Mangarap ka at magtagumpay
-
Upload
billy-rey-rillon -
Category
Education
-
view
275 -
download
17
Transcript of Mangarap ka at magtagumpay
Mangarap Ka at MagtagumpayPangarap: Sukatan ng Matagumpay at
Makabuluhang Buhay
Bakit may Pangarap?• Ang pangarap ng isang tao ang ginagamit niyang
gabay o direksiyon ng matagumpay at makabuluhang buhay. Kaya mahalagang ito ay pinag-iisipan sa panahon ng kabataan.
Dahilan at Paraan Upang Mabago ang Kawalan ng Pangarap
• Dahilan: Kawalan ng katiyakan sa mga nais sa buhay.
• Paraan upang mabago: Kailangang magkaroon ng pagkakataon ang isang tao na kilalanin ang sarili
• Dahilan: Takot na magkamali o mabigo
• Paraan upang mabago: Dapat tandaan na ang isang bagay na inaasam ay dapat pinagpaplanuhan. Isiping may magandang maituturo ang kabiguan sa isang tao.
• Dahilan: Mababang tingin sa sarili
• Paraan upang mabago: Magkaroon ng makatotohanang pagtingin sa sarili upang upang magkaroon ng malinaw na konsepto ng mga kakayahan
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Makabuluhang Pangarap• 1. Ang pangarap ang nagbibigay ng direksiyon sa
tao.
• 2. Ang pangarap ang nagbibigay ng motibasyon.
• 3. Ang pangarap ang daan ng pagpapabuti sa buhay.
• 4. Ang pangarap ay daan tungo sa pagpapabuti ng pagkatao.
Mga Katangian ng Malinaw na Pangarap
• 1. Tiyak• 2. Nasusukat• 3. Makatotohanan• 4. Makabuluhan• 5. May Nakatakdang Panahon• 6. May Angkop na Kilos
• 1. Tiyak- Kapag tiyak ang pagpapahayag ng pangarap, madaling matutukoy ang direksiyong nais tahakin.
• 2. Nasusukat- Upang higit na maging epektibo, makabubuti ang pagkakaroon ng kongkretong pamantayan o batayan na magsasabi kung nagtatagumpay sa pagtatamo nito.
• 3. Makatotohanan- Kinakailangang may tamang laki o posibilidad ang pangarap.
• 4. Makabuluhan- May personal na pagpapahalaga. May kagustuhang makapaglingkod sa kapwa.
• 5. May nakatakdang panahon- Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng kaalaman kung kailan dapat simulan at gaano katagal ang ibibigay sa sarili upang abutin ito.
• 6. May angkop na kilos- Sa pamamagitan ng mga angkop na kilos, unti-unting napapalapit sa pangarap.