Liksyon 3 para sa ika-20 ng Hulyo, 2019 - fustero.es trabaho, na habang siya ay tumitingin sa lupa...

9
Liksyon 3 para sa ika-20 ng Hulyo, 2019

Transcript of Liksyon 3 para sa ika-20 ng Hulyo, 2019 - fustero.es trabaho, na habang siya ay tumitingin sa lupa...

Liksyon 3 para sa ika-20 ng Hulyo, 2019

Isa sa mga Utos ng "kautusan ng kalayaan" (Santiago 2:12) ay ipangilin ang Sabado.

Ang Sabado ay nagpapalaya sa atin mulasa trabaho, kalungkutan, stress … hinahayaan tayonitong magkaroon ng malayang relasyon saating Manlilikha at Tagapagpalaya.

Nagtuturo din ito sa atinna magtiwala sa Dios, namaging patas at alagaanang maysakit at nangangailangan.

Paano natin ipapangilin ang Sabado?

Bakit natin dapat ipangilin ang Sabado?

Sino dapat ang mangingilin ng Sabado?

Ano ang matuwid na gawin sa Sabado?

Nangingilin ba ng Sabado ang lupa?

“At mangyayari sa ikaanim na araw, na sila'y maghahandang kanilang dala, na ibayo ng kanilang pinupulot sa araw-

araw.” (Exodo 16:5)

Hindi nangilin ng Sabado ang mga Israelita nang sila’ynamuhay bilang alipin sa Ehipto.

Nais ng Dios na paalalahanan sila sa praktikal naparaan tungkol sa Sabado (Exodo 16):

1. Nagpadala Siya ng "tinapay mula sa langit" (v. 4).2. Hinimok Niya sila na magtiwala sa Kanya sa

pamamagitan ng pagtitipon ng kakailanganin lamang saisang araw (v. 4).

3. Gumawa Siya ng himala bawat isang linggo upangturuan silang mangilin ng ikapitong araw. Hindi nilakailangang magtrabaho para sa kanilang mgapangangailangan sa Sabado (v. 6, 23).

Ang mana na tinatago ng suwail ay sinisira ng mga uod.

Ang dalawang bahagi ng mana na hindi inuoday nagturo sa kanila na ikasiya ang Sabadokasama ng Dios.

“Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay iyongasawa; ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupatatawagin siya.” (Isaias 54:5)

Hinihimok tayo ng Exodo 20:8-11 na

alalahanin angmalikhaing

kapangyarihan ng Dios, at

magpahinga ng Sabado gaya ng

ginawa Niya(Genesis 2:2)

Hinihimok tayo ng Deuteronomio 5:15-

15 na alalahaninang nanunubos nakapangyarihan ng Dios.. Iniligtas niya

ang Israel at inililigtas din Niya

tayo mula sakasalanan

Ang Sabado ay panahon kung saan mapapahinto natin angmga kabalisahan ng atingbuhay, at magsama-samaupang lumago sa espiritwalkasama ng ating Manlilikha at Tagapagligtas.

Itinatag ng Dios ang Sabadobilang natatanging tanda ng mga nais sumamba sa Kanyasa kung paano Niya gustongsambahin (Ezekiel 20:12).

Kabilang ang lahat sa pakinabang ng pahinga sa Sabado. Anuman ang edad, kasarian o estado sa buhay. Kahit hayop ay dapat magpahinga sa Sabado.

Dapat nating anyayahan ang mga nakikituloy sa ating bahay na ikasaya din angSabado.

Ang pangingilin ng Sabado ay tumatanggalng bawat hadlang sasosyal, at nagigingpantay ang lahat. Ito ay paalala ng Pagliligtas(Galacia 3:28).

Hinihikayat tayo ng Sabado na tumigil sa pag-iisip ng ating sarili at magsimulangmag-alala sa iba, lalo na sa mga nangangailangan.

“At sinabi sa kanila ni Jesus, Itinatanong ko sa inyo, Matuwidbagang gumawa ng magaling, o

gumawa ng masama kung sabbath? magligtas ng isang

buhay o pumuksa?’” (Lucas 6:9)

Ang sagot sa tanong ni Jesus ay halata: “Matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath.” (Mateo 12:12).

Pinasobrahan ng mga estriktongbatas ng mga Fariseo ang Sabadoupang hindi sila makapanggamot saaraw ng Sabado (Lucas 13:14).

Malinaw ang halimbawa ni Jesus; angpagtulong sa napighati at pabibigayng awa at tulong sa araw ng Sabadoay matuwid. May pitong halimbawang panggagamot sa araw ng Sabadosa mga aklat ng Ebanghelyo.

Ang taong natuyo angkamay(Mt. 12:9)

Ang taong inalihan ng demonyo(Mr. 1:21-28)

Ang biyenan ni Pedro (Lk. 4:38-39)

Ang lumpong babae(Lk. 13:10-17)

Ang lalaking minamanas(Lk. 14:1-6)

Ang lalaking lumpo saBetesda (Jn. 5:1-18)

Ang lalakingipinanganak na bulag(Jn. 9)

“Kailangang tugunan ang mga pangangailangan ng

buhay, maalagaan ang may sakit, Matustusan ang nais ng

mga nangangailangan. Ayaw ng Dios na maghirap ang

Kanyang mga nilalang ng isang oras na maaari namang

mapalitan sa araw ng Sabado o ibang araw.

Hindi natatapos ang gawain ng langit, at hindi rin tayo

dapat tumigil sa paggawa ng mabuti. Ngunit

ipinagbabawal ng batas na gumawa tayo ng pansariling

mga gawain sa araw ng Sabado. Dapat matigil ang gawain

ng hanapbuhay; walang trabaho para sa makamundong

kasiyahan o kita ang matuwid sa araw na iyan. Ngunit

ang Sabado ay hindi dapat magugol sa walang kwentang

gawain…inaatasan tayo [ng Dios] na isantabi ang ating

pang araw-araw na trabaho, at italaga ang mga banal na

oras sa pampalusog na pahinga, magsamba, at gumagawa

ng mga banal na gawain.”

E.G.W. (The Story of Jesus, cp. 11, p. 74)

Ang lupa ay pinababayaan, hindi tinataniman o inaanihan, bawat ika-pitong taon—ang Sabbatical year, at bawat ika-limampung taon—Jubilee. (Levitico 25)

Kailangang magtiwala ang bayan ng Israel sa Dios napagpapalain din sila sa loob ng anim na taon gaya ng ginawa niya sa mana (v. 21).

Sa panahon ng Sabado ng lupain, tinawagan sila namagbahagi sa mga nangangailangan. Hindi nilamaaaring anihin ang mga produkto ng lupa.

Ang Sabado ay humihimok saatin na itigil ang sobrang pag-iisip sa sarili, at “hanapinmuna… ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran.” (Mateo 6:33)

“Maawain ang Dios. Makatuwiran ang Kanyang mga

kahilingan, sang-ayon sa Kanyang kabutihan at kabaitan

ng Kanyang katangian. Ang hangarin ng Sabado ay

makapakinabang ang lahat ng sangkatauhan. Hindi

ginawa ang tao upang umangkop sa Sabado; sapagkat

ginawa ang Sabado matapos likhain ang tao, upang

matugunan ang pangangailangan niya. Matapos na ginawa

ng Dios ang sanlibutan sa anim na araw, Nagpahinga Siya,

pinabanal at pinagpala ang araw kung saan nagpahinga

Siya sa mga gawa Niyang paglikha. Itinangi Niya itong

espesyal na araw upang makapahinga ang tao sa kanyang

trabaho, na habang siya ay tumitingin sa lupa at sa langit,

mapagbubulaybulayan niyang ginawa ng Dios ang lahat ng

ito sa anim na araw at nagpahinga sa ikapito; at iyon,

habang nakikita niya ang mga patunay ng

walanghanggang karunungan ng Dios, ay magpupuno sa

kanyang puso ng pag-ibig at paggalang sa kanyang

Manlalalang.”

E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 2, cp. 71, p. 582)