Liksyon 2 para sa ika-11 ng Abril, 2020 2020. 4. 8. · Halimbawa, sinusubukang ipaliwanag ng Higher...
Transcript of Liksyon 2 para sa ika-11 ng Abril, 2020 2020. 4. 8. · Halimbawa, sinusubukang ipaliwanag ng Higher...
Liksyon 2 para sa ika-11 ng Abril, 2020
Ang pahayag
Ang inspirasyon
Ang paraan ng pagsulat
Ang salita
Ang paliwanag
At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga'yang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.” (1 Tesalonica 2:13)
Ang Biblia ay sinulat ng mga tao. Gayunman, lagi nating sinasabi na ito’y Salitang Dois, bakit? Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kanyang sarili?
Paano isinulat ang Biblia? Paano natin ito ipapaliwanag?
Inamin ng mga manunulat ng Biblia na sinulat nila kung ano ang“sinasabi ng Espiritu”, at hindi ang sarili nilang ideya (Apocalipsis 2:7).
Ginamit sila ng Dios upang ipakita ang plano Niya sa atin(Amos 3:7). Ipinahayag Niya ang Kanyang sarili sapamamagitan nila.
Ang mga turo at payo sa Biblia ay ibinigay ng Dios, kaya sila’ymaaasahan at totoo.
Ang Biblia ay “mapapakinabangan din naman sapagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, saikatututo na nasa katuwiran” (2 Timoteo 3:16).
Sa pagbabasa ng Biblia, natututunan natin kung paano ng Dios gusto na tayo ay mamuhay.
Mayroong ganap na pagkakaisa mula sa Genesis tungo sa Apocalipsis. Nangyari lang ito dahilinudyukan ng Banal na Espiritu ang lahat na may akda ng Biblia.
Gayunman, hindi kinasihan ang mga manunulat sa parehong paraan.
Ito ang dahilan kung bakit ang Biblia ay magkakaibang aklat. Bawat may akda ay nagpapaliwanag sa katotohanan ng Dios sa magkaibang paraan.
“Ang Kasulatan ay ibinigay sa tao,
hindi sa pamamagitan ng patuloy at
walang putol na pagsasalita, ngunit
pira-piraso sa pamamagitan ng
magkakasunod na henerasyon,
habang nakikita ng Dios ayon sa
kanyang kaloob kung ano ang angkop
na pagkakataong upang turuan ang
tao sa iba’t-ibang panahon at
magkakaibang lugar. Nagsulat ang
mga tao habang sila ay inudyukan ng
Banal na Espiritu.”E.G.W. (Selected Messages, vol. 1, cp. 1, p. 19)
Bakit gusto ng Dios na maisulat ang Kanyang mga salita? Ano ang bentahe ng naisulat na mensahe?
Mas mahirap makalimutan ang iyong nabasa
Maaari mong basahin ulet iyon at saulohin
Ito ay mapepreserba
Maaari itong kopyahin ng ilang beses
Maraming tao ang makakabasa nito
Maaari itong mabasa sa mga malayong lugar
Tumatagal ito. Maari itong mabasa ng mgahenerasyon sa hinaharap
Kahit iyong mga hindi nakakabasa ay makakarinig ng mensahe mula sa ibangbumabasa nito ng malakas
Salamat sa nasulat ng mensahe ng Dios, ngayon ay maaari nating
malaman ang Kanyang kalooban at masunod ito.
Ipinakilala ni Juan si Jesus bilang Salita ng Dios na nagkatawang-tao. Mayroong pagkakapantaysa pagitan ni Kristo at ang Biblia.
May mga pagkakaiba din sa pagitan nila. Ang Biblia ay hindi Dios na nagbagong anyo, at hindi ito maaaringsambahin. Nagpapatotoo lang ito tungkol kay Jesus (Juan 5:39).
Pareho silang may supernatural na pinagmulan
Pareho nilang pinagsama ang pagkadios at pagkatao
Ang gawain ng dalawa ay sumasaklaw sa buongsangkataohan
Pareho silang nanggaling sa natatanging sandal at kultura, ngunit ang kanilang gawain ay lampas pa sa panahon at lugar
Pareho silang bumaba sa antas ng tao upangmaunawaan natin ang kanilang mensahe
Ang Biblia ay hindi dapat pinapag-aralan o ipinapaliwanaggaya ng ibang aklat.
Halimbawa, sinusubukang ipaliwanag ng Higher Criticism ang Biblia sa paggamit ng balangkas ng gramatika at pagwaksi sa supernatural na bahagi.
Kaya paano natin dapat ipaliwanag ang Biblia?
Higit sa lahat, dapat nating alalahanin na iyon ay Salita ng Dios, kaya kailangan ang pananampalataya (Hebreo 11:6).
Inudyukan ng Banal na Espiritu angmga manunulat ng Biblia, at dapat rinnatin Siyang hayaan na udyukan tayohabang binabasa natin ito.
Kaya, dapat manalangin tayo bagomagbasa ng Biblia, hilingin angpagkasi ng Banal na Espiritu upangmaunawaan natin ito ng tama.
Ang Banal na Kasulatan, Luma at Bagong Tipan, ay mgasinulat na Salita ng Dios, ibinigay sa pamamagitan ng pagkasi ng Dios. Ang kinasihan na mga may akda ay nagsalita at sumulat habang sila ay inudyukan ng Banal na Espiritu. Sa Salitang ito, itinuon ng Dios sasangkatauhan ang kaalaman na kailangan sa kaligtasan. Ang Banal na Kasulatan ay ang pinakamataaas, makapangyarihan, at ang walang pagkakamaling pahayagng Kanyang kalooban. Sila ang batayan ng pag-uugali, angpanuri ng karanasan, ang buod na tagapahayag ng doktrina, at ang mapagkakatiwalaang tala ng gawa ng Dios sa kasaysayan. (Awit. 119:105; Kaw. 30:5, 6; Isa. 8:20; Juan
17:17; 1 Tess. 2:13; 2 Tim. 3:16, 17; Heb. 4:12; 2 Pedro 1:20, 21.)
SALIGANG PANINIWALA NG MGA SEVENTH-DAY ADVENTIST
“Ang kaalaman ng katotohanan
ay hindi masyadong nakabatay
sa antas ng katalinuhan kaysa sa
kadalisayan ng hangarin, ang
kasimplehan ng taimtim, at
umaasang pananampalataya. Sa
mga may kapakumbabaan ng
puso na naghahanap sa gabay ng
Dios, lumalapit ang mga anghel
ng Dios. Ipinagkaloob ang Banal
na Espiritu upang buksan sa
kanila ang saganang kayamanan
ng katotohanan.”
E.G.W. (Christ’s Object Lessons, cp. 2, p. 39)