Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict
Level 1-Lesson 1 1-Lesson 1 ANG SALA… · -Ang SALAH ay tumatayo bilang haligi ng bahay o...
Transcript of Level 1-Lesson 1 1-Lesson 1 ANG SALA… · -Ang SALAH ay tumatayo bilang haligi ng bahay o...
Level 1-Lesson 2
ANG “SALAH” (pagdarasal)
1
Ni Bro. Abdul Khabir " عبد الخبير" Benilan
[Surah Al-Hajj (22):77]
Ano ang SALAH?
➢ Ang SALAH ay pangalawang haligi sa pananampalatayang
ISLAM.
➢ Ito ay ugnayan ng isang alipin sa kanyang Rabb
(Panginoon) na tagapaglikha, Allah (subhanahu wa ta’ala).
➢Ang SALAH isang uri o espesyal na pagsamba o pagdarasal
na binubuo ng mga espesyal na KILOS AT SALITA na
nagsimula sa “Takbir” (salitang “ALLAHU AKBAR”) at
nagtatapos sa “Taslim” (salitang “as-salamu ‘alaykum wa
Rahmatullah...”2
Mga paggalang sa mga Propeta, Anghel at
kasamahan ng Propeta Muhammad (saws)
Abbreviation:
SWT Subhanahu wa ta’ala (ang pagluwalhati ay sa Allah ang
kataas-taasan)
SAWS Salallahu alaihi wa sallam (sumakanya nawa ang
kapayapaan, ang habag at pagpapala ng Allah)
AS Alayhi Salam (sumakanya nawa ang kapayaapaan [naunang
propeta ang tinutukoy at mga anghel. e.g Isa, Ibrahim,
Angel Jibril (as)
RA Radiyalahu Anhu (lalaki), Anha (babae), Anhum (sila)
[kalugdan nawa siya/sila ng Allah] 1
Dalil (Reference, Proof o batayan):
Sinabi ng Allah sa banal na Qur’an:
“Katotohanan, ang Allah at ang Kanyang mga anghel ay naggawad ng salaat (o
pagpapala) sa Propeta [Muhammad]. O kayong mga naniwala inyong hingin (sa
Allah na igawad) ang pagpapala sa kanya at hingin [sa Allah na igawad sa
kanya] ang Kapayaapaan.” (Qur’an 33:56 [surah Al Ahzab])
at katotohanan, yaong mga umalipusta sa Allah at sa Kanyang Sugo –sila ay
isinumpa ng Allah sa mundong ito at sa kabilang buhay at inihanda para sa
kanila ang isang kahiya-hiyang parusa. (Qur’an 33:57 [surah Al Ahzab])
Ang Propeta Muhammad ay nagsabi::
"Ang pinakamalapit sa akin sa Araw ng Paghuhukom ay yaong lagi nang
nagsasabi ng 'salallahu alaihi wasallam' (sa tuwing nababanggit ang aking
pangalan)."[At-Tirmidhi]1
Level 1-Lesson 2
ANG
KAHALAGAHAN NG
“SALAH”Ni Bro. Abdul Khabir " عبد الخبير" Benilan
5
1st
Ang SALAH ay isang TUNGKULING Obligado (wajid) o
obligasyon para sa isang Muslim (mananampalataya)
Ito ang pinaka PUNDASYON at nasa pinakamataas ng
katayuan sa lahat ng pagsamba sa Allah (subhaanah wa
ta’aala) ang dakilang tagapaglikha.
Ang SALAH ay siyang paganap o pagsabuhay sa dahilan o
purpose ng pagkalikha sa atin (Jinn at Tao)
1
Ang Allah ay nag-uutos ng SALAH sa lahat ng kalagayan;
maging siya ay isang MANLALAKBAY, NANATILI SA
KANYANG LUGAR (kapayapaan o nasa digmaan), maging
nasa KALAGAYAN NG KALUSUGAN O KARAMDAMAN
ayon sa abot ng kanyang kakayanan:
Sinabi ng Allah :
“Pangalagaan ninyo ng mabuti ang [obligadong Salah] [ang
limang takdang salah sa araw-araw] [Surah Al-Baqara
(2):238] "Hafidhu 'alas salawati...."
ANG SALAH AY ISANG TUNGKULING OBLIGADO (WAJID) O
OBLIGASYON PARA SA ISANG MUSLIM (MANANAMPALATAYA)
Ito ang pinaka PUNDASYON at nasa PINAKAMATAAS NA KATAYUAN sa
lahat ng pagsamba sa Allah (subhaanah wa ta’aala) ang dakilang
tagapaglikha.
Sinabi ni Propeta Muhammad :
“Itinayo ang Islam batay sa LIMA HALIGI: ang pagsaksi ng walang
ibang Diyos maliban sa Allah at si Muhammad ay sugo ng Allah, at ang
magsagawa ng SALAH…. (Sahih Bukhari: 8 – Muslim 16)
-Ang SALAH ay tumatayo bilang haligi ng bahay o pundasyon ng isang
building na siyang inaasahan nito upang manitiling nakatayo at
matatag.
Ang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
“Katotohanan, ang SALAH ay pumipigil sa tao sa pagawa ng mga
masasama at sa mga pagsuway” (Alkaboot (29):45)1
Sinabi ng Allah sa banal na Qur’an:
“At hindi ko nilikha ang JINN AT TAO maliban upang sila ay sumamba lamang sa akin
(tanging sa akin lamang) [Surah Adh-Dhariyat (51):56]
Sinabi pa ng Alalh :
“At katiyakan, aming ipinadala sa bawat nasyon ang isang sugo na nag-aanyayang
sambahin ang Allah (tanging siya) at iwasan ang pagsamba sa mga diyos-diyosan o
huwad na diyos” (Qur’an 16:36)
Sinabi pa ng Alalh :
“Innas salaata tanha ‘anil fahshaa wa almunkar”
“Katotohanan, ang Salah (pagdarasal) ay nakapipigil sa paggawa ng (lahat ng) mga
kahiya-hiya at masamang gawa” (Surah al-’Ankabut (29):45
1
ANG SALAH AY SIYANG PAGANAP O PAGSABUHAY SA DAHILAN O
PURPOSE NG PAGKALIKHA SA ATIN (JINN AT TAO)
1
“Ya ayyuhan naaso a’budoo rabbakumul lathee
khalaqakum walladheena min qablikum la
‘allakum tattaqoon” (Surah Al-Baqara (2):21)
Ang ibig sabihin:
“O sangkatauhan, sambahin ninyo ang inyong Panginoon na
Siyang lumikha sa inyo at sa mga nauna sa inyo upang sakali
kayo ay [matutong] matakot [sa Kanya]”
Sinabi pa ng Allah sa Banal na Qur’an:
Ang Salah ang unang sisiyasatin,
bibilangin at susulitin ng isang alipin
(tao/jinn) sa araw ng paghuhukom.
2nd
Kaya kung ito man ay naging mabuti at tinanggap mula sa
kanya, ang lahat ng kanyang gawain ay tatanggapin sa
kanya, ngunit kung ito ay tinanggihan sa kanya ang
nalalabing mga gawain ay tatanggihan din.
Sinabi ni Propeta :
“ang kauna-unahang susuriin [sisiyasatin at susulitin] sa isang
alipin sa araw ng pagbangong muli ay ang SALAH, kaya kung
ito man ay naging mabuti, mapabuti rin ang lahat ng kanyang
gawain, datapuwa’t kung ito ay nawalan ng saysay,
mawawalan din ng saysay ang lahat ng kanyang mga
nalalabing Gawain (al-Mu’jam al-Awsat Lit Tabarani:1859 & Tirmidhi)1
Sinabi pa ni Propeta Muhammad :
“Ang unang huhusgahan sa tao sa Araw ng
Paghuhukom ay ang kanyang SALAH. Kung
ito’y kanyang ginagampanan ng mahusay,
siya ay magtatagumpay. Subali’t kung hindi
niya ito naisagawa, siya ay mapapahamak”
(Tirmidhi)
1
ANG SALAH – SAKSI SA ARAW NG PAGHUHUKOM
1
Sinabi pa ni Propeta Muhammad :
“Sinoman ang palagiang nagsasagawa ng Salah, ang kanyang mukha ay
magliliwanag, ito ang saksi sa katatagan ng kanyang pananampalataya, ito ang
dahilan ng kanyang kaligtasan sa Araw ng Paghuhukom. At sinoman ang
magpabaya na kanyang Salah, hindi niya makakamit ang liwanag o ang katatagan
ng pananampalataya o ang daan ng kaligtasan. At ang kasamahan niya ay sina
Paraon, Haman at Qaroon at si Ubay bin Kalaf. (Sahih Bukhari)
Dahil ang kamatayan ng tao ay dumarating sa anumang takdang
panahon na parang magnanakaw,
Si Propeta Muhammad nagbigay aral sa lahat:
“Ituring ang inyong pagsa-SALAH bilang inyong huling SALAH (Ibn Majah & Ahmad)
Ang SALAH ay siyang maglinis ng
ating mga nagawang kasalanan.
rd
Mga parti ng katawan ng siyang pinagmulan
upang makagawa ng kasalanan:
1.MATA
2.BIBIG O DILA
3.TAINGA
4.KAMAY
5.PAA
1
Dalil:
Naiulat mula kay Abu Hurayrah (Raa), na Sinabi ni PropetaMuhammad :
“Kapag nagsagawa ng Wudu ang isang lingkod na Muslim oMananampalataya at hinugasan niya ang kanyang mukha, lumabasmula sa kanyang mukha ang lahat ng kasalanan na nakita ngdalawang mata niya kasabay ng tubig, o kasabay ng pinakahulingpatak ng tubig. At kapag hinugasan niya ang kanyang dalawangkamay, lumabas mula sa kanyang mga kamay ang lahat ngkasalanan na naabot ng dalawang kamay niya kasabay ng tubig okasabay ng pinakahuling patak ng tubig, at kapag hinugasan niyaang kanyang dalawang paa, lumabas mula sa dalawang paa niyaang lahat ng kasalanan ng nalakaran ng dalawang paa niya,kasabay ng tubig o kasabay ng pinakahuling patak ng tubig,hanggang sa siya ay lalabas nang dalisay sa kalinisan mula sa mgakasalanan. (Sahih Muslim)
1
Sinabi pa ng Propeta Muhammad :
“Ang sinumang Muslim na ginagampanan ang SALAH ng dahil sa Allah, angkanyang mga kasalanan ay nalalaglag katulad ng mga dahon na nalalaglagmula sa sanga ng punong kahoy.” (Ahmad)
Sinabi pa ni Propeta Muhammad :
“Sabihin mo sa akin, kung may isang Ilog sa tabi ng pintuan ng inyongbahay at doon kayo maghuhugas o maliligo ng limang ulit maghaponmayron pa kayang matitirang dumi sa iyong katawan? Ng marining ng sugona may nagsasabing “walang matitira” siya ay nagsabi muli na “Iyan aykatulad ng LIMANG ULIT na pagsasagawa ng SALAH na kung saan tinanggalng ALLAH ang mga kasalanan.” (Sahih Bukhari & Muslim)
Ang sinabi pa ni Propeta Muhamamd :
“Ang limang takdang Salah at ang mga salah sa pagitan ng dalawangJumu’ah ay nagpapawalang Salah, hanggat siya ay hindi nakagawa ng mgamalaking kasalanan
(Muslim 233 & at-Tirmidhi 214)
Ang GANTIMPALA [ajar] para sa
nagsabuhay ng SALAH ay
JANNAH [Paraiso]
4th
Ang sinabi ng Allah :
“At yaong sila sa kanilang pagsa-SALAH ay
nagpapahalaga,….ang mga yaon sa mga Hardin
(Paraiso) ay pinararangalan”[Al-Ma’aarij(70):34-35]
1
Sinabi ni Propeta na sinabi ng Allah na ang 5 beses na SALAH
katumbas ng 50 beses na kung saan ito’y inutos sa kanya para sa
kanyang mga Ummah, noong siya ay umakyat sa kalangitan kasama ni
Anghel Jibril (Al Miraj) [Ahmad at Tirmidhi]
Ang SALAH bilang pagkain ng
Kaluluwa
5th
Sinabi ng mga mga ulama na ang katawan ng tao ay nahati sa
dalawang bahagi:
PISIKAL na bahagi – pinapakain sa pamamagitan ng kanin, tubig
o karne upang maging malusog ito.
ESPIRITUAL na bahagi – ay nangangailangan din ng pagkain
upang manatiling malusog at malayo sa sakit ng pagkakasala,
ang pagkain nito ay ang SALAH.
Ang dalawang bahaging ito ay babalik sa lumikha sa araw ng
paghuhukom upang titimbangin ang kanyang mga nagawa mabuti
o masama.
1
Ang hatol doon sa mga tao na
lumisan o tumalikod sa SALAH
6th
PAGITAN NG MGA MUSLIM AT KAWALAN NG PANANAMPALATAYA
Sinabi ni Propeta Muhammad :
“Katotohanan, ang pagitan ng isang tao at ng Shirk (pagtatambal) at ng
kawalan ng paniniwala ay ang pagtalikod sa Salah”
“ جل بين " رك وبين الر لاة ترك والكفر الش الص “Barnar rajuli wabaynar shirki wal
kufri tarkus salaati” (Sahih Muslim hadith 82)
At Sinabi pa ni Propeta Muhammad :
“Ang kasunduan ng namamagitan sa amin/atin (mga Muslim) at sa kanila
(mga di-Muslim) ay ang Salah, kaya sinuman ang lumisan nito, tunay na
siya ay tumalikod sa paniniwala”
“ يالعهد " وبينهم بينناالذ ."ر كف فقد تركهافمن الصلاة
“Al ‘ahdul ladhee “baynanaa wa baynahumus salaatu faman tarakahaa
faqad karara” [Sunan Ibn Majah (vol. 1, book 5 hadith 1079] 1
Sinabi pa ni Propeta Muhammad :
“……sinoman ang magpabaya na kanyang Salah, hindi
niya makakamit ang liwanag o ang katatagan ng
pananampalataya o ang daan ng kaligtasan. At ang
kasamahan niya ay sina Paraon, Haman at Qaroon at
si Ubay bin Kalaf. (Sahih Bukhari)
1
SUMMARYTatlong kapakinabangan kung bakit natin magdasal o magsagawa ng
SALAH:
1
1. Ang magpasalamat sa lahat ng biyaya na ating nakamtan
dito pa lamang sa mundo.
E.g: Ating mga Anak, Ating Trabaho, Ating kalusugan, at
hangin, araw, buwan at marami pang iba.
2. Ang himingi ng biyaya (dito sa mundo at sa kabilang
buhay)
3. Ang humingi ng kapatawaran sa ating nagawang
kasalanan.
1
ANG SALAH SA TAKDANG ORAS NITO (PRAY ON TIME)
-Ang obligadong Salah (5x a day) ay nararapat na isagawa sa itinakdang
oras nito. Ito ay hindi pinahintulutang lisanin kung walang katanggap-
tanggap na dahilan.
Ang Allah ay nagsabi sa banal na Qur’an:
“…..katotohanan, ang pagdarasal (salah) ay isang tungkulin na itinagubilin para sa
mga naniniwala sa mga itinakdang oras nito.” (Qur’an 4:103)
لوةان " قوتاكتباالمؤمنينعلىكانت الص و "م “Innas salaata kaanat aalal muwmineena kitabam mawqootan”
At ayon sa ulat nit Abdullah bin Mas’ud (RA): “Tinanong ko ang Propeta Muhammad kung
anong gawain ang pinakamamahal sa Allah,
-siya ay sumagot, ang PAGSAGAWA NG SALAH SA ITINAKDANG ORAS NITO.-Ang pagiging Mabuti at magalang sa mga Magulang.
-at sumali sa Jihad (Sahih Bukhari Vol. 1 hadith 505)
27
ANG PAG-IWAN SA SALAH✓ Ang limang beses na Salah sa loob ng isang araw ay WAJIB o obligado kaya, ang pag-iwan nito ay
PAGKAKASALA.
✓ Kung nakalimot, ay nararapat na isagawa agad kapag NAALALA o di kaya’y nakatulog isagawa
agad PAGKAGISING (Bukhari 1:571 OB)
✓ Ang pagsasagawa ng naiwang salah (QADA) ay dapat panatilihin ang pagka sunod-sunod nito.
Kaya, sinabi ng Allah :
Fattaqollaha ma istata’tum wasma’o wa-ate’u wa anfiqoo khayran li-anfusikum waman yoqa
shuhha nafsihi fa-olaa-ika humul muflihoon”
“Kaya inyong katakutan ang Allah sa abot ng inyong makakaya, makinig kayo at sumunod
kayo, at gumugol kayo [para sa landas ng Allah]; ito ay higit na mabuti para sa inyong mga
sarili, sinuman ang pinangalaagaan mula sa karumihan ng kaluluwa – sila yaong mga
magsitagumpay. (Qur’an 64:16)
At Sinabi ni Propeta Muhammad :
“Kapag may ipinag-utos ako sa inyo, gawin ninyo sa abot na inyong makakaya”28
29
Limang (5) Obligadong salah
Dhuhr
30
MGA BILANG NG RAKA’AT SA BAWAT SALAHANG DASAL SUNNAH
(Nawafil)
(BAGO)
OBLIGADO
(WAJIB)
SUNNAH
(Nawafil)
(PAGKATAPOS)
ORAS NG SALAH
FAJR 2 (Mu’akkada) 2 na rak’a - Madaling Araw
DHUHR 2 + 2 4 2 Tanghali
ASR - 4 - Hapon
MAGRIBH - 3 2 Paglubog ng Araw
ISHA - 4 2 Gabi
Salatul JUMU’AH
(Friday Prayer)2 2 2 Tanghali ng Friday
WITR 1,3 or 5
(gansal o di paris)
(Sunnah Mu’akkadah) Gawin pagkatapos
ng Fard at Sunnah ng ISHA bago dumating
ang salatul Fajr (Musafir o Muqim)1
HUKOM NITO (5X DAY NA SALAH)
WAJIB (Oligado)
PAGKAKASALA ang pag-iwan nito.
Mga Dasal: Rakaa : Mga oras nito:
Fajr 2 Madaling araw
(Bukang liwayway)
Dhuhr 4 Tanghali
Aser 4 Hapon
Magrib 3 Takip silim (sunset)
Isha 4 Gabi
Buong ISANG
RAKA’A (UNIT)❖Pagharap sa qibla
❖Pagtayo
❖Pagyuko
❖Pagtayo
❖Pagsujod
❖Pag-upo
❖Pagsujod
ANG RAKA’AH ay isangkumplitong tayuan sapagdarasal.
1
Sunnah “RATIBAH”
Ka nais-nais para sa bawat Muslim at Muslimah na
panatilihin ang pagsasagawa ng 12 Rak’ah na Sunnah
Raatiba, maliban kung naglalakbay.
Ang sabi ni Propeta Muhammad :
“Ang Sinumang magsagawa ng (12) labindalawang
Rak’ah sa kanyang araw at gabi bilang pagkukusang-
loob ipagtayo siya ng Allah (swt) ng bahay sa Paraiso.”
(Sahih Bukhari)1
Ang mga kundisyon ng SALAH:
Pagkakaroon ng “Niyah” (Intention)
Pagsasagawa ng Tahara “WUDU / GHUSL / TAYAMMUM”
Ang pag-alis ng “Najasah” maruruming bagay na dumikit sa
katawan.
Ang maayos na pagtatakip ng Awra
Pagsasagawa sa itinakdang oras nito (Qur’an 4:103)
Pagharap sa Quiblah (Masjid al-haram sa Makkah)
Siya ay Muslim
May sapat na pag-iisip
Nasa tamang gulang1
ANG KASU-UTAN SA SALAHSA MGA KALALAKIHAN:
➢ Takpan ang bahagi ng katawan mula PUSOD HANGGANG TUHOD. (Dar-
ul-qutni)
[pagtakip sa “Awrah” {Al-A’raf(7):26].
(kapag naka pantalon labas ang likod kapag naka sujod at pagsuot ng
shortpant)
➢ Kailangan din na mayroong takip ang mga balikat.
➢ Ang pagkaladkad sa damit at paglaylay nito na lagpas sa ibabang bahagi
ng mga bukung-bukong para sa kalalakihan. [Bukhari: 3465 & Muslim:
2085]
➢ Pagsuot ng SEDA (kasu-utang pambabae sa lalaki at kasuutang
panlalaki sa babae) [Al-Bukhari: 5546]
➢ Huwag magsuot ng damit na merong larawan ng may buhay (Tao at
Hayop) 1
1
Sinabi ng Allah sa Banal na Qur’an:
“O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng palamuti [maayos na damit sa pagtungo sa
bawat Masjid….” [Qur’an, Al-A’raf (7):31]
SA MGA KABABAIHAN:
➢ Ayon sa (IJMA-pinagkasunduan ng mga Ulamah) Kailangan natatakpan ang
katawan ng Babae mula ULO HANGGANG SA PAA, maliban sa Mukha at kamay.
➢ Hindi katanggap-tanngap ang SALAH kapag ang suot na damit ay manipis at
naaaninag ang katawan.
➢ Dapat din na iwasan ang masikip na kasu-utan na nagpapakita ng hubog ng
katawan.
1
Saan pwiding humarap ang isang Muslim kapag nagsagawa ng SALAH?
ay ang direksiyon na kung saan humaharap ang mga Muslim tuwing
nagdarasal (Salah). Ito ay ang direksiyong padako sa Masjid Al Haram
sa banal na Lupain ng Makkah sa bansang Saudi Arabia.
QUIBLAH (Ka`bah’)
Sinabing ng Allah :
“Katotohanan! Aming nakita (Muhammad) ang paglingon ng iyong mukha sa
langit. Tiyak na tiyak, ikaw ay Aming pipihitin sa direksiyon para sa
pagdarasal. Iyon ay magutustuhan mo, iharap ang iyong mukha sa direksiyon
ng Al-Masjid Al Haram (sa Makkah). At kahit saan man kayo naroroon, O
kayong mga Muslim, at nais ninyong magsagawa ng ‘Salâh,’ ay humarap kayo
rito.” (Al-Baqarah 2:143-144)
Bakit kailangangang sa Ka’bah haharap?
1
KA’ABAH (Quiblah) SA MAKKAH1
MGA LUGAR NA DI MAARING PAGDARAUSAN NG SALAH:
1. Sementeryo
2. Palikuran
3. Sa mga daanan ng sasakyan
4. Sa mga kulungan ng hayop
5. Palingki
6. Sa mga lugar na marurumi kasama na rito, ang Bahay aliwan, Bar at Sugalan.
1
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Ang lugar na pinakamamahal ng Allah (swt) ay
ang MASJID at ang lugar na kinasusuklaman
ng Allah (swt) ay ang PAMILIHAN o
PALENGKE.”
1
1
PAGSAGAWA NG DASAL
(SALAH)
[How to Perform Prayer]
Level 1-Lesson 3
Ni Bro. Abdul Khabir “Allan” Benilan
Ang Pagpapatirapa sa Pagsamba sa Allah
Sinabi na Allah sa Banal na Qur’an:
“O kayong mga mananampalataya, kayo ay MAGSIPAGYUKO AT
MAGSIPATIRAPA, at inyong sambahin ang inyong (Rabb)
Panginoon at kayo ay magsigawa ng kabutihan – upang kayo ay
magsipagtagumpay”. (Qur’an, Surah Al-Hajj (22):77
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Isagawa ninyo ang SALAH kung paano ninyo ako
nakitang isinagawa ito” (Sahih Bukhari Volume 9, Book 91,
Hadith no. 352)1
1
Kapag nagtawag na ng Iqamat at sinabi ng IMAN na STAWO, ISTAKIMOO, ITADILOO….
Ayusin agad ang Linya
Huwag mag-iwan ng PUWANG sa pagitan ng dalawang Ma’mum gaya
ng nasa larawan sa ibaba.
Paalala:Ang halaga ng lahat ng gawain o Ibadah (pagsamba) ay
nakabatay sa layunin (intinsyon).
Sinabi ni Propeta Muhammad :
“Innamal a’malu bin-niyyat”
“Ang halaga ng gawa ay nakabatay sa layunin” (Hadith-1, sa 40 hadith
nawawihyyah)
Datapuwat, ang SALAH ay isang pinakamalaking pagsamba sa
Allah subhaanahu wa ta’aala kaya kailangan ito ng “NIYAH” o
intensyon bago isagawa.
1.
Pagbigkas ng: “ALLAAHU AKBAR”
(Takbiratul Ihram [unang takbeer]-pambukas ng salah
Isunod ang: DU’A AL-ISTIFTAH
“Subhanaka Allahumma wa Binamdika wa TabaarakIsmuka wa ta’aala
Jadduka wa laa ilaha Ghayruka”
وتبارك اسمك، و تعالى جدك، ولا إله غيركسبحانك اللهم و بحمدك،
الله اكبر
Note:Pagkatapos nito sundan ito
natatanging kabanata o talata sa Banal
na Qur’an
ALHAMDULILLÀHI RABBIL ‘ÀLAMEEN
ARRAHMANIR RAHEEM
MÀLIKI YAWMID-DEEN
IYYÀKA NA’BUDU WA ‘IYYÀKA NASTA’EEN
IHDINAS SIRÀTAL MUSTAQEEM
SIRÀTAL LADHEENA ‘AN’AMTA ‘ALAYHIM
GHAYRIL MAGHDOOBI ‘ALAYHIM WA LAD DÀL LEEN.
أعوذ بالله من الشيطان الرجيم
"Bismillahir rahmanir raheem."
بسم الله الرحمن الرحيم
"A‘oodhu billahi minash shaytanir rajeem."SURAH AL-FATIHA (Pambungad na dasal)
Isunod bigkasin ang Du’a ISTA-AADHA:
2.Pagbigkas ng: “SUBHAANA RABBIYAL ‘ADHIM”
Dito nakatingin na kung saan pinagpapatirapahan
ي العظـيم سبـحان رب ـ
3.
Say: “SAMI ‘ALLAHU LIMAN HAMIDAH”
Say: “RABBANA WA LAKAL HAMD”
Note: ito’y binangbanggit ng IMAM or nagsasalah
ng mag-isa
ـده ـع الله لمـن حم سم
ربنـا ولك الحمـد حمـدا كثـيرا طي ـبا مـباركا فيه
4Say: “SUBHAANA RABBIYAL A’LAA”
Dalawang TUHOD
Dalawang PAA
NOTE:
Ang walong (8) parti ng katawan ay dapat nakadikit sa
Lupa o sahig:
NOO
ILONG
Dalawang KAMAY
ي ــ سبـحان رب ـ اأ
Say: “RabbighFirli, Warhamni, Wajburni, Wahdini, Warzaqnee, Wa’afini”
5. اغفـر لي نـي ، واجبرنـي ، وافنـي وارزقنـي وارفعـني،رب الـ هـم اغفـر لي ، وارحمـني ، واهد
6.
Pagbigkas ng: “SUBHAANA RABBIYAL A’LÁ”
Tayo para sa pangalawang Rakah (QUIYAM)
7.
Say: “ATTAHIYAATU LILLAHI WA
SALAWAATU WA TAYYIBAATU,
ASSALAAMU ALAIKA AYYUHAAN
NABBIYYU WA RAHMATULLAHI WA
BARAKAATUH ASALAMU ‘ALAINAA
WA’ALAA ‘IBAADILLAHIS SAALIHIN
ASH HADU ANLA ILAHA ILLALLLAH
WA ASH HADU ANNA MUHAMMADAN
ABDUHU WA RASULUH”
ات ي ـ ـ لل التح والطي ـباتـوات والص
نبـي الأيهـاـيـك السلام ،
السلام ،وبركـاتهالله ورحمـة
ــ ـيـنا بـاد و ـالحـينالك ص
وأشـهد ،اللهإلا إلـه لاأن أشـهد .
ـدا أن سـولهور بـده محم
ي ــ سبـحان رب ـ اأ
Say: “ALLAHUMMA SALLI ’ALÁ
MUHAMMAD WA’ALA ÁLI MUHAMMAD
KAMAA SALLAYTA ’ALÁ IBRAAHIM WA
’ALÁ ÁLI IBRAAHIM FIL ALAMIN INNAKA
HAMIDUM MAJID
ALLUHUMMA BAARIK ‘ALÁ
MUHAMMAD WA ‘ALÁ ÁLI MUHAMMAD
KAMAA BAARAKTA ‘ALA IBRAAHIM
WA ’ALÁ ÁLI IBRAAHIM FIL ALAMIN
INNAKA HAMIDUM MAJID
8.
ـد،م ــ صل الـ هـم حم
ــ د،آل و كمـامحم
ــ ــىإبراهـيم صـيـت و
مجـيدد حمـيإنك إبراهـيم،آل
ك الـ هـم ، ـد،م ــ بار حم
ــ ـد،آل و كمـامحم
كت ــ و ــىإبراهـيم بار
مجـيدد حمـيإنك إبراهيم،آل
9.Say: 1. “ASSALAMU ‘ALAYKUM WA RAHMATULLAH” (tumingin sa kanang balikat)
2. “ASSALAMU ‘ALAYKUM WA RAHMATULLAH” (tumingin sa kaliwang balikat)
السلام ـيكم ورحمة الله
1
Ang mga nakakasira ng SALAH (nakakabawas ng gantimpala) :
1) Ang maraming sunod-sunod sa paggalaw na hindi kailangan.
2) Ang sinasadyang pakikipag-unahan sa Imam.
3) Ang pagsasalita habang nag-uumpisa na ang SIRMON NG IMAM tuwing
Salatul Jumu’ah o dasal sa araw ng Biyernes.
4) Ang pagsasalita ng kahit kaunti lamang sa bawat salah.
5) Ang paglihis ng buong katawan sa pagkakaharap sa Quiblah.
6) Ang pag-utot (malakas at mabaho) o paglabas sa katawan ng anumang
bagay na nakakasira ng WUDU O GHUSL.
7) Ang pagtawa kahit kaunti lamang.
8) Ang sinasadyang pagpapalabis sa bilang ng pagyukod o pagtayo o
pagpapatirapa o pag-upo.1
Ang mga hindi kanais-nais (kinamumuhian) sa Salah:
Ang pagtaas ng dalawang mata sa langit o pagpikit nito, oang pagtingin sa iyong paligid (Bukhari vol. 1 hadith 717)
Ang paggalaw ng hindi naman talagang kailangan.
Ang pagpigil sa pag-ihi o pagdumi (mawalan ng Kushu).
Kapag ang pagkain ay naihanda at handa ng kainin, dapatkumain muna bago magdarasal (mawalan ng Kushu).
Ang pagsa-Salah sa mga lugar na mayroong mga Rebulto olalawan.
Ang pagsuot ng damit na merong larawan ng may buhay(Tao at Hayop) 1
1
Sunah ratiba 12 rakaa (sa loob ng isang araw)
Salatul Witr (Sunnah Mu’akkada)
Sunnah 2 before & 2 after ng Jumu’ah prayer
Sunna sa bawat pagitan ng adhan at iqamat
Sunna after wudu (sunnatul wudu)
atTahiyyatul Masjid (Kapag papasuk ng masjid)
Salatul duha (10 to 20 mins after sunrise)
Salatul Istisqa (upang humingi ng ulan)
Salatul Khusuf (kapag may eclipse)
Salatul Istikhara (upang humingi ng gabay)
Salatul Tarawih (gabi sa buwan ng Ramadan)
Salatul Jannasa (Dasala para sa namatay)
Salatul Eid (Eidul Fitr & Adha)
Salatul Layl eg: Tahajjud (After ng Ishabago ang Fajar)
At iba pa…
Mga Salah na hindi WAJIB o Sunnah (nafila) prayer
Si Abu Huraira (RA) ay nagsabi: “Ang aking “Khalil” (kaibigan) salallahu alayhi wa sallam ay
nagpayo sa akin na panatilihin ang tatlong bagay at huwag iwanan hanggang sa aking
kamatayan;
1. Ang boluntaryong PAG-AAYUNO (SAWM) ng tatlong araw sa bawat buwan (lunar month).
2. Ang pagsasagawa ng salah “SALATUL DUHA”
3. Ang pagsasagawa ng “WITR” bago matulog. (Sahih Bukhari & Muslim)58
Sunnah Mu’akkadah (hindi ng iniwan ng Rasulullah )
Ito ay Sunnah prayer nawafil na hindi iniwang ni Propeta
Muhammad (saws) maging siya ay naglalakbay (musafir).
2 Raka’at bago ang Fajar (Fard)
WITR (Pagkatapos ng Isha bago mag Fajar at ito ay
pansaradong salah sa gabi.
Si Aisha (RA) ay nagsalaysay na sinabi ni Propeta Muhammad :
“Ang dalawang Rak’ah bago ang Fajr ay higit na mabuti kay sa Mundo
at nilalaman nito” At-Tirmidhi vol. 1 hadith 416 عاشةقالت ن ن يمافيها: قالرس: رخي رمنالد عتاال فج رك
عاشةقالت رخي رمن: قالرسوالله: عن عتاال فج ن ياومافيهارك الد1
Mas Mainan na sa Bahay isagawa ang ilang nawafil (sunnah)
prayer o boluntaryong salah.
Si Abdullah bin Shaqiq (RA) ay nagsabi: “Tinanong ko si Aisha (RA) tungkol sa Nawafil
(kusang-loob) na pagdarasal ng Propeta Muhammad at siya ay sumagot: “bago
ang Dhuhr, siya ay nagsagawa ng 4 raka'at (2+2) sa kanyang bahay, at pagkatapos
ay lumabas upang pamunuan ang mga tao sa Salah, at pagkatapos pumasok siya
sa bahay at nagsagawa ng 2 Raka’ah. Pagkatapos ay pinamumunuan niya ang
mga tao sa Maghrib na dasal, at pagkatapos ay nagsagawa siya ng 2 raka'at
pagkapasuk sa bahay. Pagkatapos siya ay namumuno sa mga tao sa salah sa
Isha at pagkatapos ay nagsagawa siya ng 2 raka'at pagkapasuk sa aming bahay.
At nagsasagawa rin siya ng 9 raka'at sa gabi, kabilang ang Witr. Sa gabi siya ay
nanalangin ng mahabang oras na nakatayo at isang mahabang oras na nakaupo; at
kapag siya ay bumibigkas ng Qur'an habang nakatayo, siya ay nagpatirapa mula sa
pagkatayo na posisyon At kapag siya ay dumadalit habang nakaupo, siya ay
nagpapatirapa mula sa pagka-upo . At nang madaling araw (Fajr), siya ay nananalangin
2 raka'at“ [Sahih Muslim, Vol. 2:1699 (730)] 60
Iniulat ni Ibn Umar (RA) :
“Ang Propeta ay nagsabi; “Isagawa ninyo ang
ilang bahagi ng Nawafil o boluntaryong Salah sa
inyong bahay. Huwag gawing parang libingan ang
mga ito.” [Sahih Bukhari vol. 1:432 at Muslim vol.
2:1820(208)/1821(208)]
61
Attahiyatul MASJID
Ito ay Sunnah nawafil na kailangang gawin sa bawat
pagpasuk ng Masjid.
Ang sabi ni Propeta Muhammad :
“Kapag kayo ay papasuk sa masjid magsagawa ng Tahiyatul
Masjid ng dalawang Rak’ah na sunnah bago umupo” (Al-Muwatta
Hadith 9.60 /Sahih Bukhari, Vol. 1:444).
ANG PAGSAGAWA NG SALAH AYON SA
PAMAMARAAN NG SUGO NG ALLAH(SAWS)
Sinabi ni Propeta Muhammad :
“Isagawa ninyo ang SALAH kung paano ninyo
ako nakitang isinagawa ito” [Sahih Al-Bukhari]
“sallo kama ra-ayta moonee osalli”
1
SUJUD-AS-SAHU
1
Ang mga WAJIB (nararapat at kailangang gawin sa Salah)
Ito ay ang mga kailangang bahagi sa Salah, na maaring
makasira sa Salah dahil sa pag-iwan dito ng sinasadya,
nguni’t kung nakalimutan o nakaligtaan ito,
magkagayon ipinag-uutos sa kanya ang magsagawa ng
“SUJUD AS-SAHU”
1
1. Ang Lahat ng Takbir (pagsabi ng ALLAHU AKBAR)
2. Ang pagsabi ng “SUBHAANAH RABBIYAL ADHEEM habangnakayukod.
3. Pagsabi ng “SAMI’ALLAHU LIMAN HAMIDAH” kapag ikaw ay Imam or mag-isang nagsasagawa ng Salah
4. Pagsabi ng “RABBANAA WA LAKAL HAMD” matapos iangat angulo at katawan mula sa pagkakayukod.
5. Pagsabi ng “SUBHAANA RABBIYAL A’LAA” habang naka sujod.
6. Pagsabi ng “RABBIGHFIR LEE” sa pagitan ng dalawangpagpapatirapa.
7. Pagbigkas ng TASHAHUD 1 o unang tashahud.
8. Ang pag-upo para sa TASHAHUD 1
Ano-ano ang mga “WAJIB” Salah:
1
Ang mga RUKN o SALIGAN NG SALAH
Ito ang mga pangunahing bahagi ng Salah na maaaring
masira ang Salah dahil sa pag-iwan dito, maging
sinasadya man o sanhi ng pagkakamali (gaya ng
nakasaad sa ibaba)
Sinabi ng Propeta Muhammad (saws):
“Sinuman ang hindi bumasa o dumalit ng Suratul Fatiha,
ang kanyang Salah ay hindi matatanggap
(Bukhari 1:723)1
1.Ang pagtayo hanggang makakaya
2.“TAKBIRATUL IHRAM” o panimulang takbir, pagsabi ng “Allahu Akbar”
3.Ang pagbikas ng “SURAH AL-FATIHA” sa bawat Rak’ah
4.Ang Pagyukod (Ruko)
5.Ang pagtayo mula sa pagkakayuko
6.Ang pagpapatirapa (nakalapat ang 8 parti ng katawan)
7.Ang pag-angat ng ulo at katawan mula sapagpapatirapa
Ano-ano ang mga “Rukn” or Saligan ng Salah:
1
8. Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang Sujud
9. Ang kapanatagan
10. Pagbigkas ng Tashahud 2 o huling tashahud
11. Ang pag-upo para sa huling Tashahud
12. Ang dalangin ng pagpapala para sa Propeta(salawat) isinama na ito sa huling tashahud.
13. Ang pagsasagawa ng Taslim (Asalamu Alaykum waRahmatullah)
14. Ang pagkakasunod-sunod.
Continuation…
1
Ano ang “SUJUD AS-SAHU” at kaailan ito isagawa?
Kapag nagkamali ang isang tao sa kanyang SALAH bunga ng pagkalimot
Halimbawa ay may nakaligtaaang isang WAJIB SA SALAH gaya ngTashahud o anumang kabilang sa WAJIB. Siya ay magsagawa ng SUJUDAS SAHU ng dalawang magkasunod ng pagpapatirapa habang nakaupo –bago maisagawa ang Taslim sapagkat ang pagkakamaling ito ayitinuturing ng kakulangan sa Salah.
Subalit kapag nakagawa siya ng kalabisan sa Salah, Siya aymagsasagawa ng SUJUDUS SAHU pagkatapos ng Taslim at sakamagsasagawa muli ng Taslim.
Ngunit kapag may isa sa mga RUKON NG SALAH na nakaligtaan,kailangang isagawa ang naturang Rukn, at magsagawa ng SUJUD ASSAHU bago magsagawa ng Taslim.
At kapag nag-alinlangan sa bilang ng Raka’ah kumulang o sumubrakailangan magsagawa ng SUJUD AS SAHU.
ANG PAGKAKAMAILI SA SALAH:
1
Sino-sino ang mga magsasagawa ng SUJUD AS-SAHU?
Kung siya ay “IMAM” – Namumuno sa Salah
(Tanda ng pagkakamali kapag ang kanyang “Ma’mum” ay nagsabi ng
“SubhanaAllah” at ang “Pagpalakpak” ng kamay [babae])
Kung siya ay “MASBOOQ” – Taong nahuli sa paglahok sa Salah sa
Jama’ah
Kung siya ay “MUNFARID” – Mag-isang nagsasagawa ng Salah
1
ANG KAHALAGAHAN NG SALAH SA JAMA’AH (SAMA-SAMA)
Binibigyang-diin sa Islam ang Salah ng Magkakasama o
kongregasyon ay higit ito na mabuti kay sa pagdarasal
ng nag-iisa.
At ito ay obligado at tungkulin sa mga kalalakihang
Muslim ang sama-samang PAGDARASAL sa limang
takdang Salah (Bukhari)
Sinabi ni Propeta Muhammad (saws):
“Ang SALAH sa JAMA’AH ay higit na mainam kaysa sa
Salah ng nag-iisa ng dalawampu’t pitong antas (27x).”[Sahih Bukhari Vol. 1:617-619 / Sahih Muslim: 650, Al-Nasa’i vol.1:838]1
Iniulat ni Ubayy ibn Ka’b (RA) na ang Propeta Muhammad (SAWS) ay
nagsabi:
“…Para sa taong nagsagawa ng SALAH ng may isang kasama ay higit
na mabuti kay sa mag-isa, at para sa isang tao na nagsasagawa ng
Salah na may dalawang iba pang mga taong kasama ay mas mabuti
kaysa sa kanyang pagdarasal na kasama ang isang tao. Ang
pagsasagawa ng Salah ng maramihan ay higit na ka mahal-mahal sa
Allah (Al-nasa’I 843, Abu Dawud 554, Saheeh al-Jaami ' 2242)
Iniulat ni Abu Sa’eed al-Khudri (RA) na ng Makita ng Sugo Sallallahu
alayhi wa sallam ang isang lalaki na nagsagawa ng Salah ng mag-isa,
kanyang sinabi wala man lang nag-SADAQA (magbigay na kawang gawa)
sa taong ito”. (Abu Dawood (554) / al-Albaani in Saheeh al-Jaami’,
2652) 1
Continuation…
Ayon kay Abu Hurayra (RA), Sinabi ni Propeta Muhammad (saws):
“Napag-isipan kong mag-utos ng simulang ang pagsasagawa ng
Salah at ako ay aalis, kasama ng ilang mga kalalakihan na may
dalang mga bigkis ng panggatong, papunta sa mga taong hindi
dumadalo sa salah upang aking susunugin ang kanilang mga bahay.
(Bukhari vol. 1:617)
Sinabi ng Allah (swt):
“…Kaya katakutan ninyo ang Allah sa abot ng inyong makakaya sa
pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa
kanyang ipinagbabawal (Qur’an 64:16)
At Sinabi ni Propeta Muhammad (saws):
“Kapag may ipinag-utos ako sa inyo, gawin ninyo sa abot na inyong
makakaya”1
ANG KAHALAGAHAN NG SALAH SA ISHA AT FAJAR
Ayon sa salaysay ni Abu Hurayra (RA), nagsabi ang sugo ng Allah
(SAWS):
“Tunay an ang pinakamabigat na SALAH para sa mga Munafiq ay
ang Salah sa ISHA at salah sa FAJR, kung nalalaman lamang nila
ang taglay ng gantimpala sa dalawang ito ay talagang dadaluhan
nila ito, kahit pa man pagapang.” [Sahih Bukhari / Sahih Muslim]
Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang paglabas sa
umaga o sa gabi para sa landas ng Allah ay higit na mabuti kaysa
buong daigdig at nilalaman nito." (Bukhari at Muslim)1
ANG KAHALAGAHAN NG SALAH SA MASJID kay sa bahay
Si Propeta Muhammad (SAWS) ay nagsabi:
“Ang Salah ng tao sa lobb ng kanyang bahay ay katumbas
ng isang pagganap ng Salah at kanyang Salah sa Masjid ng
sambayanan (sama-sama) ay katumbas ng dalawampu’t-
pitong Salah…” [Sahih Bukhari / Sahih Muslim]
1
1
Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:
“Ang lugar na pinakamamahal ng Allah (swt) ay ang
MASJID at ang lugar na kinasusuklaman ng Allah (swt) ay
ang PAMILIHAN o PALENGKE”
Ayon sa sinabi ni Abu Hurayra (RA): “May dumating na isang
lalaking bulag at nagsabi ito; O Rasulullah wala akong taga-akay
na aakay sa akin patungong masjid. Hiniling ito sa Rasulullah
(saws) na payagan ito na mag SALAH sa bahay. Pinayagan
naman niya ito subalit ng makatalikod na ito ay tinatawag niya
muli ito at nagsabi siya rito; Narinig mo ba ang ADHAN?
Sumagot ito: Opo, kaya nagsabi ang sugo (saws) kaya naman
TUGUNIN MO (Sahih Muslim)
Ang paglalakad patungong Masjid
Ayon sa salaysay ni Abu Huraira (RA) na si Propeta
Muhammad (saws) ay nagsabi:
“Kapag ang isa sa inyo ay magsagawa ng wudoo sa bahay
at pinaghusayan ito at pagkatapos ay pupunta sa masjid
na walang ibang dahilan maliban sa pagdarasal. Ang
bawat hakbang ng kanyang kaliwang paa ay
pagpapatawad ng kanyang masasamang gawa at ang
bawat hakbang ng kaniyang kanang paa ay isusulat sa
kanya ng Allah ang mabuting gawa hanggang sa siya ay
papasok sa masjid... “ (Sahih Al Bukhari & Muslim)
1
ANG PAGSABI NG “AMEEN”
[sa oras ng Salah Pagkatapos basahin o dalitin ng
Imam ang suratul Fatihah {sa Salah ng Jama’ah o
kongrigasyon}
Ayon sa salaysay ni Abu Hurayra (RA) na ang Propeta (sallallahu
alayhi wasalam ) ay nagsabi:
“Kapag ang Imam nagsasabing' Ameen '. Pagkatapos niyang
bigkasin ang Surah Al-Fatiha ay nararapat na magsabi din ng
Ameen ang Ma’mum o nasa likuran niya (Imam), sapagka’t
sinuman ang nagsasabi ng “ameen” kasabay sa pagsabi ng mga
Anghel, ang kanyang mga nakaraang kasalanan ay
pinapatawad” ( Sahih al -Bukhari # 780-782 , Muslim # 915-919
[410])1
Ayon sa sinabi ni Abdullah Ibn Mas-ud (RA), nagsabi ang
Sugo (salallahu alaihi wa sallam):
“Ang sinumang masisiyahang makatagpo niya si Allah bukas
bilang isang Muslim ay pangalagaan niya ang mga Salah na ito
yamang nanawagan sa mga ito, sapagkat tunay na ang Allah ay
nagsabatas sa Propeta ninyo ng mga kalakaran ng patnubay.
Kung kayo ay nagdasal sa mga bahay ninyo, talagang
napabayaan na ninyo ang Sunnah ng propeta ninyo kaya
kung napabayaan ninyo ang Sunnah, talagang NALIGAW NA
KAYO. Walang nagpapaiwan sa salah kundi isang Munafiq na
kilala sa pagka Munafiq. Talagang noon nga ay may isang
lalaking inihahatid na inaalalayan sa pagitan ng dalawang lalaki
upang makatayo sa hanay (Imam Muslim)1
Friday
Prayer
(Juma’ah)
• 2 Rakaa
• May
ghusl
• Mayroong
khutba
(sermon)
➢Ito ay WAJIB (Obligado)
➢Ito ay bilang halili sa salatul Dhuhr.
83
Kahalagahan ng
“SALATUL JUMU’AH” (Friday prayer)
1
Ang Jumu’ah ay pangunahin sa mga araw
Sinabi ni Propeta Muhammad (saws):
“Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng Araw ay sa araw ng
Jumu’ah, sa araw na ito nilikha si Adam (Adan), sa araw na ito
siya ay pinapasok sa Paraiso at sa araw rin na ito siya ay pinalabas
mula rito (Sahih Muslim)
1
Ang araw na ito ay Pista para sa mga Muslim
Noong binasa ni Ibnu Abbas (RA) ang ayat:
“Sa araw na ito ay Aking ginawang ganap para sa inyo ang inyong
“Deen” (Batas, Sistema o pamamaraan ng buhay) [Al-Maida (5):3]. At
naroroon ang isang Hudyo na nagsabi sa kanya: Kung ang Ayah na ito ay
sa amin ipinahayag, ito ay ituturing naming pista. Sinabi ni Ibnu Abbas;
tunay na ito ay ipinahyag at tumapat sa dalawang pista ng mga Muslim, sa
araw ng Jumu-ah at araw ng Arafah” (Sahih Al-Tirmidhi)
Sa araw na ito ay ipinapatawad ang mga kasalanan
Sinabi ni Propeta Muhammad (saws):
“Ang Jumu’ah hanggang sa kasunod nitong Jumu’ah ay kapatawaran
para sa mga nagawang kasalanan sa pagitan nito, huwag lang
makagawa ng mga malalaking kasalanan” (Ibnu Majah)
Sinabi pa ni Propeta Muhammad (saws):
“Sinuman ang naligo (ghusl) at pagkatapos ay pumunta sa Masjid upang
isagawa ang Salatul Jumu’ah at siya ay nagsagawa ng Sunnah na
pagdarasal sa abot ng kanyang makakayang bilang ng Raka’ah at
pagkatapos ay nanahimik hanggang sa matapos ang Imam sa kanyang
khutbah at pagkatapos ay nagsagawa ng Salatul Jumu’ah kasama ang
Imam, ipapatawad sa kanya ang mga kasalanang nagawa sa pagitan ng
dalawang Jumu’ah at karadagan pang tatlong araw”. (Sahih Muslim)1
Sinabi pa ng Sugo ni Allah (saws):
“Sinuman ang naligo sa araw ng Jumu’ah at
nagsagawa ng ganap na wudu at maagang pumunta
sa Masjid at inabot ang unang Khutbah at lumapit
sa lugar na Imam at nakinig at nanahimik sa
Khutbah, ang bawat hakbang na inilalakad niya ay
gagantimpalaan katumbas ng gantimpala ng isang
taon na pagsamba na may mga pag-aayuno at
pagsasagawa ng Salah sa gabi”. (Al-Tirmidhi at Al-
Nasa-i)
1
ANG PAGPAPABAYA SA SALATUL JUMA’AH AY KASAMA
SA MALALAKING KASALANAN:
Tunay na si Propeta Muhammad (saws): ay nagbigay ng mahigpit na
babala para sa mga taong nagpapabaya ng Salatul Jumu’ah;
Sinabi niya:
“Magsitigil na ang mga grupo sa kanilang pagpapabaya ng mga
Salatul Jumu’ah at kung hindi ay SESELYUHAN ng Allah (swt) ang
kanilang mga puso at sila ay magiging kabilang sa mga taong pabaya
o pasaway”. (Sahih Muslim)
Sinabi pa niya (saws):
“Sinuman ang magpaliban ng tatlong Jumu’ah sanhi ng katamaran
sa pagsasagawa nito, SESELYUHAN ng Allah (swt) ang kanyang puso”.
(Al-Tirmidhi / Al-Nasa-i)1
2 Raka’ah na Sunnah sa pagpasuk ng Masjid tuwing
Jumu’ah kahit nag-umpisa na ang Khutba o Sermon:
Naiulat na si Jabir bin Abdullah (RA ) ay nagsabi:
Si Sulaik Al Ghatfani dumating sa araw ng Biyernes habangang Propeta (SAWS) ay nangangaral o naghahahatid ngKhutba (sa Minbar ) at siya ay naupo. At sinabi niya sakanya, "O Sulaik , tumayo ka at magsagawa ka ng 2 raka'atna sunnah at gawing maikli. " Pagkatapos ay sinabi niya ,"Kung ang isa sa inyo ay dumating sa araw ng Biyernes [saaraw ng Jumu’ah] at ang Imam ay nangangaral , hayaansiyang magdasal ng 2 raka'at at gawin itong maikli. " [SahihMuslim , Vol. 2:2024 (875)]
1
Mga ipinagbabawal sa araw ng Jumu’ah Ang pagbebenta at pamimili pagktapos ng ikalawang Adhan
(Surah Al-Juma’ah 9)
Ang pagsasalita habang nag-uumpisa na ang SIRMON NG IMAM
tuwing Salatul Jumu’ah o dasal sa araw ng Biyernes.
Sinabi ng Propeta Muhammad (saws):
“Kapag sinabi mo sa iyong kasama sa araw ng Jumu’ah na manahimik
ka! Habang ang Imam ay nangangaral, tunay na ikaw ay nakagawa ng
kamalian .” (Muttafaqun Alayhi)
Pagpataas ng dalawang kamay para manalangin sa
pangangaral ng Jumu’ah, maging siya may ay Imam o kaya
ay Ma’mum.1
Ang gagawin kapag nahuli sa SALAH:
Bubu-uhin ang bahagi ng SALAH na hindi naabutanpagkatapos na magsagawa ng Taslim ang Imam.
Kapag ang naabutan ay YUKO o RUKU bilang na angRak’ah na iyon.
Kupag dumating sa Masjid ay dapat lumahok nakaagad sa Jama’ah sa posisyon na naabutanmaging nakatayo, nakayuko, naka-upo at nakaSujud at huwag ng hintaying tumayo para sasunod na Rak’ah. Subalit kailangan muna niyangmagsagawa ng TAKBIRATUL IHRAM.
Panitilihing mahinahon patungong Masjid (Abu Dawud vol. 1:573)
SALATUL MUSAFIR(Salah para sa manlalakbay)
Bro. Abdul Khabir “Allan” Benilan
SALATUL MUSAFIR (salah para sa manlalakbay)
Kung ang isang Muslim ay naglalakbay sa layo na [“four Burud” appro. 48
miles or 77 to 80km) o isang araw at isang gabi sa normal na paglalakbay
na walang gamit na sasakyan, kaya pinapa-iksi sa 2 raka’ah ang apat (4)
na Rak’ah (DHUHR, ASR, ISHA) (Bukhari vol. 2:1086,1092 to 1102)
Ang MAGHRIB ay mananatili sa tatlong (3) rak’ah (Bukhari vol. 2:1092 & 1102)
Ang lahat ng nawafil prayer ay ini-iwan maliban sa salah bago ang Fajr at
Witr [Sunnah Mu’akkadah]
Pinag-iisa ang Salah sa Dhuhr at Asr, Magribh at Isha, ng may isang Adhan
at magkahiwalay na Iqamat (Bukhari 2:1106-1109)
Kapag MUQIM (naka distino) ang IMAM ay gawing apat na Raka’ah kahit
Musafir ang Ma’mum (Bukhari Vol. 2:1090)
Kapag Musafir (manlalakbay) ang IMAM ay gawing 2 Raka’at ang Salah
then kumplituhin ang 4 na Rak’ah ng Ma’mum na MUQUIM.1
Pinahihintulutan ang PAG-PAPAUNA AT
PAGPAPALIBAN SA SALAH NG “MUSAFIR”
TAQDEEM (pagpapauna)- Ginagawa agad ng salatul
ASR pagkatapos ng DHUHR kahit hindi pa dumating
ang itinakdang oras nito at ISHA pagkatapos ng
MAGHRIB na may isang Adhan at mag magkahiwalay
na Iqamat.
TA’AKHEER (pagpapaliban) – Ang salatul DHUHR ay
pinapaliban ginagawa sa salatul ASR ng may isang
Adhan at magkahiwalay na Iqamat (Bukhari vol. 2:1111-1112)1
1
KAINAMAN NG IMAM
Ano ang tinatawag na Imam:
Pinuno (leader) ng Kuminidad
Imam Al-Kubra (malaking Imam) –
Pinuno ng Nasyon (Rasulullah [saws] &
Abu Bakr (RA)
Khilafa –Emperor
Khalifa – Pinuno
1
Ang gantimpala ng isang Imam:
Ang Imam ay babangunin na ang kanilang amoy ay
amoy ng Paraiso
1
Ang hindi pwidi maging Imam:
Bawal maging Imam ang may ginawang Bida’ah (innovation).
Dapat kinalulugdan o nagugustuhan siya ng mga tao na
kanyang nasasakupan.
Hindi magpasuk sa Paraiso ang pagiging Imam kung siya ay
hindi gusto ng mga tao.
MGA KATANGIAN NG IMAM NA KARAPAT-DAPAT
MAMUMUNO SA SALAH
Sinabi ni Propeta Muhammad (saws):
“Ang mamumuno bilang IMAM sa Salah para sa mga tao ay
yaong pinakamaraming alam sa Qur’an sa pagbigkas at
pagbasa at kung sila ay magkapantay; magkagayon inyong
piliin ang pinaka-maalam sa kanila sa Sunnah, at kung
magkapantay sa Qur’an at Sunnah, piliin ang naunang Tumira
o lumipat sa lugar na iyon (HIJRA) at kung magkapantay parin
sa Qur’an, Sunnah at Hijra, piliin ang mas nakakatanda”.[Sahih Bukhari Vol. 2:1529-1533 / Muslim:673]
QUR’AN SUNNAH (Hadith) HIJRA MAS NAKAKATANDA
1
3 uri ng tao na hindi pwidi pangunahan sa
pagiging Imam (kahit na paloob pa sa kanya ang apat na katangian)
1. Imam Ratib – Nakatalaga o kahit sinahuran pa ito.
2.May ari ng bahay [maliban kung pinahintulutan niya ito]
3.Sultan (Datu) –Leader ng isang Kumidad o isang
Barangay.
1
ANG KAHULUGAN NG PAGSUNOD SA IMAM:
Sinabi ni Propeta Muhammad (saws):
“Itinalaga lamang ang Imam upang sumunod sa kanya, kaya
kapag siya ay nagsagawa ng TAKBIR magsagawa din kayo ng
TAKBIR, at huwag kayong magsagawa ng TAKBIR hanggang siya
ay magsagawa ng TAKBIR at huwag kayong MAGSIYUKO hanggang
siya ay YUYUKO at kapag siya ay nagsabi ng “SAMI ALLAHU
LIMAN HAMIDAH” kayo ay magsabi ng “RABBANA WA LAKAL
HAMD” at kapag siya ay MAGPATIRAPA, magpatirapa rin kayo at
huwag kayong MAGPATIRAPA hanggang siya ay MAGPATIRAPA”.[sahih Bukhari:701 / Muslim:414 / Dawud:603]
1
Ang mga Sunnah sa Salah (ginagawa ng Propeta (saws):
1. Ang pagbigkas ng Du’a al Istiftah.
2. Ang paglagay ng mga kamay sa dibdib, ang kanang kamay ay nakapatong sa
kaliwang kamay habang nasa nakatayong posisyon (Quiyam).
3. Ang pagtaas ng mga kamay hanggang sa balikat na ang mga daliri ay
magkakadikit at nagsasabi ng “Allahu Akbar” habang sinisimulan ang Salah,
kapag nagsagawa ng Ruko, kapag bumalik sa pagkakatayo, pagkatapos
magsagawa ng Ruko, at kapag bumalik sa pagkakatayo para simulan ang
ikatlong bahagi (unit) ng Salah.
4. Ang pagsasabi ng “Subhanah Rabbiyal Adheem” at “Subhanah Rabbiyal ‘Ala”
ng higit sa isang beses habang nasa posisyon ng Ruko at Sujud.
5. Ang pagsabi ng “Rabbighfirlee, Warhamnee, Warzukni, Wa’afini, Wajburni”.
1
6. Ang pagyuko na ang ulo at likuran ay nasa pantay na posisyon.
7. Habang nasa posisyon ng Sujud, ang mga braso ay hindi dapat nakadikit sa tagiliran
at ang dibdib ay hindi dapat nakadikit sa mga hita.
8. Ang pagtaas ng braso na hindi nakalapat sa sahig o lupa habang nasa Sujud na
posisyon.
9. Ang panalangin para kay Propeta Muhammad (saws) sa kanyang pamilya at para kay
Propeta Ibrahim (as) sa kanyang pamilya (Huling Tashahud).
10. Ang may boses (tunog) sa pagsasagawa ng dasal para sa Fajar, Magribh at Isha.
11. Ang Pag-upo sa pagitan ng dalawang Sujud na ang kaliwang pigi ay nakapatong sa
kaliwang paa (na nakahiga) habang ang kanang paa ay nakatukod at ang daliri nito ay
nakasayad sa sahig.
Continuation…
1
12. Ang pag-upo ng upong tinatawag ng “Tawarruk” habang
binibigkas ang huling Tashahud. Ang pag-upong ito ay
ganito: nakatukod ang kanang paa, nakalagay ang kaliwang
paa sa ilalim na kanang paa, sa ilalim ng kanang binti, at
nakadikit sa lapag ang kaliwang pigi.
13. Ang tahimik na pagbigkas ng Du’a pagkatapos ng huling
Tashahud.
14. Ang tahimik ng pagsasagawa ng Salah sa Dhuhr at Asr sa
huling rak’ah ng Mabribh at sa huling Rak’ah ng Isha.
15. Ang pagbigkas ng mga piling talata sa maluwalhating
Qur’an pagkatapos bigkasin ang Surah al Fatiha.
Continuation…
1
Sinabi ni Propeta Muhammad (saws):
"...ل ي ص أ رأيتومونيكماصلواو ...."
“Sallo Kamara aytoo moonee osallee”
“Isagawa ninyo ang SALAH kung
paano ninyo ako nakitang isinagawa
ito”[Sahih Al-Bukhari Volune 1:631-(arabic to English version page 366)]
1
Isagawa ang Salah kung paano isinagawa ng Sugo
(SAWS)
JAZAKUMULLAHU KHAIRAN…
1