MALABONmalabon.gov.ph/wp-content/uploads/2015/02/center-spread1.pdf · mga likha ng mga pintor ng...

2
6 7 OKTUBRE - DISYEMBRE 2014 OKTUBRE - DISYEMBRE 2014 MALABON NEWS DISYEMBRE 15 ng nakaraang taon, nagtipon-tipon ang mga Malabonian sa harap ng makasaysayang San Bartolome Church para sa inisyal na pagsa- sakatuparan ng isang proyektong magbabalik- tanaw sa mga ipinag- mamalaki ng lungsod. Kasama ang libu-li- bong Malabonian, kawani ng pamahalaang lungsod at piling bisita, pinangu- nahan ni Mayor Lenlen Oreta at maybahay Chef Melissa Sison – Oreta ang paglulunsad ng Malabon ‘Tricycle Tours’. Sakay sa mga tricycle na ‘accredited’ ng Mala- bon City Tourism Office (MCTO), nagsimulang umusad ang ‘Tricycle Tours’ bandang ala-1:00 ng hapon (Disyembre 15), patungo sa iba’t ibang destinasyon. Ang Malabon ay likas sa mga lugar na ang mga estraktura ay napanati- ling maayos at maganda sa kabila ng paglipas ng daang taon, bukod pa sa ang lungsod ay kilala sa masasarap na pagkain na gawang Malabonian. Sa lohikang ito ay na- buo ang matinding panini- wala ni Chef Melissa, may akda ng ‘Tricycle Tours’ project, na magi- ging future tourist end ang Malabon dahil sa well- preserved historical sites at home-grown products. MALABON ‘TRICYCLE TOURS’ UMARANGKADA! EIGHT (8) TOUR DESTINATIONS Ang walong (8) lugar na ito ay maituturing na ‘yaman’ ng Malabon da- hil sa pananatili ng mga katangiang-taglay na sa kabila ng pagtanda ng mundo ay walang ipi- nagbago, bagkus lalong kumikinang habang lu- milipas ang panahon. Pamilihan at Plaza Concepcion (Concepcion Market) Ang pamilihan ng Concepcion, karugtong ang Calle Concepcion ay isang sikat na lugar kung saan ang mga sa- riwang yamang-dagat, prutas, kakanin at iba pa ay mabibili. Katabi nito ang kilala rin na Plaza na dating pinagdadausan ng mga pelikula mula sa LVN at Sampaguita Films. Noon at hanggang ngayon, ang lugar ay pi- nagdadausan pa ng iba’t ibang aktibidad. Galeriya ng Artes de Paseo Naitatag noong Ok- tubre 2013 ng Art As- sociation of Malabon sa pamumuno ni Augusto Santiago, Jr., layon ni- tong makapagmulat sa sining at mapanatili ang magandang kulturang Malabonian. Sa tulong ng mag- asawang Louie at Flor- deliz Carlos, na naglaan ng lugar para sa galeriya, inilunsad ang Inaugu- ral Exhibition noong Mayo 10, 2014. Ito ang nagbigay-daan sa mga katuparan at programa ng asosasyon na nakatutok sa pagtatampok ng mga obra-maestro ng mga ar- tistang Malabonian sa larangan ng sining. Ibaviosa House (Pre-war House at Patis Malabon) Unang gawa sa kawa- yan at pawid, ang pre-war house na ito na pag-aari ng mag-asawang Manuel Ibaviosa, Sr. at Maria Cruz Ibaviosa ay nakumple- tong itayo noong 1940s sa 2,200 metro kuwadrado na lupa dahil sa tagumpay ng pamilya na may-ari ng kilalang Malabon Pa- tis. Nalagpasan ng bahay ang digmaang Pilipinas – Hapon, at napanatili ang masining na detalye sa loob nito na magpapa- sulyap sa nakaraan. Angel Cacnio House and Gallery (Vigan Mansion in Malabon) Pag-aari ni natio- nal artist Angel Cacnio, makikita sa loob nito ang malawak na koleksyon ng kanyang mga obra- maestro, lilok ng kan- yang mga anak na sina Michael at Ferdinand, at mga likha ng mga pintor ng Malabonian na tinipon ng kanyang namayapang may-bahay, si Gng. Ame- lia Cacnio. Bilang pinuno ng Sining Tambobong, si G. Cacnio ay tumanggap ng maraming pagkilala at gantimpala bunga ng mga pamana, tulad ng disenyo ng salaping P100 at P20, at ilang baryang ginamit noong 1982 at 1983. Siya rin ang nagdibuho ng Malabon landmark sa Letre Road. Raymundo House (1860s old mansion) Itinayo noong 1861 ng pamilya ni Ginoong Celedonio Raymundo, ang malaking bahay na ito ang unang pinaka- malaking estraktura sa tabing-ilog ng Malabon. Kasama sa loob ng ba- kuran ang isang malaking daungan na laging pinag- mumulan ng prosisyon ng pagoda tuwing kapistahan ng Concepcion. Mayroon itong isang malaking Arkong Bato kung saan nakaukit ang taon kung kailan ito ginawa at agilang may dalawang ulo. Ang dala- wang malaking kahoy na pinto ay nagpapaalala sa mga pader ng Intramuros at nag- papasilip sa maka- bagong henerasyon ng sulyap ng na- karaan. Oreta Sports Complex Ipinatayo ni Mayor Canuto Senen ‘Tito’ A. Oreta noong 2006 sa 2,500 metro- kuwadrado na lupa, ang Oreta Sports Complex ay binuksan sa publiko noong 2007. Ito ay bukod tangi sa buong CAMANAVA kaya’t ipi- nagmamalaki ito ng lung- sod. Layon ng pagtatayo nito ang pagtataguyod ng palakasan para sa kapa- kinabangan ng kalusugan ng bawa’t Malabonian. Eleven-Storey Malabon City Hall Ang labing-isang palapag na gusaling pampamahalaan na ipi- natayo sa panunungku- lan ng Punong Lungsod Canuto Senen ‘Tito’ A. Oreta ay itinuturing na pinakamataas na pam- pamahalaang gusali sa buong CAMANAVA sa panahon ng pagkakatayo nito noong Disyem- bre 2007. Pinasinayaan noong Abril 21, 2008 sa ika-7th pagka-lungsod ng Malabon, ito ay na- katindig sa 1,472 metro- kuwadradong lote. Sa tuktok nito ay masisi- layan ang mga karatig nitong lugar, ganon din ang kinagigiliwang Manila Bay sunset sa pamamagitan ng bay- bayin ng Navotas. San Bartolome Church Ang simbahan na ito na may Baroque na uri ng arkitekto na si San Bartolome ang banal na patron ay ginawa noong taong 1564, at naging isang ganap na parokya na hiwalay sa Tondo noong Mayo 17, 1614. Ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pamamagitan ng reso- lusyon bilang 118-2008 ay kinilala ang pinakamatan- dang lokal na simbahan na ito bilang Unang Pan- lungsod na Palatandaan. Noong 2014, sa pag- diriwang ng ika- 400 taon ng simbahan, ang Philpost ay gumawa ng selyo na nakalagay ang larawan ng simbahan ng San Bar- tolome. ‘Tricycle Tours’ project suportado ng DoT Nakiisa ang Depart- ment of Tourism (DOT) sa ginawang paglulunsad ng proyekto. Ipinadala ni DOT Sec. Ramon Jiminez ang isang opisyal ng ka- gawaran bilang kanyang representante sa launch ng ‘Tricycle Tours’. Katunayan, kasama na ang Malabon sa listahan ng mga lugar na inir- erekomenda ng DOT sa kanilang mga anunsyo sa ‘Visit Philippines 2015’. Para masiguro na mawiwili ang mga nag- babalak mamasyal sa naturang Malabon des- tinations, tinitiyak ng Malabon City Tourism Office (MCTO) ang segu- ridad ng bawa’t bisita sa pamamagitan ng kauku- lang police visibility. Mula sa gusali ng pamahalaang lungsod kung saan magsisimula ang ‘tricycle tour’, ang mga visitors ay pagma- masdan at gagabayan ng mga unipormadong pu- lis habang tinutungo ang nasabing walong desti- nasyon. Para sa mga nagnanais na maranasan ang ‘Tricy- cle Tours’, kontakin ang Tourism Office – 281-49- 99 local 1003 at hanapin si Ms. Sarah Pascual para sa proseso ng visitors’/ tourists’ request para ma- bisita ang naturang mga destinasyon. Ang ‘Tricycle Tours’ schedule ay tuwing una at pangatlong Linggo ng buwan para sa heritage tour at tuwing pangalawa at pang-apat na Linggo ng kada-buwan sa karinderia tour edition na nakatak- dang ilunsad sa Pebrero, ayon kay Ms. Pascual. Para sa karagdagang detalye hinggil sa ‘Tricycle Tours’, maaaring tawagan ang Malabon Tricycle Tour Team sa 09989654761. Ang koordinasyon para sa accredited ‘Tri- cycle Tours’ drivers ay isasagawa ng Tourism Office ng pamahalaang lungsod ng Malabon. Ang San Agustin churh sa Intramuros, StarBucks/Bayview Hotel sa Roxas Blvd, Luneta at Starbucks sa Trinoma sa Quezon City ang itinakdang ‘pick-up sites para sa mga nais maranasan ang Malabon ‘Tricycle Tours’. Tulong Pangkabuhayan sa ‘Tricycle Tour’ Drivers Nagpahayag ng paniniwala si Mayor Lenlen na sa tulong ng bawa’t Malabonian, makakamit ng proyek- tong ‘Tricycle Tours’ ang mithiing makilala ang mga kaaya-ayang lugar at masasarap na pagkain sa lungsod. May 25 tricycle dri- vers ang ‘accredited’ o pinapayagang magsa- gawa ng ‘Tricycle Tours’ project. Madaragdagan ito, depende sa dami ng mga bisita na nais du- malaw at matunghayan ang mga ipinagmamalaki ng Malabon. Sa bawa’t biyahe para ikutin ang walong Ma- labon destination, bina- bayaran ang ‘Tricycle Tour’ driver ng P400. Ito’y dagdag kita para sa mga tricycle driver, pahayag ng butihing punong lungsod. Sinabi ni Chef Melissa na bukod sa naipapakilala ang Malabon sa maga- ganda nitong katangian at tanawin, nagkakaroon pa ng dagdag kita ang mga tricycle driver dahil sa proyektong ‘Tricycle Tours’ ni Mayor Lenlen. Mithi ng butihing may- bahay ni Mayor Lenlen na sana, aniya’y maging daan ang ‘Tricycle Tours’ project tungo sa masiglang turismo sa Malabon. (Kaugnay na istorya - Karinderia tricycle Tour - basahin sa pahina 12) Concepcion Market Artes de Paseo Ibaviosa House Angel Cacnio House and Gallery Raymundo House Oreta Sports Complex San Bartolome Church Eleven-Storey Malabon City Hall

Transcript of MALABONmalabon.gov.ph/wp-content/uploads/2015/02/center-spread1.pdf · mga likha ng mga pintor ng...

Page 1: MALABONmalabon.gov.ph/wp-content/uploads/2015/02/center-spread1.pdf · mga likha ng mga pintor ng Malabonian na tinipon ng kanyang namayapang may-bahay, si Gng. Ame - lia Cacnio.

6 7OKTUBRE - DISYEMBRE 2014 OKTUBRE - DISYEMBRE 2014MALABON NEWSD I S Y E M B R E 1 5 ng nakaraang taon, nagtipon-tipon ang mga Malabonian sa harap ng makasaysayang San Bartolome Church para sa inisyal na pagsa-sakatuparan ng isang proyektong magbabalik-tanaw sa mga ipinag-mamalaki ng lungsod.

Kasama ang libu-li-bong Malabonian, kawani ng pamahalaang lungsod at piling bisita, pinangu-nahan ni Mayor Lenlen

Oreta at maybahay Chef Melissa Sison – Oreta ang paglulunsad ng Malabon ‘Tricycle Tours’.

Sakay sa mga tricycle na ‘accredited’ ng Mala-bon City Tourism Office (MCTO), nagsimulang umusad ang ‘Tricycle Tours’ bandang ala-1:00 ng hapon (Disyembre 15), patungo sa iba’t ibang destinasyon.

Ang Malabon ay likas sa mga lugar na ang mga estraktura ay napanati- ling maayos at maganda sa kabila ng paglipas ng daang taon, bukod pa sa ang lungsod ay kilala sa masasarap na pagkain na gawang Malabonian.

Sa lohikang ito ay na-buo ang matinding panini-wala ni Chef Melissa, may akda ng ‘Tricycle Tours’ project, na magi- ging future tourist end ang Malabon dahil sa well-preserved historical sites at home-grown products.

MALABON ‘TRICYCLE TOURS’ UMARANGKADA!

EIGHT (8) TOUR DESTINATIONS

Ang walong (8) lugar na ito ay maituturing na ‘yaman’ ng Malabon da-hil sa pananatili ng mga katangiang-taglay na sa kabila ng pagtanda ng mundo ay walang ipi-nagbago, bagkus lalong kumikinang habang lu-milipas ang panahon.

Pamilihan at Plaza Concepcion

(Concepcion Market)Ang pamilihan ng

Concepcion, karugtong ang Calle Concepcion ay isang sikat na lugar kung saan ang mga sa-riwang yamang-dagat, prutas, kakanin at iba pa ay mabibili. Katabi nito ang kilala rin na Plaza na dating pinagdadausan

ng mga pelikula mula sa LVN at Sampaguita Films. Noon at hanggang ngayon, ang lugar ay pi- nagdadausan pa ng iba’t ibang aktibidad.

Galeriya ng Artes de Paseo

Naitatag noong Ok-tubre 2013 ng Art As-sociation of Malabon sa pamumuno ni Augusto Santiago, Jr., layon ni-tong makapagmulat sa sining at mapanatili ang magandang kulturang

Malabonian.Sa tulong ng mag-

asawang Louie at Flor-deliz Carlos, na naglaan ng lugar para sa galeriya, inilunsad ang Inaugu-ral Exhibition noong Mayo 10, 2014. Ito ang

nagbigay-daan sa mga katuparan at programa ng asosasyon na nakatutok sa pagtatampok ng mga obra-maestro ng mga ar-tistang Malabonian sa larangan ng sining.

Ibaviosa House(Pre-war House at

Patis Malabon)Unang gawa sa kawa-

yan at pawid, ang pre-war house na ito na pag-aari ng mag-asawang Manuel Ibaviosa, Sr. at Maria Cruz Ibaviosa ay nakumple-tong itayo noong 1940s sa 2,200 metro kuwadrado na lupa dahil sa tagumpay ng pamilya na may-ari ng kilalang Malabon Pa-tis. Nalagpasan ng bahay ang digmaang Pilipinas – Hapon, at napanatili

ang masining na detalye sa loob nito na magpapa-sulyap sa nakaraan.

Angel Cacnio House and Gallery

(Vigan Mansion in Malabon)

Pag-aari ni natio- nal artist Angel Cacnio, makikita sa loob nito ang malawak na koleksyon ng kanyang mga obra-maestro, lilok ng kan-yang mga anak na sina Michael at Ferdinand, at mga likha ng mga pintor ng Malabonian na tinipon ng kanyang namayapang may-bahay, si Gng. Ame-lia Cacnio. Bilang pinuno ng Sining Tambobong, si G. Cacnio ay tumanggap ng maraming pagkilala at gantimpala bunga ng mga pamana, tulad ng disenyo ng salaping P100 at P20, at ilang baryang ginamit noong 1982 at 1983. Siya rin ang nagdibuho ng Malabon landmark sa Letre Road.

Raymundo House(1860s old mansion)Itinayo noong 1861

ng pamilya ni Ginoong Celedonio Raymundo, ang malaking bahay na ito ang unang pinaka-

malaking estraktura sa tabing-ilog ng Malabon.

Kasama sa loob ng ba-kuran ang isang malaking

daungan na laging pinag-mumulan ng prosisyon ng pagoda tuwing kapistahan ng Concepcion.

Mayroon itong isang malaking Arkong Bato kung saan nakaukit ang taon kung kailan ito ginawa at agilang may dalawang ulo. Ang dala-wang malaking kahoy na pinto ay nagpapaalala sa mga pader ng Intramuros at nag-papasilip sa maka-bagong henerasyon ng sulyap ng na-karaan.

Oreta Sports Complex

Ip ina tayo n i M a y o r C a n u t o Senen ‘Tito’ A. Oreta noong 2006 sa 2,500 metro-k u w a d r a d o n a

lupa, ang Oreta Sports Complex ay binuksan sa publiko noong 2007. Ito ay bukod tangi sa buong CAMANAVA kaya’t ipi-nagmamalaki ito ng lung-sod. Layon ng pagtatayo nito ang pagtataguyod ng palakasan para sa kapa-kinabangan ng kalusugan

ng bawa’t Malabonian. Eleven-Storey

Malabon City HallAng lab ing- isang

palapag na gusal ing pampamahalaan na ipi-natayo sa panunungku-lan ng Punong Lungsod Canuto Senen ‘Tito’ A. Oreta ay itinuturing na

pinakamataas na pam-pamahalaang gusali sa buong CAMANAVA sa panahon ng pagkakatayo nito noong Disyem-bre 2007. Pinasinayaan noong Abril 21, 2008 sa ika-7th pagka-lungsod ng Malabon, ito ay na-katindig sa 1,472 metro-kuwadradong lote. Sa tuktok nito ay masisi-layan ang mga karatig n i tong lugar, ganon din ang kinagigiliwang Manila Bay sunset sa pamamagitan ng bay-bayin ng Navotas.

San Bartolome ChurchAng simbahan na ito

na may Baroque na uri ng arkitekto na si San Bartolome ang banal na patron ay ginawa noong taong 1564, at naging isang ganap na parokya na hiwalay sa Tondo noong Mayo 17, 1614.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pamamagitan ng reso-lusyon bilang 118-2008 ay kinilala ang pinakamatan-dang lokal na simbahan na ito bilang Unang Pan-lungsod na Palatandaan.

Noong 2014, sa pag-diriwang ng ika- 400 taon ng simbahan, ang Philpost ay gumawa ng selyo na nakalagay ang larawan ng simbahan ng San Bar-tolome.

‘Tricycle Tours’ project suportado ng DoTNakiisa ang Depart-

ment of Tourism (DOT) sa ginawang paglulunsad ng proyekto. Ipinadala ni DOT Sec. Ramon Jiminez ang isang opisyal ng ka-gawaran bilang kanyang representante sa launch ng ‘Tricycle Tours’.

Katunayan, kasama na ang Malabon sa listahan ng mga lugar na inir-erekomenda ng DOT sa kanilang mga anunsyo sa ‘Visit Philippines 2015’.

Para masiguro na mawiwili ang mga nag-babalak mamasyal sa naturang Malabon des-tinations, tinitiyak ng Malabon City Tourism Office (MCTO) ang segu-ridad ng bawa’t bisita sa

pamamagitan ng kauku-lang police visibility.

Mula sa gusali ng pamahalaang lungsod kung saan magsisimula ang ‘tricycle tour’, ang

mga visitors ay pagma-masdan at gagabayan ng

mga unipormadong pu-lis habang tinutungo ang nasabing walong desti-nasyon.

Para sa mga nagnanais na maranasan ang ‘Tricy-cle Tours’, kontakin ang Tourism Office – 281-49-99 local 1003 at hanapin si Ms. Sarah Pascual para sa proseso ng visitors’/tourists’ request para ma-bisita ang naturang mga destinasyon.

Ang ‘Tricycle Tours’ schedule ay tuwing una at pangatlong Linggo ng buwan para sa heritage tour at tuwing pangalawa at pang-apat na Linggo ng kada-buwan sa karinderia tour edition na nakatak-dang ilunsad sa Pebrero, ayon kay Ms. Pascual.

Para sa karagdagang detalye hinggil sa ‘Tricycle Tours’, maaaring tawagan ang Malabon Tricycle Tour Team sa 09989654761.

Ang koordinasyon para sa accredited ‘Tri-

cycle Tours’ drivers ay isasagawa ng Tourism Office ng pamahalaang lungsod ng Malabon.

Ang San Agustin churh sa Intramuros, S tarBucks /Bayview Hotel sa Roxas Blvd, Luneta at Starbucks sa Trinoma sa Quezon City ang itinakdang ‘pick-up sites para sa mga nais maranasan ang Malabon ‘Tricycle Tours’.

Tulong Pangkabuhayan sa

‘Tricycle Tour’ Drivers

N a g p a h a y a g n g paniniwala si Mayor Lenlen na sa tulong ng bawa’t Malabonian, makakamit ng proyek-tong ‘Tricycle Tours’ ang mithiing makilala ang mga kaaya-ayang lugar at masasarap na pagkain sa lungsod.

May 25 tricycle dri-vers ang ‘accredited’ o pinapayagang magsa-gawa ng ‘Tricycle Tours’ project. Madaragdagan

ito, depende sa dami ng mga bisita na nais du-malaw at matunghayan ang mga ipinagmamalaki ng Malabon.

Sa bawa’t biyahe para ikutin ang walong Ma-labon destination, bina-bayaran ang ‘Tricycle Tour’ driver ng P400. Ito’y dagdag kita para sa mga tricycle driver, pahayag ng butihing punong lungsod.

Sinabi ni Chef Melissa na bukod sa naipapakilala ang Malabon sa maga-ganda nitong katangian at tanawin, nagkakaroon pa ng dagdag kita ang mga tricycle driver dahil sa proyektong ‘Tricycle Tours’ ni Mayor Lenlen.

Mithi ng butihing may-bahay ni Mayor Lenlen na sana, aniya’y maging daan ang ‘Tricycle Tours’ project tungo sa masiglang turismo sa Malabon.

(Kaugnay na istorya - Karinderia tricycle Tour - basahin sa pahina 12)

Concepcion Market

Artes de Paseo

Ibaviosa House

Angel Cacnio House and Gallery

Raymundo House

Oreta Sports Complex

San Bartolome Church

Eleven-Storey Malabon City Hall

Page 2: MALABONmalabon.gov.ph/wp-content/uploads/2015/02/center-spread1.pdf · mga likha ng mga pintor ng Malabonian na tinipon ng kanyang namayapang may-bahay, si Gng. Ame - lia Cacnio.