Lesson presentation emosyon by ken lumogdang
-
Upload
kenlumogdang2010 -
Category
Documents
-
view
3.031 -
download
5
Transcript of Lesson presentation emosyon by ken lumogdang
Wastong Pamamahala ng Emosyon
Layunin:Matapos mong mabasanang may kasiyahan at maisagawa nang buong husay ang mga nilalaman ng modyul na ito, inaasahang: Matutukoy ang mga palatandaan na ang isang tao ay may wastong pamamahala ng emosyon;
Ang layuning ito ay ibinatay sa sumusunod:
PSSLC 1.7 Napahahalagahan ang mapanagutang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng wastongpamamahala ng emosyon.
I. PAGTALAKAY
A. Lunsaran
Iyan si Laura! Mahusay Magdala ng Problema!
ni Laurita Peraz Arca
Malimit mag-away ang mga magulang ni Laura. Mga away na
kalimitang
humahantong sa paghahamunan na maghiwalay hanggang sa tuluyan na
ngang maghiwalay ang mga ito. Sa kabila nito, hindi kapapansinan
ang labing-apat na taong gulang na si Laura ng pamumroblema sa
bagay na ito. Nanatili siyang masayahin at masipag mag-aral. Nang
minsang may magtanong sa kanya kung bakit ganito ang kanyang
reaksyon sa nangyari sa kanyang mga magulang, nakangiting sinagot
ito ni Laura ng ganito, Eh ganoon n po talaga sila eh.. Wala po
akong magagawa kundi tanggapin. Kung magmumukmok po naman ako
parati ay walang mangyayari sa buhay ko. Mas maaayos ko ang lahat
ng bagay kung tatanggapin ko nang maluwag sa loob ang anumang
pangyayari sa buhay ko.
a. Mga Tanong na Kaugnay ng Lunsaran
1. Ano ang malimit gawin ng mga magulang ni Laura?
_______________________________________________________
2. Ano ang naging reaksyon ni Laura sa bagay na ito? Bakit?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
b. Mga Gabay sa Pagpoproseso ng Pagpapahalaga
1. Isipin (Think)
1.1 Ano ang masasabi mo sa pamamahala ni Laura ng kanyang
emosyon? Wasto ba o hindi? Pangatwiranan ang iyong sagot.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
1.2 Ano ang ipinahihiwatig nito sa kanyang personalidad?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Damhin (Feel)
Kung ikaw si Laura, ano kaya ang mararamdaman mo tuwing
mag-aaway ang mga magulang mo? Bakit?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
3. Tanggapin (Accept)
Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Laura, matatanggap mo rin ba
nang maluwag sa loob ang sitwasyon ng pamilya mo?

Uuy! Nadadala ka na ba ng
iyong emosyon? Ngayon
namay basahin mo ang
sumusunod na lektyur upang
maging ganap ang pagkaunawa
mo sa mga aral na nais iparating
sa iyo ng modyul na ito bago mo
sagutin ang mga katanungan sa
ibaba nito. Handa ka na bang
magbasa? So...., tara na!
WASTONG PAMAMAHALA NG EMOSYON TUNGO SA MAUNLAD NA
PAKIKIPAGKAPWA
Ang wastong pamamahala ng emosyon ay kaugnay ng maunlad na
pakikipagkapwa. Itoy dahil sa kung wasto ang pamamahala mo ng
iyong
emosyon, higit na magiging madali para sa iyo ang makihalubilo at
makisama sa
iyong kapwa. Hindi ka matitinag ng kahit anong di magandang
maririnig o
mararanasan mula sa iba. Gawan ka man ng iba ng masama, mananatili
ka pa
ring nasa panig ng kabutihan. Ganito ang taong may wastong
pamamahala ng
emosyon nasa tamang direksyon ang pag-iisip at pagkilos.
Upang malaman mo kung wasto ang pamamahala mo ng iyong
emosyon,
basahin at pag-isipan ang sumusunod na mga katanungan at mga
pahayag:
1. Umaako ka ba ng responsibilidad at napaninindigan mo ba
ito?
Ang maigting na pagsisimula ng isang gawain at di pagtapos nito
ay
katangiang karaniwang taglay ng mga batang hindi pa ganap ang
emosyonal na pag-unlad.
2. Marunong ka bang makiisa sa iba?
Ang pakikiisa kasi sa mga taong
nasa iyong paligid ay nangangahulugan ng pagdama ng kanilang
kalagayan.
3. Isport ka ba?
Kaya mo na bang tumanggap ng pagkatalo nang buong giting? Kapag
may
nakakuha ba ng papel na sanay iyong gagampanan; kapag hindi ka
sinagot ng
OO ng iyong nililigawan; kapag ang pinansin ng iyong crush ay ang
iyong
kaibigan; kapag hindi ikaw ang naging valedictorian -- kaya mo na
bang
tanggapin ang ganitong mga kabiguan? Kung oo ang sagot mo, isport
ka nga.
4. Kaya mo bang maging mahinahon maging sa mga kainis-inis
na
sitwasyon?
Madali ka bang mairita ng kahit mga simpleng bagay lang? Kapag
natagalan
ang tindera sa pagsisilbi sayo; kapag mahaba ang pila sa counter
--
nagmumura ka ba at nagdadabog? Kung oo ang sagot mo,
nangangailangan
ka pa ng emosyonal na pag-unlad.
5. Kaya mo na bang mag-isip para sa iyong sarili?
Nasa edad ka na upang gumawa ng sarili mong mga desisyon.
Magkagayunmay dapat mong pakaseguruhing ang gagawin mong mga
desisyon ay: (1) malinaw at may mga makatuturang batayan;
(2) tunay nasa iyo galing, hindi utos o impluwensiya ng sinuman.
Ang isang kabataan kasing hindi pa wasto ang pamamahala ng emosyon
ay madaling maimpluwensiyahan ng kanyang mga kaibigan. Takot siyang
mawala ang mga ito sa kanyang buhay kayat sinusunod niya ang
anumang idikta nila nang hindi iniisip ang negatibong ibubunga nito
sa kanyang sarili. Tandaan: Masasabi mo lang na kaya mo nang
magsabalikat ng mga responsibilidad kapag may sapat ka nang
kakayahang gumawa ng mga makabuluhang desisyon para sa
iyong sarili.
Sa tulong ng mga pagpapahalagang natutuhan mo mula sa lunsaran
at sa
paghahalaw, sagutan ang mga sumusunod nang may positibong
pananaw:
a. Mga Gabay sa Pagpoproseso ng Pagpapahalaga
1. Mangako (Commit)
Ano ang maipapangako mo sa sarili mo kung mahaharap ka sa
sitwasyong kinaharap ni Laura?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Kumilos (Act)
2.1 Magtala ng mga -makabuluhang solusyon sa suliraning
nabanggit
sa lunsaran.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________
-mga hakbang o gawain na makapagpapaunlad at makapagpapatatag
ng iyong emosyon.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2.2 Magbahagi ng isang kuwentong maaaring nabasa mo,
narinig,
napanood, naobserbahan o naranasan na maaaring magpatunay na
ang wastong pamamahala ng emosyon ay nakatutulong sa
pag-unlad
ng pakikipagkapwa.
Tandaan: Wastong pamamahala ng emosyon:
Upang magkaroon ng maayos na pakikipagkapway
ito ang tugon;
Sikaping itoy makamtan hindi bukas o sa isang taon
kundi ngayon ang tamang panahon!
Presented
By:
Mr. Ken April F. Lumogdang