Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika.docx

download Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika.docx

of 2

Transcript of Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika.docx

  • 8/14/2019 Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika.docx

    1/2

    Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika (1946-1972)

    Pangunahing artikulo: Kasaysayan ng Pilipinas (19461972)

    Pamamamahala ni Manuel Roxas (1946-1948)[baguhin]

    Nagkaroon ng halalan noong 1946, na nagluklok kay Manuel Roxas bilang unang pangulo ng malayang Pilipinas. Ibinalik ng Estados

    Unidos ang soberanya ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946.[4] Ngunit ang ekonomiya ng Pilipinas ay nanatiling umaasa sa ekonomiya ng

    Estados Unidos, ayon kay Paul McNutt, isang mataas na komisyoner ng Estados Unidos.[23] Ang Philippine Trade Act, na ipinagtibay

    bilang isang kondisyon upang makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas mula sa Estados

    Unidos,[24] ay lalong nagpalala sa relasyon ng dalawang bansa sa probisyon itong itali ang ekonomiya ng dalawang bansa. Isang

    kasunduan na militar ang nilagdaan noong 1947 na nagtakda sa Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base militar sabansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967).

    Pamamamahala ni Elpidio Quirino (1948-1953)

    Elpidio Quirino, Pangulong ng Pilipinas mula 1948 hanggang 1953.

    Pinatawad ng administrasyon ni Roxas ang mga taong nakipagtulungan sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig,

    maliban sa mga taong gumawa ng mga marahas na krimen. Namatay si Roxas dahil sa atake sa puso at tubercolosis noong Abri

    1948, at humalili ang pangalawang pangulo, si Elpidio Quirino, sa posisyon ng presidente. Tumakbo siya sa pagkapangulo noong

    1949. Natalo ni Quirino si Jose P. Laurel at nakamit niya ang apat na taong termino. Iniwan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang

    Pilipinas na sira-sira at nawalan ng moral. Ang muling pagbangon ng bansa ay naguluhan dahil sa mga aktibidad ng mga gerilyang

    Hukbalahap ("Huks") na naging kalaban ng bagong pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga panukala ng pamahalaan sa mga Huk ay

    parehong naging pang-negosasyon at pang-supresyon. Ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Ramon Magsaysay ay nagsimula ng

    kampanya upang matalo ang mga rebelde sa pamamagitan ng militar at para makuha na rin ang suporta ng pamahalaan mula samga mamamayan. Unti-unting kumunti ang kampanya ng mga Huk noong dekada 1950's, at tuluyang nagwakas ito sa walang

    kundisyon na pagsuko ni Luis Taruc, pinuno ng mga Huk noong Mayo 1954.

    Pamamamahala ni Ramon Magsaysay (1953-1957)

    Ramon Magsaysay, Pangulong ng Pilipinas mula 1953 hanggang 1957.

    Suportado ng Estados Unidos, nahalal si Magsaysay sa pagkapangulo noong 1953 dahil sa popularidad niya sa mga tao. Ipinangako

    niya ang reporma sa ekonomiya, at napaunlad niya ang reporma sa lupa sa pamamagitan ng pagtaguyod sa paglipat ng tirahan ng

    mga mahihirap na tao sa Katolikong hilaga patungo sa mga tradisyonal na mga lugar ng mga Muslim. Kahit nakatulong ito sa

    pagbabawas ng populasyon sa Hilaga, tumaas ang tensyong pang-relihiyon.[25] Ngunit naging popular pa rin siya sa mga

    mamamayan, at ang kanyang pagkamatay sa pagbagsak ng kanyang eroplano noong Marso 1957 ay nagdulot ng kalungkutan sa

    maraming mga Pilipino.

    Pamamamahala ni Carlos Garcia (1957-1961)Carlos Garcia, Pangulong ng Pilipinas mula 1957 hanggang 1961.

    Humalili si Carlos P. Garcia sa posisyon ng pangulo matapos ang pagkamatay ni Magsaysay, at nahalal rin siya sa apat na taong

    termino noong Nobyembre ng taon ding iyon. Ipinatupad niya ang patakarang "Pilipino Muna", na nagbibigay ng pagkakataon sa

    mga Pilipino na malinang ang ekonomiya ng bansa.[26] Nakipag-ugnayan si Garcia sa Estados Unidos ukol sa pagsasauli ang mga

    Amerikanong base militar sa Pilipinas. Ngunit nawala ang popularidad ng kanyang administrasyon dahil sa mga isyu ng kurapsyon sa

    mga sumunod na taon.[27]

    Pamamamahala ni Diosdado Macapagal (1961-1965)

    Diosdado Macapagal, Pangulong ng Pilipinas mula 1961 hanggang 1965.

    Nahalal si Diosdado Macapagal sa pagkapangulo noong halalan ng 1961. Ang panukalang banyaga ni Macapagal ay humingi ng mas

    malapit na relasyon sa mga kalapit na mga bansa, partikular na ang Malaya (ngayo'y Malaysia) at Indonesia.[25] Ang pakikipag

    negosasyon niya sa Estados Unidos ukol sa mga karapatan sa mga base militar ay nagdulot ng negatibong damdamin sa mgaAmerikano.[25] Binago niya ang Araw ng Kalayaan mula sa Hulyo 4 na pinalitan ng Hunyo 12, upang gunitain ang araw na idineklara

    ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya noong 1898.

    Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal nagpatuloy sa pagtaas ang halaga ng bilihin, ngunit naisagawa

    niyang kahit paano'y mapanatili ang mababang halaga ng bigas at mais. Gayunpama'y ang pagpupuslit ng mga kalakal na

    ipinagbabayad sa adwana'y laganap pa rin tulad ng dati. Si Macapagal sa kanyang sarili'y isang taong matapat, ngunit ipinapalagy ng

    mga taong siya'y mahina at hindi nababagay sa kanyang tungkulin, o kaya'y kinukunsinti niya ang katiwalian at kasamaang ginagawa

    ng mga taong malapit sa kanya o may lakas sa kanyang tanggapan.

    Tangi sa pampalagiang suliranin na pangkabuhayan at pampamahalaan ang lumigalig sa kanyang pangasiwaan.

  • 8/14/2019 Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika.docx

    2/2

    Pamumuno ni Ferdinand Marcos(1965-1986)

    Ferdinand Marcos, pangulo ng Pilipinas mula 1965 hanggang 1986.

    Ang isa pang subyang sa panig ni Macapagal ay ang Pangulo ng Senado na si Ferdinand Marcos, isang kapwa Liberal. Sinasabing

    upang matamo ang pagtulong ni Marcos sa halalan noong 1961, lihim na nakipagkasundo si Macapagal kay Marcos na hindi siya

    tatakbong muli para sa reeleksiyon sa halalan ng taong 1965. Ngunit habang lumalapit ang halalan ng taong 1965, napatunayang

    masugit si Macapagal sa pagkandidato.

    Sa pagkabigo ng pag-asa ni Marcos sa pagiging kandidato ng Partido Liberal sa pagkapangulo, at sa dahilang naanyayahang sumama

    sa Partido Nacionalista at samantalahin ang pagkakataon sa Kumbensiyon ng mga Nacionalista'y iniwan niya ang Partido Liberal at

    sumapi sa Nacionalista. Nagwagi si Marcos sa Kumbensyon at naging opisyal na kandidato sa pagka-Pangulo.

    Sa una niyang termino, naglunsad si Marcos ng iba't ibang mga proyekto at nagtaas ng koleksyon ng buwis na nakatulong sa pag-

    unlad ng bansa noong dekada '70. Dahil rin sa pag-utang niya at sa tulong pang-ekonomiya na nanggaling sa Estados Unidos, mas

    maraming mga daan ang naitayo ng kanyang administrasyon kaysa sa lahat ng daan na naitayo ng mga nakalipas na pangulo at mas

    maraming mga paaralan kaysa sa nakalipas na administrasyon.[28] Nahalal muli si Marcos bilang pangulo noong 1969, na naging

    unang pangulo ng malayang Pilipinas na natamo ang ikalawang termino.

    Hinarangan ng mga kalaban ni Marcos ang kinailangang lehislasyon para maisakatuparan ang kanyang mga plano. Dahil dito, nawala

    ang positibong damdamin sa kanyang ikalawang termino at bumagal ang pag-unlad ng kabuhayan.[29] Dumami ang krimen at

    pagsuway ng mga sibilyan sa batas. Binuo ng Partido Komunista ng Pilipinas ang Bagong Hukbong Bayan. Nagpatuloy ang

    pakikipaglaban ng Moro Islamic Liberation Front para sa kalayaan ng Mindanao. Ang isang pagsabog sa pagtitipon ng Partido Libera

    kung saan idineklara ang kanilang kandidato para sa Senado noong Agosto 21, 1971 ang nagdulot ng pagsuspinde ni Marcos sa writ

    of habeas corpus, na ibinalik niya noong Enero 11, 1972 matapos ang mga protesta ng publiko.

    Batas Militar[baguhin]

    Tingnan din: Estratehiya ng tensyon.

    Setyembre 23, 1972 - Ipinahahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa isang pagbabalita sa himpapawid.

    Dahil sa kawalan ng respeto sa batas at ang banta ng rebelyon ng mga Komunista, idineklara ni Marcos ang batas militar noong

    Setyembre 21, 1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081. Tinanggal ni Marcos ang kalayaan ng pamamahayag at iba pang karapatan

    ng mga mamamayan, ipinasara ang Kongreso at ang mga kompanya ng pamamahayag, at iniutos ang pag-aresto sa mga pinuno ng

    oposisyon at mga aktibidad ng mga militante, kasama na ang kanyang pinakamalaking mga kritiko, si Senador Benigno Aquino, Jr.,

    Senador Jovito Salonga at Senador Jose Diokno.[30] Ang deklarasyon ng batas militar ay tinanggap ng karamihan, dahil sa

    problemang panlipunang dinaranas ng Pilipinas.[31] Malaki ang binaba ng bilang ng krimen matapos isakatuparan ang curfew.[32]

    Maraming mga kalaban sa pulitika ang napilitang umalis ng bansa.

    Isang konstitusyonal na kumbensyon, na itinatag noong 1970 upang palitan ang Saligang-Batas ng 1935, ay nagpatuloy sa pagbuo ng

    bagong saligang-batas matapos ang deklarasyon ng batas militar. Nagkaroon ng bisa ang bagong konstitusyon noong 1973, na

    binago ang istilo ng pamahalaan mula sa pampanguluhan na naging parlamentaryo at nagpahintulot kay Marcos na manatili siya sakapangyarihan matapos ang 1973.

    Ayon kay Marcos, ang batas militar ang simula nang pagbubuo ng Bagong Lipunan na ibinase sa mga kahalagahang panlipunan at

    pampulitika.[33] Lumakas ang ekonomiya noong dekada 1970s, na nagkaroon ng sobrang salapi para sa budyet at pangangalakal.

    Tumaas ang Kabuuang Pambansang Produkto mula sa 55 bilyong piso noong 1972 na naging 193 bilyong piso noong 1980. Lumak

    ang kita ng pamahalaan sa turismo. Ngunit nakilahok si Marcos, ang kanyang mga kroni at ang kanyang maybahay, si Imelda

    Romualdez-Marcos sa paggawa ng kurapsyon.[34] Sa pamumuno ni Nailah Ingco at Joanna Bayabao.