Kulturang Popular

download Kulturang Popular

If you can't read please download the document

description

Kolehiyo Filipino IV Major

Transcript of Kulturang Popular

Sachet o tingi-tinging pakete ng gitnang uri

Sachet o tingi-tinging pakete ng gitnang uri 34 14 191 3Ni ROLAND TOLENTINOBulatlat.comHindi exaherasyon na sabihin, sachet ang pangunahing retail na kalakaran sa bansa. Ito ang nagpapaabot sa brands na makarating sa pinakamaraming bilang ng mamimili-mamamayan. At hindi koinsidental na ang pinakamaraming bilang ng mamimili at mamamayan ay nasa hanay ng mahihirap at sukdulang kahirapan.

Ito ang kalakaran na ang mahihirapna iniisip na walang lohikal na finansyal at lohistikal na rekursoay makatitikim din ng ambon ng pagiging gitnang uri. Halimbawa, sinasabi na 40 porsyento ng produkto ng Nestle ay ipinagbebenta sa pamamagitan ng sachet sa 90 porsyento ng mga outlet. Mas maliit man ang porsyento ng kita sa sachet kumpara sa regular na laki ng produkto, mas masaklaw naman ang exposure ng sachet kaysa regular na laki ng produkto.

Ayon naman sa pag-aaral ng Hunyo 2012, ang pinakamatagumpay na nagkakaroon ng rekognisyon sa TV product placements ay mga produkto para sa buhok na mayroong mabibiling sachet. Sa katunayan, napakalawak ng saklaw ng sachet na nagkakaroon din ito ng niche na disiplinal na larangan: sachet economics, sachet marketing strategies, at sachet retailing na patunay sa akademikong lehitimisasyon ng pang-araw-araw na viabilidad ng produktong sachet.

Wala akong maisip na hindi pa naka-sachet: gel, KY jelly, lubricant, skin whitening lotion, sanitary napkin, at iba pa. Nauna na ang mga butil ng bawang o paminta, tingi-tinging gulay na pang-pakbet, at iba pang pagkain. Maging ang mga pangunahing botika ay nagbebenta ng tingi-tinging gamot, condom at iba pang medisinal at kosmetikong produkto. Nang ipagbawal ang tingi-tinging sigarilyo, makakabili ng pakete na lima lang ang sticks na hindi nakakagulat, naka-sachet. Maging ang load ay mabibilit maipapasa ng patingi-tingi.

Sa isang banda, ang sachet ang pag-akibat ng malalaking negosyo para pati ang C-D-E markets ay ma-tap at mapagkakitaan. Sa kabilang banda, ang sachet din ang pangunahing pagkakaroon ng akses ng mga nasa ibaba sa mga gitnang uring panuntunan. At ito ang napakahalagang pagmomolde sa pinakamalawak at pinakamahirap na hanay ng mamamayan: na nagkakaroon lamang ng politikal na entidad sa panahon ng eleksyon na kailangan silang kumbinsihin (mabili) na i-block vote ang makapangyarihan mga partido, angkan at kapangyarihan; at sa ekonomiyang larangan, ang pagmamasa (homogenisasyon) sa pamamagitan ng kapangyarihan ng negosyo na himikun silang ipagpaubaya (Let go, Rizal; let go!) ang kanilang baryang nakakuyom sa loob ng palad (bumili).

Sa katunayan, ang sachet ang pangunahing lagusan na pati ang gitnang uri ay mahimok sa mas malaking purchases. Kung sa mahihirap, ito ay pagbabayad ng utang na installment; sa gitnang uri, ito ay gayundin. Ang credit card companies ay nanghihimok ng higit na konsumpsyon sa pamamagitan ng lehitimisasyon ng gives (installment) na may 0 interest. Ang proliferasyon ng claustrophobic o naninikip na condo unit, na wala o kay liliit ng bintana para sa natural na akses ng ilaw, ay mabibili lamang sa pamamagitan ng amortisasyong tailor-fitted sa bagong-yamang mamamayan: OCWs, call center agents, at iba pa.

Hindi naman nakakapagtaka na ang SM ay major condo developer na rinna ang unang henerasyon ng disenyo sa mga mall ay nakabatay sa kahon ng sapatos pinaunlad nito at na nagpapalito sa maller kung araw o gabi na dahil sa pamamagitan ng erosyon ng panahon, mas napapanatili ito sa loob ng mallay siya ring nakapaglahad ng template para sa condo sa gitnang uri at hindi sa high-end market. Ang ibig kong idiin dito ay ang propensidad ng sachet na larangan, na may intensyong mapamili ang pinakamalawak na pinakamahirap na mamamayan, ay siya na ring gamit para itarget ang gitnang uri.

Sa pamamamagitan ng pagbibigay-akses sa gitnang uring panuntunan (markers, benchmarks) sa buhay, napapasilip sa abang uri ang sachet na pagdanas sa pagiging aktwal na gitnang uri. Na kahit hindi siya regular na makakatangkilik ng sachet na brands, kahit papaano, paminsanminsan, ay naipapadanas na sa kanya ang pagdanas ng pagiging aktwal na gitnang uri. Ito ang pagpasok sa abang uri bilang mga non-subject, walang subheto maliban sa pangangailangan ng negosyo na mapabili, at ng estado na mapaboto ang mga ito sa inilalatag na produkto at kandidato.

Siya ay manggagawa na paminsan-minsan (isang beses isang taon) ay madadala ang kanyang pamilya sa mall, makapag-Jollibee, makapanood ng sine kapag Metro Manila Film Festival (MMFF) o Pasko lamangna tulad ng retail shopping sa kapaskuhan, ay ininuturing na pinakamalaki rin ang bilang ng panonood ng sine sa MMFF na panahon. Siya na mangangalakay o nangangariton ay makapabili ng load para matunghayan ang estado ng maysakit na anak na naiwan sa bahay. Siya na batang kalsada ay makakatikim lamang ng Jollibee o McDonald na burger kapag nalimusan ng tinanghuran sa salamin ng outlet.

At ito ang trahedya ng bansa, ang literal at figuratibong pagpapalawak ng kalakarang sachet: na imbis na mapalitan ito ng kapasidad sa akses sa mas malalakit mas matitipid (economies of scale na mas malaki ang produkto, mas mura ito sa value-for-money o price-per-quantity) na pamamaraan, ito ay higit na lumalawak at sumasaklaw sa ofisyal na transformasyon ng pagkamamamayan at pagsasabansa.

Ang kalakarang sachet ang best effort na ni Noynoy Aquino at mga pambansang adminstrasyon na nauna sa kanya sa pagpapalahok ng mamamayan sa ekonomiya ng bansa. Katumbas ito ng trickle-down economics na kapag ang mayayaman ay pangunahing nabiyayaan, maambunan din ang maraming mahihirap. Mula konsumerismo hanggang publiko serbisyosa edukasyon, pangkalusugan, highway system, urban renewal, at iba paang abang uri ay dinedehado: ginagawang mga nakakulong na daga na may iniiwang maliit na tanglaw sa dulo ng hukay: ito ang sachet na kanyang ia-aspire bilang kalakaran ng pagkasadlak sa abang kondisyon.

At dahil sa dilim at lalim ng pagkasadlak, hindi niya maiisip ang kolektibong predikamento dahil lahat sila ay hindi nakatanglaw sa kahanay kundi sa pinagmumulang sipat ng ilaw na tanglaw kung paano sila mamumuhay sa pang-araw-araw: heto ako, heto tayo, nasa ilalim pero tila abot-kamay abot-tanaw ang pangarap ng nasa ibabaw; salamat po, sachet!

- See more at: http://bulatlat.com/main/2012/10/27/sachet-o-tingi-tinging-pakete-ng-gitnang-uri/#sthash.5NeOl8Fh.dpuf

Gangnam style, o flavor o fluke of the month 115 20 253 6Ni ROLAND B. TOLENTINOBulatlat.comNoong bata pa ako at Magnolia Ice Cream ang pinakapopular na brand, buwanbuwan ay naglalabas ang brand ng flavor of the month, isang bagong ice cream combination. Sa gay lingo, ang ibig sabihin ng flavor of the month ay paborito, apple of the eyes, pinagkakatangi dahil angat sa iba nitong kahanay, kahit pa nga temporal lang ang interes.

Ang Gangnam Style ay isang pop song ni Psy, isang Koreanong musikero, medyo nakakatanda kumpara sa iba pa nitong kahanay na buffed na mga kabataang lalake at sexy na mga babae ng K-pop generation. Penomenal ang hit simula ng i-release ang kanta noong 12 Hulyo, nag-top ito sa charts sa Korea. At sa loob lang ng 28 Setyembre 2012 sa video nito sa YouTube, may 307.8 million ulit itong napanood, at sinasabing ito ang most liked video in YouTube history.

Ang Gangnam ay isang distrito sa Seoul na kilala bilang high-end, kaya ang Gangnam Style ay sinasabing pagkopya ng mga taga-labas sa snooty at fashionable sense at lifestyle ng mga taga-distrito. Pakutya ito hindi sa mga taga-loob na hindi nga ginagamit ang stilo para ipamukha ang kanilang karangyaan, pero sa mga wanna-be at uppity quality ng mga nasa labas na nais pumaloob.

Kung gayon, ang kinukutya ay hindi ang gahum na uri kundi ang aspekto ng hegemoniya na katulong sa pagpapataas ng turing sa mataas na kultura at lagay-pang-ekonomiya. Kaya sa maraming tumunghay sa video at naging bahagi ng virtual na tagumpay nito (sinasabing dahil wala raw copyright ang kanta kaya namayagpag ito sa internet, twineet ng maraming celebrity, at nagkaroon nang mas marami pang bersyon lampas sa Call Me Maybe ni Carly Rae Jepsen) ay dahil ang pagkutya ay sa sarili nilang mataas na uring aspirasyon.

Novelty ang kanta na dance electronica; novelty ang singer-producer nito dahil may edad kaysa karaniwang natutunghayan sa K-pop; novelty ang video dahil exaherado ang costume, make-up, props, at eksena; novelty ang dance moves dahil parang kalahating nangangabayot kalahating rumarampa. At ito ang problema sa noveltyumaangat dahil nagtatangka naman talagang umangat at maiba kahit hindi naman talaga natatangi.

Nag-take ng risk ang singer at nagtagumpay ito kumpara sa libo-libong novelty songs at performances na hindi napapansin ng virtual na mundo. Sa katunayan, si Psy ay contract artist na ng Schoolboy Records ni Scooter Braun, ang discoverer ni Justin Bieber na isa pang internet success. Nagtagumpay si Psy at ang kanyang awit dahil paratihan namang naghahanap ang mundo, sa partikular, ang U.S. ng bagong pagkakalibangan.

Macarena ito ng nauna, naging Papaya, at ngayon nga, itong Gangnam Style, pawang mga multicultural na produktong na-import ng U.S. at inakda bilang flavor of the month na libre, may kolektibong formasyon, nakakatuwang gawain, katuwa-tuwang pagtatawa sa sarili. Politikal din dahil kung hindi ako nagkakamali, ang unang dalawang sayaw ay ginamit sa Republican at Democratic conventions ng U.S., at dahil election year na naman sa U.S. ng 2012, interesante kung maitatampok din ang Gangnam Style.

Ang U.S. ang umaakda ng flavor of the month ng mundo sa napakaraming pagkakataon. Itong Gangnam Style, halimbawa, 47 porsyento ng nakapanood sa YouTube ay galing sa U.S., o kalahati ng populasyon ng bansang ito. U.S. ang nag-o-overdetermine ng popular culture ng mundo. Malinaw ito sa Gangnam Style na kahit K-pop ito ay U.S. ang nag-angat sa estado ng global na kulturang popular. Ang kakatwa sa pagkaangat na ito, hindi para sa lantarang kita ang global na interes kundi sa paglikha ng popular na imahinaryong komunidad.

Ito naman ang ehersisyo ng liberal na demokrasya ng U.S. bilang hegemon sa mga formasyon ng bansa: na taumbayang may internet ang nakakapagdikta ng produkto at kalakaran ng pagtangkilikna lohikal na extensyon din sa konsumeristang kultura. Ang pagkakahalintulad ng Gangnam Style sa bagong labas na I-phone 5, halimbawa, ay ang novelty ng bago kaya tatangkilikin dahil may naunang historikal at material na orkestrasyon hatid ng brand na Apple at K-pop.

Ang pagkakaiba ng Gangnam Style sa konkretong produkto ng I-phone, halimbawa, ay hindi naman kailangang bilhin ang una. Sa pamamagitan ng internet ay nakakapagtangkilik na, at may pangkalahatang identifikasyon ang tumangkilik kapag ito ay pinatugtog, pinagkwentuhan, sinayaw, flinash-mob sa susunod na mga yugto. Nagkaroon siya ng cultural literacy na maari pang maging cultural capital sa pagkakataon naipapaliwanag niya ang Gangnam Style.

Sa antas ng individual na mamamayan, konsumerista, at global na identidad, napainternalisa na ang substansya ng pagkamamamayan: nagkakaroon ng politikal na interes (dahil kasama siya sa nanood at nakatunghay) sa novelty na pagkutya sa sariling mataas na uring aspirasyon (sa kanta ay maaring isipin na posisyonalidad ng estado at naghaharing uri ang sinasambit pa nga). At matapos madanas ito, ay magpapatuloy pa rin sa kalakaran ng pagtunghay sa mataas na uring aspirasyon, pagboto ng like/unlike, at walang pagbabago sa inog ng mundo ng individual at lalo na ng estado.

Narito ang Gangnam Style na paalaala rin sa atin na ang flavor of the month ay madaling lumipas sa kapitalismong inheriko ang kultura ng obsolescence, kaya ito ay fluke na rin, tulad ng mga naunang usong sayaw, hanggang sa makahanap ng susunod na flavor of the month. At magsisimula na naman ang panibagong siklo na hindi muli babalik sa kanyang pinagmulan dahil may misrekognisyon ang individual na bago muli ang kanyang papaboran sa hinaharap.

ARTICLE TOOLS

- See more at: http://bulatlat.com/main/2012/09/29/gangnam-style-o-flavor-o-fluke-of-the-month/#sthash.k9v4TfQQ.dpuf 217 11Ni ROLAND B. TOLENTINOBulatlat.comMay kakaibang transformasyon ng wika sa text at social networking sites. Nakakatanggap ako ng text o nakakabasa ng Facebook posts at twits na may bagong bokabularyo: amp (anak ng puta, ampota at sa ibang pagkakataon, marijuana na may pahid ng mas matapang na narkotiko), ayt (alright), chillax (chill-relax), phat (good), wtf (what the fuck), spambot (inappropriate, unsolicited), o facepalm (disappointment, hindi makapaniwala), bilang ilang halimbawa.

Ang kakatwa, lalakeng kabataan ang mas gumagamit ng amp, wtf, at iba pang lingo na may mura. Sa aktwal na buhay, hindi prim-and-proper na magmura, pero sa ilang pagkakataon, tulad ng init ng ulo, lalo na sa kalalakihan, ay napapalampas na itong testosterone fit. Kaya ano ang ibig sabihin na ang lalakeng kabataanlalo na ang gitnang uri o gitnang uri wanna-beang gumagamit ng lingo na may bahid ng mura?

Ang konsepto ng queer ay nagpapahintulot ng pagtawid ng mga panlipunang parametrotransgressions at transborders, baga. Dahil minoritized ang queer, paratihan itong nagkukumahog na makaalpas sa pagkakahon ng heteronormativity o kalakarang nagbibigay-pribilehiyo sa heterosexualidad. Queer ang lalakeng gumagamit ng partikular na sangay ng kabataang lingo dahil sa isang banda ay nakapagmura ito, pero sa kabilang banda, disimulado o tila walang lubos na hapit ng vulgaridad. Kaya nakakalusot, trespass na siya rin namang layon ng queer politics.

Sa mas madalas pang pagkakataon, ang lingong may bahid ng mura ay ginagamit lang sa mga new media platform, tulad ng texting at social networks. Ano rin ang sinasabi na ang lalakeng kabataan ay pumapaloob sa queerness sa pamamagitan lang ng virtual na mundona hindi direkta itong sinasambit o indexical na tukoy sa nagsasalita kundi sa pamamagitan lang ng virtual na identidad at teknolohiyang may kapasidad na makapansala ng formasyon at transformasyon ng pinili at inilulunan sa front stage ng sarili at komunidad?

Ang isang katangian ng gentrifikasyon ay ang pagiging effeminate ng front stage na aktwasyon ng sarili. Kung babae ito, mas lalong kimi at feminine ang pagkilos at gawi ng maykaya kaysa sa mababang uri ng pagkababae. Kung lalake ito, tulad ng kabataan sa pribadong kolehiyo, parang baklain ang kilos dahil pinot gentile nga kung umasta. Dito nakakapasok ang queerness para mapatanggap sa lalakeng kabataan ang subkultura ng pagiging effeminate o pinong pagkalalake.

Kumbaga sa kalsada, ang maykayang lalake ang mabibigyan ng masamang tingin o mabubugbog pa nga kapag ito ay naglakad sa labas ng kanilang spero ng realidad, halimbawa sa Tundo, Malabon o Krus na Ligas. Trespassers sila, at nakakapanghimok ng pagmamatyag at disiplina dahil sa kanilang katawan, pangangatawan at akwasyon sa katawan.

Ang gamit ng queer lingo ng gitnang uring kabataang lalakeng ay limitado lang sa aktwal na spero ng realidad nila. Sa hanay ng maykaya at gitnang uri, tila pa nga sila cutting edge sa kakayahang i-approximate ang bokabularyo at linggwistika ng mas nakararaming mababang uri. Pero dahil ang transaksyon ng bokabularyo at linggwistika ay sa new media, nakakadama rin ng kaligtasan, kundi man ng sterility, ang kinakausap (addressee): hindi mao-offend ang huli dahil ang virtual na mundo ay isa na ngang bubble o shield mula sa aktwal na antagonismo ng nasa labas nito, makauring lipunan at antagonismo, halimbawa.

Sa pagpasok sa virtual na mundo, na tulad sa mall at First World na sityo (Eastwood, Ayala at Fort, halimbawa) ay may sinasambit na bagong kalakaran ng inclusion at exclusion: hindi ito para sa lahat, makakapili ka ng subspero ng realidad na kakatigan, pwede silang i-block o i-unfriend at unfollow (o deadmahin ang kahirapang naka-trespass sa sityo), o pwedeng piliing huwag na lang pumaloob. Matagumpay na nakakalikha ng bubble world at shield ang maykayang individual.

Ang queer ay masyadong madulas dahil nga ito ang kanyang kalakaran para ibunyag ang katiwalian ng heteronormativity at iba pang opresibong nakagawiang pag-iisip. Sa huli, ang maykayang lalake na gumagamit ng kabataang lingo ay daluyan pa rin ng pagkalalake at patriyarka. At ginagamit lang ang queerness para makapagpalawak at makapagpalalalim ng sityo ng pagkalalake at patriyarka.

Ang kapitalistang kalakaran ay pumapabor sa queer na pagkalalake bilang peg kung paano higit na mapapakonsumo ang lalakeng hindi o ayaw sa shopping at iba pang feminine na konsumeristang kalakaran. Sa queerness, mapapabili ang maykayang lalake ng high-end na rubber shoes o sports wear, mag-expand ng horizon ng formasyon ng subheto at komunidad, paratihang iriembento ang sarili at aktwasyon, paratihang namimili. Kaya pasok sa banga ang queerness sa kapitalistang kalakaran kahit pa ito rin ang may limitadong transgresyon sa makakasariang usapin.

Red flag ang kabataang lingo, lalo pat maykayang lalake ang gumagamit nito. Sila na akala ay transgresibo ay hindi rin dahil higit silang napapadulas sa kapitalistang kalakaranna sa huli, ang mamayani ay ang preserbasyon at restorasyon ng hegemoniya ng maykayang patriyarka.

- See more at: http://bulatlat.com/main/2012/11/04/lalakeng-kabataang-lingo-at-amp-na-queerness/#sthash.0HqGemKg.dpufAno Ang Kulturang Popular?

Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media --lahat ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang popular.

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.

Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? San ba ito galing?

May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga:

1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante

Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan. Maaaring ito ay pangangailangan maging maputi, maging diretso ang buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at iba pa para matawag na maganda. Maaari rin namang gamitin ito ng mga negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa utak ng tao na hindi na sila mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone, camera, at iba pa. Dahil dito, napipilitan bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng mga negosyante para lang matugunan ang pangangailangan na ito. Ang produktong ito ay siya namang nagiging sikat at napapasama sa kulturang popular kinalaunan.

2. Latak

Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal at sa orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at kasuotan na mamahalin kaya sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura hanggang sa ito na ang maging uso at gamit na ng lahat.

3. Pangmasa o komersyal na kultura

Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga gamit, ang mga mumurahing gamit ay kadalasang sumasailalim sa maramihang produksyon o mass production. Ang kulturang popular ngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng mga kagamitan na nabili ng mga tao sa murang halaga.

4. Ginagawa ng tao

Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao --maaaring ng isang sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang pang hanapbuhay, pampasikat o tikis na pang-libangan lamang.

5. Larangan ng gahum

Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na tingin natin sa isang gahum na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa ating sariling bansa dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating sariling industriya dahil walang tumatangkilik sa ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas napapahalagahan natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa sa sarili nating kultura.

6. Pagkalusaw ng mga hangganan

Sa tumitingding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa para magkaroon ng iisang kulturang popular. Nawawalan na ng distinksyon ang mataas at mababang kultura, ang sariling kultura, comersyal at popular na kultura. Lahat ng kultura ay nagkakasabay-sabay na ginagamit at nagiging isa.

Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao. Sa kabilang banda, maaari rin namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang ito. Ngunit dapat natin isaisip na ang kulturang popular ay hindi maiiwasang magbago kaya marapat lang na panatilihin pa rin natin at wag kalimutan ang kulturang "unique" at sariling atin. Hindi dapat natin ito hayaang matabunan ng kulturang popular --kulturang nagbibigay depenisyon sa kasalukuyang panahon.

Kalinangang tanyag

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

HYPERLINK "http://tl.wikipedia.org/wiki/Kalinangang_tanyag#p-search"Ang kalinangang tanyag (Ingles: popular culture, pop culture), na tinatawag ding kalinangang bantog, kulturang popular,kulturang tanyag, kulturang bantog, kalinangang kinakatigan, o kulturang kilala, ay ang kabuuan ng mga ideya, mga pananaw, mga saloobin, mga meme,[1] mga imahe, at iba pang mga penomeno na winawaring pinipili at tinatangkilik ayon sa isang impormal nakonsensus sa loob ng pangunahing agos ng isang ibinigay na kalinangan, natatangi na ang sa kalinangang Kanluranin ng maaga hanggang kalagitnaan ng ika-20 daanton at ng lumilitaw at bumabangong pangunahing global na pangunahing daloy ng kultura noong hulihan ng ika-20 daantaon at kaagahan ng ika-21 daantaon. Ang kalipunang ito ng mga ideya, na mabigat na naimpluwensiyahan ngmasa ng midya, ay tumatagos at lumalagpas sa pang-araw-araw na buhay ng lipunan.

Ang kalinangang tanyag ay kadalasang tinatanaw bilang pangkaraniwan at may kababaan ng antas (sa diwang "bakya" o hindi mataas ang uri) upang makahanap ng konsensuwal na pagtanggap sa kahabaan ng pangunahing daloy ng isang kultura. Bilang kinalabasan, sumailalim ito sa mabigat na kritisismo o pagbatikos ng sari-saring mga napakukunang wala sa pangunahing daloy ng kultura (higit na ang mga pangkat na pangrelihiyon at mga pangkat na kontra-kultura) na humahatol dito bilang superpisyal, konsumerista,sensasyonalista, at may katangian ng korupsiyon o kabulukan.[2]

HYPERLINK "http://tl.wikipedia.org/wiki/Kalinangang_tanyag#cite_note-3"[3]

HYPERLINK "http://tl.wikipedia.org/wiki/Kalinangang_tanyag#cite_note-4"[4]

HYPERLINK "http://tl.wikipedia.org/wiki/Kalinangang_tanyag#cite_note-5"[5]

HYPERLINK "http://tl.wikipedia.org/wiki/Kalinangang_tanyag#cite_note-6"[6]

HYPERLINK "http://tl.wikipedia.org/wiki/Kalinangang_tanyag#cite_note-7"[7]

HYPERLINK "http://tl.wikipedia.org/wiki/Kalinangang_tanyag#cite_note-8"[8]

HYPERLINK "http://tl.wikipedia.org/wiki/Kalinangang_tanyag#cite_note-9"[9]

HYPERLINK "http://tl.wikipedia.org/wiki/Kalinangang_tanyag#cite_note-10"[10]Ang katagang "kulturang popular" ay unang naimbento noong ika-19 daantaon o mas maaga pa[11] upang tumukoy sa edukasyon at pangkalahatang "kakalinangan" o "kakulturahan" ng mga taong nasa mas mababang antas ng lipunan. Lumitaw rin ito isang talumpating ipinahayag sa Bulwagang Pambayan ng Birmingham sa Inglatera.[12] Ang kataga ay nagsimulang kuhanin at ariin ang kahulugan na bilang isang kalinangan ng mga taong nasa mababang antas ng lipunan na nakahiwalay mula sa (at paminsan-minsang laban sa) tinataguriang "tunay na edukasyon" hanggang sa pagsapit ng hulihan ng daantaong iyon,[13] isang paggamit na naging naitatag ng kapanahunang nasa pagitan ng mga digmaan.[14] Ang pangkasalukuyang kahulugan ng kataga, isang kulturang para sa pagkonsumo ng masa o madla, iyong natatanging nagsimula sa Estados Unidos, ay nailunsad at tumatag sa pagwawakas ngIkalawang Digmaang Pandaigdig.[15] Sa gawi sa wikang Ingles, ang popular culture ay pinaiiksi bilang pop culture o "kulturang pop" at "kalinangang pop", at ang naunang paggamit ay maipepetsang nasa dekada 1960.[16]Bakit nga ba mahilig makiuso ang mga Pilipino? Sinasadya ba nila ito o hindi talaga nila maiwasan ang ugaling ito?

Bago pa ang lahat, sinu-sino ba ang nasasangkot sa kulturang popular? Ang kulturang popular ay para sa masa: sa mga babaet lalaki, baklat tomboy, mayaman at mahirap, matanda at bata, at iba pa. Ngunit ano ba ang kulturang popular? Ayon kay Rolando Tolentino, ang kulturang popular ay hindi lang simpleng nakikiuso kung hindi ito ay isang tereyn ng tunggalian. Dito mahahanap ang ibat ibang value systems ng masa at maging ang mga negosyante.

Binanggit ni Tolentino na isa sa mga katangian ng kulturang popular ang kakayahan nitong lumikha ng kita. Isa sa mga nakikinabang sa kulturang popular ay ang mga negosyante. Nagiging isang kagamitan o commodity ang kulturang popular para sa karamihan dahil hindi na kinakailangan humanap ng mga paraan para alukin ang masa. Ang masa mismo ang gumagawa ng mga paraan para lumaganap ang ano mang bagay o produkto. Dito nangingibabaw ang kahalagaan ng teknolohiya sa kulturang popular. Nagiging daan ang kulturang teknolohiya para sa epektibong sirkulasyon ng produkto, maging print, broadcast, internet at iba pa. Sa ganitong pamamaraan, habang napapadali at gumiginhawa ang buhay ng mga negosyante, nasisiyahan naman ang masa. Marahil may ibang klaseng saya ang nadudulot ng masa sa pagiging bahagi ng kulturang popular, hindi nila namamalayan na sila ay gumaganap na instrumento para sa mga negosyante.

Datapwat, ang masa ang may kapangyarihan rin dahil sa kanila rin umiikot ang mga serbisyo at produkto na inaalok ng mga negosyante. Binabase sa mga hilig at pangangailangan ang mga produkto at serbisyo na inilalabas sa merkado. Naghahanap at gumagawa ng paraan ang mga negosyante upang bumagay ang kanilang mga produkto sa ibat ibang pangkat ng lipunan. Dito lumalabas ang konsepto ni Tolentino na ang kulturang popular ay isang middleground. May negosasyon na nagaganap sa pagitan ng masa at ng mga negosyante. Hindi man aktuwal na negosasyon ang nagaganap kung hindi ang pagtanggap sa mga produkto na ipinahihiwatig sa masa.

Kinakailangan ring tandaan na sa kabila ng kasiyahan na ibinibigay ng mga produkto, may sakit din na naidudulot ang kultrang popular. Marami ang kinakailangang isakripisyo ng mga mamimili para lang matamo nila ang mga pinapangarap na mga bagay-bagay. Handa silang masaktan dahil gusto nila makiuso sa uso na nagging uso dahil sa masa. Ito ang ideya ng sado-masokismo na isang katangian ng kulturang popular.

Laging may sentrong pinapanggalingan ang kulturang popular. Madalas ang sentro ay maaring mga ulong-bayan, mga pangunahing lungsod, at mga sentro ng kosmopolitanismo at urbanidad. Kung ano ang nagaganap sa sentro ay sinusundan ng mga periphery. Para itong nakakahawang sakit na hindi natin maiwasan.

Sa pangkahalatang pananaw, ang kulturang popular ang realidad ng masa. Lahat ng ating kinikilos ay nakabase sa kulturang ginagalawan natin. Kahit may mga ibat ibang mga pag-uuri sa lipunan at may sari-sariling paniniwala, hindi natin maiiwasan at matataguan ang kulturang popular lalo na sa panahon ngayon kung saan tayo ay nasa teknolihiyang era. Kahit hindi natin aminin, lahat tayo ay tumutulong sa pag-usbong ng kulturang popular. Kahit mahalin natin or kasuklaman ang isang ideya, lalo nating itinataguyod ang produkto sa pamamagitan ng pagtatanggap sa ating kultura.

Mga Bakas ng Popularisasyon Bilang Aparatong Kolonyal/Komersyal at ang Kapangyarihan ng Komukunsumong Masa(sipi mula sa aklat na Sangandiwa: Araling Filipino bilang Talastasang Pangkalinangan at Lapit-Pananaliksik. Manila: UST Publishing House, 2004, nina RVNuncio at EMorales-Nuncio)

Ang kulturang popular ay kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipang popular. Ngunit ang pagpapahayag na ito ay hindi payak lamang sa paglilipat ng nilalaman ng isang isipan sa isipan ng iba. May radikal na intensyon ang komunikasyon sapagkat ito ay kasangkapan ng kapangyarihan dahil bukal ang wika sa pagnanasa ng taong abutin at manipulahin ang kanyang lugar.

Florentino Hornedo, Kulturang Popular: Kabuluhan, Midyum, Daigdig at Paninda

Mabisang aparato ng kolonyalismo at komersyalismo ang popularisasyon. Sa panahon ng pananakop ng Kastila ginamit ang krus, sandata at maskara. Pagdating ng mga bagong kolonyalistang Amerikano, ginamit naman ang teknolohiya at mas midya. Sa diskursong ito ang popularisasyon ay pananakop bilang panghihimasok sa kasarinlan ng kamalayan at katawan. Panlulupig din ito na kinukonsidera ang paggamit ng simbulo, senyal at materyal na kumakalat dala ng mga inobasyon at istratehiyang kolonyal at komersyal sa bansa. Ngunit sa bandang huli mayroong tensyon, kontradiksyon, kapangyarihan at resistans ng mamamayan ang nalilikha.

Mga Bakas ng Kolonyalismo Ang pagsusuri sa kontexto ng aparatong popularisasyon ay isang mapanuring pagtingin sa naging epekto ng kolonyalismo sa Pilipinas. Inuunawa ang salitang kolonyalismo sa papel na ito bilang texto at kontexto ng pananakop sa Pilipinas. Ang una ay patungkol sa imahe bilang instrumento sa pagpapalawig ng kaayusan, pananakop at paniniil sa katawan at kaisahan ng bawat Filipino. Dito sa imahe ng kolonyalismo ipinapalabas ang pagkakaroon ng simbulong krus, espada at maskara bilang mga natatanging simbolikong instrumentong ginamit ng mga Kastila para sa panlulupig at pagpapayapa ng kaayusan ng mga ng mga Filipino. Ginamit ang relihiyon upang maikalat ang Kristiyanismo sa bansa. Ginamit naman ang dahas at puwersang militar, upang maipamukha ang katatagan at kalakasan ng mga dayuhan sa pananakop nila gamit ang istrakturang politikal at ekonomiko. Ginamit naman ang maskara bilang pananakop sa kultural na lebelang paggamit ng comedia at zarzuela upang mahubog ang mga sinakop sa kaisipan at kostumbreng dayuhan. Subalit masasabing naging mahina ang imahe ng maskara dahil sa hindi paglaganap ng wikang Espanyol. Naging isang miskalkulasyon sa loob ng tatlong daang taon ang hindi pag-ayon sa paglaganap ng nasabing wika.

May posibilidad na hindi sana sumiklab ang Rebolusyong 1896 kung naging malawakan sa simula pa ang pagtuturo ng Espanyol sa mga mamamayan sa kolonya. Repormista ang kamalayan ng mga edukadong nanguna sa kampanya para sa pagtuturo ng Espanyol. Kung may pagbabago mang ibubunsod ang pagkakamit ng wika ng kolonyalista, iyon ay tungo marahil sa pagpapatibay pang lalo sa paghahari ng Espanya sa Pilipinas. Naganap ang radikalisasyon ng kamalayan ng mga edukadong Filipino sa panahon ng kanilang pakikibaka para sa karapatan ng mga Filipinong matuto ng Espanyol. Sa pagtatanggi ng mga kolonyalista na ibigay ang wika nila sa mga Filipino, naliwanagan ang mga ilustrado na layunin ng mga kolonyalista na panatilihing mangmang ang nasasakupan upang ang mga itoy manatiling alipin (Lumbera 2000: 91).

Kung kayat ang maskara ay gumamit ng wika mismo ng mga Filipino; ito ang wikang nagbigay ng sariling anyo sa dulang naging kasangkapan dapat sa programang kolonyal. Dito naisafilipino at naging komedya at sarswela ang mga dulang ito.

Walang lantarang hangaring bigyan ng kasarinlan ang mga Filipino noon sa ilalim ng Espanya. Subalit ang pagsasabansa ng lahing Filipino kabilang ang mga Muslim, Intsik at iba pang lahi ay isang implikasyon ng pagbabago o pag-aaklas laban sa mga Kastila.

Kung kayat aktuwalisasyon ng kamangmangan, pantasya, kahirapan at pagkaalipin ang pananakop ng Kastila. Ang kolonisasyon ng mga Kastila ay ang pagtatalaga ng katauhan na sila mismo ang humubog, isang katauhan ng imahen bilang indio sa paningin nila ngunit naging tensyon at kontradiksyon na gagapi sa kanila.

ANG MGA TUNGGALIANG IDEOLOHIKAL

Ngunit sa pagpasok naman ng mga Amerikano, naging isang daluyan ng pag-aaklas sa panibagong kolonisasyon ang paggamit ng drama. Halimbawa nito ay ang pagyabong ng Drama Simbolico sa Maynila at karatig-Katagalugan (Chua 1997) at maging sa mga drama realistiko na ipinangalan ni Resil Mojares (Don Pagusara 1997:xxi) sa Cebu. Naturete at nangamba din ang mga Amerikano sa ganitong uri ng pagsasadula gamit ang mga dramang naisulat nina Aurelio Tolentino (Kahapon, Ngayon at Bukas), Juan Matapang Cruz (Hindi Aco Patay), Juan Abad (Tanikalang Ginto), at Tomas Remigio (Malaya). Kung kayat tinurin ang mga obrang ito bilang subersibo at mapanganib. Dahil sa ang nilalaman ng pagtatanghal ay laban sa imperyalistang Amerika, naging palaman sa publiko ang ganitong pagbabanta (Arthur Riggs, 1981):

[It] inculcate a spirit of hatred and enmity against the American people and the Government of the United States in the Philippines, andto incite the people of the Philippine Islands to open and armed resistance to the constituted authorities, and to induce them to conspire together for the secret organization of armed forces, to be used when the opportunity presented itself, for the purpose of overthrowing the present Government and setting up another in its stead. (sinipi mula kay Arsenio Manuel ni Doreen Fernandez, 377).

Upang maiwasan ang ganitong pagkakataon sa unang salvo ng mga kolonyalistang Amerikano, pinalaganap ng huli ang tunggaliang ideolohikal na hindi nakatutok sa puwersa kundi sa tinaguriang inobasyon at benevolent assimilation. Ipinasok din ang edukasyon bilang instrumento ng kolonisasyon sa mga Pilipino. Ang ganitong kaparaanan ng kontrol ay mabisang naisakatuparan. Sinabi ni Renato Constantino na: American control of the educational system made possible the distortion and suppression of information regarding Philippine resistance to American rule and the atrocities committed by the American army to crush that resistance (1978: 68).

Ang pangkahalatang ideolohiya ay umikot sa agenda ng pagpapayapa ng resistans bitbit ng sistemang edukasyunal na inihain ng mga Amerikano. Bukod pa rito, bilang namamayaning pananaw, sinabi ni Priscelina Legasto (1998: 46-47) na may dalawa pang kategorya ang ipinagmalaki ng mga Amerikano para alisin ang pagkaatrasado ng mga Pilipino: una na rito ang sistemang pensionado at ang ikalawa ang pagtuturo ng wikang Ingles. Dito ngayon naging masalimuot ang baybaying kaisipan at paniniwala sa isang wika at kulturang labas sa tunay na saloobin at karanasan ng mga Filipino.

Mga Bakas ng Komersyalismo: Pagpasok ng Radyo at Telebisyon Bilang Domestikasyon at Komodipikasyon o Pakikisangkot ng Mass Media sa Buhay ng Komukunsumo Nito

Kasama ng radyo, ang telebisyon ay bunga ng imbensyon at eksperimentasyon dala ng mapusok na edad ng industrialisasyon hanggang di nagtagal pumasok ang mga imbentong ito sa larangan ng komersyo. Ang teknolohiya at inobasyon ang naging sisidlan ng panibagong pagbulusok ng komidipikasyon ng pangangailangan ng tao. Impormasyon ang naging bentahe, naging bagong tutok sa panahong itinatalaga ng kapital ang pag-angat o pagbagsak ng isang bansang yumayakap sa ideolohiya at praktika ng imperyalistang Amerika. Dahil nga nasa ilalim ng pamunuang Amerikano ang Pilipinas noon, madaling naipasok sa merkado ang gawang Kano. Kasama na rito ang oportunidad sa pagpasok partikular ng radyo at telebisyon at pangkalahatan ng mas midya. Sa katunayan sa pagdating ng radyo sa bansa ay nakitaan na ng gamit sa palitan at bilihan sa merkado at komersyo. Ganito ang pananaw ni Clodualdo del Mundo Jr.: So good was the response to this medium of information and entertainment that in 1928, the local distributor of a famous American-manufactured radio set saw it fit and without doubt, profitable to establish their own radio stationSo it went from experimental to plain business (1986:69). Samantala, pumasok naman ang telebisyon bilang bahagi ng mekanismong politikal upang palakasin at pabanguhin ang imahe ng isang Pangulong nagnanais muling tumakbo. Si Judge Antonio Quirino ang gumawa ng paraan upang gamitin ang isang midyum na kilalang-kilala at patok na patok sa Amerika noong dekada singkwenta. Subalit naging bigo si Elpidio Quirino sa kanyang planong politikal na mahalal muli kahit na naging tagumpay ang pagpasok sa bansa ng telebisyon sa tulong ng kanyang kapatid. Ngunit kung hindi naman nagtagumpay sa unang sigwa ng pagpasok ng telebisyon sa larangan ng politika, kabaligtaran naman ito sa nangyari sa pagpapaunlad ng industriya ng mas midya at ng negosyo sa bandang huli. Ganito ang paliwanag ni Clodualdo del Mundo, Jr. (sa Patajo-Legasto, 1998) nang sa bandang huli, napunta sa mga kamay ng mga negosyante ang mas midya. Katulad halimbawa ng isang istasyon, napilitan silang sumuung sa batam-batang industriya ng telebisyon. Bolinao Electronics Corporationnot only had to set up and maintain a TV station, but also had to arrange for the distribution and sale of TV sets. Because it was directly responsible for the people buying TV sets, it was bound to continue operations at any cost (del Mundo, Jr. 1986: 74).

Bunga nito nakisangkot ang mas midya bilang daluyan ng impormasyon at enterteynment na kinagigiliwan ng tao. Bawat tahanan ay nagnanais na magkaroon kung hindi man radio, tv set o ng pareho. Pumasok na ang moda ng produksyon at distribusyon ng mas midya sa Pilipinas. Sa simula ang distribusyon ay nakatuon sa napripribilehiyong iilan na may salapi at kapangyarihan para magmay-ari o magkaroon ng akses sa mas midya. Sapagkat ang pamantayan ay negosyo, katulad nang nabanggit iilan lamang ang nagkakaroon ng akses dito. Subalit babaguhin lahat ito nang ang kulturang ito na sinusustene ng iilan ay tututok sa kultura ng komukunsumong masa.

Ang pagkonsumo sa produkto ng mass mediaradyo, telebisyon, pahayaganay nagtatakda ng pagtangkilik sa kalakaran ng oras o panahon. Ang mass media ay kinokonsumo hindi dahil ito ay mahalaga sa panapanahong yugto, kundi nagbibigay ito ng tuluyang pangagailangan ng tao sa lahat ng yugto ng panahon. Sabi ni Philip Abrams: Unique among the mass media, radio and television are given opportunities by time, by the fact that they have the whole day, everyday, to dispose of, and that they can break up the day (sa Casty, 1973: 90). Ang prosesong ito ay domestikasyon ng mass media sapagkat ang bawat programa sa radyo at palabas sa telebisyon ay tuluyang naihahatid nang walang puknat, nang walang hinto sa pandinig, sa paningin at sa kamalayan ng tao. Dagdag pa ni Alice Guillermo: Much of the effectivity of the TV medium as a conveyor of values and hence of ideological content lies in its immediate accessibility: with a flick of a dial, the images spring to life and all at once there is created the illusion that these images are within us, around us and that they unfold in space as the world outside our domestic confines (1989: 204).

Lahat na yata halos ng galaw, hilig, pagpapahalaga, hitsura, problema, kaalaman at iba pa ay tumatakbo bilang mga nag-aagawang tema sa programa o produkto ng mass media. Lahat ng ito ay nakasilid ika nga sa idiot box (TV) o talkies (radio) na mistulang nagbebenta ng tema at produkto sa pagkonsumo ng tao. Dahil dito, ang galaw, isip at damdamin ng tao ay nakakahon sa diskurso ng mass media. Sinusuyod ito bilang praktika ng pang-araw-araw na pamumuhay sa lipunan. Sinasang-ayunan ito ni Nick Couldry nang sabihin niyang: We can understand the medias ability to become obligatory passing points in the general circulation of images and discourse, not as something superimposed on social practice from the outside; instead it endlessly reproduced the details of social practice itself (2000: 5).

Kung bakit ganito ang kinahihinatnan ng mga komukonsumo ng mass media ay sa dahilang hindi na ito tinitingnan bilang repleksyon o representasyon ng realidad; bagkus, ang mass media mismo ay bumubuo na ng realidad ng tao. Kalabisan mang sabihin, subalit ito ang nagdidikta kung ano ang kakainin, iinumin, susuotin, aalamin, papanoorin, pakikinggan, sasabihin ayon kay Rolando Tolentino (2001). At sa kaganapang ito nagiging mistulang normal at natural lamang ang pagkonsumo sa pangkahalatang diskurso at praktika ng mga tao.

Ang Diskurso ng Kulturang Popular sa Panahon ng Komersyalismo

Ang kulturang popular ay realidad ng tao; inaangkin ito bago ang lahat at pinapalaganap mula sa sensibilidad ng tao dahil sa kanyang pagnanasa sa buhay patungo sa kamalayang naghahari ang makabago, mapusok, marangya at makapangyarihan. Ang kulturang popular ay pagsasabuhay ng bagay, imahe, simbulo, pananda, paninda at komoditi sa karanasan ng tao na namulat sa mabilisang pagbabago sa isang sibilisasyon. Tinatangkilik ito dahil sa popular at higit sa lahat tinatangkilik ito dahil sa tao ang una at huling puntirya. Paano? Dapat munang isaalang-alang ang kahalagahan ng teknolohiya at inobasyon sa isang bansa. Sinabi ni Tolentino na:

Makikilala lamang ang produkto ng kulturang popular kung ito ay naipapalaganap. Kinakailangan ng mga teknolohiya para maipaabot ito sa mga tao. Ang teknolohiyang ito ay maaaring mediaprint, broadcast, film, computer at iba pa. Ito ay maaaring domestikong teknolohiya tulad ng telebisyonIto ay maaaring kultural na teknolohiyatulad ng edukasyon at sining (2001: 7).

Ang industriya, imprastraktura, telekomunikasyon at merkado ay mahahalagang sangkap sa komersyo ng isang bansa. Napasimulan ang lahat ng ito sa pagpasok ng mga Amerikano na sila ang nagpalakad at nakinabang sa negosyong pambansa ng Pilipinas sa panahon ng Komonwelt at Unang Republika, partikular ang pagbibigay pantay-karapatan sa mga Amerikano sa negosyo at kalakalan sa panunungkulan ni dating pangulong Manuel Roxas. Ang implikasyong ekonomiko nito sa usapin ng uring panlipunan ay umikot (at umiikot hanggang ngayon) sa namumuhunan, sa mga negosyanteng may salapi. Kung kayat ang teknokrasya ay ginamit para mapanatili pa lalo ang sangkalan sa pagpapaigting ng mga interes at kapritso ng mga kapitalista. Ang pagbubukas ng pinto sa mga bagong teknolohiya ang naging dahilan kung kayat ang pagnanasa ng lahat sa uso at makabago ay bigla-biglang natutugunan. At dahil na rin dito naging mahusay na kasangkapan ang teknolohiya upang lumikha ng artipisyal na pagnanasa, hilig at fanstasya. Ikinumpol ang produksyon sa pamamagitan ng teknolohiya para sa higit na nakakaraming taoang masa. Ayon kay Teresita Maceda (Lagda 1999) binaha ng mga produktong buhat sa Amerikanong kulturang popular ang Pilipinas at dahil dito nagmistulang di makatakas sa Amerikanisasyon ang masa kahit na hindi sila natutong lahat ng Ingles o nakapag-aral.

Kung dadalumatin ang salitang kulturang popular, dalawa ang kategoryang bumubuo ritor: ang unay kultura at ikalaway popular. Ang kultura ay isang pinagsasaluhang praktika at mentalidad ng tao. Culture is both the arts and the values, norms and symbolic goods of everyday life. While culture is concerned with tradition and social reproduction, it is also a matter of creativity and change (Barker, 2000: 35).

Isang deskripsyon lamang ito sa terminong kultura, sapagkat walang tahasang kahulugan ito. Ang kultura ay masasabing mayroong reflexibong kahulugan na maaaring nakabatay sa katangian, salik at deskripsyon na sumasanga-sanga sa usapin ng politika, ekonomiya at kasaysayan. Sinasabi naman ni Tolentino (2001) na ang kultura ay isang kamalayan na gumaganap sa cohesion o kabuuan ng isipan sa mga kilos at bagay-bagay na likha nito o nilikha para rito. Pahayag niya: Ito ay tumutukoy sa afinidad ng indibidwal na kaisipan sa iba pang kolektibong kaisipan(H)alimbawa ang hindi namang magkakakilalang mga tao ay nagkakaroon ng di-malay (unconscious) na ugnayan dahil sa parehong balitang kanilang nabasa sa pahayagan o napakinggan sa radyo tungkol sa mga pamabansang isyu (2001: 4-5).

Samantala, ang salitang popular naman ayon kay Raymond Williams ay isang pang-uri na nangangahulugang kinagigiliwan, nagugustuhan ng nakararaming tao. (1983: 87, salin). Numerikal din ang isang pakahulugan ng popular. Popular ang isang bagay o tao kung maraming tumatangkilik. Ang afirmatibong aksyon na pagtangkilik ang lumilikha ng bilang. Sa isang banda, ang salitang popular ay tuwirang tumutukoy sa tao mula sa salitang populus (people sa Ingles) sa wikang Latin.

Sa ideolohikal na usapin, sa pagsasanib ng dalawang salitang ito, ang kulturang popular ay unang lumitaw at naintindihan sa pagsapit ng modernong panahon sa Europa bilang kabaligtaran ng mataas na Kultura (may empasis sa malaking K). Kultura ito ng namamayaning kaayusan at inaangkin ng naghaharing uri sa lipunan. Ang produkto ng Kultura nila ay tinaguriang kanon at klasiko, samantalang ang kulturang masa ay bakya at mababang uri (Adorno at Horkheimer, sa During 2000). Pakiwari ni Chris Baker dito: A variant of high-low cultural boundary, and one which reproduces theinferiority of the popular, is that which decries commodity-based culture as inauthentic, manipulative and unsatisfaying (2000: 44).

Saan nanggagaling o ano ang sentrong pinagluluwalan ng kulturang popular? Sinasabing ang gumagawa o sumusugal sa kulturang ganito ay yaong mga transnasyunal at translokal na kapitalista. Wala ng geopolitikal na hangganan ang pagpasok ng makabagong musika, literatura, pagkain, damit, kaisipan, ideolohiya at marami pang iba. May rasyonalisasyon ng pang-araw-araw na tunguhin ang mga tao na naiimpluwensiyahan ng mga bagay o komoditi mula sa labas. Humahatak ito sa pangkalahatan na sumanib at makiuso at nagiging pananda ng kasikatan sa panloob na geograpi ng kilos at gawi ng tao (Ritzer, 1990). Kay Lumbera (1997) usapin ng loob at labas ito, ang kulturang popular ay galing sa labas na kaiba sa pambansa o folk na kulturang nasa loob ng bansa. Nang tumagal, ang puwersang ito na mula sa labas ay pumasok na sa sensibilidad, pagpapahalaga, kaugalian ng mga tao. Matatawag natin itong kultura ng kamalayang popular na mas matindi pa sa pisikal na pagtangkilik lamang ng produkto. Kapag napasok na ang kamalayan, nagiging bahagi na ng kalooban ang mula sa labas.

Sa bandang huli ng spectrum, makikita ang kalagayan ng mga komukonsumong masa. Sa ganitong sitwasyon pinaniniwalaang ang kulturang popular ay maiintindihan, hindi sa yugto ng produksyon ng mga produkto, bagkus sa pagkonsumo nito.

Kulturang Popular: Isang Pagsasaayos sa Kapangyarihan ng Kultura at Masa sa Panahon ng KomersyalismoLubhang nakakulong sa diskurso ng kawalang kapangyarihan ang papel ng masa sa kontexto ng kulturang kanilang nililikha at lumilikha sa kanila. Sa ganitong kadahilanan, nararapat na gamitin at basahing muli ang pagteteorya ng terminong kulturang popular.

May tatlong kategorya ang paggamit ng mga katagang ito. Ang kulturang popular ay isang pag-aangkin sa puntodebista ng gumagamit o komukonsumo nito. Ito ay kultura ng tao, ng masa at masasabing dikta ng komukonsumo. Paanong mangyayaring dikta ito ng masa? Ang mga produkto ng kulturang popular ay ginagawa kasa-kasama ang masa sa isipan ng mga kapitalista. Hindi bat bago lumustay ng malaking puhunan sa isang produkto ang isang negosyante, tinitingnan at sinusuri muna kung magugustuhan ba ito ng konsumer? Judgments about popular culture are concerned with question not of cultural or aesthetic value (good or bad taste) but of power and the place of popular culture within the wider social formation (Barker, 2000: 48). Ang produksyon sa kalakaran ng kulturang popular ay nasasapawan. Ang mga kapitalista ay dapat na sumunod at mamalagi sa paggawa ng may matataas na serbisyo at produkto. Sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan sa produksyon at paggamit ng teknolohiya napapanatili ang kalidad at kahusayan. Ang produksyon sa kulturang popular ay maramihan sapagkat inaabot nito ang masa. Subalit ang ganitong takbo o kalakaran ay naglalagay ng alanganin sa mga kapitalista. Sapagkat gamit din ng nasabing teknolohiya at pananaw sa maramihang produksyon, nasasapawan sila ng mga maliliit ngunit makapangyarihang retailer o negosyante. Dito pumapasok ang mga imitasyon ng mga produkto sa merkado, halimbawa ang mga pekeng pantalon, damit, bag; payrited na tape, cd, at dvd; suplus na appliances tulad ng computer, tv, radio, cd player, kotse at marami pang iba. Sa ganitong tunggalian ang may matataas na kalidad na produkto ay binibigyan ng proteksyon ng batas. Ngunit ang kalaban nito ay ang puwersa ng mamimili na siyang nagpapasya sa pagkonsumo kahit na ang produkto ay peke, payrited o imiteyted. Isang kasagutan kung bakit mataas ang pagtangkilik dito ay ang presyo ng serbisyo at produktolahat ito ay mura kumpara sa orihinal, awtentik at patented. Hindi rin natin masasabing labas ito sa kalakaran ng kulturang popular. Hindi ang isyu ng legalidad ang punto rito, kundi ang tunggalian at tensyon sa espasyo ng paggamit ng kapangyarihang pumili at bumili. Ang boses ng masa bilang konsumer ang gumagawa sa malaking bahagdan ng pagkilos ng produkto at serbisyo sa merkado at sa lipunan sa kabuuan. Inululugar ang kapangyarihan ng masa bilang espasyo ng tunggalian at pag-aaklas sa merkado o lipunan. Babagsak ang isang kapitalista kung hindi patok sa masa ang kanyang produkto. Sapagkat ang pag-aangkin ng kapangyarihan ng masa ay nakatutok sa kalayaan ng konsumer na mamili sa produkto o serbisyong kanyang bibilhin. May kalayaan sa pagpili ang konsumer, samantalang ang kapitalista ay nakakulong sa produksyong walang katiyakan at katatagan pagdating sa merkado.

Ang lugar ng elit, aristokrat at burgis ay yaong gamitin ang kanilang salapi para sa produksyon at wala ng iba pa. Samantalang ang masa mismo ang tuwirang may kapangyarihan upang buhayin, ipagpatuloy at buuin ang kulturang popular. Maling sabihin na ang kulturang popular ang namamayaning kaayusan na binuo ng mga elit. Sa bahagdan ng pagbubuo ng kulturang ito maliit na porsyento lamang sila bilang prodyuser-konsumer. Ang punto ng kulturang ito ay wala sa produksyon kundi nasa pagkonsumo. Ang trending kung anong palabas o produkto ang dapat pamalagiin ay dapat na nakasunod sa kagustuhan, desisyon at pagtangkilik ng mga komukonsumo; kung hindi, ang palabas at produktong ito ay mauuwi sa pagkalimot at pagkalugi. Kung kayat nawawala sa ere ang isang palabas sa telebisyon kung hindi ito nagustuhan ng manonood. Nalalaos ang isang usong damit kung wala nang nagsusuot. Nalalaos din ang mga artista o aktor kung lumipat sa iba ang kanilang dating fans. Sa katapusan, nagsasara ang isang kompanya kung ang kanilang pananatili ay wala ng saysay sa mga tao.

Ang kulturang popular ay lugar ng tensyon at kontradiksyon, kapangyarihan at resistans. Tunay ngang nakikinabang ang mga kapitalista sa pag-ikot ng transaksyon sa negosyo, industriya at kulturang popular. Ngunit nagiging pupugak-pugak na mithiin na ang magkamal ng malaking kita, sapagkat magastos ang kagustuhan ng konsumer. Ang pangunahing tungkulin ng kapitalista o prodyuser ay pasayahin at gawing kuntento ang konsumer, ngunit alam nating walang katapusan ito. Isa pa, kailangan nilang sustenahin ang kanilang lugar sa merkado dahil sa kompetisyon. Kailangan din nilang magkaroon ng palagiang inobasyon sa serbisyo at produkto, at bigyan ng maraming benepisyong libre at iba pang gimik ang konsumer upang manatiling tapat na tagapagtangkilik. Hindi bat magastos ang ganitong kalakaran ng kulturang popular? Kung may kontrol man sila iyon ay dulot ng kanilang salapi, subalit hindi pangmatagalan ito sa dahilang madaliang guguho ang kapital dahil sa walang hinto at hindi matigil na kagustuhan ng mga komukonsumo. Ang kulturang popular sa mga kapitalista ay lugar ng pakikipagbuno. Samantala sa masa ito ay isang bukas na lugar ng malayang pagpili o paghulagpos. RVN

Leave a commentPosted in UncategorizedTagged Araling Filipino, kolonyalismo, komersyal,komersyalismo, kritika, kulturang popular, Philippine Studies, pilipinolohiya,popculture, sangandiwaang kultura at popular sa kulturang popularPosted on Nobyembre 29, 2009 | Mga Puna(sipi mula sa tinalakay na papel, Kritika/Kultura/Popular: Ang Kulturang Popular ng Kritika at Kritika ng Kulturang Popular sa Seryeng Panayam Br. Andrew Gonzalez, FSC noong Nobyembre 2009 sa DLSU)

PopularAlam kong alam nyo na kung ano ang ibig sabihin ng popular, ng sikat, ng uso, in ngayon lahat ng salitang itoy nagpapahiwatig sa kasalukuyan. Ibig sabihin ang specific time frame o fixated time marker natin ay kung ano ang sikat, uso, at in ngayon at wala nang ibang panahon pa, walang noon, walang hinaharap na time frame. Basta sa kasalukuna lamang.

Kung tutuusin simpleng sikolohiya ng panahon ang terminong popular. Kumbaga nag-iisip tayo sa ngayon, umiiral tayo sa ngayon, naiimpluwensiyahan tayo ng maraming bagay at tao sa ngayon, binabagabag tayo ng maraming problema sa ngayon, lahat talaga sa ngayon. Samakatuwid ang salitang popular sa kulturang popular ay walang ibang pinapatungkulan kundi ang kasalukuyan, ang ngayon.

KulturaSamantala, hindi naman pwedeng maging independent variable o isolated conceptual marker ang panahon/kasalukuyan/ngayon lamang, dapat may ka-konsepto ito na kaya nating unawain at lingunin nang pabalik-balik kahit na ba sabihin ng iba na mahirap unawain yan. Ang tinutukoy ko po ritoy ang terminong kultura. Isa sa pinakamahirap ng terminong i-define ay kultura ayon kay Raymond Williams. Sa aking pag-unawa, ang simpleng interpretasyon ng kultura ay lokasyon/pook/espasyo/sityo at ang kaakibat nitong pag-iral, kabuluhan, esensiya dahil sa kamalayan at pisikal na presensiya ng tao. Ibig sabihin ang kultura sa kulturang popular ay panandaliang nagkakaroon ng saysay dahil sa tao, mula sa tiyak niyang pag-iral sa lokasyon/espasyong kinalalagyan niya (tao: mrt, tao: kompyuter, tao: media, tao: pelikula, etc. etc.) hanggang sa malay niyang pagturing sa mga ito bilang bahagi ng kanyang buhay, pamumuhay at pag-inog sa mundong ito dahil marahil ito ang kanyang natatanging realidad (ito ang totoo sa kanya habang binabagtas niya ang kanyang karanasan sa kasalukuyan).

Sa madaling salita, ang kultura ay kombinasyon ng pag-iral ng materyal sa isang lokasyon at pinapalagay na lokasyon, pag-iral ng tao habang nakaintersek siya sa ibat ibang materyal na ito, at ang kamalayan at karanasang nalilikha mula rito.

Hihimayin ko muna ang materyalidad ng kultura. Hahatiin ko ito sa dalawang saray o antas: ang first order materiality o unang saray ng materyalidad at second order materiality o ikalawang saray ng materyalidad.

Dalawang saray ng materyalidad Ito ang first-order materiality o pisikal o materyal na nakatambad sa atin sa isang lokasyon/pook mga gusali, NLEX, SLEX, kalsada, mall, village, subdivision, palengke, ukay-ukay, parke, zoo, istasyon ng TV, atbp. Ang second-order materiality na ini-internalize natin sa isipan at kalooban natin dahil hindi naman nakatambad ang mga ito o di nakatirik ang mga ito sa isang lokasyon o pook, kundi nililikha ito bunga ng functionality ng first-order materiality. Ibig sabihin mula pisikal na bagay tungo sa ibang anyo o forma ng materyalidad. Halimbawa, tunog, ingay o musika na likha ng radyo, ipod, paligid/kalikasan, choir, orchestra; telebiswal na karanasan na nakatali sa panonood siyempre natin ng TV; cinematic na karanasan dahil sa sinehan o mula sa DVD player at TV; at virtual na karanasan tulad ng online game, chat, facebook, youtube atbp na mula sa internet o cyberspace at nagkakaroon ng second-order na materyalidad dahil sa kompyuter/laptop/palmtop.

10 Mga PunaPosted in UncategorizedTagged Araling Filipino, DLSU-M, Filipino, kritika, kritikal na pagsulat, kultura, kulturang popular, popular, sikolohiyang pilipino,worksyapPanels & Schedules of the 1st DLSU Graduate Students ConferencePosted on Hunyo 12, 2009 | Mag-iwan ng punaDepartamento ng Filipino, Research & Publications Office of theCollege of Liberal Arts and DLSU-CHED Zonal Research CenterThe 1st DLSU Graduate Students ConferenceKaisipang Filipino sa Ibat Ibang Disiplina sa Loob at Labas ng Bansa(Filipino Ideas Across Disciplines in and beyond the Philippines)June 26-27, 2009Yuchenco Lecture Hall 408,Yuchengco Rooms 504 & 505kulturang popular sa bawat henerasyon

Sabado, Mayo 19 2012

Reaksyon sa Pirated DVD

Sa bawat araw marami ang na aadik sa tinatawag nating pannood ng mga pelikula pero para sa akin nasa kultura na natin ang ganitong gawain buhat pa noong tayo ay nagkaroon o na imbento ang mga pelikula isa na dito ang panonood natin sa sine, pero na iisip ba natin ang epekto o mga nagawa natin para lang makapanood ng mga bagong pelikula tulad ng pagbili ng mga piratang DVD. Hindi natin makakaila na na-aadik na tayo sa ganito pero bahagi na rin ng isang kulturang popular ang pagbili ng mga piratng DVD. Sapagkat kapag ikaw ay bibili ng orihinal ay napaka mahal pero kung pirata ay mura almang ganyan ang mga nasa isip ng mga tao ngayon. haindi masama ang maging masaya pero hindi natin iniisip na nakakagawa tayo ng masama sa atin kapwa sinisira natin ang kanilang kabuhayan at mas lalo pa natin ipinapakita sa mga bata ang masamang gawain. kaya't isipin mabuti ang ginagawa sa ngayon dapat ang gobyerno ang nagkokontrol o nagpapakita ng maling ginagawa sa pagpuksa pero pawang sila pa ang nangunguna sa ganitong gawain.

Ipinaskil ni jovelyn sa 18:30 Walang mga komento:

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=1705983286683002822&target=email"I-email Ito

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=1705983286683002822&target=blog"BlogThis!

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=1705983286683002822&target=twitter"Ibahagi sa Twitter

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=1705983286683002822&target=facebook"Ibahagi sa FacebookReaksyon sa Online Games

Sa pagdaan ng panahon marami sa atin ang nahuhumaling sa tinatawag nating Online Games, subalit tama ba na tangkilikin natin ito? Hindi natin makakaila ang pagiging popularidad ng Online Games sapagkat marami sa mga kabataan ang na aadik sa ganitong Kulturang Popular at ang iba pa nga dito ay naaapektohan ang kanilang pag-aaral.Sa aking pananaw ay hindi masama ang mabigyan ng kasiyahan ang mga kabataan natin ngunit dahil na rin sa maling paggamit at subrang paggamit sa online games nagiging masama ito sa atin.Kailangan ang gabay ng mga magulang at tamang pag unawa sa mga bata at ipa intindi sa kanila ang mga dapat na gawin. Subalit may ibang mga magulang ang pinababayaan ang mga anak sa ganitong gawain.

Ipinaskil ni jovelyn sa 15:30 Walang mga komento:

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=4955804560859805608&target=email"I-email Ito

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=4955804560859805608&target=blog"BlogThis!

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=4955804560859805608&target=twitter"Ibahagi sa Twitter

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=4955804560859805608&target=facebook"Ibahagi sa FacebookBiyernes, Mayo 18 2012

Reality show bilang isang kulturang popular

Marami sa atin ang tumatangkilik sa mga reality show, pero alam ba natin na marami itong nadulot na masama at mabuti para sa tao? Alamin muna natin ang tinatawg na reality show, reality show ang tawag sa mga palabas sa telebisyon tulad ng PBB, Wow mali, The biggest loser, Survivor at iba pa na kung saan ay pawang makatotohanan hindi scripted at lalong-lalo na naipapakita ang totoong reaksyon ng isang tao. May mabuting nagawa ang reality show isa na dito ay ang ipinapakita ang tunay na ugali ng isang tao, may napupulot din tayong mabuting aral at higit sa lahat ay nagbibigay ng kasiyahan sa lahat, ngunit kung may mabuti man itong nagawa o naidulot mayroon din itong masamng na naidulot sa atin isa na dito ang kawalan ng oras sa iyong ginagawa, pinapahina ang ating memorya o katalinuhan , pagka adik at mayroon din tayong makikita na hindi magandang ugali kaya ay ginagaya ito ng mga kabataan. Maaari natin ito maiwasan kailangan ay nandiyan ang mga magulang upang gabayan ang kanilang mga anak sa panonood at upang maiwasn ang ganitong pangyayari katulad ngayon sa PBB, ang mga kabataan sa loob ng bahay ni kuya ay sila yung ginagawang modelo o tinatangkilik ng maga kabataan ngayon.

Ipinaskil ni jovelyn sa 16:30 Walang mga komento:

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=2473619923713184602&target=email"I-email Ito

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=2473619923713184602&target=blog"BlogThis!

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=2473619923713184602&target=twitter"Ibahagi sa Twitter

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=2473619923713184602&target=facebook"Ibahagi sa FacebookHuwebes, Mayo 17 2012

Fashion at Metrosexual

Fashion at metrosexual isa sa mga kulturang popular, una natin bigyan ng reaksyon ang Fashion, fashion ang tawag sa mga usong damit, accessorya ,sapatos,bg at iba pang mga bagay na tumutukoy sa fashion. ang bawt tao ay may kanya-kanyang istilo sa pananamit na kung saan ay naipapakita ang kanilang uagli, subalit hindi lahat ay mahuhusgahan natin ang kanilang personalidad may mga tao talagang likas na sa kanila ang pagiging sunod sa uso o fashionista, fashionista naman ang tawag sa mga taong labis na tumatangkilik sa mga produktong popular talaga at ito ay inirarampa nila saan man sila pumunta, ngunit may ilan naman sa kanila ginagamit ang fashion upang matago nila ang kaniulng pagkatao at dito papasok ang tinatawg nating metrosexual na kung saan yung mga lalaking napagkakamalan na bakla , dahil sa kanilang mga gawain na daig pa ang mga tunay na babae sa pagpapaganda at pag-aayos. Alam naman natin na malaki ang ating paghanga sa mga metrosexual dahil sa kanilang karisma na naipapakita sa madla, at nakakatutulong din ito sa kanila lalong-lalo na sa mga artista upang maging maayos at kaayaaya silang tignan, ngunit hindi lahat ng metro ay ganito may mga metrosexual din na tinatago ang kanilang pagkatao sa madla kaya ang iba ay malayang nakikipagsalamuha sa ibang tao. Kaya kung minsan ay hindi natin matukoy na tunay na lalaki ba sila o pawang pagkukunwari lamang ang ginagawa nila. Marami sa atin ang nag iisip na tama ba ang pagiging metrosexual ng isang tao.

Ipinaskil ni jovelyn sa 16:30 Walang mga komento:

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=2497337824461808459&target=email"I-email Ito

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=2497337824461808459&target=blog"BlogThis!

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=2497337824461808459&target=twitter"Ibahagi sa Twitter

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=2497337824461808459&target=facebook"Ibahagi sa FacebookMiyerkules, Mayo 16 2012

Teknolohiya isang Kulturang PopularAng kulturang popular ay maraming nagawa sa atin. Dahil sa paglaganap ng kulturang popular marami itong nabuhat na mga pagbabago na kung saan ay masasabi nating nakadulot ng malaking epekto sa mga tao.Mga epektong nakatulong sa ating pang araw-araw na pamumuhay kagaya ng paggamit ng cellphone na nakatulong upang magkaroon ng komunikasyon kahit na magkalayo pa ang mga tao, computer na isa pang teknolohiya na naglalapit sa mga tao dahil sa social networking site na nagkokonekta sa mga tao sa iba't-ibang lugar at mga iba pang teknolohiya na nakatulong para punan ang ating mga pangangailangan . Bagama't maraming kabutihang naidulot ang kulturang popular sa atin, may masama rin itong epekto gaya lamang sa sobra nating pagkadepende sa cellphone lahat na lang ng tao ay dinadaan sa text ang interaksyon na nabubuo sa mga tao na kung saan ay masama ito.

Kaya't lagi lamang nating pakakatandaan na lahat ng sobra ay nakakasam, at lahat ng bagay ay may hangganan, kaya tayo ay maging responsable sa ating ginagawa, maglagay tayo ng limitasyon sa paggamit ng bagay-bagay at higit sa lahat dapat matutong makontento.

Ipinaskil ni jovelyn sa 16:30 Walang mga komento:

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=6136092243334424256&target=email"I-email Ito

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=6136092243334424256&target=blog"BlogThis!

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=6136092243334424256&target=twitter"Ibahagi sa Twitter

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=6136092243334424256&target=facebook"Ibahagi sa FacebookMartes, Mayo 15 2012

Pagkain anyo ng Kulturang Popular

Alam naman natin na mahilig tayong mga pinoy sa iba't-ibang uri nag pagkain mapa mura man ito at kahit saan ka man pumuntang lugar o probinsiya makikita ang tatak ng bawat probinsiya sa pamamagitan ng kani-kanilang mga pagkain na inihahanda ng kanilang mga mamamayan. At ang mga pagkain na lalong nakikilala ay parte na rin ng isang kulturang popular, sapagkat tinatangkilik natin ang mga mga ito hindi natin iniinda ang kahirapan ay kung may matitira pa bang pera sa atin, pero hindi lahat ay makakakuha ng abot kaya dahil pawang may pera lamang ang may kakayahang bumili ng tinatawag nating mga popular na pagkain, alam naman natin bawat panahon ay nag-iiba ang lasa ng tao sa pagpili ng pagkain subalit napapalitan ito ng mga bago pang tuklas na pagkain na kung saan ay habang tumatagal ay nagiging mahal ang kalidad nito. Ngunit sa kaligayahan na ibinibigay ng mga pagkain ay nawawala ang pangamba sa kamahalan ng pagbili nito, ganyan ang tinatawag nating satispaksyon sa isang kulturang popular.

Ipinaskil ni jovelyn sa 04:30 Walang mga komento:

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=2723942901568567468&target=email"I-email Ito

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=2723942901568567468&target=blog"BlogThis!

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=2723942901568567468&target=twitter"Ibahagi sa Twitter

HYPERLINK "http://www.blogger.com/share-post.g?blogID=5593047046119001538&postID=2723942901568567468&target=facebook"Ibahagi sa FacebookLunes, Mayo 14 2012

Facebook

Facebook ito ay isang site sa internet, marami sa atin ang popular sa Facebook, pero bago pa man na uso ang tinatawag nating friendster, sa friendster tayong unang natutong maglagay ng ating emosyon at magdiskubre,subalit sa pagdaan ng panahon umusbong ang tinatawag nating Facebook, naging patok ito sa madla mapa bata man o matanda katulad ni lola teche na ating unag nakita sa mga adbertisment ang bawat isa ay may reaksyon pero sa aking pananaw at reaksyon ay may mabuti pa lang nagawa ang facebook sa atin isa n dito ang pangmadaliang komunikasyon sa bawat miyembro ng pamilya nasa malayo man sila, ngunit hindi lang mabuti ang nadudulot ng Facebook may masama din itong nadulot sa atin tulad ng pagkawala ng pagkapribado ng ating buahay, pagkakahiwalay ng dalawang tao at higit sa lahat ang pagtaas ng krimen sa ating bansa na kung saan maraming napapahamak sanhi ng tinatawag nating Facebook hindi naman masasabing ang facebook ay masama at ang dala nito sa atin kundi tayo ang gumagawa ng paraan na maging dulot ng masamang mga gawain at masamang epekto na labis natin inaabuso ito.

Kulturang Popular

Leave a comment Ang kulturang popular ay ang tinatangkilik ng karamihan sa lipunan, halimbawa ang mga pelikula at ang mga teleserye, sa mga damit na sinusuot at ang mga artista na tinitingalaan namin lahat ito ay nasa sakop ng kulturang popular. Ang ng ginagawa naming, sa mga salita at ang mga akysons ito ang subconscious na pagnanais sa mga bagay na popular sa karamihan. Ito ang isang simpleng paliwanag para sa kulturang popular, pero ano talaga ANG kulturang popular?

May maraming ideyas na lumikha ang tinatawag naming kulturang popular. Isa, tumatakbo ang kulturang popular sa prospekto ng kita. Kung walang kita o potensyal na negosyo mas maliit ang impluensya ang mga kompanya sa komunidad. Laging nagdadala ang mga kompanya ng mga bagay na nakatingin nila may potensyal na maging popular dahil ito ang paanong tumatakbo ang mga kompanya nagdala ng mga produkto na lilikha ng pinakamaraming kita. Dahil sa itong pananaw, karaniwan maganda ang mga produkto na dinadala ng mga kompanya, katulad sa mga damit o mga restawrans, at ito ay gumagawa angtrend na sinusundan namin.

Gumagawa ang pagnanais na umiral sa kulturang popular ang konsepto ng sado-masokismo. Ito ang kagustuhan para makukuha ng kasiyahan sa pagkuha ng mga bagay na tinatawag naming kulturang popular. Isang halimbawa ay ang kagustuhan ng bagong tatak ng Nike o Adidas na sapatos . Kahit mataas ang presyo nila, ang pangangailangan ng mga bagay na ito ay lumamang ng mas importanteng at mapakikinabangan na bagay. Ito ang negatibong aspekto ng sado-masokism sa kultura namin. Ito ang dahilan kung bakit may mga bagay na may pekeng tatak katulad sa mga bagay na binebenta sa Greenhills. Ang layunin ng mga ito ay para lang matutupad ng kasiyahan sa pamamagitan ng kahulugan na binibigay ng isang tatak.

Nagmula ang kulturang popular sa mga sentro ng lipunan. Ang Maynila, ang kapital ng Pilipinas, ay isang halimbawa dumadaloy ng maraming internasyonal na negosyo sa mga sentro ng bayan dahil maraming ginaganap na mangalakal dito . Dahil iyon, malaki ang impluensya nila sa lipunan at ang pagkalantad sa mga internasyonal na produkto. Tumutulong ang nosyon na laging maganda ang mga dayuhang produkto sa pagkalat ng trend sa lipunan. Sa huli, dumadaloy ang impluensya ng mga ito sa mga ibat ibang estado ng buhay.

Ito ang ilang mga ideyas na bumubuo ng tinatawagang naming kulturang popular, pero may mas malalim na pananaw na naroroon.

Hindi pareho ang kulturang popular sa lahat ng mga tao na sinusunod ito. Kahit na may isang particular na trend, maaring mayroong ibat ibang kahulugan. Kahit na may isang partikular na bagay na itinuturing naming bilang isang kulturang popular, ang mga tao ay may sariling pananaw sa pagkita ito. May ibat ibang mga kategorya kung saan naming tingnan ang mga ibang ng mga tao.

Isang pananaw ay ang paghati ng itaas at ibaba o mga ibang estado ng buhay. Maaring tingnan ang isang tao sa isang partikular na trend depende sa kapasidad sa kanilang kaya para makabili ito. Isang halimbawa ay ang iPhone. Tinitingnan ng mga taong may kayamanan ng iPhone bilang isang normal na telepono at walang masyadong importansya sa kanilang bagay kundi iyon. Pero ang mga taong na wala masyadong kayaman at nagsakripisyo para makukuha nila ang iPhone ay bumubigay ng higit pang importansya at mas lalong silang magbigay ng kahalagaan so ito. Halimbawa ito sa isa sa mas maraming pananaw sa kulturang popular, may kultural na kategorya, na nakikita naming ng mga bagay sa pamamagitan ng mga sosyal na kaalaman. May global at lokal na kategorya na bumubigay ng relasyon ng dalawa sa ating lipunan katulad sa iHop, isang restawran. Mas maliit ang kanilang mga servings ng pagkain para makibagay sa mas maliit na apetito ng mga Pilipino.

May mas malalim na bagay sa pag-uunawa ng kulturang popular kasya sa kung ano ang maari naming makikita sa labas. Importante ang pag-aaral ng kulturang popular dahil bumibigay ito ng mas malaking kamalayan sa aming lipunan at ang kulturang naapekto ito.

Kulturang Popular, Buhay at Karanasan (Vol 1 Intro)

Introduksyon sa Serye ng Libro:Kulturang Popular, Buhay at Karanasan sa Pang-araw-araw

Mula Pagbangon Hanggang Pagtulog (unang serye, para sa Vol. 1)

Mula sa ating paggising at pagtulog, ang substansya ng kulturang popular ang siyang gumigiya sa ating buhay--paghinga, pagtibok ng pulsot puso, pagtunaw ng pagkain at pagkagutom, pagkaantok at pagkasigla, pagtawa at pag-iyak. May malaking pagtataya ang kulturang popular sa ating katawan bilang behikulo para masulong ang pagdanas sa lipunan, kasaysayan at (post)modernisasyon. Hindi nga bat ang ating katawan ang siyang sintomas at manifestasyon ng pagkalalim na tagos ng malaganapang kulturang popular sa ating buhay? Pero higit pa sa biolohikal na oberdeterminasyon ng kulturang popular sa ating katawan, may mas malalim na sugal ang kulturang popular sa pagsubstansyapaghubog at pagpapalaman, o pagpapalawak at pagpapalalimsa ating kamalayan.

Makakapasok ba tayo sa mall nang hindi man lamang naaambunan, basang-basa pa sa karanasan sa mga produkto ng kulturang popular? Makakaalis ba tayo sa ating bahay na hindi nakakapagpahid ng isang daan at isang produkto sa ating katawan? Bakit tila tayo kulang kapag nakalimutan natin ang ating cellphone? Hindi bat nabuhay naman tayo na wala ito sa nakaraan? Bakit hindi tayo mabuhay sa hinaharapo isang araw man lamangna walay sa teknolohiyang ito? Bakit para tayong nanghihina kapag hindi tayo nakainom ng ating pang-araw-araw na adiksyon sa bitamina at energy drink? Bakit tayo conscious kapag nakaligtaan nating magdeodorant, na kahit hindi naman tayo pagpapawisan ay tila automatiko ang panunumbalik ng putok sa katawan? Bakit tayo tila nasa loob ng pelikula kapag conscious tayong pinapanood tayo at nagugustuhan natin ito? Bakit iba ang ating pagkatao kapag magkakasama ang kabarkada at kaopisina natin (sa pagkakataong nasa labas tayo ng opisina) kaysa sa pang-araw-araw na kasama natin ang ating kapamilya? Bakit tila nadanas na rin natin ang mga nadaranas ng mga karakter na pinapanood natin sa telebisyon at pelikula? Bakit nasaulo natin ang mga kantang sinusuka natin? Bakit hindi na natin ibig ang mga kantang bigla na lamang nagustuhan din ng mga jologs? Bakit sumasagi sa isip natin ang pagpapakamatay at pumatay? Bakit tayo nananaginip ng gising? Bakit hindi tayo makatulog nang hindi nagpapahidna namanng isang daan at isang produkto sa ating katawan?

Ang kulturang popular ay may kapangyarihang lumikha ng kulang at sobra sa atin. Sa paratihan, ipinamumukha nito ang ating kasalatan sa ideal na ginawang masibong pamantayan ng panggitnang uri na pamumuhay. Panggitnang uri ang pamantayan ng kulturang popular dahil ito ang nililikhang ideal na imahen na maaring makamit ng mayoryang nananatiling mahirap sa bansa. Ang pagsna-snatch o hold-up ng cellphone, halimbawa, ay maaring tignan bilang paghihiganti ng masa sa inaakala nilang normal na bahagi ng (middle-class na) buhay. Ang kulturang popular ang nagbibigay ng normative function sa mga produkto, na tila kinakailangan ito ng mga tao hindi lamang para mapabuti ang buhay, kundi mismo, para mabuhay. Ang panggitnang uri din ang pamantayang maaring bumaba ang nakakataas na uri. Masyado namang malungkot ang buhay kung iilan lang silang nagkukuwentuhan ng bagong Louis Vitton bag o Channel na pabango. Tila mula CK at Bench hanggang Axe ang nagiging kolektibong amoy ng nagnanais makaangat sa nakararami. Ang kulturang popular ay ang kultura ng panggitnang uri at para sa marami, mayroon itong kaakibat na dilemma ng naturang uriparating nakakasapat lamang ang kita, madalas kulang pa nga na magbibigay sa gitnang uri ng afinidad sa uring anakpawis (working class) pero sa taas ng kanyang aspirasyon at pangarap sa buhay, ang kanyang identifikasyon naman ay tungo sa pribilihiyadong uri. Ito ang bind ng kultura ng panggitnang uridahil wala siyang nakakasapat na materyal na batayan para makamit ang kanyang pangarap, paratihan lamang inilulugar niya ang kanyang sarili sa pasakit para sa pangako ng temporal na kasiyahan. Nabubuhay ang panggitnang uri para sa posibilidad na makamit ang pangako ng pag-angat, ng pag-igpaw sa kanyang mismong uri. At sa kolektibong aspirasyon na ito, tanging si Cinderella (one-in-a-million) ang makakamit ng pangarap na makaahon sa kinasasadlakang kumunoy ng lipunan. Tunay tayong mababaliw sa kaligayahan kapag tayo ang nanalo sa Who Wants to be a Millionaire, Game ka na ba? o Weakest Link. Pero masaya na tayo sa panonood ng ibayung mismong contestantat sa posibilidad ng pag-ahon ng isa sa ating uri.

Ang kulturang popular ay hindi libre. Ito ay isang karanasan na tanging ang may kapasidad bumili at magbayad ang makakadanas. Sa nakararami, ang pagdanas ay nagaganap lamang sa kanilang kamalayan. Sa sobrang gusto nila itong maranasanang bagong amoy, bagong modelo ng Nokia, bagong skin whitener, bagong jeans, bagong buhayay mas nadanas pa nila ito. Paulit-ulit itong umaalingawngaw, sumasalat, namumutiktik, nakikinita, nalalasahan--paulit-ulit na nila itong nadaranassa kanilang utak. Rehersado na ang kanilang pagdanas kahit hindi pa ito aktwal na nadanas. Ang kulang na nga lang ay ang materyal na gratification sa karanasanna sa akto lamang ng pagbili magkakaroon ng release ang matagal at paulit-ulit nang pagmamaniobra sa karanasan, na sa pang-araw-araw ay nirerepress at ino-oppress naman. Itong akto ng pagbilina tila minamaliit ng maykayaang siyang nagpapaiba sa karanasan sa kulturang popular. Hindi naman lahat ay may kapangyarihan nito, lalo na sa isang lipunang di hamak na mas marami ang mahirap kaysa maykaya. Kaya ang maykaya ay may pasaporte sa mga produkto at arena ng kulturang popular samantalang ang mahirap ay kailangan na lamang makuntento sa posibilidad nito, na kahit papapaanoy sa tanang buhay niya ay makakapag-Jollibee at MacDo siya. At ito naman ay ipinapangalandakang abot-tanaw, abot-kamay na pangarap para sa nakararami.

At ito ang karanasan sa malling, isang kakatwang pang-araw-araw na kaganapan sa mga syudad sa bansa. Una, ang malls ang bagong sentro ng publikong buhay. Dito nagaganap ang sosyalisasyon ng mg tao tungo sa panlipunang relasyon (kitaan ng mga kaibigan, book fair, profesyonal na serbisyo, tulad ng dentista, travel agent, dollar exchange, at iba pa). Sa kawalan ng mga parke sa syudad, ito na ang pasyalan, me pera man o wala, maayos lang ang pananamit ay makakapasok pa rin sa loob ng mall. Sinababi na ang mall ay democratizing device sa lipunanpinagpapantay-pantay nito ang akses ng mga tao sa mabuting (nabibiling) pamumuhay kahit pa ito ay mito lamang. Ang maykaya pa rin ang ideal na konsumeristang mamayan sa lipunan ng mall. Ikalawa, ang malls ang nagpapakita ng produksyon ng magic sa intermittent na yugto ng komodifikasyonsa gitna ng produksyon at resepsyon ng mga komoditi. Ang pagkapasok sa mga tindahan sa mall ng mga produkto ay dobleng pagtatanggal sa moda ng produksyon nitouna, ang mismong produkto ay maaaninagan ng kawalan ng anumang bahid ng paggawa at aktwal na produksyon (ang mga isda sa sardinas ay hindi makakakitaan kung paano ito pinagsiksikan sa maliit na lata, paano nagkaroon ng sarsa, at nawalan ng daliri ang manggagawa sa pabrika nito); ikalawa, dobleng magical sa pagkadispley nito sa mall bilang lunan na may orihinaryong orkestradong magic na kapaligiran. Hindi nga bat mas natutuwa ang mallers dito kaysa sa aktwal na plaza sa kanilang pinanggalingang bayan?

Dahil mas kontrolado ang mga marka ng gitnang uri sa mallair con, kawalan krimen, maayos na pananamit at dekorum sa lahat ng nasa loob nito, kalidad ng serbisyoay mas naiibigan ito bilang parang life-choice ng mga tumatangkilik nito kaysa, halimbawa, sa usok at traffic sa labas, delikadong paglalakad sa sidewalk, maduduming pagkain sa kalsada, namamalimos, at iba pa.

Ang mall ay espasyo ng posibilidad ng panahonna kahit hindi lubos na maunlad ang bansa ay may showcase ng posibilidad ng kaunlaran, mga oasis of love sa duhaging bansa, at ang engrandeng posibilidad na hihigit sa lahatang porma ng bansa kapag ito ay ganap na maunlad na bansa. Sino ang aayaw na ang buong Kamaynilaan ay maging higanteng mall, tulad ng orkestrasyon para sa luntiang syudad sa Singapore o mga high-tech science na syudad sa Japan, halimbawa? E di magiging one big shopping showcase tayo ng Asia. Pero ang realidad ay hindi mangyayari ito dahil napakaliit ng aktwal na gitnang uri sa bansa. Kaya ang mall ay pribiliheyadong espasyo ng kaunlaran, ng display ng gitnang uring kabuhayan at ng mismong gitnang uring kapangyarihang makabili. At sa naratibo ng shopping spectacle, nagiging korolaryo ang buhay ng mga mababang uri, lalo na ang mga nagtataguyod ng lifestyle sa mall, ang libo-libong subcontracted laborers nito. Nabubura ang moda ng produksyon nila dahil ang mismong kalakaran ng pagtingin sa mall ay tungo sa gentrified na visualisasyon.

Tunay na malawak ang sakop sa ating kamalayan ng kulturang popular. Binibigyan tayo ng mga bagong pangangailangan at desire, na dati naman nga ay hindi natin kinailangan. Dahil sa masibo nitong pagpapalaganapwalang takas sa cellphones, halimbawa, sa pang-araw-araw na ads at komersyal ng mga kompanya nito, sa mismong mga taong tumatangkilik nito, sa ibat ibang larangan ng buhay na ating ginagalawan, tulad ng mall, tiangge, palengke, opisina at skwelahanwalang hindi mababahiran ng kaakibat nitong karanasan: paano ba dinadanas (paano hihinga at mag-iisip) ang karanasang dulot ng ibinebentang produkto? Ano ang transformasyong magaganap sa pagbili nitong produkto? Bakit kulang pa rin kahit na nakabili na? Dahil ba sa may mas magandang brand at modelo? Dahil ba ang bago ay ginagawang luma kaagad sa kulturang popular na kinapapalooban natin? Bakit kulang pa rin kahit na labis na?Sa introduksyong ito, nais kong ipaliwanag ang mga komponent na bumubuo ng kulturang popular at ang paraan ng pagdanas dito. Paano ba natin muling imamapa ang karanasan nang hindi lang natin ito dapat tanggapin bilang nandiyan na, isang given sa ating buhay, na sa ayaw at sa gusto natin ay sapilitan tayong ipinapasabay dahil tila walang ibang siwang para sa kontra-pagkilos at kontra-kamalayan? Paano ba nanormalisa ang ating karanasan sa mall, cellphones at mismong panggitnang uring buhay? Sa muling pagmapa lamang tayo makakakita ng siwang para sa indibidwal at kolektibong pagbabago at transformasyong pangkamalayan at panlipunan.

Kung hindi ito, para tayong automatons o robotics, na bawat kable, kalamnan at microchip na bumubuo sa atin, ay mas ginagawa tayong sunod-sunuran kaysa matuklasan natin ang ating historikal na pagkatao. Tulad si Neo sa pelikulang Matrix, kinakailangan nating pumili sa pula at asul na kapsulapara matunghayan natin ang loob ng artiface o manatili sa ating kamangmanganat matapos, kung pipiliin nating sumulong, ay wala nang muling pagbabalik sa dati.

Sundan din natin ang white rabbit

May anim na bahagi ang seryeng ito tungkol sa kulturang popular:

Volume 1. Kulturang Mall. Ang mall ay isang media na nagdudulot ng sosyalisasyon tungo sa gawi ng isang transnasyonal na mundo. Paano tayo tinuturuan ng kultura ng mall? Paano ugma ang pagtingin at malling sa transnasyonal na mundo at realidad sa isang di pa lubos na transnasyonal na lipunan?

Volume 2. Disaster, Droga at Skin Whitener. Ang mundo ng kulturang popular ay mundo ng politikal. Mayroong nakikinabang sa mga itinuturong kaisipan at kagawian. Ano ang sigalot na dulot ng pagkabagsak ng mga eroplano at sunog sa Ozone? Bakit bigla itong nakakalimutan? Paano tayo lumilikha ng popular na alaala sa kultura ng droga? Bakit gusto nating pumuti?

Volume 3. Si Darna, ang Mahal na Birhen ng Penafrancia at si Pepsi Paloma. Mga babae ang imahen ng kulturang popular at mass consumption. Ang ang sinasabi ni Darna hinggil sa paghahanap ng tinig ng kabataang manunulat? Paano magkatulad ang pagsalat sa Birhen ng Penafrancia at ang konsert ng South Border? Paano si Pepsi Paloma naging magandang buhay at lalong naging magandang kamatayan?

Volume 4. Ang Bago, Bawal at Kasalukuyan. Kahit pa ang kulturang popular ay dinadambana na para sa lahat, marami pa ring komplex na usapin na kaakibat nito. Kailang nagiging bago ang bago? Ano ang ipinagbabawal sa baliw? Ano ang kasalukuyang sining sa espasyo ng mall at kasaysayan sa komiks?

Volume 5. Paghahanap ng Virtual na Identidad. Ang pagtangkilik ang siyang nag-uugnay sa atin. Ito ang dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng identidad, virtual man. Paano hinuhubog ng bida sa pelikula, ng retro fashion at computer games, at ng mall para tayo magkaroon ng virtual na identidad? Ano ang challenge sa pangkulturang gawain sa edad ng globalisasyon?

Volume 6. Lalakeng Pin-up, GRO at Macho Dancing. Mahirap maging lalake sa kasalukuyang edad. Kailangan mong maging feminisadong lalake para mapanatili ang pribilihiyadong posisyon sa lipunan. Ano ang sinasabi ng proliferasyon ng lalakeng pin-ups at magazines? Bakit mayroon nang lalakeng GRO? Ano ang ikalawang yugto ng macho dancing sa gay bars?

Nais kong pasalamatan ang U.P. Office of the Vice Chancellor for Research and Development para sa pagkaloob ng grant para makumpleto ang mayorya sa sanaysay na ito. Mayorya sa mga sanaysay ay unang kabuuang inilathala sa koleksyong Sa loob at labas ng mall kong sawi/kaliluhay siyang nangyayaring hari: Ang Pagkatuto at Pagtatanghal ng Kulturang Popular (Quezon City: University of the Philippines Press, 2001).

Nagpapasalamat din ako sa National Commission for Culture and the Arts, Henry Sy Professorial Chair, Lily Monteverde Professorial Chair, sa mga organisasyon at indibidwal na naghimok sa akin na pag-isipan ang mga isyu ng kulturang popular na tinalakay sa seryeng ito. Gayundin, pasasalamat din sa aking mga mag-aaral ng mga kurso sa panitikan, pelikula at kulturang popular na siyang tunay na may higit na karanasan sa mga isyu rito, at sa aking mga kaguro sa U.P., Ateneo de Manila at De La Salle University, para sa paghihimok na lalo pang paunlarin ang talakayan hinggil sa kulturang popular.

Ang serye ng libro tungkol sa kulturang popular na inilathala ng Anvil Publishing ay bawas sa hayag na teoretikal na diskusyon at organisado batay sa mga tematikong usapin. Tinatangka nitong makaabot sa mas malawak na mambabasa. Malugod kong pinasasalamatan sina Karina Bolasco, Ani Habulan at Leng ng Anvil para sa kanilang suporta sa proyekto.