Lessons i’ve learned

16
“LESSONS I’VE LEARNED” Bro. Gus Boquer President, DLSU Health Science Institute Dasmariñas, Cavite

description

 

Transcript of Lessons i’ve learned

“LESSONS I’VE LEARNED”

Bro. Gus Boquer

President, DLSU Health Science Institute

Dasmariñas, Cavite

Paano maging lider?

Paano maging lider?

1. Bilang lider, huwag ipahiya ang ibang tao sa harap ng publiko. Ipaliwanag sa kanya ang pagkakamali at ayusin na ang problema. Huwag pahabain pa.

Paano maging lider?

2. Kapag ika’y nahaharap sa tukso, isipin kung paano haharapin ni Hesus ang problema. Ano ang gagawin ni Lord sa ganitong kalagayan.

Paano maging lider?

3. Maging isang magandang halimbawa. Huwag iutos sa ibang tao ang hindi mo din gagawin.

Paano maging lider?

4. Laging maging on-time sa mga appointments. Umpisahan ang miting sa oras at tapusin din sa takdang oras.

Paano maging lider?

5. Matutong magsabi ng “Hindi” na hindi nakasasakit sa damdamin ng ibang tao. Makinig mabuti at sumagot ng magalang sa iba.

Paano maging lider?

6. Bilang lider, magandang malaman mo ang birthday ng iyong mga empleyado. Batiin sila o bigyan ng cake sa kanilang kaarawan.

Paano maging lider?

7. Bilang lider, kailangan pangalagaan mo rin ang iyong sarili. Magsuot ng tama, maging malinis sa katawan at ituloy ang edukasyon sa sarili.

Paano maging lider?

8. Ang lider ay may pananaw sa kinabukasan ng organisasyon. Marunong siyang magbigay ng inspirasyon at maglikom ng donasyon para sa eskwelahan.

Paano maging lider?

9. Bigyan ng parangal ang inyong magagaling na estudyante at empleyado. Ipaalam ito sa pamamagitan ng streamers, bulletin board o ipahayag sa miting.

Paano maging lider?

10. Maging organisado sa iyong opisina at gamit. Ifile ang importanteng sulat, calling card at papeles.

Paano maging lider?

11. Huwag magsalita nang masakit sa iyong kapwa na pagsisisihan mo balang araw. Matutong magpigil sa iyong damdamin.

Paano maging lider?

12. Sa pagharap sa ibang tao, matutong makinig hindi lamang sinasabi niya kundi pati sa kanilang body language. Sa pagbasa ng sulat, pakinggan ang tono ng sulat at matutong basahin ang gustong ipahiwatig ng manunulat.

Paano maging lider?

13. Hindi mo kailangang itago ang iyong edad. Kahit ika’y tumatanda, lumalawak naman ang iyong eksperyensiya at nagiging mas matalino ka. Gamitin ang iyong kaalaman para gabayan ang susunod na henerasyon.

Paano maging lider?

14. Laging tandaan na may dahilan ang Diyos para ilagay ka sa posisyon. Hindi ka niya bibigyan ng pagsubok na hindi mo kaya. Bibigyan niya tayo ng sapat na lakas at biyaya para malampsan ang kahit anong pagsubok. Hindi ka nag-iisa. Kasama mo ang diyos hanggang sa huli.