSa isang paghahayag kay Propetang Joseph Smith, iniutos ng Panginoon naiorganisa ang Kanyang Simbahan ng Abril 6, 1830. Bagama’t ang paghahayag naito, na kilala ngayon bilang Doktrina at mga Tipan 20, ay naitala ilang arawpagkatapos ng pag-organisa sa Simbahan, ang mga bahagi nito ay naipahayagnoong Hunyo 1829. Ang paghahayag na ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan ngAklat ni Mormon, naglahad ng mga responsibilidad sa mga katungkulan ngpriesthood, at nagbigay ng mga tagubilin para sa mga ordenansa ng binyag at ngsakramento.

Sa araw na inorganisa ang Simbahan, natanggap ni Propetang Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 21. Dito, itinalaga ng Panginoonsi Joseph bilang propeta, tagakita, at lider ng ipinanumbalik na Simbahan atipinayo sa Simbahan na pakinggan ang mga salita ng Propeta. Hindi panatatagalan matapos iorganisa ang Simbahan, itinanong ng ilang tao kungkailangan pa bang binyagan muli ang mga nabinyagan na sa ibang simbahanupang maging mga miyembro ng ipinanumbalik na Simbahan. Nagtanong siJoseph at natanggap ang paghahayag sa Doktrina at mga Tipan 22, kung saanitinuro ng Panginoon na ang binyag ay kailangang isagawa ng mga taong maywastong awtoridad.

Katapusan ng Marso, 1830Natapos ang paglilimbag ng Aklat ni Mormon.

Abril 6, 1830Ang Simbahan ay inorganisa ni Joseph Smith sa Fayette, New York.

Abril 6, 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 21.

Pagkatapos ng Abril 6, 1830Natapos at naitala ang Doktrina at mga Tipan 20 (bagama’t ang ilang bahaginito ay maaaring natanggap noong mga unang buwan pa).

Abril 16, 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 22.

Hunyo 9, 1830Ginanap ang unang kumperensya ng Simbahan sa Fayette, New York.

55

Page 76: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 20:1–36Ang mga pangyayari sa Panunumbalik ay isinalaysay at ibinuod ang mgakatotohanang itinuro sa Aklat ni MormonSabihin sa mga estudyante na kunwari ay isang kaibigan nila na hindi gaanongaktibong miyembro ng Simbahan ang nagsabing, “Hindi mo na kailangang magingaktibo sa Simbahan para maging isang mabuting tao o maging malapit sa Diyos.”

• Bakit maaaring ganito ang nararamdaman ng ilang tao?

• Ano ang isasagot ninyo sa inyong kaibigan?

Sa pag-aaral ng mga estudyante ng Doktrina at mga Tipan 20 ngayon, hikayatinsila na alamin ang mga katotohanan na tutulong sa kanila na maunawaan nakailangan nilang aktibong makibahagi sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mgaBanal sa mga Huling Araw at ang mga pagpapala sa paggawa nito.

Ipaliwanag na noong mga unang buwan ng 1828, nakatanggap si Propetang JosephSmith ng mga paghahayag na tumatalakay sa pagtatatag ng Simbahan (tingnan saD at T 10:53). Nagsimula ang mga paghahanda para dito noong Hunyo 1829, nangtagubilinan ng Panginoon si Oliver Cowdery na tumulong sa pagtatayo ngKanyang Simbahan batay sa mga turo ng Aklat ni Mormon (tingnan sa D at T18:3–4).

Sabihin sa mga estudyante na tahimik na basahin ang section heading ng Doktrinaat mga Tipan 20 at ang mga talata 1–2, at alamin ang inihayag ng Panginoontungkol sa pag-organisa sa Simbahan ni Jesucristo sa mga huling araw.

• Anong mga katotohanan ang nalaman natin mula sa section heading at mgatalatang ito tungkol sa pag-organisa sa Simbahan ni Jesucristo? (Bagama’tmaaaring matukoy ng mga estudyante ang ilang katotohanan, tiyakin nanatukoy nila na inorganisa ni Joseph Smith ang Simbahan ni Jesucristoayon sa kalooban ng Diyos.)

• Bakit mahalagang malaman ninyo na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banalsa mga Huling Araw ay inorganisa o itinatag ayon sa tagubilin ng Panginoon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na tala ngpangyayaring ito:

“Noong Abril 6, 1830, labing-isang araw lamang matapos maibalitang mabibilina ang Aklat ni Mormon, isang grupo ng 60 katao ang nagtipon sa tahanang yarisa troso ni Peter Whitmer Sr. sa Fayette, New York. Doon pormal na itinatag niJoseph Smith ang Simbahan, na kalaunan ay pinangalanan sa pamamagitan ngpaghahayag bilang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga HulingAraw (tingnan sa D at T 115:4). Napakasayang okasyon niyon, na may matinding

pagbuhos ng Espiritu. Ang sacrament ay pinangasiwaan, bininyagan ang mga sumasampalataya,iginawad ang kaloob na Espiritu Santo, at inorden sa priesthood ang mga kalalakihan.” (MgaTuro ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 10).

LESSON 9

56

Page 77: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa mga estudyante na noong Marso 26, 1830, ilang araw bago iorganisaang Simbahan, ang unang mga kopya ng Aklat ni Mormon ay mabibili na.Isinalaysay sa Doktrina at mga Tipan 20:5–36 ang paglabas ng Aklat ni Mormon atbinigyang-diin ang ilan sa mga pangunahing doktrina na itinuro nito. Sabihin sakalahati ng klase na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan 20:5–16 atalamin ang mga doktrinal na katotohanan tungkol sa Aklat ni Mormon. Sabihin sanatitirang kalahati ng klase na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan20:17–25, at alamin ang mga pangunahing doktrina at alituntunin na itinuro ngAklat ni Mormon. Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan angtalata 17, maaaring kailanganin mong ipaliwanag na ang pariralang “mga bagay naito” ay tumutukoy sa doktrina at mga alituntunin na nalaman natin sapamamagitan ng Aklat ni Mormon.

Ipabahagi sa mga estudyante ang doktrina at mga alituntunin na natukoy nila sanaka-assign na mga talata sa kanila. Maaaring matukoy ng mga estudyante angmga katotohanang tulad ng sumusunod: ang Aklat ni Mormon ay katibayan naipinanumbalik ng Diyos ang ebanghelyo sa ating panahon (mga talata 11–15).Kung tatanggapin natin ang Aklat ni Mormon nang may pananampalataya atsa kabutihan, tayo ay tatanggap ng buhay na walang hanggan (talata 14). Kungnaniniwala tayo kay Jesucristo, nabinyagan sa Kanyang pangalan, at nagtitiishanggang wakas, tayo ay maliligtas (talata 25).

• Batay sa mga katotohanang natukoy natin, bakit kaya hinintay pa ng Panginoonna matapos ang pagsasalin at paglalathala ng Aklat ni Mormon bago Niyamuling inorganisa ang Kanyang Simbahan dito sa lupa?

Doktrina at mga Tipan 20:37–84Itinuro ng Panginoon sa Simbahan ang hinggil sa mga katungkulan ng priesthood,binyag, at sakramentoIpaliwanag na bilang bahagi ng mga tagubilin tungkol sa organisasyon ngSimbahan, inilahad ng Panginoon ang mga kwalipikasyong kailangan paramabinyagan sa Simbahan. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrinaat mga Tipan 20:37. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at pansininang pariralang naglalarawan ng hinihingi ng Panginoon para sa binyag. (Maaarimong isulat sa pisara ang mga nahanap ng mga estudyante.)

• Alin sa mga pariralang ito ang pinakamahalaga sa inyo at bakit?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 20:38–67 na ipinapaliwanag na ang mga talatangito ay naglalahad ng mga tungkulin ng elder, priest, teacher, at deacon. Sa talata 65,nalaman natin na walang sinuman ang maoordenan sa anumang katungkulan sapriesthood nang walang boto ng pagsang-ayon ng mga miyembro ng Simbahan(tingnan din sa D at T 26:2).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 20:68–70.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga tungkulinng mga miyembro ng Simbahan. Upang matulungan ang mga estudyante namaunawaan ang mga talatang ito, maaaring kailangan mong ipaliwanag na angpakikipag-usap sa talata 69 ay tumutukoy sa kilos o asal.

LESSON 9

57

Page 78: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Paano “[ma]ipakikita ng [isang tao] … sa pamamagitan ng makadiyos napaglakad at pakikipag-usap” (D at T 20:69) na karapat-dapat niyang matanggapang Espiritu Santo at ang sakramento?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 20:71–74 na ipinapabatid sa mga estudyante naang mga talatang ito ay nagpapaliwanag na ang mga tao ay hindi mabibinyaganmaliban kung sila nasa edad na ng pananagutan at may kakayahan nang magsisi.Gayon din, ang binyag ay dapat gawin sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig atisagawa ng isang taong maytaglay ng priesthood.

Ipaalam sa mga estudyante na matapos ituro sa mga miyembro ng Simbahan anghinggil sa pagbibinyag, iniutos ng Panginoon na magkakasamang magtipon nangregular ang mga Banal. Sabihin sa mga estudyante na tahimik na basahin angDoktrina at mga Tipan 20:75, at alamin kung bakit dapat magtipon nang madalasang mga miyembro ng Simbahan. Ipabahagi sa mga estudyante ang nalaman nila.

Isulat sa pisara ang mga sumusunod na di-kumpletong pahayag:

Kapag tumatanggap tayo ng sakramento, pinatototohanan natin …

Kapag tapat nating tinutupad ang mga pangakong ginawa natin sa oras ngsakramento, ipinapangako ng Panginoon …

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan20:76–79, at alamin kung paano nila kukumpletuhin ang dalawang pahayag na itong alituntunin. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagiang mga alituntunin na natukoy nila. Bagama’t maaari silang gumamit ng iba pangmga salita, dapat matukoy ng mga estudyante ang mga sumusunod na alituntunin:Kapag tumanggap tayo ng sakramento, pinatototohanan natin na handatayong taglayin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo, na lagi Siyangaalalahanin, at susundin ang Kanyang mga kautusan. Kapag tapat natingtinutupad ang mga pangakong ito na ginawa natin sa oras ng sakramento,ipinapangako ng Panginoon na mapapasaatin sa atin sa tuwina ang Espirituupang makasama natin.

• Anong pagkakatulad ang nakikita ninyo sa mga pangakong ginawa sa oras ngsakramento at sa tipan ng binyag (tingnan sa talata 37)?

Paghambingin at PagkumparahinMadalas na mas madaling maunawaan ang isang doktrina o alituntunin kapag inihambing atikinumpara ito sa iba pang bagay. Mas mapagtutuunan ng pansin ang mga katotohanan ngebanghelyo kapag napansin ang pagkakatulad o pagkakaiba ng mga turo.

• Bakit mahalagang laging mapasainyo ang Espiritu?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung gaano nila tapat na natutupad angmga tipan na napanibago nila sa pamamagitan ng pagtanggap ng sakramento.Hikayatin sila na gumawa ng anumang kinakailangang pagbabago upang maging

LESSON 9

58

Page 79: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

mas tapat sa pagtupad sa mga tipang iyon. Tiyakin sa kanila na kapag ginawa nilaang mga pagbabagong iyon, mapapasakanila ang Espiritu upang makasama nila.

Doktrina at mga Tipan 21Dapat sundin ng mga miyembro ng Simbahan ang mga salita ni Joseph SmithIpakita at ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niElder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Masdan, mga kabataan ng Simbahan, nahaharap tayo sa labanan ng mgapuwersa ng liwanag at kadiliman. …

“At sa daigdig na ito, ang kadilima’y nariyan lang” (Robert D. Hales, “Out ofDarkness into His Marvelous Light,” Ensign, Mayo 2002, 70, 71).

Hikayatin ang mga estudyante na hanapin sa Doktrina at mga Tipan 21 ang isangalituntunin na tutulong sa kanila kung paano manalo sa digmaan laban sakadiliman. Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kontekstong paghahayag na ito, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sectionheading ng Doktrina at mga Tipan 21.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 21:1–3 na ipinapaliwanag na iniutos ngPanginoon na dapat mag-ingat ng talaan tungkol sa kasaysayan ng Simbahan.Itinalaga Niya rin si Joseph Smith bilang tagakita, tagapagsalin, propeta, apostol, atelder ng Simbahan.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 21:4–6.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano angipinagawa ng Panginoon sa mga miyembro ng Simbahan.

• Ayon sa talata 5, ano ang sinabi ng Panginoon na dapat nating gawin sa mgasalita ng propeta? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang katotohanang tuladng sumusunod: Iniutos sa atin ng Panginoon na tanggapin ang mga salitang propeta na parang ang mga ito ay mula sa Kanyang sariling bibig.)

• Ayon sa mga talatang ito, ano ang magagawa natin para maprotektahan labansa “mga kapangyarihan ng kadiliman” (talata 6)? (Matapos sumagot ang mgaestudyante, isulat ang sumusunod na alituntunin sa pisara: Kapagpinakinggan natin ang mga salita ng propeta nang may pagtitiis atpananampalataya, mapoprotektahan tayo laban sa mga kapangyarihan ngkadiliman.)

• Paano “[naitataboy] … ang mga kapangyarihan ng kadiliman” sa pakikinig atpagsunod sa mga salita ng propeta (D at T 21:6)?

• Bakit maaaring kung minsan ay kailangang magtiis at manampalataya paramatanggap at masunod ang mga salita ng mga propeta?

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Harold B. Lee (1899–1973), atipabasa nang malakas sa isang estudyante:

LESSON 9

59

Page 80: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“Ang tanging kaligtasan natin ngayon bilang mga miyembro ng simbahang ito ay… makinig sa mga salita at kautusan na ibibigay ng Panginoon sa Kanyangpropeta. … May ilang bagay na mangangailangan ng pagtitiis atpananampalataya. Maaaring hindi ninyo magustuhan ang nagmumula saawtoridad ng Simbahan. Maaaring salungat ito sa pananaw ninyo sa pulitika.Maaaring salungat ito sa pananaw ninyo sa lipunan. Maaaring humadlang ito sa

inyong pakikisalamuha. Ngunit kung pakikinggan ninyo ang mga bagay na ito, na tila nagmulamismo sa bibig ng Panginoon, nang may pagtitiis at pananampalataya, ang pangako ay ‘angpintuan ng impiyerno ay hindi mananaig laban sa inyo; … at itataboy ng Panginoong Diyos angmga kapangyarihan ng kadiliman mula sa harapan ninyo, at payayanigin ang kalangitan para sainyong ikabubuti, at sa ikaluluwalhati ng kanyang pangalan’ (D at T 21:6)” (Mga Turo ng mgaPangulo ng Simbahan: Harold B. Lee [2000], 99–100).

• Paano kayo napagpala sa pagsunod sa mga salita ng mga buhay na propeta?(Maaari mong ibahagi ang iyong sariling karanasan.)

Ang mga Salita ng mga propetaAng pagbabasa at pag-aaral ng mga salita ng mga propeta ay makatutulong sa mga titser atestudyante na maunawaan ang mga nilalaman at konteksto ng mga banal na kasulatan atmakatutulong para maunawaan ang mga inspiradong mensahe ng mga may-akda. Ang manwalng estudyante sa institute ay isang napakagandang materyal para malaman ang mga salita ngmga propeta.

Hikayatin ang mga estudyante na isipin ang mga itinuro sa kasalukuyan ng mgapropeta ng Panginoon. Hikayatin silang gumawa ng pangakong sundin ang mgaturong iyon nang buong pagtitiis at pananampalataya.

Doktrina at mga Tipan 22Ang pagbibinyag ay dapat isagawa ng mga taong may wastong awtoridadIpaliwanag na matapos maorganisa ang Simbahan noong Abril 1830, marami angnagnais na maging mga miyembro ng ipinanumbalik na Simbahan ng Panginoon.Gayunman, nais ng ilang tao na nabinyagan sa ibang simbahan na sumapi saipinanumbalik na Simbahan nang hindi na muling bibinyagan pa. Mataposmagtanong sa Panginoon, natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatalasa Doktrina at mga Tipan 22, na nagtuturo na ang binyag ay dapat isagawa ng mgataong may wastong awtoridad.

Tapusin ang lesson sa pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa panunumbalik ngSimbahan ng Panginoon sa lupa at tungkol sa mga buhay na propeta nanamamahala sa Kanyang gawain.

LESSON 9

60

Page 81: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 20:38–67. Ibinigay ang mga tungkulin ng mga katungkulan sa priesthoodBatay sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante, maaari mong gamitin ang sumusunod na ideya sa pagtuturo mataposmong ipaliwanag na nakasaad sa Doktrina at mga Tipan 20:38–67 ang mga tungkulin ng elder, priest, teacher, at deacon:

Isulat sa pisara ang sumusunod na chart (o gawin itong handout at ibigay sa bawat estudyante):

Mga elder

(D at T 20:38–45)

Mga priest

(D at T 20:46–52)

Mga teacher

(D at T 20:53–56, 58–59)

Mga Deacon

(D at T 20:57–59)

Mag-assign sa bawat estudyante ng isa sa mga scripture passage na nasa chart, at ipahanap sa mga estudyante ang mga nakasaadna tungkulin ng priesthood sa mga scripture passage na naka-assign sa kanila. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mgaestudyante na ibahagi ang nalaman nila. Ilista sa pisara ang mga sagot ng estudyante, o sabihin sa mga estudyante na ilista angkanilang mga sagot sa kanilang handout.

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang pagkakaiba at pagkakatulad na nakita nila sa mga tungkulin ng elder, priest, teacher,at deacon.

• Anong mga katotohanan ang matututuhan natin tungkol sa mga katungkulan sa priesthood sa paghahambing atpagkukumpara ng kani-kanilang mga tungkulin? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang ilang katotohanan, ngunittiyakin na natukoy nila na ang mga maytaglay ng priesthood ay may responsibilidad na ituro ang ebanghelyo atpangalagaan ang mga miyembro ng Simbahan at maglingkod sa kanila. Isulat sa pisara ang katotohanang ito.)

• Sa anong mga paraan ninyo nakita na nangalaga at naglingkod ang mga maytaglay ng priesthood sa mga miyembro ngSimbahan?

• Paano kayo napagpala dahil tinupad ng isang priesthood holder ang kanyang mga responsibilidad sa priesthood?

LESSON 9

61

Page 82: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 10

Doktrina at mgaTipan 23–25Pambungad at TimelineSa loob ng ilang araw pagkatapos iorganisa ang Simbahan noong Abril 6, 1830,limang tao ang lumapit kay Propetang Joseph Smith na naghahangad na malamanang kanilang mga tungkulin sa ipinanumbalik na Simbahan. Isang personal nasagot ang ibinigay sa bawat isa sa kanila sa limang magkakasunod na paghahayagna pinagsama kalaunan sa Doktrina at mga Tipan 23.

Noong Hunyo at Hulyo 1830, nagkaroon ng pag-uusig sa Colesville, New York,laban kay Propetang Joseph Smith at iba pang mga miyembro ng Simbahan. Samahirap na panahong ito, pinalakas ng Panginoon ang Propeta at si OliverCowdery sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga paghahayag na nakatalasa Doktrina at mga Tipan 24, kung saan sila ay sinabihang maging matiisin sa mgapaghihirap at patuloy na ipangaral ang ebanghelyo.

Si Emma Smith, ang asawa ng Propeta, ay nabinyagan noong Hunyo 28, 1830.Dahil sa pag-uusig naipagpaliban ang kanyang kumpirmasyon hanggang noongAgosto pagkaraan ng halos dalawang buwan. Noong Hulyo 1830, nagbigay angPanginoon ng paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 25 para kayEmma. Sa paghahayag na ito, sinabi ng Panginoon na si Emma ay isang hinirangna babae at nagbigay ng mga tagubilin tungkol sa kanyang pamilya at mgaresponsibilidad sa Simbahan.

Abril 6, 1830Inorganisa ang ipinanumbalik na Simbahan.

Unang bahagi ng Abril 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 23.

Hunyo 9, 1830Ginanap ang unang kumperensya ng Simbahan sa tahanan ni Peter Whitmer Sr.

Hunyo 28, 1830Nabinyagan si Emma Smith.

Hunyo 28–Hulyo 2, 1830Si Joseph Smith ay inaresto at pinawalang-sala sa pagiging taong mapaggawa nggulo sa South Bainbridge, New York, at muli sa Colesville, New York.

Hulyo 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 24.

Hulyo 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 25.

Agosto 1830Si Emma Smith ay nakumpirmang miyembro ng Simbahan.

62

Page 83: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 23Bilang tugon sa kanilang naising maglingkod, inihayag ng Panginoon ang Kanyangkalooban sa limang indibiduwalSabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon kung saannakatanggap sila ng mga nakapanghihikayat na salita o payo sa oras nakailangang-kailangan nila ito. Maaari mong hilingin sa isa o dalawang estudyantena ibahagi sa klase ang kanilang karanasan.

Ipaliwanag na noong Abril 1830, matapos maorganisa ang Simbahan, limangindibiduwal ang lumapit kay Joseph Smith na nagnanais malaman ang tagubilin ngPanginoon. Bilang tugon sa kanilang naisin, nagbigay ang Panginoon sa bawatindibiduwal ng mga partikular na tagubilin.

Ipabasa nang mabilis sa mga estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 23 at hanapin ang mga pangalan ng limang indibiduwal.

Isulat ang mga sumusunod na scripture reference sa pisara: D at T 23:1–2; D at T23:3; D at T 23:4; D at T 23:5; D at T 23:6–7. I-assign sa bawat estudyante ang isa omahigit pa sa mga reperensyang ito, at sabihin sa kanila na basahin nang tahimikang naka-assign na (mga) talata sa kanila, hinahanap ang payo na ibinigay ngPanginoon sa bawat indibiduwal. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mgaestudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Sa anong mga paraan magkatulad ang payo ng Panginoon sa bawat lalaki? Anoang pagkakaiba?

• Anong alituntunin ang matututuhan natin sa mga tala na ito tungkol samangyayari kapag masigasig nating hinangad na paglingkuran ang Panginoon?(Maaaring matukoy ng mga estudyante ang alituntuning tulad ng sumusunod:Kapag ninais nating paglingkuran ang Panginoon, makatatanggap tayo ngpersonal na tagubilin mula sa Kanya.)

Doktrina at mga Tipan 24Sina Joseph Smith at Oliver Cowdery ay tumanggap ng tagubilin para sa kanilangmga tungkulinIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 24, at sabihin sa klase na alamin kung ano ang nangyari nang maorganisaang Simbahan pagkalipas ng ilang buwan.

Bilang halimbawa ng mga pang-uusig na naranasan ng mga Banal, ipakita angsumusunod na impormasyong pangkasaysayan, at ipabasa ito nang malakas saisang estudyante:

Noong huling bahagi ng Hunyo 1830, si Joseph Smith at iba pa ay naglakbay patungo saColesville, New York, upang binyagan si Emma Smith at ang ilan pang mga nananalig. Pinlanongisagawa ang mga pagbibinyag nang araw ng Linggo, Hunyo 27, ngunit dahil sa tangkang pigilanang pagbibinyag, winasak ng ilang residente sa Colesville ang dam na ginawa ng mga Banal.Noong Lunes ng umaga, ang mga Banal ay nagtipon at agad na kinumpuni ang dam, at

LESSON 10

63

Page 84: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

nabinyagan si Emma Smith at 12 iba pa. Bago matapos ang miting, isang grupo ng halos 50mandurumog ang nagtipon at nagbanta na sasaktan ang mga Banal. Nang gabing iyon,nagpulong ang mga Banal upang kumpirmahin ang mga bagong binyag na miyembro, ngunitbago pa man magawa ang kumpirmasyon, inaresto si Joseph sa maling paratang na siya ayisang taong mapaggawa ng gulo. Nang mapawalang-sala si Joseph sa mga paratang na ito,agad siyang inaresto sa gayon ding paratang ng isang constable mula sa kalapit na bayan.Matapos siyang mapawalang-sala sa ikalawang pagkakataon, sina Joseph at Emma aynaglakbay patungo sa kanilang tahanan sa Harmony, Pennsylvania, para sa kanilang kaligtasan.Hindi nagtagal, bumalik sina Joseph at Oliver Cowdery sa Colesville para ikumpirma ang mgabagong binyag na miyembro. Bago nila magawa ito, nagtipon ang mga mandurumog, atnapilitang muli sina Joseph at Oliver na umalis patungo sa Harmony para sa kanilang kaligtasan.Hindi pa natatagalan matapos silang makauwi noong Hulyo 1830 natanggap ni Joseph Smithang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 24.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 24:1–2 atsabihin sa klase na alamin ang sinabi ng Panginoon sa Propeta habang iniiwasanniya ang mga nang-uusig.

• Anong mga salita o parirala ang maaaring nakapanatag sa Propeta?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 24:3–6, atsabihin sa klase na alamin kung ano ang sinabi ng Panginoon na gawin ni JosephSmith sa mahirap na panahong ito.

• Sa inyong palagay, ano ang ibig sabihin ng pariralang “gawin ang iyongtungkulin” (talata 3)?

• Bakit maaaring mahirap para kay Joseph ang iniutos ng Panginoon na kaagadmagtungo sa mga Banal sa New York?

• Ano ang ipinangako ng Panginoon na mangyayari kung pupunta si Joseph samga Banal sa New York at tatanggapin nila ang kanyang mga salita?

Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Sabihin sa isang grupo na basahin nangtahimik ang Doktrina at mga Tipan 24:7–9, at alamin ang sinabi ng Panginoon namangyayari kung tapat na gagampanan ni Joseph Smith ang kanyang tungkulin.Sabihin sa isa pang grupo na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan24:10–12, at alamin ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kung tapat nagagampanan ni Oliver Cowdery ang kanyang tungkulin. Matapos ang sapat naoras, itanong ang mga sumusunod:

• Ano ang ipinangako ng Panginoon kay Joseph Smith kung tapat niyanggagawin ang kanyang tungkulin?

• Ano ang ipinangako ng Panginoon kay Oliver Cowdery kung tapat niyanggagawin ang kanyang tungkulin?

• Batay sa ipinangako ng Panginoon kina Joseph Smith at Oliver Cowdery, anoang gagawin ng Panginoon para sa atin kung tapat nating gagawin angipinagagawa Niya sa atin? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy angsumusunod na alituntunin: Kung tapat nating gagawin ang ipinagagawa ngPanginoon sa atin, makakasama natin Siya at palalakasin tayo.)

LESSON 10

64

Page 85: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa paanong paraan maaaring nakatulong ang alituntuning ito kina JosephSmith at Oliver Cowdery sa mahirap na panahong ito?

Upang matulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan atkahalagahan ng alituntuning ito, sabihin sa kanila na isipin ang isang pagkakataonna napalakas sila ng Panginoon dahil tapat nilang ginawa ang iniuutos Niya.Anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi ng kanilang mga karanasansa klase.

Damhin ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at alituntuninMatututuhan ng mga estudyante na matukoy at maunawaan ang mga doktrina at alituntunin namatatagpuan sa mga banal na kasulatan; gayon pa man, madalas ay hindi nila naipamumuhayang isang doktrina o alituntunin hangga’t hindi nila nadarama ang katotohanan at kahalagahannito sa pamamagitan ng Espiritu Santo at madama na kinakailangang gawin ito sakanilang buhay.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 24:13–19 na ipinapaliwanag na tinagubilinan ngPanginoon sina Joseph at Oliver hinggil sa mga himalang magagawa nila sakanilang paglilingkod at kung ano ang gagawin nila kapag sinalungat sila ng mgatao. Iniutos din ng Panginoon na dapat maglaan ng suportang temporal angSimbahan sa Propeta upang maiukol niya ang lahat ng panahon at lakas sa gawainng Panginoon.

Doktrina at mga Tipan 25Nagbigay ang Panginoon ng personal na payo at tagubilin para kay Emma SmithIpaliwanag na noong Hulyo 1830, habang nasa Harmony, Pennsylvania, paramakaiwas sa pang-uusig, natanggap ng Propeta ang paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 25. Ang paghahayag na ito ay para sa asawa ni Joseph na siEmma Smith. Maaari mong ipaalala sa mga estudyante na si Emma ay nabinyagannoong Hunyo 1830, ngunit dahil sa mga banta ng mga mandurumog at pag-arestosa kanyang asawa, siya ay hindi pa nakumpirma.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 25:1–4.Sabihin sa klase na maghanap ng mga salita at parirala na maaaringmakapagpanatag kay Emma Smith sa mahirap na panahong ito.

• Anong mga salita ang ginamit ng Panginoon upang ilarawan si Emma?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng mahirang? (“Ang hinirang ay yaongmga nagmamahal sa Diyos nang buo nilang puso at namumuhay sapamamaraang nakasisiya sa Kanya” [Gabay sa mga Banal na Kasulatan,“Hinirang, Pagkakahirang” scriptures.lds.org].)

• Paano maaaring nakatulong kay Emma Smith ang nalaman niya na siya ayisang hinirang na babae sa mga panahong iyon ng paghihirap?

• Ano ang ipinayo ng Panginoon kay Emma?

LESSON 10

65

Page 86: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 25:5–10, at sabihin sa klase na alamin kung ano ang ipinagagawa ngPanginoon kay Emma Smith.

• Ano ang ipinagagawa ng Panginoon kay Emma Smith?

Ipaliwanag na ang salitang oordenan (tingnan sa talata 7) ay madalas gamitin saSimbahan noon upang tukuyin ang mga ordenasyon at pagtatalaga [setting apart].Kaya karaniwang sinasabi na “oordenan” kapwa ang kalalakihan at kababaihan samga tungkulin o calling, at ang ginagamit o itinatawag na natin ngayon para ditoay “set apart” (tingnan sa Joseph Fielding Smith, Church History and ModernRevelation [1947], 1:126). Sabihin sa mga estudyante na noong iorganisa ang ReliefSociety noong 1842, tinawag si Emma Smith na maging unang pangulo ngorganisasyon. Sa kaganapang iyon, binasa ni Propetang Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 25 at sinabi na ang paghahayagay “naisakatuparan sa Pagkakahirang kay Sister Emma Smith sa Panguluhan ng[Relief] Society, siya na inordenan noon na magpaliwanag ng mga Banal naKasulatan” at hikayatin ang Simbahan (“Journal, December 1841–December 1842,”91, josephsmithpapers.org).

• Batay sa sinabi ng Panginoon na gawin ni Emma sa talata 10, ano anginaasahan ng Panginoon na gawin natin? (Inaasahan ng Panginoon sa atin naisantabi muna ang mga bagay ng mundo at hangarin ang mga bagay nawalang hanggan.)

• Sa inyong palagay, ano ang mga bagay ng daigdig na ito na maaaringipinag-alala ni Emma sa panahong ito ng kanyang buhay?

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang katotohanang ito,isulat sa pisara ang mga sumusunod na heading: Mga Bagay ng Daigdig naIsasantabi at Mga Bagay na Walang Hanggan na Hahangarin. Sabihin sa mgaestudyante na magmungkahi ng ilang bagay na maaaring ilista sa ilalim ng bawatheading. Ilista sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante sa ilalim ng angkop naheading.

• Sa inyong palagay, bakit makatutulong sa atin na isantabi ang mga bagay ngdaigdig na ito sa paghahangad natin ng mga bagay na pang-walang-hanggan?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon na isinantabi nila angmga bagay ng daigdig na ito at hinangad ang mga bagay napang-walang-hanggan. Anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi ngkanilang mga karanasan sa klase. (Paalalahanan ang mga estudyante na huwagmagbahagi ng anumang karanasan na napakapersonal.)

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga paraan para maisantabi nila angmga bagay ng daigdig na ito at mahanap ang mga bagay na walang hanggan angkahalagahan. Hikayatin sila na magtakda ng mithiin na kumilos ayon sa anumangmga pahiwatig na natanggap nila.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 25:11–12, atsabihin sa klase na alamin kung ano pa ang iniutos ng Panginoon na gawinni Emma.

LESSON 10

66

Page 87: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga tanong na umaantig ng damdamin at naghihikayat ng patotooMatapos maunawaan ng mga estudyante ang isang doktrina o alituntunin na itinuro sa mgabanal na kasulatan, maaaring magtanong ang mga titser ng mga bagay na maghihikayat sa mgaestudyante na pag-isipan ang nakaraang mga espirituwal na karanasan na nauugnay sa doktrinao alituntuning iyon. Ang mga tanong na ito ay maaaring maging dahilan upang mas malalim namadama ng mga estudyante ang katotohanan ng doktrina at alituntunin at ang kahalagahannito sa kanilang buhay. Kadalasan, ang mga damdaming iyon ay nagdudulot sa puso ng mgaestudyante ng matinding hangarin na ipamuhay nang mas tapat ang isang alituntunin ngebanghelyo.

• Ano ang ipinagagawa ng Panginoon kay Emma?

• Anong alituntunin ang matututuhan natin tungkol sa pagsamba sa Panginoonsa pamamagitan ng musika mula sa mga talatang ito? (Maaaring iba-iba anggamiting salita ng mga estudyante, ngunit dapat nilang matukoy angalituntuning tulad ng sumusunod: Kapag sinamba natin ang Panginoon sapamamagitan ng mabubuting musika, pagpapalain Niya tayo.)

• Sa anong mga paraan maaaring maihalintulad ang “awitin ng puso” (talata 12)sa panalangin?

• Paano maaaring magkaiba ang awitin ng puso at basta pagkanta lamang ngisang himno?

• Anong mga pagpapala ang dumating sa inyong buhay dahil sa pagsamba ninyosa Panginoon sa pamamagitan ng mabuting musika?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni ElderDallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Ang sagradong musika ay may kakaibang kapasidad na maiparating ang atingpagmamahal para sa Panginoon. Ang ganitong uri ng komunikasyon ay malakingtulong sa ating pagsamba. Maraming nahihirapan sa pagpapahayag ngpagsamba sa salita, ngunit lahat ay maaaring magsama-sama sa pagpaparatingng damdaming iyon sa pamamagitan ng mga inspiradong salita ng ating mgahimno” (Dallin H. Oaks, “Worship through Music,” Ensign, Nob. 1994, 10).

Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa o dalawang himno mula sa himnaryona sa palagay nila ay nakatulong sa kanila para maiparating ang kanilangpagmamahal at pagsamba sa Panginoon. Kung may oras pa, maaari mong ipakantaang isa o dalawa sa mga himnong ito sa buong klase. Hikayatin ang mgaestudyante na makibahagi sa pagkanta ng mga himno sa Simbahan at sa iba panglugar bilang pagsamba sa Panginoon.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 25:13–16 na ipinapaliwanag na sinabi ngPanginoon kay Emma Smith na tuparin ang kanyang mga tipan at magpatuloy sakaamuan. Ipinangako rin Niya na kung susundin ni Emma ang mga kautusan,tatanggap siya ng putong ng kabutihan.

LESSON 10

67

Page 88: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Tapusin ang lesson sa pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa kung paanomakapagbibigay sa atin ng patnubay at lakas ng loob ang mga katotohanangnatukoy sa lesson na ito.

LESSON 10

68

Page 89: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 11

Doktrina at mgaTipan 26–28Pambungad at TimelinePagkatapos maorganisa ang Simbahan, naglakbay nang ilang beses si PropetangJoseph Smith patungo sa Harmony, Pennsylvania, at sa mga branch ng Simbahansa New York upang palakasin ang mga miyembro at maitatag ang Simbahan.Noong Hulyo 1830, nagbigay ang Panginoon ng paghahayag na pinapayuhan sinaJoseph Smith, Oliver Cowdery, at John Whitmer kung paano gugugulin angkanilang oras habang naghahanda para sa kumperensya ng Simbahan sa panahonng taglagas. Ang paghahayag na ito, na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 26, aynagbigay ng mga tagubilin para sa mga bagay na espirituwal at temporal at ibapang mga pagtuturo tungkol sa alituntunin ng pangkalahatang pagsang-ayon saSimbahan.

Habang nasa Harmony noong Agosto 1830, naglakbay si Joseph Smith upangkumuha ng alak para sa sakramento nang magpakita sa kanya ang isang sugo mulasa langit. Itinuro sa Propeta ang tungkol sa mga simbolo ng sakramento at angkahalagahan ng pagsusuot ng buong baluti ng Diyos. Ang mga tagubilin nanatanggap niya ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 27.

Dahil sa dumaraming pag-uusig sa Harmony, Pennsylvania, tinanggap nina Josephat Emma Smith ang paanyaya ni Peter Whitmer Sr. na manirahan muli kasama ngkanyang pamilya sa Fayette, New York. Nang makarating sila sa unang bahagi ngSetyembre 1830, nalaman ng Propeta na ipinahayag ni Hiram Page nanakatatanggap ito ng mga paghahayag para sa Simbahan sa pamamagitan ng isangbato. Nagtanong si Joseph sa Panginoon at natanggap ang paghahayag na nakatalasa Doktrina at mga Tipan 28, kung saan nilinaw ng Panginoon ang kaayusan sapagtanggap ng paghahayag kung sino ang dapat tumanggap ng paghahayag parasa Simbahan.

Hunyo 1830Ang pag-uusig ng mga mandurumog sa Colesville, New York, ay nakahadlang sapagkumpirma sa mga bagong binyag.

Hunyo 1830Sinimulan ni Joseph Smith ang inspiradong pagsasalin ng Biblia sa pamamagitanng pagdikta ng “Mga Pangitain ni Moises” (Moises 1).

Hulyo 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 26.

Agosto 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 27.

Agosto 1830Ipinahayag ni Hiram Page na nakatatanggap siya ng mga paghahayag para saSimbahan.

69

Page 90: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga unang araw ng Setyembre 1830Lumipat sina Joseph at Emma Smith sa Fayette, New York.

Setyembre 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 28.

Setyembre 26–28, 1830Idinaos ang ikalawang kumperensya ng Simbahan sa Fayette, New York.

Oktubre 1830Si Oliver Cowdery at ang iba pa ay lumisan para magmisyon sa mga Lamanita.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 26Itinuro ng Panginoon sa Kanyang mga tagapaglingkod ang alituntunin ngpangkalahatang pagsang-ayonSabihin sa mga estudyante na kunwari ay isang kaibigan nila na hindi miyembrong Simbahan ang dumalo na kasama nila sa isang miting kung saansinang-ayunan ang mga lider ng Simbahan.

• Paano ninyo ipaliliwanag sa inyong kaibigan ang tungkol sa pagsang-ayon saSimbahan?

Ipaalala sa mga estudyante na noong tag-init ng 1830, si Joseph Smith at iba pangmga miyembro ng Simbahan ay dumanas ng matinding pang-uusig. Sa isangpagkakataon, hindi natuloy ang pagkumpirma sa ilang bagong binyag dahil sa mgabanta ng mga mandurumog. Dalawang beses inaresto at nilitis si Joseph dahil samga maling paratang. Pagkatapos ng mga pagdakip at paglitis sa kanya sa NewYork, umuwi sina Joseph at Emma sa Harmony, Pennsylvania, kung saannatanggap ni Joseph ang tatlong paghahayag mula sa Panginoon noong Hulyo1830 (tingnan sa D at T 24–26). Sa ikatlong paghahayag (D at T 26), pinayuhan ngPanginoon sina Joseph Smith, Oliver Cowdery, at John Whitmer kung paano dapatgugulin ang kanilang oras at itinuro ang tungkol sa pangkalahatang pagsang-ayon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 26:1, atsabihin sa klase na alamin ang ipinayo ng Panginoon sa Kanyang mgatagapaglingkod kung paano gugugulin ang kanilang oras.

• Ano ang ipinayo ng Panginoon kina Joseph, Oliver, at John tungkol sa gagawinnila sa kanilang oras?

• Ano ang ipinangako ng Panginoon hinggil sa nalalapit na kumperensya ngSimbahan?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan26:2, at alamin ang mga tagubiling ibinigay ng Panginoon tungkol sa paraan kungpaano pamahalaan ang mga gawain ng Simbahan.

• Anong doktrina ang ipinahayag ng Panginoon sa talata 2 tungkol sa paraankung paano dapat gawin ang lahat ng bagay sa Simbahan? (Tulungan ang mgaestudyante na matukoy ang sumusunod na doktrina: Ang lahat ng bagay saSimbahan ay dapat gawin sa pamamagitan ng pangkalahatangpagsang-ayon at pananampalataya.)

LESSON 11

70

Page 91: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang ibig sabihin ng “pangkalahatang pagsang-ayon”? (Ang“pangkalahatang pagsang-ayon” ay tumutukoy sa paggamit ng mga miyembrong Simbahan ng kanilang kalayaan na ipahayag ang kanilang pagsang-ayon ohindi pagsang-ayon sa isang tao na tinawag ng Panginoon na maglingkod saKanyang Simbahan o maordenan sa isang katungkulan sa priesthood. Angpangkalahatang pagsang-ayon ay ipinapakita sa pamamagitan ng pagtataas ngkanang kamay.)

• Ano ang pagkakaiba ng pangkalahatang pagsang-ayon at ng pagboto opagpapasiya sa pamamagitan ng boto ng nakararami?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong HenryB. Eyring ng Unang Panguluhan. Sabihin sa klase na pakinggankung ano ang ibig sabihin kapag ipinapakita natin ang ating pangkalahatangpagsang-ayon:

“Sa ating boto ng pagsang-ayon, tapat tayong nangangako. Nangangako tayongipanalangin ang mga lingkod ng Panginoon at na gagabayan at palalakasin Niyasila (tingnan sa D at T 93:51). Nangangako tayo na hahangarin at aasahan natingmadama ang inspirasyon mula sa Diyos sa kanilang payo at tuwing gagampanannila ang kanilang tungkulin (tingnan sa D at T 1:38). …

“Sa pagtaas natin ng kamay para sang-ayunan ang isang tao, nangangakotayong tumulong sa anumang layon ng Panginoon na isakatuparan ng taong iyon” (Henry B.Eyring, “Tinawag ng Diyos at Sinang-ayunan ng mga Tao,” LIahona, Hunyo 2012, 4).

• Paano maaaring maging isang pagpapala at proteksyon para sa Simbahan angpangkalahatang pagsang-ayon?

Doktrina at mga Tipan 27:1-4Itinuro kay Joseph Smith ang mga katotohanan hinggil sa mga simbolo ngsakramentoSabihin sa mga estudyante na isipin ang tungkol sa kanilang pinakahulingkaranasan sa pagtanggap ng sakramento. Sabihin sa kanila na tahimik na i-ratekung gaano naging makabuluhan ang karanasang iyon sa scale na 1 hanggang 10,na ang 1 ay pinaka-hindi makabuluhan at ang 10 ay pinakamakabuluhan.

• Ano ang magagawa ng isang tao para maging mas espirituwal at makabuluhanang pagtanggap ng sakramento? (Isulat sa pisara ang mga sagot ng mgaestudyante.)

Sabihin sa mga estudyante na alamin ang mga katotohanan sa pag-aaral nila ngDoktrina at mga Tipan 27 na makatutulong sa kanila na gawing mas espirituwal atmakabuluhang karanasan ang pagtanggap nila ng sakramento.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngDoktrina at mga Tipan 27, ipaliwanag na noong Agosto 1830, binisita nina Newelat Sally Knight sina Joseph at Emma sa Harmony, Pennsylvania. Sina Sally atEmma ay nabinyagan noong Hunyo 28, 1830, ngunit hindi pa sila nakumpirmadahil sa pang-uusig ng mga mandurumog. Sa pagbisita ng mga Knight,

LESSON 11

71

Page 92: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

napagpasiyahang kumpirmahin na sina Sally at Emma at na magkakasamangtumanggap ng sakramento ang grupo.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang section heading ngDoktrina at mga Tipan 27, at alamin kung ano ang nangyari nang umalis angPropeta para kumuha ng alak para sa sakramento.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 27:1–4, at sabihin sa klase na alamin ang inihayag ng sugo mula salangit kay Joseph Smith tungkol sa sakramento.

• Ano ang itinuro ng sugo kay Joseph Smith tungkol sa dapat nating kainin oinumin bilang mga simbolo ng sakramento?

• Ayon sa talata 2, ano ang dapat nating pagtuunan kapag tumatanggap tayo ngsakramento? (Kapag tumatanggap tayo ng sakramento, iniuutos sa atin nadapat nating ituon ang ating mata sa kaluwalhatian ng Diyos at alalahaninang nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo. Maaari mong sabihin samga estudyante na markahan ang mga salitang nagtuturo ng doktrinang ito satalata 2.)

• Ano ang ibig sabihin ng ang mata ay nakatuon sa kaluwalhatian ng Diyos?(Magtuon sa Kanya at iayon ang ating kalooban sa Kanya.)

• Paano nakatulong ang pagninilay-nilay sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas saoras ng sakramento para magkaroon kayo ng mas espirituwal at makabuluhangkaranasan tungkol dito?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang magagawa nila upang mas lalongmaalaala ang sakripisyo ni Jesucristo at tumanggap ng sakramento na ang “mata aynakatuon sa kaluwalhatian [ng Diyos]” (D at T 27:2). Hikayatin sila na gawin angnaisip nila sa susunod na tumanggap sila ng sakramento.

Doktrina at mga Tipan 27:5–18Inilarawan ng Panginoon ang isang malaking pagtitipon ng kanyang mgatagapaglingkod mula sa lahat ng dispensasyon na tatanggap ng sakramento bagoang Kanyang Ikalawang PagparitoIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 27:5, atsabihin sa klase na alamin kung ano ang sinabi ng Panginoon na gagawin Niyakapag muli Siyang dumating.

Sabihin sa mga estudyante na sa Doktrina at mga Tipan 27:5–14, nalaman niJoseph Smith na ang matatapat na Banal sa bawat dispensasyon ay tatanggap ngsakramento kasama ng Tagapagligtas bilang bahagi ng isang malaking pagtitiponsa Adan-ondi-Ahman bago pumarito ang Tagapagligtas sa kaluwalhatian. Ipabasanang mabilis sa mga estudyante ang mga talatang ito at ipahanap ang ilan sa mgaiyon na makikibahagi.

• Ayon sa talata 14, sino ang tatanggap ng sakramento kasama ng Tagapagligtas?

Pagkatapos sumagot ng mga estudyante, ipakita ang sumusunod na pahayag niElder Bruce R. McConkie (1915–1985) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

LESSON 11

72

Page 93: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“Bawat matapat na tao sa buong kasaysayan ng mundo, bawat taong nabuhayna karapat-dapat sa buhay na walang hanggan sa kaharian ng Ama ay dadalo atmakikibahagi sa sakramento, kasama ng Panginoon” (Bruce R. McConkie, ThePromised Messiah [1978], 595).

• Ano ang mararamdaman ninyo kung makakasama ninyo ang Tagapagligtas sapagtanggap ng sakramento?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 27:15–18, atsabihin sa klase na alamin kung ano ang dapat nating gawin para matamo ang mgapagpapala ng Panginoon, pati ang pagiging karapat-dapat na makasama angPanginoon sa sagradong miting na ito. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi angnalaman nila.

• Anong alituntunin ang matutukoy ninyo sa mga talata 15–18 tungkol sa mgapagpapalang tatanggapin natin kapag isinuot natin ang buong baluti ng Diyos?(Bagama’t maaari silang gumamit ng iba pang mga salita, dapat matukoy ngmga estudyante ang sumusunod na alituntunin: Kung isusuot natin angbuong baluti ng Diyos, mapaglalabanan natin ang kasamaan atmananatiling tapat hanggang sa pagparito ng Panginoon.)

• Ano ang maaari ninyong gawin para maisuot ang baluti ng Diyos sa bawataraw? Paano kayo matutulungan ng mga bagay na ito para mapaglabanan angkasamaan at manatiling tapat?

• Sa inyong palagay, bakit mahalagang magsuot tayo ng buong baluti ng Diyos athindi lamang ang isang bahagi nito?

Ibahagi ang iyong patotoo kung paano nakaapekto sa iyong pananampalataya atkakayahang mapaglabanan ang kasamaan ang pagsisikap mong isuot ang baluti ngDiyos. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang maaari nilang gawin paralaging maisuot ang buong baluti ng Diyos. Hikayatin sila na gawin ang anumangpahiwatig na matanggap nila.

Doktrina at mga Tipan 28Nalaman ni Oliver Cowdery na tanging ang propeta lamang ang makatatanggap ngpaghahayag para sa SimbahanIpaliwanag na dahil sa tumitinding pag-uusig sa Harmony, Pennsylvania,tinanggap nina Joseph at Emma ang paanyaya ni Peter Whitmer Sr. na manirahankasama ng kanyang pamilya sa Fayette, New York. Pagkarating ng mga Smith saFayette noong Setyembre 1830, kaagad naharap sa isa pang mahirap na sitwasyonang Propeta. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ngDoktrina at mga Tipan 28. Sabihin sa mga estudyante na tahimik na sumabay sapagbasa at alamin ang mahirap na sitwasyon na kinaharap ng Propeta sapagkakataong ito.

• Sa inyong palagay, anong mga problema ang idinulot ng pahayag ni HiramPage na nakatatanggap siya ng mga paghahayag para sa Simbahan?

LESSON 11

73

Page 94: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ituro sa section heading na maging “si Oliver Cowdery ay nahikayat” sa sinabi niHiram Page tungkol sa pagtanggap nito ng paghahayag. Ipaliwanag na bukod pa saproblema kay Hiram Page, isang naunang pangyayari na kinasangkutan ni OliverCowdery ang nagbigay-diin sa pangangailangang ituro ng Panginoon sa mga Banalang tamang kaayusan sa pagtanggap ng paghahayag sa Kanyang Simbahan o kungsino ang dapat tumanggap ng paghahayag para sa Kanyang Simbahan. Noongmatatapos na ang tag-init ng 1830, sumulat si Oliver kay Propetang Joseph Smithat sinabing naisip niyang mali ang isang scripture passage sa paghahayag nanakatala ngayon sa Doktrina at mga Tipan 20. Isinulat ni Oliver sa Propeta:“Iniuutos ko sa iyo sa pangalan ng Diyos na burahin mo ang mga salitang iyon”(Manuscript History of the Church, vol. A-1, p. 51, josephsmithpapers.org).Bagama’t kalaunan ay nakumbinsi ni Joseph na nagkamali si Oliver sa kanyangpaghahangad na itama ang isang paghahayag mula sa Panginoon sa Kanyangpropeta, ipinapakita ng pangyayaring ito na kailangang maunawaan ng mga Banalkung paano inihahayag ng Panginoon ang Kanyang kalooban sa KanyangSimbahan.

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa isang estudyante sa bawatmagkapartner na pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 28:1–3 at sa mga kapartnernila na pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 28:4–8. Sabihin sa mga estudyantena basahin nang tahimik ang kanilang mga talata, at alamin ang itinuro ngPanginoon para matulungan ang mga Banal na maunawaan kung paanodumarating ang paghahayag sa Simbahan. Sabihin sa mga estudyante na talakayinsa kanilang kapartner ang nalaman nila. Matapos ang sapat na oras, itanongsa klase:

• Anong mahalagang doktrina tungkol sa paghahayag ang matutukoy natin satalata 1–3? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara angsumusunod na doktrina: Tanging ang Pangulo ng Simbahan lamang angmakatatanggap ng paghahayag para sa buong Simbahan.)

• Anong katotohanan tungkol sa paghahayag ang matututuhan natin sa talata4–8? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunodna katotohanan: Maaari tayong makatanggap ng paghahayag para sa atingsariling kapakinabangan at para matulungan tayo sa ating mgatungkulin.)

• Paano maaaring nakatulong ang mga katotohanang ito kay Oliver Cowdery atsa iba pa na nalinlang ng di-umano’y mga paghahayag na natanggap niHiram Page?

• Paano maaaring makatulong sa ating panahon ang pag-unawa sa mgakatotohanang ito?

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang halimbawa nang tumanggap ngpaghahayag ang Pangulo ng Simbahan para sa buong Simbahan. Sabihin din samga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon nang tumanggap sila ngpaghahayag para sa sarili nilang kapakanan o para humingi ng tulong para sakanilang mga tungkulin. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi sa klase ang mganaisip nila.

LESSON 11

74

Page 95: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 28:9–16 na sinasabi sa mga estudyante na sa mgatalatang ito iniutos ng Panginoon kay Oliver Cowdery na sabihin kay Hiram Pagena ang di-umano’y mga paghahayag ay hindi mula sa Diyos at siya ay nalinlang niSatanas. Muling inulit ng Panginoon ang kahalagahan ng paggawa ng lahat ngbagay sa Simbahan sa pamamagitan ng pangkalahatang pagsang-ayon.

Ipaliwanag na matapos matanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na ito,nagdaos siya ng kumperensya noong Setyembre 26 at inilagay sa kaayusan angSimbahan. Sa kumperensya, “Si Brother Page, gayundin ang mga miyembro ngSimbahan na naroon, ay iwinaksi na ang nasabing bato at lahat ng bagay na maykaugnayan dito” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 229).

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa mga katotohanang natukoy ninyo sa lessonna ito.

LESSON 11

75

Page 96: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 12

Doktrina at mga Tipan 29Pambungad at TimelineNoong Setyembre 1830, bago ginanap ang ikalawang kumperensya ng Simbahansa Fayette, New York, inasahan ng ilang miyembro ng Simbahan na malapit nangmatupad ang mga propesiya sa Aklat ni Mormon tungkol sa Sion at ang pagtitiponng mga hinirang ng Diyos. Isang grupo ng anim na elder at tatlo pang miyembrong Simbahan ang nagpulong at nagtanong sa Panginoon tungkol sa mgapropesiyang ito. Bilang tugon sa kanilang pagtatanong, natanggap ni PropetangJoseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 29. Sapaghahayag na ito, itinuro sa kanila ng Panginoon ang tungkol sa pagtitipon ngmga hinirang ng Tagapagligtas bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito at ang atingpagkatubos mula sa Pagkahulog nina Adan at Eva sa pamamagitan ngPagbabayad-sala ni Jesucristo.

Hunyo–Oktubre 1830Idinikta ni Joseph Smith ang Moises 1–5 habang ginagawa niya ang inspiradongpagsasalin ng mga unang kabanata ng Genesis.

Agosto–Setyembre 1830Ang mga miyembro ng Simbahan ay nalito sa di-umano’y mga paghahayag niHiram Page.

Setyembre 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 29.

Setyembre 1830Ang Doktrina at mga Tipan 28 ay natanggap (maaaring matapos matanggap angDoktrina at mga Tipan 29).

Setyembre 26–28, 1830Idinaos ang ikalawang kumperensya ng Simbahan sa Fayette, New York.

Oktubre 1830Umalis si Oliver Cowdery at ang kanyang mga missionary companion paramagmisyon sa mga Lamanita.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 29:1–29Titipunin ni Jesucristo ang mga hinirang sa paghahanda para sa Kanyang IkalawangPagparitoBago magklase, isulat sa pisara ang mga sumusunod na salita: pagdurusa atkapanglawan.

Kapag nagsimula na ang klase, sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag kungpaano magagamit ang mga salitang ito upang ilarawan ang ating panahon at mgaaraw hanggang sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.

Ipaliwanag na bagama’t maaaring mabalisa ang ilang tao sa pagdurusa atkapanglawan na nangyayari at mangyayari sa daigdig, naghayag ang Panginoon ng

76

Page 97: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

mga katotohanan na gagabay at tutulong sa atin sa mahihirap na panahong ito.Sabihin sa mga estudyante na alamin ang mga katotohanan sa pag-aaral nila ngDoktrina at mga Tipan 29 na nagtuturo kung ano ang dapat nilang gawin paramaprotektahan mula sa mga panahon ng pagdurusa at kapanglawan atmapaghandaan ang mga ito.

Ipaliwanag na noong Setyembre 1830, bago ginanap ang isang kumperensya ngSimbahan sa Fayette, New York, anim na elder at tatlo pang miyembro ngSimbahan ang nagtipon upang talakayin ang ilang paksa, kabilang ang paglabagnina Adan at Eva at ang propesiya tungkol sa pagtatatag ng Sion (tingnan sa Isaias52:8; 3 Nephi 16:18; 21:22–24.) Sila ay nagkaisang nanalangin hinggil sa mgapaksang ito, at bilang tugon, ibinigay ng Panginoon kay Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 29.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 29:1–3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang sinabi ngPanginoon na gagawin Niya para sa Kanyang mga tao.

• Ano ang sinabi ng Panginoon na gagawin Niya para sa Kanyang mga tao?

Magpakita sa mga estudyante ng isang larawan ng inahing manok na tinitipon angkanyang mga sisiw.

• Paano maitutulad ang Tagapaglitassa inahing manok na nagtitipon ngmga sisiw nito sa ilalim ng mgapakpak nito? (Nais ng Panginoon natipunin at protektahan tayo dahilmahal Niya tayo.)

• Anong alituntunin ang matutukoynatin sa talata 2 hinggil sa dapatnating gawin upang matipon ngTagapagligtas? (Bagama’t maaarisilang gumamit ng ibang salita,dapat matukoy ng mga estudyante na kapag nakinig tayo sa tinig ngTagapagligtas, nagpakumbaba ng ating sarili, at nagsumamo sa Diyos sapanalangin, titipunin at poprotektahan tayo ng Tagapagligtas. Isulat sapisara ang alituntuning ito.)

• Ano ang ibig sabihin ng “makikinig” sa tinig ng Tagapagligtas?

• Ano ang ilang bagay na kailangang maprotektahan tayo sa ating panahon?

Sabihin sa dalawang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ngDoktrina at mga Tipan 29:3–8, at sabihin sa klase na tahimik na sumabay sapagbasa, at alamin kung ano ang ipinagagawa ng Panginoon sa mga elder.

• Ayon sa talata 4, 7–8, ano ang ipinagagawa ng Panginoon sa mga elder?(Ipahayag ang ebanghelyo upang matipon ang mga hinirang ng Panginoon.)

Ipaliwanag na noong ibigay ang paghahayag na ito, kaunti pa lang ang mgamiyembro ng Simbahan at iniutos sa mga Banal na magtipon sa “isang lugar”(D at T 29:8). Gayunman, sa patuloy na pagdami ng mga miyembro ng Simbahan,

LESSON 12

77

Page 98: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

iniutos ng Panginoon sa mga Banal na manatili sa kanilang sariling lupain atmagtipon sa kani-kanyang lugar. Ngayon, nagtitipon tayo kasama ang iba pangmga Banal sa mga stake ng Sion kung saan tayo nakatira.

• Ayon sa talata 7, paano inilarawan ng Panginoon ang mga hinirang?

Sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang doktrinang itinuro sa talata 8 hinggil sadahilan kung bakit tinitipon ng Panginoon ang Kanyang mga hinirang. (Dapatmatukoy ng mga estudyante na tinitipon ng Panginoon ang mga hinirangupang sila ay maging handa sa lahat ng bagay para sa panahon ng pagdurusaat kapanglawan na darating sa masasama. Isulat sa pisara ang doktrinang ito.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “maging handa sa lahat ng bagay”(talata 8)?

• Sa inyong palagay, bakit makatutulong sa atin ang pagtitipon kasama ang ibangmga Banal sa paghahanda natin sa panahon ng pagdurusa?

• Saang mga lugar tayo ngayon natitipon bilang mga Banal na tutulong sa atin namapaghandaan ang pagdurusa?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 29:9–13 na ipinapaliwanag na sa mga talatang itoipinahayag ng Tagapagligtas na muli Siyang magbabalik sa mundo sa“kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (talata 11), na ang masasama aymasusunog sa Kanyang pagdating, at ang mabubuti ay mananahan kasama Niyanang isandaang libong taon sa mundo.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan29:14–21, at alamin ang mga pagdurusa na magaganap sa mga huling araw. Bagomagbasa ang mga estudyante, ipaliwanag na karamihan sa inilarawan sa talata18–21 ay mangyayari sa masasamang hukbo na nagtipon laban sa Israel sa hulingdigmaan ng Armagedon (tingnan sa D at T 29:21; tingnan din sa mga chapterheading ng Ezekiel 36–39 at ng Zacarias 12–14). Sabihin sa ilang estudyante naibahagi ang nalaman nila.

• Bakit gugustuhin ninyong matipon bilang isa sa mga hinirang ng Tagapagligtaskapag nangyari ang mga pagdurusang ito?

Ipaliwanag na kahit na titipunin ang mga hinirang at naghanda para sa pagdurusasa mga huling araw, hindi ibig sabihin nito ay matatakasan na nila ang lahat ngpaghihirap. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayagni Propetang Joseph Smith (1805–1844), na nagpaliwanag kung bakit ang ilan samabubuti ay maaapektuhan ng mga pangyayari sa mga huling araw:

“Maling isipin na matatakasan ng mga Banal ang lahat ng paghatol, habangnagdurusa ang masasama; sapagkat ang lahat ng laman ay kailangangmagdusa, at ‘ang mabubuti ay bahagyang makakatakas’ [tingnan sa D at T63:34]; gayunman maraming Banal ang makakatakas, sapagkat ang mga matwiday mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya [tingnan sa Habacuc 2:4];subalit maraming mabubuting magiging biktima ng sakit, salot, at kung anu-ano

pa, dahil sa kahinaan ng laman, subalit maliligtas sa Kaharian ng Diyos” (Mga Turo ng mgaPangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 294).

LESSON 12

78

Page 99: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Magpatotoo na kung pipiliin nating matipon sa Panginoon, magiging handa tayo samga pagdurusa at kapanglawan na mangyayari sa mga huling araw.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 29:17, atsabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano angmangyayari sa mga taong ayaw magsisi at makinig sa tinig ng Panginoon.

• Ayon sa talata 17, ano ang mangyayari sa mga taong ayaw magsisi at makinigsa tinig ng Panginoon? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisarang sumusunod na alituntunin: Kung hindi tayo magsisisi at makikinig satinig ng Panginoon, hindi tayo malilinis ng Kanyang nagbabayad-salangdugo.)

• Ano ang ilang halimbawa kung paano natin maririnig ang tinig ng Panginoon?(Maaaring kasama sa posibleng mga sagot ang pagsunod sa buhay na propeta,pag-aaral ng mga banal na kasulatan, at pagsunod sa mga panghihikayat ngEspiritu Santo.)

• Ano ang ilan sa mga bunga ng hindi pagiging malinis sa pamamagitan ngPagbabayad-sala ni Jesucristo?

Upang matulungan ang mga estudyante na masagot ang tanong na ito, ibuod angDoktrina at mga Tipan 29:22–29 na ipinapaliwanag na inihayag ng Panginoon kungano ang mangyayari sa katapusan ng Milenyo, pati na ang Pagkabuhay na Mag-uling mga patay at ang Huling Paghuhukom sa mabubuti at masasama. Ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang paglalarawan ng Panginoon sa HulingPaghuhukom sa talata 27.

• Ano ang mangyayari sa mga taong nalinis sa kanilang mga kasalanan? Ano angmangyayari sa mga hindi nalinis at nanatili sa kanilang mga kasalanan?

Magpatotoo na ang pinakamahalagang paghahanda na magagawa ng isang taopara sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo at para sa Huling Paghuhukom ay angmakinig sa Tagapagligtas, magsisi, at maging malinis mula sa kasalanan.

Ipabasa muli nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 29:4, 7.Ituon ang pansin ng mga estudyante sa tatlong alituntunin na nakasulat sa pisara,at itanong:

• Bakit napakahalaga ng utos ng Panginoon na ipahayag ang ebanghelyo attumulong sa pagtipon ng Kanyang mga hinirang batay sa mgakatotohanang ito?

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang maaari nilang gawin paramatipon sa Panginoon at para matulungan din ang iba na matipon sa Tagapagligtasat sa Kanyang Simbahan. Hikayatin sila na gawin ang anumang pahiwatig namatanggap nila.

Ipamuhay ang mga doktrina at alituntuninMatapos matukoy, maunawaan, at madama ng mga estudyante ang katotohanan atkahalagahan ng isang doktrina o alituntuning natagpuan sa mga banal na kasulatan, dapathikayatin ng mga titser ang mga estudyante na ipamuhay ang katotohanang iyon.

LESSON 12

79

Page 100: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Naipamumuhay ng mga estudyante ang doktrina at mga alituntunin kapag sila ay nag-iisip,nagsasalita, at namumuhay ayon sa kanilang natutuhan. Kapag ginagawa ito ng mgaestudyante, tatanggap sila ng mga ipinangakong pagpapala at magkakaroon ng malalim napagkaunawa at patotoo sa mga katotohanang ito.

Doktrina at mga Tipan 29:30–50Inihayag ng Tagapagligtas na tinubos Niya tayo mula sa Pagkahulog at binibigyanNiya tayo ng kaligtasan mula sa ating mga kasalananIpaalala sa mga estudyante na ang Doktrina at mga Tipan 29 ay tugon sa maliit nagrupo ng mga elder at iba pang mga miyembro ng Simbahan na nagtipon upangtalakayin ang ilang paksa ng doktrina, kabilang ang Pagkahulog nina Adan at Eva.May ilan sa grupo na iba ang pananaw tungkol sa paglabag nina Adan at Eva saHalamanan ng Eden.

Isulat sa pisara ang salitang Paglikha. Ipabasa nang malakas sa isang estudyanteang Doktrina at mga Tipan 29:30–33. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sapagbasa at alamin ang itinuro ng Panginoon tungkol sa Paglikha.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga turo sa mgatalatang ito, sabihin sa kanila na pagkatapos makumpleto ang Paglikha, sina Adanat Eva, ang mundo, at lahat ng bagay sa mundo ay nasa espirituwal na kalagayan.Ibig sabihin nito ay kahit may pisikal na katawan sina Adan at Eva, hindi silamortal (hindi daranas ng kamatayan) at makapananahan sa piling ng Diyosmagpakailanman. Gayunman, bilang bahagi ng plano ng Ama sa Langit, lahat ngKanyang mga nilikha ay naging temporal, o mortal, dahil sa Pagkahulog.Pagkatapos ng Pagkabuhay na mag-uli, babalik sila sa espirituwal nakalagayan—pisikal ngunit imortal din.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 29:34–35.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano ang itinurong Panginoon tungkol sa Kanyang mga kautusan, pati na ang iniutos Niya kinaAdan at Eva sa Halaman ng Eden na huwag kainin ng bunga ng punungkahoy ngkaalaman ng mabuti at masama.

• Ano ang matututuhan natin mula sa mga talatang ito tungkol sa lahat ngkautusan ng Diyos, pati sa iniutos Niya kina Adan at Eva na huwag kaininang bunga?

Isulat sa pisara ang Ang Pagkahulog, at sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sapagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan 29:36–41. Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang itinuro ng Panginoon tungkol saPagkahulog nina Adan at Eva.

• Ano ang ilang kinahihinatnan ng Pagkahulog? (Higit sa lahat, dahil saPagkahulog tayo ay daranas ng espirituwal at pisikal na kamatayan.)

Ipaliwanag na sa talata 41 itinuro ng Panginoon na dahil sa paglabag nina Adan atEva, sila ay pinaalis sa Halamanan ng Eden at sa presensya ng Panginoon. Angpagkahiwalay sa presensya ng Diyos ay tinatawag na espirituwal na kamatayan.Dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, lahat ay mabubuhay na mag-uli at

LESSON 12

80

Page 101: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

ibabalik sa presensya ng Diyos upang hatulan. Ang mga taong sadyangnaghimagsik laban sa katotohanan ay iwawaksi sa kinaroroonan ng Diyos atdaranas ng pangalawang espirituwal na kamatayan.

Isulat sa pisara ang salitang Pagbabayad-sala. Ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang Doktrina at mga Tipan 29:42–45, at sabihin sa klase na tahimik nasumabay sa pagbasa, at alamin kung ano ang sinabi ng Panginoon na gagawinNiya para kay Adan at sa kanyang mga binhi. Sabihin sa ilang estudyante naibahagi ang nalaman nila.

• Ayon sa talata 42–43 ano ang ibibigay ng Tagapagligtas sa mga taong maypananampalataya sa Kanya at nagsisi ng kanilang mga kasalanan? (Matapossumagot ang mga estudyante, isulat ang sumusunod na alituntunin sa pisara:Sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, si Jesucristo aymagbibigay ng kapatawaran at buhay na walang hanggan sa lahat ngmananampalataya sa Kanya at magsisisi ng kanilang mga kasalanan.)

• Ayon sa talata 44–45, ano ang mangyayari sa mga taong hindi nagsisisi ngkanilang mga kasalanan?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 29:46–50 na ipinapaliwanag na ipinahayag ngTagapagligtas na dahil hindi mananagot ang maliliit na bata at yaong walangkakayahang makaunawa, sila rin ay matutubos sa pamamagitan ng KanyangPagbabayad-sala.

Magpatotoo na dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, madaraig ng bawat isa saatin ang temporal na kamatayan sa pamamagitan ng Pagkabuhay na Mag-uli. Sapamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, mapaglalabanan din natin angespirituwal na kamatayan kung tayo ay magsisisi sa ating mga kasalanan atmakikinig sa tinig ng Tagapagligtas.

Sabihin sa mga estudyante na ipamuhay ang natutuhan nila sa araw na ito sapamamagitan ng pagpiling makinig sa tinig ng Tagapagligtas, magsisi sa kanilangmga kasalanan, at matipon sa Kanya.

LESSON 12

81

Page 102: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 13

Doktrina at mgaTipan 30–34Pambungad at TimelinePagkatapos ng ikalawang kumperensya ng Simbahan na ginanap noong Setyembre1830, sa Fayette, New York, agad na nakatanggap si Propetang Joseph Smith ngmga paghahayag para kina David Whitmer, Peter Whitmer Jr., at John Whitmer.Ang mga paghahayag na ito ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 30. Noongpanahon ding iyon, tinawag din ng Panginoon si Thomas B. Marsh para mangaralng ebanghelyo at tumulong sa pagtatatag ng Simbahan. Kasama rin sa pagtawagna ito na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 31, ang mga pangako at payo nagagabay sa kanya bilang missionary at sa kanyang personal na buhay.

Noong Oktubre 1830, natanggap ng propeta ang paghahayag na nakatala ngayonsa Doktrina at mga Tipan 32, kung saan tinawag ng Panginoon sina Parley P. Prattat Ziba Peterson na sumama kina Oliver Cowdery at Peter Whitmer Jr. sa isangmisyon sa mga Lamanita sa kanlurang Missouri. Sa isa pang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 33, tinawag ng Panginoon sina Ezra Thayre atNorthrop Sweet para ipangaral ang ebanghelyo.

Ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 34 ay ibinigay noongNobyembre 1830. Dito ay pinuri ng Panginoon si Orson Pratt dahil sa kanyangpananampalataya at iniutos sa kanya na ipangaral ang ebanghelyo bilangpaghahanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.

Tag-init 1830Binasa ni Parley P. Pratt ang Aklat ni Mormon at nabinyagan.

Setyembre 1830Lumipat si Thomas B. Marsh at ang kanyang pamilya sa Palmyra, New York mulasa Boston, Massachusetts, at siya ay nabinyagan.

Setyembre 19, 1830Biniyagan si Orson Pratt ng kanyang nakatatandang kapatid na si Parley.

Setyembre 26–28, 1830Idinaos ang ikalawang kumperensya ng Simbahan sa Fayette, New York.

Mga Huling Araw ng Setyembre 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 30–31.

Oktubre 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 32–33.

Oktubre 1830Si Oliver Cowdery at ang kanyang mga kasama ay umalis para magmisyon sa mgaLamanita.

Nobyembre 4, 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 34.

82

Page 103: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 30Itinuro ng Panginoon kina David, Peter Jr., at John Whitmer ang tungkol sa kanilangpaglilingkod bilang missionarySabihin sa mga estudyante na umisip ng isang isyu na ang popular na opinyontungkol dito ay salungat sa mga turo ng Panginoon at ng Kanyang mga propeta.Sabihin sa mga estudyante na isipin kung sinikap ba nila o ng isang taong kilalanila, na alamin o gawin ang tama hinggil sa isyung ito.

Sa pag-aaral ng mga estudyante ng Doktrina at mga Tipan 30 ngayon, hikayatinsila na maghanap ng mga alituntunin na maaaring gumabay sa kanila sa mgasitwasyong ito.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 30. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung parakanino ito ibinigay ng Panginoon at kailan ito ibinigay.

Ipaliwanag na bagama’t isa si David Whitmer sa Tatlong Saksi at naging tapat samaraming paraan, siya ay nalinlang ng huwad na pahayag ng kanyang bayaw na siHiram Page na nakatatanggap ito ng pagpapahayag sa pamamagitan ng isang batoat sa maikling panahon ay sinuportahan niya si Hiram sa bagay na ito. Ang usapintungkol sa mga huwad na paghahayag ni Hiram Page ay nasagot na ng Panginoon(tingnan sa D at T 28) at tinalakay sa katatapos na kumperenya noon. Si HiramPage at ang mga sumuporta sa kanya, kabilang si David Whitmer, aymapagkumbabang kinilala ang kanilang mga pagkakamali at iwinaksi angnasabing bato at ang mga huwad na paghahayag.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 30:1–4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon kay David Whitmer pagkatapos ng kumperensya.

• Ayon sa mga talata 1–2, bakit pinagsabihan ng Panginoon si David Whitmer?

Sabihin sa mga estudyante na muling basahin nang tahimik ang talata 3, at alaminang ibinunga ng ginawa ni David dahil sa kanyang pagkakamali.

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “iniwan” si David “upang magtanongpara sa [kanyang] sarili”?

• Paano ninyo ibubuod ang pagwiwika ng Panginoon kay David Whitmer sa mgatalata 1–3 bilang isang alituntunin? (Dapat matukoy ng mga estudyante angalituntuning tulad ng sumusunod: Kung pinahahalagahan natin ang opinyonng iba at ang mga bagay ng mundo nang higit sa patnubay ng Espiritu atng mga tagapaglingkod ng Panginoon, tayo ay maiiwan upang magtanongpara sa ating sarili. Gamit ang mga salitang isinagot ng mga estudyante, isulatsa pisara ang alituntuning ito.)

• Ano ang ilang halimbawa ng mga paraan na maaaring umasa tayo sa mgataong hindi pinili ng Diyos sa halip na pakinggan ang mga tagapaglingkod ngPanginoon at ang patnubay ng Espiritu? (Maaaring kasama sa halimbawa angpagtitiwala sa opinyon ng nakararami, hindi mapagkakatiwalaang

LESSON 13

83

Page 104: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

impormasyon sa internet, mga pananaw ng pamilya at kaibigan, o sa atingsariling kaalaman at katalinuhan.)

• Paano tayo nito mabilis na malilinlang, gaya ng ginawa nito kay DavidWhitmer?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 30:5–8.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano angipinayo ng Panginoon na gawin ng kapatid ni David na si Peter Whitmer Jr. Sabihinsa ilang estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ayon sa talata 8, ano ang ipinangako ng Panginoon kay Peter Whiter Jr. kunghindi siya matatakot, tatalima sa payo ni Oliver Cowdery, at masigasig nasusundin ang mga kautusan?

• Batay sa mga talatang ito, ano ang ibibigay na pagpapala sa atin ng Panginoonkung tatalima tayo sa Kanyang mga salita sa pamamagitan ng Kanyang mgatagapaglingkod at masigasig na susundin ang mga kautusan? (Tulungan angmga estudyante na matukoy ang sumusunod na alituntunin: Kapag tumalimatayo sa mga salita ng Panginoon na ibinigay sa Kanyang mgatagapaglingkod at masigasig na sinunod ang Kanyang mga kautusan, tayoay pagkakalooban ng buhay na walang hanggan.)

• Paano nauugnay ang alituntuning ito sa katotohanang natukoy natin sa mgatalata 1–3?

• Sa inyong palagay, sa paanong paraan nakatutulong sa atin ang pagtalima samga salita ng Panginoon na ibinigay sa pamamagitan ng Kanyang mgatagapagligkod para matamo natin ang buhay na walang hanggan?

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung gaano sila tumatalima sa mga salita ngmga tagapaglingkod ng Panginoon. Sabihin sa kanila na isipin kung ano angmaaari nilang gawin para mas makatalima sila sa kanilang mga salita.

Bigyan ang mga estudyante ng oras sa klase na mapag-isipan kung paanoipamumuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo.Bigyan ang mga estudyante ng oras sa klase na mapagnilayan, mapag-isipan, o maisulat angnaunawaan at nadama nila sa oras ng lesson at makaisip ng gagawin para maipamuhay angmga alituntunin na kanilang natutuhan.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 30:9–11.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang ipinayo ngPanginoon kay John Whitmer. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi angnalaman nila.

Doktrina at mga Tipan 31–32Tinawag ng Panginoon sina Thomas B. Marsh, Parley P. Pratt, at Ziba Peterson upangipangaral ang ebanghelyoSabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon na gumawa sila oang isang taong kilala nila ng mga sakripisyo para mapaglingkuran ang Panginoon,

LESSON 13

84

Page 105: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

marahil bilang missionary o iba pang tungkulin sa Simbahan. Sabihin sa mgaestudyante na isipin ang mga paraan na maaaring maging pagpapala angpaglilingkod na ito sa kanilang pamilya. Sa pag-aaral ng mga estudyante ngDoktrina at mga Tipan 31, sabihin sa kanila na maghanap ng isang alituntunin natutulong sa kanila na maunawaan kung paano mapagpapala ang mga miyembrong ating pamilya kapag naglingkod tayo sa Panginoon.

Ipaliwanag na ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 31 ay ibinigaysa isang bagong binyag na nagngangalang Thomas B. Marsh pagkatapos ngkumperensya ng Simbahan na idinaos noong Setyembre 1830. Nalaman niThomas B. Marsh ang tungkol sa Panunumbalik ng ebanghelyo at sa Aklat niMormon noong 1829 nang maglakbay siya sa Palmyra, New York. Mataposmaorganisa ang Simbahan, inlipat niya ang kanyang asawa at maliliit na anak saPalmyra, mula sa Boston, Massachusetts, kung saan siya bininyagan at inordenanbilang elder ni Oliver Cowdery noong Setyembre 1830.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 31:1–6, atsabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon sa bagong miyembrong ito.

• Ano ang ipinagawa ng Panginoon kay Thomas B. Marsh?

• Bakit ang pagkakaroon ng maliliit na anak sa pamilya ay maaaring magingdahilan para mahirapan ang isang tao gaya ni Thomas na sundin ang tawag ngPanginoon na magmisyon?

• Ayon sa talata 2, anong pagpapala ang ipinangako ng Panginoon kay Thomashinggil sa kanyang pamilya?

• Batay sa ipinangako ng Panginoon kay Thomas B. Marsh, ano ang maaasahannatin na gagawin ng Panginoon para sa ating pamilya kapag tapat tayongnaglingkod sa Kanya? (Maaaring makatukoy ang mga estudyante ng ilangalituntunin, ngunit tiyakin na matukoy nila na kapag tapat tayongnaglilingkod sa Panginoon, mapagpapala ang mga miyembro ng atingpamilya.)

Ipaalala sa mga estudyante na pinagpapala ng Panginoon sa magkakaibang paraanang mga pamilya ng Kanyang mga tagapaglingkod. Sa ilang pagkakataon, angpaglilingkod at halimbawa ng isang tapat na Banal sa mga Huling Araw aymakatutulong sa mga miyembro ng pamilya na matanggap ang mga pagpapala ngebanghelyo, gaya ng ipinangakong pagpapala para sa pamilya ni Thomas B. Marsh.Gayunman, dahil iginagalang ng Panginoon ang kalayaan ng Kanyang mga anak,hindi Niya pipilitin ang sinuman na maniwala sa Kanyang ebanghelyo.Gayunpaman, pagkakalooban Niya ang mga miyembro ng pamilya ng mga yaongnaglilingkod sa Kanya ng lahat ng pagkakataon para mabuksan ang puso nila saebanghelyo.

• Paano kayo napagpala at ang inyong pamilya dahil tapat na naglingkod saPanginoon ang isang miyembro ng inyong pamilya?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 31:7–13 na ipinapaliwanag na sa mga talatangito, ipinangako ng Panginoon na sasamahan Niya si Brother Marsh kapag nangaralito ng ebanghelyo. Pinayuhan din siya ng Panginoon na maging mapagtiis sa mga

LESSON 13

85

Page 106: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

pagdurusa, na humayo kung saanman siya isugo ng Mang-aaliw, at lagingmanalangin.

Ipaalam sa mga estudyante na isang buwan matapos matanggap ang paghahayagna ito, natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatala ngayon sa Doktrinaat mga Tipan 32. Sa paghahayag na ito, tinawag ng Panginoon sina Parley P. Pratt atZiba Peterson na sumama kina Oliver Cowdery at Peter Whitmer Jr. sa misyon samga Lamanita sa kanlurang Missouri. Nangako rin ang Panginoon na sasamahanNiya ang kalalakihang ito sa kanilang gawain bilang missionary.

Doktrina at mga Tipan 33–34Tinawag ng Panginoon sina Ezra Thayre, Northrop Sweet, at Orson Pratt upangipahayag ang ebanghelyoIpaliwanag na noong Oktubre 1830, natanggap din ni Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 33, kung saan tinawag ngPanginoon sina Ezra Thayre at Northrop Sweet upang ipahayag ang ebanghelyo. Sapaghahayag na ito, itinuro ng Panginoon sa mga lalaking ito kung bakit silatinawag na mangaral ng ebanghelyo at kung paano nila ito gagawin.

Hatiin sa dalawang grupo ang klase. Sabihin sa unang grupo na basahin nangtahimik ang Doktrina at mga Tipan 33:1–6, at alamin ang mga dahilan kung bakitnais ng Panginoon na ibahagi nina Ezra Thayre at Northrop Sweet ang ebanghelyo.Sabihin sa pangalawang grupo na basahin nang tahimik ang Doktrina at mgaTipan 33:7–12, at alamin kung paano ituturo nina Ezra Thayre at Northrop Sweetang ebanghelyo.

• Bakit iniutos kina Ezra Thayre at Northrop Sweet na ipangaral ang ebanghelyo?

• Ano ang mga itinagubilin ng Panginoon sa mga lalaking ito tungkol sa paraankung paano ipangangaral ang ebanghelyo?

Sabihin sa mga estudyante na ibuod ang inulit na payo at pangako ng Panginoonkina Ezra at Northrop na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 33:8–10 bilang isangalituntunin. (Dapat matukoy ng mga estudyante ang isang alituntunin katulad ngsumusunod: Kapag ibinuka o binukas natin ang ating bibig sa pagbabahagi ngebanghelyo, tutulungan tayo ng Espiritu Santo na malaman ang sasabihinnatin.)

• Bakit mahalaga sa atin na maniwala sa pangakong ito kapag ninais natingibahagi sa iba ang ebanghelyo?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon na tinulungan sila ngPanginoon na malaman ang sasabihin nila nang ibuka nila ang kanilang bibigupang magbahagi ng ebanghelyo. Ipabahagi sa ilang estudyante ang kanilang mgakaranasan.

• Paano napagpala ang inyong buhay dahil sa isang tao na nagkalakas ng loob naibuka ang kanyang bibig at ibahagi sa inyo ang mga katotohanan ngipinanumbalik na ebanghelyo?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 33:12–18 na ipinapaliwanag na sinabihan ngPanginoon sina Ezra Thayre at Northrop Sweet na dapat nilang tandaan na tuparinang kanilang mga tipan at ang mga banal na kasulatan ay ibinigay sa kanila para sa

LESSON 13

86

Page 107: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

kanilang ikatututo. Pinayuhan din sila ng Panginoon na maging tapat at maginghanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 34, at sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kungsino ang napagpapala kapag ibinuka ng isang tao ang kanyang bibig paramagbahagi ng ebanghelyo.

Ipaliwanag na dahil sa maralitang kalagayan ng pamilya ni Orson Pratt,pinagtrabaho siya ng kanyang mga magulang sa edad na 11 sa sakahan ng ibangmga magsasaka para may matirhan. Sa loob ng halos siyam na taon, nagtrabaho siOrson bilang upahang manggagawa sa iba’t ibang magsasaka. Noong taglagas ng1829, nagsimulang manalangin nang taimtim si Orson na patnubayan siya ngDiyos. Kapag tulog na ang iba, pupunta siya sa sakahan o kakahuyan atmananalangin nang maraming oras para malaman ang kalooban ng Panginoonpara sa kanya. Nagpatuloy siya sa kanyang mga panalangin hanggang noongSetyembre 1830, nang ang kanyang kapatid na si Parley, na kabibinyag pa lamang,ay naglakbay patungo sa silangan upang ibahagi ang kanyang bagong relihiyon sakanyang pamilya. Kaagad na naniwala si Orson sa mensahe ng Panunumbalik atnabinyagan. Sa loob ng ilang linggo, naglakbay siya nang 200 milya patungo saFayette, New York, sa pagnanais na malaman ang kalooban ng Panginoon sapamamagitan ni Propetang Joseph Smith.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan34:1–4, at alamin kung paano tinawag ng Panginoon si Orson Pratt.

• Sa inyong palagay, bakit tinawag ng Panginoon si Orson Pratt sa gayongmagiliw na paraan?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 34:5–11 na ipinapaliwanag na tinawag ngPanginoon si Orson Pratt na ipangaral ang ebanghelyo upang maihanda ang daanpara sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa mga katotohanang itinuro sa lesson na ito.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 31:6–13. Ang payo ng Panginoon kay Thomas B. MarshSabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan 31:6–13, at alamin ang karagdagang payo ngPanginoon sa bagong miyembro na si Thomas B. Marsh. Hikayatin ang mga estudyante na pumili ng isang payo napinaka-napansin nila.

Habang tahimik na nagbabasa ang mga estudyante, isulat ang mga sumusunod na tanong sa pisara:

Anong payo mula sa mga talatang ito ang pinaka-napansin ninyo?

Paano magiging pagpapala sa inyo at sa iba ang pagsunod sa payo na ito?

Anyayahan ang ilang estudyante na gustong magbahagi ng kanilang mga sagot sa klase.

LESSON 13

87

Page 108: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 14

Doktrina at mga Tipan35–36; 39–40Pambungad at TimelineNoong taglamig ng 1830, sina Sidney Rigdon at Edward Partridge ay naglakbaymula sa Ohio patungo sa New York upang makilala si Propetang Joseph Smith.Narinig ng dalawang lalaking ito ang ipinanumbalik na ebanghelyo na ipinangaralnina Oliver Cowdery, Parley P. Pratt, Ziba Peterson, at Peter Whitmer Jr. sa Kirtland,Ohio. Nang dumating sina Sidney at Edward sa Fayette, nakatanggap agad siJoseph Smith ng mga paghahayag para sa bawat isa sa kanila. Sa paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 35, binigyan ng Panginoon si Sidney Rigdon ngmga partikular na responsibilidad sa kapanunumbalik na Simbahan. Sapaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 36, tinawag ng Panginoon siEdward Partridge na mangaral ng ebanghelyo.

Makalipas ang ilang linggo, si James Covel, na mga 40 taon nang Methodistminister, ay bumisita kay Propetang Joseph Smith at nakipagtipan sa Panginoon nasusundin ang anumang kautusan na ibibigay sa kanya sa pamamagitan ng Propeta.Dahil dito, noong Enero 5, 1831, natanggap ng Propeta ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 39. Dito ay iniutos ng Panginoon kay JamesCovel na magpabinyag at ipangaral ang ipinanumbalik na ebanghelyo. Gayunman,isang araw matapos matanggap ang paghahayag, umalis si James Covel sa Fayette,New York at “binalikan ang kanyang dating mga prinsipyo at mga tao”(Manuscript History of the Church, vol. A-1, p. 92, josephsmithpapers.org).Pagkatapos ay ibinigay ng Panginoon kay Joseph Smith ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 40, ipinapaliwanag na si James Covel ay “takotna mausig at ang mga alalahanin ng sanlibutan ang naging dahilan upang kanyangitatwa ang salita [ng Diyos]” (D at T 40:2).

Oktubre 29, 1830Ipinangaral nina Oliver Cowdery, Parley P. Pratt, Ziba Peterson, at Peter Whitmer Jr.ang ebanghelyo sa hilagang-silangang Ohio sa loob ng ilang linggo.

Mga unang araw ng Disyembre 1830Naglakbay sina Sidney Rigdon at Edward Partridge mula sa Ohio papuntang NewYork upang makilala si Propetang Joseph Smith.

Disyembre 7, 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 35.

Disyembre 9, 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 36.

Disyembre 11, 1830Si Edward Partridge ay bininyagan ni Joseph Smith.

Enero 2, 1831Ginanap ang ikatlong kumperensya ng Simbahan, at ipinahayag ni Joseph Smithna magtitipon ang mga Banal sa Ohio.

88

Page 109: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Enero 1831Nakilala ni James Covel, isang Methodist minister, si Joseph Smith.

Enero 5, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 39.

Enero 6, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 40.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 35Tinawag ng Panginoon si Sidney Rigdon para sa isang mas mahalagang gawainBago magklase, isulat ang sumusunod na tanong sa pisara: Ano ang naranasan ninyona nakatulong sa inyo na malaman na kilala kayo ng Panginoon at may plano Siya parasa buhay ninyo?

Kapag nagsimula na ang klase, anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi ngkanilang mga karanasan sa klase.

Sa pag-aaral ng mga estudyante ng Doktrina at mga Tipan 35 ngayon, sabihin sakanila na hanapin ang katotohanan na nagpapakita na kilala sila ng Panginoon atmay plano Siya para sa buhay nila.

Ipaliwanag na noong taglagas ng 1830, sina Oliver Cowdery, Parley P. Pratt, ZibaPeterson, at Peter Whitmer Jr. ay umalis mula sa New York patungo sa kanilangmisyon sa kanlurang Missouri (tingnan sa D at T 32). Nahikayat ni Parley P. Prattang grupo na tumigil sa Kirtland, Ohio, noong maglakbay sila. Habang naroon,ibinahagi nila ang ipinanumbalik na ebanghelyo kay Sidney Rigdon, isang kakilalani Parley at isang Reformed Baptist minister, at sa mga miyembro ng kanyangkongregasyon. Sa maikling panahon, nabinyagan si Sidney Rigdon at ang mahigit120 katao sa Kirtland, tinatayang nagpadoble sa dami ng mga miyembro ngSimbahan. Dahil gustong makilala si Propetang Joseph Smith, si Sidney Rigdon atang kanyang kaibigan na si Edward Partridge ay naglakbay patungo sa Fayette,New York, at dumating roon sa mga unang araw ng Disyembre 1830. Nangmakarating sila sa Fayette, nagpahayag ng pagnanais si Sidney na malaman angkalooban ng Panginoon hinggil sa kanya. Bilang tugon sa kanyang tanong,natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 35.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan35:1–3, at alamin kung ano ang sinabi ng Panginoon kay Sidney Rigdon.

• Anong mga salita o parirala ang nagpapakita na kilala ng Panginoon si Sidney?

• Ano ang itinuturo ng talata 3 sa atin tungkol sa nalalaman at kalooban ngPanginoon sa atin? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat angsumusunod na doktrina sa pisara: Kilala tayo ng Panginoon at tinutulungantayo na makapaghanda para sa gawaing ipinagagawa Niya sa atin.)

Upang matulungan ang iyong mga estudyante na mas maunawaan at madama angkahalagahan ng doktrinang ito, idispley ang sumusunod na pahayag ni Pangulong

LESSON 14

89

Page 110: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Ang inyong buhay ay binabantayang mabuti, na katulad ng buhay ko. Parehongalam ng Panginoon ang kailangan Niyang ipagawa sa inyo at ang kailanganninyong malaman. Siya ay mabait at alam Niya ang lahat. Kaya umasa atmagtiwala kayo na naghanda Siya ng mga oportunidad para sa inyo upangmatuto kayo bilang paghahanda sa paglilingkod na inyong ibibigay. Hindi ninyolubos na matutukoy ang mga oportunidad na iyon, katulad ko. Ngunit kapag

inuna ninyo ang mga espirituwal na bagay sa inyong buhay, ituturo sa inyo kung ano ang dapatninyong matutuhan, at mahihikayat kayo na lalo pang magsikap. Matatanto ninyo kalaunan naang kakayahan ninyong maglingkod ay naragdagan, at magpapasalamat kayo” (Henry B. Eyring,“Education for Real Life,” Ensign, Okt. 2002, 18–19).

• Ayon kay Pangulong Eyring, ano ang ilang paraan ng Panginoon para maihandatayo sa gawaing ipagagawa Niya sa atin?

• Ano ang maaari nating gawin para lalo pang magabayan ng Panginoon upangmaging handa tayo na gawin ang Kanyang gawain?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 35:4–6.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang “masmahalagang gawain” (D at T 35:3) na inihanda ng Panginoon para gawin niSidney Rigdon.

• Ayon sa talata 4, paano nakatulad ni Sidney si Juan Bautista? (Ipaliwanag natulad ni Juan, inihanda ni Sidney ang mga tao sa pamamagitan ng kanyangpaglilingkod upang marinig at tanggapin nila ang kabuuan ng ebanghelyo niJesucristo. Karamihan, kung hindi man lahat, sa tinatayang 120 katao na unangnabinyagan sa Kirtland ay mga miyembro ng kongregasyon ng ReformedBaptist ni Sidney.)

• Ayon sa talata 6, ano ang bahagi ng “mas mahalagang gawain” na iyon naipagagawa ng Panginoon kay Sidney?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 35:7–12 na ipinapaliwanag na sinabi ngPanginoon kay Sidney Rigdon ang tungkol sa dakilang gawain ng Panunumbalikng ebanghelyo. Itinuro ng Panginoon na gumagawa Siya ng “mga himala, tanda, atkababalaghan” alinsunod sa pananampalataya ng “yaong maniniwala sa [Kanyang]pangalan” (talata 8).

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan35:13–14, at alamin ang mga katangian ng mga yaong tinatawag ng Panginoon natumulong sa Kanyang gawain at kung ano ang gagawin ng Panginoon paramatulungan sila. Bago magbasa ang mga estudyante, ipaliwanag na ang ibigsabihin ng “himayin” ay ihiwalay ang butil mula sa tangkay at ipa nito. Anganalohiyang ito ay tumutukoy sa gawain ng Panginoon na tipunin ang mga taonghanda nang tanggapin ang ebanghelyo at ihiwalay sila sa mga taong hindi pahanda. (Paalala: Sa 2013 English edition ng Doktrina at mga Tipan, ang salitangthrash sa talata 13 ay pinalitan ng thresh para ipakita ang mga salitang ginamit saorihinal na paghahayag.)

LESSON 14

90

Page 111: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Anong doktrina ang natukoy natin sa talata 13 tungkol sa mga tinawag ngPanginoon upang maisakatuparan ang Kanyang gawain? (Maaaring iba-iba angsalitang gamitin ng mga estudyante, ngunit kailangang matukoy nila angsumusunod na doktrina: Tinatawag ng Diyos ang mahihina upangisakatuparan ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng kapangyarihan ngKanyang Espiritu.)

• Sa inyong palagay, bakit maaaring ituring na mahihina ang mga tagapaglingkodng Diyos?

• Ayon sa talata 14, ano ang ipinangako ng Panginoon na gagawin Niya para samga yaong naglilingkod sa Kanya?

• Sa inyong palagay, paano maaaring makatulong kay Sidney Rigdon ang mgakatotohanang itinuro sa talata 13–14 sa bahaging ito ng kanyang buhay?Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang kahulugan para sa kanila ngmga katotohanang ito sa kasalukuyan nilang kalagayan.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 35:17–27 na ipinapaliwanag na sinabi ngPanginoon kay Sidney Rigdon na Kanyang pinagpala si Joseph Smith sa kahinaannito. Tinawag din ng Panginoon si Sidney Rigdon na bantayan ang Propeta,tulungan siya sa gawain ng pagsasalin ng Biblia, ipangaral ang ebanghelyo, attuparin ang mga tipang kanyang ginawa.

Doktrina at mga Tipan 36Pinatawad ng Panginoon si Edward Partridge at tinawag siya na mangaral ngebanghelyoIpaliwanag na noong dumating ang mga missionary sa Ohio noong taglagas ng1830, naniwala sa mensahe nila ang karamihan sa mga miyembro ng kongregasyonni Sidney Rigdon, pati si Lydia Partridge, at nabinyagan kalaunan. Ang asawa niLydia na si Edward Partridge, ay nag-alangan pa at gustong makilala ang Propetabago siya pumayag magpabinyag. Matapos magtungo sa New York at makausapang Propeta, ninais ni Edward na magpabinyag. Dalawang araw bago siyabinyagan, binigyan siya ng Panginoon ng paghahayag sa pamamagitan ni JosephSmith. Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 36 na ipinapaliwanag na pinatawad ngPanginoon ang mga kasalanan ni Edward at tinawag siya na mangaral ngebanghelyo. Sinabi niya kay Edward na ang Espiritu Santo ang magtuturo sa kanyang “mga mapayapang bagay ng kaharian” (D at T 36:2).

Pagbubuod ng mahabang scripture block o grupo ng mgascripture passageSa pamamagitan ng pagbubuod ng mga segment ng scripture block sa halip na tanggalin angmga ito, matutulungan mo ang mga estudyante na patuloy na maunawaan nang malinaw sakanilang isipan ang pangyayari at konteksto sa tala. Ang pagbubuod ay naglalaan ng pundasyonpara sa pagtuklas at pag-unawa ng mga alituntunin o doktrina na makikita kalaunan sa scriptureblock. Nakatutulong din ang pagbubuod na mapanatili ang integridad at daloy ng mensahe nginspiradong awtor.

LESSON 14

91

Page 112: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 39Iniutos ni Jesucristo kay James Covel na magpabinyag at gumawa saKanyang ubasanIpakita ang sumusunod na pahayag ni Sister Linda K. Burton, Relief SocietyGeneral President:

“Ang pagtupad ng mga tipan ay mahalaga para tunay na lumigaya” (Linda K.Burton, “Ang Kapangyarihan, Galak, at Pagmamahal sa Pagtupad ng Tipan,”Ensign o Liahona, Nov. 2013, 113).

• Kung ang pagtupad sa ating mga tipan ay nagdudulot ng kaligayahan, bakit sainyong palagay nilalabag o iniisip labagin ito kung minsan ng mga tao?

Sa pag-aaral ng mga estudyante ng Doktrina at mga Tipan 39–40, sabihin sa kanilana maghanap ng mga alituntunin na tutulong sa kanila na manatiling tapat sakanilang mga tipan sa Panginoon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 39, at sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kungpara kanino ang paghahayag na ito at kung bakit ito ibinigay.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 39:1–6 na ipinapaliwanag na sinimulan niJesucristo ang paghahayag na ito sa pagtuturo na pagkakalooban Niya ngkapangyarihan ang mga yaong tumanggap sa Kanya na maging Kanyang mga anakna lalaki at babae sa espirituwal. Tinatanggap natin Siya kapag tinatanggap natinang Kanyang ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsisisi, pagpapabinyag, atpagtanggap ng Espiritu Santo.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 39:7–12. Sabihin sa kalahati ng klase na alamin ang ipinayo ngPanginoon na gawin ni James Covel. Sabihin sa natitirang kalahati ng klase naalamin ang ipinangako sa kanya ng Panginoon kung siya ay susunod. Sabihin samga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “matwid ngayon sa harapan” ngPanginoon ang puso ni James Covel? (talata 8).

• Bakit maaaring kailanganin ni James Covel ng malaking pananampalataya paramasunod ang utos ng Tagapagligtas na tanggapin ang ipinanumbalik naebanghelyo at magpabinyag? (Dahil si James Covel ay isang Methodist minister,kung siya ay mabibinyagan tatalikuran niya ang kanyang posisyon, mgakasamahan, at suweldo na tinamasa niya sa nakalipas na mahigit 40 taon.)

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 39:13–24 tinawag ng Panginoon si JamesCovel na mangaral ng ebanghelyo sa Ohio. Itinuro rin sa kanya ng Panginoon kungano ang ituturo at paano ito ituturo.

LESSON 14

92

Page 113: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 40Inihayag ng Panginoon kung bakit hindi tinanggap ni James Covel ang Kanyangmga salitaSabihin sa mga estudyante na isang araw matapos matanggap ni Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 40, umalis si James Covel saFayette nang hindi nabibinyagan. Ayon kay Joseph Smith, “hindi tinanggap” niJames “ang salita ng Panginoon, at binalikan ang kanyang dating mga prinsipyo atmga tao” (Manuscript History of the Church, vol. A-1, p. 92,josephsmithpapers.org).

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan40:1–3 at alamin kung bakit hindi sinunod ni James Covel ang salita ng Panginoon.Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ikumpara ang Doktrina at mga Tipan 40:1 sa Doktrina at mga Tipan 39:8. Anoang nagbago?

• Batay sa nalaman ninyo tungkol kay James Covel, ano ang maaaring mangyarikung magpapadala tayo sa takot at madaraig ng mga alalahanin ng sanlibutan?(Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod naalituntunin: Ang takot na mausig at ang mga alalahanin ng sanlibutan aymaaaring maging dahilan para hindi natin tanggapin ang salita ng Diyosat labagin ang ating mga tipan sa Kanya.)

Sabihin sa mga estudyante na talakayin sa isang kapartner kung paano nilasasagutin ang sumusunod na tanong:

• Sa paanong paraan nagiging dahilan ang takot na mausig at ang mgaalalahanin ng sanlibutan para hindi natin tanggapin ang mga turo ng Diyos atlabagin ang ating mga tipan sa Kanya?

Matapos ang sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang kanilangmga sagot sa klase.

• Ano ang nakatulong sa inyo para mapaglabanan ang takot na mausig at angmga alalahanin ng sanlibutan upang manatiling tapat sa Diyos at sa inyongmga tipan?

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang maaari nilang gawin para hindimatulutan ang takot na mausig o ang mga alalahanin ng sanlibutan namakahadlang sa pamumuhay nila nang tapat ayon sa ebanghelyo. Hikayatin sila nagawin ang anumang pahiwatig na matanggap nila.

Mga Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 35:13–14. “Ang mahihinang bagay ng sanlibutan”Matapos basahin at talakayin ng mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 35:14, ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsumusunod na pahayag ni Pangulong James E. Faust (1920–2007) ng Unang Panguluhan:

LESSON 14

93

Page 114: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“May dakilang gawain ang Panginoon para sa bawat isa sa atin. Maaari kayong magtaka kung paano ito nangyari.Maaari ninyong isipin na walang espesyal o napakahusay tungkol sa inyo o sa inyong kakayahan. …

“Makagagawa ang Panginoon ng kakaibang mga himala sa isang taong ordinaryo ang kakayahan ngunitmapagpakumbaba, tapat, at masigasig sa paglilingkod sa Panginoon at hangad paghusayin ang sarili. … Ito ay dahilang Diyos ang tunay na pinagmumulan ng kapangyarihan” (James E. Faust, “Acting for Ourselves and Not BeingActed Upon,” Ensign, Nob. 1995, 47).

Doktrina at mga Tipan 36:2. “Mga mapayapang bagay ng kaharian”Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 36:1–3. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa,at alamin ang ipinagawa ng Panginoon kay Edward Partridge.

Ipaliwanag na ang “mga mapayapang bagay ng kaharian” ay ang mga alituntunin ng ebanghelyo, na, kung susundin, ayhumahantong sa kapayapaan.

Doktrina at mga Tipan 35:39–40. Sidney Rigdon at James CovelPaghambingin si Sidney Rigdon at si James Covel. Paano nagkatulad ang kanilang sitwasyon? Ano ang pagkakaiba ng tugon nila saipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo?

• Kailan ninyo nakita na gumawa ang Panginoon sa pamamagitan ng isang tao na mayroong ordinaryong kakayahan?

• Ano ang ipinagawa ng Panginoon kay Edward Partridge?

• Anong katotohanan ang matutukoy natin sa talata 2 tungkol sa mga bagay na ituturo sa atin kapag natanggap natin angEspiritu Santo sa ating buhay? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang alituntuning tulad ng sumusunod: Kung tinanggapnatin ang Espiritu Santo sa ating buhay, tuturuan Niya tayo ng mga mapayapang bagay ng kaharian ng Diyos.)

• Sa palagay ninyo, bakit kailangan ang kaloob na Espiritu Santo sa pagtulong sa atin na matutuhan ang mga mapayapangbagay ng kaharian ng Diyos?

• Ano ang mga halimbawa ng mga alituntunin ng ebanghelyo na, kung susundin, ay hahantong sa kapayapaan?

LESSON 14

94

Page 115: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 15

Doktrina at mga Tipan37–38, 41Pambungad at TimelineNoong huling bahagi ng Disyembre 1830, patuloy na ginawa ni Propetang JosephSmith ang inspiradong pagsasalin ng Biblia. Sa panahong ito, natanggap ni Josephang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 37. Sa paghahayag na ito,iniutos ng Panginoon sa Propeta na pansamantalang isantabi ang pagsasalin ngBiblia at sa halip ay ipangaral ang ebanghelyo at palakasin ang Simbahan. Iniutosdin Niya na magtipon ang mga Banal sa Ohio.

Sa kumperensya ng Simbahan na idinaos noong Enero 2, 1831, ibinalita ni JosephSmith ang utos ng Panginoon na magtipon ang mga Banal sa Ohio. Marami sa mgaBanal ang nagnais na malaman pa ang tungkol sa utos na ito, kaya’t nagtanong angPropeta sa Panginoon sa oras ng kumperensya. Natanggap ni Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 38 sa harapan ng kongregasyon.Sa paghahayag na ito, inihayag ng Panginoon ang mga dahilan kung bakit Niyainiutos sa mga Banal na magtipon sa Ohio at ipinaliwanag ang mga pangakongpagpapala sa paggawa nito.

Tinanggap ng karamihan sa mga Banal ang utos na ito at nagsimulang maghandasa paglipat sa Ohio. Nang malapit nang matapos ang Enero 1831, si PropetangJoseph Smith, ang kanyang asawang si Emma, at iba pa ay naglakbay patungo saOhio at dumating sa Kirtland sa mga unang araw ng Pebrero. Noong Pebrero 4,natanggap ni Joseph ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 41,kung saan iniutos ng Panginoon sa Propeta at sa iba pang mga lider ng Simbahanna manalangin upang matanggap ang Kanyang batas. Bukod pa rito, tinawag ngPanginoon si Edward Partridge bilang unang bishop ng Simbahan.

Disyembre 1830Nagsimulang maging tagasulat ni Joseph Smith si Sidney Rigdon sa panahongisinasalin ang Biblia.

Disyembre 1830Habang isinasalin ang Biblia, natanggap ni Joseph Smith ang isang bahagi ngsinaunang talaan ni Enoc (Moises 7).

Disyembre 1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 37.

Enero 2, 1831Sa ikatlong kumperensya ng Simbahan, ibinalita ni Joseph Smith na magtitiponang mga Banal sa Ohio.

Enero 2, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 38.

95

Page 116: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Enero–Pebrero 1831Lumipat sina Joseph at Emma Smith sa Kirtland, Ohio, at dumating sa unangbahagi ng Pebrero.

Pebrero 4, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 41.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 37Iniutos ng Panginoon sa Kanyang Simbahan na magtipon sa OhioSabihin sa mga estudyante na isipin ang ilan sa mga kautusan na pakiramdam nilaay madaling sundin. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na isipin ang ilan sa mgakautusan na pakiramdam nila ay mahirap sundin.

Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga katotohanan sa pag-aaral nila ngDoktrina at mga Tipan 37–38 na tutulong sa kanila na magkaroon ng lakas nasundin ang mga kautusan ng Diyos kahit maaaring mahirap gawin ito.

Ipaliwanag na matapos makilala ang Propeta noong mga unang araw ngDisyembre 1830, si Sidney Rigdon ay nanatili sa Fayette at, sa utos ng Panginoon,ay naging kasama at tagasulat ni Joseph Smith habang ginagawa ni Joseph angpagsasalin ng Biblia. Kalaunan ng buwang iyon, natanggap ni Joseph Smith mulasa Panginoon ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 37.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 37:1–4, atsabihin sa klase na alamin kung ano pa ang iniutos ng Panginoon na gawin niPropetang Joseph Smith.

• Ano ang ipinagawa kay Joseph?

• Sa inyong palagay, bakit sinabi ng Panginoon kay Joseph na palakasin lalo naang mga Banal sa Colesville? (Kung kailangan, ipaalala sa mga estudyante nanakaranas ng tumitinding pag-uusig ang mga Banal sa Colesville.)

• Anong kautusan ang ibinigay ng Panginoon sa mga Banal sa talata 3?

• Ano ang maaaring itugon ng mga Banal sa utos ng Panginoon na lumipat salugar na mga 300 milya ang layo nang hindi lubos na nalalaman angdahilan nito?

Doktrina at mga Tipan 38:1–22Ipinahayag ng Panginoon na nalalaman Niya ang lahat ng bagay at tiniyak sa mgaBanal na Siya ay kasama nilaIpaliwanag na noong Enero 2, 1831, matapos matanggap ni Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 37, ang mga Banal ay nagpulongsa Fayette, New York, para sa ikatlong kumperensya ng Simbahan. Sakumperensyang ito, tinalakay ng mga miyembro at lider ng Simbahan ang utos ngPanginoon na magtipon sa Ohio. Nagpahayag ng pag-aalala ang ilang miyembrong Simbahan tungkol sa iniutos sa oras ng kumperensya.

• Ano sa palagay ninyo ang inalala ng ilan sa mga Banal na ito?

LESSON 15

96

Page 117: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na dahil nag-aalala at nagnanais ang mga naroon sa kumperensya namalaman pa ang tungkol sa utos na magtipon sa Ohio, nagtanong si Joseph Smithsa Panginoon. Sa harapan ng mga Banal, natanggap ni Joseph ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 38.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 38:1–7. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alaminang sinabi ng Panginoon sa mga Banal na maaaring nagpalakas ng kanilangpananampalataya at pagtitiwala sa Kanya at sa Kanyang utos na magtipon sa Ohio.Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano ang inihayag ng Panginoon tungkol sa Kanyang sarili sa talata 2 at 7 namakatutulong upang mapatibay ang ating pagtitiwala at pananampalataya saKanya? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat ang sumusunod nadoktrina sa pisara: Dahil nalalaman ni Jesucristo ang lahat ng bagay atnakikita ang lahat ng bagay, maaari tayong manampalataya at magtiwalasa Kanya.)

• Paano kaya nakatulong sa mga Banal ang doktrinang ito na sundin ang mahirapna utos na lumipat?

• Paano kaya makatutulong sa atin ang doktrinang ito kapag mayroong mahirapna iniuutos sa atin ang Panginoon?

Ituro ang pariralang “Ako rin ang yaong kumuha ng Sion ni Enoc sa akingsinapupunan” sa talata 4, at ipaliwanag na bago natanggap ang paghahayag na ito,ginagawa ni Joseph Smith ang inspiradong pagsasalin ng Biblia at nakatala ngayonsa Moises 6–7 sa Mahalagang Perlas. Nakatala sa mga kabanatang ito ang tungkolsa propetang si Enoc at sa kanyang mga tao. Dahil sa kanilang kabutihan atpagkakaisa, tinawag ng Panginoon ang mga tao na ito na Sion. Habang inihahandang Panginoon ang mga Banal sa panahon ni Joseph Smith para maitayo ang Sion,itinuro Niya sa kanila ang tungkol kay Enoc at sa mga sinaunang tao ng Sion. Angmga alituntunin ng pagkakaisa, kabutihan, at pagkalinga sa mga maralita, nanalaman ng mga Banal mula sa tala tungkol sa mga tao ni Enoc sa Moises 7, aymuling binanggit ng Panginoon sa bahagi 38 bilang mga alituntunin kung saanitatayo ang Sion sa mga huling araw.

Bigyang-kahulugan ang mahihirap na salita at pariralaHabang pinag-aaralan ng mga estudyante ang mga banal na kasulatan, maaaring makakita silang mga salita at parirala na hindi pamilyar o mahirap unawain. Matutulungan mo ang mgaestudyante sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila kung paano gamitin ang mga diksiyunaryo,manwal ng mga estudyante, footnote, at mga tulong sa pag-aaral ng banal na kasulatan upangmaipaliwanag ang mahihirap na salita o parirala at sa gayon ay mas mauunawaan nila angnilalaman ng mga banal na kasulatan.

• Sa inyong palagay, bakit ginamit ng Panginoon ang halimbawa ni Enoc at ngkanyang mga tao upang matulungan ang mga Banal sa New York nasumampalataya at magtiwala sa Kanya?

LESSON 15

97

Page 118: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 38:8–12 binalaan ng Panginoon ang mgaBanal tungkol sa mga kapangyarihan ng kadiliman sa ibabaw ng lupa. Pagkataposay nagbigay Siya ng isang babala hinggil sa panganib na kinaharap ng mga Banalsa New York. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan38:13–16. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabing Panginoon tungkol sa panganib na nararanasan ng mga Banal sa Kirtland.

• Ayon sa talata 13, ano ang sinabi ng Panginoon sa mga Banal tungkol salayunin ng kanilang mga kaaway?

• Paano inilarawan ng babala ng Panginoon sa talata 13 ang dahilan kung bakitdapat tayong manampalataya at magtiwala sa Kanya?

• Ayon sa talata 16, bakit iniutos ng Panginoon sa mga Banal na lumipat sa Ohio?

Magpatotoo na dahil alam Niya ang lahat ng bagay, mababalaan tayo ngPanginoon sa mga panganib at magbibigay ng mga kautusan para sa atingkaligtasan.

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 38:17–22 ipinahayag ng Panginoon sa mgaBanal na nilikha Niya ang mundo at nais Niyang pagpalain at paunlarin angKanyang mga tao.

• Paano maaaring nakatulong ang mga pangakong ito ng Panginoon paramawala ang alalahanin ng mga Banal na lisanin ang kanilang mga tahanan atsakahan para lumipat sa Ohio?

Doktrina at mga Tipan 38:23–42Iniutos ng Panginoon sa mga Banal na magkaisa at ipinaliwanag kung bakit iniutosNiya sa kanila na magtipon sa OhioIpaliwanag na bukod pa sa pagsasabi sa mga Banal tungkol sa mga layunin ngkanilang mga kaaway, ipinabatid din ng Panginoon ang kailangang gawin nilabilang Kanyang mga tao. Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik angDoktrina at mga Tipan 38:24–27, at alamin kung ano ang ipinagagawa ngPanginoon sa mga Banal.

• Sa inyong palagay, bakit iniutos ng Panginoon na pahalagahan natin ang ibangtao gaya ng pagpapahalaga natin sa ating sarili?

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa talinghaga at paliwanag ngPanginoon sa talata 26–27? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat angsumusunod na alituntunin sa pisara: Kung hindi tayo isa, hindi tayomaaaring maging mga tao ng Panginoon.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ibig sabihin ng“maging isa,” sabihin sa kanila na tahimik na basahin ang paglalarawan ngPanginoon sa mga tao ng Sion sa Moises 7:18.

• Ayon sa talatang ito, ano ang ibig sabihin ng maging isa?

• Paano nakatulong ang alituntuning ito sa mga Banal habang lumilipat silasa Ohio?

• Anong mga pagpapala ang nakita ninyo sa inyong pamilya o sa Simbahan dahilsinunod ang alituntuning ito?

LESSON 15

98

Page 119: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan38:28–33, at alamin ang mga dahilan kung bakit iniutos ng Panginoon na magtiponang mga Banal sa Ohio.

• Ayon sa mga talatang ito, ano ang ilan sa mga dahilan kung bakit iniutos ngPanginoon sa mga Banal na magtipon sa Ohio?

• Anong katotohanan ang matututuhan natin mula sa mga talatang ito tungkolsa dahilan kung bakit iniutos ng Panginoon na magtipon ang Kanyang mgatao? (Tiyakin na matukoy ng mga estudyante ang katotohanang tulad ngsumusunod: Tinitipon ng Panginoon ang Kanyang mga tao upangproteksyunan sila at espirituwal na palakasin.)

Ipaliwanag na sa ilang pagkakataon, iniutos ng Panginoon sa kanyang mga tao sapisikal na magtipon sa isang lugar. Sa ating panahon, iniutos sa atin ng Panginoonna espirituwal na magtipon sa mga ward, stake, at templo saanman tayo nakatira.

• Paano nakatutulong ang pagtitipon sa mga ward, stake, at templo paramaproteksyunan at mapalakas tayo?

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 38:34–42 nagbigay ang Panginoon ng mgakautusan at payo sa mga Banal na tutulong sa kanila sa paglipat sa Ohio. Ipabasanang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 38:37, 39 at sabihinsa klase na alamin ang payo at pangako ng Panginoon.

• Ano ang ipinayo ng Panginoon na gawin ng mga Banal, at ano ang ipinangakoNiya sa kanila?

• Sa inyong palagay, ano ang epekto ng mga pangakong ito na ginawa sa mgaBanal na inutusang lumipat?

• Paano napatindi ng mga pangakong ito ang inyong hangarin na sundin angmga kautusan ng Panginoon?

Patotohanan ang mga pagpapalang dumarating sa atin kapag ginawa natin anginiutos ng Panginoon gaya ng mga Banal na pinangakuan ng mga pagpapala dahilsa pagtitipon sa Ohio.

Sabihin sa mga estudyante na isiping muli ang isang kautusan na maaaringmahirap para sa kanila na sundin.

• Paano maaaring makatulong ang mga katotohanang natutuhan natin saDoktrina at mga Tipan 37–38 sa pagkakaroon natin ng lakas na sundin ang mgakautusang iyon?

Hikayatin ang mga estudyante na mangakong sundin ang mga kautusan kahit tilamahirap itong gawin.

Sabihin sa mga estudyante na matapos ang kumperensya ng Simbahan, ang mgaBanal ay nag-ayuno at nanalangin upang malaman ang kalooban ng Panginoon.Pagkatapos matanggap ang espirituwal na pagpapatibay tungkol sa kautusan,marami sa kanila ang nagsakripisyo para makasama ng mga Banal sa Ohio.

LESSON 15

99

Page 120: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 41Itinuro ng Panginoon na susundin ng mga tunay na disipulo ang Kanyang batasIpaliwanag na noong Enero 1831, si Joseph Smith at ang kanyang asawang siEmma, na anim na buwan nang nagdadalantao, ay lumipat sa Ohio mula sa NewYork at dumating sa Kirtland sa unang araw ng Pebrero. Nang dumating angPropeta, ang mga miyembro ng Simbahan “ay nagsusumikap na gawin angkalooban ng Diyos, hanggang sa abot ng kanilang nalalaman, bagama’t may ilangkakatwang paniniwala at mga mapanlinlang na espiritu ang lumaganap sakalipunan nila” (Joseph Smith, Manuscript History of the Church, vol. A-1, p. 93,josephsmithpapers.org). Sa kanyang pagdating doon, natanggap ng Propeta angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 41.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 41:1–6, atsabihin sa klase na alamin kung ano ang sinabi ng Panginoon sa Propeta nangdumating ito sa Kirtland.

• Ano ang ipinagawa ng Panginoon sa mga elder ng Simbahan?

• Ayon sa talata 5, sino ang sinasabi ng Panginoon na Kanyang mga disipulo?(Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod na doktrina: Yaongmga tumatanggap at sumusunod sa batas ng Panginoon ang mga tunay nadisipulo ni Jesucristo.)

• Paano maaaring nakatulong ang katotohanang ito sa mga Banal na iyon saKirtland na sumusunod sa mga mapanlinlang na espiritu at kakatwangpaniniwala? Paano tayo matutulungan nito?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 41:7–12 na ipinapaliwanag na sa natitirangbahagi ng paghahayag na ito iniutos ng Panginoon sa mga Banal na magtayo ngbahay para matirhan ni Joseph at para dito rin gawin ang pagsasalin at tinawagNiya si Edward Partridge bilang unang bishop ng Simbahan.

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa mga katotohanang itinuro sa lesson na ito.

LESSON 15

100

Page 121: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 16

Doktrina at mga Tipan 42Pambungad at TimelineIniutos ng Panginoon sa mga Banal na naninirahan sa New York na lumipat saOhio at ipinangako na tatanggapin nila ang Kanyang batas doon (tingnan sa D at T37:3; 38:32). Noong Pebrero 9, 1831, di nagtagal matapos makarating si JosephSmith sa Kirtland, Ohio, 12 elder ng Simbahan ang nagpulong at magkakasamangnanalangin, tulad nang iniutos sa kanila ng Panginoon (tingnan sa D at T 41:2–3).Sa pagnanais ng mga lider na ito ng Simbahan na malaman ang ipagagawa ngPanginoon hinggil sa lumalagong Simbahan, natanggap ni Propetang Joseph Smithang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 42:1–72. (Ang mgakaragdagang detalye na nakatala sa talata 73 ay idinagdag kalaunan ng Propeta sapanahong inilathala ang Doktrina at mga Tipan.) Makalipas ang dalawang linggo,noong Pebrero 23, 1831, humingi ng karagdagang tagubilin sa Panginoon angPropeta; ang karagdagang tagubilin na natanggap niya ay nakatala sa Doktrina atmga Tipan 42:74–93. Ang mga ito ay pinagsama, at nakilala ang mga paghahayagna ito bilang “batas ng Simbahan” (tingnan sa D at T 42, section heading). Sapaghahayag na ito, ipinabatid ng Panginoon ang mga batas na pang-esprituwal atpang-temporal na nag-uutos sa mga miyembro ng Simbahan na tulungan ang mgamaralita, tustusan ang iba’t ibang gawain ng Simbahan, at tulungan ang ibang mgaBanal na magsisidating sa Ohio. Ang mga batas na ito ay nagbigay rin ng tagubilinsa katatatag na Simbahan at tumulong na maihanda sila sa pagtatatag ng Sion.

Enero 2, 1831Ipinangako sa mga Banal sa New York na tatanggapin nila ang batas ng Diyos(tingnan sa D at T 38).

Mga Unang Araw ng Pebrero 1831Dumating sina Joseph at Emma Smith sa Kirtland, Ohio.

Pebrero 4, 1831Si Edward Partridge ang naging unang bishop ng ipinanumbalik na Simbahan(tingnan sa D at T 41).

Pebrero 9 at 23, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 42.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 42:1–29Tinawag ng Panginoon ang mga elder upang ipangaral ang ebanghelyo, itinuro sakanila ang tungkol sa pagtuturo ng ebanghelyo, at inihayag ang mga batas atkautusan para sa mga BanalIsulat sa pisara ang mga salitang Mga Batas at Mga Kautusan.

Maikling talakayin sa klase kung bakit positibo o negatibo ang turing ng mgayoung adult ngayon sa mga salitang ito.

• Ano ang nagiging reaksyon ng maraming tao sa pagkakataon na makatanggapng mga karagdagang batas at kautusan?

101

Page 122: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaalala sa mga estudyante na noong Disyembre 1830, iniutos ng Panginoon namagtipon ang mga Banal sa Ohio (tingnan sa D at T 37:3) at noong Enero 1831,ipinangako Niya na tatanggapin nila ang Kanyang batas doon (tingnan sa D at T38:32). Sumunod ang mga Banal at ninais na matanggap ang ipinangakong batas atmga kautusan ng Panginoon. Sa pag-aaral ng mga estudyante ng Doktrina at mgaTipan 42 ngayon, hikayatin sila na isipin kung paano naging isang pagpapala sakanila ang mga batas at kautusan na ibinigay sa bahaging ito sa halip na isangrestriksyon o pabigat.

Ipaliwanag na noong Pebrero 4, 1831, ilang araw matapos dumating si JosephSmith sa Kirtland, inihayag ng Panginoon na dapat magtipon ang mga elder ngSimbahan sa Kirtland at manalangin nang may pananampalataya para matanggapang Kanyang batas (tingnan sa D at T 41:2–3). Ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang section heading ng Doktrina at mga Tipan 42, at ipabasa nangmalakas sa isa pang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 42:1–3. Sabihin sa klasena tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin kung kailan at bakit natanggap angpaghahayag na ito.

• Kailan natanggap ang paghahayag na ito?

• Ayon sa talata 3, bakit natanggap ang paghahayag na ito?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 42:4–10 na ipinapaliwanag na iniutos ngPanginoon sa mga elder ng Simbahan na ituro ang ebanghelyo at itatag angKanyang Simbahan. Sa talata 11, ipinaliwanag ng Panginoon na ang mga yaongnagtuturo at namumuno sa Simbahan ay dapat tinawag ng Diyos at naordenan ona-set apart ng mga awtorisadong lider ng Simbahan.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 42:12–14.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mgaresponsibilidad na ibinigay ng Panginoon sa mga yaong namumuno at nagtuturo saSimbahan, kabilang na ang mga full-time missionary.

• Ayon sa mga talatang ito, anong mga responsibilidad ang ibinigay ngPanginoon sa mga tinawag na mamuno at magturo sa Simbahan?

Ipaalala sa mga estudyante na noong dumating si Joseph Smith sa Kirtland noongPebrero 1831, nalaman niya na ang mga Banal “ay nagsusumikap na gawin angkalooban ng Diyos, hanggang sa abot ng kanilang nalalaman, bagama’t may ilangkakatwang paniniwala at mga mapanlinlang na espiritu ang lumaganap sakalipunan nila” (Manuscript History of the Church, vol. A-1, p. 93,josephsmithpapers.org).

• Sa inyong palagay, bakit kailangang maunawaan ng mga Banal sa Kirtland nadapat ituro ng mga titser at lider ang mga alituntunin ng ebanghelyo namatatagpuan sa mga banal na kasulatan at ayon sa patnubay ng Espiritu? Bakitmahalaga ito sa ating panahon?

• Anong alituntunin ang itinuturo sa talata 14 tungkol sa dapat nating gawinupang mahusay na maituro sa iba ang ebanghelyo? (Tulungan ang mgaestudyante na matukoy ang isang alituntunin na tulad ng sumusunod: Kungmananalangin tayo nang may pananampalataya, matatanggap natin angEspiritu na tutulong sa atin na magturo sa iba.)

LESSON 16

102

Page 123: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa inyong palagay, bakit mahalagang mapasaatin ang impluwensya ng Espiritukapag nagtuturo tayo?

Ipaliwanag na matapos ilahad ng Panginoon ang mga alituntunin ng pagtuturo ngebanghelyo, naghayag Siya ng mga batas at kautusan para sa lahat ng mgamiyembro ng Simbahan. Sabihin sa mga estudyante na basahin nang mabilis angDoktrina at mga Tipan 42:18–27 at alamin ang iniutos ng Panginoon na gawin ngmga Banal. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na hanapin at markahan angsalitang “kayo” kapag nakita ito sa mga talatang ito.

• Ano ang sinabi ng Diyos na magiging bunga ng pagsuway sa mgakautusang ito?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 42:28–29.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga dahilan naibinigay ng Panginoon sa mga Banal para sa pagsunod sa mga kautusang ito.

• Ano ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kung susuwayin ng mga Banalang Kanyang mga kautusan at hindi magsisisi?

• Ayon sa talata 29, ano ang sinabi ng Panginoon na dapat dahilan natin sapagsunod sa mga kautusan? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat angsumusunod na doktrina sa pisara: Ipinapakita natin ang ating pagmamahalsa Panginoon sa pamamagitan ng paglilingkod sa Kanya at pagsunod saKanyang mga kautusan.)

• Paano naipapakita ng pagsunod natin sa mga batas at mga kautusan ng Diyosna mahal natin Siya?

• Paano kayo mas nailalapit sa Panginoon ng inyong pagsunod sa mga kautusan?

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung gaano nila lubos na nasusunod ang mgakautusan sa kasalukuyan. Hikayatin sila na pumili ng isang kautusan at mangakona ipapakita nila ang kanilang pagmamahal sa Panginoon sa pamamagitan ngpagsisikap na lalo pang masunod ang kautusang iyan.

Doktrina at mga Tipan 42:30–55Inihayag ng Panginoon ang mga alituntunin ng batas ng paglalaan at tinagubilinanang mga Banal tungkol sa kamatayan at pagpapagalingIpaliwanag na noong dumating si Propetang Joseph Smith sa Kirtland ilang arawbago matanggap ang paghahayag na nasa Doktrina at mga Tipan 42:1–72, nalamanniya na marami sa mga Banal doon ang nagtangkang sundin ang sinaunangkaugalian ng mga Kristiyano na “lahat nilang pagaari ay sa kalahatan” (Mga Gawa4:32) upang walang maging “maralita sa kanila” (Moises 7:18). Ang mga Banal naito, na nakatira sa sakahan ni Isaac Morley, ay bumuo ng isang grupo na tinawagnilang “the Family [ang Pamilya].” Itinuro nila, higit sa lahat, na lahat ng personalna pag-aari ng isang tao ay pag-aari ng lahat sa grupo. Bagama’t mabuti angintensyon ng mga miyembro nito, ilan sa mga ginagawa nila ay salungat sa mgaalituntunin ng kalayaan, pagiging may pananagutan, at pribadong pag-aari ngisang tao kung saan nakabatay ang batas ng paglalaan ng Panginoon.

LESSON 16

103

Page 124: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 42:30.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang mga tagubilin ngPanginoon hinggil sa mga maralita.

• Batay sa iniutos ng Panginoon sa mga Banal, ano ang iniutos ng Panginoon nagawin ng bawat isa sa atin? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat angsumusunod na katotohanan sa pisara: Iniutos ng Panginoon na pangalagaannatin ang mga maralita at nangangailangan.)

• Ayon sa talatang ito, paano pangangalagaan ng mga Banal ang mga maralita atnangangailangan?

Ipaliwanag na ang Doktrina at mga Tipan 42 ay naglalaman ng mga alituntunin ngisang batas na tinatawag na batas ng paglalaan. Upang matulungan ang mgaestudyante na maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng paglalaan, ipakita angsumusunod na paliwanag mula sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan at angsumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ngLabindalawang Apostol. Ipabasa ang mga ito nang malakas sa isang estudyante.

“[Ang ibig sabihin ng paglalaan ay] pagtatalaga; gawing banal, o magingmabuti. Ang batas ng paglalaan ay isang banal na alituntunin kung saan kusanginiaalay ng mga kalalakihan at kababaihan ang kanilang panahon, talento, atyaman sa pagtatatag at pagtataguyod sa kaharian ng Diyos” (Gabay sa mgaBanal na Kasulatan, “Paglalaan, Batas ng Paglalaan,” scriptures.lds.org).

“Ang paglalaan ay pagtatalaga sa isang bagay bilang sagrado, na inilaan para samga banal na layunin” (D. Todd Christofferson, “Larawan ng Isang Buhay na Inilaan,” Ensign oLiahona, Nob. 2010, 16).

• Gamit ang dalawang paliwanag na ito, paano ninyo ipaliliwanag ang ibigsabihin ng paglalaan sa sarili ninyong salita?

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano nais ngPanginoon na simulang gawin ng mga Banal ang batas ng paglalaan, isulat angmga sumusunod na salita sa pisara: tagapangasiwa, ari-arian, ilaan, bishop, atkamalig o storehouse. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina atmga Tipan 42:30–34. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, athanapin ang mga salitang ito at kung paano nauugnay ang mga ito sa pamumuhayayon sa batas ng paglalaan. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa ilang estudyantena ipaliwanag kung paano iniutos ng Panginoon sa mga Banal na simulangipamuhay ang batas ng paglalaan sa mga unang araw ng Simbahan.

Kung kinakailangan, ipaliwanag na noong unang ipatupad ang batas ng paglalaan,inilaan ng mga Banal ang kanilang mga lupain at ari-arian sa Panginoon sapamamagitan ng pagbibigay ng mga ito sa bishop. Ibinibigay naman ng bishop angmga lupain at ari-ariang ito sa mga miyembro ng Simbahan, ayon sa kanilangkalagayan at mga pangangailangan. Ang mga miyembro ng Simbahan aynagsisilbing mga tagapangasiwa para sa Panginoon sa pangangalaga ng ari-arian atpagtutustos sa kanilang sarili at kanilang pamilya. Iniutos ng Panginoon naanumang matira na mula sa pangangasiwaan ng isang miyembro ay dapat ibigay sa

LESSON 16

104

Page 125: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

bishop at itago sa storehouse “para sa pagtulong sa mga maralita atnangangailangan” (D at T 42:34).

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan42:35–36 at alamin kung saan gagamitin ang mga natira bukod pa sa pagtulong samaralita at nangangailangan. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnalaman nila.

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 42:37–42, itinuro din ng Panginoon sa mgaBanal na hindi sila dapat maging palalo, dapat ay payak o simple lamang angkanilang mga kasuotan, upang “lahat ng bagay ay [magawa] sa kalinisan”(talata 41), at “huwag” silang “maging tamad” (talata 42).

Sabihin sa mga estudyante na ang alituntunin ng paglalaan ay magkakaparehopara sa lahat ng mga pinagtipanang anak ng Diyos sa lahat ng dispensasyon,bagama’t maaaring magkakaiba ang ipagagawang paraan ng Diyos sa Kanyangmga tao sa pagpapatupad ng batas ng paglalaan sa magkakaibang panahon.Bagama’t hindi iniuutos ng Panginoon sa atin na ilaan ang lahat ng ating ari-arianngayon, iniuutos Niya sa atin na ipamuhay ang alituntunin ng paglalaan.

• Sa paanong paraan natin maipamumuhay ngayon ang alituntunin ngpaglalaan?

Upang matulungan ang mga estudyante na masagot ang tanong na ito, ipakita angsumusunod na pahayag ni Pangulong Spencer W. Kimball (1895–1985), at ipabasaito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang paglalaan ay pagbibigay ng isang tao ng kanyang oras, mga talento, attulong upang pangalagaan ang mga nangangailangan—sa espirituwal otemporal man—at sa pagtatayo ng kaharian ng Panginoon” (“Welfare Services:The Gospel in Action,” Ensign, Nob. 1977, 78).

• Paano ninyo nakita ang iba na ipinamumuhay ang alituntunin ng paglalaan saating panahon?

• Paano napagpala ng kanilang paglalaan ang mga taong espirituwal o temporalna nangangailangan?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 42:43–52 na ipinapaliwanag na ang mga talatangito ay naglalaman ng payo ng Panginoon hinggil sa kamatayan at pagpapagaling.

Doktrina at mga Tipan 42:56–93Nagbigay ang Panginoon ng mga karagdagang batas sa mga Banal at itinuro sakanila kung paano ipatutupad ang Kanyang batasIpaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 42:56–69 nangako ang Panginoon namaghahayag ng karagdagang banal na kasulatan at kaalaman sa mga taonghumihingi nito.

Sabihin sa dalawang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ngDoktrina at mga Tipan 42:59–61, 66–68. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa

LESSON 16

105

Page 126: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

pagbasa, at alamin ang itinuro ng Panginoon tungkol sa paghahayag at mga banalna kasulatan.

• Ayon sa mga talata 59–60, 66, ano ang iniutos ng Panginoon na gawin ng mgaBanal sa mga banal na kasulatan na natanggap na nila?

• Anong mga alituntunin hinggil sa paghahayag ang itinuro ng Panginoon samga talata 61 at 68? (Maaaring iba-iba ang gamiting salita ng mga estudyante,ngunit tiyaking natukoy nila ang sumusunod na alituntunin: Kung tayo aymagtatanong, ang Panginoon ay magbibigay ng karagdagang paghahayagat kaalaman na magdudulot sa atin ng kapayapaan, kagalakan, at buhayna walang hanggan. Kung hihingi tayo ng karunungan, ibibigay ito ngPanginoon sa atin. Isulat sa pisara ang mga alituntuning ito.)

• Sa inyong palagay, bakit iniutos ng Panginoon na hingin natin ang Kanyangpatnubay?

• Ano ang mga naranasan ninyo kaya nalaman ninyo na totoo ang mgaalituntuning ito? (Anyayahan ang ilang estudyante na gustong magbahagi ngkanilang mga karanasan sa klase).

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 42:70–93 na ipinapaliwanag na nagbigay ngtagubilin ang Panginoon hinggil sa suportang temporal ng mga lider ng Simbahanat itinuro rin sa mga lider ng Simbahan kung ano ang gagawin sa mga miyembrongnakagawa ng mabibigat na kasalanan at itinuro sa mga Banal kong paanohaharapin ang mga nagawang pagkakamali.

Tapusin ang lesson sa pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa doktrina at mgaalituntunin na itinuro sa bahaging ito.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 42:43–52. Nagbigay ang Panginoon ng mga tagubilin hinggil sa kamatayanat pagpapagalingIpaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 42:43–52, nagbigay ang Panginoon ng mga tagubilin hinggil sa kamatayan atpagpapagaling. Sabihin sa klase na maggrupu-grupo na may tig-dadalawa o tig-tatatlong estudyante. Sabihin sa kanila na basahinang Doktrina at mga Tipan 42:43–52 kasama ang kanilang kagrupo, at alamin ang itinuro ng Panginoon tungkol sa pagpapagaling.Sabihin sa kanila na magsulat ng isang pahayag na nagpapakita ng alituntunin ng batas ng Panginoon sa pagpapagaling ngmaysakit. Matapos ang sapat na oras, ipabahagi sa isang estudyante mula sa bawat grupo ang isinulat ng kanyang grupo. (Maaaringmagbigay ng ilang tamang sagot ang mga estudyante, ngunit tiyaking matutukoy nila ang alituntuning tulad ng sumusunod: Kungmay pananampalataya tayo kay Jesucristo, mapapagaling tayo ayon sa Kanyang kalooban.)

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang alituntuning ito, ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol:

• Bakit mahalagang alalahanin na ang paggaling ay nakasalalay sa pananampalataya at kalooban ng Panginoon?

LESSON 16

106

Page 127: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“Kapag ginamit natin ang walang alinlangang kapangyarihan ng priesthood ng Diyos at itinangi ang Kanyangpangako na diringgin at sasagutin Niya ang panalangin ng pananampalataya, lagi nating tandaan na angpananampalataya at kapangyarihan ng priesthood na magpagaling ay hindi magbubunga ng anumang taliwas sakalooban Niya na nagmamay-ari ng priesthood na ito. …

“… Maging ang mga lingkod ng Panginoon, na gumagamit ng Kanyang banal na kapangyarihan sa isang sitwasyonkung saan sapat ang pananampalatayang mapagaling, ay hindi makapagbibigay ng basbas ng priesthood na

magpapagaling sa isang tao kung hindi ito naaayon sa kalooban ng Panginoon” (Dallin H. Oaks, Pagpapagaling ng Maysakit,”Ensign o Liahona, Mayo 2010, 50).

LESSON 16

107

Page 128: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 17

Doktrina at mgaTipan 43–45Pambungad at TimelineNang dumating si Joseph Smith sa Kirtland, Ohio, noong Pebrero 1831, nadatnanniya na ilan sa mga miyembro ang nalinlang ng maling paniniwala sa relihiyon athuwad na paghahayag. May mga nagsasabi na nakatanggap sila ng paghahayag,kabilang na ang isang babae na nagngangalang Mrs. Hubble, na tinawag angkanyang sarili na babaeng propeta. Dahil nilinlang niya ang ilan sa mga Banal,ipinagdasal ni Propetang Joseph Smith ang bagay na ito at natanggap angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 43. Sa bahaging ito, ibinigay ngPanginoon ang mga katotohanan na nagpapaalala sa mga Banal ng huwaran ngDiyos sa pagbibigay ng paghahayag sa Simbahan.

Bago iyon tumawag ang Panginoon ng mga elder ng Simbahan na magpapahayagng ebanghelyo (tingnan sa D at T 42:4–8). Di-nagtagal matapos ibigay ang utos naiyan, nagbigay ang Panginoon ng paghahayag, na nakatala ngayon sa Doktrina atmga Tipan 44, na nag-uutos sa mga elder na maghanda para sa isang kumperensyao pagpupulong. Ipinangako ng Panginoon sa kanila na kung mananampalataya silasa Kanya, matatanggap nila ang Kanyang Espiritu at madadaig ang kanilangmga kaaway.

Sa paglago ng Simbahan sa Kirtland, nadagdagan ang pagkapoot sa Simbahan.Binatikos ng mga kritiko ang Simbahan sa mga pahayagan at gumawa ng iba pangbagay para kalabanin ang mga Banal. Noong Marso 1831, sa panahong ito ngpagsalungat, natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrinaat mga Tipan 45. Sa paghahayag na ito, inilarawan ng Panginoon ang mga hulingaraw, ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo, at ang Bagong Jerusalem, o ang lunsodng Sion.

Nobyembre 1830–Pebrero 1831Sinabi ng ilan sa mga bagong miyembro sa Kirtland, Ohio, na nakatanggap sila ngmga liham o kasulatan mula sa langit.

Mga unang buwan ng 1831Ang mga maling ulat tungkol sa mga Banal at kanilang mga paniniwala ay lumabassa mga pahayagan sa Ohio gaya ng Painesville Telegraph.

Pebrero 1831Sinabi ni Mrs. Hubble, isang bagong miyembro sa Ohio, na siya ay babaengpropeta ng Panginoon.

Pebrero 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 43.

Pebrero 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 44.

108

Page 129: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Marso 7, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 45.

Mga unang araw ng Hunyo 1831Isang kumperensya ng Simbahan ang idinaos sa Kirtland, Ohio.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 43–44Ipinahayag ng Panginoon kung sino ang maaaring tumanggap ng paghahayag parasa Simbahan at iniutos sa Kanyang mga tagapaglingkod na magkakasamangmagtiponBasahin sa klase ang sumusunod na sitwasyon:

Narinig ninyo ang tungkol sa isang tao na naniniwala na si Joseph Smith ay isangpropeta at totoo ang Aklat ni Mormon pero sinasabi rin niya na hindi tumatanggapng paghahayag ang kasalukuyang propeta. Sinasabi rin ng taong ito nanakatatanggap siya ng paghahayag para sa Simbahan.

• Ano ang magiging reaksyon ninyo sa mga sinasabi ng taong ito?

Sabihin sa mga estudyante na humanap ng katotohanan sa pag-aaral nila ngDoktrina at mga Tipan 43 na makatutulong sa kanila na malaman kung ano angitutugon sa mga sinasabi ng taong ito.

Ipaliwanag na nang dumating si Joseph Smith sa Kirtland, Ohio, noong Pebrero1831, nalaman niya na maraming miyembro ang nalinlang ng mga huwad napagpapakita at paghahayag. Nang buwang ding iyon na dumating ang Propeta saKirtland, isang babae na nangngangalang Mrs. Hubble ang dumating sa Kirtland,na sinasabing isa siyang babaeng propeta. Sinabi niyang naniniwala siya sa Aklat niMormon at nakatatanggap ng mga paghahayag para sa Simbahan. Dahil nalinlangni Mrs. Hubble at iba pang mga huwad na paghahayag ang ilan sa mga Banal,ipinagdasal ni Propetang Joseph Smith ang bagay na ito at natanggap angpaghahayag mula sa Panginoon na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 43.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 43:1–7. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang sagot ng Panginoon sa tanong ng Propeta. Sabihin sa mga estudyante naibahagi ang nalaman nila.

• Anong doktrina ang itinuturo ng mga talata 2–4 tungkol sa paraan ngPanginoon ng paghahayag ng katotohanan para sa buong Simbahan? (Matapossumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na doktrina: Angpropeta lamang ang tanging makatatanggap ng paghahayag para sabuong Simbahan.)

Ipaalala sa mga estudyante na mga limang buwan bago iyon, itinuro ng Panginoonang doktrinang ito sa mga Banal sa New York nang sinabi ni Hiram Page nanakatatanggap siya ng mga paghahayag para sa Simbahan (tingnan sa D at T 28:2).Gayunman, marami sa mga Banal sa Kirtland ang hindi pa nakakaaalam sadoktrinang ito dahil iilang Banal lamang mula sa New York ang dumating saKirtland sa panahong ito, at ang mga paghahayag na natanggap ni Joseph Smithtungkol sa paksang ito ay hindi pa nailathala. Bukod pa rito, karamihan sa mga

LESSON 17

109

Page 130: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Banal sa Kirtland ay mga bagong miyembro na mula sa iba’t ibang relihiyon at maymagkakaibang ideya kung sino ang maaaring tumanggap ng paghahayag para saSimbahan.

• Bakit mahalaga para sa mga Banal sa Kirtland na maunawaan ang doktrina natanging ang propeta lamang ang makatatanggap ng paghahayag para sa buongSimbahan?

• Bakit mahalagang maunawaan natin ang doktrinang ito ngayon?

• Ayon sa talata 7, anong huwaran ang ibinigay ng Panginoon para tulungantayong hindi malinlang ng mga taong walang awtoridad na magturo saSimbahan?

Ipaliwanag na matapos iyon iniutos ng Panginoon sa mga Banal kung paano silamatututo mula sa mga paghahayag na itinuro sa pamamagitan ng Kanyangpropeta. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan43:8. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang mgatagubilin ng Panginoon.

• Ano ang iniutos ng Panginoon na gawin ng mga Banal kapag magkakasamangsilang nagtitipon?

• Ano ang ibig sabihin ng patibayin ang isa’t isa? (Ang ibig sabihin ng patibayinay espirituwal na palakasin o patatagin.)

• Ano ang sinabi ng Panginoon na matututuhan natin kapag nagtipun-tipon tayopara turuan at patibayin ang isa’t isa? (Matapos sumagot ang mga estudyante,isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Kapag tinuruan at pinatibaynatin ang isa’t isa sa mga miting natin sa Simbahan, malalaman natinkung paano sumunod sa mga kautusan ng Diyos.)

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 43:9 at alaminang dapat nating gawin matapos nating malaman kung paano kumilos.

• Ano ang sinabi ng Panginoon na gawin ng mga Banal matapos nilang malamanang Kanyang batas at mga kautusan at kung paano ipamuhay ang mga ito?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng ipangako ang inyong sarili na kumilosnang buong kabanalan sa harapan ng Panginoon? (Ang mangako omakipagtipang ipamuhay ang natutuhan natin.)

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano sila napagpala nang malaman atsundin nila ang mga kautusan ng Panginoon. Anyayahan ang ilang estudyante naibahagi ang kanilang mga karanasan. Hikayatin ang mga estudyante na maspagsikapan pang turuan at patibayin ang isa’t isa sa mga miting nila sa Simbahan,at anyayahan silang mangakong ipamumuhay ang natutuhan nila bunga nito.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 43:11–35 at bahagi 44 na ipinapaliwanag na angmga talatang ito ay naglalaman ng mga utos ng Panginoon na tulungan ang mgaBanal na matutuhan ang ebanghelyo, magsisi, at ihanda ang kanilang sarili at ibapa para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.

LESSON 17

110

Page 131: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 45:1–14Binigyang-diin ni Jesucristo ang Kanyang mga tungkulin bilang Tagapaglikha,Tagapamagitan, at ang Ilaw at ang Buhay ng SanlibutanSabihin sa mga estudyante na kunwari ay gusto nilang marinig ang opinyon ng ibatungkol sa isang bagay na mahalaga.

• Anong mga katangian ng isang tao ang nakakahikayat sa inyo na gustuhin opakinggan ang kanyang opinyon?

Ipaliwanag na ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 45 aydumating sa panahong ang mga Banal sa mga Huling Araw ay nakaririnig atnakakabasa ng magkakasalungat na mensahe tungkol sa Simbahan. Ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mga Tipan 45.Sabihin sa klase na alamin ang mga kalagayang dinaranas ng mga Banal.

Ipahanap sa mga estudyante ang unang salita sa paghahayag na ito.

• Ano ang ibig sabihin ng makinig? (Makinig mabuti at sumunod.)

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 45:1–14, paulit-ulit na iniutos ngPanginoon sa mga Banal na makinig sa Kanya at ipinaalala sa kanila ang Kanyangkapangyarihan, awa, at karunungan. Sa pagbibigay-diin sa Kanyang mgakatangian, natulungan ng Panginoon ang mga Banal na maunawaan kung bakitdapat silang makinig sa Kanya. Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sapagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan 45:1–5, at alamin ang mgakatangiang ito.

• Anong mga katangian ng Panginoon sa mga talatang ito ang tilapinakamahalaga sa inyo? Bakit?

• Paano nailalarawan ng mga katangiang ito ang dahilan kung bakit dapat tayongmagtiwala at makinig sa Panginoon?

• Anong doktrina ang itinuro ng Panginoon tungkol sa Kanyang Sarili sa mgatalata 3–5? (Si Jesucristo ang ating Tagapamagitan sa Ama sa Langit.)

Ipaliwanag na ang isang tagapamagitan ay “isang taong nagsusumamo para sakapakanan ng iba” (Bible Dictionary, “Advocate”).

• Bakit kailangan natin ng tagapamagitan sa Ama sa Langit? (Kung kailangan,ipaliwanag na lahat tayo ay may kasalanan. Ayon sa katarungan ng Diyos,walang maruming bagay ang makatatahan sa Kanyang kinaroroonan.Samakatwid, kailangan natin ng tagapamagitan upang magsumamo sa harapanng Ama para sa ating kapakanan at matulungan tayong makipagkasundosa Kanya.)

• Ayon sa mga talata 4–5, bakit naging karapat-dapat si Jesucristo namagsumamo para sa mga naniniwala sa Kanya? (Kung kailangan, ipaliwanagna maisasamo ng Tagapagligtas na maligtas tayo sa mga ibubunga ng ating mgakasalanan sa kawalang-hanggan, hindi dahil sa wala tayong kasalanan, kundidahil Siya ay nagdusa para bayaran ang kaparusahang dulot ng ating mgakasalanan.)

LESSON 17

111

Page 132: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan45:6–14 at alamin ang mga karagdagang dahilan kung bakit dapat makinig angmga Banal sa Tagapagligtas. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi angnalaman nila.

Doktrina at mga Tipan 45:15–59Inihayag ng Tagapagligtas ang mga palatandaan at kababalaghan na magaganapbago ang Kanyang Ikalawang PagparitoIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 45:15.Sabihin sa klase na hanapin ang iba pang dahilang ibinigay ng Panginoon kungbakit dapat makinig sa Kanya ang mga Banal.

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 45:16–59, inulit ng Panginoon ang ilan samga itinuro Niya sa Kanyang mga disipulo sa Bundok ng mga Olivo nang tanunginnila Siya tungkol sa pagkawasak ng Jerusalem at sa Kanyang Ikalawang Pagparito(tingnan sa Mateo 24:3–46; tingnan din sa Joseph Smith—Mateo 1:4–55). Sa mgatalata 16–24 ipinropesiya ng Panginoon ang kaagad na mangyayari matapos angKanyang kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli, pati na ang pagkawasak ngJerusalem at ang pagkalat ng mga Judio sa lahat ng bansa. Sa mga talata 25–46,ipinropesiya ng Panginoon ang mga pangyayaring magaganap sa dispensasyonbago sumapit ang Kanyang Ikalawang Pagparito.

Isulat sa pisara ang sumusunod na parirala at kalakip na mga scripture reference:Mga palatandaan na magaganap bago ang Ikalawang Pagparito: D at T 45:25–27;D at T 45:28–31, 33; D at T 45:40–43. Sabihin sa mga estudyante na magbasa ngkahit isa sa mga scripture reference na nakalista sa pisara, at alamin ang mgapalatandaan ng Ikalawang Pagparito. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mgaestudyante na ibahagi ang nalaman nila. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mgaestudyante.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 45:34, atsabihin sa mga estudyante na alamin kung ano ang reaksyon ng mga disipulo saitinuro sa kanila ng Panginoon tungkol sa mga palatandaan ng Kanyang IkalawangPagparito.

• Sa anong mga paraan kayo nakakaugnay sa reaksyon ng mga disipulo?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 45:35–38.Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang sinabi ng Panginoon para panataginang Kanyang mga disipulo tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito.

• Anong kapanatagan ang ibinigay ni Jesus sa Kanyang mga disipulo tungkol saKanyang Ikalawang Pagparito?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan45:32, 39, at alamin ang maaaring gawin ng mga tagasunod ni Jesucristo paramakapaghanda sa Kanyang pagparito.

• Anong alituntunin ang matututuhan natin sa mga talatang ito tungkol sa dapatnating gawin para maging handa sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon?(Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod naalituntunin: Kung tayo ay tatayo sa mga banal na lugar at magbabantay sa

LESSON 17

112

Page 133: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

mga palatandaan, magiging handa tayo sa Ikalawang Pagparito ngPanginoon.)

• Paano tayo “tatayo sa mga banal na lugar?

Isulat sa pisara ang sumusunod na parirala at kalakip na mga scripture reference:Ang mga palatandaan at kababalaghan na magiging kalakip ng Ikalawang Pagparito ngTagapagligtas: D at T 45:47–59. Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 45:47–59,inihayag ng Panginoon ang mga palatandaan at kababalaghan na kalakip ngKanyang Ikalawang Pagparito. Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sapagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan 45:47–55. Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mangyayari sa muling pagparito ngTagapagligtas. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Isulat sapisara ang kanilang mga sagot.

• Sa inyong palagay, bakit magdadalamhati ang mga bansa ng mundo saIkalawang Pagparito ng Tagapagligtas (tingnan sa D at T 45:49–50)?

• Sino sa palagay ninyo ang tinutukoy ng pariralang “sila na nagsihalakhak”(D at T 45:49)?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 45:56–59.Sabihin sa klase na alamin ang talinghaga na sinabi ng Tagapagligtas na matutupadkapag Siya ay pumaritong muli.

• Anong talinghaga ang sinabi ng Panginoon na matutupad kapag pumarito Siyasa kaluwalhatian?

Ipabuod sa isang estudyante ang talinghaga ng sampung dalaga (tingnan sa Mateo25:1–13). Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan angtalinghagang ito, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod napahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Nakakakilabot ang mensahe ng talinghagang ito. Ang sampung dalaga ayhayagang simbolo ng mga miyembro ng Simbahan ni Cristo, dahil lahat ayinanyayahan sa kasalan at alam ng lahat kung ano ang kailangan upangmakapasok pagdating ng kasintahang lalaki. Ngunit kalahati lang ang handanang dumating ito” (Dallin H. Oaks, “Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,”Ensign o Liahona, Mayo 2004, 8).

• Ayon sa talata 57, ano ang dapat nating gawin upang maging katulad ngmatatalinong dalaga at maging handa sa pagparito ng Panginoon? (Matapossumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na katotohanan:Kung tatanggapin natin ang katotohanan at gagawing patnubay ang Banalna Espiritu, magiging handa tayo sa Ikalawang Pagparito ngTagapagligtas.)

• Sa papaanong mga paraan tayo nakatatanggap ng katotohanan?

• Ano ang ibig sabihin ng gawin nating patnubay ang Banal na Espiritu?

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung ano ang ginawa nila para mapasakanilaang Espiritu Santo at masunod ang Kanyang patnubay.

LESSON 17

113

Page 134: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang mga alituntunin na nakasulat sa pisarapara makapagtakda ng mithiin na tutulong sa kanila na maging handa saIkalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

• Ayon sa mga talata 58–59, ano ang mangyayari sa mga naghanda para saIkalawang Pagparito ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagtanggap ngkatotohanan at pagsunod sa patnubay ng Banal na Espiritu?

Doktrina at mga Tipan 45:60–75Inilarawan ng Panginoon ang Sion, o ang Bagong JerusalemIbuod ang Doktrina at mga Tipan 45:60–75 na ipinapaliwanag na inatasan ngPanginoon si Joseph Smith na simulan ang pagsasalin ng Bagong Tipan, sinabihanang mga Banal na magtipon sa mga bansa sa kanluran, at inilarawan ang Sion, oang Bagong Jerusalem.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 45:66–71.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paanoinilarawan ng Panginoon ang Sion.

• Batay sa paglalarawan ng Panginoon sa Sion, bakit gugustuhin ninyong magingbahagi ng lunsod na ito?

Tapusin ang lesson sa pag-anyaya sa ilang estudyante na ibahagi kung anong mgakatotohanan sa lesson na ito ang pinakamakabuluhan sa kanila at bakit. Hikayatinang mga estudyante na ipamuhay ang mga katotohanang ito.

LESSON 17

114

Page 135: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 18

Doktrina at mgaTipan 46–49Pambungad at TimelineNoong taglamig ng 1831, ang mga miyembro ng Simbahan sa Kirtland, Ohio, aynabalisa nang makita nila ang kakatwang ikinikilos ng ilang bagong miyembrohabang nagsasabing nasa ilalim sila ng impluwensya ng Espiritu. Nagtanong siPropetang Joseph Smith sa Panginoon tungkol sa kilos at asal na ito pati na angpagbabawal ng mga Banal sa Kirtland sa mga di-miyembro na dumalo sa mgapagpupulong sa sakramento at iba pang mga miting ng Simbahan. Bilang tugon,noong Marso 8, 1831, ibinigay ng Panginoon ang paghahayag na nakatala ngayonsa Doktrina at mga Tipan 46. Sa paghahayag na ito, ipinaliwanag ng Panginoonkung paano pangasiwaan ang mga miting sa Simbahan at paano makakaiwas namalinlang sa pamamagitan ng paghahangad na mabigyan ng mga kaloob ngEspiritu.

Bago sumapit ang Marso 1831, si Oliver Cowdery ang tagasulat at tagapagtala niJoseph Smith para sa Simbahan. Gayunman, nang tawagin siya sa misyon, hindi naniya magagampanan ang mga tungkuling ito. Sa paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 47, tinawag ng Panginoon si John Whitmer upang pumalitkay Oliver at mag-ingat ng kasaysayan ng Simbahan.

Sa panahon ding ito, nais ding malaman ng mga Banal sa Ohio kung paano nilatutulungan ang mga miyembro ng Simbahan na nandarayuhan mula sa New York.Sa paghahayag na nakatala ngayon sa Doktrina at mga Tipan 48, sinabi ngPanginoon sa mga Banal kung paano tulungan ang mga bagong dating namiyembro.

Si Leman Copley, isang bagong miyembro ng Simbahan, ay nagnais na ipangaralng mga missionary ang ebanghelyo sa mga miyembro ng kanyang dating relihiyon,ang Shakers. Gayunman, patuloy pa rin niyang tinanggap ang mga malingpaniniwala ng mga Shakers. Dahil nabalisa na patuloy pa rin si Leman sa kanyangmga paniniwala, nagtanong si Joseph Smith sa Panginoon noong Mayo 7, 1831, atnatanggap ang paghahayag na nakatala ngayon sa Doktrina at mga Tipan 49. Sapaghahayag na ito, nilinaw ng Panginoon ang Kanyang tunay na doktrina attinuligsa ang ilang maling paniniwala ng Shakers.

Tagsibol 1831Ang mga bagong binyag sa Kirtland, Ohio, ay nakaranas ng mga huwad naespirituwal na pagpapakita.

Marso 8, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 46.

Marso 8, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 47.

Marso 10, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 48.

115

Page 136: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Marso 1831Si John Whitmer ay itinalaga na maglingkod bilang mananalaysay at tagapagtala otagasulat ng Simbahan.

Mga huling araw ng Marso o mga unang araw ng Abril, 1831Si Parley P. Pratt ay bumalik sa Kirtland mula sa isang misyon sa Indian Territory atMissouri.

Mayo 7, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 49.

Mayo 1831Umalis sina Sidney Rigdon, Parley P. Pratt, at Leman Copley sa Kirtland parapuntahan ang isang komunidad ng mga Shakers.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 46:1–33Tinagubilinan ng Panginoon ang mga Banal hinggil sa mga miting ng Simbahan atsa mga kaloob ng EspirituIpaalala sa mga estudyante na ang mga mapanlinlang na espiritu ay unti-untinglumaganap sa Simbahan sa Kirtland. Ipaliwanag na noong taglamig ng 1831, angmga miyembro ng Simbahan sa Kirtland, Ohio, ay nabalisa nang makita nila angkakatwang ikinikilos ng ilang bagong miyembro. Isinulat ng isang miyembro ngSimbahan na si John Corrill: “Kakaiba ang mga ikinikilos nila, kung minsan ayginagaya pa ang galaw ng mga Indian, nagtatakbo sa bukid, tumutuntong sa mgatuod ng puno at nangangaral doon na parang napapaligiran ng isangkongregasyon,—lubusan nang natangay sa kanilang mga pangitain kaya’t haloswala nang malay sa lahat ng nangyayari sa paligid nila” (sinipi sa Church History inthe Fulness of Times Student Manual, Ika-2 edisyon [Church Educational Systemmanual, 2003], 92). Ipaliwanag na bagama’t hindi karaniwang nakikita saSimbahan ngayon ang ganitong mga huwad na pagpapakita, yaong mga hindinakauunawa o hindi pamilyar sa totoong manipestatsyon ng Espiritu Santo aymadaling malinlang.

• Ano ang ilang sitwasyon ngayon kung saan maaaring madaling malinlang angisang tao dahil sa maling pagkaunawa o hindi lubos na nauunawaan ang mgagawain ng Espiritu Santo?

Sa pag-aaral ng mga estudyante ng bahagi 46 ngayon, sabihin sa kanila na alaminang mga katotohanan na makatutulong sa kanila na mas maunawaan ang mgagawain ng Espiritu Santo at paano sila hindi malilinlang.

Sabihin sa mga estudyante na hiniling ni Propetang Joseph Smith sa Panginoon naipaliwanag sa kanya ang layunin at katangian ng mga kaloob ng Espiritu. Bukod parito, dahil sa pinasimulang patakaran sa Kirtland na mga miyembo lang angmaaaring dumalo sa mga pangkalahatang pagpupulong, na idinaraos sa harapanng madla, hiningi ng Propeta ang patnubay ng Panginoon tungkol sa dapat napangangasiwa at pagsasagawa ng mga pulong na ito.

LESSON 18

116

Page 137: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 46:1–6.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang itinuro ngPanginoon sa mga Banal tungkol sa Espiritu at sa mga pulong ng Simbahan.

• Ano ang sinabi ng Panginoon sa mga talata 3–6 tungkol sa kung sino ang dapattulutang dumalo sa mga pangkalahatang pagpupulong na idinaraos sa harapanng madla?

• Ayon sa talata 2, paano dapat pangasiwaan ang mga pagpupulong saSimbahan?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 46:7–8.Hikayatin ang mga estudyante na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin angpatnubay na ibinigay ng Panginoon sa mga Banal para matulungan silang mahingiang patnubay ng Espiritu.

• Ayon sa talata 7, anong payo ang ibinigay ng Panginoon para tulungan ang mgaBanal na mapatnubayan ng Espiritu?

• Anong babala ang ibinigay ng Panginoon sa talata 7?

• Ano ang sinabi ng Panginoon na gawin ng mga Banal para hindi silamalinlang?

Ipaliwanag na ang pariralang “hanapin ang mga pinakamahusay na kaloob” satalata 8 ay tumutukoy sa mga kaloob ng Espiritu. Ang mga kaloob ng Espiritu ay“mga pagpapala o kakayahang ibinigay sa pamamagitan ng kapangyarihan ngEspiritu Santo” (Tapat sa Pananampalataya: Isang Sanggunian sa Ebanghelyo[2006], 83).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 46:9–12, 26.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakit tayobinibigyan ng Diyos ng mga espirituwal na kaloob.

• Anong doktrina ang matutukoy natin sa talata 9 tungkol sa dahilan kung bakitnagbibigay ang Diyos ng mga espirituwal na kaloob? (Maaaring iba-iba angmga salitang gamitin ng mga estudyante, ngunit tiyaking matutukoy nila angsumusunod na doktrina: Nagbibigay ang Diyos ng mga espirituwal nakaloob para sa kapakinabangan ng mga nagmamahal sa Kanya atsumusunod sa Kanyang mga kautusan. Isulat sa pisara ang doktrinang ito.)

• Ayon sa mga talata 11–12, ilan sa atin ang nakatanggap ng mga espirituwalna kaloob?

• Sa papaanong mga paraan nagiging kapaki-pakinabang sa atin ang mgaespirituwal na kaloob?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan46:13–25, at alamin ang ilan sa mga kaloob ng Espiritu.

Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa mgakaloob ng Espiritu na binanggit sa bahaging ito at pag-isipan kung paano magigingkapaki-pakinabang ang kaloob na iyan sa mga anak ng Diyos. Sabihin sa ilangestudyante na ibahagi sa klase ang mga naisip nila.

LESSON 18

117

Page 138: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 46:27–29.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paanomalalaman ng mga Banal kung aling mga kaloob ang mula sa Diyos at kung alingmga kaloob ang hindi.

• Paano makatutulong ang mga turo ng Panginoon sa mga talatang ito sa mgaBanal sa Kirtland na nakasaksi sa ilang kakaibang kilos at pag-uugali ng mgabagong miyembro?

Ipaliwanag na ang mga espirituwal na kaloob na nakalista sa Doktrina at mgaTipan 46 ay hindi ang kumpletong listahan ng mga espirituwal na kaloob namatatamo ng mga anak ng Diyos.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 46:30–33.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at hanapin ang payo naibinigay ng Panginoon tungkol sa mga espirituwal na kaloob na ito. Sabihin sa mgaestudyante na ipaliwanag nang maikli ang nahanap nila.

Hikayatin ang mga estudyante na pasalamatan ang Ama sa Langit para sa mgaespirituwal na kaloob na natanggap nila at masigasig na hangarin ang mga kaloobna iyon ng Espiritu na magpapala sa kanilang buhay at sa buhay ng iba.

Doktrina at mga Tipan 47–48Tinawag ng Panginoon si John Whitmer bilang mananalaysay ng Simbahan at sinabisa mga Banal kung paano tutulungan ang mga bagong miyembro na dumating saKirtlandIbuod ang Doktrina at mga Tipan 47 na ipinapaliwanag na tinawag ng Panginoon siJohn Whitmer na kapalit ni Oliver bilang mananalaysay ng Simbahan at upangmaglingkod bilang tagasulat ng Propeta.

Ipaliwanag na noong 1831, maraming bagong miyembro ang lumipat sa Kirtlandbilang pagsunod sa utos ng Panginoon na magtipon sa Ohio (tingnan sa D at T37:1–3). Inihayag ng Panginoon sa Doktrina at mga Tipan 48 ang pamamaraan nadapat sundin ng Simbahan sa pagbili ng mga lupain para sa titirahan ng mgabagong binyag na ito. Sinabi rin Niya sa mga Banal kung paano tutulungan angmga ito kapag dumating na.

Doktrina at mga Tipan 49:1–28Tinawag ng Panginoon sina Sidney Rigdon, Parley P. Pratt, at Leman Copley namangaral sa mga Shakers sa hilagang OhioSabihin sa mga estudyante na isipin ang mga taong kilala nila na iba angpamumuhay o pinagmulang relihiyon bago sumapi sa Simbahan.

• Anong mga hamon ang maaaring maranasan ng isang tao na naging miyembrong Simbahan kapag iba ang kanyang dating mga tradisyon at paniniwala?

• Paano nagpapahirap sa isang tao ang kanyang dating mga tradisyon atpaniniwala para tanggapin at ipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo?

Ipaliwanag na sa mga unang buwan ng 1831, isang lalaki na nagngangalangLeman Copley ang nabinyagan sa Simbahan, pero naniniwala pa rin siya sa ilangmaling aral ng kanyang dating sekta ng relihiyon, ang Shakers. Idrowing ang

LESSON 18

118

Page 139: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

sumusunod na chart sa pisara, isulat lamang ang mga pamagat ng mga column atiwang blangko ang iba pa. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrinaat mga Tipan 49, at sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminkung ano ang pinaniniwalaan ng mga Shakers. Ipabahagi sa mga estudyante angnalaman nila, at isulat ang kanilang mga sagot sa column na “Mga Paniniwala ngmga Shakers.”

Mga Paniniwala ng mga Shakers Ang Totoong Doktrina ngPanginoon

Ang Ikalawang Pagparito ni Cristo ay naganap na. D at T 49:5–7

Si Jesucristo ay nagpakita sa anyo ng isang babae nanagngangalang Ann Lee.

DatT 49:22

Ang pagbibinyag sa pamamagitan ng tubig ay hindikinakailangan.

D at T 49:11–14

Ang pag-aasawa ay dapat tutulan. D at T 49:15

Ang mga tao ay dapat na manatiling walang asawa. D at T 49:16–17

Ang pagkain ng karne ay ipinagbabawal ng ilan. D at T 49:18–21

Ipaliwanag na nag-alala si Joseph Smith tungkol sa patuloy na paniniwala niLeman Copley sa mga itinuturo ng Shakers, kaya nagtanong siya sa Panginoon.Bunga nito, natanggap niya ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 49.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 49:1–4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paanoinilarawan ng Tagapagligtas ang mga Shakers.

• Ano ang sinabi ng Panginoon na ninanais ng mga Shakers?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “nagnanais na malaman ang bahaging katotohanan, subalit hindi lahat” sa talata 2?

• Ano ang maaaring maging panganib kapag ilang bahagi lamang ngipinanumbalik na ebanghelyo ang sinusunod?

• Ano ang sinabi ng Panginoon tungkol kay Leman Copley sa talata 4?

Hatiin ang klase sa anim na grupo. I-assign sa bawat grupo ang isa sa anim nascripture reference sa chart. (Kung maliit ang klase mo, maaari kang mag-assign sabawat estudyante ng isa o mahigit pa sa mga scripture reference na ito.) Sabihin samga estudyante na basahin nang magkakasama sa kanilang grupo ang naka-assignna mga scripture passage sa kanila, at alamin ang mga doktrina at alituntunin naitinuro ng Panginoon upang iwasto ang mga maling paniniwala ng mga Shakers.Matapos ang sapat na oras, palapitin sa pisara ang isang estudyante mula sa bawatgrupo at, sa kahon sa tabi ng kaukulang maling paniniwala ng mga Shakers, isulatang scripture reference at ang totoong doktrina na tinukoy niya o ng kanyanggrupo sa scripture passage na iyan.

LESSON 18

119

Page 140: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Pagsulat sa pisaraAng epektibong paggamit ng pisara habang nagtuturo ay makapaghahanda sa mga estudyantena matuto, makahihikayat ng makabuluhang partisipasyon, at makatutulong lalo na sa mganatututo kapag may nakikita. Magagamit mo ang pisara para i-outline ang pangunahingdoktrina at mga alituntunin ng lesson, gawan ng diagram ang mga pangyayari, magdrowing ngmapa, gumawa ng flow chart, magdispley o magdrowing ng mga larawan, at gawin ang ibapang mga aktibidad na nakapagpapabilis ng pagkatuto.

• Alin sa mga maling pilosopiyang ito ang umiiral pa rin sa mundo ngayon?

Patingnan sa mga estudyante ang mga katotohanan na nakasulat sa pisara para saDoktrina at mga Tipan 49:15 at 49:16–17. (Ang kasal ay inorden ng Diyos.Iniutos sa mga mag-asawa na maging isa at magkaroon ng mga anak.)

• Anong mga layunin ang tinutupad ng pagpapakasal ng isang lalaki at isangbabae sa plano ng Ama sa Langit?

• Bakit salungat sa plano ng Ama sa Langit ang pagbabawal sa pagpapakasal?

• Ayon sa talata 16, sinasang-ayunan ng Diyos ang kasal sa pagitan ng lalaki atbabae at ang pisikal na intimasiya ng mag-asawa. Ano ang ilang paraan natinatangkang kutyain o sirain ng mga tao ang tradisyunal na kasal o angkasagraduhan ng pisikal na intimasiya ng mag-asawa?

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang maaari nilang gawin paramaihanda ang kanilang sarili sa pag-aasawa at sa kanilang tungkulin bilang mgamagulang. Hikayatin silang magtakda ng mithiin na mas ihanda ang sarili sasagradong responsibilidad na iyon.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan49:26–28 at alamin ang payo ng Panginoon. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagiang nalaman nila.

• Paano nauugnay ang payo na ito sa mga Shakers? Paano kaya ito maiuugnay saating lahat?

Ipaliwanag na sa pagsunod sa utos ng Panginoon sa Doktrina at mga Tipan 49:1,naglakbay sina Sidney Rigdon, Parley P. Pratt, at Leman Copley patungo sa datingkomunidad ng mga Shakers ni Copley sa hilagang Ohio at binasa sa kanila angpaghayayag na ito. Hindi tinanggap ng mga Shakers ang mensaheng ito. Kasabaynito, nanghina ang pananampalataya ni Leman Copley at nag-atubili kung babaliksa mga Shakers o mananatili sa ipinanumbalik na Simbahan. Kalaunan aynagdesisyon siya na huwag nang bumalik sa mga Shakers ngunit nakalulungkot nahindi siya nanatiling tapat sa ipinanumbalik na ebanghelyo.

Ipaliwanag na dahil hindi tinanggap ng mga Shakers at ni Leman Copley ang salitang Diyos, nawala sa kanila ang mga pagpapalang natanggap sana nila (tingnan saD at T 49:4). Anyayahan ang ilang estudyante na gustong magbahagi ng kanilangpatotoo tungkol sa kahalagahan ng pakikinig at pagtanggap sa katotohanan ngPanginoon. Maaari mo ring ibahagi ang iyong patotoo.

LESSON 18

120

Page 141: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 19

Doktrina at mga Tipan 50Pambungad at TimelineNang dumating si Joseph Smith sa Kirtland, Ohio, noong mga unang araw ngPebrero 1831, napansin niya na “may mga kakatwang paniwala at mgamapanlinlang na espiritu ang unti-unting lumalaganap” sa mga Banal. Nagsimulasiyang magturo “nang may pag-iingat at katalinuhan” upang wakasan ang mgamapanlinlang na espirituwal na pagpapakitang ito (Manuscript History of theChurch, vol. A-1, p. 93, josephsmithpapers.org). Ilang buwan kalaunan, bumalikmula sa misyon si Elder Parley P. Pratt at nakita ang ganoon ding kilos at asal samga branch ng Simbahan sa labas ng Kirtland, kaya humingi siya at ang iba pangmga lider ng payo kay Joseph Smith (tingnan sa Manuscript History of the Church,vol. A-1, p. 114, josephsmithpapers.org). Noong Mayo 1831, nagtanong angPropeta sa Panginoon tungkol sa bagay na ito at natanggap ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 50. Sa paghahayag na ito, iniutos ng Panginoonsa mga Banal na iwasang malinlang sa pamamagitan ng pagtuturo at pagtanggapng ebanghelyo nang may patnubay ng Espiritu ng Katotohanan.

Tagsibol 1831Ang ilang miyembro ng Simbahan sa Kirtland ay naimpluwensyahan ngmapanlinlang na espirituwal na pagpapakita.

Mga huling araw ng Marso o mga unang araw ng Abril, 1831Si Parley P. Pratt ay bumalik sa Kirtland mula sa isang misyon sa Indian Territory atMissouri.

Abril 30, 1831Nagsilang si Emma Smith ng kambal, isang lalaki at isang babae, na parehongnamatay pagkaraan ng ilang oras.

Mayo 9, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 50.

Mayo 9, 1831Inampon nina Joseph at Emma Smith ang kambal na sanggol nina John at JuliaMurdock matapos mamatay si Julia sa panganganak sa kambal noong Abril 30.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 50:1–9Nagbabala ang Panginoon sa mga elder ng Simbahan tungkol sa mga mapanlinlangna espirituSabihin sa mga estudyante na kunwari ay isang kaibigan o miyembro ng pamilyaang lumapit sa kanila at ibinahagi ang sumusunod na problema: “Sinisikap kongmamuhay nang karapat-dapat, pero hindi ko talaga malaman kung ang iniisip onadarama ko ba ay nagmula sa Espiritu o sariling ideya ko lang.”

• Paano kaya ninyo sasagutin ang problemang ito?

121

Page 142: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Matapos ang maikling talakayan, sabihin sa mga estudyante na tandaan angproblemang ito habang pinag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 50 ngayon.Sabihin sa kanila na alamin ang doktrina at mga alituntunin tungkol sa EspirituSanto at ang pagtanggap ng katotohanan mula sa Diyos na makatutulong sa kanilaat sa iba na makahanap at makahiwatig ng espirituwal na patnubay.

Ipaalala sa mga estudyante na matapos dumating si Propetang Joseph Smith saKirtland, Ohio, noong Pebrero 1831, sinimulan niyang wakasan ang “mgakakatwang paniwala at mga mapanlilnlang na espiritu [na] unti-untinglumalaganap” sa mga Banal (Manuscript History, vol. A-1, p. 93,josephsmithpapers.org). Nag-alala ang Propeta na baka mawasak ng mgamapanlinlang na espirituwal na pagpapakitang ito ang mga tunay na alituntuninng ipinanumbalik na ebanghelyo (tingnan sa “Try the Spirits,” Times and Seasons,Abr. 1, 1842, 747, josephsmithpapers.org). Noong mga unang araw ng Marso,natanggap ng Propeta ang paghahayag kung saan itinuro ng Panginoon sa mgaBanal kung paano makaiwas sa panlilinlang ng masasamang espiritu at ng mgadoktrina ng diyablo (tingnan sa D at T 46:7–8). Sa kabila ng pagsisikap ng Propetalaban sa mga mapanlinlang na espiritung ito, nagpatuloy ang mga kakaibang kilosat pag-uugali. Noong Mayo 1831, humingi ng payo ang ilang elder ng Simbahankay Propetang Joseph Smith dahil hindi nila maunawaan ang sinasabingespirituwal na pagpapakita na kanilang nasaksihan sa ilan sa mga miyembro. Hindimasabi ng mga elder kung aling espirituwal na pagpapakita ang nagmula sa Diyosat alin ang hindi. Itinanong ng Propeta sa Panginoon ang tungkol sa mgapagpapakitang ito at natanggap ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 50.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 50:1–3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang itinuro ngPanginoon sa mga elder tungkol sa kakaibang espirituwal na mga pagpapakita nanasaksihan nila.

• Ano ang itinuro ng Panginoon sa mga elder tungkol sa mga espiritu na“humayo sa mundo” (D at T 50:2)?

• Ayon sa babala ng Panginoon sa talata 3, anong katotohanan ang matututuhannatin tungkol kay Satanas? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy angsumusunod na katotohanan: Nais ni Satanas na linlangin tayo paramaibagsak niya tayo. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na markahanang katotohanang ito sa kanilang banal na kasulatan.)

• Ano ang ilang paraan na sinusubukan tayong malinlang ni Satanas?

Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 50:7–9, athanapin ang isang paraan kung paano nagkaroon ng kapangyarihan si Satanas namalinlang ang mga naunang miyembro ng Simbahan.

• Ayon sa mga talatang ito, paano nagkaroon ng kapangyarihan si Satanas namalinlang ang mga naunang miyembro ng Simbahan?

• Ano ang mapagkunwari? (Ang isang mapagkunwari ay isang taongnagpapanggap na mabuti ngunit salungat naman ang mga ikinikilos niya.[Tingnan din sa Bible Dictionary, “Hypocrite.”])

LESSON 19

122

Page 143: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa papanong paraan nalinlang ng mga mapagkunwari ang mga miyembro ngSimbahan noong 1831? Paano nila maaaring malinlang ang mga miyembro ngSimbahan ngayon?

• Ano ang sinabi ng Panginoon na mangyayari sa mga mapagkunwaring ito?

Doktrina at mga Tipan 50:10–46Itinuro ng Panginoon sa mga elder kung paano makikilala ang mga mapanlinlang naEspiritu at ang Espiritu ng KatotohananIpaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 50:10–12, sinabi ng Panginoon sa mgaelder ng Simbahan na makikipagpaliwanagan Siya sa kanila upang makaunawasila. Ipaalala sa mga estudyante na lumapit ang mga elder sa Propeta dahil hindinila maunawaan ang mga mapanlinlang na espirituwal na pagpapakita nanasaksihan nilang ipinamalas ng ilang miyembro ng Simbahan.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 50:13–16.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at hanapin ang mga itinanongng Panginoon sa mga elder sa Kanyang pakikipagpaliwanagan sa kanila.

• Ano ang itinanong ng mga elder sa talata 13?

• Anong doktrina ang matututuhan natin tungkol sa Espiritu Santo mula sa sagotng Panginoon sa talata 14? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sapisara ang sumusunod na doktrina: Ipinapadala ng Diyos ang Espiritu Santoupang ituro ang katotohanan.)

• Bakit mahalagang maunawaan ng mga elder ang doktrinang ito sa panahongito ng pagkakagulo?

Ipaliwanag na sa mga talata 15–16, sinabihan ng Panginoon ang mga elder dahiltinanggap nila ang mga mapanlinlang na espiritu na hindi nila nauunawaan.Magkagayunman, sinabi sa kanila ng Panginoon na Siya ay magiging maawain parin sa kanila.

Hatiin sa dalawang grupo ang klase. Ipabasa nang tahimik sa unang grupo angDoktrina at mga Tipan 50:17–18, at alamin ang sinabi ng Panginoon tungkol sapamamaraan kung paano dapat ipangaral ang Kanyang katotohanan. Ipabasa nangtahimik sa pangalawang grupo ang Doktrina at mga Tipan 50:19–20, at alaminkung paano matatanggap ang Kanyang katotohanan.

• Paano dapat ipangaral ang “salita ng katotohanan” (talata 17)?

• Paano ito dapat matanggap?

• Ano ang ibig sabihin ng “kung ito ay sa ibang pamamaraan ito ay hindi saDiyos” sa mga talata 18 at 20?

• Ano ang isang halimbawa ng paraan na maaari nating maipangaral o mahanapat matanggap ang katotohanan sa “ibang pamamaraan”?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 50:21–22.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang nais ngPanginoon na maunawaan ng mga elder tungkol sa mga nangangaral ng salita ngkatotohanan at sa mga taong nakikinig ng kanilang mensahe.

LESSON 19

123

Page 144: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ayon sa talata 21, ano ang nais ng Panginoon na maunawaan ng mga eldertungkol sa pangangaral at pagtanggap ng salita ng katotohanan?

• Ayon sa talata 22, ano ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kapagipinangaral ang salita ng katotohanan at natanggap ang Espiritu ngKatotohanan?

• Batay sa itinuro ng Panginoon sa talata 22, anong mga pagpapakita opagpapamalas ng Espiritu ang makatutulong sa atin na mahiwatigan kung anoang nagmula sa Diyos at kung ano ang hindi? (Matapos sumagot ang mgaestudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na doktrina: Ang Espiritu ngPanginoon ay nagpapaunawa, nagpapatibay, at nagdudulot ng kagalakan.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng pinagtitibay? (Espirituwal napinalalakas o pinatatatag.)

• Paano kaya nakatulong ang katotohanang ito sa mga elder na nagulumihanansa kakaibang ikinilos ng ilang miyembro?

• Paano makatutulong sa atin ang katotohanang ito na mahiwatigan ang mgapanlilinlang ni Satanas sa ating panahon?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon na alam nila na angitinuro o narinig nila ay mula sa Espiritu dahil sila ay nakaunawa, napatibay, atnagalak. Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mgakaranasan.

Ipaliwanag na para matulungan ang mga elder ng Simbahan na mas matukoy kungano ang nagmula sa Diyos at kung alin ang hindi, gumamit ang Panginoon nganalohiya ng liwanag at kadiliman.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 50:23.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon sa mga elder tungkol sa kadiliman.

• Ano ang sinabi ng Panginoon tungkol sa kadiliman?

• Paano ninyo ilalarawan ang nadarama at naiisip ninyo kapag hindinakapagpapatibay ang isang bagay?

• Paano nakatulong sa mga elder ang kaalamang ito sa pagtugon sa mgamiyembrong iyon na nagpapakita ng kakaibang kilos?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 50:24.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon sa mga elder tungkol sa liwanag.

• Bakit angkop na simbolo ang liwanag sa mga bagay na nagmumula sa Diyos?

• Ano ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kung tatanggap tayo ng liwanag atmagpapatuloy sa Diyos? (Maaaring iba-iba ang mga salitang gamitin ng mgaestudyante, ngunit tiyaking matutukoy nila ang sumusunod na alituntunin:Kung tatanggapin natin ang liwanag at magpapatuloy sa Diyos, tatanggaptayo ng marami pang liwanag, na magliliwanag nang magliliwanaghanggang sa ganap na araw. Sabihin sa mga estudyante na markahan angalituntuning ito sa kanilang banal na kasulatan.)

LESSON 19

124

Page 145: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa inyong palagay, ano ang ibig sabihin ng pariralang “nagpapatuloy sa Diyos”?

• Bakit dapat nating sikaping “lumiliwanag nang lumiliwanag” ang atingliwanag?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon kung saan patuloynilang tinatanggap ang liwanag at impluwensya ng Diyos sa kanilang buhay atlalong nadama ang Kanyang Espiritu at impluwensya. Anyayahan ang ilangestudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga karanasan.

• Ano ang magagawa natin para makatanggap ng marami pang liwanag ng Diyossa buhay natin?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan50:25, at alamin ang dahilan kung bakit itinuro ng Panginoon sa mga elder angmga katotohanang ito.

• Anong dahilan ang ibinigay ng Panginoon sa pagtuturo ng mga katotohanangito sa mga elder sa Kirtland?

• Sa paanong mga paraan nakatutulong sa atin ang pagkakaroon ng maramipang liwanag para malaman ang katotohanan?

• Paano nakatutulong sa atin ang pagkakaroon ng marami pang liwanag para“maitaboy ang kadiliman mula sa [atin]” (talata 25), o maiwaksi ang mga tuksoat impluwensya ng diyablo?

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon na naitaboy nila angkadiliman, o tukso, dahil sa liwanag at katotohanang natanggap nila. Anyayahanang ilang estudyante na gustong magbahagi na ikuwento sa klase ang kanilangmga karanasan.

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) ngKorum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“[I]winawaksi ng liwanag ang dilim. Kapag mayroong liwanag, nadadaig angdilim at nawawala. Higit na mahalaga, hindi madadaig ng dilim ang liwanaghangga’t di nababawasan o naaalis ang liwanag. Kapag nariyan ang espirituwalna liwanag ng Banal na Espiritu, ang kadiliman ni Satanas ay umaalis.

“… Kung hahayaan nating umandap-andap o humina ang liwanag ng Espiritudahil sa di pagsunod sa mga kautusan, o di pagtanggap ng sakramento o

pananalangin o pag-aaral ng banal na kasulatan, ang kadiliman ng kalaban ay tiyak napapasok” (Robert D. Hales, “Mula sa Kadiliman Tungo sa Kanyang Kagila-gilalas naKaliwanagan,” Liahona, Mayo 2002, 70, 71).

Sabihin sa mga estudyante na isiping mabuti kung paano nila sasagutinang tanong:

• Ano ang gagawin ninyo para tumanggap ng marami pang liwanag atmagpatuloy sa Diyos upang malaman ninyo ang katotohanan at iwaksi angkadiliman sa inyong buhay?

LESSON 19

125

Page 146: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Magtanong ng mga bagay na maghihikayat ng pagsasabuhayGumamit ng mga tanong na makahihikayat sa mga estudyante na pag-isipan ang itutugon nilasa mga katotohanan na pinag-aaralan nila. Ang mga ganitong uri ng tanong ay maymahalagang papel sa pagtulong sa mga estudyante na malaman kung paano maiaakma angmga katotohanang nakikita nila sa mga banal na kasulatan sa mga sitwasyong nararanasan nilangayon gayundin sa mga mararanasan nila sa hinaharap.

Hikayatin ang mga estudyante na kumilos ayon sa anumang pahiwatig nanatatanggap nila.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 50:26–37 na ipinapaliwanag na pinayuhan ngPanginoon ang mga maytaglay ng priesthood tungkol sa kapangyarihan at mgaresponsibilidad na kaakibat ng kanilang ordenasyon. Itinuro niya sa kanila namaglingkod sa iba at panatilihing dalisay ang kanilang mga sarili. Ipinangako ngPanginoon na kapag ginawa nila ito, bibigyan Niya sila ng kapangyarihangmatukoy ang mga mapanlinlang na espiritu. Nakahanda sa mga alituntunin paramatulungan ang mga banal na matukoy ang mga mapanlinlang na Espiritu atmaiwasan ang mga panlilinlang, sina Parley P. Pratt, John Corrill, at EdwardPartridge ay tinawag na “humayo sa mga simbahan at palakasin sila” (D at T50:37).

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan50:40–46, at hanapin ang nakapapanatag na payo mula sa Panginoon. Sabihin samga estudyante na magbahagi ng isang parirala mula sa mga talatang ito namahalaga sa kanila. Ilista sa pisara ang mga pariralang ibinahagi ng mgaestudyante.

• Paano nakapagbigay ng kapanatagan sa mga naunang Banal ang payo nanakasulat sa pisara? Paano ito maaaring magbigay ng kapanatagan sa atin?

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa mga katotohanang itinuro sa lesson na ito.Sabihin sa mga estudyante na isiping mabuti ang natutuhan nila ngayon at isulatkung paano nila ipamumuhay ang kanilang natutuhan.

LESSON 19

126

Page 147: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 20

Doktrina at mgaTipan 51–56Pambungad at TimelineAng mga Banal mula sa Colesville, New York, ay dumating sa Ohio noong Mayo1831, at si Bishop Edward Partridge ang nag-asikaso ng kanilang matitirahan.Upang magabayan si Bishop Partridge, ibinigay ng Panginoon kay PropetangJoseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 51. Sapaghahayag na ito, iniutos ng Panginoon kay Bishop Partridge kung paano isaayosang pangangasiwa ng mga ari-arian at salapi sa mga Banal.

Noong Hunyo 3–6, 1831, ang mga elder ng Simbahan ay nagtipon para sa isangpagpupulong o kumperensya. Sa huling araw ng kumperensya, ibinigay ngPanginoon kay Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 52. Sa paghahayag na ito, sinabi ng Panginoon na ang susunod nakumperensya ay dapat ganapin sa Missouri at ipinangako na Kanyang ipaaalamdoon ang lugar ng lupaing mana ng mga Banal. Nagtalaga ang Panginoon ng mgaelder na maglalakbay nang dala-dalawa sa Missouri at tinagubilinan sila kungpaano sila maglalakbay at mangangaral ng ebanghelyo. Inihayag din Niya anghuwaran para makilala ang mga tunay na tagasunod ni Jesucristo.

Nang sumunod na mga araw mula noong kumperensya ng Hunyo 1831,natanggap ni Propetang Joseph Smith ang mga paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 53–55. Ang mga paghahayag na ito ay kinapapalooban ngmga tagubilin para sa ilang miyembro ng Simbahan na naninirahan sa Ohio ngunitlilipat na sa Missouri. Sa mga paghahayag na ito, nangusap ang Panginoon kinaSidney Gilbert, Newel Knight, at William W. Phelps, at binigyan sila ng mgatagubilin tungkol sa mga gawain nila sa Simbahan at sa kanilang mga talento.

Noong mga unang araw ng Hunyo 1831, sina Ezra Thayre at Thomas B. Marsh aytinawag na magmisyon sa Missouri (tingnan sa D at T 52:22). Gayunman, dahil sakapalaluan at kasakiman, hindi pa handa si Ezra na umalis kasama ni Thomas. Sapaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 56, pinawalang-bisa ngPanginoon ang tawag kay Ezra Thayre at tinawag si Selah J. Griffin na magingkompanyon ni Brother Marsh.

Mayo 14, 1831Ang mga Banal mula sa Colesville, New York, ay dumating sa Ohio atinanyayahang manirahan bilang isang grupo sa sakahan ni Leman Copley saThompson, Ohio.

Mayo 20, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 51.

Mayo–Hunyo 1831Sinimulang paalisin ni Leman Copley ang mga Banal na naninirahan sakanyang lupain.

127

Page 148: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Hunyo 3–6, 1831Isang kumperensya ng Simbahan ang idinaos sa Kirtland, Ohio. Sa kumperensyanakita ni Joseph Smith ang Diyos Ama at si Jesucristo, at ang mga unang highpriest sa dispensasyong ito ay inorden.

Hunyo 6–15, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 52–56.

Hunyo 19, 1831Umalis sina Joseph Smith, Sidney Rigdon, at iba pa sa Ohio para sa kanilang unangpaglalakbay papuntang Missouri.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 51Itinalaga ng Panginoon si Edward Partridge na pangasiwaan ang mga temporal napangangailangan ng mga BanalIsulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong:

Anong mga sagradong responsibilidad ang ipinagkatiwala ng Ama sa Langit(o ipagkakatiwala) sa akin sa buhay na ito?

Ano ang mga inaasahan sa akin ng Panginoon tungkol sa mgaresponsibilidad na ito?

Anong mga pagpapala ang matatanggap ko sa pagtupad sa mgaresponsibilidad na ito?

Sabihin sa mga estudyante na isiping mabuti ang mga tanong na ito. Sabihin sailang estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot sa klase.

Hikayatin ang mga estudyante na maghanap ng alituntunin sa pag-aaral nila ngDoktrina at mga Tipan 51 na makatutulong sa kanila na maunawaan kung paanonila matutupad ang kanilang mga responsibilidad mula sa Panginoon at anongmga pagpapala ang matatanggap nila sa pagtupad sa mga responsibilidad na iyon.

Ipaliwanag na ang mga Banal na lumipat mula sa New York ay nagsimulangdumating sa Ohio noong tagsibol ng 1831. Naglakbay ang isang grupo mula saColesville, New York, nang may malaking sakripisyo. Sa ilalim ng pamumuno niNewel Knight, iniwan nila ang kanilang mga tahanan noong Abril at, pagkataposng isang buwang paglalakbay, sila ay dumating sa Kirtland sa kalagitnaan ng Mayo.Pinayuhan sila ni Joseph Smith na manirahan sa kalapit bayan na tinatawag naThompson sa lupain ni Leman Copley. Bilang bishop, si Edward Partridge ayresponsable para sa pagpapasimula ng batas ng paglalaan sa mga Banal (tingnan saD at T 42:30–33) at humingi ng payo kung paano niya ito sisimulan. Nagtanongang Propeta sa Panginoon, at bilang sagot ay natanggap niya ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 51.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 51:1–8 na ipinapaliwanag na binigyan ngPanginoon si Bishop Edward Patridge ng mga partikular na direksyon kung paano

LESSON 20

128

Page 149: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

ioorganisa ang mga Banal ayon sa batas ng paglalaan. Dapat bigyan ni BishopPartridge ang bawat pamilya na naglaan ng kanilang ari-arian sa Simbahan ngbahagi ng mga lupain at kabuhayan ayon sa “kalagayan at … kakulangan atpangangailangan” ng pamilya (talata 3).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 51:9. Sabihinsa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ipinayo ng Panginoon samga Banal.

• Sa inyong palagay, sa anong mga paraan kaya nakatulong ang payo ngPanginoon sa talata 9 sa pagpapamuhay ng mga Banal sa batas ng paglalaan?(Tingnan din sa Jacob 2:17.)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 51:10–18 na ipinapaliwanag na iniutos ngPanginoon sa bishop na magtayo ng kamalig [storehouse] na pag-iimbakan ngmga sobrang gamit at pagkain. Ipinaliwanag din ng Panginoon na ang Ohio aypansamantalang lugar lamang na pagtitipunan ng mga Banal.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan51:19, at alamin ang pangako ng Panginoon sa mga matatapat na sumusunod sabatas ng paglalaan.

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa talatang ito tungkol samatatanggap natin kung tayo ay matapat, makatarungan, at matalinong mgakatiwala? (Dapat matukoy ng mga estudyante na Kung tayo ay matapat,makatarungan, at matalinong katiwala, makapapasok tayo sa kagalakanng Panginoon at magmamana ng buhay na walang hanggan.)

• Bakit mahalagang maunawaan ng mga Banal ang alituntuning ito sapagsisimula ng pagpapamuhay nila ng batas ng paglalaan?

• Ano ang ibig sabihin ng maging katiwala?

Kung kailangan, ipaliwanag na ang katiwala ay “isang tao na namamahala sakapakanan o ari-arian ng iba. Ang tawag sa pinangangalagaan ng katiwala aypinangangasiwaan. Lahat ng bagay sa mundo ay nabibilang sa Panginoon; tayo aykanyang mga katiwala” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Katiwala,Ipinagkatiwala,”scriptures.lds.org).

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan ang mga salitang katiwala atpinangangasiwaan ay kaakibat ng batas ng paglalaan. Ang salitang katiwala aytumutukoy sa mga taong inilaan ang mga materyal na pag-aari para sa Panginoonsa pamamagitan ng tipan at binigyan ng salapi at lupain mula sa Panginoon paragamitin ayon sa kanilang mga pangangailangan at kakulangan lamang. Angsalitang pinangangasiwaan ay tumutukoy sa mga salapi o lupaing iyon na ibinigayng Panginoon. Bagama’t ang mga salitang ito ay may tiyak na kahulugan sakonteksto ng batas ng paglalaan, ang mga alituntunin na gumabay sa mga Banalkung paano isasagawa ang kanilang pangangasiwa ay gagabay rin sa atin sa mgaresponsibilidad at tungkulin na natatanggap natin mula sa Panginoon.

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ngLabindalawang Apostol, kung saan ipinaliwanag niya kung paano naaangkop angmga alituntuning ito sa atin ngayon. Ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

LESSON 20

129

Page 150: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“Tayo ay nabubuhay sa mga panahong mapanganib kung kailan marami angnaniniwala na hindi tayo mananagot sa Diyos at wala tayong personal napananagutan o pangangasiwa sa ating sarili o sa iba. …

“Sa Simbahan, ang pangangasiwa ay hindi limitado sa temporal na pagtitiwala oresponsibilidad. Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball: ‘Tayo angtagapangasiwa ng ating mga katawan, isipan, pamilya, at ari-arian. … Ang

isang matapat na tagapangasiwa ay yaong namamahala nang matwid, nangangalaga sa sarilingpamilya, at nagmamalasakit sa mahihirap at nangangailangan’’ [“Welfare Services: The Gospelin Action,” Ensign, Nob. 1977, 78]” (Quentin L. Cook, “Pangangasiwa—Isang SagradongPagtitiwala,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 91).

• Ano ang ibig sabihin sa inyo ng maging matapat, makatarungan, at matalinongkatiwala?

• Kailan kayo napagpala ng isang taong matapat, makatarungan, at matalino sapagtupad ng mga responsibilidad na ibinigay sa kanya ng Panginoon?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga responsibilidad na ibinigay sa kanilang Panginoon. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano sila magiging masmatapat, makatarungan, at matalino sa pagtupad ng mga responsibilidad na iyon.Hikayatin sila na sundin ang anumang pahiwatig na natatanggap nila.

Doktrina at mga Tipan 52Iniutos ng Panginoon sa ilang lider na maglakbay sa Missouri at magbigay nghuwaran upang makaiwas sa panlilinlangIpaliwanag na bilang pagsunod sa utos ng Panginoon sa mga elder ng Simbahanna magtipon nang magkakasama (tingnan sa D at T 44:1–2), nagtipon ang mgaelder sa isang kumperensya na idinaos sa Kirtland, Ohio, noong Hunyo 1831.Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang section heading ngDoktrina at mga Tipan 52, at alamin ang nangyari sa kumperensya. Sabihin saisang estudyante na ibahagi ang nalaman niya.

Ipaliwanag na sa huling araw ng kumperensya, natanggap ni Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 52. Ibuod ang Doktrina at mgaTipan 52:1–13 na ipinapaliwanag na iniutos ng Panginoon kina Joseph Smith,Sidney Rigdon, at iba pang mga lider na maglakbay papuntang Missouri atipangaral ang ebanghelyo habang naglalakbay.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 52:14.Sabihin sa klase na alamin ang babala ng Panginoon sa mga elder bago nilasimulan ang kanilang paglalakbay.

• Anong babala ang ibinigay ng Panginoon sa mga elder, at paano nauugnay saatin ang babalang iyan?

• Anong alituntunin ang matututuhan natin sa talatang ito na makatutulong saatin na makaiwas sa panlilinlang? (Dapat matukoy ng mga estudyante angalituntuning tulad ng sumusunod: Kung susundin natin ang huwaran ngDiyos sa lahat ng bagay, maiiwasan nating malinlang ni Satanas.)

• Ano ang huwaran o paraan? (Ito ay isang ehemplo na maaari nating tularan.)

LESSON 20

130

Page 151: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang ilang halimbawa ng huwaran o paraan na ibinigay sa atin ng Diyospara matulungan tayo na huwag malinlang?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 52:15–19.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang huwarangibinigay ng Panginoon sa mga Banal na makatutulong sa kanila na matukoy angtunay na mga tagasunod ni Jesucristo.

• Ayon sa huwaran ng Panginoon, paano natin matutukoy ang mga tunay natagasunod ni Jesucristo? (Maaari mong ipaliwanag na ang mga salitang mgaordenansa na ginamit sa paghahayag na ito ay maaaring tumukoy sa mgaordenansa ng priesthood o lalo na sa mga kautusan at batas ng Panginoon.)

• Paano makatutulong ang huwaran na ito para hindi tayo malinlang?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 52:20–44 na ipinapaliwanag na tumawag angPanginoon ng karagdagang mga missionary at hinikayat ang lahat ng mga Banal napangalagaan ang mga maralita, maysakit, at naghihirap.

Doktrina at mga Tipan 53Tinawag ng Panginoon si Sidney Gilbert upang ipangaral ang ebanghelyo atmaglakbay papuntang MissouriIpaliwanag na si Sidney Gilbert, na kasosyo sa negosyo ni Newel K. Whitney, aynaroon marahil noong Hunyo 6 nang matanggap ni Joseph Smith ang paghahayagna nag-uutos sa maraming elder na magpunta sa Missouri (tingnan sa D at T 52).Gayunman, hindi nabanggit ang pangalan ni Sidney sa paghahayag na iyan.Di-nagtagal matapos matanggap ang paghahayag na iyan, nilapitan ni Sidney siJoseph Smith at nagtanong kung ano ang gagawin niya. Bilang tugon, ibinigay ngPanginoon ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 53. Iniutos Niyakay Sidney na talikdan ang sanlibutan, maglingkod bilang kinatawan ng bishop, atmaglakbay kasama si Propetang Joseph Smith patungo sa Missouri.

Doktrina at mga Tipan 54Tinagubilinan ng Panginoon ang mga Banal na taga Colesville na lisanin ang Ohio atlumipat sa MissouriMagdrowing ng dalawang column sa pisara, at isulat ang Tuparin ang mga Tipan saitaas ng isang column at Sirain ang mga Tipan sa itaas ng isa pang column.

• Ano ang nakatulong sa inyo para mahikayat kayo na tuparin ang inyongmga tipan?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung anong mga impluwensya sa daigdigang maaaring magtangkang himukin sila na sirain ang kanilang mga tipan.

Sabihin sa mga estudyante na habang pinag-aaralan nila ang Doktrina at mgaTipan 54 ay maghanap sila ng mga katotohanan na makatutulong sa kanila na masmaunawaan ang kahalagahan ng pagtupad ng kanilang mga tipan sa Diyos.

Ipaalala sa mga estudyante na si Leman Copley ay dating miyembro ng UnitedSociety of Believers in Christ’s Second Appearing (kilala rin bilang Shakers).Matapos siyang magbalik-loob sa ebanghelyo ni Jesucristo, nakipagtipan siya sailalim ng mga alituntunin ng paglalaan na pahihintulutan niya ang mga Banal na

LESSON 20

131

Page 152: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

taga Colesville na tumira sa kanyang lupain sa Thompson, Ohio. Nang simulangtirahan ng mga Banal ang kanyang lupain, sumama si Leman sa iba pang mgamissionary sa pagpunta sa North Union, Ohio, upang ipangaral ang ebanghelyo samga Shakers (tingnan sa D at T 49). Hindi nagtagumpay ang misyon, at nanghinaang pananampalataya ni Leman sa ipinanumbalik na ebanghelyo. Di-nagtagal,pagkauwi mula sa kanyang misyon sa mga Shakers, sinira ni Leman ang kanyangtipan at pinaalis ang mga Banal sa kanyang lupain.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang section heading ngDoktrina at mga Tipan 54, at alamin kung bakit idinaos ang kumperensyang ito.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 54:1–6. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang itinuro ng Panginoon sa mga Banal tungkol sa nangyayari kapag sinira ng isangtao ang kanyang mga tipan.

• Ano ang ipinapahiwatig ng mga itinuro ng Panginoon sa mga talata 4-5 tungkolsa kabigatan ng pagsira sa ating mga tipan sa Diyos? (Isulat sa pisara ang mgasagot ng mga estudyante sa ilalim ng Sirain ang mga Tipan.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin kapag “walang halaga at walang bisa”ang tipan” (talata 4)? Anong mga pagpapala ang nawawala sa atin kapag siniranatin ang ating mga tipan?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa talata 6 tungkol sa mgapagpapalang natatanggap natin kapag tinutupad natin ang ating mga tipan atang mga kautusan ng Diyos? (Kung matapat nating tinutupad ang atingmga tipan at sinusunod ang mga kautusan ng Diyos, makatatanggap tayong awa. Isulat sa pisara ang alituntuning ito sa ilalim ng Tuparin ang mga Tipan.)

• Ano ang ilang paraan na mararanasan natin ang awa ng Diyos? (Maaaringkasama sa sagot ang kapatawaran, tulong na madaig ang kasalanan, banal napatnubay, pisikal at espirituwal na pagpapagaling, mga sagot sa panalangin, atlahat ng pagpapalang natatanggap natin.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang alituntuning ito,ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Tanging ang mga gumagawa at tumutupad ng tipan ang makapag-aangkin ngpinakamataas na mga pagpapala ng kahariang selestiyal. Oo, kapagpinag-uusapan natin ang tungkol sa pagtupad ng tipan, pinag-uusapan natin angpuso at pinakadiwa ng ating layunin sa mortalidad. …

“Kung talagang gusto nating magtagumpay … , kung gusto nating makamtanang bawat tulong at bawat benepisyo at bawat pagpapala mula sa Ama, kung

gusto nating mabuksan ang pintuan ng langit sa atin upang matanggap ang mga kapangyarihanng kabanalan, kailangan nating tupdin ang ating mga tipan!” (Jeffrey R. Holland, “KeepingCovenants: A Message for Those Who Will Serve a Mission,” New Era, Ene. 2012, 2, 4).

• Paano ninyo nadama ang awa ng Diyos kapag matapat ninyong tinutupadinyong mga tipan sa Kanya? (Maaari kang magbahagi ng sariling karanasan, at

LESSON 20

132

Page 153: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

hikayatin ang mga estudyante na matapat na tuparin ang kanilang mga tipansa Diyos.)

Magbahagi ng mga halimbawa kung paano magagamit ang mgaalituntunin ng ebanghelyoKayo ng iyong mga estudyante ay magkakaroon ng pagkakataon na magmungkahi ng mgaparaan na magagamit ang mga alituntunin ng ebanghelyo. Matutulungan ng mga halimbawangiyon na maunawaan ng mga estudyante kung paano gamitin ang mga alituntunin ng ebanghelyosa kanilang buhay sa araw-araw. Gayunman, maging maingat na huwag ipaggiitan na gamitinang isang partikular na alituntunin sa partikular na sitwasyon ng mga estudyante.

Ibuod ang mga talata 7–10 na ipinapaliwanag na sa mga talatang ito, iniutos ngPanginoon na ang mga Banal sa Colesville, na pinalayas ni Leman Copley sakanyang lupain, ay pumunta sa Missouri, kung saan maghahanda ang Panginoonng lugar para sa kanila.

Doktrina at mga Tipan 55Tinagubilinan ng Panginoon si William W. Phelps tungkol sa kanyang tungkulin saSimbahanIpaliwanag na si William W. Phelps, isang patnugot at manlilimbag mula sa NewYork, ay dumating sa Kirtland, Ohio, kasama ang kanyang pamilya noong Hunyo1831. Nakumbinsi si William sa katotohanan ng ipinanumbalik na ebanghelyongunit hindi pa nabinyagan. Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 55 naipinapaliwanag na sa paghahayag na ito iniutos ng Panginoon kay William namagpabinyag at sinabi sa kanya na gamitin ang kanyang mga karanasan at mgatalento para makatulong sa paglimbag at pagsulat ng mga aklat para sa Simbahan.

Doktrina at mga Tipan 56Pinawalang-bisa ng Panginoon ang tawag sa misyon ni Ezra Thayre at nagbabala samga Banal laban sa kasakiman at kapalaluanIpaliwanag na tinawag ng Panginoon sina Thomas B. Marsh at Ezra Thayre namagkasamang maglakbay papuntang Missouri at ipangaral ang ebanghelyo, attinawag din Niya sina Newel Knight at Selah J. Griffin na ganoon din ang gawin(tingnan sa D at T 52:22, 32). Gayunman, noong handa nang umalis si Thomas, siEzra ay hindi pa handa.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 56:1–13 na ipinapaliwanag na pinawalang-bisang Panginoon ang tawag na maglingkod ni Ezra Thayre na kasama si Thomas B.Marsh at itinalaga si Selah J. Griffin bilang kapalit niya. Dahil sa sitwasyon ng mgaBanal sa Thompson, Ohio, pinawalang-bisa rin ng Panginoon ang utos namagkasamang pumunta sina Selah J. Griffin at Newel Knight sa Missouri. Sinabing Panginoon kay Newel na samahan ang mga Banal na nagbalak na manirahan saThompson at dalhin sila sa Missouri.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 56:14–20. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang mga katotohanang matututuhan natin mula sa pagwawasto at pagpapayo ng

LESSON 20

133

Page 154: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Panginoon sa mga naunang Banal. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang ilansa mga katotohanang nalaman nila.

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa mga katotohanang itinuro sa lesson na ito.

LESSON 20

134

Page 155: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 21

Doktrina at mgaTipan 57–58Pambungad at TimelineBilang pagsunod sa utos ng Panginoon na magtipon sa isang kumperensya ngSimbahan sa Missouri (tingnan sa D at T 52:2–5), naglakbay sina Propetang JosephSmith at ang iba pa nang mahigit-kumulang 900 milya mula Ohio patungongMissouri. Noong Hulyo 20, 1831, ilang araw matapos dumating sa Jackson County,Missouri, natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatala na ngayon saDoktrina at mga Tipan 57. Sa paghahayag na ito sinabi ng Panginoon na angIndependence, Missouri, ang dapat maging tampok na lugar ng lunsod ng Sion atng templo nito, at tinagubilinan Niya ang ilang tao tungkol sa kanilanggagampanan sa pagtatayo ng Sion.

Noong Agosto 1, 1831, wala pang dalawang linggo matapos matanggap ni Josephang paghahayag na nagtatalaga sa Independence bilang tampok na lugar ng Sion,ilang mga miyembro ng Simbahan ang kumausap sa Propeta na nagnanais namalaman kung ano ang kalooban ng Panginoon sa kanilang magiging bahagi sapagtatayo ng Sion. Bilang tugon, ibinigay ng Panginoon ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 58. Sa paghahayag na ito tinagubilinan ngPanginoon ang mga Banal tungkol sa mga alituntuning pagbabatayan sa pagtatatagng lunsod ng Sion, kabilang na ang pagsunod sa mga kautusan, katapatan sa gitnang kapighatian, paggamit ng kalayaan upang magsagawa ng kabutihan, at pagsisisiat kapatawaran.

Hulyo 14, 1831Dumating si Joseph Smith at ang mga kasama niyang naglakbay sa JacksonCounty, Missouri.

Hulyo 20, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 57.

Mga huling araw ng Hulyo 1831Dumating ang mga Banal na taga Colesville at ilang elder sa Jackson County.

Agosto 1, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 58.

Agosto 2–3, 1831Inilaan ang lupain sa Jackson County, Missouri, para sa pagtatatag ng Sion, at isanglugar para sa templo ang inilaan sa Independence, Missouri.

135

Page 156: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 57:1–16Inihayag ng Panginoon ang lugar ng Sion at tinagubilinan ang mga tao tungkol sakanilang gagampanan sa pagtatayo nitoIsulat sa pisara ang mga salitang Mga Inaasahan at Aktwal na Kinalabasan. Sabihinsa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon na nalungkot sila dahil iba sakanilang inaasahan o ninanais ang kinalabasan ng isang pangyayari. Anyayahanang ilang estudyante na magbahagi ng kanilang mga karanasan sa klase.

Hikayatin ang mga estudyante na maghanap ng mga katotohanan habangpinag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 57–58 na makatutulong sa kanila namas maunawaan kung paano manatiling tapat sa Panginoon kapag hindi nangyariang inaasahan o inaasam nila.

Ipaalala sa mga estudyante na nauna nang ipinahayag ng Panginoon na itatatagNiya ang lunsod ng Sion “sa mga hangganan ng mga Lamanita” (D at T 28:9).Alam ng mga Banal na ang lugar na ito ay ang kanlurang gilid ng Missouri, kayanang iutos ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith at sa ilang elder na magdaosng isang kumperensya ng Simbahan sa Missouri (tingnan sa D at T 52:2),gustung-gusto nilang malaman ang eksaktong lokasyon ng Sion. Inaasam ng mgaBanal na itatag ang Sion dahil alam nila na sa pagiging bahagi ng Sionmatatanggap nila ang pagtubos, proteksyon, at kapayapaan mula sa Panginoon(tingnan sa Isaias 51:11; 52:7–8; 3 Nephi 21:22–29; D at T 45:66–75; Moises7:61–64). Bilang pagsunod sa utos ng Panginoon, nilisan ni Joseph Smith at ngilang elder ang Kirtland, Ohio, noong Hunyo 1831 at naglakbay nanghumigit-kumulang 900 milya patungo sa Missouri, at dumating isang buwankalaunan noong Hulyo 14, 1831 (tingnan sa The Joseph Smith Papers, Documents,Volume 2: July 1831–January 1833, inedit ni Matthew C. Godfrey at iba pa[2013], 5–6).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 57. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mgaitinanong ng Propeta sa Panginoon nang dumating siya sa Jackson County,Missouri.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 57:1–3.Hikayatin ang klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paanosinagot ng Panginoon ang mga tanong ng Propeta.

• Saan itatayo ang lunsod ng Sion?

• Ayon sa talata 3, saan itatayo ang templo kung ibabatay sa lunsod ng Sion?

• Sa inyong palagay, ano ang mahalaga tungkol sa sinabi ng Panginoon na itatayoang templo sa sentro ng lunsod ng Sion?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 57:4–16 na ipinapaliwanag na tinagubilinan ngPanginoon ang mga Banal na bumili ng lupa o ari-arian sa loob at palibot ngIndependence, Missouri. Tinagubilinan din ng Panginoon ang ilang tao na gamitinang kanilang lakas para makatulong sa pagtatayo ng Sion.

LESSON 21

136

Page 157: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 58:1–13Pinayuhan ng Panginoon ang mga Banal na maging matapat sa kabila ngkapighatianSabihin sa mga estudyante na ang mga missionary at miyembro ng ColesvilleBranch na inutusang pumunta sa Missouri ay dumating ilang araw pagkaraan ngpagdating ng Propeta at ng kanyang mga kasama sa paglalakbay. Ilan sa mgabagong dating ang umasang papaunlad na komunidad ng mga bagong miyembroang kanilang daratnan, ngunit bigo sila sa kanilang inasahan dahil kakauntilamang ang mga miyembrong naroon. Ikinalungkot din ng ilan na halos hindi panalilinang ang lupain sa Jackson County. Bukod pa riyan, hindi nagkasundo sinaPropetang Joseph Smith at Bishop Edward Partridge tungkol sa bibilhing lupainpara sa mga Banal. Sa mga ganitong kalagayan natanggap ni Propetang JosephSmith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 58. (Tingnan sa TheJoseph Smith Papers, Documents, Volume 2: July 1831–January 1833, 12–13.)

Paglalahad ng TitserBagama’t mahalaga na aktibong makibahagi sa pag-aaral ang mga estudyante upangmaunawaan at maipamuhay ang mga banal na kasulatan, paminsan-minsan kailangan mo paring angkop na maglahad ng impormasyon habang nakikinig ang mga estudyante. Maaaringkailanganin mong ipaliwanag, linawin, at ilarawan ang konteksto ng scripture block para masmalinaw itong maunawaan ng mga estudyante.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan58:1–5, at alamin ang nais ng Panginoon na maunawaan agad ng mga elderpagdating nila sa Missouri.

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa sinabi ng Panginoon sa mgaelder sa talata 2? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara angsumusunod na alituntunin: Ang ating walang hanggang gantimpala ay masmagiging dakila kung mananatili tayong matapat sa kabila ngkapighatian.)

• Paano nakatulong ang alituntuning ito sa mga Banal nang ang mga kalagayansa kanilang bagong tirahan ay taliwas sa inaasahan nila?

Itanong sa klase kung may sinuman sa kanila ang maikling makapaglalarawan ngilan sa mga pang-uusig at pagsubok na naranasan ng mga Banal sa mga sumunodna taon sa Missouri. (Kung kinakailangan, maikling ipaalam sa mga estudyante nadumanas ang mga Banal ng panliligalig at karahasan mula sa kanilang mgakapitbahay sa Missouri, at pinatay pa ang ilang miyembro ng Simbahan. Dahil sapang-uusig napilitang umalis ang mga Banal sa Jackson County noong Nobyembreat Disyembre ng 1833, at tuluyan nang pinalayas sa Missouri noong taglamig ng1838–39 nang magpalabas ang gobernador ng estado ng isang extermination orderlaban sa kanila.)

• Paano kaya mapapalakas ang mga Banal ng alituntunin sa pisara at ng mgapangako ng Panginoon sa mga talata 2–4 sa mga paghihirap na dadanasin nilasa Missouri?

LESSON 21

137

Page 158: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ayon sa talata 3, ano ang madalas na hindi natin nakikita o nauunawaan kapagdumaranas tayo ng kapighatian?

• Paano nakatutulong sa atin ang mga turo sa talatang ito kapag nakararanas tayong kabiguan at kapighatian?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 58:6–13 na ipinapaliwanag na inihayag ngPanginoon ang ilan sa mga dahilan kaya ipinadala Niya ang mga Banal sa Sion, atisa rito ay upang mailatag ng mga elder ang pundasyon ng Sion at masimulan nangihanda ang mundo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Ayon sa mga satalatang ito, tinukoy ng Panginoon ang isang talinghaga sa Bagong Tipan (tingnansa Mateo 22:1–14; Lucas 14:12–24) na nagtuturo na lahat ng tao sa lahat ng bansaay aanyayahang tumanggap ng mga pagpapala ng ebanghelyo.

Doktrina at mga Tipan 58:14–33Inisa-isa ng Panginoon ang mga tungkulin ng bishop, iniutos sa mga Banal nasundin ang mga batas ng lupain, at pinayuhan silang gamitin ang kanilang kalayaanna gumawa ng mabutiIpaalala sa mga estudyante na si Bishop Edward Partridge, na tinawag na mamalagisa Missouri para pamahalaan ang mga ari-arian ng Simbahan at bumili ng lupainsa loob at palibot ng Independence, at ang Propeta ay di-nagkasundo sa mgabibilhing lote. Ipaliwanag na tulad ng nakatala sa Doktrina at mga Tipan 58:15,nagbabala ang Panginoon kay Bishop Patridge na kung hindi siya magsisisi sakanyang “hindi paniniwala at kabulagan ng puso,” siya ay babagsak. Pinakingganni Bishop Partridge ang babala at pangaral ng Panginoon nang mapagkumbaba(tingnan sa The Joseph Smith Papers, Documents, Volume 2: July 1831–January 1833,12–13). Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 58:16–20 na ipinapaliwanag na iniisa-isarin ng Panginoon ang ilan sa mga tungkulin at responsibilidad ni Edward Partridgebilang bishop sa Missouri. Pagkatapos ay ibuod ang Doktrina at mga Tipan58:21–23 na ipinapaliwanag na iniutos ng Panginoon sa mga Banal na sundin angmga batas ng lupain at ang mga batas ng Diyos.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 58:24–28.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang sinabi ngPanginoon na gawin ni Bishop Partridge at ng kanyang mga tagapayo.

• Ayon sa talata 25, ano ang sinabi ng Panginoon na gawin ni Bishop Partridge atng kanyang mga tagapayo?

• Paano nakatulong sa kanila ang paghingi ng payo sa isa’t isa at sa Panginoonpara mapamahalaan ang mga gawain sa Simbahan sa Missouri at magtayong Sion?

• Batay sa itinuro ng Panginoon sa mga lalaking ito sa mga talata 26–28, anongdoktrina at mga alituntunin ang matututuhan natin tungkol sa inaasahan ngPanginoon na gawin natin? (Maaaring iba-iba ang isagot ng mga estudyante,ngunit tiyaking matutukoy nila ang mga sumusunod na katotohanan: Kunghihintayin nating sabihin sa atin ng Panginoon ang lahat ng dapat natinggawin, wala tayong matatanggap na gantimpala. May kakayahan tayongkumilos para sa ating sarili. Kung gagamitin natin ang ating kalayaan paramakagawa ng kabutihan, tayo ay gagantimpalaan. Hikayatin ang mga

LESSON 21

138

Page 159: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

estudyante na markahan ang mga katotohanang ito sa kanilang banal nakasulatan.)

• Bakit mahalagang maunawaan ng mga taong tinawag na itayo ang Sion angmga alituntuning ito?

• Bakit mahalagang maunawaan natin ang mga katotohanang ito sa atingpanahon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 58:29–33.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon na mangyayari sa mga taong hindi ginagamit ang kanilang kalayaan sapaggawa ng mabuti o pinag-aalinlanganan ang Kanyang mga kautusan.

• Ano ang mangyayari sa mga taong hindi ginagamit ang kanilang kalayaan sapaggawa ng mabuti o pinag-aalinlanganan ang mga kautusan ng Panginoon?

• Ayon sa mga talata 32–33, ano ang reaksyon ng ilang tao kapag hindi nilanatatanggap ang mga pagpapalang sa palagay nila ay dapat lang nilangmatanggap, gayong tamad naman sila o suwail?

• Anong babala ang ibinibigay ng Panginoon sa gayong mga tao?

Magpatotoo na bagama’t inihayag ng Panginoon ang lokasyon ng lunsod ng Sion,iniutos pa rin Niya sa mga Banal na gamitin ang kanilang kalayaan na gumawa ngmabuti at tumulong na maitatag ang Sion. Totoo rin ito sa atin sa panahong ito.Kahit binibigyan tayo ng Panginoon ng paghahayag para maging gabay, inaasahanNiyang gagamitin natin ang ating kalayaan na gumawa ng mabuti at “isakatuparanang maraming kabutihan” (D at T 58:27) upang maisakatuparan angKanyang gawain.

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang magagawa nila paramakagawa ng maraming kabutihan. Hikayatin sila na sundin ang anumangpahiwatig na matanggap nila.

Doktrina at mga Tipan 58:34–65Ang Panginoon ay nagbigay ng mga karagdagang tagubilin patungkol sa Sion,nagturo ng mga alituntunin ng pagsisisi at kapatawaran, at iniuutos sa mga elder naipangaral ang ebanghelyo sa buong mundoIpaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 58:34–37, nagbigay ang Panginoon ng mgakaragdagang tagubilin hinggil sa lupain ng Sion. Iniutos Niya kay Martin Harris nailaan ang pera nito sa Panginoon, upang tularan ng mga Banal na nakatira sa Sionang halimbawang ito at ipamuhay ang batas ng paglalaan, at bumili ng lupain parasa kamalig (storehouse) at palimbagan.

Sabihin sa ilang estudyante na magsaIitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 58:38–43, 60. Hikayatin ang klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang ipinayo ng Panginoon kina Martin Harris, William W. Phelps, at ZibaPeterson habang naghahanda sila sa pagtira sa Sion.

• Paano naging hadlang ang mga kasalanan ng mga lalaking ito sa pagtulong nilasa pagtatayo ng Sion?

LESSON 21

139

Page 160: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Paano nalilimitahan ng ating mga kasalanan ang kakayahan natingpaglingkuran ang Panginoon?

• Anong katotohanan ang itinuro ng Panginoon sa mga lalaking ito tungkol sapagsisisi sa talata 42? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy angsumusunod na katotohanan: Kung magsisisi tayo ng ating mga kasalanan,patatawarin tayo ng Panginoon at hindi na maaalaala pa ang ating mgakasalanan.)

• Paano makapagdadala ng pag-asa sa atin ang katotohanang ito?

• Anong katotohanan ang itinuro ng Panginoon sa mga lalaking ito tungkol sapagsisisi sa talata 43? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy angsumusunod na katotohanan: Para makapagsisi, dapat nating ipagtapat attalikuran ang ating mga kasalanan.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ibig sabihin ngipagtapat at talikuran ang kasalanan, ipabasa nang malakas sa isang estudyanteang sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ngLabindalawang Apostol:

“Ang pagtalikod sa mga kasalanan ay nagpapahiwatig na huwag na itongbalikan pa. Nangangailangan ng panahon ang pagtalikod. Para matulungan tayo,paminsan-minsan ay itinitira ng Panginoon ang ilang pagkakamali natin sa atingalaala. Mahalagang bahagi ito ng ating pagkatuto sa buhay na ito.

“Kapag taos nating ipinagtapat ang ating mga kasalanan, ibinalik ang kayanating ibalik sa taong nasaktan, at tinalikuran ang ating mga kasalanan sa

pamamagitan ng pagsunod sa mga utos, nasa proseso tayo ng pagtanggap ng kapatawaran. Sapaglipas ng panahon, madarama nating nababawasan ang hapis ng ating kalumbayan,napapawi ‘ang pagkakasala sa ating mga puso’ [Alma 24:10] at nagkakaroon tayo ng‘katahimikan ng budhi’ [Mosias 4:3]” (Neil L. Andersen, “Magsisi … Upang Mapagaling KoKayo” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 42).

Magpatoto na dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, mapapatawad tayo nanglubos sa ating mga kasalanan. Hikayatin ang mga estudyante na pagsisihan angkanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatapat at pagtalikod sa mga ito.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 58:44–65 na ipinapaliwanag na tinagubilinan ngPanginoon ang mga elder na maiiwan sa Missouri na bumili ng lupain atmaghanda para sa pagtitipon ng mga Banal sa Sion, na kinapapalooban ngpangangaral ng ebanghelyo sa buong mundo.

LESSON 21

140

Page 161: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 22

Doktrina at mgaTipan 59–62Pambungad at TimelineNoong Linggo, Agosto 7, 1831, natanggap ni Propetang Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 59 habang nasa Jackson County,Missouri. Sa paghahayag na ito, inihayag ng Panginoon ang mga inaasahan Niya samga Banal na kararating lang sa Sion, kabilang ang mga dapat gawin upangmapanatiling banal ang araw ng Sabbath. Tiniyak din ng Panginoon na ang mgasusunod sa Kanyang mga kautusan ay tatanggap ng mga espirituwal at temporalna pagpapala.

Kinabukasan naghanda nang lisanin ni Joseph Smith at ng ilang elder angIndependence, Missouri, at bumalik sa Ohio. Sa paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 60, iniutos ng Panginoon sa mga elder na ipangaral angebanghelyo habang naglalakbay sila. Sa pangatlong araw ng kanilang paglalakbay,nakaranas ng panganib ang pangkat sa Ilog Missouri. Sa sumunod na dalawangaraw, Agosto 12 at 13, natanggap ng Propeta ang dalawang paghahayag, nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 61 at 62. Nakapaloob sa mga ito ang mgasalitang nagbibigay ng tagubilin, babala, kapanatagan, at panghihikayat.

Agosto 2–3, 1831Inilaan ang lupain sa Jackson County, Missouri, para sa pagtatatag ng Sion, at isanglugar para sa templo ang inilaan sa Independence, Missouri.

Agosto 4, 1831Nagdaos ng isang pagpupulong o kumperensya ng Simbahan sa Jackson County,Missouri.

Agosto 7, 1831Matapos magkasakit habang nasa biyahe mula sa Ohio hanggang Missouri kasamaang mga Banal mula sa Colesville, si Polly Knight, asawa ni Joseph Knight Sr., aynamatay sa Jackson County, Missouri.

Agosto 7, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 59.

Agosto 8, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 60.

Agosto 9, 1831Nilisan ni Joseph Smith at ng sampung elder ang Missouri para magtungo saKirtland, Ohio, at naglakbay patawid sa Ilog Missouri.

Agosto 12–13, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 61 at 62.

Agosto 27, 1831Dumating si Joseph Smith sa Kirtland, Ohio.

141

Page 162: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 59Itinuro ng Panginoon sa mga Banal ang tungkol sa araw ng Sabbath at nangako ngmga pagpapala sa buhay na ito at sa kawalang-hanggan sa matatapatBago magklase, magdrowing ng dalawang column sa pisara, at isulat Ang Mundo saitaas ng unang column. Kapag nagsimula na ang klase, sabihin sa mga estudyantena magsulat sa unang column ng mga salitang naglalarawan ng kasamaan ngmundo. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

• Paano tayo makakaiwas na madaig ng kasamaang nakapalibot sa atin?

• Ano ang magagawa natin para magkaroon ng kapayapaan sa maligaligna mundo?

Ipaliwanag na sa paninirahan ng mga miyembro ng Simbahan sa Jackson County,Missouri, noong tag-init ng 1831, nakita nila sa dulo ng bayan ang isangkomunidad kung saan laganap ang pagsusugal, paglalasing, karahasan, at paglabagsa araw ng Sabbath. Sa magulong kapaligirang ito, itinuro ng Panginoon sa mgaBanal kung ano ang dapat nilang ikilos at iasal sa kanilang bagong tirahan. AngKanyang mga tagubilin ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 59. Sa pag-aaral ngmga estudyante ng paghahayag na ito, sabihin sa kanila na alamin ang mgaalituntunin na makatutulong sa kanila para hindi madaig ng kasamaan ng mundoat kung paano makahanap ng kapayapaan.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang section heading ngDoktrina at mga Tipan 59, at alamin pa ang karagdagang kontekstongpangkasaysayan para sa paghahayag na ito. Sabihin sa isang estudyante na ibuodang nalaman niya. Ipaliwanag na si Polly Knight ay naglakbay sa Missouri kasamaang kanyang asawang si Joseph Knight Sr. at mga Banal sa Colesville. Habang nasadaan ay nagkasakit siya nang malubha ngunit tumangging tumigil sa paglalakbaydahil “ang tanging pinakananais lamang niya ay itapak ang kanyang mga paa salupain ng Sion” (Scraps of Biography [1883], 70).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 59:1–4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang pangakongibinigay ng Panginoon sa Kanyang matatapat na Banal sa Sion.

• Ano ang ipinangako ng Panginoon sa matatapat na Banal sa Sion?

• Bakit isinama ng Panginoon ang mga kautusan sa listahang ito ng mga kaloobna ibibigay Niya sa matatapat?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 59:5.Hikayatin ang klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang kautusan namuling binanggit ng Panginoon sa mga Banal.

• Paano ninyo ipaliliwanag sa inyong sariling mga salita ang ibig sabihin ngmahalin ang Panginoon nang buong puso, kapangyarihan, pag-iisip, at lakas?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan59:6–8, at alamin ang mga karagdagang kautusan na ibinigay ng Panginoon samga Banal.

LESSON 22

142

Page 163: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Paano nauugnay ang mga kautusang ito sa utos na ibigin ang Panginoon nangating buong puso, kakayahan, pag-iisip, at lakas?

Ipaliwanag na sa paghahayag na ito, binigyang-diin ng Panginoon ang isangkautusan na makatutulong sa mga Banal na maipakita at mapalalim ang kanilangpagmamahal sa Panginoon. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante angDoktrina at mga Tipan 59:9–10. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sapagbasa, at alamin ang karagdagang kautusan na itinuro ng Panginoon. Sabihin samga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Isulat ang Pagpapanatiling Banal ngAraw ng Sabbath sa itaas ng isa pang column sa pisara.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga talatang ito,ipaliwanag na ang katagang “palanginan” sa talata 9 ay tumutukoy sa isang gusalina ginagamit para sa mga miting ng Simbahan sa araw ng Sabbath at ang katagang“sakramento” dito ay tumutukoy sa mga gawa ng katapatan o ordenansa nanagbibigkis sa atin sa Diyos.

• Ayon sa talata 9, paano tayo mapagpapala sa pagpapanatiling banal ng araw ngSabbath? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara angsumusunod na alituntunin: Kapag pinanatili nating banal ang araw ngSabbath, lalo nating mapag-iingatan ang ating sarili na walangbahid-dungis mula sa sanlibutan.)

• Ano ang ibig sabihin ng “lalo pa [nating] mapag-ingatan ang [ating] sarilingwalang bahid-dungis mula sa sanlibutan”? (Sikaping huwag gumawa ngkamunduhan, kasalanan, at kasamaan.)

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung bakit mahalaga na lalong magingwalang bahid-dungis mula sa sanlibutan. Anyayahan ang ilang estudyante naibahagi sa klase ang kanilang mga naisip.

Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 59:9–15 nangmay kapartner, at alamin ang mga tagubiling ibinigay ng Panginoon sa mga Banalhinggil sa Kanyang banal na araw. Hikayatin ang mga estudyante na gamitin angmga footnote para mas maintindihan ang mga talatang ito. Matapos ang sapat naoras, sabihin sa ilang estudyante na ipaliwanag ang ilang paraan na mapapanatilinilang banal ang Araw ng Sabbath batay sa natutuhan nila. (Maaaring kailanganmong ipaliwanag na ang ibig sabihin ng pariralang “iukol ang inyong mgapananalangin” sa talata 10 ay sumamba o magpakita ng pagmamahal atkatapatan.) Isulat ang mga sagot ng mga estudyante sa ilalim ng heading naPagpapanatiling Banal ng Araw ng Sabbath.

Paggamit ng mga tulong sa pag-aaral ng mga banal na kasulatanAng Simbahan ay naghanda ng maraming tulong sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan namakatutulong sa iyo at sa iyong mga estudyante na maunawaan ang nilalaman at konteksto ngmga banal na kasulatan. Kabilang dito ang mga footnote, topical index, mga larawan, at mgamapa. Hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang mga tulong sa pag-aaral sa klase at sakanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

LESSON 22

143

Page 164: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Paano makatutulong sa atin na lalong maging walang bahid-dungis mula sasanlibutan ang pagpapanatiling banal ng araw ng Sabbath sa mga paraang ito?

Sabihin sa mga estudyante na isiping mabuti kung ano ang kasalukuyang ginagawanila para mapanatiling banal ang araw ng Sabbath. Sabihin sa kanila na magsulatng mithiin na naglalarawan ng gagawin nila upang lalo nilang masunod angkautusang ito.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 59:16–19 na ipinapaliwanag na bukod sa mgaespirituwal na pagpapala, nangako ang Panginoon ng maraming temporal napagpapala sa mga nagpapanatiling banal ng araw ng Sabbath.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 59:20–24.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano angnadarama ng Diyos sa pagkakaloob ng mga pagpapalang ito.

• Ayon sa talata 20, ano ang nadarama ng Diyos sa pagbibigay ng pagpapalasa atin?

• Ayon sa talata 21, paano tayo makasasakit sa Diyos? (Nakasasakit tayo saDiyos kapag hindi natin kinikilala ang Kanyang ginawa sa lahat bagay athindi sumusunod sa Kanyang mga kautusan. Hikayatin ang mga estudyantena markahan ang katotohanang ito sa kanilang mga banal na kasulatan.)

• Ano ang ibig sabihin ng kilalanin ang ginawa ng Diyos sa lahat ng bagay?

Ipaliwanag na kapag hindi tayo nagpapasalamat at sumusunod, nakasasakit tayo saDiyos o hindi tayo nagbibigay-kaluguran sa Kanya dahil ang gayong mgapag-uugali at kilos ay naglalayo sa atin mula sa Kanya at sa Kanyang mgapagpapala.

• Ayon sa talata 23, ano ang ipinangako ng Panginoon sa mga taong sumusunodsa Kanyang mga kautusan? (Hikayatin ang mga estudyante na markahan sakanilang mga banal na kasulatan ang pangakong ito.)

Doktrina at mga Tipan 60Iniutos ng Panginoon sa mga elder na ipangaral ang ebanghelyo habangnaglalakbay sila pabalik sa OhioSabihin sa mga estudyante na basahin ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 60, at alamin ang dahilan kung bakit ibinigay ang paghahayag na ito. Ibuodang bahaging ito sa pagpapaliwanag na hindi nalulugod ang Panginoon sa ilan samga elder dahil hindi nila “binubuksan ang kanilang mga bibig” (talata 2) at hindiibinabahagi ang ebanghelyo habang naglalakbay papuntang Missouri. Iniutos ngPanginoon sa mga missionary na “huwag … sayangin ang [kanilang] panahon”(talata 13) at sa halip ay bumalik sa Ohio at ipahayag ang ebanghelyo habangnaglalakbay sila. Ipaliwanag na ang pariralang “hindi ito mahalaga sa akin” satalata 5 ay nangangahulugan na kailangang ang mga elder na ang magpasiya kungbibili o gagawa ng mga bangka para sa kanilang paglalakbay sa Ilog Missouri.

LESSON 22

144

Page 165: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 61Nagbigay ang Panginoon ng babala at tagubilin kay Joseph Smith at sa mga elder nanaglalakbay patungong OhioSabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang section heading ngDoktrina at mga Tipan 61, at alamin ang nangyari kay Joseph Smith at sa sampungelder sa paglalakbay nila pabalik sa Kirtland, Ohio. Sabihin sa mga estudyante naibahagi ang nalaman nila. Ipaliwanag na nagkaroon ng pagtatalo ang ilan sa mgaelder. Inayos nila ang pagtatalong ito noong gabi ng Agosto 11, 1831, atkinaumagahan, natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 61.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 61 na ipinapaliwanag na itinuro ng Panginoon naSiya ay maawain at mapagpatawad sa mga taong “nagtatapat ng kanilang mgakasalanan nang may mga mapagpakumbabang puso” (talata 2). Sinabi niya sa mgaelder na hindi kinakailangang maglakbay sa ilog, dahil may tao na nakatira samagkabilang panig ng ilog na dapat nilang pangaralan ng ebanghelyo. Itinuro ngPanginoon na “maraming kapahamakan” na mangyayari sa tubig sa mga hulingaraw ngunit ipinangako Niyang pangangalagaan ang buhay ng matatapat na elder(tingnan sa D at T 61:5–6, 14–15).

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 61:22.Ipaliwanag na muling sinabi ng Panginoon sa mga elder, “Hindi mahalaga sa akin”(talata 22) kung paano nila gustong maglakbay. Nasa kanila ang karapatangmagpasiya, basta’t ginagampanan nila ang kanilang misyon na mangaral ngebanghelyo.

Doktrina at mga Tipan 62Pinuri ng Panginoon ang katapatan ng isang grupo ng mga elder na naglakbaypatungo sa Independence, MissouriIpakita ang sumusunod na pahayag ni Elder David A. Bednar ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang pinakamatinding pagpapasiyang ginagawa natin ay hindi palaging kungano ang mabuti o masama o ang maganda at di-magagandang alternatibo.Karaniwan, ang ating mahihirap na pagpili ay sa pagitan ng dalawang mabutingbagay” (David A. Bednar, “The Scriptures: A Reservoir of Living Water” [BrighamYoung University fireside, Peb. 4, 2007], 6, speeches.byu.edu).

• Anong uri ng mga pagpapasiya ang naranasan ninyo na naglalarawan ngitinurong ito ni Elder Bednar?

Ipaliwanag na sa paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 62, nagturoang Panginoon ng mga alituntunin na gagabay sa atin kapag gumagawa ng mgadesisyon. Ipaliwanag na noong Agosto 13, 1831, si Propetang Joseph Smith at angilan sa mga elder na naglalakbay patungo sa Ohio ay nakasalubong ang isanggrupo ng mga elder na naglalakbay pa rin patungong Missouri. Nakatanggap angPropeta ng paghahayag na nagbigay ng tagubilin sa mga missionary na ito.

LESSON 22

145

Page 166: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 62:1–3 na ipinapaliwanag na sinabi ng Panginoonsa mga elder na alam Niya kung paano masasaklolohan ang Kanyang mga taokapag sila ay natutukso at pinuri sila sa mga patotoong kanilang ibinahagi.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 62:4–8.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang itinuro ngPanginoon sa mga elder tungkol sa mga pagpapasiyang kailangan nilang gawin.

• Aling pagpapasiya ang mahalaga sa Panginoon, at alin ang hindi mahalagasa Kanya?

• Anong katotohanan ang matututuhan natin sa talata 8 na makatutulong sapaggawa natin ng desisyon? (Sa paggawa ng mga desisyon, nais ngPanginoon na gamitin natin ang sarili nating pagpapasiya at ang patnubayng Espiritu.)

• Sa palagay ninyo bakit mahalaga na ginagamit natin ang ating sarilingpagpapasiya at ang patnubay ng Espiritu kapag gumagawa ng mga desisyon?

• Kailan kayo natulungan ng matalinong pagpapasiya at ng mga pahiwatig mulasa Espiritu sa paggawa ng desisyon?

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang naising maakay ng Panginoon ay isang kalakasan, ngunit kailangangmaunawaan na hinahayaan tayo ng ating Ama sa Langit sa maraming desisyonna tayo mismo ang pipili. Ang paggawa ng sariling desisyon ay isa sa mgapinagkukunan ng pag-unlad na dapat nating maranasan sa mortalidad. Ang mgataong sinusubukang ipasa ang lahat ng desisyon sa Panginoon at humihingi ngpaghahayag sa bawat pagpili ay mararanasan kalaunan na kapag humingi sila

ng patnubay ay hindi nila matatanggap ito. Halimbawa, malamang na mangyari ito sanapakaraming sitwasyon na magaan lang naman ang pagpapasiyahan o parehongkatanggap-tanggap ang pagpipilian.

“Dapat nating pag-aralan ang mga bagay sa ating isipan, gamit ang katalinuhang ibinigay saatin ng Tagapaglikha. Pagkatapos manalangin tayo na magabayan at kumilos ayon sa natanggapnatin. Kung hindi tayo nakatanggap ng gabay, dapat tayong kumilos ayon sa matalino natingpasiya” (Dallin H. Oaks, “Our Strengths Can Become Our Downfall,” Ensign, Okt. 1994, 13–14).

• Paano nakatulong sa inyo ang mga itinuro ni Elder Oaks para mas maunawaanang mga katotohanan sa Doktrina at mga Tipan 62:4–8?

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo ng kahalagahan ng paggamit ng matalinongpagpapasiya at ng patnubay ng Espiritu sa paggawa ng mga desisyon.

LESSON 22

146

Page 167: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 60:1–3. Pinagsabihan ng Panginoon ang mga elder na hindi nagbukas ngkanilang mga bibig para ipangaral ang ebanghelyoSa halip na ibuod ang Doktrina at mga Tipan 60:1–3, maaari mong gamitin ang sumusunod na ideya sa pagtuturo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 60:1–3. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa,at alamin kung bakit hindi nalugod ang Panginoon sa ilan sa mga elder.

Ipaliwanag na nang sabihin ng Panginoon na itinago ng mga elder “ang talino na aking ibinigay sa kanila,” (talata 2), ibinabatayNiya ito sa talinghaga ng mga talento (tingnan sa Mateo 25:14–30).

Upang makapaglarawan ng isang halimbawa ng maaaring mawala sa atin, ipakita ang sumusunod na pahayag ni PangulongThomas S. Monson, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Tungkol sa patotoo ng isang tao, tandaan, na ang handa niyang ibahagi ay mananatili, at ang ipinagkakait niya angmawawala sa kanya” (Thomas S. Monson, Pathways to Perfection: Discourses of Thomas S. Monson [1976],100–101).

Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang mga pagpapalang natanggap nila nang ibahagi nila ang kanilangpananampalataya at patotoo sa iba. Hikayatin silang manalangin at maghanap ng mga pagkakataong magbahagi ng

kanilang pananampalataya at patotoo.

• Bakit hindi nalugod ang Panginoon sa ilan sa mga elder?

• Ano ang maaaring isagisag ng talento sa paghahayag na ito?

• Ayon sa talata 3, ano ang sinabi ng Panginoon na mangyayari sa mga nagtago ng kanilang mga talento at hindi matapatsa Kanya?

• Sa palagay ninyo anong mga pagpapala ang nanganganib na mawala sa mga elder dahil hindi nila binukas ang kanilangmga bibig para ipangaral ang ebanghelyo?

• Anong mga pagpapala ang maaaring mawala sa atin kapag itinago natin ang ating pananampalataya at patotoo saebanghelyo mula sa iba?

• Sa palagay ninyo bakit nagpapalakas ng ating mga patotoo ang pagbabahagi natin nito sa iba?

LESSON 22

147

Page 168: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 23

Doktrina at mga Tipan 63Pambungad at TimelineNoong tag-init ng 1831, pinangasiwaan ni Propetang Joseph Smith ang paglalaanng lupain sa Independence, Missouri, kung saan itatayo ng mga Banal ang Sion.Nang bumalik ang Propeta sa Kirtland, Ohio, noong Agosto 27, sabik malaman ngmga Banal doon ang tungkol sa bagong lupaing ito at ang kanilang gagampanan sapagtatatag ng Sion.

Ang nakalulungkot ay habang wala ang propeta, tinalikdan ng ilang miyembro ngSimbahan sa Kirtland ang mga kautusan ng Panginoon at gumawa ng mabibigat nakasalanan. Noong Agosto 30, 1831, natanggap ng propeta ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 63, kung saan binalaan ng Panginoon ang mgaBanal tungkol sa mga ibubunga ng kasamaan at paghihimagsik. Sinabi rin ngPanginoon sa mga Banal kung paano maghandang magtipon sa Sion at maghandapara sa Kanyang Ikalawang Pagparito

Hulyo 14, 1831Dumating si Joseph Smith at ang iba pa sa Independence, Missouri.

Agosto 2–3, 1831Inilaan ang lupain sa Jackson County, Missouri, para sa pagtatatag ng Sion, at isanglugar para sa templo ang inilaan sa Independence, Missouri.

Agosto 27, 1831Bumalik sina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Kirtland, Ohio.

Agosto 30, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 63.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 63:1–21Nagbabala ang Panginoon tungkol sa mga ibubunga ng kasamaan at nangako samatatapat ng manaIdispley o isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong:

Bakit nagagawa ng ilang tao na dating matapat sa Panginoon ang hindi nasumunod sa Kanya?

Ano ang nakatutulong sa inyo na sumunod sa mga kautusan ng Panginoonat manatiling tapat sa Kanya?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga tanong na ito, at pagkatapos aysabihin sa isa o dalawang estudyante na ibahagi ang kanilang mga naisip.Hikayatin ang mga estudyante na maghanap ng mga katotohanan sa kanilangpag-aaral ng Doktrina at mga Tipan 63 na makatutulong sa kanila na malaman ang

148

Page 169: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

maaari nilang gawin para manatiling tapat sa Panginoon at bakit mahalaganggawin nila ito.

Ipaliwanag na noong Agosto 27, 1831, nang bumalik ang Propeta sa Kirtland,Ohio, matapos ang kanyang paglalakbay patungong Missouri, nalaman niya nailang Banal sa Ohio ang natuksong magkasala at nag-apostasiya habang siya aywala. Tatlong araw mula nang dumating sa Kirtland, natanggap ni Joseph Smithang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 63.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 63:1–6. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminkung ano ang sinabi ng Panginoon sa mga naghimagsik sa Kanya.

• Paano ninyo ibubuod ang sinabi ng Panginoon tungkol sa mga naghimagsikna iyon?

Ipaliwanag na ilan sa mga nag-apostasiyang iyon ay nagsimula na hayagangkalabanin si Joseph Smith at ang iba pang mga lider ng Simbahan. Halimbawa, sakalagitnaan ng Oktubre 1831, isa sa nag-apostasiya na nagngangalang Ezra Boothang naging isa sa mga pinakahayagang bumatikos at unang naglathala ng mgaartikulo laban sa mga Mormon. Si Booth ay dating mangangaral na Methodist saOhio at naging interesado sa Panunumbalik matapos mabasa ang Aklat niMormon. Noong tagsibol ng 1831, naglakbay siya patungong Kirtland kasama sinaJohn at Alice (Elsa) Johnson upang makilala si Joseph Smith. Sa kanilang pagbisitanasaksihan niya ang pagpapagaling ng Propeta sa may rayumang bisig ni Alice, atdi-nagtagal matapos masaksihan ang himalang ito, siya ay nabinyagan. (Tingnan saManuscript History of the Church, vol. A-1, p. 153–54, josephsmithpapers.org;tingnan din sa “History of Brigham Young,” Millennial Star, Dis. 31, 1864, 834.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 63:7–9.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang itinuro ngPanginoon tungkol sa pagkakaugnay ng pananampataya at mga tanda.

• Ayon sa mga talatang ito, bakit naghihina sa kanilang pananampalataya angilan sa mga Banal sa Kirtland?

• Anong doktrina ang itinuro ng Panginoon sa mga talatang ito tungkol sapananampataya at sa mga tanda? (Tiyaking natukoy ng mga estudyante angsumusunod na katotohanan: Ang pananampalataya ay hindi dumaratingdahil sa mga tanda)

• Ano ang pananampalataya? (Tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Sa MgaHebreo 11:1 [sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan]; Alma 32:21.)

• Bakit hindi matibay ang pananampalataya na nakabatay lamang sa nasaksihangmga tanda?

Ipaliwanag na si Ezra Booth ay isang halimbawa ng isang tao na umasa sa mgatanda sa halip na sa pananampalataya. Pagkatapos niyang mabinyagan, tumanggapsiya ng priesthood at ipinadala sa misyon sa Missouri. Tila inaasahan niyangmakapagbibinyag siya ng marami sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda atpaggawa ng mga himala. Gayunman, makalipas ang pangangaral sa loob ngmaikling panahon at hindi makita ang mga resultang inaasahan niya, hindi na

LESSON 23

149

Page 170: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

nasiyahan si Ezra at di naglaon ay nag-apostasiya. (Tingnan sa Manuscript History,vol. A-1, p. 153–54, josephsmithpapers.org.)

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 63:10–12, atalamin ang karagdagang katotohanan na itinuro ng Panginoon tungkol sa mgatanda at pananampalataya.

• Anong karagdagang doktrina ang itinuro ng Panginoon sa mga talatang itotungkol sa mga tanda at pananampataya? (Matapos sumagot ang mgaestudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na katotohanan: Ang mga tandaay dumarating sa pamamagitan ng pananampalataya ayon sa kalooban ngDiyos.)

• Bakit mahalagang tandaan na ang mga tanda ay dumarating ayon sa kaloobanng Diyos sa halip na sa kagustuhan natin?

• Ano kaya ang maiiba sa pagmimisyon ni Ezra Booth kung naunawaan atpinaniwalaan niya ang katotohanang ito?

Ipaliwanag na bukod pa sa paghahanap ng mga tanda, maraming miyembro ngSimbahan ang “tumalikod sa … mga kautusan [ng Diyos]” (D at T 63:13) noongwala ang Propeta. Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik angDoktrina at mga Tipan 63:14–16, at alamin ang kasalanang nagawa ng ilangmiyembro. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ayon sa talata 16, ano ang mangyayari sa mga taong hindi pinagsisisihan angpangangalunya? (Mawawala sa kanila ang Espiritu at magtatatwa ngpananampalataya.)

Ipaliwanag na humigit-kumulang anim na buwan na ang nakararaan, sa isangpaghahayag kay Propetang Joseph Smith, iniutos ng Panginoon sa mga Banal nahuwag makiapid at magpakita ng pagnanasa (tingnan sa D at T 42:22–26), subalithindi tumalima ang ilan sa mga Banal sa utos na ito ng Panginoon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 63:17–19.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon na mangyayari pa sa nakagawa ng mabibigat na kasalanan.

• Sa palagay ninyo bakit tahasang sinabi ng Panginoon sa mga Banal ang mgaibinubunga ng kasalanan?

Ipaliwanag na kahit nakagawa ng mabibigat na kasalanan at nag-apostasiya angilang miyembro sa Kirtland noong wala ang Propeta, karamihan sa mga Banal aynanatili pa ring tapat. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina atmga Tipan 63:20–21. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang ipinangako ng Panginoon sa mga nananatiling tapat at ginagawa ang Kanyangkalooban. Bago magbasa ang estudyante, ipaliwanag na ang pariralang “araw ngpagbabagong-anyo” sa talata 20 ay tumutukoy sa panahon na paparitong muli angPanginoon at tatanggapin ng mundo ang malaparaisong kaluwalhatian nito.

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa talata 20 tungkol sa gagawin ngPanginoon para sa atin kung magtitiis tayo nang may pananampalataya atgagawin ang Kanyang kalooban? (Dapat matukoy ng mga estudyante angalituntuning tulad ng sumusunod: Kung magtitiis tayo nang may

LESSON 23

150

Page 171: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

pananampalataya at gagawin ang kalooban ng Panginoon, mananaig tayosa sanlibutan at makatatanggap ng mana mula sa Panginoon. [Tingnan dinsa D at T 63:47.])

• Ano ang ibig sabihin ng pariralang “mananaig sa sanlibutan”? (Ang manaiglaban sa mga kasalanan at tukso ng sanlibutan.)

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nakatulong ang kanilangpananampalataya sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas para madaig ang mga tuksoat pagsubok na naranasan nila. Maaari mong anyayahan ang isa o dalawangestudyante na magbahagi ng mga karanasan nila sa alituntuning ito. (Paalalahananang mga estudyante na huwag magbahagi ng anumang bagay na napakapersonal.)

Doktrina at mga Tipan 63:22–56Tinagubilinan ng Panginoon ang mga Banal tungkol sa pagtatatag ng Sion atnangako ng mga pagpapala sa matatapatSabihin sa mga estudyante na isipin ang pagkakataon na nag-alala sila na hindinila magawa ang isang mahirap na gawain. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagikung ano ang ginawa nila nang maharap sila sa ganitong gawain.

Ipaliwanag na sa pagbalik ni Propetang Joseph Smith sa Kirtland, sa kabila ng mgakasalanan at pag-aapostasiya ng ilang miyembro ng Simbahan doon, maramingBanal ang gustung-gusto pa ring malaman kung paano magagawa ang iniutos ngPanginoon na itatag ang Sion. Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimikang section heading ng Doktrina at mga Tipan 63, at alamin ang ginawa ng Propetanang maharap siya sa mga ganitong sitwasyon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 63:22–23.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang isinagot ngPanginoon sa Propeta.

• Ayon sa talata 23, paano natin malalaman ang kalooban ng Panginoon at angmga hiwaga ng Kanyang kaharian? (Tulungan ang mga estudyante na matukoyang sumusunod na alituntunin: Kung susundin natin ang mga kautusan,tutulungan tayo ng Panginoon na malaman ang Kanyang kalooban at angmga hiwaga ng Kanyang mga kaharian.)

• Ano ang mga hiwaga ng kaharian ng Panginoon? (Sa konteksto ng ebanghelyo,ang mga hiwaga ay mga katotohanan na maaari lamang malaman atmaunawaan sa pamamagitan ng paghahayag.)

• Ano ang ibig sabihin ng pariralang “sa kanya ay magiging isang balon ng tubigna buhay, na bumubukal tungo sa buhay na walang hanggan” (D at T 63:23)?(Kung kinakailangan, ipaliwanag na ang “tubig na buhay” ay tumutukoy samga katotohanan tungkol sa Diyos at Kanyang kaharian na tutulong sa atin namaging katulad ng Diyos at magkaroon ng buhay na walang hanggan.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 63:24–27.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang payo na ibinigayng Panginoon tungkol sa pagtatatag ng Sion.

• Anong payo ang ibinigay ng Panginoon sa mga Banal tungkol sa pagtatatagng Sion?

LESSON 23

151

Page 172: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 63:28–48, sinabi ng Panginoon sa mgaBanal na huwag gamitan ng dahas ang pagbili ng lupain para sa Sion. Sinabi rin ngPanginoon sa mga Banal na magtipon sa Sion para mapangalagaan sa mga hulingaraw. Bukod pa rito, sinabihan ang ilang Banal na maghanda para sa paglipat saMissouri sa susunod na tagsibol, at ang iba ay kailangang manatili sa Ohio nangmas matagal.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 63:41, 46–48.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mgakaragdagang itinuro ng Panginoon sa mga Banal tungkol sa pagtatatag ng Sion.

• Ayon sa talata 41, paano malalaman ng Propeta kung sino ang magtutungo saSion at sino ang mananatili sa Ohio?

• Anong pangako ang ibinigay ng Panginoon sa mga handang magpadala ngpera para makatulong sa pagtatatag ng Sion?

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 63:49–54, nangako ang Panginoon ng mgapagpapala sa matatapat na namatay bago ang Kanyang Ikalawang Pagparitogayundin sa mga buhay pa sa panahong iyon. Sa mga talata 55–56, pinagsabihanng Panginoon si Sidney Rigdon dahil sa kapalaluan nito. Naatasan si Sidney namagsulat ng diskripsyon ng lupain ng Sion (tingnan sa D at T 58:50) para malamanng mga miyembro ng Simbahan na nakatira sa malayo kung ano ang itsura nglupain. Gagamitin ang diskripsyong ito para mahikayat ang mga Banal namag-ambag ng perang pambili ng lupain sa Missouri. Ang unang diskripsyongginawa ni Sidney ay hindi ayon sa itinagubilin ng Panginoon, kaya pinagsabihanNiya si Sidney at pinasulat muli ng ibang diskripsyon.

Doktrina at mga Tipan 63:57–66Iniutos ni Jesucristo sa Kanyang mga tagapaglingkod na alalahanin angkasagraduhan ng Kanyang pangalanIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na kuwento mula sabuhay ni Pangulong Spencer W. Kimball (1895–1985):

“Isang araw sa ospital, nang itinutulak ako papalabas mula sa operating roomng isang narses na natisod, at kapagdaka ay lumabas sa kanyang nagngangalitna mga labi ang masasamang salita na hinaluan ng mga pangalan ngTagapagligtas. Kahit halos wala pa akong malay-tao, ako ay nanliit atnagsumamong: ‘Pakiusap! Pakiusap! Pangalan iyan ng Panginoon ko na iyonghinahamak’” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball

[2006], 188).

• Paano naiba ang pagpipitagan ni Pangulong Kimball sa pangalan ng Panginoonsa paraan ng paggamit ng maraming tao sa pangalan ng Panginoon?

Sabihin sa dalawang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ngDoktrina at mga Tipan 63:59–64. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sapagbasa, at alamin ang sinabi ng Tagapagligtas tungkol sa paggamit sa Kanyangpangalan.

LESSON 23

152

Page 173: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Batay sa itinuro ng Panginoon sa mga talatang ito, anong katotohanan angmatutukoy natin tungkol sa dapat na paggamit sa pangalan ng Panginoon?(Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod nadoktrina: Ang pangalan ni Jesucristo ay sagrado at dapat mag-ingat sapagsambit nito.)

• Sa palagay ninyo, bakit iniutos sa atin ng Panginoon na gamitin ang Kanyangpangalan nang may pagpipitagan?

• Paano nakadaragdag sa ating pang-unawa ang talata 62 tungkol sa ibig sabihinng paggamit ng pangalan ng Panginoon sa walang kabuluhan?

Anyayahan ang mga estudyante na makibahagiHumanap ng mga paraan na angkop na maanyayahan ang lahat ng estudyante na makibahagisa mga talakayan sa klase. Ilang pamamaraan na makatutulong sa mga estudyante namakibahagi ay ang pagtawag sa kanilang mga pangalan, pag-iba ng paraan ng pagtatanong,pakikinig na mabuti at pagbibigay ng kasunod na tanong, pasasalamat sa mga isinagot ng mgaestudyante, at pagbibigay sa mga estudyante ng panahon na mapag-isipan ang mga tanong atmakapag-isip ng sagot. Huwag ipahiya ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagtawag sakanila kapag hindi sila handang sumagot.

Sabihin sa mga estudyante na basahing muli nang tahimik ang Doktrina at mgaTipan 63:64, at alamin ang mga karagdagang itinuro ng Panginoon tungkol sapagsasalita tungkol sa mga sagradong bagay.

• Ano ang ilan pang mga salita, mga katotohanan, o mga bagay na “nagmumulasa kaitaasan” at sagrado?

• Paano tayo makatitiyak na sinasambit natin ang mga ito nang may pag-iingat?

Patotohanan ang mga pagpapalang idinudulot ng paggalang sa pangalan niJesucristo sa ating mga salita at kilos. Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isangpartikular na paraan na maaari nilang gamitin o ikilos sa pangalan ng Panginoonnang may higit na pagpipitagan at paggalang. Hikayatin silang gawin ang mgapamamaraang ito sa darating na linggo.

LESSON 23

153

Page 174: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 24

Doktrina at mgaTipan 64–65Pambungad at TimelineNoong Agosto 27, 1831, si Propetang Joseph Smith at ang ilang elder ay bumalik saOhio mula sa kanilang paglalakbay sa Sion, o sa Independence, Missouri. Habangnaglalakbay papunta at pabalik mula sa Missouri, nagkaroon ng pagtatalo ang ilansa mga elder, pero nagkasundo rin naman halos lahat sa bandang huli. NoongSetyembre 11, natanggap ng Propeta ang paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 64. Sa paghahayag na ito, iniutos ng Panginoon sa mga miyembro ngSimbahan na patawarin ang isa’t isa at itinuro sa kanila ang mga sakripisyonghihingin Niya sa mga Banal sa mga huling araw.

Noong Setyembre 1831, lumipat si Joseph Smith at ang kanyang pamilya mula saKirtland patungong Hiram, Ohio, mga 30 milya sa timog-silangan ng Kirtland.Noong Oktubre 30, 1831, natanggap niya ang paghahayag na nakatala sa Doktrinaat mga Tipan 65. Sa paghahayag na ito itinuro ng Panginoon na dadalhin angebanghelyo sa lahat ng bansa bilang paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ngTagapagligtas at na dapat ipanalangin ng mga Banal ang pag-unlad ng kaharianng Diyos.

Setyembre 1, 1831Bumalik sina Ezra Booth at Isaac Morley sa Ohio mula sa kanilang misyon saMissouri.

Setyembre–Disyembre, 1831Si Ezra Booth ay sumulat ng sunud-sunod na mga liham na bumabatikos kayJoseph Smith at sa Simbahan at inilathala ang mga ito sa pahayagan na Ohio Star.

Setyembrer 11, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 64.

Setyembre 12, 1831Lumipat sina Joseph at Emma Smith sa Hiram, Ohio.

Oktubre 30, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 65.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 64:1–19Tiniyak ng Panginoon sa atin ang Kanyang kahandaang magpatawad at iniutos saatin na patawarin ang isa’t isaSabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon na nagkaroon sila ngmalaking problema at nakagawa ng mga bagay na ikinalungkot nila, tulad ngpamimintas sa iba o pakikipagtalo.

• Ano ang inyong naisip nang mapagnilayan ninyo ang nasabi o nagawa ninyo?

154

Page 175: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang tao na namintas o nakipagtalosa kanila.

• Bakit mahirap na patawarin ang taong ganyan ang pagtrato sa inyo?

Sabihin sa mga estudyante na alamin ang mga katotohanan sa pag-aaral nila ngDoktrina at mga Tipan 64 na makatutulong sa kanila na maunawaan kung paanomapatawad at kung bakit mahalaga na patawarin ang mga nakasakit sa kanila.

Ipaalala sa mga estudyante na si Propetang Joseph Smith at ang isang grupo ngmga elder ay nagbalik sa Kirtland, Ohio, noong Agosto 27, 1831, mula sa kanilangmisyon sa Missouri. Habang nasa misyong ito, nagkaroon ng di-pagkakaunawaanat pagtatalo sa isa’t isa ang ilan sa mga elder. Halimbawa, nagalit si Ezra Boothdahil pinaglakad lang sila ng kanyang kompanyon sa misyon na si Isaac Morleysamantalang ang iba ay naglakbay na sakay ng bagon o bangka; nakipagtalo siEdward Partridge sa Propeta tungkol sa kalidad ng lupaing plano nilang bilhin saMissouri; at ilan sa mga elder ang nakipagtalo dahil sa naranasang pagod, mainitna panahon, at mapanganib na kondisyon sa Ilog Missouri. Mga dalawang linggomula nang bumalik ang mga elder sa Ohio, natanggap ni Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 64.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 64:1–4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon sa mga elder.

• Anong doktrina ang itinuturo sa atin ng mga talatang ito tungkol saPanginoon? (Ang Panginoon ay mahabagin, mapagpatawad, at maawain.Maaari mong isulat sa pisara ang doktrinang ito.)

• Kung isa kayo sa mga elder na nagreklamo o nakipagtalo, ano kaya angmararamdaman ninyo matapos malaman na nahabag sa inyo ang Panginoon atpinatawad kayo?

Para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na maipaliwanag atmapatotohanan ang doktrinang ito, ipakita ang mga sumusunod na tanong, atsabihin sa mga estudyante na pumili ng isa at ibahagi ang kanilang sagot sakanilang kapartner:

Paano ninyo ituturo ang doktrinang ito sa isang taong gustong magsisi peronangangambang hindi siya patatawarin ng Panginoon?

Paano ninyo malalaman na totoo ang doktrinang ito?

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 64:5–7, atalamin ang sinabi ng Panginoon tungkol kay Propetang Joseph Smith. Bagomagbasa ang mga estudyante, ipaliwanag na ang pariralang “naghangad ngmasama laban sa kanya nang walang kadahilanan” sa talata 6 ay nangangahuluganna may ilang elder na namimintas sa Propeta nang walang mabuting dahilan.

• Ano ang sinabi ng Panginoon tungkol kay Joseph Smith?

LESSON 24

155

Page 176: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na tulad ng lahat ng tao, si Joseph Smith ay may mga kahinaan atkailangang humingi sa Panginoon ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan.

• Ano ang matututuhan natin sa talata 7 tungkol sa dapat nating gawin paramagtamo ng kapatawaran?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 64:8–11.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang itinuro ngPanginoon sa mga elder tungkol sa pagpapatawad.

• Ayon sa talata 8, ano ang ginawa ng mga disipulo ng Tagapagligtas noon naginawa rin ng mga elder sa isa’t isa at sa Propeta habang nasa kanilang misyon?

• Anong mga alituntunin tungkol sa kapatawaran ang matutukoy natin mula samga talatang ito? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang ilang alituntunin,kabilang ang sumusunod: Kapag hindi natin pinatawad ang iba,pinapahirapan natin ang ating sarili. Kung hindi natin patatawarin angiba, nahatulan na tayo sa harapan ng Panginoon. Iniutos sa atin ngPanginoon na patawarin ang lahat ng tao. Mapagkakatiwalaan natin angPanginoon na hahatulan ang mga ginagawa ng iba at gagantimpalaan silanang makatarungan.)

• Paano kaya nakatulong sa mga elder na nasaktan sa mga ginawa o sinabi ng ibaang mga alituntuning itinuro ng Panginoon sa mga talata 8–11?

Ipaliwanag na maaaring mahirap para sa ilang tao—lalo na sa mga labis nanasaktan ng isang tao at maaaring kailangan pa ng panahon paramakapagpatawad—na maunawaan kung bakit nahatulan na tayo sa harapan ngPanginoon kung hindi natin patatawarin ang iba. Ipaliwanag na ang mahatulan saharapan ng Panginoon ay ang “mahatulang may-sala ng Diyos”—ibig sabihin ayhindi natin natamo ang Kanyang kapatawaran (Gabay sa mga Banal na kasulatan,“Kaparusahan, Parurusahan,” scriptures.lds.org).

Upang mas maipaunawa sa mga estudyante ang kaugnayan ng pagpapatawad saiba at pagtanggap ng kapatawaran ng Panginoon, ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Spencer W. Kimball(1895–1985). Sabihin sa mga estudyante na pakinggan ang mga dahilan kung bakitnahatulan na tayo kung hindi natin patatawarin ang iba.

“Dahil ang pagpapatawad ay lubos na kinakailangan sa pagkakamit ng buhay nawalang hanggan, likas na maiisip ng tao: Paano ko pinakamainam na makakamitang kapatawarang iyan? Isa sa maraming mahahalagang bagay ang kaagad nadapat gawin: Dapat magpatawad upang mapatawad. …

“Siya na hindi nagpapatawad sa iba ay sinisira ang tulay na kanya ringdadaanan. Ito ay isang katotohanang itinuro ng Panginoon sa talinghaga tungkol

sa walang-awang alipin na nagpumilit na mapatawad ngunit walang awa sa taong humingi ngtawad sa kanya. (Mat. 18:23–35.)” (Spencer W. Kimball, The Miracle of Forgiveness [1969],261–69).

• Anong mga kabatiran ang makukuha ninyo sa pahayag ni Pangulong Kimballtungkol sa dahilan kung bakit dapat nating patawarin ang iba?

LESSON 24

156

Page 177: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na ang pagpapatawad sa iba ay hindi nangangahulugan na tinutulutannatin silang saktan tayo o hindi natin sila pinapanagot sa kanilang mga ginawa. Sahalip, ang pagpapatawad sa iba ay paglimot sa galit at sama ng loob at pagtitiwalasa katarungan ng Panginoon, na nagtutulot sa nakapagpapagaling nakapangyarihan ng Panginoon sa ating buhay.

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung may sinumang tao na kailangan nilangpatawarin. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayagni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008). Sabihin sa klase na pakinggan kungano ang maaari nilang gawin kung nahihirapan silang magpatawad ng iba.

“Isinasamo ko sa inyo na humingi sa Panginoon ng lakas para makapagpatawad.… Maaaring hindi ito maging madali, at maaaring hindi ito agad mangyari.Ngunit kung hihingin ninyo ito nang taos-puso at lilinangin ito, ito ay darating”(Gordon B. Hinckley, “Of You It Is Required to Forgive,” Ensign, Hunyo 1991, 5).

Magpatotoo na kahit maaaring napakahirap at kailangan ng mahabang panahonpara mapatawad ang mga nanakit o nagkasala sa atin, sa tulong ng Panginoon, aymagagawa natin ito. Hikayatin ang mga estudyante na ipagdasal na mabigyan nglakas na mapatawad ang mga nagkasala sa kanila.

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 64:12–14, inihayag ng Panginoon kungsino ang dapat tumanggap ng pagdidisiplina ng Simbahan. Ipinaliwanag ngPanginoon na ang pagdidisiplina ng Simbahan ay hindi nangangahulugan na hindina natin personal na patatawarin ang iba. Ang layunin ng pagdisiplina ngSimbahan ay tulungan ang mga nagkasala na magsisi, matiyak na iginalang angmga batas ng Diyos, at napangalagaan ang Simbahan.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 64:15–17.Sabihin sa klase na alamin ang sinabi ng Panginoon tungkol sa tatlong taongnakadagdag sa pagtatalu-talo sa misyon sa Missouri at sa pagbalik sa Ohio.

• Batay sa mga talata 15–16, ano ang masasabi ninyo tungkol kina Ezra Booth atIsaac Morley?

Ipaliwanag na magkaiba ang naging tugon nina Ezra Booth at Isaac Morley sapagwawastong ito. Si Ezra ay hindi nagsisi at patuloy na naghinanakit sa Simbahanat sa Propeta hanggang sa tuluyan nang nag-apostasiya. Si Isaac ay nagsisi sakanyang mga nagawa at napatawad. Nanatili siyang tapat sa buong buhay niya atkalaunan ay naglingkod bilang bishop at patriarch.

• Anong pangako ang ibinigay ng Panginoon kay Edward Partridge sa talata 17 naangkop din sa atin?

Ipaalam sa mga estudyante na si Edward Partridge ay nagpasiyang magsisi atnaglingkod nang tapat bilang bishop hanggang sa kanyang kamatayan noong 1840.

LESSON 24

157

Page 178: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 64:20–43Ibinigay ng Panginoon ang mga kailangang gawin para sa pagtatatag ng SionSabihin sa mga estudyante na isipin ang pagkakataon na nagsakripisyo sila paramasunod ang Panginoon. Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase angkanilang mga karanasan.

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 64:20–43, inilarawan ng Panginoon angilang sakripisyong kailangan Niya sa bawat isa sa atin. Ipabasa nang malakas saisang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 64:20–21. Sabihin sa klase na alaminang sakripisyong ipinagawa ng Panginoon kina Isaac Morley at Frederick G.Williams. Sabihin sa isang estudyante na ibahagi ang nalaman niya.

Ipaliwanag na si Isaac Morley ay may-ari ng malaking sakahan na may sukat nahalos 80 acre sa labas ng Kirtland, Ohio. Matapos matanggap ang paghahayag naito, kusang ipinagbili ni Isaac ang kanyang sakahan at nanirahan sa Independence,Missouri. Bagama’t hindi iniutos kay Frederick G. Williams na ipagbili ang kanyangsakahan, ipinakita pa rin niya na handa siyang magsakripisyo. Ginamit niya angkanyang sakahan para sa tirahan at pagkain ng mga Banal at kalaunan ay inilaanang kanyang buong sakahan sa Simbahan nang hindi tumatanggap nganumang bayad.

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 64:22, atalamin ang hinihingi ng Panginoon sa atin.

• Ayon sa talata 22, ano ang hinihingi ng Panginoon sa atin? (Hinihingi ngPanginoon ang ating mga puso. Isulat sa pisara ang katotohanang ito.)

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang katotohanang ito,sabihin sa kanila na ipaliwanag sa kanilang sariling mga salita ang sa palagay nilaay kahulugan nito.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 64:23–32 na ipinapaliwanag na iniutos ngPanginoon sa Kanyang mga tao na magsakripisyo sa pamamagitan ng pagbabayadng ikapu. Sa pagkakataong ito ang salitang ikapu ay tumutukoy sa lahat ngkontribusyon ng mga Banal sa Simbahan, sa halip na porsiyento ng kita. Sinabi rinng Panginoon kina Newel K. Whitney at Sidney Gilbert na huwag ipagbili angkanilang tindahan sa Ohio upang makatulong sila sa pagtustos sa mga Banal“upang sila ay makakamit ng mana sa … Sion” (D at T 64:30). Natutuhan din ngmga lalaking ito na kapag sila ay nasa paglilingkod ng Panginoon, ginagawa nilaang gawain ng Panginoon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 64:33–34.Sabihin sa klase na alamin ang itinuro pa ng Panginoon sa mga elder.

• Ano ang kahulugan sa inyo ng mensahe ng Panginoon sa talata 33?

• Bukod sa paghingi sa ating mga puso, ano pa ang hinihingi ng Panginoon saatin? (Idagdag ang mga sumusunod na salita para ang katotohanan nanakasulat sa pisara ay mababasa nang ganito: Hinihingi ng Panginoon angating mga puso at may pagkukusang isipan.)

• Ano ang ibig sabihin sa inyo ng hinihingi ng Panginoon ang puso at maypagkukusang isipan?

LESSON 24

158

Page 179: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na sa mga talata 34–36 itinuro ng Panginoon na kung hindi natin Siyasusundin nang buong puso at isipan, hindi natin matatamasa ang mga pagpapalang Sion. Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 64:37–43 na ipinapaliwanag napinatotohanan ng Panginoon ang maluwalhating hinaharap ng Sion.

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung gaano katapat ang kanilang mga puso saPanginoon. Hikayatin sila na mapanalanging pag-isipan kung paano nila mailalaanang kanilang mga puso at isipan nang mas lubusan sa Panginoon.

Doktrina at mga Tipan 65Inihayag ng Panginoon na mapupuno ng ebanghelyo ang buong mundoIsulat ang sumusunod na hindi kumpletong pahayag sa pisara, at sabihin sa mgaestudyante na isipin kung paano nila kukumpletuhin ito: Isa sa mahahalagangresposibilidad ko bilang miyembro ng Simbahan ay …

Sabihin sa mga estudyante na humanap ng katotohanan sa pag-aaral nila ngDoktrina at mga Tipan 65 na makatutulong sa kanila na makumpleto ang pahayagna ito.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 65:1–6. Sabihin sa klase na humanap ng inuulit na salita o parirala namakatutulong sa atin na maunawaan ang mahalagang responsibilidad natin.Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “ihanda ninyo ang daan ngPanginoon” at “ihanda ninyo ang hapunan ng Kordero” sa talata 3? (Parehongtumutukoy ang mga pariralang ito sa paghahanada para sa Ikalawang Pagparitong Panginoon.)

• Ayon sa talata 5, ano ang sinabi ng Panginoon na gawin natin paramakapaghanda sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

• Batay sa mga talatang ito, paano natin kukumpletuhin ang pahayag sa pisara?(Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod nakatotohanan: Responsibilidad nating ihanda ang ating sarili at ang iba parasa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.)

• Sa paanong mga paraan natin maihahanda ang ating sarili at ang iba para saIkalawang Pagparito ni Jesucristo?

Magbigay ng mga follow-up questionKapag nagbigay ka ng mga follow-up question, nagbibigay ito ng pagkakataon sa mgaestudyante na masabi ang natutuhan nila, mapalalim ang kanilang pagkaunawa, atmapag-isipang mabuti kung paano nauugnay ang mga katotohanan ng ebanghelyo sa kanilangbuhay. Huwag magmadali na matapos ang mahabang listahan ng mga follow-up question.Karaniwang mas makabubuti na ilan lang ang itanong at bigyan ng oras ang mga estudyante namakasagot nang mabuti.

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa kahalagahan ng paghahanda sa ating sariliiat sa iba para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon. Magpatotoo na ang mga susing kaharian ay nasa mundo at hawak ng mga buhay na propeta (tingnan sa D at T

LESSON 24

159

Page 180: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

65:2) at ang ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo ay lalaganap sa mga dulong mundo para ihanda ang sanlibutan para sa Ikalawang Pagparito. Sabihin sa mgaestudyante na ihanda ang kanilang mga sarili at ang iba para sa IkalawangPagparito ng Panginoon.

LESSON 24

160

Page 181: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 25

Doktrina at mgaTipan 66–70Pambungad at TimelineNoong Oktubre 29, 1831, si William E. McLellin, isang bagong binyag saSimbahan, ay nagtanong sa Panginoon ng limang tanong at ipinagdasal namakatanggap ng mga sagot sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith.Pagkatapos ay hiniling ni William sa Propeta na magtanong sa Panginoon para sakanya. Si Joseph, na hindi alam ang ipinagdasal o ang limang tanong ni William, aynanalangin sa Panginoon at natanggap ang paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 66. Idinetalye sa paghahayag na ito ang mga pagpapala at payo hinggilsa espirituwal na katayuan ni William at sa kanyang tungkuling ipangaral angebanghelyo.

Noong Nobyembre 1831, nagtipon ang mga maytaglay ng priesthood para sasunud-sunod na mga pagpupulong o kumperensya sa Hiram, Ohio, upangtalakayin ang paglalathala ng mga paghahayag na natanggap ni Propetang JosephSmith mula sa Panginoon hanggang sa panahong iyon. Sa kumperensya, ibinigayng Panginoon ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 1, na itinalagaNiya bilang Kanyang paunang salita sa aklat ng mga paghahayag na ilalathala.Ibinigay rin ng Panginoon ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 67, kung saan tinugon Niya ang mga namumuna sa wika ng mgapaghahayag na natanggap ng Propeta.

Habang nasa kumperensya, apat na kalalakihan ang humiling kay Joseph Smith namagtanong sa Panginoon tungkol sa Kanyang kalooban para sa kanila. Bilangtugon, ibinigay ng Panginoon ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 68. Kabilang sa paghahayag ang payo sa mga tinawag na mangaral ngebanghelyo, mga karagdagang tagubilin tungkol sa nilalaman ng banal nakasulatan, mga tagubilin tungkol sa tungkulin ng mga bishop, at kautusan sa mgamagulang na ituro sa kanilang mga anak ang mga alituntunin at mga ordenansa ngebanghelyo.

Sa mga kumperensyang ito, iniutos kay Oliver Cowdery na dalhin sa Missouri angmga tinipong manuskrito ni Joseph Smith mula sa Ohio para maipalimbag. NoongNobyembre 11, 1831, idinikta ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 69, at tinagubilinan si John Whitmer na samahan si Oliversa Missouri at patuloy na magtipon ng mga materyal na pangkasaysayan bilangmananalaysay at manunulat ng Simbahan. Nang sumunod na araw sa isangkumperensya sa Hiram, Ohio, natanggap ng Propeta ang paghahayag na nakatalasa Doktrina at mga Tipan 70. Sa paghahayag na iyon, nagtalaga ang Panginoon nganim na kalalakihan na mangangasiwa sa paglalathala ng mga paghahayag.

Oktubre 29, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 66.

161

Page 182: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Nobyembre 1–2, 1831Tinalakay ng mga elder sa isang kumperensya ng Simbahan na ginanap sa Hiram,Ohio, ang paglalathala ng mga paghahayag ng Panginoon kay Joseph Smith (angAklat ng mga Kautusan). Sa kumperensya, natanggap ng Propeta ang Doktrinaat mga Tipan 67–68.

Nobyembre 11, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 69.

Nobyembre 12, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 70.

Nobyembre 20, 1831Sina Oliver Cowdery at John Whitmer ay lumisan ng Ohio papuntang Missouripara ipalimbag ang mga paghahayag sa Aklat ng mga Kautusan.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 66Pinayuhan ng Panginoon si William E. McLellin at iniutos dito na ipangaral angebanghelyo at talikdan ang kasamaanSabihin sa mga estudyante na isipin ang pagkakataon na gusto nilang bumuti oumunlad sa espirituwal.

• Paano ninyo malalaman na espirituwal na umuunlad kayo?

• Paano ninyo malalaman kung ano ang pagtutuunan upang esprituwal naumunlad?

Sabihin sa mga estudyante na alamin ang mga katotohanan sa pag-aaral nila ngDoktrina at mga Tipan 66 na gagabay sa pagsisikap nila na espirituwal na umunlad.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kontekstongpangkasaysayan ng Doktrina at mga Tipan 66, ipaliwanag na ang paghahayag saDoktrina at mga Tipan 66 ay para kay William E. McLellin, na nabinyagan noongAgosto 1831. Hindi nagtagal pagkatapos mabinyagan, inordenan siya bilang elderat sinamahan niya si Hyrum Smith nang ilang linggo bilang missionary. NoongOktubre, naglakbay siya sa Ohio para dumalo sa isang kumperensya ng simbahanat nakipag-usap kay Propetang Joseph Smith. Noong Oktubre 29, lihim nananalangin si William, at hiniling sa Panginoon na ihayag sa kanya ang mga sagotsa limang tanong sa pamamagitan ni Joseph Smith. (Walang natuklasangdokumento na nakapagtala sa mga tanong na iyon.) Nang hindi sinasabi saPropeta ang tungkol sa kanyang panalangin o mga tanong, humiling si Willliam ngpaghahayag. Habang idinidikta ng Propeta ang paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 66, nalaman ni William na sinagot nga ng Panginoon angbawat isa sa kanyang mga tanong. Bilang bahagi ng paghahayag na ito, binigyan ngPanginoon si William ng mga tagubilin at babala na nakatulong sa kanya namalaman ang katayuan niya sa harapan ng Panginoon at ang kailangan niyanggawin para espirituwal na umunlad.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 66:1–2.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon tungkol sa espirituwal na pag-unlad ni William McLellin.

LESSON 25

162

Page 183: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang sinabi ng Panginoon tungkol sa espirituwal na pag-unlad ni William?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan66:3 at alamin ang sinabi ng Panginoon na kailangan pang gawin ni William.Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano ang matututuhan natin sa mga talatang ito tungkol sa kung paano tayotinutulungan ng Panginoon na espirituwal na umunlad? (Matapos sumagot angmga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod: Maipapakita sa atin ngPanginoon ang kailangan nating pagsisihan.)

• Ano ang ilang paraan na maipapakita sa atin ng Panginoon ang mga bagay nakailangan nating pagsisihan?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan. Sabihin sa klase na pakingganang isang paraan na maaanyayahan natin ang Panginoon na ipakita sa atin angkailangan nating pagsisihan:

“Isa sa mga tanong na dapat nating itanong sa ating Ama sa Langit sa atingpersonal na panalangin ay ito: ‘Ano po ang nagawa ko ngayon, o hindi nagawa,na hindi kalugud-lugod sa Inyo? Kung malalaman ko lamang po, ako po aykaagad na magsisisi nang buong puso.’ Ang mapagpakumbabang panalangingiyan ay sasagutin” (Henry B. Eyring, “Do Not Delay,” Ensign, Nob. 1999, 34).

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 66:4–9 na ipinapaliwanag na sinabi ngPanginoon kay William McLellin na sasama siya kay Samuel H. Smith paramagmisyon sa mga lupain sa silangan at ipahayag ang ebanghelyo. Sinabi rin ngPanginoon sa kanya na siya ay hindi pa tinawag upang magtungo sa lupain ng Sionngunit kung kakayanin niya, ay magpadala siya ng pera para matulungan ang mganagtatatag ng Sion.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 66:10.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang payo at babalang Panginoon kay William. Maaaring kinakailangan mong ipaliwanag na ang ibigsabihin ng salitang manligalig ay mamroblema o masiphayo.

• Anong tukso ang sinabi ng Panginoon na mahirap para kay William?

• Anong doktrina ang itinuturo ng talatang ito tungkol sa kaalaman ngPanginoon? (Iba-iba man ang gamiting salita ng mga estudyante, kailangangmatukoy nila ang sumusunod na doktrina Alam ng Panginoon ang ating mgakahinaan at mga nakatutukso sa atin.)

• Bakit mahalagang maunawaan na nalalaman ng Panginoon ang ating mgakahinaan at mga nakatutukso sa atin?

• Paano nauugnay ang katotohanang ito sa doktrinang natukoy natin sa talata 3?

Ipaliwanag na bukod pa sa nalalaman ng Panginoon ang ating mga kahinaan atmga nakatutukso sa atin, alam ng Panginoon ang ating mga kalakasan atkakayahan. Dahil kilala Niya ang bawat isa sa atin, magagabayan Niya tayo na

LESSON 25

163

Page 184: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

espirituwal na umunlad at binabalaan tayo sa mga panganib na maaaringhumadlang sa ating espirituwal na pag-unlad. Kung babaling tayo sa Kanya, alamng Panginoon kung paano tayo tutulungan kapag natutukso tayo at sasaklolohantayo (tingnan sa D at T 62:1).

Sabihihin sa mga estudyante na pag-isipan nang may panalangin kung ano angkailangan nilang pagsisihan at ano ang nais ng Ama sa Langit na gawin nila upangmas mapalapit sa Kanya. Magpatoto na darating ang mga pagpapala sa kanilangbuhay kapag sinunod nila ang payo ng Panginoon at magsisi sa kanilang mgakasalanan.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 66:11–13 na ipinapaliwanag na ipinangako ngPanginoon kay William na kung susundin niya ang payo sa paghahayag na ito atgagampanan ang kanyang tungkulin, tatanggap siya ng buhay na walang hanggan.

Doktrina at mga Tipan 67Pinagsabihan ng Panginoon ang mga taong namuna sa wika ng mga paghahayag naibinigay kay Joseph SmithIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 67. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin angkontekstong pangkasaysayan ng paghahayag na ito.

• Ano ang pinatotohanan ng maraming elder sa kumperensya?

Ipaliwanag na bagama’t maraming elder ang nakatanggap ng espirituwal napagpapatibay sa katotohanan ng mga paghahayag habang nasa kumperensya, mayilang elder na hindi nakatanggap nito.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 67:1–4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon sa mga elder sa kumperensyang ito.

• Ayon sa talata 3, bakit hindi nakatanggap ang ilan sa mga elder ng espirituwalna patunay ng katotohanan ng mga paghahayag?

Ituro ang parirala sa section heading na “ilang hindi magandang usap-usapanhinggil sa wikang ginamit sa mga paghahayag,” at ipaliwanag na sakumperensyang ito, pinuna ng ilang elder ang mga pagkakamali sa mga salita samga paghahayag. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mgaTipan 67:5–9, at sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin angsinabi ng Panginoon sa mga pumupuna sa wika ng mga paghahayag.

• Ano ang sinabi ng Panginoon tungkol kay Joseph Smith sa talata 5?

Magpatotoo na kahit hindi perpekto ang wika ni Joseph Smith, ang Panginoon aynaghahayag ng katotohanan sa Propeta at tinutulutan siyang ipahayag ito gamitang kanyang sariling kakayahan at sigasig.

• Anong hamon ang ibinigay ng Panginoon sa mga taong nag-akala namakapagpapahayag sila nang mas mahusay kaysa sa wika ng mga paghahayag?

Ipaliwanag na si William McLellin, dating titser sa paaralan, ay tinanggap anghamong iyon. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod nakuwento:

LESSON 25

164

Page 185: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Si William McLellin ay nagboluntaryo na sumulat ng paghahayag na katulad ng ibinigay ngPanginoon noon sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith, subalit siya ay nabigo. Ipinahayagni Joseph Smith na ang mga nakasaksi ng nabigong pagtatangkang ito na lumikha ngpaghahayag ay “pinanibago ang kanilang pananampalataya sa kabuuan ng ebanghelyo at sakatotohanan ng mga kautusan na ibinigay ng Panginoon sa simbahan sa pamamagitan ko; atang mga elder ay nagpakita ng kahandaang maging saksi sa katotohanan nito sa buong mundo”(Joseph Smith, sa Manuscript History of the Church, vol. A-1, p. 162, josephsmithpapers.org).

• Ano ang matututuhan natin mula sa karanasang ito at sa mga salita ngPanginoon sa mga talata 5–9 tungkol sa mga inihahayag ng Panginoon sapamamagitan ng Kanyang mga propeta? (Iba-iba man ang gamiting mga salitang mga estudyante, dapat na matukoy nila ang sumusunod na katotohanan:Naghahayag ang Diyos ng katotohanan sa pamamagitan ng Kanyang mgapropeta sa kabila ng kanilang mga kahinaan o kakulangan.)

Maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang kanilang patotoo sadoktrinang ito. Magpatotoo sa katotohanan ng mga paghahayag na ibinibigay ngPanginoon sa Simbahan sa pamamagitan ng Kanyang mga buhay na propeta.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 67:10–14 sa pagsasabi sa mga estudyante naipinangako ng Panginoon sa mga elder na kung aalisin nila ang inggit at takot atmagpapakumbaba, makikita nila ang Tagapagligtas. Ipinaliwanag ng Panginoon nahindi sila makatatagal sa Kanyang harapan ngayon, ngunit hinikayat Niya sila napatuloy na magtiyaga hanggang sa sila ay maging ganap.

Doktrina at mga Tipan 68Ipinaliwanag ng Panginoon ang ibig sabihin ng banal na kasulatan, pinayuhan angmga tinawag na mangaral ng ebanghelyo, inihayag ang mga katotohanan tungkolsa tungkulin ng bishop, at tinagubilinan ang mga Banal sa SionIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 68. Sabihin sa klase na alamin kung bakit ibinigay ang paghahayag na ito.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 68:1. Sabihinsa klase na alamin ang iniutos ng Panginoon kay Orson Hyde.

• Paano ipapahayag ni Orson ang ebanghelyo? (Sa pamamagitan ng Espiritu ngbuhay na Diyos.)

Ipaliwanag na sa talata 2, sinabi ng Panginoon na ang utos na ibinigay niya kayOrson Hyde ay isang halimbawa para sa ibang tinawag na mangaral ngebanghelyo. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan68:3–5. Sabihin sa klase na alamin kung bakit mahalaga para sa mga tinawag namangaral ng ebanghelyo na gawin ito sa pamamagitan ng Espiritu.

• Anong katotohanan ang malalaman natin mula sa talata 4 tungkol samangyayari kapag nagsalita ang mga tagapaglingkod ng Panginoon nangpinakikilos ng Espiritu Santo? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sapisara ang sumusunod na katotohanan: Kapag ang mga tagapaglingkod ngPanginoon ay pinakikilos ng Espiritu Santo, ang kanilang mga salita aymagiging salita ng Panginoon at magdadala sa mga tao sa kaligtasan)

LESSON 25

165

Page 186: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na ang mga yaong inordenan na mangaral ng ebanghelyo, kapagpinakikilos ng Espiritu, ay magpapahayag ng salita ng Panginoon sa mga taongkanilang tinuturuan at matutulungan ang mga ito na magkaroon ng patotoo sakatotohanan. Bukod pa riyan, ang mga salita ng mga propeta, tagakita, at mgatagapaghayag na ibinigay sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay itinuturing nabanal na kasulatan (tingnan sa D. Todd Christofferson, “Ang Biyaya ng Banal naKasulatan,” Ensign o Liahona, Mayo 2010, 35). Sinabi ni Pangulong J. ReubenClark Jr. (1871–1961) ng Unang Panguluhan na ang mga propeta, tagakita, attagapaghayag ay “may karapatan, kapangyarihan, at awtoridad na ipahayag angkalooban at kagustuhan ng Diyos sa kanyang mga tao, sa ilalim ng buongkapangyarihan at awtoridad ng Pangulo ng Simbahan … , sapagkat siya ay Propeta,Tagakita, at Tagapaghayag para sa buong Simbahan” (“When Are Church Leaders’Words Entitled to Claim of Scripture?” Church News, Hulyo 31, 1954, 9–10).

• Sa anong mga paraan natulungan kayo ng mga salita ng mga tagapalingkod ngPanginoon na maakay tungo sa kaligtasan?

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 68:6–35, tumawag ang Panginoon ngmatatapat na elder na mangangaral ng ebanghelyo at magbibinyag ng mgananiniwala. Naghayag din Siya ng mga tagubilin para sa pagtawag ng mga bishopat para sa mga naninirahan sa Sion.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 68:25–27.Sabihin sa klase na alamin ang tagubilin na ibinigay ng Panginoon sa mgamagulang sa Sion.

• Ano ang iniutos ng Panginoon sa mga magulang sa talata 25? (Iniutos ngPanginoon sa mga magulang na turuan ang kanilang mga anak namaunawaan ang doktrina ng pagsisisi, pananampalataya kay Cristo,pagbibinyag, at kaloob na Espiritu Santo.)

• Ano ang sinabi ng Panginoon na mangyayari sa mga magulang na hindi itinuroang mga alituntunin at ordenansang ito sa kanilang mga anak?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 68:28–35 na ipinapaliwanag na bukod sa payo samga magulang na “turuan ang kanilang mga anak na manalangin, at magsilakadnang matwid sa harapan ng Panginoon” (D at T 68:28), ang mga Banal aytinagubilinang panatilihing banal ang araw ng Sabbath, alalahanin ang kanilangmga gawain, at iwasan ang katamaran. Ipinahayag din ng Panginoon na hindi Siyanalulugod sa kasamaan at kasakiman ng ilan sa mga naninirahan sa Sion.

Doktrina at mga Tipan 69–70Iniutos ng Panginoon kay John Whitmer na magpatuloy sa kanyang tungkulin bilangmanunulat ng Simbahan at magtalaga ng anim na katiwala sa Kanyang mgapaghahayagIbuod ang Doktrina at mga Tipan 69 na ipinapaliwanag na iniutos ng Panginoonkay John Whitmer na pumalit kay Oliver bilang mananalaysay ng Simbahan atmaglingkod bilang tagasulat ng Propeta. Sinabi ng Panginoon kay John Whitmerna ang kanyang mga tungkulin bilang manunulat ng Simbahan ay “para saikabubuti ng simbahan, at para sa bumabangong salinlahi” (D at T 69:8).

LESSON 25

166

Page 187: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 70 na ipinapaliwanag na nagtalaga angPanginoon ng anim na kalalakihan, kabilang na si Propetang Joseph Smith, bilangmga katiwala sa mga paghahayag na may responsibilidad na ilathala ang mga itosa mundo.

Tapusin ang lesson sa pag-anyaya sa ilang estudyante na magbahagi ng alituntunino doktrina na itinuro sa mga paghahayag na ito na mahalaga sa kanila atipaliwanag kung bakit ito mahalaga sa kanila. Hikayatin ang mga estudyante naipamuhay ang mga katotohanang ito sa pamamagitan ng pagsunod sa anumanginspirasyong natanggap nila.

LESSON 25

167

Page 188: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 26

Doktrina at mgaTipan 71–75Pambungad at TimelineNoong taglagas ng 1831, tinangka ng mga dating miyembro ng Simbahan na sinaEzra Booth at Symonds Ryder na siraan ang Simbahan at mga lider nito at pigilanang mga tao na maging miyembro ng Simbahan. Ginawa nila ito sa pamamagitanng pagsasalita laban sa Simbahan sa harapan ng madla at walang tigil nanaglathala ng mga artikulong laban sa mga Mormon sa mga lokal na pahayagan,na naging dahilan ng pagdami ng mga sumasalungat. Noong Disyembre 1, 1831,natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 71. Dito, iniutos ng Panginoon kina Joseph Smith at Sidney Rigdon naipagtanggol ang Simbahan at sugpuin ang mga kasinungalingan sa pamamagitanng pangangaral ng ebanghelyo mula sa mga banal na kasulatan ayon sa patnubayng Espiritu.

Dahil sa mabilis na paglago ng Simbahan sa Kirtland, Ohio, na sinabayan ngpaglipat ni Bishop Edward Partridge sa Missouri, kinailangang tumawag ng isangbagong bishop na maglilingkod sa Ohio. Noong Disyembre 4, 1831, natanggap niJoseph Smith ang tatlong paghahayag na pinagsama-sama sa Doktrina at mgaTipan 72. Sa mga paghahayag na ito, tinawag ng Panginoon si Newel K. Whitneyna maglingkod bilang bishop sa Ohio at iniisa-isa ang kanyang mgaresponsibilidad.

Makalipas ang isang buwan ng pangangaral ng ebanghelyo upang sugpuin angmga kasinungalingan na ikinalat nina Ezra Booth at Symonds Ryder, nagbalik sinaJoseph Smith at Sidney Rigdon sa Hiram, Ohio. Noong Enero 10, 1832, natanggapni Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 73, kungsaan iniutos ng Panginoon kina Joseph at Sydney na ipagpatuloy ang kanilangpagsasalin ng Biblia.

Ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 74 ay natanggap noong1830 bago lumipat si Joseph Smith sa Ohio. Naglalaman ito ng paliwanag ngPanginoon sa I Mga Taga Corinto 7:14.

Sa isang kumperensya ng Simbahan na idinaos noong Enero 25, 1832, tumanggapsi Joseph Smith ng dalawang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 75.Sa mga paghahayag na ito, tinagubilinan ng Panginoon ang mga elder hinggil sakanilang mga tungkulin bilang missionary at nagtalaga ng makakasama nilasa misyon.

1830Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 74.

Oktubre 1831Sinimulan ng pahayagan na Ohio Star ang paglalathala ng siyam na liham mula sanag-apostasiyang si Ezra Booth na bumabatikos sa Simbahan at mga lider nito.

168

Page 189: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Nobyembre 1, 1831Naglabas ang isang kumperensya ng Simbahan ng resolusyon na ilathala ang mgapaghahayag ni Joseph Smith bilang Aklat ng mga Kautusan.

Disyembre 1, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 71.

Disyembre 4, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 72.

Enero 10, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 73.

Enero 25, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 75.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 71Tinagubilinan ng Panginoon sina Joseph Smith at Sidney Rigdon na sagutin ang mgakritiko ng SimbahanSabihin sa mga estudyante na isipin kung kailan hinamon o binatikos ang kanilangmga paniniwala. Anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi ng kanilang mgakaranasan sa klase.

• Bakit mahirap kapag hinahamon o binabatikos ang ating mga paniniwala?

Sabihin sa mga estudyante na humanap ng alituntunin sa pag-aaral nila ngDoktrina at mga Tipan 71 na maaaring makatulong sa kanila na malaman kungano ang itutugon sa mga bumabatikos sa Simbahan at sa mga turo nito.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngDoktrina at mga Tipan 71, ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsumusunod talata:

Simula noong Oktubre 1831, isang pahayagan na tinatawag na Ohio Star ang naglathala ngsiyam na liham na bumabatikos sa Simbahan at mga lider nito. Ang mga liham na ito ay isinulatni Ezra Booth, isang dating mangangaral na Methodist na naging miyembro ng Simbahanmatapos basahin ang Aklat ni Mormon at makita na mahimalang napagaling ni PropetangJoseph Smith ang may rayumang bisig ni Alice (o Elsa) Johnson. Naglakbay siya sa Missouribilang missionary ngunit nadismaya nang hindi siya makagawa ng mga himala para makumbinsiang iba sa katotohanan. Pagdating sa Missouri, sinimulan na niyang batikusin ang Propeta. Sakanyang mga liham, pinaratangan ni Ezra Booth si Joseph Smith bilang isang impostor, atsinabing isang pakana lamang ang mga paghahayag nito para makuhanan ng pera ang mga tao.Si Symonds Ryder, isa pang naghinanakit na miyembro, ang hayagan ding bumatikos kay JosephSmith upang hadlangan ang mga tao sa pagsapi sa Simbahan. Ang pang-uudyok at panliligalignina Ezra Booth at Symonds Ryder ay naging dahilan para magalit ang ilang tao sa Simbahan atmga lider nito.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 71:1–3, 7–11. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang nais ng Panginoon na gawin nina Joseph Smith at Sidney Rigdon.

LESSON 26

169

Page 190: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang ipinagawa ng Panginoon kina Joseph Smith at Sidney Rigdon paramaibsan ang matinding pagbatikos sa Simbahan?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin mula sa talata 1 tungkol sa itutugonnatin kapag binabatikos ng mga tao ang Simbahan at ang mga lider nito?(Dapat matukoy ng mga estudyante ang alituntuning tulad ng sumusunod:Kapag binabatikos ng iba ang Simbahan, maaari natin itong sagutin sapamamagitan ng pagbabahagi ng mga katotohanan mula sa mga banal nakasulatan at pagsunod sa patnubay ng Espiritu.)

• Sa palagay ninyo bakit mahalagang sagutin ang pambabatikos sa Simbahan sapamamagitan ng pagbabahagi ng mga katotohanan mula sa mga banal nakasulatan at pagsunod sa patnubay ng Espiritu?

Magpatotoo na ang pagsunod sa patnubay ng Espiritu ay makatutulong sa atin nasagutin ang pambabatikos habang iniiwasan na makipagtalo, na nagtataboy saEspiritu, at kadalasaang lalong nagpapatigas ng damdamin ng ibang tao.

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) ngKorum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Sa pagtugon natin sa iba, bawat sitwasyon ay magiging kaiba. Sakabutihang-palad, alam ng Panginoon ang nasa puso ng mga nagpaparatang saatin at kung paano tayo epektibong makatutugon sa kanila. Kapag naghahangadng patnubay ng Espiritu ang mga tunay na disipulo, tumatanggap sila nginspirasyon na akma sa bawat sitwasyon. Sa bawat sitwasyon, ang mga tunay nadisipulo ay tumutugon sa mga paraang mag-aanyaya sa Espiritu ng Panginoon”

(Robert D. Hales, “Katapangang Kristiyano: Kailangan sa Pagiging Disipulo,” Ensign o Liahona,Nob. 2008, 73).

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang pagkakataon kung kailan sila, o isangkakilala nila, ay umasa sa mga banal na kasulatan at sa patnubay ng Espiritu Santosa pagtugon sa mga pambabatikos sa Simbahan at sa mga turo nito. Anyayahanang ilang estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga karanasan.

Hikayatin ang mga estudyante na hingin ang patnubay ng Espiritu at magbahaging mga katotohanan mula sa banal na kasulatan sa pagsagot sa mga bumabatikossa Simbahan at mga turo nito.

Tulungan ang mga estudyante sa pagsagot ng mahihirap na tanongAng mga estudyante ay tatanungin ng mahihirap na tanong tungkol sa Simbahan sa buongbuhay nila. Ang pagbibigay sa mga estudyante ng tumpak na impormasyon at pagtulong sakanila na mahanap ang mga mapagkakatiwalaang materyal ay makatutulong sa kanila namapag-isipan at maipaliwanag nang tapat ang mahihirap na paksa. Ang pagtutulot sa mgaestudyante na talakayin at praktisin ang pagsagot sa mahihirap na tanong at pinagkakatiwalaansila na magagawa nila ito ay nagpapalakas ng kanilang kumpiyansa sa sarili sa oras nanakipag-usap na sila sa iba tungkol sa ebanghelyo.

LESSON 26

170

Page 191: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 72Tinawag ng Panginoon si Newel K. Whitney bilang bishop sa Ohio at ipinaliwanagang mga tungkulin ng bishopIpaliwanag na noong Disyembre 3, 1831, naglakbay sina Joseph Smith at SidneyRigdon mula sa Hiram, Ohio, patungong Kirtland para gawin ang utos ngPanginoon na ipahayag ang ebanghelyo at sugpuin ang mga kasinungalingangkumakalat laban sa Simbahan. Habang nasa Kirtland, nakipagkita ang Propeta sailang elder at mga miyembro ng Simbahan na gustong malaman ang kanilang mgatungkulin. Tumanggap ang Propeta ng tatlong paghahayag (mga talata 1–8, 9–23,at 24–26), na nakatala ngayon sa Doktrina at mga Tipan 72. Dahil iniutos ngPanginoon kay Bishop Edward Partridge na lumipat sa Missouri, nawalan ng bishopang mga Banal sa Ohio. Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 72:1–2 naipinapaliwanag na sinabi ng Panginoon na kailangang tumawag ng bagong bishopsa Kirtland.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan72:3–5, at alamin kung bakit kailangan ng mga Banal sa Ohio ng bishop.

• Ayon sa mga talatang ito, bakit kailangan ng mga Banal sa Ohio ng bishop?

• Sa palagay ninyo, ano ang ibig sabihin ng “magbigay-sulit sa kanilangpangangasiwa, maging sa panahong ito at sa kawalang-hanggan” sa talata 3?

Ipaalala sa mga estudyante na noong mga unang araw ng Simbahan, angpangangasiwa ay tumutukoy sa pondo, lupain, o responsibilidad na ibinigay sa mgaBanal na sumusunod sa batas ng paglalaan. Iniutos ng Diyos sa mga Banal na itona magbigay-sulit, o mag-ulat, tungkol sa mga pangangasiwang ibinigay sa kanila.Bagama’t hindi tayo binibigyan ng pangangasiwa sa ilalim ng batas ng paglalaan saSimbahan ngayon, binigyan naman tayo ng Panginoon ng espirituwal at temporalna mga responsibilidad.

• Anong katotohanan ang matutukoy natin mula sa Doktrina at mga Tipan 72:3tungkol sa mga responsibilidad na ibinigay ng Panginoon sa atin sa buhay naito? (Dapat makatukoy ang mga estudyante ng doktrinang kahalintulad ngsumusunod: Papanagutin tayo ng Panginoon sa mga responsibilidad naibinibigay Niya sa atin.)

• Paano nakakaimpluwensya sa ating saloobin sa mga responsibilidad attungkulin natin ang pag-alaala na sa huli ay mananagot tayo sa Panginoon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 72:7–8.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung sino angnatawag na bishop sa Ohio. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnalaman nila.

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 72:9–26, iniisa-isa ng Panginoon ang mgaresponsibilidad ni Newel K. Whitney bilang bishop at nagbigay ng mga tagubilinpara sa mga Banal na magtitipon sa Sion.

LESSON 26

171

Page 192: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 73Iniutos ng Panginoon kina Joseph Smith at Sidney Rigdon na ipagpatuloy angpagsasalin ng BibliaIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 73. Ibuod ang bahaging ito na ipinapaliwanag na iniutos ng Panginoon samga elder na magpatuloy sa pangangaral ng ebanghelyo sa Kirtland hanggang sasusunod na kumperensya ng Simbahan. Iniutos din Niya kina Joseph Smith atSidney Rigdon na ipagpatuloy ang pagsasalin ng Biblia hanggang sa matapos ito.

Doktrina at mga Tipan 74Ipinaliwanag ng Panginoon ang ibig sabihin ng I Mga Taga Corinto 7:14Ipaliwanag na ang bahagi 74 ay hindi nakaayon sa pagkakasunud-sunod. Nangyariito dahil sa paniwala ng mga editor ng mga nakaraang edisyon ng Doktrina at mgaTipan na ang paghahayag na nakatala sa bahaging ito ay ibinigay noong 1832.Subalit napatunayan na natanggap ito sa New York noong 1830 bago lumipat angPropeta sa Ohio. Ibuod ang bahaging ito na ipinapaliwanag na ito ay paliwanagtungkol sa I Mga Taga Corinto 7:14, na scripture passage na ginamit noongpanahon ni Joseph Smith upang pangatwiranan ang pagbibinyag sa mga sanggol.

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 74:7 at alaminang katotohanang itinuro ng Panginoon tungkol sa maliliit na bata. Sabihin sa mgaestudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Doktrina at mga Tipan 75Ang Panginoon ay tumawag ng mga missionary at nagbigay ng mga tagubilin samga magkompanyon na missionaryIsulat sa pisara ang sumusunod na salita, at sabihin sa mga estudyante na isipinkung alin sa mga salitang ito ang naglalarawan sa nararamdaman nila kapagnagbabahagi sila ng ebanghelyo sa iba: tuwang-tuwa, di-mapakali, naasiwa,gustung-gusto, natatakot, nag-aatubili, at nakahanda.

• Anong mga kadahilanan ang makaiimpluwensya sa nararamdaman natintungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa iba?

Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga alituntunin sa pag-aaral nila ngDoktrina at mga Tipan 75 na makakahikayat sa kanila sa pagbabahagi ngebanghelyo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 75. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin angdahilan kung bakit ibinigay ng Panginoon ang dalawang paghahayag na nakatalasa bahaging ito (mga talata 1–12 at 13–36). Ipaliwanag na sa mga paghahayag naito, tinagubilinan ng Panginoon ang mga elder hinggil sa kanilang mga tungkulinbilang missionary at nagtalaga ng makakasama nila sa misyon.

LESSON 26

172

Page 193: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga assignment para sa maliliit na grupoSa pagbibigay ng mga assignment sa maliliit na grupo, maaaring hindi matuon ang isipan ngmga estudyante sa layunin ng aktibidad, at baka pag-usapan na lang nila ang mga bagay napersonal, o hindi na gaanong magsikap na may matutuhan. Kapag aktibo kang nagpapapat-lipatsa bawat grupo at mino-monitor ang aktibidad na pinag-aaralan nila, matulungan mo ang mgaestudyante na manatiling nakapokus sa gawain at lalo pang matuto sa assignment.

Hatiin ang klase sa mga grupo na may tig-tatatlong estudyante. Bigyan ang bawatestudyante sa bawat grupo ng isa sa mga sumusunod na reperensya: Doktrina atmga Tipan 75:2–5; Doktrina at mga Tipan 75:6–11, 27; Doktrina at mga Tipan75:13–14. Ipakita ang mga sumusunod na tanong, at sabihin sa mga estudyante nabasahin nang tahimik ang naka-assign na mga talata sa kanila, na inaalam angmga sagot sa mga sumusunod na tanong:

1. Sino ang kinakausap ng Panginoon?

2. Ano ang ipinayo ng Panginoon sa mga missionary na ito na makatutulong saatin na mahusay na maibahagi ang ebanghelyo?

3. Anong pagpapala ang ipinangako ng Panginoon sa kanila kung matapat nilangipahahayag ang ebanghelyo?

Matapos ang sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi sa grupo nilaang kanilang mga sagot. Itanong sa klase:

• Batay sa mga tinalakay ninyo sa inyong grupo, anong mga alituntunin angmatututuhan natin mula sa mga pangako ng Panginoon sa mga taong tapat naipapahayag ang ebanghelyo? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang mgaalituntuning tulad ng sumusunod: Kung matapat tayo sa paghahayag ngebanghelyo, bibiyayaan tayo ng Panginoon ng karangalan, kaluwalhatian,at buhay na walang hanggan. Kapag naging tapat tayo sa pagpapahayagng ebanghelyo, makakasama natin ang Panginoon.)

• Sa inyong palagay, paano makahihikayat sa atin sa pagbabahagi natin ngebanghelyo ang pag-unawa sa mga alituntuning ito?

• Ayon sa mga talata 11 at 27, ano ang ilang paraan na makakasama natin angPanginoon kapag hinangad natin nang may panalangin na ibahagi sa iba angebanghelyo?

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante. Sabihinsa mga estudyante na pakinggan kung paano natin makakasama ang Panginoonkapag ipinahayag natin nang masigasig at may panalangin ang ebanghelyo:

“Ipinapangako ko sa inyo, kapag nanalangin kayong malaman kung sino angkakausapin, papasok ang mga pangalan at mukha sa inyong isipan. Ipapaalamsa inyo ang inyong sasabihin sa mismong sandaling kailangan ninyo ito [tingnansa D at T 84:85; 100:6]. Darating sa inyo ang mga pagkakataon. Madaraig ngpananampalataya ang pag-aalinlangan, at bibiyayaan kayo ng Panginoon na

LESSON 26

173

Page 194: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

magkaroon ng sarili ninyong mga himala” (Neil L. Andersen, “Ito ay Isang Himala,” Ensign oLiahona, Mayo 2013, 78–79).

• Kailan ninyo nadama na kasama ninyo ang Panginoon habang ibinabahagininyo ang ebanghelyo sa iba? (Maaari ka ring magbahagi ng sarili mongkaranasan.)

Tapusin ang lesson na hinihikayat ang mga estudyante na ipanalangin kung sinoang babahagian nila ng kanilang patotoo tungkol sa ebanghelyo.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 72:8. Tinawag ng Panginoon si Newel K. Whitney na maging bishopMatapos basahin ang Doktrina at mga Tipan 72:8, maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Orson F. Whitney(1855–1931) ng Korum ng Labindalawang Apostol, na isinalaysay kung ano ang nadama ng kanyang lolo na si Newel K. Whitneynang tawagin itong maging bishop:

“Ang isiping manungkulan sa mahalagang responsibilidad na ito [ang katungkulan na bishop] ay halos higit pa samakakaya ni [Newel K. Whitney]. … Siya … ay walang tiwala sa kanyang kakayahan, at [nadamang] walangkakayahan na gampanan ang mataas at banal na katungkulan. Sa kanyang pagkabalisa kinausap niya ang Propeta:

“‘Hindi ko nakikita ang sarili ko na isang bishop, Brother Joseph; ngunit kung sinasabi mong kagustuhan ito ngPanginoon, susubukan ko.’

“‘Hindi lang salita ko ang dapat mong paniwalaan;’ ang mahinahong sagot ng Propeta, ‘Humayo ka at itanong momismo sa Ama.’

“Nagpasiya si Newel … na sundin ang ipinayo [ng Propeta]. … Sinagot ang kanyang mapagkumbaba at taimtim na panalangin. Sakatahimikan ng gabi at sa pag-iisa sa kanyang silid, narinig niya ang tinig mula sa langit: ‘Ang iyong lakas ay nasa akin.’ Ang mgasalita ay kaunti at simple, ngunit para sa kanya napakaraming ibig sabihin nito. Ang kanyang pag-aalinlangan ay napawi tulad nghamog bago sumikat ang araw. Kaagad niyang pinuntahan ang Propeta, sinabi sa [kanya] na natutuwa siya, at handang tanggapinang katungkulang ibinigay sa kanya” (Orson F. Whitney, “The Aaronic Priesthood,” The Contributor, Ene. 1885, 126).

Ipaliwanag na si Newel K. Whitney ay naglingkod bilang bishop hanggang sa siya ay pumanaw noong 1850.

Magpatotoo na pagpapalain tayo ng Panginoon sa ating mga calling o tungkulin. Ipaliwanag na itinuro ni Pangulong Thomas S.Monson na “Kapag tayo ay nasa paglilingkod ng Panginoon, tayo ay karapat-dapat sa tulong ng Panginoon. Pakatandaan, nasinuman ang tawagin ng Panginoon, ay gagawing karapat-dapat ng Panginoon” (“Duty Calls,” Ensign, Mayo 1996, 44).

• Paano makatutulong sa atin ang karanasan ni Bishop Whitney kapag nadarama nating kulang ang ating kakayahan paramakapalingkod o gumanap ng tungkulin sa Simbahan?

LESSON 26

174

Page 195: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 27

Doktrina at mgaTipan 76:1–49Pambungad at TimelineNoong Pebrero 16, 1832, ginawa nina Propetang Joseph Smith at Sidney Rigdonang inspiradong pagbabago o rebisyon sa Biblia (na kilala bilang Pagsasalin niJoseph Smith). Habang isinasalin ni Joseph Smith ang Juan 5:29, pinagnilayan nilani Sidney ang kahulugan ng talata at pinakitaan sila ng isang pangitain, na nakatalasa Doktrina at mga Tipan 76. Sa pangitaing ito pinagtibay ng Tagapagligtas angkatotohanan na Siya ay totoong buhay at isang Diyos, itinuro ang tungkol sapagbagsak ni Satanas at ng mga anak na lalaki ng kapahamakan, at inihayag angkatangian ng tatlong kaharian ng kaluwalhatian at ang mga taong magmamana ngmga ito.

Ang Doktrina at mga Tipan 76 ay ituturo sa dalawang lesson. Ang lesson na ito aysumasaklaw sa Doktrina at mga Tipan 76:1–49, na kinapapalooban ng mgaipinangakong pagpapala ng Panginoon sa matatapat, ang pagkakita nina JosephSmith at Sidney Rigdon sa Ama at sa Anak, at ang tala tungkol sa pagbagsak niLucifer at ng mga anak na lalaki ng kapahamakan.

Enero 25, 1832Si Joseph Smith ay naorden bilang Pangulo ng Mataas na Pagkasaserdote [HighPriesthood] sa kumperensya ng Simbahan sa Amherst, Ohio.

Mga huling araw ng Enero 1832Bumalik sina Joseph Smith at Sidney Rigdon sa Hiram, Ohio, para gawin anginspiradong pagsasalin ng Bagong Tipan.

Pebrero 16, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 76.

Marso 24–25, 1832Sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay kinuha ng mga mandurumog sa gabi atwalang-awang binugbog at binuhusan ng alkitran at balahibo sa Hiram, Ohio.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 76:1–10Nangako ang Panginoon ng mga pagpapala sa mga naglilingkod sa KanyaSabihin sa mga estudyante na isipin ang pagkakataon na may nabasa sila o maysinabi sa kanila na akala nila ay tama pero nalaman nila kalaunan na mali pala.Sabihin sa isa o dalawang estudyante na ilarawan ang naranasan nila.

• Ano ang maaari nating gawin para matutuhan at malaman ang katotohanan?

Ipaliwanag na nagkaroon din si Propetang Joseph Smith ng gayong karanasandahil sa kanyang pagkaunawa sa mangyayari sa atin matapos ang buhay na ito.Ang Propeta ay nabuhay sa panahon na karamihan sa mga simbahang Kristiyanoay naniniwala na ang kabilang-buhay ay binubuo lamang ng langit o impiyerno:

175

Page 196: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

ang mabubuti ay mapupunta sa langit at ang masasama ay mapupunta saimpiyerno. Nang ipagpatuloy muli nina Joseph Smith at Sidney Rigdon angpagsasalin ng Biblia sa Hiram, Ohio, pinagnilayan nila ang paniniwalang itotungkol sa langit at impiyerno.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 76. Sabihin sa klase na alamin kung ano ang naghikayat sa Propeta napunahin ang konseptong ito tungkol sa kabilang-buhay, at ipabahagi sa mgaestudyante ang nalaman nila.

Ipaliwanag na habang nagninilay-nilay ang Propeta, ipinakita ng Panginoon sakanila ni Sidney Rigdon ang pangitain na naghahayag ng mga detalye tungkol saplano ng kaligtasan (tingnan sa D at T 76:11–112). Nang sinimulan ng Panginoonang maluwalhating pangitaing ito, nangako Siya ng mga dakilang pagpapala satunay at matatapat na mga miyembro ng Simbahan (tingnan sa D at T 76:1–10).

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 76:1–5 na ipinapaliwanag na ang mga talatangito ay naglalarawan ng mga katangian ng Panginoon, kabilang na ang Kanyangkatalinuhan, kapangyarihan, kawalang-hanggan, awa, at biyaya.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:5–6.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung sino angtatanggap ng awa at biyaya ng Panginoon at sino ang ikinagagalak ng Panginoonna parangalan.

• Ano ang dapat nating gawin para matanggap ang awa at biyaya ng Panginoon?(Ipaliwanag na sa kontekstong ito, ang ibig sabihin ng may takot sa Panginoonay magkaroon ng pagpipitagan, paggalang, at pagmamahal sa Kanya.)

• Sino ang sinabi ng Panginoon na nagagalak Siyang parangalan?

Isulat sa pisara ang sumusunod na parirala: Kapag pinagpitaganan at pinaglingkurannatin ang Panginoon sa kabutihan at sa katotohahan, Siya ay …

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan76:7–9, at alamin ang mga pagpapala na ibinigay ng Panginoon sa mga taongpinagpipitaganan at pinaglilingkuran Siya. Maaari mong sabihin sa mga estudyantena markahan ang nakita nila sa kanilang banal na kasulatan.

• Ayon sa mga talatang ito, anong mga pagpapala ang dumarating sa mga taongpinagpipitaganan at pinaglilingkuran ang Panginoon? (Maaaring kailanganinmong ipaliwanag na ang mga salitang mga hiwaga sa talata 7 ay tumutukoy samga espirituwal na katotohanan na malalaman lamang sa pamamagitan ngpaghahayag.)

• Batay sa mga talatang ito, paano natin makukumpleto ang alituntunin na nasapisara? (Matapos sumagot ang mga estudyante, kumpletuhin ang pahayag nanasa pisara para maipahayag nito ang sumusunod na alituntunin: Kapagpinagpitaganan at pinaglingkuran natin ang Panginoon sa kabutihan at sakatotohahan, Siya ay maghahayag ng katotohanan sa atin.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:10.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paano

LESSON 27

176

Page 197: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

naghahayag ng katotohanan ang Panginoon sa mga taong pinagpipitaganan atpinaglilingkuran Siya.

• Paano naghahayag ng katotohanan ang Panginoon sa mga taongpinagpipitaganan at pinaglilingkuran Siya?

Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapasimula ng Panginoon sa dakilangpangitaing ito ng mga kawalang-hanggan sa pamamagitan ng pagtuturo ngmahalagang ginagampanan ng Espiritu sa pagtanggap ng paghahayag. Sabihin samga estudyante na isipin ang mga pagkakataon kung kailan tinuruan atpinaliwanagan sila ng Espiritu. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang kanilangkaranasan sa klase. Maaari mong paalalahanan ang mga estudyante na huwagmagbahagi ng mga karanasang napakapersonal o sagrado.

Pagbabahagi ng mga ideya, damdamin, at karanasanAng pagbabahagi ng mga ideya at mahahalagang karanasan ay makatutulong sa mgaestudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ng doktrina at mga alituntunin ngebanghelyo. Sa pagbabahagi ng mga estudyante ng mga gayong karanasan, naaakay silakadalasan ng Espiritu Santo sa mas malalim na pagkaunawa at patotoo sa mismong mga bagayna ibinabahagi nila. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, ang mga sinabi atkaranasan na ibinahagi nila ay maaari ding magkaroon ng malaking epekto sa puso at isipan ngmga kaedad nila.

Doktrina at mga Tipan 76:11–24Nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang Ama sa Langit at si JesucristoIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:11–14.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang katuparan ngmga pangakong ibinigay sa mga talata 5–10.

• Sa paanong paraan naranasan nina Joseph Smith at Sidney Rigdon angkatuparan ng mga pangakong binanggit sa mga talata 5–10?

• Ayon sa talata 12, ano ang epekto sa kanila ng kapangyarihan ng Espiritu?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:15–19.Sabihin sa klase na alamin kung ano ang ginawa nina Joseph Smith at SidneyRigdon para maihanda ang kanilang mga sarili sa pagtanggap ng paghahayag.

• Ano ang ginawa nina Joseph Smith at Sidney Rigdon na naghanda sa kanilapara makatanggap ng pangitain? (Pinagnilayan nila ang inspiradong pagsasalinng Juan 5:29.)

• Ano ang ibig sabihin ng pagnilayan ang mga banal na kasulatan? (Maaaringkasama sa mga sagot ang pagninilay o pag-iisip tungkol sa inyong mgabinabasa, pagtatanong tungkol sa binabasa ninyo, at pag-iisip kung paanonauugnay sa buhay ninyo ang mga katotohanang inyong natuklasan.)

• Ano ang alituntuning matututuhan natin mula sa halimbawa nina Joseph Smithat Sidney Rigdon tungkol sa maaari nating gawin para makatanggap ngpaghahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo? (Maaaring magbahagi angmga estudyante ng alituntuning tulad ng sumusunod: Kapag pinag-aralan at

LESSON 27

177

Page 198: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

pinagnilayan natin ang mga banal na kasulatan, maihahanda natin angating sarili sa pagtanggap ng paghahayag mula sa Panginoon sapamamagitan ng Espiritu Santo.)

Ipaliwanag na ang pangitain na nakita ng Propeta at ni Sidney Rigdon ay isa sapinakamahahalagang paghahayag ng Panunumbalik. Ipakita ang sumusunod napahayag ni Pangulong Wilford Woodruff (1807–1898), at ipabasa ito nang malakassa isang estudyante:

“Tutukuyin ko lang ang ‘Pangitain’ [sa bahagi 76], bilang isang paghahayag nanagbibigay ng higit na liwanag, higit na katotohanan at higit na alituntuninkaysa alinmang paghahayag na nasa alinmang aklat na nabasa natin” (Mga Turong mga Pangulo ng Simbahan: Wilford Woodruff [2004], 132).

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 76:19–24. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alaminang nakita at narinig nina Joseph Smith at Sidney Rigdon.

• Ano ang nakita nina Propetang Joseph at Sidney Rigdon sa pangitain? Ano angnarinig nila?

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa kapartner nila kung anong doktrinal namga katotohanan tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo ang matutukoy nila samga talatang ito. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagisa klase ang katotohanang natukoy nila mula sa mga talatang ito. Sabihin sa isangestudyante na isulat sa pisara ang sumusunod na doktrinal na mga katotohananhabang tinutukoy ng mga estudyante ang mga ito. Kabilang sa doktrinal na mgakatotohanan na dapat matukoy ng mga estudyante ay ang mga sumusunod: SiJesucristo ay buhay at niluwalhating nilalang. Ang Ama sa Langit at siJesucristo ay magkahiwalay at magkaibang nilalang. Si Jesucristo angTagapaglikha ng daigdig na ito at ng iba pang mga daigdig. Sa pamamagitanni Jesucristo, tayo ay mga isinilang na anak na lalaki at babae ng Diyos.

Isulat sa pisara ang sumusunod sa ilalim ng listahan ng doktrinal na mgakatotohanan:

Alin sa mga katotohanang ito ang lubos ninyong pinasasalamatan? Bakit?

Ano ang alam ninyong totoo tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo?

Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa mga tanong na ito at ibahagi angkanilang sagot sa kapartner nila. Matapos makapagbahagi ang mga estudyante ngkanilang mga ideya at patotoo, maaari mong anyayahan ang klase na kantahin ang“Buhay ang Aking Manunubos” (Mga Himno, blg. 78) para mas maanyayahan angEspiritu na patotohanan ang mga katotohanang tinalakay ninyo.

LESSON 27

178

Page 199: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

MusikaAng pag-awit ng himno o isang taludtod ng himno na direktang may kinalaman sa doktrina atmga alituntuning itinuro sa mga banal na kasulatan ay makapag-aanyaya sa Espiritu napatotohanan ang mga katotohanang iyon. Ang himno ay maaari ding magpalalim ngpang-unawa ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang kaalaman samga katotohanan na itinuro.

Doktrina at mga Tipan 76:25–29Nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang paghihimagsik ni Lucifer sapremortal na buhayIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:25–27.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung anongpangyayari ang sumunod na nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon sapangitain.

• Ano ang nalaman nina Joseph Smith at Sidney Rigdon tungkol sa ginawa niLucifer sa premortal na daigdig?

Ipaliwanag na ang pangalang Lucifer ay “nangangahulugang ‘Ang Kumikinang’ o‘Nagdadala ng Liwanag’” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Lucifer,”scriptures.lds.org).

• Ano ang nangyari kay Lucifer dahil naghimagsik siya laban sa Bugtong na Anakng Ama sa Langit na si Jesucristo? (Maaaring kinakailangan mong ipaliwanagna ang ibig sabihin ng bansag na Kapahamakan ay pagkawala o pagkawasak.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:28–29.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ipinagawa ngPanginoon kina Joseph Smith at Sidney Rigdon matapos nilang makita angpangitain tungkol sa paghihimagsik ni Lucifer sa premortal na daigdig.

• Ano ang ipinagawa ng Panginoon kina Joseph at Sidney?

• Ayon sa talata 29, ano ang ginagawa ni Satanas sa mundo na katulad ng ginawaniya sa premortal na buhay?

• Sa anong mga paraan nakikidigma si Satanas sa mga Banal ng Diyos ngayon?

Doktrina at mga Tipan 76:30–49Nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang pangitain tungkol sa paghihirap ngmga anak na lalaki ng kapahamakanIbuod ang Doktrina at mga Tipan 76:30 na ipinapaliwanag na nakita nina JosephSmith at Sidney Rigdon ang mangyayari sa mga malulupig ni Satanas.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 76:31–38. Sabihin sa klase na alamin ang sinabi ng Panginoon tungkolsa mga nagpapadaig kay Satanas.

• Sa talata 32, ano ang itinawag ng Panginoon sa mga nagpadaig kay Satanas?

• Ayon sa mga talata 31 at 35, anong mga pagpapasiya ang humahantong sapagiging mga anak na lalaki ng kapahamakan?

LESSON 27

179

Page 200: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na binigyang-diin ni Propetang Joseph Smith na para maging anak nalalaki ng kapahamakan, ang isang tao ay “dapat tumanggap ng Espiritu Santo, angkalangitan ay mabuksan sa kanya, at makilala ang Diyos, at pagkatapos aymagkasala laban sa kanya” (Manuscript History of the Church, vol. E-1, p. 1976,JosephSmithPapers.org).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Spencer W. Kimball (1895–1985):

“Ang kasalanan laban sa Espiritu Santo ay nangangailangan ng napakalakingkaalaman kung kaya’t lubos na imposible para sa isang karaniwang miyembro ngSimbahan na magawa ang gayong kasalanan” (Spencer W. Kimball, The Miracleof Forgiveness [1969], 123).

• Sa mga talata 32–38, ano ang pinakanapansin ninyo tungkol sa paghihirap namararanasan ng mga anak na lalaki ng kapahamakan sa kawalang-hanggan?(Ipaliwanag na ang pariralang “sila lamang ang hindi matutubos sa takdangpanahon ng Panginoon” [talata 38] ay nangangahulugan na ang mga anak nalalaki ng kapahamakan na nabuhay sa mundo ang tanging mga indibiduwal nahindi makatatanggap ng kaluwalhatian ng Diyos matapos silang mabuhay namuli [tingnan sa I Mga Taga Corinto 15:22; D at T 88:27–32].)

Sabihin sa mga estudyante na sa Doktrina at mga Tipan 76:45–49, nalaman ninaJoseph Smith at Sidney Rigdon na walang sinuman ang lubos na makauunawa samga pagpahihirap ng mga anak na lalaki ng kapahamakan maliban sa mga taongmakakaranas nito mismo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:39–43.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano angmangyayari sa iba pang mga anak ng Diyos.

• Ano ang mangyayari sa iba pang mga anak ng Diyos?

• Bakit naging posible ang kaligtasan ng sangkatauhan?

• Anong doktrina ang matututuhan natin mula sa mga talatang ito tungkol samga maliligtas sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo? (Matapossumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na doktrina: Sapamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, lahat ng anak ng Diyos aymaliligtas maliban lamang sa mga anak na lalaki ng kapahamakan.)

Ipaliwanag na sa kontekstong ito, ang ibig sabihin ng salitang maliligtas aymagiging karapat-dapat at magagawang makapagmana ng isang lugar sa isangkaharian ng kaluwalhatian sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

• Sa inyong palagay, bakit tinawag ang doktrinang ito na “mabubuting balita”(talata 40)?

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa mga katotohanang tinalakay sa lessonna ito.

LESSON 27

180

Page 201: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 28

Doktrina at mga Tipan76:50–119Pambungad at TimelineNoong Pebrero 16, 1832, habang ginagawa nina Propetang Joseph Smith at SidneyRigdon ang inspiradong pagsasalin ng Biblia at pinagninilayan ang kahulugan ngJuan 5:29, sila ay pinakitaan ng isang pangitain, na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 76. Sa bahagi ng pangitain na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 76:50–119,ipinakita kina Joseph at Sidney ang mga naninirahan sa mga kahariang selestiyal,terestriyal, at telestiyal at ang kahalagahan ng pagtanggap at pagiging matatag sapatotoo tungkol kay Jesucristo.

Enero 25, 1832Si Joseph Smith ay naorden bilang Pangulo ng Mataas na Pagkasaserdote [HighPriesthood] sa kumperensya ng Simbahan sa Amherst, Ohio.

Mga huling araw ng Enero 1832Bumalik sina Joseph Smith at Sidney Rigdon sa Hiram, Ohio, para gawin anginspiradong pagsasalin ng Bagong Tipan.

Pebrero 16, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 76.

Marso 24–25, 1832Sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay kinuha ng mga mandurumog sa gabi atwalang-awang binugbog at binuhusan ng alkitran at balahibo sa Hiram, Ohio.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 76:50–70Nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon kung sino ang mga tatanggap ngkaluwalhatiang selestiyalBasahin nang malakas ang mga sumusunod na sitwasyon, at sabihin sa mgaestudyante na isipin kung ano ang isasagot nila. Tiyaking mabigyan mo sila ngsapat na oras para makapag-isip.

1. Isang binatilyo ang naniniwala na dahil mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyangmga anak, pagpapalain Niya tayo anuman ang gawin natin. Naniniwala rin siyana bagama’t mapaparusahan tayo sa ating mga kasalanan, sa huli ay maliligtastayong lahat sa kaharian ng Diyos.

2. Naniniwala ang isang dalagita na kung susundin niya nang lubos ang lahat ngkautusan, siya ay maliligtas sa kaharian ng Diyos.

3. Sinabi ng isang tao na dahil ipinanganak siyang muli, maliligtas siya sakaharian ng Diyos kahit ano pa ang ginagawa niya sa buhay na ito.

• Paano makaaapekto ang iba’t ibang pananaw na ito sa ginagawa ng tao sabuhay na ito?

181

Page 202: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na magkakaiba ang itinuturo ng mga relihiyon tungkol sa buhaymatapos ang kamatayan, ngayon at gayundin noong 1832, noong ibinigay angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 76. Halimbawa, itinuro ngkaramihan sa mga relihiyon ng mga Kristiyano na lahat ng tao ay mapupunta salangit o kaya ay sa impiyerno pagkatapos mamatay. Itinuturo ng iba pang mgarelihiyon, tulad ng Universalists, na si Jesucristo ay pansamantalang magpaparusasa mga makasalanan ngunit tutubusin din sa huli ang lahat ng tao.

Sa pag-aaral ng mga estudyante ng Doktrina at mga Tipan 76:50–119 ngayon,sabihin sa kanila na alamin ang doktrina at mga alituntunin na makatutulong sakanila na maunawaan ang buhay matapos ang kamatayan at ano ang kailanganpara matamo ang kaligtasan at buhay na walang hanggan.

Rebyuhin ang Doktrina at mga Tipan 76:1–49 sa pamamagitan ng pagsasabi sailang estudyante na ibuod ang bahagi ng pangitain na pinag-aralan sanakaraang lesson.

Hatiin ang pisara sa tatlong column, at lagyan ng label na tulad ng sumusunod:Kaluwalhatiang Selestiyal: D at T 76:50–70, 92–96; Kaluwalhatiang Terestriyal: D at T76:71–80, 87, 91, 97; at Kaluwalhatiang Telestiyal: D at T 76:81–86, 88–90, 98–112.Ipaliwanag na sa nalalabing bahagi ng Doktrina at mga Tipan 76, inihayag ngPanginoon ang ilan sa mga kailangan para mamana ang bawat isa sa mgakahariang ito ng kaluwalhatian.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:50–53.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paanonagiging karapat-dapat ang isang tao na makatanggap ng kaluwalhatiangselestiyal. Matapos ang sapat na oras, palapitin ang ilang estudyante sa pisaraupang isulat ang mga kwalipikasyon sa ilalim ng “Kaluwalhatiang Selestiyal.”

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng tumanggap ng patotoo ni Jesucristo atmaniwala sa Kanyang pangalan (talata 51)? (Maaaring kabilang sa mga sagotang pagkakaroon ng patotoo sa pamamagitan ng personal na paghahayag na siJesucristo ang Tagapagligtas at kumilos ayon sa patotoong iyon.)

Ipaliwanag na ang mga pariralang “alinsunod sa kautusan” (talata 51) at “sapamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan” (talata 52) ay tumutukoy sapagsunod sa mga alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo na inilarawan satalata 51.

• Paano “pinangibabawan ng pananampalataya” ang isang tao (talata 53)?(Kasama sa mapangibabawan ng pananampalataya ang pagdaig sa mga tuksoat mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo atmatapat na pagtitiis sa mga pagsubok.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “ibinuklod sa pamamagitan ng Banalna Espiritu ng pangako” (talata 53)? (Tulungan ang mga estudyante namaunawaan na ang Banal na Espiritu ng Pangako ay ang Espiritu Santo. Tayo ayibinubuklod ng Banal na Espiritu ng Pangako kapag pinagtitibay ng EspirituSanto ang mga ordenansa na natanggap natin, o nagpapatotoo sa Ama saLangit na ang mga ito ay nagawa nang nararapat at tayo ay nananatiling tapatsa ating mga Tipan.)

LESSON 28

182

Page 203: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Patingnan ang listahan sa pisara, at sabihin sa mga estudyante kung paano nilaibubuod ang dapat nating gawin para matanggap ang kaluwalhatiang selestiyal.Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod naalituntunin: Upang matanggap ang kaluwalhatiang selestiyal, dapat tayongtumanggap ng patotoo ni Jesucristo, tumanggap ng mga ordenansa ngebanghelyo, at paglabanang magkasala at matukso sa pamamagitan ngpananampalataya kay Jesucristo.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan76:54–68, at alamin ang mga pagpapala na ibibigay ng Panginoon sa mga taongmakatatanggap ng selestiyal na kaluwalhatian. Matapos ang sapat na oras, sabihinsa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Maaaring kailanganin mongipaliwanag na ang pariralang “simbahan ng panganay” sa talata 54 ay tumutukoysa mga miyembro ng Simbahan na karapat-dapat na magtamo ng buhay na walanghanggan, o ng kadakilaan (tingnan sa Joseph Fielding Smith, Doctrines of Salvation,tinipon ni Bruce R. McConkie [1955], 2:41–42).

• Alin sa mga katotohanang ito ang pinakamahalaga sa inyo at bakit?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:69–70.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paanoinilarawan ang mga yaong tatanggap ng selestiyal na kaharian.

Ipaliwanag na ang pariralang “mga yaong matwid na tao” sa talata 69 aytumutukoy sa kalalakihan at kababaihan na nagsisikap na mamuhay nang matwidngunit hindi perpekto noong nabubuhay pa sa mundo.

• Ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa paano tayo magigingkarapat-dapat na makatanggap ng kaluwalhatiang selestiyal? (Matapossumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na doktrina:Magiging perpekto lamang tayo sa pamamagitan ni Jesucristo.)

Patotohanan na bagama’t hindi tayo magiging perpekto kahit masigasig tayongsumusunod sa mga kautusan, makatutulong ang pagsisikap natin para matanggapang biyaya ng Tagapagligtas at malinis ng Kanyang “ganap na pagbabayad-sala”(D at T 76:69).

• Paano nakahihikayat sa atin ang pagkaunawa sa doktrinang ito habangnagsisikap tayong matamo ang kadakilaan sa kahariang selestiyal?

Doktrina at mga Tipan 76:71–80Ipinakita kina Joseph Smith at Sidney Rigdon kung sino ang mga tatanggap ngkaluwalhatiang terestriyalIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:71.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang kasunod naipinakita kina Joseph Smith at Sidney Rigdon.

• Paano maihahambing ang kaluwalhatian ng mga nasa kahariang terestriyal sakaluwalhatian ng mga tao sa kahariang selestiyal?

Ipaliwanag na tulad ng araw na mas maliwanag sa buwan, ang mga taongmagtatamo ng katawan na selestiyal ay mabubuhay na muli nang mas may

LESSON 28

183

Page 204: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

malaking kaluwalhatian at mga pagpapala kaysa sa mga taong tatanggap ngkatawan na terestriyal.

Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 76:72–80 nangmay kapartner at talakayin ang pagkakaiba ng mga tatanggap ng kaluwalhatiangterestriyal sa mga tatanggap ng kaluwalhatiang selestiyal. Matapos ang sapat naoras, sabihin sa mga estudyante na ilarawan ang mga pagkakaibang nakita nila.Isulat ang kanilang mga sagot sa pisara sa ilalim ng “Kaluwalhatiang Terestriyal.”

Patingnan ang mga pariralang “sila ang mga yaong namatay nang walang batas” satalata 72 at ang “hindi tumanggap ng patotoo ni Jesus sa laman, subalit pagkaraanay tinanggap ito” sa talata 74, at ipaliwanag na ito ay maaaring tumutukoy sa mgataong hindi tumanggap ng ebanghelyo sa mundo ngunit namuhay nang mabuti,pati na rin ang mga taong hindi kailanman narinig ang ebanghelyo. Upangmatulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang kahulugan ng mgatalatang ito, patingnan sa kanila ang Doktrina at mga Tipan 137:7–8, at ipabasanang malakas sa isang estudyante ang mga talatang ito.

• Ano ang nilinaw ng Panginoon sa mga talatang ito tungkol sa mga namatay nawalang kaalaman sa ebanghelyo? (Ang mga “tatanggap nito nang buo nilangpuso” [D at T 137:8] kung nagkaroon lang sila ng pagkakataon ay magmamanang kahariang selestiyal.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng pariralang “nabulag ng panlilinlangng mga tao” sa Doktrina at mga Tipan 76:75? Sa anong mga paraan nabubulagang mga tao sa panlilinlang ng kapwa nila?

• Ano ang ibig sabihin ng pariralang “yaong hindi matatatag sa pagpapatotoo kayJesus” sa talata 79?

• Kung ang isang taong hindi matatag sa kanyang patotoo tungkol kay Jesucristoay tatanggap ng kaluwalhatiang terestriyal, ano ang katotohanangipinahihiwatig nito tungkol sa matatatag sa patotoo kay Jesucristo? (Dapatmatukoy ng mga estudyante ang alituntuning tulad ng sumusunod: Kung tayoay matatatag sa pagpapatotoo kay Jesucristo, tatanggap tayo ngkaluwalhatiang selestiyal.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ibig sabihin ngmaging matatag sa pagpapatotoo kay Jesucristo, ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Bruce R. McConkie (1915–1985)ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Ang maging matatag sa pagpapatotoo kay Jesus ay ang maniwala kay Cristo atsa kanyang ebanghelyo nang may di-natitinag na pananalig. …

“Ngunit hindi lamang ito. Higit pa ito sa paniniwala at kaalaman. Dapat tayongmaging mga tagatupad ng salita at hindi tagapakinig lamang. Higit pa ito sapagsasabi lamang; hindi lamang ito paghahayag ng pagiging banal na Anak ngTagapagligtas. Ito ay pagsunod at pag-ayon at personal na kabutihan. …

“Ang maging matatag sa pagpapatotoo kay Jesus ay … ang ‘magtiis hanggang wakas.’ (2 Ne.31:20.) Ito ay ang ipamuhay ang ating relihiyon, gawin ang ating ipinangangaral, sundin angmga kautusan.” …

LESSON 28

184

Page 205: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“Ang maging matatag sa pagpapatotoo kay Jesus ay ang pumanig sa Panginoon sa lahat ngbagay. … Ito ay ang isipin ang iniisip niya, paniwalaan ang kanyang pinaniniwalaan, sambitinang kanyang sasambitin at gawin ang kanyang gagawin sa sitwasyong iyan. Ito ay angmagtaglay ng pag-iisip ni Cristo, at maging kaisa niya, tulad niya sa kanyang Ama” (Bruce R.McConkie, “Be Valiant in the Fight of Faith,” Ensign, Nob. 1974, 35).

• Mag-isip ng isang taong kilala ninyo na matatag sa kanyang patotoo tungkolkay Jesucristo. Anong mga katangian at gawain ang nagpapakita ng katataganng taong ito?

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung gaano sila katatag sa kanilang patotookay Jesucristo. Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang bagay na gagawin nilaupang lalong maging matatag sa kanilang patotoo kay Jesucristo.

Doktrina at mga Tipan 76:81–112Ipinakita kina Joseph Smith at Sidney Rigdon kung sino ang tatanggap ngkaluwalhatiang telestiyalIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:81–83,101, 103. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang nakitanina Joseph Smith at Sidney Rigdon tungkol sa mga tatanggap ng kaluwalhatiangtelestiyal.

• Sino ang tatanggap ng kaluwalhatiang telestiyal? (Isulat sa pisara ang mgasagot ng mga estudyante sa ilalim ng “Kaluwalhatiang Telestiyal.”)

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:84–85,104–106, at alamin ang mangyayari sa masasama bago nila matanggap angkaluwalhatiang telestiyal.

• Ano ang ang mangyayari sa masasama bago nila matanggap angkaluwalhatiang telestiyal?

Ipaliwanag na dahil hindi sila nagsisisi sa buhay na ito, ang mga tatanggap ngkaluwalhatiang telestiyal ay kailangang pagdusahan ang kanilang mga kasalanansa “impiyerno” (D at T 76:84, 106; tingnan din sa D at T 19:4–12). Sa mga talatangito, ang impiyerno ay tumutukoy sa bilangguan ng mga espiritu at hindi tumutukoysa pangwakas na kalagayan ng masasama. Sa pagtatapos ng Milenyo, ang mgataong ito ay babangon sa Pagkabuhay na Mag-uli ng masasama at magmamana ngkahariang telestiyal.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:109–111.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mangyayarikapag ang mga taong magmamana ng kahariang telestiyal ay haharap sa Diyosupang hatulan. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Ipabasa nang malakas sa isa pang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 137:9.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano pa angmalalaman natin tungkol sa paraan ng paghatol sa atin.

• Anong doktrina ang matututuhan natin mula sa mga talatang ito tungkol sapagbabatayan ng kaharian ng kaluwalhatian na mamanahin natin? (Matapos

LESSON 28

185

Page 206: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na doktrina: Angkaharian ng kaluwalhatian na mamanahin natin ay ibabatay sa ating mgagawa at sa mga pagnanais ng ating puso.)

• Paano makatutulong sa atin ang pag-unawa sa katotohanang ito habangnagsisikap tayong maging mga tao na nararapat sa selestiyal na kaharian?

Doktrina at mga Tipan 76:113–19Ipinaliwanag nina Joseph Smith at Sidney Rigdon kung paano matatanggap ng ibaang kaalamang natanggap nila sa pamamagitan ng paghahayagIbuod ang Doktrina at mga Tipan 76:113–19 na ipinapaliwanag na mataposmailarawan ang pangitaing ito, sinabi nina Joseph Smith at Sidney Rigdon nainiutos ng Panginoon na huwag nilang isulat ang lahat ng ipinakita sa kanila.Ipinaliwanag din nila na sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, aymaaaring matanggap ng iba ang kaalamang natanggap nila.

Ibahagi ang iyong patotoo sa mga katotohanang itinuro sa lesson ngayon. Tapusinang lesson sa pagsusulat sa pisara ng mga salitang Simulan, Itigil, at Ipagpatuloy, atsabihin sa mga estudyante kung ano ang kanilang sisimulan, ihihinto, oipagpapatuloy gawin dahil sa natutuhan nila sa lesson ngayon.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

D at T 76:51. “Sila ang mga yaong tumanggap ng patotoo ni Jesus”Pagkatapos basahin ng mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:81–83, 101, 103 at malaman kung sino ang tatanggap ngkaluwalhatiang telestiyal, sabihin sa kanila na humanap ng kaugnay na tema sa Doktrina at mga Tipan 76:51, Doktrina at mga Tipan76:74, 79, at Doktrina at mga Tipan 76:82, 101.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson (1899–1994), at sabihin samga estudyante na pakinggan ang ibig sabihin ng tumanggap ng patotoo tungkol kay Jesus:

“Ang patotoo tungkol kay Jesus ay nangangahulugan na tinatanggap ninyo ang banal na misyon ni Jesucristo,niyayakap ang Kanyang ebanghelyo, at ginagawa ang Kanyang mga gawain; ibig sabihin ay tinatanggap ninyo angmisyon ni Joseph Smith at ng mga sumunod sa kanya bilang propeta” (Ezra Taft Benson, “Valiant in the Testimony ofJesus,” Ensign, Mayo 1982, 62).

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga ginagawa nila para tumanggap ng patotoo tungkol kay Jesucristo, athikayatin silang mamuhay ayon sa patotoong iyan.

• Ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa pagtanggap ng patotoo tungkol kay Jesucristo?

• Ano ang ibig sabihin ng tumanggap ng patotoo tungkol kay Jesus?

LESSON 28

186

Page 207: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 29

Doktrina at mgaTipan 77–80Pambungad at TimelineNoong Marso 1832, ipinagpatuloy ni Joseph Smith ang kanyang pagsasalin ngBagong Tipan. Habang pinag-aaralan ng Propeta ang aklat ng Apocalipsis,inihayag ng Panginoon ang ibig sabihin ng ilan sa mga simbolo at kaganapanginilarawan ni Apostol Juan. Ang paghahayag na ito ay nakatala sa Doktrina at mgaTipan 77.

Noong Marso 1, 1832, sa paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 78,inutusan ng Panginoon ang Propeta na mag-organisa ng isang kumpanya (namakikilala kalaunan bilang United Firm) upang pamahalaan ang mga storehouse okamalig ng Simbahan at mga pagsisikap sa paglalathala. Inilarawan din ngPanginoon ang mga pagpapalang matatanggap ng mga Banal kung susundin nilaang utos na iorganisa ang kumpanyang ito. Kalaunan sa buwan ng Marso,tinanggap ng Propeta ang mga paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan79–80, kung saan tinawag ng Panginoon sina Jared Carter, Stephen Burnett, atEden Smith na ipangaral ang ebanghelyo.

Pebrero–Marso, 1832Nagpatuloy sina Joseph Smith at Sidney Rigdon sa inspiradong rebisyon ngBagong Tipan.

Marso 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 77.

Marso 1, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 78.

Marso 7, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 80.

Marso 8, 1832Tinawag ni Joseph Smith sina Jesse Gause at Sidney Rigdon bilang kanyang mgatagapayo sa Panguluhan ng Mataas na Pagkasaserdote.

Marso 12, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 79.

Marso 24–25, 1832Sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay binugbog at binuhusan ng alkitran atbalahibo ng mga mandurumog sa Hiram, Ohio.

Marso 29, 1832Namatay si Joseph Murdock Smith, ampon na anak nina Joseph at Emma Smith.

187

Page 208: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 77Inihayag ng Panginoon ang mga sagot sa mga katanungan tungkol sa aklat ngApocalipsisBago magklase, isulat sa pisara ang sumusunod na mga pangungusap:

Hindi na kailangang magsalita ng Diyos sa ating panahon, dahil sapat naang Kanyang mga salita na natanggap natin.

Wala nang awtorisadong banal na kasulatan bukod sa Biblia.

Sa pagsisimula ng klase, ipaliwanag na may ilang taong nagsasabi ng ganito at ibapang kaparehong pahayag. Tanungin ang mga estudyante kung paano sila tutugonsa ganitong mga pahayag.

Sabihin sa dalawang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng talata 1at 3 ng pambungad sa Doktrina at mga Tipan. Sabihin sa klase na tahimik nasumabay sa pagbasa, na inaalam kung paano tumutulong ang Doktrina at mgaTipan sa pagtugon sa ganitong mga pahayag.

• Anong mga salita o parirala ang nakita ninyo na nagpapakita ng kamalian ngmga pahayag na ito sa pisara?

• Ayon sa mga talata 1 at 3, bakit mahalaga para sa atin na pag-aralan ang mgapaghahayag sa mga huling araw na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang unang pangungusap sa talata 6 ngpambungad sa Doktrina at mga Tipan. Sabihin sa klase na alamin ang mgasitwasyon na madalas na nagbigay-daan sa mga paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan.

• Ano ang madalas na nagbigay-daan sa mga paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan?

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“May isang aral na matututuhan mula sa pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan.Ang mga paghahayag ay karaniwang mga sagot sa mga tanong. Ang Panginoonay hindi pumarito at tinapik sa balikat si Joseph at nagsabing, ‘May paghahayagako para sa iyo.’ Sa halip, si Joseph ang lumapit sa Panginoon at humingi ngkasagutan. Paulit-ulit na sinasabi sa atin ni Joseph kung paano siya nagtatanongat kung paano, bilang tugon, dumarating ang paghahayag. Pinalawak ni Elder

Russell Nelson kamakailan lamang ang mahalagang alituntuning ito. Sabi niya, ‘Tanging angisipang nagtatanong ang matuturuan ng Panginoon’” (M. Russell Ballard, “What Came fromKirtland” [Brigham Young University fireside, Nob. 6, 1994], 8, speeches.byu.edu).

LESSON 29

188

Page 209: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa palagay ninyo, bakit kailangan ng isang tao ang isipang nagtatanong paramakatanggap ng katotohanan at paghahayag mula sa Panginoon?

Ipaliwanag na tatalakayin sa kursong ito ang Doktrina at mga Tipan 77–138 at angmga Opisyal na Pahayag 1 at 2. Hikayatin ang mga estudyante na magtakda ngmithiin na pag-aralan ang teksto ng banal na kasulatan para sa kursong ito.Sabihin sa kanila na maghanap sa mga banal na kasulatang pinag-aaralan nila ngmga halimbawa ng pagbibigay ng Panginoon ng paghahayag bilang sagot samatatapat na tanong, at hikayatin ang mga estudyante na maghanap ng mgakatotohanan sa mga paghahayag na iyon na makatutulong na masagot ang sarilinilang mga tanong.

Hikayatin ang mga estudyante na basahin ang teksto para sa kursong itoAng lahat ng pamantayang mga banal na kasulatan ay mga inspiradong sulatin na naglalamanng doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo. Inilalarawan nito ang mga pakikitungo ng Ama saLangit sa Kanyang mga anak at itinuturo ang tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo.Nagbibigay ang mga ito ng mas malawak na pang-unawa sa ebanghelyo at sa plano ngkaligtasan. Dapat basahin at pag-aralan ng mga estudyante at mga titser ang aklat ng banal nakasulatan na tugma sa bawat kurso ng pag-aaral.

Ipaliwanag na noong Marso 1832, ang Propeta ay nakatira sa tahanan nina John atAlice (Elsa) Johnson sa Hiram, Ohio, mga 30 milya sa timog ng Kirtland. Sapanahong ito, nakatira ang karamihan ng mga Banal sa Ohio at sa Jackson County,Missouri, kung saan, ayon sa ipinahayag ng Panginoon, ang lunsod ng Sion ayitatayo. Noong Pebrero at Marso 1832, nagpatuloy ang propeta sa kanyanginspiradong pagsasalin ng King James Version ng Biblia, na kilala ngayon bilangJoseph Smith Translation. Habang ginagawa ni Joseph Smith ang kanyanginspiradong pagsasalin sa Apocalipsis ni San Juan na Banal (karaniwang kilalabilang ang Aklat ng Apocalipsis), ipinahayag ng Panginoon ang ibig sabihin ng ilansa mga simbolo at kaganapan na inilarawan ni Apostol Juan. Ang paghahayag naito ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 77.

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Isulat sa pisara ang mga sumusunod nascripture passage, at bigyan ang bawat magkapartner ng isa sa mga sumusunod nareading assignment:

1. Apocalipsis 4:2–8; Doktrina at mga Tipan 77:1–5

2. Apocalipsis 5:1; 7:1–4; Doktrina at mga Tipan 77:6–11

3. Apocalipsis 8:2; 9, chapter heading; 10:10; 11:3; Doktrina at mga Tipan77:12–15

Sabihin sa mga estudyante na una nilang basahing magkapartner ang mga talatangnaka-assign sa kanila sa aklat ng Apocalipsis, na inaalam ang mga simbolo okaganapang inilarawan ni Juan. Pagkatapos ay ipabasa sa mga magkakapartner angmga talatang naka-assign sa kanila mula sa Doktrina at mga Tipan 77, na inaalam

LESSON 29

189

Page 210: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

kung paano nakatutulong ang mga paliwanag ng Panginoon na bigyang-linaw angkahulugan ng mga simbolo at kaganapang inilarawan sa aklat ng Apocalipsis.Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang mga nalaman nila.

• Ano ang matututuhan natin mula sa Doktrina at mga Tipan 77 tungkol saginagampanan ng propeta sa pagtulong sa atin na maunawaan ang ibig sabihinng banal na kasulatan? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang doktrina natulad ng sumusunod: Ipinahahayag ng Panginoon ang interpretasyon ngbanal na kasulatan sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta.)

• Sa palagay ninyo, bakit mahalagang maunawaan natin na ipinahahayag ngPanginoon ang interpretasyon ng mga banal na kasulatan sa pamamagitan ngKanyang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag?

• Paano natin ihahalintulad ang ginawa ni Joseph Smith para maunawaan angmga banal na kasulatan sa ating sariling pag-aaral nito? (Bagama’t maaaringgumamit ang mga estudyante ng iba’t ibang salita, dapat nilang matukoy angalituntuning tulad ng sumusunod: Kapag nagtanong tayo sa Diyos,tutulungan Niya tayong maunawaan ang mga banal na kasulatan.)

Tulungan ang mga estudyante na gawin ang kanilang responsibilidad sapag-aaralAng espirituwal na pag-aaral ay nangangailangan ng pagsisikap at pagpili. Para sa maramingestudyante, ang pagsisikap na matuto mula sa mga banal na kasulatan ay tila bago at medyomahirap. Gayunman, matutulungan mo sila na maunawaan, matanggap, at magawa angkanilang responsibilidad sa pag-aaral ng ebanghelyo. Kapag naging aktibo ang mga estudyantesa pagtupad sa kanilang responsibilidad sa pag-aaral ng ebanghelyo, binubuksan nila angkanilang puso sa impluwensya ng Espiritu Santo.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang alituntuning ito,idispley ang sumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang kaibahan natin sa karamihan ng iba pang mga Kristiyano sa paraan ngpagbasa at paggamit natin ng Biblia at iba pang mga banal na kasulatan ay angating paniniwala sa patuloy na paghahayag. Para sa atin, hindi ang mga banal nakasulatan ang pinakapinagkukunan natin ng kaalaman, kundi yaong nauunabago ang pinakapinagkukunan. Ang pinakamahalagang kaalaman aynatatanggap sa pamamagitan ng paghahayag. …

“Ang salita ng Panginoon sa mga banal na kasulatan ay tulad ng isang ilaw na gagabay sa atingmga paa (tingnan sa Mga Awit 119:105), at ang paghahayag ay katulad ng isang malakas napuwersang maraming ulit na nagbibigay ng liwanag sa ilawan. Hinihikayat natin ang lahat namasusing pag-aralan ang mga banal na kasulatan at ang mga turo ng mga propeta hinggil samga ito at mapanalanging maghangad ng personal na paghahayag upang malaman angkahulugan nito para sa kanilang sarili” (Dallin H. Oaks, “Scripture Reading and Revelation,”Ensign, Ene. 1995, 7).

LESSON 29

190

Page 211: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa palagay ninyo, bakit mahalaga na masusing pag-aralan ang mga banal nakasulatan kasama ng “mga turo ng mga propeta hinggil sa mga ito” sa inyongmapanalanging paghahangad ng personal na pag-unawa? (Ipaliwanag na angManwal ng Estudyante para sa Doktrina at mga Tipan [Church EducationalSystem manual, 2017] ay naglalaman ng maraming turo ng mga propeta sa mgahuling araw na makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mgakatotohanang itinuro sa Doktrina at mga Tipan.)

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon kung kailan tinulungansila ng Diyos na mas maunawaan ang mga banal na kasulatan sa pamamagitan ngmga turo ng propeta o ng personal na paghahayag na natanggap nila mataposmagdasal. Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasankung komportable silang gawin ito. Maaari ka ring magbahagi ng sarili mongkaranasan.

Hikayatin ang mga estudyante na araw-araw magbasa mula sa Doktrina at mgaTipan at humingi ng higit na pang-unawa sa doktrina at mga alituntuningnapapaloob dito sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga turo ng propeta at pagsamosa Diyos sa panalangin.

Doktrina at mga Tipan 78Tinagubilinan ng Panginoon si Joseph Smith na itatag ang United Firm at nangakong mga pagpapala sa mga taong susunod sa Kanyang mga kautusanIpaliwanag na bukod pa sa pagtanggap ng paghahayag tungkol sa kahulugan ngmga banal na kasulatan, nakatanggap din si Propetang Joseph Smith ngpaghahayag tungkol sa temporal na kapakanan ng Simbahan. Ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mga Tipan 78.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang sinabi ngPanginoon sa Propeta na itatag niya para makatulong sa pangangasiwa ng pondong Simbahan. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Ipaliwanag na ang pangangalakal na pinagsisikapang pangasiwaan ng United Firmay tumutukoy sa kamalig o storehouse ng Panginoon sa Kirtland, Ohio, napinatatakbo ni Newel K. at sa kamalig ng Panginoon sa Independence, Missouri,na pinatatakbo ni Sidney Gilbert. Ang mga kamalig na ito ang nagbibigay sa mgaBanal ng mga kinakailangang panustos, at kumikita rin para makabili ng lupain atmagkaroon ng panggastos sa pagpapalathala ng mga paghahayag ng Panginoonkay Joseph Smith.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 78:3–6.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano pa angnaitulong ng kumpanyang ito na magawa ng mga Banal.

• Ayon sa mga talata 3–4, paano matutulungan at mapagpapala ng United Firmang mga Banal?

• Ayon sa mga talata 5–6, bakit iniutos ng Panginoon sa mga Banal na tulunganang mga maralita?

• Ano sa palagay ninyo ang kahulugan ng pariralang “kung kayo ay hindi pantaysa mga bagay sa lupa hindi kayo magiging pantay sa pagkamit ng mga bagay namakalangit” sa talata 6?

LESSON 29

191

Page 212: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na sa isang naunang paghahayag ng Panginoon ay tinukoy angpagkakapantay-pantay bilang pagkakaroon ng sapat na kakayahan ng mga pamilyana tugunan ang kanilang mga pangangailangan at naisin nang ayon sakani-kanilang kalagayan (tingnan sa D at T 51:3). Ibig sabihin, angpagkakapantay-pantay sa mga bagay na pag-aari sa lupa ay hindinangangahulugan na pare-pareho ang halaga ng yaman ng bawat isa.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 78:7. Sabihinsa klase na alamin kung ano ang sinabi ng Panginoon na mangyayari sa mga Banalkung magiging masunurin sila sa Kanyang kautusan na magkapantay-pantay samga bagay na pag-aari sa lupa. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnalaman nila.

• Batay sa itinuro ng Panginoon sa talata 7, para saan tayo inihahanda ngpagsunod sa mga kautusan ng Panginoon? (Dapat matukoy ng mga estudyanteang alituntuning tulad ng sumusunod: Inihahanda tayo ng pagsunod sa mgakautusan ng Panginoon para sa isang lugar sa kahariang selestiyal.)

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang ilan sa mga kautusan ng Panginoon.Sabihin sa kanila na ipaliwanag kung paano makatutulong ang mga kautusang ito,kabilang na ang pagtulong sa mga maralita, na ihanda tayo para sa kahariangselestiyal (tingnan sa D at T 105:3–5).

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 78:8–16 na ipinaliliwanag na hinirang ngPanginoon sina Joseph Smith, Newel K. Whitney, at Sidney Rigdon na itatag saUnited Firm (tingnan sa D at T 82). Ibubuklod ng mga miyembro ng kumpanya angkanilang sarili sa pamamagitan ng tipan para pamahalaan ang pangangalakal ngSimbahan at mga pagsisikap sa paglalathala. Sa pagsunod sa mga tagubilin ngPanginoon, ang Simbahan ay makatatayong malaya sa lahat ng organisasyonsa lupa.

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 78:17–20, nainaalam ang payong ibinigay ng Panginoon sa mga lider ng Simbahan.

• Paano maaaring kapwa nakapagpapakumbaba at nakapapanatag ang mensaheng Panginoon sa mga talata 17–18 sa mga lider na ito ng Simbahan?

Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang mga pagpapala ng kaharian ngPanginoon at ang mga kayamanan ng kawalang-hanggan na natanggap nila.Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi kung paano nito pinagpala angkanilang buhay.

• Ano ang payo ng Panginoon sa mga lider ng Simbahan na gawin nila satalata 19?

• Batay sa talata 19, ano ang mangyayari sa atin kung tatanggapin natin ang lahatng bagay nang may pasasalamat? (Matapos sumagot ang mga estudyante,isulat ang sumusunod na alituntunin sa pisara: Kung tatanggapin natin anglahat ng bagay nang may pasasalamat, tayo ay luluwalhatiin, atpararamihin ng Panginoon ang ating mga pagpapala. Ipaliwanag na angkatagang “luluwalhatiin” ay tumutukoy sa pagtanggap ng kadakilaan sa huli.)

• Ano ang ibig sabihin para sa inyo ng tanggapin ang lahat ng bagay nang maypasasalamat?

LESSON 29

192

Page 213: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa palagay ninyo, bakit ang lahat ng bagay na natatanggap natin mula sa Diyos,lalo na ang Kanyang mga kautusan, ay dapat nating tanggapin nang maypasasalamat?

Bigyan ng isang minuto ang mga estudyante para gumawa ng isang listahan ngmga bagay na ipinagpapasalamat nila. Sabihin sa mga estudyante na planuhinkung ano ang gagawin nila para higit na matanggap ang lahat ng bagay na galingsa Diyos nang may pasasalamat.

Doktrina at mga Tipan 79–80Tinawag ng Panginoon sina Jared Carter, Stephen Burnett, at Eden Smith namagmisyonIbuod ang Doktrina at mga Tipan 79–80 na ipinaliliwanag na tinawag ngPanginoon sina Jared Carter, Stephen Burnett, at Eden Smith na magmisyon.Nangako ang Panginoon kay Jared Carter na ituturo sa kanya ng Mang-aaliw angkatotohanan at gagabayan siya kung saan pupunta (tingnan sa D at T 79:2). Sinabing Panginoon kina Stephen Burnett at Eden Smith na ipahayag ang mga bagay nakanilang narinig, pinaniniwalaan, at nalalaman na totoo (tingnan sa D at T 80:4).

Magtapos sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa mga katotohanang itinuro sa lessonna ito.

LESSON 29

193

Page 214: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 30

Doktrina at mgaTipan 81–83Pambungad at TimelineNoong Marso 8, 1832, tinawag ni Propetang Joseph Smith sina Jesse Gause atSidney Rigdon na maglingkod bilang kanyang mga tagapayo sa Panguluhan ngMataas na Pagkasaserdote [Panguluhan ng High Priesthood]. Noong Marso 15,1832, natanggap ng Propeta ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 81, kung saan nilinaw ng Panginoon ang mga tungkulin ni Brother Gausebilang tagapayo ni Joseph Smith. Gayunman, hindi nanatiling tapat si Jesse Gause,at kalauna’y tinawag ng Panginoon si Frederick G. Williams, na ang pangalan aymakikita ngayon sa Doctrine and Covenants 81, para humalili kay Brother Gause saPanguluhan.

Noong Abril 1832, si Propetang Joseph Smith at ang iba pa ay naglakbay patungosa Independence, Missouri, sinusunod ang utos ng Panginoon na magtatag ngorganisasyon upang maitayo ang Sion at pangalagaan ang mga maralita (tingnansa D at T 78). Habang naroon, nakatanggap ang Propeta ng dalawang paghahayag.Noong Abril 26, sa isang pulong ng mga high priest at elder ng Simbahan saIndependence, natanggap ng Propeta ang paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 82, kung saan pinatawad ng Panginoon ang mga kapatid na ito sakanilang mga pagkakasala at binalaan sila na huwag nang magkasala pa.Nagtagubilin din Siya sa mga miyembro ng United Firm na ibuklod nila angkanilang sarili sa pamamagitan ng tipan upang pamahalaan ang temporal nakapakanan ng Sion. Pagkaraan ng apat na araw, si Joseph Smith ay tumanggap ngpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 83, kung saan nagbigay angPanginoon ng mga tagubilin tungkol sa pangangalaga ng mga balo, ulila, atmaralita.

Enero 25, 1832Si Joseph Smith ay naorden bilang Pangulo ng Mataas na Pagkasaserdote [Pangulong High Priesthood] sa Amherst, Ohio.

Marso 8, 1832Hinirang ni Joseph Smith sina Sidney Rigdon at Jesse Gause bilang kanyang mgatagapayo sa Panguluhan ng High Priesthood.

Marso 15, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 81.

Marso 24–25, 1832Sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay dinukot sa gabi at binugbog nang todo ngmga mandurumog sa Hiram, Ohio.

Marso 29, 1832Namatay si Joseph Murdock Smith, ampon na anak nina Joseph at Emma Smith.

194

Page 215: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Abril 1–24, 1832Si Joseph Smith at ang iba pang mga lider ay naglakbay patungong Independence,Missouri.

Abril 26, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 82.

Abril 30, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 83.

Mayo–Hunyo, 1832Nanirahan si Joseph Smith kasama ni Newel K. sa Greenville, Indiana nang ilanglinggo. Nabalian ng paa at binti si Newel habang lumulundag mula satumatakbong karwahe sa kanyang biyahe pabalik sa Ohio.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 81Inilatag ng Panginoon ang tungkulin ng mga tagapayo sa Panguluhan ng Mataas naPagkasaserdoteIsulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong bago magklase:

Bakit tayo binibigyan ng Panginoon ng mga tungkulin sa KanyangSimbahan?

Ano ang mga pagpapala ng tapat na pagtupad sa tungkulin?

Ano ang mangyayari kung pinili ng isang tao na hindi tapat na tumupad sakanyang tungkulin?

Simulan ang klase sa pagsasabi sa mga estudyante na sagutin ang mga tanong nanasa pisara. Bilang bahagi ng talakayan, ipaliwanag na bagama’t maaaringmakatanggap ang mga lider ng Simbahan ng inspirasyon na tawagin ang isang taosa isang partikular na tungkulin, nakasalalay pa rin sa taong iyon ang matapat napagtupad sa tungkulin.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading para sa Doktrina atmga Tipan 81. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalamkung sino ang isang taong tinawag ng Panginoon ngunit hindi naging tapat sakanyang tungkulin.

• Sino ang unang tinawag ng Panginoon na maglingkod bilang tagapayo niJoseph Smith?

• Bakit inalis si Jesse Gause sa kanyang katungkulan?

Bigyan ng kopya ang isang estudyante ng sumusunod na impormasyon tungkolkay Jesse Gause, at ipabasa ito nang malakas sa kanya:

LESSON 30

195

Page 216: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Tinawag si Jesse Gause bilang tagapayo ni Propetang Joseph Smith noong Marso 1832. NoongAgosto 1, 1832, nagmisyon siya kasama ni Zebedee Coltrin. Habang nasa misyon siya, binisita niBrother Gause ang kanyang asawa at sinikap na makumbinsi ito sa katotohanan, ngunittumanggi itong sumapi sa Simbahan. Di-nagtagal, nagkasakit nang malubha si Brother Coltrin atbumalik sa Kirtland. Sa kasawiang-palad, pinili ni Brother Gause na huwag tapusin ang kanyangmisyon at hindi nanatiling tapat sa Simbahan. Noong Enero 1833, tinawag ng Panginoon siFrederick G. Williams na humalili kay Jesse Gause bilang tagapayo, at ang pangalan ni Frederickay isinulat sa pagkakasipi ng paghahayag na ito bilang kahalili ni Jesse. Ang paghahayag ayinilathala kasama ang pangalan ni Frederick sa 1835 na edisyon ng Doktrina at mga Tipan (at salahat ng sumunod na mga edisyon). Bagama’t binago ang pangalan, ang mga tagubilin sapaghahayag tungkol sa tungkulin ng isang tagapayo ay nanatiling tama dahil naaangkop ito satungkulin, hindi lamang ang taong pinangalanan.

Maaari mong imungkahi sa mga estudyante na markahan ang sumusunod naparirala sa section heading: “Ang paghahayag … ay dapat na ituring na hakbangtungo sa pormal na pagtatatag ng Unang Panguluhan.” Ipaliwanag na hindiinihayag ng Panginoon ang kumpletong organisasyon ng Kanyang Simbahan saPropeta nang sabay-sabay. Inihayag Niya ang iba’t ibang bahagi ng organisasyon samga pagkakataong kailangan na ito at kapag handa na ang mga Banal natanggapin ang mga ito. Kung kaya’t ang Pangulo ng Simbahan at ang kanyang mgatagapayo (ang Panguluhan ng Mataas na Pagkasaserdote) ay hindi agad tinawag na“Unang Panguluhan” kundi pagkalipas pa ng ilang panahon. Ang una aydokumentado ng paggamit ng mga katagang “Unang Panguluhan” ay noongtag-init ng 1835 (tingnan sa The Joseph Smith Papers, Documents, Volume 4: April1834–September 1835, ed. Matthew C. Godfrey at iba pa [2016], 357, footnote 733;tingnan sa also xxvi, footnote 61).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 81:1–2.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang itinuro niFrederick G. Williams tungkol sa Panguluhan ng Mataas na Pagkasaserdote.

• Ayon sa talata 2, ano ang hawak ng Panguluhan ng Mataas na Pagkasaserdote?(Dapat matukoy ng mga estudyante ang doktrina na tulad ng sumusunod:Hawak ng Panguluhan ng Mataas na Pagkasaserdote ang mga susi ngkaharian ng Diyos sa lupa.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang doktrinang ito,idispley ang sumusunod na pahayag, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Ang mga miyembro ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol aynagtataglay ng lahat ng susi na kailangan para pangasiwaan ang Simbahan. Ang Pangulo ngSimbahan ang tanging may karapatang gamitin ang lahat ng susing iyon. Ipinagkakatiwala niyaang mga susing ito sa iba pang namumuno sa Simbahan—sa mga temple president, missionpresident, stake president, district president, bishop, branch president, at pangulo ng korum,kabilang na ang mga pangulo ng mga korum ng deacon at teacher” (“Priesthood Keys,” NewEra, Mayo 2012, 38–39).

LESSON 30

196

Page 217: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang magagawa ng Unang Panguluhan gamit ang mga susi ng priesthood?(Pamahalaan ang gawain ng Panginoon sa lupa.)

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 81:3–5, nainaalam ang mga tagubiling ibinigay ng Panginoon kay Frederick G. Williamstungkol sa tungkulin niya.

• Ano ang mga tagubiling ibinigay ng Panginoon kay Frederick G. Williams?

• Ano ang ipinangako ng Panginoon kay Frederick G. Williams kung magigingtapat siya sa kanyang tungkulin?

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa pangako ng Panginoon kayFrederick G. Williams? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat angsumusunod na alituntunin sa pisara: Kung tayo ay tapat sa ating mgatungkulin, tayo ay gagawa ng mabuti para sa ating mga pinaglilingkuranat itataguyod ang kaluwalhatian ng Diyos.)

• Paano nakatutulong ang paglilingkod natin nang tapat sa ating mga tungkulinpara makagawa tayo ng mabuti sa ating mga pinaglilingkuran? Paano nitoitinataguyod ang kaluwalhatian ng Diyos?

Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng karanasan kung kailan pinagpala siladahil may isang taong naglingkod nang tapat sa kanyang tungkulin.

Hikayatin ang mga estudyante na mag-isip ng mga paraan na maaari silangmaging higit na matapat sa kanilang tungkulin. Sabihin sa kanila na kumilos ayonsa anumang inspirasyong natatanggap nila.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 81:6–7.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang mgapagpapalang ipinangako ng Panginoon kay Frederick G. Williams kung magigingtapat siya hanggang wakas. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnalaman nila.

Patingnan sa mga estudyante ang mga tanong na nasa pisara, at itanong kungpaano nila madaragdagan ang kanilang mga sagot batay sa mga natutuhan nila.Patotohanan ang kahalagahan ng pagiging tapat sa ating mga tungkulin atpagtulong sa mga nasa paligid natin.

Magpasiya kung gaano mo kabilis tatalakayin ang buong lessonIwasan ang pagkakamali na maglaan ng sobrang oras sa unang bahagi ng lesson at pagkataposay magmadali sa pagtapos ng natitirang bahagi. Sa iyong paghahanda, tantiyahin kung gaanokahaba ang bawat bahagi ng lesson gamit ang mga pamamaraan sa pagtuturo na iyong napili.Dahil palaging mas marami kang materyal na ituturo kaysa oras para ituro ang mga ito,magpasiya kung aling mga bahagi ng scripture block ang bibigyang-diin at kung alin angibubuod.

LESSON 30

197

Page 218: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 82:1–7Binalaan ng Panginoon ang mga taong nakatanggap nang marami mula sa KanyaUpang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngDoktrina at mga Tipan 82, ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsumusunod na talata:

Ilang buwan na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Sidney Rigdon na nasa Ohio at BishopEdward Partridge na nasa Missouri. Noong Abril 1832, si Propetang Joseph Smith at ilang liderng Simbahan ay naglakbay mula Ohio patungong Jackson County, Missouri, bilang pagsunod sautos ng Panginoon na “umupo sa kapulungan ng mga banal na nasa Sion” (D at T 78:9). Sakanilang pagdating, nagdaos ng dalawang araw na kapulungan ng mga high priest ngSimbahan. Sa pagitan ng mga sesyon sa umaga at sa hapon ng unang araw ng kapulungan,inayos nina Sidney Rigdon at Edward Partridge ang kanilang alitan. Ang paghahayag sa Doktrinaat mga Tipan 82 ay natanggap sa sesyon sa hapon. (Tingnan saThe Joseph Smith Papers,Documents, Volume 2: July 1831–January 1833, ed. Matthew C. Godfrey at iba pa [2013],229–34.)

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 82:1, nainaalam kung ano ang sinabi ng Panginoon kina Sidney Rigdon at EdwardPartridge tungkol sa paglutas sa kanilang alitan. Sabihin sa isang estudyante naibahagi ang nalaman niya.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 82:2. Sabihinsa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang babalang ibinigay ngPanginoon sa mga Banal.

• Ano ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kung hindi sila titigil sa paggawang kasalanan?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 82:3–4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang dahilan kungbakit ang mga kahatulang binanggit sa talata 2 ay sasapit sa mga patuloy nagumagawa ng kasalanan.

• Ayon sa mga talatang ito, bakit sasapit ang paghuhukom sa mga Banal napatuloy na nagkakasala?

• Anong mga katotohanang batay sa doktrina ang itinuro ng Panginoon tungkolsa pananagutan sa talata 3? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang mgapahayag ng doktrina na tulad ng sumusunod: Mas malaki ang hihingin ngPanginoon sa mga taong pinagkalooban Niya ng mas marami. Sila nanagkasala laban sa mas dakilang liwanag ay tatanggap ng mas malakingkaparusahan.)

• Ayon sa talata 4, paano nagkasala ang mga Banal laban sa mas dakilangliwanag?

• Sa palagay ninyo, bakit mas marami ang hihingin sa mga tumanggap nang masmarami mula sa Panginoon?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga ipinagkaloob sa kanila ng Panginoonat pag-isipang mabuti kung ano sa palagay nila ang inaasahan ng Panginoon na

LESSON 30

198

Page 219: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

gagawin nila dahil natanggap nila ang mga pagpapalang iyon. Hikayatin sila nagawin ang anumang pahiwatig na matatanggap nila.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 82:5–7 na ipinaliliwanag na nagbabala angPanginoon sa mga Banal na ang kapangyarihan ni Satanas sa buong mundo ay lalopang lumalakas. Itinuro din Niya na kapag sadya tayong bumaling sa kasalananmula sa kabutihan, ang mga dati nating kasalanan ay magbabalik.

Doktrina at mga Tipan 82:8–24Iniutos ng Panginoon sa siyam na kalalakihan na magtatag ng isang kumpanya namangangasiwa sa mga temporal na kapakanan ng SimbahanIpaliwanag na matapos balaan ng Panginoon ang kapulungan ng mga high priesttungkol sa mga kahatulan ng Diyos at patuloy na paglakas ng kapangyarihan niSatanas sa lupa, Siya ay nagbigay rin ng isang pangako para sa mga sumusunod saKanyang mga kautusan.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 82:8–10.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang pangako ngPanginoon sa mga taong sumusunod sa Kanyang mga kautusan. Bago magbasaang estudyante, ipaliwanag na tinutukoy ng pariralang “bagong kautusan” satalata 8 ang karagdagang paghahayag na ibibigay ng Panginoon kung paanopamamahalaan ang United Firm.

• Ano ang matututuhan natin mula sa mga talata 8–9 kung bakit nagbibigay ngmga kautusan ang Panginoon?

• Ano ang ipinapangako ng Panginoon sa mga taong sumusunod sa Kanyangmga kautusan? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod naalituntunin: Kung masunurin tayo sa mga kautusan ng Panginoon,tutuparin Niya ang Kanyang pangako na pagpapalain tayo sa tuwina.)

• Ano ang mangyayari kung hindi natin gagawin ang ipinag-uutos ngPanginoon?

• Paano makaiimpluwensya sa ating mga mithiin at desisyon ang pagkakaroonng paniniwala sa alituntuning ito?

Bigyang-diin na ang mga pangako ng Panginoon ay hindi laging natutupad kungkailan o sa paraang inaasam o inaasahan natin, ni tinitiyak nito na hindi na tayomakararanas ng paghihirap o pagdurusa. Gayunman, ang mga pangako ngPanginoon ay laging natutupad.

• Sa paanong mga paraan ninyo nakita na tinutupad ng Panginoon ang Kanyangmga pangako na pagpapalain kayo sa pagsisikap ninyong sundin ang Kanyangmga kautusan?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Joseph Fielding Smith (1876–1972). Sabihin sa klase na pakinggan kungpaano inilarawan ni Pangulong Smith ang mga pagpapalang matatanggap natinkung tayo ay masunurin.

LESSON 30

199

Page 220: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“Kapag sinuway natin ang mga utos na ibinigay sa atin ng Panginoon para saating patnubay, wala tayong karapatan sa Kanyang mga pagpapala. …

“Sundin ang mga kautusan. … Maging tapat sa bawat tipan at pananagutan, atpagpapalain kayo ng Panginoon nang higit pa sa inaasam ninyo” (Mga Turo ngmga Pangulo ng Simbahan: Joseph Fielding Smith [2013], 264, 271).

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 82:11–24 na ipinapaliwanag na nagtagubilin angPanginoon sa mga lider ng Simbahan tungkol sa pagtatatag ng United Firm,itinalaga ang mga miyembro nito, at ipinaliwanag ang mga layunin ng samahangito at ang mga ibubunga ng pagsuway.

Doktrina at mga Tipan 83Ipinahayag ng Panginoon kung paano pangangalagaan ang mga balo, ulila, atmaralitaIbuod ang Doktrina at mga Tipan 83 na ipinapaliwanag na noong Abril 30, 1832,idinikta ni Joseph Smith ang isang paghahayag na naglilinaw kung paano, sa ilalimng batas ng paglalaan, aalagaan ang mga babae at batang nawalan ng kanilangasawa o ama.

Magtapos sa pagpapatotoo sa doktrina at mga alituntuning tinalakay sa lesson naito, at sabihin sa mga estudyante na ipamuhay ang natutuhan nila.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 83. Ipinahayag ng Panginoon kung paano pangangalagaan ang mga balo,ulila, at maralitaIpaliwanag na habang ang Propetang Joseph Smith ay nakaupo at nakikipagsanggunian sa kanyang mga kapatid noong ika-30 ngAbril 1832, sa Independence, Missouri, idinikta niya ang isang paghahayag na tumalakay kung paano pangangalagaan ang mgatemporal na pangangailangan ng mga Banal.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 83:1. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, nainaalam kung kaninong mga pangangailangan ang tinalakay sa paghahayag na ito.

Ipaalala sa mga estudyante na marami sa mga Banal ang nagsikap na ipamuhay ang batas ng paglalaan at nakatanggap ng “mana,”o ari-arian, mula sa Simbahan. Sa paghahayag na ito, inihayag ng Panginoon kung ano ang mangyayari sa mana ng pamilya kungnamatay ang asawang lalaki o ama.

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 83:2–3, na inaalam ang mga tagubilin ng Panginoon tungkol sapangangalaga sa mga balo.

Ipaliwanag na noong ibigay ang paghahayag na ito, karamihan sa kababaihan ay umaasa sa temporal na suporta ng kanilang asawa.Ang ibig sabihin ng “magkaroon ng pakikipagkapatiran sa simbahan” (talata 2) ay, dahil namatay na ang sumusuporta sa maybahay,tutulungan siya ng Simbahan sa pagtataguyod niya nang mag-isa sa kanyang pamilya.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 83:4–6. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sapagbabasa, na inaalam kung paano makatutulong ang Simbahan sa mga ulila at mga balo.

• Kaninong pangangailangan ang tinalakay sa paghahayag na ito?

• Kung namatay ang isang lalaki at nanatiling tapat ang kanyang asawa, anong pagpapala ang tatanggapin niya?

LESSON 30

200

Page 221: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Hikayatin ang mga estudyante na maging mas sensitibo sa mga pangangailangan ng mga nakapaligid sa kanila at maghanap ngmga paraan na maipamumuhay nila ang payo ng Panginoon na hangarin “ang kapakanan ng [kanilang] kapwa” (D at T 82:19).

• Ano ang itinuturo sa inyo ng mga talatang ito tungkol sa nadarama ng Panginoon sa mga balo, ulila, at sa lahat ngnangangailangan?

LESSON 30

201

Page 222: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 31

Doktrina at mga Tipan 84Pambungad at TimelineNoong Setyembre 1832, bumalik ang mga missionary sa Kirtland, Ohio, mula sapangangaral ng ebanghelyo sa silangang Estados Unidos at nag-ulat ng kanilangtagumpay kay Joseph Smith. Sa muli nilang pagkikita, nagtanong ang Propeta saPanginoon at natanggap ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 84.Sa paghahayag na ito, ipinaliwanag ng Panginoon kung paano inihahanda ngpriesthood ang mga Banal na makapasok sa kinaroroonan ng Diyos at matanggapang lahat ng mayroon Siya. Itinuro ng Panginoon ang kahalagahan ng pakikinig saKanyang mga salita at pinagsabihan ang mga Banal sa Jackson County, Missouri,dahil sa hindi gaanong pagpapahalaga sa Aklat ni Mormon at sa Kanyang mgakautusan. Inutusan din Niya ang mga Banal na ipangaral ang ebanghelyo sa buongmundo at naglaan ng mga tagubilin sa paggawa nito.

Huling bahagi ng Hunyo 1832Si Joseph Smith ay bumalik sa Kirtland, Ohio, mula sa Independence, Missouri.

Setyembre 12, 1832Sina Joseph at Emma Smith ay lumipat mula sa Hiram patungo sa Kirtland, Ohio,upang tumira sa tindahan ni Newel K. Whitney.

Setyembre 22–23, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 84.

Mga unang araw ng Oktubre 1832Sina Joseph Smith at Newel K. Whitney ay naglakbay patungong Boston,Massachusetts; Albany, New York; at New York City upang ipangaral angebanghelyo at bumili ng mga paninda para sa tindahan ng Kirtland.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 84:1–32Ipinahayag ng Panginoon na isang templo ang itatayo sa Bagong Jerusalem atipinaliwanag ang layunin ng priesthoodSabihin sa mga estudyante na kunwari ay may kaibigan silang naniniwala namaaaring maging espirituwal at malapit sa Diyos ang mga tao nang walangorganisadong relihiyon o mga ordenansa ng priesthood. Sabihin sa mga estudyantena pag-isipang mabuti ang sumusunod na mga tanong habang iniisip nila kungpaano sila tutugon sa kanilang kaibigan:

• Bakit kailangan nating maging at manatiling matatapat na miyembro ng AngSimbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?

• Bakit kailangan nating tumanggap ng mga ordenansa ng priesthood attumupad sa mga kaukulang tipan para mapalapit sa Diyos?

Sabihin sa mga estudyante na habang pinag-aaralan nila ang Doktrina at mgaTipan 84 ay maghanap ng mga doktrina at mga alituntunin na makatutulong para

202

Page 223: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

maunawaan nila kung bakit kailangan nating maging aktibong mga miyembro ngSimbahan at kailangang makibahagi sa mga ordenansa ng priesthood.

Ipaliwanag na lumipat si Joseph Smith mula sa Hiram patungo sa Kirtland, Ohio,noong Setyembre 12, 1832. Sa buwan ding iyon, nagbalik ang ilang elder mula sapangangaral sa silangang Estados Unidos at binisita si Joseph Smith para mag-ulattungkol sa kanilang paglilingkod sa misyon. Noong Setyembre 22–23, habangkasama ni Joseph Smith ang ilang elder na ito, siya ay nagtanong sa Panginoon atnatanggap ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 84.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 84:1–2.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung bakit itinayong Panginoon ang Simbahan sa mga huling araw.

• Bakit itinayo ng Panginoon ang Simbahan sa mga huling araw?

Ipaliwanag na ang pariralang “pagpapanumbalik ng kanyang mga tao” sa talata 2ay tumutukoy sa pagtitipon ng Israel at sa kanilang pagbabalik sa mga tipan at mgapangako ng Panginoon sa sinaunang Israel.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 84:3–6.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang inaasahan ngPanginoon na gagawin ng mga Banal. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnalaman nila.

• Ano ang ipinangako ng Panginoon na gagawin Niya kapag nagtayo ng temploang mga Banal?

Ituro ang pariralang “mga anak na lalaki ni Moises” sa talata 6, at ipaliwanag natinutukoy ng pariralang ito ang mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood.Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag:

“Ang [pariralang ito] ay simula ng isang pangungusap na ipinagpatuloy sa [talata] 31. Lahat ngnakapagitna ay mga dagdag, na naglalaman ng mga pahayag tungkol sa angkan kung saandumaloy ang Priesthood patungo kina Moises at Aaron, at kung paano ito ipinanumbalik saating panahon” (Hyrum M. Smith at Janne M. Sjodahl, Doctrine and Covenants Commentary[1972], 498).

Para matulungan ang mga estudyante na makita kung paano mababasa angpangungusap nang wala ang dagdag na paliwanag na nakapaloob sa mga talata6–31, maaari mong pamarkahan sa mga estudyante ang unang bahagi ngpangungusap sa talata 6 (“At ang mga anak na lalaki ni Moises”) at ang natitirangbahagi ng pangungusap sa talata 31 (simula sa mga salitang “at gayon din ang mgaanak na lalaki ni Aaron, ay mag-aalay”). Ipaliwanag na ang pariralang “mga anakna lalaki ni Aaron” ay tumutukoy sa mga mayhawak ng Aaronic Priesthood.Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang nakumpletong pangungusap mulasa talata 6 at 31. Ipaliwanag na tinutulungan tayo ng pangungusap na ito namaunawaan na ang panunumbalik ng priesthood, na tinalakay sa mga dagdag natalatang ito, ay kinakailangan sa pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo.

LESSON 31

203

Page 224: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 84:6–16 na ipinapaliwanag na nilalaman ng mgatalatang ito ang linya ng awtoridad ng priesthood ni Moises na tuwirangmaiuugnay pabalik kay Adan.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 84:17–22.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang inihayag ngPanginoon tungkol sa priesthood.

• Ano ang ipinahayag ng Panginoon tungkol sa priesthood sa talata 17?

• Ano ang ibig sabihin ng “ang nakatataas na pagkasaserdoteng ito,” o angMelchizedek Priesthood, ang may hawak “ng susi ng mga hiwaga ng kaharian,maging ang susi ng kaalaman tungkol sa Diyos” (talata 19)? (Kung kailangan,ipaliwanag na ang “mga hiwaga” ay “mga espirituwal na katotohanangnalalaman lamang sa pamamagitan ng paghahayag” [Gabay sa mga Banal naKasulatan, “Hiwaga ng Diyos, Mga” scriptures.lds.org].)

Matapos sumagot ang mga estudyante, ipaliwanag na itinuro ni Joseph Smith naang Melchizedek Priesthood “ang daluyan kung saan ang lahat ng kaalaman,doktrina, plano ng kaligtasan, at bawat mahalagang bagay ay inihahayag mula salangit” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 126).

• Anong doktrina ang matutukoy natin mula sa talata 20 tungkol sa mgaordenansa ng Melchizedek Priesthood? (Tulungan ang mga estudyante namatukoy ang sumusunod na doktrina: Ang kapangyarihan ng kabanalan aymakikita sa mga ordenansa ng Melchizedek Priesthood.)

Ipaliwanag na ang kapangyarihan ng kabanalan ay kapangyarihan ng kabutihan, atsa pamamagitan nito ay nakikilala natin ang Diyos at magiging katulad Niya tayo(tingnan sa Bruce R. McConkie, The Promised Messiah [1978], 589).

• Ayon sa mga talata 21–22, ano ang nangyayari kapag wala ang mga ordenansaat awtoridad ng Melchizedek Priesthood?

• Anong mga ordenansa ang pinangangasiwaan sa pamamagitan ng awtoridadng Melchizedek Priesthood?

Idispley ang mga sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson at ElderDavid A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nangmalakas sa isang estudyante. Sabihin sa klase na alamin kung ano ang itinuturonila tungkol sa kapangyarihan ng kabanalan.

“Ang tapat na pakikipagtipan natin sa Kanya ang nagtutulot sa ating Ama saLangit na padaluyin sa ating buhay ang Kanyang banal na impluwensya, ‘angkapangyarihan ng kabanalan’ (D at T 84:20). Magagawa Niya ito dahil sapakikibahagi natin sa mga ordenansa ng priesthood, nagagamit natin ang atingkalayaan at pinili nating tanggapin ito. …

“Sa lahat ng ordenansa, lalo na sa templo, pinagkakalooban tayo ngkapangyarihan mula sa itaas. Ang ‘kapangyarihan ng kabanalan’ na ito ay dumarating sa tao atsa pamamagitan ng impluwensya ng Espiritu Santo” (D. Todd Christofferson, “AngKapangyarihan ng mga Tipan,” Ensign o Liahona, Mayo 2009, 22).

LESSON 31

204

Page 225: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“Ang mga tipang tinanggap at tinupad nang may integridad at mga ordenansangisinagawa sa pamamagitan ng wastong awtoridad ng priesthood aykinakailangan upang matanggap ang lahat ng pagpapala na matatamo sapamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Sapagkat sa mga ordenansa ngpriesthood, ang kapangyarihan ng kabanalan ay ipapakita sa kalalakihan atkababaihan sa laman, kabilang na ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala

(tingnan sa D at T 84:20–21)” (David A. Bednar, “Mabata Nila ang Kanilang mga Pasanin nangMay Kagaanan,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 88).

• Ayon kay Elder Christofferson, ano ang kapangyarihan ng kabanalan?

• Ano ang magagawa natin para magkaroon ng kapangyarihan ng kabanalan saating buhay?

• Ayon kay Elder Bednar, anong mga pagpapala ang dumarating sa ating buhaykapag tumatanggap tayo ng mga ordenansa ng Melchizedek Priesthood attinutupad ang ating mga tipan?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti kung paano nila nakita angkapangyarihan ng kabanalan sa kanilang buhay nang tumanggap sila ng mgaordenansa ng Melchizedek Priesthood at tumupad sa kanilang mga tipan. Sabihinsa ilang estudyante na magbahagi sa klase ng kanilang mga nasasaisip atkaranasan. (Paalalahanan ang mga estudyante na huwag magbahagi ng anumangbagay na masyadong personal o sagrado). Maaari ka ring magbahagi ng sarilimong karanasan.

Hikayatin ang mga estudyante na pagsikapang matanggap ang lahat ng ordenansang priesthood sa abot ng kanilang makakaya at matapat na tumupad sa kanilangmga tipan upang ang kapangyarihan ng kabanalan ay makita sa kanilang buhay.

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 84:23–24, nainaalam kung paano ipinakita ng Panginoon ang kahalagahan ng pagtanggap ngmga ordenansa ng Melchizedek Priesthood.

• Ano ang ginawa ng mga anak ni Israel kaya nawalan sila ng pagkakataongmagkaroon ng kapangyarihan ng kabanalan sa kanilang buhay?

Ibuod ang mga talata 25–32 na ipinapaliwanag na dahil pinatigas ng mga anak niIsrael ang kanilang mga puso, ang mga susi ng Melchizedek Priesthood at ang mgaordenansa nito ay kinuha mula sa mga tao. Gayunman, pinahintulutan ngPanginoon na manatili sa kanila ang Aaronic Priesthood. Ipinaliwanag din ngPanginoon na ang mga anak na lalaki ni Moises at ang mga anak na lalaki niAaron, o ang mga mayhawak ng priesthood, ay maglilingkod sa loob ng templo naitatayo sa Sion (tingnan sa D at T 84:31–32).

Doktrina at mga Tipan 84:33–44Inihayag ng Panginoon ang sumpa at tipan ng priesthoodIpaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 84:33–44, itinuro ng Panginoon angtungkol sa sumpa at tipan ng priesthood.

LESSON 31

205

Page 226: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Isulat ang mga salitang Mga Tipan at Mga Pangako sa pisara bilang mga pamagat.Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas mula saDoktrina at mga Tipan 84:33–44. Sabihin sa kalahati ng klase na alamin ang mgatipang ginagawa ng isang tao bilang bahagi ng sumpa at tipan ng priesthood.Sabihin sa natitirang kalahati na alamin ang mga pangako ng Panginoon sa mgatapat sa sumpa at tipang ito. Ipasulat sa ilang estudyante ang nalaman nila sa ilalimng tamang pamagat na nasa pisara.

• Paano ninyo ibubuod ang mga tipan at pangako bilang isang alituntunin?(Maaaring iba’t iba ang mga salitang gagamitin ng mga estudyante, perotiyaking matutukoy nila ang alituntuning tulad ng sumusunod: Kunggagampanang mabuti ng matatapat na tumatanggap ng priesthood angkanilang mga tungkulin, tatanggapin ang Panginoon at ang Kanyang mgatagapaglingkod, at sumusunod sa mga salita ng buhay nawalang-hanggan, pababanalin sila ng Diyos at ipagkakaloob sa kanila anglahat ng mayroon Siya. Isulat sa pisara ang alituntuning ito.)

Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ibig sabihin ngpagkakaroon ng priesthood, idispley ang sumusunod na pahayag ni Elder Paul B.Pieper ng Pitumpu, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang buong pagpapala ng priesthood ay natatanggap ng mag-asawa nangmagkasama o hindi kailanman.

“Nakakatuwa na sa sumpa at tipan ng priesthood, ginamit ng Panginoon angmga salitang matamo at matanggap. Hindi Siya gumamit ng pandiwang ordenan.Sa templo natatamo at natatanggap ng kalalakihan at kababaihan—nangmagkasama—ang mga pagpapala at kapangyarihan ng Aaronic at Melchizedek

Priesthood” (Paul B. Pieper, “Inihayag na mga Katotohanan ng Mortalidad,” Liahona, Ene.2016, 47).

Patingnan ang alituntunin na nasa pisara.

• Ano ang ibig sabihin ng gampanang mabuti ang tungkuling natanggap ninyo sapamamagitan ng awtoridad ng priesthood?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng tanggapin ang mga tagapaglingkodng Panginoon? Bakit hindi natin matatanggap ang Panginoon nang hindi natintinatanggap ang Kanyang mga tagapaglingkod?

Doktrina at mga Tipan 84:45–59Ipinaliwanag ng Panginoon kung bakit ang mundo ay nasa kadiliman at pinayuhanang mga Banal na magsisiIpabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 84:45–48, nainaalam kung ano ang mangyayari sa mga masigasig na tumatalima o sumusunodsa salita ng Diyos.

• Ano ang mangyayari sa mga masigasig na tumatalima sa salita ng Diyos?

LESSON 31

206

Page 227: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 84:49–53.Sabihin sa klase na alamin kung ano ang sinabi ng Panginoon sa mga ayawmakinig sa Kanyang tinig.

• Paano inilarawan ng Panginoon ang mga taong ayaw makinig sa Kanyang tinig?

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 84:54–59, nainaalam kung gaano kahusay ang mga Banal sa Sion sa pagtalima sa salitang Diyos.

• Ayon sa talata 57, anong bagay ang hindi gaanong pinahahalagahan ngmga Banal?

Ipaliwanag na “ang dating mga kautusan” sa talata 57 ay maaaring tumutukoy samga naunang paghahayag sa Doktrina at mga Tipan at sa mga turo mula sa Biblia.

• Anong alituntunin ang matutukoy natin mula sa mga talata 54–58 tungkol sakahihinatnan ng kawalan ng paniniwala o hindi gaanong pagpapahalaga sasalita ng Diyos? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod naalituntunin: Kung hindi natin paniniwalaan o hindi gaanongpahahalagahan ang salita ng Diyos, ang ating isipan ay magdidilim atmaparurusahan tayo.)

Ipaliwanag na ang mapailalim sa kaparusahan ay hatol ng pagkakasala sa atin ngDiyos dahil sa pagtangging tanggapin at sundin ang liwanag at kaalamangipinahayag Niya (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Sumpa, MgaSumpa,” scriptures.lds.org; D at T 93:31–32).

• Paano pinadidilim ng kawalang-paniniwala o hindi gaanong pagpapahalaga saisang sagradong bagay ang isipan ng isang tao?

Doktrina at mga Tipan 84:60–120Inutusan ng Panginoon ang mga Banal na dalhin ang ebanghelyo sa buong mundoat nagtagubilin sa mga tinawag na mangaralIbuod ang Doktrina at mga Tipan 84:60–120 na ipinapaliwanag na inutusan ngPanginoon ang mga Banal na ipahayag ang ebanghelyo sa buong mundo. AngPanginoon ay nangako sa mga Banal na kung “papagyamanin [nila sa kanilang]isipan tuwina ang salita ng [Diyos],” ipagkakaloob Niya sa kanila ang inspirasyonna malaman ang sasabihin kapag nagbabahagi ng ebanghelyo (D at T 84:85).Inutusan ng Panginoon ang mga taong malakas sa Espiritu na patatagin atpalakasin ang mahihina at ipinaliwanag na habang ginagampanan ng mga Banalang iba’t iba nilang tungkulin, mapalalakas nila ang Simbahan at mapapatatag angisa’t isa.

Magtapos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa mgakatotohanang itinuro sa Doktrina at mga Tipan 84. Sabihin sa mga estudyante naipamuhay ang natutuhan nila.

LESSON 31

207

Page 228: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 84:106–10Magdispley ng mga larawan ng isa o higit pa sa mga sumusunod: isang sports team, isang klase ng mga estudyante, isang pamilya,at grupo ng mga taong sama-samang gumagawa. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 84:106, 109–10, na inaalam ang ipinagagawa ng Panginoon samga Banal para palakasin ang isa’t isa.

Idispley ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008), at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Sama-sama tayong lahat sa dakilang gawaing ito. Narito tayo upang tulungan ang ating Ama sa Kanyang gawain atKanyang kaluwalhatian, ‘ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao’ (Moises1:39). Ang bigat ng inyong obligasyon sa inyong mga tungkulin ay kasimbigat din ng obligasyon ko sa akingtungkulin. Walang tungkulin sa simbahang ito na maliit o di-gaanong mahalaga. Lahat tayo na tumutupad sa atingmga tungkulin ay makaaantig ng buhay ng iba” (Gordon B. Hinckley, “This Is the Work of the Master,” Ensign, Mayo1995, 71).

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti kung paano nila mapalalakas ang Simbahan at mga miyembro nito sapamamagitan ng kanilang mga tungkulin at paglilingkod.

• Paano makikinabang ang isang team, klase, pamilya, o grupo sa pagkakaroon ng mga miyembro na may iba’t ibangkakayahan at responsibilidad?

• Ano ang inaasahan ng Panginoon sa mga miyembro ng Simbahan na “malakas sa Espiritu” (talata 106)?

• Paano maihahalintulad ang Simbahan at mga miyembro nito sa isang katawan at mga parte nito?

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa paghahalintulad ng Panginoon sa mga miyembro ng Simbahan sa mgaparte ng katawan? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang alituntuning tulad ng sumusunod: Habang ginagampanannatin ang ating iba’t ibang mga tungkulin, mapalalakas ng bawat isa sa atin ang Simbahan at makatutulong napatatagin ang mga miyembro nito.)

• Paano kayo at ang mga kapamilya ninyo pinatatag ng mga taong masigasig na naglilingkod sa kanilang mga tungkulin saSimbahan?

LESSON 31

208

Page 229: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 32

Doktrina at mgaTipan 85–87Pambungad at TimelineNoong mga huling araw ng Nobyembre 1832, ilan sa mga Banal na lumipat sa Sionang hindi inilaan ang kanilang mga ari-arian na tulad ng iniutos ng Panginoon.Dahil dito, hindi sila tumanggap ng lupang pamana na ayon sa mga batas ngSimbahan. Tinalakay ni Propetang Joseph Smith ang isyung ito sa isanginspiradong liham kay William W. Phelps, na may petsang Nobyembre 27, 1832, naang isang bahagi nito ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 85.

Noong Disyembre 6, 1832, natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatalasa Doktrina at mga Tipan 86 habang ginagawa niya ang inspiradong pagsasalin ngBiblia. Ang paghahayag na ito ay naglaan ng karagdagang paliwanag tungkol satalinghaga ng trigo at mga agingay [pangsirang damo] at ang ginagampanan ngpriesthood sa pagtulong sa Panginoon na matipon ang mabubuti sa mgahuling araw.

Sa buong taon ng 1832, nabalitaan ni Propetang Joseph Smith at ng iba pang mgamiyembro ng Simbahan sa pamamagitan marahil ng mga ulat sa pahayagan angtungkol sa mga nakababalisang pangyayari sa iba’t ibang dako ng mundo.Halimbawa, alam nila ang pagtatalu-talo tungkol sa pang-aalipin sa EstadosUnidos, at alam din nila ang tungkol sa pagpapawalang-bisa ng federal na taripa saestado ng South Carolina. Noong Disyembre 25, 1832, natanggap ni Joseph Smithang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 87, na kinapapalooban ngmga propesiya tungkol sa mga digmaan at kahatulang “ibubuhos sa lahat ngbansa” (D at T 87:3) sa mga huling araw.

Nobyembre 6, 1832Isinilang ni Emma Smith si Joseph Smith III.

Nobyembre 6, 1832Bumalik si Joseph Smith mula sa pangangaral sa silangang Estados Unidos.

Nobyembre 8, 1832Nakaharap ni Joseph Smith si Brigham Young sa unang pagkakataon.

Nobyembre 27, 1832Ang Doktrina at mga Tipan 85 ay isinulat (hango mula sa isang liham naisinulat ni Joseph Smith kay William W. Phelps).

Disyembre 6, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 86.

Disyembre 25, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 87.

209

Page 230: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 85Iniutos ng Panginoon na magpanatili ng talaan ng mga taong naglaan attumanggap ng mga manaSabihin sa mga estudyante na kunwari ay bahagi sila ng isang sports team na maypatakarang dinisenyo upang tulungan silang magtagumpay.

• Ano ang maaaring mangyari kung ang isang tao sa team ay nagpasiyang huwagsundin ang mga patakaran ng koponan?

Ipaliwanag na isang sitwasyong tulad nito ang nangyari noong 1832 nang dumamiang mga Banal na nagsidatingan sa Missouri. Ang ilan sa mga Banal na ito ay hindisumunod sa mga batas na ibinigay ng Panginoon para sa pagtatayo ng Sion.Nasasaad sa mga naunang paghahayag na ang mga miyembro ng Simbahan ayhindi makapaninirahan sa Sion hangga’t hindi sila nakatatanggap ng isangsertipiko mula sa mga lider ng Simbahan. Kapag dumating na sila, dapat nilangilaan ang lahat ng kanilang pera at ari-arian sa Simbahan at tatanggap sila ng manamula sa bishop. Bukod pa rito, dapat nilang sundin ang lahat ng kautusan ngDiyos. (Tingnan sa D at T 64:34–35; 72:15–19, 24–26.) Doktrina at mga Tipan 85 ayhango sa isang liham na isinulat ng propeta kay William W. Phelps, isang lider ngSimbahan sa Missouri, na nagpapaliwanag kung ano ang gagawin tungkol sa mgamiyembro na hindi sumusunod sa mga batas ng Panginoon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 85:1–2.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano angsinabi sa klerk sa Missouri na itala.

• Ano ang iniutos sa klerk na itala?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 85:3, 5, 9 11. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, nainaalam kung ano ang ipinagawa ng Propeta sa mga lider ng Simbahan sa Missouritungkol sa mga hindi sumusunod sa mga batas na ibinigay ng Panginoon para sapagtatayo ng Sion. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano ang matututuhan natin mula sa tagubilin ng Propeta tungkol sa mga hindisumusunod sa mga batas ng Diyos?

Doktrina at mga Tipan 86Ipinaliwanag pa ng Panginoon ang talinghaga ng trigo at mga agingay[pangsirang damo]Ipaalam sa mga estudyante na noong Disyembre 6, 1832, habang ginagawa anginspiradong pagsasalin ng Biblia, natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag namatatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 86, na karagdagang paliwanag tungkol satalinghaga ng trigo at mga agingay [pangsirang damo] na nasasaad sa Biblia.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talinghaga na matatagpuan saMateo 13:24–30. Habang nagbabasa ang estudyante, isulat ang mga sumusunod nasalita sa pisara: trigo, mga agingay [pangsirang damo], ang bukid, mga manghahasik ngbinhi, ang kaaway.

LESSON 32

210

Page 231: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang isinasagisag ng trigo at mga pangsirang damo? (Kung kailangan,ipaliwanag na sumisimbolo ang trigo sa mabubuti at sumisimbolo ang mgapangsirang damo sa masasama [tingnan sa Mateo 13:38].)

• Bakit nais ng lalaki sa talinghaga na hintayin ang paglaki ng mga pangsirangdamo bago ito bunutin?

Magdispley ng larawan ng trigo at ng mga pangsirang damo. Ipaliwanag na angmga pangsirang damo ay isang uri ng nakalalasong damo. Ang trigo at mgapangsirang damo ay halos magkatulad kapag umuusbong, ngunit makikita angpagkakaiba nila kapag ganap nang tumubo. Kung susubukang bunutin ngmang-aani ang mga pangsirang damo bago ganap na tumubo ang trigo atpangsirang damo, malamang na marami rin siyang mapipinsalang trigo.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 86:1–6. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalamang kahulugan ng bukid, mga manghahasik ng binhi, at ng kaaway. Sabihin samga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila.

• Batay sa paliwanag ng Panginoon sa mga simbolong ito, paano ninyo ibubuodang kahulugan ng talinghagang ito?

Kung kinakailangan, ipaliwanag na ang talinghagang ito ay kumakatawan sapanahon ng sinaunang Simbahang Kristiyano, noong ang mga orihinal na Apostolng Tagapagligtas ay buhay pa, hanggang sa katapusan ng mundo. Ang mgakatagang “pinupunla niya [ni Satanas] ang mga agingay [pangsirang damo]” at“ang mga agingay [pangsirang damo] … [ay] tinatangay ang Simbahan sa ilang” satalata 3 ay tumutukoy sa Malawakang Apostasiya, at ang mga katagang “angdahon ay sumisibol” sa talata 4 ay tumutukoy sa Panunumbalik ng ebanghelyo.

LESSON 32

211

Page 232: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 86:7, nainaalam kung ano pa ang itinuro ng Panginoon tungkol sa talinghaga ng trigo atmga agingay [pangsirang damo].

• Ano ang matututuhan natin mula sa talata 7 tungkol sa kaayusan ng pagtitiponsa mga huling araw?

• Ano ang itinuturo nito tungkol sa mangyayari sa mabubuti at masasama sa mgahuling araw? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang katotohanang tulad ngsumusunod: Titipunin ng Panginoon ang mabubuti sa mga huling araw atpagkatapos ay lilipulin ang masasama sa Kanyang Ikalawang Pagparito.)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 86:8–10 na ipinapaliwanag na pagkataposipahayag ang kahulugan ng talinghagang ito, tinawag ng Panginoon ang mgamiyembro ng Simbahan na “mga karapat-dapat na tagapagmana” (talata 9). Angibig sabihin nito ay bahagi ang mga miyembro ng Simbahan ng tipang ginawa kayAbraham, kung saan ipinangako kay Abraham na matatamasa ng kanyang mgainapo ang mga pagpapala ng priesthood at ibabahagi ang mga pagpapalang iyon saiba (tingnan sa Abraham 2:9–11).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 86:11.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung paano natinmaibabahagi ang mga pagpapala ng priesthood sa iba.

• Paano natin maibabahagi sa iba ang mga pagpapala ng priesthood? (Matapossumagot ang mga estudyante, isulat ang sumusunod na alituntunin sa pisara:Sa pagpapatuloy natin sa kabutihan ng Panginoon, tayo ay magigingliwanag sa mundo at tagapagligtas ng ibang tao sa pamamagitan ngpagtulong sa kanila na matanggap ang mga pagpapala sa pamamagitanng priesthood.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “mananatili sa kabutihan [ngPanginoon]” (talata 11)?

• Paano nauugnay ang alituntunin sa pisara sa talinghaga ng trigo at mga agingay[pangsirang damo]? (Bilang bahagi ng tipan ni Abraham, may responsibilidadtayo na tumulong sa pagtipon sa mabubuti bilang paghahanda para saIkalawang Pagparito ni Jesucristo.)

• Sa paanong mga paraan nauugnay ang alituntuning ito sa family history atpaglilingkod sa templo at pati na rin sa gawaing misyonero?

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon kung kailan mayisang taong nagsilbing liwanag sa kanila, o sa kakilala nila, at tumulong na gabayansila sa pagtanggap ng mga ordenansa ng priesthood. Ipabahagi sa ilang estudyanteang kanilang mga karanasan sa klase. Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ngmga bagay na magagawa nila para manatili sa kabutihan ng Panginoon atmagsilbing liwanag sa mga nakapaligid sa kanila at tagapagligtas din ng iba, pati narin sa kanilang mga ninuno.

LESSON 32

212

Page 233: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 87Inihayag ng Panginoon na bubuhos ang digmaan sa lahat ng bansaSabihin sa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon kung kailan maynakaharap sila na isang tao na pinipintasan si Propetang Joseph Smith.

Ipaliwanag na noong Disyembre 25, 1832, naghayag ang Panginoon ng propesiyakay Joseph Smith na naging dahilan para pintasan ng ilang tao ang Propeta.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 87:1–4. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalamang propesiyang ibinigay ng Panginoon kay Joseph Smith. Sabihin sa mgaestudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Ipaliwanag na nalaman ni Joseph Smith ang tungkol sa alitan sa pulitika sa pagitanng estado ng South Carolina at ng pamahalaan ng Estados Unidos dahil sa taripa(buwis sa inaangkat na produkto). Dahil ang mga residente ng South Carolina aymas umaasa sa mga produktong inaangkat kaysa sa mga tao na naninirahan samga estado sa Hilaga, sa palagay nila ay hindi makatwiran ang federal na taripa atsadyang ipinataw para mahirapan ang mga taga Timog. Ang mga pinuno nggobyerno sa South Carolina ay gumawa ng batas na nagpapawalang-saysay, onagpapawalang-bisa, sa mga batas-federal, at marami sa mga taga South Carolinaang nagsimulang maghanda para labanan ang pamahalaang federal. Ipinahayag ngpangulo ng Estados Unidos na mahigpit niyang ipatutupad ang mga batas ngEstados Unidos. Noong Disyembre 1832, ibinalita sa mga diyaryo sa buong EstadosUnidos ang tungkol sa alitang ito. Sa panahong ito natanggap ni Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 87. Noong mga unang araw ng1833, hindi pa natatagalan nang ibigay ang propesiyang ito, payapang inayos ngpamahalaan ng Estados Unidos ang isyu sa estado ng South Carolina.

• Paano magagamit ng ilang tao ang mga pangyayaring ito para magtanim ngpagdududa kay Joseph Smith bilang isang propeta?

Ipaalam sa mga estudyante na bagama’t ang mga bagay na ito ay tila nalutas na,noong 1843 muling pinagtibay ni Joseph Smith ang propesiya na magsisimula angdigmaan sa South Carolina tungkol sa isyu ng pang-aalipin (tingnan sa D at T130:12–13). Noong 1861 lamang, dahil sa pagtatalo tungkol sa pang-aalipin,pinaputukan ng mga barkong pandigma ng mga estado sa Timog ang mgasundalong federal ng Estados Unidos na naka-istasyon sa Fort Sumter, sa daunganng Charleston, South Carolina. Sumali ang iba pang mga estado sa Timog sa isangdigmaang sibil laban sa mga estado sa Hilaga. Kalaunan, humingi ng tulong saGreat Britain ang mga estado sa Timog. Bukod pa rito, maraming naging alipin nataga Timog ang sumali sa hukbo ng taga Hilaga at nakipaglaban sa kanilang mgadating panginoon. Ang Digmaang Sibil ng Amerika ay tumagal hanggang 1865 atnagresulta sa pagkamatay ng humigit-kumulang 620,000–750,000 mga sundalo.Ang iba pang bahagi ng propesiyang ito ay matutupad at tumutukoy sa malalakingsakuna at digmaan na hahantong sa pagkawasak ng lahat ng bansa.

• Anong doktrina ang matututuhan natin mula sa talang ito tungkol sa mgapropesiya ng mga propeta ng Panginoon? (Dapat matukoy ng mga estudyanteang doktrina na tulad ng sumusunod: Matutupad lahat ang mga propesiyang mga propeta ng Panginoon.)

LESSON 32

213

Page 234: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Anong halimbawa pa ang maibibigay ninyo na nagpapakita na natupad angmga propesiya ng mga propeta ng Panginoon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 87:5–8.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang sinabi ngPanginoon na mangyayari sa mga huling araw. Sabihin sa mga estudyante naibahagi ang nalaman nila.

• Ayon sa mga talata 6–7, ano ang ilang dahilang ibinigay ng Panginoon kungbakit nagaganap ang malulungkot na pangyayaring ito? (Ang mga katagang“nagpaparusang kamay” ng Diyos sa talata 6 ay tumutukoy sa katotohanan naginagamit ng Panginoon ang Kanyang mga paghahatol para pukawin ang mgatao na magsisi at parusahan ang masasama.)

• Ayon sa talata 8, ano ang ipinag-uutos ng Panginoon na gawin natin paramakapaghanda tayo sa mga digmaan at sakunang magaganap sa mga hulingaraw? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod nakatotohanan: Inuutusan tayo ng Panginoon na tumayo sa mga banal nalugar at huwag matinag.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “tumayo … sa mga banal na lugar, athuwag matinag” (talata 8)?

• Ano ang ilang banal na lugar na makapagbibigay sa atin ng kapayapaan atkaligtasan?

Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga karanasan kung saan nadamanilang pinagpala sila ng kapayapaan o kaligtasan dahil sa pagtayo sa mga banal nalugar. Sabihin sa mga estudyante na magtakda ng mithiing tumayo sa mga banalna lugar nang mas madalas at paigtingin ang kanilang mga pagsisikap na huwagmatinag dito.

Magtapos sa pagbahagi ng iyong patotoo sa mga katotohanang tinukoy sa lessonngayong araw.

LESSON 32

214

Page 235: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 33

Doktrina at mgaTipan 88:1–69Pambungad at TimelineNoong Disyembre 27, 1832, sa isang pagpupulong o kumpernsya ng mga lider ngpriesthood sa silid sa itaas ng tindahan ni Newel K. Whitney, ang mga naroon aynanalangin upang malaman ang kalooban ng Panginoon hinggil sa pagtatatag ngSion. Natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 88:1–126 noong Disyembre 27 at 28, 1832. (Ang paghahayagna nakatala sa Doktrina at mga Tipan 88:127–37 ay natanggap kalaunan noongEnero 3, 1833.) Tinukoy ng Propeta ang paghahayag na ito bilang isang “‘dahon ngolibo’ … pinitas mula sa Puno ng Paraiso” (D at T 88, section heading), marahildahil ito ay mensahe ng kapayapaan na may kakayahang palubagin ang hindimagandang damdamin ng ilang Banal sa Missouri sa mga lider ng Simbahan saKirtland, Ohio (tingnan sa D at T 84:76). Apat na karagdagang talata (D at T88:138–41) ang idinagdag sa paglalathala ng 1835 edition ng Doktrina atmga Tipan.

Ang Doktrina at mga Tipan 88 ay ituturo sa dalawang lesson. Tatalakayin sa lessonna ito ang Doktrina at mga Tipan 88:1–69, kung saan ipinahayag ni Jesucristo naSiya “ang liwanag … na nagbibigay ng buhay sa lahat ng bagay” (D at T 88:13) atpagkatapos ay inanyayahan tayo na “magsilapit sa [Kanya]” (D at T 88:63).

Hunyo hanggang Disyembre 1832Nagkaroon ng di-pagkakasundo sa mga lider ng Simbahan sa Missouri at sa mgalider ng Simbahan sa Ohio.

Disyembre 27–28, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 88:1–126.

Enero 3, 1833Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 88:127–37. (Ang D at T 88:138–41 ayidinagdag kalaunan noong 1835.)

Enero 5, 1833Si Frederick G. Williams ay tinawag sa pamamagitan ng paghahayag upanghumalili kay Jesse Gause bilang tagapayo sa Panguluhan ng Mataas naPagkasaserdote o High Priesthood.

Enero 11, 1833Ipinadala ni Joseph Smith ang Doktrina at mga Tipan 88:1–126, at marahil angDoktrina at mga Tipan 88:127–37, kina William W. Phelps sa Missouri, inilalarawanito bilang “dahon ng olibo” at “mensahe ng … kapayapaan” (D at T 88, sectionheading).

Enero 23, 1833Nagsimula ang Paaralan ng mga Propeta sa Kirtland, Ohio.

215

Page 236: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 88:1–13Inihayag ng Panginoon na Siya ang liwanag at buhay na nasa lahat ng bagayIdrowing sa pisara ang sumusunod na continuum at isulat ang mga label:

Paglayo mula sa Panginoon Paglapit sa Panginoon

Sabihin sa mga estudyante na tahimik na pag-isipan kung nasaan sila sacontinuum. Habang pinag-aaralan ng mga estudyante ang Doktrina at mgaTipan 88 ngayon, sabihin sa kanila na maghanap ng doktrina at mga alituntunin natutulong sa kanila na maunawaan kung bakit mahalaga na mas mapalapit sa Diyosat kung paano mas mapapalapit pa sa Kanya.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na impormasyon:

Noong Disyembre 27–28, 1832, si Joseph Smith at ilang high priest ay nagpulong sa silid sa itaasng tindahan ni Newel K. Whitney sa Kirtland, Ohio. Ayon sa talaan ng mga kaganapan sapagpupulong, sa unang araw, sinabi ni Joseph Smith sa nakatipong mga high priest na “upangmakatanggap ng paghahayag at mga pagpapala ng langit, kailangang ituon natin ang atingisipan sa Diyos at sumampalataya at magkaisa sa puso at isipan. Sa gayon ay iminungkahi [ngPropeta] … sa lahat ng naroon na manalangin nang magkakahiwalay at malakas sa Panginoonna … ihayag ang Kanyang kalooban tungkol sa pagtatayo ng Sion at para sa kapakinabanganng mga Banal, at para sa tungkulin … ng mga elder. Lahat kami ay yumukod sa harapan ngPanginoon, pagkatapos ay tumayo at nagsalita ang bawat isa para ipahayag ang kani-kanyangnadarama at determinasyong sundin ang mga utos ng Diyos” (sa “Minute Book 1,” 3–4,josephsmithpapers.org; inayon sa pamantayan ang pagbabaybay, pagbabantas, at malalakingtitik). Bilang tugon sa kanilang kahilingan, ibinigay ng Panginoon ang paghahayag na nakatalangayon sa Doktrina at mga Tipan 88. Kalaunan ay tinukoy ni Joseph Smith ang paghahayag naito na “‘dahon ng olibo’ … pinitas mula sa Puno ng Paraiso, ang mensahe ng Panginoon tungkolsa kapayapaan sa atin” (D at T 88, section heading).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:1–5.Sabihin sa klase na alamin ang sinabi ng Panginoon sa mga high priest nanaghangad na sundin ang Kanyang kalooban.

• Ayon sa talata 2, paano tumugon ang Panginoon sa ginawa ng mga high priestpara hangarin ang Kanyang kalooban? (Ipaliwanag na ang salitang limos aytumutukoy sa kabutihan at katapatan [tingnan sa D at T 59:12, footnote b].)

• Ano ang ipinangako ng Panginoon sa mga high priest na ito sa mga talata 3–5?

Ipaliwanag na ang mga pariralang “isa pang Mang-aaliw” at “Banal na Espiritu ngpangako” sa talata 3 at ang pariralang “ang Mang-aaliw na ito ang pangakong

LESSON 33

216

Page 237: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

aking ibinigay sa inyo na buhay na walang hanggan” sa talata 4 ay naglalarawan sailan sa mga gawain ng Espiritu Santo.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga talatang ito,ipakita ang mga sumusunod na pahayag, at ipabasa ang mga ito nang malakas saisang estudyante:

“Ang Espiritu Santo … sa Kanyang papel bilang Banal na Espiritu ng Pangako,ang nagpapatibay sa katotohanan at bisa ng inyong mga tipan at nagbubuklodng mga pangako ng Diyos sa inyo” (D. Todd Christofferson, “Ang Kapangyarihanng mga Tipan,”Ensign o Liahona, Mayo 2009, 22).

“Kasama sa ‘kaganapan ng Espiritu Santo’ (D at T 109:14–15) ang inilarawan niJesus bilang ‘pangakong aking ibinigay sa inyo na buhay na walang hanggan,maging ang kaluwalhatian ng kahariang selestiyal’… (D at T 88:4–5)” (D. ToddChristofferson, “Ang Kapangyarihan ng mga Tipan,” 23, tala 5).

“Kabilang sa ganap na pagtatamasa ng kaloob na Espiritu Santo ang pagtanggap ngpaghahayag at kaaliwan … at pinababanal mula sa kasalanan at pinagigindapat para sakadakilaan sa kahariang selestiyal” (Tapat sa Pananampalataya: Isang Sanggunian saEbanghelyo [2006], 28).

Ipaliwanag na ang pangako ng pagiging karapat-dapat para sa kadakilaan atpagtanggap ng kaluwalhatian ng Ama ay naging posible sa pamamagitan niJesucristo (tingnan sa talata 5). Inihayag pa sa mga talata 6–13 ang tungkol sakapangyarihan at impluwensya ni Jesucristo. Ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:6–7, at sabihin sa klase na tahimik nasumabay sa pagbasa, at alamin ang ilan sa mga karagdagang turo na ito.

• Ayon sa mga talata 6–7, ano ang “liwanag ni Cristo”? (Kapag sumagot na angmga estudyante, makatutulong na ipaliwanag na ang Liwanag ni Cristo ay“banal na lakas, kapangyarihan, o [impluwensya] na nanggagaling sa Diyos sapamamagitan ni Cristo” [Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Ilaw, Liwanag niCristo,” scriptures.lds.org].)

• Ayon sa talata 6, ano ang ginawa ng Tagapagligtas upang Siya ay mapasalahatat sumalahat ng bagay?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 88:7–13. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alaminang mga karagdagang katotohanan na matututuhan natin tungkol kay Jesucristo atsa Kanyang liwanag.

• Ano ang matututuhan natin tungkol sa Liwanag ni Cristo mula sa mga talata7–10? Mula sa mga talata 11–12? Mula sa talata 13?

LESSON 33

217

Page 238: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa mga estudyante na isulat sa kapirasong papel ang isang doktrinatungkol sa Liwanag ni Cristo batay sa natutuhan nila mula sa mga talata 7–13.Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na basahin ang isinulatnila. (Maaaring magmungkahi ng ilang katotohanan ng doktrina ang mgaestudyante, ngunit tulungan silang matukoy na sa pamamagitan ng liwanag niCristo, ang Diyos ay nagbibigay ng liwanag, buhay, at batas sa lahat ngKanyang mga nilikha. Isulat sa pisara ang katotohanang ito.)

Upang matulungan pa ang mga estudyante na mas maunawaan ang doktrinangito, ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ngKorum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Ang Liwanag ni Cristo ay ang banal na kapangyarihan o impluwensya nanagmumula sa Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo. Nagbibigay ito ng liwanag atbuhay sa lahat ng bagay. Hinihikayat nito ang lahat ng taong may isip sa buongmundo na makilala ang mabuti sa masama, ang tama sa mali. Pinasisigla nitoang inyong budhi [tingnan sa Moroni 7:16]. Ang impluwensiya nito ay humihinasa paglabag at pagkalulong at naibabalik sa wastong pagsisisi. Ang Liwanag ni

Cristo ay hindi isang persona. Ito ay kapangyarihan at impluwensya na nagmumula sa Diyos atkapag sinunod ay aakay sa tao na maging marapat sa paggabay at inspirasyon ng Espiritu Santo[tingnan sa Juan 1:9; D at T 84:46–47]” (Richard G. Scott, “Katahimikan ng Budhi atKapayapaan ng Isipan,”Ensign o Liahona, Nob. 2004, 15).

• Ano sa palagay ninyo ang mangyayari kung wala sa atin ang Liwanag ni Cristo?

Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa kapangyarihan at impluwensya ni Jesucristoat ang liwanag, buhay, at batas na ibinibigay Niya sa lahat ng bagay.

Doktrina at mga Tipan 88:14–41Ipinaliwanag ng Panginoon na pinamamahalaan ng batas ang lahat ng kaharianng DiyosIpaliwanag na bukod sa pagbibigay ng liwanag, buhay, at batas sa lahat ng bagay,ginawa ring posible ng Panginoon ang pagtubos. Ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:14–17. Sabihin sa klase na tahimik nasumabay sa pagbasa, at alamin ang itinuro ng Panginoon tungkol sa pagtubos.

• Ayon sa talata 16, ano ang pagkakatubos ng kaluluwa?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 88:18–20 na ipinaliliwanag na sa mga talatang itoinihayag ng Panginoon na ang mundo ay magiging kahariang selestiyal at na angmga mabubuhay na mag-uli sa katawang selestiyal ay mamanahin itomagpakailanman at walang katapusan.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:21–24.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung saan nakabatayang mamanahin nating kaharian ng kaluwalhatian.

• Ayon sa mga talatang ito, saan nakabatay ang kaharian ng kaluwalhatian namatatamo natin matapos ang Pagkabuhay na Mag-uli? (Matapos sumagot angmga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Nakabatay sa

LESSON 33

218

Page 239: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

batas na pinili nating sundin sa buhay na ito ang mamanahin natingkaharian ng kaluwalhatian matapos ang Pagkabuhay na Mag-uli.)

• Sa inyong palagay, bakit hindi tayo makatitigil o makapamamalagi sakaluwalhatiang selestiyal kung hindi tayo handang sumunod sa selestiyal nabatas ng Diyos, na kinabibilangan ng mga ordenansa, tipan, at mga kautusanng ebanghelyo ni Jesucristo?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 88:25–31 na ipinaliliwanag na itinuturo ng mgatalatang ito na kapag namatay tayo, mabubuhay tayong mag-uli sa katawan dingiyon na taglay natin sa buhay na ito, ngunit ito ay perpekto na at imortal. Inihayagdin ng Panginoon na ang kaluwalhatian ng ating nabuhay na mag-uling katawanay tutugma sa uri ng espiritu na kinahinatnan natin batay sa batas na pinili natingsundin—kung ito man ay selestiyal, terestriyal, o telestiyal.

Ipaalala sa mga estudyante na lahat ng isinilang sa mundo ay mabubuhay namag-uli, ngunit hindi lahat ay tatanggap ng iisang antas ng kaluwalhatian.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:32–35.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon tungkol sa mga taong mabubuhay na mag-uli ngunit hindimagmamana ng isa sa mga antas ng kaluwalhatian.

• Ayon sa talata 32 at 35, bakit hindi magmamana ng isang kaharian ngkaluwalhatian ang mga taong ito?

Banggitin ang pariralang “dahil hindi sila handang tamasahin yaong kanila sanangtatanggapin” sa talata 32.

• Paano kaya maiuugnay ang pariralang ito sa ating sariling buhay?

• Ano ang matututuhan natin mula sa talata 34 kung ano ang mangyayari sa mgatao na nakahandang pamahalaan ng mga batas ng Diyos? (Kung kinakailangan,ipaliwanag na kapag pinili nating magpasakop sa batas ng Diyos, tayo aypangangalagaan, gagawing ganap, at pababanalin ni Jesucristo.)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 88:36–39 na ipinaliliwanag na lahat ng kaharianay may batas na ibinigay at na may maraming kaharian. Ang mga taongsumusunod lamang sa batas ng Diyos ang mabibigyang-katwiran, o“ma[pa]patawad mula sa kaparusahan sa kasalanan” (Gabay sa mga Banal naKasulatan, “Pagbibigay-katwiran, Pangatwiranan,” scriptures.lds.org).

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan88:39–40, at alamin kung bakit hindi mabibigyang-katwiran ang mga tao napiniling hindi sundin ang batas ng Diyos. Ipabahagi sa mga estudyante angnalaman nila.

Sabihin sa mga estudyante na suriin ang sarili kung gaano nila mabutingnasusunod ang batas ng Diyos. Hikayatin sila na patuloy na sundin ang batas ngDiyos at gumawa ng anumang kinakailangang pagtatama o pagtutuwid sa buhaynila na magtutulot sa kanila na mamana ang kahariang selestiyal.

LESSON 33

219

Page 240: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 88:41–69Inihayag ng Panginoon na pinamamahalaan at nalalaman Niya ang lahat ng bagay,at inaanyayahan Niya ang mga tao na lumapit sa Kanya

Magdispley ng larawan ng mga bituin, tulad ng Nilikha ng Panginoon ang Lahat ngBagay (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo [2009], blg. 2; tingnan din sa lds.org/media-library), at tanungin ang mga estudyante kung namasdan nila ang mgabituin sa kalangitan at naisip ang mga nilikha ng Diyos.

• Anong mga ideya o tanong ang pumasok sa isipan ninyo nang masdan ninyoang mga bituin?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:41–47.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon tungkol sa Kanyang Sarili at sa Kanyang mga nilikha.

• Paano pinamamahalaan ng Diyos ang Kanyang mga nilikha?

• Ayon sa mga talata 46–47, ano ang nakikita natin kapag minasdan natinmaging ang pinakamaliit sa mga nilikha ng Diyos?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 88:51–61 na ipinaliliwanag na naglahad angTagapagligtas ng isang talinghaga tungkol sa mga tao na nagtatrabaho sa bukid, at

LESSON 33

220

Page 241: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

bawat isa sa kanila ay dinalaw ng kanilang panginoon. Mula sa talinghagang ito,nalaman natin na dadalawin ng Panginoon ang bawat isa sa Kanyang mga daigdigat ang mga naninirahan dito. Ipaliwanag na dumating ang Panginoon sa Kanyangkaharian dito sa lupa at Siya ay muling paparito at maghahari sa Milenyo.

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 88:62–69, itinuro ng Panginoon angmagagawa natin ngayon para mapalapit sa Kanya.

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:62–63 atalamin ang mga bagay na magagawa natin para maanyayahan ang Tagapagligtasna lumapit sa atin.

• Ano ang alituntuning itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa paglapit saPanginoon? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara angsumusunod na alituntunin: Kapag nagsilapit tayo sa Panginoon, Siya aylalapit sa atin. Hikayatin ang mga estudyante na markahan ang alituntuningito sa talata 63.)

• Anong mga salita sa talata 63 ang nagtuturo kung paano tayo makalalapit saTagapagligtas?

• Ano ang ilang ginawa ninyo na nakatulong sa inyo na maghanap, humingi, atkumatok upang mas mapalapit sa Panginoon?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti ang naranasan nila sa kanilangbuhay na nagpatunay sa kanila na totoo ang alituntuning ito. Anyayahan ang isa odalawang estudyante na ibahagi ang kanilang karanasan at patotoo tungkol saalituntuning ito.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 88:66–69. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang mga karagdagang paraan na mapapalapit tayo sa Ama at sa Anak.

• Ayon sa talata 67, anong pagpapala ang darating sa mga yaong ang mata aynakatuon sa kaluwalhatian ng Diyos? (Tulungan ang mga estudyante namatukoy ang sumusunod na alituntunin: Kung ang ating mata ay nakatuonsa kaluwalhatian ng Diyos, tayo ay mapupuno ng liwanag.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng ang inyong mata ay “nakatuon sakaluwalhatian [ng Diyos]”?

• Ayon sa talata 68, ano ang kinakailangan nating gawin para nakatuon lamangsa Diyos ang ating isipan? (Ipaliwanag na ang katagang “pabanalin ang inyongsarili” ay tumutukoy sa pagiging dalisay at malinis mula sa kasalanan sapamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo at ng impluwensya ng EspirituSanto kapag nagsisisi tayo at tumutupad sa ating mga tipan.)

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa mga katotohanang itinuro sa lesson na ito.Tukuyin ang drowing na continuum sa pisara, at sabihin sa mga estudyante napag-isipan kung ano ang magagawa nila para mas mapalapit sa Panginoon at kungbakit dapat nilang gawin ito. Hikayatin sila na kumilos ayon sa anumanginspirasyon na matanggap nila.

LESSON 33

221

Page 242: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 34

Doktrina at mga Tipan88:70–141Pambungad at TimelineNatanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 88:1–126 noong Disyembre 27 at 28, 1832. Makalipas ang mga isanglinggo, noong Enero 3, 1833, idinikta ng Propeta ang paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 88:127–37 matapos manalangin ang mga high priest saisang pagpupulong para malaman ang kalooban ng Panginoon hinggil sapagtatatag ng Sion. Tinukoy ng Propeta ang paghahayag na ito bilang isang“‘dahon ng olibo’ … [na] pinitas mula sa Puno ng Paraiso” (D at T 88, sectionheading), marahil dahil ito ay mensahe ng kapayapaan na may kakayahangpalubagin ang hindi magandang damdamin ng ilang Banal sa Missouri sa mga liderng Simbahan sa Kirtland, Ohio (tingnan sa D at T 84:76). Apat na karagdagangtalata (D at T 88:138–41) ang idinagdag sa paglalathala ng 1835 edition ngDoktrina at mga Tipan.

Ito ang pangalawa sa dalawang lesson na tatalakay sa Doktrina at mga Tipan 88. Sabahagi ng paghahayag na tinalakay sa lesson na ito, iniutos ng Panginoon sa mgaelder ng Simbahan na turuan ang isa’t isa at maghandang maglingkod bilang mgamissionary. Inihayag din Niya ang mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito, angpagkakasunud-sunod ng pagkabuhay na mag-uli ng mga tao, at ang ilangpangyayaring may kaugnayan sa huling digmaan kay Satanas pagkatapos ngMilenyo. Bukod pa rito, iniutos ng Panginoon sa mga Banal na magtayo ng isangbahay ng Diyos sa Kirtland at iniutos sa mga elder na magtatag ng “paaralan ngmga propeta” (D at T 88:127) sa ilalim ng pamamahala ni Joseph Smith. Ang mgadadalo sa paaralan ay dapat matutong magkakasama sa pamamagitan ng pag-aaralat pananampalataya at pagpapakita ng pagmamahal at kabaitan sa isa’t isa.

Hunyo 1832–Enero 1833Nagpatuloy ang hindi pagkakasundo ng mga lider ng Simbahan sa Missouri at ngmga lider ng Simbahan sa Ohio.

Disyembre 27–28, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 88:1–126.

Enero 3, 1833Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 88:127–37.

Enero 5, 1833Si Frederick G. Williams ay tinawag sa pamamagitan ng paghahayag upanghumalili kay Jesse Gause bilang tagapayo sa Panguluhan ng Mataas naPagkasaserdote o High Priesthood.

Enero 11, 1833Ipinadala ni Joseph Smith ang Doktrina at mga Tipan 88:1–126, at marahil angDoktrina at mga Tipan 88:127–37, kina William W. Phelps sa Missouri, inilalarawan

222

Page 243: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

ito bilang “dahon ng olibo” at “mensahe ng … kapayapaan” (D at T 88, sectionheading).

Enero 23, 1833Nagsimula ang Paaralan ng mga Propeta sa Kirtland, Ohio.

Setyembre 1835Ang Doktrina at mga Tipan 88:138–41 ay inilathala sa 1835 edition ng Doktrina atmga Tipan.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 88:70–86Iniutos ng Panginoon sa mga elder ng Simbahan na manatili at maghanda para sakanilang paglilingkodSabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang bagay na ginawa nila kamakailanna nangailangan ng paghahanda. Sabihin sa ilang estudyante na ilarawan angkanilang ginawa at kung paano sila naghanda.

• Paano nakaimpluwensya ang inyong paghahanda o hindi paghahanda sainyong tagumpay?

Ipaliwanag na nais ng Panginoon na maging handa tayo para sa mahahalagangpangyayari na pangwalang-hanggan. Sabihin sa mga estudyante na alamin angdoktrina at mga alituntunin habang pinag-aaralan nila ang natitirang bahagi ngDoktrina at mga Tipan 88 na tutulong sa kanila na maunawaan kung ano ang gustong Panginoon na paghandaan nila at kung bakit kailangan nilang maghanda.

Ipaalala sa mga estudyante na sa isang pagpupulong ng mga high priest saKirtland, Ohio, noong Disyembre 27–28, 1832, ibinigay ng Panginoon angpaghahayag sa Doktrina at mga Tipan 88:1–126. Ninais ng mga dumalo roon namalaman ang kalooban ng Panginoon hinggil sa kanila at sa pagtatayo ng Sion.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:70.Sabihin sa klase na alamin ang gustong ipagawa ng Panginoon sa mga elder.

• Ano ang iniutos ng Panginoon na gawin ng mga elder?

Ipaliwanag na ang utos na ito ay katulad ng utos na ibinigay ng Panginoon saKanyang mga sinaunang Apostol. Iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga Apostolna ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng bansa, ngunit kailangan nilang manatili saJerusalem hanggang sa sila ay mapagkalooban ng kapangyarihan mula sa kaitaasan(tingnan sa Lucas 24:47–49). Ipaliwanag na bagama’t pansamantalangmalilimitahan ang gawaing misyonero dahil sa utos na manatili sa Kirtland, tiniyakng Panginoon sa mga elder na susulong ang gawain.

Ipabasa sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:72–73. Sabihin sa klasena tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ng Panginoon samga elder.

• Anong mga parirala sa talatang ito ang pinakanapansin ninyo? Bakit?

LESSON 34

223

Page 244: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan88:74–76, at alamin ang iniutos ng Panginoon na gawin ng mga elder habang silaay nasa Kirtland.

• Ano ang iniutos ng Panginoon na gawin ng mga elder habang sila ay nasaKirtland?

• Ayon sa talata 75, bakit iniutos ng Panginoon na gawin nila ang mga bagay naito? (Upang Kanyang tuparin ang “dakila at huling pangakong” ginawa Niya sakanila.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahulugan ng “dakilaat huling pangakong” ito, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrinaat mga Tipan 88:67–68. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang pangakong ibinigay ng Panginoon sa mga Banal.

• Anong pangako ang tutuparin ng Panginoon kung susundin ng mga Banal angutos na manatili sa Kirtland at ihanda, pabanalin, dalisayin, at linisin angkanilang sarili? (Ang pangako na makikita nila ang Panginoon ayon sa Kanyangsariling panahon at paraan. Ang pangakong ito ay may kaugnayan sa utos naitayo ang Kirtland Temple, magdaos ng isang kapita-pitagang kapulungan[tingnan sa talata 70], at ang naunang pangako ng Panginoon napagkakalooban ang mga Banal ng kapangyarihan mula sa kaitaasan [tingnan saD at T 38:32; 95:8–9].)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:77–79.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang iba pang iniutosng Panginoon na gawin ng mga elder na ito para makapaghanda.

• Ano ang iniutos ng Panginoon na gawin ng mga elder sa talata 77?

• Ayon sa talata 78, ano ang ipinangako ng Panginoon na mangyayari kungmasigasig nilang ituturo sa isa’t isa ang doktrina ng kaharian? (Ipaliwanag naang pariralang “ang aking biyaya ay dadalo sa inyo” ay tumutukoy sapagtanggap ng banal na tulong o lakas.)

• Ayon sa pangako ng Panginoon sa talata 78, ano ang mangyayari kapagitinuturo natin nang masigasig sa isa’t isa ang doktrina ng kaharian? (Matapossumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin:Kapag masigasig nating itinuro sa isa’t isa ang doktrina ng kaharian,tutulungan tayo ng Panginoon na mas lubos na maunawaan ang Kanyangdoktrina.)

• Sa paanong paraan nakatutulong sa inyo ang pagtuturo ng ebanghelyo sa ibapara mas maunawaan ninyo ito?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan88:80, at alamin kung bakit iniutos ng Panginoon sa mga elder na ituro atpag-aralan ang mga bagay na ito. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi angnalaman nila.

• Sa paanong paraan tayo inihahanda ng masigasig na pagtuturo sa isa’t isa ngdoktrina ng kaharian para makapaglingkod sa Diyos?

LESSON 34

224

Page 245: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 88:81–82 na ipinaliliwanag na sinabi ngPanginoon sa mga elder na Kanyang isinugo sila “upang magpatotoo at balaan angmga tao” at lahat ng nabigyang-babala ay inaasahan na balaan ang iba pa.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:83–86.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ibinigay nakaragdagang payo ng Panginoon sa mga elder na tutulong sa kanila na maghandasa pangangaral ng ebanghelyo at kung bakit napakahalaga ng payo na ito.

• Ano ang ipinayo ng Panginoon sa mga elder? Bakit mahalaga ito?

• Ayon sa mga talata 84–85, ano ang paghahandaan ng daigdig na makatutulongang patotoo ng mga Banal?

Doktrina at mga Tipan 88:87–116Inihayag ng Panginoon ang mga pangyayaring may kaugnayan sa KanyangIkalawang PagparitoSabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 88:87–91. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang sinabi ng Panginoon na mangyayari matapos magpatotoo ang mga Banal.

• Anong mga uri ng patotoo ang susunod matapos magpatotoo ang mga Banalbago ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan88:92, at alamin ang sasabihin ng mga anghel. Ipabahagi sa kanila angnalaman nila.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 88:93–116 na ipinaliliwanag na sa panahon ngIkalawang Pagparito, ang makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan naumusig at nagpahirap sa mga Banal ay igagapos. Ang mga Banal na nabubuhay pasa mundo o namatay na ay ipapaitaas upang salubungin ang Tagapagligtas atbababang kasama Siya. Ang mga patay ay mabubuhay na mag-uli ayon sapagkakasunud-sunod, alinsunod sa kanilang kabutihan. Pagkatapos ng kanilangpagkabuhay na mag-uli, ang mabubuti ay tatanggap ng kaluwalhatian ngPanginoon at ng kanilang mana. Si Satanas ay igagapos sa panahon ng Milenyongunit pagkatapos ay kakalagan sa maikling panahon. Dadaigin ni Miguel (Adan)at ng kanyang mga hukbo si Satanas at ang mga hukbo nito, at hindi namagkakaroon pa ng kapangyarihan o impluwensya si Satanas sa mga Banal.

Doktrina at mga Tipan 88:117–41Iniutos ng Panginoon sa mga maytaglay ng priesthood na palakasin angpananampalataya ng iba, maghangad na matuto sa pamamagitan ngpananampalataya, magtayo ng isang bahay ng Diyos, at magtatag ng isangpaaralanIpaliwanag na matapos ilarawan ng Panginoon ang ilan sa mga pangyayaring maykaugnayan sa Kanyang Ikalawang Pagparito, sinabi Niya sa mga Banal angkailangan nilang gawin para maihanda ang kanilang sarili at ang iba para sa mgapangyayaring iyon.

LESSON 34

225

Page 246: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:117–18.Sabihin sa klase na alamin ang sinabi ng Panginoon na gawin ng Kanyang mgatagapaglingkod upang makapaghanda para sa mga pangyayaring ito.

• Ano ang sinabi ng Panginoon na gawin ng Kanyang mga tagapaglingkod satalata 117?

Ituro ang pariralang “at yayamang lahat ay walang pananampalataya” sa talata 118.

• Ano ang sinabi ng Panginoon na gawin ng Kanyang mga tagapaglingkod paramaragdagan at mapalakas ang kanilang pananampalataya at angpananampalataya ng iba sa talata 118?

• Anong mga alituntunin ang matututuhan natin sa talata 118 tungkol sa paraankung paano natin mapalalakas ang ating pananampalataya? (Matapos sumagotang mga estudyante, isulat sa pisara ang mga sumusunod na alituntunin:Kapag masigasig nating tinuruan ang isa’t isa, mapalalakas natin angsarili nating pananampalataya at matutulungan ang iba na mapalakas angkanilang pananampalataya. Iniutos sa atin ng Panginoon na maghangadna matuto sa pamamagitan ng pag-aaral at sa pamamagitan ngpananampalataya.)

• Sa inyong palagay, ano ang ibig sabihin ng matuto “sa pamamagitan ngpag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (talata 118)?

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung ano ang ibig sabihinng matuto sa pamamagitan ng pananampalataya, ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder David A. Bednar ng Korum ngLabindalawang Apostol:

“Ang matuto sa pamamagitan ng pananampalataya ay nangangailangan ngpagsisikap sa espiritu, kaisipan, at katawan at hindi pagtanggap lamang [nangwalang gagawin]. …

“… Ang matuto sa pamamagitan ng pananampalataya ay hindi puwedengmailipat mula sa nagtuturo tungo sa tinuturuan sa pamamagitan ng lecture,pagsasalarawan, o pagsasanay; sa halip, ang tinuturuan ay dapat magkaroon ng

pananampalataya at kumilos para makamtan ang kaalaman para sa kanyang sarili” (David A.Bednar, “Maghangad na Matuto sa Pamamagitan ng Pananampalataya,”Liahona, Set. 2007, 20).

• Ayon kay Elder Bednar, paano tayo matututo sa pamamagitanpananampalataya?

• Ano ang ilang halimbawa ng mga tao mula sa mga banal na kasulatan nananampalataya at kumilos upang magtamo ng kaalaman?

• Kailan naragdagan o lumakas ang inyong pananampalataya dahil kumilos kayopara magtamo ng kaalaman?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang magagawa nila paramaipamuhay nang mas mabuti ang natutuhan nila. Hikayatin sila na masigasig nasundin ang anumang pahiwatig na natanggap nila mula sa Espiritu Santo.

LESSON 34

226

Page 247: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:119–20.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang sinabi ngPanginoon na gawin ng mga Banal upang makapaghanda para sa IkalawangPagparito at mapalakas ang kanilang pananampalataya.

• Ano ang sinabi ng Panginoon na gawin ng mga Banal? (Matapos sumagot angmga estudyante, ipaliwanag na naunawaan ni Propetang Joseph Smith na angtalata 119 ay isang kautusan na magtayo ng isang bahay ng Diyos kung saanmaidaraos ng mga Banal ang kanilang kapita-pitagang kapulungan atmatuturuan mula sa kaitaasan. Bilang pagsunod sa iniutos sa talatang ito,itinayo kalaunan ng mga Banal ang Kirtland Temple.)

• Ayon sa talata 120, ano ang mga dahilang ibinigay ng Panginoon sa mga Banalpara sa pagtatayo ng bahay ng Diyos?

Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 88:121–26kasama ng isang kapartner at alamin ang payo na ibinigay ng Panginoon saKanyang mga tagapaglingkod upang maihanda sila na maturuan sa templo.

• Paanong ang pagsunod sa payo na ito ay maghahanda sa mga miyembro namaturuan sila sa templo?

• Paanong ang pagsunod sa payo na ito ay maghahanda sa inyo na maturuan samga pulong natin sa Simbahan at sa templo?

Ipaliwanag na noong Enero 3, 1833, isang linggo makalipas ang pagpupulong ngmga high priest, ang Panginoon ay nagbigay ng karagdagang tagubilin tungkol sakung paano magsisilbing bahay ng pagkatuto ang bahay ng Diyos. Ibuod angDoktrina at mga Tipan 88:127–41 na ipinaliliwanag na iniutos ng Panginoon kayPropetang Joseph Smith na magtatag ng Paaralan ng mga Propeta para sa mgayaong tinawag sa ministeryo. Layunin ng paaralang ito na ihanda sila para sagawaing misyonero at paglilingkod sa Simbahan sa hinaharap. Iniutos sa mgadumalo sa paaralan na ituro at pag-aralan ang doktrina ng kaharian at maghangadng karunungan mula sa pinakamabubuting aklat o iba pang mapagkukuhanan.Inihayag ng Panginoon ang kaayusan ng Paaralan ng mga Propeta, kabilang angparaan ng pagbati at ang ordenansa ng paghuhugas ng mga paa. Ang orihinal naPaaralan ng mga Propeta ay idinaraos sa tindahan ni Newel K. Whitney.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang isang doktrina o alituntunin mula salesson ngayon na mahalaga sa kanila at ipaliwanag kung bakit. Hikayatin ang mgaestudyante na kumilos ayon sa mga pahiwatig na natanggap nila.

LESSON 34

227

Page 248: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 35

Doktrina at mgaTipan 89–92Pambungad at TimelineMatapos magsimulang magpulong ang Paaralan ng mga Propeta noong unangmga buwan ng 1833, nagtanong si Propetang Joseph Smith sa Panginoon hinggil sapaggamit ng tabako ng mga maytaglay ng priesthood sa kanilang mga pulong.Noong Pebrero 27, 1833, bilang tugon sa tanong ni Joseph, ibinigay ng Panginoonang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 89. Sa paghahayag na ito, nanakilala bilang Word of Wisdom, nagbabala ang Panginoon sa paggamit ng mganakapipinsalang sangkap, naghikayat ng pagkain ng masusustansyang pagkain, atnangako ng mga pagpapala sa mga susunod.

Noong Marso 8, 1833, ibinigay ng Panginoon ang paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 90. Ang paghahayag na ito ay naglalaman ng mga tagubilinsa Panguluhan ng Mataas na Pagkasaserdote o High Priesthood at “isangpagpapatuloy na hakbang” sa pagtatatag ng Unang Panguluhan (D at T 90, sectionheading).

Habang ginagawa ang inspiradong pagsasalin ng Lumang Tipan, nagtanong angPropeta sa Panginoon kung dapat ba niyang isama ang Apocripa bilang bahagi ngkanyang pagsasalin ng Biblia. Noong Marso 9, 1833, sinagot ng Panginoon angtanong ni Joseph Smith sa pamamagitan ng paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 91 at sinabi sa kanya na hindi niya kailangang isalin ang Apocripa.

Noong Marso 15, 1833, natanggap ng Propeta ang paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 92, na nag-uutos kay Frederick G. Williams na magingaktibong miyembro ng Nagkakaisang Samahan o United Firm na itinatag upangpangasiwaan ang kapakanan at negosyo ng Simbahan.

Pebrero 2, 1833Natapos nang rebyuhin ni Joseph Smith ang pagsasalin niya ng Bagong Tipan.

Pebrero 27, 1833Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 89.

Marso 8, 1833Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 90.

Marso 9, 1833Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 91.

Marso 15, 1833Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 92.

Marso 18, 1833Sina Sidney Rigdon at Frederick G. Williams ay inorden bilang mga Pangulo(tagapayo) sa Panguluhan ng Mataas na Pagkasaserdote o High Priesthood.

228

Page 249: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 89:1–21Inihayag ng Panginoon ang Word of WisdomIsulat sa pisara ang Word of Wisdom.

• Naipaliwanag na ba ninyo sa isang tao kung bakit hindi kayo umiinom ng alak,tsaa, o kape o naninigarilyo? Ano ang sinabi ninyo? Ano ang tugon ng taongkausap ninyo?

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngpaghahayag na nasa Doktrina at mga Tipan 89, ipaliwanag na bilang pagsunod sautos ng Panginoon na magtatag ng Paaralan ng mga Propeta (tingnan sa D at T88:127), si Propetang Joseph Smith at ang iba pang mga elder ay nagpulong sa silidsa itaas ng tindahan ni Newel K. Whitney sa Kirtland, Ohio. (Kung maaari, ipakitaang larawan ng slid.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na talata:

“Tuwing umaga matapos mag-almusal, ang mga kalalakihan ay nagkikita-kita sa paaralanupang pakinggan ang mga turo ni Joseph Smith. … Ang unang bagay na ginawa nila, mataposmaupo, ay ‘magsindi ng kanilang kuwako [pipe] at habang nagtatabako, ay pinag-uusapan angmga dakilang bagay tungkol sa kaharian,’ sabi ni Brigham Young. Napakakapal ng usok nanagmumula sa tabako kaya’t halos hindi na makita ng kalalakihan si Joseph. Kapag tapos nasilang manabako, sila ay ‘ngunguya naman ng tabako sa isa o sa magkabilang pisngi, atpagkatapos ay idudura ito sa buong sahig’ [Brigham Young, di-inilathalang diskurso,Disyembre 2, 1867]. Sa ganitong maruming kapaligiran, sinikap ni Joseph Smith na ituro sakalalakihan kung paano sila at ang kanilang mga naturuan na maging banal, ‘walang-bahiddungis,’ at karapat-dapat sa harapan ng Diyos” (Jed Woodworth, “The Word of Wisdom,” sa

LESSON 35

229

Page 250: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Revelations in Context, inedit nina Matthew McBride at James Goldberg [2016], 183, ohistory.lds.org).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Brigham Young (1801–1877) tungkol sa reaksyon ng Propeta sa mgasitwasyong ito:

“Madalas na kapag pumapasok ang Propeta sa silid upang magbigay ng mga tagubilin aymakikita niya ang kanyang sarili sa gitna ng makapal na usok ng tabako. Ito, at ang mgareklamo ng kanyang asawa sa paglilinis ng napakaruming sahig [mula sa pagnguya ng tabako],ang nakapagpaisip sa Propeta tungkol sa bagay na ito, at siya ay nagtanong sa Panginoontungkol sa kinagawian ng mga Elder sa paggamit ng tabako, at ang pahayag na kilala bilangWord of Wisdom ang bunga ng kanyang pagtatanong” (Brigham Young, sa Mga Turo ng mgaPangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 306).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 89:1–3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at hanapin ang mga salita omga parirala na naglalarawan sa mga layunin ng Panginoon sa pagbibigay ngpaghahayag na ito.

• Ayon sa mga talata 2–3, bakit ibinigay ang paghahayag na ito?

Ituro ang pariralang “hindi sa pamamagitan ng kautusan o pamimilit” sa talata 2,at ipaliwanag na sa una ay hindi ibinigay ng Panginoon ang Word of Wisdom samga Banal bilang kautusan. Sa huli, matapos ang maraming taon ng pagsunod ngmga Banal sa mga alituntunin ng Word of Wisdom, nagsimula nang ituro ng mgapropeta ng Panginoon na ang Word of Wisdom ay isa na ngayong kautusan(tingnan sa manwal ng estudyante ang komentaryo para sa D at T 89:1–2).

Isulat sa pisara ang sumusunod na parirala: Isang Alituntunin na May Lakip naPangako. Sabihin sa mga estudyante na alamin ang alituntunin at pangakonginihayag ng Panginoon bilang bahagi ng Word of Wisdom habang patuloy nilangpinag-aaralan ang Doktrina at mga Tipan 89.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 89:4. Sabihinsa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang iba pang dahilan naibinigay ng Panginoon sa paghahayag ng Word of Wisdom.

• Ano ang mga halimbawa ng “masasama at mga pakana” sa mundo ngayon namaiiwasan natin sa pamamagitan ng pagsunod sa Word of Wisdom?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan89:5–9 at alamin ang mga nakapipinsalang sangkap na ibinabala ng Panginoon samga Banal na huwag gamitin.

• Anong mga sangkap ang ibinabala ng Panginoon sa mga Banal na huwaggamitin? (Kung kinakailangan, ipaliwanag na itinuro ng mga lider ng Simbahanna ang mga salitang “maiinit na inumin” ay tumutukoy sa tsaa at kape [tingnansa pagtuturo ni Hyrum Smith na iniulat sa “The Word of Wisdom,” Times andSeasons, Hunyo 1, 1842, 800, josephsmithpapers.org].)

LESSON 35

230

Page 251: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na hindi lahat ng nakapipinsalang sangkap na dapat nating iwasan aytinukoy sa paghahayag. Ang mga lider ng Simbahan ay nagbabala laban sapaggamit ng “anumang inumin, gamot, kemikal, o mapanganib na gawain naginagamit para makadama ng “kakaibang kasiyahan” o ng artipisyal na epekto namakapipinsala sa inyong katawan o isipan. Kabilang sa mga ito ang marijuana,bawal na gamot, mga gamot na inireseta o nabibili nang walang reseta na inaabusoang paggamit, at mga kemikal na ginagamit sa bahay” (Para sa Lakas ng mgaKabataan [2011], 26).

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan89:10–17 at alamin ang mga pagkain na ipinayo ng Panginoon na kainin natin.

• Anong mga pagkain ang ipinayo ng Panginoon na kainin natin?

• Ayon sa talata 11, ano ang dapat na maging saloobin natin kapag kinain natinang mga pagkaing ito?

Ipaalala sa mga estudyante na inilarawan ng Panginoon ang Word of Wisdombilang “isang alituntunin na may lakip na pangako” (D at T 89:3). Isulat sa pisaraang sumusunod na hindi kumpletong pangungusap: Kung susundin natin ang Wordof Wisdom at sisikaping sundin ang mga kautusan, pagpapalain tayo ng Panginoon ng …

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 89:18–21.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mgapagpapalang ipinangako sa pagsunod sa Word of Wisdom.

• Anong mga pagpapala ang ipinangako ng Panginoon sa mga taong sinusunodang Word of Wisdom?

Ipaalala sa mga estudyante na ang pangako na kalusugan sa talata 18 ay hindinangangahulugan na ang Word of Wisdom ay gamot para sa malubhang sakit omalubhang karamdaman. Sa halip, tumutulong ito sa mga tao na magkaroon ngpinakamabuting kalusugan at lakas na kayang matamo ng kanilang katawan.

• Paano nakatutulong sa atin ang pagsunod sa Word of Wisdom na magtamo ng“karunungan at malaking kayamanan ng kaalaman” (talata 19)? (Tulungan angmga estudyante na maunawaan na ang pagsunod sa Word of Wisdom aynagtutulot sa atin na makasama ang Espiritu Santo, na naghahayag ngkarunungan at kaalaman sa matatapat.)

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Boyd K. Packer (1924–2015) ngKorum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Nalaman ko … na ang pangunahing layunin ng Word of Wisdom ay maykinalaman sa paghahayag. …

“Kung ang isang taong ‘lango’ [sa mga nakapipinsalang sangkap] ay halos hindimarinig ang simpleng sinasabi sa kanya, paano pa siya makatutugon sa mgaespirituwal na pahiwatig na umaantig sa pinakasensitibo niyang damdamin?

“Kasing halaga man ng Word of Wisdom ang batas ng kalusugan, ito ay higit namahalaga sa inyo sa espirituwal kaysa sa pisikal” (Boyd K. Packer, “Prayers andAnswers,”Ensign, Nob. 1979, 20).

LESSON 35

231

Page 252: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa talata 21, anong tala sa banal na kasulatan ang tinutukoy ng pariralang “angmapangwasak na anghel ay lalampasan sila, gaya ng mga anak ni Israel, athindi sila papatayin”? (Ang pariralang ito ay tumutukoy sa nangyari sa mgaanak ni Israel na tumanggap ng proteksyon mula sa Diyos sa panahon ngunang Paskua sa Egipto [tingnan sa Exodo 12:21–28].)

Ipaliwanag na ang pangakong ito na proteksyon mula sa Diyos ay maaaringtumukoy sa espirituwal na kaligtasan gayon din sa pisikal na kaligtasan.

• Batay sa natutuhan ninyo mula sa Doktrina at mga Tipan 89, paano ninyokukumpletuhin ang pahayag sa pisara upang makabuo ng isang alituntunintungkol sa mga pagpapala ng pagsunod sa Word of Wisdom? (Matapossumagot ang mga estudyante, kumpletuhin ang pangungusap sa pisara tuladng sumusunod: Kung susundin natin ang Word of Wisdom at sisikapingsundin ang mga kautusan, pagpapalain tayo ng Panginoon ng kalusugan,karunungan, lakas at proteksyon.)

• Kailan ninyo natamo o ng isang taong kilala ninyo ang isa sa mga pagpapalangito? (Maaari ka ring magbahagi ng sarili mong karanasan.)

Ipaliwanag na matapos basahin ni Joseph Smith ang paghahayag na ito sa mgaelder sa Paaralan ng mga Propeta, itinapon nila ang kanilang mga kuwako safireplace, na nagpapakita na handa ang ilan sa mga Banal na sundin ang Word ofWisdom bagama’t hindi pa ito inilahad na isang kautusan ng mga lider ngSimbahan hanggang sa makalipas ang maraming taon kalaunan. Hikayatin angmga estudyante na magpasiya ngayon na sundin ang Word of Wisdom paramatanggap nila ang mga ipinangakong pagpapala ng Panginoon na kalusugan,karunungan, lakas at proteksyon.

Doktrina at mga Tipan 90:1–37Itinuro ng Panginoon sa Unang Panguluhan ang hinggil sa kanilang mga tungkulinat awtoridadSabihin sa mga estudyante na mahigit isang linggo lang ang nakalipas mataposmatanggap ng Propeta ang tungkol sa Word of Wisdom, siya ay nakatanggap ngpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 90. Upang matulungan ang mgaestudyante na mas maunawaan ang konteksto ng paghahayag na ito, ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang section heading.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 90:1–6. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alaminang itinuro ng Panginoon tungkol sa Unang Panguluhan. Bago magbasa ang mgaestudyante, sabihin sa kanila na tingnan ang kahulugan ng salitang orakulo (mgatalata 4–5) sa talata 4, footnote a.

• Ano ang itinuro ng Panginoon tungkol sa Unang Panguluhan sa mga talata 3at 6? (Ipaalala sa mga estudyante na ang pariralang “mga susi ng kaharian”[talata 2] ay tumutukoy sa kapangyarihan at awtoridad na pamahalaan atpangasiwaan ang kaharian ng Diyos sa lupa. Kung kinakailangan, ipaliwanagna mula sa talata 6 nalaman natin na hawak ng Unang Panguluhan ang mgasusing ito.)

LESSON 35

232

Page 253: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ayon sa talata 4, paano nauugnay ang mga susi ng kaharian sa mgapaghahayag na ibinibigay ng Diyos sa Simbahan? (Tumatanggap tayo ng mgapaghahayag mula sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta, namayhawak ng mga susi ng kaharian.)

• Batay sa itinuro ng Panginoon sa talata 5, ano ang mangyayari sa atin kunghindi natin pahahalagahan ang mga paghahayag na ibinigay ng Diyos sapamamagitan ng mga taong mayhawak ng mga susi ng kaharian? (Dapatmatukoy ng mga estudyante ang alituntuning tulad ng sumusunod: Kunghindi natin pahahalagahan ang mga paghahayag na ibinigay ng Diyos sapamamagitan ng Kanyang mga propeta, matitisod at madarapa tayo kapagang mga unos ng buhay ay humagupit sa atin.)

• Ano ang ilang paraan na hindi pinahahalagahan ng mga tao ang mgapaghahayag na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta?

• Ano ang maaari nating gawin para matiyak natin na pinahahalagahan natinang mga salita ng mga propeta?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 90:7–37 na ipinaliliwanag na iniutos ngPanginoon sa Unang Panguluhan na ihanda ang mga miyembro ng Paaralan ngmga Propeta sa pagtuturo ng ebanghelyo sa buong mundo at isaayos din angkanilang mga pamilya at ang mga gawain ng Simbahan. Pinayuhan din ngPanginoon ang iba’t ibang indibiduwal na lumakad nang matwid at maglingkod sakaharian ng Panginoon.

Doktrina at mga Tipan 91:1–6Iniutos ng Panginoon kay Joseph Smith na huwag isalin ang ApocripaKung mayroon, magpakita sa mga estudyante ng isang magasin, diyaryo, at cellphone, at tanungin sila kung paano nila malalaman na totoo ang binabasa onaririnig nila.

Habang pinag-aaralan ng mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 91, sabihinsa kanila na maghanap ng isang alituntunin na makatutulong sa kanila namalaman kung totoo ang binabasa at pinakikinggan nila.

Ipaliwanag na noong Marso 1833, si Joseph Smith ay abalang-abala sa inspiradongpagsasalin ng Lumang Tipan. Ang Biblia na ginamit niya sa pagsasalin aynaglalaman ng Lumang Tipan at Bagong Tipan pati na rin ng isang bahagi ng aklatna nasa pagitan ng mga tipan, na kilala bilang Apocripa. Ang Apocripa ay binubuong “Mga banal na aklat ng mga Judio na hindi ibinilang sa Bibliang Hebreo subalitpinanatili sa mga Biblia ng ilang simbahan [ng mga Kristiyano]. Malimit na angmga aklat na ito ay mahalaga sa pag-uugnay ng Luma at Bagong Tipan” (Gabay samga Banal na Kasulatan, “Apocripa,” scriptures.lds.org). Habang ginagawa niPropetang Joseph Smith ang pagsasalin ng Biblia, itinanong niya sa Panginoonkung dapat ba niyang isalin ang Apocripa.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan91:1–6, at alamin ang iniutos ng Panginoon hinggil sa Apocripa.

• Ano ang sinabi ng Panginoon tungkol sa Apocripa sa mga talata 1–3?

LESSON 35

233

Page 254: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ayon sa mga talata 4–6, paano malalaman ni Joseph Smith kung ano ang totoosa Apocripa?

• Paano tayo matutulungan ng payo sa mga talata 4–6 para malaman natin kungang binabasa at pinakikinggan natin ay totoo? (Matapos sumagot ang mgaestudyante, isulat ang sumusunod na alituntunin sa pisara: Matutulungan tayong Espiritu Santo na mahiwatigan ang katotohanan ng nabasa at narinignatin.)

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pangyayari na ipinaalam sa kanilang Espiritu Santo na totoo ang nabasa o narinig nila. Anyayahan ang ilangestudyante na ibahagi ang karanasan nila sa klase.

Doktrina at mga Tipan 92:1–2Si Frederick G. Williams ay tinawag na sumapi sa Nagkakaisang Samahan oUnited FirmIpaliwanag na noong 1832, ilang lider ng Simbahan ang tinawag na maging bahaging Nagkakaisang Samahan o United Firm, kung minsan ay tinatawag naNagkakaisang Orden o United Order, na itinatag upang pangasiwaan angkapakanan at negosyo ng Simbahan. (Ang organisasyong ito ay kakaiba saNagkakaisang Orden o United Order na kalaunan ay itinatag ni PangulongBrigham Young sa ilang komunidad sa Utah.) Sa paghahayag na ito, iniutos sa mgamiyembro ng Nagkakaisang Samahan o United Firm na tanggapin si Frederick G.Williams bilang miyembro nito.

Tapusin ang lesson sa pagtatanong sa mga estudyante kung anong mgakatotohanan o ideya mula sa lesson na ito ang pinakanapansin nila, at anyayahansilang ibahagi ang kanilang mga karanasan at patotoo hinggil sa mgakatotohanang ito. Hikayatin sila na ipamuhay ang kanilang natutuhan.

LESSON 35

234

Page 255: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 36

Doktrina at mga Tipan 93Pambungad at TimelineNoong May 6, 1833, natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 93. Sa paghahayag na ito, itinuro ng Tagapagligtas sa mgaBanal kung paano sumamba at “makarating sa Ama sa aking pangalan, … attumanggap ng kanyang kaganapan” (D at T 93:19). Itinuro din Niya kung paanotayo makatatanggap ng katotohanan at liwanag, inihayag ang walang hanggangkatangian ng lahat ng kalalakihan at kababaihan, at iniutos kay Propetang JosephSmith at sa iba pang mga lider ng Simbahan na “[isaayos]” ang kanilang mgatahanan (D at T 93:43–50).

Pebrero 2, 1833Natapos ni Joseph Smith ang kanyang pagsasalin ng Bagong Tipan.

Marso 8, 1833Nagpatuloy si Joseph Smith sa kanyang inspiradong pagsasalin ng Lumang Tipan.

Abril 1833Ang Paaralan ng mga Propeta sa Kirtland, Ohio, ay natapos sa tag-init.

Mayo 4, 1833Isang komite ang pinili upang mangalap ng pondo para sa pagtatayo ng gusali parasa Paaralan ng mga Propeta sa Kirtland, Ohio.

Mayo 6, 1833Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 93.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 93:1–20Itinuro ng Panginoon kung paano natin Siya makikilala at matatamo ang kaganapanng kaluwalhatianIdispley ang isang larawan ni Jesucristo.

• Ano ang kaibhan ng alam ang tungkol kay Jesucristo at kilala si Jesucristo? (Angmalaman ang tungkol kay Jesucristo ay kinapapalooban ng pag-alam ng mgakatotohanan tungkol sa Kanya. Ang makilala si Jesucristo ay kinapapalooban ngpagkakaroon ng personal na pakikipag-ugnayan sa Kanya sa pamamagitan ngpagtanggap ng patotoo tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng Espiritu Santo atsa pagsisikap na sundin ang Kanyang mga kautusan.)

• Bakit mahalagang malaman ang tungkol kay Jesucristo at makilala Siya? (Kungkinakailangan, ipaliwanag na hindi natin matatamo ang ating buong potensiyalbilang mga anak ng Diyos kung hindi natin nakikilala si Jesucristo at ang Amasa Langit [tingnan sa Juan 17:3].)

Sabihin sa mga estudyante na humanap ng mga katotohanan habangpinag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 93 na makatutulong sa kanila namalaman pa ang tungkol sa Tagapagligtas at makilala rin Siya.

235

Page 256: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 93:1. Sabihinsa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang itinuro ng Panginoontungkol sa pagtatamo ng kaalaman tungkol kay Jesucristo.

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa talata 1 tungkol sapagtatamo ng kaalaman tungkol kay Jesucristo? (Dapat matukoy ng mgaestudyante ang alituntuning tulad ng sumusunod: Kung tatalikuran natin angating mga kasalanan, lalapit kay Cristo, mananawagan sa Kanyangpangalan, susunod sa Kanyang tinig, at susunod sa Kanyang mgakautusan, makikita natin ang Kanyang mukha at malalamang Siya na nga.Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan ang alituntuning ito sakanilang banal na kasulatan.)

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang alituntuning ito,sabihin sa kanila na i-cross-reference ang talata 1 sa Doktrina at mga Tipan 88:68.Sabihin sa isang estudyante na basahin nang malakas ang Doktrina at mga Tipan88:68. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at maghanap ngkaragdagang impormasyon hinggil sa pangako ng Panginoon sa Doktrina at mgaTipan 93:1. (Dapat matuklasan ng mga estudyante na ang pangako na makikita angmukha ng Panginoon ay matutupad ayon sa “sariling panahon [ng Panginoon], atsa kanyang sariling pamamaraan” [D at T 88:68].)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 93:2–5.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin kung ano angmalalaman natin tungkol sa Tagapagligtas kung ipamumuhay natin ang alituntuninsa talata 1.

• Bakit mahalagang malaman natin na si Jesucristo ang “tunay na ilaw nanagbibigay-liwanag sa bawat tao” (talata 2)?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng Tagapagligtas nang sabihin Niya na“ibinigay [ng Ama sa Langit] ang kanyang kaganapan” (talata 4)? (Tulunganang mga estudyante na maunawaan na tinanggap ni Jesucristo ang lahat ngmayroon ang Ama, kabilang ang Kanyang kaluwalhatian, kapangyarihan,kaalaman, at kagalakan. Isa itong paraan kaya naging kaisa si Jesucristo ng Amasa Langit.)

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 93:6–18, inihayag ng Panginoon kayJoseph Smith ang isang bahagi ng patotoo ni Juan Bautista tungkol saTagapagligtas na itinala ni Apostol Juan.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan93:6–11, at alamin kung ano ang matututuhan natin tungkol sa Tagapagligtas mulasa itinala ni Juan. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 93:12–17. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alaminkung paano natanggap ni Jesucristo ang kaganapan ng kaluwalhatian ng Ama.

• Paano natanggap ni Jesucristo ang kaganapan ng kaluwalhatian ng Ama?(Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod nadoktrina: Si Jesucristo ay nagpatuloy nang biyaya sa biyaya hanggang satanggapin Niya ang kaganapan ng kaluwalhatian ng Ama.)

LESSON 36

236

Page 257: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa talata 13, ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng pariralang “hindi niyatinanggap ang kaganapan sa simula, subalit nagpatuloy nang biyaya sa biyaya”?

Kung kinakailangan, ipaliwanag na ang pariralang “[Siya ay] nagpatuloy nangbiyaya sa biyaya” ay nagpapahiwatig na natuto at umunlad ang Tagapagligtas nang“taludtod sa taludtod, [nang] tuntunin sa tuntunin” (2 Nephi 28:30). Ang salitangbiyaya ay tumutukoy sa “ibinibigay [na] dakilang tulong o lakas sa pamamagitan ngawa at pag-ibig ng Diyos” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Biyaya,”scriptures.lds.org). Araw-araw na humingi si Jesucristo ng biyaya, o banal na tulongat lakas ng Ama sa Langit, at nagtamo ng malaking kaalaman at kapangyarihanhanggang sa tanggapin Niya ang kaganapan ng kaluwalhatian.

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Joseph Fielding Smith(1876–1972), at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang ating Tagapagligtas ay isang Diyos bago siya isinilang sa mundong ito, atgayon pa rin siya nang siya ay pumarito. Diyos pa rin siyang tulad ng dati nangsiya ay isilang sa mundo. Ngunit pagdating sa buhay na ito kinailangan niyangmagsimula na tulad ng iba pang mga bata at magtamo ng kaalaman nangtaludtod sa taludtod. …

“… Walang dudang si Jesus ay naparito sa mundo at naranasan din ang mgasitwasyong kailangang pagdaanan ng bawat isa sa atin—nalimutan niya ang lahat, atkinailangan niyang umunlad nang biyaya sa biyaya” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan:Joseph Fielding Smith [2013], 354–56).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 93:19–20.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakit inihayagng Panginoon ang isang bahagi ng talaan ni Juan Bautista.

• Ayon sa talata 19, bakit inihayag ng Panginoon ang talaan ni Juan Bautista?

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Bruce R. McConkie (1915–1985) ngKorum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Ang perpektong pagsamba ay pagtulad. Iginagalang natin ang mga taong tinutularan natin”(Bruce R. McConkie, The Promised Messiah: The First Coming of Christ [1978], 568).

• Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito ni Elder McConkie at ng mga turo nanapag-aralan natin sa Doktrina at mga Tipan 93 kung paano natin dapatsambahin ang Ama sa Langit? (Tulungan ang mga estudyante na maunawaanna dapat nating sambahin ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagtulad sahalimbawa ni Jesucristo.)

• Ayon sa Doktrina at mga Tipan 93:20, ano ang ipinangako ng Panginoon samga taong tinutularan ang Kanyang halimbawa sa pamamagitan ng pagsunodsa Kanyang mga kautusan? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sapisara ang sumusunod na alituntunin: Kung susundin natin ang mgakautusan, tatanggap tayo nang biyaya sa biyaya hanggang sa matanggap

LESSON 36

237

Page 258: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

natin ang kaganapan ng kaluwalhatian ng Ama, tulad ng ginawa niJesucristo.)

• Sa inyong palagay, bakit mahalaga na malaman natin na tayo, tulad ngTagapagligtas, ay makatatanggap ng kaganapan ng kaluwalhatian ng Ama atmagiging katulad Niya kung susundin natin ang mga kautusan at tatanggap ngbiyaya sa biyaya?

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paano nilamaipamumuhay ang alituntuning nakasulat sa pisara, ipakita ang sumusunod napahayag ni Pangulong Lorenzo Snow (1814–1901), at ipabasa ito nang malakas saisang estudyante:

“Huwag [umasang] maging perpekto kaagad. Kung ganito ang iisipin ninyo,panghihinaan kayo ng loob. Maging mas mabuti ngayon kaysa kahapon, atmaging mas mabuti bukas kaysa ngayon. Huwag nating hayaang daigin pa tayobukas ng mga tuksong marahil ay dumaraig sa atin ngayon. Kaya’t patuloy nabumuti nang unti-unti bawat araw; at huwag hayaang lumipas ang buhay nangwala tayong nagagawang kabutihan sa iba gayundin sa ating sarili” (Mga Turo

ng mga Pangulo ng Simbahan: Lorenzo Snow [2012], 116).

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang espirituwal na pag-unlad na nagawanila sa nakalipas na ilang taon.

• Ano ang isang halimbawa kung paano kayo natuto at umunlad sa nakalipas nailang taon dahil sinunod ninyo ang mga kautusan? (Maaari ka ring magbahaging sarili mong karanasan.)

Magpatotoo na tulad ni Jesucristo na naging katulad ng Ama sa Langit sapamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan at nagpatuloy nang biyaya sa biyaya,makakaya rin nating gawin ito.

Hikayatin ang mga estudyante na magtakda ng isang mithiin hinggil sa kung anoang gagawin nila upang maging mas mabuti bukas kaysa ngayon upang matularannila ang Tagapagligtas at unti-unting maging katulad Niya at ng ating Amasa Langit.

Doktrina at mga Tipan 93:21–39Itinuro ng Panginoon kung paano tumanggap ng katotohanan at liwanagIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 93:21–23.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano anginihayag ng Tagapagligtas tungkol sa Kanyang sarili at sa atin sa buhay bago tayoisinilang sa mundong ito.

• Ano ang inihayag ng Tagapagligtas tungkol sa Kanyang sarili sa talata 21?

Ipaliwanag na dahil si Jesucristo ang Panganay sa lahat ng espiritung anak ng Amasa Langit at sinunod ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay, Siya ay “itinalaga natagapagmana” ng lahat ng mayroon ang Ama (Sa Mga Hebreo 1:2).

LESSON 36

238

Page 259: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa Doktrina at mga Tipan 93:22, ano ang sinabi ng Panginoon tungkol sa atingpotensyal?

Ipaliwanag na tayo ay isisinilang sa pamamagitan ni Jesucristo at nagiging kabahaging kaluwalhatian ng Ama kapag tayo ay espirituwal na isilang na muli at nalinismula sa kasalanan sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.Pagkatapos ay magiging bahagi tayo ng Simbahan ng Panganay. Sa ganitongparaan, tayo ay magiging “mga kasamang tagapagmana ni Cristo” (Mga TagaRoma 8:17) at matatanggap ang lahat ng mayroon ang Ama (tingnan sa D at T76:55).

• Bakit mahalagang malaman natin na tayo “rin sa simula ay kasama ng Ama”(D at T 93:23)?

Ipaliwanag na bagama’t namuhay tayo kasama ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sapremortal na buhay, tinuruan Nila tayo at maaari nating tanggapin o hinditanggapin ang katotohanan. Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimikang Doktrina at mga Tipan 93:24–28, at alamin ang itinuro ng Panginoon tungkolsa katotohanan.

• Ano ang matututuhan ninyo sa kahulugang ibinigay ng Panginoon sakatotohanan sa talata 24?

Ituro ang pariralang “na isang sinungaling mula pa sa simula” sa talata 25, atipaliwanag na ang pariralang ito ay tumutukoy kay Satanas. Tulad ng ginawa niyasa premortal na buhay, patuloy tayong hinahadlangan ni Satanas sa pagtanggap ngkatotohanan.

• Ano ang matututuhan natin tungkol kay Jesucristo sa talata 26?

• Ayon sa talata 28, ano ang mangyayari sa atin kung patuloy tayongtumatanggap ng katotohanan at liwanag sa pamamagitan ng pagsunod sa mgakautusan ng Panginoon? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sapisara ang sumusunod na alituntunin: Sa pagtanggap ng katotohanan atliwanag, maaari tayong maging katulad ni Jesucristo at ng Ama sa Langit.)

• Paano nauugnay ang alituntuning ito sa iba pang mga alituntunin na nakasulatsa pisara?

Ipaliwanag na noong kapiling natin ang Diyos bago tayo isilang, tayo ay maykalayaan—ang kakayahang pumili at kumilos para sa ating sarili. Ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 93:29–32. Sabihin sa klasena tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin kung paano nakaaapekto angkalayaan natin sa ating kakayahan na tumanggap ng liwanag at katotohanan.

• Ano ang ibubunga kung pipiliin nating huwag tumanggap ng liwanag?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 93:33–35 na ipinaliliwanag na itinuro ngPanginoon na makatatanggap lamang tayo ng ganap na kagalakan kapag ang atingkatawan at espiritu ay muling nagsama sa Pagkabuhay na Mag-uli.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 93:36–39.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mgakaragdagang katotohanan na itinuro ng Panginoon tungkol sa liwanag atkatotohanan.

LESSON 36

239

Page 260: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang natutuhan natin tungkol sa liwanag at katotohanan sa mga talata36–37?

• Anong alituntunin ang matututuhan natin sa talata 39 tungkol sa kung ano angmaaaring maging dahilan ng pagkawala sa atin ng liwanag at katotohanan?(Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod nakatotohanan: Dahil sa pagsuway at mga maling kaugalian, mawawala saatin ang liwanag at katotohanan.)

• Ano ang ilang halimbawa ng mga aktibidad o mga kaugalian ngayon namaaaring maging dahilan para mawala sa atin ang liwanag at katotohanan?

Magpatotoo na kapag ginagamit natin ang ating kalayaan para tumanggap ngliwanag at katotohanan, tayo ay magiging higit na katulad ni Jesucristo at ng Amasa Langit at kalaunan ay tatanggapin ang kaganapan ng kaluwalhatian ng Diyos atkadakilaan sa kahariang selestiyal. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kungano ang maaaring nakahahadlang sa kanilang mga pagsisikap na matanggap angliwanag at katotohanan. Hikayatin sila na magtakda ng mithiin na ihinto ang mgagawing ito upang patuloy silang makatanggap ng liwanag at katotohanan atmaging higit na katulad ni Jesucristo at ng Ama sa Langit.

Doktrina at mga Tipan 93:40–53Iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga tagapaglingkod na palakihin ang kanilangmga anak sa liwanag at katotohananIbuod ang Doktrina at mga Tipan 93:40–53 na ipinaliliwanag na iniutos ngPanginoon sa mga Banal na “palakihin ang [kanilang] mga anak sa liwanag atkatotohanan” [talata 40]. Pinagsabihan din ng Panginoon ang ilang lider ngSimbahan sa hindi paggawa nito.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 93:40–53. “Palakihin ang inyong mga anak sa liwanag at katotohanan”Sa halip na ibuod ang Doktrina at mga Tipan 93:40–53, maaari mong gamitin ang sumusunod na ideya sa pagtuturo:

Sabihin sa mga estudyante na maglista ng limang pinakamahalagang bagay na ituturo nila sa kanilang magiging mga anak. Sabihinsa ilang estudyante na ibahagi ang ilang bagay na nasa kanilang listahan.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 93:40. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa atalamin ang iniutos ng Panginoon na gawin ng mga magulang. Maaari mong pamarkahan sa mga estudyante ang nalaman nila.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan 93:41–50. Sabihin sa klase na tahimikna sumabay sa pagbasa at alamin kung bakit pinagsabihan ng Panginoon ang ilang lider ng Simbahan.

• Batay sa natutuhan natin ngayon sa pag-aaral natin ng Doktrina at mga Tipan 93, bakit mahalaga na “palakihin ang [ating]mga anak sa liwanag at katotohanan” (talata 40)?

• Bakit pinagsabihan ng Panginoon ang ilang lider ng Simbahan?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng mga pariralang “isasaayos mo ang iyong sambahayan” sa talata 43 at “maginghigit na masigasig at mapagmalasakit sa tahanan” sa talata 50?

• Anong katotohanan ang matututuhan natin mula sa mga talatang ito tungkol sa kung ano ang kinakailangan nating gawinupang ang “masama” (talata 49) ay hindi magkaroon ng kapangyarihan sa atin? (Matapos sumagot ang mga estudyante,

LESSON 36

240

Page 261: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na bagama’t ang katotohanang ito ay angkop sa mga estudyante kapag sila ay naging mga magulang na, angkop din itosa kanila sa kanilang sitwasyon ngayon bilang miyembro ng isang pamilya, may-asawa man o wala.

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung gaano nila kahusay na naipamumuhay sa kasalukuyan ang katotohanang ito sakanilang tahanan. Hikayatin sila na magtakda ng mithiin na tutulong sa kanila na maging mas masigasig at mapagmalasakit sakanilang tahanan.

isulat sa pisara ang sumusunod na katotohanan: Dapat tayong manalangin sa tuwina at maging masigasig atmapagmalasakit sa ating tahanan, kung hindi ang masama ay magkakaroon ng kapangyarihan sa atin.)

• Ano ang ilang paraan na maaari tayong maging mas espirituwal na masigasig at mapagmalasakit sa ating tahanan?

• Kailan kayo nakakita ng isang tao na sinusunod ang alituntuning ito? Anong mga pagpapala ang dumating sa kanyangpamilya dahil dito?

LESSON 36

241

Page 262: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 37

Doktrina at mgaTipan 94–97Pambungad at TimelineTulad ng nakatala sa Doktrina at mga Tipan 94, iniutos ng Panginoon sa mga Banalna magplano para sa lunsod ng Kirtland “alinsunod sa huwaran” na ibinigay Niyasa kanila (D at T 94:2). Iniutos din ng Panginoon sa mga Banal sa Kirtland namagtayo ng isang bahay para sa Panguluhan ng Simbahan at isang palimbagan.

Sa isang paghahayag na ibinigay noong Disyembre 27–28, 1832, iniutos ngPanginoon sa mga Banal na magtayo ng templo sa Kirtland, Ohio (tingnan saD at T 88:119). Makalipas ang mahigit limang buwan, hindi pa rin sinimulan ngmga lider at miyembro ng Simbahan ang pagtatayo ng templo. Noong Hunyo 1,1833, natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 95, kung saan matinding pinarusahan at pinagsabihan ngPanginoon ang mga Banal sa Kirtland dahil sa pagpapaliban ng pagtatayo ngtemplo. Nangako rin Siya na pagkakalooban Niya ng kapangyarihan ang mgaBanal sa templo at nagbigay ng mga tagubilin hinggil sa pagtatayo nito.

Noong Hunyo 4, 1833, nagpulong ang ilang high priest upang talakayin kungpaano gagamitin at pamamahalaan ang nabiling Peter French farm. Dahil hindimagkasundo, nagtanong sila sa Panginoon, at bilang tugon, natanggap niPropetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 96.Sa paghahayag na ito, binigyan ng Panginoon si Bishop Newel K. Whitney ngresponsibilidad na pamahalaan ang French farm, kasama rito ang lupain kung saanitatayo ang Kirtland Temple, at itinalaga si John Johnson bilang miyembro ngNagkakaisang Samahan o United Firm.

Noong tag-init ng 1833, bilang pagsunod sa mga utos ng Panginoon na nakatala saDoktrina at mga Tipan 88, ang mga lider ng Simbahan sa Missouri ay nagtatag ngisang paaralan na katulad ng sa Paaralan ng mga Propeta, na nasa Kirtland, Ohio.Sa mga unang araw ng Hulyo ang mga lider ng Simbahan na ito ay sumulat kayPropetang Joseph Smith na humihingi ng karagdagang payo hinggil sa paaralangito. Ang Panguluhan ng Simbahan ay nagpadala ng sagot noong Agosto 6, 1833,kasama ang mga paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 94; 97–98. Sapaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 97, iniutos ng Panginoon sa mgaBanal sa Missouri na “kaagad” magtayo ng templo sa Missouri (D at T 97:11) atinilarawan ang mga pagpapalang matatanggap nila sa paggawa nito. Nagbabala rinang Panginoon sa mga Banal na makararanas sila ng “matinding pagpapahirap”kapag hindi nila sinunod ang Kanyang mga kautusan (D at T 97:26).

Paalala: Itinama sa 2013 edition ng mga banal na kasulatan ang petsa na nagsasaadkung kailan natanggap ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 94.Tatalakayin sa lesson na ito ang mga bahagi 94–97 ayon sa kung kailan natanggap angmga ito (95, 96, 97, 94) sa halip na ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga ito sa Doktrinaat mga Tipan.

242

Page 263: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Disyembre 27–28, 1832Iniutos ng Panginoon sa mga Banal sa Kirtland, Ohio, na magtayo ng templo.

Abril 10, 1833Binili ng Simbahan ang 103 acres ng lupa sa Kirtland mula kay Peter French.

Hunyo 1, 1833Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 95.

Hunyo 4, 1833Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 96.

Hulyo 20, 1833Winasak ng mga mandurumog sa Independence, Missouri, ang palimbagan atbinuhusan ng alkitran at balahibo sina Bishop Edward Partridge at Charles Allen.

Hulyo 23, 1833Sa pagbabanta ng karahasan ng mga mandurumog, nilagdaan ng mga lider ngSimbahan sa Missouri ang kasunduan na lilisanin ng lahat ng Mormon ang JacksonCounty pagsapit ng Abril 1, 1834.

Agosto 2, 1833Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 97 at 94.

Agosto 6, 1833Ang Panguluhan ng Simbahan ay nagpadala ng sulat sa mga lider ng Simbahan saMissouri at isinama ang mga paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 94;97–98.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 95:1–17Pinarusahan at pinagsabihan ng Panginoon ang mga Banal dahil sa pagpapalibanng pagtatayo ng temploSabihin sa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon na iniwasto sila ngisang tao.

• Ano ang gagawin ninyo kapag iniwasto kayo ng ibang tao?

• Ano ang ilang dahilan kung bakit dapat nating hangaring iwasto angating buhay?

Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng isang alituntunin habangpinag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 95 na tutulong sa kanila namaunawaan kung bakit dapat nating hingin ang pagwawasto ng Diyos.

Isulat sa pisara ang Disyembre 27–28, 1832. Ipaalala sa mga estudyante na sa mgapetsang ito natanggap ni Propetang Joseph Smith ang isang paghahayag kung saaniniutos ng Panginoon sa mga Banal na magtayo ng “isang bahay ng Diyos” (D at T88:119), o isang templo.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang section heading ngDoktrina at mga Tipan 95, at alamin ang petsa kung kailan ibinigay angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 95. Sabihin sa kanila nakalkulahin kung gaano katagal ang pagitan ng dalawang paghahayag na ito.

LESSON 37

243

Page 264: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na sa panahong ito, ang mga lider ng Simbahan ay nakabili ng lupainpara sa templo at bumuo ng komite para sa pagtatayo ng templo. Gayunman,pagsapit ng Hunyo 1, 1833, hindi pa rin sinimulan ng mga Banal ang pagtatayo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 95:1–3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon tungkol sa pagpapaliban ng mga Banal sa pagtatayo ng templo.

• Ayon sa talata 2, ano ang sinabi ng Panginoon na kailangang mangyari dahilipinagpaliban ng mga Banal ang pagtatayo ng templo? (Matapos sumagot angmga estudyante, ipaliwanag na ang kahulugan ng parusahan ay disiplinahin oiwasto.)

• Anong doktrina ang matutukoy natin mula sa talata 1 tungkol sa kung bakitpinarurusahan ng Panginoon ang mga taong minamahal Niya? (Tulungan angmga estudyante na matukoy ang sumusunod na doktrina: Pinarurusahan ngPanginoon ang mga minamahal Niya upang sila ay mapatawad sakanilang mga kaslaanan.)

• Sa inyong palagay, paano nagpapakita ang pagpaparusa ng Panginoon ngKanyang pagmamahal sa atin?

Ipaliwanag na kapag pinarurusahan o pinagsasabihan tayo ng Panginoon maaarinating piliing tanggapin o hindi tanggapin ang pagwawastong iyon. Magpatotoona kung pipiliin nating tanggapin ang pagwawastong iyon sa pamamagitan ngpagsisisi, patatawarin tayo ng Panginoon at maghahanda Siya ng daan para saating “ikaliligtas sa lahat ng bagay” (D at T 95:1).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 95:4–9.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga dahilankung bakit iniutos ng Panginoon sa mga Banal na magtayo ng templo sa Kirtland.

• Ano ang ilang dahilan kung bakit iniutos ng Panginoon sa mga Banal namagtayo ng templo? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisaraang sumusunod na doktrina: Sa mga templo, inihahanda ng Panginoon angKanyang mga tagapaglingkod upang magawa ang Kanyang gawain atmapagkalooban sila ng kapangyarihan.)

Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng magkaloob ay bigyan ang isang tao ng isangkaloob. Sa mga talatang ito, ipinangako ng Panginoon sa mga Banal na Siya aymagkakaloob, o magbibigay sa kanila sa templo ng kaloob na espirituwal nakapangyarihan. Ang pangako ring ito ay ibibigay sa lahat ng karapat-dapat na mgaBanal ngayon kapag pumasok sila sa mga sagradong tipan sa Panginoon saKanyang mga banal na templo.

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang pagkakaloob ngespirituwal na kapangyarihan na matatanggap natin sa templo, ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder M. RussellBallard ng Korum ng Labindalawang Apostol:

LESSON 37

244

Page 265: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“Kapag ang kalalakihan at kababaihan ay pumunta sa templo, kapwa silapinagkakalooban ng kapangyarihan. …

“… Lahat ng gumawa ng sagradong mga tipan sa Panginoon at tumutupad samga tipang iyon ay may karapatang makatanggap ng personal na paghahayag,mapaglingkuran ng mga anghel, makipag-ugnayan sa Diyos, makatanggap ngkabuuan ng ebanghelyo, at, sa huli, maging mga tagapagmana na kasama ni

Jesucristo sa lahat ng mayroon ang Ama” (M. Russell Ballard, “Kalalakihan at Kababaihan atKapangyarihan ng Priesthood,”Liahona, Set. 2014, 32).

Ipaliwanag na ang pagtatayo ng Kirtland Temple ay isang napakalaking gawainpara sa mga Banal. Sa mga unang buwan ng 1833, kakaunti ang mga miyembro ngSimbahan sa Ohio, at karamihan sa kanila ay napakahirap.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 95:11–12.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ipinangako ngPanginoon sa mga Banal kung susundin nila ang Kanyang mga kautusan. Sabihinsa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Anong alituntunin ang matututuhan natin sa talata 11? (Dapat matukoy ngmga estudyante ang alituntuning tulad ng sumusunod: Kung susundin natinang mga kautusan, tayo ay magkakaroon ng kakayahan na magawa anginiuutos ng Panginoon sa atin.)

• Ano ang ilang sitwasyon na maaari ninyong maranasan kung saan magagamitninyo ang alituntuning ito?

• Kailan ninyo nadama na natanggap ninyo ang tulong ng Panginoon sa paggawang isang mahirap na bagay dahil sinunod ninyo ang mga kautusan?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 95:13–17 na ipinaliliwanag na nagbigay angPanginoon ng mga instruksyon hinggil sa sukat at gamit ng mga partikular na silidsa Kirtland Temple.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 95:14.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang isang paraan natutuparin ng Panginoon ang Kanyang ipinangako na bibigyan ang mga Banal ngkakayahan na maitayo ang templo. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnalaman nila. (Maaari mong ipaliwanag na ang tatlong tao na itinalaga ay sinaJoseph Smith, Sidney Rigdon, at Frederick G. Williams, na Panguluhan ng HighPriesthood, o Unang Panguluhan.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano natupad angpangakong ito, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunodna talata:

Sina Joseph Smith, Sidney Rigdon, at Frederick G. Williams ay magkasamang nanalangin atnakita ang templo sa pangitain. Kalaunan ay ginunita ni Frederick G. Williams na matapos nilangmakita nang detalyado ang panlabas na hitsura ng templo, “parang lumapit ang gusali samismong harapan [nila]” at nakita nila ang hitsura ng loob ng templo na parang naroon silamismo sa loob nito (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 317).

LESSON 37

245

Page 266: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 96:1–9Ang bishop ay itinalaga upang pangasiwaan ang lahat ng ari-arian ng SimbahanIpaalam sa mga estudyante na noong Abril 10, 1833, binili ng mga lider ngSimbahan ang sakahan ni Peter French sa Kirtland, Ohio. Sa isang pagpupulong ngmga high priest noong Hunyo 4, 1833, hindi magkasundo ang kapulungan kungpaano gagamitin o pamamahalaan ang sakahang ito. Nagkasundo ang mgamiyembro ng kapulungan na magtanong sa Panginoon, at dahil dito natanggap niJoseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 96. Sapaghahayag na ito, itinalaga ng Panginoon si Bishop Newel K. Whitney napamahalaan ang sakahan, inihayag na ang templo ay dapat itayo sa isang bahaging lupain, at itinalaga si John Johnson bilang miyembro ng Nagkakaisang Samahano United Firm.

Doktrina at mga Tipan 97:1–28Binigyang-diin din ng Panginoon ang Kanyang kagustuhang magtayo ng templo angmga Banal sa MissouriKung maaari, magpakita ng isang larawan ng templo na nasa malayong lugar mulasa tinitirhan ng iyong mga estudyante.

• Sa inyong palagay, bakit nais ng Panginoon na makapunta ang Kanyang mgakarapat-dapat na anak sa Kanyang mga templo?

Sabihin sa mga estudyante na hindi lamang nais ng Panginoon na magtayo ngisang templo sa Kirtland, Ohio, ngunit nais din Niyang magtayo ang mga Banal ngisang templo sa Sion, o Independence, Missouri. Sabihin sa mga estudyante namaghanap ng doktrina habang pinag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 97 natutulong sa kanila na mas maunawaan kung bakit iniutos ng Panginoon saKanyang mga tao na magtayo ng mga templo at sambahin Siya sa mga templo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 97, at sabihin sa klase na pansinin kung kailan ibinigay ang paghahayag naito at anong mahalagang pangyayari ang naganap kamakailan sa Missouri.

• Mahigit isang linggo bago ibinigay ang paghahayag na ito, ano ang nangyari samga Banal? (Sabihin sa mga estudyante na ang balita tungkol sa pwersahangkasunduan na lilisanin ng mga Banal ang Jackson County ay hindi panakarating kay Propetang Joseph Smith nang ibigay ang paghahayag na ito.)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 97:1–9 na ipinaliliwanag na sinabi ng Panginoonsa mga Banal na nalulugod Siya na nagtatag sila ng isang paaralan ng mga elder saSion, na iniutos Niya noon sa kanila (tingnan sa D at T 88). Nalugod din angPanginoon kay Parley P. Pratt, na namumuno sa paaralan.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng mgatagubilin ng Panginoon sa Doktrina at mga Tipan 97:10–14, ipaliwanag na angPropeta at kanyang mga tagapayo ay nagpadala na noon pa ng liham sa mga Banalsa Missouri, na nag-uutos sa kanila na kaagad simulan ang pagtatayo ng templo saIndependence, Missouri. Ang liham ay naglalaman din ng mga tagubilin at mgadrowing na nagdedetalye kung ano ang dapat na hitsura ng loob ng templo.

LESSON 37

246

Page 267: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 97:10–14.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga dahilankung bakit nais ng Panginoon na magtayo ng templo sa Sion ang mga Banal.

• Ano ang ilang dahilan kung bakit iniutos ng Panginoon sa mga Banal namagtayo ng templo sa Sion?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 97:15–21. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang mga pagpapalang ipinangako ng Panginoon sa mga Banal kung magtatayo silang templo.

• Anong mga pagpapala ang ipinangako ng Panginoon sa mga Banal kungmagtatayo sila ng templo?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “may dalisay na puso” (mgatalata 16, 21)?

• Anong doktrina ang matututuhan natin mula sa talata 16 tungkol samararanasan ng mga tao na may dalisay na puso sa loob ng templo? (Dapatmatukoy ng mga estudyante ang doktrina na tulad ng sumusunod: Sa templo,ipakikita ng Diyos ang Kanyang sarili sa mga tao na may dalisay na puso.)

• Ano ang ilang paraan na ipakikita ng Diyos ang Kanyang sarili sa templo?

• Paano kayo napagpala sa pagpasok ninyo sa templo nang karapat-dapat?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 97:22–28 na ipinaliliwanag na sinabi ngPanginoon sa mga Banal na parurusahan Niya ang masasama at na ang Sion aymakatatakas at mapagpapala kung susunod ang mga Banal sa Kanyang salita.Gayunpaman, kung hindi nila gagawin ang iniutos ng Diyos, daranas ang mgamiyembro ng Simbahan ng “matinding pagpapahirap” (talata 26).

Doktrina at mga Tipan 94:1–17Nagbigay ang Panginoon ng mga tagubilin para sa pagtatayo ng mga gusali ngSimbahan at pinagtibay ang pangangailangang magtayo ng temploIbuod ang Doktrina at mga Tipan 94 na ipinaliliwanag na iniutos ng Panginoon samga Banal na isaayos ang lunsod ng Kirtland “alinsunod sa huwarang” ibinigayNiya sa kanila. Bukod sa utos sa mga Banal na magtayo ng templo, iniutos din ngPanginoon sa kanila na magtayo ng isang bahay para sa Panguluhan ng Simbahanat ng isang palimbagan.

Patotohanan ang kapangyarihan at mga pagpapala na matatamo natin sa bahay ngPanginoon. Sabihin sa mga estudyante na mapanalanging pag-isipan kung ano angmaaari nilang gawin para mapadalisay ang kanilang sarili at makapunta sa templonang regular upang matanggap nila ang mga dakilang pagpapala na ipinangako ngPanginoon.

LESSON 37

247

Page 268: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 38

Doktrina at mgaTipan 98–100Pambungad at TimelineNoong 1833, ang lumalaking populasyon ng mga Banal sa mga Huling Araw saJackson County, Missouri, ay naging malaking problema sa mga orihinal nananinirahan sa lugar na ito dahil sa malaking pagkakaiba ng dalawang grupong itosa kultura, pulitika, at relihiyon. Noong Hulyo 20, 1833, isang grupo ng mgamamamayan ng Missouri ang humiling na lisanin ng mga Banal sa mga HulingAraw ang Jackson County. Bago lubos na makatugon ang mga Banal, winasak ngmga mandurumog ang palimbagan ng Simbahan at binuhusan ng alkitran atbalahibo sina Bishop Edward Partridge at Charles Allen. Makalipas ang tatlongaraw, isang malaking grupo ng mga mandurumog ang nagbanta pa ng karahasan,at napilitan ang mga lider ng Simbahan na lumagda sa isang kasunduan nalilisanin ng lahat ng Mormon ang Jackson County bago sumapit ang Abril 1, 1834.Noong Agosto 6, 1833, sa Kirtland, Ohio, natanggap ni Propetang Joseph Smithang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 98, kung saan itinuro ngPanginoon sa mga Banal kung paano haharapin ang pag-uusig. Pinayuhan din ngPanginoon ang mga Banal na sundin ang “saligang batas ng lupain” (D at T 98:6) atnagbabala sa kanila na tuparin ang kanilang mga tipan.

Si John Murdock ay sumapi sa Simbahan nang dumating ang mga unangmissionary sa Kirtland, Ohio, mula sa New York, noong Nobyembre 1830. Agadsiyang nagsimulang mangaral ng ebanghelyo. Noong Hunyo 1832, bumalik siyamula sa pagmimisyon sa mga lugar sa midwestern United States. Sa isangpaghahayag na ibinigay kay Propetang Joseph Smith noong Agosto 29, 1832, nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 99, tinawag ng Panginoon si John Murdock napatuloy na maglingkod bilang missionary.

Noong Oktubre 1833, umalis sina Propetang Joseph Smith at Sidney Rigdon parasa isang maikling misyon sa Upper Canada. Noong Oktubre 12, 1833, tumigil silasa Perrysburg, New York, at natanggap ng Propeta ang paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 100. Tiniyak ng Panginoon sa Propeta at kay Sidney Rigdonna magiging maayos ang kanilang pamilya sa Ohio. Pinanatag din sila ngPanginoon hinggil sa mga Banal sa Missouri, na dumaranas ng pag-uusig.

Paalala: Ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 99 ay hindi nakaayonsa pagkakasunud-sunod ng iba pang mga bahagi sa Doktrina at mga Tipan dahilnagkamali sa paglalagay ng petsa sa paghahayag nang ilimbag ang 1876 edition ng aklat.Iwinasto ang pagkakamaling iyan sa paglilimbag noong 1981, ngunit ang pagkakalagayng paghahayag sa Doktrina at mga Tipan 99 ay hindi na inalis dito upang angpagbanggit sa section number sa iba pang mga lathalain ay manatiling tama. (Tingnan saDennis A. Wright, “Historical context and overview of Doctrine and Covenants 99,” saDennis L. Largey at Larry E. Dahl, eds., Doctrine and Covenants ReferenceCompanion [2012], 805). Tatalakayin sa lesson na ito ang mga bahagi 98–100 ayon sapagkakasunud-sunod ng mga ito sa Doktrina at mga Tipan.

248

Page 269: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Hunyo 1832Bumalik si John Murdock mula sa pagmimisyon sa mga lugar sa midwesternUnited States.

Agosto 29, 1832Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 99.

Hulyo 20, 1833Winasak ng mga mandurumog sa Jackson County, Missouri, ang palimbagan ngSimbahan sa Independence at binuhusan ng alkitran at balahibo sina BishopEdward Partridge at Charles Allen.

Hulyo 23, 1833Sa pagbabanta ng karahasan ng mga mandurumog, nilagdaan ng mga lider ngSimbahan sa Missouri ang kasunduan na lilisanin ng lahat ng Mormon ang JacksonCounty pagsapit ng Abril 1, 1834.

Agosto 6, 1833Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 98.

Agosto 9, 1833Dumating si Oliver Cowdery sa Kirtland, Ohio, na may dalang balita tungkol sakarahasan ng mga mandurumog sa mga Banal sa Missouri.

Oktubre 5, 1833Umalis sina Joseph Smith at Sidney Rigdon sa Kirtland, Ohio, upang ipangaral angebanghelyo sa New York at sa Mount Pleasant, Upper Canada (ngayon ay Ontario).

Oktubre 12, 1833Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 100.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 98:1–22Pinanatag ng Panginoon ang mga Banal at pinayuhan sila na sundin ang batas nglupain at tuparin ang kanilang mga tipanSabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon nang sila, o isangtaong kilala nila, ay tinrato nang hindi maganda at isipin kung ano ang ginawa nila,o ng taong ito.

Sabihin sa mga estudyante na humanap ng doktrina at mga alituntunin sapag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan 98 na tutulong sa kanila na maunawaankung ano ang inaasahan ng Diyos na gagawin natin kapag nadama nating tinratotayo nang hindi maganda.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng mgasumusunod na talata. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ano anggagawin nila kung isa sila sa mga Banal na iyon sa Jackson County, Missouri.

Noong Hulyo 20, 1833, “apat o limang daang galit [na taga Missouri] ang nagpulong sabahay-hukuman ng Independence. Sila ay … pumili ng isang komite na gagawa ng dokumentona nagsasaad ng mga kahilingan nila sa mga Mormon. …

LESSON 38

249

Page 270: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“… Gumawa ang komite ng pahayag na walang Banal sa mga Huling Araw ang papayaganglumipat o manirahan sa Jackson County, at yaong naninirahan na dito ay kailangang mangakona aalis sa lalong madaling panahon. … Ang mga kapatid, na nabigla sa kahilingang ito … , ayhumingi ng tatlong buwang palugit para pag-isipan ang kahilingan at para sumangguni sa mgalider ng Simbahan sa Ohio. Hindi sila pinagbigyan sa hiniling nilang palugit. Humingi sila ngsampung araw, ngunit labinlimang minuto lamang ang ibinigay sa kanila ng komite.

“Ang mga taga Missouri na nasa pulong ay kaagad naging mararahas at nagpasiyang wasakinang palimbagan at ang makina sa pag-imprenta ng [Simbahan]. Sinira [nila] ang makina sapag-imprenta, ikinalat ang type, at sinira ang halos lahat ng nakalimbag, kabilang angkaramihan sa hiwa-hiwalay pang papel ng Aklat ng mga Kautusan [Book of Commandments].Kaagad nilang nagiba ang dalawang palapag na palimbagan. …”

Pagkatapos ay binuhusan ng alkitran at balahibo ng mga mandurumog sina Bishop EdwardPartridge at Charles Allen sa harapan ng bahay-hukuman. Makalipas ang tatlong araw, isangarmadong grupo ng mga mandurumog ang “sumunog ng mga bangan at bukirin at winasak angilang tahanan, kamalig, at negosyo. Sa huli, nakaharap ng mga mandurumog ang anim na liderng Simbahan, na, dahil nakitang nanganganib ang mga ari-arian at buhay ng mga Banal, aynagsabing buhay na lang nila ang kunin na kabayaran. …

“Hindi sila pumayag, sa halip ay nagbanta ang mga lider ng mga mandurumog na lahat ng mgalalaki, babae, at bata ay lalatiguhin maliban kung sumang-ayon sila na lisanin ang county.Napilitan ang mga kapatid na lagdaan ang kasunduan na lisanin ang county” (Church History inthe Fulness of Times Student Manual [Church Educational System manual, Ika-2 ed., 2003],132–34).

• Kung isa kayo sa mga Banal sa Missouri, paano kayo tutugon sa mgamandurumog?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang section heading ngDoktrina at mga Tipan 98, at hanapin ang katibayan na nalalaman ng Panginoonang paghihirap ng mga Banal sa Missouri.

• Anong katibayan ang nakita ninyo na inaalala ng Panginoon ang mgapaghihirap ng mga Banal sa Missouri?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 98:1–3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ipinayo ngPanginoon sa mga Banal.

• Sa inyong palagay, anong payo ang makapagbibigay ng kapanatagan atkaaliwan sa mga Banal sa Missouri? Bakit?

• Anong payo ang sa palagay ninyo ay mahirap sundin?

• Batay sa ipinangako ng Panginoon sa mga Banal sa mga talata 1–2, anongalituntunin ang matutukoy natin tungkol sa mga ibubunga ng pagpapasalamatsa lahat ng bagay at matiyagang paghihintay sa Panginoon? (Matapos sumagotang mga estudyante, isulat ang sumusunod na alituntunin sa pisara: Kung tayoay magpapasalamat sa lahat ng bagay at matiyagang maghihintay saPanginoon, ang ating mga paghihirap ay magkakalakip na gagawa para saating ikabubuti.)

• Ano sa palagay ninyo ang kahulugan ng matiyagang maghintay sa Panginoon?

LESSON 38

250

Page 271: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa anong mga paraan magkakalakip na gagawa para sa ating ikabubuti angating mga paghihirap kapag nagpapasalamat tayo sa lahat ng bagay atmatiyagang naghihintay sa Panginoon?

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang tao na kilala nila nanagpapasalamat sa lahat ng bagay at matiyagang naghihintay sa Panginoon sapanahon ng mga pagsubok at hamon sa kanya. Sabihin sa ilang estudyante naibahagi ang mga halimbawang ito sa klase. (Paalalahanan ang mga estudyante nahuwag magbahagi ng anumang napakapersonal o napakapribadong bagay.)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 98:4−10 na ipinapaliwanag na pinayuhan ngPanginoon ang mga Banal na sundin ang Kanyang mga kautusan at“[ma]kipagkaibigan,” o sundin ang “batas na yaon na siyang saligang-batas nglupain” (talata 6). Sinabi rin Niya sa mga Banal na hanapin at suportahan ang mgalider ng pamahalaan na “matatapat,” “mabubuti,” at “marurunong” (talata 10).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 98:11–15.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano anginiutos ng Panginoon na gawin ng mga Banal.

• Ano ang iniutos ng Panginoon na gawin ng mga Banal?

Ituro ang pariralang “Akin kayong susubukin at susukatin magmula ngayon” satalata 12.

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “kayo [ay] susubukin at susukatinmagmula ngayon”? (Susubukin ng Panginoon ang katapatan ng mga Banal.)

• Bakit maaaring mahalaga para sa mga Banal sa Missouri na maunawaan na angmga pagsubok na naranasan nila ay nilayong “[subukin sila] sa lahat ng bagay,kung [sila] ay mananatiling tapat sa tipan [ng Panginoon]” (talata 14)?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 98:16–22 na ipinaliliwanag na sinabi ngPanginoon sa mga Banal na “talikuran ang digmaan at ipahayag ang kapayapaan”(talata 16). Pinagsabihan Niya ang mga Banal sa Kirtland, Ohio, at iniutos sa kanilana magsisi at tuparin ang kanilang mga tipan.

Doktrina at mga Tipan 98:23–48Itinuro ng Panginoon sa mga Banal kung paano harapin ang pag-uusig sa kanila atipinaliwanag kung kailan makatwiran ang pakikidigmaIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 98:23–27.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ipinayo ngPanginoon na gawin ng mga Banal kapag ginawan sila nang masama ng ibang tao.

• Ano ang ipinayo ng Panginoon na gawin ng mga Banal kapag sila ay nilaito inusig?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa mga pangako ng Panginoon sa mgataong tinitiis ang kanilang mga paghihirap nang hindi naghihiganti? (Tulunganang mga estudyante na matukoy ang sumusunod na alituntunin: Kung titiisinnatin ang mga pang-uusig sa atin nang hindi naghihiganti,gagantimpalaan tayo ng Panginoon.)

LESSON 38

251

Page 272: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong James E. Faust (1920–2007) ngUnang Panguluhan, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante.

“Huwag nating hangaring maghiganti, sa halip hayaan nating manaig angkatarungan, at magparaya. Hindi madaling magparaya at alisin sa ating pusoang galit. [Nagkaloob] ang Tagapagligtas ng mahalagang kapayapaan sa atinglahat sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, ngunit dumarating lamangito kapag handa tayong iwaksi sa ating damdamin ang galit, pagkayamot, opaghihiganti” (James E. Faust, “Ang Nakapagpapahilom na Kapangyarihan ng

Pagpapatawad,”Ensign o Liahona, Mayo 2007, 69).

• Ano ang magagawa natin para matiis ang mga pang-uusig sa atin at huwagmaghangad na maghiganti?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 98:28–48 na ipinaliliwanag na inilahad ngPanginoon ang mga sitwasyon na makatwiran ang makidigma. Iniutos din Niya samga Banal na patawarin ang kanilang mga kaaway.

Doktrina at mga Tipan 99:1–8Tinawag ng Panginoon si John Murdock upang ipahayag ang ebanghelyoIbuod ang Doktrina at mga Tipan 99 na ipinaliliwanag na si John Murdock aytinawag na magmisyon sa silangang Estados Unidos. Sa kabila ng mga pagsubok atpaghihirap na nararanasan niya, tinanggap ni John Murdock ang tawag namagmisyon at sinunod ang payo ng Panginoon na maglaan para sa kanyangpamilya bago siya umalis.

Doktrina at mga Tipan 100:1–17Pinanatag at tinagubilinan ng Panginoon sina Joseph Smith at Sidney Rigdon• Ano sa palagay ninyo ang inaalala ng mga missionary kapag nagsimula na sila

sa kanilang pagmimisyon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pinagmulangimpormasyon para sa Doktrina at mga Tipan 100:

Isang convert na nagngangalang Freeman Nickerson ang naglakbay patungo sa Kirtland, Ohio,noong Setyembre 1833 at hiniling sa Propeta na sumama sa kanya sa New York at Canada paraipangaral ang ebanghelyo sa kanyang pamilya. Pumayag sina Joseph Smith at Sidney Rigdon, atumalis sila sa Kirtland noong Oktubre 5, 1833. Sila ay nangaral ng ebanghelyo habangnaglalakbay sila papuntang New York, at nang makarating sila sa tahanan ni Brother Nickersonsa Perrysburg, New York, natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 100 (tingnan sa Eric Smith, “A Mission to Canada” sa Revelations in Context, ineditnina Matthew McBride at James Goldberg [2016], 202–4, o history.lds.org).

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang section heading ngDoktrina at mga Tipan 100, at alamin ang inalala nina Joseph Smith atSidney Rigdon.

LESSON 38

252

Page 273: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 100:1–4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon kina Propetang Joseph Smith at Sidney Rigdon.

• Ano ang ipinangako ng Panginoon kina Joseph Smith at Sidney Rigdon hinggilsa kanilang pamilya?

• Ayon sa mga talata 3–4, bakit ipinadala ng Panginoon sina Propetang JosephSmith at Sidney Rigdon sa misyong ito sa New York at Canada?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 100:5–8.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon kina Joseph Smith at Sidney Rigdon na gawin bilang mga missionary.

• Ano ang inutos ng Panginoon na gawin nila?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin mula sa pangakong ibinigay ngPanginoon kina Joseph Smith at Sidney Rigdon sa mga talata 5–6? (Tulunganang mga estudyante na matukoy ang sumusunod na alituntunin: Kapaghinangad nating ibahagi ang ebanghelyo sa iba, tutulungan tayo ngPanginoon na malaman kung ano ang sasabihin natin.)

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa pangako ng Panginoon samga talata 7–8? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod naalituntunin: Kapag nagbabahagi tayo ng ebanghelyo nang taimtim sa pusoat nang may pagpapakumbaba, ang Espiritu Santo ay magpapatotoo sasasabihin natin.)

• Kailan ninyo nakamtan ang isa o ang dalawang pangakong ito nang magbahagikayo ng ebanghelyo sa iba?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 100:9–17 na ipinapaliwanag na hinirang ngPanginoon si Joseph Smith na maging “tagapaghayag” at si Sidney Rigdon namaging “tagapagsalita” sa Propeta (mga talata 9–11). Nangako ang Panginoon saPropeta ng “kapangyarihan na maging makapangyarihan sa patotoo … [at] sapagpapaliwanag ng lahat ng banal na kasulatan” (mga talata 10–11). Nangako rinSiya na “ang Sion ay tutubusin” (talata 13) at ipinahayag na Siya ay “magbabangon… ng mga dalisay na tao, na maglilingkod sa [Kanya] sa kabutihan” (talata 16).

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo tungkol sa mga katotohanang itinuro sa lessonna ito, at anyayahan ang mga estudyante na ipamuhay ang natutuhan nila.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 99:1–8. Tinawag ng Panginoon si John Murdock upang ipahayag angebanghelyoAno ang ilang sakripisyo na handang gawin ng mga kabataang lalaki at babae para makapagmisyon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na impormayon tungkol sa isang miyembro ng Simbahan nanagngangalang John Murdock:

“Inalam at siniyasat ni John Murdock ang maraming simbahan at nagpasiyang lahat ng relihiyon ay malayo sa Diyos. Gayunman,noong mga huling buwan ng 1830, binasa niya ang Aklat ni Mormon at nadama ang pagpapatotoo ng Espiritu Santo sa katotohanan

LESSON 38

253

Page 274: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

nito. Nabinyagan siya noong Nobyembre 5, 1830. Hindi nagtagal pagkatapos niyon, nagmisyon siya, nagbinyag ng mga 70 katao saloob ng apat na buwan sa Orange, Ohio, at Warrensville, Ohio.

“Noong Abril 30, 1831, hindi nagtagal matapos bumalik si Brother Murdock mula sa kanyang misyon, ang kanyang asawang si Juliaay namatay matapos magsilang ng kambal. Noong Hunyo 1831, tinawag siya ng Panginoon na magpunta sa Missouri at mangaral ngebanghelyo habang naglalakbay (tingnan sa D at T 52:8–9). Bago siya umalis, kailangang tiyakin niya na ang kanyang limang anak,na pawang wala pang pitong taong gulang, ay mapangalagaan. Pinakiusapan niya ang ilang tao na mag-alaga ng kanyang masnakatatandang mga anak, at inampon nina Joseph at Emma Smith ang kambal na sanggol. Sa mga natitirang buwan ng 1831 at sakalahati ng 1832, nangaral si John Murdock sa Michigan Territory, Indiana, Missouri, at Ohio. Nang bumalik siya sa Hiram, Ohio,noong Hunyo 1832, nahirapan siya dahil sa mga epekto ng matagal na niyang karamdaman. Nalaman din niya na ang isa sakanyang kambal na anak ay nagkasakit at namatay dahil sa pagkalantad sa malamig na panahon nang salakayin si Joseph Smith”(Doctrine and Covenants and Church History Seminary Teacher Manual [Church Educational System manual, 2013], 350).

Ipaliwanag na natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 99 mga dalawangbuwan matapos makauwi si Brother Murdock mula sa kanyang pangalawang misyon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 99:1. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa atalamin ang ipinagawa ng Panginoon kay John Murdock.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 99:2–8. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa,at alamin kung paano mapagpapala si John Murdock at ang mga tinuruan niya dahil sa kanyang paglilingkod.

• Paano sinubok ng mission call na ito ang pananampalataya at pagsunod ni Brother Murdock?

• Ayon sa mga talata 2–3, anong mga pagpapala ang darating dahil sa paglilingkod ni John Murdock?

• Ano ang ipinapakita sa atin ng mga sinabi ng Panginoon kay John Murdock?

LESSON 38

254

Page 275: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 39

Doktrina at mga Tipan 101Pambungad at TimelineNoong mga huling buwan ng 1833, nilusob ng mga mandurumog ang mgamiyembro ng Simbahan sa Jackson County, Missouri, at pwersahan silang pinaalissa kanilang mga tahanan. Nang makarating ang balita ng karahasan kay PropetangJoseph Smith sa Kirtland, Ohio, nalungkot siya para sa mga Banal sa Missouri atnagsumamo sa Panginoon na ibalik sila sa kanilang mga lupain at tahanan. NoongDisyembre 16–17, 1833, inihayag ng Panginoon sa Propeta kung bakit tinulutanNiya na magdusa ang mga Banal. Ang paghahayag na ito, na nakatala sa Doktrinaat mga Tipan 101, ay naglalaman din ng mga payo at mga salita na nagbibigay ngkapanatatgan hinggil sa “pagtubos ng Sion” (D at T 101:43).

Hulyo 23, 1833Sa pagbabanta ng karahasan ng mga mandurumog, nilagdaan ng mga lider ngSimbahan sa Missouri ang kasunduan na lilisanin ng lahat ng Mormon ang JacksonCounty pagsapit ng Abril 1, 1834.

Oktubre 20, 1833Ibinalita ng mga lider ng Simbahan sa Missouri na nais manatili ng mga Banal saJackson County upang ipagtanggol ang kanilang karapatan sa kanilang mgaari-arian.

Oktubre 31–Nobyembre 8Sinalakay ng mga mandurumog ang mga komunidad ng mga Mormon sa JacksonCounty, sinunog ang mga bahay at pwersahang pinaalis sa county ang mga Banal.

Nobyembre 25, 1833Nalaman ni Propetang Joseph Smith na sapilitang pinaalis ng mga mandurumogang mga Banal sa Jackson County.

Disyembre 16–17, 1833Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 101.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 101:1–21Ipinaliwanag ng Panginoon kung bakit Niya tinulutan ang mga Banal na magdusa atnagbigay Siya ng payo at kaaliwanSabihin sa mga estudyante na kunwari ay may kaibigan sila na naniniwala na hindisiya tutulungan ng Diyos kailanman dahil sa mga maling ginawa niya. Sabihin samga estudyante na isipin kung ano ang sasabihin nila sa kaibigang ito.

Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng doktrina at mga alituntunin habangpinag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 101 na tutulong sa kanila namaunawaan kung ano ang nadarama ng Panginoon tungkol sa atin, kahit nanagkasala tayo.

255

Page 276: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Magtuon sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni JesucristoItinuro ni Elder Neal A. Maxwell (1926–2004) ng Korum ng Labindalawang Apostol angkahalagahan ng pagtutuon ng iyong pagtuturo sa ebanghelyo ni Jesucristo:

“Ang pagtuturo natin ng ebanghelyo ay dapat magbigay-diin, nang higit kaysa rati, sakatotohanan, kahalagahan, at pangangailangan sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.Ang tatlong katangiang ito ng mga layunin sa pagtuturo ay napakahalaga dahil ang epekto ngmga ito ay magpapabilis sa lubos na pagbabalik-loob o lubos na pagbabago ng puso” (Neal A.Maxwell, “Those Seedling Saints Who Sit before You” [CES symposium on the Old Testament,Ago. 19, 1983], 2).

Ipaalala sa mga estudyante na dahil sa karahasan ng mga mandurumog noongHulyo 1833, sumang-ayon ang mga lider ng Simbahan sa Missouri na lilisanin nglahat ng Mormon ang Jackson County pagsapit ng Abril 1, 1834. Ipaliwanag nanoong Agosto 1833, pinayuhan ng mga lider ng Simbahan sa Kirtland, Ohio, angmga Banal sa Missouri na humingi ng tulong at proteksyon sa pamahalaan.Matapos makausap ang gobernador ng Missouri, umupa ang mga lider ngSimbahan sa Missouri ng mga abugado at naghandang ipagtanggol ang kanilangmga karapatan at mga ari-arian, pagkatapos niyon nilusob ng mga mandurumogang mga Banal at sapilitan silang pinaalis mula sa Jackson County noongNobyembre 1833.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang section heading ngDoktrina at mga Tipan 101, at alamin ang mga paghihirap na naranasan ng mgaBanal sa Missouri. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni ElderParley P. Pratt (1807–1857):

“Sa pagkakawatak-watak ng mga kababaihan at mga bata, tinugis ng mgamandurunog ang mga kalalakihan, binaril ang ilan sa kanila, iginapos at nilatigoang iba, at ang iba naman ay tinugis nang ilang milya.

“… Ang pampang [ng Ilog Missouri] ay nagsimulang mapuno sa magkabilangpanig ng mga bangka na may sakay na kalalakihan, kababaihan at mga bata. …Napakaraming tao ang makikita saanmang direksyon, ang ilan ay sa mga tolda,

ang ilan ay sa labas sa palibot ng isang siga, habang malakas ang buhos ng ulan. Hinahanap ngmga kalalakihan at kababaihan ang kanilang mga asawa; hinahanap ng mga magulang angkanilang mga anak, at hinahanap ng mga anak ang kanilang mga magulang. …

“… Lahat ng aking suplay para sa taglamig ay sinira o ninakaw, at ang mga butil ko ay nagkalatsa lupa upang pulutin lamang ng aking mga kaaway. Pagkatapos ay sinunog ang aking bahay, atang aking mga pananim at mga kasangkapan ay winasak o ninakaw” (Autobiography ofParley P. Pratt, inedit ni Parley P. Pratt Jr. [1938], 121–22).

• Anong mga bagay ang maaaring itanong ng mga Banal matapos silang paalisinsa Sion?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 101:1–3, 6–7.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakit itinulot

LESSON 39

256

Page 277: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

ng Panginoon na mausig ang mga Banal. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnalaman nila.

• Bagama’t nagkasala ang mga Banal, ano ang ipinangako ng Panginoon sakanila? (Matapos sumagot ang mga estudyante, ituro ang pariralang “sila aymagiging akin sa araw na yaon kung kailan ako paparito upang buuin angaking mga alahas,” at ipaliwanag na ito ay tumutukoy sa panahon sa hinaharapkung kailan gagantimpalaan ng Panginoon ang matatapat at ihihiwalay silabilang Kanyang mga kayamanan.)

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan101:4–5, at alamin ang sinabi ng Panginoon na kinailangang maranasan ng mgaBanal upang sila ay maging “mga alahas” ng Panginoon. Sabihin sa mgaestudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano ang ibig sabihin ng pagpaparusa? (Kung kinakailangan, ipaliwanag na angpagpaparusa ay “pagwawasto o pagdidisiplina na ginagawa sa mga tao opangkat upang matulungan silang umunlad o maging mas matatag” [Gabay samga Banal na Kasulatan, “Parusa, Pagpaparusa,” scriptures.lds.org].)

• Sa inyong palagay, bakit tinukoy ng Panginoon si Abraham nang ituro Niya samga Banal ang tungkol sa pagtitiis sa mga pagsubok? (Ang mabibigat napagsubok kay Abraham ay naglalarawan ng kahalagahan ng pananatiling tapatkapag tayo ay dumaranas ng matinding pagsubok.)

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa talata 5 tungkol sa kung ano angmangyayari kung hindi tayo tapat na makatitiis sa pagpaparusa o pagsubok ngPanginoon? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang alituntuning tulad ngsumusunod: Kung hindi tayo tapat na makatitiis sa pagpaparusa opagsubok, tayo ay hindi mapababanal.)

• Paano makatutulong sa atin ang tapat na pagtitiis sa pagpaparusa at mgapagsubok para mapabanal tayo?

Ipaliwanag na maaaring gumamit ng maraming paraan ang Panginoon paramaparusahan o masubok tayo. Ang pagwawasto ay maaaring dumating sapamamagitan ng Espiritu Santo, sa mga inspiradong lider ng Simbahan, o mgakaibigan at pamilya. Para sa mga Banal sa Sion, naranasan nila ang pagpaparusanang hindi hadlangan ng Panginoon ang pag-uusig sa kanila.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 101:9.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mensahe ngpag-asa na ibinigay ng Panginoon sa mga Banal na ito.

• Anong katotohanan ang matutukoy natin sa talata 9 na makatutulong sa atinkapag pinagdurusahan natin ang mga ibinunga ng ating mga kasalanan?(Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod nadoktrina: Bagama’t nagkakasala tayo, ang Panginoon ay nahahabag pa rinsa atin.)

Ipaliwanag na dahil ang Panginoon ay nahahabag sa atin, nais Niya tayongmanampalataya sa Kanya at magsisi ng ating mga kasalanan upang sa huli aymakabalik tayo sa piling Niya.

LESSON 39

257

Page 278: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa inyong palagay, paano nakatulong ang katotohanang ito para maaliw omapanatag ang mga Banal sa Missouri?

• Paano makatutulong ang katotohanang ito sa isang tao sa ating panahon nanakadarama na hindi siya karapat-dapat sa tulong at pagmamahal ngPanginoon?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 101:10–21 na ipinaliliwanag na parurusahan ngPanginoon ang mga taong umusig o nagpahirap sa mga Banal. Ipinangako rin Niyana titipunin Niya ang Kanyang mga tao at itatatag ang Sion at ang kanyangmga istaka.

Doktrina at mga Tipan 101:22–42Inilarawan ng Panginoon ang mga kalagayan sa panahon ng Milenyo at inihayag naang Kanyang mga tao ay magiging asin ng lupaIbuod ang Doktrina at mga Tipan 101:22–34 na ipinaliliwanag na pinayuhan ngPanginoon ang mga Banal na magtipon at tumayo sa mga banal na lugar bilangpaghahanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Inilarawan din ngPanginoon ang ilan sa mga pagpapalang matatanggap ng mabubuti matapos angKanyang Ikalawang Pagparito.

Isulat ang Pag-uusig sa pisara. Ipalarawan sa mga estudyante kung paanonakararanas ng pag-uusig ang mga miyembro ng Simbahan ngayon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 101:35–38.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ipinangako ngPanginoon sa mga tapat na nagtiis ng “pag-uusig para sa [Kanyang] pangalan”(talata 35).

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa pangako ng Panginoon satalata 35? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod naalituntunin: Ang mga dumanas ng pag-uusig para sa pangalan niJesucristo, at tapat na nagtiis ay makababahagi sa Kanyangkaluwalhatian.)

• Ayon sa mga talata 36–38, paano natin matitiis ang pag-uusig nang maypananampalataya?

Isulat sa pisara o basahin nang malakas ang mga sumusunod na tanong at sabihinsa mga estudyante na isulat ang kanilang mga sagot. Pagkatapos ng sapat na orasna makapagsulat ang mga estudyante, sabihin sa kanila na ibahagi ang kanilangmga sagot sa kapartner nila. O maaari mong tawagin ang ilang estudyante naibahagi sa klase ang kanilang mga sagot kung komportable silang gawin ito.

• Kailan kayo inusig, o ang isang kilala ninyo, dahil sa paniniwala kay Jesucristoat sa Kanyang ebanghelyo?

• Paano kayo nagtiis, o ang taong kilala ninyo, nang may pananampalataya?

LESSON 39

258

Page 279: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Pagbabahagi ng mga naaangkop na karanasanAng pagbabahagi ng mga naaangkop na karanasan ay makatutulong sa mga estudyante namadama ang katotohanan at kahalagahan ng doktrina at mga alituntunin. Sa pagbabahagi ngmga estudyante ng mga gayong karanasan, naaakay sila kadalasan ng Espiritu Santo sa masmalalim na pagkaunawa at patotoo sa mismong mga bagay na ibinabahagi nila. Sapamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, ang mga sinabi at karanasan na ibinahaginila ay maaari ding magkaroon ng malaking epekto sa puso at isipan ng kanilang mga kaklase.

Hikayatin ang mga estudyante na maging determinado na magtiis nang maypananampalataya kapag sila ay inusig dahil sa kanilang paniniwala kay Jesucristo.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 101:39–42 na ipinaliliwanag na itinuring ngPanginoon ang mga Banal bilang “asin ng lupa” (talata 39). Tulad ng asin namawawalan ng lasa kapag nahaluan ng dumi, ang mahawahan ng mga kasalananng mundo ay makahahadlang sa atin sa pagiging mabuting halimbawa atpagpapala sa iba.

Doktrina at mga Tipan 101:43–75Itinuro ng Panginoon ang talinghaga tungkol sa isang taong maharlika at mga punong olibo at pinayuhan ang mga Banal na patuloy na magtipon nang magkakasamaIpaliwanag na para matulungan ang mga Banal na maunawaan kung paanomatutubos, o mababawi ang Sion, itinuro ng Panginoon ang talinghaga tungkol saisang taong maharlika at mga puno ng olibo na nakatala sa Doktrina at mga Tipan101:43–62.

Isulat sa pisara o ipakita ang sumusunod na scripture reference at mga tanong:

Doktrina at mga Tipan 101:43–62

Paano nauugnay ang mga pangyayaring inilarawan sa talinghagang ito sanangyari sa mga Banal sa Missouri?

Ano ang itinuro ng Panginoon tungkol sa pagtubos ng Sion?

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante, at sabihin sa kanila na basahin angDoktrina at mga Tipan 101:43–62 at talakayin sa kani-kanyang kapartner ang mgatanong. Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi angnatalakay nila.

Sabihin na maaaring ang tore sa talinghaga ay tumutukoy sa templo na iniutos ngPanginoon na itayo ng mga Banal sa Jackson County, Missouri (tingnan sa D at T57:2–3; 84:1–5; 97:10–12). Sa pangkalahatan, ang tore ay maaaring kumatawan saSion, na maitatayo lamang ng mga Banal sa pamamagitan ng pagsunod sa batas ngDiyos (tingnan sa D at T 101:11–12; 105:3–6). Ipaliwanag na ang tagapaglingkod nabinanggit sa talata 55–62 ay si Propetang Joseph Smith (tingnan sa D at T 103:21).Ilang buwan matapos matanggap ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 101, inorganisa ng Propeta ang isang grupo na tinawag na Kampo ng Israel

LESSON 39

259

Page 280: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

(na kalaunan ay tinukoy na Kampo ng Sion) upang tubusin ang Sion at ibalik angmga Banal sa kanilang mga lupain at tahanan (tingnan sa D at T 103:29–40).

Ipaliwanag na pagkatapos sapilitang paalisin sa Jackson County, inisip ng ilangmga Banal sa Missouri kung dapat bang sa ibang mga county na lang silamanirahan. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan101:63–67. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin angitinuro ng Panginoon sa mga Banal tungkol sa kahalagahan ng pagtitipon nangmagkakasama.

• Ayon sa mga talata 64–65, bakit sinabi ng Panginoon sa mga Banal na patuloyna magtipon nang magkakasama?

Ituro ang pariralang “upang ang trigo ay maging ligtas sa mga bangan upangmatamo ang buhay na walang hanggan” sa talata 65. Ipaliwanag na noongpanahon ni Joseph Smith, ang mga naaning trigo ay inilalagay sa mga bangan, olalagyan ng mga butil, para maiimbak nang maayos at maprotektahan. Itinuro niElder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol na ang mga bangansa mga banal na kasulatan ay maaaring sumagisag sa “mga banal na templo”(“Marangal na Humawak ng Pangalan at Katayuan,”Ensign o Liahona, Mayo2009, 97).

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa talata 65? (Tulungan ang mgaestudyante na matukoy ang sumusunod na alituntunin: Kapag nagtipun-tipontayo sa mga banal na templo, tumatanggap tayo ng proteksyon atnaihahanda ang ating satili para sa buhay na walang hanggan.)

• Paano tayo pinoprotektahan at inihahanda para sa buhay na walang hangganng pagtitipon sa mga templo para sumamba, maglingkod, at tumanggap ngmga nakapagliligtas na ordenansa?

Doktrina at mga Tipan 101:76–101Pinayuhan ng Panginoon ang mga Banal na maghanap ng paraan na makabalik sakanilang mga tahanan sa MissouriSabihin sa mga estudyante na tulad ng nakatala sa Doktrina at mga Tipan101:76–101, inihayag ng Panginoon na Kanyang “itinatag ang Saligang-batas ng[Estados Unidos], sa pamamagitan ng kamay ng matatalinong tao” (tingnan satalata 80) at dapat umasa ang mga Banal sa mga batas ng lupain at humingi ng“bayad-pinsala,” o tulong, mula sa pamahalaan (tingnan sa talata 76).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 101:77–78.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakitbinigyang-inspirasyon ng Panginoon ang pagtatatag ng Saligang-batas ngEstados Unidos.

• Ayon sa mga talatang ito, bakit binigyang-inspirasyon ng Panginoon angpagtatatag ng Saligang-batas?

• Bakit mahalaga sa plano ng kaligtasan ng Diyos ang moral na kalayaan, o angkakayahang pumili at kumilos para sa ating sarili?

LESSON 39

260

Page 281: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Paano makatutulong sa atin ang mga talata 77–78 na maunawaan angkahalagahan ng kalayaan sa relihiyon sa pagtiyak na magagamit ng bawat taoang kanilang kalayaan sa mga bagay na nauukol sa pananampalataya?

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo ng mga katotohanang tinukoy sa lesson na ito,at hikayatin ang mga estudyante na kumilos ayon sa mga katotohanang ito.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 101:39–42. “Asin ng lupa at lasa ng mga tao”Sa halip na ibuod ang Doktrina at mga Tipan 101:39–42, maaari mong gamitin ang sumusunod na ideya sa pagtuturo:

Magpakita ng isang lalagyan ng asin, o magpakita ng larawan ng asin sa klase, at ipaliwanag na ginamit ng Panginoon ang isanganalohiya tungkol sa asin upang ituro sa mga Banal sa Missouri ang tungkol sa bigat ng kanilang pagkakasala.

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 101:39–41, at alamin kung sino ang inihalintulad ng Panginoonsa asin. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Ipaliwanag na ang lasa ay tumutukoy sa pampalasa, na naibibigayng asin sa pagkain. Ang asin din ay may kakaibang katangian, nagagamit ito sa pagpreserba ng pagkain at nagpapagaling.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 101:40–41. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sapagbasa, at alamin kung ano ang itinuro ng Panginoon tungkol sa mga yaong “[na]walan ng [kanilang] lasa” (talata 40).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder James E. Talmage (1862–1933) ng Korum ngLabindalawang Apostol:

“Bago pa ang panahon ni Cristo, ang paggamit ng asin ay iniuugnay sa simbolismo ng katapatan, mabutingpakikitungo, at tipan. Para magamit ang asin, ito ay dapat na puro; walang halo, talagang purong asin, at hindi gawasa kemikal o hinaluan ng anumang kemikal, upang ang pagiging maalat o ‘lasa’ nito ay hindi mawala” (James E.Talmage, Jesus the Christ [1916], 232–33).

Ipaliwanag na hindi katulad ng asin, muli nating maibabalik ang lasa natin, o kadalisayan at kabutihan, sa pamamagitan ngPagbabayad-sala ni Jesucristo kapag nagsisi at nanampalataya tayo sa Tagapagligtas.

• Ano ang ilang gamit ng asin?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng dapat maging “lasa ng mga tao” ang mga miyembro ng Simbahan (mga talata39–40)?

• Ano ang mangyayari kapag ang mga pinagtipanang tao ng Diyos ay nawalan ng kanilang lasa?

• Ano ang mangyayari kapag ang asin ay nahaluan o kontaminado ng iba pang mga materyal?

• Paano mawawala ang lasa natin bilang mga pinagtipanang anak ng Diyos?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa paghahambing ng Panginoon sa mga miyembro ng Simbahan sa asin? (Tulunganang mga estudyante na matukoy ang sumusunod na alituntunin: Ang maimpluwensyahan ng mga kasalanan ng mundoay makahahadlang sa atin sa pagiging pagpapala sa ibang tao.)

• Ano ang makatutulong sa atin para mapanatili natin ang ating lasa upang maging pagpapala tayo sa ibang tao?

• Paano magagamit ang alituntuning ito at ang analohiya tungkol sa asin sa mga Banal na pinaalis sa Jackson County?

LESSON 39

261

Page 282: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 40

Doktrina at mga Tipan102; 104Pambungad at TimelineMula nang maorganisa ang Simbahan noong Abril 6, 1830, nagdaos si PropetangJoseph Smith ng mga pagpupulong o kumperensya kasama ang mga lider ngpriesthood para pagpasiyahan ang mahahalagang bagay na nauukol sa Simbahan.Nilinaw pa ng mga paghahayag na natanggap kalaunan ang gawain at tungkulinng mga lider ng priesthood sa Simbahan (tingnan sa D at T 107:59–100; tingnandin sa D at T 107, section heading). Alinsunod sa paghahayag na ibinigay noongNobyembre 1831 (tingnan sa D at T 107:78–79; tingnan din sa D at T 107, sectionheading), noong Pebrero 17, 1834, inorganisa ni Propetang Joseph Smith angunang mataas na kapulungan o high council, na isinunod sa mga sinaunangkapulungan na nakita niya sa pangitain. Ang mga tala ng pulong na iyon ayiwinasto ng Propeta at nakatala ngayon sa Doktrina at mga Tipan 102.

Noong Abril 1832, bilang pagsunod sa utos ng Panginoon, itinatag ni PropetangJoseph Smith ang Nagkakaisang Samahan o United Firm upang pangasiwaan angpagpapatakbo sa negosyo ng Simbahan. Sa mga unang buwan ng 1834, dumanasang Nagkakaisang Samahan o United Firm ng matinding problemang pinansiyal,at sa pulong na ginanap noong Abril 10, 1834, ipinasiya ng mga miyembro ngUnited Firm na buwagin ang organisasyon. Gayunman, dalawang linggo kalaunan,nakatanggap ang Propeta ng isang paghahayag, na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 104, kung saan iniutos ng Panginoon na muling itatag ang samahan o firm atpinayuhan ang mga lider ng Simbahan na bayaran ang kanilang mga utang atpangalagaan ang mga maralita.

Marso–Abril, 1832Iniutos sa siyam na lider ng priesthood sa pamamagitan ng paghahayag na itatagang Nagkakaisang Samahan o United Firm (na kilala rin bilang NagkakaisangOrden o United Order) upang pangasiwaan ang mga gawaing nauukol sa kalakalat paglalathala ng Simbahan (tingnan sa D at T 78; 82).

Taglagas ng 1833Ang mga Banal sa Jackson County, Missouri, ay sapilitang pinaalis sa kanilang mgatahanan.

Pebrero 17, 1834Inorganisa ni Propetang Joseph Smith ang unang mataas na kapulungan o highcouncil sa Kirtland, Ohio. Ang Doktrina at mga Tipan 102 ay naglalaman ng mgakaganapan, o mga tala ng pulong na iwinasto ng Propeta.

Abril 10, 1834Dahil sa problemang pinansiyal, nagpasiya ang miyembro ng NagkakaisangSamahan o United Firm na buwagin ang organisasyon.

Abril 23, 1834Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 104.

262

Page 283: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mayo 5, 1834Nilisan ni Propetang Joseph Smith ang Kirtland, Ohio, kasama ang Kampo ngIsrael (na tinawag kalaunan na Kampo ng Sion) upang maglakbay patungo saMissouri.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 102:1–34Inorganisa ni Propetang Joseph Smith ang unang mataas na kapulungan o highcouncil sa pamamagitan ng paghahayagIsulat ang mga pariralang Ang paraan ng mundo at Ang paraan ng Panginoon sapisara. Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga halimbawa ng paggawang mga bagay ayon sa mundo at mga halimbawa ng paggawa ng mga bagay ayonsa paraan ng Panginoon.

• Bakit mahalagang gawin natin ang mga bagay-bagay ayon sa paraan ngPanginoon?

Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng doktrina at mga alituntunin habangpinag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 102 at 104 na makatutulong sa kanilana mas maunawaan ang paraan ng Panginoon sa paggawa ng mga bagay-bagay.

Ipaliwanag na matapos maorganisa ang Simbahan, kaagad sinunod ni PropetangJoseph Smith ang mga tagubilin ng Panginoon na magdaos ng regular na mgapagpupulong o kumperensya ng Simbahan. Ang mga kumperensyang ito aydinaluhan ng sinumang mga elder at high priest na makadadalo, na tumulong sapagpapasiya ng mahahalagang bagay na ukol sa Simbahan, pati na kung paanodisiplinahin ang mga miyembro na nakagawa ng mabibigat na kasalanan.Gayunman, ang ilan sa mga dumadalong ito “ay nagbubulungan, naiinip, o kaya’yaalis sa kalagitnaan ng sesyon ng kapulungan. Naging dahilan din ang mga malingpalagay at kahinaan kaya nahirapan sila na hingin at alamin ang kalooban ngPanginoon” (Joseph F. Darowski and James Goldberg, “Restoring the AncientOrder,” sa Revelations in Context, inedit nina Matthew McBride at James Goldberg[2016], 208–10, o history.lds.org).

• Bakit maaaring mahirap sa mga sitwasyong ito na talakayin ang mga sagradongbagay at gumawa ng mahahalagang pasiya?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na talata:

Noong Pebrero 12, 1834, nakipagpulong si Propetang Joseph Smith sa mga high priest at elderng Simbahan sa kanyang bahay sa Kirtland. Sinabi ng Propeta sa kanila na nalulungkot siya dahilsa asal ng mga yaong dumadalo sa mga pulong ng kapulungan. Ipinaliwanag niya na dahil sahindi nila sinunod ang huwaran ng Panginoon para sa pagsasagawa ng mga pulong, marahil aymaraming pagpapala ang nawala sa kanila. Makaraan ang limang araw, pinulong muli ni JosephSmith ang mga high priest at elder sa kanyang tahanan. Nag-organisa siya ng isang kapulungan“alinsunod sa mga batas ng Diyos” na natanggap niya noon (tingnan sa D at T 107:78–79).Pagkatapos ay sinabi ng Propeta sa mga naroon na “ipakikita niya ang kaayusan ng mgakapulungan sa mga sinaunang panahon” batay sa isang pangitain na nakita niya tungkol kayApostol Pedro at kanyang mga tagapayo na namumuno sa isang kapulungan sa Jerusalem (sa“Minute Book 1,” 29, JosephSmithPapers.org).

LESSON 40

263

Page 284: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 102:1–2.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang uri ngkapulungan na ipinanumbalik ni Propetang Joseph Smith.

• Anong kapulungan ang inorganisa ng Propeta ayon sa sinaunang huwaran?

• Paano itinalaga ang mataas na kapulungan o high council?

• Ayon sa talata 2, ano ang isang layunin ng mataas na kapulungan o highcouncil?

Ipaliwanag na ang mga mataas na kapulungan o high council ay may iba’t ibanglayunin, marami sa mga ito ay pang-administratibo. Gayunman, isang mahalaganglayunin nito ay tulungan ang stake presidency sa “pagsasaayos ng mahahalagangsuliranin” (talata 2) sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga disciplinary council parasa mga miyembro na nakagawa ng mabibigat na kasalanan.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang layunin ng mgakonseho sa pagdidisiplina o disciplinary council, ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang sumusunod na pahayag:

“Layunin ng mga konseho sa pagdidisiplina na iligtas ang kaluluwa ng mga nagkasala,protektahan ang walang kasalanan, at pangalagaan ang kadalisayan, integridad, at magandangpangalan ng Simbahan.

“… Sa prosesong ito at sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, ang isang miyembroay maaaring mapatawad sa mga kasalanan, maibalik ang kapayapaan ng isipan, at magtamo nglakas na maiwasang magkasala sa hinaharap” (Tapat sa Pananampalataya: Isang Sanggunian saEbanghelyo [2006], 89).

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 102:3–11 na ipinaliliwanag na nakatala sa talata 3ang mga miyembro ng unang mataas na kapulungan at nakasaad sa mga talata6–11 kung ano ang dapat gawin kapag nagkaroon ng mga bakante at kung sinoang dapat na mamuno.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan102:12–14, at alamin kung paano nagpapasiya ang mataas na kapulungan o highcouncil sa pagkakasunud-sunod ng mga magsasalita sa mga konseho sapagdidisiplina o disciplinary council. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnalaman nila.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 102:15–18.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakitnagpapalabunutan ng mga numero ang mga high councilor.

• Ayon sa mga talatang ito, ano ang matututuhan natin tungkol sa paraan kungpaano isagawa ang konseho sa pagdidisiplina o disciplinary council?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 102:20–22 na ipinaliliwanag na ang mga talatangito ay naglalarawan kung ano ang gagawin kung hindi nakatitiyak ang sinumangmiyembro ng kapulungan tungkol sa desisyon ng konseho.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 102:23.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paano

LESSON 40

264

Page 285: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

haharapin o lulutasin ng kapulungan ang mga suliranin sa loob ng Simbahan.Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Ipaliwanag na ang mga salitang “ang pangulo” sa talata 23 ay tumutukoy kayPropetang Joseph Smith, na namuno sa unang mataas na kapulungan sa Kirtland,Ohio. Bilang Pangulo ng Simbahan, siya ay may karapatang “magtanong atmatamo ang isipan ng Panginoon sa pamamagitan ng paghahayag” tungkol sa“doktrina o alituntunin” pati na rin sa mga kautusang ibinigay sa Simbahan(talata 23; tingnan din sa D at T 28:2). Bukod pa rito, malalaman din natin angisang mas malawak na katotohanan mula sa talata 23 na nauugnay sa tungkulin ngmga indibiduwal (gaya ng mga stake president) na namumuno sa mga lokal nakapulungan ng Simbahan at dapat pagpasiyahan ang mga bagay-bagay sa ilalim ngkanilang pamamahala.

• Anong katotohanan ang nakatala sa talata 23 tungkol sa tungkulin ng mganamumuno sa mga kapulungan o council ng Simbahan? (Tulungan ang mgaestudyante na matukoy ang sumusunod na katotohanan: Ang mga taongnamumuno sa mga kapulungan o council ng Simbahan aymakapagtatanong sa Panginoon at makatatanggap ng paghahayag.)

• Sa palagay ninyo bakit mahalaga na maunawaan natin ang katotohanang ito?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 102:27–34 na ipinaliliwanag na ang mga pasiyang stake disciplinary council ay maaaring iapela sa Unang Panguluhan (tingnan satalata 27).

Doktrina at mga Tipan 104:1–77Nagbigay ang Panginoon ng mga tagubilin hinggil sa Nagkakaisang Samahan oUnited FirmSabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga tipang ginawa nila saPanginoon. Sabihin sa kanila na ipaliwanag kung bakit mahalagang tuparin angkanilang mga tipan. Sabihin sa kanila na maghanap ng doktrina at mga alituntuninhabang pinag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 104 na tutulong sa kanila sapagtupad ng kanilang mga tipan.

Sabihin sa mga estudyante na noong tagsibol ng 1832, bilang pagsunod sa utos ngPanginoon, inorganisa ni Propetang Joseph Smith ang Nagkakaisang Samahan oUnited Firm, na siyang responsable sa pangangasiwa ng mga negosyo ngSimbahan. Ang mga lider ng priesthood na tinawag na maglingkod saNagkakaisang Samahan o United Firm ay gumawa ng “walang hanggang tipan”(tingnan sa D at T 78:11–12; 82:11, 15).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na talata:

“Pagsapit ng 1834, naharap sa ilang matitinding suliranin ang [United Firm]. Dahil sa karahasanna nagpaalis sa mga miyembro ng simbahan sa Jackson County noong tag-init at taglagas ng1833, hindi na nagamit pa ang palimbagan ni William W. Phelps at ang tindahan ni [Sidney]Gilbert. Gayunpaman responsable pa rin ang samahan [United Firm] na bayaran ang mgainutang para suplayan o patakbuhin ang palimbagan at tindahan.” Malaki rin ang utang ngtindahan ni Newel K. Whitney sa Ohio noong panahong iyon. Bukod pa rito, dalawang miyembro

LESSON 40

265

Page 286: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

ng United Firm sa Missouri ang pinaratangan ng hindi pagtulong sa mga maralita atnangangailangan, sa gayon ay hindi tinupad ang kanilang mga tipan. Noong Abril 10, 1834, angmga miyembro ng United Firm sa Kirtland ay nagpasyang buwagin ang samahan [United Firm](tingnan sa The Joseph Smith Papers, Documents, Volume 4: April 1834–September 1835, ineditni Matthew C. Godfrey at iba pa [2016], 20–21). Noong Abril 23, natanggap ng Propeta angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 104, kung saan pinayuhan ng Panginoon angmga miyembro ng United Firm.

Ipaliwanag na “sa ilalim ng pamamahala ni Joseph Smith, ang katagang‘Nagkakaisang Samahan’ [United Firm] ay napalitan kalaunan ng ‘NagkakaisangOrden’ [United Order] sa paghahayag” (D at T 104, section heading).

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante, at ipabasa sa kanila ang Doktrina at mgaTipan 104:1–10. Sabihin sa isang estudyante sa bawat magkakapartner na hanapinang mga pangako ng Panginoon sa mga miyembro ng Nagkakaisang Samahan oUnited Firm na tumupad sa kanilang mga tipan, at ipahanap sa iba pang mgaestudyante ang mga babala ng Panginoon sa mga miyembrong hindi tumupad sakanilang mga tipan. Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante naibahagi ang nahanap nila.

• Ayon sa mga pangako ng Panginoon sa talata 2, ano ang ibibigay Niya sa atinkung tayo ay tapat sa ating mga tipan? (Tulungan ang mga estudyante namatukoy ang sumusunod na alituntunin: Kung tayo ay tapat sa ating mgatipan, bibigyan tayo ng Panginoon ng napakaraming pagpapala. Isulat sapisara ang alituntuning ito.)

• Paano makatutulong sa atin na maging tapat sa ating mga tipan ang pag-alaalasa mga ipinangakong pagpapala ng Panginoon?

• Anong mga pagpapala ang natanggap ninyo nang maging tapat kayo sa inyongmga tipan?

Ipamuhay ang doktrina at mga alituntuninMatapos matukoy, maunawaan, at madama ng mga estudyante ang katotohanan atkahalagahan ng isang doktrina o alituntuning natagpuan sa mga banal na kasulatan, hikayatinang mga estudyante na ipamuhay ang katotohanang iyon. Naipamumuhay ng mga estudyanteang katotohanan kapag sila ay nag-iisip, nagsasalita, at namumuhay ayon sa kanilangnatutuhan. Kapag ginawa nila ito, ang mga estudyante ay tatanggap ng mga ipinangakongpagpapala at magkakaroon ng malalim na pagkaunawa at patotoo sa ipinamuhay nila.

Hikayatin ang mga estudyante na magpasiya ngayon na tapat na tuparin angkanilang mga tipan upang patuloy nilang matanggap ang mga pagpapala ngPanginoon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 104:11–14.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang responsibilidadna ibinigay ng Panginoon sa mga miyembro ng Nagkakaisang Samahan oUnited Firm.

LESSON 40

266

Page 287: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ayon sa mga talata 11–12, bakit “itinalaga” ng Panginoon ang isangpangangasiwaan sa bawat miyembro ng Nagkakaisang Samahan oUnited Firm?

• Anong doktrina ang inihayag ng Panginoon sa talata 14? (Dapat matukoy ngmga estudyante, ang sumusunod na doktrina: Nilikha ng Panginoon anglupa, at lahat ng bagay na narito ay sa Kanya.)

• Bakit maaaring makatulong sa mga miyembro ng Nagkakaisang Samahan oUnited Firm na malaman at maalaala ang doktrinang ito?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 104:15–18.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paano iniutosng Panginoon sa Kanyang mga katiwala na gamitin ang mga bagay o yaman nglupa. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano ang paraan ng Panginoon sa pagtulong sa mga maralita atnangangailangan?

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa mga talatang ito tungkol saating responsibilidad na tulungan ang iba? (Tulungan ang mga estudyante namatukoy ang sumusunod na alituntunin: Dapat nating gamitin ang ibinigaysa atin ng Panginoon para tulungan ang iba.)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 104:19–53 na ipinaliliwanag na inilahad ngPanginoon ang mga partikular na pangangasiwaang ibinigay sa mga miyembro ngNagkakaisang Samahan o United Firm. Isulat sa pisara ang mga sumusunod nascripture references: D at T 104:23, 25, 31, 33, 35, 38, 42, 46. Sabihin sa mgaestudyante na basahin nang tahimik ang mga talatang ito, at alamin angpangakong ibinigay ng Panginoon sa mga miyembro ng Nagkakaisang Samahan oUnited Firm. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Sa inyong palagay, bakit binigyang-diin ng Panginoon ang pariralang “akingpararamihin ang pagpapala sa kanila” (talata 33)?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 104:47–77 na ipinaliliwanag na iniutos ngPanginoon sa Nagkakaisang Samahan o United Firm sa Kirtland na ihiwalay ito saNagkakaisang Samahan o United Firm sa Missouri. Sinabi rin ng Panginoon samga miyembro ng Nagkakaisang Samahan o United Firm sa Kirtland na tumulongsila sa “[pagpa]palimbag [ng] mga salita [ng Panginoon]” at [pagpapa]tayo [ngKanyang] simbahan” (mga talata 58–59). Iniutos din Niya sa kanila na magkaroonng mga “ingatang-yaman,” o mga tala, para sa mga perang kinita nila mula sakanilang mga pangangasiwa (mga talata 60–68).

Doktrina at mga Tipan 104:78–86Tinagubilinan ng Panginoon ang mga lider ng Simbahan hinggil sa mgapagkakautang ng Nagkakaisang Samahan o United FirmIpaalala sa mga estudyante na pagsapit ng tagsibol ng 1834, marami nang utangang Nagkakaisang Samahan o United Firm. Ilang pangyayari, tulad ng ginawa ngmga mandurumog sa Missouri, ang nakahadlang para mabayaran ang mgapagkakautang.

LESSON 40

267

Page 288: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa klase na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan 104:78, atalamin ang tagubilin ng Panginoon hinggil sa mga pagkakautang ng Simbahan.

• Ano ang iniutos ng Panginoon na gawin ng mga miyembro ng NagkakaisangSamahan o United Firm?

Ipaliwanag na ang pagbabayad ng mga pagkakautang na ito ay tila imposible parasa mga Banal na ito. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina atmga Tipan 104:79–82. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa atalamin ang sinabi ng Panginoon na gagawin Niya para sa mga Banal kung sila ay“mapagpakumbaba at matatapat at tumatawag sa [Kanyang] pangalan” (talata 82)habang nagsisikap silang bayaran ang kanilang mga pagkakautang.

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa ipinangako ng Panginoonhinggil sa kung ano ang gagawin Niya para sa atin kung tayo aymapagpakumbaba at tapat at tumatawag sa Kanyang pangalan? (Dapatmatukoy ng mga estudyante ang alituntuning tulad ng sumusunod: Kung tayoay mapagpakumbaba at tapat at tumatawag sa pangalan ng Panginoon,tutulungan Niya tayo na masunod natin ang Kanyang mga kautusan.)

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa doktrina at mga alituntunin na tinukoy salesson na ito. Hikayatin ang mga estudyante na kumilos ayon sa mgakatotohanang ito.

LESSON 40

268

Page 289: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 41

Doktrina at mga Tipan103, 105Pambungad at TimelineNoong Pebrero 24, 1834, nakipagpulong sina Parley P. Pratt at Lyman Wight kayPropetang Joseph Smith at sa mataas na kapulungan o high council ng Kirtlandpara ipaliwanag ang kalagayan ng mga Banal sa Missouri at humingi ng payo attulong. Sa araw ding iyon, natanggap ng Propeta ang paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 103, kung saan nangako ang Panginoon na ang mga Banalay “[manunumbalik] sa lupain ng Sion” kung hindi nila “durumihan ang kanilangmga mana” (D at T 103:13–14) at tinagubilinan ang mga lider ng Simbahan namagtipon ng mga suplay at ng mga taong sasama para tulungan ang mga Banal saMissouri.

Bilang pagsunod sa utos ng Panginoon, binuo ni Propetang Joseph Smith at ngmahigit 200 boluntaryo ang Kampo ng Israel (nakilala kalaunan bilang Kampo ngSion) upang tulungan ang mga Banal na sapilitang pinaalis sa kanilang mgatahanan sa Jackson County, Missouri. Noong Hunyo 22, 1834, habang nakahimpilnang apat na milya sa hilaga ng Ilog Fishing sa Missouri at mga 24 na milya mulasa Independence, idinikta ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrinaat mga Tipan 105, kung saan ipinaliwanag ng Panginoon na ang mga Banal aykailangang “maghintay ng maikling panahon para sa ikatutubos ng Sion” (D at T105:9). Nagbigay rin ang Panginoon ng mga tagubilin hinggil sa kailangangmangyari para matubos ang Sion, o mabawi ng mga Banal, sa darating napanahon.

Nobyembre–Disyembre 1833Sapilitang pinaalis ang mga Banal sa Jackson County, Missouri.

Pebrero 24, 1834Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 103.

Marso–Mayo 1834Ang mga lider ng Simbahan ay naghikayat ng kalalakihang sasapi sa kampo atnangalap ng pera bilang paghahanda sa paglalakbay patungong Missouri.

Mayo 1834Ang mga miyembro ng Kampo ng Sion ay nagsimula sa kanilang paglalakbay mulaOhio hanggang Missouri.

Hunyo 15, 1834Nalaman ni Propetang Joseph Smith na hindi maglalaan si Gobernador DanielDunklin ng milisya na tutulong sa mga Banal na makabalik sa kanilang mgatahanan sa Jackson County, Missouri.

Hunyo 22, 1834Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 105.

269

Page 290: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga huling araw ng Hunyo 1834Ang mga miyembro ng Kampo ng Sion at ang iba pang mga miyembro ngSimbahan ay nagkasakit ng cholera.

Mga unang araw ng Hulyo 1834Pinauwi ang mga miyembro ng Kampo ng Sion.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 103:1–20Ipinangako ng Panginoon na matutubos ang SionIsulat ang pariralang Madaig ng sanlibutan sa pisara.

• Paano ninyo ipaliliwanag ang kahulugan ng madaig ng sanlibutan? (Ang mgaposibleng sagot ay madaig at mapahamak dahil sa masasamang impluwensya,tukso, at kasalanan.)

• Ano ang ilang paraan na nadadaig ngayon ng sanlibutan ang mga kabinataanat kadalagahan?

Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga alituntunin habang pinag-aaralannila ang Doktrina at mga Tipan 103 na tutulong sa kanila na malaman kung paanotumanggap ng lakas na makapanaig laban sa masasamang impluwensyang mundo.

Ipaliwanag na noong sapilitang pinaalis ang mga Banal mula sa Jackson County,Missouri, nahirapan silang humanap ng sapat na tirahan at pagkain at inisip kungmaninirahan ba sila sa ibang lugar sa halip na piliting makabalik sa kanilang mgatahanan sa Jackson County. Nang humingi ng tulong ang mga lider ng Simbahansa mga opisyal sa kanilang lugar at sa estado, pinapaniwala ang mga Banal na kungsila ay bubuo ng sarili nilang hukbo para sa kanilang seguridad, aatasan nggobernador ng Missouri, na si Daniel Dunklin, ang milisya ng estado na samahanang mga Banal pabalik sa kanilang mga lupain sa Jackson County. Dahil hindisigurado kung ano ang susunod na gagawin, ipinadala ng mga Banal sa Missourisina Parley P. Pratt at Lyman Wight sa Ohio upang hingin ang payo ni PropetangJoseph Smith. Sina Parley at Lyman ay dumating sa Kirtland noong mga hulingaraw ng Pebrero 1834 at kinausap ang Propeta at ang bagong tatag na mataas nakapulungan noong Pebrero 24 upang talakayin ang mga pangangailangan ng mgaBanal sa Missouri. Sa araw ding iyon, natanggap ng Propeta ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 103.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 103:1–4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga dahilankung bakit pinahintulutan ng Panginoon na usigin at palayasin ang mga Banal saJackson County.

• Anong mga dahilan ang ibinigay ng Panginoon sa pagpapahintulot na mausigat mapalayas ang mga Banal sa Missouri mula sa kanilang mga tahanan?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 103:5–7.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga payo atpangako ng Panginoon sa mga Banal.

LESSON 41

270

Page 291: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang ipinayo at ipinangako ng Panginoon sa mga Banal?

• Anong alituntunin ang matututuhan natin sa ipinayo at ipinangako ngPanginoon sa mga talatang ito? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulatang sumusunod na alituntunin sa pisara: Kung susundin natin ang payo ngPanginoon, magkakaroon tayo ng lakas na manaig laban sa sanlibutan.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 103:8–10.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang babala ngPanginoon sa mga taong ayaw makinig sa Kanyang mga salita.

• Ayon sa talata 8, ano ang mangyayari kung hindi natin susundin ang mgakautusan? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara angsumusunod na alituntunin: Kung hindi natin susundin ang mga kautusan,mananaig ang sanlibutan laban sa atin.)

Hatiin ang klase sa mga grupo na may tig-dalawa o tig-tatlong miyembro, atsabihin sa mga estudyante na talakayin sa kanilang mga grupo ang kanilang mgasagot sa mga sumusunod na tanong. (Maaari mong isulat sa pisara ang mgatanong na ito o gawin itong handout na ibibigay sa mga estudyante.)

• Ano ang ilang halimbawa kung paano nagbibigay sa atin ng kapangyarihangmanaig laban sa sanlibutan ang pakikinig sa payo ng Panginoon?

• Kailan ninyo nadama na tinulungan kayo ng Panginoon na manaig laban sasanliubutan dahil pinakinggan ninyo ang Kanyang payo?

Magpatotoo na kung masigasig nating sinisikap na makinig sa payo ng Panginoonat taos-pusong magsisisi kapag nagkasala tayo, tutulungan Niya tayong manaiglaban sa masasamang impluwensya ng daigdig na ito. Sabihin sa mga estudyantena pag-isipang mabuti at isulat kung ano ang gagawin nila upang mas lubos namapakinggan ang payo ng Panginoon.

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 103:11–20 inihayag ng Panginoon na“pagkaraan ng maraming paghihirap,” ibabalik Niya ang Kanyang mga tao salupain ng Sion “sa tamang panahon” (mga talata 12, 20).

Doktrina at mga Tipan 103:21–40Inihayag ng Panginoon kung paano tutubusin ang lupain ng SionSabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 103:21–25. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin kung ano ang iniutos ng Panginoon na gawin ni Propetang Joseph Smithpara makatulong na matubos ang Sion. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnalaman nila.

Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 103:26–40, tinawag ng Panginoon angwalong lider ng Simbahan upang mag-recruit ng mga tao at magtipon ng pera atmga suplay upang tumulong sa pagtubos, o pagbawi, ng lupain ng Sion. Sinabi ngPanginoon na mag-recruit ng limandaang tao hangga’t maaari ngunit hindikukulangin sa isang daan. Ang ekspedisyon na ito ay nakilala bilang Kampong Sion.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na talata:

LESSON 41

271

Page 292: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sa katapusan ng pulong ng high council kung saan tinalakay ng mga lider ng Simbahan angkalagayan ng mga Banal sa Missouri, sinabi ni Joseph Smith na maglalakbay siya patungo saSion at tutulong na mabawi ito. Mga 30 o 40 kalalakihang naroon ang nagboluntaryo. Nangsumunod na ilang buwan, masigasig na kumilos ang tinawag na walong lider ng Simbahan parapaghandaan ang ekspedisyon. Kalaunan mahigit 200 katao ang sumanib sa Kampo ng Sion paramaglakbay patungong Missouri.

Doktrina at mga Tipan 105:1–19Ang pagtubos sa Sion ay ipinagpaliban “ng maikling panahon”Magdispley ng isang mapa na nagpapakita sa Kirtland, Ohio, at sa Jackson County,Missouri (tulad ng mapa blg. 9, “Ruta ng Kampo ng Sion, 1834,” sa manwal na ito).

Ipaliwanag na maraming miyembro ng Kampo ng Sion ang gustung-gustongmakasama sa ekspedisyon at positibo ang pananaw sa magiging karanasan dito.Gayunman, nakaranas pa rin sila ng maraming hirap. Ang grupo ay naglakbaynang mahigit 900 milya sa baku-bakong daan. Karamihan sa kanila ay walangsasakyan at naglakad nang 20 hanggang 40 milya sa isang araw. Nakaranas sila ngmatinding init, maalinsangang panahon, ulan, putik, sirang kagamitan, kakulangansa pagkain at tubig, sakit, at paltos at duguang mga paa. Kung minsan, ilan sakanila ang napilitang uminom ng tubig sa mga latian o mula sa mga bakas ng paang kabayo sa lupa pagkatapos itong mapuno ng tubig-ulan. Nagreklamo ang ilangmiyembro ng kampo dahil sa mga sitwasyong naranasan nila sa paglalakbay.

• Kung kayo ay bahagi ng Kampo ng Sion, paano masusubok ng mga karanasangito ang inyong pananampalataya?

LESSON 41

272

Page 293: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag sa mga estudyante na matapos makarating ang mga miyembro ngKampo ng Sion sa Missouri, nalaman nila na hindi magpapadala si GobernadorDaniel Dunklin ng milisya ng estado na tutulong sa mga Banal na makabalik sakanilang mga lupain. Sa kabila ng nakapanlulumong balitang ito, nagpatuloy angKampo ng Sion patungo sa Clay County. Noong Hunyo 22, 1834, habangnakahimpil sila sa pagitan ng silangan at kanlurang bahagi ng Ilog Fishing, sabandang hilaga ng Jackson County, Missouri, ibinigay ng Panginoon angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 105.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 105:1–6. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminkung ano ang nakahadlang sa mga Banal sa pagtubos sa Sion.

• Ano ang nakahadlang sa mga Banal sa pagtubos sa Sion?

• Ayon sa talata 5, ano ang tanging paraan na maitatayo ang Sion?

Ipaliwanag na ang payo ng Panginoon sa mga talatang ito ay hindi lamang para samga Banal sa Missouri. Sa Doktrina at mga Tipan 105:8–9, pinagsabihan ngPanginoon ang iba pang mga miyembro ng Simbahan dahil ayaw nilang sumamasa Kampo ng Sion o magpadala ng pera para suportahan ang mga Banal nanaghihirap sa Missouri.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 105:9, 16–17. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa atalamin ang mga kinahinatnan ng mga paglabag ng mga Banal.

• Ano ang ilan sa mga kinahinatnan ng paglabag ng mga Banal?

• Kung kayo ay miyembro ng Kampo ng Sion, ano sa palagay ninyo ang maiisip omadarama ninyo matapos maglakbay nang mahigit 900 milya at malamanpagkatapos na hindi nais ng Panginoon na makipaglaban kayo para mabawiang lupain ng Sion?

Ipaliwanag na ilang miyembro ng Kampo ng Sion ang nag-apostasiya dahil sapakiramdam nila ay nabigo ang Kampo ng Sion nang hindi naibalik sa mga Banalsa Missouri ang kanilang mga tahanan at ari-arian. Gayunman, marami pa rin angnanatiling tapat.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 105:10–14. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang mga layunin ng Panginoon sa pagpapaliban ng pagtubos ng Sion.

• Ano ang mga layunin ng Panginoon sa pagpapaliban ng pagtubos ng Sion?(Ipaalala sa mga estudyante na ang kaloob sa talata 12 ay tumutukoy sa kaloobna kapangyarihan na ipinangako ng Panginoon na ibibigay sa Kirtland Temple[tingnan sa D at T 95:8].)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 105:18–19.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ipinangako ngPanginoon sa mga taong “nakinig sa [Kanyang] mga salita” (talata 18).

• Ano ang ipinangako ng Panginoon sa mga taong nakinig sa Kanyangmga salita?

LESSON 41

273

Page 294: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa mga talatang ito? (Matapossumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin:Pagpapalain nang lubos ng Diyos ang mga taong patuloy na nakikinig saKanyang mga salita kahit subukin pa ang kanilang pananampalataya.)

Ipaliwanag na ang matatapat sa panahon ng paglalakbay ng Kampo ng Sion atmaging noong matapos ang paglalakbay nito ay personal na naturuan ni PropetangJoseph Smith at naihanda para maging mga lider ng Simbahan sa hinaharap.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Wilford Woodruff (1807–1898):

“Ako ay nasa Kampo ng Sion kasama ang Propeta ng Diyos. Nakita ko ang pakikitungo ng Diyossa kanya. Nakita ko ang kapangyarihan ng Diyos sa kanya. Nakita ko na siya ay isangPropeta. …

“Nang tawagin ang mga miyembro ng Kampo ng Sion, marami sa amin ang hindi pa kailanmannagkita; at hindi kami magkakakilala at marami ang hindi pa nakakita sa propeta. … Maramikaming naisagawa, kahit maraming beses nang nagtanong ang mga nag-apostasiya atdi-naniniwala ng, ‘Ano ang mga nagawa ninyo?’ Nakamtan namin ang isang karanasan na hindinamin kailanman makakamtan sa ibang paraan. Nagkaroon kami ng pagkakataong makita angmukha ng propeta, at naglakbay nang 1,600 kilometro na kasama siya, at nakita ang pagkilos ngEspiritu ng Diyos sa kanya, at ang mga paghahayag ni Jesucristo sa kanya at ang katuparan ngmga paghahayag na iyon.

“Ang naging karanasan [namin] sa paglalakbay sa Kampo ng Sion ay mas mahalaga kaysaginto” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Wilford Woodruff [2011], 149, 152.)

Mag-isip ng mga halimbawa kung paano ipamumuhay ang mgaalituntunin ng ebanghelyoPaminsan-minsan maaari kang magmungkahi o ang mga estudyante mo ng mga posiblengparaan para maipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo. Ang mga ganitong halimbawa aymakapagbibigay sa mga estudyante ng mga nakatutulong na ideya para maipamuhay ang mgaalituntunin ng ebanghelyo. Gayunman, maging maingat na huwag ipaggiitan na gamitin angisang partikular na alituntunin sa mga estudyante.

Patingnan ang alituntuning nakasulat sa pisara: “Pagpapalain nang lubos ng Diyosang mga taong patuloy na nakikinig sa Kanyang mga salita kahit subukin pa angkanilang pananampalataya.”

• Paano ninyo maiuugnay ang mga alituntuning ito sa mga kabinataan atkadalagahan at sa mga pagsubok sa pananampalataya na nararanasannila ngayon?

• Kailan kayo o ang kakilala ninyo patuloy na nakinig sa salita ng Panginoonkahit sinusubok ang inyong pananampalataya?

Hikayatin ang mga estudyante na magpasiya ngayon na patuloy na makinig sa mgasalita ng Panginoon kahit na sinusubok ang kanilang pananampalataya.

LESSON 41

274

Page 295: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 105:20–41Itinuro ng Panginoon sa mga Banal kung ano ang dapat nilang gawin bago matubosang SionIpaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 105:20–41, ipinangako ng Panginoon samga Banal na kung susundin nila ang Kanyang payo magkakaroon sila ng“kapangyarihan matapos ang maraming araw” na matubos ang Sion (talata 37).

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa mga katotohanang tinalakay sa lesson naito, at anyayahan ang mga estudyante na kumilos alinsunod sa mgakatotohanang ito.

LESSON 41

275

Page 296: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 42

Doktrina at mgaTipan 106–8Pambungad at TimelineNoong Nobyembre 25, 1834, natanggap ni Propetang Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 106. Sa paghahayag na ito,tinawag ng Panginoon si Warren A. Cowdery, ang nakatatandang kapatid ni OliverCowdery at bagong binyag sa Simbahan, na mamuno sa lumalaking bilang ng mgaBanal sa Freedom, New York, at sa karatig na lugar. Nangako rin ang Panginoonkay Warren ng mga dakilang pagpapala dahil sa kanyang tapat na paglilingkod.

Natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 107 habang naghahanda para magmisyon sa silangang Estados Unidosang mga bagong tawag na miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol. Angpaghahayag ay naitala noong 1835, ngunit ang ilang bahagi nito ay natanggapnoong 1831. Ang paghahayag na ito ay naglalaman ng mga tagubilin ng Panginoontungkol sa priesthood at sa pamamahala ng Simbahan.

Noong Disyembre 26, 1835, sinunod ni Lyman Sherman ang nadamang espirituwalna impresyon na humingi ng patnubay kay Propetang Joseph Smith tungkol sakanyang tungkulin. Bilang tugon, ibinigay ng Panginoon ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 108, kung saan pinatawad ng Panginoon siLyman, nangako sa kanya ng mga pagpapala ayon sa kanyang katapatan, atpinayuhan siya.

Hunyo 3–6, 1831Ang mga unang indibiduwal ay inordenan sa Mataas na Pagkasaserdote o HighPriesthood sa isang kumperensya ng Simbahan na ginanap sa Kirtland, Ohio.

Nobyembre 11, 1831Natanggap ang isang bahagi ng Doktrina at mga Tipan 107.

Mayo–Hulyo 1834Pinamunuan ni Propetang Joseph Smith ang Kampo ng Sion sa Missouri upangtulungan ang mga inusig na Banal.

Nobyembre 25, 1834Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 106.

Pebrero 14, 1835Tinawag ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol.

Pebrero 28, 1835Si Lyman Sherman ay tinawag na maging Pangulo ng Pitumpu.

Pebrero 28–Marso 1, 1835Mahigit limampung tao ang tinawag na maglingkod bilang Pitumpu.

Marso–mga unang araw ng Mayo 1835Naitala ang iba pang mga bahagi ng Doktrina at mga Tipan 107.

276

Page 297: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Disyembre 26, 1835Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 108.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 106:1–8Tinawag ng Panginoon si Warren A. Cowdery bilang isang namumunong opisyal saSimbahan at pinangakuan siya ng mga pagpapala para sa kanyang paglilingkodSabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon na nakatanggap silang tungkulin o gawain na sa palagay nila ay hindi sila karapat-dapat.

Sa pag-aaral ng mga estudyante ng Doktrina at mga Tipan 106, sabihin sa kanila nahanapin ang doktrina at mga alituntunin na tutulong sa kanila na maunawaankung paano sila makatatanggap ng katiyakan na tutulungan sila ng Panginoon namagampanan ang kanilang mga tungkulin at gawain sa Simbahan.

Ipaliwanag na si Warren Cowdery ay nakatatandang kapatid ni Oliver Cowdery.Kahit tila narinig na ni Warren ang tungkol sa Aklat ni Mormon noong 1830, hindisiya sumapi sa Simbahan nang panahong iyon. Noong Marso, 1834, bumisita sinaPropetang Joseph Smith at Parley P. Pratt sa Freedom, New York, at tumuloy sabahay ni Warren Cowdery. Habang naroon sila, nangaral sina Joseph at Parley samga mamamayan ng Freedom, at kalaunan nasa pagitan ng 30 at 40 katao angsumapi sa Simbahan. Sa pagitan ng Mayo at Setyembre ng 1834, nabinyagan siWarren Cowdery (tingnan sa The Joseph Smith Papers, Documents, Volume 4: April1834–September 1835, inedit ni Matthew C. Godfrey at iba pa [2016], 180). Noongtaglagas ng 1834, sumulat si Warren sa kanyang kapatid na si Oliver at hiniling namagpapunta muli ng lider ng Simbahan sa Freedom, New York, upang palakasinang mga miyembro ng Simbahan doon. Dalawang buwan kalaunan, natanggap niJoseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 106. (Tingnansa Lisa Olsen Tait, “Warren Cowdery,” sa Revelations in Context, inedit nina MateoMcBride at James Goldberg [2016], 219–20, o sa history.lds.org.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 106:1–3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ipinagawa ngPanginoon kay Warren Cowdery.

• Ano ang ipinagawa ng Panginoon kay Warren Cowdery?

• Sa anong paraan maaaring tila napakahirap ng tungkulin ni Warren?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 106:6.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakit nalugodang Panginoon kay Warren Cowdery.

• Bakit nalugod ang Panginoon kay Warren Cowdery?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 106:7–8.Sabihin sa kalahati ng klase na alamin ang ipinangako ng Panginoon kay Warren.Sabihin sa natitirang kalahati ng klase na alamin kung ano ang kailangang gawinni Warren upang matanggap ang mga pagpapalang iyon. Sabihin sa mgaestudyante na ibahagi ang nalaman nila.

LESSON 42

277

Page 298: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa mga talata 7–8 tungkol sa gagawinng Panginoon para sa atin kung tayo ay mapagpakumbabang susunod saKanyang kalooban? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy angsumusunod na alituntunin: Kung tayo ay mapagpakumbabang susunod sakalooban ng Panginoon, Siya ay maaawa sa atin, iaangat tayo, at bibigyanng biyaya at katiyakan.)

• Ano kaya ang ibig sabihin ng tumanggap ng “biyaya at katiyakan” mula saPanginoon (talata 8)?

• Paano makatutulong sa atin ang pagtanggap sa biyaya at katiyakan ngPanginoon kapag tumanggap tayo ng tungkulin o gawain na sa palagay natin ayhindi tayo karapat-dapat?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon na naranasan nila angawa, biyaya, at pagtiyak ng Panginoon habang mapagpakumbaba nilang sinisikapna paglingkuran Siya. Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase angkanilang mga karanasan. Maaari mo ring ibahagi ang isa sa iyong sariling mgakaranasan.

Bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipan kung paanoipamumuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyoBigyan ng oras ang mga estudyante sa klase na mapagnilayan o maisulat ang naunawaan atnaramdaman nila tungkol sa isang alituntunin ng ebanghelyo at pag-isipan ang mga paraan namaipamumuhay nila ang alituntuning ito sa kanilang buhay.

Sabihin sa mga estudyante na magsulat ng isang mithiin tungkol sa gagawin nilaupang maging mapagpakumbaba sa harapan ng Panginoon nang sa gayon aymatanggap nila nang lubos ang Kanyang awa, biyaya, at katiyakan.

Doktrina at mga Tipan 107:1–20Itinuro ng Panginoon ang tungkol sa Melchizedek at Aaronic PriesthoodIpaalala sa mga estudyante na ipinanumbalik ng Panginoon ang mga katotohananng ebanghelyo nang taludtod sa taludtod sa halip na sabay-sabay at minsananlang. Ganito rin ang ginawa ng Panginoon nang ihayag Niya ang orden ngpriesthood at ang pamamahala sa Simbahan.

Ipaliwanag na noong Pebrero 1835, halos limang taon matapos maorganisa angSimbahan, ang Korum ng Labindalawang Apostol ay inorganisa. Isa sa mga unangtungkulin ng mga bagong tawag na Apostol ay ang magdaos ng mga pagpupulongo kumperensya ng Simbahan sa silangang Estados Unidos. Bago lisanin ng mgaApostol ang Kirtland para sa misyong ito noong Mayo 1835, binigyan sila ngPropeta ng impormasyon na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 107, nakinapapalooban ng tagubilin tungkol sa priesthood at sa pamamahala ngSimbahan.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 107:1–6. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminkung ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa priesthood.

LESSON 42

278

Page 299: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ayon sa talata 2, bakit tinawag ang unang priesthood na PagkasaserdotengMelquisedec o Melchizedek Priesthood?

• Ano ang tawag sa Melchizedek Priesthood bago ang panahon ni Melquisedec?

• Ayon sa talata 5, ano ang iba pang “mga may kapangyarihan o tungkulin sasimbahan” na nakaakibat sa priesthood? (Ipaliwanag na ang nakaakibat ayisang bagay na nakakabit o bahagi ng isang mas malaking kabuuan.)

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 107:7–12, 18–19. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang itinuro ng Panginoon tungkol sa Melchizedek Priesthood.

• Ano ang itinuro ng mga talata 8–10 tungkol sa awtoridad ng MelchizedekPriesthood? (Pagkatapos sumagot ng mga estudyante, isulat sa pisara angsumusunod na doktrina: Ang Melchizedek Priesthood ang may hawak ngkarapatan ng panguluhan at may kapangyarihan at karapatan sa lahat ngkatungkulan sa Simbahan na mangasiwa sa mga espirituwal na bagay.)

Ipaliwanag na kabilang sa “[pangangasiwa] sa mga espirituwal na bagay” (talata 8)ang pagbibigay ng mga basbas, pangangasiwa sa mga ordenansa, at mga tipan.

• Anong doktrina ang natutuhan natin mula sa talata 18 tungkol sa awtoridad ngMelchizedek Priesthood? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy angsumusunod na doktrina: Ang Melchizedek Priesthood ang mayhawak ngmga susi ng lahat ng pagpapalang espirituwal ng Simbahan.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang doktrinang ito,ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPropetang Joseph Smith (1805–1844):

“[Ang Melchizedek Priesthood ay] siyang daluyan kung saan ang lahat ng kaalaman, doktrina,plano ng kaligtasan, at bawat mahalagang bagay ay inihahayag mula sa langit” (Mga Turo ngmga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 126).

• Ayon sa Doktrina at mga Tipan 107:19, anong mga espirituwal na pagpapalaang matatanggap ng mga miyembro ng Simbahan dahil sa MelchizedekPriesthood?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan107:13–17, 20. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin angitinuro ng Panginoon tungkol sa Aaronic Priesthood. Sabihin sa mga estudyante naibahagi ang nalaman nila.

Doktrina at mga Tipan 107:21–38Inilahad ng Panginoon ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga namumunongkorum ng SimbahanIpaliwanag na bilang bahagi ng panunumbalik ng priesthood at pamamahala saSimbahan, inilahad ng Panginoon kung aling mga korum ang gumagawa ng mgapagpapasiya para sa buong Simbahan at kung paano nila dapat gawin ang mgapagpapasiyang iyon.

LESSON 42

279

Page 300: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 107:21–26, 33–35. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa,at alamin ang itinuro ng Panginoon tungkol sa mga korum na tinawag na mamunosa buong Simbahan.

• Ano ang itinuro ng Panginoon tungkol sa mga korum na tinawag na mamunosa buong Simbahan?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 107:27–31.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paano dapatgumawa ng pagpapasiya ang mga korum na ito.

• Ayon sa talata 27, paano dapat magpasiya ang mga namumunong korum ngSimbahan?

• Ayon sa talata 31, ano ang ipinangako ng Panginoon na magaganap kapag angmga korum na ito ay gumawa ng mga pagpapasiya nang may pagkakaisa at “ngbuong kabutihan” (talata 30)? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulatang sumusunod na alituntunin sa pisara: Dahil ang mga namumunongkorum ng Simbahan ay nagpapasiya nang may pagkakaisa at kabutihan,sila ay makatatanggap ng kaalaman ng Panginoon.)

• Paano naiimpluwensyahan ang kahandaan ninyong sundin ang mganamumunong korum ng Simbahan kapag alam ninyo na nakatatanggap sila ngkaalaman ng Panginoon?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 107:39–57 na ipinaliliwanag na inihayag ngPanginoon na ang patriarchal order ng priesthood ay pinasimulan noong panahonni Adan (tingnan sa talata 41) at “ip[in]asa-pasa mula sa ama patungo sa anak nalalaki” (talata 40). Tatlong taon bago namatay si Adan, pinulong niya ang mgamaytaglay ng priesthood gayundin ang lahat ng kanyang mabuting angkan saAdan-ondi-Ahman (tingnan sa talata 53). Binasbasan ni Adan ang kanyangmatatapat na anak, at nagpakita sa kanila ang Panginoon (tingnan sa mgatalata 53–54).

Ipaliwanag na nalaman natin mula sa Doktrina at mga Tipan 107:58–98 na iniutosng Panginoon sa Labindalawang Apostol na “ordenan at isaayos ang lahat ng ibapang mga pinuno ng simbahan” (talata 58), at inilahad ang mga tungkulin ng mgabishop at quorum president (tingnan sa mga talata 60–98).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 107:99–100.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mensahe nagusto ng Panginoon na malaman ng mga lider ng Simbahan.

• Batay sa iniutos ng Panginoon sa mga lider ng Simbahan, ano ang dapat natinggawin upang maging “karapat-dapat na magtagal” sa harapan ng Panginoon(talata 100)? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod naalituntunin: Upang makatayong karapat-dapat sa harapan ng Panginoon,dapat nating matutuhan ang ating tungkulin at kumilos nang buongsigasig upang magawa ito.)

• Ano ang ilang paraan na maaari nating hangarin na malaman ang atingtungkulin at masigasig na gampanan ito?

LESSON 42

280

Page 301: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Kailan kayo napagpala dahil masigasig na ginampanan ng isang tao angkanyang tungkulin?

Magpatotoo na kapag inalam natin ang ating tungkulin at masigasig naginampanan ito, magiging karapat-dapat tayo na tumayo sa harapan ngPanginoon.

Doktrina at mga Tipan 108:1–8Si Lyman Sherman ay pinatawad, pinagpala, at pinangakuan ng mga pagpapala ngPanginoonUpang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngDoktrina at mga Tipan 108, ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsumusunod na talata:

Noong Disyembre 26, 1835, isang lalaki na nagngangalang Lyman Sherman, na kaibigan niPropetang Joseph Smith, ang nagpunta sa bahay ng Propeta. Sinabi sa kanya ni Lyman,“Nahikayat ako na ipaalam sa iyo ang aking nadarama at hangarin at pinangakuan ako namagkakaroon ako ng paghahayag na magpapabatid ng aking tungkulin” (“Journal,1835–1836,” 89, josephsmithpapers.org). Bilang tugon, nagtanong ang Propeta sa Panginoon atnatanggap ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 108.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 108:1–3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mgapagpapalang natanggap ni Lyman Sherman dahil sinunod niya ang pahiwatig nakausapin ang Propeta.

• Anong mga pagpapala ang tinanggap ni Lyman dahil sinunod niya angpahiwatig na kausapin ang Propeta?

• Ano ang ipinayo ng Panginoon kay Lyman?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 108:4–6 na ipinaliliwanag na sinabi ngPanginoon kay Lyman Sherman na “matiyagang maghintay hanggang sa angkapita-pitagang kapulungan ay [matawag],” at kung kailan siya ioorden ataatasang ipangaral ang ebanghelyo (talata 4).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 108:7–8.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mgakaragdagang tagubilin na ibinigay ng Panginoon kay Lyman.

• Sa paanong mga paraan nais ng Panginoon na “patatagin [ni Lyman] ang[kanyang] mga kapatid” (talata 7)? (Ipaliwanag na sa talatang ito, ang salitangpakikipag-usap ay tungkol sa kagandahang-asal o pag-uugali ng isang tao at angibig sabihin ng salitang panghihikayat ay mga turo.)

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa talata 7 tungkol sainaasahan sa atin ng Panginoon? (Tulungan ang mga estudyante na matukoyang sumusunod na alituntunin: Inaasahan ng Panginoon na palalakasinnatin ang iba sa lahat ng ating pag-uugali, panalangin, itinuturo, atginagawa.)

LESSON 42

281

Page 302: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na kasama sa ating pag-uugali at pagkilos ang paraan ngpakikipag-ugnayan o pakikipag-usap natin sa iba, kabilang na ang ating mgakomunikasyon na nakasulat at ipinahahatid sa pamamagitan ng internet.

• Paano ninyo mapalalakas ang mga nakapaligid sa inyo sa lahat ng inyongpag-uugali, sinasabi, at ginagawa?

• Kailan kayo napalakas ng pag-uugali, sinasabi, o ginagawa ng ibang tao?(Maaari mo ring ibahagi ang isa sa iyong sariling mga karanasan.)

Sabihin sa mga estudyante na magsulat ng isang mithiin tungkol sa kung paanonila palalakasin ang iba sa lahat ng kanilang pag-uugali, sinasabi, at ginagawa.

LESSON 42

282

Page 303: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 43

Doktrina at mgaTipan 109–10Pambungad at TimelineInilatag ang mga batong panulok ng Kirtland Temple noong Hulyo 23, 1833. Sasumunod na tatlong taon, ang mga miyembro ng Simbahan sa Kirtland, Ohio, aynagsakripisyo nang malaki para maitayo ang templo bilang pagsunod sa utos ngPanginoon (tingnan sa D at T 88:119; 95:8–9). Habang naghahanda para sapaglalaan ng Kirtland Temple, nagsulat si Propetang Joseph Smith, katulong siOliver Cowdery, ng isang panalangin na, “ibinigay sa kanya sa pamamagitan ngpaghahayag” (D at T 109, section heading), na inialay niya sa pulong ng paglalaanna ginanap sa araw ng Linggo, Marso 27, 1836. Ang panalanging ito ay nakatala saDoktrina at mga Tipan 109 at naglalaman ng mga pagsamo sa Panginoon na“tanggapin ang paglalaan ng [templo] na ito sa [Kanya]” (D at T 109:78), parapagpalain ang “lahat ng taong papasok [dito]” (D at T 109:13), at “alalahanin ang[Kanyang] buong simbahan, … upang ang kaharian, na [Kanyang] ginawa ngwalang mga kamay, ay maging isang malaking bundok at punuin ang buongmundo” (D at T 109:72).

Noong Abril 3, 1836, nagpakita si Jesucristo kina Propetang Joseph Smith at OliverCowdery sa Kirtland Temple. Ang mga propeta na sina Moises, Elias, at Elijah aynagpakita rin at ipinagkatiwala ang mahahalagang susi ng priesthood. Ang ulat ngmga pagpapakitang ito ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 110.

Mga unang araw ng Hunyo 1833Sinimulang itayo ng mga miyembro ng Simbahan ang Kirtland Temple saKirtland, Ohio.

Marso 27, 1836Binasa ni Propetang Joseph Smith ang panalangin ng paglalaan para saKirtland Temple, na kalaunan ay itinala sa Doktrina at mga Tipan 109.

Marso 30, 1836Ang Panginoong Jesucristo ay nagpakita sa ilan sa mga nagtipon sa isangsagradong pagtitipon sa Kirtland Temple.

Abril 3, 1836Nakita at narinig nina Joseph Smith at Oliver Cowdery si Jesucristo atnatanggap ang mga susi ng priesthood mula kina Moises, Elias, at Elijah saKirtland Temple, ayon sa nakatala sa Doktrina at mga Tipan 110.

283

Page 304: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 109:1–28Hiniling ni Propetang Joseph Smith sa Panginoon na tanggapin ang Kirtland Templeat pagpalain ang mga sasamba rito

Mga bagay at mga larawanAng mga bagay at larawan ay maaaring gamitin upang matulungan ang mga estudyante namailarawan sa isipan ang itsura ng mga tao, lugar, pangyayari, bagay, at simbolo sa mga banalna kasulatan. Gayunpaman, ang tala sa mga banal na kasulatan ang laging dapat pagkunan ngtalakayan sa klase tungkol sa tagpo at mga detalye ng isang pangyayari, sa halip na anginterpretasyon ng isang pintor sa mga pangyayari o kuwento.

Magdispley ng ilang larawan ng templo.

• Bakit tayo nagtatayo ng mga templo?

Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng doktrina at mga alituntunin nasumasagot sa tanong na ito sa pag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan 109–10 salesson ngayong araw na ito.

LESSON 43

284

Page 305: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Magdispley ng larawan ng Kirtland Temple (tingnan sa Aklat ng Sining ngEbanghelyo [2009], blg. 117; tingnan din sa LDS.org). Ipabasa nang malakas saisang estudyante ang sumusunod na talata:

Ang pagtatayo ng Kirtland Temple ay isang napakalaking hamon para sa mga Banal sa Kirtlanddahil kakaunti lang sila at karamihan sa kanila ay maralita. Sa araw ng Linggo, Marso 27, 1836,mga 1,000 katao ang nagtipon sa templo, at daan-daan pa ang mga nasa labas, na karamihanay kabilang sa mga taong tumulong sa pagtatayo ng templo. Sa mungkahi ng Propeta, “ang ilansa mga hindi nakapasok [ng templo] ay nagpulong sa mga katabing schoolhouse samantalangang iba ay umuwi para hintayin ang ikalawang magaganap na paglalaan.” Ang paglalaan ay

LESSON 43

285

Page 306: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

nagsimula sa isang pambungad na panalangin at himno, kung saan nagsalita si Sidney Rigdonnang dalawa’t kalahating oras. “Pagkatapos ay inilahad niya ang pangalan [ni Joseph Smith] sakongregasyon” para sang-ayunan bilang “Propeta at Tagakita” (The Joseph Smith Papers,Documents, Volume 5: October 1835–January 1838, inedit ni Brent M. Rogers at iba pa[2017], 189). Pagkatapos ng 20-minutong intermission, nagsalita nang maikli sa kongregasyon siPropetang Joseph Smith at hiningi ang boto ng pagsang-ayon para sa mga lider ng Simbahan.Binasa nang malakas ng Propeta ang panalangin ng paglalaan. Tinapos ang pulong sa pagsasabing kongregasyon ng Hosana Shout, na ginawa nila sa pamamagitan ng tatlong beses napagsasabi nang malakas ng, “Hosana, hosana, hosana sa Diyos at sa Kordero! Amen, amen, atamen.” (Tingnan sa Joseph Smith Papers, Journals, Volume 1: 1832–1839, inedit ni Dean C.Jessee at iba pa [2008], 203–11.)

Ipaliwanag na ang panalangin sa paglalaan ng Kirtland Temple ay matatagpuan saDoktrina at mga Tipan 109. Ito ang naging huwaran para sa lahat ng sumunod napanalangin sa paglalaan ng mga templo.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 109:1–5. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang mga dahilan kung bakit itinayo ng mga Banal ang Kirtland Temple.

• Ayon sa mga talata 2 at 5, bakit itinayo ng mga Banal ang Kirtland Temple?

• Ayon sa talata 4, ano ang ipinagdasal ni Propetang Joseph Smith na gagawin ngPanginoon?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 109:6–11 na ipinaliliwanag na sa isang bahagi ngpanalangin ng paglalaan, binanggit muli ng Propeta ang utos ng Panginoon sa mgaBanal na magtayo ng templo (tingnan sa D at T 88:117–20), at isinamo niya namakamtan nila ang mga pagpapalang ipinangako ng Panginoon na ibibigay sakanila kapag natapos na ang templo.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 109:12–15. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang mga pagpapalang ipinagdasal ni Propetang Joseph Smith. Sabihin samga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa mga talatang ito tungkol sa mgapagpapalang matatanggap natin kapag tayo ay sumasamba sa Diyos sa templo?(Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod naalituntunin: Madarama ng mga sumasamba sa Diyos sa loob ng templo angKanyang kapangyarihan, matututo tungkol sa Kanya, tatanggap ngkaganapan ng Espiritu Santo, at magiging handa na matamo ang bawatkinakailangang bagay.)

Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng “makatanggap ng kaganapan ng Espiritu Santo”(D a T 109:15) ay tumanggap ng “pangakong … buhay na walang hanggan,maging ang kaluwalhatian ng kahariang selestiyal” (D at T 88:4; tingnan din saD. Todd Christofferson, “Ang Kapangyarihan ng mga Tipan,” Ensign o Liahona, May2009, 23, tala 5).

Patingnan ang alituntunin na nasa pisara, at itanong:

• Sa anong mga paraan kayo pinagpapala sa pagsamba ninyo sa Diyos sa templo?

LESSON 43

286

Page 307: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 109:16–20 na ipinaliliwanag na ipinagdasal niPropetang Joseph Smith na tanggapin ng Panginoon ang Kirtland Temple bilangKanyang bahay at na “walang maruming bagay [ang] papayagang pumasok [dito]”(talata 20).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 109:21.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ipinagdasal niPropetang Joseph Smith.

• Ano ang ipinagdasal ng Propeta na mangyayari kapag lumabag ang mga taong Diyos?

Ipaliwanag na kung hindi tayo karapat-dapat na pumasok sa templo dahil sapagkakasala, maaari tayong magsisi, mapatawad, at makatanggap ng lahat ngipinangako ng Panginoon sa mga karapat-dapat na sumasamba sa Kanyasa templo.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 109:22–28. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang hiniling ng Propeta na gawin ng Panginoon para sa Kanyang mgatagapaglingkod.

• Ayon sa mga talata 22–24, ano ang hiniling ng Propeta na gawin ng Panginoonpara sa Kanyang mga tagapaglingkod na naglilingkod bilang mga missionary?

• Palagay ninyo bakit mahalaga para sa mga missionary na “[masakbitan ng] …kapangyarihan” sa templo bago sila “makahayo” para ibahagi ang ebanghelyo(talata 22)?

• Ayon sa mga talata 25–28, ano ang hiniling ng Propeta na gawin ng Panginoonpara sa mga Banal?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa mga talatang ito tungkol sa mgapagpapala ng pagsamba sa Diyos sa templo? (Matapos sumagot ang mgaestudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Kapag sinasambanatin ang Diyos sa templo, masasakbitan tayo ng Kanyang kapangyarihanat proteksyon.)

• Ano sa inyong palagay ang ibig sabihin ng masakbitan ng kapangyarihanng Diyos?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni ElderJoseph B. Wirthlin (1917–2008) ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin saklase na pakinggan ang mga pagpapalang matatanggap natin kapag tayo aynasasakbitan ng kapangyarihan ng Diyos.

“Sa bahay ng Panginoon, ang matatapat na miyembro ng Simbahan ay maaaringmapagkalooban ng ‘kapangyarihan mula sa itaas’ [D at T 95:8], kapangyarihan na tutulong saatin na labanan ang tukso, tumupad ng mga tipan, sumunod sa mga kautusan ng Panginoon, atmagbahagi ng malakas at walang takot na patotoo sa pamilya, mga kaibigan, at mgakapitbahay” (Joseph B. Wirthlin, “Cultivating Divine Attributes,” Ensign, Nob. 1998, 27).

LESSON 43

287

Page 308: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Paano naging pagpapala sa inyo ang “kapangyarihan mula sa itaas” (D at T95:8)?

Ibahagi ang iyong patotoo na kapag sinasamba natin ang Diyos sa templo,masasakbitan tayo ng Kanyang kapangyarihan at proteksyon.

Doktrina at mga Tipan 109:29–80Hiniling ni Propetang Joseph Smith sa Panginoon na maawa sa mga Banal at sa ibaat tanggapin ang temploIbuod ang Doktrina at mga Tipan 109:29–80 na ipinaliliwanag na nanalangin siPropetang Joseph Smith na ang mga taong “nagkalat ng mga maling ulat” tungkolsa mga Banal ay “lituhin” (talata 29) at na ang mga miyembro ng Simbahan ay“makabangon … [upang] gawin ang gawain [ng Panginoon]” (talata 33). Hinilingdin niya sa Panginoon na puspusin ang templo “ng [Kanyang] kaluwalhatian”(talata 37) at bigyan ang Kanyang mga tagapaglingkod ng patotoo atkapangyarihan na kailangan nila upang maipangaral ang ebanghelyo (mga talata38–41). Bukod dito, hiniling ng Propeta na maging handang tumanggap ngebanghelyo ang “mga naninirahan sa mundo” (mga talata 38–39).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na paglalarawan ngnangyari matapos ilaan ni Propetang Joseph Smith ang templo.

Sa gabi matapos ang paglalaan, mahigit tatlong daang mga maytaglay ng priesthood angnagpulong sa loob ng templo. Isang tunog na parang rumaragasang malakas na hangin angpumuno sa buong gusali, at lahat sila ay napatayo. Marami ang nagpropesiya, nagsalita sa iba’tibang wika, at nakakita ng mga pangitain at mga anghel. Ilang tao sa paligid ang nakakita ngisang haligi ng apoy at ng mga anghel sa itaas ng templo na nag-aawitan (tingnan saManuscript History of the Church, vol. B-1, addenda, note J, p. 3–4, josephsmithpapers.org). Sasumunod na anim na linggo, naranasan ng mga Banal sa Kirtland ang maraming espirituwal napagpapakita. Ang pinakamahalagang espirituwal na pagpapakita ay naganap isang linggomatapos ang paglalaan ng templo, noong Abril, 3, 1836.

Doktrina at mga Tipan 110:1–10Nagpakita ang Tagapagligtas sa kaluwalhatian at tinanggap ang Kirtland Templebilang Kanyang bahayIpaliwanag na noong Abril 3, 1836, isang grupo ng mga miyembro ng Simbahanang nagpulong sa templo para sa sacrament meeting. Pagkatapos mapangasiwaanang sakramento, pumasok sina Propetang Joseph Smith at Oliver Cowdery samataas na pulpito sa dulong kanluran ng templo at ibinaba ang mga tabing nanakapaligid sa pulpito. Lumuhod ang Propeta at si Oliver Cowdery sa loob ngtagong lugar na ito at nagdasal.

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 110:1–3, atalamin ang nangyari bilang tugon sa panalanging ito. Sabihin sa mga estudyantena ibahagi ang nalaman nila.

Ipakita ang sumusunod na larawan:

LESSON 43

288

Page 309: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Paano inilarawan ng Propeta ang Tagapagligtas?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 110:4–8. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang sinabi ng Panginoon kina Propetang Joseph Smith at Oliver Cowdery.

• Ayon sa talata 5, bakit sinabi kina Joseph Smith at Oliver Cowdery na“magsaya” sila?

• Ayon sa mga talata 6–8, bakit may dahilan ang mga Banal na “magsaya”?

• Anong alituntunin ang maaari nating matukoy mula sa mga talata 7–8 tungkolsa mangyayari kapag sumunod tayo sa mga kautusan ng Panginoon at “hindidurumihan ang [Kanyang] banal na bahay” (talata 8)? (Tulungan ang mga

LESSON 43

289

Page 310: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

estudyante na matukoy ang sumusunod na alituntunin: Kung susundin natinang mga kautusan ng Panginoon at pananatilihing dalisay ang Kanyangbahay, ipapakita Niya ang Kanyang sarili sa atin sa Kanyang mga templo.)

Ipaliwanag na karaniwang ipinapakita ng Panginoon ang Kanyang sarili sa mga taosa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo (tingnan sa 3 Nephi 15:23).Gayunman, maipapakita rin Niya ang Kanyang sarili sa “[pagpapakita] sa[Kanyang] mga tagapaglingkod” (D at T 110:8).

• Paano natin mapananatiling dalisay at malinis ang bahay ng Panginoon?

• Sa inyong palagay, bakit dapat tayong maging masunurin at dalisayin ang atingsarili upang maipakita ng Panginoon ang Kanyang sarili sa atin sa templo?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 110:9–10.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung sino angpagpapalain dahil sa panunumbalik ng mga pagpapala ng templo. Sabihin sa mgaestudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Doktrina at mga Tipan 110:11–16Ipinagkatiwala nina Moises, Elias, at Elijah ang mga susi ng priesthood kina JosephSmith at Oliver CowderyIpaliwanag na matapos ang kanilang pangitain tungkol sa Tagapagligtas sa KirtlandTemple, nagpakita kina Propetang Joseph Smith at Oliver Cowdery ang iba pangmga sugo ng langit. Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nangmalakas ng Doktrina at mga Tipan 110:11–16. Sabihin sa klase na tahimik nasumabay sa pagbasa, at alamin kung sino pa ang nagpakita kina Joseph Smith atOliver Cowdery.

• Sino pa ang nagpakita kina Joseph Smith at Oliver Cowdery saKirtland Temple?

• Ano ang ipinagkatiwala ng bawat sugo ng langit kina Joseph Smith at OliverCowdery?

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na “ipinagkatiwala [ni Moises] …ang mga susi ng pagtitipon sa Israel” (D at T 110:11), na ginagamit sa pamamahalang gawaing misyonero. “Ipinagkatiwala ni [Elias] ang dispensasyon ng ebanghelyoni Abraham” (D at T 110:12), o ang pangako na sa pamamagitan “ng [binhi niAbraham] ay pagpapalain ang lahat ng mag-anak sa mundo, maging ng mgapagpapala ng Ebanghelyo, na mga pagpapala ng kaligtasan, maging ng buhay nawalang hanggan” (Abraham 2:11). Ipinagkatiwala ni Elijah ang mga susi ngkapangyarihang magbuklod (tingnan sa D at T 110:13–16), na nagtutulot sakarapat-dapat na mga mag-asawa at mga pamilya na mabuklod nang walanghanggan.

• Bakit mahalaga na ipanumbalik ang mga susi na ito ng priesthood sa mgahuling araw? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara angsumusunod na doktrina: Sa pamamagitan ng mga susi ng priesthood,pinamamahalaan at isinasagawa ng mga awtorisadong tagapaglingkod ngPanginoon ang gawain ng kaligtasan.)

LESSON 43

290

Page 311: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na ang mga susi ng priesthood na ipinagkatiwala kina PropetangJoseph Smith at Oliver Cowdery ay hawak at ginagamit ngayon ng bawatmiyembro ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol sa ilalimng pamamahala ng Pangulo ng Simbahan.

• Paano kayo napagpala ng mga susi at kapangyarihan ng priesthood naipinagkatiwala nina Moises, Elias, at Elijah kina Joseph Smith at OliverCowdery sa Kirtland Temple?

Rebyuhing muli ang doktrina at mga alituntuning natukoy sa lesson sa araw na ito,at ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa mga katotohanang ito. Kung may oras pa,maaari mong ipanood ang video na “The Holy Temple” (5:09), kung saanpinatototohanan ng mga miyembro ng Simbahan ang mga pagpapala ng templo.Ang video na ito ay makukuha sa LDS.org.

Hikayatin ang mga estudyante na magtakda ng mithiing magpunta sa templo nangmadalas kung may pagkakataon upang matanggap nila ang lakas at proteksyonng Diyos.

LESSON 43

291

Page 312: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 44

Doktrina at mgaTipan 111–14Pambungad at TimelineNoong tag-init ng 1836, si Propetang Joseph Smith at iba pang mga lider ngSimbahan ay naglakbay sa Salem, Massachusetts, para maghanap ng paraan namakatulong sa pagbabayad ng utang ng Simbahan. Noong Agosto 6, 1836, habangnasa Salem ang mga kapatid na ito, ibinigay ng Panginoon sa Propeta angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 111. Tiniyak Niya rito sa Propetana “maraming kayamanan sa [Salem] … para sa kapakanan ng Sion” (D at T 111:2)at tinalakay ang mga alalahanin tungkol sa utang ng Simbahan at kinabukasanng Sion.

Noong 1837, ikinabahala ni Thomas B. Marsh, Pangulo ng Korum ngLabindalawang Apostol, ang paghihimagsik at pagtatalo ng mga miyembro ngkorum na iyon sa Kirtland, Ohio. May mga tanong din siya tungkol sa gawaingmisyonero. Humingi siya ng payo mula kay Propetang Joseph Smith, at noongHulyo 23, 1837, ibinigay ng Panginoon ang paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 112, kung saan pinagbilinan Niya si Thomas B. Marsh hinggil sa gawainng Korum ng Labindalawang Apostol at ang tungkulin ni Thomas bilangpangulo nito.

Noong Marso 1838, matapos lumipat sa Far West, Missouri, mula sa Kirtland,Ohio, idinikta ni Propetang Joseph Smith ang inspiradong mga sagot sa mgatanong tungkol sa ilang talata ng Isaias. Ang mga tanong at mga sagot ay nakatalasa Doktrina at mga Tipan 113 at ipinaliliwanag ang mga propesiya ni Isaias tungkolsa Panunumbalik at sa pagtubos ng Sion.

Noong Abril 11, 1838, natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 114. Sa paghahayag na ito, iniutos ng Panginoonkay David W. Patten na maghanda para sa hinaharap na misyon at binalaan angmga naghimagsik na lider ng Simbahan na mawawalan sila ng “kanilangobispado,” o tungkulin, kung sila ay hindi tapat (D at T 114:2).

Agosto 5, 1836Dumating si Propetang Joseph Smith at kanyang mga kasama sa Salem,Massachusetts.

Agosto 6, 1836Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 111.

Tagsibol at tag-init ng 1837Iba’t ibang miyembro ng Simbahan at mga lider sa Kirtland, Ohio, ang nagsalitalaban kay Propetang Joseph Smith.

Tag-init 1837Sina Apostol Thomas B. Marsh, David W. Patten, at William Smith ay naglakbaymula sa Far West, Missouri, papuntang Kirtland, Ohio, upang lutasin angpaghihimagsik at pagtatalo sa Korum ng Labindalawang Apostol.

292

Page 313: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Hulyo 23, 1837Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 112.

Enero 12, 1838Sina Propetang Joseph Smith at Sidney Rigdon ay umalis sa Kirtland, Ohio, atnaglakbay patungong Far West, Missouri, upang makatakas sa karahasan ng mgamandurumog.

Marso 1838Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 113.

Abril 11, 1838Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 114.

Oktubre 25, 1838Anim na buwan matapos mangusap sa kanya ang Panginoon sa paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 114, si Elder David W. Patten ay binaril atnapatay sa labanan sa Ilog Crooked.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 111:1–11Muling pinanatag ng Panginoon si Propetang Joseph Smith at iba pang mga lider ngSimbahan hinggil sa kanilang paglalakbay patungo sa Salem, sa mga utang ngSimbahan, at sa hinaharap ng SionBago magklase, isulat sa pisara ang sumusunod na tanong: Ano ang dahilan kungbakit kayo nakadarama ng tensyon o pag-aalala?

Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga nasasaisipkung komportable silang gawin ito.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na buod ng kasaysayan:

Noong 1836, naharap ang Simbahan sa mabigat na pagsubok sa pinansiyal. Ang pagpapatayong Kirtland Temple ay nag-iwan sa Simbahan ng malaking pagkakautang, at ang pagkawala ngmga negosyo, lupain, at mga tahanan dulot ng pag-uusig sa Missouri ay naging dahilan kayahindi nabayaran ng Simbahan ang mga utang nito. Noong mga huling araw ng Hulyo 1836, sinaPropetang Joseph Smith, Oliver Cowdery, Sidney Rigdon, at Hyrum Smith ay naglakbay patungosa Salem, Massachusetts, at dumating doon noong Agosto 5. Bagama’t walang tala mula samismong mga taong pumunta rito na naglalahad ng partikular na layunin ng paglalakbay na ito,ayon sa isang tala kalaunan, isang miyembro ng Simbahan na nagngangalang Brother Burgessang nagsabi sa mga lider ng Simbahan sa Kirtland, Ohio, na sa isang bahay sa Salem,Massachusetts, ay may nakatagong malaking halaga ng salapi na walang nagmamay-ari. Ayonsa tala ring ito, hinanap ni Joseph Smith at ng kanyang mga kasama ang salapi sa Salem, perohindi makita ni Brother Burgess ang bahay na naglalaman ng salapi. (Tingnan sa The JosephSmith Papers, Documents, Volume 5: October 1835–January 1838, inedit ni Brent M. Rogers atiba pa [2017], 274–75.)

• Ano kaya ang madarama ninyo matapos ninyong maglakbay patungo sa Salemsa pag-asang makahahanap kayo ng paraan para makatulong sa pagbabayad ngutang ng Simbahan at hindi nakita ang inaasahan ninyo?

LESSON 44

293

Page 314: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano kaya ang ginawa ninyo nang hindi ninyo nakita ang salapi?

Ipaliwanag na noong Agosto 6, 1836, natanggap ni Propetang Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 111.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 111:1–2.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon sa mga lider na ito ng Simbahan.

• Ano ang sinabi ng Panginoon sa mga lider na ito ng Simbahan? (Maaari mongipaliwanag na ang kahangalan ay isang pagkakamali o kamalian sapagpapasiya.)

• Ano ang sinabi ng Panginoon na maaaring nagbigay ng kapanatagan sa mgalider na ito?

• Anong alituntunin ang maaari nating matukoy mula sa mga talatang itotungkol sa maaaring mangyari kung taos-puso nating sisikaping isakatuparanang kalooban ng Panginoon? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulatang sumusunod na alituntunin sa pisara: Sa kabila ng ating mgapagkakamali, pagpapalain pa rin ng Panginoon ang taos-pusongpagsisikap nating isagawa ang Kanyang kalooban.)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 111:3–4 na ipinaliliwanag na tinagubilinan ngPanginoon si Propetang Joseph Smith at kanyang mga kasama na kilalanin angmga tao sa Salem ayon sa patnubay ng Espiritu (talata 3) at na “sa tamangpanahon” ang “kayamanan” ay mapapasainyo “para sa kapakanan ng Sion” (mgatalata 2, 4).

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 111:5–11. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang mga tagubilin ng Panginoon kay Joseph Smith at sa kanyang mga kasama.

• Ano ang sinabi ng Panginoon kay Joseph Smith at sa kanyang mga kasama samga talata 5–6?

• Ano ang ipinagawa ng Panginoon sa kanila sa talata 7?

• Ayon sa talata 8, paano malalaman ng mga kapatid na ito kung saan“ma[na]natili,” o mamamalagi sa kanilang pagbisita sa Salem?

• Anong payo at pangako ang ibinigay ng Panginoon sa mga taong ito satalata 11?

Ipaliwanag na hindi natin alam ang lahat ng paraan ng Panginoon sa pagtupad o sagagawing pagtupad sa Kanyang mga ipinangko hinggil sa “mga kayamanan” ngSalem. Gayunman, mga limang taon matapos matanggap ang paghahayag na ito,ipinadala ng Unang Panguluhan si Elder Erastus Snow sa misyon sa Salem, kungsaan nakapagtatag siya ng isang branch na may 110 miyembro. Maramingmatatapat na miyembro ng Salem Branch ang kalaunan ay naglakbay pakanlurankasama ng mga Banal, at sila ay naging malaking kapakinabangan sa Simbahan.

LESSON 44

294

Page 315: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 112:1–34Tinagubilinan ng Panginoon si Thomas B. Marsh hinggil sa Korum ng LabindalawangApostol at sa kanyang tungkulin bilang pangulo nitoIpaliwanag na noong 1837, ilang miyembro ng Simbahan sa Kirtland ang nagingmapagmataas at mapaghimagsik, kabilang na ang ilang miyembro ng Korum ngLabindalawang Apostol. Noong Hulyo 1837, si Thomas B. Marsh, Pangulo ngKorum ng Labindalawang Apostol, at kapwa niya mga Apostol na sina David W.Patten at William Smith ay naglakbay mula sa Far West, Missouri, papuntangKirtland, Ohio, upang lutasin ang kawalan ng pagkakaisa sa Korum. Tumawag siPangulong Marsh ng council meeting na gaganapin kasama ang buong Korum ngLabindalawang Apostol noong Hulyo 24, 1837, ngunit nang siya ay dumating saKirtland, nakita niya na dalawang miyembro ng Korum ang nakaalis na paramagmisyon sa England. Nagalit si Pangulong Marsh dahil hindi siya sinanggunitungkol sa mga misyong ito. Noong Hulyo 23, 1837, humingi ng payo si PangulongMarsh kay Propetang Joseph Smith, at bunga nito natanggap ng Propeta angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 112.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 112:1–3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano ang sinabing Panginoon kay Thomas B. Marsh.

• Anong mabubuting bagay ang sinabi ng Panginoon na nagawa ni PangulongThomas B. Marsh?

• Ayon sa talata 2, anong mga alalahanin tungkol kay Tomas B. Marsh anginihayag ng Panginoon?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 112:4–10. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang ipinayo ng Panginoon kay Pangulong Marsh at ang mga pagpapalangipinangako Niya kung susundin nito ang payong iyon.

• Anong payo ang ibinigay ng Panginoon kay Thomas B. Marsh?

• Anong mga pagpapala ang ipinangako ng Panginoon kung susundin nito angpayong iyon?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin mula sa talata 10? (Tulungan ang mgaestudyante na matukoy ang sumusunod na alituntunin: Kung tayo aymapagkumbaba, papatnubayan tayo ng Panginoon at sasagutin ang atingmga panalangin.)

• Ano ang magagawa natin para tulungan ang ating sarili na magingmapagkumbaba?

• Bakit makatutulong sa atin ang pagpapakumbaba para matanggap angpatnubay ng Panginoon?

• Kailan ninyo nadama na ginabayan kayo ng Panginoon at sinagot Niya anginyong mga panalangin nang magpakumbaba kayo ng inyong sarili?

Hikayatin ang mga estudyante na sikaping magpakumbaba para matanggap nilaang patnubay at mga sagot ng Panginoon para sa kanilang mga panalangin.

LESSON 44

295

Page 316: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan112:11–13, at alamin ang sinabi ng Panginoon kay Thomas B. Marsh na gawin parasa mga miyembro ng kanyang korum na espirituwal na nahihirapan. Sabihin samga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Pagbubuod ng mga scripture blockSa pamamagitan ng pagbubuod ng mga segment ng scripture block sa halip na tanggalin angmga ito, matutulungan ng mga titser ang mga estudyante na patuloy na maunawaan nangmalinaw sa kanilang isipan ang pangyayari at konteksto sa tala. Ang pagbubuod ay naglalaan ngpundasyon para sa pagtuklas at pag-unawa ng doktrina at mga alituntunin na makikita kalaunansa scripture block. Nakatutulong din ang pagbubuod na mapanatili ang integridad at daloy ngmensahe ng inspiradong awtor.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 112:14–34 na ipinaliliwanag na sinabi ngPanginoon sa Korum ng Labindalawang Apostol na huwag maghimagsik laban kayPropetang Joseph Smith. Sinabi rin sa kanila ng Panginoon na “[magpakumbaba]”(talata 22) at “padalisayin ang [kanilang] mga puso sa harapan [Niya]” (talata 28).

Ipaliwanag na dahil sa paghahayag na ito at sa mga pagsisikap ni PangulongMarsh, ang ilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay nagsisi atnaglingkod nang tapat sa Simbahan. Gayunman, may mga Apostol, pati na rinmga iba pang kilalang lider ng Simbahan, ang nagpasiyang hindi magsisi atkalaunan ay umalis sa Simbahan.

Doktrina at mga Tipan 113:1–10Sinagot ng Panginoon ang mga tanong tungkol sa ilang talata sa IsaiasIpaliwanag na noong 1837 ang pagtatalo sa Kirtland, Ohio, ay tumindi at umabotpa sa puntong binalak ng mga tumiwalag na patayin si Propetang Joseph Smith.Noong Enero 12, 1838, sinabi ng Panginoon kay Joseph Smith at Sidney Rigdon nalisanin ang Kirtland kasama ang kanilang pamilya. Ginawa nga nila ito at dumatingsa Far West, Missouri, kasama ang kanilang pamilya noong Marso 14, 1838.Pagdating sa Far West, itinala ng Propeta ang mga sagot ng Panginoon sa ilangtanong tungkol sa mga talata sa Isaias. Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 113 naipinaliliwanag na nakatala sa bahaging ito ang mga tanong at mga sagot tungkol sailang talata sa Isaias 11 at 52.

Doktrina at mga Tipan 114Tinagubilinan ng Panginoon si David W. Patten na maghanda para sa misyon atbalaan ang mga miyembro ng Simbahan na nagtatwa sa KanyaIpaliwanag na noong Abril 11, 1838, nakatanggap si Propetang Joseph Smith ngpaghahayag hinggil kay Apostol David W. Patten.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na talata:

Si David W. Patten ay tinawag bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol noong1835. Hindi siya takot na ipaglaban ang Simbahan at si Propetang Joseph Smith. Sa

LESSON 44

296

Page 317: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

pagtatanggol sa mga Banal laban sa mga mandurumog sa Missouri, si David W. Patten aynakilala bilang si “Captain Fear Not.” (Tingnan sa Lycurgus A. Wilson, Life of David W. Patten:The First Apostolic Martyr [1900], 5, 14–15, 32, 41, 52, 62.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 114:1.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga tagubilinng Panginoon kay David W. Patten.

• Ano ang ipinagawa ng Panginoon kay Elder Patten?

• Gaano katagal naghanda si Elder Patten para sa kanyang misyon?

Ipaalam sa mga estudyante na matapos malaman ni Elder Patten ang paghahayagna nakatala sa Doktrina at mga Tipan 114, sinimulan niyang ihanda ang sarili sapagtupad ng kanyang misyon. Gayunman, pagkaraan ng halos anim na buwan siElder Patten ay napatay sa digmaan sa Ilog Crooked habang tinatangkang iligtasang buhay ng tatlong Banal sa mga Huling Araw na hostage ng lokal na milisya.

• Paano naging pagpapala kay Elder Patten ang utos na maghanda sa misyon,kahit hindi siya nakapaglingkod sa misyon na inasahan niya?

• Anong mga alituntunin ang matututuhan natin sa halimbawa ni Elder Patten?(Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod na alituntunin:Kung susundin natin ang payo ng Panginoon, magiging handa tayo nagawin ang tungkuling iniaatas Niya sa atin.)

• Kailan kayo sumunod sa payo ng Panginoon at nalaman ninyo na inihandakayo nito sa isang bagay na hindi ninyo inaasahan?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 114:2 na ipinaliliwanag na nagbabala angPanginoon na ang mga katungkulan ng mga taong nag-aapostasiya ay tatanggalinsa kanila at ibibigay sa iba.

Ipaliwanag na bago mamatay si Elder David W. Patten, kinausap niya ang ilan sakanyang mga kapwa Banal, kabilang na ang mga miyembro ng Korum ngLabindalawang Apostol, na hindi naging tapat. Sabi niya, “O kung sila lamang aynasa aking kalagayan! Sapagka’t nadama ko na iningatan ko ang pananampalataya,natapos ko ang aking takbo, magmula ngayon ay nakalaan sa akin ang putong naibibigay sa akin ng Panginoon, ang matwid na Hukom.” Sa kanyang asawa, sinabiniya, “Anupaman ang gawin mo, O mangyaring huwag mong itatatwa angpananampalataya” (sinipi ni Heber C. Kimball, sa Wilson, Life of David W.Patten, 69).

Ibahagi ang iyong patotoo sa mga katotohanang tinukoy sa lesson na ito, athikayatin ang mga estudyante na ipamuhay ang mga katotohanang ito.

LESSON 44

297

Page 318: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 45

Doktrina at mgaTipan 115–20Pambungad at TimelineNoong Abril 26, 1838, matapos lumipat sa Far West, Missouri, natanggap niPropetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 115. Inihayag ng Panginoon dito ang pangalan ng Simbahan, pinayuhan angmga miyembro na “bumangon at magliwanag” (D at T 115:5), at inatasan ang mgaBanal na magtayo ng templo sa Far West.

Noong Mayo 19, 1838, habang ginagalugad ang lupain pahilaga ng Far West,natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 116. Tinukoy dito ng Panginoon ang Spring Hill, Missouri, bilangAdan-ondi-Ahman.

Noong Hulyo 8, 1838, sa Far West, natanggap ng propeta ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 117–20. Sa paghahayag na nakatala sa Doktrinaat mga Tipan 117, iniutos ng Panginoon kay Newel K. Whitney at William Marks na“ayusin nila nang mabilis ang kanilang negosyo” sa Kirtland, Ohio, at lumipat saFar West (D at T 117:1). Tinawag din si Oliver Granger para ayusin ang pananalaping Unang Panguluhan sa Kirtland. Sa paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 118, tinagubilinan ng Panginoon si Propetang Joseph Smith na punan angmga bakanteng katungkulan sa Korum ng Labindalawang Apostol at iniutos samga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol na magmisyon sa ibangbansa. Sa mga paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 119–20, tinalakayng Panginoon ang malaking problema sa pinansyal ng Simbahan sa pagbibigay ngmga tagubilin hinggil sa batas ng ikapu at sa pamamahagi ng pondo ng ikapu.

Tag-init 1836Bumili ng lupain ang mga miyembro ng Simbahan at nagsimulang manirahan saisang lugar sa hilagang Missouri na tinawag nila na Far West.

Disyembre 1836Nilikha ng Missouri state legislature ang Caldwell County upang panirahananlamang ng mga miyembro ng Simbahan.

Marso 14, 1838Si Joseph Smith at ang kanyang pamilya ay dumating sa Far West, Missouri.

Abril 26, 1838Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 115.

Kalagitnaan ng Mayo 1838Si Joseph Smith ay nagpasimula ng isang ekspedisyon patungo sa mga lugar nanasa hilaga ng Far West, Missouri, upang maghanap ng karagdagang matitirahanng mga Banal.

Mayo 19, 1838Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 116.

298

Page 319: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Hulyo 8, 1838Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 117–20.

Abril 26, 1839Isinakatuparan ng pitong miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol angkatuparan ng propesiya sa pamamagitan ng paglalatag ng pangulong bato sapanulok ng Far West Temple.

Taglagas 1839Ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay umalis paramagmisyon sa Great Britain.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 115–16Iniutos ng Panginoon sa mga miyembro ng Simbahan na magtayo ng templo sa FarWest, Missouri, at inihayag ang kinaroroonan ng Adan-ondi-AhmanSabihin sa mga estudyante na isipin ang pagkakataong inabutan sila ng malakas nabagyo. Anyayahan ang ilang estudyante na maikling ibahagi ang kanilang mgakaranasan.

• Paano maihahalintulad sa malakas na bagyo ang mga pagsubok at mga tukso?

Hikayatin ang mga estudyante na maghanap ng doktrina at mga alituntunin sapag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan 115 na makatutulong sa kanila namakahanap ng kanlungan mula sa maraming unos sa buhay na ito.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngDoktrina at mga Tipan 115, ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsumusunod na talata. (Maaari mo ring ipakita ang kalakip na mapa na nagpapakitang Jackson, Clay, at Caldwell County.)

Matapos sapilitang paalisin ang mga miyembro ng Simbahan sa Jackson County, Missouri, noong1833, maraming nanirahan sa Clay County, Missouri, habang sinisikap na mabawi ang kanilangmga lupain. Nang mabigo ang mga pagsisikap nilang ito at pinaalis ng mga residente ng ClayCounty sa bayan nila ang mga Banal noong 1836, sinimulan ng mga lider ng Simbahan na ilipatng tirahan ang mga Banal sa isang rehiyon sa hilagang Missouri na walang nakatira, kung saan

LESSON 45

299

Page 320: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

nila itinatag ang pamayanan na pinangalanang Far West. Nang bisitahin ni Propetang JosephSmith ang Far West noong Nobyembre 1837, ipinasiya ng mga lider ng Simbahan na palawakinang Far West at magtayo ng templo, kung makatatanggap sila ng mga karagdagang tagubilinmula sa Panginoon. Lumipat ang Propeta sa Far West noong Marso 1838, at noong Abril 26,1838, natanggap niya ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 115. (Tingnan saAlexander L. Baugh, “From High Hopes to Despair: The Missouri Period, 1831–39,” Ensign, July2001, 48; The Joseph Smith Papers, Documents, Volume 6: February 1838–August 1839, inedit niMark Ashurst-McGee at iba pa [2017], 112–13.)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 115:1–3 na ipinaliliwanag na ibinigay ngPanginoon ang paghahayag na ito para sa mga lider at miyembro ng Simbahan.

Ipaliwanag na bago ang pahayag na ito, ang Simbahan ay tinawag sa iba’t ibangpangalan, gaya ng Simbahan ni Cristo o Simbahan ng mga Banal sa mga HulingAraw. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 115:4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ipinangalan ngPanginoon sa Kanyang Simbahan.

• Ano ang ipinangalan ng Panginoon sa Kanyang Simbahan?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 115:5.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang iniutos ngPanginoon na gawin ng mga miyembro ng Simbahan.

• Ano ang inaasahan ng Panginoon sa mga miyembro ng Simbahan?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “bumangon at magliwanag”?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa talata 5 tungkol sa maaaringmangyari kung gagawin natin na “bumangon at magliwanag”? (Tulungan angmga estudyante na matukoy ang alituntuning tulad ng sumusunod: Kung tayoay babangon at magliliwanag, ang ating liwanag ay magiging isangsagisag sa mga bansa.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “maging isang sagisag sa mga bansa”(talata 5)? (Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang atinghalimbawa bilang mga miyembro ng Simbahan na gumagawa at tumutupad ngmga tipan ay inspirasyon sa iba at makatutulong na ilapit sila sa Panginoon.)

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang taong kilala nila na nakapagbigayng inspirasyon sa iba at nakatulong na mas ilapit sila sa Panginoon dahil sakanilang halimbawa. Sabihin sa isa o dalawang estudyante na ipaliwanag kungpaano naging liwanag sa iba ang taong kilala nila.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 115:6.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mgaipinangakong pagpapala sa mga magtitipon sa mga istaka o stake ng Sion.

• Anong mga pagpapala ang ipinangako ng Panginoon sa mga magtitipon samga istaka o stake ng Sion? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat angsumusunod na alituntunin sa pisara: Kapag tayo ay nagtipon sa mga stake ngSion, magkakaroon tayo ng isang tanggulan at isang kanlungan mula saunos.)

LESSON 45

300

Page 321: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang ilang “unos” na nararanasan ng mga kabataan ngayon?

• Paano nakatulong sa inyo ang pagtitipon kasama ng mga Banal sa paghahanapng mga kanlungan mula sa mga unos na ito?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na talata:

Tulad ng nakatala sa Doktrina at mga Tipan 115:7–19, iniutos ng Panginoon sa mga Banal namagtayo ng templo sa Far West “alinsunod sa huwarang” ipakikita ng Panginoon sa UnangPanguluhan (mga talata 14–16). Iniutos din sa kanila ng Panginoon na “kaagad itayo” angpamayanan sa Far West at hanapin ang “ibang mga lugar … sa paligid” kung saanmakapagtatatag ang mga Banal ng mga stake ng Sion (mga talata 17–18). Bilang pagsunod satagubiling ito, ginalugad ni Propetang Joseph Smith at ng iba pang mga lider ng Simbahan angmga lugar na nakapalibot sa Far West, at sa isa sa mga ekspedisyong ito natanggap ng Propetaang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 116.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading para sa Doktrina atmga Tipan 116 at ang Doktrina at mga Tipan 116:1. Sabihin sa klase na tahimik nasumabay sa pagbasa, at alamin ang pangalan ng lugar na ginalugad ni PropetangJoseph Smith.

• Ano ang ipinahayag ng Panginoon tungkol sa Spring Hill, Missouri?

Ipaliwanag na tatlong taon bago siya pumanaw, tinipon ni Adan ang kanyangmabubuting angkan sa Adan-ondi-Ahman at sila’y binasbasan, “at ang Panginoonay nagpakita sa kanila” (tingnan sa D at T 107:53–56). Bago magsimula angMilenyo, mangyayari ang isa pang mahalagang pulong sa Adan-ondi-Ahman,kung saan magtitipon ang Tagapagligtas at si Adan at ang iba pang mga propetakasama ang mabubuting miyembro ng Simbahan (tingnan sa D at T 27: 5–14;Daniel 7:13–14, 22).

Doktrina at mga Tipan 117Iniutos ng Panginoon kina William Marks at Newel K. Whitney na lisanin angKirtland, Ohio, at inatasan Niya si Oliver Granger na ayusin ang mga gawaingpangnegosyo ng Unang PanguluhanIpaliwanag na matapos lisanin ni Propetang Joseph Smith ang Kirtland, Ohio,noong Enero 1838, si William Marks ay itinalaga na pangasiwaan ang Simbahan saKirtland at bayaran ang mga pagkakautang nina Joseph Smith at Sidney Rigdondoon. Si Bishop Newel K. Whitney ang namamahala sa mga negosyo at ari-arianng Simbahan sa Kirtland. Kailangang isaayos ng dalawang lalaking ito ang mgagawain ng Simbahan sa Kirtland, at pagkatapos ay kaagad lumipat sa Missourikasama ang iba pang mga Banal. Gayunman, noong Hulyo 1838, nanatili angdalawang lalaking ito sa Kirtland. (Tingnan sa The Joseph Smith Papers, Documents,Volume 6: February 1838–August 1839, 191.)

Paglalahad ng TitserBagama’t mahalaga ang pagiging aktibo ng mga estudyante sa proseso ng pag-aaral sa kanilangpag-unawa at pagsasabuhay ng mga banal na kasulatan, hindi pinapalitan ng pakikibahagi ng

LESSON 45

301

Page 322: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

estudyante ang pangangailangan na maglahad ka ng impormasyon sa iba’t ibang pagkakataonhabang nakikinig ang mga estudyante. Halimbawa, maaaring kailanganin mong ipaliwanag olinawin ang konteksto ng scripture block upang mas madaling maunawaan ng mga estudyanteang nilalaman nito.

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 117:1–3, atalamin kung ano ang sinabi ng Panginoon kina William Marks at Newel K.Whitney.

• Ano ang sinabi ng Panginoon sa dalawang lalaking ito?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 117:4–9.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakit nanatiliang mga lalaking ito sa Kirtland.

• Ayon sa mga talata 4–5, bakit nanatili ang mga lalaking ito sa Kirtland? (Kungkinakailangan, ipaliwanag na labis nilang inalala ang tungkol sa mga ari-ariannila sa Kirtland.)

• Ano ang sinabi ng Panginoon sa kanila tungkol sa “ari-arian” sa mga talata5–8? (Ipaliwanag na ang pariralang “mga kapatagan ng Olaha Shinehah” aytumutukoy sa lupain sa paligid ng Adan-ondi-Ahman.)

• Sa inyong palagay, ano ang ibig sabihin ng pariralang “magnasa ng … patak …at pabayaan ang mas mabibigat na bagay” sa talata 8?

• Batay sa sinabi ng Panginoon sa mga lalaking ito, ano ang magagawa natindahil sa “kasakiman” (talata 4)? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulatsa pisara ang sumusunod na alituntunin: Ang ating kasakiman ay maaaringmaging sanhi para mapabayaan natin ang mas mabibigat o importantengbagay.)

• Ano ang ilang halimbawa ng “kasakiman” (talata 4) na maaaring maging sanhipara ating “[ma]pabayaan ang mas mabibigat na bagay” (talata 8)?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 117:10–11 na ipinaliliwanag na pinayuhan ngPanginoon si William Marks na “maging matapat sa maliliit na bagay” upang siyaay gawing “isang tagapamahala sa marami” (talata 10). Sinabi rin ng Panginoonkay Brother Marks na patuloy siyang maglilingkod bilang lider ng Simbahanpagdating niya sa Far West. Pagkatapos ay pinagalitan ng Panginoon si Newel K.Whitney dahil sa “kanyang kaliitan ng kaluluwa,” at tinagubilinan siya na “magingisang obispo … hindi sa pangalan kundi sa gawa” sa Adan-ondi-Ahman(talata 11).

Sabihin sa mga estudyante na si Oliver Granger ay inatasang bumalik sa Kirtlandbilang financial agent para sa Unang Panguluhan (mga talata 12–14) upang sinaBrother Marks at Bishop Whitney ay magawang “ayusin … nang mabilis angkanilang negosyo” (talata 1).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 117:12–15.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon tungkol kay Oliver Granger. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnalaman nila.

LESSON 45

302

Page 323: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa inyong palagay, ano ang ibig sabihin ng pariralang “ang kanyang hain aymas banal sa akin kaysa kanyang yaman” sa talata 13?

Doktrina at mga Tipan 118Tumawag ang Panginoon ng apat na bagong Apostol at tumawag ng mga miyembrong Korum ng Labindalawang Apostol na maglilingkod sa misyon sa ibang bansaIpaliwanag na noong tag-init ng 1838, habang inihahanda ni Propetang JosephSmith ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol na magmisyon saibang bansa at sinisikap na mapunan ang mga nabakanteng katungkulan saKorum, ipinagdasal niya na ihayag ng Panginoon ang Kanyang kalooban hinggil saLabindalawang Apostol. Bilang sagot sa kanyang panalangin, natanggap ni JosephSmith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 118, kung saantumawag ang Panginoon ng apat na bagong Apostol at tinagubilinan ang mgamiyembro ng korum tungkol sa kanilang pagmimisyon sa ibang bansa.

Doktrina at mga Tipan 119–120Inihayag ng Panginoon ang batas ng ikapu at bumuo ng isang council namamamahala sa mga pondo ng ikapuIpaliwanag na noong Hulyo 1838, malaki pa rin ang pagkakautang ng Simbahan,subalit inatasan ang mga miyembro ng Simbahan na itatag ang Far West atmagtayo ng isa pang templo nang hindi na mangungutang (tingnan sa D at T115:8–13). Nakipagkita ang Propeta sa mga lider ng Simbahan noong Hulyo 8,1838, upang talakayin ang dapat nilang gawin.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang section heading ngDoktrina at mga Tipan 119, at alamin ang ginawa ng Propeta na humantong sapaghahayag na ito. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 119:1–4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sagot ngPanginoon sa panalangin ng Propeta.

• Ano ang ipinagawa ng Panginoon sa mga miyembro ng Simbahan ayon sanakatala sa mga talata 1–2?

• Ano ang iniutos ng Panginoon sa mga miyembro ng Simbahan matapos nilangibigay ang kanilang “labis na ari-arian” (talata 1) sa bishop?

• Ipaliwanag ang pariralang “ito ay mananatiling batas sa kanila magpakailaman”sa talata 4.

• Ano ang ibig sabihin ng “mananatiling batas … magpakailanman”?

• Anong “mananatiling batas” ang ibinigay sa atin ng Panginoon? (Tulungan angmga estudyante na matukoy ang sumusunod na doktrina: Iniuutos sa atin ngPanginoon na magbayad ng ikasampung bahagi ng ating tinubo o kinitabilang ikapu.)

Ipaliwanag na nilinaw ng Panginoon ang ating pang-unawa tungkol sa“mananatiling batas” ng ikapu sa ating panahon. Noong 1970, itinuro ng UnangPanguluhan na ang pariralang “lahat ng kanilang tinubo taun-taon” (talata 4) aytumutukoy sa ating kinikita (tingnan sa liham ng Unang Panguluhan, Mar. 19,

LESSON 45

303

Page 324: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

1970). Ang mga miyembro ay hindi na kailangang ibigay ang “lahat nilang labis naari-arian” bilang ikasampung bahagi ng kanilang kita.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan119:5–6, at alamin kung ano ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kung hindiipamumuhay ng mga Banal ang batas na ito. Sabihin sa mga estudyante na ibahagiang nalaman nila.

• Paano tayo pinababanal ng pagbabayad ng ikapu?

• Paano kayo napagpala ng Panginoon dahil sa matapat na pagbabayad ng ikapu?

Sabihin sa mga estudyante na mangako na tapat na magbayad ng kanilang ikapupara matanggap din nila ang mga pagpapala ng Panginoon.

Sabihin sa mga estudyante na sa Doktrina at mga Tipan 120, bumuo angPanginoon ng isang council na mamamahala sa pondo ng ikapu.

Maaari mong rebyuhin at patotohanan ang doktrina at mga alituntuning tinukoy salesson na ito. Hikayatin ang mga estudyante na ipamuhay ang mgakatotohanang ito.

LESSON 45

304

Page 325: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 46

Doktrina at mga Tipan121:1–10; 122–23Pambungad at TimelineNoong Oktubre, 31, 1838, dinakip ng milisya ng estado ng Missouri si PropetangJoseph Smith at iba pang mga lider ng Simbahan sa Far West, Missouri. Kalaunanang kalalakihang ito ay ikinulong sa Liberty Jail sa Clay County, Missouri, atdumanas ng matinding hirap sa apat na buwan na pagkabilanggo. Habang nasaLiberty Jail, sumulat ang Propeta para sa mga miyembro ng Simbahan noongMarso 20, 1839, at sumulat pang muli mga dalawang araw kalaunan, kung saannaglakip ang Propeta ng mga panalanging isinulat niya na nagsusumamo saPanginoon na kaawaan siya at ang lahat ng “mga nagdurusang Banal” (tingnan saD at T 121:4, 6). Isinama rin niya ang sagot ng Panginoon sa mga panalanging iyon,pati na rin ang payo sa mga miyembro ng Simbahan na sapilitang pinaalis sakanilang mga tahanan sa Missouri. Ang ilang bahagi ng mga liham na ito aynakatala sa Doktrina at mga Tipan 121–23.

Agosto–Oktubre 1838Ang mga hindi pagkakaunawaan at tensyon sa pagitan ng mga taga Missouri atmga miyembro ng Simbahan ay nauwi sa marahas na labanan.

Oktubre 27, 1838Si Gobernador Lilburn W. Boggs ay nagbigay ng awtorisasyon na lipulin o paalisinang lahat ng Banal sa mga Huling Araw mula sa estado ng Missouri.

Oktubre 30, 1838Sinalakay ng mga vigilante ang mga miyembro ng Simbahan sa pamayanan ngHawn’s Mill, na 12 milya pasilangan ng Far West, na ikinamatay ng 17 kalalakihanat mga batang lalaki at ikinasugat ng 13 iba pa.

Oktubre 31, 1838Si Propetang Joseph Smith at iba pa ay dinakip at ikinulong ng milisya ng estadong Missouri sa Far West, Missouri.

Disyembre 1, 1838Si Propetang Joseph Smith at kanyang mga kasama ay ikinulong sa Liberty Jail saClay County, Missouri.

Marso 20–22, 1839Sumulat ng mga liham si Propetang Joseph Smith mula sa Liberty Jail, at ilansa mga nilalaman nito ang nakatala sa Doktrina at mga Tipan 121–23.

Abril 6, 1839Si Propetang Joseph Smith at kanyang mga kasama ay kinuha mula sa Liberty Jailat dinala sa Gallatin, Missouri, para dumalo sa pagdinig sa korte. Noong Abril 16,1839, pinayagan silang tumakas, at nakasama nila ang mga Banal sa Illinois.

305

Page 326: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Anyayahan ang mga estudyante na makibahagiDapat sikapin ng mga titser na makahanap ng mga paraan para angkop na maanyayahan anglahat ng estudyante na makibahagi sa mga talakayan sa klase. Kabilang sa ilang pamamaraanna makatutulong sa mga estudyante para makibahagi sa klase ay ang pagtawag sa kanilangmga pangalan, pag-iba ng paraan ng pagtatanong, pakikinig na mabuti at pagbibigay ngkasunod na tanong, pasasalamat sa mga isinagot ng mga estudyante, at pagbibigay sa mgaestudyante ng panahon na mapag-isipan ang tanong at makapag-isip ng sagot. Huwag ipahiyaang mga estudyante sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila kapag hindi sila handang sumagot.

Doktrina at mga Tipan 121:1–10; 122:1–9Sinagot ng Panginoon ang mga pagsamo ni Propetang Joseph Smith sa Liberty JailAnyayahan ang anim na estudyante na basahin nang malakas ang isa sa mgasumusunod na talata. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano kayasila tutugon sa mga sitwasyong ito.

1. Nang magsimula ang mga miyembro ng Simbahan na manirahan sa hilagangMissouri noong 1836, nakaranas sila ng parehong problema na dinanas nilanoon sa Jackson County at saanmang dako sa Missouri: ang mga orihinal natagaroon ay naghinala sa kanila at natakot na baka di-magtagal ang mgaMormon na ang magkokontrol sa ekonomiya at pulitika sa lugar. Angpagkakaiba sa relihiyon ay nagdulot din ng tensyon sa pagitan ng dalawanggrupo. Bukod pa rito, ang mga nag-apostasiya sa Simbahan ay nagdulot din ngproblema sa mga Banal.

2. Pagsapit ng tag-init ng 1838, ang di-magandang ugnayan sa pagitan ng mgamiyembro ng Simbahan, mga tumiwalag, at mga orihinal na naninirahan sahilagang Missouri ay lalong tumindi. Sa isang talumpati na ibinigay noongHunyo 17, 1838, iginiit ni Sidney Rigdon na dapat nang paalisin sa mgakomunidad ng mga Banal ang mga tumiwalag. Hindi nagtagal pagkaraan noon,isang liham ang ipinadala sa mga tumiwalag na ito, at binalaan silang lisaninang lugar o pagdusahan ang mga mangyayari kapag nanatili pa sila. NoongHulyo 4, 1838, nagbigay pa ng isang talumpati si Sidney Rigdon kung saanbinalaan niya ang mga mandurumog na marahas na makikipaglaban ang mgamiyembro ng Simbahan kapag inatake sila. Bukod pa rito, isang maliit na bilangng kalalakihan ang bumuo ng isang militar na grupo na tinatawag na MgaDanita, na may mga pagkakataong kumikilos nang hindi alam ng UnangPanguluhan at gumagamit ng pananakot at maging ng karahasan sa mgakaaway ng Simbahan.

3. Noong Agosto 1838, isang grupo ng galit na mamamayan ang nagtipon saGallatin, Missouri, upang pigilan sa pagboto ang maliit na grupo ng mgamiyembro ng Simbahan. Humantong ito sa pag-aaway, kung saan ilang tao samagkabilang panig ang malubhang nasugatan. Samantala, sinabi ng mgaresidente ng Carroll County, Missouri, sa mga Banal na dapat na nilang lisaninang county pagsapit ng Agosto 7, 1839. Sa kabila ng pagsisikap ng mga Banalna ipagtanggol ang kanilang sarili, noong mga unang araw ng Oktubre, isang

LESSON 46

306

Page 327: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

grupo ng mga mandurumog ang sumalakay sa pamayanan ng De Witt, CarrollCounty, hanggang sa napilitang umalis ang mga Banal.

4. Matapos sapilitang paalisin ang mga Banal mula sa De Witt, ganoon din angginawa ng mga mandurumog sa Adan-ondi-Ahman. Si Propetang JosephSmith “at ang iba pang mga lider ng simbahan ay nagsabi na ang dahilan kungbakit kinailangang agresibong ipagtanggol ng mga Banal ang kanilang sarili aydahil hindi sila nabibigyan ng proteksyon ng mga awtoridad ng estado. …Nang sumunod na ilang linggo, ang mga Banal sa mga Huling Araw at angmga anti-Mormon ay marahas na nagsikilos laban sa isa’t isa at walang ginawaang pamahalan at milisya sa tumitinding tensyon.” Kabilang sa mga pagkilosna ito ang pagsunog ng mga gusali at pagkumpiska ng mga ari-arian. (TheJoseph Smith Papers, Documents, Volume 6: February 1838–August 1839, ineditni Mark Ashurt-McGee at iba pa [2017], 265–66). Noong Oktubre 1838, ilangtumiwalag sa Simbahan ang pumirma ng affidavit na inaakusahan si PropetangJoseph Smith na siyang pasimuno ng karahasan sa Missouri. Noong mgahuling araw ng Oktubre 1838, isang grupo ng milisya ng estado ang dumakipng tatlong kalalakihang Banal sa mga Huling Araw na naglilibot sa lugarmalapit sa Ilog Crooked, Missouri. Nang kumalat ang balitang papatayin angmga bihag nang gabing iyon, kaagad na pinakilos ng mga Banal ang 60 kataongmiyembro ng milisya upang iligtas ang mga bihag. Nang makaharap ngkalalakihang ito ang milisya na kalaban ng mga Mormon, nagkabarilan sila, attatlong miyembro ng Simbahan, kabilang si Apostol David W. Patten, at isangtaga Missouri ang napatay. Dahil pinagbatayan lamang ang mga eksaheradongulat na nagpaparatang na ang mga miyembro ng Simbahan ang lumikha ngmga kaguluhan sa Missouri, naglabas si Gobernador Lilburn W. Boggs ngexecutive order noong Oktubre 27, 1838, na nag-uutos na palayasin ang lahatng Mormon mula sa estado o lipulin sila. Noong Oktubre 30, 1838, mahigit 200katao ang umatake sa pamayanan ng mga Mormon sa Hawn’s Mill malapit saFar West at pinatay ang 17 kalalakihan at mga batang lalaki at nasugatan ang 13iba pa.

5. Noong Oktubre 1838, nagtipon ang 1800 miyembro ng milisya ng estado sapaligid ng lunsod ng Far West. Nang nagharap na para sa napipintongpaglalaban, dinakip ng milisya si Propetang Joseph Smith at iba pang mga liderng Simbahan. Pagkatapos nito ay pumasok na ang militia sa Far West,ninakawan ang lunsod, at pinagbantaan at sinalakay ang mga miyembro ngSimbahan. Dahil inakusahan ng pagtataksil sa pamahalaan at iba pang krimen,si Propetang Joseph Smith at iba pang mga lider ng Simbahan ay dinalakalaunan sa Richmond, Missouri, kung saan sila hinatulan ni Judge Austin Kingna mabilanggo sa Liberty Jail sa Clay County, Missouri, hanggang sa sumapitang paglilitis sa kanila sa susunod na tagsibol. Dumating sila sa Liberty Jailnoong Disyembre 1, 1838.

6. Si Propetang Joseph Smith, ang kapatid niyang si Hyrum, Sidney Rigdon,Alexander McRae, Lyman Wight, at Caleb Baldwin ay ikinulong sa silong ngpiitan ng Liberty Jail nang apat na buwan sa panahon ng matinding taglamig.Ang silid ay may sukat na 14 by 14 feet (4.3 by 4.3 meters) at may kisame na 6hanggang 6.5 feet ang taas (sa pagitan ng 1.8 at 2 meters). Dalawang maliliit nabintanang may rehas ang nagbigay ng kaunting liwanag. Kabilang sa kakaunti

LESSON 46

307

Page 328: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

nilang kagamitan ang maruming dayami para tulugan at timba para sa dumi ngtao. Ang tanging proteksyon nila sa lamig ay iisang kumot. Dahil sobrang panisat nakakasuka ang kanilang pagkain, matinding gutom lang ang nagtutulak sakanila na kumain, na kadalasang nagdudulot sa kanila ng sakit. Bukod pa rito,labis silang nasasaktan sa naririnig na balita tungkol sa pagtaboy sa mganaghihirap na mga Banal mula sa Missouri sa kalagitnaan ng taglamig.

• Kung kayo ay miyembro ng Simbahan sa Missouri sa panahong ito, ano kayaang magiging reaksyon ninyo sa mga pagsubok na ito?

Ipaliwanag na habang siya ay nasa Liberty Jail, sumulat si Propetang Joseph Smithsa mga miyembro ng Simbahan noong Marso 20, 1839, at isa pang lihampagkaraan ng mga dalawang araw. Ang Doktrina at mga Tipan 121–23 aynaglalaman ng ilang bahagi ng mga liham na ito. Sabihin sa mga estudyante namaghanap ng doktrina at mga alituntunin sa pag-aaral nila ng Doktrina at mgaTipan 121–23 na makatutulong sa atin ngayon sa mga panahon ng pagsubok.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 121:1–6. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang ginawa ni Propetang Joseph Smith sa panahong ito ng matinding pagsubok.

• Ano ang ginawa ng Propeta sa panahong ito ng matinding pagsubok?

• Ano ang tumimo sa inyo tungkol sa kanyang mga pagsamo at katanungan saPanginoon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 121:7–10.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sagot ngPanginoon sa mga katanungan at pagsamo ni Propetang Joseph Smith.

• Anong mga parirala sa mga talatang ito ang nagbigay ng kapanatagan saPropeta at iba pang mga miyembro ng Simbahan na nagdurusa?

• Anong mga alituntunin ang matutukoy natin sa mga talatang ito namakatutulong sa atin sa panahon ng “kasawian at … mga pagdurusa”(talata 7)? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat ang mga sumusunodna alituntunin sa pisara: Kung tayo ay tatawag sa Diyos sa oras ngmatinding kasawian at pagdurusa, matatanggap natin ang Kanyangkapayapaan. Kung matitiis natin nang mabuti ang ating mga pagdurusa,pagpapalain tayo ng Diyos ngayon at sa mga kawalang-hanggan.)

• Ano ang ibig sabihin ng “pagtitiisang mabuti [ang ating mga pagdurusa]”(talata 8)?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan:

“Ang pagsubok sa atin ng mapagmahal na Diyos ay hindi upang malaman kung matitiis natinang hirap. Kundi kung matitiis natin ito nang husto. Nalalampasan natin ang pagsubok sapagpapakita na naaalala natin Siya at ang mga utos Niya sa atin. At ang pagtitiis nang husto aypagsunod sa mga utos na iyon anuman ang oposisyon, tukso, at kaguluhan sa ating paligid”(Henry B. Eyring, “Sa Lakas ng Panginoon,” Ensign o Liahona, Mayo 2004, 17).

LESSON 46

308

Page 329: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ayon sa pahayag na ito, paano natin matitiis nang husto ang ating mgapagdurusa?

• Sa anong mga pagkakataon sa buhay ng Tagapagligtas na tiniis Niya nanghusto ang kasawian at pagdurusa?

Ipaliwanag na ang Doktrina at mga Tipan 121:11–46 ay naglalaman ng mgatagubilin tungkol sa ilang katanungan at pagsamo ni Propetang Joseph Smith nanakatala sa mga talata 1–10 at tatalakayin sa susunod na lesson.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 122:1–4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ipinangako ngPanginoon sa Propeta habang siya ay nasa Liberty Jail.

• Aling mga pangako ang pinakatumimo sa inyo? Bakit?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 122:5–7. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang alituntuning itinuro ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith tungkol sa mgapaghihirap na naranasan niya at ng mga Banal.

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa talata 7 tungkol sa kung paanomakatutulong sa atin ang ating mga pagdurusa? (Sa pagsagot ng mgaestudyante sa tanong na ito, isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin:Ang ating mga pagdurusa ay makapagbibigay sa atin ng karanasan atmakabubuti sa atin.)

• Sa anong mga paraan na ang ating mga kasawian at pagdurusa ay “magbibigaysa [atin] ng karanasan, … at para sa [ating] ikabubuti” (talata 7)?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon na nagingkapakinabangan para sa kanila ang kapighatian o pagdurusa. Ipabahagi sa ilangestudyante ang kanilang mga karanasan sa klase.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 122:8–9.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano pa angitinuro ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith habang siya ay nasa Liberty Jail.

• Anong doktrina ang matutukoy natin tungkol kay Jesucristo sa talata 8?(Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod nadoktrina: Si Jesucristo ay nagpakababa-baba sa lahat ng bagay.)

• Sa anong mga paraan “nagpakababa-baba [ang Tagapagligtas] sa lahat [ngbagay]”?

• Paano makatutulong sa atin ang kaalaman na ang Tagapagligtas aynagpakababa-baba sa lahat ng bagay kapag dumaranas tayo ng matindingkasawian at pagdurusa?

• Anong payo ang nakatala sa talata 9?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga kasawian o pagdurusa nakasalukuyan nilang nararanasan o naranasan kamakailan. Rebyuhin ang doktrinaat mga alituntuning nakasulat sa pisara, at patotohanan ito sa kanila. Hikayatin angmga estudyante na alalahaning ipamuhay ang mga katotohanang ito sa oras ngmatinding kasawian at pagdurusa.

LESSON 46

309

Page 330: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 123:1–17Pinayuhan ni Propetang Joseph Smith ang mga Banal na nararapat silang magtiponat maglathala ng mga tala tungkol sa mga pag-uusig na dinanas nilaIbuod ang Doktrina at mga Tipan 123:1–10 na ipinaliliwanag na pinayuhan ngPropeta ang mga Banal na magtipon at maglathala ng mga ulat tungkol sa mgapag-uusig na dinanas nila.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 123:11–12.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ilan sa mgadahilan kung bakit kailangang tipunin at ilathata ng mga Banal ang mga ulat naito. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 123:13–16.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi niPropetang Joseph Smith sa mga Banal tungkol sa kanilang mga pagsisikap nailahad ang katotohanan sa iba.

• Ayon sa talata 15, bakit sinabihan ang mga Banal na huwag ituring angkanilang mga ginagawa na “maliit na bagay”?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin mula sa talata 15 tungkol sakahalagahan ng tila maliit na pagpapasiya? (Tulungan ang mga estudyante namatukoy ang alituntuning tulad ng sumusunod: Ang matalinong pagpapasiyasa mga bagay na tila maliit ay magpapala nang malaki sa ating buhay at samga susunod na henerasyon.)

• Paano nakatutulong ang halimbawa ng timon ng isang barko (ang manibelanito) sa talata 16 para maunawaan natin ang kahalagahan ng ilang pagpapasiyana tila maliit lamang?

• Ano ang ilang halimbawa ng mga kautusan na tila maliit o hindi mahalagangunit maaaring magkaroon ng malaking epekto sa atin at sa mga susunodhenerasyon? (Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante.)

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan at patotoohinggil sa alituntuning ito.

Hikayatin ang mga estudyante na tahimik na tukuyin ang ilang “maliit” nakautusan na higit nilang masigasig na masusunod. Sabihin sa kanila na magsulatng isang mithiin na sisimulan ngayon upang mas masigasig nilang masunod angmga kautusang iyon.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan123:17, at alamin kung ano ang ipinayo ni Propetang Joseph Smith na gawin ngmga Banal sa mahirap na panahong ito.

• Ano ang ipinayo ng Propeta na gawin ng mga Banal?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “makita ang pagliligtas ng Diyos, atupang ang kanyang bisig ay maipahayag” (talata 17)? (Kung kailangan,ipaliwanag na nangangahulugan ito ng pagtanggap ng tulong ng Diyos.)

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa talata 17? (Tulungan ang mgaestudyante na matukoy ang sumusunod na alituntunin: Kung gagawin natin

LESSON 46

310

Page 331: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

ang lahat ng bagay sa abot ng ating makakaya kapag naghahangad tayo ngtulong ng Diyos, makatitiyak tayo na tutulungan tayo ng Diyos.)

• Sa inyong palagay, bakit mahalagang “malugod na gawin ang lahat ng bagay saabot ng ating makakaya” kapag naghahangad tayo ng tulong ng Diyos samahihirap na kalagayan?

Ibahagi ang iyong patotoo sa mga katotohanang natukoy ng mga estudyante saDoktrina at mga Tipan 123:15, 17, at hikayatin silang masigasig na sundin ang mgakautusan ng Panginoon at ibigay ang lahat ng makakaya nila kapag naghahangadsila ng tulong ng Diyos.

LESSON 46

311

Page 332: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 47

Doktrina at mga Tipan121:11–46Pambungad at TimelineNoong Oktubre, 31, 1838, dinakip ng milisya ng estado ng Missouri si PropetangJoseph Smith at iba pang mga lider ng Simbahan sa Far West, Missouri. Kalaunanang kalalakihang ito ay ikinulong sa Liberty Jail sa Clay County, Missouri, atdumanas ng matinding hirap sa apat na buwan na pagkabilanggo. Habang nasaLiberty Jail, sumulat ang Propeta sa mga miyembro ng Simbahan noong Marso 20,1839, at sumulat pang muli pagkaraan ng mga dalawang araw, kung saaninilarawan niya ang kahatulang daranasin ng masasama gayon din ang mgaipinangakong pagpapala sa lahat ng “magiting na nagtiis” (D at T 121:29). Itinurodin ni Propetang Joseph Smith ang mga alituntunin tungkol sa awtoridad atkapangyarihan ng priesthood. Ang ilang bahagi ng mga liham na ito ay nakatala saDoktrina at mga Tipan 121:11–46.

Agosto–Oktubre 1838Ang mga hindi pagkakaunawaan at tensyon sa pagitan ng mga miyembro ngSimbahan at iba pang taga Missouri ay nauwi sa marahas na labanan.

Oktubre 27, 1838Si Gobernador Lilburn W. Boggs ay nagbigay ng awtorisasyon na lipulin o paalisinang lahat ng Banal sa mga Huling Araw mula sa estado ng Missouri.

Oktubre 30, 1838Sinalakay ng mga vigilante na anti-Mormon ang mga miyembro ng Simbahan sapamayanan ng Hawn’s Mill, na nasa 12 milya pasilangan ng Far West, Missouri, naikinamatay ng 17 kalalakihan at mga batang lalaki at ikinasugat ng 13 iba pa.

Oktubre 31, 1838Si Propetang Joseph Smith at iba pa ay dinakip at ikinulong ng milisya ng estadong Missouri sa Far West, Missouri.

Disyembre 1, 1838Si Propetang Joseph Smith at kanyang mga kasama ay ikinulong sa Liberty Jail saClay County, Missouri.

Marso 20–22, 1839Sumulat ng mga liham si Propetang Joseph Smith mula sa Liberty Jail, atilang bahagi ng mga nilalaman nito ay nakatala sa Doktrina at mgaTipan 121–23.

Abril 6, 1839Si Propetang Joseph Smith at kanyang mga kasama ay kinuha mula sa Liberty Jailat dinala sa Gallatin, Missouri, para dumalo sa pagdinig sa korte. Noong Abril 16,1839, pinayagan silang tumakas, at nakasama nila ang mga Banal sa Illinois.

312

Page 333: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 121:11–25Inilarawan ng Tagapagligtas ang paghuhukom na darating sa mga taongsumasalungat sa Kanyang gawainSabihin sa mga estudyante na umisip ng isang miyembro ng Simbahan na kilalanila na nakararanas ng mahihirap na pagsubok ngunit pinili pa ringmanatiling tapat.

• Sa inyong palagay, bakit pinili ng taong ito na manatiling tapat kahit sapanahon ng pagdurusa at paghihirap?

Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng doktrina at mga alituntunin sapag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan 121 na makatutulong sa kanila namanatiling tapat sa panahon ng kapighatian.

Ipaalala sa mga estudyante na tiniis ni Propetang Joseph Smith at ilang iba pangmga lider ng Simbahan ang matinding pagdurusa habang nakakulong sa LibertyJail mula Disyembre 1, 1838, hanggang Abril 6, 1839. Noong panahong iyon, angmga miyembro ng Simbahan sa Missouri ay nagdanas din ng matindingpaghihirap. Pagkatapos iutos ni Gobernador Lilburn W. Boggs ang pagpapaalis nglahat ng Mormon mula sa estado ng Missouri noong Oktubre 1838, napilitang iwanng mga miyembro ng Simbahan ang kanilang tahanan at naglakbay patawid ngIlog Mississippi sa gitna ng matinding taglamig. Marami sa mga Banal ang napuntasa maliliit na komunidad sa Illinois, kung saan sila nahirapang maghanap ng sapatna pagkain at tirahan. Noong Marso 1839, habang nakakulong pa rin, sumulat angPropeta ng dalawang liham sa mga miyembro ng Simbahan na nakalakip angkanyang mga panalangin tungkol sa kanilang mga paghihirap at ang mga sagot nanatanggap niya sa mga panalanging iyon, pati na ang payo niya sa “mganagdurusang Banal” (D at T 121:6). Ang mga bahagi ng liham na ito ay nakatala saDoktrina at mga Tipan 121:11–46.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 121:1–3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga itinanongni Propetang Joseph Smith sa Panginoon.

• Paano ninyo ibubuod ang itinanong ng Propeta sa Panginoon?

Ipaliwanag na tulad ng nakatala sa Doktrina at mga Tipan 121:7–25, nagbigay angPanginoon ng kapanatagan at katiyakan bilang sagot sa mga tanong ng Propeta.Inilarawan din ng Tagapagligtas ang mangyayari sa mga taong umapi sa mga Banal.Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 121:16–20, 23–25. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa,at alamin ang sinabi ng Panginoon na mangyayari sa mga umapi sa mga Banal.

• Ano ang sinabi ng Panginoon na mangyayari sa mga umapi sa mga Banal?

Doktrina at mga Tipan 121:26–33Itinuro ni Propetang Joseph Smith na maghahayag ang Panginoon ng mga walanghanggang katotohanan sa pamamagitan ng EspirituIpaliwanag na ilang bahagi lamang ng mga liham ni Propetang Joseph Smithnoong Marso 1839 ang isinama sa Doktrina at mga Tipan 121–23. Sa isang bahagi

LESSON 47

313

Page 334: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

ng kanyang isinulat noong Marso 20, 1839, na hindi nakatala sa Doktrina at mgaTipan 121–23 ngunit kaagad na sinundan ng pangakong nakatala sa Doktrina atmga Tipan 121:26, pinayuhan ng Propeta ang mga Banal na manatiling tapat sagitna ng kapighatian at patuloy na manalangin nang taimtim (tingnan sa The JosephSmith Papers, Documents, Volume 6: February 1838–August 1839, inedit ni MarkAshurst-McGee at iba pa [2017], 369; ang pagbabaybay, pagbabantas, atpagpapalaki ng mga titik ay iniayon sa pamantayan). Sa pagsunod sa payo na ito,ang mga Banal ay magiging karapat-dapat sa ipinangakong pagpapala na nakatalasa talata 26.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 121:26–32. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang ipinangako sa matatapat na miyembro ng Simbahan.

• Ayon sa talata 26, ano ang ipinangako sa matatapat na miyembro ngSimbahan?

• Batay sa ipinangako sa mga Banal, anong doktrina ang matutukoy natintungkol sa kung paano maghahayag ang Panginoon ng katotohanan sa atin?(Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod nadoktrina: Ang Panginoon ay naghahayag ng katotohanan sa pamamagitanng Espiritu Santo.)

• Ayon sa mga talata 27–32, ano ang ihahayag sa “lahat ng magiting na nagtiispara sa ebanghelyo ni Jesucristo” (talata 29)? (Matapos sumagot ang mgaestudyante, isulat ang sumusunod na alituntunin sa pisara: Lahat ngkatotohanan ay ipahahayag sa mga magiting na nagtiis para saebanghelyo ni Jesucristo.)

• Paano makatutulong ang kaalaman sa alituntuning ito para manatiling tapatang mga Banal kahit nagdaranas sila ng matinding paghihirap?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan121:33, at alamin ang analohiyang ginamit upang bigyang-diin na walangmakapipigil sa Panginoon mula sa “pagbubuhos ng kaalaman mula sa langit sa …mga Banal.”

• Anong analohiya ang ginamit para bigyang-diin na walang sinumangmakapipigil sa Panginoon sa “pagbubuhos ng kaalaman … sa mga Banal”?

Magpatotoo na ihahayag ng Panginoon ang katotohanan sa pamamagitan ngEspiritu Santo at na kung magiting tayong magtitiis, ihahayag ng Panginoon anglahat ng bagay sa atin.

Doktrina at mga Tipan 121:34–46Itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang mga karapatan ng priesthood ay maykaugnayan sa mga kapangyarihan ng langitIpakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

LESSON 47

314

Page 335: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

“Kamakailan, nasa isang miting kami ni Wendy kung saan nakapuwesto at handa na angorganista na tugtugin ang pambungad na himno. Nakatutok ang kanyang mga mata sa piyesa,at ang kanyang mga daliri ay nasa mga tiklado. Sinimulan niyang tipahin ang mga tiklado,ngunit walang lumabas na tunog. Ibinulong ko kay Wendy, ‘Walang dumaloy na kuryente.’ Inisipko na may pumigil sa pagdaloy ng kuryente sa organong iyon.

“Mga kapatid, sa gayon ding paraan, nangangamba ako na napakaraming lalaking nabigyan ngawtoridad ng priesthood ngunit walang kapangyarihan ng priesthood” (Russell M. Nelson, “AngHalaga ng Kapangyarihan ng Priesthood,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 67).

• Paano ninyo mailalarawan ang pagkakaiba ng awtoridad ng priesthood atkapangyarihan ng priesthood?

• Ano ang maaaring maging sanhi ng “[pagkawala ng] kapangyarihan ngpriesthood” ng mga maytaglay nito?

Ipaliwanag na tulad ng nakatala sa Doktrina at mga Tipan 121:34–46, itinuro niPropetang Joseph Smith sa mga maytaglay ng priesthood kung paano magingmarapat sa kapangyarihan ng priesthood. Dahil lahat ng miyembro ng Simbahan,lalaki at babae, ay tumatanggap ng awtoridad at kapangyarihan ng priesthoodkapag matwid silang naglilingkod sa kaharian, ang mga talatang ito ay naglalamanng mga alituntuning angkop sa lahat ng miyembro ng Simbahan.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 121:34–36.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang itinuro ngPropeta tungkol sa kapangyarihan ng priesthood.

Pagsulat sa pisaraAng epektibong paggamit ng pisara habang nagtuturo ay makapaghahanda sa mga estudyantena matuto, makahihikayat ng makabuluhang partisipasyon, at makatutulong sa mga estudyantena mapalalim ang kanilang pang-unawa sa mga katotohanang natukoy. Sa pisara, maisusulatmo ang mahahalagang turo o alituntunin ng lesson, gawan ng diagram ang isang doktrina,makapagdodrowing ng mga mapa, makapagpapakita ng mga flow chart, makapagdidispley omakapagdodrowing ng mga larawan ng mga sitwasyon at mga tao na makikita sa mga banal nakasulatan, at makagagawa ng maraming iba pang aktibidad na magpapabilis ng pagkatuto.

Idrowing sa pisara ang sumusunod na diagram na wala pang label. Sabihin sa mgaestudyante na idrowing ang diagram na ito sa isang papel at lagyan ito ng labelbatay sa natutuhan nila mula sa Doktrina at mga Tipan 121:34–36. Matapos angsapat na oras, anyayahan ang isa o mahigit pang mga estudyante na gamitin angisinulat nila sa kanilang papel para malagyan ng label ang diagram na nasa pisaraat ipaliwanag kung bakit ganoon ang label na inilagay nila. (Maaring makaisip angmga estudyante ng ilang paraan para ilarawan ang mga ideyang matatagpuan samga talatang ito.)

LESSON 47

315

Page 336: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Kung kinakailangan, maaari kang magdagdag sa diagram na nasa pisara paramaipakita ang impormasyon na inilarawan sa sumusunod na nakumpletongdiagram.

LESSON 47

316

Page 337: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Sa inyong palagay, ano ang kahulugan ng pariralang “marami ang tinawag,subalit iilan ang napili” sa talata 34?

Kung kinakailangan, ipaliwanag na sa ganitong konteksto ang pagiging “tinawag”ay tumutukoy lalo na sa pagtanggap ng awtoridad ng priesthood at na upang“[m]apili,” ang isang maytaglay ng priesthood ay dapat maging karapat-dapat sa“mga kapangyarihan ng langit” [talata 36] upang matulungan ang iba namatanggap ang mga pagpapala ng priesthood. Gayunman, ang pagiging “tinawag”at “napili” ay tumutukoy rin lalo na sa lahat ng miyembro ng Simbahan na“tinatawag sa gawain” (D at T 4:3)—hindi lamang para sa mga maytaglay ngpriesthood. (Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang komentaryo para saDoktrina at mga Tipan 121:34–35 na nasa manwal ng estudyante.)

LESSON 47

317

Page 338: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Anong mga pagpapasiya ang maaaring maging hadlang para “[m]apili” angisang tao?

• Bakit hindi karapat-dapat na mapili ang mga tao na ang “mga puso ay labis nanakatuon sa mga bagay ng daigdig na ito” at “naghahangad ng mga parangalng tao” (talata 35)?

• Anong doktrina ang matutukoy natin sa talata 36? (Matapos sumagot ang mgaestudyante, isulat ang mga sumusunod na pahayag ng doktrina sa itaas ngdrowing sa pisara: Ang mga karapatan ng priesthood ay may hindimapaghihiwalay na kaugnayan sa mga kapangyarihan ng langit. Ang mgakapangyarihan ng langit ay mapamamahalaan lamang sa mga alituntuninng kabutihan.)

Ipaliwanag na ang pariralang “ang mga karapatan ng pagkasaserdote [priesthood]”(talata 36) ay tumutukoy sa mga pribilehiyo, mga kaloob, at mga pagpapala nadumarating sa pamamagitan ng mga susi at ordenansa ng priesthood, na maaaringmakamit ng lahat ng karapat-dapat na mga miyembro ng Simbahan, lalakiat babae.

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paano silamagiging karapat-dapat na tumanggap ng “mga kapangyarihan ng langit”(talata 36), idrowing ang sumusunod na chart sa pisara, o ibigay ito sa mgaestudyante bilang handout.

Mga paraan kung bakit napagkakaitantayo ng mga karapatan ng priesthoodat ng mga kapangyarihan ng langit(D at T 121:37–40).

Mga paraan na nagigingkarapat-dapat tayo sa mga karapatanng priesthood at ng mgakapangyarihan ng langit (D at T121:41–45).

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan121:37–40, at alamin ang mga katangian at kilos na maaaring maging sanhi ngpagkawala sa atin ng mga kapangyarihan ng langit. Matapos ang sapat na oras,sabihin sa kanila na ibahagi ang nalaman nila. Isulat ang mga sagot nila sakaliwang column ng chart. Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag angkahulugan ng bawat pariralang inilista mo. (Kung kinakailangan, ipaliwanag naang “pagtakpan ang ating mga kasalanan” [talata 37] ay pag-iwas na magsisi sapamamagitan ng paninisi sa iba, binibigyang-katwiran ang ating sarili sa hindipagganap sa mga responsibilidad, at pagkakaila na may ginawa tayong mali. Ang“bigyang-kasiyahan ang ating kapalaluan, ang ating walang kabuluhang adhikain”[talata 37] ay ang paghahangad ng mataas na pagkilala ng mundo at pag-uuna ngating kagustuhan sa halip na pag-uuna ng kalooban at hangarin ng Panginoon.“[Ang paggamit] ng lakas o kapangyarihan o pamimilit … sa alinmang antas ngkasamaan” [talata 37] ay paghahangad na makontrol o manipulahin ang iba sapamamagitan ng pagpuna, pananakot, o pamumuwersa.)

LESSON 47

318

Page 339: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipakita ang natitirang bahagi ng mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson, naipinakita kanina, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante. Sabihin sa klasena alamin ang mga karagdagang pagpili na naglilimita sa mga kapangyarihanng langit.

“Nangangamba ako na napakaraming lalaking nabigyan ng awtoridad ng priesthood ngunitwalang kapangyarihan ng priesthood dahil ang pagdaloy ng kapangyarihan ay nabarahan ngmga kasalanang tulad ng katamaran, pagsisinungaling, kapalaluan, imoralidad, o kaabalahan samga makamundong bagay.

“Nangangamba ako na napakaraming maytaglay ng priesthood na kakaunti o walang nagawapara mapaunlad ang kanilang kakayahang magamit ang mga kapangyarihan ng langit.Nag-aalala ako sa lahat ng taong marumi ang isipan, damdamin, o gawain o minamaliit angkanilang asawa o mga anak, kaya nawawalan siya ng kapangyarihan ng priesthood” (Russell M.Nelson, “Ang Halaga ng Kapangyarihan ng Priesthood,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 67).

• Batay sa pahayag ni Pangulong Nelson, ano ang maidaragdag natin sa listahansa pisara?

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa bawat magkapartner nabasahin ang Doktrina at mga Tipan 121:41–45 nang magkasama, at alamin angmga alituntunin ng kabutihan na magpapamarapat sa atin para sa mga karapatanng priesthood at mga kapangyarihan ng langit. Matapos ang sapat na oras, sabihinsa kanila na ibahagi ang nalaman nila. Isulat ang mga sagot nila sa kanang columnng chart. Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag ang kahulugan ng bawatpariralang inilista mo. (Kung kinakailangan, ipaliwanag na ang ibig sabihin ngpariralang “hindi pakunwaring pag-ibig” [talata 41] ay magmahal sa mga tao nangtapat at tunay. Ang ibig sabihin ng pariralang “pagsabihan sa tamang pagkakataonnang may kataliman, kapag pinakikilos ng Espiritu Santo” [talata 43] ay itama angisang tao nang mabilis, agad-agad at malinaw kapag nabigyang-inspirasyon ngEspiritu Santo na gawin ito.)

Sabihin sa mga estudyante na umisip ng isang halimbawa mula sa buhay ngTagapagligtas kung saan ipinakita Niya ang isa o mahigit pa sa mga alituntuning itong kabutihan. Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase anghalimbawang naisip nila.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 121:45–46.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mgaipinangakong pagpapala ng Panginoon sa mga taong nagpapamuhay ng mgaalituntunin ng kabutihan. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Alin sa mga pagpapalang ito ang magiging mahalaga sa inyo ngayon sa inyongbuhay? Bakit?

• Paano nauugnay ang mga pagpapalang ito sa pagtatamo ng kadakilaan?

Magpatotoo na kapag hinangad nating mamuhay ayon sa mga alituntunin ngkabutihan, matatamasa natin ang mga karapatan ng priesthood at maaanyayahanang mga kapangyarihan ng langit sa ating buhay at sa buhay ng iba. Sabihin samga estudyante na pag-isipan kung gaano kalubos ang kanilang pagigingkarapat-dapat sa mga kapangyarihan ng langit. Hikayatin silang pumili ng isang

LESSON 47

319

Page 340: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

item mula sa kaliwang bahagi ng chart na sisikapin nilang huwag nang gawin atisang item sa kanang bahagi ng chart na pagsisikapan nilang pagbutihin.

LESSON 47

320

Page 341: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 48

Doktrina at mga Tipan 124Pambungad at TimelineNang sapilitang paalisin ang mga miyembro ng Simbahan sa Missouri noongtaglamig ng 1838–1839, nakahanap sila ng kanlungan sa Illinois at Iowa Territory.Matapos pahintulutang makatakas sa pagkabihag noong Abril 1839, sumama siPropetang Joseph Smith sa mga Banal sa Quincy, Illinois, at tumulong sapagpapasimula ng isang bagong lugar na pagtitipunan sa Commerce, Illinois, nakalaunan ay pinalitan ang pangalan at ginawang Nauvoo. Halos dalawang taonkalaunan, noong Enero 19, 1841, si Propetang Joseph Smith ay nakatanggap ngpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 124, kung saan ipinag-utos sakanya ng Panginoon na magsulat ng “kapita-pitagang pagpapahayag ng [Kanyang]ebanghelyo” sa mga lider ng “lahat ng bansa sa mundo” (D at T 124:2–3) at iniutossa mga Banal na magtayo ng isang boarding house para sa mga bisita at isangtemplo sa Nauvoo. Pinayuhan din ng Panginoon ang mga indibiduwal namiyembro ng Simbahan at nagtalaga ng mga kalalakihan na maglilingkod sa iba’tibang katungkulan sa pamumuno sa priesthood.

Taglamig ng 1838–1839Ang mga miyembro ng Simbahan ay sapilitang pinaalis sa Missouri at nagkanlongsa Illinois at Iowa Territory.

Abril 16, 1839Habang inililipat sa Columbia, Missouri, para sa paglilitis, si Propetang JosephSmith at ang kanyang mga kasama ay pinayagang makatakas sa pagkabihag.

Abril–Mayo 1839Ang mga miyembro ng Simbahan ay bumili ng lupain sa Commerce, Illinois—nakalaunan ay pinalitan ang pangalan at ginawang Nauvoo—at itinatag ito bilangisang lugar na pagtitipunan.

Agosto 15, 1840Ibinigay ni Propetang Joseph Smith ang kanyang unang diskurso sa publikotungkol sa pagbibinyag para sa mga patay.

Disyembre 16, 1840Ipinagkaloob ng estado ng Illinois ang isang opisyal na charter sa lunsodng Nauvoo.

Enero 19, 1841Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 124.

Abril 6, 1841Inilatag ang mga batong panulok ng Nauvoo Temple.

321

Page 342: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 124:1–21Iniutos ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith na magpadala ng “pagpapahayagng … ebanghelyo … sa lahat ng bansa sa mundo” at pinayuhan ang mgaindibiduwal na miyembro ng SimbahanIsulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong: Ano ang pinakamagandang papurina matatanggap ninyo mula sa ibang tao? Bakit?

Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot sa klase. Pagkataposay isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong: Anong papuri ang gusto ninyongmatanggap mula sa Panginoon? Bakit?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga tanong na ito. Hikayatin sila naalamin sa pag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan 124 ang mga katangiangpinahahalagahan ng Panginoon sa Kanyang mga tagapaglingkod.

Ipaalala sa mga estudyante na noong palayasin ang mga miyembro ng Simbahanmula sa Missouri noong taglamig ng 1838–1839, marami sa kanila ang tumira samaliliit na komunidad sa Illinois at Iowa sa pampang ng Ilog Mississippi. Ginawang mababait na mamamayan sa mga komunidad na ito ang lahat ng makakaya nilapara tulungan ang mga Banal ngunit madalas na nahirapang makahanap ng sapatna pagkain at tirahan para sa malaking bilang ng mga refugee.

Ipakita ang sumusunod na talata, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

Noong Abril 1839, si Propetang Joseph Smith at kanyang kapwa mga bihag ay pinayagangmakatakas at nagtungo sa Quincy, Illinois, kung saan nila muling nakasama ang kanilang mgapamilya. Pagdating niya sa Quincy, bumili ang Propeta at iba pa ng mga lupain sa Illinois at IowaTerritory para matirahan ng mga Banal. Ang Commerce, Illinois, na kanilang naging bagongheadquarters, ay pinalitan nila ng pangalan at ginawang Nauvoo, na salitang Hebreo para sa“maganda.” Gayunpaman, para maitatag ang kanilang lunsod maraming buwang nagtrabahonang napakahirap ang mga Banal—na karamihan ay nagdarahop matapos magsitakas sakanilang pamayanan sa Missouri—sa paghahawan ng mga lupain at pagtatayo ng mga bagongtahanan at kabuhayan. Nang sumunod na taglamig, sapat na ang progresong nagawa nila kayanapagtuunan na ng mga lider ng Simbahan ang pagsasaayos ng pamunuan ng Simbahan, nanaubusan ng mga miyembro dahil sa apostasiya at pagkamatay na nangyari sa magulongpanahon sa Missouri. Noong Enero 19, 1841, natanggap ni Propetang Joseph Smith angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 124, kung saan pinangalanan ng Panginoonang Nauvoo bilang “isang batong panulok ng Sion” (D at T 124:2) at siyang headquarters ngSimbahan nang panahong iyon, at nagtalaga ng mga kalalakihan na maglilingkod sa mgakatungkulan sa pamumuno sa Simbahan.

Ipaliwanag na tulad ng nakatala sa Doktrina at mga Tipan 124:1–22, pinuri atpinayuhan ng Panginoon ang iba’t ibang lider ng Simbahan sa Nauvoo. Isulat sapisara ang mga sumusunod na scripture reference at mga pangalan:

Doktrina at mga Tipan 124:1–3—Joseph Smith

LESSON 48

322

Page 343: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 124:12–14—Robert B. Thompson

Doktrina at mga Tipan 124:15—Hyrum Smith

Doktrina at mga Tipan 124:16–17—John C. Bennett

Doktrina at mga Tipan 124:18–19—Lyman Wight

Doktrina at mga Tipan 124:20–21—George Miller

Mag-assign sa bawat estudyante ng tig-isa ng mga reference na ito, at sabihin samga estudyante na basahin nang tahimik ang mga naka-assign na talata sa kanila,na inaalam kung ano ang sinabi ng Panginoon tungkol sa mga taong ito. Sabihin samga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Habang nagbabahagi sila, isulat angkanilang mga sagot sa pisara sa tabi ng kaugnay na mga scripture reference at mgapangalan.

• Alin sa mga papuring ito ang gusto ninyong matanggap mula saPanginoon? Bakit?

Sabihin sa mga estudyante na mabilis na rebyuhin ang mga papuring ibinigay ngPanginoon kina Hyrum Smith at George Miller sa mga talata 15 at 20.

• Batay sa sinabi ng Panginoon tungkol sa dalawang lalaking ito, ano angKanyang nadarama tungkol sa mga taong may integridad? (Dapat matukoy ngmga estudyante ang katotohanang tulad ng sumusunod: Mahal atpinagtitiwalaan ng Panginoon ang mga taong may integridad ang puso.)

Ipaliwanag na mahal ng Panginoon ang lahat ng tao. Gayunman, angpagpapahayag ng Panginoon ng pagmamahal kina Hyrum Smith at George Millersa mga talata 15 at 20 ay nagpapakita na nasisiyahan Siya sa kanilang pamumuhaydahil sa kanilang integridad, ibig sabihin sa kadalisayan, katapatan, atkabutihan nila.

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Joseph B. Wirthlin (1917-2008) ngKorum ng Labindalawang Apostol. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante angpahayag, at sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin angsinabi ni Elder Wirthlin tungkol sa kahulugan ng integridad.

“Para sa akin ang ibig sabihin ng katapatan [o integridad] ay palaging paggawa ng tama atmabuti anuman ang ibunga nito. Ibig sabihin ay pagiging mabuti mula sa kaibuturan ng atingkaluluwa, hindi lamang sa ating mga kilos kundi, ang pinakamahalaga, sa ating isipan at puso.Ang katapatan ay nangangahulugan ng pagiging mapagkakatiwalaan at may integridad na hinditayo sisira sa tiwala o tipang ibinigay sa atin” (Joseph B. Wirthlin, “Personal Integrity,” Ensign,Mayo 1990, 30).

• Ano ang ilang sitwasyon na maaaring masubok ang integridad ng isang tao?

• Ano ang ilang bagay na magagawa natin na makatutulong sa atin na mapanatiliang ating integridad kahit mahirap itong gawin?

LESSON 48

323

Page 344: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Gumamit ng mga tanong na makatutulong sa mga estudyante namaunawaan ang doktrina at mga alituntuninAng mga tanong ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang kahulugan ngdoktrina at mga alituntunin. Magbigay ng mga tanong na naghihikayat sa mga estudyante napag-isipan ang isang alituntunin sa makabagong konteksto o nag-aanyaya sa mga estudyante naipaliwanag ang kanilang pagkaunawa sa isang alituntunin.

Sabihin sa mga estudyante na umisip ng isang taong kilala nila na may integridad.Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi sa klase kung bakit ang taong naisip nila ayisang halimbawa ng taong may integridad.

Hikayatin ang mga estudyante na isulat kung ano ang gagawin nila paramapagsikapang magkaroon ng integridad sa kanilang isipan, salita, at kilos.

Doktrina at mga Tipan 124:22–83Iniutos ng Panginoon sa mga miyembro ng Simbahan na magtayo ng bahay namatutuluyan ng mga bisita at ng isang templo sa NauvooIpaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 124:22–83, ang Panginoon ay nagbigay ngpartikular na mga utos sa mga miyembro ng Simbahan. Sabihin sa ilang estudyantena magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan 124:22–27,56, 60. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang sinabing Panginoon na gawin ng mga Banal.

• Ano ang nais ng Panginoon na itayo ng mga Banal sa Nauvoo? (Isangboardinghouse na papangalanan nila na Nauvoo House, at isang templo.)

• Ayon sa mga talata 23, 60, bakit iniutos sa mga Banal na magtayo ngNauvoo House?

Magdispley ng larawan ng Nauvoo Temple.

LESSON 48

324

Page 345: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 124:28.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakit iniutosng Panginoon sa mga Banal na magtayo ng templo sa Nauvoo.

• Bakit iniutos ng Panginoon sa mga Banal na magtayo ng templo sa Nauvoo?

Ipaliwanag na itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang “kaganapan ngpriesthood” ay natatamo sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga ordenansa sa

LESSON 48

325

Page 346: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

templo at pagtupad sa kaugnay na mga tipan (tingnan sa Mga Turo ng mga Pangulong Simbahan: Joseph Smith [2007], 491). Kahit naipanumbalik na ang mga susi ngpriesthood sa Kirtland Temple noong 1836, hindi lahat ng mga ordenansa ngtemplo ay inihayag noong panahong iyon. Halimbawa, noong Agosto 15, 1840,anim na buwan bago natanggap ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 124, itinuro ni Propetang Joseph Smith sa unang pagkakataon ang doktrinang pagtubos sa mga patay sa pamamagitan ng pagbibinyag para sa mga patay oproxy baptism. Mula noon, maraming pagbibinyag para sa mga patay angisinagawa sa Ilog Mississippi o sa kalapit na mga batis.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 124:29–34. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang sinabi ng Panginoon tungkol sa mga pagbibinyag para sa mga patay.

• Ayon sa Panginoon saan dapat isagawa ang pagbibinyag para sa mga patay?

• Ayon sa talata 30, bakit tinulutan ng Panginoon ang mga Banal na magsagawang mga pagbibinyag para sa mga patay sa mga lugar bukod sa templo?

• Ano ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kung ang mga Banal aymagbibinyag para sa mga patay sa labas ng templo matapos ang takdangpanahon ng pagkumpleto sa templo?

Ipaliwanag na itinigil ang pagbibinyag para sa mga patay sa Ilog Mississippi noongOktubre, 3, 1841, nang ipahayag ng Propeta, “Wala nang isasagawang mgapagbibinyag para sa mga patay, hanggang sa ang ordenansa ay isagawa sa Bahayng Panginoon. … Gayon ang wika ng Panginoon!” (Mga Turo: Joseph Smith, 549–51).Noong Nobyembre 1841, matapos magawa ang bautismuhan at mailaan sa silongng Nauvoo Temple na hindi pa ganap na natatapos, ang mga pagbibinyag para samga patay ay ipinagpatuloy.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 124:37–41. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang isa pang dahilan kung bakit iniutos ng Panginoon sa mga Banal namagtayo ng templo sa Nauvoo.

Isulat ang sumusunod na di-kumpletong pahayag sa pisara: Ang templo ang tanginglugar kung saan …

• Batay sa itinuro ng Panginoon na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 124:28–42,paano ninyo kukumpletuhin ang pahayag na nakasulat sa pisara? (Matapossumagot ang mga estudyante, kumpletuhin ang pahayag sa pisara tulad ngsumusunod: Ang templo ang tanging lugar kung saan matatamo natin anglahat ng mga ordenansa ng priesthood na kailangan para sa kaligtasan ngmga buhay at mga patay.)

• Paano kaya nakahikayat sa mga Banal ang doktrinang ito na gawin anganumang sakripisyong kailangan upang maitayo ang Nauvoo Temple?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 124:41–83 na ipinaliliwanag na ipinangako ngPanginoon sa mga miyembro ng Simbahan na kung maitatayo nila ang templo silaay pagpapalain. Kung hindi, sila ay isusumpa. Nangako rin ang Panginoon napananagutin Niya ang mga kaaway ng Simbahan dahil hindi naitayo ng mga Banal

LESSON 48

326

Page 347: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

ang templo sa Jackson County, Missouri. Bukod pa rito, nagbigay ang Panginoon samga Banal ng mga tagubilin hinggil sa pagtatayo ng Nauvoo House.

Doktrina at mga Tipan 124:84–145Binanggit ng Panginoon ang mga pangalan ng mga maglilingkod sa iba’t ibangkatungkulan sa pamumuno sa priesthoodIpaalala sa mga estudyante na ang mga suliranin sa Missouri ay may negatibongepekto sa pamumuno ng Simbahan. Noong panahong iyon, ilang lider ang umalissa Simbahan, at ang iba ay namatay o napatay. Matapos mapalayas ang mga Banalmula sa Missouri noong taglamig ng 1838–1839, ang mga lider ng Simbahan aynag-ukol ng maraming oras sa paghahanda sa mga Banal na magtipon sa Illinois atIowa. Sa taglamig ng 1840–1841, nagawa nang mapagtuunan sa wakas ngpamunuan ng Simbahan ang mga bakanteng posisyon sa Simbahan. Ang Doktrinaat mga Tipan 124:84–145 ay naglalaman ng mga pangalan ng mga lalaki na tinawagna maglingkod sa Simbahan, kasama ang mga pangako at babala sa kanila ngPanginoon.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 124:91–95. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang mga pagbabagong ginawa ng Panginoon sa pamunuan ng Simbahan.

• Anong tungkulin ang tinanggap ni William Law?

• Anong tungkulin ang tinanggap ni Hyrum Smith?

Maaari mong ipaliwanag na noong tawagin si Hyrum Smith na maging Patriarchng Simbahan, iisang patriarch lang ang naglilingkod sa buong Simbahan. Kapagmas maraming stake ang inoorganisa, nag-oordena ng mga patriarch sabawat stake.

• Anong mga pagpapala ang ipinangako kay Hyrum Smith bilang bahagi ngkanyang bagong tungkulin? (Si Hyrum ay binigyan ng mga pagpapalangipinangako noon kay Oliver Cowdery, na itiniwalag dahil sa paghihimagsiknoong 1838 [tingnan sa talata 95].)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 124:103–42 na ipinaliliwanag na tinawag ngPanginoon si Sidney Rigdon na patuloy na maglilingkod bilang tagapayo kayPropetang Joseph Smith. Kinilala rin ng Panginoon si Joseph Smith bilang Propetaat Pangulo ng Simbahan at si Brigham Young bilang Pangulo ng Korum ngLabindalawang Apostol at inilahad ang mga miyembro ng korum na iyon. Bukodpa rito, pinangalanan ng Panginoon ang mga miyembro ng high council, angpangulo ng mga high priest (ang stake president), ang pangulo ng elders quorum,ang mga Pangulo ng mga Korum ng mga Pitumpu, at ang bishopric.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 124:143.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakit ibinigayng Panginoon ang “mga katungkulan” at “mga susi” na ito ng priesthood.

• Ayon sa talata 143, bakit ibinigay ng Panginoon ang mga susi at mgakatungkulan ng priesthood upang isaayos at pamahalaan ang Kanyang gawain?(Ibinigay ng Panginoon ang mga susi at mga katungkulan ng priesthood

LESSON 48

327

Page 348: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

upang isaayos at pamahalaan ang Kanyang gawain nang sa gayon aymagawang ganap ang Kanyang mga Banal.)

Magtapos sa pagpapatotoo sa alituntuning ito at sa iba pang mga katotohanangtinukoy sa lesson na ito. Hikayatin ang mga estudyante na ipamuhay ang mgakatotohanang ito.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 124:103–10. Ang payo ng Panginoon kay Sidney RigdonSabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan 124:103–5, 108. Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga tagubiling ibinigay ng Panginoon kay Sidney Rigdon hinggil sa kanyangtungkulin.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 124:110. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa,at alamin ang ipinangako ng Panginoon kay Sidney Rigdon kung siya ay “makikinig sa tinig [ng Panginoon]” sa pamamagitan ngpagsunod sa mga tagubiling ito.

Hikayatin ang mga estudyante na gumawa ng mithiin na mas makinig sa tinig ng Panginoon upang “ito ay magiging mabuti para sa[kanila].”

• Sa inyong palagay, paano nakatulong ang mga tagubiling ito kay Sidney Rigdon para magampanan niya ang kanyangtungkulin bilang tagapayo ni Propetang Joseph Smith?

• Ano ang ipinangako ng Panginoon kay Sidney Rigdon kung siya ay “makikinig sa tinig [ng Panginoon]”?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin mula sa talata 110? (Kung tayo ay makikinig sa tinig ng Panginoon, magigingmabuti ito para sa atin.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng pariralang “ito ay magiging mabuti para sa kanya” (talata 110)?

• Kailan ninyo nakita na tinupad ng Panginoon ang pangakong ito sa inyong buhay nang makinig at sumunod kayo saKanyang payo?

LESSON 48

328

Page 349: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 49

Doktrina at mgaTipan 125–28Pambungad at TimelinePagsapit ng tag-init ng 1839, marami sa mga Banal na sapilitang pinaalis sakanilang mga tahanan sa Missouri ay nagtayo ng mga bagong tirahan sa lupaingbinili ng Simbahan sa Commerce, Illinois, at sa Iowa Territory. Noong Marso 1841,natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 125, kung saan inihayag ng Panginoon ang Kanyang kalooban hinggilsa pagtitipon ng mga Banal sa Iowa Territory.

Matapos mabinyagan noong Abril 1832, nagmisyon si Brigham Young sa UpperCanada, sa hilagang-silangang Estados Unidos, at sa England. Kinailangan sakanyang malawakang paglilingkod na magsakripisyo sila nang malaki ng kanyangpamilya. Noong Hulyo 1, 1841, bumalik si Brigham Young mula sa kanyang misyonsa England pagkatapos ng halos dalawang taon na pagkawala. Noong Hulyo 9,1841, natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag para kay BrighamYoung, na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 126. Sa paghahayag na ito, sinabi ngPanginoon kay Brigham na hindi na niya kailangang iwanan ang kanyang pamilyapara makapagmisyon “tulad noong mga araw na nakalipas” (D at T 126:1).

Noong Setyembre 1, 1842, lumiham si Propetang Joseph Smith sa mga miyembrong Simbahan para tagubilinan sila na itala ang mga binyag na isinagawa nila parasa kanilang mga yumaong ninuno. Ang liham na ito ay nakatala sa Doktrina atmga Tipan 127. Nakita sa pananaliksik kamakailan na noong Setyembre 7, 1842 (sahalip na Setyembre 6, tulad ng iniulat sa section heading), sumulat ang Propeta ngisa pang liham sa mga miyembro ng Simbahan, kung saan mas itinuro niya sakanila ang wastong pangangasiwa at pagtatala ng mga pagbibinyag para sa mgapatay. Ipinaliwanag din niya ang doktrinal na kahalagahan ng ordenansang ito.Ang liham na ito ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 128.

Agosto 15, 1840Ibinigay ni Propetang Joseph Smith ang kanyang unang diskurso sa publikotungkol sa pagbibinyag para sa mga patay sa libing ni Seymour Brunson saNauvoo, Illinois.

Mga unang araw ng Marso 1841Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 125.

Hulyo 1, 1841Dumating si Brigham Young sa Nauvoo matapos magmisyon sa England.

Hulyo 9, 1841Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 126.

Nobyembre 8, 1841Ang pansamantalang lugar na pinagbibinyagan ay inilaan para sa mga pagbibinyagpara sa mga patay sa silong o basement ng hindi natapos na templo sa Nauvoo,Illinois.

329

Page 350: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Agosto 1842Upang maiwasan na madakip nang labag sa batas at ibalik sa Missouri, nagtago siPropetang Joseph Smith sa iba’t ibang lugar sa loob at paligid ng Nauvoo, Illinois.

Setyembre 1, 1842Sumulat si Propetang Joseph Smith ng liham sa mga miyembro ng Simbahan, nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 127.

Setyembre 7, 1842Sumulat si Joseph Smith ng isa pang liham sa mga miyembro ng Simbahan, nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 128.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 125:1–4Iniutos ng Panginoon sa mga miyembro ng Simbahan sa Iowa Territory na magtiponsa mga itinalagang lugar

Ipakita ang mapa na “Ang Missouri, Illinois, at Iowa Area ng Estados Unidos.”Ipaalala sa mga estudyante na matapos paalisin ang mga Banal mula sa Missourinoong taglamig ng 1838–1839, nakahanap sila ng kanlungan sa mga pamayanan satabi ng Ilog Mississippi sa Illinois at Iowa Territory.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 125:1–4 na ipinaliliwanag na kahit ipinag-utos ngPanginoon sa mga miyembro ng Simbahan na magtatag ng stake sa Nauvoo,Illinois, at magtayo ng templo roon, sinabi rin Niya sa kanila na magtatag ng ibapang mga lunsod sa Illinois at patawid ng Ilog Mississippi sa Iowa Territory. Bukodpa rito, sinabi ng Panginoon sa padating na mga Banal na manirahan sa alinman saKanyang itinalagang lunsod na may itinatag na stake.

LESSON 49

330

Page 351: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 126:1–3Sinabi ng Panginoon kay Pangulong Brigham Young na hindi na niya kailangangiwan ang kanyang pamilya para magmisyon

Magdispley ng larawan ni Brigham Young. Upang matulungan ang mga estudyantena maunawaan ang konteksto ng Doktrina at mga Tipan 126, ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang mga sumusunod na talata:

LESSON 49

331

Page 352: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Matapos mabinyagan si Brigham Young sa Simbahan noong Abril 1832, nagmisyon siya nangmaraming beses sa sumunod na siyam na taon. Karamihan sa mga misyong ito ay tumagal nangtatlo hanggang limang buwan. Noong Abril 1838, si Brigham Young at ang iba pang mgamiyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay tinawag na magmisyon sa Great Britain, kungsaan kakailanganin nilang iwan ang kanilang tahanan nang mas matagal.

Nilisan ni Brigham Young ang Montrose, Iowa Territory, para magpunta sa Great Britain noongSetyembre 14, 1839. Napakahirap sa kanya na umalis ng tahanan sa panahong iyon. Noongtag-init ng 1839, isang epidemya ng malarya ang tumama sa lugar, na nagdulot ng matindingkaramdaman kay Brigham, sa kanyang asawang si Mary Ann, at ilan sa kanilang mga anak.Kapapanganak pa lamang din noon ni Mary Ann sa kanilang pang-apat na anak. Bukod pa rito,dahil sapilitan silang pinaalis sa Missouri noong nakaraang taon, maraming ari-arian ang nawalasa kanila, at nang umalis si Brigham papuntang misyon, ang naiwan lamang niyang pera kayMary Ann ay $2.72 na pangtustos sa kanilang pamilya. Nang halos dalawang taon na si BrighamYoung sa England, nahirapan si Mary Ann na maghanap ng sapat na pagkain at maayos natirahan para sa kanyang sarili at sa kanyang mga anak. Noong Hulyo 1, 1841, si Brigham Young,na hinirang bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol habang nasa misyon, aydumating sa Nauvoo at muling nakasama ang kanyang pamilya. Walong araw kalaunan,natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 126. (Tingnan sa Leonard J. Arrington, Brigham Young: American Moses [1985], 74–75,413–14; Lisa Olsen Tait at Chad M. Orton, “Take Special Care of Your Family,” sa Revelations inContext, inedit nina Matthew McBride at James Goldberg [2016], 244–46, o sa history.lds.org.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 126:1–3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paano kayanakapagpanatag kay Brigham Young at sa kanyang pamilya ang paghahayag na ito.Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano ang itinuturo sa atin ng paghahayag na ito kay Brigham Young tungkol saPanginoon? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang katotohanang tulad ngsumusunod: Alam ng Panginoon ang ating mga kani-kanyang kalagayan atgagabayan Niya tayo ayon sa ating mga pangangailangan.)

Doktrina at mga Tipan 127:1–12Si Propetang Joseph Smith ay nagpupuri at nagagalak sa gitna ng pag-uusig atpinayuhan ang mga Banal na mag-ingat ng mga talaan ng mga pagbibinyag nilapara sa mga patayIpaliwanag na noong Mayo 1842, si Lilburn W. Boggs, dating gobernador ngMissouri na nag-isyu ng extermination order o utos na pagpuksa laban sa mgaBanal, ay nasugatan nang may magtakang pumatay sa kanya. Pinagbintangan ngmga awtoridad ng Missouri si Joseph Smith na umupa ng taong papatay kay Boggs,at parehong pinagsikapan ng mga opisyal ng Missouri at ng Illinois na madakipang Propeta sa Nauvoo Illinois, at ibalik sa Missouri para litisin. Batid namapapatay siya kung babalik siya sa Missouri, pansamantalang pinagtaguan ngPropeta ang mga opisyal ng Missouri noong halos buong Agosto, Setyembre atOktubre 1842 upang hindi siya madakip. Noong Enero 1843, napagdesisyunan naang mga proseso ng pagdakip sa Propeta at pagpapabalik sa kanya sa Missouri aylabag sa batas. Ang Doktrina at mga Tipan 127 ay naglalaman ng liham na isinulatni Propetang Joseph Smith sa mga miyembro ng Simbahan habang nasa ganitongmahihirap na kalagayan.

LESSON 49

332

Page 353: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa mga estudyante na basahinnang malakas ang Doktrina at mga Tipan 127:2–3 sa kanilang mga kapartner, atalamin kung paano tinugon ni Propetang Joseph Smith ang kanyang “[mga]pagdurusa” (talata 2).

• Anong mga salita o mga parirala ang napansin mo tungkol sa paraan ngpagtugon ng Propeta sa kanyang mga pagdurusa?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 127:4–12 na ipinaliliwanag na sinabi ng Propetasa mga Banal na pag-ibayuhin ang kanilang mga pagsisikap na itayo ang NauvooTemple. Isinama rin niya ang mga tagubiling ibinigay sa kanya ng Panginoonhinggil sa pagbibinyag para sa mga patay.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 127:5–7.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga tagubilinna ibinigay ng Panginoon tungkol sa mga pagbibinyag para sa mga patay. Sabihinsa ilang estudyante na ilahad ang nalaman nila.

• Ayon sa talata 7, bakit mahalaga para sa mga miyembro ng Simbahan namagsagawa ng kanilang mga pagbibinyag para sa mga patay sa harapan ngisang tagapagtala?

Doktrina at mga Tipan 128:1–18Ipinaliwanag ni Propetang Joseph Smith kung bakit kailangang itala angnaisagawang nakapagliligtas na mga ordenansaIpaliwanag na mga isang linggo matapos isulat ni Propetang Joseph Smith angliham na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 127, sumulat siya ng isa pang liham samga Banal na may kasamang mga karagdagang turo tungkol sa mga pagbibinyagpara sa mga patay. Ang liham na ito ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 128.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 128:1–14 na ipinaliliwanag na itinuro ng Propetana kailangang magtalaga ng mga lokal na tagapagtala na sasaksi at magtatala ngmga binyag na isinagawa para sa mga patay at dapat na isang “pangkalahatangtagapagtala” ang italagang magtipon ng mga lokal na talaan sa isang“pangkalahatang aklat ng simbahan,” o talaan (talata 4). Ipinaliwanag niya na angmga ordenansa na naisagawa at naitala sa lupa ay magkakaroon ng bisa sa langitdahil sa nagbubuklod na “kapangyarihan na nagtatala o nagbubuklod sa lupa atnagbubuklod sa langit” (talata 9). Itinuro din ng Propeta na ang ordenansa ngbinyag ay simbolo ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli (mga talata 12–13).

• Bukod sa pagbibinyag, ano pang ibang mga ordenansa ang dapat matanggapng mga taong may pananagutan upang matamo ang buhay na walang hangganat manirahan sa piling ng Diyos? (Kumpirmasyon [na kinabibilangan ngpagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo], ordenasyon sa MelchizedekPriesthood [para sa kalalakihan], endowment sa templo, at ang pagbubuklodng kasal. Ipaliwanag na ang mga ito ay tinatawag na “nakapagliligtas na mgaordenansa.”)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 128:15.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakit angnakapagliligtas na mga ordenansa ay mahalaga “sa mga patay at sa mga buhay.”

LESSON 49

333

Page 354: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Batay sa talata 15, bakit mahalaga sa atin na magsagawa ng nakapagliligtas namga ordenansa para sa ating mga ninuno na namatay nang walang kaalamansa ebanghelyo? (Kung kinakailangan, ituon ang pansin ng mga estudyante sapariralang “sila kung wala tayo ay hindi magagawang ganap,” at tulungansilang matukoy ang sumusunod na doktrina: Ang ating mga ninuno nanamatay nang walang kaalaman ng ebanghelyo ay hindi uunlad tungo sakaganapan hanggang hindi sila nagagawan ng nakapagliligtas na mgaordenansa.)

• Anong doktrina ang matututuhan natin sa pariralang “ni tayo kung wala angating mga patay ay hindi magagawang ganap” (talata 15)? (Tulungan ang mgaestudyante na matukoy ang sumusunod na doktrina: Ang kaligtasan ng atingmga namatay na ninuno ay kailangan at lubhang mahalaga sa atingkaligtasan.)

Isulat sa pisara ang sumusunod na tanong: Sa inyong palagay, bakit “kailangan atmahalaga ang kaligtasan ng ating mga ninuno sa ating kaligtasan”?

Sabihin sa mga estudyante na pag-usapan ang kanilang mga sagot sa tanong na itosa maliliit na grupo na may tig-dadalawa o tig-tatatlong miyembro. Pagkatapos ngsapat na oras, sabihin sa mga estudyante mula sa isa o higit pang mga grupo naibahagi ang kanilang mga sagot sa klase.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 128:16–17 na ipinaliliwanag na sa sulat na ito samga Banal, nagbanggit ang Propeta ng dalawang talata mula sa Biblia tungkol sabinyag para sa mga patay.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 128:17–18.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paanonakatulong ang pasasagawa ng mga binyag para sa mga patay upangmaisakatuparan ang propesiyang nakatala sa Malakias 4:5–6.

• Ayon sa talata 18, paano nakatulong ang pagsasagawa ng mga binyag para samga patay upang maisakatuparan ang propesiya ni Malakias?

Doktrina at mga Tipan 128:19–25Nagalak si Joseph Smith sa ipinanumbalik na ebanghelyo at hinimok ang mga Banalna magpatuloy sa pagsasagawa ng mga binyag para sa mga patayIpaliwanag na sa ikalawang liham na isinulat ni Propetang Joseph Smith sa mgaBanal hinggil sa pagpapabinyag para sa mga patay, isinalaysay niya ang ilangmahahalagang pangyayari sa Panunumbalik. Ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang Doktrina at mga Tipan 128:19. Sabihin sa klase na tahimik nasumabay sa pagbasa, at alamin kung paano inilarawan ng Propeta angPanunumbalik.

• Paano inilarawan ng Propeta ang Panunumbalik?

• Sa anong mga paraan naging “isang tinig ng kagalakan” ang ipinanumbalik naebanghelyo “para sa mga buhay at sa mga patay”?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 128:20–21 na ipinaliliwanag na inilahad ngPropeta ang ilan sa mga mahimalang pangyayari sa Panunumbalik, nanaglalarawan na dumating ang mga anghel upang ipanumbalik ang “mga

LESSON 49

334

Page 355: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

karapatan,” “mga susi,” at “kapangyarihan” ng nakaraang mga dispensasyon(talata 21).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 128:22.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano ang sinabing Propeta na gawin ng mga Banal, batid na ang mga karapatan, mga susi, atkapangyarihan ng priesthood ay naipanumbalik sa ating panahon.

• Ano ang “napakadakilang adhikain” na nais ng Propeta na “[is]ulong” ngmga Banal?

• Ayon sa talata 22, paano matutulugan ng ating paggawa ng family history atpaglilingkod sa templo ang ating mga ninuno?

Ipaliwanag na sa katapusan ng liham ng Propeta sa mga Banal, binanggit niya angMalakias 3:2–3, na kinapapalooban ng propesiya ni Malakias tungkol sa mgahuling araw. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan128:24. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPropeta na gawin ng mga Banal.

• Ayon sa talatang ito, ano ang “handog sa kabutihan” na ating “[maihahain] saPanginoon”?

• Ano ang magagawa natin para makapag-ambag sa “aklat” na ito? (Tulunganang mga estudyante na maunawaan na ginagawa natin ito ngayon sapamamagitan ng pagpasok ng mga talaan ng ating mga ninuno saFamilySearch website ng Simbahan at pagsasagawa ng mga ordenansa para sakanila sa templo. Kung maaari, ipaalam sa mga estudyante angFamilySearch.org.)

Isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Sa paggawa natin ng familyhistory at mga ordenansa sa templo para sa ating mga yumaong ninuno,tumutulong tayo na makapaghain sa Panginoon sa kabutihan.

• Ano ang ilang paraan na nakagagawa kayo ng family history atnakapaglilingkod sa templo?

• Anong mga pagpapala ang natanggap ninyo sa pakikibahagi sa mgagawaing ito?

Ibahagi ang iyong patotoo na kapag gumagawa tayo ng family history atnaglilingkod sa templo, tumutulong tayo na makapaghain sa Panginoon sakabutihan. Sabihin sa mga estudyante na magtakda ng mithiin na tutulong sakanila na makagawa ng family history at maglingkod sa templo.

I-follow-up ang mga ipinagawa sa kanilaMahihikayat mo ang mga estudyante na ipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo sapamamagitan ng pag-follow-up sa ipinagawa mo sa kanila. Tandaan na i-follow-up sa mgaestudyante ang mga mithiing itinakda nila para sa lesson na ito. Maaari mo rin silanganyayahang ibahagi ang mga naranasan nila nang pagsikapan nilang makamit ang kanilangmga mithiin. Kapag nag-follow-up ka ng mga estudyante, siguraduhin na gawin ito sa paraangmagiging sensitibo ka sa kanilang pribadong buhay at marerespeto ang kanilang kalayaan.

LESSON 49

335

Page 356: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 128:24. Video presentation—“A Sacrifice of Time”Upang matulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ng doktrina at mga alituntuning tinalakay salesson na ito, maaari mong ipanood ang video na “A Sacrifice of Time” (2:54), na makikita sa LDS.org. Habang pinanonood ng mgaestudyante ang video na ito, sabihin sa kanila na isipin ang mga sakripisyong maaari nilang gawin habang sinisikap nilang ihandaang kanilang mabubuting handog para sa Panginoon.

LESSON 49

336

Page 357: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 50

Doktrina at mgaTipan 129–30Pambungad at TimelineNoong Pebrero 9, 1843, nagbigay si Propetang Joseph Smith ng mga tagubilin kayParley P. Pratt at sa iba pa tungkol sa kung paano matutukoy ang mga sugo nglangit at masasamang espiritu. Ang mga tagubiling ito ay nakatala sa Doktrina atmga Tipas 129. Noong Abril 2, 1843, pinulong ng Propeta ang mga miyembro ngSimbahan sa Ramus, Illinois, at itinuro ang doktrina tungkol sa iba’t ibang paksa saebanghelyo, kabilang na ang Panguluhang Diyos, ang Ikalawang Pagparito niJesucristo, at kung paano natin matatanggap ang mga pagpapala ng Diyos. Angmga turong ito ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 130.

Pebrero 7, 1843Si Elder Parley P. Pratt ay dumating sa Nauvoo, Illinois, mula sa kanyang misyon saEngland.

Pebrero 9, 1843Ibinigay ni Propetang Joseph Smith ang mga tagubilin na nakatala saDoktrina at mga Tipan 129.

Abril 1, 1843Si Propetang Joseph Smith at iba pa ay nagpunta sa Ramus, Illinois.

Abril 2, 1843Ibinigay ni Propetang Joseph Smith ang mga tagubilin na nakatala saDoktrina at mga Tipan 130.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 129Nagbigay si Propetang Joseph Smith ng mga tagubilin kung paano natin malalamanang pagkakaiba ng mga naglilingkod na mga anghel at ng masasamang espirituBago magklase, isulat sa pisara ang sumusunod na tanong: Paano ko malalamankung ang isang bagay ay sa Diyos o sa ilang iba pang pinagmumulan?

Kapag nagsimula na ang klase, itanong sa mga estudyante kung paano nilasasagutin ang tanong na ito. Sabihin sa mga estudyante na hanapin habangpinag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 129 ngayon ang huwaran na ibinigayni Propetang Joseph Smith sa pagtukoy ng mga mapanlinlang na espiritu.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mgaTipan 129.

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang pinagmulangkasaysayan ng Doktrina at mga Tipan 129, ipaliwanag na noong makausap angmga miyembro ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol noongHunyo 27, 1839, itinuro ni Propetang Joseph Smith ang tungkol sa “tatlongdakilang susi kung paano ang tunay na pagkatao ng mga naglilingkod na anghel at

337

Page 358: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

espiritu ay maaaring makilala ang pagkakaiba” (D at T 129, section heading).Gayunman, hindi nakadalo si Elder Parley P. Pratt sa pulong na iyon. NoongPebrero 9, 1843, si Elder Pratt, na kauuwi lang mula sa pagmimisyon sa England, atilang iba pa ay nakipagpulong kay Propetang Joseph Smith, at inulit ng Propetaang mga tagubilin na dati na niyang ibinigay.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 129:1–9. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang “tatlong dakilang susi” (talata 9) na makatutulong sa atin na matukoy angpagkakaiba ng mga sugo ng langit at ng masasamang espiritu.

• Batay sa mga turo ni Propetang Joseph Smith, paano natin makikita angpagkakaiba ng mga sugo ng langit at ng masasamang espiritu?

• Bukod sa mga tagubiling ito, ano ang iba pang ibinigay sa atin ng Diyos upangmatulungan tayong makita ang mga panlilinlang ni Satanas?

Doktrina at mga Tipan 130Si Propetang Joseph Smith ay nagpaliwanag at nagturo ng doktrinaUpang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngDoktrina at mga Tipan 130, ipakita ang sumusunod na buod ng kasaysayan, atipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

Noong Abril 1, 1843, si Propetang Joseph Smith, kasama sina William Clayton, Orson Hyde, atJ. B. Backenstos, ay nagpunta sa Ramus, Illinois, para bisitahin ang pamilya at mga kaibigan.Kinaumagahan, nagdaos ang Propeta ng isang pulong sa mga Banal sa Ramus. Sa pulong naiyon, nangaral si Elder Orson Hyde na kinapapalooban ng kanyang mga interpretasyon ng I NiJuan 3:2, Apocalipsis 19:11, at Juan 14:23.

Pagkatapos ng pulong, nagpunta ang Propeta at kanyang mga kasama sa tahanan ng kapatid niJoseph Smith na si Sophronia Smith McCleary para mananghalian. Pagsapit ng tanghalian, sinabing Propeta kay Elder Hyde na “may ilang pagwawasto lamang siyang ibibigay” sa kanya.Mapagpakumbabang sumagot si Elder Hyde, “Tatanggapin ko ang mga ito nang maypasasalamat.” Pagkatapos ay itinama ng Propeta ang maling pagkaunawa ni Elder Hyde sa mgabanal na kasulatan at nagturo ng doktrina tungkol sa iba’t iba pang paksa. (Tingnan sa TheJoseph Smith Papers, Journals, Volume 2: December 1841–April 1843, inedit ni Andrew H.Hedges at iba pa [2011], 321–25.)

Hatiin sa tatlong grupo ang klase. Ipabasa nang tahimik sa isang grupo ang I NiJuan 3:2, na inaalam ang itinuro ni Apostol Juan na mangyayari sa matatapat saIkalawang Pagparito ni Jesucristo. Ipabasa nang tahimik sa isa pang grupo angApocalipsis 19:11, na inaalam ang itinuro ni Juan tungkol sa pagpapakita niJesucristo sa panahon ng Kanyang Ikalawang Pagparito. Sabihin sa pangatlonggrupo na basahin nang tahimik ang Juan 14:23, na hinahanap ang isinulat ni Juantungkol sa mga pagpapala na matatanggap ng mabubuti. Matapos ang sapat naoras, ipabahagi sa isang estudyante mula sa bawat grupo ang nalaman ngkanyang grupo.

Ipaliwanag na sa kanyang sermon sa Ramus, mali ang pagkaunawa ni Elder Hydesa mga talatang ito ng banal na kasulatan. Ginamit niya ang I Ni Juan 3:3 at

LESSON 50

338

Page 359: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Apocalipsis 19:11 para ituro na “kapag nagpakita [si Jesucristo] tayo ay magigingkatulad niya [at] siya ay magpapakita na sakay ng kabayong maputi—tulad ngisang mandirigma, [at] marahil tataglayin din natin nang bahagya ang gayundingdiwa—ang ating Diyos ay isang mandirigma.” Pagkatapos ay binanggit ni OrsonHyde ang Juan 14:23 at itinuro na “pribilehiyo nating manahan sa ating mga pusoang Ama [at] Anak.” (Sa The Joseph Smith Papers, Journals, Volume 2: December1841–April 1843, 323; ang pagbabaybay, pagbabantas, at pagpapalaki ng mga titikay iniayon sa pamantayan.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 130:1–3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano angipinaliwanag ni Propetang Joseph Smith nang itama niya ang mga itinuro niElder Hyde.

• Ayon sa talata 1, paano magpapakita ang Tagapagligtas sa Kanyang IkalawangPagparito?

• Ano ang ibig sabihin ng pariralang “yaon ding lipunan na umiiral sa atin ditoang iiral sa atin doon” sa talata 2? (Kung kailangan, ipaliwanag na ang salitanglipunan ay tumutukoy sa paraan ng pakikipag-ugnayan at pagsasamahan ngmga tao sa isa’t isa. Ang ugnayan at samahan natin sa piling ng Panginoon aymagiging tulad ng mga tinatamasa natin ngayon, ngunit kabibilangan nito ang“walang hanggang kaluwalhatian.”)

• Anong kabulaanan ang itinama ng Propeta sa talata 3?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 130:4–13 na ipinaliliwanag na sa mga talatang itoitinuro ng Propeta na ang oras na iyon ay “[bini]bilang” o[kina]kalkula “alinsunodsa planeta kung saan … naninirahan [ang isang tao]” (talata 4). Ipinaliwanag dinniya na ang “mga anghel na naglilingkod sa [atin sa] mundong ito [ay] yaongnabibilang o nabilang dito” (talata 5). Pagkatapos ay ipinaliwanag ng Propeta naang mundo ay magiging kahariang selestiyal at yaong mga magmamana ngkahariang selestiyal ay tatanggap ng isang “puting bato,” na isang Urim atTummim, na naghahayag ng mga bagay na makalangit (mga talata 10–11).Pinagtibay din ni Propetang Joseph Smith ang kanyang propesiya na makararanasng digmaan ang Estados Unidos na magsisimula sa estado ng South Carolina(tingnan sa mga talata 12–13; tingnan din sa D at T 87).

LESSON 50

339

Page 360: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Idispley ang isang larawan ni Jesucristo sa Kanyang Ikalawang Pagparito.

• Bakit gusto ng isang tao na malaman ang eksaktong petsa ng IkalawangPagparito ni Jesucristo?

Ipaliwanag na noong panahon ni Joseph Smith, isang kilalang mangangaral nanagngangalang William Miller ang nagsabi na magaganap ang Ikalawang Pagparitoni Jesucristo sa pagitan ng tagsibol ng 1843 at tagsibol ng 1844, at marami sa mgatagasunod ni William Miller ang naniwala na Abril 3, 1843, ang eksaktong petsa namangyayari ito (tingnan sa The Joseph Smith Papers, Journals, Volume 2: December1841–April 1843, 326, tala 717). Isang araw bago sumapit ang hinulaang petsa naito, itinama ni Propetang Joseph Smith ang maling propesiyang ito nang turuan

LESSON 50

340

Page 361: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

niya ang mga Banal sa Ramus sa pamamagitan ng pagkukuwento sa nagingkaranasan niya nang manalangin siya para malaman ang araw ng IkalawangPagparito.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 130:14–17.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang nalaman niJoseph Smith tungkol sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

• Ano ang matututuhan natin mula sa mga talatang ito tungkol sa IkalawangPagparito ni Jesucristo? (Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na hindiinihayag ng Panginoon ang eksaktong petsa ng Kanyang Ikalawang Pagparitokay Joseph Smith. Maaari mong ipabasa sa mga estudyante ang Mateo 24:36.)

• Ano ang sinabi ng Panginoon na dapat gawin ni Joseph Smith sa talata 15?

Ipaliwanag na noong Abril 2, 1843, pagkatapos mananghalian sa bahay ng kanyangkapatid na babae, nagdaos ng isa pang pulong si Propetang Joseph Smith sa mgaBanal sa Ramus. Maliban sa iba pang mga paksa, inulit ng Propeta sa mga Banalang halos lahat ng itinuro niya kay Orson Hyde at sa iba noong nagtatanghaliansila. Nang gabing iyon, isa pang pulong ang idinaos ng Propeta sa mga Banal kungsaan nilinaw niya ang mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo (tingnan sa TheJoseph Smith Papers, Journals, Volume 2:December 1841–April 1843, 325–26). Ang mgaturong ito ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 130:18–23.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 130:18–19.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang alituntuningitinuro ni Propetang Joseph Smith sa mga Banal.

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa mga talatang ito tungkol sakaalaman at katalinuhang matatamo natin sa buhay na ito? (Tulungan ang mgaestudyante na matukoy ang sumusunod na alituntunin: Ang kaalaman atkatalinuhan na matatamo natin sa buhay na ito ay kasama natingbabangon sa Pagkabuhay na Mag-uli.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ibig sabihin ng mgasalitang kaalaman at katalinuhan, ipakita ang sumusunod na pahayag ni ElderNeal A. Maxwell (1926–2004) ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa itonang malakas sa isang estudyante.

“Ang salitang katalinuhan kapag nabasa natin ito sa bahagi 130 … ay hindibatay sa karaniwang pagsukat ng ‘IQ.’ Ang ganitong ‘katalinuhan’ ayhumihiwatig, nag-aaral, at nagpapamuhay ng angkop at tamang mgaalituntunin; ito ay kakikitaan ng pinagsamang kaalaman at matalinong ugali.Pinagsasama nito ang kognisyon [pangangatwiran] at pagsasabuhay. Ito aynagpapakita ng pinakamataas na uri ng katalinuhan, at ang resulta ng

pagsasama ay kasama nating babangon sa Pagkabuhay na mag-uli” (Neal A. Maxwell, That YeMay Believe [1992], 37).

• Ayon kay Elder Maxwell, ano ang ibig sabihin ng salitang katalinuhan saDoktrina at mga Tipan 130:18–19?

LESSON 50

341

Page 362: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ayon sa talata 19, paano tayo makapagtatamo ng mas maraming kaalaman atkatalinuhan?

• Sa inyong palagay bakit tayo natutulungan ng “pagsisikap at pagigingmasunurin” (talata 19) sa Diyos na magkaroon ng kaalaman at katalinuhan?(Tingnan sa D at T 93:27–28, 36–40.)

• Kailan kayo nagtamo ng kaalaman o katalinuhan dahil sa inyong pagsisikap atpagsunod?

Magpatotoo na kapag tayo ay masigasig at masunurin sa mga kautusan ng Diyos,magkakaroon tayo ng mas maraming kaalaman at katalinuhan na magbibigay saatin ng pagpapala sa buong kawalang-hanggan. Hikayatin ang mga estudyante naipagpatuloy ang pagkakaroon ng kaalaman at katalinuhan sa pamamagitan ngkanilang mga pagsisikap at pagiging masunurin sa Diyos.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 130:20–21.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang isangkaragdagang alituntunin na itinuro ni Propetang Joseph Smith sa mga Banal saRamus. (Maaari mong ipaliwanag na ang ibig sabihin ng “hindi mababagong utos”ay permanente at hindi nagbabago at ang ibig sabihin ng “nakasalalay” aynakabatay [talata 20].)

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa talata 21 tungkol sa pagtanggap ngmga pagpapala mula sa Diyos? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy angsumusunod na alituntunin: Kapag tayo ay nagtamo ng anumang mgapagpapala mula sa Diyos, ito ay dahil sa pagsunod sa batas kung saan itoay nakasalalay.)

Ilista sa pisara ang mga sumusunod na banal na kasulatan: Malakias 3:10–12; Mateo11:28–30; 2 Nephi 32:3; D at T 58:42–43. Sabihin sa mga estudyante na basahinnang tahimik ang mga talatang ito, at alamin ang batas o kautusan na itinuturo atang mga pagpapalang matatanggap natin kung susundin natin ang batas okautusang iyon. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Ipaliwanag na bagama’t ang ilang pagpapalang natatanggap natin sa pagigingmasunurin sa mga batas ng Diyos ay kaagad natatanggap, ang ibang mgapagpapala ay hindi dumarating kaagad, ngunit nangangailangan ng patuloy napagsunod sa loob ng mahabang panahon.

• Sa inyong palagay, bakit mahalagang maunawaan na maaaring hindi agaddumating sa atin ang ilan sa ipinangakong pagpapala ng Diyos dahil sa atingpagsunod?

• Ano ang ilang halimbawa ng mga pagpapalang natanggap ninyo dahil sinunodninyo ang mga batas ng Diyos? (Maaari ka ring magbahagi ng sarili mongkaranasan.)

Magtanong ng mga bagay na nakapagbibigay ng inspirasyonItinuro ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan na may mga tanong nanakapagbibigay ng inspirasyon. Pinayuhan niya ang mga titser na magtanong ng mga bagay “namag-aanyaya sa bawat isa na alalahanin ang nadama nila noon.” Ang pagtatanong ng mga

LESSON 50

342

Page 363: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

bagay na naghihikayat sa mga estudyante na isiping mabuti ang kanilang mga naranasan noon,sa halip na alalahanin lamang ang nalamang impormasyon, ay makapaghahanda sa kanila namaturuan sa pamamagitan ng Espiritu. Sinabi ni Pangulong Eyring, “Mas mabuting maghintaysandali bago tumawag ng isang tao na sasagot. Kahit ang mga hindi gaanong nagsasalita saklase ay mag-iisip ng mga espirituwal na karanasan. Iyan ay mag-aanyaya ng Espiritu Santo”(“The Lord Will Multiply the Harvest” [evening with a General Authority, Feb. 6, 1998], 6).

Sabihin sa mga estudyante na sumulat ng isa o higit pang mga pagpapala na gustonilang matanggap gayundin ang mga partikular na kautusang susundin nila paramatanggap ang mga pagpapalang iyon. Maaari mo ring ipaalala sa mga estudyantena ang pinakamahalagang dahilan ng pagsunod sa mga kautusan ay ang atingpagmamahal sa Panginoon (tingnan sa Juan 14:15).

Ipaliwanag na bilang bahagi ng pangwakas na mensahe ng Propeta sa mga Banalsa Ramus, muli niyang itinama ang mga itinuro ni Orson Hyde tungkol saPanguluhang Diyos.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 130:22–23.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang doktrinangitinuro ng Propeta tungkol sa Panguluhang Diyos.

• Anong doktrina ang itinuro sa mga talatang ito hinggil sa Panguluhang Diyos?(Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang mga sumusunod nadoktrina: Ang Diyos Ama at ang Kanyang Anak na si Jesucristo, ay hiwalayna mga indibiduwal na may pisikal na katawang may laman at buto. AngEspiritu Santo ay isang personaheng espiritu.)

• Sa inyong palagay, bakit mahalaga para sa atin na maunawaan angdoktrinang ito?

Tapusin ang lesson sa pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa doktrina at mgaalituntuning natukoy sa lesson sa araw na ito. Hikayatin ang mga estudyante nakumilos ayon sa mga katotohanang ito upang matamo nila ang mga ipinangakongpagpapala.

LESSON 50

343

Page 364: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 51

Doktrina at mga Tipan 131;132:1–33Pambungad at TimelineNoong Mayo 16–17, 1843, si Propetang Joseph Smith ay namalagi kina Benjamin atMelissa Johnson sa Ramus, Illinois. Habang naroon, itinuro ng Propeta sa mgaJohnson ang batas ng Panginoon tungkol sa kasal at ibinuklod sila para sakawalang-hanggan. Kinaumagahan ipinangaral ng Propeta ang mensahe mula saII Ni Pedro 1 sa Ramus at ipinaliwanag ang ibig sabihin ng pariralang “lalongpanatag na salita ng [propesiya]” (II Ni Pedro 1:19). Kalaunan nang araw na iyon,matapos magbigay ng sermon ang isang ministrong Protestante sa mga Banal saRamus, itinuro ng Propeta na “lahat ng espiritu ay bagay” (D at T 131:7). Ang ilangbahagi ng mga turo ni Propetang Joseph Smith sa mga kaganapang ito ay nakatalasa Doktrina at mga Tipan 131.

Noong Hulyo 12, 1843, natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag nanakatala sa Doktrina at mga Tipan 132, kung saan itinuro ng Panginoon angtungkol sa “bago at walang hanggang tipan ng kasal” (D at T 131:2). Ang katibayansa kasaysayan ay nagpapahiwatig na natanggap ng Propeta ang ilan sa mgaalituntuning matatagpuan sa paghahayag na ito noon pang 1831. Tatalakayin salesson na ito ang Doktrina at mga Tipan 132:1–33, kung saan nagturo angPanginoon ng mga alituntunin tungkol sa walang hanggang kasal at angkahalagahan ng pagsunod sa Kanyang batas. Tatalakayin sa lesson 52 ang Doktrinaat mga Tipan 132:34–66, na kinapapalooban ng mga turo ng Panginoon tungkol samaramihang pag-aasawa o pag-aasawa nang higit sa isa.

Mga unang buwan ng 1840Itinuro ni Joseph Smith kay Parley P. Pratt ang tungkol sa walang hanggang kasal.

1840Sinimulan ni Joseph Smith ang pribadong pagtuturo ng tungkol sa doktrina ngpag-aasawa nang higit sa isa sa Nauvoo, Illinois.

Mayo 16–17, 1843Ibinigay ang mga turong nakatala sa Doktrina at mga Tipan 131.

Mayo 28, 1843Sina Joseph at Emma Smith ay nabuklod para sa kawalang-hanggan.

Mayo–Hulyo 1843Pumayag si Emma Smith na magkaroon pa ng mga asawa si Joseph Smith bukodsa kanya ngunit nahirapan siyang tanggapin ang gawaing ito.

Hulyo 12, 1843Ibinigay ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 132.

344

Page 365: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 131Itinuro ni Joseph Smith ang tungkol sa walang hanggang tipan ng kasal at nilinawang iba pang mga katotohananIpakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ngKorum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Isipin ang inyong hinaharap sa buhay, hindi lamang ang mangyayari ngayon obukas. Huwag ipagpalit ang pinakagusto ninyo sa buhay para sa isang bagay nainaakala ninyong gusto ninyo ngayon” (Richard G. Scott, “Jesus Christ, OurRedeemer,” Ensign, Mayo 1997, 54).

• Ano ang ilang paraan na makatutulong ang payo ni Elder Scott para makagawang mahahalagang desisyon ang isang tao?

• Bakit maaaring makatulong ang payo na ito lalo na kapag gumagawa ngdesisyon tungkol sa pakikipagdeyt, panliligaw, at pag-aasawa?

Sabihin sa mga estudyante na alamin sa pag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan131; 132:1–33 ang doktrina at mga alituntunin na makatutulong sa kanila namaunawaan ang kahalagahan ng kasal na walang hanggan.

Maging sensitibo sa mga pangangailangan at alalahanin ng mgaestudyanteMaaaring may mga estudyante ka sa iyong klase na hindi komportableng pag-usapan angtungkol sa walang hanggang kasal. Maaaring mahirap para sa kanila ang paksang ito kung,halimbawa, ang kanilang mga magulang ay nagdiborsyo, kung ang isa o pareho sa mgamagulang ay hindi miyembro ng Simbahan, o kung hindi lahat ng pamilya nila ay miyembro ngSimbahan. Sa iyong pagtuturo ng doktrina ng walang hanggang kasal, maging sensitibo sa mgapangangailangan at alalahanin ng mga estudyanteng ito.

Ipaliwanag na noong Mayo 16, 1843, sina Propetang Joseph Smith at WilliamClayton ay nagpunta sa Ramus, Illinois, at namalagi sa bahay nina Benjamin atMelissa Johnson. Habang naroon, itinuro ng Propeta sa mga Johnson angkahalagahan ng doktrina tungkol sa walang hanggang kasal at ibinuklod sila parasa kawalang-hanggan. Itinala ni William Clayton ang mga itinuro ng Propeta sapagkakataong iyon (tingnan sa Matthew McBride, “Our Hearts Rejoiced to HearHim Speak,” sa Revelations in Context, inedit nina Matthew McBride at JamesGoldberg [2016], 279–80, o history.lds.org). Ilan sa mga turong ito ay nakatala saDoktrina at mga Tipan 131:1–4.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 131:1–4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang itinuro ngPropeta tungkol sa walang hanggang kasal.

LESSON 51

345

Page 366: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa mga talata 1–2 tungkol sa dapatnating gawin para matamo ang pinakamataas na antas ng kahariang selestiyal?(Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod na alituntunin:Upang matamo ang pinakamataas na antas ng kaluwalhatian sa kahariangselestiyal, kailangan tayong pumasok sa bago at walang hanggang tipanng kasal.)

Ipaliwanag na sa kontekstong ito ang salitang bago ay nangangahulugan na angtipan ay bagong ipinanumbalik sa ating dispensasyon; ang walang hanggan aynangangahulugan na ang tipan, kabilang ang mga pagpapala nito, ay umiiral na sasimula pa lamang at magpakailanman at hindi nagbabago.

• Ayon sa mga talata 3–4, ano ang mangyayari kung hindi tayo papasok sa bagoat walang hanggang tipan ng kasal? (Maaari mong ipaliwanag na angkahulugan ng pariralang “hindi siya magkakaroon ng pag-unlad” ay hindimaaaring magkaroon ng mga anak pagkatapos ng Pagkabuhay na Mag-uli angmga taong hindi pumapasok at tumutupad sa bago at walang hanggang tipan.)

• Batay sa mga katotohanang itinuro sa mga talatang ito, paano ninyoipaliliwanag kung bakit mahalaga ang selestiyal na kasal sa plano ng Diyos parasa ating kadakilaan?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 131:5–8 na ipinaliliwanag na sa mga talatang itoipinaliwanag ni Propetang Joseph Smith ang kahulugan ng pariralang “lalongpanatag na salita ng [propesiya]” na binanggit sa II Ni Pedro 1:19, at itinuro niya na“lahat ng espiritu ay bagay” (talata 7).

Doktrina at mga Tipan 132:1–20Ipinaliwanag ng Panginoon ang mga batayan at pagpapala ng bago at walanghanggang tipanIpaliwanag na noong Hulyo 12, 1843, pinag-usapan ni Joseph Smith at ng kanyangkapatid na si Hyrum ang doktrina ng pag-aasawa nang higit sa isa, na nahirapangtanggapin ng asawa ni Joseph na si Emma. Sa kanilang pag-uusap, hinikayat niHyrum si Joseph na itala ang paghahayag na natanggap niya tungkol sa selestiyalna kasal, na kasama rin ang mga tagubilin ng Panginoon hinggil sa pag-aasawanang higit sa isa. Pagkatapos ay ibinigay ng Propeta ang natanggap na paghahayagna nakatala sa Doktrina at mga Tipan 132. “Bagaman ang paghahayag ay naitalanoong 1843, maliwanag mula sa mga makasaysayang talaan na ang mga doktrinaat alituntuning napapaloob sa paghahayag na ito ay ipinaalam sa Propeta mula panoong 1831” (Doktrina at mga Tipan 132, section heading).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 132:1–3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang itinanong niPropetang Joseph Smith sa Panginoon. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnalaman nila.

Ituro ang pariralang “Tutugunin kita hinggil sa bagay na ito” sa talata 2, at ipaalamsa mga estudyante na bago sinagot ng Panginoon ang tanong na ito ng Propetatungkol sa pag-aasawa nang higit sa isa, nagturo Siya ng mahahalagangalituntunin tungkol sa tipan ng walang hanggang kasal at pagsunod sa Kanyangbatas. Ang sagot ng Panginoon sa tanong ng Propeta tungkol sa pag-aasawa nang

LESSON 51

346

Page 367: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

higit sa isa ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 132:34–65, na tatalakayin sasusunod na lesson.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 132:4–6.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano anginihayag ng Panginoon sa Propeta tungkol sa walang hanggang kasal at sapagsunod sa Kanyang batas. Bago magbasa ang estudyante, ipaalala sa mgaestudyante na ang pariralang “isang bago at isang walang hanggang tipan” satalata 4 ay tumutukoy sa tipan ng walang hanggang kasal (tingnan sa D at T 131:2).

• Ayon sa mga talata 4–5, ano ang mangyayari kapag hindi “tumupad,” osumunod, ang isang tao sa tipan ng walang hanggang kasal?

• Ano ang mangyayari sa mga taong tumutupad sa batas na ito?

Ipaliwanag na ang pariralang “ang bago at walang hanggang tipan” sa talata 6 aytumutukoy sa kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo, na kinapapalooban ng lahat ngordenansa at tipang kailangan para sa kaligtasan at kadakilaan (tingnan sa D at T66:2). Ang walang hanggang kasal ay mahalagang bahagi ng bago at walanghanggang tipan.

• Ayon sa Doktrina at mga Tipan 132:6, bakit itinatag ng Panginoon ang bago atwalang hanggang tipan? (Maaari mong ipaliwanag na ang pariralang “sakaganapan ng aking kaluwalhatian” ay tumutukoy sa kadakilaan ng mga anakng Diyos [tingnan sa Moises 1:39].)

Ipaalala sa mga estudyante na ang tipan ay “isang kasunduan sa pagitan ng Diyosat ng tao, subalit sila ay hindi pantay sa pagkilos sa kasunduan. Ang Diyos angsiyang nagbibigay ng mga batayan para sa tipan, at ang mga tao angsumasang-ayong isagawa ang hinihingi Niya sa kanila [na] gawin. Sa gayonpinangangakuan ng Diyos ang mga tao ng ilang mga pagpapala dahil sa kanilangpagiging masunurin” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Tipan,”scriptures.lds.org).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 132:7.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga batayangibinigay ng Panginoon hinggil sa bago at walang hanggang tipan.

• Anong mga batayan ang ibinigay ng Panginoon hinggil sa bago at walanghanggang tipan? (Dapat itong “ibinuklod ng Banal na Espiritu ng pangako” atginawa sa pamamagitan ng wastong awtoridad ng priesthood.)

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung ano ang ibigsabihin ng “ibinuklod ng Banal na Espiritu ng pangako” (talata 7), ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang sumusunod na talata:

“Ang Espiritu Santo ang Banal na Espiritu ng Pangako (Mga Gawa 2:33). Pinagtitibay Niya na[katanggap-tanggap] sa Diyos ang mabubuting gawa, mga ordenansa, at tipan ng mga tao.Sumasaksi ang Banal na Espiritu ng Pangako sa Ama na ang makapagliligtas na mga ordenansaay naisagawa nang maayos at naingatan ang mga tipang kasama nito” (Gabay sa mga Banal naKasulatan, “Banal na Espiritu ng Pangako,”scriptures.lds.org).

LESSON 51

347

Page 368: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang ibig sabihin ng “ibinuklod ng Banal na Espiritu ng pangako” (D at T132:7)?

• Anong doktrina ang maaari nating matukoy mula sa Doktrina at mga Tipan132:7 hinggil sa kung ano ang kailangan para maging walang hanggan angisang tipan? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod nadoktrina: Kapag ginawa ang tipan sa pamamagitan ng tamang awtoridadng priesthood at ibinuklod ng Banal na Espiritu ng Pangako, ito aymananatili magpakailanman.)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 132:8–14 na ipinaliliwanag na patuloy na itinakdang Panginoon ang mga batayan ng Kanyang mga batas at mga ordenansa. SinabiNiya na lahat ng ginawa “sa pamamagitan [Niya] o ng [Kanyang] salita” (talata 13)ay mananatili magpakailanman ngunit ang lahat ng iba pa ay pupuksain.

Ipaliwanag na pagkatapos ituro ng Panginoon ang mga batayan ng bago at walanghanggang tipan, ginamit Niya ang tipan ng kasal upang ilarawan ang kahalagahanng pagtugon sa mga batayang ito.

Sabihin sa tatlong estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrinaat mga Tipan 132:15–18. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang iba’t ibang uri ng kasal na inilarawan sa mga talatang ito.

• Anong uri ng kasal ang inilarawan sa talata 15? Sa talata 18?

• Ayon sa mga talata 16–18, ano ang mangyayari sa mga taong hindi sumusunodsa batas ng Diyos hinggil sa kasal na walang hanggan?

Isulat sa pisara ang sumusunod na hindi kumpletong pahayag ng alituntunin:

Kung ang isang mag-asawa ay tumutupad sa bago at walang hanggangtipan ng kasal, kung gayon …

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa mga estudyante na basahinang Doktrina at mga Tipan 132:19–20 sa kanilang kapartner, at alamin ang mgapagpapalang dulot ng pagtugon sa mga batayan ng Panginoon para sa walanghanggang kasal. Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan angnalaman nila. Sabihin sa magkakapartner na sumulat ng isang pangungusap nakukumpleto sa ipinahayag na alituntunin sa pisara. Matapos ang sapat na oras,sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang isinulat nila. Maaaring kasama sa mgasagot ang sumusunod:

… magmamana sila ng mga trono, kaharian, pamunuan, kapangyarihan atnasasakupan.

… ang kanilang kasal ay ganap na may bisa kahit pumanaw na sila.

… sila ay tatanggap ng kadakilaan at kaluwalhatian sa lahat ng bagay.

… sila ay magiging mga diyos.

… maaaring magpatuloy ang kanilang pamilya at kanilang angkan sa buongkawalang-hanggan.

LESSON 51

348

Page 369: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano sa palagay ninyo ang dapat gawin ng mag-asawa para makatupad sa tipanng kasal?

• Paano maaapektuhan ng kaalaman tungkol sa mga pagpapala ng walanghanggang kasal ang pag-iisip ng isang tao tungkol sa kasal at paghahandapara rito?

Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa batas ng Panginoon sa kasal na walanghanggan at ang mga pagpapalang matatanggap natin dahil sa pagsunod sa batasna iyon. Tiyakin sa mga estudyante na kahit hindi magkakaroon ang lahat ng taong pagkakataon na maikasal sa buhay na ito, nangako ang Panginoon na walaSiyang ipagkakait na pagpapala sa matatapat.

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang gagawin nila parapaghandaan ito o, kung nagawa na nila ang tipang ito, manatiling tapat sapagtupad sa tipan ng walang hanggang kasal. Hikayatin sila na sundin anganumang pahiwatig na matatanggap nila.

Doktrina at mga Tipan 132:21–33Ipinaliwanag ng Panginoon kung paano makikilala ang Ama at ang AnakSabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 132:21–25. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang imahe na ginamit ng Panginoon para ilarawan ang kahalagahan ngpagsunod sa Kanyang batas hinggil sa walang hanggang kasal.

• Sa anong mga paraan maaaring sumagisag ang imahe na “makipot [na]pintuan, at makitid [na] daan” (talata 22) sa batas ng Panginoon hinggil sawalang hanggang kasal?

• Sa anong mga paraan maaaring sumagisag ang imahe na “malapad [na]pintuan, at maluwang [na] daan (talata 25) sa mga opinyon ngayon ng lipunantungkol sa kasal?

• Ayon sa mga talata 22 at 25, bakit marami ang hindi nakakapasok sa makitid nadaan na patungo sa kadakilaan?

• Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa mga talata 23–25 tungkol sadapat nating gawin para matamo ang buhay na walang hanggan? (Tulunganang mga estudyante na matukoy ang sumusunod na alituntunin: Kungtatanggapin natin ang Panginoon at ang Kanyang batas, makikilala natinang Ama at ang Anak at kalaunan ay tatanggap ng kadakilaan at buhay nawalang hanggan.)

Ipaliwanag na ang pariralang “mga buhay na walang hanggan” (mga talata 22, 24)ay tumutukoy sa kakayahan ng mga taong nakatanggap ng kadakilaan na lumikhang sarili nilang pamilya na walang-hanggan sa pamamagitan ng pagkakaroon atpagpapalaki ng mga espiritung anak (tingnan sa D at T 131:4; 132:19, 22, 24, 30).

Ibuod ang D at T 132:26–33 na ipinaliliwanag na nagbabala ang Panginoon samangyayari sa mga taong nagkasala matapos matanggap ang bago at walanghanggang tipan ng kasal (tingnan sa mga talata 26–27). Itinuro din Niya na dahilkusang tinanggap at sinunod ni Abraham ang lahat ng batas ng Diyos, pati na angbatas ng walang hanggang kasal, natamo niya ang kadakilaan—pati na ang

LESSON 51

349

Page 370: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

pangako na ang kanyang pamilya at mga inapo ay magpapatuloy magpakailanman(tingnan sa mga talata 29–30).

Magpatotoo na kapag ginawa natin “ang mga gawain ni Abraham” (D at T 132:32)sa pamamagitan ng pagpasok sa bago at walang hanggang tipan at pagtupad dito,tayo man ay tatanggap din ng mga pagpapala ng kadakilaan at walang hanggangpamilya. Sabihin sa mga estudyante na hangarin nang may panalangin na kumilosayon sa mga katotohanang natukoy sa lesson sa araw na ito.

LESSON 51

350

Page 371: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 52

Doktrina at mga Tipan132:34–66; Opisyal naPahayag 1Pambungad at TimelineHabang ginagawa ni Propetang Joseph Smith ang inspiradong pagsasalin ng Biblianoong 1831, itinanong niya sa Panginoon kung bakit ilan sa mga sinaunangpatriarch at hari ng Israel ay hindi lamang iisa ang asawa. Nang panahong iyon,nakatanggap ang Propeta ng paghahayag tungkol sa maramihang pagpapakasal opag-aasawa nang higit sa isa. Sa mga sumunod na taon, iniutos ng Panginoon saPropeta at sa ilang miyembro ng Simbahan na ipamuhay ang alituntunin ngpag-aasawa nang higit sa isa. Noong Hulyo 12, 1843, sa Nauvoo, Illinois, ibinigayng Propeta ang natanggap na paghahayag na nakatala ngayon sa Doktrina at mgaTipan 132, kung saan inihayag ng Panginoon ang mga katotohanan tungkol sa“bago at walang hanggang tipan ng kasal” (D at T 131:2). Ang lesson na ito aytumatalakay sa Doktrina at mga Tipan 132:34–66, na kinabibilangan ng mga turong Panginoon tungkol sa pag-aasawa nang higit sa isa at ang payo Niya kinaJoseph at Emma Smith.

Matapos makalipat ang mga Banal sa Salt Lake Valley sa kanlurang EstadosUnidos, sinimulan nilang gawin nang hayagan ang pag-aasawa nang higit sa isa.Mula 1860s hanggang 1880s, ang pamahalaan ng Estados Unidos ay nagpasa ngmga batas laban sa pag-aasawa nang higit isa. Matapos mapanalanging hingin angpatnubay ng Panginoon at makatanggap ng paghahayag, inihanda ni PangulongWilford Woodruff ang Manifesto [Pahayag] noong Setyembre 23–24, 1890, natumapos kalaunan sa pag-aasawa nang higit sa isa ng mga miyembro ngSimbahan. Ang Manifesto, na nakatala sa Doktrina at mga Tipan bilang Opisyal naPahayag 1, ay inilathala sa publiko noong Setyembre 25, 1890.

Mayo–Hulyo 1843Pumayag si Emma Smith na magkaroon pa ng mga asawa si Joseph Smith bukodsa kanya ngunit nahirapan siyang tanggapin ang gawaing ito.

Hulyo 12, 1843Ibinigay ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 132.

Hunyo 27, 1844Si Propetang Joseph Smith at kanyang kapatid na si Hyrum ay namatay na martirsa Carthage Jail sa Carthage, Illinois.

Hulyo 24, 1847Dumating si Pangulong Brigham Young at ang iba pang mga Banal sa SaltLake Valley.

351

Page 372: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Agosto 29, 1852Sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Brigham Young, hayagang itinuro ni ElderOrson Pratt ang pag-aasawa nang higit sa isa.

1860s–1880sNagpasa ng mga batas ang pamahalaan ng Estados Unidos na nagbabawal sapag-aasawa nang higit sa isa.

Setyembre 25, 1890Naglabas si Pangulong Wilford Woodruff ng Manifesto, na nakapaloobngayon sa Opisyal na Pahayag 1.

Oktubre 6, 1890Sa isang pangkalahatang kumperensya ng Simbahan, tinanggap ng mga miyembrong Simbahan ang Manifesto bilang kautusan at may bisa.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 132:34–50Itinuro ng Panginoon ang tungkol sa kapangyarihang magbuklod na ibinigay kayPropetang Joseph Smith

Gumamit ng mga inaprubahang materyalAng mga materyal sa kurikulum ng seminary at institute ay inilaan bilang mga pangunahingsangguniang makatutulong sa paghahanda at pagtuturo mo ng mga epektibong lesson. Maaarikang gumamit ng mga karagdagang sanggunian, tulad ng mga turo mula sa Unang Panguluhanat Korum ng Labindalawang Apostol, mga magasin ng Simbahan, mga sanaysay sa paksa ngebanghelyo, at iba pang mga mapagkakatiwalaang materyal habang tinutulungan mo ang mgaestudyante na maunawaan ang scripture block. Pag-isipang mabuti ang pagpili ng mga materyalupang mapalakas ng mga lesson ang pananampalataya at patotoo ng mga estudyante. Iwasanggumamit ng hindi mapagkakatiwalaang impormasyon, lalo na kung ang mga materyal na iyon ayhaka-haka o ginagawan ng isyu ang mga paksa ng lesson o nagtuturo ng mga ideya na hindi pamalinaw na naipahahayag ng Simbahan.

Sabihin sa mga estudyante na ilista sa pisara ang mga kautusan at payo na ibinigayng Panginoon na maaaring mahirap para sa ilang young adult na sundin. Papiliinang mga estudyante ng isa o dalawa sa mga halimbawang nakalista at sabihin sakanila na maikling ipaliwanag kung bakit mahirap para sa mga young adult nasundin ang kautusang iyan.

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang kautusan na maaaring mahirap parasa kanila na sundin. Sabihin sa kanila na maghanap ng doktrina at mga alituntuninhabang pinag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 132:34–66 na makatutulongsa kanila na mapag-ibayo ang kanilang pananampalataya at katapatan sa pagsunodsa mga kautusan ng Panginoon.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 132, ipabasa nang malakas saisang estudyante ang sumusunod na talata:

LESSON 52

352

Page 373: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Inihayag ni Propetang Joseph Smith na “isang anghel ang nagpakita sa kanya nang tatlongbeses sa pagitan ng 1834 at 1842 at iniutos sa kanya na ituloy ang pag-aasawa nang higit saisa” (“Plural Marriage in Kirtland and Nauvoo,” Gospel Topics, topics.lds.org). Nag-atubili angPropeta na sundin ang alituntunin. Inilarawan niya sa isang kaibigan ang “paghihirap ng isip nanaranasan niya para mapaglabanan ang pagkarimarim na nararamdaman niya” sa paggawa nito(Eliza R. Snow, Biography and Family Record of Lorenzo Snow [1884], 69). Nakasaad sakatibayan sa kasaysayan na nagtangka siyang sundin ang utos noong kalagitnaan ng 1830s.Gayunman, sa mga unang buwan ng 1840s lamang niya sinimulang masigasig na sundin angutos at ipinaalam sa iba ang alituntunin ng pag-aasawa nang higit sa isa. Bagama’t ibinigay niJoseph Smith ang Doktrina at mga Tipan 132 noong tag-init ng 1843, ang ilang alituntunin sapaghahayag na ito ay natanggap na noon pang mga unang buwan ng 1831 kaugnay nginspiradong pagsasalin ng Propeta ng Lumang Tipan. (Tingnan sa “Plural Marriage in Kirtlandand Nauvoo,” topics.lds.org.)

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 132:1–2, nainaalam ang itinanong ni Joseph Smith sa Panginoon. Sabihin sa kanila na ibahagiang nalaman nila.

Ipaliwanag na ang salitang kalunya sa Lumang Tipan ay tumutukoy sa isangbabaeng legal na kasal sa isang lalaki ngunit mas mababa ang katayuan sa lipunankaysa sa asawa. Ang mga kalunya ay hindi bahagi ng pag-aasawa nang higit sa isasa ating dispensasyon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 132:34–36.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakitpinakasalan ni Abraham si Hagar.

• Ayon sa mga talata 34–35, bakit pinakasalan ni Abraham si Hagar?

Ipaliwanag na “itinutulot ng batas na ang isang lalaki ay magkaroon lamang ngisang asawa, maliban kung iutos ng Panginoon sa pamamagitan ng paghahayag(Jacob 2:27–30)” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Kasal, Pagpapakasal,”scriptures.lds.org).

• Ayon sa talata 36, ano ang itinuro ng Panginoon kay Joseph Smith tungkol sapagsunod sa Kanyang mga kautusan? (Anumang iutos ng Panginoon ay tama,at kapag sumusunod tayo sa Kanya, ito ay “ipinalalagay sa [atin] sakabutihan.”)

• Sa nalalaman natin tungkol kay Abraham, bakit ang utos na ialay si Isaac aynapakahirap para kay Abraham?

• Paano maikukumpara ang utos ng Panginoon kay Abaraham na isakripisyo siIsaac sa Kanyang utos sa mga naunang Banal na mag-asawa nang higit sa isa?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 132:37.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang natanggap ninaAbraham, Isaac, at Jacob dahil sa pagsunod nila sa mga utos ng Diyos. Sabihin samga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa kahandaan ni Abraham na sundinang mga utos ng Diyos, kahit na mahirap itong gawin? (Matapos sumagot angmga estudyante, isulat ang sumusunod na alituntunin sa pisara: Kung handa

LESSON 52

353

Page 374: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

tayong sundin ang mga kautusan ng Diyos, kahit mahirap itong gawin,matatanggap natin ang Kanyang ipinangakong mga pagpapala.)

Patingnan ang listahan ng mga kautusan na isinulat ng mga estudyante sa pisara,at ipaliwanag na ang pinakamalaking pagpapalang matatanggap natin sa pagsunodsa mga kautusan ng Diyos ay ang kadakilaan. Sabihin sa mga estudyante na pumiling isa sa mga kautusan sa pisara, at ipalarawan sa kanila ang iba pang mgapagpapala na matatanggap natin sa pagsunod sa kautusang iyon.

• Bukod pa sa alam nating pagpapalain tayo kapag sinunod natin ang mgakautusan, ano pa ang makatutulong sa atin na sundin ang isang kautusan kahitmahirap gawin ito?

Ipakita ang sumusunod na kuwento ni Lucy Walker. Ipaliwanag na si Lucy ay isa samga asawa ni Joseph Smith. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante angkuwento. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung anoang unang reaksyon ni Lucy Walker sa alituntunin na pag-aasawa nang higit sa isaat kung ano ang ginawa niya para magkaroon ng patotoo sa alituntuning iyon.

“Nang banggitin sa akin ni Propetang Joseph Smith ang alituntunin ng pag-aasawa nang higit saisa, nakaramdam ako ng galit at sinabi ko ito sa kanya, dahil salungat sa damdamin atpinag-aralan ko ang anumang bagay na may kinalaman [dito]. Ngunit tiniyak niya sa akin nainihayag sa kanya ng Panginoon ang doktrinang ito, at may karapatan akong makatanggapmismo ng patotoo tungkol sa banal na pinagmulan nito. Pinayuhan niya akong magdasal saPanginoon” (Lucy Walker, affidavit, December 17, 1902, Church History Library, Salt Lake City).

“Talagang nagdasal ako nang taimtim. … Halos magbubukang-liwayway na iyon matapos angisang gabing walang tulog. Habang nakaluhod at nananalangin, napuspos ng banal naimpluwensya ang aking silid. Para sa akin maihahambing iyon sa maliwanag na sikat ng araw nabiglang sumilay sa madilim na ulap.

“… Ang kaluluwa ko ay napuspos ng masayang kapayapaan na noon ko lang nadama.Matinding kaligayahan ang bumalot sa pagkatao ko at natanggap ko ang makapangyarihan atmalakas na patotoo sa katotohanan ng [pag-aasawa nang higit sa isa]. Na tila naging angkla sakaluluwa sa lahat ng tukso at pagsubok sa buhay” (Lucy Walker Kimball, “Brief BiographicalSketch,” Church History Library, Salt Lake City, 11).

• Ano ang ginawa ni Lucy Walker para magkaroon ng patotoo tungkol samahirap na kautusang ito?

• Sa palagay ninyo, paano makatutulong ang halimbawa ni Lucy Walker sa isangtao na nahihirapang tanggapin o sundin ang isang kautusan mula sa Diyos?

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang taong kilala nila nang personal omula sa mga banal na kasulatan na sinunod ang mahirap na kautusan at pinagpaladahil sa kanyang pagiging masunurin. Sabihin sa kanila na pag-isipan din kungano ang ginawa ng taong iyon na nakatulong sa kanya na maging masunurin.Sabihin sa ilang estudyante na magbahagi ng kanilang mga halimbawa sa klase.Maaari kang magbahagi ng sarili mong halimbawa.

Magpatotoo na makatatanggap tayo ng mga pagpapala sa Diyos kapag sinusunodnatin ang Kanyang mga kautusan, kahit mahirap itong gawin. Hikayatin ang mga

LESSON 52

354

Page 375: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

estudyante na magpasiya kung ano ang gagawin nila upang matulungan sila namasunod nang mas mabuti ang mga kautusan ng Diyos.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 132:38–40.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang iba pangnagsagawa ng alituntunin ng pag-aasawa nang higit sa isa.

• Ayon sa talata 39, bakit mahalaga na ang nagsasagawa ng pag-aasawa nanghigit sa isa ay mga may mayhawak ng “mga susi ng kapangyarihang ito”—ibigsabihin ang mga susi ng pagbubuklod ng priesthood? (Ipinahihiwatig nito nasinang-ayunan ng Panginoon ang mga pagpapakasal.)

• Ayon sa talata 40, ano ang sinabi ng Panginoon na Kanyang gagawin sapamamagitan ni Joseph Smith? (Ipaliwanag na ang pag-aasawa nang higit saisa ay bahagi ng “pagpapanumbalik ng lahat ng bagay” [D at T 27:6] mula samga naunang dispensasyon.)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 132:41–48 na ipinaliliwanag na tinalakay ngPanginoon ang tungkol sa pakikiapid kaugnay ng pag-aasawa nang higit sa isa.Itinuro ng Panginoon na kapag nag-asawa nang higit sa isa ang sinuman na hindiNiya tinulutan, siya ay nagkasasala ng pakikiapid. Pinanatag ng Panginoon angPropeta na lahat ng kasal, kabilang na ang maramihang pagpapakasal, na ginawa“sa pamamagitan ng [Kanyang] salita at alinsunod sa [Kanyang] batas” (talata 48)at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng priesthood na magbuklod (talata 46) ay“dadalawin kalakip ang mga pagpapala … at hindi magkakaroon ng kaparusahansa lupa at sa langit” (talata 48).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 132:49–50.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mgapagpapalang ipinangako ng Panginoon kay Joseph Smith.

• Anong mga pagpapala ang ipinangako ng Panginoon kay Joseph Smith?

• Ayon sa talata 50, bakit ipinangako ng Panginoon kay Joseph Smith ang mgapagpapala ring iyon na ibinigay Niya kay Abraham?

Doktrina at mga Tipan 132:51–66Pinayuhan ng Panginoon si Emma Smith at nagbigay ng mga tagubilin hinggil sapag-aasawa nang higit sa isaSabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung bakit ang utos na magpakasal nanghigit sa isa ay mahirap hindi lamang kay Propetang Joseph Smith kundi lalo na sakanyang asawang si Emma. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsumusunod na talata:

Ang pagsunod ng Propeta sa alituntunin ng pag-aasawa nang higit sa isa ay isang matindingpagsubok sa kanya at sa kanyang pinakamamahal na asawang si Emma. Kahit ibinigay ni Emmaang kanyang pahintulot noong 1843 na magkaroon si Joseph ng karagdagang mga asawa, hirappa rin si Emma na tanggapin ang alituntunin ng pag-aasawa nang higit sa isa. “Pabagu-bagoang pananaw niya sa pag-aasawa nang higit sa isa, may pagkakataong sinasang-ayunan niya itoat may pagkakataong binabatikos niya ito” (“Plural Marriage in Kirtland and Nauvoo,” GospelTopics, topics.lds.org). Tulad ng nakatala sa Doktrina at mga Tipan 132:51–57, partikular na

LESSON 52

355

Page 376: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

tinukoy ng Panginoon ang Kanyang “katulong na babae,” o tagapaglingkod, na si Emma, atpinayuhan siya at tinagubilinan hinggil sa pag-aasawa nang higit sa isa.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 132:52–54, 56. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang mga kautusan at mga pangako ng Panginoon kay Emma Smith.

• Ano ang ipinagawa ng Panginoon kay Emma?

Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng salitang wawasakin ayon sa paggamit sa mgatalatang ito ay mahihiwalay o mawawalay sa Diyos (tingnan sa Mga Gawa 3:22–23;1 Nephi 22:20; D at T 25:15). Tinanggap ni Propetang Joseph Smith ang gayundingmahigpit na babala na siya ay wawasakin, o ihihiwalay, kung hindi siyamag-aasawa nang higit sa isa at kung hindi niya ito ipapaalam sa iba (tingnan saBiography and Family Record of Lorenzo Snow [1884], 69–70).

• Ano ang ipinangako ng Panginoon kay Emma Smith kung susunod siya saKanyang mga kautusan?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 132:57–62 na ipinaliliwanag na sinabi ngPanginoon kay Emma na Siya ay “kasama [ng kanyang asawang si Joseph], gaya ng[Siya] ay kasama ni Abraham” (talata 57). Inulit ng Panginoon na ang mganag-aasawa nang higit sa isa alinsunod sa Kanyang batas at awtoridad ay“nabigyang-katwiran,” o katanggap-tanggap sa Panginoon (talata 61).

Basahin nang malakas ang Doktrina at mga Tipan 132:63, simula sa pariralang“sapagkat sila ay ibinigay sa kanya.” Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sapagbasa, at alamin ang dahilang ibinigay ng Panginoon kung bakit iniutos angpag-aasawa nang higit sa isa.

• Ano ang ibig sabihin ng pariralang “magpakarami at kalatan ang lupa”?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Jacob 2:30. Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paano nakatutulong sa atin angtalatang ito na mas maunawaan ang mga turo ng Panginoon na nakatala saDoktrina at mga Tipan 132:63.

• Ano ang ibig sabihin ng “magbangon ng mga binhi sa [Panginoon]” (Jacob2:30)?

• Batay sa Jacob 2:30 at Doktrina at mga Tipan 132:63, ano ang isang dahilankung bakit iniutos ng Panginoon ang pag-aasawa nang higit sa isa? (Matapossumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na katotohanan:May mga pagkakataon na iniutos ng Panginoon ang pag-aasawa nanghigit sa isa upang bigyan ng mga karagdagang oportunidad ang Kanyangmga tao na magpalaki ng mga matwid na anak para sa Kanya.)

Ipaliwanag na ang mga pagsisikap ng mga naunang Banal na sundin angalituntunin ng pag-aasawa nang higit sa isa “ay talaga ngang naging dahilan paramaisilang ang malaking bilang ng mga anak na lumaki sa matatapat na pamilyangBanal sa mga Huling Araw” (“Plural Marriage and Families in Early Utah,” Gospel

LESSON 52

356

Page 377: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Topics, topics.lds.org; tingnan din ang komentaryo para sa Doktrina at mga Tipan132:63 na nasa manwal ng estudyante).

Tulungan ang mga estudyante sa pagsagot ng mahihirap na tanongAng mga estudyante ay tatanungin ng mahihirap na tanong tungkol sa Simbahan sa buongbuhay nila. Ang pagbibigay sa mga estudyante ng tumpak na impormasyon at pagtulong sakanila na mahanap ang mga mapagkakatiwalaang materyal ay makatutulong sa kanila namapag-isipan at maipaliwanag nang tama ang mahihirap na paksa. Ang pagtutulot sa mgaestudyante na talakayin at praktisin ang pagsagot sa mahihirap na tanong at pinagkakatiwalaansila na magagawa nila ito ay nagpapalakas ng kanilang kumpiyansa sa sarili sa oras nanakipag-usap na sila sa iba tungkol sa ebanghelyo.

Paalala: Kung may mga tanong ang mga estudyante tungkol sa pag-aasawa nanghigit sa isa ni Joseph Smith, patingnan ang Gospel Topics essay na “Plural Marriagein Kirtland and Nauvoo” (topics.lds.org) para makatulong na masagot ang kanilangmga tanong.

Opisyal na Pahayag 1Naglabas si Pangulong Wilford Woodruff ng Manifesto, na nagpatapos sapag-aasawa nang higit sa isa sa SimbahanIbuod ang Opisyal na Pahayag 1 na ipinaliliwanag na matapos lumipat ang mgaBanal sa Salt Lake Valley, ang pag-aasawa nang higit sa isa ay ginawa na nanghayagan. Bagama’t ang maramihang pag-aasawa ay naging mas laganap sa mgaBanal, hindi ito ginawa ng karamihan sa mga miyembro ng Simbahan na nasahustong gulang. Mula 1860s hanggang 1880s, nagpasa ang pamahalaan ng EstadosUnidos ng mga batas na nagpapatigil sa gawaing ito. Noong Setyembre 25, 1890,matapos taimtim na humingi ng patnubay sa Panginoon at tumanggap ngpaghahayag, naglabas si Pangulong Wilford Woodruff ng Manifesto, na nagpapayosa mga miyembro ng Simbahan na “tumigil mula sa pakikipagkasundo saanumang kasal na ipinagbabawal ng batas ng lupa” (Opisyal na Pahayag 1). Kahitmay iilan pa ring naganap na pag-aasawa nang higit sa isa matapos ilathala ito,tumigil nang lubusan ang pag-aasawa nang higit sa isa ng mga miyembro ngSimbahan dahil sa Manifesto.

Magtapos sa pagpapatotoo na tinanggap at sinunod nang tapat ni PropetangJoseph Smith at ng mga sumunod na propeta ang mga kautusan ng Diyos.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Opisyal na Pahayag 1.Kung may oras pa, ang sumusunod na ideya sa pagtuturo ay magagamit sa halip na ibuod ang Opisyal na pahayag 1.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na talata. Sabihin sa klase na pakinggan ang mga dinanas na hirap ngmga miyembro ng Simbahan nang sundin nila ang utos ng Panginoon na mag-asawa nang higit sa isa.

Matapos lumipat ang mga Banal pakanluran sa Salt Lake Valley, mas lumaganap ang pag-aasawa nang higit sa isa at kalaunan ayitinuro na ito nang hayagan ng mga lider ng Simbahan. Sa sumunod na mga taon, matinding tinuligsa ng maraming pinuno ng

LESSON 52

357

Page 378: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

relihiyon at pulitika sa Estados Unidos ang maramihang pag-aasawa o pag-aasawa nang higit sa isa, at itinuring ito na imoral atmalaswa. Nagpasa ng mga batas ang pamahalaan ng Estados Unidos na nagpapatigil sa pag-aasawa nang higit sa isa omaramihang pagpapakasal, na humantong sa pagkabilanggo ng daan-daang Banal sa mga Huling Araw noong mga 1880s. Sapaniniwalang hindi makatarungan ang mga batas na ito, maraming miyembro ng Simbahan, kabilang na ang mga lider ng Simbahanang nagtago upang maiwasan na mahuli at mabilanggo. Maraming pamilya ang nakaranas ng pagkabalisa, kalungkutan, atkahirapan. (Tingnan sa “The Manifesto and the End of Plural Marriage,” Gospel Topics, topics.lds.org.) Ang mga batas naAnti-polygamy na ipinasa noong 1882 at 1887 ay nagkait din sa kalalakihan na maraming asawa ng karapatang bumoto athumawak ng katungkulan sa pulitika, nagpawalang-saysay ng karapatan ng kababaihan na bumoto sa Utah Territory, nagbuwag saSimbahan bilang isang legal na institusyon, at nagpahintulot sa pamahalaan na kumpiskahin ang mga ari-arian ng Simbahan,kabilang na ang mga templo. Ipinahayag ng Simbahan na labag sa saligang-batas ang mga batas na ito, ngunit sa huli aysinang-ayunan ng Korte Suprema ng Estados Unidos ang mga batas na ito.

Ipaliwanag na ang mahihirap na kalagayang ito ang nagbunsod kay Pangulong Wilford Woodruff na manalangin para hingin angpatnubay ng Panginoon hinggil sa pag-aasawa ng mga Banal nang higit sa isa. Noong Setyembre 23–24, 1890, inihanda niPangulong Woodruff ang Manifesto, na kilala ngayon bilang Opisyal na Pahayag 1 sa Doktrina at mga Tipan. Ang Manifesto ayinilathala noong Setyembre 25.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang ikaapat na talata at ang huling pangungusap ng panlimang talata ng Opisyal naPahayag 1. Sabihin sa klase na alamin ang iniutos ni Pangulong Woodruff na gawin ng mga Banal.

Ipaliwanag na si Elder Brigham H. Roberts, na noon ay naglilingkod bilang miyembro ng Korum ng Pitumpu, ay sakay ng trenpapuntang Salt Lake City nang makita niya ang isang artikulo sa pahayagan na nagbabalita ng Manifesto ni Pangulong Woodruff.Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na tala mula sa diary ni Elder Roberts:

“Binasa ko [ang mga headline ng peryodiko] nang labis na nagtataka. Ngunit hindi ko pa man ito nababasa, tilakislap ng liwanag na nanuot sa buong kaluluwa ko ay sinabi ng espiritu—‘Ayos lang ‘yan,’ kaya lumipas ito.Pagkatapos ay sinimulan kong pag-isipan ang bagay na ito. Naisip ko ang lahat ng dinanas na hirap ng mga Banalpara sundin ang doktrinang iyan; naalala ko ang aking sarili na [nasa England] para magtago, ang pagkabilanggo ko;naisip ko na nangyari din ito sa iba. Naalala ko ang mga sakripisyo ng aking mga asawa para dito; ang mga ginawang iba para dito. Ipinangaral namin ito, sinang-ayunan ang kabanalan nito mula sa pulpito, sa mga pahayagan, sa

mga pangangaral sa entablado. Tiniis ng aming pamayanan ang bawat uri ng pagbatikos ng mundo dahil dito—at ito ba angmagiging katapusan? Inasahan ko na susupotahan ng Diyos ang alituntuning iyon at ang kanyang mga Banal na nagsagawa nito, atang basta na lamang itigil ito sa ganitong paraan ay isang uri ng karuwagan na habang mas iniisip ko ay lalo ko lamang hindinagugustuhan. … Nakapanlulumo iyon para sa akin, at nakadama ako ng pagkagapi at pagkainsulto” (B. H. Roberts Diary, B. H.Roberts Papers, University of Utah, sinipi sa Ronald W. Walker, “B. H. Roberts and the Woodruff Manifesto,” BYU Studies Quarterly,vol. 22, no. 3 [1982], 364).

Sabihin sa mga estudyante na tahimik na basahin ang unang talata ng “Mga Hango Mula sa Tatlong Talumpati ni Pangulong WilfordWoodruff Tungkol sa Pahayag.” Sabihin sa mga estudyante na alamin ang doktrina na itinuro ni Pangulong Woodruff sa mgamiyembro ng Simbahan nang iniharap ang Pahayag [Manifesto] para sa boto ng pagsang-ayon sa pangkalahatang kumperensya.

• Kung naranasan ninyo ang gayong pagsalungat dahil sa sinisikap ninyong sundin ang utos ng Panginoon, ano ang magigingreaksyon ninyo?

• Ano ang iniutos ni Pangulong Woodruff na gawin ng mga Banal?

• Sa inyong palagay, ano ang reaksyon ng mga miyembro ng Simbahan sa Manifesto?

• Bakit napakahirap para kay Elder Roberts na tanggapin ang payo na nakasaad sa Manifesto?

• Anong doktrina ang itinuro ni Pangulong Woodruff sa mga miyembro ng Simbahan? (Dapat matukoy ng mga estudyante angdoktrinang tulad ng sumusunod: Hindi pahihintulutan ng Panginoon kailanman ang Pangulo ng Simbahan na iligawang Simbahan.)

• Sa inyong palagay, paano makatutulong ang pag-unawa sa doktrinang ito sa mga miyembro ng Simbahan, tulad ni ElderRoberts, na nahirapang tanggapin ang payo na nakapaloob sa Manifesto?

LESSON 52

358

Page 379: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Sabihin sa dalawang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng ikaanim at ikapitong talata ng “Mga Hango Mula saTatlong Talumpati ni Pangulong Wilford Woodruff Tungkol sa Pahayag.” Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang inihayag ng Panginoon na mangyayari kung hindi tumigil ang mga Banal sa pag-aasawa nang higit sa isa.

Sabihin sa isang estudyante na tapusing basahin nang malakas ang kuwento ni Elder Roberts. Sabihin sa klase na pakinggan kungano ang nakatulong sa kanya na magkaroon ng patotoo sa Manifesto.

“Maya-maya pa naalaala ko ang kislap ng liwanag na nadama ko nang una kong malaman ang tungkol sa[Manifesto], at sa wakas ay umayon dito ang damdamin ko. Marahil nagkamali ako nang alisin ko mula sa akin angunang patotoong natanggap ko kaugnay nito, at itulot ang aking maling palagay, at kakitiran ng pananaw, atpangangatwiran ng isang likas na tao na kalabanin ang inspirasyong mula sa Diyos at ang patotoong hatid nito natama ang Manifesto. Nang maunawaan ko na ang katotohanang ito, pinagsisihan ko aking pagkakamali atnagsumamong tulungan ako ng espiritu ng Diyos na magkaroon ng patotoo at paunti-unting dumating ito” (B. H.

Roberts Diary, sinipi sa “B. H. Roberts and the Woodruff Manifesto,” 365).

Ipaliwanag na may iilan pang mga Banal sa mga Huling Araw ang patuloy na nag-asawa nang higit sa isa kahit naibigay na angManifesto. Noong 1904, naglabas si Pangulong Joseph F. Smith ng pangalawang manifesto at ipinahayag “na lahat ng pagpapakasal[nang higit sa isa] ay ipinagbabawal, at kung sinumang opisyal o miyembro ng Simbahan ang gagawa ng gayong pagpapakasal ay… ititiwalag” (sa Conference Report, Abr. 1904, 75). Patuloy pa rin hanggang ngayon ang tuntuning ito.

Magtapos sa pagpapatotoo na ginagabayan ng Panginoon ang Simbahan at mga miyembro nito ayon sa kanilang mga kalagayan sapamamagitan ng paghahayag sa Kanyang mga propeta.

• Ano ang mangyayari kung hindi itinigil ng mga Banal ang pag-aasawa nang higit sa isa?

• Ano ang sinabi ni Pangulong Woodruff na handa niyang gawin kung hindi ibinigay sa kanya ng Diyos ang paghahayag atkautusang ito?

• Anong doktrina ang matututuhan natin tungkol sa mga propeta at paghahayag mula sa mga turo ni Pangulong Woodruff?(Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod na doktrina: Ang Panginoon ay nagbibigay ng patuloy napaghahayag sa Kanyang mga propeta ayon sa mga pangangailangan at mga kalagayan ng Kanyang Simbahan atmga tao. Isulat sa pisara ang doktrinang ito.)

• Sa inyong palagay, bakit mahalagang malaman na ang Panginoon ay patuloy na nagbibigay ng paghahayag sa Kanyang mgapropeta ayon sa mga pangangailangan at mga kalagayan ng Kanyang Simbahan at mga tao?

• Paano makatutulong ang karanasan ni Elder Roberts sa isang tao na nahihirapang sundin ang pamumuno at payo ng mgapropeta ng Panginoon?

LESSON 52

359

Page 380: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 53

Doktrina at mga Tipan 133Pambungad at TimelineNoong Nobyembre 3, 1831, matapos ang dalawang araw na pagpupulong tungkolsa paglalathala ng Book of Commandments o Aklat ng mga Kautusan, natanggapni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 133. Ang paghahayag na ito ay dumating bilang sagot sa tanong ng ilangelder “kaugnay ng pangangaral ng Ebanghelyo sa mga naninirahan sa mundo, athinggil sa pagtitipon [ng Israel]” (D at T 133, section heading). Sa paghahayag naito, iniutos ng Panginoon sa mga Banal na manawagan sa mga tao ng mundo namagtipon sa Sion at maghanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Inihayag dinNiya ang ilan sa mga magaganap sa Kanyang Ikalawang Pagparito at paghahari saMilenyo.

Nobyembre 1–2, 1831Sa isang kumperensya ng Simbahan na ginanap sa Hiram, Ohio, nagpasiya siJoseph Smith at isang grupo ng mga elder na ilathala ang mga paghahayag nanatanggap hanggang sa oras na iyon sa isang aklat na tatawaging Aklat ng mgaKautusan [Book of Commandments].

Nobyembre 1, 1831Natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 1, na tinukoy ng Panginoon na “paunang salita” sa Aklat ng mga Kautusan.

Nobyembre 2, 1831Natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 67, kung saan pinatotohanan ng Panginoon ang katotohanan ng Aklat ngmga Kautusan.

Nobyembre 3, 1831Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 133.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 133:1–16Iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga tao na maghanda para sa IkalawangPagparito

Tulungan ang iyong mga estudyante sa pag-aaralAng isang paraan na matutulungan mo ang mga estudyante na mas maunawaan ang mga banalna kasulatan at matuklasan ang doktrinang nilalaman nito ay sa pamamagitan ng paggabay samga estudyante sa pag-aaral na katulad ng naranasan mo noong inihahanda mo ang lesson.

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon na pinaghandaannilang mabuti ang isang mahalagang kaganapan (tulad ng job interview opagsusulit sa paaralan). Sabihin sa kanila na isipin din ang isang pagkakataon nahindi nila sapat na napaghandaan ang isang mahalagang kaganapan.

360

Page 381: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang nadama ninyo noong napaghandaan ninyong mabuti ang mahalagangkaganapan?

• Ano ang nadama ninyo noong hindi kayo nakapaghanda?

• Ano ang ilang kaganapan sa hinaharap na kinakailangan nating paghandaanbilang mga miyembro ng Simbahan? (Isulat sa pisara ang mga sagot ng mgaestudyante. Kung hindi nila binanggit ito, isulat sa pisara ang IkalawangPagparito ni Jesucristo.)

Sabihin sa mga estudyante na humanap ng doktrina at mga alituntunin habangpinag-aaralan nila ngayon ang Doktrina at mga Tipan 133 na makatutulong sakanila na malaman kung paano nila maihahanda ang kanilang sarili at ang iba saIkalawang Pagparito ni Jesucristo at kung bakit dapat nilang paghandaan angkaganapang ito.

Ipaliwanag na sa dalawang araw na pagpupulong na ginanap noong Nobyembre1–2, 1831, sa Hiram, Ohio, tinalakay ni Propetang Joseph Smith at ng iba pang mgalider ng Simbahan ang paglalathala ng mga paghahayag na natanggap ng Propetasa isang aklat na pamamagatang Book of Commandments o Aklat ng mgaKautusan. Sa pulong na ito, natanggap ng Propeta ang paghahayag na nakatala saDoktrina at mga Tipan 1. Tinawag ng Panginoon ang paghahayag na ito naKanyang “paunang salita” sa Aklat ng mga Kautusan (tingnan sa D at T 1:6).Noong Nobyembre 3, 1831, matapos ang pagpupulong ng Simbahan, natanggapng Propeta ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 133, na tinukoykalaunan bilang “apendiks” sa Aklat ng mga Kautusan. Ang paghahayag na ito, nanaglalaman ng mga turo tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo, ay sagot samga tanong ng mga elder hinggil sa gawaing misyonero at sa pagtitipon ng Israel(tingnan sa D at T 133, section heading).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 133:1–4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang inihayag ngPanginoon tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito.

• Ayon sa talata 2, ano ang mangyayari sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo sa“lahat ng bansa na nakalimot sa Diyos” at sa “lahat ng makasalanan sa [mgaBanal]”?

• Ayon sa talata 3, ano ang gagawin ng Panginoon sa oras ng Kanyang IkalawangPagparito?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin na ang Panginoon “ay huhubdan angkaniyang banal na bisig sa paningin ng lahat ng bansa”? (Ito ay maaaringtumukoy sa kapangyarihan at kaluwalhatian na ipakikita sa IkalawangPagparito ni Jesucristo. Maaari din itong tumukoy sa gawain ng Panginoon sahuling araw na pagtitipon sa Israel bilang paghahanda para sa KanyangIkalawang Pagparito [tingnan sa 1 Nephi 22:11–12].)

• Ayon sa mga turo ng Panginoon sa talata 4, anong alituntunin ang matutukoynatin tungkol sa paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?(Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod naalituntunin: Ang pagpapabanal sa ating sarili at pagtitipong kasama ng

LESSON 53

361

Page 382: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

mga Banal ay tutulong na ihanda tayo para sa Ikalawang Pagparito niJesucristo.)

• Ano ang ibig sabihin ng pabanalin ang ating sarili? (Kung kinakailangan,ipaliwanag na ang ibig sabihin ng pabanalin ay ihiwalay sa makamundongbagay, gawing banal, o ilaan.)

• Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa mga estudyante nabasahin ang Doktrina at mga Tipan 133:5–7 nang magkakapartner, at alaminang sinabi ng Panginoon sa mga Banal na gawin upang sila ay mapabanal.Matapos ang sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi angnalaman nila.

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “lumabas kayo sa Babilonia”(talata 5)? (Kung kinakailangan, ipaliwanag na sa mga banal na kasulatan,madalas gawing simbolo ng kamunduhan at kasamaan ang Babilonia.)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 133:8–15 na ipinaliliwanag na iniutos ngPanginoon sa mga lider ng Simbahan na ipadala ang mga elder sa lahat ng bansa,upang manawagan sa mga naninirahan doon na magtipon sa Sion, ihanda angkanilang sarili para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon, at iwanan ang“espirituwal na Babilonia” at “huwag [nang lumingon muli]” (mga talata 14–15).

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 133:16, nainaalam ang mensahe ng Panginoon sa lahat ng tao. Sabihin sa isang estudyante naibahagi ang nalaman niya.

• Ano ang kaugnayan ng utos ng Panginoon na magsisi sa paghahanda para saKanyang Ikalawang Pagparito?

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang maaaring kailanganin nilangpagsisihan upang “[makalabas] sa Babilonia” (D at T 133:7), pabanalin angkanilang sarili, at maghanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Hikayatinsila na sundin ang anumang mga pahiwatig na natatanggap nila.

Doktrina at mga Tipan 133:17–35Inilarawan ng Tagapagligtas ang ilang magaganap sa Kanyang Ikalawang Pagparitoat paghahari sa milenyoIbuod ang Doktrina at mga Tipan 133:17–35 na ipinaliliwanag na inilarawan ngPanginoon ang ilan sa mga pangyayaring may kaugnayan sa Kanyang IkalawangPagparito at paghahari sa milenyo, kabilang na ang Kanyang pagpapakita saBundok ng mga Olibo sa Jerusalem, mga pagbabago sa mundo, at ang pagtitiponng mga nawawalang lipi ni Israel.

Doktrina at mga Tipan 133:36–56Inihayag ng Panginoon na ang ipinanumbalik na ebanghelyo ay ipangangaral sabuong mundo at inilarawan ang Kanyang Ikalawang PagparitoIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 133:36.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ginawa ngPanginoon upang “maipaalam” ang mga magaganap sa Kanyang IkalawangPagparito sa “mga naninirahan sa mundo.”

LESSON 53

362

Page 383: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang ginawa ng Panginoon para maipaalam sa mga naninirahan sa mundoang tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito? (Matapos sumagot ang mgaestudyante, ipaliwanag na ang “aking anghel” sa talatang ito ay maaaringtumukoy sa anghel na si Moroni gayundin sa iba pang mga anghel na tumulongna pasimulan ang Pagpapanumbalik ng ebanghelyo.)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 133:37–43 na ipinaliliwanag na sinabi ngPanginoon na ang ipinanumbalik na ebanghelyo ay ipangangaral sa lahat ng bansaat ang Kanyang mga tagapaglingkod ay magsasabi sa mga tao sa mundo na“matakot sa Diyos … at sambahin siya” (mga talata 38–39). Bilang sagot sa mgapanalangin ng Kanyang mga tagapaglingkod, ang Panginoon ay darating mulibilang “pantunaw na apoy na nagliliyab” (talata 41) upang linisin ang daigdig mulasa kasamaan.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 133:44–45.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano angmangyayari sa mabubuti kapag dumating ang Panginoon.

• Ayon sa talata 44, sino ang sasalubungin ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin mula sa pangako ng Panginoon satalata 45? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara angsumusunod na alituntunin: Naghanda ang Panginoon ng mga dakilangpagpapala para sa mga maghihintay sa Kanya.)

• Ano sa palagay ninyo ang kahulugan ng maghintay sa Panginoon? (Manatilingtapat at umasa, at magtiwala sa Kanyang mga pangako.)

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ngLabindalawang Apostol at ang dalawang sumunod na tanong. Hatiin ang klase samaliliit na grupo na may tig-dadalawa o tig-tatatlong miyembro, at sabihin sa mgaestudyante na basahin ang pahayag sa kanilang mga grupo at talakayin ang mgatanong na kasunod ng pahayag. (Maaari mong ipamahagi ang pahayag at mgatanong bilang handout.)

“Dapat nating bantayan ang mga palatandaan [ng Ikalawang Pagparito ngPanginoon] at basahin ang kahulugan ng panahon, dapat tayong mamuhay nangbuong katapatan hangga’t maaari, at dapat nating ibahagi ang ebanghelyo salahat ng tao upang ang mga pagpapala at proteksyon ay mapasaating lahat.Ngunit hindi tayo dapat tumigil sa pagkilos dahil lamang sa paparating na angpangyayaring iyon at ang mga kaganapang kaakibat nito. Hindi tayo dapat

tumigil sa pamumuhay. Sa katunayan, dapat nating lalo pang pagbutihin ang ating pamumuhaykaysa noon. Dahil sa kabila ng lahat, ito ang dispensasyon ng kaganapan ng mga panahon. …

“Inaasahan sa inyo ng Diyos na magkakaroon kayo ng sapat na pananampalataya at sapat natiwala sa Kanya upang patuloy na kumilos, mamuhay, at magalak. Sa katunayan, inaasahan Niyasa inyo na hindi lamang ninyo haharapin ang hinaharap (na tila kahila-hilakbot at walangmalasakit); inaasahan Niya na tatanggapin at huhubugin ninyo ang hinaharap—mamahalin itoat magagalak sa inyong mga oportunidad.

“Ang Diyos ay sabik na naghihintay ng pagkakataong sagutin ang inyong mga panalangin attuparin ang inyong mga pangarap, noon pa man. Ngunit hindi Niya magagawa ito kung hindikayo mananalangin at mangangarap. Sa madaling salita, hindi Niya ito magagawa kung hindi

LESSON 53

363

Page 384: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

kayo maniniwala” (Jeffrey R. Holland, “Terror, Triumph, and a Wedding Feast” [Brigham YoungUniversity fireside, Set. 12, 2004], 2–3, speeches.byu.edu).

• Ano ang itinuro ni Elder Holland na makatutulong sa inyo na maghintay parasa Panginoon nang may pananampalataya at pag-asa?

• Paano natin “tatanggapin at huhubugin ang hinaharap”?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 133:46–51. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin kung ano ang kasuotan ng Tagapagligtas sa Kanyang Ikalawang Pagparito.

• Ano ang kakaiba sa kaanyuan ng Tagapagligtas sa Kanyang IkalawangPagparito?

• Ano ang sinasagisag ng kulay na pula sa “kasuotan” (mga talata 46, 48), odamit ng Panginoon? (Kung kinakailangan, ipaliwanag na sinasagisag nito angdugo ng masasama, na lilipulin sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon [tingnansa mga talata 50–51]. Maaaring isinasagisag din nito “ang pagdurusa ngTagapagligtas sa Getsemani, nang ang Kanyang nagbabayad-salang dugo aypiniga mula sa Kanyang katawan tulad ng katas ng ubas na piniga mula sapisaan ng ubas” [New Testament Student Manual (Church Educational Systemmanual, 2014), 563].)

• Ayon sa mga talatang ito, ano ang dadanasin ng masasama sa IkalawangPagparito ni Jesucristo?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan133:52–53, at alamin ang mararanasan ng mabubuti sa Ikalawang Pagparito ngPanginoon.

• Ano ang pagkakaiba ng mararanasan ng mabubuti at mararanasan ngmasasama sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon?

• Ano ang itinuturo sa atin ng mga talatang ito tungkol sa awa ng Panginoon?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 133:54–56 na ipinaliliwanag na ang mabubuti nanamatay bago nabuhay na mag-uli ang Tagapagligtas ay makakasama Niya saKanyang muling pagparito. Bukod pa rito, ang mabubuti na namatay matapos angPagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas ay mabubuhay muli sa KanyangIkalawang Pagparito at ibabalik sa Kanyang kinaroroonan.

Doktrina at mga Tipan 133:57–74Ang ebanghelyo ay ipangangaral upang ihanda ang mundo para sa IkalawangPagparito ni JesucristoIpabasa sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 133:57–62 nangmagkakapartner. Sabihin sa kanila na alamin ang mga dahilan kung bakit“ipinadala ng Panginoon ang kabuuan ng kanyang ebanghelyo” (talata 57).Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi angnalaman nila.

LESSON 53

364

Page 385: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Kung kinakailangan, ipaliwanag na ang pariralang “hihimayin … ang mga bansa”sa talata 59 ay tumutukoy sa paghihiwalay ng mabubuti mula sa masasama.

Patingnan sa mga estudyante ang alituntuning ito na natukoy sa simula ng lesson:Ang pagpapabanal sa ating sarili at pagtitipong kasama ng mga Banal aytutulong na ihanda tayo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.

• Ayon sa talata 62, anong karagdagang alituntunin ang matutukoy natin hinggilsa mangyayari kung pababanalin natin ang ating sarili? (Matapos sumagot angmga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Ang mganagsisisi at pinababanal ang kanilang sarili ay bibigyan ng buhay nawalang hanggan.)

• Ano ang ibig sabihin ng “bibigyan ng buhay na walang hanggan”? (“Angmanirahan magpakailanman bilang mga mag-anak sa kinaroroonan ng Diyos”[Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Buhay na Walang Hanggan,”scriptures.lds.org].)

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 133:63–74 na ipinaliliwanag na inilarawan ngPanginoon kung ano ang mangyayari sa mga taong hindi tumanggap sa Kanya atsa Kanyang mga tagapaglingkod at tumanggi na magsisi at maghanda para saKanyang Ikalawang Pagparito. Kasama sa mga magiging resulta nito ang“[maihiwalay] mula sa mga tao [ng Panginoon]” (talata 63) at ang “[maipaubaya]sa kadiliman” (talata 72).

Patotohanan ang doktrina at mga alituntuning natukoy sa lesson na ito. Sabihin samga estudyante na isipin kung ano ang gagawin nila upang mas maihanda nila angkanilang sarili para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

LESSON 53

365

Page 386: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 54

Doktrina at mgaTipan 134–36Pambungad at TimelineNoong Agosto 17, 1835, ang mga miyembro ng Simbahan sa Kirtland, Ohio, aynagdaos ng isang espesyal na pulong para aprubahan ang nalalapit na paglalathalang Doktrina at mga Tipan. Habang nasa pulong ibinoto ng mga miyembro ngSimbahan na isama sa Doktrina at mga Tipan ang “isang pahayag ng paniniwalatungkol sa mga pamahalaan at batas” (D at T 134, section heading). Ang pahayagna ito ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 134.

Noong Hunyo 27, 1844, si Propetang Joseph Smith at ang kanyang kapatid na siHyrum, na Assistant President at Patriarch din ng Simbahan, ay pinaslang saCarthage, Illinois. Ang pagpapabatid na ito ng pagpaslang ay isinama sa 1844edition ng Doktrina at mga Tipan at ito ay batay sa tala ng nasaksihan mismo ninaElder John Taylor at Elder Willard Richards, mga miyembro ng Korum ngLabindalawang Apostol. Ang pagpapabatid na ito ay nakatala sa Doktrina at mgaTipan 135.

Noong Pebrero 1846, sinimulan na ng mga miyembro ng Simbahan ang pag-alis saNauvoo, Illinois, at ang paglalakbay pakanluran patawid ng Iowa Territory.Natanggap ni Pangulong Brigham Young ang paghahayag na nakatala sa Doktrinaat mga Tipan 136 sa Winter Quarters, Nebraska, noong Enero 1847. Nakasaad ditona pinayuhan ng Panginoon ang mga Banal na iorganisa ang kanilang mga sarili atmaghanda sa paglalakbay pakanluran.

Agosto 17, 1835Ang Doktrina at mga Tipan 134 ay inaprubahang isama sa Doktrina at mgaTipan ng mga miyembro ng Simbahan sa Kirtland, Ohio.

Hunyo 27, 1844Sina Propetang Joseph Smith at Hyrum Smith ay pinaslang sa Carthage Jail saCarthage, Illinois.

Hulyo–Agosto 1844Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 135.

Pebrero 4, 1846Umalis ang unang grupo ng mga Banal sa Nauvoo, Illinois, para sa kanilangpaglalakbay pakanluran.

Hunyo 1846Ang grupo ng mga Banal na kasama ni Brigham Young ay dumating sa IlogMissouri, kung saan itatatag ang Kanesville, Iowa, at Winter Quarters, Nebraska.

Enero 14, 1847Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 136.

366

Page 387: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Hulyo 24, 1847Ang grupo ng mga pioneer na kasama ni Brigham Young ay dumating sa SaltLake Valley.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 134:1–12Ang mga responsibilidad ng pamahalaan at ng kanilang mga mamamayan ayinilahad

Bigyang-kahulugan ang mahihirap na salita at pariralaSa pag-aaral ng mga estudyante ng mga banal na kasulatan, maaari silang makakita ng mgahindi pamilyar o mahihirap na salita o parirala. Matutulungan mo ang mga estudyante namabigyang-kahulugan ang mga salita o mga pariralang ito sa pamamagitan ng pagsasabi sakanila na tumingin sa mga diksyunaryo, manwal ng estudyante, footnote, at mga tulong sapag-aaral ng mga banal na kasulatan. Ito ay makatutulong sa kanila na mas maunawaan angnilalaman ng mga banal na kasulatan.

Paalala: Maaari ninyong kantahin ang “Purihin ang Propeta” (Mga Himno, blg. 21)bilang bahagi ng debosyonal.

Idispley o isulat sa pisara ang sumusunod na tanong, at sabihin sa mga estudyantena sagutin ito: Ano ang maaaring mangyari kung walang mga pamahalaan sa lupa?

Sabihin sa mga estudyante na humanap ng doktrina at mga alituntunin habangpinag-aaralan nila ngayon ang Doktrina at mga Tipan 134 na makatutulong sakanila na maunawaan ang nararapat na responsibilidad ng pamahalaan.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngDoktrina at mga Tipan 134, ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsumusunod talata:

Matapos sapilitang paalisin ng mga mandurumog sa Jackson County, Missouri ang mgamiyembro ng Simbahan sa kanilang mga tahanan noong huling bahagi ng 1833, humingi angmga lider ng Simbahan ng proteksyon at tulong sa mga opisyal ng pamahalaan para mabawiang kanilang mga nawalang ari-arian, ngunit walang nangyari sa mga pakiusap nila. NoongAgosto 1835, habang pinepetisyon pa rin ng mga miyembro ng Simbahan sa pamahalaan naibalik ang kanilang ari-arian at bigyan sila ng katarungan, nagpakita ng dokumento sina OliverCowdery at Sidney Rigdon sa pangkalahatang pagtitipon ng Simbahan sa Kirtland, Ohio, nanagsasaad ng mga paniniwala ng mga Banal sa mga Huling araw hinggil sa pamahalaan at mgabatas. (Tingnan sa Spencer W. McBride, “Of Governments and Laws,” sa Revelations in Context,inedit nina Matthew McBride at James Goldberg [2012], 295, o sa history.lds.org.) Angpaghahayag na ito ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 134.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 134:1–3. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminkung sino ang nagtatag ng mga pamahalaan at bakit.

LESSON 54

367

Page 388: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Anong katotohanan ang matutukoy natin sa talata 1 tungkol sa layunin ng mgapamahalaan? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod nakatotohanan: Ang mga pamahalaan ay itinatag ng Diyos para sakapakinabangan ng lahat ng tao.)

Ipaliwanag na ang mga pamahalaan sa talata 1 ay tumutukoy sa pamahalaan sapangkalahatan, hindi sa isang partikular na uri ng pamahalaan.

• Ayon sa talata 2, ano ang mga karapatan na dapat protektahan ng mgapamahalaan?

• Ayon sa talata 3, bakit mahalaga para sa mga pamahalaan na magkaroon ng“mga pambayang pinunong sibil”?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 134:4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang itinuturo ngtalatang ito tungkol sa kalayaan sa relihiyon.

• Ano ang itinuturo ng talata 4 tungkol sa kalayaan sa relihiyon?

• Paano naaapektuhan ng kalayaan sa relihiyon ang kakayahan nating sundinang plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 134:5–12 na ipinaliliwanag na ipinahahayag ngdeklarasyon na lahat ng mamamayan ay dapat “pagtibayin at itaguyod” ang mgamakatarungang pamahalaan at igalang ang batas (talata 5). Ang mga pamahalaanay dapat magtakda ng mga batas na pumuprotekta sa pinaniniwalaan ng mgarelihiyon, ngunit wala sila dapat pinapaboran na anumang relihiyon. Bukod pa rito,madidisiplina ng mga grupo ng relihiyon ang kanilang mga miyembro kapagkinakailangan sa pamamagitan ng pagtitiwalag, ngunit hindi nila dapat samsaminang mga ari-arian ng kanilang mga miyembro o saktan sila.

LESSON 54

368

Page 389: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 135:1–7Ipinaalam ng Simbahan ang martir na pagkamatay nina Propetang Joseph Smith atHyrum Smith

Magdispley ng larawan ni Propetang Joseph Smith. Ipaliwanag na tulad ng mganangyari noong panahong inuusig ang Simbahan, muling nabigong protektahanng mga opisyal ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga Banal sa mga HulingAraw nang paslangin si Propetang Joseph Smith at ang kapatid niyang si Hyrum saCarthage Jail noong Hunyo 27, 1844. Pagkatapos nito, itinala ng mga miyembro ngSimbahan ang kanilang papuri sa Propeta sa kanilang mga journal, liham, at mgaakdang pampubliko. Itinala ng mga miyembrong ito ang kanilang nadama nang

LESSON 54

369

Page 390: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

malaman nila ang pagkamatay ng Propeta gayundin ang kanilang patotoo tungkolsa kanyang banal na tungkulin at misyon (tingnan sa Jeffrey Mahas, “Rememberingthe Martyrdom,” sa Revelations in Context, inedit nina Matthew McBride at JamesGoldberg [2012], 299–306, o sa history.lds.org). Isa sa mga papuring ito ay nakatalasa Doktrina at mga Tipan 135 at batay sa nasaksihan mismo nina Elder John Taylorat Elder Willard Richards, na kasama ng Propeta nang siya ay mamatay.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 135: Karagdagang Pinagmulang Kasaysayan sa Manwal ng Doktrina atmga Tipan para sa Estudyante. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa,at alamin ang dahilan kung bakit pinaslang sina Joseph at Hyrum Smith.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan135:1–2, at alamin ang mga detalye tungkol sa pagpaslang.

• Ano kaya ang madarama ninyo kung naninirahan kayo sa Nauvoo at nabalitaanninyo ang pagkamatay ng Propeta?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 135:3–7. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminkung ano ang sinabi tungkol kay Propetang Joseph Smith. Maaari mong sabihin samga estudyante na markahan ang mga salita o pariralang pinakanapansin nila.

• Ano ang pinakanapansin ninyo sa mga talatang ito?

• Anong katotohanan ang matutukoy natin sa talata 3 tungkol sa nagawa niJoseph Smith “para sa kaligtasan ng [mga anak ng Diyos]”? (Tulungan ang mgaestudyante na matukoy ang sumusunod na katotohanan: Si Propetang JosephSmith, ay nakagawa nang higit pa, maliban lamang kay Jesus, para sakaligtasan ng mga anak ng Diyos sa daigdig na ito, kaysa sa sinumang taona nabuhay rito.)

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Joseph F. Smith (1838–1918), atipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang gawaing ginampanan ni Joseph Smith ay hindi lamang para sa buhay naito, kundi may kaugnayan rin ito sa darating na buhay, at sa buhay na nakaraanna. Sa madaling salita ito ay nauugnay sa mga taong nabuhay noon, sa mgataong nabubuhay sa kasalukuyan at sa mga taong mabubuhay pa sa mundo sapaglisan natin sa mundong ito” (Joseph F. Smith, Gospel Doctrine, ika-5 edisyon[1939], 481).

• Paano makatutulong sa atin ang pahayag na ito na maunawaan angkahalagahan ng misyon ni Propetang Joseph Smith?

Sabihin sa mga estudyante na isulat kung ano ang mga ginawa ni PropetangJoseph Smith para sa kanilang kaligtasan. Matapos ang sapat na oras, sabihin sailang estudyante na ibahagi ang isinulat nila.

Ibahagi ang iyong patotoo tungkol kay Propetang Joseph Smith, at anyayahan angilang estudyante na magbahagi rin ng kanilang patotoo kung komportable silanggawin ito.

LESSON 54

370

Page 391: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 136:1–33Inorganisa at pinayuhan ng Panginoon ang mga miyembro ng Simbahan bilangpaghahanda para sa kanilang paglalakbay pakanluranIpaliwanag na dalawang linggo matapos mapaslang sina Joseph at Hyrum Smith saCarthage, Illinois, isang pahayagan ang nagbalita ng tungkol sa pagkamatay ngPropeta at ng kanyang kapatid. “Ang artikulo … ay nagtapos sa konklusyon atprediksyon na may apat na salita: ‘Ganito nagwakas ang Mormonismo’”(Lawrence R. Flake, “Of Pioneers and Prophets” [Brigham Young Universitydevotional, Hulyo 18, 1995], 3, speeches.byu.edu).

• Ano ang hindi naunawaan ng awtor ng artikulong ito tungkol sa ipinanumbalikna Simbahan ni Jesucristo?

LESSON 54

371

Page 392: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Magdispley ng larawan ni Pangulong Brigham Young, at ipabasa nang malakas saisang estudyante ang sumusunod na talata:

Bago siya namatay, ipinagkaloob ni Propetang Joseph Smith ang mga susi ng priesthood sa mgamiyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol. Pagkamatay niya, ang Korum ng LabindalawangApostol, sa pamumuno ni Brigham Young, ay patuloy na pinamunuan ang Simbahan. Sa gitna ngtumitinding pag-uusig, nagsimulang umalis ang mga Banal sa Nauvoo, Illinois, noong Pebrero1846 at nagtungo pakanluran papunta sa Rocky Mountains. Gayunman, mabagal ang kanilangpaglalakbay dahil sa napakalakas na ulan at kakulangan ng suplay, at inabot sila nang halosapat na buwan para malakbay ang 300 milya patawid ng Iowa. Ipinasiya ng mga lider ngSimbahan na maghintay hanggang sa susunod na tagsibol bago ipagpatuloy ang kanilang

LESSON 54

372

Page 393: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

paglalakbay pakanluran, kaya nagtayo sila ng pansamantalang matitirahan sa mga pampang ngIlog Missouri, na ang pinakamalaki ay ang Winter Quarters. Doon natanggap ni Brigham Youngang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 136. (Tingnan sa Church History in theFulness of Times Student Manual, Ika-2 edisyon [Church Educational System manual, 2003],291–93, 306–14, 319, 330.)

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 136:1–5. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang inihayag ng Panginoon sa pamamagitan ni Pangulong Brigham Young. Sabihinsa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Paano nakatulong sa mga miyembro ng Simbahan ang pagkaalam na patuloyna inihahayag ng Panginoon ang Kanyang kalooban sa kanila?

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 136:6–16 na ipinaliliwanag na sinabi ngPanginoon kay Pangulong Brigham Young kung paano “maghanda para sa mgayaong maiiwan,” o darating kalaunan (talata 6), at nagtawag ng mga tao namamumuno sa iba’t ibang grupo ng mga Banal.

Isulat sa pisara ang sumusunod na reperensya: Doktrina at mga Tipan 136:17–31.Mag-assign sa bawat estudyante ng isa o higit pang mga scripture verse (parama-assign lahat ang scripture verse). Sabihin sa mga estudyante na basahin nangtahimik ang naka-assign na mga scripture verse sa kanila, at alamin ang ipinayo ngPanginoon sa mga Banal. Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyantena ibahagi ang nalaman nila.

• Paano kaya mapagpapala ng payo ng Panginoon ang mga miyembro ngSimbahan sa kanilang paglalakbay pakanluran?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 136:30–33.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga ipinangakong Panginoon sa mga Banal.

• Anong mga alituntunin ang matutukoy natin mula sa mga pangako ngPanginoon sa mga Banal? (Tulungan ang mga estudyante na makatukoy ng mgaalituntunin na tulad ng sumusunod: Hindi natin kailangang katakutan angating mga kaaway dahil sila ay nasa mga kamay ng Panginoon.Maihahanda tayo ng mga pagsubok na nararanasan natin sa pagtanggapng kaluwalhatian sa hinaharap. Kung magpapakumbaba tayo atmananawagan sa Panginoon, bibigyang-liwanag Niya ang ating isipan sapamamagitan ng Kanyang Espiritu. Isulat sa pisara ang mgaalituntuning ito.)

• Paano kaya nakatulong sa mga miyembro ng Simbahan ang mga alituntuningito sa kanilang paglalakbay pakanluran?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti kung paano makatutulong angmga alituntuning ito sa kanilang paglalakbay sa buhay. Magpatotoo kung paano kanapagpala ng pagsunod sa mga alituntuning ito.

LESSON 54

373

Page 394: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 136:34–42Ang Panginoon ay nagbigay muli ng katiyakan sa mga Banal at tinagubilinan silangpagsikapang sundin ang Kanyang mga kautusanPatingnang muli ang larawan ni Propetang Joseph Smith na idinispley mo kanina.Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 136:34–40 na ipinaliliwanag na sinabi ngPanginoon kay Brigham Young na bagama’t marami ang “namangha dahil sa[kamatayan ni Joseph Smith]” (talata 39), o nagtaka kung bakit siya namatay,matapat na natapos ni Joseph ang kanyang misyon (talata 38). Ipinaliwanag din ngPanginoon na pinaslang ang propeta upang kanyang “tatakan ang kanyang patotoong kanyang dugo, upang siya ay maparangalan at ang masasama ay maparusahan”(talata 39).

Ipaliwanag na tinapos ng Panginoon ang paghahayag na ito sa mga salitangnaghihikayat. Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakasng Doktrina at mga Tipan 136:37, 40–42. Sabihin sa klase na tahimik na sumabaysa pagbasa, at alamin ang sinabi ng Panginoon para mabigyang muli ng katiyakanang mga Banal.

• Paano nakapagbigay muli ng katiyakan sa mga Banal ang mga salita ngPanginoon?

• Ayon sa talata 37, anong pagpapala ang matatanggap natin “kung [tayo] aymatapat sa pagtupad sa lahat ng [mga salita ng Panginoon,]” o mga kautusan?(Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod naalituntunin: Kung tayo ay tapat sa pagsunod sa lahat ng mga salita ngPanginoon, makikita natin balang araw ang Kanyang kaluwalhatian.)

Ipaliwanag na alam ng Panginoon na mahirap tuparin, o sundin, ang lahat ngKanyang mga salita sa lahat ng oras, ngunit inaasahan Niyang gagawin natin anglahat ng ating makakaya.

• Paano makapaghihikayat sa inyo ang alituntuning ito na ipamuhay angebanghelyo?

Patotohanan ang katotohanan ng alituntuning ito. Sabihin sa mga estudyante nasikaping tuparin ang lahat ng salita ng Panginoon at matiyagang maghintay saKanyang mga pangako.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 134:5–12. Pagtataguyod ng pamahalaan at pagprotekta sa kalayaangpangrelihiyonSa halip na ibuod ang Doktrina at mga Tipan 134:5–12, maaari mong gawin ang sumusunod:

Hatiin ang klase sa tatlong grupo, at mag-assign sa bawat grupo ng isa sa mga sumusunod na scripture passage: Doktrina at mgaTipan 134:5–7; Doktrina at mga Tipan 134:8–10; Doktrina at mga Tipan 134:11–12. Ipabasa sa bawat grupo ang mga naka-assign nascripture verse sa kanila, na inaalam ang mga responsibilidad ng mga mamamayan at ng mga pamahalaan. Sabihin sa mgaestudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano ang magagawa natin bilang mga mamamayan para maitaguyod ang ating pamahalaan at mga batas?

LESSON 54

374

Page 395: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na ang kalayaang pangrelihiyon ay patuloy na inaatake sa buong mundo. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsumusunod na pahayag ni Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase na pakinggan kung ano angmagagawa natin para protektahan at itaguyod ang kalayaang pangrelihiyon.

“Responsibilidad nating pangalagaan ang [mga kalayaang pangrelihiyon] para sa ating sarili at sa ating mga inapo.Ano ang maaari nating gawin?

“Una, tayo ay maaaring maging maalam. Alamin ang mga bagay na nangyayari sa inyong komunidad na maaaringmagkaroon ng epekto sa kalayaan sa relihiyon.

“Pangalawa, sa inyong sariling kakayahan, makiisa sa iba na may dedikasyon sa kalayaan sa relihiyon na tulad natin.Magtulungan upang mapangalagaan ang kalayaan sa relihiyon.

“Pangatlo, mamuhay sa paraang kayo ay magiging mabuting halimbawa ng inyong pinaniniwalaan—sa salita at gawa. Angpamumuhay [natin ayon sa] ating relihiyon ay mas mahalaga kaysa sinasabi natin tungkol sa ating relihiyon” (Robert D. Hales,“Pangangalaga sa Kalayaan, Pagprotekta sa Kalayaang Pangrelihiyon,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 113).

• Sa inyong palagay, sa anong mga paraan masusuportahan at maipagtatanggol ng mga pamahalaan at mga mamamayan angkalayaang pangrelihiyon? (Tingnan sa mga talata 4, 7.)

• Sa inyong palagay, bakit mahalagang sundin ang payo ni Elder Hales?

LESSON 54

375

Page 396: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 55

Doktrina at mgaTipan 137–38Pambungad at TimelineNoong Enero 21, 1836, si Propetang Joseph Smith at iba pang mga lider ngSimbahan ay nagdaos ng isang espesyal na pulong sa Kirtland Temple na halosmatatapos na noon. Sa pulong na ito nakakita ang Propeta ng isang pangitaintungkol sa kahariang selestiyal, kung saan ipinaliwanag ng Panginoon kung paanoNiya hahatulan ang mga “namatay nang walang kaalaman tungkol sa ebanghelyo”(D at T 137:7). Ang paghahayag na ito ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 137.

Noong Oktubre 3, 1918, natanggap ni Pangulong Joseph F. Smith ang pangitaingnakatala sa Doktrina at mga Tipan 138, na lalo pang nagpaliwanag sa doktrina ngkaligtasan para sa mga patay. Sa pangitaing ito, nalaman ni Pangulong Smith na sapagitan ng kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas, nagministeryoSiya sa mga mabubuti sa paraiso na naghihintay ng “katubusan mula sa mga gaposng kamatayan” (D at T 138:16). Nasaksihan din ni Pangulong Smith ang pagtatatagng gawaing misyonero sa daigdig ng mga espiritu.

Nobyembre 19, 1823Namatay si Alvin Smith sa Palmyra, New York.

Enero 1836Malapit nang matapos ang Kirtland Temple.

Enero 21, 1836Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 137.

1918Isang epidemya ng influenza ang mabilis na kumalat at kumitil ng milyun-milyongtao sa buong mundo. Noong Nobyembre, natapos ang World War I, na digmaangkumitil nang mahigit 17 milyong katao.

Oktubre 3, 1918Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 138.

Abril 3, 1976Sinang-ayunan at inaprubahan ng mga miyembro ng Simbahan na mapabilang samga pamantayang aklat o mga banal na kasulatan ng Simbahan ang pangitain niPropetang Joseph Smith tungkol sa kahariang selestiyal at ang pangitain niPangulong Joseph F. Smith tungkol sa pagtubos ng mga patay. Idinagdag ang mgaito sa Mahalagang Perlas.

Hunyo 1979Ipinabatid ng Unang Panguluhan na ang pangitain ni Joseph Smith tungkol sakahariang selestiyal (na ngayon ay Doktrina at mga Tipan 137) at ang pangitain niJoseph F. Smith tungkol sa pagtubos ng mga patay (na ngayon ay Doktrina at mgaTipan 138) ay isasama sa 1981 edition ng Doktrina at mga Tipan.

376

Page 397: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 137:1–10Nakita ni Propetang Joseph Smith ang pangitain tungkol sa kahariang selestiyalIpakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Henry B. Eyring ng UnangPanguluhan, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante. Sabihin sa klase napakinggan ang mga sitwasyon sa buhay na ito na tila hindi makatarungan.

“Kakaunti lamang sa mga anak ng Diyos ang nagtatamo sa buhay na ito nglubos na pang-unawa sa plano ng Diyos, kabilang na ang pagkakataongmakinabang sa mga ordenansa at tipan ng priesthood na ginagawang lubos naepektibo ang kapangyarihan ng pagbabayad-sala ng Tagapagligtas sa atingbuhay. Kahit yaong mga may napakababait na magulang ay maaaring mamuhaynang tapat ayon sa liwanag na taglay nila ngunit hindi kailanman [n]akarinig

tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala o [n]aanyayahang magpabinyag saKanyang pangalan. Totoo ito para sa milyun-milyon sa ating mga kapatid sa buong kasaysayanng mundo.

“Maaaring isipin ng iba na hindi ito patas. Maaari pa nga nila itong gawing ebidensya nawalang plano, walang partikular na mga kinakailangan para maligtas—nadaramang ang isangmakatarungan at mapagmahal na Diyos ay hindi lilikha ng isang plano na para lamang sakakaunti sa Kanyang mga anak. Maaaring ipalagay ng iba na naipasiya na ng Diyos kungsinu-sino sa Kanyang mga anak ang Kanyang ililigtas at ibinigay ang ebanghelyo sa kanila,samantalang yaong mga hindi nakarinig sa ebanghelyo kailanman ay talagang hindi ‘pinili’”(Henry B. Eyring, “Pagtitipon sa Pamilya ng Diyos,” Ensign o Liahona, Mayo 2017, 20).

• Ayon sa pahayag na ito, anong mga kalagayan sa buhay na ito ang tila hindimakatarungan?

• Ano ang naging konklusyon ng ilang tao tungkol sa Diyos na batay lamang sakanilang pagkaunawa sa mga kalagayan sa mundo?

Sabihin sa mga estudyante na alamin ang doktrina at mga alituntunin habangpinag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 137–38 na naglalarawan ng pag-ibig,katarungan, at awa na ipinakikita ng Ama sa Langit sa Kanyang mga anak.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngDoktrina at mga Tipan 137, ipaliwanag na noong Enero 21, 1836, kasamangnagtipon ni Propetang Joseph Smith ang kanyang ama at iba pang mga lider ngSimbahan sa isang silid sa itaas ng Kirtland Temple na malapit nang matapos noon.Sa pulong na ito, nagkaroon ng pangitain ang Propeta.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 137:1–6. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang nakita ni Propetang Joseph Smith sa pangitain.

• Paano inilarawan ng Propeta ang kahariang selestiyal?

• Sino ang nakita niya sa kahariang selestiyal?

• Ayon sa talata 6, bakit “namangha” si Joseph Smith nang makita niya angkanyang kapatid na si Alvin sa kahariang selestiyal?

LESSON 55

377

Page 398: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung bakit espesyal angkahulugan nito sa Propeta, ipakita ang sumusunod na talata at ipabasa ito nangmalakas sa isang estudyante:

Sa edad na 17, labis na nagdalamhati si Joseph Smith sa biglaang pagkamatayng kanyang nakatatandang kapatid na si Alvin, na lubos niyang minahal athinangaan. “Hiniling ng pamilya [Smith] sa isang pastor na Presbyterian saPalmyra, New York, na siya ang mamuno sa burol ni Alvin. Dahil hindi miyembrong kongregasyon ng pastor si Alvin, iginiit ng pastor sa kanyang sermon na hindimaliligtas si Alvin. Nagunita ni William Smith, nakababatang kapatid ni Joseph:

‘Ipinagdiinan … [ng pastor] na napunta sa impiyerno [si Alvin], dahil hindi siya miyembro ngsimbahan’” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 471–3).

• Kung kayo ang nasa katayuan ni Joseph Smith, ano kaya ang madarama ninyosa sermon ng pastor sa burol ni Alvin? Bakit?

• Ano kaya ang madarama ninyo na nakita ninyo si Alvin sa pangitain ngkahariang selestiyal?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan137:7–8, at alamin ang isinagot ng Panginoon sa tanong ng Propeta.

• Batay sa itinuro ng Panginoon sa Propeta, anong doktrina ang matutukoy natintungkol sa mga magmamana ng kahariang selestiyal? (Tulungan ang mgaestudyante na matukoy ang sumusunod na doktrina: Lahat ng taong namataynang walang kaalaman tungkol sa ebanghelyo ngunit tatanggapin itokung nabigyan ng pagkakataon ay magmamana ng kahariang selestiyal.)

• Paano makapapanatag ang doktrinang ito sa mga taong namatayan ng mgamahal sa buhay na hindi narinig ang ebanghelyo?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 137:9–10.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang mgakaragdagang katotohanang inihayag ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith.Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Sa pagsagot nila, isulat sapisara ang mga sumusunod na katotohanan: Hahatulan tayo ng Panginoon bataysa ating mga ginagawa at sa ninanais ng ating puso. Lahat ng batang namataybago sila sumapit sa gulang ng pananagutan ay maliligtas sa kahariangselestiyal.

• Ano ang itinuturo sa atin ng mga katotohanang natukoy natin sa Doktrina atmga Tipan 137 tungkol sa katangian ng Diyos?

Doktrina at mga Tipan 138:1–11Pinagbulayan ni Pangulong Joseph F. Smith ang mga banal na kasulatan at nakakitang pangitain tungkol sa daigdig ng mga espirituIpaliwanag na noong Oktubre 3, 1918, mahigit 82 taon matapos magkaroon ngpangitain si Propetang Joseph Smith tungkol sa kahariang selestiyal, nagkaroon siPangulong Joseph F. Smith ng pangitain na nagpapaliwanag kung paano maliligtas

LESSON 55

378

Page 399: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

ang mga namatay nang walang kaalaman sa ebanghelyo. Ang pangitaing ito ayitinala sa Doktrina at mga Tipan 138.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngpaghahayag na ito, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang mga sumusunodna talata.

“‘Ang kaluluwa ko’y nahati sa dalawa. Nabagbag ang aking puso, at nag-aagaw buhay! Mahalkong anak, aking kaligayahan, aking pag-asa! … O Diyos, tulungan ninyo ako!’

“Ito ang isinulat ni Pangulong Joseph F. Smith sa kanyang journal nang mamatay ang kanyangpanganay na anak, si Hyrum Mack Smith, ang 45–taong gulang na Apostol na pumanaw noongEnero 1918 dahil sa pumutok na apendiks. Makalipas ang walong buwan, noong Setyembre 24,ang balo ni Hyrum, si Ida Bowman Smith, ay namatay dahil sa sakit sa puso isang linggo pa langmula nang magsilang ng anak na lalake. Naulila ng mag-asawa ang limang anak. Noongpanahong iyon ang Unang Digmaang Pandaigdig … ay kasalukuyan pang nasa katindihan. …

“Kamatayan at digmaan ang tiyak na nasa isipan ni Pangulong Smith noong taong iyon”(George S. Tate, “I Saw the Hosts of the Dead,” Ensign, Dis. 2009, 54; tingnan din sa Mga turo ngmga Pangulo ng Simbahan: Joseph F. Smith [1998], 483).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 138:1–4.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ginagawa niPangulong Joseph F. Smith bago niya natanggap ang pangitaing nakatala saDoktrina at mga Tipan 138.

• Anong doktrina ang “[pinag]ninilay-nilay” ni Pangulong Smith nang siya ay“nagbubulay-bulay sa mga banal na kasulatan” (mga talata 1–2)? (Dapatmatukoy ng mga estudyante ang sumusunod na doktrina: Sa pamamagitan ngPagbabayad-sala ni Jesucristo at pagsunod sa mga alituntunin ngebanghelyo, lahat ng tao ay maliligtas. Bigyang-diin na ang doktrinang ito aypangunahing mensahe ng Doktrina at mga Tipan 138.)

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 138:5–10. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminang mga turo na tumimo kay Pangulong Smith nang basahin niya ang Biblia.Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan138:11 at alamin ang nangyari nang pagbulayan ni Pangulong Smith ang mgatalatang ito ng banal na kasulatan.

• Ano ang nangyari habang pinagbubulayan ni Pangulong Smith ang mgatalatang ito ng banal na kasulatan?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin mula sa karanasan ni Pangulong Smithtungkol sa kung paano maghanda para makatanggap ng paghahayag?(Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang alituntuning tulad ngsumusunod: Kapag binasa at pinagbulayan natin ang mga banal nakasulatan, inihahanda natin ang ating sarili na makatanggap ngpaghahayag.)

LESSON 55

379

Page 400: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Doktrina at mga Tipan 138:12–24Nakita ni Pangulong Joseph F. Smith ang mabubuti na naghihintay sa Tagapagligtassa daigdig ng mga espirituSabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 138:12–17. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin kung sino ang nakita ni Pangulong Smith sa kanyang pangitain tungkol sadaigdig ng mga espiritu. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Bakit “napuspos ng tuwa at galak” (talata 15) ang mabubuting espiritung ito?(Maaari mong ipabasa sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 138:50 atmagsulat ng cross-reference sa talatang ito sa tabi ng talata 15.)

Ibuod ang mga talata 18–24 na ipinaliliwanag na sa kanyang pangitain, nakita niPangulong Smith na itinuturo ng Tagapagligtas ang “walang hanggangebanghelyo” (talata 19) sa mabubuting espiritu habang nakahimlay ang Kanyangkatawan sa libingan. Napansin din niya na hindi dinalaw ng Tagapagligtas angmasasamang espiritu (talata 20).

Doktrina at mga Tipan 138:25–60Nalaman ni Pangulong Joseph F. Smith kung paano inorganisa ng Tagapagligtas angpangangaral ng ebanghelyo sa daigdig ng mga espirituIsulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong at scripture reference:

Ano ang itinanong ni Pangulong Smith tungkol sa ministeryo ng Panginoon sadaigdig ng mga espiritu (D at T 138:25–28)?

Ano ang ginawa ni Jesucristo habang Siya ay nasa daigdig ng mga espiritu(D at T 138:29–32)?

Ano ang itinuro ng awtorisadong mga sugo ng Panginoon sa daigdig ng mgaespiritu (D at T 138:33–35)?

Talakayan sa maliliit na grupo at mga assignmentAng mga aktibidad para sa maliliit na grupo ay kadalasang nagbibigay ng pagkakataon sa masmaraming estudyante na makilahok at nakapaglalaan ng isang ligtas na lugar kung saanmaibabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga nadarama, iniisip, at patotoo sa isa’t isa.Matutulungan mo ang mga estudyante na matagumpay na makilahok sa mga talakayan atgawain sa maliliit na grupo sa pagbibigay ng malinaw ng mga tagubilin at pagbibigay ngkinakailangang impormasyon na nakasulat sa pisara o sa mga handout.

Hatiin sa tatlong grupo ang klase, at bigyan ang bawat grupo ng isa sa mga tanongna nasa pisara. Sabihin sa mga miyembro ng bawat grupo na alamin ang sagot sanaka-assign na tanong sa kanila sa pamamagitan ng pag-aaral ng kalakip nascripture reference. Pagkatapos ng sapat na oras, tawagin ang isa o higit pangestudyante mula sa bawat grupo para ibahagi ang nalaman nila.

LESSON 55

380

Page 401: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 138:38–52 na ipinaliliwanag na naglista siPangulong Smith ng mga pangalan ng maraming “mga dakila atmakapangyarihan” na espiritu na nakita niyang “nangagtipon sa malawak nakongregasyon na ito ng mabubuti” na naghihintay sa pagpapakita ng Tagapagligtasmatapos ang Kanyang Pagkakapako sa Krus (talata 38). Kabilang sa mga ito si“Inang Eva, kasama ang marami sa kanyang matatapat na anak na babae”(talata 39). Bukod dito, nakita ni Pangulong Smith ang maraming propeta saLumang Tipan, pati na rin ang mga propeta sa Aklat ni Mormon.

Ipaliwanag na nakita rin ni Pangulong Smith sa daigdig ng mga espiritu ang “mgapiling espiritu na inilaang bumangon sa kaganapan ng panahon” (talata 53).Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina atmga Tipan 138:53–56. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin kung paano nakatulong ang mga indibiduwal na ito noong nabubuhay pasila sa mundo sa kaligtasan ng mga yaong nasa bilangguan ng mga espiritu.

• Paano tinulungan ng mga lider ng Simbahan sa mga huling araw ang mgaespiritung iyon na nasa bilangguan?

• Kailan nagsimulang maghanda ang mga lider na ito para sa kanilang gawainsa lupa?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 138:57.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at hanapin ang nalaman niPangulong Smith tungkol sa “matatapat na elder ng dispensasyong ito.”

• Ano ang patuloy na gagawin ng matatapat na elder hanggang sakabilang buhay?

Ipaliwanag na bagama’t partikular na binanggit sa talata 57 ang mga elder, itinurorin ni Pangulong Joseph F. Smith na ang matatapat na kababaihan na mga Banal samga Huling Araw na namatay “ay ganap na bibigyan ng awtoridad na mangaral ngebanghelyo at maglingkod sa kababaihan” sa daigdig ng mga espiritu (GospelDoctrine, ika–5 edisyon [1939], 461).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 138:58–60.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paanomatutubos ang mga espiritung iyon na “nasa kadiliman at nasa ilalim ngpagkaalipin sa kasalanan” (talata 57).

• Anong doktrina ang matutukoy natin mula sa mga talatang ito tungkol sa dapatgawin ng masasama para matubos? (Tulungan ang mga estudyante na matukoyang sumusunod na doktrina: Ang mga espiritung nagsisi, sinunod ang mgaordenansa sa templo, at nalinis sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala niCristo ay matutubos at matatanggap ang kanilang gantimpala.)

• Paano inilalarawan ng pangangaral ng ebanghelyo sa daigdig ng mga espiritu atng pagtubos sa mga patay ang awa ng Ama sa Langit at ang Kanyangpagmamahal sa Kanyang mga anak?

Ipaalala sa mga estudyante na maaari tayong makatulong sa pagtubos ng mga nasabilangguan ng mga espiritu sa pamamagitan ng pagtukoy ng kanilang mgapangalan sa family history at sa pamamagitan ng indexing at pagsasagawa ng mgaordenansa para sa kanila sa templo.

LESSON 55

381

Page 402: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Paano kayo napagpala sa paggawa ng family history at paglilingkod sa templo?

Tapusin ang lesson na pinatototohanan ang pagmamahal ng Ama sa Langit para saKanyang mga anak, na naipakita sa Kanyang plano ng kaligtasan. Sabihin sa mgaestudyante na isipin kung ano ang gagawin nila para matulungan ang mga nasabilangguan ng mga espiritu—lalo na ang sarili nilang mga ninuno—na matanggapang mga nakapagliligtas na mga ordenansa upang sila ay matubos.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 138:1–11. Video presentation—“A Vision of the Redemption ofthe Dead”Para makatulong na masimulan ang Doktrina at mga Tipan 138, maaari mong ipanood ang video na “A Vision of the Redemption ofthe Dead” (3:06), na nagsasaad ng konteksto ng kasaysayan ng Doktrina at mga Tipan 138 at mga pangyayari sa buhay niPangulong Joseph F. Smith. Ang video na ito ay makukuha sa LDS.org.

LESSON 55

382

Page 403: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

LESSON 56

Opisyal na Pahayag 2Pambungad at TimelineSa paglaganap ng gawaing misyonero sa iba’t ibang dako ng mundo noong ika-20siglo, ipinagdasal ng mga lider ng Simbahan na patnubayan sila tungkol sa mgarestriksyon sa ordenasyon sa priesthood at sa mga ordenansa sa templo para samga miyembro ng Simbahan na may lahing black African. Noong Hunyo 1, 1978,inihayag ng Panginoon kay Pangulong Spencer W. Kimball, sa kanyang mgatagapayo sa Unang Panguluhan, at sa mga miyembro ng Korum ng LabindalawangApostol na dapat nang alisin ang mga restriksyong ito. Noong Hunyo 8, 1978,ibinalita ng Unang Panguluhan ang paghahayag na ito sa isang liham sa mga liderng Simbahan. Ang liham na ito ay nakatala sa Opisyal na Pahayag 2.

Disyembre 30, 1973Si Spencer W. Kimball ay inorden bilang Pangulo ng Simbahan.

Hunyo 1, 1978Si Pangulong Kimball, kanyang mga tagapayo sa Unang Panguluhan, at angmga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay nakatanggap ngpaghahayag tungkol sa pagkakaloob ng priesthood at mga pagpapala ngtemplo sa lahat ng karapat-dapat na miyembro ng Simbahan.

Hunyo 8, 1978Ang Unang Panguluhan ay naglathala ng isang liham na nagsasaad ngpaghahayag.

Setyembre 30, 1978Ang paghahayag na natanggap noong Hunyo 1 ay inilahad sa mga miyembro ngSimbahan sa pangkalahatang kumperensya at buong pagkakaisang sinang-ayunanbilang “salita at kalooban ng Panginoon” (Opisyal na Pahayag 2).

Nobyembre–Disyembre 1978Dumating ang mga missionary sa Ghana at Nigeria para itatag ang Simbahan saKanlurang Africa.

Mga Mungkahi sa PagtuturoOpisyal na Pahayag 2Inihayag ng Panginoon na ang priesthood at mga pagpapala sa templo ay maaaringipagkaloob sa lahat ng karapat-dapat na miyembro ng Simbahan

Unawain ang historikal na kontekstoNapakahalaga sa pagtuturo at pag-aaral ng ebanghelyo na unawain ang historikal na kontekstong scripture block. Kabilang sa konteksto ang mga sitwasyon na nakapalibot dito o nagsasaadng pinagmulan ng isang scripture passage, pangyayari, o kuwento.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang historikal nakonteksto ng Opisyal na Pahayag 2, ipaliwanag na “mula noong kalagitnaan ng

383

Page 404: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

1800s hanggang 1978[,] hindi inorden ng Simbahan ang mga lalaking may lahingblack African sa priesthood o pinayagan ang mga lalaki o babaeng black African namakibahagi sa endowment o mga ordenansa ng pagbubuklod sa templo” (“Raceand the Priesthood,” Gospel Topics, topics.lds.org).

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano kaya ang isasagot nila kung sabihinsa kanila na ipaliwanag nila kung bakit nagkaroon ng ganitong mga restriksyon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang pambungad sa OfficialDeclaration 2 na nasa 2013 edition ng Doctrine and Covenants. Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano ang itinuturo ng talatang itotungkol sa “origins,” o pinagmulan ng mga restriksyong ito.

• Ano ang itinuturo sa atin ng pambungad sa Official Declaration 2 tungkol samga pinagmulan ng mga restriksyon sa mga priesthood at sa mga pagpapalang templo?

Ipaliwanag na bagama’t may ilang iminungkahing dahilan para sa mgarestriksyong ito sa priesthood at templo, ang mga paliwanag na ito ay personal namga opinyon at maaaring hindi tumpak. Ipakita ang sumusunod na pahayag, atipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang ilang paliwanag tungkol sa [restriksyon ng priesthood] ay ginawa nang walang tuwirangpaghahayag at ang mga reperensya sa mga paliwanag na ito ay binabanggit kung minsan samga lathalain. Ang mga naunang personal na pahayag na ito ay hindi kumakatawan sa doktrinang Simbahan” (“Race and the Church: All Are Alike Unto God,” Peb. 29, 2012,mormonnewsroom.org; tingnan din sa “Race and the Priesthood,” Gospel Topics, topics.lds.org).

Ipaliwanag na ang Opisyal na Pahayag 2 ay naglalaman ng isang liham na maypetsang Hunyo 8, 1978, para sa mga lider ng Simbahan sa iba’t ibang panig ngdaigdig na nagpapabatid ng paghahayag na natanggap ni Pangulong Spencer W.Kimball. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang unang talata ng liham(simula sa mga salitang “Mga Minamahal na Kapatid”). Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ng mga lider ng Simbahan nakanilang “nasasaksihan” sa iba’t ibang panig ng mundo.

• Ano ang nasaksihan ng mga lider ng Simbahan?

Ipaliwanag na noong 1960s at mga unang taon ng 1970s, nalaman ng libu-libongtao na may lahing African ang katotohanan ng ebanghelyo at nagnais namagpabinyag. Ang mga indibidwal sa mga bansang tulad ng Nigeria at Ghana ayhumiling na magpadala ang Simbahan ng mga missionary sa Africa. Matagal napanahong pinag-isipan nang may kasamang panalangin ng mga lider ng Simbahanang kahilingang ito ngunit hindi nila nadama na iyon na ang tamang panahon.Kung walang priesthood, hindi makapamumuno ang mga lokal na miyembro samga kongregasyon o makapagsasagawa ng mahahalagang ordenansa. Sa Brazil,dumarami ang mga itim na miyembro na tapat na naglilingkod sa Simbahan.Marami rin ang bukas-palad na nag-ambag sa pagpapatayo ng São Paulo BrazilTemple kahit hindi sila pahihintulutang pumasok sa templo dahil sa restriksyon.

LESSON 56

384

Page 405: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

• Ano ang nakapagbigay ng inspirasyon sa mga lider ng Simbahan nangmasaksihan nila ang paglawak na ito ng gawain ng Panginoon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang ikalawang talata ng liham na itinalasa Opisyal na Pahayag 2 (mula sa “Batid ang mga pangakong”). Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano pa ang nagpaibayo sahangarin ng mga lider ng Simbahan na ipagkaloob ang lahat ng pagpapala ngebanghelyo sa lahat ng karapat-dapat na miyembro ng Simbahan.

• Ano pa ang nagpaibayo sa hangaring ito?

• Paano kumilos ang mga lider ng Simbahan ayon sa hangaring ito?

• Anong alituntunin ang matutukoy natin sa talatang ito tungkol sa ginagawa ngmga propeta habang ginagabayan nila ang Simbahan? (Matapos sumagot angmga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Ang mgapropeta ay humihingi ng banal na patnubay para malaman ang kaloobanng Panginoon hinggil sa Simbahan.)

Ipaalala sa mga estudyante ang sitwasyon na binanggit mo sa simula ng lesson.

• Kapag tinatalakay ang mga desisyon at mga turo ng Unang Panguluhan at ngKorum ng Labindalawang Apostol, bakit makabubuting tandaan na ang mgapropeta ay humihingi ng banal na patnubay para malaman ang kalooban ngPanginoon hinggil sa Simbahan?

Ipaliwanag na noong 1978, nag-alala si Pangulong Kimball lalo na tungkol sa mgarestriksyon sa priesthood at sa templo, at madalas niyang pagnilayan at ipagdasalsa templo ang tungkol sa bagay na ito. Madalas din siyang makipagsanggunian saiba pang mga General Authority at inaanyayahan silang ipahayag ang kanilangdamdamin tungkol sa bagay na ito. (Tingnan sa Bruce R. McConkie, “The NewRevelation on Priesthood,” sa Priesthood [1981], 127).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang isinalaysay ni Pangulong Kimball:

“Batid kong may isang bagay tayong kinakaharap na lubos na mahalaga para sakaramihan ng mga anak ng Diyos. Alam kong matatanggap lang natin angpaghahayag ng Panginoon sa pamamagitan ng pagiging karapat-dapat atpagiging handa sa mga ito at kahandaang tanggapin ang mga ito at ilagay sawastong kalalagyan ang mga ito. Araw-araw akong pumupuntang mag-isa samga silid sa itaas ng [Salt Lake temple] nang may lubos na kataimtiman, at

iniaalay ko roon ang aking kaluluwa at iniaalay ang aking mga pagpupunyagi na maisulong ito.Nais kong gawin ang nais Niya. Nakipag-usap ako sa kanya tungkol dito at nagsabing,‘Panginoon, ang nais ko lamang ay ang tama. … Ang hangad lang po namin ay ang bagay nanais ninyo, at nais namin iyon kung nais po ninyo, at hindi kung kailan namin gusto’” (Mga Turong mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball [2006], 282–83).

• Ano ang pinakanapansin ninyo tungkol sa mga pagsisikap ni PangulongKimball na humingi ng patnubay ng Panginoon?

• Paano tayo matutulungan ng halimbawa ni Pangulong Kimball kapag humingitayo ng patnubay ng Panginoon?

LESSON 56

385

Page 406: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na noong Hunyo 1, 1978, ang mga miyembro ng Unang Panguluhan atKorum ng Labindalawang Apostol ay nagpulong sa Salt Lake Temple. Pumunta silasa templo nang nakapag-ayuno. Binanggit ni Pangulong Kimball ang kanilang mganakaraang talakayan tungkol sa pagkakaloob ng priesthood at mga pagpapala satemplo sa lahat ng karapat-dapat na miyembro ng Simbahan. Hiniling niya sabawat taong naroon na ibahagi ang kanyang pananaw hinggil sa bagay na ito.Pagkatapos ay iminungkahi ni Pangulong Kimball na sama-sama silangmanalangin.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang pangatlo at pang-apat na talata ngliham na nakatala sa Opisyal na Pahayag 2 (simula sa “Kanyang dininig ang amingmga panalangin”). Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminkung paano tinugon ng Panginoon ang mga pagsamo ng mga lider na ito ngSimbahan.

• Ano ang pinagtibay ng Panginoon kay Pangulong Kimball at sa iba pang mgalider ng Simbahan sa pamamagitan ng paghahayag?

• Anong doktrina ang matutukoy natin sa mga talatang ito tungkol sa paraankung paano dapat pamunuan at pamahalaan ang Simbahan? (Matapossumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na doktrina:Pinamamahalaan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan sa pamamagitanng paghahayag sa Kanyang mga propeta.)

Upang lalo pang mailarawan ang katotohanang ito, ipabasa nang malakas sadalawang estudyante ang sumusunod na mga salaysay nina Pangulong Gordon B.Hinckley (1910–2008) at Elder Bruce R. McConkie (1915–1985) ng Korum ngLabindalawang Apostol, tungkol sa naranasan nila nang matanggap angpaghahayag noong Hunyo 1, 1978:

“Nagkaroon ng isang sagrado at pinabanal na kapaligiran sa silid. Para sa akin,parang isang lagusan ang nagbukas sa pagitan ng luklukan ng langit at ngnakaluhod at nagsusumamong propeta ng Diyos na sinamahan ng kanyang mgaKapatid. Naroon ang Espiritu ng Diyos. At sa pamamagitan ng kapangyarihan ngEspiritu Santo ay dumating ang katiyakan sa propetang iyon na tama ang bagayna ipinagdasal niya, na dumating na ang tamang panahon, at ngayon, ang

kamangha-manghang mga pagpapala ng priesthood ay dapat igawad sa karapat-dapat na mgalalaki anuman ang kanilang lahi.

“Bawat lalaki sa bilog na iyon, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, ay nalamanlahat ang bagay na iyon. …

“Walang tinig na naririnig ng aming pisikal na mga tainga ang narinig. Ngunit ang tinig ngEspiritu ay bumulong nang may katiyakan sa aming isipan at kaluluwa. …

“… Nilisan namin ang pulong nang panatag at mapitagan at masaya. Wala ni isa sa amin nanaroon sa kaganapang iyon ang nanatili pa ring tulad ng dati pagkatapos niyon. Nabago rin angSimbahan mula noon” (Gordon B. Hinckley, “Priesthood Restoration,” Ensign, Okt. 1988, 70).

“Sa pagkakataong ito, dahil sa taimtim na pagsamo at pananampalataya, at dahil dumating naang oras at panahon, ang Panginoon sa kanyang kabutihan ay ibinuhos ang Espiritu Santo saUnang Panguluhan at sa Labindalawa sa mahimala at kagila-gilalas na paraan, higit kaysaanumang bagay na naranasan ng sinumang naroon. Dumating ang paghahayag sa Pangulo ngSimbahan; dumating din ito sa bawat indibiduwal na naroon. … Bunga nito, alam ni Pangulong

LESSON 56

386

Page 407: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Kimball, at alam ng bawat isa sa amin, hindi ng sinumang ibang tao, sa pamamagitan ngtuwiran at personal na paghahayag sa amin, na dumating na ang panahon para ipaabot angebanghelyo at ang lahat ng pagpapala nito at ang lahat ng obligasyon nito, pati na angpriesthood at ang mga pagpapala ng bahay ng Panginoon, sa lahat ng bansa, kultura, at lahi”(Bruce R. McConkie, “All Are Alike unto God” [Church Educational System Religious Educators’Symposium, Ago. 18, 1978, 4, speeches.byu.edu).

• Ayon sa isinalaysay ni Elder McConkie, bakit dumating ang paghahayag sapanahong iyon? (Maaari mong bigyang diin na dumating ang paghahayag dahilsa taimtim na pagsamo nang may pananampalataya at dahil dumating na angoras at panahon.)

• Sa inyong palagay, bakit mahalagang matanggap ng bawat miyembro ng UnangPanguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ang parehongnagpapatibay na paghahayag mula sa Panginoon?

Tukuyin ang dalawang katotohanang nakasulat sa pisara: “Ang mga Propeta ayhumihingi ng banal na patnubay para malaman ang kalooban ng Panginoonhinggil sa Simbahan” at “Pinamamahalaan ng Panginoon ang Kanyang Simbahansa pamamagitan ng paghahayag sa Kanyang mga propeta.”

• Paano makatutulong sa atin ang pagkaunawa sa mga katotohanang ito paramagkaroon tayo ng pananampalatayang sundin ang payo na natatanggap ngmga propeta mula sa Panginoon?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon sa kanilang buhay nanadama o nalaman nila na pinamamahalaan ng Panginoon ang KanyangSimbahan sa pamamagitan ng paghahayag sa Kanyang mga propeta. Anyayahanang ilang estudyante na magbahagi ng kanilang mga karanasan sa klase. Maaari karing magbahagi ng iyong sariling karanasan.

Patotohanan na totoong inihahayag ng Panginoon ang Kanyang kalooban saKanyang mga propeta, at hikayatin ang mga estudyante na sundin ang payo atpamumuno ng mga propeta ng Panginoon.

Ipaliwanag na ang liham na nagpapabatid sa paghahayag noong Hunyo 1, 1978 ayinilathala noong Hunyo 8, 1978. Makalipas ang ilang buwan, inilahad niPangulong N. Eldon Tanner ng Unang Panguluhan ang paghahayag sa mgamiyembro ng Simbahan sa semiannual general conference para sa boto ngpagsang-ayon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang ikalawang talata ng Opisyal naPahayag 2 (simula sa “Sa unang bahagi ng Hunyo ng taong ito”). Sabihin sa klasena tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang iniutos ni Pangulong Kimball kayPangulong Tanner na sabihin sa mga miyembro ng Simbahan tungkol sapaghahayag. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Sa inyong palagay, bakit mahalaga sa mga miyembro ng Simbahan na malamanna ang Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol aynagkakaisang inaprubahan ang paghahayag na ito?

LESSON 56

387

Page 408: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •

Ipaliwanag na ang mga miyembro ng Simbahan na dumalo sa kumperensya aybuong pagkakaisang tinanggap ang paghahayag “bilang salita at kalooban ngPanginoon” (Opisyal na Pahayag 2). Dahil sa paghahayag na tumapos sa mgarestriksyon sa priesthood at templo, ang mga missionary ay nangangaral na ngebanghelyo sa halos lahat ng bansa sa Africa, may mga templo nang naitayo sakontinenteng iyon, at daan-daang libong tao na may lahing African angnakatanggap na ng mga ordenansa ng ebanghelyo para sa kanilang sarili at para sayumao nilang mga ninuno.

Tapusin ang lesson sa pag-anyaya sa ilang estudyante na magpatotoo tungkol samga propeta ngayon at sa mga katotohanang tinukoy sa lesson na ito.

Karagdagang Ideya sa Pagtuturo

Opisyal na Pahayag 2. “Namamalas ang katapatan ng mga yaong kung kanino ang pagkasaserdoteay ipinagkait”Maaari mong gamitin ang sumusunod na ideya sa pagtuturo matapos itanong ang, “Ano pa ang nagpaibayo sa hangaring ito?”

Para mailarawan ang “katapatan ng mga yaong kung kanino ang pagkasaserdote ay ipinagkait” (Opisyal na Pahayag 2), ipabasanang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na kuwento:

Sa Brazil, sina Helvécio at Rudá Martins at kanilang mga anak ay sumapi sa Simbahan noong Hulyo 1972. Sina Helvécio at Rudá aykapwa may lahing African. Ginunita ni Helvécio, “‘Natagpuan na namin ang katotohanan, at walang makapipigil sa amin naipamuhay ito. … Kapag sinabi sa iyo ng Espiritu na ang ebanghelyo ay totoo, … paano mo maikakaila ito?’” Dahil nakatanggap ngpatotoo ang mga Martins tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sila ay makapagpapatuloy,nagtitiwala sa Panginoon, kahit hindi matamasa ng kanilang pamilya ang lahat ng pagpapala ng priesthood at ng templo.

Noong 1975, ibinalita ni Pangulong Kimball na may itatayong templo sa São Paulo, Brazil. Paggunita ni Helvécio, “‘Bagama’t hindinamin inaasahang makapasok dito, tumulong kami sa pagtatayo ng templo tulad ng iba pang mga miyembro. … Bahay naman iyonng Panginoon.’ Ipinagbili ni Sister Martins ang kanyang mga alahas upang makatulong sa fund-raising, at naglingkod si BrotherMartins sa publicity committee” (“Elder Helvécio Martins of the Seventy,” Ensign, Mayo 1990, 106).

Bago tapusin ang lesson na ito, ipaliwanag na ang paghahayag na nag-alis ng mga restriksyon sa priesthood at sa templo aynakaapekto nang malaki sa Simbahan, sa mga miyembro nito, at sa mga tao sa buong mundo. Ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang sumusunod na kuwento tungkol sa reaksyon nina Helvécio at Rudá Martins nang mabalitaan nila ang tungkol sapaghahayag:

“Nag-uumapaw sa galak ang puso ko. Nagpunta kami ni Rudá sa aming silid, lumuhod, at nagdasal. Umiiyak kami habangnagpapasalamat sa ating Ama sa Langit para sa pangyayaring pinangarap lamang namin. Ang araw ay talagang dumating, at saaming mortal na buhay” (sa Mark Grover, The Autobiography of Elder Helvécio Martins [1994], 69–70). Ang pamilya Martins ayibinuklod sa São Paulo Brazil Temple. Ang kanilang anak na si Marcus ang isa sa mga unang miyembro ng Simbahan na may lahingAfrican na nagmisyon nang full-time pagkatapos ng paghahayag noong Hunyo 1, 1978. Si Helvécio Martins ay naging priesthoodleader sa kanilang lugar sa Brazil at kalaunan ay tinawag na maglingkod bilang miyembro ng Pangalawang Korum ng Pitumpu.

• Paano maituturing na isang halimbawa ng katapatan ang pamilya Martins?

LESSON 56

388

Page 409: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •
Page 410: Manwal ng Doktrina at mga Tipan para sa Titser · • Magturo at mag-aral sa pamamagitan ng Espiritu. • Pag-ibayuhin ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. •