KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 ·...

190

Transcript of KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 ·...

Page 1: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong
Page 2: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong
Page 3: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

KRITIKA NI LENIN SA

IMPERYALISMOSA IKA-21 SIGLO

Institute of Political EconomyMaynila, 2017

Page 4: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

ISBN 978-971-9657-11-8

Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo© Institute of Political Economy 2017Karapatang-ari

Institute of Political EconomyNagsasagawa ang Institute of Political Economy (IPE) ng pananaliksik at iba pang suportang aktibidad para sa pagbubuo ng patakaran at pagpapaunlad ng mga alternatiba sa mga isyu ng ekonomyang pampulitika sa Pilipinas at daigdig. Sa partikular, nakatuon ang IPE na:• Magsagawa ng malalim na pananaliksik para sa mas mahusay

na pag-unawa sa mga paksa ng Marxistang ekonomyang pampulitika at pagbubuo ng mga patakaran at alternatiba;

• Magsagawa ng pag-aaral sa patakaran at ilathala ang resulta nito para sa pagbubuo ng mga alternatiba at patakaran sa mga usapin ng ekonomyang pampulitika;

• Magsagawa ng mga pulong-masa, pampublikong talakayan at kahalintulad na aktibidad sa mahahalagang isyu at makabuluhang mga sosyo-ekonomikong pag-unlad; at

• Magsagawa ng pagsasanay sa gawaing pag-aaral sa patakaran.

Punong Patnugot: Antonio A. Tujan Jr. Namamahalang Patnugot: Jennifer del Rosario-Malonzo

IBON Center 114 Timog Avenue Quezon City 1103 Philippines

Telefax: +632 9276981 Email: [email protected]

Salin sa Filipino: B. Bernado Disenyo at Paglalatag: Ron Villegas

Pabalat: Unsplash

Page 5: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Nilalaman

Paunang Salita

Ang Ikalawang Siglo ng Imperyalismo:Neoliberal na “Globalisasyon” at Proyektong Permanenteng Digmaan ng Monopolyo KapitalAntonio Tujan Jr.

Mga tala hinggil sa Monopolyo Kapital ng Ika-21 Siglo: 100 taon magbuhat ang Imperyalismo ni LeninPaul Quintos

Mga Bagong Anyo ng Pagsasamantala sa Africa ng Monopolyo Kapitalismo:Mula sa Imperyalismo ni Lenin hanggang sa Imperyalismo ng Triad sa ika-21 sigloDemba Moussa Dembele

Ang Kasalukuyang Anyo ng Imperyalismo at ChinaPao-yu Ching

Imperyalismo, Ultra-imperyalismo at ang Pag-angat ng ChinaFred Engst

Teorya ni Lenin sa imperyalismo at ang ika-21 siglo na imperyong AmerikanoRoland G. Simbulan

Isang Siglo ng Ribalan at DigmaanPio Verzola Jr.

The Future of Imperialism and SocialismProf. Jose Maria Sison

Tungkol sa mga may-akda

v

1

21

51

67

83

117

131

157

161

Page 6: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong
Page 7: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Paunang Salita

Lubos na ikinalulugod ng Institute of Political Economy (IPE) na ilathala ang aklat na ito bilang paggunita sa ika-100 anibersaryo ng unang pagkalathala ng akda ni Lenin, Imperialism, the Highest Stage of Capitalism. Isinulat sa Zurich noong Enero-Hunyo 1916, unang nailathala ito sa Petrograd noong kalagitnaan ng 1917.

Itinatag noong 1994, nagsasagawa ang IPE ng pananaliksik na makabuluhan para sa mas mahusay na pag-unawa sa mga paksa ng Marxistang ekonomyang pampulitika at pagbubuo ng mga patakaran at alternatiba. Kasama ng muling paglilimbag sa orihinal na akda ni Lenin, ang aklat na ito ay ambag ng IPE sa sentenaryong pagdiriwang ng Dakilang Soyalistang Reboluyon ng Oktubre.

Sa aklat na ito, Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa ika-21 Siglo, inihaharap natin ang walong malalalim na kabanata mula sa tampok na mga palaisip at awtor na tumatalakay sa iba’t ibang asepto ng imperyalismo sa kasalukuyang kalagayan. Ang unang kabanata, na aking isinulat, ay sumasaliksik sa neoliberal na globalisasyon at proyektong permanenteng digmaan ng monopolyo kapital. Sinundan ito ng kabanata ni Paul Quintos na tumatalakay sa mga susing pang-ekonomyang katangian ng monopolyo kapitalismo -- ang paghahari ng mga monopolyo at pinansyang kapital. Pagkatapos ay nagbigay si Demba Moussa Dembele ng perspektiba ng Africa sa mga bagong anyo ng imperyalistang pagsasamantala at pang-aapi sa kontinente.

Dalawang tanyag na awtor ang pumapaksa sa lugar ng China sa kasalukuyang daigdig, si Pao-yu Ching na nagsulat sa kasalukuyang anyo ng imperyalismo sa China at si Fred Engst na nagsuri sa imperyalismo, ultra-imperyalismo at pag-angat ng China. Samantala, sinuri ni Roland Simbulan ang iba’t ibang instrumento ng ika-21 siglo na imperyong Amerikano at ang pakikibaka ng mamamayan laban sa imperyalismo. Kapupunan dito ang kabanata ni Pio Verzola Jr. na sumuri sa sandaang-taong ribalan at digmaan na nagpatunay na wasto si Lenin. Bilang pangwakas, isinulat ni Prof. Jose Ma. Sison ang hinaharap ng naghihingalong imperyalismo, at muling pagbangon ng tanging alternatiba, ang sosyalismo.

Inaasahan namin na makatutulong ang aklat na ito sa mas malalim na pag-unawa sa marahas, mapangwasak at naghihingalong sistema na iyon na ngang imperyalismo at makapagbigay-inspirasyon sa pagusulong ng mga kilusang anti-imperyalista, demokrsatiko at sosyalista para kamtin ang tagumpay sa nag-iisang pangmatagalang alternatiba sa kapitalismo.

Antonio Tujan Jr. Punong Patnugot, Institute of Political Economy

Page 8: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong
Page 9: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Ang Ikalawang Siglo ng Imperyalismo:

Neoliberal na “Globalisasyon” at Proyektong Permanenteng Digmaan ng Monopolyo Kapital

Antonio Tujan Jr.

Kung ang unang siglo ng imperyalismo ay nag-umpisa noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo nang magsulputan ang mga pandaigdigang kartel, pagtarak ng mga sasaklawan ng impluwensya, mga gerang agresyon at kolonyalismo tulad ng isinalarawan ni Lenin, ang ikalawang siglo ay sinimulan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pang-ekonomyang kasaganahan pagkatapos ng digmaan — kung saan lumitaw ang imperyalismong US na ultimong panalo sa usaping militar at pang-ekonomya. Hindi lamang nito inani ang tubo sa produksyong pandigma at hegemonyang militar, kundi binuo rin ang siglong Amerikano ng paghaharing pulitika-ekonomya-militar.

Hindi lamang resulta ng rekonstruksyon at pang-ekonomyang pagbawi mula sa pagkawasak ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pang-ekonomyang kasaganahan ng 1950’s at 1960’s. Kaalinsabay din ito at resulta ng pang-ekonomyang hegemonya ng imperyalistang US, na nanaig sa iba’t ibang saklaw ng impluwensya ng mga kapwa imperyalistang alyado. Pinatibay nito ang neokolonyalismo sa mga bagong-layang kolonya. Kinonsolida ang mga pandaigdigang patakaran at institusyon sa ilalim ng kontrol nito tulad ng sistema sa pananalapi (hal., sa pagtali sa dolyar) at ang International Monetary Fund (IMF), mga institusyon sa pinansya (mga bangko at pamumuhunan) at pang-ekonomyang institusyon sa pag-unlad (OECD, World Bank).

Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong Sobyet na sumalungat sa imperyalismong US at sa nagpatuloy na patakaran ng gerang agresyon. Naging sosyal-imperyalistang kapangyarihan sa malaon ang USSR at nakihamok sa pang-hegemonyang paligsahan sa imperyalismong US na tinawag na Cold War. Ngunit sa ultimong paghina ng monopolyo kapital, binuo ng imperyalismo ang neoliberalismo bilang tagapagsalba noong 1970-80s. Hindi lamang nakatuon ang neoliberalismo para pigilan ang pang-ekonomyang pagdausdos sa pinakapunong imperyalistang bayan kundi para palakihin ang supertubo mula sa mga neokolonya at iba pang kapitalistang bayan. Kaalinsabay, nilikha ng military-industrial complex ng US ang sariling pag-iral bilang mayor na pagkukunan ng supertubo sa pamamagitan ng patakaran ng permanenteng gera matapos ang World

Page 10: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

2 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

War II, ikinombina ang Cold War at tuluy-tuloy na gerang agresyon, mula Korea hanggang Syria, sa palibot ng buong mundo.

Hindi nagawang mapigilan ng imperyalistang proyektong neoliberal at patakarang permanenteng gera ang pagdausdos na ito, bagkus ay nagresulta sa walang-katulad na krisis sa ekonomya, lipunan, pulitika at kalikasan na maaaring magpaguho sa sangkatauhan at daigdig.

Pagtatatag ng Pang-ekonomyang Hegemonya ng US Matapos ang WWII hanggang 1970s.1

Sa pagkapanalo sa World War II, naging organisador at lider ang US ng pandaigdigang sistemang imperyalista. Kinailangan ang papel at tungkuling ito hindi lamang para muling itayo ang mga bayan na sinira ng digmaan, kundi para makitunggali rin sa lumilitaw na bayan sa sosyalistang bloke. Bukod sa pakikitunggali sa sosyalistang bloke, hinabol ng US na palawakin ang kapitalismo at paliitin ang di-kapitalistang daigdig sa pamamagitan ng mga internasyunal na ahensyang itinatag sa katapusan ng digmaan: ang United Nations (UN), World Bank, IMF at mga aktibidad ng UN Relief and Rehabilitation Administration (UNRRA), Marshall Plan, at ilang programa sa ekonomya at ayudang-militar na pinondohan at kontrolado ng Washington — kinonsolida nito ang tinanaw na sistemang pandaigdig.

Itinatag ng US ang sarili bilang sentro ng pandaigdigang lambat sa pinansya. Pinalawak ang mga sangay ng bangko — mula sa 16 na bayan noong 1918 tungo sa 55 na bayan noong 1967. Inalalayan ito, sampu ng iba pa, ng: (a) patuloy na pagpapalawig sa interes ng US sa dayuhang langis, pagmimina at manupaktura; (b) paglalatag ng mga base militar; at (c) pagpasok sa mga erya ng ayuda ng gobyerno sa militar at ekonomya, kabilang ang pagpasok sa mga dating kolonya na dati’y solo ng iba pang imperyalistang bayan. Nangahulugan ang lambat ng mga sangay ng bangko at mga subsidyaryo na ang paglipat ng pondo na kailangan para sa layuning militar ay maging pagkukunan ng tubo ng pampinansyang sektor ng US.

Isang kritikal na salik sa pampinansyang hegemonya ng US ang pagbatay o pagtumbas ng dolyar sa ginto na itinakda sa Artikulo IV ng tratadong nagtatag sa IMF: “Ang katumbas na halaga ng pananalapi ng bawat myembro ay nararapat sukatin sa ginto bilang komon na batayan o sa United States dollar sa timbang at pinansya epektibo nang Hulyo 1, 1944.”

Binuo ng pagtumbas ng dolyar sa ginto ang relasyon ng pagiging palaasa ng lahat ng kapitalistang bayan sa sistemang pananalapi at pinansya ng US. Tulad ng paliwanag ni Magdoff, “Ang pagsalig sa United States dollar ay nangahulugan sa huling pagsusuri — at masakit na ipinakita sa bingit ng krisis — na ang mga may 1 Sinusundan ng seksyong ito si Harry Magdoff 1969.

Page 11: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 3

hawak ng United States IOUs (utang) ay magagmit lamang nila ang mga ito sa pagbili ng mga kalakal ng United States sa presyo ng United States (syempre pa, ipinagpapalagay na magiging matapat ang United States kapag sarili na ang naiipit sa mga natatanging kahirapan).”2

Bukod sa pagbatay ng ginto sa dolyar, natitiyak din ng US ang kontrol sa mga sistema ng pinansya at pananalapi ng iba pang bayan sa pamamagitan ng IMF. Sa karamihan ng kaso, humihiling ang isang bayan sa IMF ng pautang (isang pangmadaliang utang para patatagin ang pananalapi) dahil sa pagkadesperado. Komplementaryo sa isa’t isa ang pautang ng IMF at ang ayuda ng US. Tulad ng iniulat ng isang dating opisyal ng AID, “Ang Greek stabilization program noong kalagitnaang 1950s, mga kasunduan sa Brazil, Colombia, at Chile ay sinuportahang lahat ng ayudang US na nakaugnay sa pagtupad sa mga rekomendasyon ng IMF. Sa Chile, halimbawa, ang mga programang pautang noong 1963 at 1964 sa kalakha’y nakabatay sa kondisyon sa pagtupad ng Chile sa mga patakarang fiscal, monetary at foreign excahnge rate na itinakda ng Stand-by Agreements sa IMF. Kamakailan, noong 1966-67, ang ayudang AID sa Ceylon at Ghana ay nakatali sa stabilization mesaures na inirekomenda ng Fund...”3

Noong 1971, tinanggal ni Nixon ang pagtumbas ng dolyar sa sukatang ginto, iniwasang maubos ang reserbang ginto ng US mula sa paniningil sa dolyar. Tiniyak ng pang-ekonomyang hegemonya ng US ang relatibong lakas ng dolyar, at sa gayo’y higit na matiyak ang nagsasariling papel ng dolyar sa pandaigdigang salapi at imbakan ng halaga sa kabila ng patakaran ng US na tuluy-tuloy na mag-imprenta ng dolyar para suhayan ang rekursong pampinansya.4

Ang naitatag at kontrolado ng imperyalismong US na sistemang pampinansya at pananalapi ang naging isa sa mga susing salik sa imperyalistang kontrol sa ekonomya at pagsasamantala sa mga mahihirap na bayan na nagsisikap bumangon mula sa pagkawasak sa digmaan. Sa malao’t madali, dahil sa kontrol sa kalakalan at pamumuhunan, naiiwanan sa isang bayan ang depisito ng balanse sa bayaran na lumalamon sa reserba ng kabang-bayan o central bank. Habang nananatili ang depisito, hindi mababayaran ang paniningil ng mga dayuhang nagbebenta at hindi makatutupad ng pagbabayad sa interes at amortisasyon sa nakaraang mga utang mula sa dayuhang bangko at gobyerno; hindi maibabalik ng dibidendo sa dayuhang pamumuhunan at nahaharap ang bayan sa pagkabangkrap.

Ang rekonstruksyon at pag-unlad matapos ang digmaan ay kritikal na pangangailangan ng mga bayang galing sa digmaan, mga bagong laya mula sa kolonyalismo at dumaranas ng malubhang kahirapan. Ginamit ng US ang kontrol sa war industry para kontrolin ang pangdaigdigang pag-unlad sa pamamagitan ng

2 Magdoff 1969, 873 Nelson 1968, 11, sipi ni Magdoff 1969.4 Eichengreen 2011.

Page 12: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

4 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

International Bank for Reconstruction and Development (IBRD, na naging World Bank at nanatiling importanteng pagkukunan ng pangmatagalang pondo) at ang Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), na umusbong mula sa Marshall Plan. Sampu ng iba pa, ang huli’y nagbuo ng working groups na umasikaso sa mga partikular na problema sa ayuda, hal., paano tatasahin ang problema sa pagtupad at pangangailangan sa ayuda ng isang umuunlad na bayan, o paano hihikayatin ang mas malaking pribadong puhunan sa umuunlad na bayan.

Table 1. Proportion of Export Absorbed by Debt Service and Profits on Foreign Investment in 1966

Exporting CountryPercent of Exports Going to Amortization of Public

Debt

Percent of Exports Going to Interest on Debt and Profits

on Foreign InvestmentTotal Exports

Brazil 9.4b 13.8 23.2

Chile 10.8 19.8 30.6

Colombia 14.3a 18.2 32.5

Costa Rica 8.8 11.6 20.4

Ecuador 6.0 19.6 25.6a

Ethiopia 6.3 3.6 9.9

Guatemala 4.9 4.8b 9.7

Honduras 1.3 9.0b 10.3

India 11.3 15.6b 26.9

Kenya 4.3 12.1b 16.4

Mexico 29.3 30.4 59.7

Nicaragua 4.8 11.6 16.4

Nigeria 4.5 26.2 30.7

Pakistan 6.4b 9.3 15.7

Panama 5.1 8.2 13.3

Paraguay 5.1 8.2 13.3

Peru 4.8 15.5 12.3

Philippines 7.2 5.1 12.3

Turkey 3.5 30.3c 23.8

Uruguay 9.0b 8.1b 17.1

Venezuela 1.2b 24.9 26.1Reproduced from Magdoff 1969, 155. Superscripts for figures in the table indicate that the data is: (a) from the year 1964; (b) from the year 1965; or (c) does not include profit on foreign investment.

Page 13: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 5

Sa pamamagitan ng mga institusyon na ito, kumakamal ang mga imeryalista ng supertubo sa pautang at sa pagpapautang ng Paris Club ng mga imperyalistang bangko sa tulong ng IMF para pigain ang higit pang supertubo sa pinansya.

Nabuo at namayani ang pinansyang pangkaunlaran bilang mayamang pagkukunan ng supertubo sa pautang mula sa public development aid at mula sa utang ng gobyerno sa mga bangkong multinasyunal sa pagpapadaloy ng official development assistance (ODA). Nag-aambag ang gayong dayuhang ayuda sa pagpapanatili ng malayang pagkukunan ng hilaw na materyales, mga oportunidad sa kalakalan at pamumuhunan para sa negosyo ng US. May pangkasaysayang ugnayan din ito sa pagpapatupad ng mga patakaran sa militar at pulitika ng US at sa pagpapanatili sa mga tumatanggap ng ayuda na maging palaasa sa US at iba pang pamilihang kapital. Malinaw ang intensyon na anumang kaunlaran na magagawang mangyari sa global South ay matibay na nakaugat sa mga kapitalistang gawi.

Ang neokolonyal na istruktura sa kalakalan at pamumuhunan ay isa pang susing katangian ng pandaigdigang sistemang imperyalista na tiniyak ng US sa pamamagitan ng mga programang pangkaunlaran na pinamahalaan ng World Bank at sa ilalim ng UNCTAD. Ang krisis sa utang na kinakaharap ng mahihirap na bayan ay nagreresulta sa pagkawasak ng dayuhang kalakalan at kawalan ng kakayahan na makapag-angkat ng dayuhang kalakal na kailangan sa buhay pang-ekonomya ng isang bayan. Malinaw na isinasalarawan ang krisis ng 1960s bago ang neoliberal na restructuring sa Table 1 at Table 2 na naghaharap ng datos sa ugna-ugnayan ng utang at kalakalang nakatuon sa eksport: ang proporsyon ng eksport na sinipsip ng pagbabayad sa utang at tubo sa dayuhang pamumuhunan (ibig sabihin, eksport na kailangan para magkaroon ng dolyar na pambayad sa utang).

Upang maiwasan ang bitag ng kalakalan/pamumuhunan at ang resultang depisit sa bayaran, nagsimula ang mga umuunlad na bansa na iwanan ang estratehiyang import-substitution industrialization (ISI) para itaguyod ang mga bagong estratehiya sa export development na pinakamainam na ipinapakita sa kaso ng Pilipinas. Inorganisa ng UNDP ang inter-agency report sa Pilipinas, Sharing in development: A programme of employment, equity and growth in the Philippines, na di-opisyal na tinawag na Ranis Mission Report.

Kaalinsabay halos sa panahon ng pagdedeklara ni Ferdinand Marcos ng batas militar, itinatag ang tinatawag na labor-intensive export-oriented (LIEO) na estratehiyang pang-industriya, ngayon ay mas kilala bilang export-oriented industrialization (EOI). Isa sa mga katwirang ibinigay sa pagpapalit ay ang kakulangan ng nakaraang ISI na rehimen para tumugon sa paulit-ulit na problema sa balanse sa bayaran na pinalubha ng pagiging palaasa sa import ng Pilipinas (hal., langis, makinaraya, hilaw na materyales na pang-industriya) at ng labis na konsentrasyon sa panluwas na tanim (limitado sa mga kalakal tulad ng asukal at niyog) at mineral

Page 14: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

6 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

(pangunahin ang ginto at tanso).5 Gayunpaman, hindi rin naigpawan ng EOI ang mga hadlang sa pag-unlad.

Krisis ng Monopolyo Kapital at Paglitaw ng Neoliberalismo

Nagsimulang humupa ang pandaigdigang kasaganahan sa ekonomya noong 1970s. Sa tumataas na disempleyo at implasyon, malawakang ramdam ang krisis. Bukod sa disempleyo, kinakitaan ang bagong panahon ng mabagal na paglago at pag-unlad sa teknika, labis na pag-init, hindi maawat na implasyon, krisis sa pananalapi’t pinansya. Samantala, pinahirapan ang internasyunal na daloy ng kapital ng fixed exchange rate system na tumungo noong 1971 sa paghalili nito ng floating rates. Isang mayor na palatandaan ng krisis — at salik sa kasunod na paatras na pagpapalit ng patakaran — ang mahusay na nadokumentong paghina ng tantos ng tubo na nakukuha ng mga kapitalistang empresa sapul noong 1960s, na nagtulak sa paglitaw ng neoliberalismo bilang tugon.6

5 Ranis et al. 19746 Duménil and Levy 2004.

Table 2. Patterns of Export Growth: Developed vs. Underdeveloped Countries

ExportsValue of Exports

(Billions of $) in 1950Value of Exports

(Billions of $) in 1965Annual Rate of Growth

1950 to 1965

World Exports, Total 53.5 156.3 7.4%

Exports of Developed Countries, Total

35.9 122.5 8.5%

• To Each Other 25.0 95.5 9.4%

• To Underdeveloped Countries

10.9 27.0 6.2%

Exports of Underdeveloped Countries, Total

17.6% 33.8 4.5%

• To Developed Countries 12.4 26.2 5.2%

• To Each Other 5.2 7.6 2.5%

Exports of Underdeveloped Countries, Excluding Major Petroleum Producers, Total

14.2 23.7 3.6%

• To Developed Countries 10.0 5.2 1.7

• To Each Other 4.1 5.2 1.7%Reproduced from Magdoff 1969, 155. Source: Lary 1968, 2

Page 15: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 7

Ang Mont Pelerin Society na initatag ni Friedrich August von Hayek ang nagharap ng sistematikong pormulasyon ng pang-ekonomyang prinsipyo ng neoliberalismo, na layong tunggaliin ang Marxismo, at iba pang anyo ng pagpapaplanong nakasentro sa estado sa pangkalahatan. Ipinagpalagay ni Milton Friedman, ng Chicago School, na tanging ang isang malayang pamilihan na nagreregulisa-sa-sarili ang nagbibigay ng tamang bilang ng kalakal sa tamang presyo na likha ng manggagawa sa antas ng pasahod na itinatakda ng pamilihan. Nangahulugan ito ng mga patakaran sa pananalapi na dapat mangibabaw sa patakarang piskal.

Sa madali’t sabi, isang bungkos ng mga ideya ang neoliberalimso na napapalagay na ang free market na kapitalismo ang pinakamainam na paraan para tiyakin ang kasaganahan at kalayaan para sa lahat. Isinama pa nga ang kalayaang pumili ng konsyumer sa propaganda ng malayang pamilihan para linlangin ang mamamayan. Subalit ang ganitong depinisyon ay ilusyon lamang at salungat o balintuna sa puntong wala naman talagang malayang pamilihan sa ekonomya na napapaligiran ng samu’t-saring monopolyo, laluna sa kalagayan na pinaghaharian ng monopolyo kapitalismo. Ang totoo, ginagawa ng mga monopolyong korporasyon at multinasyunal ang lahat ng anyo ng monopolyo na labag sa mga tuntunin at regulasyon ng malayang pamilihan.

Iba-iba ang mga anyo ng neoliberal na tugon sa krisis ng 1970s. Sa United Kingdom, ipinahayag ito sa patakarang nakatuon sa pananalapi ng administrasyong Thatcher, na nagpalagay na ang paglago ng suplay sa salapi ang pangunahing salarin sa di-magandang takbo ng ekonomya. Sa United States, lumitaw ito sa tabing ng supply-side na panlunas ng administrasyong Reagan, na nagpalagay na buwis ang pangunahing sanhi ng masamang takbo ng ekonomya. Nagsalubong ang mga patakaran sa kampanyang propaganda na lumilikha ng impresyon na ang mga ito’y di-maiiwasan at di-mababago, ipinahayag nang payak sa bukam-bibig ni Thatcher na “walang ibang alternatiba.”

Kaugnay ng pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan, medyo banayad ang pagtutulak ni Reagan ng neoliberal na adyenda kumpara sa iba pa. Habang malalim na sangkot ang administrasyong US sa negosasyong 1982 GATT sa liberal na kalakalan, napilitan si Reagan dahil sa resesyon ng 1982 na umalis sa usapan. Gayunpaman, lumahok ang administrasyon sa Uruguay Round ng 1986-94 na sumakop sa mga larangan mula agrikultura at serbisyo hanggang karapatang sa intellectual property. Pinakamalaking tagumpay ng gobyernong Reagan sa pagsusulong ng neoliberal na rehimen sa kalakalan ang negosasyon ng free trade agreement (FTA) sa Canada, bagama’t kinailangan pang kumpletuhin ni President Bill Clinton ang proseso noong 1993 sa pagpirma sa NAFTA.7

Sa pandaigdigang tagpo ng 1970-80s, isa sa pinakamalaganap na anyo ng neoliberalismo ang pagdami ng structural adjustment programs (SAPs) ng IMF at 7 Steger and Roy 2010.

Page 16: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

8 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

World Bank. Habang umusbong ang SAPs sa mga kondisyon sa pautang ng mga institusyong ito sapul noong 1950s, nagawang ipwesto ng IMF at World Bank ang mga sarili noon lamang 1980s bilang tagapag-pautang sa mayorya ng mga bayan sa Sub-Saharan Africa.8 Inilagay ng mga programang ito ang mga bayan ng Africa, at iba pa sa global South, sa rehimen ng liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon para ilipat sa pribadong sektor ang pasanin ng pagpondo sa pag-unlad. Ipinagpapalagay rito ang pagtupad ng isang estratehiya sa pag-unlad na nakatuon sa eksport at pinondohan ng dayuhan na ipinamalas ng tinatawag na newly-industrializing economies (NIEs). Kumbinyenteng iniayon ng gayong restructuring ang mga ekonomya ng mahihirap na bayan sa dayuhang kalakalan at pamumuhunan, at sa neoliberal na globalisasyon.

Nakatali ang unang agos ng neoliberalismo ng 1980s sa isang misyong geopulitikal: ang pagpigil sa lumalaking impluwensya ng komunismo sa noo’y tinatawag na Third World. Taliwas sa kanyang karaniwang panata sa kalakalan at pamumuhunan, nagpakalulong si Reagan sa kanyang neokonserbatibong silakbo sa panghihimasok sa mga panrehiyong tunggalian — kapwa sa hayag at lihim na paraan — para suportahan ang mga “kilusang gerilya” para ibagsak ang mga rehimeng suportado ng Sobyet. Pinakana rin ng administrasyong Reagan ang 1983 na pagsalakay sa isla ng Grenada sa Caribbean, pagpapabagsak sa sosyalistang gobyernong Sandinista sa Nicaragua, huwag nang banggitin pa ang patuloy na pag-aarmas sa mga Islamikong “freedom fighters” (mga mujahideen, na sa malaon ay naging Taliban). Nakiisa si Thatcher sa gayong silakbong neokonserbatibo (hal., ang Falkland War), at kapwa gustong patunayan ng mga administrasyong US at UK ang superyoridad ng kapitalismong free-market sa daigdig, kahit pa ang neokonserbatismo mismo ay salungat sa neoliberal na prinsipyo.

Nakumpleto noong 1990s and proseso ng paglalatag ng pundasyon ng pangkalahatan at komprehensibong implementasyon ng neoliberalismo. Natupad ito sa Uruguay Round (1986-1994) ng General Agreement on Tariffs and Trade (GATT). Ang round na ito ang nagtatag sa WTO, na pormal na binuksan noong Enero 1, 1995. Bukod sa mga bayang lubog sa utang na pinasusunod sa SAPs ng IMF-World Bank, parami nang paraming bayan (sa kasalukuya’y 164 na myembrong estado) ang nasasakop ng mga kasunduang WTO. Sa pamamagitan ng kumbinasyon ng SAPs at WTO, lalong nakulong ang mga umuunlad na bayan sa walang katapusang di-pag-unlad sa “malayang kalakalan at pamumuhunan,” isinadlak na maging tagasuplay ng murang paggawa, murang hilaw na materyales, tagabili ng mga iniluwas ng First World at mapagtutubuang kanlungan ng monopoloyo kapital. Nagsilbi ang mga regional trade blocs makaraan ang GATT bilang tagapagkonsolida ng kasunduang Uruguay at pagaanin ang gawain ng WTO na mapabilis ang pagtupad sa mga diktang patakaran at higit pa.

Nagbunga ang liberalisasyon sa kalakalan ng malawakang pagtatambak ng sarplas na kalakal ng agrikultura at industriya na nagresulta sa pangkabangkrap kapwa ng 8 Lensink 1996.

Page 17: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 9

sakahang magsasaka at tradisyunal na sakahang komersyal at ng kapwa mahinang pambansang industriya at maliit at katamtamang mga empresa. May malulubhang epekto ang gayong pagkawasak ng produktibong pwersa sa mga umuunlad na bayan sa usapin ng malawakang disempleyo at kahirapan na tumatama sa pinakabatayang sektor ng agrikultura at manupaktura sa mga umuunlad na bayan.

Mahalagang pansinin na ang sektor ng agrikultura ang pundasyon ng maraming ekonomya sa global South. Nagresulta ang mga patakaran ng gobyerno na naaayon sa SAPs, kontrol ng TNC sa teknolohiyang pang-agrikultura at ang epekto ng liberalisasyon sa pag-aangkat ng produktong agrikultural sa iba’t ibang antas ng restructuring ng produksyong agrikultural, na nagpalikas sa mga magsasaka sa kanilang kabuhayan, maging pisikal, nang laksa-laksa. Pinakamatinding apektado ang mga magsasakang isang-kahig-isang-tuka habang ipinapasok ng globalisasyon ang bagong teknolohiya sa produksyon na nagpapataw ng pagpapalit ng tanim at pagbabago ng relasyon sa produksyon sa anyo ng contract growing.

Kung gayon, bagama’t binansagan noong 1980s ng ekonomistang free-market na si John Williamson, noon lamang 1990s naging pandaigdigang balangkas ng “matamang” pag-unlad ng ekonomya ang “Washington Consensus”. Ang katagang ito ang naging panlahatang katawagan para sa pamantayang mga patakaran na itinakda ng IMF, World Bank at iba pang insitusyong naka-base sa Washington para sa mga bayan ng global South, partikular sa Latin America. Ang sampung orihinal na patakaran ng consensus, ayon sa pagbalangkas ni Williamson, ay ang sumusunod: 9

1. Disiplina sa fiscal policy, na umiiwas sa malaking fiscal deficit kumpara sa GDP;

2. Pagbaling ng direksyon sa paggastos ng gobyerno mula subsidyo (“laluna ang bara-barang subsidyo”) tungo sa malawakang paglalaan ng susing makapagpapalago at maka-mahirap na serbisyo, tulad ng saligang edukasyon, batayang pangangalaga sa kalusugan at pamumuhunan sa imprastraktura.

3. Reporma sa buwis, pagpapalawak ng pagkukunan ng buwis at paggamit ng katamtamang marginal tax rates;

4. Interest rates na nakabatay sa pamilihan at posistibo (pero banayad) sa tunay na halaga;

5. Exchange rates na kumpetitibo;

6. Liberalisasyon ng kalakalan: liberalisasyon ng imports, na may partikular na diin sa pag-aalis ng restrikyon sa kantidad (paglisensya, atbp.); anumang

9 Williamson 1989.

Page 18: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

10 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

proteksyon sa kalakalan na ibibigay ng mababa at relatibong pantay-pantay na taripa;

7. Liberalisasyon ng papaloob na tuwirang pamumuhunan ng dayuhan;

8. Pribatisasyon ng mga empresa ng estado;

9. Deregulasyon: pagwaksi sa mga regulasyon na humahadlang sa pagpasok sa pamilihan o pumipigil sa kompetisyon, maliban kung makatwiran batay sa kaligtasan, proteksyon sa kalikasan at konsyumer, at matamang pagbantay sa mga institusyong pinansyal; at

10. Legal na seguridad sa karapatan sa ari-arian.

Sa buod, itinatakda ng Washington Consensus ang liberalisasyon sa kalakalan at pinansya, deregulasyon, pribatisasyon at paghihigpit ng sinturon sa pananalapi ng gobyerno. Nanatiling malaki ang papel ng SAPS at paparaming bilang ng lubog-sa-utang na umuunlad na bayan ang napilitang magpatupad ng mga neoliberal na patakaran.

Malakas na impluwensyado ng pandaigdigang monopolyo kapitalistang sabwatan na nagtutulak ng neoliberal na adyenda ang pagbubuo ng mga kasunduan: “noong GATT Uruguay Round, tinarget ng Unilever, Hoechst at Ciba Geigy ang European Union habang nahatak ang delegasyon ng United States ng Intellectual Property Coalition, kabilang ang Pfizer, Monsanto at Du Pont. Halata ang mga kilos nila sa pagbabalangkas ng kasunduang Trade Related Aspects of Intellectual Property Rights (TRIPS), na nagpalawig ng atas sa GATT mula purong isyung pangkalakalan tungo sa intellectual property rights, kabilang ang patente sa mga anyo ng buhay na ginawa ng biotechnology.”10

Sinaklaw ng disenyo sa liberalisasyon hindi lamang ang kalakalan kundi maging ang liberalisasyon sa pinansya at pamumuhunan, kung kaya’t hindi pa man natutuyo ang tinta sa pagpirma sa kasunduang Uruguay Round sa Marrakech noong 1994 nang inihahanda na ang panukalang Multilateral Investment Agreement (MIA) na planong ilabas sa unang WTO Ministerial nang 1996 sa Singapore. Kung hindi pa dahil sa pagtutol ng mga bayan ng South African Development Community (SADC) bukod pa sa Egypt, Uganda, Tanzania at Ghana na hindi nakiisa sa consensus, mapipinal sana ng MIA ang pagpapalawak pa ng WTO at neoliberal na globalisasyon nang mas masaklaw.11

Hindi natigatig sa pangyayaring ito, itinulak ng monopolyo kapitalistang sabwatan na pinamumunuan ng US ang MIA, at pinalitan ng pangalan bilang

10 Humphreys 2001, 88‒101.11 Khor 1997.

Page 19: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 11

Multilateral Agreement on Investment (MAI), at iniharap bilang pluralistiko (maramihang-panig) na kasunduan sa pagsuporta ng OECD, kung saan isinailalim ito sa negosasyon sa hanay ng mga myembrong industriyalisadong bayan. Muli, nabigo ang panukalang kasunduan nang, matapos ang mga buwan ng pagkampanyang pandaigdigan, tumutol ang France sa batayan na may problema ang liberalisasyon ng pamumuhunan sa sining at kultura.

Nangahulugan ang walang-pigil na imperyalistang pagpapalawak ng neoliberalismo sa pagbabalik ng inisyatiba para palawakin ang WTO sa pamamagitan ng Doha Round simula noong 2001, ang negosasyon sa Non-Agricultural Market Access (NAMA) at pinalawak na General Agreement on Trade in Services (GATS). Nanatiling bigo at di-napagkasunudan ang mga inisyatibang ito kaya’t nauwi sa pagbubuo ng samu’t-saring mga bilateral, rehiyonal at plurilateral na kasunduan sa malayang kalakalan at pamumuhunan. Ang ilan ay suportado ng imperyalismong US tulad ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), ang Transpacific Partnership Agreement (TPPA), o ang Transatlantic Trade and Investment Partnership (TTIP). Ang iba ay sinuportahan ng mga imperyalistang kapangyarihan ng Europe, tulad ng pinalawak na Economic Partnership Agreements (EPAs), o ang bilateral na kasunduan sa pagitan ng EU at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang iba pa ay suportado ng umuusbong na imperyalistang kapangyarihang China, pinakatampok dito ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

Globalisasyon ng Produksyon

Binansagan ng mga ekonomista ang ekonomikong termino at konsepto ng globalisasyon para mangahulugan ng pang-ekonomyang integrasyon — pangunahin sa pamamagitan ng pandaigdigang kalaklaan at pamumuhunan.12 Tugma ang konsepto sa monopolyo kapitalistang adyendang neoliberalismo sa patakaran at praktika ng pandaigdigang pang-ekonomyang integrasyon.

Gayunpaman, ang materyal na batayan ng produksyon para sa gobalisasyon ay nasa mabilis na pagsulong ng teknolohiya na bunga ng digitisasyon sa halos lahat ng larangan ng produksyon ng kapital na produkto at palusong na aplikasyong industriyal. Masasabi na ibinunga ang globalisasyon mula sa rebolusyon sa teknolohiya. Itinulak ng krisis ng labis na produksyon ng 1970s at 1980s ang pagpapahusay sa produksyon at pagpapaunlad ng proseso sa produksyon, at makinarya para palawakin ang pamumuhunan sa pirmihang kapital.

Higit pa sa marami nitong epekto, nagresulta ang rebolusyong teknolohikal sa malaking pagbawas ng gastos sa kalakalan, sa komunikasyon at transportasyon na nagawang posible ang globalisasyon. Ilan sa mga tampok na halimbawa ang inobasyon

12 Credit for coining the term is often attributed to Theodore Levitt who used it in his article “Globalization of Markets,” in the May-June 1983 issue of the Harvard Business Review, though there are earlier uses.

Page 20: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

12 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

sa paggamit ng paleta sa pagbabarko, pag-eeroplano at digitisasyon ng komunikasyon. Pinabilis nito ang pagpapalawak hindi lamang ng kalakalan kundi ang pag-eksport ng kapital habang pinahintulutan ng rebolusyon sa komunikasyon ang mas madali at mas murang operasyon ng mga internasyunal na institusyong pinansyal, binibigyang-daan ang mas maraming ispekulatibong portfolio investments.13

Binago nang malaki ang relasyon sa paggawa kung saan pinawi ang “social contract” sa pagitan ng paggawa at kapital, na palyado naman simula’t sapul, at itinatag ang iba’t ibang anyo ng pleksibleng kontratang maigsiang-panahon sa pakinabang ng kapital ayon sa kagyat na pangangailangan at iskedyul ng produksyon.

Bukod pa sa mga pagsulong sa teknolohiya at produksyon ng kapital na produkto, isa pang susing pag-unlad sa globalisasyon ang subcontracting o globalisasyon ng produksyon. Nagimula ang outsourcing (paglipat sa labas) ng produksyon noong 1950s subalit naging matingkad noong 1970s sa paglikha ng mga industrial estates, na nagpahintulot sa duty-free na pagkuha ng inputs at nabuong produkto sa ilalim ng outsourcing. Kalaunan, natransporma ang ganitong mga special export zones (SEZs) sa iba’t ibang lugar (maging mga opisinang gusali na ginagamit ng mga multinasyunal para sa kanilang business outsourcing at call services) na binigyan ng iba’t ibang pang-engganyo at pakinabang bukod pa sa mga pribilehiyo sa buwis. Sumaklaw ang outsourcing sa agrikultura tulad sa contract farming para sa high-value crops at sa sektor ng serbisyo tulad ng call centers at maraming web-enabled na negosyo.13 Tujan 1996, 10.

Figure 1. US Real Gross Domestic Product, Recessions Linear Regression and the 10-Yr MA

Source: http://www.financialsense.com/contributors/doug-short/gdp-q1-third-estimate-at-one-point-eight-percent.

Page 21: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 13

Habang inululuwas ng pandaigdigang monopolyo kapital ang labis na kapital at produkto para ipasa ang bigat ng krisis ng labis na produksyon sa mga kolonya at neokolonya ng mga imperyalistang kapangyarihan, hindi lumilikha ang monopolyo kapital ng trabaho sa global South kundi natatamo ang kabaligtaran sa pagwasak sa mga trabaho sa lokal na industriya at panawid-gutom na agrikultura.

Isang sarplas na lakas paggawa ang malawak na reserbang hukbo ng proletaryado at mala-proletaryado ng mga walang trabaho sa global South na hindi likha ng kapitalistang akumulasyon kundi na imperyalistang patakaran ng neokolonyalismo at masamang pag-unlad. Binubuo nito ang internasyunal na reserba, isang pandaigdigang sarplas na populasyon sa paggawa, na pinipigaan ng monopolyo kapital ng super-tubo sa pasahod na sistematikong pinaliliit nang mas mababa pa sa mura na ngang istandard at gastos sa pamumuhay sa mga umuunlad na bayan.

Sa ganitong konteksto naging isa pang anyo ng pagpiga ng super-tubo sa ilalim ng globalisasyon ang subcontracting sa produksyon. Sinasamantala ang mga pagkakaiba-iba sa gastos sa produksyon at presyo sa pamilihan ng nag-iimport na industriyalisadong bayan at nag-eeksport na umuunlad na bayan, humahakot ang mga multinasyunal na korporasyon ng super-tubo na kadalasa’y higit 100 beses ng karaniwang hangganan ng tubo.

Sa ganitong konteksto rin naging talamak na halimbawa ang pansamantalang migranteng paggawa sa pagpiga ng sarplas na paggawa mula sa malawak na reserba ng naghirap na masang anakpawis sa mga malakolonya para magtrabaho at mabuhay bilang mababang-uri na dayuhang manggagawa na walang dokumento sa pinakapunong imperyalistang bayan.14

Liberalisasyong Pinansyal at Pinansyalisasyon ng Ekonomya

Nagaganap sa daigdig nitong huling limang taon ang matagalang depresyon sa konteksto ng neolibral na globalisasyon, kung saan (a) magkakasunod sa isa’t isa ang resesyon at mahinang paglago ng tunay na ekonomya sa regular na siklo ng pagyabong-pagtumal na ipinakita sa kasaysayan ng kapitalismo ngunit sa konteksto ngayon ng pangkalahatang paghina o “depresyon,” at kaalinsabay (b) ang patuloy na lumalawak na pinansyal o “casino” na ekonomya na nagbubunga ng sariling mga taas-baba, na mas magulo at lalong hindi mataya, nagpapalala sa resesyon at nag-aambag sa kabuuang paghina ng ekonomya. Pinatutunayan ito sa datos ng US sa totoong paglago ng GDP sa tagal nang 50 taon (tingnan ng Figure 1).15

Figure 1. US Real Gross Domestic Product, Recessions Linear Regression and the 10-yr MA [18]

14 Tujan and Verzola 2013.15 Tujan and Verzola 2013.

Page 22: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

14 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Hindi bago ang kombinasyon ng siklong pagyabong-pagtumal sa mga pinansyal na pagbagsak, dahil naging karaniwang katangian na ng mga abanteng ekonomyang industriyal ang mga stock market at iba pang anyo ng ispekulasyon sa pinansya sapul pa noong ika-19 na siglo, at kaakibat na mula noon ang mga siglong pagyabong-pagtumal. Subalit nagbago ang mga bagay sa pagpapatupad ng pautang bilang patakaran sa pag-unlad noong 1980s at sa paglitaw ng dominasyon ng pinansyalisasyon (ang pagpapalawak ng mga ispekulatibong instrumento ng pamumuhunan pinansyal na pinasimulan ng liberalisasyong pinansyal) at ang paglitaw ng fictitious economy (ekonomyang hindi totoo).16

Sa pagkukumpara ng epekto ng financial derivatives sa kabuuang economic output ng daigdig, kinikilala ngayon ng maraming ekonomista na sumirit pataas ang antas ng financial derivatives mula 1980s, at ang pagkalas nito kundi man ang biglaang pagputok ng mga derivatives ay naghaharap ng mga panganib sa kabuuang ekonomya na lalong malubha at lalong hindi matataya kaysa sa nangyari noong Great Depression noong 1930s.

Ang liberalisasyong pinansyal ng neoliberalismo at ang pagdami ng pamumuhunan sa mga neokolonya at dating kolonya ay humikayat ng ibayong disempleyo bilang resulta ng: ispekulatibong pamumuhunan sa produksyon, pinansyal na pagkabuway bunga ng ispekulasyong pinansyal, at kawalang katatagan sa ekonomya sa ilalim ng kalagayang deregulasyon ng pamumuhunan.16 Tujan and Verzola 2013.

Figure 2. World GDP Growth (Annual %)

Sanggunian: World Bank Development Indicators.

Page 23: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 15

Lalong tumitindi rin ang kalagayan ng permanenteng krisis sa mga neokolonya sa ilalim ng globalisasyon habang naghahanap ang monopolyo kapital ng paparaming paraan para ipasa ang epekto ng lumulubhang krisis ng imperyalismo. Lalong tumindi ang kalagayan ng pang-ekonomyang depresyon sa mga kolonya at neokolonya bunga ng krisis sa pautang na kaharap ng karamihan sa kanila, habang ang pagbabayad sa pampubliko at pribadong pautang ay naging isa sa pinakamayamang pagkukunan ng kita sa pag-eksport ng kapital. Habang pinahina ng Washington Consensus ang mga bayan na ito at iniwan sa kalupitan ng pandaigdigang pamilihan, ang tanging pag-alwan ay nasa mas malaking pag-utang na lalong naglulubog sa pagkakautang na tumutungo sa pagkawasak ng ekonomya.

Nitong nakaraang taon, naging “bagong karaniwan” ang matataas na presyo ng pagkain. Sa kabila ng mas mababang demand at bahagyang pagbaba sa presyo ng pagkaing-butil bunga ng di-lumalagong mga ekonomya, nanatiling mataas at maaaring sumambulat ang presyo ng pagkain. Resulta ito sa kalakhan ng pinansyal na ispekulasyon sa agrikultural na kalakal, na naging papalaking larangan ng neoliberal na globalisasyon. Sa maraming salaysay, nagmimistulang higit na positibo ang kasalukuyang kalagayan sa pagkain sa usapin ng mas lumaking produksyon, pagliit ng imports, at bahagyang pagbaba sa mataas na presyo, subalit walang-tigil na umiiral ang batayang mga salik na nagpapaputok ng krisis, tulad na pinansyal na ispekulasyon at mga problema sa kalikasan.

Krisis ng Neoliberalisasyon at ang Palusong na Pag-ikid ng Depresyon at Digmaan

Isang serye ng mga pampinansyang bula ang pinansyal na pagkagunaw noong 2008 — ang subprime na pagpalya na tumungo sa mas malalaking pagbagsak sa real estate, palitan ng pautang at iba pang ispekulatibong financial instruments — na sunud-sunod na sumabog at nagresulta sa pagsasara ng malalaking empresang pampinansya. Bagamat nakahinga nang bahagya ang pagsalba sa piling mga negosyo at bangko na tinaguriang “too big to fail,” gumiray-giray ang mga ekonomya mula sa isang krisis ng pagsalba tungo sa isa pa habang bigong makalikha ng sapat na hanapbuhay at demand ng konsyumer.

Sa padausdos na hila ng pampinansyang krisis sa kabuuan ng pandaigdigang ekonomya, naging unang tugon ng pinakamauunlad na bayan ang pagsalba sa pinakamalalaking bangko at empresa na “too big to fail.” Nangailangan ito ng malakihang paggastos ng gobyerno na kagyat na tumungo sa malakihan din na depisito sa badyet at pampublikong utang. Gayunpaman, hindi nakasapat ang mga ito para pabaligtarin ang tunguhin ng pagbagal, resesyon, at nagpatuloy ang walang-siglang paglago sa tunay na ekonomya sa mga sumunod na taon. Tulad ng ipinakita sa Figure 1 sa itaas, na nagpakita sa US real GDP growth, hindi nagresulta sa muling paglago sa antas bago ang krisis ang mga pagsisikap na magpasigla. Itinuturo rin

Page 24: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

16 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

na patungo sa parehong direksyon ang world nominal GDP growth na may may malalim na pagbulusok noong 2010, na nagmamarka bukod sa iba pa ng pagsisimula ng panahon ng pagliit ng pandaigdigang paggastos pampubliko. Nasa kasukdulan na ang pagtugon sa krisis, at dumating na ang susunod na yugto ng krisis.

Isinalarawan ni Andrew Haldane, chief economist ng Bank of England, ang pang-ekonomyang kalagayan sa isang talumpati noong 2015: “Ang pinakahuling mga pangyayari ang bumubuo sa pinakabagong yugto sa isang tatlong-bahaging salaysay ng krisis. Unang Bahagi ang ‘Anglo-Saxon’ na krisis ng 2008/09. Ikalawang Bahagi ang ‘Euro-Area’ na krisis ng 2011/12. At maaaring pumapasok na tayo ngayon sa Ikatlong Bahagi, ang ‘Emerging Market’ na krisis mula 2015 pataas.”17

Ang krisis sa global South ay bahagi ng malawak at papalaking utang. Sinabi ng IMF noong 2016: “Lalong nalalantad ang mababang-kitang mga bayan sa mas malalawak na panganib, kabilang na ang pagkadelikado ng pamilihan at mas mahal na pautang, isang kalagayan na maaaring hindi pamilyar para sa marami. Ang humahamon na pandaigdigang kalagayan ay nagpapahiwatig na darami malamang ang mga panganib sa utang sa maraming mga bayan na ito.” Sa katunayan, ang pagbabayad sa utang ng mga umuunlad na bayan ay lumaki nang 45% sa pagitan ng 2014 at 2016, itinulak sila sa pinakamataas na antas sapul noong 2007.18

Ang utang ng gobyerno sa mababa- at mababang-gitnang-kita na mga bayan ay lumaki mula US$56-bilyon noong 2008 tungo sa US$262-bilyon noong 2016. Ang ganitong peligrosong sitwasyon ay resulta sa katunayan ng pagtugon sa krisis ng taga-Hilaga. Dagdag pa, ang paglaki ng emergent market corporate debt ay kaalinsabay ng bumabagsak na commodity prices ng Asia sapul noong 2014, na nangahulugan na lalong magiging mahirap para sa mga empresa sa South ang pagbabayad sa utang.

Ang pagyabong sa pagpapautang sa mga bayan sa South ay bunga ng patakaran ng North na tumugon sa krisis. Ang quantitative easing (QE) at mababang interest rates sa North ay nagtulak sa mga nagpapautang na uhaw-sa-tubo na tumungo sa South ng daigdig kung saan maaaring makapaningil ng mas mataas na interest rates. Ngayong binabaligtad na ng US Federal Reserves ang sobrang-baba na interest rates para mapasigla ang ekonomya, ang kasunod na paglaki ng halaga ng dolyar ng US kumpara sa pananalapi sa South ay lumilikha ng kalagayang hindi pagtutugma ng mga pananalapi. Kabilang ang naunang binanggit na pagbagsak ng presyo ng mga produktong pang-eksport, ang pagbabayad sa utang ay lalong nagiging imposible.

Habang umiinit muli ang mga pamilihang pinansyal at lumilikha ng kalagayan sa panibagong pagbagsak, ang kaibhan mula 2008 ay mas malaki na ang nakataya ngayon. Ito ay dahil naging susing kalahok sa pampinansyang pamilihan ang mismong mga central bank na bumili ng malalaking pampubliko at pribadong financial assets (sa pamamagitan ng QE). Nanganganib silang bumagsak kapag sumabog sa kanilang

17 Haldane 2015.18 Jubilee Debt Campaign 2017.

Page 25: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 17

mukha ang isang bagong pampinansyang sindak. Noong kalagitnaan ng Mayo 2013, nagbabala ang mga ekonomista ng IMF ng mga biglang-taas sa interest rates at pagbagsak ng mga presyo sa bono na maaaring ibunga ng pagtatapos ng QE.

Sa kontekstong ito ng papatinding krisis, sinisikap ng US na panatilihin ang posisyon nito sa hegemonya (sa pangkalahata’y kasama ang suporta ng EU at Japan) sa pamamagitan ng pandaigdigang mga kasunduan sa kalakalan, pagtiyak sa pamamahala ng pandaigdigang pautang at relasyong pinansyal, at paghahanap at pagmonopolyo sa ari-arian sa pamamagitan ng pribatisasyon, sampu ng iba pang mga pagsisikap. Gayunpaman, mula sa unipolar na daigdig matapos ang Cold War na dominado ng US, dumaan ang pandaigdigang pulitika sa makabuluhang paghahanayan muli simula ang bagong milenyo. Matatawag ito na “multipolar” na transisyon na hindi madalas na katugma sa posisyon ng US ang posisyon at aksyon ng iba pang malalaking kapangyarihan. Ang sitwasyong ito ay may mga salik na maaaring makapagpaputok ng ibayong muling paghahanayan at maging polarisasyon (pagkakahati sa magkasalungat na bahagi) ng nasasaklaw na hegemonya.

Kakatwang resulta sa sinasabing tapos na ang panahong Cold War ay ang pagpapatuloy ng paligsahan sa armas. Pinanatili ng US ang istrukturang nuclear missile defense sa Europe. Habang sinasabi ng US na ang missile systems nito ay kalasag laban sa posibleng atakeng nukleyar ng Iran, lumilitaw na ang tunay na target ay ang Russia. Inakusahan ng Russia ang programa ng US-NATO na nagpaplanong gumapang sa hangganan nito sa kanluran at timog. Habang binabalanse ng China ang mga desisyon at iba’t ibang konsiderasyon sa pagtataguyod ng pambansa at pandaigdigang interes bilang umuusbong na imperyalistang kapangyarihan, lumilitaw ito bilang mas estratehikong tagahamon sa usapin ng pang-ekonomya at mabilis na pinauunlad na kakayahang militar.

Sa tunggalian para sa imperyalistang dominasyon, ang mala-Cold War na girian sa pagitan ng US at Russia ang mas nakakabahala sa anyo ng pagbabanta ng gera — sa manipis man na tabing ng malakihang ehersisyong militar o sa opisyal na pagbabanta ng interbensyong militar — sa mga lugar na umiinit na sa armadong tunggalian. Sa partikular, lumalakas ang momentum ng mga plano na pinamumunuan ng US para tapakan ang Syria at Iran.

Malaking dahilan sa tinatawag na “rebalancing” ng US tungo sa Asia ay ang pagpigil sa impluwensya ng China. Nagsimula ang ilang aspeto nito sa administrasyon ni Bush, tapos sa unang termino ni Obama, tulad ng mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at sa paglulunsad at ngayo’y tinalikurang Transpacific Partnership Agreement (TPPA). Subalit ang pinakamatingkad, at pinakamalinaw na kinikilingan ni Presidente Trump, ay ang pagpihit ng militar sa mga rehiyon ng East Asia at Southwest Pacific. Ang pinakakonkretong layunin ay: protektahan ang kasalukuyang dominasyon ng US sa mga daanan ng barko mula sa Indian Ocean tungo sa South China Sea; ipagtanggol ang mga lugar na maaaring sakalin kapag isinara ng mga kaaway na estado (hal., Iran

Page 26: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

18 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

sa Strait of Hormuz); at pigilan ang iba pang potensyal na panganib mula sa mga karibal na kapangyarihan at kaaway na estado na sirain ang interes sa ekonomya, pulitika at militar ng US sa rehiyon. Sa kabila ng papel ng administrasyong Trump sa pagpanaw ng TPPA, nananatiling mataas na prayoridad ng US ang mga layuning ito.

Isa pang palatandaan ng ugnayan ng pinatinding militarismo at kapitalistang prayoridad sa tubo ang bentahan ng armas. Ang US at iba pang mauunlad na bayan, na karamiha’y pinakamalalaki ang paggastos-militar, ang sila ring pinakamalalaking tagabenta, taga-suplay at tagapondo ng ayudang-militar sa mga hukbo sa buong daigdig. Binubuo ng US, Russia, France, UK at China (na limang permanenteng myembro rin ng UN Security Council), kabilang ang Germany at Italy, ang 85% ng mga ibinentang armas sa pagitan ng 2004 at 2011. Sa buong mundo, may US$45-60 bilyon na halaga ng bentahan sa armas ang nagagawa bawat taon — na tatlo sa bawat apat ay benta sa mga umuunlad na bayan. Ikinakatwiran ng mga nangungunang industriyang pang-armas na ang produksyon ng armas ay “lumilikha ng trabaho” at kapag hindi hinarap ang mga di-demokratikong rehimen, “iba ang gagawa”.

Kalakip ng proyektong imperyalistang neoliberal na globalisasyon ang permanenteng gera ng agresyon magmula sa digmaan sa Korea at Vietnam, okupasyon sa Palestine, paglusob-militar sa Haiti, Lebanon at iba pa, pagpasok sa Iraq at Libya at ngayon sa Syria at Yemen. Walang “peace dividend” sa pagtatapos ng Cold War tulad ng sinasabi ng mga tuta ng imperyalista at naghahambog ng tagumpay dahil ang pagtatapos ng Cold War ay pagsisimula lamang ng patakaran ng pananakop at permanenteng gera ng agresyon sa mga bayan at mamamayan sa buong daigdig. Mapagpasya ang military-industrial complex para sipsipin ang labis na kapital at sa gayo’y tuluy-tuloy na gamitin sa gera. At dahil kasukdulan na ang krisis sa ekonomya, pukitika at klima, walang ibang magagawa ang mga imperyalista kundi ang gera at pasismo.

Gayunpaman, hinihikayat din ng krisis ang paglaban sa militar na pagpapanatili ng hegemonya ng US sa sistema ng pandarambong at pagsasamantala sa global South. Tumitindi at lumalawak ang mga digmang bayan para sa pambansang pagpapalaya. Kabilang dito ang matagal nang armadong pakikibakang may batayang masa o popular na insurhensya tulad ng sa Pilipinas, Colombia, Kurdistan, India at iba pang bayan sa South Asia, sa mga lugar na nagsagawa o nagbanta ng tahasang gerang agresyon ang US at NATO tulad sa Iraq, Afghanistan at iba pang lugar na sinakop ng dayuhang militar tulad ng pananakop ng Israel sa Palestine.

Ang tanging kalutasan sa pagdurusa ng manggagawa at mamamayan ng daigdig ay ang tapusin ang pananalanta ng imperyalismo sa pamamagitan ng rebolusyonaryong digma ng mamamayan at itatag ang sosyalismo.

Page 27: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 19

MGA SANGGUNIAN

Eichengreen, Barry. 2011. Exorbitant Privilege: The Rise and Fall of the Dollar and the Future of the International Monetary System. Oxford: Oxford University Press.

Duménil, Gérard and Dominque Levy. 2004. Capital Resurgent: Roots of Neoliberal Revolution. Cambridge, MA: Harvard University Press.

Haldane, Andrew. 2015. “How Low Can You Go?” Speech delivered at the Portadown Chamber of Commerce. Northern Ireland. http://www.bankofengland.co.uk/publications/Pages/speeches/2015/840.aspx.

Humphreys, David. 2011. “Environmental Accountability and Transnational Corporations.” In Brendon Gleeson and Nicholas Low (eds.). Governing for the Environment: Global Problems, Ethics and Democracy. New York: Palgrave.

Khor, Martin. 1997. “Trade and Investment: Fighting over investors’ rights at WTO.” SUNS bulletin. Geneva: Third World Network.

Magdoff, Harry. 1969. The Age of Imperialism. New York: Monthly Review Press.

Nelson, Joan M. 1968. Aid, Influence and Foreign Policy. New York: Macmillan.

Ranis, Gustav et al. 1974. Sharing in Development: A programme of employment, equity and growth in the Philippines. Geneva: International Labor Office.

Steger, Manfred B. and Ravi K. Roy. 2010. Neoliberalism: A Very Short Introduction. Oxford: Oxford University Press.

Tujan, Antonio. 1996 June. “APEC and Globalization.” People’s Policy and Advocacy Studies: Special Release. Quezon City: IBON Foundation.

———. 2010. “Deregulation for Migrant Labor Promotion.” Speech delivered at the Winnipeg Philippine Studies Summer Institute. University of Winnipeg. Transcript available at: http://www.pilipino-express.com/pdfs/anak-tujan_PE1Aug2010.pdf.

Tujan, Antonio and Pio Versola. 2013. Prospects for the Global Crisis: 2013 Report on the International Situation. Quezon City: IBON International.

Lary, Hal B. 1968. Imports of Manufactures from Less Developed Countries. New York: Colombia University Press.

Page 28: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

20 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Lensink, Robert. 1996. Structural Adjustment in Sub-Saharan Africa. Ann Arbor, MI: University of Michigan Press.

Williamson, John. 1989. “What Washington Means by Policy Reform.” In John Williamson (ed.). Latin American Readjustment: How Much Has Happened. Washington, DC: Institute for International Economics.

Page 29: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Mga tala hinggil sa Monopolyo Kapital ng Ika-21 Siglo:

100 taon magbuhat ang Imperyalismo ni Lenin

Paul Quintos

Isaang-daang taon ang nakaraan nang binuo ni Lenin ang konklusyon na ang kapitalismo ay pumasok na sa isang bagong istorikong yugto — ang huli at pinakamataas na yugto sa kasaysayan nito — monopolyo kapitalismo. Ipinaliwanag niya ito bilang: “kapitalismo sa yugto ng pag-unlad nito na naitatag ng mga monopolyo at pinansyang kapital ang kanilang dominasyon; na nagkaroon ng tampokna halaga ang pag-eksport ng kapital; na nagsimula na ang dibisyon ng daigdig sa mga pandaigdigang trusts; na nakumpleto na ang dibisyon sa lahat ng teritoryo ng mundo ng pinakamalalaking kapitalistang kapangyarihan.”1 Tinawag din ni Lenin na panahon ito ng modernong imperyalismo.

Sinusuri sa sulating ito ang kasalukuyang pagpapahayag ng ganitong saligang mga katangian ng monopolyo kapitalismo na tinukoy ni Lenin may isang siglo ang nakalipas. Gayunpaman, hindi ito magtatangka na iharap kung paano umunlad at nahubog sa kasaysayan ang mga katangian na ito sa nakaraang siglo. Hindi rin ito maghaharap ng komprehensibong larawan ng pandaigdigang sistemang kapitalista sa kasalukuyan. Bagkus magsisikap lamang ang sulatin na ito na ilinaw ang importanteng mga bagong elemento at ugnayan mula sa prinsipal na pang-ekonomyang katangian ng monopolyo kapitalismo — ang dominasyon ng mga monopolyo at pinansyang kapital. Sasapat ang pagtalakay ng iba pang may-akda sa bolyum na ito at iba pa kaugnay ng geopulitikal na aspeto ng imperyalismo sa kasalukuyang panahon.

Ipinapakita sa pag-aaral ng kasalukuyang kaganapan ng mga saligang katangian ng monopolyo-kapitalismo na hindi nagbago ang lohika at pagkilos ng monopolyo kapitalistang sistema sapul noong panahon ni Lenin. Gayunpaman, ipinapakita na umunlad at tumindi ang mga anyo at paraan ng pagsasamantala at pang-aapi na katangian ng imperyalismo.

1 Lenin, Vladimir. 1917. “Imperialism: The Highest Stage of Capitalism.” Marxists Internet Archive. https://www.marxists.org/archive/lenin/works/1916/imp-hsc/ch07.htm

Page 30: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

22 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Monopolyo kontra sa kapitalismo ng kompetisyon

Sa Imperialism, the Highest Stage of Capitalism, idiniin ni Lenin na “ang transpormasyon ng kompetisyon tungo sa monopolyo ay isa sa mahahalaga — kundi man pinaka-importante — na mga pangyayari sa modernong kapitalistang ekonomya.”

Ang kaganapang ito, datapwa, ay buung-buong itinatanggi o pinalalabo ng dominanteng talakayang neoliberal ng mga naghaharing-uri sa kasalukuyan, sa antas ng teorya, pananaliksik at patakaran.

Katunayan, ang lahat ng sinasabi ng doktrinang neoliberal para sa lubos na kagalingan ay nakabatay sa operasyon ng pamilihang may ganap na kompetisyon na may limang kondisyon na dapat matamo: 1) maraming maliliit na empresa na nagbebenta ng parehong mga produkto; 2) bawat empresa ay may relatibong maliit na bahagi sa pamilihan; 3) lahat ng empresa ay tumatanggap sa presyo, ibig sabihi’y hindi nila maiimpluwensyahan ang presyo ng kanilang produkto sa pamilihan; 4) walang hadlang sa pagpasok at paglabas ng mga empresa sa industriya; at 5) lahat ng bibili ay may kumpletong impormasyon ukol sa produktong ibinebenta at presyong itinakda ng bawat empresa.

Abstraktong pag-unawa ito sa kapitalistang sistema noong umiiral pa ito sa dinamiko at progresibong yugtong ang kapital ay nakakalat sa hanay ng mga kapitalistang nasa kompetisyon. Malinaw na walang ekonomya sa daigdig ngayon ang makatutugon sa alinman o sa lahat ng limang sukatang kondisyon.

Sa ganoong ideyal na balangkas, mga paglihis ang monopolyo at oligopolyo. Taliwas ang mga ito sa tuntunin o pansamantalang pangyayari dahil maaalis ng kompetisyong kapitalista ang mga dominanteng empresa. Para sa mga neoliberal, habang may kompetisyon, hindi magiging problema sa malaon ang mga dominanteng empresa.

Sa kabilang panig, nagpapalagay ang mga neoliberal na “heterodox” (hal., mga liberal o kaliwang sosyal demokrata) na maitutuwid ng mga kapitalistang estado ang mga pagpalya ng pamilihan kabilang ang tendensya ng mga kapitalistang ekonomya tungo sa disbalanse, laganap na salik panlabas, lumalawak na di-pagkakapantay-pantay, at kakulangan ng pamumuhunan sa pampublikong pangangailangan.

Bago pa man si Lenin, matagal nang kinilala ni Marx na di-maiiwasang tumungo ang kapitalismo sa papataas na konsentrasyon ng kapital sa kamay ng mga kapitalistang lumiit din ang hanay kumpara sa populasyon habang lumalakas ang kanilang kapangyarihan.

Page 31: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 23

Para sa mga Marxista, nagiging karaniwan ang mga empresang monopolyo dahil sa, at hindi sa kabila ng, kompetisyon. Sa labanan ng mga kapitalista, ang maliliit at mahihina ang karaniwang nababangkrap at nilalamon ng higit na malalaki. Sa kalaunan pinapalitan ng monopolistikong kontrol ng iilang empresa ang kompetisyon ng maraming empresa sa papalawak na saklaw, hanggang madomina ang buu-buong mga sangay ng industriya at buong ekonomya. Naiimpluwensyahan ng mga empresang monopolistiko ang presyo, nakokontrol ang suplay, nahaharang ang pagpasok ng iba; namamanipula ang demand ng konsyumer; atbp, para panatilihin ang kanilang dominasyon.

Para sa mga nag-aaral ng pampulitikang ekonomya mula sa tradisyong Marxista, ang monopolyong kapangyarihan ay ang kakayahan ng isa o ilang malalaking empresa na dominahan ang industriya o buong ekonomya para pigain ang supertubo o tubo na mas malaki kaysa karaniwan. Gayunpaman, hindi nangangahulugan ang monopolyong kapangyarihan ng absolutong kawalan ng kompetisyon. Maaaring dominahan ang mga industriya ng sandakot na mga empresang monopolyo na salimbayang nagsasabwatan at nagkokompetensya. Subalit salungat ito sa kalagayan ng “ganap na kompetisyon” sa isang “free market” na panawagan ng neoliberalismo.

Higit pa, kinikilala ng mga Marxista na ang estado ay hindi nyutral kundi instrumento ng mga naghaharing-uri sa lipunan. Hindi magreregulisa ang kapitalistang estado ng ekonomya para sa pakinabang ng buong madla, manapa ang mga naghihirap at mga naiwan sa tabi. Sa kabaligtaran, tinutulungan ng kapitalistang estado ang ibayong kapitalistang pagsasamantala sa mga mahihirap.

Kung kaya’t para sa mga Marxista, hindi ito usapin ng muling pagpapasigla sa estado ng “”pag-unlad” para paamuhin ang mabangis na pamilihan (hanggang dito lamang ang kayang maarok ng maraming anti-neoliberal). Sa pundamental, usapin ito ng pag-agaw ng uring manggagawa sa estado poder, pagdemokratisa ng pag-aari at kontrol sa mga kasangkapan sa produksyon at pagtransporma ng relasyon ng mga uri tungo sa sosyalismo at ultimo sa komunismo.

Sa panahon ni Lenin, nasaksihan niya ang mabilis na pagbubuo ng mga monopolistikong kumbinasyon sa hanay ng mga kapitalista na kumakatawan sa papataas na konsentrasyon ng produksyon at kapital. Mabilis silang sumaklaw sa buong ekonomya ng pinakaabanteng mga kapitalistang bayan noong 1873-1890s sa paglitaw ng joint stock company. Sa pagsisimula ng ika-20 siglo, naging dominante na ang mga monopolyo sa ekonomya ng US, Great Britain, France at Germany. Kapagdaka’y sumunod ang ilan pang bayan tulad ng Russia at Japan.

Kinakitaan ang ika-20 siglo ng papalakas na dominasyon ng mga empresang monopolyo na kinakatawan ng mga korporasyon, na sa malao’y nag-anyong konglomerasyon na mga dominanteng interes sa maraming industriya at sektor, at makaraa’y mga multinational corporations (MNCs) na may operasyon sa maraming bayan.

Page 32: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Table 1. Selected Indicators from the UNCTAD World Investment Report 2017, Values at current prices (Billions of dollars)

Item 1990

2005-2007

(pre-crisis average)

2014 2015 2016% change from 1990

FDI Inflows 205 1,426 1,324 1,774 1,746 851.7%

FDI Outflows 244 1,459 1,253 1,594 1,452 595.1%

FDI Inward Stock 2,197 14,496 25,108 25,191 26,728 1216.6%

FDI outward stock 1,254 15,184 24,686 24,495 26,160 2086.1%

Income on inward FDI 82 1,025 1,632 1,480 1,511 1842.7%

Rate of return on inward FDI 4 7 7 6 6 136.4%

Income on outward FDI 128 1,101 1,533 1,382 1,376 1075.0%

Rate of return on outward FDI

6 8 6 6 6 93.2%

Cross-border M&As 98 729 428 735 869 886.7%

as % of FDI outflows 40.2% 50.0% 34.2% 46.1% 59.8% 149.0%

Sales of foreign affiliates 5,097 19,973 33,476 36,069 37,570 737.1%

as % of GDP 21.7% 38.2% 42.6% 48.6% 49.9% 229.8%

Value added (product) of foreign affiliates

1,073 4,636 7,355 8,068 8,355 778.7%

as % of GDP 4.6% 8.9% 9.4% 10.9% 11.1% 242.8%

Total assets of foreign affiliates

4,595 41,140 104,931 108,621 112,833 2455.6%

Exports of foreign affiliates 1,444 4,976 7,854 6,974 6,812 471.7%

as % of GDP 6.2% 9.5% 10.0% 9.4% 9.1% 147.1%

as% of Total Exports of goods and services

32.6% 33.3% 33.3% 33.3% 33.3% 102.1%

Employment by foreign affiliates (thousands)

21,438 49,478 75,565 79,817 82,140 383.2%

Memorandum items

GDP 23,464 52,331 78,501 74,178 75,259 320.7%

Gross fixed capital formation 5,797 12,431 19,410 18,533 18,451 318.3%

Royalties and licence fees receipts

29 172 330 326 328 1131.0%

as % of income on outward FDI

22.7% 15.6% 21.5% 23.6% 23.8% 105.2%

Exports of goods and services

4,424 14,952 23,563 20,921 20,437 462.0%

Page 33: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 25

Ang monopolyo ngayon

Sa pandaigdigang ekonomya ngayon, may kabuuang kita ang 10 pinakamalalaking korporasyon sa daigdig na higit pa sa pinagsama-samang 180 na bayang pinakamahihirap.2 Umabot sa $27.6 trilyon ang kita noong 2015 ng 500 pinakamalalaking kumpanya sa daigdig (lahat ay MNCs), katumbas ng 37.2 porsyento ng pandaigdigang gross domestic product (GDP).3 Ayon sa McKinsey Global Institute, ang 10 porsyento ng publicly-listed companies sa daigdig ang kumakamal ng 80 porsyento ng lahat ng tubo.4

Ipinakita sa isa pang pag-aaral kamakailan ng tatlong systems theorists ng Swiss Federal Institute of Technology sa Zurich ang mas matindi pang antas ng pang-ekonomyang konsentrasyon sa kasalukuyan5. Sa pamamgitan ng pagsusuri sa kita at pagmamay-ari ng 43,060 MNCs sa batayang datos ng 37 milyong kumpanya at namumuhunan sa daigdig, tinataya nila na ang ekonomya ng daigdig ay may dominanteng bag-as na 147 na empresa na may magkakasalikop na interes sa isa’t isa. Ang 147 na empresang ito — isang “super-entidad” na 0.3 porsyento lamang ng lahat ng MNCs sa daigdig — ang kumokontrol sa 40 porsyento ng yaman habang ang mas mahabang listahan na 737 na empresa (1.7 porsyento ng lahat ng MNCs) ay kumokontrol sa 80 porsyento ng kabuuang yaman. Lahat liban sa lima sa pinakamalalaking 50 empresa sa dominanteng bag-as na ito ay mga institusyong pampinansya.

Ang ganitong mataas na antas ng konsentrasyon ng kapital ay makikita rin sa halos lahat ng estratehikong industriya sa kasalukuyan.

• Anim na multinasyunal na korporasyong agrikemikal — BASF, Bayer, Dow, DuPont, Monsanto at Syngenta — ang kumokontrol sa 75 porseynto ng global agrochemical market; 63 porsyento ng global seed market; at mahigit 75 porsyento ng lahat ng pribadong pananaliksik sa binhi at pestisidyo noong 2013.6 Sa pagkontrol sa mga susing gamit sa agrikultura, kontrolado ng sandakot na MNCs ang pandaigdigang sistema sa pagkain.

2 Global Justice Now, “10 biggest corporations make more money than most countries in the world combined”, September 12, 2016. http://www.globaljustice.org.uk/news/2016/sep/12/10-biggest-corporations-make-more-money-most-countries-world-combined3 Fortune. 2016. “Global 500” http://fortune.com/global500/list/4 Mckinsey Global Institute. 2015. “Playing to Win: The New Global Competition for Corporate Profit.” McKinsey & Company. http://www.mckinsey.com/business-functions/strategy-and-corporate-finance/our-insights/the-new-global-competition-for-corporate-profits5 Vitali, Stefania, James B. Glattfelder, Stefano Battiston. 2011. “The Network of Global Corporate Control.” PLoS ONE 6 (10): e25995. https://doi.org/10.1371/journal.pone.00259956 ETC Group. 2015. “Breaking Bad: Big Ag Mega-Mergers in Play -- Dow + DuPont in the Pocket? Next: Demonsanto?” ETC Group Communiqué, December. http://www.etcgroup.org/content/breaking-bad-big-ag-mega-mergers-play bad-big-ag-mega-mergers-play

Page 34: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

26 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

• Gayundin, ang kalusugan ng populasyon ng daigdig ay nakasalalay nang malaki sa desisyon ng 10 kumpanyang pharmaceutical na kumokontrol sa 47 porsyento ng global market para sa medisina at produktong medikal noong 2016 (tingnan ang Table 1 sa Appendix para sa kumpletong datos).

• May mahigit 1,300 na rehistradong kumpanya sa industriya ng sasakyan pero ang 10 pinakamamalaking MNCs sa sektor ang kumakamal sa mahigit 40 porsyento ng lahat ng nabentang sasakyan at pyesa sa daigdig noong 2016 (tingnan ang Table 2 sa Appendix para sa kumpletong datos).

• Kahalintulad, ang 15 nangungunang empresa ang kumukuha sa halos kalahati (45.5 porsyento) ng lahat ng pandaigdigang kita sa transportation, courier and postal services sa parehong taon (tingnan ang Table 3 sa Appendix para sa kumpletong datos). Ang mga MNCs ngayon ang kumokontrol sa daluyan ng sirkulasyon ng mga kalakal sa pandaigdigang sistemang kapitalista.

• Sa pinakamabilis na lumalagong sektor ng pandaigdigang ekonomya, anim lamang na empresa sa teknolohiya — Apple, Samsung, Hon Hai Precision, Amazon, HP at Microsoft — ang kumokontrol sa 20 porsyento ng $4.3 trilyon na halaga ng pamilihan sa information technology, semiconductors and consumer electronics (tingnan ang Table 4 sa Appendix para sa kumpletong datos). Kung gayon. iilang MNCs lamang ang may kontrol sa daluyan ng sirkulasyon ng impormasyon sa pandaigdigang ekonomya.

Tumulin ang ganitong konsentrasyon ng kapital sa nakaraang apat na dekada bunga ng neoliberal na globalisasyon. Lumaki ang pag-eksport ng kapital sa anyo ng paluwas na foreign direct investment (FDI) nang anim na beses sa pagitan ng 1990 at 2016, pinabilis ng neoliberal na mga patakaran na ipinataw ng oligarkiya sa pinansya sa buong daigdig. Bilang resulta, higit na sumirit pataas ang benta ng mga dayuhang katoto ng MNCs sa absolutong halaga (mula $5 trilyon tungo sa $37.5 trilyon) gayundin ang kanilang bahagi sa global GDP (mula 21.7 tungo sa 49.9 porsyento). Sa panahon ding ito, ang pag-eksport ng produkto at serbisyo ng MNCs ay lumaki rin nang mabilis mula $1.4 tungo sa $6.8 trilyon.7

Malinaw rin ang konsentrasyon ng kapital sa matarik na pagtaas ng mergers and acquisitions (M&A) sa hanay ng MNCs. Ang tawid-bansa na M&As ay karaniwang $802 bilyon noong 2015 at 2016 kumpara sa $98 bilyon noong 1990 habang nilalamon ng dominanteng MNCs ang maliliit na karibal o isinasanib para maging mas malaking higanteng pandaigdigan. Mga M&A ang 60 porsyento ng lahat ng dumaloy na FDI noong 2016 kumpara sa tinatayang 40 porsyento noong 1990, palatandaan ng lumiliit na espasyo para sa mayabong na pamumuhunan (greenfield

7 UN Conference on Trade and Development. 2017. World Investment Report 2017: Investment and the Digital Economy. http://unctad.org/en/pages/PublicationWebflyer.aspx?publicationid=1782

Page 35: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 27

investments) sa gitna ng lumulubhang krisis ng labis na produksyon para sa mga monopolyo kapitalista.

Nag-alala maging ang Economist (2016). “Pinaka-nakakabahala ang konsentrasyon sa Amerika. Lumobo ang bahagi sa GDP ng 100 pinakamalalaking kumpanya sa Amerika mula 33% noong 1994 tungo sa 46% noong 2013. Ang limang pinakamalalaking bangko ang bumubuo sa 45% ng banking assets, tumaas mula sa 25% noong 2000.”8

Pandaigdigang halaga na kamkam ng MNCs

Hindi agad-agad na mailalantad, gayunpaman, ang tindi ng konsentrasyon ng kapital ngayon sa pagsusuri sa laki ng empresa o kahit pa sa kanilang nagsasalikop na pag-aari. Ang pandaigdigang saklaw at pang-ekonomyang kapangyarihan na hawak sa kasalukuyan ng mga empresang monopolyo kapitalista ay pinapaliit sa datos ng FDI, export and market shares na tuwirang maituturo sa MNCs. Ito ay dahil, sa ilalim ng neoliberal na globalisasyon, ibayong kinokontrol at kinokoordina ng MNCs ang operasyon hindi lamang ng kanilang subsidyaryo at kaanib sa ibayong-dagat kundi maging ang sa pangala’y independyenteng kaparehang empresa na nakakalat sa maraming lugar sa buong daigdig.

8 The Economist. 2017. “The Rise of the Superstars.”

Figure 1. Distribution of value-captured from Apple iPhone

Source: http://pcic.merage.uci.edu/papers/2011/Value_iPad_iPhone.pdf

Page 36: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

28 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Sa pamamagitan ng kombinasyon ng partial ownership, joint ventures at/o non-equity based contractual arrangements tulad ng contract manufacturing, contract farming, service outsourcing, franchising, licensing at management contracts, pinatatakbo ngayon ng MNCs ang international production networks na nagdodomina sa buu-buong industriya sa pandaigdigang saklaw. Ito ang makabagong-anyo ng mga monopolyo kapitalistang kombinasyon na sinuri ni Lenin isang siglong nakaraan.

Tinataya ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) na humigit-kumulang 80 porsyento ng pandaigdigang kalakalan (na nagkakahalaga ngayon ng mahigit $20 trilyon sa sukatang gross exports) ay maiuugnay sa ganitong international production networks ng MNCs. Sa halagang ito, may 42 porsyento ($6.3 trilyon) ay kalakalang intra-MNC o transaksyon sa pagitan ng punong kompanya at subsidyaryo; ang isa pang 42 porsyento ($6.3 trilyon) ay abot-kamay na transaksyon sa pagitan ng mga di-magkakaugnay na bahagi na sangkot ang kahit isang MNC; at humigit-kumulang 16 porsyento ($2.4 trilyon) ay nasa magkahalong intra-firm trading at abot-kamay na transaksyon o non-equity modes (NEM) sa kontrol ng MNC sa pandaigdigang produksyon.9

Ayon sa UNCTAD, ang mga transakyong NEM ang bumubuo sa papalaking bahagi ng pandaigdigang produksyon at benta sa maraming industriya. Pinakakaraniwang anyo ng NEM ang contract manufacturing na ang punong MNC ay naglalabas (outsource) ng assembly ng produkto o panggitnang input sa iba pang empresa — kadalasan sa di-mauunlad na bayan kung saan mas mura ang gastos sa lakas-paggawa. Bumubuo ngayon ang contract manufacturing ng 50 porsyento ng global trade sa laruan, sapatos, kasuotan at electronics.

Tinatawag ng mga burges na ekonomista ang ganitong mga network sa kontrol ng MNC bilang “global value chains” (GVCs) para lokohin ang mamamayan na mag-isip na nalilikha ang halaga sa isang kawing o isang buko sa production network at ang “punong empresa” (ang MNCs) sa mga imperyalistang bayan ang naglalakip ng mas malaking halaga sa pinal na produkto na ibinebenta sa pamilihan. Sadya nilang pinalalabo ang katotohanan na umaasa lamang ang MNC sa monopolyong kontrol sa teknolohiya, pagpasok sa pamilihan at “standards” para idikta ang nilalaman ng mga kontrata sa kanilang kapareha kabilang ang pagtatakda ng presyo, pagmamanman sa lugar sa proseso ng produksyon, at iskedyul sa pagdeliber ng produkto.

Sa gayon, nakakamkam ng mga monopolyong empresa na nakabase sa mga imperyalistang bayan ang malaking bulto ng tubo na likha sa paggawa ng mga manggagawa kabilang at laluna yaong pinagtrabaho ng kanilang mga kaparehang empresa sa di-mauunlad na bayan para sa karaniwang gawain sa assembly o serbisyo. Itong huli ang lumilikha sa totoo lang ng halagang ipinagpapalagay na likha sa kabuuang GVC.

9 UN Conference on Trade and Development. 2013. Global Value Chains: Investment and Trade for Development. http://unctad.org/en/pages/PublicationWebflyer.aspx?publicationid=588

Page 37: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 29

Isang tampok na halimbawa rito ang Apple Inc. Nakabenta ang kompanyang naka-base sa US ng 78.29 milyong iPhone sa daigdig sa huling kwarto lamang ng 2016, katumbas ng 69 porsyento ng 78.4 bilyong dolyar na kabuuang kitang nakolekta sa parehong panahon.10 Pero hindi nagmamay-ari ang Apple ng kahit isang pabrika at hindi rin nag-eempleyo ng anumang manggagawa na tuwirang gumagawa ng ganitong mga iPhone.

Sa halip, ginagawa ng Foxconn (isang subsidyaryo ng Hon Hai Precision Industry, isang korporasyon sa Taiwan) ang pagkumpuni ng mga iPhone sa ilalim ng kontrata sa Apple, gamit ang tooling at kasangkapan na lisensyado sa Apple, kinukumpuni ang mga panggitnang input na ginawa sa Japan, Korea at iba pang international suppliers na una nang pinili (pre-selected) ng Apple. Kasama ang lisensyadong tagabenta ng Apple, sila ang bumubuo ng globally-integrated production and distribution network na pinamumunuan at koordinado ng Apple, Inc.

Tinataya sa isa namang pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) na “kapag ginawa ang assembly ng iPhone sa US, ang kabuuang assembly cost ay tataas sa US$65 (sa halip na $6.50 bawat iPhone sa China) at mag-iiwan pa rin ng 50 porsyentong profit margin para sa Apple.”11 Ibig sabihin, natatamo ng Apple ang $58.5 ng karagdagang tubo (supertubo) sa bawat nabentang iPhone unit sa 10 Murphy, Mike. 2017. “Apple’s first-quarter earnings were massive, and everyone loves the iPhone 7.” Quartz, January 31. https://qz.com/899509/apples-aapl-q1-2017-earnings-were-massive-and-everyone-loves-the-iphone-7/11 Smith, John. 2016. Imperialism in the Twenty-First Century: Globalization, Super-Exploitation, and Capitalism’s Final Crisis. New York: Monthly Review Press

Figure 1. Distribution of value-captured from Apple iPhone

Source: http://pcic.merage.uci.edu/papers/2011/Value_iPad_iPhone.pdf

Page 38: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

30 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

pamamagitan lamang ng outsourcing ng assembly sa mababang-sahod na pabrika sa China — at nakabenta ang Apple ng 211.88 milyong iPhone noong 2016 lamang.

Dahil ganoon kalaki ang supertubo na makukuha sa pagsasamantala sa paggawa ng di-mauunlad na bayan, tinitilad-tilad ng MNCs ang kanilng operasyon para ilipat ng lugar ang iba’t ibang aktibidad sa “pinaka-epektibo sa gastos” na lokasyong panrehiyon o pandaigdig.

Pinapakinabangan ng MNCs at kanilang mga komprador na kasangga sa mga di-mauunlad na bayan ang malalaking insentibo at subsidyo mula sa gobyerno at pinagsasamantalahan ang malaking pagkukunan ng mura at maamong paggawa para mag-assemble ng imported na mga pyesa para ibalik-luwas sa ibang bayan, sa kalakha’y pabalik sa malaking-kita na imperyalistang mga sentro mismo. Dahil wala namang pabalik o pasulong na ugnayan sa lokal na ekonomya, walang naidudulot ang mga industriyang ito para sa sustenadong paglalim ng industriya sa saklaw na makalilikha ng maramihang pag-empleyo at pagbibigay ng sapat na kita para sa mga manggagawa.

Sa kabaligtaran, sumisira sa pambansang industriya at lokal na agrikultura na nagsisilbi sa populasyon ng sariling bayan ang pagpasok ng mga industriyang enklabo gayundin ang pagdagsa ng murang imported na produkto bunga ng liberalisasyon sa kalakalan. Pinalalalim nito ang kolonyal at neokolonyal na padron ng produksyon at kalakalan habang pinatitindi ang pagsasamantala at kawalang-seguridad ng mga manggagagawa sa di-mauunlad na bayan.

Monopolyo sa pag-aaring intelektwal

Pinapangalagaan dati ng mga kapitalistang industriyal ang kanilang monopolyo sa teknolohiya (na nakalakip sa produktong kapital at gamit) sa pagpapanatili nito sa kanilang base. Subalit, sa pag-outsource at pag-offshore ng produksyon, mas lalo ngayong umaasa ang Apple at iba pang MNCs na nasa ibabaw ngayon ng global production networks sa monopolyo nila sa tinatawag na intellectual property kabilang ang product designs, brand names, mga simbolo at imahe na ginagamit sa pagbebenta.

Protektado ang mga ito ng patentente, copyright at trademark rules and legislation at ipinapataw sa pamamagitan ng pamarusang pagdedemanda. Sa esensya, ang mga intellectual property rights (IPR) ay mga legal na hadlang sa kompetisyon para sa pakinabang ng mga monopolyo kapitalista. Tinutulutan nito ang MNCs na kumamal ng supertubo sa mahabang panahon (ang karaniwang patente ay may bisa

Page 39: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 31

ng 20 taon) saanman sila o kanilang “kapareha” magnegosyo (ang Patent Corporation Treaty ay may 152 na kakontratang estado).12

Kinumpirma ito sa datos mula sa UNCTAD na nagpapakita na ang kita sa international royalty and licensing fee ng mga MNC ay tumaas mula 29 bilyong dolyar noong 1990 tungo sa 328 bilyong dolyar noong 2016, lampas pa sa paglaki sa benta at eksport ng mga dayuhang kaanib ng MNCs gayundin sa paglago ng kita sa papalabas na FDI sa pangkalahatan (tingnan ang Table 1 sa itaas).

Ito rin ang magpapaliwanag kung bakit lumalaki ang bahagi ng “intangible assets” sa market value ng pinakamalalaking MNCs ngayon. Ayon sa pagtaya ng UNCTAD, bumubuo ang intangible assets (brand value at iba pang intellectual property) ng humigit-kumulang sa sang-katlo ng market capitalization sa karaniwan ng world’s top 100 MNCs. Lalong matingkad ito sa mga MNC sa teknolohiya sa top 100. Ang kanilang intangible assets ang bumubuo ng humigit-kumulang kalahati ng kanilang market capitalization.13

Lubhang nagpupursige ang mga monopolyo kapitalista para mapanatili ang kanilang monopolyo sa “intellectual property”. Sa industriya lamang ng smartphone, ayon sa pag-aaral ng Stanford University, aabot sa $20 bilyon ang ginastos sa pagdedemanda at pagbili sa patente noong 2010-2011. Gumastos ang Apple at Samsung nang mas malaki sa pagdedemandang IPR at pagbili ng patente noong 2012 kaysa tinustos sa R&D ng kanilang sariling produktong pambenta. Kaya’t mas malaking pera ngayon ang ginagastos para pigilan ang paglaganap ng bagong teknolohiya o ibayo nitong pag-unlad.

Lalong kakatwa, marami sa mga naka-patente na teknolohiyang komersyal ay nakabatay sa pampublikong pananaliksik (hal., world wide web). Katunayan, wala sa mga naka-patenteng intellectual property ang magiging posible kung wala ang gastos pampubliko sa saligang edukasyon; kung walang kaalaman at impormasyon na malayang ibinabahagi ng mamamayan sa isa’t isa; at kung wala ang kaalaman at kultura na ipinamana sa mga henerasyon. Ang mga ito’y esensyal na pundasyon ng pagiging mapanlikha at inobasyon. Subalit isinasapribado ng IPR ang kaalamang ito para lumikha ng paupa sa mga monopolyo kapitalista. Isa pa itong halimbawa kung paano sumasalungat ang monopolyo sa pangangailangan ng lipunan at sumasagka pa nga sa ibayong pag-unlad ng mga produktibong pwersa at kultura sa lipunan.

12 World Intellectual Property Organization. “PCT – The International Patent System.” http://www.wipo.int/pct/en/13 UNCTAD. 2017. World Investment Report.

Page 40: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

32 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Paglilipat-presyo (transfer-pricing)

Napalawak din ng paglago ng global production networks ng MNCs ang saklaw ng pagpiga ng sarplas ng mga monopolyo kapitalista sa pamamagitan ng manipulasyon sa transfer prices o pagpepresyo sa mga produkto, serbisyo at intangibles sa pagitan ng nag-uugnayan. Habang mas tilad-tilad ang pandaigdigang produksyon, mas malaki ang patawid-bansa na kalakalan sa intermedyang produkto (hilaw na materyales, pyesa, mga sangkap at semi-finished na produkto) gayundin ang serbisyo. Nagbibigay ng pagkakataon ang bawat patawid-bansa na transaksyon para sa manipulasyong transfer price ng MNCs. 14

Ayon sa konserbatibong pagtaya ng Global Financial Integrity, lumaki ang kabuuang bawal na paglabas ng pinansya mula sa umuunlad na bansa sa karaniwang taunang tantos sa pagitan ng 7.2 porsyento at 8.1 porsyento sa mga taong 2005 hanggang 2014, umaabot sa tinatayang antas sa pagitan ng $620 bilyon at $970 bilyon noong 2014. Ang karaniwang 87 porsyento (sa pagitan ng $540 at $844 bilyon) ng ganitong bawal na paglabas ng pinansya ay bunga ng madayang maling-pagtatala (misinvoicing) ng import at export ng produkto ng MNCs at/o kanilang komprador na kasangga sa umuunlad na bayan. Malamang na mas mataas pa ang aktwal na halaga sapagkat hindi pa kasama ang maling-pagtatala sa pagkalakal sa services at intangibles na mas mahirap matuklasan at sa gayo’y mas laganap.15

Ang napipigang supertubo mula sa di-mauunlad na bayan sa anyo ng transfer price manipulation/trade misinvoicing ay lumalampas na sa supertubo mula sa FDI na ibinabalik sa legal na paraan, na noong 2012 ay nagkakahalaga ng $486 bilyon. Dagdag na $188 bilyon pa ang nawala sa di-mauunlad na bayan sa pagbabayad ng interes sa dayuhang pautang sa parehong taon.16

Malaking tipak naman ng ganitong supertubo ang inilalagak ng MNCs sa mga tax haven para makaiwas ng pagbabayad sa buwis. Kung babalikan ang halimbawa ng Apple Inc., ang MNC na naka-base sa US ay lumikha ng dalawang subsidyaryo sa Ireland — Apple Sales International at Apple Operations Europe — at inilagay ang kalakhan ng IPR ng kompanya sa dalawang entidad na ito. Inililisensya ng mga kompanyang ito ang intellectual property sa iba pang global subsidiary o partner ng Apple, at kumikita mula sa ganoong licensing agreements. Kung kaya’t ang tubo mula sa pagbenta ng mga produktong Apple saanman sa labas ng Amerika ay naililipat sa mga subsidyaryong ito ng Apple sa Ireland.

14 UNCTAD. 2013. World Investment Report15 Spanjers, Joseph and Matthew Salamon. “Illicit Financial Flows to and from Developing Countries: 2005-2014.” Global Financial Integrity. http://www.gfintegrity.org/report/illicit-financial-flows-to-and-from-developing-countries-2005-2014/16 Griffiths, Jesse. 2014. “The State of Finance for Developing Countries, 2014.” European Network on Debt and Development (EURODAD). http://www.eurodad.org/finance_for_developing_countries

Page 41: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 33

Pagkatapos, ilalagay ng dalawang kompanyang ito ang halos lahat ng tubo sa pagbenta sa isang “head office” na “umiiral lamang sa papel at hindi makalilikha ng ganoong tubo,” ayon sa European Commission na nag-imbestiga sa operasyon ng Apple sa Europe. Isang butas sa pagbubuwis ng Ireland ang nagpahintulot sa inilaang tubo — mga 16 bilyong euro noong 2011, isang taon lamang bilang halimbawa — na hindi mabuwisan sa anumang bayan. Sa ganitong selektibong trato, nagawa ng Apple na magbayad lamang ng 50 euro sa bawat milyon na hinahakot bilang tubo sa pagbebenta sa Europe — nagresulta ng isang corporate tax rate na 0.005% noong 2014.17

Hindi bukod-tangi ang Apple sa bagay na ito. Tinurol ng UNCTAD na ang top 100 MNCs ay may karaniwang 20 holding companies bawat isa, kadalasang naka-tahanan sa tax havens para umiwas sa pagbabayad ng buwis.18

Oligarkiya sa pinansya

Tulad sa panahon ni Lenin, ang pinakamalalaking monopolyo kapitalistang kombinasyon ngayon ay kumakatawan sa pagsasanib ng kapital ng bangko at industriya na tinukoy ni Lenin (at ni Rudolf Hilferding bago siya) bilang pinansyang kapital. Ayon sa kanila, naging instrumento ang mga bangko para pagsanibin at pag-ugnayin ang hiwa-hiwalay, maliit at malaking kapital sa industriya. Nakontrol nila ang paglapit sa pautang para sa produksyon at transaksyong pang-komersyo. Kalaunan, sila rin ay nagsanib, nagsabwatan, nagpalitan ng sapi, at bumuo ng magkakasalikop na boards of directors ng pinakamalalaking monopolyo sa industriya. Kung kaya’t napasailalim nila sa kontrol hindi lamang ang hiwa-hiwalay na mga kapitaistang empresa at operasyon nila, kundi ang buong kapitalistang lipunan na rin.

Nang matipon ang pinansyang kapital, ang pinakamalalaking may-ari nito ang naging oligarkiya sa pinansya at umangat sa taas ng uring kapitalista. Ang oligarkiya sa pinansya ay ang maliit na bilang ng makapangyarigang kapitalista na may kontrol sa pinansyang kapital sa pamamagitan ng pagmamay-ari sa pinakamalalaking bangko at bahay pinansya, gayundin ang pinakamalalaking korporasyong industriyal. Ang bawat bloke ng oligarkiya sa pinansya ay kadalasang nasa anyo ng pinagsanib na industrial-financial business conglomerate. Ang pagtatakda ng pinansyal na pangangailangan — at kung gayon ng tutubuin — ng industriya at ng ekonomya sa kabuuan ay nakakonsentra na ngayon sa iilang higanteng bangko.

17 Taylor, Harriet. 2016. “How Apple managed to pay a 0.005 percent tax rate in 2014.” CNBC.com, August 30. http://www.cnbc.com/2016/08/30/how-apples-irish-subsidiaries-paid-a-0005-percent-tax-rate-in-2014.html?view=story&%24DEVICE%24=native-android-mobile18 he Economist. 2016b. “Why Giants Thrive.” In Special Report: The Rise of the Superstars. September 17. Economist.com. https://www.economist.com/news/special-report/21707048-small-group-giant-companiessome-old-some-neware-once-again-dominating-global

Page 42: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

34 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Di-hamak na mas mayaman at mas makapangyarihan ngayon ang oligarkiya sa pinansya kaysa noong panahon ni Lenin.

Tulad ng nabanggit, lahat liban sa lima sa top 50 na empresang super-monopolyo sa listahan ng Vitali et al na tinuran sa itaas ay mga institusyong pinansyal. Sa isa pang pag-aaral na sumuri sa mga shareholders sa sample na 299 “malalaking mga korporasyon” (lahat ay MNC) noong 2009, nakita na 41 porsyento ng kanilang assets ay hawak ng mga bangko o kompanya sa pinansya at ang 27 porsyento ay nasa mutual funds, pension funds, insurance companies, private equity firms, hedge funds o venture capital. May 3.3 porsyento lamang ng assets ang hawak ng pamilya o indibidwal na shareholders. Kahit sa lubhang malalaking korporasyong industriyal, humigit-kumulang 60 na porsyento ng assets ay hawak ng mga bangko at institusyong pinansyal.19

Ang pakinabang sa ga-bundok na supertubo na pinipiga ng MNCs sa kanilang global production networks ay ultimong nakukuha ng maliit na oligarkiyang ito sa pinansya. Ang walong pinakamayaman na monopolyo kapitalista sa daigdig ang may hawak sa $426 bilyon na yaman — katumbas ng pinagsama-samang kita ng pinakamahirap na kalahati ng pandaigdigang populasyon noong 2016.

Tulad ng naitala ni Marx sa kanyang panahon, ang labis na akumulasyon ng yaman sa isang dulo ay nangahulugan ng labis na akumulasyon ng kahirapan sa kabila. Isa sa bawat 12 tao sa umuunlad na bayan ay matagalang walang sapat na nutrisyon. Mahigit isang bilyon sa populasyon ng daigdig na nabibilang na “mahirap” ay walang lupa at humigit-kumulang 200 milyong magsasaka ang walang sapat na lupa para matamasa ang disenteng antas ng pamumuhay. Samantala, mahigit 60 milyong ektarya ng sakahan, karamihan sa di-mauunlad na bayan, ang nabili o target na bilhin ng dayuhang namumuhunan sa pagitan ng 2000 at 2014.20

Inaasahang lampas sa 200 milyon ngayong taon ang hanay ng walang trabaho ayon sa konserbatibong pagtaya ng International Labour Organization (ILO). Sa mga mayroong trabaho, mahigit 1.4 bilyon ang nasa walang-katiyakan na trabaho ngayon, kinatatangian ng mababang pasahod, kawalang-seguridad sa trabaho at mapanupil na kalagayan.21 Ang seksyon na ito ng uring manggagawa ay lumalaki nang 11 milyon kada taon habang ipinapataw ng mga gobyerno ang mga patakaran sa labor flexibilization para paghusayin sa ribalan ang mga monopolyong empresa.

19 Very large companies, or VLCs, here refer to the top 300 MNCs -- 250 largest industrial corporations by turnover plus the 50 largest financial corporations by assets -- from a global database on corporations owned by Bureau van Dijk (a business intelligence company). From Peetz, David and Georgina Murray. “The Financialization of Global Corporate Ownership.” In Financial Elites and Transnational Business: Who Rules the World? Edited by Georgina Murray and John Scott. Northampton, MA: Edward Elgar Publishing.20 Oram, Julian. 2014. The Great Land Heist: How the world is paving the way for corporate land grabs. ActionAid International May 201421 International Labour Organization. http://embargo.ilo.org/wcmsp5/groups/public/---dgreports/---dcomm/---publ/documents/publication/wcms_541211.pdf

Page 43: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 35

Maging ang mga pamilyang nasa gitnang uri sa mga abanteng kapitalistang bayan ay nabibilang sa mahigit 1.6 bilyon na tao sa daigdig na pinagkaitan ng kalusugan, serbisyo sa edukasyon at nakasasapat na antas ng pamumuhay.22 Pinalubha pa ito sa pagtapyas ng gastos panlipunan habang ang gastos sa militar ay pinalalaki ng military-industrial complex, at binabawasan ang buwis para sa oligarkiya sa pinansya.

Ang labis na akumulasyon ng kapital sa kamay ng oligarkiya sa pinansya ay nangangahulugan din ng krisis ng labis na produksyon sa pandaigdigang kapitalistang ekonomya habang ang malawak na mayorya ng mamamayan ay pinagkakaitan ng kakayahang bilhin ang labis na produktong iniluluwa ng kapitalistang produksyon.

Pinansyalisasyon

Lalong naging masama, pinalala ng lumalalim na krisis ng labis na produksyon at labis na akumulasyon ng kapital ang pinansyalisasyon — ang proseso ng pagpiga ng tubo na mas madalas ngayong dinaraan sa palitan ng financial assets at ispekulatibong aktibidad kaysa pamumuhunan sa produksyon. Ito at dahil ginagamit ngayon ng oligarkiya sa pinansya ang papalaking proporsyon ng kanilang labis na kapital para kumuha ng labis-labis na tubo mula sa mga aktibidad na hiwalay sa tunay na ekonomya o sa produksyon ng tunay na produkto at serbisyo sa gitna ng kapitalistang krisis ng labis na produksyon.

Sa mga imperyalistang bayan, malaki ang tubo at patuloy na pinalalaki sa paglalabas ng sapi, manipulasyon sa stock market, palitan ng bono, securities at derivatives, kumisyon sa mga pinansyal na transaksyon, at ispekulasyon sa pera, lupa, hilaw na materyales, mamahaling metal at kahit sa sining.

Makikita rin ang pinansyalisasyon sa papalaking paglahok sa mga pinansyal na aktibidad ng mga korporasyong di-pinansyal. Halimbawa, ang mga kompanyang tulad ng Wal-Mart, Carrefour, Tesco, at karamihan ng mayor na retailers kahit sa di-mauunlad na bayan, ang nag-aalok ng credit cards, check cashing services, insurance programs, bill payment centers, sale of money orders, at money transfer services. Kamakailan pa, nagsimula na rin silang mag-alok ng savings and checking accounts, pre-paid debit cards at kahit home mortgages.23 Natulak rin nito ang mga empresa sa tunay na ekonomya na lalong magnegosyo nang short-term.

Sa paglaganap ng napakaraming instrumento sa pinansya na nagbibigay ng mabilisan at mataas na kita, lalong naging alisto ang mga may-sapi sa mga empresang di-pinansyal na kumuha ng pinakamalaking na tubo sa pinakamaigsing panahon. Papalaking proporsyon na ngayon ng kita ng mga korporasyon ang inilalaan sa 22 Oxford Poverty & Human Development Initiative. “Global Multidimensional Poverty Index 2014.” http://www.ophi.org.uk/wp-content/uploads/Global-MPI-2014-an-overview.pdf?0a8fd723 S. Ryan Isakson (2014) Food and finance: the financial transformation of agro-food supply chains, The Journal of Peasant Studies, 41:5, 749-775, DOI: 10.1080/03066150.2013.874340

Page 44: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

36 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

pagbabayad ng dibidendo sa mga may-sapi at pagbili muli ng kanilang sariling sapi para palakihin ang presyo ng sapi. Hindi lamang ito lumilikha ng mga stock market bubble na kalauna’y babagsak, kundi inililihis ng ganitong mga gawain ang rekurso papalayo sa pagtatatag ng aktwal na kakayahang produktibo tulad ng mga makina, R&D at pagsasanay para paunlarin ang pangmatagalan na produktibidad.24

Gayunpaman, pinalalabo rin ng pinansyalisasyon ang pag-iiba sa pagitan ng produksyon at ispekulasyon. Makikita ito sa papalaking pagpasok ng mga institusyong pinansyal sa mga produktibong aktibidad. Halimbawa, maraming namumuhunan ang ngayo’y nagdedeposito ng kanilang pondo sa malalaking investment banks, hedge funds o empresa na namumuhunan sa lupa batay pangunahin sa inuunahan na pagtaas sa halaga ng lupa, habang ang halagang likha ng produksyong agrikultural ay itinuturing lamang na dagdag na bonus.25 Ito ngayon ang isa sa nagtutulak ng pandaigdigang land grabbing.

Nabibigyan ng ibayong sikad ang pinansyalisasyon sa pamamagitan ng leveraging kung saan binibili ng mga kapitalistang pinansyal ang malalaking bulto ng pautang para ilang ulit na palakihin ang kabuuang kapital na ginagamit sa palitan ng financial assets tulad ng derivatives. Pinapalobo nito sa kalaunan ang asset bubbles sa equities, property at iba pang markets. Habang nagiging mas ispekulatibo ang palitan, mas malaki ang halaga sa pamilihan ng financial assets, at mas malaki ang yamang nakakamal ng oligarkiya sa pinansya na may hawak sa mas malaking bahagi ng assets na ito.

Hindi lamang ang iilan ang nasasangkot sa financial markets ngayon. Habang tumataas ang gastos sa pumumuhay na hindi maabot ng sahod ng mga nagtatrabaho, at habang tinatanggal ang social welfare at safety nets, natutulak ang mga pamilya ng manggagawa at gitnang uri na lalong umasa sa utang gayundin sa insurance, private pension plans at ibang produktong pinansyal na nakatuon sa madla. Nagbebenta ang mga magsasaka ng futures contract gayundin ang purchase insurance para sa kanilang pananim. Sa gayon, ang karaniwang mga pamilya sa mauunlad na bayan ay pinapaniwala na ang mga ito’y solusyon sa walang-katiyakan ng buhay na bunga ng paglansag sa welfare state, kawalang katatagan sa ekonomya at maging climate change.

Hindi lamang pinalalaki at pinabibilis ng ganitong mga proseso ang paglilipat ng yaman mula sa prodyuser tungo sa oligarikiya sa pinansya, kundi pinalalaki rin ang pag-angkin nitong huli sa yaman na gagawin pa lamang ng susunod na henerasyon. Kung gayon, pinalalakas ng pinansyalisasyon ang paghahari ng oligarkiya sa pinansya at pinalulubha rin ang pagiging parasitiko at kabulukan ng kapitalistang sistema. Pinahigpit ito ang ugna-ugnayan pero pinatingkad din ang instabilidad ng buong pandaigdigang sistemang pang-ekonomya at ang tunguhin nito sa kawalang pag-

24 Chang, Ha-joon. 2014. Economics: The User’s Guide: A Pelican Introduction. Pelican Books.25 Isakson, 2014

Page 45: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 37

unlad at pagkabulok — isang di-maiiwasang resulta ng monopolyo tulad ng tinurol ni Lenin.

Isang madulang pagsasalarawan sa resulta ng ganitong proseso ang 2008 global financial crisis. Nalagay sa bingit ng pagbagsak ang buong sistema sa pinansya ng pinakamauunlad na ekonomya dahil sa ispekulatibong palitan ng mga “di-pangkaraniwang” mga instrumentong pinansyal na nagmula sa pautang. Tumagal ang kasunod na pandaigdigang krisis sa pinansya’t ekonomya at nagdulot ng mabilis na paglala sa sitwasyon ng mga manggagawa kapwa sa mauunlad na kapitalistang bayan at di-mauunlad na bayan. Kinikilala ngayon kahit ng mga pangunahing ekonomista at nagsusuri sa pinansya na ang pandaigdigang ekonomya ay hindi pa nakakabangon.

Lumilikha pa ng mas malalaki at mas mapanganib na mga kombulsyon ang resulta ng mga hakbangin na ginawa kaugnay ng krisis. Ang bank bailouts at ang napakaluwag na patakaran sa pananalapi na ginamit ng mga imperyalistang central bank ay naglagay ng mas maraming salapi sa kamay ng oligarkiya sa pinansya subalit ginatungan naman ang ibayong ispekulasyon sa pinansya. Ang pahiwatig na laki ng umiiral na kontrata sa derivatives ay nasa $483 trilyon sa katapusan ng 2016 o mahigit anim na beses ng halaga ng lahat ng produkto at serbisyo sa daigdig (global GDP).26

Higit pa, pinalobo nito ang pandaigdigang utang nang $57 trilyon sa loob lamang ng walong taon mula 2007. Ang pandaigdigan utang ngayon ay mahigit $217 trilyon, mahigit tatlong ulit ng nagawa ng buong pandaigdigang ekonomya sa isang taon at lumalaki pa nang mas mabilis kaysa global GDP.27 Isang bombang nakatakdang sumabog ang ganitong di-mababayarang utang at di-maiiwasang sumabog at maglubog sa daigdig sa isa pa at mas malubhang biglaang atakeng pinansyal.

Tungo sa bagong paghahati ng daigdig?

Habang nakapaloob ang konsentrasyon ng kapital sa MNCs at kanilang networks, nananatiling konsentrado ang ganitong mga monopolyong empresa sa iilang bayan sa kabila ng pangako ng “globalisasyon”. Ipinapakita sa Table 2 ang 500 pinakamalalaking korporasyon sa daigdig ay nakahimpil sa nangunungunang mga imperyalistang bayan pangunahin na ang US. Hanggang sa pagtatapos ng ika-20 siglo, ang US, EU at Japan ang bumubuo ng humigit-kumulang 86 porsyento ng mga empresang nakalista sa Fortune’s Global 500.

Gayunpaman, sa pagsusuri sa nasyunalidad ng mga shareholders (may sapi) ng mga empresang ito, malayong nangunguna sa kanilang mga karibal ang mga 26 Semiannual OTC derivatives statistics. Bank for International Settlements. http://www.bis.org/statistics/derstats.htm27 Amaro, Silvia. “China’s debt surpasses 300 percent of GDP, IIF says, raising doubts over Yellen’s crisis remarks.” CNBC. http://www.cnbc.com/2017/06/28/chinas-debt-surpasses-300-percent-of-gdp-iif-says-raising-doubts-over-yellens-crisis-remarks.html

Page 46: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

38 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

monopolyo kapitalista ng US. Ipinakita ni Starrs (2013) na nagmamay-ari ang mga namumuhunan ng US nang halos 46 porsyento ng lahat ng pampublikong lista ng mga sapi ng top 500 corporations ng daigdig sa pagkwenta sa listahan ng 2012 Forbes 2000. Malayong nasa pangalawang posisyon ang galing Japan na 7.0 porsyento sinundan ng China na may 5.9 porsyento. [28] Ito’y dahil may-ari ang mga namumuhunan ng US ng malaking bilang ng sapi kahit sa mga monopolyong empresa na hindi nakabase sa US — lubhang mas malaki kaysa pagmamay-ari ng sapi ng hindi taga-US na namumuhunan sa mga korporasyong nakabase sa US. Hindi kataka-taka, halos kalahati ng lahat ng milyunaryo sa daigdig noong 2015 ay mga Amerikano pa rin.

Datapwa’t mahalagang pansinin na biglang tumaas ang bilang ng mga empresa ng China sa Global 500 mula sa tatlo noong 1996 tungo sa 12 noong 2000 at ngayo’y nasa 103 ayon sa pinakahuling bilang. Kaya’t tumaas ang bahagi ng China sa Global 500 mula sa halos wala noong 1996 tungo sa mahigit 20 porsyento noong 2016 habang ang bahagi ng US ay bumaba mula sa humigit-kumulang 48 porsyento tungo sa 27 porsyento sa pinakahuling bilang.

Ipinapakita nito kung paano nakatali ang kayamanan ng mga monopolyo kapitalista sa kayamanan ng kanilang mga estado. Sa pag-aasam na kumamal ng

Table 2. Home countries of the Global 500 Number of Global 500 firmsCountry 1981 1991 1996 2000 2016USA 242 157 162 185 134

EU 141 134 155 141 124

Japan 62 119 126 104 52

China 0 3 12 103

Canada 9 6 15 11

Switzerland 10 14 11 15

South Korea 13 13 11 15

Australia 9 5 7 8

Brazil 1 5 3 7

Others 5 48 11 11 31

Total 500 500 500 500 500

Triad (US-EU-Japan) Total 445 410 443 430 310

China Total 0 3 12 103Adapted from "The World’s Largest 500 Multinational Enterprises" in Rugman, Alan and Stephane Girod. 2003. “Retail Multinationals and Globalization: The Evidence is Regional” European Management Journal 21 (1), and latest data from Fortune (2016)

Page 47: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 39

kapital sa labas ng kanilang home markets, kailangan ng mga monopolyo kapitalista ang estado ng kanilang bayan para bigyang-daan ang kanilang operasyon sa ibayong-dagat sa palikha ng “enabling conditions” na magagawa nilang magluwas ng produkto, mamuhunan sa ibang bayan, masamantala ang paggawa at likas-yaman, makamkam ang mga ari-arian, matalo ang mga karibal at maibalik sa bayan ang tubo. Kailangang tiyakin sa kanila na hindi masasamsam ang kanilang ari-arian sa ibayong-dagat; na gagalangin ang mga transaksyon sa palitan at mga kontrata at mababayaran ang mga pautang — sa madali’t sabi, kailangang matiyak sa kanila ang tuluy-tuloy na paghuthot ng tubo.

Dagdag pa, kailangan nilang maging mas epektibo at episyente sa mga ito kaysa kanilang karibal. Para magawa ito, kailangan nilang gamitin ang masaklaw na kapangyarihang mapanupil ng imperyalistang estado, salungat sa islogang laissez faire ng neoliberalismo.

Makaraan ang World War II, pinamunuan ng US ang iba pang imperyalistang estado na itatag ang institusyong multilateral (mga institusyon ng Bretton Woods, ang UN) na magpapagaan sa muling pagbangon ng pandaigdigang kapitalistang ekonomya at ang pagpigil sa sosyalistang kampo na pinangungunahan ng USSR at China. Sa ganap na pagbangon ng Western Europe at Japan noong 1970s, lalong tumindi ang kumpetisyon sa pagitan ng mga monopolyong empresa sa loob ng “first world”, hinila pababa ang tantos ng tubo at nagpaputok ng krisis sa kapitalistang akumulasyon.

Nagpasimuno ang gobyerno ng US ng aksyong unilateral (tulad ng pagsuspinde sa pagtumbas ng dolyar sa ginto noong 1971) gayundin ang panggigipit sa mga alyado na pumayag sa mga bagong kasunduan (tulad ng Plaza Accord ng 1985) pabor sa monopolyo kapital ng US. Kaalinsabay, namuno ang US sa iba pang imperyalistang estado sa paggamit ng iba’t ibang instrumentong internasyunal (ang International Monetary Fund, ang World Bank, ang World Trade Organization, mga kasunduan sa kalakalan at pamumuhunan, dayuhang ayuda, atpb.) para ipataw ang mga patakarang neoliberal sa sariling bayan at laluna sa mga di-mauunlad na bayan nang mabuksan ang mga bagong larangan sa akumulasyon ng kapital na pabor sa pinansyang kapital sa pangkalahatan.

Nasaksihan noong 1990s ang pagbagsak ng mga rebisyunistang rehimen ng blokeng Sobyet at kanilang reintegrasyon sa pandaigdigang kapitalistang ekonomya kabilang ang China. Itinanghal ito ng mga imperyalista bilang pangwakas na tagumpay ng kapitalismo at burges na liberal demokrasya. Subalit sa pagpasok ng mga kapangyarihang ito sa kapitalistang kampo tumindi ang kumpetisyon para sa pagkukunan ng akumulasyon ng kapital.

Mabilis na “umunlad” ang China bilang malakas na ekonomyang kapitalista sa sarili nitong paraan ng pagkombina ng monopolyong empresa ng estado at

Page 48: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

40 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

pribadong empresang monopolyo. Ayon kay Jose Maria Sison, “tiniyak ng sektor ng estado sa ekonomya ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng pambansang industriya at produksyong militar at nilabanan ang pinakamasasamang imposisyon ng mga imperyalistang kapangyarihan, habang tinamasa naman ng pribadong kapitalismo sa China ang pakinabang sa pakikipagtulungan sa sektor ng estado sa pagtataguyod ng kapitalismo ng malaking komprador sa pagpapanatili ng sweatshop na produksyon ng konsyumer na manupakturang pang-eksport gayundin ang pagpapaunlad sa malaking burgesyang industriyal na nasa mabibigat at saligang industriya na nagsu-suplay sa balisang siklab ng labis-labis na konstruksyong pribado at pampubliko.”28

Tulad ng iba pang imperyalistang kapangyarihan bago nito, umaabot ngayon ang China sa ibang bayan para tiyakin ang enerhiya at hilaw na materyales na isusubo sa industriya nito gayundin para buksan ang bagong mga pamilihan at oportunidad sa pamumuhunan para sa kapitalistang akumulasyon at paglago. Pinaka-ambisyosong proyekto sa ngayon palabas ng China ang One Belt One Road (OBOR) initiative na kinabibilangan ng pagtatayo ng lambat ng riles, kalsada, pipelines, at utility grids na tuwirang magdurugtong ng China sa Central Asia, West Asia, bahagi ng South Asia, East Africa at Southern Europe.29

Ayon sa isang artikulo kamakailan sa New York Times, “Ang initiative ... ay lumilitaw sa saklaw at laki na wala pang katulad sa modernong kasaysayan, nangangako ng mahigit $1 trilyon na imprastraktura at bumabagtas sa mahigit 60 na bayan. Nilalayon ni G. Xi na gamitin ang yaman at kaalamang industriyal ng China para likhain ang isang bagong uri ng globalisasyon na mag-aalis sa mga tuntunin ng tumatanda nang mga institusyong dominado ng Kanluran. Ang pakay ay muling-hugisin ang pandaigdigang kaayusang pang-ekonomya, hilahin ang mga bayan at kompanya sa mas mahigpit na pag-inog sa China. Imposible para sa sinumang dayuhang pinuno, ehekutibong multinasyunal o nasa pandaigdigang bangko na magwalang-bahala sa tulak ng China na baguhin ang pandaigdigang kalakalan. Nakikitang humihina ang impluwensyang Amerikano sa rehiyon.”30

China rin ang pangunahing nagtutulak ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), isang mega-regional na kasunduan sa kalakalan kabilang ang 10 myembrong estado ng ASEAN at anim na mayor na trading partner nito na China, Japan, Australia, New Zealand, South Korea, at India. Kapag napagkasunudan, saklaw nito ang kalahati ng populasyon ng daigdig, 38 porsyento ng pandaigdigang ekonomya at halos 30 porsyento ng bolyum ng kalakalan. Mas makabuluhan, hindi

28 Sison, Jose Maria. 2016. “Impact of the GPCR on the Philippine Revolution. People’s Resource for International Solidarity and Mass Mobilization, June 1. https://www.prismm.net/2016/06/01/jms-gpcr-phil-revo/29 Jinchen, Tian. 2016. “‘One Belt and One Road’: Connecting China and the world.” McKinsey & Company, July. http://www.mckinsey.com/industries/capital-projects-and-infrastructure/our-insights/one-belt-and-one-road-connecting-china-and-the-world30 Perlez, Jane and Yufan Huang. 2017. “Behind China’s $1 Trillion Plan to Shake Up the Economic Order.“ The New York Times, May 13. https://www.nytimes.com/2017/05/13/business/china-railway-one-belt-one-road-1-trillion-plan.html

Page 49: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 41

isinasama ang US sa RCEP at sa katunaya’y pantapat ito ng China sa Transpacific Partnership ng US na kamakaila’y binimbin ng administrasyong Trump.31

Nanguna rin ang China sa pagtatatag ng bagong bungkos ng mga internasyunal na institusyong pinansyal, kabilang ang New Development Bank, ang BRICS Contingent Reserve Arrangement, ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at ang New Silk Road Fund. Hindi lamang nakatuon ang mga ito sa pagpapakilos ng rekurso para suportahan ang OBOR at ibang proyekto sa pag-unlad, sama-samang kinakatawan din ng mga ito ang kontra-timbang sa International Monetary Fund (IMF), World Bank, European Central Bank at Asian Development Bank — ang pandaigdigang istrukturang pinansyal na dominado ng pinansyang kapital ng US sapul ang pagtatapos ng World War II.32

Pinalalakas din ng China ang alyansa nito sa Russia at sinisikap na tiyakin ang palibot nito sa Eurasia sa pamamagitan ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Ang SCO ay isang organisasyong pampulitika, pang-ekonomya at militar na itinatag noong 2001 ng mga pinuno ng China, Russia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, at Uzbekistan. Noong 2015, sumapi rin ang India at Pakistan kaya’t umabot ang saklaw nito sa South Asia.

Samantala, sa kabila ng pangako ni Trump na “Gawing Dakila Muli ang Amerika,” ipinagpatuloy ng US ang estratehikong paghina nito sa imperyalistang labis na pagkabanat, labis na paggastos sa mga pakikipagsapalarang-militar sa ibayong-dagat at gawing humpak ang panloob na baseng industriyal sa pamamagitan ng outsourcing ng manupaktura sa tinatawag na emerging economies.

Lalong bumibilis samakatwid ang proseso ng muling paghahati ng pang-ekonomyang teritoryo sa hanay ng mga imperyalista. At tulad ng itinuro ni Lenin, sa isang daigdig na kumpletong nahati na ng mga imperyalistang kapangyarihan, mangangahulugan lamang ng gera ang muling paghahati ng teritoryo.

Malinaw na itong nakikita sa dumadalas at tumitinding labanang geopulitikal at panlipunang sigalot sa buong mundo. Lalong nagiging agresibo ang mga imperyalistang estado, sa pangunguna ng US, para sakupin at kontrolin ang mas maraming teritoryo bilang pagkukunan ng hilaw na materyales at murang lakas-paggawa; bilang bihag na pamilihan at ruta ng suplay, at lunsaran sa pagtudla ng pwersang militar sa ibayong-dagat. Nagsisikap ngayon ang mga pwersa ng US at NATO na kubkubin at pigilan ang mga umaangat na kapangyarihan tulad ng Russia at China na itinuturing na banta sa hegemonya ng US at sa pandaigdigang kaayusan na pinamunuan ng US sa pagtatapos ng Word War II.31 Asia Pacific Research Network. 2016. “Briefer on the Regional Comprehensive Economic Partnership.” http://aprnet.org/?p=43932 Wong, Erebus, Chi, Lau Kin, Tsui, Sit and Wen Tiejun. 2017. “One Belt, One Road: China’s Strategy for a New Global Financial Order.” Monthly Review 68 (08): January. https://monthlyreview.org/2017/01/01/one-belt-one-road/

Page 50: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

42 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Bisperas ng rebolusyon ang imperyalismo

Umabot na sa nakagigimbal na antas ang konsentrasyon ng kapital at lakas ng monopolyo sa pandaigdigang sistemang kapitalista kung ikukumpara sa panahong isinulat ni Lenin ang kanyang popular na balangkas ng “Imperyalismo, ang Pinakamataas na Yugto ng Kapitalismo”.

Kamal-kamal ngayon ang mahalay at di-kapani-paniwalang kayamanan ng iilang naghahari na nagpapalaki pa ng kanilang kabayang-yaman sa pamamagitan ng pagsasamantala sa bilyun-bilyong manggagawa at prodyuser sa buong daigdig. Gumawa sila ng mga bagong paraan para pasukin ang kasuluk-sulukan ng planeta sa pamamagitan ng kanilang global production networks para pagsamantalahan ang pinakamurang lakas-paggawa at rekurso at huthutin ang supertubo. Habang lumikha ang ganitong proseso ng isang pandaigdigang ekonomya, isa itong daigdig na ipinagpatuloy at pinalalim ang hindi pag-unlad ng South habang ibayong pinalakas ang dominasyon sa ekonomya at pulitika ng mga imperyalistang kapangyarihan sa pamamagitan ng di-pantay na palitan, sobra-sobrang pagsasamantala, pang-aapi at gera.

Magmula pa sa panahon ni Lenin, gumawa na rin ang oligarkiya sa pinansya ng samu’t-saring paraan para pabilisin ang balik ng kapital para lubusin ang tubo sa pinakamaigsing panahon. Kumakamal sila ng yaman hindi lamang sa pamumuhunan sa produksyon, kundi sa pagkakait sa masa. Pinalalaki pa nila ang pag-angkin sa yaman na gagawin pa lamang ng susunod na mga henerasyon kahit pa sinisira nila ang pinakabatayan ng buhay para sa mga susunod na henerasyong iyon. At ngayo’y nagpapasiklab ng mas maraming gera at isinusubo ang sangkatauhan sa pagkawasak.

Ito ang parasitismo at pagkabulok ng kapitalismo na pinatampok ni Lenin, at nalalagay sa mas mataas na antas ng kawalang katarungan. Pinatindi lamang ng neoliberal na kontra-rebolusyon magmula noong 1980s ang pagsasamantala sa manggagawa at mamamayan ng daigdig, at sa kalikasan, at nagbunga ng sunud-sunod na krisis.

Subalit sinabi rin ni Lenin na “bisperas ng panlipunang rebolusyon ng proletaryado ang imperyalismo” na pinatunayan ng Bolsheviks may 100 taon ang nakaraan. Marapat humalaw ng aral at inspirasyon sa Dakilang Sosyalistang Rebolusyong Oktubre at iba pang matagumpay na rebolustonaryong pakikibaka sa nakaraang siglo ang kasalukuyang mga inaapi at pinagsasamantalahang uri. Dapat nilang ilapat ang mga aral na ito nang may malinaw na pag-unawa kung paano kumikilos ang mga makauring pwersa at makauring tunggalian ngayon. Hindi lamang nila nararapat sapulin kung paano gumagana ang imperyalismo, hindi lamang ang obhetibong mga kondisyon para sa rebolusyonaryong pakikibaka, kundi ang syensya ng rebolusyon — kung saan nag-ambag nang malaki si Lenin — para patibayin ang mga suhetibong

Page 51: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 43

kondisyon sa pagbabago ng sistema. Ang kinabukasan ng manggagawa at mamamayan ng daigdig ang nakasalalay.

Appendix: Data on top MNCs’ market share in various sectors

Table 1. Total revenues of Pharmaceutical Industry Firms in Fortune Global 500 Ranking as % of Pharmaceutical Industry Global Revenue (millions USD)Rank in 2016

Global 500Top Firms (Rank in Overall Global 500) Revenue

1 Johnson & Johnson (103) 70,074

2 Bayer (165) 52,437

3 Roche Group (167) 52,390

4 Novartis (175) 51,030

5 Pfizer (186) 48,851

6 Sinopharm (205) 44,325

7 Sanofi (233) 41,460

8 Merck (246) 39,498

9 GlaxoSmithKline (278) 36,550

10 Gilead Sciences (316) 32,639

11 Astra Zeneca (435) 24,708

12 AbbVie (469) 22,859

13 Amgen (487) 21,662

Sum of Revenues of Pharmaceutical Industry Global 500 538,483

Global Revenues for Pharmaceutical Industry (estimate) 1,000,000

Revenues of Pharmaceutical Global 500 as per cent of Pharmaceutical Industry Revenue 54%Sources of data: 2016 Fortune Global 500 list, IBISworld (for industry revenue)

Page 52: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

44 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Table 2. Total revenues of Transport Firms in Fortune Global 500 Ranking as % of Transport Sector Global Revenue (millions USD)Rank in Sector

for 2016 Global 500

Top Firms (Rank in Overall Global 500) Revenue

1 China Post Group (105) 69,637

2 US Postal Service (107) 68,928

3 Deutsche Post (108) 68,358

4 UPS (149) 58,363

5 FedEx (192) 47,453

6 Deutsche Bahn (203) 44,818

7 American Airlines Group (236) 40,990

8 Delta Air Lines (239) 40,704

9 Maersk Group (240) 40,308

10 United Continental Holdings (265) 37,864

11 Lufthansa Group (285) 35,559

12 SNCF Mobilites (319) 32,497

13 HNA Group (353) 29,562

14 Air France KLM Group (363) 28,910

15 La Poste (418) 25,563

16 International Airlines Group (421) 25,356

17 East Japan Railway (447) 23,883

18 China COSCO Shipping (465) 22,965

19 Emirates Group (472) 22,734

20 Union Pacific (485) 21,813

Sum of Revenues of Transport Global 500 786,265

Global Revenues for Transport Sector 1,471,000

Revenues of Global 500 firms as per cent of Global Revenues 53.45%Sources of data: 2016 Fortune Global 500 list, IBISworld (for sector revenue)

Page 53: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 45

Table 3. Total revenues of Motor Vehicle & Parts in Fortune Global 500 as % of Motor Vehicle & Parts Global Revenue (millions USD)Rank in Sector

for 2016 Global 500

Top Firms (Rank in Overall Global 500) Revenue

1 Volkswagen (7) 236,600

2 Toyota Motor (8) 236,592

3 Daimler (16) 165,800

4 General Motors (20) 152,356

5 Ford Motor (21) 149,558

6 Honda Motor (36) 121,624

7 SAIC Motor (46) 106,684

8 BMW (51) 102,248

9 Nissan Motor (53) 101,536

10 Dong Feng Motor Group (81) 82,817

Revenue of 23 other Global 500 firms in Automobile Manufacturing Sector 980,941

Sum of Revenues of Motor Vehicle & Parts Global 500 2,436,756

Global Revenues for Motor Vehicle & Parts Sector 3,613,000

Revenues of Motor Vehicle & Parts Global 500 firms as per cent of Global Revenues 67%Sources of data: 2016 Fortune Global 500 list, IBISworld (for industry revenue)

Page 54: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

46 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Table 4. Total revenues of Technology Firms in Fortune Global 500 as % of IT Sector Global Revenue (millions USD)Rank in Sector

for 2016 Global 500

Top Firms (Rank in Overall Global 500) Revenue

1 Apple (9) 233,715

2 Samsung Electronics (13) 177,440

3 Hon Hai Precision Industry (25) 141,213

4 Amazon.com (44) 107,006

5 HP (48) 103,355

6 Microsoft (63) 93,580

7 IBM (82) 82,461

8 Alphabet [Google parent company] (94) 74,989

9 Sony (113) 67,519

10 Panasonic (128) 62,921

Revenue of 23 other firms in Technology Global 500 785,379

Sum of Revenues of Technology Global 500 1,929,578

Global Revenues for Technology Sector 4,300,000

Revenues of Technology Global 500 firms as per cent of Global Revenues 45%Sources of data: 2016 Fortune Global 500 list, IBISworld (for sector revenue)

MGA SANGGUNIAN

Amaro, Silvia. “China’s debt surpasses 300 percent of GDP, IIF says, raising doubts over Yellen’s crisis remarks.” cnbc.com. http://www.cnbc.com/2017/06/28/chinas-debt-surpasses-300-percent-of-gdp-iif-says-raising-doubts-over-yellens-crisis-remarks.html

Asia Pacific Research Network. 2016. “Briefer on the Regional Comprehensive Economic Partnership.” http://aprnet.org/?p=439

Chang, Ha-joon. 2014. Economics: The User’s Guide: A Pelican Introduction. Pelican Books.

Page 55: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 47

ETC Group. 2015. “Breaking Bad: Big Ag Mega-Mergers in Play -- Dow + DuPont in the Pocket? Next: Demonsanto?” ETC Group Communiqué, December. http://www.etcgroup.org/content/breaking-bad-big-ag-mega-mergers-play

Fortune. 2016. “Global 500” http://fortune.com/global500/list/

Griffiths, Jesse. 2014. “The State of Finance for Developing Countries, 2014.” European Network on Debt and Development (EURODAD). http://www.eurodad.org/finance_for_developing_countries

International Labour Office, 2017. “World Employment and Social Outlook: Trends 2017”. ILO. Geneva. http://embargo.ilo.org/wcmsp5/groups/public/---dgreports/---dcomm/---publ/documents/publication/wcms_541211.pdf

Isakson, S. Ryan. (2014) “Food and finance: the financial transformation of agro-food supply chains”, The Journal of Peasant Studies, 41:5, 749-775, DOI: 10.1080/03066150.2013.874340

Jinchen, Tian. 2016. “‘One Belt and One Road’: Connecting China and the world.” McKinsey & Company, July. http://www.mckinsey.com/industries/capital-projects-and-infrastructure/our-insights/one-belt-and-one-road-connecting-china-and-the-world

Lenin, Vladimir. 1917. “Imperialism: The Highest Stage of Capitalism.” Marxists Internet Archive. https://www.marxists.org/archive/lenin/works/1916/imp-hsc/ch07.htm

Mckinsey Global Institute. 2015. “Playing to Win: The New Global Competition for Corporate Profit.” McKinsey & Company. http://www.mckinsey.com/business-functions/strategy-and-corporate-finance/our-insights/the-new-global-competition-for-corporate-profits

Murphy, Mike. 2017. “Apple’s first-quarter earnings were massive, and everyone loves the iPhone 7.” Quartz, January 31. https://qz.com/899509/apples-aapl-q1-2017-earnings-were-massive-and-everyone-loves-the-iphone-7/

Oram, Julian. 2014. “The Great Land Heist: How the world is paving the way for corporate land grabs”. ActionAid International May 2014

Oxford Poverty & Human Development Initiative. “Global Multidimensional Poverty Index 2014.” http://www.ophi.org.uk/wp-content/uploads/Global-MPI-2014-an-overview.pdf?0a8fd7

Page 56: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

48 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Peetz, David and Georgina Murray. “The Financialization of Global Corporate Ownership.” In Financial Elites and Transnational Business: Who Rules the World? Edited by Georgina Murray and John Scott. Northampton, MA: Edward Elgar Publishing.

Perlez, Jane and Yufan Huang. 2017. “Behind China’s $1 Trillion Plan to Shake Up the Economic Order.“ The New York Times, May 13. https://www.nytimes.com/2017/05/13/business/china-railway-one-belt-one-road-1-trillion-plan.html

Rugman, Alan, and Stephane Girod. 2003. “Retail Multinationals and Globalization: The Evidence is Regional” European Management Journal 21 (1). http://www.henley.reading.ac.uk/web/FILES/management/mgmt_A_Rugman_RetailMultinationalsGlobalization.pdf

http://www.henley.reading.ac.uk/web/FILES/management/mgmt_A_Rugman_RetailMultinationalsGlobalization.pdf

Sison, Jose Maria. 2016. “Impact of the GPCR on the Philippine Revolution. People’s Resource for International Solidarity and Mass Mobilization, June 1. https://www.prismm.net/2016/06/01/jms-gpcr-phil-revo/

Smith, John. 2016. Imperialism in the Twenty-First Century: Globalization, Super-Exploitation, and Capitalism’s Final Crisis. New York: Monthly Review Press.

Spanjers, Joseph and Matthew Salamon. “Illicit Financial Flows to and from Developing Countries: 2005-2014.” Global Financial Integrity. http://www.gfintegrity.org/report/illicit-financial-flows-to-and-from-developing-countries-2005-2014/

Taylor, Harriet. 2016. “How Apple managed to pay a 0.005 percent tax rate in 2014.” CNBC.com, August 30. http://www.cnbc.com/2016/08/30/how-apples-irish-subsidiaries-paid-a-0005-percent-tax-rate-in-2014.html?view=story&%24DEVICE%24=native-android-mobile

The Economist. 2016a. “The Rise of the Superstars.” In Special Report: The Rise of the Superstars. September 17. Economist.com. https://www.economist.com/news/special-report/21707048-small-group-giant-companiessome-old-some-neware-once-again-dominating-global

The Economist. 2016b. “Why Giants Thrive.” In Special Report: The Rise of the Superstars. September 17. Economist.com. https://www.economist.com/news/special-report/21707048-small-group-giant-companiessome-old-some-neware-once-again-dominating-global

Page 57: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 49

UN Conference on Trade and Development. 2017. World Investment Report 2017: Investment and the Digital Economy. http://unctad.org/en/pages/PublicationWebflyer.aspx?publicationid=1782

UN Conference on Trade and Development. 2013. Global Value Chains: Investment and Trade for Development. http://unctad.org/en/pages/PublicationWebflyer.aspx?publicationid=588

Wong, Erebus, Chi, Lau Kin, Tsui, Sit and Wen Tiejun. 2017. “One Belt, One Road: China’s Strategy for a New Global Financial Order.” Monthly Review 68 (08): January. https://monthlyreview.org/2017/01/01/one-belt-one-road/

World Intellectual Property Organization. “PCT – The International Patent System.” http://www.wipo.int/pct/en/

Vitali, Stefania, James B. Glattfelder, Stefano Battiston. 2011. “The Network of Global Corporate Control.” PLoS ONE 6 (10): e25995. https://doi.org/10.1371/journal.pone.0025995

Page 58: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong
Page 59: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Mga Bagong Anyo ng Pagsasamantala sa Africa ng Monopolyo Kapitalismo

Mula sa Imperyalismo ni Lenin hanggang sa Imperyalismo ng Triad sa ika-21 siglo

Demba Moussa Dembele

Pambungad

Isang daang taon ang nakaraan, inilathala ni Vladimir Ilich Lenin, pinakatampok na alagad ni Karl Marx at lider ng Rebolusyong Oktubre 1917 ng Russia, ang akdang tinawag niyang imperyalismo, itinuring na pinakamataas na yugto ng kapitalismo. Makaraan ang isang daang taon, napatunayan sa kasaysayan ang pagsusuri ni Lenin at malinaw na nakumpirma sa ebolusyon ng kapitalistang sistema sa ika-21 siglo. Umaabot sa kawalang-katulad na antas ang konsentrasyon ng kapital at pinatatakbo pangunahin ang imperyalistang pagpapalawak ng monopolyo kapitalistang interes, laluna sa panahong ito ng krisis ng kapitalismo.

Sa ganito nakabalangkas ang bahaging ito. Ipinapakilala sa unang seksyon ang konsepto ng imperyalismo ayon sa pagtingin ng mga sumunod kay Lenin. Nagbibigay ng pangkalahatang tanaw ang ikalawang seksyon sa mga pundamental na katangian ng imperyalismo tulad ng inilinaw ni Lenin. Sinusuri sa ikatlong seksyon ang mga perspektibang pang-Africa ukol sa imperyalismo. Inilalantad sa ikaapat na seksyon ang mga palatandan ngayon ng imperyalismo sa Africa, habang nagbibigay ang ikalimang seksyon ng pagbubuod at humahalaw ng ilang panghuling mga pangungusap.

I. Ang Pag-unawa sa Imperyalismo

May dalawang panimulang pag-aaral hinggi sa imperyalismo bago isinulat ni Lenin ang kanyang akda. Unang itinuro ng ekonomistang taga-England na si John Hobson (1902) ang transpormasyon ng kapitalismo sa imperyalismo, tinutukoy ang United Kingdom, ang unang imperyalistang bansa. Sinuri ni Hobson ang transpormasyong ito bilang pangangailangan para manatiling buhay ang kapitalismo. Bunga ng di-pantay na distribusyon ng yaman na likas sa kapitalistang sistema, may sarplas na kapital na hindi maipupuhunan sa lokal na pamilihan dahil sa walang sapat na demand. Samakatwid, para patuloy na mapalawak ang sistema, kinailangang ipuhunan ang sarplas na ito sa ibayong-dagat. Dahil may kaparehong mga problema

Page 60: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

52 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

ang lahat ng kapitalistang bayan, naghahanap silang lahat ng maaangkin sa ibayong-dagat. Sa gayon, may paligsahan na makontrol ang mahihinang bayan, na di-maiiwasang mauwi sa karahasan, tunggalian at hayagang gera. Ipinakita ito sa mga gerang mapanakop sa Africa, Asia at Middle East. Ipinakita ni Hobson na Africa ang naging pangunahing pinagtalunan ng mga imperyalistang bayan, dahil sa malaki nitong yaman. Nagtungo siya kalaunan sa Southern Africa, at nakilala si Cecil Rhodes1, isa sa mga sagisag ng saganang panahon ng imperyalismong Briton.

Ang ikalawang mahalagang pag-aaral ukol sa imperyalismo ay ginawa ng Marxistang taga-Austria, si Rudolph Hilferding, na naglathala ng akda noong 1910 hinggil sa paksa. Kinilala ni Lenin ang kanilang mga merito, pinaunlad ang mga pag-aaral at sumulong para ipahayag ang pinakamabisa at lubos na pagsusuri sa imperyalismo

II. Pagsusuri ni Lenin sa Imperyalismo

Tulad ng tinutukoy sa pamagat ng kanyang akda, nasiyasat ni Lenin ang imperyalismo bilang partikular na yugto sa pag-unlad ng kapitalismo. Sa pagsusuri ng mga pagbabago sa istruktura ng sistemang iyon mula sa mga pangunahing kapitalistang bayan ng huling bahagi ng ika-19 at maagang bahagi ng ika-20 siglo, iyon ay ang United States, England, Germany at France, nailantad ni Lenin ang itinuring niyang mga pundamental na pang-ekonomyang katangian ng monopolyo kapitalismo.

1) Konsentrasyon ng kapital at produksyon

Resulta ang monopolyo kapitalismo ng mataas na antas ng konsentrasyon ng kapital at produksyon. Pinatunayan ni Lenin ang pahayag na ito sa pamamagitan ng mga estadistika mula sa Germany, France at England, na nagpapakita kung gaano katiting ang bilang ng mga kompanya -- wala pang 1% ng kabuuan -- ang pinagtitipunan ng halos kalahati ng produksyon, mahigit kalahati ng pwersa sa paggawa at mga rekurso na gamit sa sistemang produksyon. Tumungo ang konsentrasyon ng kapital at produksyon sa pagkakabuo ng mga kartel, na isa sa mga pangunahing salik sa imperyalistang pagpapalawak.

2) Konsentrasyon ng mga bangko at paglitaw ng pinansyang kapital

Isa pang pangunahing katangian ng monopolyo kapitalismo ang konsentrasyon ng sistema ng pagbabangko, na may iilang malalaking bangko ang kumokontrol sa sektor. Ipinakita ni Lenin ang konsentrasyong ito sa halimbawa ng mga bangkong

1 Cecil Rhodes was such an eminent figure in the galaxy of British imperialism that two of its possessions in Africa were named after him. The current Zimbabwe and Zambia were named, respectively Southern Rhodesia and Northern Rhodesia, until their independence!

Page 61: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 53

Rockefeller at JP Morgan sa United States. Bunga nito, naging palaasa ang mga kompanyang industriyal sa maliit na bilang ng mga bangko para sa pagpipinansya. Ang resulta'y dominasyon ng pinansyang kapital sa ibabaw ng kapital sa pangkalahatan. Ang mahigpit na relasyon sa pagitan ng malalaking bangko at mga kompanyang industriyal ay nangahulugan ng magkakasalikop na Directorates at Boards.

3) Pangingibabaw ng pinansyang kapital at oligarkiya sa pinansya

Iniluwal ng pangingibabaw ng pinansyang kapital ang isang oligarkiya sa pinansya, na maaaring makontrol ang iba pang kompanya na nagkakahalaga ng milyun-milyong dolyar, sa wala pang kalahati ng puhunan ng isang kompanya. Naging posible ito sa pamamagitan ng mga ugnayan at pasilidad na laan ng malalaking bangko. Kung gayon, isang maliit na grupo ng mga indibidwal ang may kontrol sa napakalaking kapangyarihan sa ekonomya at pulitika sa kapinsalaan ng malawak na mayorya ng lipunan.

4) Pag-eksport ng kapital

Nagbunga ang pangingibabaw ng monopolyo kapital at oligarkiya sa pinansya ng sarplas na kapital, na hindi maipuhunang-muli sa loob ng bayan, dahil sa di-pantay na distribusyon ng yaman na likas sa kapitalistang sistema, tulad ng unang ipinahayag ni Hobson. Kinailangan na i-eksport sa ibayong-dagat ang sarplas na ito, pinasimulan ang unahan sa dayuhang pagkamkam, sa paghahanap ng likas-yaman at pamilihan.

5) Kolonyal na pananakop at pinabilis na pagpapalawak na panahon ng imperyalismo

Naging behikulo ang pag-eksport ng kapital para sa imperyalistang pagpapalawak sa pamamagitan ng pananakop sa mas mahihinang bayan, laluna sa mga bayan sa labas ng Europe. Subalit dahil pare-pareho ang problema ng nangungunang mga imperyalistang bayan, nauwi ang pag-eksport ng kapital sa mga digmaan sa pagitan ng magkakaribal. Naganap ang mga inter-imperyalistang digmaan sa Africa, Asia at Latin America para sa dominasyon, para makontrol ang mga rekurso at pamilihan, at para magamit ang murang lakas-paggawa.

Gayunpaman, dahil lubhang magastos ang inter-imperyalistang gera, paminsan-minsa'y nagagawan ng paraan ng mga imperyalistang kapangyarihan na malutas ang kanilang ribalan sa mas mababang gastos sa pamamagitan ng paghahati-hati sa mas mahihinang rehiyon at bayan. Isa sa mga bantog na halimbawa nito ang Berlin Conference ng 1884-1885, na pinaghati-hatian ang Africa ng mga nangungunang imperyalistang bayan noon -- Germany, United Kingdom, France, Spain, Portugal at Belgium. Nararamdaman pa rin hanggang gayon ang epekto ng Conference na

Page 62: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

54 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

iyon, habang ang pamana ng imperyalistang dominasyon ay nananatiling isa sa mga pangunahing hadlang sa pag-unlad ng Africa (Rodney, 2001).

Imperyalismo sa kasaysayan

Bilang konklusyon, ikinatwiran na Lenin na sa pangkasaysayang tanaw, hinuhudyat ng monopolyo kapitalismo ang simula ng katapusan ng kapitalismo. Dahil sa mga monopolyo, oligarkiya, tunguhing mangibabaw, pagsasamantala sa paparaming maliliit o mahihinang bansa't bayan ng mumunting grupo ng mayayaman at malalakas na bayan, nagiging parasitikong sistema ang kapitalismo na hindi na mabubuhay nang matagal.

Kung kaya't nagbubukas ang imperyalismo ng mga posibilidad ng rebolusyon, sapagkat ang pagtindi ng mga inter-imperyalistang ribalan ay di-maiiwasang mauwi sa digmaan, na nasasalin sa pagpapahina sa buong imperyalistang sistema. Ang matalinong pagsusuri ni Lenin ay pinatunayan sa World War I, na sinundan ng Rebolusyong Ruso, at World War II, na tumungo sa mga rebolusyon sa China, Vietnam, Cuba, Korea at kalaunan sa mga pag-aalsa sa mga kolonya sa Africa para sa kalayaan, sa pamamagitan ng digmaan (Algeria, dating mga kolonya ng Portugal at Britain sa Southern Africa) o sa negosasyon.

III. Mga pagtanaw ng Africa sa imperyalismo

Isa ang Africa sa mga rehiyon ng daigdig na lubhang pinahirapan ng kapitalistang pagsasamantala at imperyalistang dominasyon. Ang kalunus-lunos na sinapit ng Africa ay magmula pa sa pagkalakal ng alipin sa Atlantic, sa pagsibol ng kapitalistang sistema. Tinukoy ni Karl Marx sa Capital na isang mahalagang bahagi ng tinatawag niyang "primitibong akumulasyon" ng kapital ang pagkalakal ng alipin. Nagbayad nang mahal ang Africa at iba pang bayan sa labas ng Europe sa pagsibol ng kapitalismo sa parang henosidyo, pagwasak ng kanilang mga kultura at pagnanakaw ng kanilang yaman. Magmula noon, isinailalim ang Africa sa kapitalistang pandarambong at imperyalistang dominasyon, laluna noong ika-19 na siglo, nang paghati-hatian ng mga nagungunang imperyalistang bayan ng Europe ang kontinente sa bantog na Berlin Conference ng 1884-1885. Isinara na ang kapalaran ng Africa sa mga susunod na siglo. Samakatwid, hindi mauunawaan ang mabigat na problema ng Africa kung hindi isasaalang-alang ang ugnayan nito sa mga Kanluraning bayan sapul ang pagsisimula ng kapitalismo noong ika-15 siglo. Maraming lunsod, bangko at kompanya sa Europe ang naitatag sa yaman na hinuthot mula sa kalakalang alipin. Bantog dito ang Bordeaux at Nantes, sa France, at Liverpool, sa Engand. Naitayo rin ang Barclays Bank and Insurance Company ng Britain sa yamang hinuthot sa kalakalang alipin (Rodney, 2001)

Page 63: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 55

Sa katunayan, ang pag-unlad ng Europe, ang industriyalisasyon nito sa partikular, ay dulot sa malaking bahagi ng matinding pagsasamantala sa kontinente ng Africa, sa pandarambong ng yaman nito, paggamit sa lakas-paggawa at sa pagkontrol ng pamilihan nito.

A. Ang Paghahandang Aklat ni Walter Rodney

Si Walter Rodney ay nagmula sa Guyana, isang dating kolonya ng Britain sa Caribbean Islands. Isa siyang rebolusyonaryo at Panlahatang-Africa, na dumalaw sa ilang bayan sa Africa, laluna sa Tanzania. Nanirahan siya sa bayan na iyon, sa panahon ng masidhing optimismo at mga rebolusyonaryong debate ukol sa imperyalismo at sosyalismo, na ilan ang naging kilalang iskolar at rebolusyonaryo kalaunan, tulad ni Yash Tandon, Dani Nabudere, Issa Shivji at marami pang iba. Panahon iyon ng nakapagpapasiglang debate sa konsepto ng "sosyalismo na pang-Africa", sa karanasang "Ujaama" ni Presidente Julius Nyerere, ang unang pangulo ng Tanzania at tapat na Panlahatang-Africa. Itinuring na "Mecca" ng mga rebolusyonaryo sa Africa ang Tanzania, bagay na kinaroonan ng mga lider ng mga kilusang Mapagpalaya mula sa Angola, Mozambique, Namibia, Rhodesia (ngayo'y Zimbabwe) at South Africa.

Sa di-pangkaraniwang panahong ito isinulat ni Walter Rodney ang kanyang paghahandang aklat "How Europe Underdeveloped Africa", na unang inilathala noong 1972 sa Dar es Salaam, kabisera ng Tanzania. Sinusuri ang kakulangan sa pag-unlad at "pagka-atrasado" ng Africa, mula sa perpektibang Marxista, pinatunayan ni Walter Rodney na ang pagkawasak ng mga istrukturang panlipunan ng Africa makaraan ang paglusob ng mga pwersa mula Europe, ang pandarambong ng mga dayuhang kapangyarihan sa mga yaman nito at pagkontrol sa pamilihan nito ang tumulong sa pag-unlad ng Europe at kaugnay na pagtigil ng pag-unlad ng mga lipunan sa Africa.

Nagbigay si Water Rodney ng lubos na pagsusuri at detalyadong mga halimbawa sa maraming bayan, na may matitibay na datos ukol sa lawak ng pandarambong sa Africa at naging resulta nito. Sa loob ng maraming siglo, dambuhalang yaman ang hinuthot mula sa lupain ng Africa at dinala sa Europe. Lubos na binago ng aklat ni Rodney kung paano sinusuri ng mga iskolar ang ugat ng kakulangan sa pag-unlad ng Africa.

Nagbigay si Rodney ng detalyadong pagsusuri kung paano ipinagkait ng mga imperyalistang kapangyarihan ng Europe sa mga mamamayan ng Africa ang kanilang lupain at yaman. Hinakot ng mga bayan ng Europe ang mamahaling metal (ginto, pilak), diamante at iba pang likas-yaman para maglingkod sa kanilang industriyalisasyon. Sa katunayan, ipinakita ni Rodney na hindi lamang tumulong ang yaman ng Africa sa pang-ekonomyang pag-unlad ng mga kapangyarihan sa Europe, kundi maging sa kanilang pagsulong sa syensya at teknolohiya.

Page 64: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

56 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Talagang ipinakita sa karanasan ng kolonyalismo na hinuthot ang dambuhalang yaman sa tinawag na "mahihirap" na kolonya sa Africa para sa pakinabang ng mga imperyalistang kapangyarihan.

Kumita ng malaking tubo ang mga indibidwal at mga kompanya ng Europe mula sa ginto, diamante, tanso, uranium, bauxite na minina sa Africa. "Simula't simula ng Agawan sa Africa, malalaking yaman ang nakuha mula sa ginto at diamante ng Katimugang Africa ng mga taong tulad ni Cecil Rhodes..." (p. 152)

Pinagkunan ang Congo (ngayo'y DRC) ng malaking yaman para sa kolonyal na kapangyarihan dito, ang Belgium.2 Gayundin ang naging papel ng Guinea para sa France (p. 172-173).

Ginamit naman ang mamamayan sa mga kolonya bilang murang lakas-paggawa ng mga kompanyang kolonyal o mas masahol pa bilang pambala sa kanyon sa dalawang World Wars at sa gerang kolonyal laban sa iba pang bayang nakolonya. Halimbawa, ginamit ang mga sundalo mula sa Senegal at iba pang kolonya para sa kolonyal na hukbo ng France sa panahon ng War of Independence sa Algeria o sa Vietnam War (p. 185-190).

B. Ambag ni Kwame Nkrumah

Si Kwame Nkrumah ang unang Panguno ng Ghana, ang unang bayan sa Africa na lumaya noong 1957 mula sa paghahari ng Britain. Isa siya sa mga lider ng kilusang Panlahatang-Africa, kabilang ang iba pang kilalang lider mula sa Diaspora. Isang Marxista si Nkrumah, isang lider na malayo ang tanaw at mapanghikayat. Gumanap siya ng susing papel sa pagbubuo ng Organization of African Unity noong 1963, na naging African Union noong 2001. Bukod sa pagiging mapanghikayat na lider, isa ring pala-isip si Nkrumah, na sumulat ng maraming aklat ukol sa kapitalismo at imperyalismo. Isa sa mga akda na ito ang Neocolonialism, the Last Stage of Imperialism, na unang inilathala noong 1965.

Ikinatwiran niya sa aklat na ito, na dahil lalong nagiging mahirap ang tuwirang kolonyal na paghahari makaraan ang agos ng pagpapalaya noong 1960s, bumaling ang mga kapangyarihang imperyalista sa neokolonyalismo para ipagpatuloy ang kanilang dominasyon sa mga dating kolonya o sa iba pang mahihinang bayan at bansa. Neokolonyalismo ang di-tuwirang kontrol sa Estado at sa susing mga sektor sa ekonomya at pinansya. Bunga nito, walang saysay ang pormal na independensya, dahil patuloy na itinatakda ng mga kapangyarihang imperyalisa ang mga uunahin para sa pinaghahariang bayan. Hindi lamang sa ekonomya at pinansya ang paghaharing ito, kundi sa ilang kaso, sa paghaharing militar, sa pagkakaroon ng mga base-militar ng mga dating kolonyal na kapangyarihan. Pinatatagal ng neokolonyalismo ang

2 Makabubuting sabihin na ang Congo ay idineklarang pribadong pag-aari ni Haring Leopold II ng Belgium!

Page 65: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 57

kakulangan ng pag-unlad sa dominadong estado at ginagawang lalong palaasa ang ekonomya nito sa ekonomya ng mga imperyalistang bayan.

Ikinatwiran ni Nkrumah na sa "balkanization", o paghahati sa mas maliliit at mahihinang estado, sa Africa, madali itong nasilo ng neokokolonyalismo para sa marami nitong rekurso. Sa pagkakaroon ng mahihinang gobyerno at institusyon, naging madali para sa mga kapangyarihang imperyalista na ipataw ang kanilang gusto sa mga bayan ng Africa, laluna sa mayayaman sa mineral. Madaling nakapagpataw ang mga dayuhang kapangyarihan ng mga papet na gobyerno sa mga bayan na iyon. Inilista ni Pangulong Nkrumah ang dose-dosenang Kanluraning kompanya at bangko na kumokontrol sa ekonomyang ng mga bayang "malaya" sa Africa, at sa mga susing sektor, tulad sa ginto, diamante, pilak, tanso, langis, uranium, tin, atpb.

Nananatili ang neokolonyalismo sa maraming bayan sa Africa hanggang ngayong ika-21 siglo, laluna sa mga dating kolonya ng France. Magmula noong 1960s, gumawa ang France ng mga "pagpapalit ng rehimen" sa pamamagitan ng kudeta sa marami nitong dating kolonya, tulad sa Central African Republic, Mali, Chad, Niger, Benin, Burkina Faso, Cote d'Ivoire at Togo. Hindi pa kabilang sa talaan ang mga nabigong pagtatangka sa ilang bayang iyon, kapag nawala sa kontrol ang tagasunod nagobyerno.

Sa labas ng impluwensya ng France, kabilang sa ilan pang kaso ang Ghana, na si Pangulong Nkrumah mismo ang naging biktima ng kudeta sa pasimuno ng intelligence ng Britain at US, dahil itinuring siyang "mapanganib na komunista" at maimpluwensyang lider sa Africa. Buktot na pinaslang si Patrice Lumumba, sa ngayo'y Democratic Republic of Congo, matapos siyang ibagsak sa kudeta na pasimuno ang CIA at intelligence ng Belgium.

Ipinakita pa ni Pangulong Nkrumah na lumikha ng mga bagong pwersa ang mga Kanluraning imperyalistang kapangyarihan na magagamit nila sa estratehiya ng destablisasyon, paghahari at pagasamantala. Inilagay niya sa kategoryang iyon ang mga Kanluraning Non-Governmental Organizations (NGOs) na pinondohan ng Kanluraning intelligence. Kabilang sa mga halimbawa ang tinaguriang "humanitarian" o "anti-korupsyon" na NGOs. Ipinakita rin ni Pangulong Nkrumah na instrumento ng Kanluraning imperyalismo ang mass media na kontrolado ng multinational corporations (MNCs). Lahat ng mga ito'y tumutulong na ipalaganap ang Kanluraning ideolohiya ng dominasyon, pang-aapi at pagsasamantala.

Bilang pangwakas, sinabi ni Pangulong Nkrumah na ang neokolonyalismo ay hindi lamang kaganapan sa ekonomya, pinansya at pulitika kundi ito rin ay nangyayari sa kultura, relihiyon at ideolohiya. Katunayan, isa sa mga pwersang nagpapakilos sa kolonisasyon ng Africa ang ideolohiya ng "superyoridad" ng Europe. Nakita ni Walter Rodney na "nakuha ng lahat ng taga-Europe ang ideya ng superyoridad sa lahi

Page 66: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

58 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

at kultura sa pagitan ng ika-15 at ika-19 na siglo habang nagsasagawa ng henosidyo at pang-aalipin sa mga mamamayang hindi puti" (p. 138).

Nag-ambag din ang mga manunulat at makata sa pagkintal ng ganitong "superyoridad" sa lahi at kultura sa isip ng karaniwang mamamayan sa mga nangungunang imperyalistang bayan, laluna sa England at France. Sa isang dalubhasang pagsusuri sa itinatanghal na aklat "Culture and Imperialism", na inilathala noong 1994, ipinakita ni Edward W. Said sa datos at mga halimbawa mula sa Africa, Asia at Caribbean kung paanong ang ilan sa mga kilalang manunulat at makata ng Britain at France ang nakapaghubog sa kalooban ng kani-kanilang bayan para suportahan ang pananakop ng teritoryo at okupasyon ng mga ibayong bayan. Hindi lamang ginawa ng mga manunulat at makatang ito na di-maiiwasang katotohanan ang imperyalismo kundi lehitimo bilang aksyon na pang-sibilisasyon.

Pinangunahan ng isa sa mga kilalang manunulat ng England, si Rudyard Kipling, na tawagin ang imperyalistang pananakop bilang "pasanin ng puting tao"! Pasanin ang gawing "sibilisado" ang mamamayan sa labas ng Europe sa pag-agaw ng kanilang lupain, pandarambong sa kanilang yaman, pagsira sa kanilang kultura at pagsasagawa ng henosidyo at iba pang karumal-dumal na krimen laban sa kanila! Sa ganito naisalin ang "pasanin ng puting tao" sa mga bayan ng Africa, Asia, Carribean at Latin America.

Sa panig ng France, nakapanghihilakbot na krimen ang ginawa sa kalakhan ng mga dating kolonya nito, laluna sa Algeria, Cameroon, Madagascar, Senegal, Tunisia, Vietnam, at marami pang dating kolonya.

Kailanma'y hindi naging gawain para sa "sibilisasyon" ang kolonyalismo. Sa kabaligtaran, hakbang ito sa pang-aalipin sa mamamayan, sa henosidyo, sa pagsira ng mga kultura at maningning na sibilisasyon. Kaya naman idineklara ng United Nations na krimen laban sa sangkatauhan ang kolonyalismo.

C. Pagsusuri ni Samir Amin sa Kapanahunang Imperyalismo

Natalakay ni Samir Amin ang isyu ng imperyalismo sa marami niyang aklat, sa loob ng humigit-kumulang 60 na taon. Napatunayang tumpak ang pagsusuri niya sa imperyalismo sa pagbagsak ng market fundamentalism noong 2008. Buhat sa mga matatalas na nasiyasat ni Lenin, ipinaliwanag ni Samir Amin (2012) na ang istorikong kapitalismo ay umunlad sa permanenteng pag-agaw ng ari-arian ng mga pinaghariang bayan ng South. Sa ika-21 siglo, lalong tumingkad ang mga katangian na sinuri ni Lenin. Lalong bumilis ang konsentrasyon ng kapital sa pamamagitan ng mergers and acquisitions na lalong nagkonsentra ng kapital at produksyon sa iilang kamay na walang pang katulad sa nakaraan. Samantala, mangilan-ngilang bayan ang may hawak sa napakalaking lakas sa pulitika at militar na humuhugis sa kaayusan ng daigdig makaraan ang World War II.

Page 67: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 59

Nangunguna ang imperyalismo ng United States sa tinatawag ni Samir Amin na kolektibong imperyalismo ng Triad, na binubuo ng United States, Japan at European Union. Sa pananaw ni Samir Amin, isang tugon ang Triad sa harap ng lumalaking hamon sa hegemonya sa ekonomya, pulitika at militar ng kanluraning imperyalismo mula sa lumilitaw na kapangyarihan mula sa South at non-aligned na mga bayan. Para masalag ang mga paghamon, kumiling ang mga kanluraning bayang imperyalista na paliitin ang kanilang ribalan at magbuo ng prente laban sa itinuring na kolektibong banta sa kanilang hegemonya.

Sa pakikihamok sa mga karibal at kaaway nito, may ilang instrumento ang Triad para protektahan at itaguyod ang interes nito sa daigdig. Instrumento sa ekonomya at pinansya ang International Monetary Fund (IMF), ang World Bank, ang World Trade Organization (WTO) at ang Organization for Economic Cooperation and Development (OECD). Sa kabila ng pagiging multilateral na mga institusyon, nanatiling nasa kontrol ng mga Kanluraning bayan ang unang tatlong institusyon sapul nang mabuo ang mga ito.

Mga instrumentong militar ng Triad pangunahin ang US Armed Forces at ang North Atlantic Treaty Organization (NATO). Pinanatili at pinalawak pa nga ang agresibong organisasyong ito makaraan ang pagbagsak ng Unyong Sobyet at paglalansag sa Warsaw Pact. Sa maraming rehiyon, nasa unahan ang NATO para maglingkod sa imperyalismong US at mga sunud-sunurang alyado.

Para kay Samir Amin, isa pang katangian ng imperyalistang Triad sa ika-21 siglo ang monopolyo nito sa limang larangan:

• daan sa likas-yaman

• salapi at pinansya (kontrol sa internasyunal na sistemang pinansyal)

• pang-masang komunikasyon (kontrol sa mayor na daluyan ng komunikasyon)

• sandata sa malawakang pagwasak (pagkakaroon ng armas nukleyar at kemikal ng US, France at United Kingdom)

• teknolohiya (kontrol sa abanteng teknolohiya, pagtuklas sa kalawakan)

Gayunpaman, sa ilang larangan (daan sa likas-yaman; sandata sa malawakang pagwasak; teknolohiya) papalaki ang paghamon ng mga lumilitaw na kapangyarihan mula sa South at Russia.

Sa pagsusuri sa estratehiya ng Kanluraning imperyalismo sa kasalukuyang krisis ng pandaigdigang kapitalismo, ipinakita ni Samir Amin na gumagamit ang United States at mga alyado nito ng dalawang kaparaanan. Isang paraan ay binubuo ng

Page 68: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

60 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

pagpataw ng patakarang neoliberal, bilateral o sa pamamagitan ng IMF at ng World Bank, para buksan ang pamilihan sa buong daigdig at mas madaling makuha ang likas-yaman. Ang ikalawang paraan, na tumutulong sa unang paraan, ay binubuo ng papatinding militarisasyon para protektahan ang kanilang mga korporasyon, itaboy ang mga karibal at atakehin ang mga kaaway, tulad ng ipinakita sa mga agresyon laban sa Libya, Syria at sanctions laban sa Iran.

Sa susunod na seksyon, susuriin natin kung paano ginamit ng monopolyo kapitalismo ang dalawang kaparaanan na ito sa Africa.

IV. Pagsasamantala ng monopolyo kapitalismo sa Africa

Mistulang bagong prontrera ng pandaigdigang kapitalismo ang Africa. Maraming tanyag na tao sa Kanluran -- mga pulitiko at ekonomista -- ang nag-iisip na susi ang kayamanan ng Africa sa paglutas sa pansistemang krisis ng kapitalismo. Ipinapakita ng Africa/US Summit ng August 2014 sa Washington -- kauna-unahan sa ganitong pagpupulong -- at ng lumalaking pansin sa Africa ng mga Kanluraning bayan at kanilang mga institusyon na naging mahalaga ang Africa para sa monopolyo kapitalismo at sa geopulitikal na estratehiya ng Kanluraning imperyalismo. Ito ang magpapaliwanag kung bakit lahat ng uri ng patakarang neoliberal ang ipinapanukala sa mga bayan ng Africa habang dumarami ang interbensyong militar sa iba't ibang pagdadahilan. Subalit iisa lamang ang layunin ng lahat ng ito: ang maabot ang rekurso at pamilihan ng kontinente!

A. Mga Patakaran sa Ekonomya at Pinansya

Naglagay ng papalaking presyur sa mga bayan ng Africa ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo, makaraan ang pagbagsak ng market funadmentalism noong 2008, na tanggapin ang mga kasunduang "free trade" sa European Union, sa United States at papatinding ugnayang pang-ekonomya sa Japan. Habang naglilibot sa kontinente noong Enero 2014, sinabi ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe, habang nasa Addis Ababa (Ethiopia), punong-himpilan ng African Union, na "nasa balikat ng Africa, dahil na napakalawak nitong kayamanan, ang pag-asa ng daigdig." Syempre pa, ang "daigdig" na tinutukoy ni Ginoong Abe ay ang daigdig ng monopolyo kapitalismo.

Nagtatangka ang European Union sapul pa noong 2007 na ipataw ang mga kasunduang "free trade" sa Africa, sa ngalan ng Economic Partnership Agreements (EPAs). Layunin nito na itali ang mga bayan ng Africa sa mga kasunduang may bisa ng batas na magpapahintulot sa monopolyo kapitalismo ng Europe sa ibayong pag-abot sa likas-yaman at pamilihan ng Africa. Nadiskaril sa ngayon ang pagtutulak ng Europe bunga ng pagtutol ng mga kilusang bayan at ilang estado.

Page 69: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 61

Samantala, sinikap ng United States na humabol sa pagtitipon ng Africa/US Summit sa Washington, na may dose-dosenang Pangulo at Punong Ministro ng Africa na nakapalibot kay Presidente Barack Obama. Pangunahing bunga ng Summit ang paghahanap ng paraan para ibayong isulong ang ugnayang pang-ekonomya at pinansyal para tulungan ang mga korporasyon at bangko ng US na mahabol ang mga karibal mula Europe at China.

Kaya naman dapat unawain ang talakayan ngayon sa "Africa Rising" at karamihan sa mga patakaran sa ekonomya at pinansya na ipinapanukala ngayon sa Africa nang nakaugnay sa tulak ng monopolyo kapitalismo na kunin ang likas-yaman ng kontinente at buksan ang pamilihan nito. Umabot na sa nakakabahalang antas ang pang-aagaw ng lupa na milyun-milyong ektarya ang nawawala sa magsasaka sa pakinabang ng mga dayuhang bayan at korporasyong multinasyunal (TNI, 2013). Walang bayan ang ligtas. Naghaharap ng malaking banta sa produksyong agrikultural ang pang-aagaw ng lupa, dahil kailangan ng Africa na gumawa ng mas maraming pagkain para pakainin ang sariling mamamayan. Subalit, itinulak ng paglaganap ng agribusiness at biofuel ang maraming bayan sa Africa na magbenta o magpa-upa ng malalawak na lupain sa dayuhan.

Isa pang patakarang neoliberal na itinataguyod sa Africa ang public-private partnership (PPP), na nagpapahintulot sa mga pribadong kompanya na magbuo ng mga proyekto at pigain ang pinakamalaking tubo (Hildyard, 2016). Ginagamit ang patakaranag ito sa imprastraktura, sa mga proyektong nagkakahalaga ng bilyun-bilyong euro. Kaalinsabay, sa tulak ng IMF at World Bank, hinihikayat ang mga bayan ng Africa na umakit ng foreign direct investments (FDIs) para pabilisn ang kanilang "pag-unlad" at pagpasok sa "world economy".

Subalit sa totoong buhay, pinabilis lamang ng karamihan sa mga patakarang ito ang pandarambong sa kontinente ng Africa. Nagresulta ang pagpapatupad ng mga ito noon sa malaking pinansyal na pagdurugo ng Africa. Sa pinagsanib na ulat na inilabas noong 2013, ipinakita ng African Development Bank at ng Global Financial Integrity (AfDB & GFI, 2013) na sa pagitan ng 1980 (simula ng bantog at mapaminsalang SAPs) at 2009, nawala sa Africa ang may 1.22 trilyon hanggang 1.4 trilyong US dollars, sa netong batayan. Sa binalikang 30-taon na panahon, nangahulugan ito na inilipat ng Africa sa mayayamang bayan ang karaniwang 41 hanggang 47 bilyong US dollars bawat taon! Kinumpirma ito sa isa pa ng ulat mula sa Mbeki Panel for the Economic Commission for Africa (ECA, 2015), na nagsabing nawawalan ang Africa ng tinatayang 50 bilyong dolyar kada taon, na karamiha'y sa anyo ng bawal na paglabas ng pinansya.

Samakatwid, nasa pakinabang lamang ng monopolyo kapitalismo ang mga nabanggit na patakarang neoliberal at nagpalalim sa kakulangan ng pag-unlad at pagiging palaasa ng Africa. Gayunpaman, tila determinado ang mga Kanluraning bayan na gawing bagong prontrera ng monopolyo kapitalismo ang Africa para

Page 70: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

62 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

maiwasan ang kamatayan nito. Ito ang dahilan kung bakit tumindi ang militarisasyon ng kontinente sa nakaraang ilang taon. Pangunahing idinahilan ang digma kontra terorismo at "makataong pagtulong" para patindihin ang Kanluraning imperyalistang interbensyon sa Africa.

B. Militarisasyon ng Africa

Ang agresyon ng NATO laban sa Libya sa batayang "makatao" at ang asasinasyon sa lider nito, si Pangulong Gadhafi, ang isa sa madulang yugto sa usapin ng Kanluraning imperyalistang panghihimasok-militar sa kontinente. Ngayon, naging magulong bayan ang Libya, pugad ng mga teroristang grupo, na ang ilan ay ginagamit ng mga Kanluraning bayan para idestabilisa ang mga kalapit bayan. Sapul nang mawasak ang Libya, ang buong rehiyong Sahel ang napailalim sa banta ng teroristang atake. Mali ang unang nadamay na biktima ng Kanluraning agresyong imperyalista laban sa Libya. Ang pagsalakay sa Northern Mali ng mga grupo mula Libya ang nagpahina sa bayan na iyon hanggang sa malapit na hinaharap. Katunayan, magmula ang pananalakay na iyon, nakita ang ilang bahagi sa bayan ng Mali na wala sana sa kontrol ng sentral na gobyerno. Daan-daang UN peace-keeping forces ang nasa kabisera ng Bamako at iba pang lugar subalit hindi nila maibalik ang kapayapaan at istabilidad.

Pagkatapos ng Mali, tinamaan ng teroristang atake ang Burkina Faso, Ivory Coast at Niger, lahat sa West Africa. Binabantaan ang iba pang bayan, tulad ng Senegal. Samantala, ang teroristang grupong Boko Haram mula Nigeria ay umabot sa Cameroon at Chad. Kaya't buu-buong bayan ang destabilisado habang libu-libong mamamayan nila ang napalikas.

Idinahilan ng mga Kanluraning bayan ang gayong destabilisasyon para palakasin at palawakin pa ang presensyang militar. Partikular na nabibigyan ng pansin ang Niger dahil ang uranium nito ay kontrolado ng higanteng kompanyang publiko na AREVA ng France. Kamakailan, nakahanda ang Germany na magbukas ng base-militar sa Niger. Gayundin sa Niger, nagpapatakbo ng base ang United States para sa drones. Pinalawak naman ng France ang presensya sa rehiyon sa pagbubukas ng bagong base-militar sa Mali, makaraan ang panghihimasok nito sa bayan na iyon. Pinalakas nito ang presensyang militar sa bayang tulad ng Cote d'Ivoire, Niger, Chad at Central African Republic. Lumagda ito sa mga kasunduang "panseguridad" sa mga bayang tulad ng Burkina Faso at Senegal sa pagdadahilang palalakasin umano ang kakayahan na masagot ang terorismo.

Sa ganitong pangkalahatang konteksto lumagda ang Senegal sa kasunduang militar sa United States para padaluyin ang operasyon para sa AFRICOM.

Page 71: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 63

Ang kaso ng AFRICOM

Binibigyan ng higit na pansin ng imperyalismong US ang Africa sa nakaraang ilang taon. At inilalapat ang estratehiyang geopulitikal nito batay sa lumalaking halaga ng Africa sa usapin ng ekonomya at geopulitika. Sa ganitong kalagayan itinatag ng Administrasyong Bush ang Africa Command, mas kilala sa acronym na AFRICOM.

Layon ng United States na ilipat ang AFRICOM Headquarters mula Stuttgart (Germany) patungong Africa. Sa pamamagitan ng AFRICOM, napapasok ng United States ang maraming pwersa sa depensa at seguridad sa Africa, sa pamamagitan ng high-level na pag-ugnay at pagsasanay-militar, kung tawagi'y Flintlock. Sa nakaraang mga taon, sangkot sa mga pagsasanay na ito ang daan-daang sundalo mula sa mga bayan ng Africa. Gumanap ng nangungunang papel ang AFRICOM sa agresyon ng NATO laban sa Libya.

Hindi makakita ng host country, naghahanap ang AFRICOM ng estratehikong support points sa rehiyong Gulf para sa mabilisang pagresponde. Sa balangkas na ito nilagdaan ang kasunduan sa Senegal. Kahalintulad na mga kasunduan ang ginawa sa Ghana at Gabon. Ayon sa mga kasunduan, tatanggap bawat anim na buwan ang tatlong bayan ng "Special Purpose Marine Air-Ground Task Force - Crisis Response - Africa" na makikipagtulungan sa mga lokal na pwersang pandepensa at gobyerno.

Sa totoo lang, ang talagang layunin ng AFRICOM ay imilitarisa ang Africa (may base-militar na ang US sa Djibouti) para makakuha ng matibay at permanenteng presensyang militar sa kontinente. Sa pamamagitan nito, mabibigyan nito ng mabisang proteksyon ang mga interes ng US, laluna ang pamumuhunan sa sektor ng langis, tampok sa rehiyon ng Gulf of Guinea, [3] na kinalalagyan ayon sa mga eksperto ng kalakhan ng reserbang langis ng kontinente. Panghuli, sa pamamagitan ng AFRICOM, layon ng United States na makamit ang estratehikong bentahe laban sa potensyal na mga karibal, tulad ng China at Russia, na nagpapahigpit ng pakikipag-ugnayan sa Africa. Katunayan, China ngayon ang nagungunang trading partner ng Africa at isa sa pangunahing nagpapautang dito.

V. Pagsusuma at mga Konklusyon

Subok na ng panahon ang pagsusuri ni Lenin sa imperyalismo may 100 taon ang nakaraan. Lalong tumingkad sa ika-21 siglo ang mga pangunahing katangian na kanyang binalangkas. Araw-araw nakikita ng daigdig ang ibayong konsentrasyon ng kapital sa mga mergers and acquisitions. Nagsaanyo ang monopolyong kapital sa multinational corporations (MNCs). Umabot ito sa pagkontrol ng iilang kompanya sa mahigit kalahati ng pandaigdigang produksyon ng mga kalakal at serbisyo. Malalampasan pa ng benta ng isang MNC ang GDP ng maraming bayan sa South.

Page 72: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

64 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Nawalan ng kapangyarihan ang mga estado habang papalaking kapangyarihan ang hawak ng mga korporasyon.

Higit kailan man, lalong naging agresibo ang imperyalismo at lalong tumingkad ngayon ang pagragasa nito para sa pandaigdigang dominasyon. Ngunit ang ika-21 siglo ay kinatangian ng pangingibabaw ng iisang super-imperyalista, ang United States. Naging lider ito ng sunud-sunurang mga imperyalista na bumuo sa tinatawag ni Samir Amin na kolektibong imperyalismo ng Triad (US, Europe at Japan). Sa harap ng krisis ng pandaigdigang monopolyo kapitalismo at lumalaking paghamon ng lumilitaw na kapangyarihan mula sa South, hinahabol ng imperyalismo ng Triad ang dalawahang-paraan para mahawakan ang pusisyon sa hegemonya o maantala ang pag-usbong ng multipolar na kaayusang pandaigdig.

Lalong naging makapangyarihan ang pinansyang kapital at nangibabaw sa tunay na ekonomya. Dinidiktahan ng financial markets ang mga pang-ekonomya at panlipunang patakaran sa karamihan ng mga bayan, kahit sa tinaguriang "demokratikong" Kanluraning bayan, sa puntong wala nang saysay ang salitang demokrasya.

Sa antas geopulitikal, lalong naging agresibo ang mga kapangyarihang imperyalista at pinarami nang ilang ulit ang panghihimasok sa buong daigdig, habang lalong hinahamon ang hegemonya nila ng mga bayang tulad ng China at muling-lumakas na Russia. Ito ang magpapaliwanag sa pananakop sa Iraq, agresyong militar sa Libya at Syria, at manipulasyon sa mga teroristang grupo para idestabilisa ang marami pang bayan. Ginagawa ang agresyong ito sa batayang "pantao" o sa banta ng terorismo (Mali) at patakaran ng "pagpapalit ng rehimen" (Iraq, Libya, Syria).

Nagpaunlad ang imperyalismong US at mga sunud-sunurang mga alyado nito, ang European Union, Japan at iba pa, ng makapangyarihang mga instrumento para ipagtanggol ang kanilang mga agresibong patakaran sa buong daigdig. Kabilang sa mga instrumentong militar ang Pentagon at NATO, mga pangunahing kasangkapan sa pakikipagsapalarang militar para ipagtanggol ang interes ng mga korporasyong multinasyunal at malalaking bangko at para sa kontrol ng mga rekurso.

Sa gayon naging pangunahing target ng monopolyo kapitalismo ang Africa sa pamamagitan ng pagpapataw ng mga patakarang neoliberal at agresibong patakarang militarisasyon. Makaraang pahinain ang karamihan sa mga bayan sa ipinataw na mga patakaran ng IMF at World Bank noong 1980s at 1990s, ginagamit ng Kanluraning imperyalismo ang terorismo para lalong idestabilisa ang Africa at idahilan ito sa paglulunsad ng interbensyong militar, sa layon na makuha ang estratehikong bentahe laban sa mga humahamon na kapangyarihan at para mapigilan din ang popular na pagtutol laban sa imperyalistang dominasyon at pagsasamantala.

Page 73: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 65

Ang bagong "Agawan sa Africa" ay nagtutulak sa paparaming iskolar at aktibista ng Africa na igiit na ang kasalukuyang agos ng Kanluraning interbensyong militar at pagpapatindi ng pagsasamantala sa likas-yaman ng Africa ay nakapagpapagunita ng kolonisasyon. Kaya't marami ang hindi nag-aatubili na sabihing kapag hindi sapat na handa ang mga lider at mamamayan ng Africa para tutulan ang ganitong bagong agos ng Kanluraning imperyalistang interbensyon, maaaring masaksihan ng daigdig ang rekolonisasyon ng Africa.

MGA SANGGUNIAN

African Development Bank & Global Financial Integrity, Illicit Financial Flows and the Problem of Net Resource Transfers from Africa. Joint Report by the AfDB and GFI, May 2013

Amin, Samir, Ending the Capitalism in Crisis, Fahamu, 2012

ECA, Illicit Financial Flows. Report of the HighLevel Panel on Illicit Financial Flows from Africa (Mbeki Panel), Addis-Ababa, Ethiopia, 2015.

Hildyard, Nicholas, Licensed Larceny. Infrastructures, financial extraction and the Global South, Manchester, Manchester University Press, 2016

Hilferding, Rudolf, Finance Capital, Vienna, 1910

Hobson, John A, Imperialism, London, 1902

Lenin, Vladimir Ilich, Imperialism, the Highest Stage of Capitalism, 1916

Nkrumah, Kwame, Neocolonialism, Last Stage of Imperialism, London, 1965

Rodney, Walter, How Europe Underdeveloped Africa, Nairobi, Dar es Salaam, East Africa Publishing House, 2001 (1972)

Said, Edward W, Culture and Imperialism, New York, Vintage Books, 1994

Transnational Institute (TNI), Land grab. TNI Agrarian Justice Program, February 2013

Page 74: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong
Page 75: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Ang Kasalukuyang Anyo ng Imperyalismo at China

Pao-yu Ching

Sa Imperialism: The Highest Stage of Capitalism, inilathala sa bisperas ng rebolusyong Oktubre 1917 sa Russia, sinuri ni Lenin ang imperyalismo bilang kalitatibong pagbabago sa kapitalistang relasyon sa produksyon nang mangibabaw ang monopolyong pinansya. Sa gayon, nakapag-ambag nang pinakamalaki si Lenin sa ating pag-unawa sa kapitalismo (imperyalismo) sapul ang nangungunang akda nina Marx at Engels. Hindi nabago sa kapitalistang pag-unlad ng nakaraang 100 taon ang mga saligan sa imperyalismo na sinuri ni Lenin, subalit nagdagdag ito ng mga bagong pagsulong. Sapat na makabuluhan ang mga bagong pagsulong na ito para bumuo ng bagong anyo ng imperyalismo sa pinakamataas na yugto ng kapitalismo. Pinaunlad ni Lenin, at pagkaraa’y ni Mao, batay sa pagsusuri ng Lenin sa imperyalismo, ang estratehiya sa pagpapalaya ng pinagsasamantalahang mamamayan sa kanilang mga bayan, na pinakamahihinang kawing ng imperyalismo. Pinatunayan ng rebolusyong 1917 sa Russia at ng rebolusyong 1949 sa China na mapapalaya nga ng mga inaliping mamamayan sa mga aping bayan ang kanilang sarili para tumuloy sa sosyalistang landas at kamtin ang nagsasariling pag-unlad sa ekonomya at pulitika. Pinatunayan din ng mga tagumpay ng dalawang mayor na sosyalistang rebolusyon ang kahalagahan ng rebolusyonaryong teorya at wastong estratehiya na halaw sa teorya.

Pumutok ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII) bahagyang makaraan lamang ang dalawang dekada matapos mailathala ang Imperialism:The Highest Stage of Capitalism ni Lenin. Makaraan ang digmaan, maraming dating kolonya ang nakipaglaban at nakamit ang kanilang independensya subalit natagpuang hindi nila nakamtan ang pampulitika o pang-ekonomyang soberanya para paunlarin ang kanilang mga ekonomya upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang mamamayan. Samantalang pinaglaban ng iba’t ibang imperyalistang kapangyarihan ang dalawang Digmaang Pandaigdig, sapul nang pagtatapos ng WWII, ang lahat ng digmaan — mula Korean War, Vietnam War, maraming hayag at lihim na pananalakay-militar ng US sa mga bayan ng Latin America, hanggang sa umiiral at mahigit isa’t kalahating dekada nang gera sa Afghanistan at Iraq — ay pawang mga gera na ipinataw ng mga imperyalistang bayan, pangunahin ang United States, sa mga umuunlad na bayan. Dagdag pa, maraming bayan, na naging malaya makaraan ang WWII, ay patuloy na lumalaban sa digmang-sibil, na sa kalakha’y resulta ng nakaraang paghaharing kolonyal at kasalukuyang interbensyong imperyaista. Ang

Page 76: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

68 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

mga napalikas na mamamayan mula sa gera at kagutuman ay naging pinakamalaking refugee crisis sa panahong kamakailan lamang.

Mula 1979 nasaksihan natin kung paanong ginawang kapitalistang bayan ng Reform ang China at isinanib sa pandaigdigang kapitalistang sistema. Pagkatapos ng 1991, makaraan ang 35 taon ng rebisyunismo, gumuho ang Soviet Union, na sinundan ng pang-ekonomyang pagkalusaw sa mga bayan ng Eastern Europe. Para sa iba pang umuunlad na bayan, bagama’t kumupas na ang mga kolonyal na istruktura, nagpatuloy at tumindi pa nga ang pagdurusa’t pagkakait na tiniis ng mamamayan sa mga bayan na ito. Sa nakaraang 100 taon, dumaan ang kapitalismo sa paulit-ulit, at papalaki at papalalim na mga krisis. Ipinagpapalagay ngayon ng maraming tao na umaangat ang Russia at China para maging lumilitaw na kapangyarihang imperyalista, karibal ang mga umiiral na kapangyarihang imperyalista.

Ano dapat ang pagtuunan natin kapag pinag-aralan ang bagong anyo ng imperyalismo kaugnay ng China? Ang China ba ay lumilitaw na imperyalistang kapangyarihan? Paano magaganap ang ribalan sa pagitan ng China at iba pang imperyalistang bayan laluna ang United States? Dapat ba nating bigyan ng pangunahing pansin ang ribalan sa hanay ng mga imperyalistang bayan, bago at luma?

Pinili ng sulatin na ito na huwag mag-pokus sa relasyon ng China sa iba pang imperyalistang bayan bagama’t mahalagang paksa iyon. Magtutuon ang sulating ito sa kasalukuyang anyo ng imperyalismo at papel ng China rito. Kapag wasto nating naunawaan ang kasalukuyang anyo ng imperyalismo, makatutulong ito sa atin na mapaunlad ang wastong estratehiya para makibaka laban dito. Nakabatay ang estratehiyang ito hindi lamang sa pag-intindi natin sa mga relasyon sa hanay ng mga imperyalistang bayan kundi sa pag-intindi rin natin sa mga relasyon sa pagitan ng mga bayang imperyalista at mga bayang inaapi (umuunlad). Kasing-halaga, kundi man higit pa, ahg estratehiyang ito ay nararapat ibatay sa ating pag-intindi sa mga relasyon ng uri sa loob ng mga bayan ng kasalukuyang daigdig.

I. Ang kasalukuyang Anyo ng Imperyalismo — paano tayo nakarating dito?

1. Ang Transpormasyon ng Imperyalismo sa Bagong Anyo

Noong panahon ng Great Depression na nagsimula noong 1929 at tumagal hanggang sa pagputok ng WWII, ginamit ng mga imperyalistang bayan ang pag-eksport ng kanilang sarplas na produkto bilang paraan para mapagaan ang presyur ng sobrang-produksyon. Ginamit nila ang mataas na taripa para harangan ang mga import habang pinababa ang halaga ng kanilang pananalapi para itulak ang mga export. Lumikha ng kaguluhan ang mga hakbang na ito, sa gayo’y binawasan nang malaki ang pandaigdigang kalakalan at ibayong pinatindi ang kanilang pang-

Page 77: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 69

ekonomyang depresyon. Makaraan ang Digmaan, nanguna ang United States kasama ang mga alyado sa digmaan na itatag ang imperyalistang kaayusan matapos ang digma. Sa Bretton Woods Conference noong 1944, itinatag nila ang International Monetary Fund (IMF) at ang World Bank (International Bank for Reconstruction and Development, IBRD). Itinatag ng IMF ang fixed exchange rates batay sa USD35 katumbas ang isang onsa ng ginto at itinali ang iba pang pananalapi batay sa US dollar.1 Pagkatapos noong 1948, itinayo ang General Agreement on Tariff and Trade (GATT) para ibaba ang mga taripa sa import at bawasan ang iba pang di-taripang hadlang sa kalakalan. Ang ganitong mga rehimen sa pananalapi at kalakalan matapos ang digmaan ang naglatag ng kinailangang institusyunal na balangkas para sa bagong anyo ng imperyalismo at may dalawampung taon na kasaganahan para sa kapitalismo.

Sa mga taon makaraan ang digmaan, nagkaroon ng bukod-tanging pagkakataon ang United States na mag-eksport ng produkto sa Europe at Japan upang tulungan sila sa pang-ekonomyang pagbawi, kaya’t napanatili nito sa ilang taon ang pagkita sa kalakalan. Subalit ang kabuuan nitong balanse sa bayaran ay naging negatibo bunga ng pamumuhunan ng negosyo sa ibayong dagat at paggastos ng US sa mga base-militar sa buong daigdig. Sa pagtatapos ng 1950s, lumaki ang depisito ng US sa international accounts, at nagsimulang dalhin ng mga bayan ang kanilang dolyar para ipagpalit sa ginto na hawak ng US. Nabawasan ang imbak na ginto ng US. Habang nasasaid sa US ang imbak na ginto, hindi maiwasan ang debalwasyon ng dolyar mula sa pirmeng palitan (USD35 = 1 oz. ng ginto). Makaraan ang dalawang debalwasyon, noong Agosto 1971, makaisang-panig na idineklara ng gobyerno ng US sa ilalim ni Pangulong Nixon ang suspensyon ng pagpapalit ng dolyar sa ginto.

Bago ang pag-anunsyo noong 1971, nagpataw ang gobyerno ng United States ng capital control na naglilimita sa dami ng mailalabas na dolyar. Sa panahong iyon marami nang US multinationals na nagnenegosyo sa Europe. Nangangailangan ang mga negosyong ito ng US dollars para sa pamumuhunan at pang-araw-araw na transaksyon. Dahil binawalan sila na malayang maglabas ng kapital mula US papuntang Europe nang ayon sa kanilang kagustuhan, nagpasya silang tanganan ang tubong dolyar at ideposito sa mga bangkong Amerikano sa Europe (karamiha’y sa London). Sa buong panahon ng 1970s, ang depositong dolyar sa mga bangko sa Europe (kilala bilang Euro-dollars) ay lumago nang 25% kada taon; lumaki ang Euro-dollars mula USD85 bilyon noong 1971 tungo sa USD2.2 trilyon noong 1984 at sa USD4 trilyon noong 1988. Ang malaking dami ng Euro-dollars na ito sa labas ng United States ay may kritikal na halaga sa pagtatatag ng dolyar bilang internasyunal na currency at sa nangungunang papel ng US sa pandaigdigang pinansya.2 Pagsisimula ito ng pagbaha ng napakaraming US dollars sa iba pang bayan, nagbigay sa US ng natatanging oportunidad na makuha ang pamumuno sa internasyunal na pinansya. Sa mga sumunod na dekada, kapwa ninais ng European Union at Japan na palawakin 1 The US promised that centrals banks could take the US dollars they held to exchange into gold.2 The reason for the extraordinary Euro-dollar expansion was that these banks, which were called “stateless banks,” were not regulated to maintain any legal reserves like ordinary banks. But these banks and their dollar deposits and loans were legalized by the US and UK governments. (See Helleiner)

Page 78: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

70 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

ang impluwensya ng kanilang pananalapi para makihamok sa United States sa larangan ng pandaigdigang pinansya. Hindi sila nagtagumpay dahil hindi sapat na malaki ang bilang ng kanilang pananalapi sa labas ng kanilang mga bayan.

Ibayo pang lumaki ang kantidad ng US dollars sa labas ng US sa mas mataas na depisito ng US sa international account matapos kalasin ni Nixon ang dolyar sa ginto. Makaraan ang maigsing capital control noong huling bahagi ng 1960s (tingnan sa itaas), pinanatili ng US ang bukas na pamilihan para malayang makapaglabas-masok sa bayan ang mga pondo. Dagdag pa, may napakalaking securities market ang gobyerno ng US kung saan maaaring ilagak ng iba pang gobyerno, negosyo o pribadong indibidwal ang kanilang hawak na dolyar sa anumang haba ng panahon, nagawang pinakalikidong financial asset ang dolyar. Bumubuo ng mayorya ng kalakalan ang US dollar sa pandaigdigang foreign exchange market — na karaniwang nakakalakal ang USD5.3 trilyon kada araw noong 2014. Kalakhan ng malaking bolyum ng pang-araw-araw na dollar trading ay hindi para sa kalakalan kundi para hawakan ang US dollars bilang likidong asset at tuluy-tuloy na ipinagpapalit sa iba pang pananalapi at asset. Sa mga dekadang makaraan ang 1971, ang itinuring na kahinaan ng depisito at utang ng US ang siya namang naging pinakamalakas nitong sandata, nagbibigay sa US dollar ng kasalukuyang hegemonya at napakamahal na pribilehiyo na hindi kailanman tinamasa ng iba pang bayan.3 Bawat dolyar sa labas ng US ay utang ng US. US lamang ang nag-iisang bayan sa daigdig na hindi obligadong magbayad sa utang nito.

II. Anu-ano ang Mayor na Katangian ng Kasalukuyang Anyo ng Imperyalismo?

May ilang natatanging katangian ang kasalukuyang anyo ng imperyalismo na mapag-iiba sa mga naunang anyo na sinuri ni Lenin. Ibinunga ang mga katangiang ito mula sa saligang kontradiksyon ng kapitalistang produksyon at akumulasyon, gayundin ang mga bagong estratehiya na ginamit ng mga kapitalista sa mga imperyalistang bayan para tugunan ang istagnasyon at umuulit na mga krisis na resulta ng ganoong mga kontradiksyon.

1. Ang Katayuang Hegemonya ng US dollar at ang Dominasyon ng US sa Internasyunal na Pinansya

Ang pinakamahahalagang katangian ng ganitong bagong anyo ng imperyalismo na lumitaw mula sa Bretton Woods Conference ay ang katayuang hegemonya ng US dollar at dominasyon ng US sa pandaigdigang pinansya. Taliwas sa nakagawiang katwiran, lalong napalakas ang US dollar nang kalasin ito sa ginto at nang patuloy na lumaki ang mga depisito nito. Nangahulugan ang hegemonya ng dolyar na ang United States bilang bayang nagkaka-utang (debtor country) ay patuloy na magkaroon ng 3 Charles de Gaulle’s Finance Minister coined the term “Exorbitant privilege.” See Eichengreen.

Page 79: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 71

depisito sa kalakalan at sa kabuuang pandaigdigang balanse sa bayaran. Ang mga nagpapautang na bayan (creditor countries) — kasalukuyang pinakamalaki ang China at Japan, kabilang din ang Germany, South Korea at iba pang umuunlad na bayan, tulad ng Mexico — ay obligadong tuluy-tuloy na magpautang ng salapi sa United States. Nagpapatuloy ang mga paglipat na ito, dahil sa katotohanang ang ekonomya ng mga bayang ito ay palaasa sa mga trade surplus para mapanatili ang paglago at kinakailangang kumuha ng US dollars nang higit pa sa kailangan o nais nila.

Habang tumatambak ang utang ng US, naging international currency sa daigdig ang US dollar; ito ngayon ang gamit sa palitan (medium of exchange), sukat ng halaga (unit of value), at imbakan ng halaga (store of value) para sa lahat ng bayan, ito rin ang pangunahing anyo ng foreign exchange reserves ng kanilang mga central bank. Mula sa pananalapi na ayaw hawakan ng sinumang bayan sa natitirang panahon ng Bretton Woods (huling bahagi ng 1960s hanggang 1971), natransporma ang US dollar para maging pananalapi na hawak ngayon ng mga bangko sentral ng lahat ng bayan, mga negosyo at pribadong indibidwal; napaka-likido nito at madaling ipagpalit sa iba pang pananalapi anumang oras at gamitin para ipambayad sa current account deficits o iba pang internasyunal na transakyon. Nagbibigay ito ng interes (bagama’t mababa) kapag ipinagpalit sa government bonds at securities ng US. Ang katayuang hegemonya ng US dollar ay nakabatay sa lakas ng imperyalistang estado ng US sa ekonomya, militar at pulitika; sa istruktura ng ekonomyang napakataas ang pinansyalisasyon; at sa laki at lalim ng financial market ng US.

Bagama’t ipinaliwanag ni Lenin ang halaga ng pinansyang kapital noong maagang bahagi ng ika-20 siglo, hindi pa kailanman nagkaroon ng gayong napakalawak na kapangyarihan ang pinansyang kapital hanggang maagang bahagi ng 1970s at ang kapangyarihan nito ay lumaki’t lumaki lamang sa nakaraang apat na dekada. Pinalaya ang pinansyang kapital mula sa regulasyon ng gobyerno sa liberalisasyon at deregulasyon ng mga pampinansyang institusyon at transaksyon sa panahon ng neoliberal na globalisasyon sapul noong 1980s. Sa pamamagitan ng manipulasyon gamit ang bagong teknolohiya sa komunikasyon at sa lakas ng mga imperyalistang estado, nakakuha ang pinansyang kapital ng ibayong kakayahan na ilipat ang iba’t ibang krisis mula sa isang bahagi ng daigdig tungo sa iba pa, tulad ng nasaksihan natin sa paulit-ulit at tumitinding mga krisis mula 1980s hanggang sa ika-21 siglo.

Sa buong panahong ito ng mga krisis sa pinansya, lalong lumakas lamang ang katayuan ng US dollar — pinakamenos sa maigsiang panahon. Patuloy na nagbubunton ang United States ng utang nito sa pamamagitan ng pag-imprenta ng mas maraming dolyar at Treasury Bills at Bonds. Sa pamamagitan ng dominasyon nito sa internasyunal na pinansya, patuloy na ipinagkakait ng United States ang iba pang bayan na gamitin ang kanilang naimpok para sa sarili nilang pag-unlad. Ang pandaigdigang US dollar reserves ay lumago mula USD1 trilyon noong 1980s tungo sa mahigit USD10 trilyon ngayon — lahat sa katunaya’y utang ng United

Page 80: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

72 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

States.4 Idiniin ni Lenin ang papel ng umaangat na monopolyo pinansyang kapital sa kanyang pagsusuri sa imperyalismo. Lumaki nang maraming ulit ang lakas ng monopolyo pinansyang kapital sa nakaraang 100 taon. Para sa mas malaking ganansyang pinansyal, napalobo ng pinansyang kapital ang presyo ng mga asset sa pamamagitan ng pagbaha sa daigdig ng napakalaking liquidity at sa gayo’y napalobo ang utang at lumikha ng papalaking pampinansyang bula at mga krisis. Nasaksihan natin ang krisis sa mga bayan ng Latin America noong 1980s at muli noong 1990s, ang tumagal na pang-ekonomyang depresyon sa Japan sapul ang pagputok ng bula noong maagang bahagi ng 1990s, ang krisis sa mga bayan ng Southeast at East Asia at sa Russia noong huling bahagi ng 1990s, ang pinakahuli at nagpapatuloy na krisis pandaigdig noong 2007-2009 at lampas pa, at ang sovereign debt crisis ng mga bayan sa Southern Europe na nagpapatuloy hanggang ngayon (Lapavitsas). Higit pa, ginatungan ng mga bulang likha ng pinansyang kapital ang ispekulasyon sa residensyal at komersyal na konstruksyon — ang hilong-talilong na pagtatayo ng mga resort, golf courses, mamahaling mga otel at iba pang pasilidad pang-turismo sa buong daigdig. Inagaw ng mga konstruksyong ito ang mga sakahan, kagubatan, pastuhan, at baybaying-dagat, at sa gayo’y winasak ang kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda, nagpapasto at iba pa na nabuhay nang produktibo at nakasasapat sa sarili. Ang paglobo at pagkaraa’y pagsabog ng mga pinansyang bula ay lumikha ng pagkawasak na kasing-tindi ng mga todo-todong gera sa mga ekonomyang ito. Habang nalulong ang pinansyang kapital sa ganitong pag-angat at pagbagsak, matinding pinahirapan naman ang karaniwang mamamayan bilang resulta.

2. Ang Internasyunalisasyon ng Produksyon at Akumulasyon

Pagsapit ng kalagitnaan ng 1970s, mas naging maliwanag ang mga kontradiksyon ng kapitalistang sistema, nang bumagal ang tantos ng paglago at tumirik ang akumulasyon ng kapital. Nakadisenyo ang kasunduang 1980 sa pagitan nina Reagan at Thatcher, ang kilala ngayong estratehiyang neoliberal sa akumulasyon ng kapital, na gamitin ang pagpapalawak ng pandaigdigang monopolyong kapital para maibsan ang lumalalim na krisis ng kapitalismo. Ipinatupad ng mga imperyalistang estado ang isang buong bungkos ng masasaklaw na patakarang pang-ekonomya’t pampulitika kabilang ang globalisasyon, liberalisasyon (deregulasyon), at pribatisasyon — at itinulak ang mga umuunlad na bayan na gawin din iyon. Sa mas maagang mga taon matapos ang digmaan, bagama’t nagigipit ang mga uuunlad na bayan na buksan ang kanilang mga hangganan para papasukin ang mga dayuhang produkto at pamumuhunan, tumutol ang maraming gobyerno sa panggigipit sa pag-asang makapagtatag ng mas independyenteng pang-ekonomyang pag-unlad. Gayunpaman, pagsapit ng 1980s, karamihan sa mga bayan na ito ang dumanas ng matinding krisis kaugnay ng dayuhang pautang na babayaran, at wala silang mapagpipilian kundi ang tanggapin ang mga kondisyones na itinakda ng monopolyo kapital at mga imperyalistang estado sa pamamagitan ng mga kasangkapan ng IMF at GATT, di kaya’y huwag magbayad ng utang. (Tingnan sa ibaba.) Nang bigyan ng neoliberal 4 The Economist, February 11th-17th, 2017, 65

Page 81: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 73

na imperyalistang globalisasyon ng kalayaan ang monopolyo kapital na tumawid ng mga pambansang hangganan para sakupin ang lahat ng dako ng mundo, naglatag ito ng kalagayan para sa internasyunalisasyon ng produksyon at akumulasyon. Binigyan ng bagong katotohanang ito ang pandaigdigang monopolyo kapital ng kalayaan na planuhin ang kanilang produksyon at akumulasyon sa pagpapahintulot dito na magtayo ng mga global supply chains.

Noong pagsisimula ng huling bahagi ng 1960s, apat na kliyenteng estado (o teritoryo) ng United States: Taiwan, South Korea, Hong Kong at Singapore ang piniling pagsusubukan para sa modelong export-led growth. Namuhunan ang mga korporasyong multinasyunal sa mga bayan (o teritoryo) na ito sa tanging layunin na mag-eksport ng kanilang mga produkto. Lumikha ang stratehiyang export-led growth ng mito na kapag nilakihan ng umuunlad na bayan ang kanilang eksport anuman ang kapalit, tiyak na susunod ang paglago at kasaganahan.

Noong maagang bahagi ng 1980s, maraming umuunlad na bayan laluna sa mga bayan ng Latin America ang dumanas ng mapaminsalang krisis sa dayuhang pautang na naglubog sa kanilang mga ekonomya. Ang pinagmulan ng kanilang utang-panlabas ay salapi na inutang sa mga internasyunal na bangko noong 1970s, nang mangailangan sila ng dayuhang pananalapi para mabayaran ang mas mataas na presyo ng langis bunga ng kartel na kontrol ng OPEC sa pamilihan. Ganadong magpautang ang malalaking internasyunal na bangko, karamiha’y bangko sa US, kasama ang ilang bangko sa Germany at Japan, na puno ng deposito mula sa mga bayan ng OPEC.5 Nang mahirapan ang mga bayang lubog-sa-utang na bayaran ang kanilang pagkakautang, ginamit ng mga imperyalistang bayan ang mga kasangkapan ng IMF, tulad ng Structural Adjustment Program (SAP), para iliberalisa, isapribado ang kanilang mga ekonomya at pigain ang lahat ng makukuha nila sa mga bayan na ito para mabayaran ang utang panlabas. Pinilit ng SAPs ang mga gobyernong ito na dumaan sa mga programa ng paghihigpit ng sinturon para bawasan ang gastos sa kalusugan at edukasyon, at alisin ang mga subsidyo sa pagkain, transportasyon at iba pa para sa mahihirap. Pinilit din ng SAPs ang mga bayan na ito na alisin ang anumang restriksyon sa dayuhang kapital, magderegulisa at magsapribado. Dumaan din sa parehong pahirap ang mga bayan ng Asia noon at pagkatapos ng kanilang krisis sa huling bahagi ng 1990s. Makaraang dumaan sa maraming ikot ng malupit na restructuring, naghirap ang mga umuunlad na bayan kapwa sa implasyon at disempleyo at wala nang pagpipilian o kakayahan na paunlarin ang independyenteng kapitalistang ekonomya. Walang ibang pagpipilian, sila at ang China, na kasisimula pa lamang sa mga patakaran nitong Capitalist Reform at Opening Up, ang sumama para ganap na maisanib sa pandaigdigang kapitalistang sistema at aktibong lumahok sa internasyunalisasyon ng produksyon ayon sa disenyo ng pandaigdigang monopolyo kapital.

5 Kalaunan ito ay nakilala bilang pag-recycle ng mga banko ng petro dollars.

Page 82: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

74 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Konsentrado ang internasyunalisasyon ng produksyon sa produksyong industriyal, na mahahati-hati pa sa maliliit na bahagi na magagawa ng iba’t ibang lugar ng produksyon sa iba’t ibang bayan. Itinatakda ng pandaigdigang monopolyo kapital kung paano hahati-hatiin ang produksyon ayon sa estratehiya nito sa produksyon at pagbebenta. Subalit lumampas pa sa pagmanupaktura ng produkto ang internasyunal na produksyon at pumasok na rin sa produksyong agrikultural. Habang lalong nagiging palaasa ang mga umuunlad na bayan sa pag-angkat ng pagkaing butil mula sa malalaking bayan na umaani ng butil, gumagamit sila ng paparaming sariling lupa at iba pang likas na yaman tulad ng tubig at paggawa, para sa produksyon ng karneng-baka, manok, isda, hipon, pakain sa hayop, pagkain ng alagang hayop, prutas, pulot, gulay at bulaklak na pang-eksport. Trinansporma ng pandigdigang monopolyo kapital ang dating nakasasapat-sa-sarili na magsasaka at mangingisda sa pagiging prodyuser ng kalakal na pang-eksport. Halimbawa, ang isdang nahuhuli sa baybayin ng Chile na pangunahing pinagkukunan ng protina para sa mamamayan ay ginagawa ngayong fish meal ng Purina Cat Food para sa mga alagang hayop sa bahay, at ang gulay at prutas na tanim ng magsasaka sa Mexico ay hindi na para sa lokal na konsumo kundi pangunahi’y pang-eksport sa United States. Ang India, na may maraming mamamayang nagugutom at kulang sa nutrisyon, ay nagluluwas ng soybeans bilang pagkain ng hayop sa Europe. Ang ibinunga ng globalisasyon, liberalisasyon at pribatisasyon ay nagpalayas sa puu-puong milyong mamamayan na dati’y mga aktibong prodyuser. Sa katiting na sahod mula sa trabahong nakatuon sa eksport, ni hindi nila mabili ang pagkain na kanilang ginagawa manapa ang iba pang pangangailangan sa buhay. Sa malakihang saklaw, isinalin ang mayamang rekurso ng mahihirap na bayan mula sa produksyon ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mamamayan tungo sa mga kalakal na ibinebenta sa pandaigdigang pamilihan. Katapat ng mahihirap na mamamayan sa umuunlad na bayan ang mga pusa, aso at baka ng mayayamang bayan para sa kanilang batayang pangangailangan sa pagkain. Higit pa, binigyan ng imperyalistang globalisasyon ang monopolyo kapital ng kalayaan para pasukin ang lahat ng larangan ng produksyon kabilang ang dati-rati’y pag-aaring pampubliko — tulad ng transportasyon, pampublikong utilidad (laluna ang tubig), edukasyon at kalusugan — ginagawang kalakal na pambenta ang mga pampublikong produkto. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng bagong Intellectual Property Right Law, namonopolisa ng malalaking agribusiness na transnayunal ang mga binhi ng daigdig sa kanilang genetic engineering.

Dagdag pa sa produksyong pangmanupaktura at pang-agrikultura, naging globalisado rin ang produksyon ng mga serbisyo (hangga’t magagawa). Nagka-bisa ang pinal na General Agreement on Trade in Services ng World Trade Organization (WTO) noong Enero 1, 1995. Bagama’t sa papel ay pinapayagan ng kasunduan ang isang bayan na magpasya kung anong mga sektor ng serbisyo ang bubuksan, sa katotohana’y laging nagigipit ang isang bayan mula sa WTO at mula sa mga Regional Trade Agreements at iba pang mga bilateral at multilateral na kasunduan sa kalakalan para buksan ang kanilang mga sektor ng serbisyo. Sa oras na buksan ng isang bayan ang sektor ng serbisyo nito, kailangan nitong ipatupad ang alituntunin

Page 83: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 75

sa pambansang pagtrato sa lahat ng dayuhang negosyo, ibig sabihin hindi maaaring paboran ang lokal na empresa kaysa dayuhan. Napakalawak ang nakalistang serbisyo sa kasunduang ito na kakailanganin ang maraming pahina para ilista. Subalit kabilang sa mga pangunahing kategorya ang serbisyo sa negosyo, komunikasyon, konstruksyon, distribusyon (wholesale at retail), edukasyon (mula primarya hanggang kolehiyo), kalikasan, pinansya (bangko at garantiya), kalusugan, turismo at pagbiyahe, libangan (entertainment), at transportasyon (himpapawid, riles at kalsada). Nagawa nang globalisado ang produksyon ng marami sa mga kategoryang serbisyong ito — laluna ang sektor ng pinansya, edukasyon, kalusugan, entertainment, komunikasyon, at distribusyon.6

Pinalaki ng mga bayan ang kanilang partisipasyon sa internasyunalisasyon ng produksyon, na sinusukat sa Global Value Chains (GVCs), kung saan umaangkat ang mga bayan ng mas maraming dayuhang input para makalikha ng pinal na produkto. Noong 1995, may 36% ng pandaigdigang kalakalan sa produkto at serbisyo ay naganap sa GVCs. Noong 2011, tumaas ang bahaging iyon sa 49 porsyento.

Nagawang magtagumpay ng neoliberal na paraang globalisasyon dahil umasa ito sa mga internasyunal na insitusyon sa pinansya at kalakalan, tulad ng IMF, WB, at GATT (naging WTO) at hegemonya ng US dollar. Winasak ng mga institusyong ito sa pinansya at kalakalan, sa tulong ng mga imperyalistang estado, ang kakayahan ng maraming umuunlad na bayan na itatag at pamahalaan ang sarili nilang mga ekonomya, gayundin ang kanilang kakayahan sa produksyon ng pagkain para sa sariling mamamayan. Nagawa nitong mangibabaw ang pandaigdigang monopolyo kapital sa halos lahat ng gawaing produktibo sa pandaigdigang saklaw para sa kapakanan ng pag-maksimisa sa tubo.

Kinailangan ng mga bayang kalahok sa internasyunalisasyon ng produkyon na likhain ang pinakapaborableng kalagayan para sa mga transnational corporations (TNCs) para magproduksyon doon. Sinamantala ng mga TNCs ang kompetisyon nila sa isa’t isa para umupa ng paggawa na may pinakaangkop na edukasyon at kasanayan at pinakamababang pasahod, gayundin ang pakinabang sa mababang buwis at modernong imprastraktura, maluwag na batas sa paggawa, at pinakakaunting restrikyon sa dayuhang pag-aari at pag-uuwi sa tubo. Tinatamasa rin nila ang kalayaan na iwanan ang lahat ng kanilang basura sa produksyon sa dayuhang lupain. Sa kasalukuyang anyo ng imperyalismo, malaki ang itinutulong ng rehimeng pang-kalakalan at pamumuhunan at hegemonya ng dolyar para sa internasyunalisasyon ng produksyon at akumulasyon.

Kailangang habulin ng mga umuunlad na bayan ang kanilang pag-eksport para magkaroon ng anumang paglago sa ekonomya. Samakatwid, hindi nila maaaring

6 World exports of services increased from $1.2 trillion in 1995 to $2.5 trillion in 2005, and to $4.9 trillion in 2014. An example of American export of education services is the Bridge International Academies operating for-profit primary schools in African countries, The Economist, January 24th-February 3rd, 2017, 53-54.

Page 84: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

76 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

hayaan na tumaas ang presyo ng kanilang pananalapi kapag tumatanggap ng paparaming dolyar mula sa sarplas sa kalakalan. Napipilitan sila na panatilihin ang mga US dollars (o bumili ng mga government securities ng US) sa kanilang mga central bank. Kapag hawak ng mga bayan na ito ang mababang interes na US government securities, habang kaalinsabay ay nagbabayad ng mataas na tantos ng pagbalik sa tubo ng dayuhang pamumuhunan sa kanilang bayan, bumubuo ito ng panibagong patong na pagsasamantala. Ang ganitong bagong estratehiya ng akumulasyon ng kapital ay nakabatay sa internasyunalisasyon ng produksyon, na nakapagsanib na sa halos lahat ng gawain sa produksyon sa mundo sa kontrol ng pandaigdigang monopolyo kapital. Hindi magiging posible ang proseso ng ganitong pagsasanib kung wala ang hegemonya ng US dollar at pagbagsak ng mga kapitalistang ekonomya sa maraming umuunlad na bayan, gayundin ang pangako ng China na makikipagtulungan sa pandaigdigang monopolyo kapital. Ang bagong estratehiya na ito ang napatunayang lubos na pakinabang para sa pandaigdigang monopolyo kapital at lubhang nakasasama sa masang anakpawis sa daigdig kapwa sa umuunlad at imperyalistang bayan.

3. Ang Magkasalikop na Ugnayan ng Pandaigdigang Uring Kapitalista

Noong unang anyo ng imperyalismo, sa isang malapyudal at malakolonyal na lipunan tulad ng China bago ang rebolusyon, gumampan ng positibong papel ang mga pambansang kapitalista sa bagong demokratikong rebolusyon. Sa panahong matapos ang WWII, gumampan din ng mahalagang papel ang mga pambansang kapitalista sa mga kilusan sa pambansang pagpapalaya sa maraming umuunlad na bayan. Gayunpaman, sa kasalukuyang anyo ng imperyalismo, sumuko na ang mga kapitalista sa mga umuunlad na bayan na magtangkang paunlarin ang kanilang mga ekonomya nang hindi umaasa sa pandaigdigang monopolyo. Sa halip, mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa pandaigdigang monopolyo para makakuha ng bahagi sa tubo sa internasyunalisasyon ng produksyon at akumulasyon. Lumiliit ang puwang para sa negosasyon sa pagitan ng pandaigdigang monopolyo kapital at mga kapitalista ng umuunlad na bayan, dahil ang mga tuntunin kung paano isasagawa ang internasyunal na negosyo ay naging institusyon na sa kalakhan. Bagama’t napipilitan ang mga kapitalista sa umuunlad na bayan na magbahagi ng pamilihan at tubo sa pandaigdigang monopolyo kapital, sila naman ay ginagantimpalaan nang malaki. Maraming kaso ng matatagumpay na kapitalista sa ilang umuunlad na bayan na naging multi-bilyunaryo, at ang kanilang mga kompanya ay naihahanay sa mga kompanya ng imperyalistang bayan sa Foryune 500. Ang interes at kahit ang buhay mismo ng mga kapitalistang ito ay mahigpit na nakatali sa internasyunal na kapitalistang sistema. Kung gayon, ang mga kapitalistang may iba’t ibang nasyunalidad ay hindi na pambansang mga kapitalista ng kanilang bayan tulad ng turing bago ang kasalukuyang anyo ng imperyalismo. Hindi sila hahanay sa uring manggagawa sa pakikibaka laban sa imperyalismo.

Page 85: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 77

4. Di-malulutas at Lumalalim na mga Kontradiksyon sa pagitan ng Kapitalistang Estado at Mamamayan nito

Sa karamihan ng umuunlad na bayan, pangunahing pwersa sa likod ng kapitalistang estado ang uring kapitalista (pagka-minsa’y kakutsaba ang uring nagmamay-ari ng lupa). Kinakailangang padaliin ng mga estadong ito sa lahat ng posibleng paraan ang akumulasyon ng kapital sa loob ng kasalukuyang imperyalistang sistema. Sa pangkalahatan, gagawin ang lahat ng mga estadong ito para panatilihin ang kaayusan sa umiiral na proseso ng produksyon at akumulasyon. Sa partikular, kinakailangan nitong ibaba ang sahod at benepisyo sa pinakamababang antas na posible, huwag pansinin ang mga isyu ng kaligtasan sa lugar na trabaho, at supilin ang anumang pag-oorganisa ng manggagawa na papatid sa produksyon. Makikipagkumpetensya ang mga estadong ito para magkaroon ng pinakamahinang regulasyong pang-kalikasan at pabayaan ang polusyon sa tubg, lupa at hangin. Bagama’t kasing-tanda ng kapitalismo mismo ang mga estratehiya at taktika na gamit ng mga kapitalista para lubusin ang tubo, ang bago sa anyong ito ng imperyalismo ay para tugunan ang pagnanais ng pandaigdigang monopolyo kapital sa paglulubos ng tubo, makikipagkumpetensya ang mga estadong ito para apihin ang manggagawa at pagsamantalahan ang kalikasan sa kasukdulan, upang mapiling lugar ng produksyon sa mahabang global supply chain.

III. Ang China at Mamamayan ng China sa Bagong Anyo ng Imperyalismo

1. Ang papel ng China sa bagong anyo ng imperyalismo

Sapul noong 1980, laluna nang sumali ang China sa WTO sa pagtatapos ng 2001, gumampan ang China ng napakahalagang papel ng isang umuunlad na bayan sa internasyunalisasyon ng produksyon. Nakipagtulungan nang mahigpit ang gobyerno ng China sa pandaigdigang kapital sa pagpwesto ng China sa pandaigdigang assembly line. Sa oras na maitayo, masigasig na lumahok ang China sa internasyunalisasyon ng produksyon. Ang laki mismo ng lakas-paggawang industriyal ng China (mula 40 milyon noong 2004 tungong 80 milyon noong 2014) ay signipikanteng nagpalaki sa pandaigdigang suplay ng paggawa at nagpatindi sa pagtulak pababa sa pasahod sa lahat ng bayan. Sa huling dalawang dekada, nasakop ng China ang lahat ng sektor ng produksyong labor-intensive. Mula sa damit, laruan, sapatos, electronics, pag-asembol ng kompyuter, iPhone at iPad; gumawa rin ito ng mga relo, bisikleta, TV, washing machine, refrigerator, air-conditioner, microwave oven, player at recorder, circuit boards, at motorsiklo na pang-eksport. Sa proseo ng pag-internasyunalisa ng produksyon, nagawa ring ilipat ng pandaigdigang monopolyo kapital sa China at iba pang umuunlad na bayan ang mga industriyang malakas kumonsumo ng enerhiya at malakas sa polusyon, tulad ng krudong bakal at pag-asembol ng kompyuter. Dagdag pa, naglaan ang China ng espasyo para sa lahat ng mayor na taga-manupaktura ng kotse na gumawa ng mga pyesa at mag-asembol ng kotse.

Page 86: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

78 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Bukod pa sa paglalaan ng lugar para sa pandaigdigang produksyon, ang mga konsyumer ng China na may kakayahang bumili ay naghahatid din ng malaking pamilihan para sa pandaigdigang consumer durables at mga produkto. Bagama’t kinukonsumo lamang ng mamamayan sa China ang 40% ng produksyon sa China, ang bagong-saltang urban middle class sa China (humigit-kumulang 10% ng populasyon) ay nagiging malaking pamilihan para sa mga produktong pangkonsyumer para mabawasan ang sobrang produkto na nag-uumapaw sa pandaigdigang kapitalistang sistema. Ang mga konsyumer sa nakatataas na panggitnang-kita ay bumili ng 24 na milyong kotse noong 2016, na mas malaki nang 37% sa ikalawang pinakamalaking pinagbebentahan ng US ng kotse, at mas malaki ang car sales pa lamang sa China kaysa buong automobile market sa daigdig noong 1979. Ang pinakamayayaman sa China (wala pang 1% ng populasyon) na bumibili ng high-end na designer na damit, handbag, sapatos gayundin ng mamahaling alak, imported na race car at tumutuloy sa maluluhong hotel — ang bumubuo ng malaking bahagi ng pandaigdigang pamilihan ng luxury goods and services. Sa nakaraang tatlo at kalahating dekada, gumanap ng napakalaking papel ang China para maibsan ang mga kontradiksyon sa pandaigdigang kapitalismo sa paghahatid ng mistulang hindi mauubos na suplay ng paggawa, maluwag na espasyo para mamuhunan ang pandaigdigang kapital, at pamilihan para sipsipin ang napakalaking dami ng mga produktong pangkonsyumer sa daigdig. Ang paglahok ng China sa imperyalistang globalisasyon ay nagbigay ng pambihirang pagkakataon sa pandaigdigang monopolyo kapital na magpalawak at kung gayo’y palakasin ang kapangyarihan ng iba pang imperyalistang bayan, laluna ang United States. Dagdag pa, ang malaking kantitad ng murang produktong pangkonsyumer na imported mula China ay nakatulong na pababain ang gastos sa pamumuhay sa mga imperyalistang bayan.

Nakatulong ang mataas na tantos ng paglago ng GDP ng China, na karaniwang mahigit 10% noong 1990s at maagang bahagi ng 2000s, para tumaas ang tantos ng paglago ng pandaigdigang kapitalistang sistema. Hindi kalabisan na sabihing mula maagang bahagi ng 1990s, ang masiglang paglahok ng China kasama ang iba pang umuunlad na bayan sa internasyunal na kapitalistang sistema ay makabuluhang nagpahupa sa krisis ng kapitalistang produksyon at akumulasyon sa nakaraang tatlo at kalahating dekada. Gayunpaman, di-maiiwasang umabot na sa hantungan ang mataas na tantos ng paglago ng China. Ang kasalukuyan nitong opisyal na tantos ng paglago ay bumagsak na sa 6-7% (ang totoong datos ay maaaring mas mababa) habang bumagal na ang pandaigdigang demand para sa eksport ng China, at habang nasagad na ang labis-labis na naitayong pasilidad sa produksyon, imprastraktura at pabahay.7 Sa mga susunod na taon malamang na pwersang magpapabagal pa ang China (kahalintulad ng kasalukuyang Japan) sa pandaigdigang kapitalistang sistema kapag haharapin na ang mabigat na problema ng sukdulang sobrang-kapasidad, at pag-isipan kung paano itutuloy ang pag-recycle sa US dollar para maiwasan ang krisis sa pinansya. Pinakamahalaga, kakaharapin ng gobyerno ng China ang mas malakas

7 See: China’s Growth Odyssey, Project Syndicate, the World’s Opinion page, February 17th, 2017

Page 87: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 79

at mas malawak na paglaban ng mga manggagawa, nangangalaga sa kalikasan, at karaniwang mamamayan ng China na humihiling ng pagbabago.

2. Umuunlad na bayan ang China kasabay na nakilala ito bilang lumilitaw na imperyalistang kapangyarihan

Sa isang banda, dinanas ng China ang parehong pagtrato sa iba pang umuunlad na bayan sa anyong ito ng imperyalismo. Sa kabilang banda, may mga makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng China at iba pang umuunlad na bayan. Mula 1949 hanggang 1979, may kasarinlan sa pulitika ang China. Pinaunlad nito ang nagsasariling sistemang industriyal at nagsasariling militar. Nagawa ng mga pagkakaibang ito na mapalawak ng China ang saklaw ng impluwensya makaraang maging bahagi ng internasyunal na kapitalistang sistema. Gustong gayahin ng gobyerno ng China ang ginawa ng US, sa mas maliit na antas, para makakuha ng mas malaking tubo. Sa malaking hawak na US dollars, namuhunan ito sa iba pang umuunlad na bayan sa Asia, Africa at Latin America at itinatag ang mga relasyong bilateral sa kalakalan at pamumuhunan sa maraming bayan kabilang ang Russia. Nagsikap din ang gobyerno ng China na magtayo ng iba pang supra-nasyunal na institusyon, tulad ng BRICS Investment Bank at ng Asian Infrastructire Investment Bank bilang alternatibo sa IMF at World Bank. Gayunpaman, limitado ang kakayahan ng China na magpalawak ng impluwensya nito. Sa pandaigdigang kaayusan sa kasalukuyan, hindi maaaring tanggalin ng mga bayan liban sa United States ang capital control (hayaang dumaloy nang malaya ang kapital papasok at papalabas ng bayan) at panatilihin na laging magkasabay ang independyenteng patakaran sa pananalapi at matatag na exchange rate.8 Hindi matutupad ang nais ng China na gawing internasyunal ang renminbi (RMB) nang hindi binubuksan ang capital market nito. Sinikap ng China na panatilihin ang antas ng RMB na hindi lubhang mataas na masasaktan ang mga eksport nito, kaalinsabay ay maingat na huwag pababain ang halaga ng RMB na lilikha ng paglikas ng kapital. Ang bahagyang pagbaba sa halaga ng RMB noong Agosto 2015 at ang kasunod na pagbawas sa foreign exchange holdings nito mula $4 trilyon tungong $3 trilyon nang sumunod na taon ay lumikha ng takot sa ibayong paglikas ng kapital. Pinipigil ng takot na ito ang China na magbukas ng capital market nito. Malinaw na ngayong ipinapakita sa mga aksyon ng China ang plano nitong magpalawak sa daigdig. Gayunpaman, mahigpit na nakatali ang kapitalistang ekonomya ng China sa makapangyarihang dolyar sa pandaigdigang kapitalistang sistema at dahil nakikinabang nang malaki ang uring kapitalista ng China sa kasalukuyang imperyalistang sistema, wala itong dahilan o kakayahan na hamunin ang imperyalistang sistema sa pag-iral nito ngayon.

8 Kahit ang kapangyarihan ng US na kamtin ang tatlong layuning ito nang sabay-sabay ay nalilimita ng kapangyarihan ng pandaigdigang kapital. Ang patakarang pang-salapi na nagbabago ng antas ng interest rate ay nakakaapekto sa daloy ng kapital, at kung gayon pati ang tantos ng palitan.

Page 88: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

80 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

3. Resulta sa mamamayan ng China, mga rekurso nito, lupa, kalikasan at pag-unlad sa hinaharap

Ang partisipasyon ng China sa kasalukuyang anyo ng imperyalismo ay nagkaroon ng malulubhang resulta sa mamamayan ng China, sa mga rekurso nito, lupa, kalikasan; hinati nito ang lipunan at pinagkaitan ang China ng pang-matagalang sustenableng pag-unlad. Bagama’t may dambuhalang kakayahan ang China sa produksyon, maliit na porsyento lamang ng mamamayan ang nabubuhay nang sagana habang ang mayorya ng mamamayan ng China ay nagkukulang sa sapat na pangangalaga sa kalusugan, kapaligiran na maaaring mabuhay, at pagkakataon sa edukasyon. Ang mga pamilya na may mga anak na lumisan sa kanayunan ay umaasa sa padalang pera ng kanilang mga anak para sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Ang mga kabataan na nagtungo sa mga syudad para magtrabaho sa mga industriyang pang-eksport at sa konstruksyon (umaabot ng 300 milyon sa kabuuan) ay nagtatrabaho nang mahahabang oras (10 hanggang 12 oras o higit pa bawat araw) sa loob ng anim na araw bawat linggo at tumatanggap ng katiting na sahod. Nagtatrabaho sila sa mapanupil na kalagayan sa di-ligtas na mga lugar at brutal na tinatrato ng kanilang mga employer, na makaisang-panig na nagbabawas ng pasahod, at/o nag-aantala ng pagbabayad ng sahod, at/o tumatanggi na bayaran ang bahagi nila sa social security na karapatan ng manggagawa. Bagama’t tumaas sa pangkalahatan ang antas ng pamumuhay ng populasyon sa China, ang mayorya ng mamamayan ay natali sa antas ng kita na di-tumataas sa ikabubuhay, nang wala o maliit na pondo sa kalusugan/pagretiro, at napakaliit na katiyakan sa trabaho. Sa mga taong kamakailan, papalaking bilang ng mga employer na lubog sa utang ang basta na lamang nagsara ng empresa at tumakas. Tumitindi ang pagmaltrato sa manggagawa habang tumutumal ang tubo ng mga employer. Nag-alsa ang mga manggagawa para tutulan ang lumalalang kalagayan sa pamamagitan ng mga welga at protesta, na dumarami mula sa kabuuang bilang na 200 noong 2011 tungo sa 2,650 noong 2015. Magmula 2015, sumagot ang gobyerno ng China ng mas mababagsik na hakbang para supilin ang ganitong lantarang paglaban sa makahayop na panggugulpi at minsa’y pagpatay sa mga nakawelgang maggagawa at pagkulong sa kanilang mga lider.9

May mga sukdulang resulta rin ang nauubos na rekurso at sobrang polusyon sa kapaligiran ng China. Napakalimitado ang mapagkukunan ng tubig at isa sa 13 bayan ang China na may pinakamababang suplay ng tubig bawat tao. Hindi maiinom kahit dumaan sa treatment ang tubig sa 85% ng anim na pinakamalalaking ilog ng China. Umabot sa 60% noong 2013 ang porsyento ng ground water na inabot ng polusyon.10 Sa kasalukuyan, walang sapat na tubig para sa mga residente ng 400 sa 600 na pangunahing mga syudad ng China. Patuloy na naghuhukay nang mas malalim ang mga syudad para sa tubig, lumilikha ng pagkasaid ng ground water. Sabi ng Ministry of Water Resources ng China na ang ganitong gawain ay hindi lamang nagpapalubha sa kakulangan ng tubig kundi ibinababa ang kalidad ng tubig

9 See: http://www.cnn.com/2017/02/22/asia/china-labor-unrest-we-the-workers/index.html10 The Economist, May 17th-23rd 2014, 44

Page 89: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 81

at pinalalaki ang panganib sa lindol at pagguho ng lupa.11 Kasing lubha ang polusyon ng hangin sa China. Umabot na sa sagarang antas ng pagkalason ang polusyon ng hangin sa mga syudad sa hilaga. Nasukat ang particulate matter na hindi hihigit sa 2.5 microns ang laki (PM2.5), pinakamapaminsalang tipo ng nakalalasong usok, regular na umaabot nang 40 na ulit sa maksimum na antas na pinapayagan ng World Health Organization.

Para itaas ang tantos ng paglago ng GDP, nawala nang husto sa hugis ang ekonomya ng China. Umabot ang pamumuhunan ng gobyerno at negosyo sa 38.7% ng GDP noong 2006 — napakataas na antas kung ikukumpara kapwa sa maunlad at umuunlad na bayan. Pagkaraa’y tumugon ang gobyerno sa dulot ng 2008 na krisis sa pamamagitan ng pampasiglang plano sa ekonomya na $586 bilyon, na sa kalakha’y ginugol sa masasaklaw na proyekto sa pamumuhunan. Sa gayon lalong naitaas ang bahagi ng pamumuhunan sa GDP, na sa ngayo’y mahigit 50 porsyento.12 Ang di-nagbagong matataas na antas ng pamumuhunan ay hindi lamang lumikha ng overcapacity ng mga pabrika, kundi sa lahat ng uri ng imprastraktura, at sa komersyal at residensyal na pabahay. Walang gumagamit sa maraming malalapad na kalsada na ginawa sa maliliit na bayan, habang walang laman ang buu-buong syudad at bayan na may maraming hilera ng mga gusaling komersyal at residensyal, mga kalsada, otel at exhibition centers. Sa nakaraang tatlong dekada, sumagupa ang produksyon ng China nang ganoon kalakas at kabilis, napaniwala na naging bagong lumilitaw na imperyalistang kapangyarihan ang China. Subalit ang mas malalim na siyasat ang nagpapakita na nauubos na ang lakas ng mga pwersang tumutulong sa ganitong lumitaw na pangyayari.

IV. Pagtanaw sa hinaharap

Habang masinop na sinusuri natin ang kasalukuyang anyo ng imperyalismo, nakita natin ang tila di-mapigilang halimaw na sistemang tumatangay sa daigdig sa pinakawalang pandaigdigang monopolyo kapital, walang-awang sumisira sa mamamayan, lupa at kalikasan. Ang walang pagkabusog na layuning palawakin ang kapital ay nauwi sa labis na pagbungkal ng lupa, labis na panginain sa pastuhan, labis na pangingisda sa mga ilog at dagat, at nagbubuhos ng nakamamatay na dami ng kemikal at basura sa lupa, hangin at tubig, lumilikha ng di-mapapanauli na pagkasira sa mundo. Sobra-sobrang nabiyayaan ng imperyalismo ang monopolyo kapital pero sinasalanta ang mayorya ng populasyon sa daigdig, sinisira ang mga rekurso nito at winawasak ang likas na kapaligiran. Tinukoy ni Lenin may 100 taon ang nakaraan na dekadente ang imperyalismo. Malinaw na ngayon na bumilis pa ang pagkabulok nito. Gayunpaman, kaalinsabay nito, ang halimaw na sistemang ito sa mas malalim na pagsusuri ay napakarupok din — naitayo sa barahang-bahay (papel na US dollars).

11 China’s Water Shortage to Hit Danger Limit in 2030” People’s Daily Online: http://english.peopledaily.com.cn/12 See IMF working paper “Is China Over-Investing and Does it Matter?”

Page 90: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

82 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Sa mga susunod na taon, makikita natin ang monopolyo pinansyang kapital na hindi pa rin makukuntento sa bumagal na tantos ng akumulasyon. Muli nitong sasaksakan ng malaking liquidity ang pandaigdigang ekonomya para palobohin ang asset prices at lumikha ng mas malawak at mas malalim na mga krisis. (Hudson, 2012)

Higit kailanman sa kasaysayan ng kapitalismo/imperyalismo, lalong magkasanib ang pandaigdigang uring kapitalista sa kanilang interes. Kaalinsabay, seryosong hinahamon ang imperyalismo ng malakas na pagtutol ng mamamayan mula sa ibaba, sa buong daigdig. Samakatwid, mas paborable kaysa nakaraan ang materyal na kalagayan para sa internasyunal na pagkakaisa ng uring manggagawa. Nasa sa atin na suriin ang kasalukuyang anyo ng imperyalismo, magbuo ng estratehiya at organisahin ang pakikibaka laban dito, at gapiin ito. Wala pang katulad sa nakaraan ang mga pakikibaka sa paggawa at kalikasan ngayon sa China sa kabila ng brutal na panunupil ng gobyerno kamakailan. Dapat isabalikat ng uring manggagawa ng China ang mas malaking responsabilidad dahil sa laki at halaga nito at bunga rin ng pamana ng rebolusyon at sosyalismo na taglay nito. Nagbigay ang karanasan ng China sa mga dekadang kamakailan ng mas malalim na pag-unawa ng mamamayan kung bakit inilagay ni Mao sa pinakamataas na prayoridad ang kasarinlan ng China sa pulitika at ekonomya at kung bakit sa ilalim lamang ng sosyalismo makakamit ang gayong kasarinlan.

MGA SANGGUNIAN:

Eichengreen, Barry, Exorbitant Privilege, The Rise and Fall of the Dollar and the Future of the International Monetary System, Oxford University Press, 2011

Helleiner, Eric, States and the Reemergence of Global Finance from Bretton Woods to the 1990s, Cornell University Press, 1994

Hudson, Michael, The Bubble and Beyond, Fictitious Capita; Debt Deflation and Global Crisis, ISLET – Verlag, 2012

Lapavitsas, Costas, et al., Crisis in the Euro Zone, Verso, 2012

Lenin, Imperialism, the Highest Stage of Capitalism, Petrograd 1917

Page 91: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Imperyalismo, Ultra-imperyalismo at ang Pag-angat ng China

Fred Engst

Minarkahan ng pandaigdigang krisis pinansyal na sumaklaw noong 2008 ang pagputok ng bula ng “kasaganahan” at ang krisis ng pandaigdigang kapitalistang ekonomya. Ang pagputok ng ganitong bula ay resulta ng pandaigdigang sistemang imperyalista, na pinamumunuan ng imperyalistang US, na nagsisikap na pangibabawan ang pundamental na krisis ng labis na produksyon sa loob ng kapitalistang sistema. Bukod sa ibayong “pagbaha” ng madaling salapi sa pamilihan nito sa pamamagitan ng patakarang tinaguriang “Quantitative Easing”, nanlulupaypay sa kasukalan ang mga mauunlad na bayan nang walang kapani-paniwalang pagbago. Ano pa bang paraan ang magagamit ng mga kapitalista ng daigdig para harapin ang susunod na di-maiiwasang krisis sa ekonomya na abot-tanaw?

Sapul nang krisis ng 2008, dumanas din ng makabuluhang pagbabago ang balanse ng kapangyarihan sa daigdig. Malalaki ang pagkakaiba-iba ng mga pananaw sa esensya ng ganitong pagbabago, kapwa sa buong daigdig at sa loob ng China.

Halimbawa, sa mga taon kamakailan, ang malawakang reklamasyon ba ng China sa mga isla sa South China Sea ay lehitimong hakbang na pagtatanggol sa sarili para ibalik ang sariling soberanya, o gawain ba ito para sa pagmamaton at paghahambog sa mga kalapit-bayan, habang inihahanda ang sarili sa imperyalistang hegemonya sa daigdig?

Ang pagtulak ba sa mixed-ownership sa kasalukuyang mga empresang pag-aari ng estado para pag-ibayuhin ang takbo ng pribatisasyon, sa gayo’y maging madaling target ang China para yurakan, salakayin, at sakupin ng mga Kanluraning korporasyong multinasyunal, o ito ba’y pagpapalakas ng panikwas ng State Capital Conglomerate, nabibigyan ng mas mahigpit na kontrol sa mas malaking kapital para mas mahusay na makipagkumpetensya sa daigdig sa mga Kanluraning kapangyarihan sa mga pamilihan at rekurso?

Ang nakaraang pagrurok ba ng “panggugulo” ng mga manggagawa o welga sa buong China bunsod ng manipulasyon ng mga dayuhang kaaway na pwersa, o ito ba’y palatandaan ng tumitinding panloob na makauring tunggalian?

Ang “Pangarap ng China” ba ay nagpapabilis ng sarili nitong kolonisasyon, o ito ba’y “pag-aasam” na imperyalista?

Page 92: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

84 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Bukod sa iilang “kaliwang” alarmistang makabansa na sumisigaw araw-araw na “paparating ang lobo”, hinihiyaw na ginagawang kolonya ang China, di-mapapasubaliang kinikilala na ng karamihan kapwa sa sariling bayan at sa ibayong-dagat ang pag-angat ng China. Kahit ang gobyernong Pilipino, na laging sunud-sunuran sa linya ng imperyalistang US, ay nakita ang pagpihit ng balanse ng kapangyarihan sa daigdig at sinamantala ang China-US na ribalan para kumuha ng mas malalaking oportunidad sa pang-ekonomyang pag-unlad sa sariling bayan.

Malinaw na humahamon sa umiiral na pandaigdigang sistemang imperyalista ang pagkatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), ang estratehiyang “One Belt, One Road” o mas mainam “Belt and Road Initiative”. Kinailangang mag-iba ng tono ang mga nagtataas ng babala ukol sa pagkolonya sa China.

Ang pag-angat ba ng China ay magiging malaking kapangyarihan na sumusulong tungo sa imperyalismo?

Ang matitibay na maka-kanan ay alinman sa kapal-mukhang ikinasabik ang pag-angat ng China sa kanilang deklarasyon: “Nakakapanatag makita ang bayan ko na umaastang maton”, o nagpapahayag ng pagkabahala ukol sa mga paghamon na inihaharap ng China sa kasalukuyang pandaigdigang sistemang imperyalista. Gayundin nahahati sa isyung ito yaong nagpapakilalang nasa “kaliwa”. Kaya’t ano ba ang malaking usapin sa pag-angat ng China?

Sangkot sa malaking usaping ito ang mismong kalikasan ng kasalukuyang lipunan sa China, sangkot ang mga posisyon, prinsipyo at patakaran na dapat tanganan ng uring manggagawa sa China, kasama ang proletaryado sa buong daigdig, sa harap ng mga tunggalian sa pagitan ng China at pandaigdigang sistemang imperyalista na pinamumunuan ng US. Malaking usapin ito!

Para wastong maunawaan ang kasalukuyang sitwasyon, kailangan nating masagot ang mga sumusunod na katanungan::

• Ano ang imperyalismo?

• Nananatiling totoo pa ba ang pananaw ni Lenin na “imperyalismo ang monopolyong yugto ng kapitalismo”? Sa ibang salita, nagiging lipas na ba ang teorya ni Lenin sa isang bagong katangian ng imperyalismo, iyon ay ang globalisasyon ng kapitalismo?

• Kung wasto ang deklarasyon ni Lenin na “imperyalismo ang pinakamataas na yugto ng kapitalismo”, kung gayon ang imperyalismo ba sa hugis ng estado monopolyo kapitalismo ay desperadong paghihingalo habang namamatay na ang kapitalismo?

Page 93: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 85

• Ang sumisikat ba na State Capital Conglomorate sa China ay pwersang sosyalista na lumalaban sa hegemonya, o gulugod ng lakas pang-hegemonya?

• Sa hinaharap ng komprontasyong China-US, may mapupulot ba na aral sa paligsahan sa armas, proxy wars, at labanan sa saklaw ng impluwensya sa pagitan ng Soviet Union at United States noong Cold War?

Para masagot ang mga tanong na ito, hindi lamang natin kailangang mabukud-bukod ang mga batayang katotohanan sa kasalukuyang pandaigdigang kapitalismo kundi mahigpit na masapol din ang teoretikal na balangkas para suriin ang mga katotohanang ito. Ito’y dahil nasa panahon tayo ng impormasyon. Araw-araw, bawat sandali, binabayo tayo ng laksa-laksang impormasyon. Kung ayaw nating malunod sa dagat na ito ng impormasyon, kailangan nating magkaroon ng malinaw na teoretikal na balangkas para suriin ang impormasyon.

Sa layuning ito, una muna nating ibubukud-bukod ang katotohanan ukol sa kapitalistang daigdig ngayon, at suriin ang mga batayang kontradiksyon sa panahon ng imperyalismo. Pagkatapos ay tutuklasin natin ang teoretikal na balangkas na kailangan para masuri ang mga katotohanan at kontradiksyon. Ito ang maglalatag ng pundasyon para sa pinal na pagsusuri ng mga tunggalian ngayon sa pagitan ng umaangat na kapitalismo ng China at imperyalistang sistemang pinamumunuan ng US.

1. Isang larawan ng pandaigdigang monopolyo kapital

Sapagkat kumakatawan ang Gobal 500 ng pinakamakapangyarihang mga monopolyo sa daigdig, magandang magsimula rito para sa ating pagsusuri.

Mula sa distribusyon ng Global 500, makikita natin na konsentrado sa tatlong sentroang lakas ng kasalukuyang mga kapitalistang monopolyo sa buong daigdig. Pinakamalaki ang United States, sinundan ng Germany, Britain, France, at iba pang lumang imperyalistang bayan ng Western Europe, at ikatlong sentro ay sa Asia, pinangungunahan ng China at Japan.

Makikita sa ibayong pagsusuri sa Global 500 ang maraming mahahalagang katangian ng mga monopolyong kapangyarihan sa buong daigdig.

Batay sa Table 1, mga multinasyunal na nakabase sa US ang bumubuo ng humigit-kumulang 24% ng kabuuang assets ng Global 500 noong 2016; binubuo ng Germany, Britain, France at iba pa sa Western Europe ang 32%; binubuo ng China (kabilang ang maliit na porsyento ng Hong Kong at Taiwan) ang 23%; binubuo ng Japan ang 12 porsyento lamang. Ang natitira ay 9% lamang. Syempre pa, hindi sinasalamin sa ganitong paghihimay ng mga assets ang epekto ng kapital ng isang

Page 94: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Figure 1: Distribution of the Global 500

Source: http://beta.fortune.com/global500/visualizations/?iid=recirc_g500landing-zone1

Table 1: Share of profits, sales, and assets (column peak in bold) among countries/regions in the Global 500

Countries / Regions% on the list % of Profit % of Sales

% of Assets

2014 2016 2014 2016 2014 2016 2016

U. S. 26% 27% 28% 46% 41% 31% 24%

W. Europe 28% 28% 30% 16% 21% 27% 32%Japan 11% 10% 10% 7% 7% 9% 12%

China 20% 22% 20% 23% 16% 22% 23%Others 15% 13% 13% 8% 15% 10% 9%Source: Compiled from Fortune 500 website (http://www.fortunechina.com/fortune500/c/2016-07/20/content_266975.htm)

Page 95: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 87

bayan sa daigdig. Ang malawak na mayorya ng assets ng China ay nasa loob ng sariling bayan, habang marami sa mga assets ng matatandang imperyalista ay nasa dayuhang bayan.

Sa pagtilad-tilad sa Global 500 ayon sa pinansya, manupaktura at serbisyo, tulad sa Table 2, makikita natin na bukod sa mga tubo (na kinukuha ng sariling sektor sa pinansya), nangunguna ang mga industriya ng China sa sektor ng manupaktura sa lahat ng sukatan.

Dagdag pa sa datos ng Global 500, nakakagulat din ang pag-angat ng China sa usapin ng iba pang palatandaan. Sa produksyon ng bakal, paglikha ng enerhiya, produksyon ng kotse, kahabaan ng matulin na riles, aplikasyon sa patente, bilang ng mga gradweyt na mataas ang pinag-aralan, at iba pa, nasa ibabaw ang China sa daigdig (liban sa batayang per capita, dahil sa laki ng populasyon nito). Sa usapin ng armas, lampas sa Britain at France, ikatlong pinakamalaking eksporter ng armas ang China, kasunod lamang ng United States at Russia. Kung ikukumpara, ang India ay isang bayan na nagsisikap na maging kapangyarihang nagpapalawak sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbili ng armas.

2. Mga kasangkapan na ginagamit ng mga imperyalista para dambungin ang mundo

Kahalintulad ng relasyong panloob sa isang bayan na inaapi’t pinagsasamantalahan ng uring kapitalista ang uring manggagawa, ang relasyon sa pagitan ng mga imperyalista at iba pang bayan sa daigdig ay relasyon ng hegemonya at pagsasamantala ng una sa huli. Gayunpaman, ang pang-aapi at pagsasamantala ng uring kapitalista sa uring manggagawa ay dinaraan sa kontrol nito sa mga kasangkapan sa produksyon (tulad ng mga pabrika at empresa). Nagagawa nitong mapiga ng kapitalista ang labis na halaga, iyon ay ang agwat sa pagitan ng halagang nalilikha ng isang yunit ng lakas-paggawa sa isang takdang panahon (hal., isang taon) at ng halaga ng yunit ng lakas-paggawa sa isang takdang panahon (hal., isang taon), humigit-kumulang sa pamamagitan ng prinsipyo ng patas na palitan.1

Kung ikukumpara, medyo kaiba ang relasyon sa pagitan ng mga kapangyarihang imperyalista at yaong napagharian at pinagsasamantalahan ng imperyalistang sistema. Ang pagsasamantala rito ay hindi nagagawa ayon sa prinsipyo ng patas na palitan. Kung hindi, walang iiral na imperyalismo.

1 That is to say, the value that a labor can create within a year is much higher than the value of goods or services that are necessary to maintain the survival of that labor for a year, expressed in terms of its wage. In general, what a capitalist buys through a wage is a worker’s laboring power, including the cost of raising the young and caring for the old, not the value that a worker can create. This is just like the average value of an ox on a farm is based on the cost of raising and feeding an ox (before tractors came along), not what an ox can do. In this sense, the exchange of the commodity labor power with wages is an exchange of equal value.

Page 96: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Tabl

e 2:

Sha

re o

f pro

fits,

sales

, and

ass

ets (

colu

mn

peak

in b

old)

am

ong

coun

tries

/reg

ions

in th

e 20

16 G

loba

l 500

by

secto

rsSe

ctors

Finan

ceMa

nufa

ctorin

gSe

rvice

Coun

tries

/ Re

gions

# listed

% listed

% Profit

% Sales

% Assets

# listed

% listed

% Profit

% Sales

% Assets

# listed

% listed

% Profit

% Sales

% Assets

U. S

.25

22%

30%

24%

23%

5520

%54

%23

%23

%51

47%

60%

56%

46%

W. Eu

rope

3733

%15

%34

%34

%68

25%

10%

27%

26%

3229

%29

%22

%28

%

Japa

n11

10%

6%9%

12%

3212

%11

%11

%10

%7

6%1%

6%10

%

China

2320%

37%

23%

22%

7528%

18%

27%

30%

1110%

7%9%

12%

Othe

rs17

15%

12%

10%

9%39

14%

6%12

%11

%8

7%3%

6%4%

Sourc

e: Co

mpile

d from

the F

ortun

e 500

web

site (

http:/

/www

.fortu

nech

ina.co

m/for

tune5

00/c

/201

6-07/

20/c

onten

t_26

6975

.htm)

Page 97: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 89

Nang mabuwag ang lumang sistemang kolonyal, sa anong daluyan ipinagpatuloy ng mga pandaigdigang imperyalista ang kanilang sistema ng paghahari, pandarambong at pagsasamantala?

Ang sumusunod na kategorya ang tila maglalagom nito: Imperyo ng dolyar o upa, pinansyal na pandarambong o pagkaalipin sa utang, mga monopolyo sa teknolohiya at rekurso. Lahat ng ito ay nangangahulugan ng pagnanakaw o lubhang di-pantay na palitan.

A. Imperyo ng dolyar: Tinatamasa ng imperyo ng Dolyar ang pinakamataas na tantos ng tubo, dahil ang gastos nito ay halos wala. Sa simpleng pag-imprenta ng pera, nagagawa ng mga imperyalista ng US na tuwirang dambungin ang yaman at rekurso mula sa lahat ng iba pang bayan. Gayunpaman, ang tubo mula rito ay limitado, dahil hindi maaaring umasa ang US sa pag-imprenta ng pera para mabuhay ng walang-hanggan.

B. Pinansyal na pandarambong: Ang tantos ng tubo mula sa pinansyal na pandarambong, na nakukuha ng mga tulad ng investment banks ng Wall Street at mga pandaigdigang institusyon tulad ng IMF at World Bank, ay hindi kasing-taas ng imperyo ng Dolyar. Gayunpaman, isa itong anyo ng usura o pagkaalipin sa utang. Sa mataas na tantos ng interes na matatawag lamang na pangingikil, napupwersa ang mga bayan mula sa Asia, Africa at Latin America na gamitin ang kanilang eksport para magbayad sa pagkakautang, o kumuha ng bagong pautang para bayaran ang dating utang. Ang kabuuang tubo sa daluyang ito ay lubhang napakalaki. Walang palitan ng parehong halaga, tahasang pandarambong lamang.

C. Monopolyo ng rekurso: Nakakakuha ang mga transnational corporations ng labis-labis na tubo sa pamamagitan ng monopolyo sa likas na yaman, tulad ng bakal, langis (o sa kontrol ng mga bayang may produksyon ng langis tulad ng Saudi Arabia). Gayunpaman, may pagka-limitado ang ganansyang salapi sa di-patas na palitan mula sa ganitong lumang estilo ng monopolyo ng rekurso.

D. Monopolyo sa Teknolohiya: Ang pandarambong ng yaman dito ay tuwirang nakakamit sa di-patas na palitan, dagdag pa sa pagpiga ng sobrang halaga. Kinikilala ng labor theory of value na ang isang kalakal ay maaaring magtaglay lamang ng iisang halaga, na hindi mas malaki ang halaga ng produkto ng di-episyenteng prodyuser. Gayunpaman, ang palitan ng iba’t ibang produkto, laluna sa pagitan ng iba’t ibang bayan, ay mas kumplikado. Ginagamit ng mga mauunlad na bayan ang kanilang “capital-intensive” o high-tech na produkto kapalit ng “labor-intensive” na mga produkto mula sa di-kasing-unlad na bayan. Ang palitan dito ay hindi patas na halaga. Iyon ay, nakakakuha ang mga mauunlad na bayan ng mga produkto sa ibang bayan, na nagtataglay

Page 98: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

90 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

ng mas malaking socially necessary labor time (kailangang oras-paggawa na takda ng lipunan), kapalit ang sarili nilang mga produkto, na nagtataglay ng kakaunting kailangang takdang oras-paggawa. Ito ang pangunahing anyo ng paglipat ng labis na halaga sa internasyunal na kalakalan.2

Halimbawa, ilang taon ang nakaraan, para makabili ng Airbus 380, kailangang magbenta ang China ng daan-daang milyong pantalon bilang pamalit. Kahalintulad dito, ang mga produktong agrikultural ng US ay tinatawag na produktong “capital-intensive”. Ang halaga ng isang taon na mga produkto ng isang karaniwang magbubukid sa US, gaya ng isang libong toneladang mais, kapag ineksport sa Mexico, sa isang iglap, ay magba-bangkrap sa dose-dosena o daan-daang magsasaka, napipilitan silang magtrabaho sa export processing zone, para gumawa ng tela, eletronics, at iba pang produkto na ibinebenta nang mura pabalik sa United States. Sa gayon, ang isang taon na halaga ng paggawa ng isang magbubukid sa US ay maipapalit sa produkto ng dose-dosena o daan-daang manggagawa ng Mexico sa isang taon. Kung ihahambing, ang palitan ng produkto sa pagitan ng mauunlad na bayan ay mas palitan ng patas na halaga. Sapagkat ang kapwa panig ay may sariling bentahe sa teknolohiya at ispeyalisasyon, kaya’t ang palitan ng produkto ay may maliit na pagkakaiba sa taglay na oras-paggawa.

Ang huling daluyan na ito ng di-patas na palitan ay mahalagang mailinaw pa, dahil laganap angmaling pag-iisip ukol sa epekto nito sa uring manggagawa sa mauunlad na bayan. Batay sa Marxismo, ang di-patas na palitan na ito ay bumabawas nang malaki sa gastos sa paggawa sa mauunlad na bayan, nagagawang mapanatili ng kapitalista roon ang kakayahang tumubo sa pamamagitan ng pagbaling ng di-maiiwasang pagbagsak ng tantos ng tubo dahil sa tumataas na organikong komposisyon ng kapital. 3 Ihambing ang pagsusuring ito sa pahayag na: “Bilang resulta, ang ‘New Deal’ matapos ang 1945 ay nagtulot sa uring manggagawa ng kanluran na tumanggap ng bahagi ng pandaigdigang labis na halaga kapalit ng kanilang pampulitikang kooperasyon sa kapitalistang sistema.”4 Kung totoo ang pahayag na ito, walang materyal na batayan ang uring manggagawa sa daigdig na magkaisa. Ang katotohanan ay tuluy-tuloy na bumabagsak ang tunay na sahod ng uring manggagawa sa mauunlad na bayan habang lalong nagiging global ang kapitalistang daigdig. Ang karaniwang sahod ng uring manggagawa sa anumang bayan, maunlad o hindi, ay humigit-kumulang ang gastos sa reproduksyon ng lakas-paggawa sa bayan na iyon, ibig sabihin, ang gastos sa pagpapalaki ng anak, pagpapaaral sa kabataan, pagpapakain

2 See for example Table 6-2 in Minqi Li, Yaozu Zhang, Zhun Xu, and Hao Qi, The end of Capital - People’s Political Economy for the 21st Century, China Renmin University Press (March 2016).3 That is, while living labor is organic, materialized labor, such as tools, equipment, and buildings, are inorganic. Since value can only be created by living labor, and therefore the more capital-intensive production method is used, the proportion of the total investment in living labor become smaller, so the value created by labor compare to the total capital outlay becomes smaller, thus the falling rate of profit. See for example chapter 13 of Das Kapital, Volume 3 by Karl Marx4 Minqi Li, China and the Twenty-First Century Crisis. London: Pluto Press (October 2015)

Page 99: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 91

sa nagtatrabaho, pag-aalaga sa matatanda, walang kinalaman kung gaano man kalaki ang agwat sa mga bayan.

Kung walang monopolistikong kontrol sa syensya at teknolohiya ng mauunlad na bayan, magagawa ng mga di-kasing-unlad na bayan na matutunan nang mabilis ang anumang bagong teknolohiya (dahil ang imitasyon ay mas mabilis kaysa inobasyon) at malundag pasulong ang kanilang proseso ng pag-unlad, tulad ng ginawa ng ayudang Sobyet sa China.5 Kumikiling sa palitan ng patas na halaga ang palitan ng produkto sa pagitan nila. Ito ang dahilan kung bakit pinipigilan nang husto ng mga imperyalista na huwag matutunan ng mga di-kasing-unlad na bayan ang anumang bagong teknolohiya.

Sa lahat ng daluyang ginagamit ng mga imperyalista para nakawin ang yaman at rekurso ng daigdig, ang pagkontrol nila sa mga teknolohiya ang pinakapundamental. Kung ikukumpara, mga kolonyal na estilo ng paglipat ng kayamanan ang monopolyo sa rekurso. Nauuwi ang dalawang ito sa pampinansyang pandarambong, at sa huli’y imperyo ng Dolyar.

Kapag napupwersa ang ibang bayan na gamitin ang Dollar, Euro, British Pound, o Japanese Yen bilang reserbang pananalapi sa internayunal na kalakalan, lumalabas na tinutulutan ng mga kapangyarihang imperyalista ang kanilang sarili na kamkamin ang mga rekurso at yaman mula sa ibang bayan sa simpleng pag-imprenta ng pera. Ang iba pang nasa imperyalistang kampo, tulad ng Canada o Australia, samantalang hindi gaanong makapandambong sa pamamagitan ng pag-imprenta ng pera, ay nakapagnanakaw pa rin sa buong daigdig sa pamamagitan ng bahagi nila sa hegemonya sa pinansya, rekurso at teknolohiya.

Batay sa pagsusuri sa itaas, sa usapin ng mga daluyan na iyon, ano ang sitwasyon ng China kung ikukumpara sa iba pang umuunlad na bayan, tulad ng South Korea, India, Brazil, at iba pa?

A. Sa inaabot ngayon, hindi pa nakakakuha ng malaking pribilehiyo ang China sa katayuan ng reserbang pananalapi sa IMF, liban sa ilang maliliit na rehiyon sa South East Asia na tumatanggap sa Renminbi bilang lokal na pananalapi. Gayunpaman, nagsisikap nang husto ang China na matanggap ng daigdig ang sarili nilang pananalapi, para matamasa ang pribilehiyong reserbang pananalapi kahalintulad ng Euro o Yen. Walang hinaharap ang South Korea, India o Brazil sa ganitong usapin.

5 Before the withdrawal of all professional experts in 1960, the aid projects that the Soviet Union provided to China were generous direct technology transfers. It shortened the industrial accumulation process of China by a decade or two. Today, no home countries of those Global 500’s will aid any of the developing countries by way of direct technological transfer without strings attached, as did the Soviet aid to China, or as the Chinese aid to Asian and African countries during Mao’s era.

Page 100: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

92 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

B. Walang masyadong pampinansyang impluwensya ang China, sa ngayon man lamang. Dahil bagong salta ito, hindi pa ganap na nakikita ang tunay nitong katangian; iilang bayan ng Asia at Africa ang talagang nabibitag. Gayunpaman, nailatag ng pagtatatag ng AIIB ang solidong pundasyon para sa pag-unlad ng kapangyarihan sa pinansya ng China. Hindi pa natitipon ang impormasyon ukol sa South Korea, India o Brazil para makagawa ng tiyak na husga sa ngayon, liban sa hindi tatapat sa China ang kanilang hinaharap.

C. Sa ngayon, China ang naging “biktima” ng monopolyo sa rekurso ng Kanluran. Sa pagbili ng sari-saring rekursong estratehiko sa buong daigdig, sinisikap ng China na baguhin ang umiiral na kalagayan, at makuha ang kontrol sa mga ito. Sa pagkukumpara, naghihirap sa rekurso ang South Korea, habang ang rekurso mula sa India at Brazil ay may tunguhing makontrol ng mga dayuhang korporasyong multinasyunal. Wala pang ibayong imbestigayon, wala pang magagawang tiyak na konklusyon ukol sa mga bayan na iyon sa ngayon.

D. Nasa proseso ang China na buwagin ang monopolyo sa teknolohiya ng Kanluran. Bagama’t hindi ito makapagkalakal sa mauunlad na bayan sa batayan ng patas na palitan, dahil hindi naman kasing taas ng mas mauunlad na bayan ang kapangyarihan nitong magbenta at kalakip na teknolohiya, mabilis na nagbabago ang kalagayang ito. May kainaman ang pagtubo ng lumalawak na pag-eksport ng China ng mga kagamitang industriyal at makinarya, tulad ng high-speed na gamit sa riles ng tren at pag-eksport ng armas. Higit na nagiging patas na palitan ang kalakalan ng produkto ng China at mauunlad na bayan, habang yaong sa Asia, Africa o Latin America ay may tendensyang maging higit na palitang di-patas pabor sa China. Tinatamasa rin ng South Korea ang ilang tubo mula sa di-patas na palitan, subalit hindi gaano para sa India o Brazil. Gayunpaman, kailangan ng dagdag na pag-aaral sa mga detalye sa mga larangang ito.

Kung gayon, kumpara sa South Korea, India o Brazil, nakahanda ang China na maging imperyalistang bayan; sa pinakamenos ay dumaraan ito sa proseso ng kantitatibong pagbabago tungong kalitatibong pagbabago.

3. Mga tunggalian at mga krisis sa imperyalistang daigdig

Para maintindihan ang imperyalismo, kailangang maintindihan ang panloob nitong paggalaw at mga kontradiksyon. Ilan sa pinakasaligang mga tunggalian sa loob ng kapitalismo ang sumusunod. Una ang tunggalian sa pagitan ng paggawa at kapital. Sumunod ang klasikal na krisis ng labis na produksyon ng kapitalismo. Hindi lamang nito itinutulak ang kapitalismo tungo sa imperyalismo, pinatitindi rin nito ang ribalan sa pagitan ng mga kapangyarihang imperyalista. Ikatlo ang tunggalian

Page 101: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 93

sa pagitan ng umuunlad na bayan at mga imperyalistang bayan sa buong daigdig. Ito at ang antagonimso sa pagitan ng uring manggagawa at kapitalista sa loob ng bawat bayan ay mas mahusay rin na maiintindihan sa krisis ng labis na produksyon sa loob ng kapitalismo.

1) Ang tunggalian sa pagitan ng paggawa at kapital

Ito ang pinakasaligan at pinakamatinding kontradiksyon sa kapitalistang lipunan. Ipinapakita ito sa katotohanang lahat ng bayan sa daigdig ang gumagamit ng mapang-aping kasangkapan ng estado (mga korte, pulis at hukbo) para ipagtanggol ang kapitalismo, para supilin ang anumang paglaban ng kanilang sariling mamamayan sa pribadong pag-aari sa mga kasangkapan sa produskyon. Sa panahon ng imperyalismo, hindi mapaghihiwalay ang lokal na makauring pang-aapi at pandaigdigang imperyalismo. Sa isang banda, kailangang iluwas ng imperyalismo ang krisis para maibsan ang makauring antagonismo sa loob ng bayan; sa kabilang banda, kailangang supilin ng mga imperyalista ang uring manggagawa sa buong daigdig para ipagtanggol ang tubo mula sa dayuhang pamumuhunan, at kaalinsabay, gamitin ang murang imports para supilin ang paglaban ng uring manggagawa sa loob ng bayan.

Hindi na tayo magpapalawig pa dahil alam na sa hanay ng kaliwa ang tunggalian sa pagitan ng paggawa at kapital.

2) Ang pang-ekonomyang batayan ng imperyalismo: paglakas ng kapangyarihang monopolyo at ang krisis ng labis na produksyon

“Hindi na mayor na banta sa kapitalistang ekonomya ang tradisyunal na pang-ekonomyang krisis sa anyo ng labis na produksyon, at malaki na ang nabawas sa tindi ng pinsala,” deklara ng isang alagad ng world-system theory, na nag-aangkin din na Marxista-Leninista-Maoista sa alyas na Voyage One sa progresibong sirkulo sa wika ng China. Para sa kanya, “ang pinakamalaking hadlang sa paglago ng kapitalismo sa hinaharap ay mga isyu ng enerhiya, rekurso at kalikasan.”6

Gayunpaman, paulit-ulit na ipinakita ng istorikong katotohanan na ang ugat na dahilan ng kapitalistang krisis sa ekonomya ay ang krisis ng labis na produksyon, hindi ang kung anong salik, tulad ng krisis sa rekurso o krisis sa ekolohiya at iba pa.

6 Voyage One: Combining the universal principles of Marxism-Leninism with the concrete reality of the Chinese revolution in the twenty-first century, Red China Weekly 2015, No. 33 (September 2, 2015), http://redchinacn.net/portal.php?mod=view&aid=23863.

For the latter stress on the ecological issue, see Minqi Li, An Age of Transition: The United States, China, Peak Oil, and the Demise of Neoliberalism, Monthly Review 59, no. 11 (April 2008), https://monthlyreview.org/2008/04/01/an-age-of-transition-the-united-states-china-peak-oil-and-the-demise-of-neoliberalism

Page 102: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

94 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Ito’y dahil ang produksyon sa ilalim ng kapitalismo ay para sa tubo. Magaganap lamang ito kung ang pinagsama-samang nagawa ng sosyalisadong produksyon ay higit pa sa kabuuang konsumo ng uring manggagawa. Ibig sabihin, tanging kung may kabuuang sarplas lamang, maitatransporma ang sarplas sa kabuuang tubo para sa kapitalista. Hindi na natin papansinin dito ang pagkonsumo sa luho ng mga kapitalista, ang depresasyon ng kapital, at ang bahagi ng sarplas na gamit para panatilihin ang kapitalistang makinarya ng estado, at iba pa, dahil maituturing na inawas na ito sa kabuuang nagawa. Sa ibang salita, ang mga produktong nagawa ng lahat ng manggagawa kapag pinagsama-sama ay dapat na mas malaki pa kaysa mga produktong binili ng lahat ng manggagawa, dahil walang matitirang sarplas para sa kapitalista. Habang mas malaki ang agwat sa pagitan ng kabuuang nagawa ng manggagawa at kabuuang nakonsumo ng manggagawa, mas malaki ang kabuuang sarplas. Sa ganito lumalago ang ekonomya.

Bagama’t nalilikha ang halaga sa pamamagitan ng produkyon, magiging ganap lamang ito sa pamamagitan ng palitan. Sa gayon, matatransporma lamang sa tubo ang mga sarplas na produkto kapag nabenta ng mga kapitalista ang mga produktong iyon sa iba pang kapitalista na bumibili sa mga ito bilang pamumuhunan para sa pagpapalawak ng produksyon. Ito ang kailangang kondisyon para sa pagsalin ng tubo sa sarplas na produkto, iyon ay akumulasyon ng kapital. Kung hindi, ang mga di-nabentang sarplas na produktong iyon ay magiging bunton ng labis na nagawang produkto. Ang pagpapalawak ng produksyon, gayunman, ay magpapalubha pa sa krisis ng labis na produksyon sa hinaharap. Sa oras na mawalan ng kumpyansa ang maraming kapitalista sa pagsalin ng tubo sa sarplas na produkto sa hinaharap, ibig sabihin, nawawalan ng kumpyansa sa bula ng pagpapalawak ng kakayahan sa produksyon, di-maiisan ang pang-ekonomyang krisis. Ito ang krisis ng labis na produksyon.

Marami ang nag-akala na ang pang-ekonomyang krisis ay bunga ng kakulangan sa konsumo ng mamamayan. Hindi ito totoo. Lagi nang kasama sa buhay ng malawak na mayorya ng sangkatauhan sa buong kasaysayan ang kakulangan sa konsumo. Bukod-tangi sa kapitalismo ang krisis ng labis na produksyon. Ang siklo ng pang-ekonomyang krisis ng kapitalismo ay hindi dulot ng paghina ng konsumo. Lalong maliwanag na dulot ito ng paglago ng nagawa na nilalampasan ang paglago ng konsumo. Dagdag pa, ang paunang sarplas na produkto ay kadalasang hindi produktong pangkonsumo kundi mga interedmedyang produktong pang-puhunan. Sa gayon, sa biglang-tingin, dalawang mukha ng iisang bagol ang labis na produksyon at kakulangan ng konsumo, pero hindi ganito. Absoluto ang labis na produksyon, at ang kakulangan ng konsumo ay relatibo. Labis na produksyon ang sanhi, at ang kakulangan ng konsumo ang epekto. Napakalinaw nito sa siklo ng negosyo: ang labis na produksyon ay lilikha ng kakulangan sa produksyon kapag huminahon ang tinatanaw na hinaharap para sa pagpapalawak, na mauuwi naman sa paghina ng tubo, nagreresulta sa pagtaas ng disempleyo, na kalaunan ay magdudulot ng pagbaba ng konsumo.

Page 103: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 95

Kung mapaplano ng kapitalismo ang paglago ng nagawa at konsumo nang sabayan ayon sa tamang proporsyon, magiging posible na maiwasan ang krisis ng labis na produksyon (tulad sa kaso ng planadong ekonomya sa Unyong Sobyet makaraang maupo sa kapangyarihan si Khrushchev at bago ito nawasak). Gayunpaman, hindi kinatatangian ang kapitalismo sa pangkalahatan ng monolitikong monopolyo ng isang all-in-one na estadong kapitalismo (ipinapakita sa pagkatibag ng Unyong Sobyet na mabuway na anyo ng kapitalismo ang all-in-one na estado monopolyo kapitalismo). Maliban kung may lumitaw na espesyal na pangangailangan (tulad sa panahon ng digmaan), hindi awtomatikong nagkokoordina ng kanilang produksyon ang mga kapitalista sa pangkalahatan. Sa kabaligtaran, ang mga kapitalistang gumagamit ng bagong teknolohiya o pamamaraan para sa malakihang pagpapalawak ng kanilang proseso ng produksyon ay may tunguhing magbaba ng kanilang gastos kada yunit at presyo. Magagawa nitong mas hindi kumpetitibo ang mga kapitalistang nahuhuli sa pagpapalawak ng proseso ng produksyon, kaya’t nagiging labis na nagawa ang kanilang mga produkto, malamang na tuluyang mapwersa palabas sa pamilihan. Resulta ito ng kompetisyon sa pagitan ng mga kapitalistang empresa. Ang labis na produksyon sa isang industriya kung gayon ay isang paraan para makipagkompitensya ang mga kapitalista sa isa’t isa.

Ang ganitong “nasa katinuan” na ugali ng indibidwal na kapitalista sa loob ng isang industriya ay nagiging ugaling “walang katinuan” ng kapitalismo sa kabuuan sa pangkabuuang antas. Para manatiling buhay, ang bawat indibidwal na kapitalista ay desperadong nagpapalawak sa laki ng produksyon, na nagreresulta sa mabilis na paglawak ng kabuuang kakayahan sa produksyon ng kapitalismo.7 Gayunpaman, ang ganitong kabuuang pagpapalawak ay magpapalaki lamang sa kabuuang sarplas ng mga kapitalista, kung ang paglago nito ay mas malaki kaysa paglago ng konsumo ng uring manggagawa. Sa oras na hindi maisalin ang kabuuang sarplas sa pagpapalawak ng pamumuhunan, sasambulat ang krisis ng labis na produksyon. Ito ang pundamental na kontradiksyon sa pagitan ng sosyalisadong produksyon at anarkiya sa produksyon sa ilalim ng kapitalismo, iyon ang puno’t dulo ng kapitalistang krisis.

Para maibsan ang krisis ng labis na produksyon, nangangailan ng alinman sa pagdiskubre ng bagong teknolohiya o napakalaking bagong pamilihan. Mapupwersa sa pag-imbento ng bagong teknolohiya na maligpit ang malaking bulto ng orihinal na pirmeng kapital sa puhunan, nagagawang maibsan nito ang labis na kapasidad pamproduksyon (tulad ng halos pagbura ng TV sa sinehan, pag-alis halos ng cell phone sa landline, saligang pagpalit ng digital camera sa film camera, o pagliban ng kotse at eroplano sa pampasaherong tren sa US, atbp.) Maaari rin na masipsip ang labis na kapasidad sa pagpapaunlad ng bagong pamilihan (tulad ng pagdiskubre sa isang “bagong kontinente”, iyon ang pagpasok ng China sa pandaigdigang sistemang kapitalista).

7 This is where financial capital came in. Those that render more control to financial capital have a greater speed for capacity expansion. Eventually, financial capital becomes the king of capitalism.

Page 104: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

96 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Kung hindi, para iligtas ang kapitalismo, kailangang wasakin ang labis na kapital! Tuwirang binubura ng natural na kalamidad ang kapasidad pamproduksyon para mabawasan ang kalabisan nito. Isa pang paraan ang mga digmaan para wasakin ang labis na kapasidad (matapos ang World War II, wasak ang Japan at Germany). Matapos sapat na mabura ng digmaan o natural na kalamidad ang labis na kapasidad, maaaring maibalik ang balanse ng pamilihan at nagagawa, nalilikha ang panibagong kalagayan para maganap ang bagong pamumuhunan.

Kung walang bagong pamilihan, bagong teknolohiya, natural na kalamidad o digmaan, mawawasak lamang ng malalim na pang-ekonomya krisis ang labis na kapasidad. Ang mas mahihinang kapitalista ay napupwersa sa pagka-bangkrap sa panahon ng krisis, sa gayo’y nabubura ang malaking bilang ng sarplas na kapital, tinutulutan ang kapasidad at pamilihan na makabalanse muli.

Di-tulad ng mga pyudal na kaharian na itinulak ng simpleng kasibaan, ang paglitaw ng modernong imperyalismo sa simula’y naglayon na maibsan ang panloob na labis na produksyon sa bayan. Ang nakasasapat-sa-sarili na kahariang pyudal ay mabubuhay nang hindi nagpapalawak, subalit kinakailangan na ang modernong imperyalista ay alinman sa magpalawak o mamatay. Sa pwersahang pagbubukas ng pamilihan ng mga kolonya, nagawa ng mga imperyalista na itambak ang kanilang mga produkto at dambungin ang mga bagong rekurso, sa gayo’y naiibsan ang labis na produksyon sa loob ng bayan. Kung gayon, di-maiiwasang resulta ng kapitalistang pag-unlad ang imperyalismo. Sa huling yugto lamang ng pag-unlad natransporma ang imperyalismo mula sa pag-eksport ng produkto tungo sa pag-eksport ng kapital. Sa umpisa pa lamang, sa pagmanipula ng pulitika at ekonomya (o pamilihan) ng ibang mga bayan, nagawang itambak ng neokolonyalismong US ang mga sarplas nitong produkto, lumikha ng mga bagong oportunidad sa pamumuhunan, at mag-eksport ng sariling krisis ng labis na produksyon.

Tumungo ang globalisasyon ng kapitalismo sa ibayong pag-unlad ng mga pamilihan, at pansamantalang naibsan ang krisis ng labis na produksyon sa loob ng sariling bayang imperyalista. Halimbawa, walang agad na makikitang palatandaan ng pagbawa sa pandaigdigang kapitalistang krisis na nagsimula noong kalagitnaan ng 1970s, na kinatawan ng krisis sa langis, at kahit noong kalagitnaan ng 1980s, hanggang dumagdag ang China sa pandaigdigang kapitalistang sistema, na nagbimbin dito hanggang 2008. Gayunpaman, ang resulta ay walang-katapusang problema ng krisis ng labis na produksyon sa buong daigdig! Kung walang mayor na bagong teknolohiya sa malapit na hinaharap para buksan ang bagong mga larangan sa pamumuhunan o pwersahang ilipit ang malalaking kantitad ng lumang kapital, mawawasak lamang ang labis na kapasidad sa daigdig sa pamamagitan ng mas malalim na pang-ekonomyang krisis, para maibalik ang balanse sa pagitan ng kapasidad at pamilihan.

Magkagayunman, nais ng mga kapitalista sa lahat ng bayan na wasakin ang kapasidad pamproduksyon ng mga karibal na kapitalista sa ibang bayan, para maibsan

Page 105: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 97

ang sariling labis na kapasidad. Lalong titindi ang mga tunggalian sa pagitan ng mga kapitalista. Konsentradong ekspresyon ng kapitalistang krisis sa panahon ng imperyalismo ang mga digmaan. Ito ang pundamental na dahilan kung bakit ang imperyalismo ay nangangahulugan ng digmaan

3) Tunggalian sa hanay ng mga imperyalista

Ang pangunahin ngayon ay ang ribalan sa pagitan ng mga Kanluraning kapangyarihang pinamumunuan ng imperyalistang US at Russia, tulad ng ipinakita sa krisis sa Ukraine noong 2014 at sa nagpapatuloy ngayon na krisis sa Syria. Sa pagpapadala ng Russia sa nag-iisa nitong aircraft carrier sa Middle East, para protektahan ang nag-iisang base-militar doon, tumitindi ang pagtatalo sa pagitan ng dalawang kampo.

Tumitindi rin ang ribalan sa pagitan ng imperyalistang US at ng EU. Halimbawa ng tunggalian sa pagitan ng EU at imperyalistang US ang pagtatayo ng Eurozone at ang Airbus joint venture. Inilantad din ng sovereign debt crisis sa EU ang mga kontradiksyon sa loob ng EU. Kaalinsabay, ginamit ng mga imperyalista ng US ang mga kontradiksyon sa loob ng EU para patindihin ang sovereign debt crisis, pinahihina ang paghamon ng EU sa US. Bagamat manipestasyon ng krisis ang Brexit, mas magiging hamon sa US ang EU na wala ang UK. Ito marahil ang dahilan kung bakit tutol ang imperyalistang US sa pag-alis ng Britain sa EU.

May salpukan din sa pagitan ng United States at Japan. Habang hinihigpitan ng US ang kontrol sa militar nito, hindi nagawa ng Japan na maging normal na bayan. Halimbawa, noong 1997 na pampinansyang krisis sa Asia, nagawang mapwersa ng US ang Japan na tanggapin ang programa ng IMF, na nauwi sa malalaking pagkalugi sa pamumuhunan nito sa Southeast Asia.

4) Ang kompetisyon para sa hegemonya ay makapagbibigay ng bagong pagkakataon para sa mga inaaping bayan

Dagdag pa sa mga tunggalian ng uri at mga tunggalian sa pagitan ng mga imperyalista, may mga tunggalian din sa pagitan ng tinatawag na mauunlad na bayan at umuunlad na bayan, iyon ay tunggaliang “North-South”. Sa esensya, ito’y mga kontradiksyon sa pagitan ng imperyalismo at inaaping bansa at mamamayan.

Isang unibersal na prinsipyo ang pagkakaisa ng magkasalungat. Ang paglitaw o pag-angat ng isang bagong imperyalistang kapangyarihan ay talagang may papel sa pagbuwag sa monopolyong kontrol sa umiiral na sistemang imperyalista. Binibigyan nito ang mga bayan ng third world ng pagkakataon na ilaban ang isa sa isa, tulad sa ribalan ng United States at Soviet Union noong Cold War. Isa pang halimbawa ang pagtatangka kamakailan ng gobyernong Pilipino na gamiting pang-tikwas ang pag-angat ng China para pagaanin ang kontrol ng imperyalistang US.

Page 106: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

98 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Malaking kawalan ang paggguhong panloob ng Unyong Sobyet para sa mayorya ng mga bayan ng third world, nagbunga ng mahigit 25 taon ng malayang pang-aabuso ng United States, para itulak ang talamak na neoliberal na kaayusang pandaigdig.

Sa ganitong pakahulugan, hangga’t malinaw na mauunawaan ng iba pang bayan ng third world ang kalikasan ng isang lumilitaw na imperyalistang bayan, magagawang masamantala ang mga kontradiksyon sa pagitan ng mga imperyalista, makakatulong sa mamamayan ng iba pang bayan ng third world ang pag-angat ng China para luwagan ang kontrol ng umiiral na dominasyong imperyalista.

Gayunpaman, ang salalayan ng ganitong konklusyon ay batay sa malinaw na pag-unawa sa imperyalismo. Kung hindi, kapag walang nagsasariling paninindigan sa pagharap sa mga ribalan sa pagitan ng mga imperyalistang kapangyarihan, mapanganib ang sitwasyon. Ang pagkampi sa isa laban sa isa ay hindi magpapalaya sa sarili sa huli.

Sa pagbabalik-tanaw sa isandaang taong nakaraan, nang magawang basagin ng imperyalistang US ang British Empire na “hindi nilulubugan ng araw”, pansamantala rin nitong “nakabig ang mamamayan” sa simula. Ang naging paborableng pagtingin ng mamamayan ng Asia o Africa sa pamumuhunan mula China ay hindi naghaharap ng katibayan, tulad ng giit ng ilan, na iba ang pamumuhunan mula China sa lumang estilo ng mga imperyalista.

5) Krisis sa kalikasan at pagkaubos ng rekurso

Bagama’t laging nasa ulo ng mga pahayagan ang global warming at krisis sa kalikasan, dapat tanawin ito ng mga Marxista-Lenista-Maoista sa paraang dialektikal. Samantalang sinisindihan nito ang pagtutol ng mamamayan ng daigdig sa kapitalistang moda ng produksyon, pinatitindi ang likas na mga kontradiksyon ng kapitalismo, partikular ang ribalang imperyalista para makontrol ang mga limitadong rekurso, nagtutulot din ito ng mga bagong oportunidad sa pamumuhunan, na may tunguhing patagalin ang kapitalismo. Kung ikukumpara sa di-mapagkakasundong tunggalian na inihanay sa itaas, malamang na mapapangibabawan ng kapitalismo ang bawat partikular na krisis pang-kalikasan.

Halimbawa, sa kasaysayan, kadalasang may kaugnayan sa natural na kalamidad ang mga pag-aalsang magsasaka ng sinaunang China. Subalit ang banta sa kapitalismo ng taggutom sa patatas noong ika-19 na siglo sa Ireland ay hindi kasing-lubha. Ang krisis sa kalikasan sa sarili nito ay hindi nangangahulugan na magdudulot ng krisis ng kapitalismo. Ito ay dahil ang pagkaubos ng mga rekurso sa sarili nito ay tila tunggalian sa pagitan ng tao at kalikasan, hindi pa tunggalian ng tao sa tao, at kung gayo’y hindi tuwirang nagbabanta sa kapitalismo. Dahil dito, ang lindol sa Japan kamakailan halimbawa ay hindi nagpaunlad sa kahilingan ng mamamayan ng Japan para sa sosyalismo.

Page 107: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 99

Syempre pa, ang pagkaubos ng mga rekurso ay nagbabanta kung mabubuhay pa ang partikular na kapitalista na may monopolyo sa mga ito, pero nabibiyayaan naman nang di-tuwiran ang kanilang mga karibal. Ang kakapusan sa natural na goma ay nagtaguyod ng pag-unlad sa elastomers, ang pagkasaid ng rekurso sa langis ay nagpasigla sa paggamit ng araw, atbp. Kung gayon, hindi nangangahulugang banta sa kapitalismo ang pagkaubos ng mga rekurso subalit makapagpaunlad ng inobasyong teknolohikal, makalikha ng bagong oportunidad sa pamumuhunan. Halimbawa, ang hydraulic fracking boom na sinimulan noong 2008 ay nagpalaki sa produksyon ng shale oil sa United States. Ang mga naunang baliw na eksperimento ng China sa wind power, photovoltaic at iba pang industriya na tumungo sa kasalukuyang malubhang krisis sa labis na produksyon ay dulot mismo ng “di-napapanahong pagkaantala” ng krisis sa kalikasan. Tulad ng sinabi sa The Economist mahigit isang dekada ang nakaraan: “Hindi nagtapos ang Stone Age dahil sa kawalan ng bato, at magtatapos ang Oil Age bago pa man maubusan ng langis ang mundo.”8

Samakatwid, ang kapitalismo mismo ay hindi binabantaan ng kakulangan ng rekurso, kundi ng labis na produksyon. Mas malamang na iligtas kaysa ilibing ng krisis sa kalikasan ang kapitalismo maliban kung ang mga ribalang imperyalista ang magbabagsak sa kapitalismo. Sa kasalukuyan, halimbawa, sinasamantala ng gobyerno ng China ang krisis sa kalikasan bilang oportunidad na sapilitang isara ang mga empresang matakaw sa enerhiya, malakas sa polusyon, para pagaanin ang krisis ng labis na produksyon sa mga apektadong industriya.

4. Leninismo vs rebisyunismo ukol sa imperyalismo

Sa mga tunggalian at mga krisis na ito sa loob ng imperyalistang daigdig, nahaharap ang mga rebolusyonaryo at progresibo sa usapin ng kung paano uunawain at lalabanan ang imperyalismo.

1) Mga bagong katangian ng pandaigdigang imperyalismo na pinamumunuan ng US

Makaraan ang World War II, laluna pagkatapos ng pagbagsak ng Soviet Union, nagbago ng pagkilos ang imperyalismo. Pinalitan ng neokolonyal na sistemang imperyalista, sa pamumuno ng imperyalistang US, ang lumang kolonyalismo ng nakaraang panahon kung saan nahahati ang daigdig batay sa lakas ng bawat imperyalista. Sa harap ng bagong sitwasyon, kung nabubuhay pa ngayon si Lenin, gagamitin niya ang daan-taon niyang depinisyon para suriin ang kasalukuyang globalisadong imperyalistang sistema na hindi nagbago.

Ang mga sumusunod ay ilang iba’t ibang pagkilos ng imperyalismo makaraan ang pagsibol ng kapitalismo:8 The Economist. 2003. The End of the Oil Age. http://www.economist.com/node/2155717

Page 108: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

100 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

A. Ang maagang imperyalismo ay nagmula sa malayang kompetisyon, na tumungo sa mga monopolyo sa industriya o oligarkiya, at tumungo sa paglitaw ng pampinansyang hegemonya. Sinuri ni Lenin ang anyong ito ng imperyalismo isang siglo ang nakaraan.

B. Ang neokolonyalismo matapos ang World War II ay pagtaas ng antas ng kapangyarihang monopolyo, iyon ang ebolusyon ng mga monopolyo sa loob ng isang bayan at mga kolonya nito tungo sa dominasyon ng pandaigdigang super-power na may-nukleyar na monopolyong US.

C. Ang estado monopolyo kapitalismo ay mahigpit na pinagsanib na monopolyong kapangyarihan ng kapital kasama ang kapangyarihan ng estado. Ito ay para pahupain ang panloob na antagonismong maka-uri sa isang banda, tulad ng “New Deal” sa United States, o ang “welfare state” sa Europe, at mapangasiwaan ang kilos ng iba’t ibang monopolyo sa daigdig sa mga internasyunal na institusyon tulad ng IMF o ng World Bank, sa kabilang banda. Mahahalagang bagong katangian ang mga ito sa neokolonyal na panahon.

D. Ang globalisasyon ng produksyon at dominasyon ng pinansyang kapital sa ibabaw ng industriyal na kapital na kinatampukan ng Dollar Empire ay iba pang katangian na nangangailangan ng espesyal na atensyon.

E. Ang pinakamataas na anyo ng estadong kapitalismo ay yaong tuwirang nagkokombina sa kapangyarihan ng estado, kasama ang naghaharing pampulitikang partido sa isang bayan, ang militar nito, kapital nito sa industriya at pinansya sa ilalim ng pinag-isang kumand. Ito ang pinarurok ng estadong kapitalismo.

Sa mga bagong katangian na ito, may di-bababa sa dalawang teoretikal na balangkas sa hanay ng mga kaliwa at progresibo para suriin ang kasalukuyang imperyalismo. Ang dalawang pamamaraan ay nagbubuo ng magkasalungat na linya, patakaran at pamamaraan.

Ang teorya ni Lenin sa imperyalismo ay tumitingin sa paglitaw ng monopolyo kapitalismo bilang pwersang nagtutulak sa paglikha ng imperyalismo. Yayamang ang batayang batas o lohika ng kapitalistang akumulasyon ay magpalawak o bumagsak, ang ganitong walang-katapusang akumulasyon ng kapital ay di-maiiwasang mauwi sa monopolyo kapitalismo, walang kinalaman kung gaanong “malaya” nag-umpisa ang kompetisyon. Ang pagkikipaglaban para sa hegemonya ang DNA ng monopolyo kapitalismo. Ito ang pang-tikwas, o lakas, o koalisyon ng mga kapitalista na matitipon ng gayong monopolyo kapitalistang grupong humuhugis sa daigdig.

Page 109: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 101

Isang daang taon ng kasaysayan ang nagpatunay na tumpak si Lenin ukol sa kalikasan ng imperyalismo at mga digmaan. Ito’y dahil nasapol ni Lenin ang pundamental na batas ng pagkilos ng kapitalismo. Kung gayon, sa pag-unawa sa imperyalismo, ang yunit ng pagsusuri ay dapat nasa pinakabatayang buhay na selula ng kapitalismo, iyon ay kapitalistang grupo, tulad ng empresa, kompanya, konglomoreyt, multinasyunal, syndicate, trust, cartel, o consortium, atbp., ibig sabihin isang buhay na yunit ng monopolyo kapital. Kung bulag sa kapangyarihan ng monopolyo kapital, hindi makakaasa na maunawaan ang imperyalismo!

2) Muling-pagbuhay sa ultra-imperyalismo

Iba pa sa pagsusuri ni Lenin ang modernong bersyon ng ultra-imperyalismo ni Kautsky, na nagwawalang-bahala sa laki ng kapangyarihan sa ekonomya, pulitika, at sa huli’y militar na nagagamit ng bawat monopoloyo kapitalista sa paghahati sa daigdig sa “center”, “semi-periphery”, at “periphery”.

May mga tumuturing na ang mga tunggalian ng mga pandaigdigang kapangyarihan ay mapagkakasundo ng mga pandaigdigang organisasyon tulad ng IMF, World Bank, WTO at mga katulad. Para sa kanila, lipas na ang pagsusuri ni Lenin sa imperyalismo.9

Isa pang kahalintulad na pananaw ay bunga ng globalisasyon ng kapitalismo, na may mutwal na pagpasok at pag-asa sa isa’t isa ang mga korporasyong multinasyunal batay sa “pag-aari ko ang ilan sa iyo, at pag-aari mo ang ilan sa akin,” kailangang panatilihin ng mga imperyalista ang pandaigdigang kaayusan para sa kapakanan ng “nanaig na komon na interes” ng mga kapitalista. Hindi maaaring mangyari ang matinding tunggalian sa pagitan ng mga imperyalista.

Narito ang halimbawa ng ganitong ultra-imperyalismo ng nabanggit na Voyage One: “ang bag-as ng kapitalistang sektor ng China ay ang industriya ng export-manufacturing. Bagama’t napakalaki ng kapitalistang ekonomya ng China, bumubuo rin ng malaking bahagi ang real estate, pinansyal at iba pang di-produktibong mga sektor, malaki rin ang pamumuhunan sa imprastraktura, subalit ang mga sektor na ito ay naglilingkod sa sektor ng export-manufacturing o nakakabit sa sektor ng export-manufacturing. Kapag humina ang sektor ng export-manufacturing ng China, di-magtatagal ay hihina rin ang iba pang sektor ng kapitalista ng China

“Ang sektor ng export-manufacturing ng China ay hindi lamang palaasa sa pamilihan ng United States at Europe kundi umaasa rin sa imported na enerhiya at hilaw na materyales sa ibayong-dagat. Bagama’t hindi nanggaling ang enerhiya at hilaw na materyales mula sa United States, nakaasa pa rin ang kapitalismo ng China sa lakas sa himpapawid at karagatan ng imperyalistang US para protektahan ang pampulitikang istabilidad sa Middle East, Africa, kaligtasan ng pagbabarko sa Indian 9 http://blog.sina.com.cn/s/blog_6011579101016xuv.html

Page 110: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

102 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Ocean at Pacific Ocean. Ang malaking pagsalig ng kapitalistang sektor ng export-manufacturing ng China sa kapangyarihang pampulitika at pang-ekonomya ng imperyalistang US ang nagdidikta ng kahandaan nito na makipagtulungan sa United States sa ilalim ng ‘G2’ na sistema, at kumilos bilang isang ‘responsableng bayang dakila’. Ang mga kapitalista ng China ay walang sapat na lakas, ni ang kapasyahan, ni ang kapangahasan na makihamok sa imperyalistang hegemonya ng US.

“Sa ganitong pakahulugan, ang pundamental na interes ng mga kapitalista sa China at United States ay hindi lamang walang tunggalian kundi lubos na magkasang-ayon. Ito ang nagtatakda na hindi magkakaroon ng digmaan hindi lamang sa pagitan ng China at United States, maging sa pagitan ng China at mga tagasunod ng US (tulad ng Japan), walang puputok na digmaan, kahit pa ang pagsambulat ng anumang armadong tunggalian.”

Pagpapatuloy ng may-akda: “Sa panahon natin, ang paghina ng imperyalismong US ay hindi nagdulot, ni magdudulot sa hinaharap, ng anumang mayor na digmaan sa pagitan ng mga kapitalistang bayan. Pangunahing ipinapakita ang paghina ng imperyalistang hegemonya ng US sa malaking paghina ng kakayahan nito na pangasiwaan at pamahalaan ang komon na interes ng mga kapitalista sa daigdig. Ang imperyalistang US ay hindi na kayang tumulong nang epektibo sa mga kapitalistang bayan na maligtas sa pandaigdigang krisis pang-ekonomya, hindi na kayang mabisang supilin ang paglaban ng mamamayan at iba’t iba pang mga banta sa pandaigdigang kaayusang kapitalista (halimbawa, ang pundamentalistang kapangyarihang pampulitikang Islamiko sa Middle East, at bantang nukleyar ng DPRK). Tiyak na hindi nito epektibong mahaharap ang lumalaking krisis sa kalikasan. Gayunpaman, ang paghina ng imperyalistang US ay hindi lubhang nagpalalim ng mga kontradiksyon sa pagitan ng mga pangunahing kapitalistang bayan, sa partikular, hindi lubhang nagpalalim ng kontradiksyon sa pagitan ng mga kapitalista ng China at ng United States (idinagdag ang pagdiriin).”10

Kataka-taka kung saang planeta nagmula si Voyage One? Ang pagkakamali ng ultra-imperyalismo ay makita lamang ang pagkakatulad ng interes sa hanay ng burgesya sa kapitalistang sistema na apihin ang uring manggagawa subalit hindi nakita ang buhay-at-kamatayang labanan sa pagitan ng mga grupong monopolyo. Tila nakalimutan nila ang pinakabatayang esensya ng mga kapitalista ay para sa kompetisyon, monopolyo at hegemonya! Liban pa sa panunupil sa paglaban ng uring manggagawa sa sariling bayan at ribalan para sa hegemonya sa ibayong-dagat, ano pa ba ang komon na interes ng mga kapitalista? Sa biglang-tingin, mga plataporma sa “demokratikong” pamamahala ng mga pandaigdigang kapitalista sa usaping internasyunal ang mga pandaigdigang organisasyon tulad ng United Nations, World Bank, at IMF. Sa katunayan, ang karapatan na magsalita ng bawat isa sa mga

10 Voyage One, The Historical Destiny of the Chinese Proletariat, Red China Weekly 2015 No. 8 (February 24, 2015)

Page 111: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 103

pandaigdigang organisasyon na ito ay nakalaan ayon sa kani-kanyang kapangyarihan ng bawat isa sa militar at ekonomya.

Sa gayon, nakita ng may-akda na “ang bag-as ng kapitalistang sektor ng China ay ang industriya ng export-manufacturing”, at nakita na ito’y “hindi lamang palaasa sa pamilihan ng United States at Europe kundi umaasa rin sa imported na enerhiya at hilaw na materyales sa ibayong-dagat”, at kapag ito’y “humina”, di-magtatagal ay hihina rin ang iba pang sektor ng kapitalista ng China.” Gayunpaman, hindi niya makita, kaalinsabay, na habang lumalawak ang bag-as ng ganitong kapitalismo sa China, di-maiiwasang makipagkompetensya ito sa mga Kanluraning kapangyarihan para sa pamilihan at mga rekurso.

Isa sa mga dahilan nito marahil ay nakikita ng mga tao na export-manufacturing industry lamang ng China ang tanging tipo ng pribadong industriya kahalintulad ng Foxconn, na nasa malakihang negosyo ng pagpoproseso, naglilingkod sa pangangailangan ng mga kompanyang multinasyunal. Hindi nila nakita na ang mga empresang naitayo sa sarili ng China, tulad ng pag-aaring estado na high-speed na riles, o pribadong oligopolyo sa kasangkapan, tulad ng Sanyi, ay naiipit sa mabigat na krisis ng labis na produksyon, at para manatiling buhay, papalaking atensyon ang ibinibigay para i-eksport ang kanilang sarplas. Pursigido nilang itinutulak ang estratehiyang “Going-out” para mapangibabawan ang mga kahirapan ng ganoong mga lokal na industriya sa manupaktura. Ito ang totoong “bag-as ng kapitalistang sektor sa China.”

Ang mga maling konklusyon na ito ay nagmumula rin marahil sa paniniwala sa bersyon ng world-systems theory, na nagdiriin (sa totoo’y naglalarawan lamang) sa partikular na papel ng internasyunal na “division of labor” sa loob ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Gayunpaman, maliban sa singkahulugan na pagsusuri sa “core”, at “periphery”, hindi nito tinukoy ang batayan ng “division of labor”, anong kaganapan ang nagtutulak sa ganoong “division of labor”, gayundin kung ano ang batas ng paggalaw na gumagawa ng pagbabago sa “division of labor”. Sa gayon, sa mata ng mga alagad ng world-systems theory, ang “division of labor” ay may tunguhing gawing solido at malamang na hindi mababago. Dahil “sa loob ng kasalukuyang pandaigdigang kapitalistang division of labor, nag-eespesyalisa ang kapitalismo ng China sa produksyong manupaktura,”11 ginagamit ito ng mga nagsasa-teoryang iyon bilang ebidensya na hindi makasusulong ang kapitalista ng China tungo sa “core”. Inilalagay nito ang kariton sa harap ng kabayo. Hindi nila nakita na monopolyong kapangyarihan ang pwersang nagtutulak sa likod ng “division of labor”. Dagdag pa, ang internayunal na “division of labor” ay batay sa relatibong lakas ng iba’t ibang monopolyo kapitalista sa usapin ng lakas sa ekonomya, pulitika at kahit sa militar.

Kung ang bag-as ng kapitalistang sektor ng China ay talagang ang pribadong export-manufacturing na serbisyo para sa mga korporasyong multinasyunal, disin 11 Minqi Li, China and the Twenty-First Century Crisis. London: Pluto Press (October 2015)

Page 112: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

104 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

sana’y hindi na kailangan ang “Belt and Road Initiative” ng China, at walang saysay ang inisyatiba nila sa AIIB. Yaong naniniwala sa ganitong bersyon ng world systems na pagsusuri ay hindi makakaunawa sa mga dahilan ng pagtutulak ng gobyerno ng China alinman sa isa at hindi makikita ang mga dahilan kung bakit ang umaangat na estado monopolyo kapitalistang grupo ay di-maiiwasang humamon sa umiiral na pandaigdigang kaayusan. At hamunin nga ang ginawa. Ang AIIB lamang marahil ang tanging internasyunal na institusyong pinansyal na walang tinig ang US, manapa ang veto power.

Ang umaangat na “nakaasa pa rin ang kapitalismo ng China sa lakas sa himpapawid at karagatan ng imperyalistang US para protektahan ang pampulitikang istabilidad sa Middle East, Africa, kaligtasan ng pagbabarko sa Indian Ocean at Pacific Ocean.” Tugma nga ang libreng sakay na ito sa aktwal na kalagayan nang halos dalawang dekada. Gayunpaman, lalong nagiging pabigat ang China sa umiiral na pandaigdigang kaayusang imperyalista. Bagama’t pinakamalaking importer ang China sa daigdig ng maraming rekurso (tulad ng bakal, langis, atbp.), wala siyang anumang kapangyarihan sa pagtatakda ng presyo. Anuman ang bilhin ng China, ang presyo nito’y tumataas. Kaalinsabay, nag-eeksport ang China ng maraming produkto sa buong daigdig, at anuman ang kanyang ibenta, ang presyo’y bumabagsak. Wala rin siyang kapangyarihan doon sa presyo. Higit pa, nahaharap ang China sa paparaming pamamarusa sa kaso ng iligal na pagtatambak ng produkto.

Kung gayon, para sabihin na “Ang mga kapitalista ng China ay walang sapat na lakas, ni ang kapasyahan, ni ang kapangahasan na makihamok sa imperyalistang hegemonya ng US” ay talagang hindi totoo. Ang katotohana’y gumagawa ang China ng mga barkong pandigma tulad ng pag-iimbak ng siomai, bukod pa sa paggawa ng plota ng mga aircraft carriers, namumuhan nang malaki sa aerospace at iba pang kagamitang militar, nagpapalawak ng base sa ibayong-dagat, malakihang nag-reklamasyon sa mga isla sa South China Sea, dagdag pa sa pagtutulak ng “Belt and Road Initiative” at pagtatatag ng AIIB. Lahat ng ito’y nagpapakita na napaunlad ang kakayahan at kapangahasan ng China na hamunin ang imperyalistang hegemonya ng US, huwag nang sabihin pa ang layon.

Nang makita lamang ang ganitong mga paghamon, saka nagsimula ang United States ng estratehikong planong “pivot to Asia-Pacific”, sa halip na itaguyod ang tinatawag na sistemang “G2”, na makikipagtulungan ang China sa United States bilang junior partner para magkasamang pagharian ang daigdig. Ang huli’y paglulubid lamang ng pagnanasa ng mga iskolar sa China. Hindi kailanman magpapailalim ang United States sa isang sistemang “G2”.

Kung gayon, makikita natin ang pagsasabing “ang pundamental na interes ng mga kapitalista sa China at United States ay hindi lamang walang tunggalian kundi lubhang magkasang-ayon” ay suhetibong ispekulasyon lamang, walang batayan sa katotohanan.

Page 113: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 105

Ayon sa ganitong ultra-imperyalistang pangangatwiran: “hindi magkakaroon ng digmaan hindi lamang sa pagitan ng China at United States... kundi kahit ang pagsambulat ng armadong tunggalian.” Totoo, sa banta ng nukleyar na pagkagunaw, hindi malamang ang tuwirang salpukan, subalit ang mga proxy wars sa ibang lugar tulad ng South Sudan, Myanmar, pagtindi ng paligsahan sa armas sa aerospace, maritima at iba pang larangan, magpapatuloy ang ribalan para ipagtanggol ang kanilang tinatawag na “saligang interes” sa kani-kanilang saklaw ng impluwensya. Habang umaangat ang kapitalismo ng China, magagawa ba niyang tahakin ang landas ng “gunboat commerce”?

Mahigit isang siglo ang nakaraan, paniniwala ni Kautsky na posibleng maiwasan ang matitinding ribalan ng mga imperyalista sa mapayapang paraan para sa kapakanan ng pandaigdigang interes ng kapitalista. Itinapon na sa basurahan ng kasaysayan ang kanyang teoryang ultra-imperyalismo sa nangyaring dalawang World War. Gayunpaman, habang lalong patindi nang patindi ang mga inter-imperyalistang ribalan, nabuhay ang multo ng ultra-imperyalismo ni Kautsky sa pananamit ng isang bersyon ng world-systems theory, na hindi inaayunan kahit ng pangunahin nitong teoretisyan na si Wallerstein. Ipinagkamali nila ang kasaysayan matapos ang WWII bilang ebidensya na posible para sa mga imperyalista na payapang makipamuhay sa isa’t isa sa ilalim ng mga internasyunal na institusyong makapag-aayos ng kanilang mga gusot. Malinaw nilang nakita “ang paghina ng imperyalistang hegemonya ng US”, pero hindi nila nakita ang mismong buhay-at-kamatayang pakikibaka sa pagitan ng mga imperyalista para sa hegemonya na di-maiiwasang idinudulot ng ganitong paghina!

3) Walang paggalang ng imperyalistang US sa ultra-imperyalismo

Dulot ito marahil ng maling pananaw ng mga ultra-imperyalista sa papel na ginagampanan ng US sa pandaigdigang sistemang imperyalista ngayon. Niligaw ng ganitong bersyon ng world-systems theory, itinuring nila ang papel ng US na hinirang-ang-sarili bilang pandaigdigang pulis para tulungan na “mabisang supilin ang paglaban ng mga mamamayan, at iba’t iba pang banta sa pandaigdigang kapitalistang kaayusan.” Itinuring nila na nagsisikap ang US “na pangasiwaan at pamahalaan ang komon na interes ng mga kapitalista ng daigdig”, di-makasariling nagsikap na “tulungan ang mga kapitalistang bayan na maligtas sa pandaigdigang pang-ekonomyang krisis.” Sa pagsasalarawan nila, naging katangi-tanging lider ng mga kapitalista ng daigdig ang di-makasariling imperyalistang US! Isang malaking kalungkutan sa pananatili ng ganoong world-system ang paghina ng imperyalismong US!

Sa katunayan, hindi kailanman “tumulong” ang United States na maligtas ang mga kapitalistang bayan sa pang-ekonomyang krisis. Kahit ang Marshall Plan matapos ang WWII ay mas nakatuon pa na pangibabawan ang krisis ng labis na produksyon ng United States, at naglingkod para i-eksport ang kapital ng US.

Page 114: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Laging magaling ang US sa pag-eksport ng sarili nitong krisis, tulad ng krisis ng 2008, o paglikha ng krisis para maglingkod sa sariling pangangailangan, tulad ng krisis sa pinansya noong 1997 sa Asia-Pacific. Kailanma’y hindi inuna ng US ang “komon na interes ng pandaigdigang kapitalismo”, bagkus nagsikap na pangalagaan ang sarili nitong interes sa pagpapasya kung anong tipo ng pandaigdigang “kaayusan” ang pananatilihin, tulad ng pagwakas sa pagbatay ng dolyar sa ginto noong 1971.

Ang ipinagtatanggol na interes ng imperyalismong US ay hindi ang komon na interes ng pandaigdigang kapitalismo sa kabuuan, kundi ang pandaigidgang interes ng monopolyo kapital ng US. Tanging sa ganitong kondisyon magsisikap na panatilihin ng imperyalistang US ang pandaigdigang interes ng monopolyo kapital sa ibang bayan. Gayunpaman, sa oras na maganap ang isang pang-ekonomyang krisis, ang pangunahing mga target ng imperyalismong US para ipasa ang krisis nito ay kadalasang iba pang mauunlad na bayan. Matapos ang paglaganap ng pang-ekonomyang krisis ng 2008, ang sovereign debt crisis ng EU ay direktang resulta ng pag-eksport ng US ng krisis nito sa EU. Ang lupaypay na ekonomya ng Japan sa nakaraang 25 taon ay resulta rin ng pagpapasa ng krisis ng US.

Pinakalantad ang pagkalat ng militar ng US sa buong daigdig. May base-militar ang US sa mahigit 60 na bayan, at presensyang-militar sa mahgit 150 na bayan, na ang layunin ay hindi maaaring para sa komon na interes ng mga pandaigdigang kapitalista. Kung hindi, bakit nakakonsentra sa mauunlad na EU at Japan (tingnan ang Figure 2) ang mga garison ng US sa ibayong-dagat? Ang mga target ng todo-armas na pwersang-militar ng US sa buong daigdig ay malinw na hindi ang pakikibaka ng uring manggagawa laban sa kapitalismo sa iba’t ibang bayan, bagkus ay nakatuon laban sa mga pwersang kapitalista mula sa ibang bayan na may kakayahan na hamunin ang hegemonya ng US. Gayunpaman, pinili ng US ang posisyong “live and let live” sa pakikitungo sa mga monopolyo kapitalista mula sa ibang bayan, tulad ng Europe at Japan, basta’t magpapahinuhod sila sa nangungunang posisyon ng United States. Ito ay para iwasan ang buhay-at-kamatayang labanan sa pagitan ng mga kapitalista sa buong daigdig na maaaring lumipol sa lahat, laluna matapos ang dalawang digmaang pandaigdig.

May matingkad na pagkakapareho ang Figure 1 at 2, iyon ay, ang konsentrasyon ng Global 500 ay lubhang kaugnay ng konsentrasyon ng lakas-militar ng US sa ibayong-dagat. Kapwa masinsin ang Global 500 at mga base-militar ng US sa Europe at Japan.

Mula rito ay makikita natin kung bakit walang-lubay ang imperyalistang US na galitin ang Russia na nagkalasug-lasog na, at kung bakit ginigipit nito ang North Korea na tumahak sa daang mag-nukleyar. Kung wala ang mga banta mula Russia at North Korea, disin sana’y hinamon ng mga monopolyo kapitalista ng EU at Japan ang pangangailangang mag-istasyon ang US ng mga tropa sa kanilang mga bayan.

Page 115: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 107

Kailangan ng US ng mga kaaway hindi lamang para sa military-industrial complex nito, kundi para pasunurin din ang mga potensyal na karibal sa mauunlad na bayan.12

5. China at ang pandaigdigang imperyalismo na pinamumunuan ng US

1) Ang katayuan ng kapitalismo ng China sa daigdig ngayon

Sa usapin ng militar nito, tinatamasa ng China ang ganap na soberanya. Kung ikukumpara sa G-7 na bayan na may mga naka-istasyong hukbo ng US sa kanilang bayan, tulad ng EU at Japan, o sa mga di-mauunlad na bayan na wala man lamang magkakaugnay na istrukturang industriyal at kailangang umasa sa maunlad na bayan para sa sarili nilang militar, tulad ng India, nakakatumbas sa Rusya ang soberanya ng China sa militar.

Sa tulong ng soberanyang militar nito, tinatamasa ng China ang ganap na pampulitikang soberanya, na kaiba sa G7 at iba pang di-mauunlad na bayan na natatakdaan ng imperyalistang US sa pulitika. Armado ng soberanya kapwa sa pulitika at militar, pumasok lamang ang China sa pandaigdigang sistemang kapitalista sa ekonomya nang may mga kondisyon, tulad ng pagpasok sa WTO.

12 See also, for example, Wallerstein: U.S. Weakness and the Struggle for Hegemony https://monthlyreview.org/2003/07/01/u-s-weakness-and-the-struggle-for-hegemony/

Figure 2 The U.S. global military layout

Source: http://www.politico.com/magazine/story/2015/06/us-military-bases-around-the-world-119321

Page 116: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

108 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

2) Pagiging bukod-tangi ng Konglomereyt ng Kapital ng Estado

Hindi ang mabilis na paglago ng kapitalismo sa pribadong sektor ng China ang ikinababahala ng mga Kanluraning imperyalista. Sa halip, ito ang malakas na pagpapalawak ng sektor ng estado. Sa mga kompanyang nakalista sa Global 500 sa Table 1 at 2, humigit-kumulang 100 sa listahan ay mula sa China at mga empresa sa sektor ng estado sa kalakhan, habang noong 10 taon ang nakaraan, may 20 lamang sa Global 500 ang galing China.

May matitingkad na kaibhan sa pagitan ng mga kompanyang pag-aari ng estado sa China kaysa doon sa Kanluran. Dahil inuupahan at binabayaran ang mga opisyal ng gobyerno ng “tax payers”, iyon ay mga monopolyo kapitalista, ang mga manedyer sa mga kanluraning empresang pag-aari ng estado ay dapat maglingkod sa mga monopolyo kapitalista. Ang pagmamay-ari sa ganoong kompanyang pag-aari ng estado sa Kanluran ay hindi sa mga burukrata ng gobyerno (dahil hindi pinahihintulutan ang mga opisyal ng gobyerno na magbuo ng mga grupong may interes na makakatunggali laban sa kapangyarihan ng mga kapitalista roon). Sa halip, pagmamay-ari ito ng mga kapitalista sa kabuuan, sinusunod humigit-kumulang ang prinsipyo na isang-dolyar-isang-boto, tulad sa joint-stock na kompanya. Sa madali’t sabi, sa loob ng mga imperyalistang bayan sa Kanluran, ang tunay na pagmamay-ari ng mga kompanyang pag-aaring estado ay pinagpapasyahan sa laki ng kapital na pag-aari ng bawat kapitalista. Ito ang tunay na kalikasan ng Kanluraning demokrasya.

Kung ihahambing, ang pagmamay-ari ng mga kompanyang pag-aaring estado sa China ay nasa burukrasya ng gobyerno ng China, kaysa sa mga kapitalista ng China sa kabuuan. Walang gumaganang kapitalistang “demokrasya”, hindi epektibong makapanghihimasok ang mga pribadong kapitalista sa mga usapin ng kompanyang pag-aaring estado. Ito ay dahil hindi tagapaglingkod ng mga kapitalista ang burukrasya ng gobyerno ng China, bagkus ay nagmamay-ari sa Konglomereyt ng Kapital ng Estado. Wala silang pananagutan kaninuman liban sa kanilang mga sarili, dahil sila ay isang lupon na humirang-sa-sarili sa kapangyarihan.

Gayunpaman, para balansehin ang lahat ng tipo ng makapangyarihang interes sa loob ng Estado Kapital na Konglomoreyt, para mapigilan na masira ng parasitisismo at ugaling maghanap ng pagpapa-upa ang kabuuang interes ng grupo, na di-maiiwasang gawin ng mga monopolyo, mulat na hinati-hati ng pamunuan ng Konglomereyt ng Kapital ng Estado ang mga negosyo’t empresang pag-aaring estado sa bawat larangan tungo sa maraming nagkokompetensyahang mala-independyenteng kompanya. Halimbawa, sa sektor ng enerhiya, nariyan ang magka-kompetensyang China Petrol at Sinopec, atbp., sa pag-eeroplano nariyan ang Air China, China Eastern Airlines at China Southern Airlines, atbp., may limang magkaka-kompetensyang bangko sa pinansya, may tatlong magkaka-kompetensyang empresa sa telekomunikasyon, atbp.

Page 117: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 109

Para sa interes ng Konglomereyt ng Kapital ng Estado sa kabuuan, ang mga kompanyang ito ay kadalasang muling-hinahati o muling-ikinokombina depended sa pangangailangan. Halimbawa, hinati ang negosyo sa kagamitang pang-riles sa dalawang negosyo mahigit isang dekada ang nakaraan, nang nagsisimula pa lamang sa buong China ang malakihang urban subways at konstruksyon ng mga dugtungang bullet trains. Noong 2015, bilang bahagi ng estratehiyang “Going-Out” ng China at para iwasang magribalan sa daigdig ang mga nakabababang kompanya nito, muling ikinombina ang dalawa.

Hindi lamang sila muling-hinahati o muling-ikinokombina depended sa pangangailangan, kadalasan nilang nirerelyebo sa rotasyon ang mga CEOs ng mga magkakakompetensyang empresa. Noong Hulyo 20, 2015, halimbawa, inanunsyo ng pag-aaring estado na Assets Supervision and Administration Commission (SASAC) ang rotasyon ng mga CEOs mula sa apat na iba’t ibang empresa na may kaugnayan sa riles. Para wakasan ang mapanirang kompetisyon sa marketing sa pagitan ng mga kompanya ng State Capital Conglomerate, inanunsyo ng SASAC noong Nobyembre 1, 2004 ang kahalintulad na rotasyon ng mga CEOs sa tatlong pangunahing magkakompopetensyang telcom na operator: China Telecom, China Mobile and China Union sa parehong araw. Ang ganitong rotasyon ng CEO sa pamamagitan ng dikreto ng gobyerno ay imposibleng maisip sa mutwal na nagkakanya-kanyang empresang kapitalista sa Kanluran.

Sa mga imperyalistang bayang may dominasyon ang mga pribadong monopolyo kapitalista, tulad ng United States, EU o Japan, relatibong independyente sa isa’t isa ang mga empresang pang-negosyo, pampulitikang partido at militar. Ang pagbagsak ng Lehman Brothers ng Wall Street noong 2008 ay isang halimbawa. Kung ikukumpara, noong maagang bahagi ng Hulyo 2015, sa utos ng State Council, kolektibong naiwasan ng mga empresang pag-aaring estado ang pagbagsak ng stock market ng China, na mahirap magawa sa iba pang kapitalistang bayan. Ganito ang uri ng kapitalismo na may “tatak” China na bukod-tangi sa daigdig.

3) Pagsusuri sa Konglomereyt ng Kapital ng Estado

Madalas na nakakaligtaan ng mga tao ang katotohanan na pag-aari ng Konglomereyt ng Kapital ng Estado ang kalakhan ng kapital at may pinakamataas na antas ng kapangyarihang monopolyo kaysa sa lahat ng isa-isang grupo ng kapital sa daigdig. Yayamang umaangat ang China, lubhang kinakailangan para sa atin na tuklasin ang kalikasan ng grupong ito, magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa pang-ekonomyang base nito, at magkaroon ng malinaw na pagsasalarawan ng mga saligang katangian nito.

Batay sa asset statements ng Table 3, makikita natin na ang antas ng monopolyong kapangyarihan ng Konglomereyt ng Kapital ng Estado (sinusukat sa assets nito) ay lampas-lampas sa anumang isang kapitalistang grupo sa Kanluran.

Page 118: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

110 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Ipinapakita ng datos sa itaas na, para sa isang nakalistang kompanya, ang mga Estado Kapital na Konglomoreyt na ito ng China ay maiwawangis sa laki ng mga grupong monopolyo kapital mula sa US, EU o Japan. Gayunpaman, kung ikukumpara sa relatibong may awtonomyang relasyon sa pagitan ng mga kompanya ng Kanluraning daigdig, lahat ng empresang pag-aaring estado sa Global 500 mula China ay nakapailalim na entidad ng Konglomoreyt. Sa pagkokombina ng kapital ng industriya at pinansya sa kabuuan, mas marami itong kapital kaysa anumang iisang monopolyo kapitalistang kompanya, grupo, multinasyunal, konglomoreyt, kartel, syndicate, consortium, trust sa United States, Europe o Japan.

Sa gabay ng kapitalismo ng estado, ang ganitong Konglomereyt ng Kapital ng Estado ng China ay may absolutong kontrol sa naghaharing partido, makinarya ng estado at militar nito. Nagawa nito na tuwirang mapakilos ang pinakamalalaking industriyal at pinansyal na kapital ng daigdig dagdag pa sa kapangyarihan ng estado para maglingkod sa sariling pangangailangan sa pagpapalawak ng kapital.

Table 3: Comparison of Chinese state-owned companies and Western multinationals by assets in the Global 500 (2016 data)

Non - financialAssets

FinancialAssets

Ranks Millions $ Ranks Millions $

U.S. and European companies The U.S., European, or Japanese consortiums

GE 26 492,692 Fannie Mae 40 3,221,917

Volkswagen 7 414,858 Mitsubishi UFJ Financial Group

191 2,654,413

Royal Dutch Shell Oil 5 340,157 Japan Post Holding Company

37 2,597,856

Exxon Mobil 6 336,758 HSBC Holdings 68 2,409,656

Verizon Telecom 30 244,640 JP Morgan Chase 55 2,351,698

Apple 9 290,479 BNP Paribas 39 2,166,092

Wal-Mart 1 199,581 Bank of America 64 2,144,316

AT&T 23 402,672 Freddie 124 1,986,050

Chinese state - owned enterprises China's financial industries

PetroChina 3 621,242 ICBC 15 3,420,257

State Grid 2 478,539 China Construction Bank 22 2,825,781

Sinopec 4 317,006 Agricultural Bank of China 29 2,739,835

China Mobile 45 251,113 Bank of China 35 2,589,565Source: Compiled from Fortune 500 website (http://www.fortunechina.com/fortune500/c/2016-07/20/content_266975.htm)

Page 119: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Table 4: Listed number & asset shares of Global 500 by industries & countries/regions (colum

n peak in bold)

Industries Aero space

Energy & Chemical

Engi- neering

Construction Materials

Automotive High-tech

Communica-tions

Transporta-tion

U. S.6

36%16

15%2

7%3

14%11

57%3

32%7

13%7

50%W. Europe

320%

2429%

315%

529%

1038%

34%

628%

824%

620%

Japan6

4%1

3%2

10%10

30%5

12%3

17%1

3%4

14%

China6

44%25

31%9

82%8

47%6

9%9

13%3

18%3

58%6

14%

Others24

20%1

7%5

9%5

13%2

4%1

1%1

2%Source: Compiled from Fortune 500 website (http://www.fortunechina.com/fortune500/c/2016-07/20/content_266975.htm)

Page 120: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

112 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Ipinapakita ang lakas ng grupong ito sa pagdomina nito sa manupaktura.

Maliban sa mga empresang high-tech, lumalabas na ang lahat ng iba pang empresa ng China na nakalista sa table 4 ay empresang pag-aaring estado. Bagama’t napakalawak pa ng agwat sa teknolohiya sa pagitan ng pag-aaring estado na empresa ng China sa katapat na Kanluraning multinasyunal, batay sa lakas ng kapital ng mga empresang pag-aaring estado, mabilis na lumiliit ang agwat sa pagitan ng dalawa sa pamamagitan ng maramihang pagbili o malakihang paggastos sa pamumuhunan.

Dahil sa malubhang krisis ng labis na produksyon sa mga taon kamakailan, nahaharap ang mga empresang pag-aaring estado sa malakas na tulak ng “Going-Out”. Patuloy na tataas pa sa hinaharap ang proporsyon ng kanilang kapital sa ibayong-dagat. Nagpupursige silang pangibabawan ang kanilang mga kahinaang sobrang ipuhunan ang kapital sa sariling bayan. Sa gayon, kamakailan, nababahala ang mga Kanluraning bayan sa tunguhing paglago ng mga eksport kapwa ng produkto at kapital ng China. Ang pag-eksport ng kapital ng China sa Asia, Africa, Latin America at EU ay matibay na klasikong capital exports, at kalakha’y di-pinansyal na pamumuhunan. Mula 2015 pataas, nalampasan ng di-pinansyal na pamumuhunan ng China sa ibayong-dagat ang di-pinansyal na foreign direct investment (FDI) sa China.13

Kung hindi alintana ang papel ng Konglomereyt ng Kapital ng Estado sa kapitalistang daigdig ngayon, at hindi makita ang pinakamalakas na pwersa sa likod ng pag-angat ng kapitalismo ng China, hindi mauunawaan kung bakit nagawang umangat ng kapitalismo ng China sa posisyon na nagbabanta sa mga Kanluraning kapangyarihan habang hindi naman ganito ang iba pa tulad ng India o Brazil.

Maliban kung guguho sa sarili ang Konglomereyt ng Kapital ng Estado, tulad sa kaso ng dating Unyong Sobyet, ano ang tsansa na hindi ito makikipagkompetensya laban sa kasalukuyang nangungunang aso para sa pandaigdigang hegemonya? Mababago ba ng suhetibong kagustuhan ng tao ang obhetibong mga batas at panloob na lohika ng kapitalistang pag-unlad?

4) Ang hamon ng China sa pamumuno ng US sa pandaigdigang imperyalismo

Ang relasyon sa pagitan ng China at United States ay tiyak na may malaking pagkakaiba mula noong panahon ng Cold War sa pagitan ng United States at Soviet Union. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugang hindi magriribalan ang China at United States para sa hegemonya. Sa oras na hindi maayos na maipagpatuloy ng China ang pag-unlad sa ilalim ng kasalukuyang imperyalistang sistema, tiyak na

13 See for example http://www.china-briefing.com/news/2016/11/01/chasing-chinas-outbound-direct-investment.html?utm_source=iContact&utm_medium=email&utm_campaign=Asia% 20Briefing & utm_content = AB_Flyer_Nov22016_USWest

Page 121: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 113

susubukan nitong baguhin ang sistema. Relatibo sa iba pang mauunlad na bayan, totoong independyente ang China, laluna sa militar at pulitika nito, na malayong nalampasan na ang ibang mauunlad na bayan. Unti-unti ring lumalago ang nagsasarili nitong lakas sa ekonomya. Kung ihahambing, matatag na kinokontrol ng United States ang usaping militar ng ibang mauunlad na bayan sa pamamagitan ng NATO at iba pang paraan kung saan madali nitong manipulahin ang pulitika ng iba pang mauunlad na bayan.

Ang mga paghamon ng China sa pandaigdigang hegemonya ng imperyalistang US sa kasalukuyan ay malinaw na hindi nangangahulugan na makakaupo ang China kasama ang US bilang magkapantay, matamo ang kalagayan na kahalintulad ng Unyong Sobyet noong panahon ng Cold War. Gayunpaman, ang paghamon ng China ay kaiba sa paghamon ng mga kotse ng Japan na ginawa sa pamilihan ng US noong 1980s, o ang paghamon ng Euro sa Dollar, atbp. Dahil sa kakulangan ng kasarinlang militar, at ang pagsalig sa pulitika dulot nito, anuman ang banta mula sa Japan o EU, nagawa ng imperyalistang US na mapigil ang paghamon sa paggamit ng kanilang mga bentahe sa pulitika, ekonomya at militar, o di kaya’y tumayo bilang tagahupa. Ito ang pundamental na dahilan kung bakit hindi nauunawaan ng mga nagsikap na pasinungalingan ang “banta mula sa China” sa pangangatwiran na “Pinapalaki ng media sa Amerika ang banta ng Japan noong 1980s, pero nawalang lubos kalaunan.” Dahil sa kasarinlan nito sa militar, natitiyak ang kasarinlan nito sa pulitika, magiging mahirap na mapigilan ng US ang paghamon ng China. Ito ang ikinababahala nang husto ng imperyalistang US.

Ang imperyalismong US ang dapat na mas nakakaalam kung sino ang naghaharap ng tunay na banta sa hegemonya nito. Sa Africa, halimbawa, napagtanto ng imperyalistang US na hindi sila maaaring sumalalay sa kanilang pang-ekonomyang lakas para makontra ang lumalaking impluwensya ng China roon. Kinakailangang mas umasa sila sa kanilang lantarang hegemonya sa militar para matunggali ang kanilang kaaway.

Bagama’t ang deklarasyon ng mga Kanluraning kapangyarihan: “Nagtutulak ang China ng bagong kolonyalismo sa Africa!” ay maitutulad sa kawatan na sumisigaw ng magnanakaw, sabihin na ang lahat, may matalas na pang-amoy ang mga Kanluraning kapangyarihan kung sino ang talagang nagbabanta sa kanilang interes, nang mas matalas pa kaysa di-maintindihang intelektwal at mga taga-labas. Hindi sila takot sa malaking bilang ng maliliit na mangangalakal mula China, dahil yaong galing India na nasa Africa ay malamang na mas marami pa kaysa galing China, pero hindi tayo nakarinig ng anumang pagtuligsa sa neokolonyalismo ng India. Ang dahilan kung bakit nila kinokondena ang pagpasok sa Africa ng malaking kapital mula China ay dahil “makikilala ng isa ang isa pa.” Unti-unting nababasag ng kapital ng China ang monopolyong hawak sa Africa ng mga Kanluraning kapangyarihan. Kung walang ganitong mga pangyayari, hindi magkakaroon ng mga takot at pagtuligsa sa China ang Kanluran.

Page 122: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

114 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Naging napakalinaw ng pag-unlad sa internasyunal na kalagayan na hindi nag-aalala ang imperyalistang US sa Africa kaugnay ng paghamon na inihaharap ng Russia, Brazil, o India, ni ang mga paghamon ng iba pang matagal nang imperyalista.

6. Mga konklusyon

Makaraang matalo ang China sa opium war ng 1940, laluna sa pagkatalo sa 1894 na gera sa Japan ngpagkontrol sa Korean peninsula, naging pobreng bayan ang China na naghihirap mula sa agresyon at pang-aapu ng mga imperyalistang kapangyarihan. Gayunpaman, matapos ang rebolusyon 1949 na nagpatalsik sa mga Kanluraning imoeryalista, at nailatag ang pundasyon ng industriya noong panahon ni Mao, gayundin ang 40 taon ng natatanging kalagayan para sa soberanya ng China sa kapitalistag apag-unlad, hindi na ito atrasadong naghihirap na bayan agrikultural. Sa pag-angat ng kapitalismo ng China, nagbago nang malaki ang katayuan nito sa daigdig.

Maraming halimbawa ng malalaking pagbabago sa kasaysayan. Pagsapit ng 1890s, ang pang-industriyang nagagawa ng United States ay lumampas sa Britain, bagama’t ito’y dating kolonya ng Britain. Ngayon, nilampasan din ng China ang United States. May 50% lamang ng populasyon ang natitirang nagtatrabaho sa agrikultura sa United States pagasapit ng 1900; ang populasyon China na nagtatrabaho sa agrikultura ay lumiit din nang di-bababa sa 50% pagsapit ng 2000. Mahigit isang siglo ang nakaraan, kinaharap ng Britain ang pag-angat ng Germany sa isang banda, at sa kabilang banda, kailangang harapin ang United States. Ngayon, ang imperyalismong US ay nasa parehong sitwasyon tulad ng Britain. Sa isang banda, kakaharapin nito ang relatibong mas malakas na pinagsamang ekonomya ng EU at Japan, at sa kabilang banda, kakaharapin nito ang pag-angat ng China.

Batay sa kasaysayan ng China, kapag ginamit ang pananaw ng isang makitid na nasyunalista, maaasahan ang pagkagalit sa “di-makatarungang” pagtrato sa mga kapitalista ng China sa ibayong-dagat. Gayunpaman, kapag ginamit ang punto-de-bista ng Marxista-Leninista-Maoista, naninindigan sa panig ng proletaryong internasyunalismo, at ginagamit ang kasangkapan sa makauring pagsusuri, totoo pa rin ba ang mga salitang nagtatanggol sa neo-imperyalistang pagpapalawak ng kanilang kapangyarihan sa ibayong-dagat? Kung hindi’y nasaan ang kanilang makauring paninindigan? Ano ang kaibhan sa pagitan ng ganitong uri ng pagkilos at ang panlilinlang ng mga “kaliwang lider ng mga manggagawa” sa ikalawang internasyunal, tulad ni Kautsky ng Germany at Plekhanvov ng Russia?

Ang pambansang damdamin mula sa isang inaaping bayan, sa antas na ito’y anti-imperyalista, ay progresibo, at maaaring pa ngang rebolusyonaryo. Ang kasalukuyang lumalakas na nasyunalismo sa China ay naglalaman ng mas kakaunting elemento ng pagkagalit laban sa Kanluraning hegemonya, bagkus mas kapalaluan na makihamok

Page 123: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 115

para sa hegemonya. Kasama ang pag-angat ng kapitalismo ng China, mabilis itong pumapaling mula progresibo tungong reaksyunaryo.

Ang mga taong sumusuporta sa batas ng gubat sa relasyong internasynal (na ginagawa ng mga imperyalista) ay magpapabaya sa kapitalistang pang-aapi sa uring manggagawa sa sariling bayan.

Ang mga nasyunalista ay pawang para sa inangbayan, dahil ito’y lugar na maaasahan para magtanggol sa sariling interes sa ibayong-dagat. Sa panahon ng kapitalistang globalisasyon, bagama’t walang pambansang hangganan na pipigil sa monopolyo kapital na mamuhunan, hindi maaasahan ng Huawei ang United States para panatilihin ang mga interes nito sa labas ng bansa. Gayundin, ang pandaigdigang puhunan ng Apple ay hindi maaaring umasa sa mga aircraft carrier ng China. Samakatwid, para makapamuhunan sa buong daigdig ang mga transnasyunal na monopolyo o naghaharing kapitalista, kailangan nila ang sariling bayan sa kanilang panig bago sila mangahas na lumabas.

Sa kabaligtaran, sa ilalim ng sistemang kapitalista, walang kapitalistang estado na gagamit ng militar para ipagtanggol ang interes ng uring manggagawa. Ang kasaysayan ng United States ay puno ng mga kasong ginamit ng mga kapitalista ang hukbo at pulis para supilin ang mga nagwewelgang manggagawa, at mga nangahas mag-alsa laban sa sistema. Kahit sa panahon ng mataas na inabot ng pakikibaka ng uring manggagawa noong 1930s, nang sa wakas ay pakilusin ng gobyerno ng US ang national guard para itutok ang baril sa mga guwardya ng pabrika, hindi ito para ipagtanggol ang mga nakawelgang manggagawa, kundi bantayan ang mga employer na matigas ang ulo na huwag pagbigyan ang mga manggagawa kahit sa karapatan sa welga. Matutulak sana nito ang uring manggagawa sa US sa landas ng rebolusyon sa panahon ng Great Depression. Kung gayon, habang wala sa kapangyarihan ang uring manggagawa, walang sariling bayan ang mga manggagawa.

Gaano man kataimtim at kahit maringal ang pagkakasulat ng saligang-batas ng isang bayan, maaaring gumagamit pa nga ng Marxista-Lenistang kataga, matayog na itinataas ang “bandila”, gumagawa ng mga banal na pangako, o gaano man karismatiko ang lider, gaano man kataimtim na sumusumpa, tulad ng “ang uring manggagawa ang naghaharing-uri ng ating bayan”, tulad ng para sa “demokrasya”, para sa “kalayaan”, o para sa “unibersal na prinsipyo”, atbp., pero sa huling pagsusuri, para matukoy kung may bayan ba o wala ang uring manggagawa ay tingnan kung ang isang rehimen ay, sa salita ni Mao, “nagtatanggol ba o sumusupil sa mamamayan” kapag nag-alsa sila para ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Kung kaninong interes ang ipinagtatanggol ang naglalantad kung sino ang may sariling bayan.

Maitatanong ba natin sa panahon ng globalisasyon, hahayaan ba ng mamamayan ng pandaigdigang komunidad ang isang bagong superpower na magdomina

Page 124: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

116 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

sa daigdig? Maiiwasan ba ng pinakamataas na anyo ng estado kapitalismo ang pagkawasak sa loob sa kalaunan tulad ng nangyari sa Unyong Sobyet?

Ang katotohanan ay may nukleyar na sandata ang imperyalismong US para burahin ang planeta nang ilang ulit. Tulad ng babala ng isang salawikain sa China, hindi nito “ibababa ang pangkatay na patalim at maging Buddha”, para sa kapakanan ng sangkatauhan. Makikipaglaban ito hanggang kamatayan. Habang humihina ang United States, para panatilihin ang hegemonya nito, lalong magbabayad nang mahal ang mamamayan ng United States. Pangunahing rekisito ito para sa pagkagising ng mamamayan ng United States. Tanging sa pagkamulat ng mamamayan ng United States maiiwasan ng sangkatauhan ang banta ng digmang nukleyar at manatiling buhay. Gayunpaman, tanging ang pakikibaka ng mamamayan ng daigdig laban sa hegemonya ang makakapagpamulat sa mamamayan ng United States, tulad ng Korean War at ng Vietnam War. Sa halip, ang digmaan sa pagitan ng mga imperyalista ang kakaladkad sa mamamayang ng US sa panig ng imperyalistang kampo.

Sa panahong nukleyar, ang tanging paraan para sa mismong pananatili ng sangkatauhan ay magkaisa ang mga manggagawa ng daigdig at sama-samang lumaban sa lahat ng hegemonya!

Page 125: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Teorya ni Lenin sa imperyalismo at ang ika-21 siglo na imperyong Amerikano

Roland G. Simbulan

Si Vladimir Ilyich Ulyanov, mas kilala sa kanyang rebolusyonaryong alyas na Lenin, sa pagkalathala ng kanyang sanaysay, Imperialism, the Highest Stage of Capitalism (1917), ay naging isa sa mga tagapangunang Marxistang may-akda sa teorya ng imperyalismo kabilang sina Rudolf Hilferding (Finance Capital), Rosa Luxemburg (Accumulation) at Nikolai Bukharin (Imperialism and World Economy). Ang kanilang tagapangunang mga akda, bilang kalipunan, tinaguriang "klasikong Marxistang teorya sa imperyalismo", ang nagsiyasat sa paglitaw at pag-unlad ng pandaigdigang kapitalistang ekonomya noong maagang bahagi ng ika-20 siglo.

Layon ng kabanatang ito na magbigay ng update sa mga pagsusuri sa kapanahunang kalagayan ng pakikibaka ng mamamayan laban sa imperyalismo at makipagbuno sa mga teorya na ibayong nag-ambag sa teorya ng imperyalismo sapul nang pangunang pag-aaral ni Lenin sa imperyalismo. Sinusuri rin ng kabanatang ito ang iba't ibang instrumento ng makabagong imperyalismo ngayon, sa pangkalahatan, sa teoretikal at empirikal na antas. Lubhang nakakabahala at nagpapatuloy na ganito, mula ika-20 hanggang ika-21 siglo, ang mga plano ng imperyalismong US sa Korea, Pilipinas at laluna sa Vietnam, at ngayon sa Middle East. Subalit ipinapakita kung bakit ang mga gawi ng US sa daigdig noon at ngayon ay sa katunaya'y nagpapakilos ng mas maraming kaaway laban sa US sa buong daigdig.

Isinulat talaga ang Imperialism ni Lenin noong 1916, iyon ay, sa gitna ng imperyalistang digmaan (World War I). Inilimbag noong 1917, nilayon niya na ilantad ang esensyal na kalikasan ng imperyalismo, at sa gayo'y mahubaran ng maskara ang mga patakaran ng mga imperyalistang kapangyarihan, mga ugat ng imperyalistang digma, at kataksilan ng ibang mga 'sosyalistang' lider na bumaligtad sa panig ng mga imperyalista, at ipakita sa manggagawa na ang landas pasulong ay nasa pagbabagsak sa imperyalismo.

Ipinakita ni Lenin na bagong yugto ng kapitalismo ang imperyalismo, at natuklasan niya ang kalikasan nito at mga batas ng pag-unlad nito. Ipinakita niya na ang imperyalistang yugto ang pinakamataas at huling yugto ng kapitalismo at ang panahon ng imperyalismo ay kaalinsabay na panahon ng mga proletaryong rebolusyon.

Page 126: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

118 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Ipinaliwanag ni Lenin na ang imperyalismo ay monopolyong yugto ng kapitalismo. Sa pagbibigay ng ganitong depinisyon, inilinaw ni Lenin ang eksaktong kahulugan nito sa mayamang datos na makukuha noon. Pagkatapos ay ipinakita niya ang mga espesyal na katangian ng ganitong monopolyong yugto:

1. ang konsentrasyon ng produksyon at kapital ay umunlad sa mataas na antas na gumaganap ng mapagpasyang papel ang mga monopolyo sa pang-ekonomyang buhay;

2. ang pagsasanib ng kapital ng bangko at industriya ay lumikha ng "pinansyang kapital" at isang "oligarkiyang pinansyal";

3. ang eksport ng kapital ay umunlad, kaiba sa eksport ng mga kalakal;

4. nabuo ang mga internasyunal na kapitalistang monopolyo, na pinagsasaluhan sa kanilang sariling hanay ang daigdig;

5. ang buong daigdig ay pinaghahatian ng malalaking imperyalistang kapangyarihan.

Binakas ni Lenin ang proseso ng pag-unlad ng mga imperyalistang kapangyarihan. Ipinakita niya kung paano nagpapalitaw ang pag-eksport ng kapital sa pagsakop ng mga kolonyal na teritoryo, at sa paglupig ng milyun-milyong nakolonyang mamamayan sa imperyalistang dominasyon. Ang daigdig ay hinati-hati ng mga imperyalista, sabi niya. Subalit walang paghahati sa daigdig ang kailanma'y makabubusog sa kanila. Sapagkat may "batas ng di-pantay na pag-unlad" na nangangahulugan na habang lumalawak at nalalampasan ng ilang imperyalistang kapangyarihan ang iba pa, iginigiit nila ang muling-paghahati sa daigdig na tumutugma sa bagong balanse ng pwersa. Samakatwid, isinulat ni Lenin, hindi mapaghihiwalay ang imperyalismo sa mga imperyalistang digmaan. (Lenin, 1917)

Pagkatapos ay ipinakita ni Lenin na sa imperyalismo, napapatingkad ang lahat ng katangiang parasitiko ng kapitalismo. Sa imperyalismo, nabubulok ang kapitalismo, naihahanda ang kalagayan para sa pagpapalaya ng kolonya at sa proletaryong rebolusyon.

Kaalinsabay ipinakita ni Lenin kung paanong ginagamit sa mga imperyalistang bayan ang super-tubo na likha ng imperyalismo para suhulan ang isang seksyon ng uring manggagawa, na sa gayo'y nakikita ang sarili nilang interes na nakatali sa interes ng imperyalismo. Ito ang batayan ng paglago ng oportunismo sa kilusan ng uring manggagawa, ayon kay Lenin.

Sa kasaysayan, nagsa-anyo ang Kanluraning imperyalismo sa batayang tributo, imperyalismong pang-kalakalan, industriyal, pinansyal at militarismong mga porma

Page 127: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 119

ng pagbubuo ng imperyo. Ang pag-angat sa komersyo ng imperyalismo bilang resulta ng pagkonsolida nito, ay tumungo sa manupaktura kasama ang pinansyal na kapital, sa gayo'y winawasak ang mga lokal na pamilihan. Sinaklaw rin ni Lenin ang paglitaw ng monopolyo at ng inter-imperyalistang ribalan.

Iba pang Makabuluhang mga Teorya sa Imperyalismo

Naobserbahan ng The Accumulation of Capital ni Rosa Luxemburg na umiiral ang kapitalismo kasabay ng iba pang moda sa produksyon, at lumalawak ang kapitalismo sa di-kapitalistang kapaligiran nito, sa huli'y nilalamon itong lahat. Ikinatwiran niya na kailangan ng kapitalismo ang ganitong di-kapitalistang kapaligiran para manatiling buhay. Nagtuon si Hilferding, sa Finance Capital, sa mga bangko bilang sentral na kumikilos sa paglago ng monopolyo kapital, dahil para kay Hilferding, ang pagunahing gawain ng bangko ay isentralisa ang salaping kapital sa pambansa at pandaigdigang saklaw. Ang Imperialism and the World Economy ni Bukharin ay nagbigay ng komprehensibong larawan ng mga pag-unlad sa loob ng mga abanteng kapitalistang bayan at kung paano natransporma ang mga ito sa pandaigdigang ekonomya. (Brewer, 1980)

Pinuna, isinanib at ginawang popular ni Lenin ang mga sulatin nina Luxemburg, Hilferding at Bukharin para buuin ang isang komprehensibong "teorya ng imperyalismo bilang pinakamataas na yugto ng kapitalismo."

Imperyalismong Multilateral

Mula sa daigdig na nakolonya — mga biktima ng kolonyalismo — lumitaw ang pararaming sulatin. Ang The Political Economy of Imperialism ni Dan Nabudere ay isang tagapangunang akda sa imperyalismo mula sa perspektiba ng Africa, isa sa mga unang biktima ng mapandagit at primitibong akumulasyon ng mga kapitalista ng Europe sa pamamagitan ng pandarambong at kolonisasyon. Malaki ang naiambag ni Nabudere sa pagdedetalye ng kasaysayan ng imperyalismo mula sa merkantilista hanggang sa kasalukuyan nitong multilateral na anyo. Binalangkas niya ang kasaysayan ng Kanluraning mga kapangyarihang pang-ekonomya umpisa sa paglago ng kapitalismo mula sa medieval na merkantilistang sistema, tungo sa rebousyon sa industriya at sa hegemonya ng pinansyang kapital. Ayon kay Naubudere, ang Kanluraning pang-ekonomyang sistema ng kapitalismo ay lumikha ng nagbabagong mga kontradiksyon at ito'y umapekto sa katangian ng kolonyal na pagpapalawak. Idiniin niya ang nagbabagong mga anyo ng imperyalismo bilang kinakailangang katangian sa katatagan ng Kanluraning kapitalismo sa pamamagitan ng pagpigil sa sarili nitong krisis. Kinakakailangan kung gayon na himayin ang mga instrumento sa pulitika, ekonomya at militar ng imperyalismo sa makabagong panahon.

Page 128: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

120 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Kalakalan at Imperyalismo

Matatandan na sa kanyang klasikong akda, Capital, Sec. 2, Depression of Wages below the Value of Labor-power, at Sec. 5. Foreign Trade, tinukoy ni Karl Marx ang dayuhang kalakalan bilang isang instrumento ng imperyalismo para "bumili ng ilang pangangailangan sa buhay nang mas mura kaysa magagawa sa sariling bayan, nagtataas sa tantos ng labis na halaga, at para bumili rin nang mura sa ilang kagamitan sa produksyon, nagbabawas sa halagang bumubuo sa kapital, at mula sa dalawang anggulo, itinataas ng dayuhang kalakalan ang tantos ng kapital." Inaasahan ni Marx na ang paglawak ng kapitalismo ay tutungo sa ganap na kapitalistang pag-unlad sa lahat ng lugar, maliban kung maunahan ng sosyalistang rebolusyon. Dagdag pa, nakita ni Friedrich Engels na habang nagaganap ang paglawak ng kapital, tumataas ang pirmeng pamumuhunan, kumukuha ang mga empresa ng utang sa bangko para sa pagpapalawak, lumilitaw ang mga pakanang ispekulatibo, at muling tumataas ang tantos ng interes. (Arghiri, 1972)

Sa nakaraang kalahating siglo, ang mga akda sa pangkat ng Monthly Review kinatatampukan nina Baran (1975), Sweezy (1966) at Magdoff (1969), Kemp (1967), Frank (1969), Petras (1980) at Emmanuel (1972), ay nag-ambag sa kabayang-yaman ng materyales ukol sa imperyalismo, kapwa sa teoretikal at empirikal na antas. Ang mga akdang ito — mula sa punto de bistang Marxista, ay naglilinaw sa teorya, kasaysayan at mga ugat ng imperyalismo, at talagang tumutulong sa pagpapayaman ng batayang teorya ni Lenin sa imperyalismo, bagama't hindi ganap na umaayon dito, sa pag-update nito. (Radice, 1980; Brewer, 1980). Dinala tayo ng mga akdang ito sa panahon ng pandaigdigang pagpapalawak ng Western Europe kabilang ang Industrial Revolution tungo sa panahon ng mga korporasyong multinasyunal, at tungo sa imperyalismong US ng makabagong panahon. Subalit mas makabuluhan sa kanilang kontribusyon sa teorya ng imperyalismo — sa pamamagitan ng kanilang pagsusulat na napatunayan sa rebolusyonaryong praktika tulad ni Lenin — ang nagmula sa mga rebolusyonaryong lider gaya nina Mao Zedong, Ho Chi Minh, Kim Il Sung, Fidel Castro, Che Guevarra at Amado Guerrero (pangalan sa pakikibaka ni Joe Ma. Sison).

Militarismo at Imperyalismo

Sumasakop ngayon ang pandaigdigang imperyo ng United States nang may halos 800 base-militar liban pa sa mga sikretong base, mga alyansang multilateral (NATO) at bilateral, dominanteng posisyon sa internasyunal na institusyong pinansyal (World Bank, IMF), multilateral na pandaigdigang institusyon sa kalakalan (World Trade Organization), at may mga transnayunal na bangko, investment houses at mga korporasyong transnasyunal ng US sa hilaga at timog America, Europe; Middle East, Asia-Pacific at Africa. (Simbulan, 2016)

Page 129: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 121

Gumamit ang imperyalismong US ng militarismo at state terror, nagtataguyod at sumusuporta sa mga militarista at awtoritaryang diktadura na sumusuporta sa pang-ekonomya, ekspansyunsita at estratehikong mga layunin ng US. Makikita ang ganitong militaristikong hegemonya sa mahabang pangkasaysayang konteksto sa paglitaw ng makabagong panahong imperyalismong US na itinatag mula sa pundasyon ng henosidyo, pamamasalang at pagsasamantala simula nang paglipol sa katutubong Indians sa America hanggang sa mga kabuhungan sa Samar noong Philippine-American War at masaker sa Bud Dajo laban sa mamamayang Moro.

Mayaman ang rehiyong Asia-Pacific sa pakikibaka ng mamamayan ng Asia na lumalaban sa kolonyalismo at pyudalismo at sinagupa ng terorimo ng kolonyal na estado, at kalaunan ng mga rehimeng matapos ang kolonyalismo na tumatalima sa "US national security doctrine". Sa kasaysayan, ang imperyalismong US at nakabig nitong seksyon ng mga lokal na naghaharing-iilan ay sumalig sa mga batas ng pambansang seguridad para supilin ang pambansa at demokratikong mithiin ng mamamayan. Marami sa mga batas ng pambansang seguridad sa Asia ay may pagsisimula sa kolonyal na kapangyarihang pangkagipitan subalit ang mga ito'y patuloy na umunlad at ginamit ng mga lokal na naghaharing-iilan para mapamalagi ang kanilang paghahari. At dito nakasalalay ang sentral na usapin pang-relayon sa pagitan ng pang-ekonomyang globalisasyon sa pamumunong-imperyalista at ng militarismong US.

Ang "ganting-pagsabog" mula sa interbensyong militar at pampulitika nito sa Middle East laluna sa pagsuporta nito sa pulis-estadong Zionist ng Israel, ay nagresulta sa atakeng Setyembre 11, 2001 sa World Trade Center at sa Pentagon. Ginawang pagdadahilan ang pangyayaring ito para ideklara ang tinatawag na "global war on terrorism" at gumawa ng pakunwaring dahilan para palawigin at bigyang-katwiran ang malulupit na batas ng pambansang seguridad at mga hakbangin tulad ng US Patriot Act para supilin ang kilusan ng mamamayan sa America para sa demokrasya at karapatang pantao. Ang mga atake na ito na tumama sa pinakapunong-bayan ng imperyalismong US at mismong mga simbolo at punong-himpilan ng kapitalismo at ng militar ng US ay lumikha ng mga kaganapang ginamit para bigyang-katwiran ang agresibong interbensyong militar, pananalakay at pananakop ng United States sa mga bayang mayaman sa langis tulad ng Afghanistan, Iraq, Libya at Syria. Sa mismong pinakapunong-bayan ng imperyalismong US gayundin sa mga bayan na may malalakas na estadong anti-imperyalista o kilusan ng mamamayan, naging ganting-salakay ang pagpapatibay ng malulupit na hakbang sa lehitimong kahilingan ng mamamayan at sariling-pagpapasya ng kanilang mga estado.

Dapat nating pansinin na sa huling hati ng ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan, hindi lamang gumamit ang United States ng hegemonya nito sa transnasyunal na kapital at pwersang-militar ng US sa daigdig. Gumagamit din ito sa pandaigdigang media na kontrolado nito, sa hegemonya ng depinisyon tulad sa kaso ng "the war against terror", na ang tinukoy na kaaway ay ang lahat ng lumalaban o kritikal sa

Page 130: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

122 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

imperyalistang globalisasyon ng US. Tulad ng ginawa nito laban sa mga kilusan ng mamamayan, sosyalistang estado at kilusan sa pambansang pagpapalaya noong Cold War, patuloy itong gumagamit ng hegemonya sa depinisyon ng kaaway nito matapos ang Cold War: "international terrorism" — gaano man kalabo o kasaklaw ang depinisyon. Ginagamit nito ang anino ng sariling-likha tulad ng Al Qaeda at ISIS para maghasik ng takot sa mamamayan ng daigdig na tanggapin nila o imbitahan ang armadong pwersa ng US para protektahan sila.

Subalit ang imperyalismong US ngayon ay hindi lamang nasa kalagayan ng hegemonya kundi nasa kalagayan din ng krisis — kapwa likas na katangian ng naghihingalong kapitalismo (Lenin, 1917). Ang maramihang krisis ng pandaigdigang kapitalismo ay naging napakatindi na dinaranas nito ang kombinasyon ng mga krisis sa pagiging lehitimo, sa labis na produksyon, at sa labis na pagkabanat. Ang mismong demokrasyang liberal ay nasa krisis na kahit ang pinakamahuhusay nitong taga-isip ay nagsisimulang lisanin ang neoliberalismo. Ang pagkagitla sa maling akala ukol sa modelong neoliberal ay pinalala pa ng pangyayaring tulad ng pagbagsak ng mga lokal na ekonomya matapos sundin nang lubos ang mga neoliberal na payo ng International Monetary Fund. Kaya't ngayon, naghahanap ang imperyalismo ng mga bagong kaaway o banta para ilihis ang pansin mula sa krisis na ito. May pangangailangan ngayon na bigyang-katwiran ang mas agresibong paggigiit ng pandaigdigang kapangyarihan alinman sa "digma laban sa internasyunal na terorismo", o sa kumukulong banta ng pang-ekonomyang higante, ang China, na nagpapalakas sa South China Sea para protektahan ang pagkukunan ng angkat na enerhiya at hilaw na materyales.

Gayunpaman, nananatiling di-mapantayang kapangyarihang-militar sa daigdig ang United States, hawak ang pandaigdidang lakas na ginagamit ang makapangyarihang hukbong-dagat sa lahat ng karagatan ng daigdig. Pangunahin nitong instrumento ang US Navy sa pagtudla ng pandaigdigang lakas para sa pagsaklaw, pagtatanggol at pagpapanatili sa pagbubuo US ng imperyo. Ang 11 aircraft carrier strike group ng US sa buong daigdig ay nagtutulot dito na umatake saan mang lugar sa planeta. Suportado ang makapangyarihang lakas nabal o pandagat nito ng hilera ng mga base-militar sa ibayong-dagat para sa lohistika, pagkukumpuni, pag-suplay, pagsasanay, lunsaran, pagtudla ng lakas-militar at imbakan ng kagamitang pandigma. (Simbulan, 2016)

Sa tinatayang 800 hanggang 1,000 base-militar at pag-istasyon ng daan-daang libong tropa ng US sa daigdig, hinahati ng US ang daigdig, tulad ng sinaunang panahon ng Roman Legions — para ipagtanggol ang Imperyo sa 10 Global US Military Commands at inilagay ang lahat ng base-militar ng US sa ilalim ng Global Commands. Ang US Global Commands ay ang mga sumusunod:

1. US African Command — sakop ang 53 na bayan sa Africa

Page 131: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 123

2. US European Command — sakop ang Europe, ang mga dating estado ng USSR, Greenland, at mga bahagi ng Atlantic at Arctic Ocean

3. US Central Command — sakop ang Middle East, at ang sentral na erya ng mundo sa pagitan ng Europe at Asia

4. US Pacific Command — sakop ang north at west Pacific Ocean, South Pacific ocean patungong Antarctica, China at India

5. US North Command — sakop ang kontinental na US, Canada, bahagi ng Arctic Ocean hanggang sa North Pole

6. US Southern Command — sakop ang Caribbean, bahagi ng Atlantic, Central America at South America, pababa sa Antarctica

7. US Special Operations Command — sakop at operasyon saanman kinakailangan sa daigidig

8. US Transport Command — sakop at operasyon saanman sa daigdig na kailangan ang tropa, kagamitang pandigma at suplay ng US

9. US Space Command — sakop ang lahat ng erya sa kalawakan

10. US Strategic Command — namamahala sa lahat ng pwersang-nukleyar ng US sa daigdig

Inangkin nito sa sarili na maging hirang-sa-sarili na "policeman of the world" at walang-habas na lumalabag sa internasyunal na batas, soberanya ng mga independyenteng bayan, at UN charter, tinatatakan ang mga kaaway nito bilang mga terorista o terorista/tampalasang estado. At kung naaayon sa sariling interes, minsa'y nananawagan ang US ng internasyunal na batas laban sa iba pang bayan.

Ang Central Intelligence Agency (CIA) ang ahensyang paniktik sa ibayong-dagat ng United States at marahil pinaka-bantog dahil sa mga kapangahasan nito — kabilang ang dis-impormasyon ukol dito — na ginawang alamat at panghalina ng Hollywood. Sa katotohanan ngayon, ang US intelligence community — kilala bilang Ikaapat na Sangay ng gobyernong US, ay may 16 na ahensya at departamento na pawang kinokoordina ng Director of National Intelligence: ang CIA, ang Defense Intelligence Agency ng U.S. Department of Defense, ang Federal Bureau of Investigation (FBI), ang Technical Operations Support Activity (TOSA) ng Joint Special Operations Command, ang Office of Naval Intelligence ng U.S. Navy, ang National Security Agency (NSA), ang National Reconnaissance Office, ang North American Aerospace Defense Command, ang National Geospatial-Intelligence Agency, ang National Counterterrorism Center, ang Federal Investigative Services

Page 132: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

124 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Division, ang Department of State Bureau of Intelligence and Research, ang Department of Energy Office of Intelligence Support, ang Drug Enforcement Administration (DEA), ang Department of Treasury Office of Intelligence Support, at ang Department of Homeland Security.

Sa mga ito, masasabi nating pinakamalakas ang National Security Agency (NSA) na bagama't hindi gaanong litaw, ay may pinakamalaking badyet taun-taon sa lahat ng US intelligence agencies. Nagmamanman ito sa buong daigdig, at ang misyon nito ay protektahan din ang US national security information systems at kolektahin at ipamahagi ang dayuhang signals intelligence at intercepts. Nagmamantina ang NSA ng pinaka-sopistikado at pinaka-abanteng teknolohiya sa sistemang paniktik na nabuo higit kailanman. Sa pamamagitan ng sistemang paghahatid ng mga satelayt at istasyon ng mga paniktik sa Australia, New Zealand, UK, Canada at United States, nagagawang maharang at makuha ng US ang lahat ng transmisyon ng telepono, fax, email, internet at cellphone sa buong daigdig. Ang pinaka-sentro nito ay nasa Fort Meade sa Maryland kung saan nagmamantina ng punong-himpilan ang NSA.

Nagbuo ang NSA ng United States global surveillance system, may koda sa ilalim ng iba't ibang proyekto at programa, na makapangyarihang lambat-elektroniko na pinatatakbo ng supercomputers na humaharang, nagmamanman at nagpoproseso sa lahat ng telepono, fax at mobile signals. Nagtala ang European Parliament sa 1988 Report na pinamagatang, "An Appraisal of Technologies of Political Control", ng mabibigat na alalahanin at nagrekomenda ng malalim na imbestigasyon sa operasyon ng US-NSA na nakatuon sa mga alyado sa Europe. Inilantad ni Ed Snowden, isang dating CIA/NSA na teknisyan na naging tagasiwalat, ang pag-eespiya ng US sa mga mensahe sa pamamagitan ng abanteng programa sa paniktik ng NSA tulad ng 'Mystic' na kumukolekta ng metadata at nilalaman mula sa mobile networks sa Pilipinas, Caribbean, Mexico at Kenya, sampu ng iba pang bayan, kung saan nagtitipon ang US ng personal na datos mula sa mobile calls at text messages. Binanggit pa ni Snowden na ang US embassy sa Manila ay isa sa 90 bayan na nagtatag ng "pasilidad sa pagmamanman" sa Embahada nito ang mga yunit sa paniktik ng US. Inilagay rin ang isang lihim na programa sa pangmalawakang elektronikong pagmamanman ng data mining sa tinaguriang "Prism" para kolektahin ang nakalagak na impormasyon sa internet, umaabot nang kasing-layo sa Jakarta, Kuala Lumpur, Phnom Penh, Bangkok, Yangon, Taiwan, Hong Kong, Shanghai at iba pang lunsod sa China, ayon sa nagsiwalat na CIA/NSA na si Snowden.

Matatandaan na sa ilalim ng 1999 Visiting Forces Agreement (VFA) at ng 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement, ang saklaw ng mga ispesyal na pribilehiyo at hindi makakasuhan ng krimen ay hindi lamang para sa armadong pwersa ng US kundi maging sa "sibilyan na tauhan na ginagamit ng sandatahang lakas ng US at kasama ng sandatahang lakas ng US." Ang ganitong mga "sibilyan" ng US ay hindi lamang sumasakop sa pribadong mga kontratista sa depensa kundi maging sa mga teknisyan ng malihim na US National Security Agency tulad ni Ed

Page 133: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 125

Snowden na, sa panahong naririto ang mga base ng US, nagpatakbo sa pasilidad ng komunikasyong pang-espiya sa Clark, Subic at Camp John Hay, sampu ng iba pa. (Simbulan, 1985)

Samantala, nalantad ang CIA hindi lamang bilang lihim na ahensya sa paniktik ng Imperyong US sa ibayong-dagat kundi bilang "isang nakatuon sa aksyon" na daluyan ng patakarang panlabas at militar ng America na sangkot sa mga asasinasyon, pampulitikang de-istabilisasyon at kudeta laban sa ibang bayan at mamamayan. Ang 1975 Committee Report ng Senado ng US na pinamunuan ni Senator Frank Church na nag-imbestiga sa lihim na aktibidad ng CIA sa ibayong-dagat ay nagpakita kung paano ibinagsak ng CIA ang di-mabilang na mga dayuhang gobyerno tulad sa Iran, Indonesia, Chile. Sangkot din ang CIA maging sa kudetang militar sa Chile noong 1973 na nauwi sa pagkamatay ng sosyalistang pangulong Salvador Allende. Ang mga para-militar ng CIA at US Special Operations Forces ay binigyan ngayon ng trabahong pumatay ng high value "terrorist targets." Kamakailan, gumamit na rin ang CIA ng mga pamatay na drone para bantayan ang Imperyong US at interes nito. Ang Unmanned Aerial Vehicles (UAVs) o drones na akmang tinawag na "predators" at "reapers" ay pinamamahalaan ngayon ng CIA mula sa punong-himpilan nito sa Virginia para sumagupa sa targetted killings o mga asasinasyon sa mga nabansagang "for lethal action". May listahan ng mga papataying indibidwal sa buong daigdig, minanmanan at tinarget para sa mga bigwas na walang hangganan.

Ang mga Pangkulturang Instrumento ng Imperyalismo

Hindi dapat bale-walain o maliitin ang pangkulturang hegemonya ng makabagong imperyalismo. Ang paggamit sa tinatawag na "soft power" na kadalasang nakatuon sa pang-ekonomyang aspeto tulad ng kalakalan at dayuhang ayuda kabilang ang mga pautang, ay kalimitang hindi pumapansin sa "winning hearts and minds of the world" sa pamamagitan ng McDonald's, Levis, Hollywood, Microsoft at iba pang commercial icons ng US na bumihag sa damdamin at isip sa isang globalisadong kapaligiran. Samantala, ang global media tulad ng CNN — sa 24 oras, 7 araw bawat linggo — ay naghahatid ng imperyalistang propaganda at patuloy na nagpapatalastas sa daigdig ng "American way of life". lahat ng ito'y karagdagan sa istruktura ng isang daigdig na dominado na ng pandaigdigang lakas militar (o hard power) ng US, at mga korporasyong transnasyunal at bangko ng US. Hindi lamang ito Amerikanisasyon ng ugali natin sa pagkain. Hindi natin dapat maliitin ang ganitong "soft power" na epektibong pinakikilos at ginagamit bilang bagay na mahalaga ng ganitong superpower sa hegemonya. Isinulat ng kilalang sociologist C. Wright Mills:

"Ang kultura sa ating kagamitang kultural ay hindi na ispontanyong paglikha ng mamamayan kundi sa halip ay isang aspeto ng organisasyon at reproduksyon ng panlipunan at pampulitikang dominasyon. Kung magiging posible man ang panlipunang pagbabago, kinakailangan ng mga sangkot dito na maunawaan ang

Page 134: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

126 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

proseso at distribusyon ng mga susing pangkulturang anyo. Ang pinakamatatag na bahagi ng ganitong kagamitang kultural ay ang sistema ng edukasyon kung saan nagaganap ang gawaing artistiko, intelektwal at syentipiko." (C. Wright Mills, 1954)

Ang pang-ekonomyang sistema, ayon kay Lenin, ay itinutulak ng akumulasyon ng kapital, iyon ay, sa pagsisikap ng isang maliit na minorya ng mga tao na nagmamay-ari ng produktibong yaman para lubusin kapwa ang tubo at paglago ng kanilang mga negosyo. Walang-patid ang ganitong kapitalistang pwersa at sumasakmal sa halos bawat aspeto ng buhay ng bawat bansa sa mundo. Ang kalagayan ng pandaigdigang ekonomya sa kasalukuyan ay nagpapa-isip din sa atin ukol sa pagiging sentral na usapin ng paggalaw sa pagitan ng ngayo'y global, pinagsanib na ekonomya ng pamilihan at mga institusyon na likha nito para panatilihin ang sarili. Para sa akademya, nakita natin ang mga neoliberal at neo-konserbatibong nagluwal ng mga ideya para isustena ito, kung paano mag-suplay ng mga manedyer sa hinaharap para sa kapitalistang sistema, at mga argumento para bigyang-katwiran ang umiiral na dominanteng kapitalistang kaayusan. Sa gayon, nagiging pang-ideolohiyang kanlungan ang akademya para sa pagbibigay-katwiran at pagsusuri sa "malayang pamilihan", "malayang kalakalan", at "deregulasyon at pribatisasyon". Subalit madalas nakakaligtaan ng mga kaibigan at kasamahan nating neoliberal sa akademya na ang kanilang payo ay nakabatay sa kalayaan para sa negosyo ngunit diskriminasyon at pagsupil sa mahihirap na anakpawis.

Ang matayog na pangarap ng mga imperyalistang kapangyarihan ay lumikha ng imprastrakturang kultural na magpapatibay sa dominanteng balangkas ng patakarang imperyalista na huhulma sa pagpapahalaga, kagandahang-asal at moralidad ng panahon, gaano man kabaluktot. Ang buod at himaymay ng media sa America ay nangatwirang para sa sarili nating kabutihan ang agresyong imperyalista at pagpapahalagang Amerikano.

Gayundin, nasa pinaglalabanan sa ideolohiya ang sistematikong pagsisikap ng imperyalismong US na tiyakin ang pagiging lehitimo ng patarakang Amerikano sa ibang bayan gamit ang pagsusulat at mga panayam sa mga Amerikanong taga-isip tulad nina Henry Kissinger, Samuel Huntington, Jeanne Kirkpatrick, at Francis Fukuyama — na ilan lamang sa tampok na maka-kanang taga-isip sa kasalukuyan ng imperyalismong US. Naging mahalagang larangan ito para sa hegemonya ng US na kabigin ang damdamin at isip kapwa sa sariling bayan ng America gayundin sa edukadong iilan na maimpluwensya sa ibang bayan. Dagdag pa, gumamit sila ng "konserbatibong rebolusyon" para sa ika-21 siglo, na itinaguyod ng mga pinaka-maimpluwensyang institusyong intelektwal o think tanks sa US, tulad ng Harvard Center for International Affairs ni Kissinger, ang American Enterprise Institute, ang Heritage Foundation, sampu ng iba pang institusyon, na binubusog ng daan-daang milyong dolyar ng gobyerno ng US at pondo ng korporasyon para mag-espeyalisa sa pagpuna sa programang income-redistribution ng gobyerno, at bigyang-katwiran ang konserbatibong panloob at panlabas na patakarang maka-Kanan. Ang ganitong

Page 135: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 127

mga konserbatibong institusyong pabrika ng ideya ay nakagawa at nakapagpakalat ng kanilang mga ideya sa pamamagitan ng mga libro, dyornal at kahit sa pinong paraan, sa pamamagitan ng mga pelikulang Hollywood.

Nag-aalok din ang pinakamalalaking korporasyong transnayunal ng US at ang Pentagon na pondohan ang Professorial Chairs sa kalakhan ng mga pinaka-prestihiyosong unibersidad para suportahan ang mga iskolar tulad nina Huntington, Kissinger at Fukuyama na naglalako ng kaisipang konserbatibong may-kalidad. Magiging simplistiko lamang para sa atin na bale-walain ang kanilang inisyatiba at impluwensyang intelektwal na nagdodomina pa rin sa pag-iisip ng pangunahin gayundin ng karamihan ng Amerikano at Pilipinong akademiko at maging mga tagagawa ng patakaran. Kapwa leksyon at paghamon sa mga progresibong iskolar na nararapat mag-aral nang lubha kung paano sasagutin ang ganitong intelektwal na agresyon at pananalakay sa pamamagitan ng kanilang orihinal at namumukod na gawaing intelektwal.

Super-presyo, Super-teknolohiya para sa Pakikidigma

Sapul nang unang pasabugin ang dalawa nitong bomba-atomika sa Japan noong 1945, nanguna ang United States sa global arms race, gumastos ng walang-kapantay na halaga para sa kakayahang mandigma. Sa ngayon, pinapanatili nito ang ganoong pangunguna sa China, Russia at iba pang estadong may armas-nukleyar, laluna sa usapin ng aircraft carriers, malalaking surface ships, ballistic missile submarines at attack submarines. Ayon sa Jane's Annual Report (2015), ang bawat lumulutang na base ng US — ang 11 aircraft carriers nito — ay tinatayang nagkakahalaga ng US$13 bilyon bawat isa.

Una, sinandatahan na ng United States ang kalawakan, lumikha pa ng US Space Command para maglagay ng sandata sa kalawakan o sa mga nilalaman nito para atakehin ang mga kaaway na satelayt, pagmamanman, o sirain ang signal mula sa kaaway na satelayt, o magkaroon ng lumulutang na laser para lumpuhin ang kaaway na satelayt, umiinog na ballistic missiles. Dati-rati, ang militarisasyon nito sa kalawakan ay gumamit ng C4ISR (Command, Control, Communications, Computers, Intelligence, Surveillance and Reconnaissance). Nanguna ang US sa mga lumilitaw na pandaigdigang kapangyarihang militar sa pagtransporma ng kalawakan sa isang potensyal na paglalabanan, "ang ikaapat na prontrera ng digma." Nagpaunlad din ito ng long range intercontinental ballistic missiles (ICBMs) bilang bahagi ng Ballistic Missile Defense (BMD) nito para wasakin ang kaaway na asset na nasa kalawakan. Tinatayang sumasalig ang militar ng US sa kalawakan para sa 70-80% ng paniktik nito, at 80% ng komunikasyon nito. Ang paglalagay ng armas ng US sa kalawakan ay nagtulak sa China at Russia na igiit ang Treaty on the Prevention of an Arms Race in Outer Space (PAROS) para ipagbawal ang pagsandata sa kalawakan.

Page 136: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

128 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Ikalawa, nangunguna ang US sa pinaka-abanteng Seawolf at Virginia class na submarinong nukleyar na may operasyon sa lahat ng karagatan ng daigdig. Ang mga submarinong nukleyar na ito ng US ay matulin, may tahimik na pag-andar, at halos imposibleng matunton.

Ikatlo, gamit ang abanteng pananaliksik at pinabilis na teknolohiya, hindi na lamang kathang-isip ang Artificial Intelligence Battlefields. Nagpaunlad ang US Department of Defense (Pentagon) ng gamit pang-militar sa Artificial Intelligence (AI), umpisa sa unmanned weapons systems hanggang sa command and control, at "informationalized"" at "intelligentized" na paraan ng pakikidigma.

Subalit ang superyoridad ng United States sa usapin ng teknolohiyang militar at high-tech na pakikidigma ay tinatapatan ng katabing malalaking ekonomyang bayan pangunahin na ang China at Russia na nangunguna ring taga-eksport ng armas sa daigdig pangalawa sa United States. Nagiging mapagpasyang kahinaan din ang dominasyon ng US sa militarisasyon at pag-aarmas sa kalawakan dahil napaunlad na ng China, halimbawa, ang sistemang kontra-satelayt para atakehin ang space systems ng US para maparalisa ang kaaway nito. Ang paggamit ng China ng Electromagnetic Weapons bilang bahagi ng aplikasyon ng "assymetric warfare" ay naglalayong samantalahin ang bulnerabilidad ng high-tech weapons systems ng US na sobrang umaasa sa asset sa impormasyon at komunikasyon. Hindi magtatagal na masasaksihan natin ang larangan ng labanan sa Artificial Intelligence. Kinopya ang modelo ng military-industrial complex ng US, napagsanib ng mga kompanya sa teknolohiya ng China tulad ng Baidu Inc., Alibaba Group, Tencent Holding Ltd. at China Electronics Technology Group Corporation ang paggamit sa militar ng kanilang bagong teknolohikal na pag-igpaw sa AI at hypersonic na teknolohiya.

Makaraan ang 100 taon mula nang maisulat ito, ang tagapangunang akda ni Lenin, “Imperialism, the Highest Stage of Capitalism”, ay patuloy na gumagabay sa ating pag-unawa sa imperyalismo, hinuhubaran ng maskara ang paggalaw at layunin nito. Inilalantad din nito ang nagpapatuloy na pamamaslang at tahasang paglabag sa buong daigdig na magpapahindik sa sinumang nagmamalasakit sa hustisya, kalayaan at karapatang pantao. Ang ambag ni Lenin sa pag-unawa sa mga galamay ng kapitalismo sa pandaigdigang labanan ay matalim at mabisa sa paglalantad at paghuhubad sa patakarang panlabas ng US.

Kung hindi tayo matututo rito, patuloy tayong mamumuhay sa hilakbot ng takot na ang mga nakababatang henerasyon natin ay muling kakaharapin na magamit silang pambala sa kanyon ng inter-imperyalistang digmaan, sa isang digma na walang mga hangganan, at may mapangwasak na kalalabasan na hindi na natin lubos maisip, laluna't kapag pinili ang gerang nukleyar.

Page 137: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 129

BIBLIOGRAPIYA

Alghiri, Emmanuel. (1972). Unequal Exchange, A Study of the Imperialism of Trade. London.

Brewer, Anthony (1980). Marxist Theories of Imperialism: A Critical Survey. London: Routledge and Kegan Paul Ltd.

Lenin, Vladmiri Ilyich (1917). Imperialism, the Highest Stage of Capitalism. 16th printing, 1975.. Moscow: Progressive Publishers

Magdoff, Harry (1978). Imperialism: From the Colonial Stage to the Present. New York: Monthly Review Press.

Mills, C. Wright (1954), “The American Intellectual” in Journal of American Sociology, Vol. XXXII, No. 2.

Nabudere, Dan (1978) The Political Economy of Imperialism. 2nd Edition. London: Zed Press. Radice, Hugo editor. (1980) International Firms and Modern Imperialism. Penguin.

Simbulan, Roland G. (1985). The Bases of our Insecurity. Quezon City: Balai.

Simbulan, Roland G. (2016) “The Strategy of U.S. Militarism in Asia and the Pacific”. Pamphlet published by the Philippine Anti-Imperialist Studies and Linangan ng Kulturang Pilipino.

Page 138: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong
Page 139: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Isang Siglo ng Ribalan at DigmaanPio Verzola Jr.

Pambungad

Noong tagsibol ng 1916, isinulat ni V.I. Lenin ang isa sa mga mayor niyang akda, Imperialism, the Highest Stage of Capitalism, na naglalaman ng tesis ukol sa limang katangian ng kapitalistang sistemang naging monopolistiko. Iginiit niya na ang ikalimang katangian ng imperyalismo — ang ganap na paghahati sa daigdig sa kani-kanyang teritoryal na saklaw ng impluwensya ng mga imperyalistang kapangyarihan — ay di-maiiwasang tumungo sa ribalan at digmaan. Pinakaangkop, nakumpleto ni Lenin ang pagsusulat sa aklat noong kalagitnaan ng First World War at unang nailathala ito noong kalagitnaan ng 1917.

Ayon kay Lenin, pinakamataas na yugto ng kapitalismo ang modernong imperyalismo na makikilala sa limang susing katangian: (1) ang sukdulang konsentrasyon ng kapital na naging dominante ang mga monopolyo; (2) ang paglitaw ng pinansyang kapital mula sa pagsasanib ng kapital ng industriya at ng bangko, na tumungo sa paghahari ng oligarkiya sa pinansya; (3) ang pag-eksport ng kapital sa ibang bayan; (4) ang pagkakabuo ng mga internasyunal na kartel o pang-ekonomyang mga alyansa para makontrol ang pandaigdigang pamilihan; at (5) ang ganap na paghahati ng mga imperyalistang kapangyarihan sa daigdig.

Ilan sa mga susing pang-ekonomyang katangian ng imperyalismo ay natuklasan na ng mga manunulat tulad nina J.A. Hobson (1902) at Rudolf Hilferding (1910). Bagama't sumipi nang malaki si Lenin kina Hobson at Hilferding, iniangat niya ang talakayan sa mas mataas na antas. Isa sa matitibay na dahilan kung bakit niya ginawa iyon ay para patunayan nang walang pag-aalinlangan na "ang digmaan ng 1914-18 ay imperyalista (ito ay, isang mapanakop, mapanlupig na digmaan ng pandarambong) kapwa ng dalawang panig."1

Iginiit ni Lenin na ang ikalimang katangian ng imperyalismo ay nangangahulugan, una sa lahat, na nagsisikap ang bawat imperyalistang kapangyarihan na panatilihin at palawakin ang sarili nitong nasasakupang impluwensya sa daigdig sa pamamagitan ng pagkontrol sa ibang mga bayan bilang tuwirang kolonya, mala-kolonya, at iba pang mga anyo ng pagiging palaasa. Gayunpaman, may tunguhin ang mga mas bago pero sumisikad na kapitalistang estado na mas kakaunti ang mga kolonya na maging

1 V.I. Lenin, “Preface to the French and German Editions” in Imperialism, the Highest Stage of Capitalism.

Page 140: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

132 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

mas agresibo sa pakikipagpaligsahan sa teritoryo. Ang magiging resulta kalaunan ay mga inter-imperyalistang digmaan.

Malalantad muli ang kalagayan matapos ang World War I na nagbunsod ng pagbabalik sa militarismo at pasismo sa hanay ng malalaking kapitalistang kapangyarihan, na kalauna'y tumungo sa mas malawak at mapangwasak na World War II. Hindi klasikong inter-imperyalistang digmaan ang sumunod na Cold War, subalit ang mapandigmang US at rebisyunismong Sobyet ay mauuwi sa subukan ng lakas ng dalawang superpower sa susunod na apat na dekada.

Sa ngayo'y wala pang ikatlong digmaang pandaigdig. Gayunpaman, nag-aarmas ang lahat ng mga kapangyarihan na tila ba may bagong inter-imperyalistang digmaan na puputok anumang oras. Marami ang nasasangkot sa mga lokal na digmaan, gera sa mga hangganan, at digmaang sibil kasama ang kanilang mga kliyenteng estado. Samantala, patuloy na nagngangalit ang mga digmaan para sa pambansang pagpapalaya sa Asia, Africa at Latin America. Obhetibong tugon ang mga ito sa imperyalistang hegemonya, at maisasama sa saklaw ng sulating ito.

Kung gayon, nananatili ang tanong: Totoo bang naabot na sa wakas ng imperyalismo ang yugto na maiiwasan na nito ang mapangwasak na digmaang pandaigdig? Natutunan na ba sa wakas ng mga imperyalistang kapangyarihan na magtulungan at mapahupa ang kanilang ribalan, mabisang bawasan ang potensyal ng armadong tunggalian nila? Anu-ano ang mga dominante at pangmatagalang tunguhin na patuloy na humuhugis sa ika-limang katangian ng imperyalismo?

Muling Pagpapahayag sa Ika-Limang Katangian ng Imperyalismo ni Lenin

Magsisimula tayo sa muling pagsasaad ng mga pangunahing punto sa paliwanag ni Lenin ukol na ika-limang katangian ng imperyalismo na pinalawig sa Part VI ng kanyang akdang Imperialism, the Highest Stage of Capitalism.

Nasagad na ang pag-unlad ng kapitalismong wala pang monopolyo noong 1870s. Sa pagitan ng 1876 at 1900, naagaw na ng mga kapangyarihang kolonyal ang lahat ng di-kolonisadong teritoryo sa daigdig. Anim na bayan ang malinaw na naging imperyalista: US, Germany, at Japan bilang bagong-sibol at mabilis na sumusulong na mga kapangyarihan; France at Great Britain bilang luma't mabagal na sumusulong na mga kapangyarihan; at ang atrasadong Russia. Sa pagsisimula ng ika-20 siglo, nakumpleto na ang ganap na paghahati ng daigdig.

Ang pagkadayukdok ng modernong imperyalismo para sa mga kolonya

Ginamit ng kapitalismong wala pang monopolyo ang kolonyalismo para makakuha ng bagong pagkukunan ng hilaw na materyales at dagdag na pamilihan at

Page 141: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 133

magsagawa ng tahasang pandarambong at iba pang primitibong anyo ng akumulasyon. Tumindi ang ganitong unang silakbo sa ilalim ng imperyalismo: hinangad ng mga monopolyo kapitalista na makontrol ang umiiral at potensyal na mapagkukunan ng hilaw na materyales at mga bagong proseso habang hinahadlangan ang sinumang karibal. Itinulak din ng tunguhing mag-eksport ng kapital — isang katangian ng imperyalismo — ang pagkuha ng mas maraming kolonya at mala-kolonya. Tinukoy ni Lenin ang ikatlo pang pwersa sa pagkuha ng mga kolonya: ang pagnanasa para sa mga kolonya upang pahupain ang panlipunang ligalig at ibaling ito sa ultra-nasyunalista at militaristang pag-aalab, palayo sa rebolusyon.

Batay sa mga salik na ito, nagsisikap ang bawat imperyalistang kapangyarihan na mapalawak ang sakop ng impluwensya nito at aktwal na teritoryo ng estado nito sa pamamagitan ng pagkamkam sa pinakamalawak na posibleng lupain sa lahat ng anyo at sa lahat ng lugar, bago maunahan ng mga karibal nito. Nagsisikap ang imperyalistang estado na pakilusin ang sariling mamamayan at rekurso para paunlarin ang lakas militar at kakayahan sa pananakop; sa gayon, pinalalakas din nito ang kontra-rebolusyon sa sariling bayan.

Mga anyo ng pagiging palaasa sa ilalim ng imperyalismo

Nagkahugis sa ilalim ng imperyalismo ang ilang transisyunal at iba't ibang anyo ng pagiging palaasa ng estado. Mga bayan ito na maaaring mayroon o walang pormal na independensya pero nabitag sa pagiging palaasa sa mga kapangyarihang kapitalista sa ekonomya, pulitika, militar, at ugnayang panlabas.

Inuri ni Lenin ang mga bayan ng maagang ika-20 siglo alinman sa sumusunod na kategorya: Una, tuwirang kolonyal na pag-aari ng binanggit na anim na imperyalistang estado; at ikalawa, mga bayan na nasa transisyunal na anyo ng pagiging palaasa ng estado, na maaaring mala-kolonyal ang katayuan o sa iba pang sari-saring anyo.

Paliwanag ni Lenin: "Lagi nang umiiral ang ganitong uri ng relasyon sa pagitan ng malalaki at maliliit na estado, subalit sa panahon ng kapitalistang imperyalismo ang mga ito'y naging pangkalahatang sistema, binubuo nila ang bahagi ng kabuuan sa relasyong 'hatiin ang daigdig' at naging mga kawing sa kadena ng operasyon ng pandaigdigang pinansyang kapital."2

Ang teorya ng 'supra-imperyalismo'

Itinulak ni Karl Kautsky3 ang sarili niyang konsepto ng 'supra-imperyalismo", na ibang-iba sa tesis ni Lenin. Sinabi ni Kautsky na makukuha ng mga monopolyo kapitalista ang kanilang kailangang mga hilaw na materyales "sa simpleng pagpapaunlad ng agrikultura" o pagkuha ng mga ito "sa bukas na pamilihan" sa halip

2 V.I. Lenin, Imperialism3 Kautsky (1854-1938) was a contemporary of Lenin and a stalwart of German social-democracy.

Page 142: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

134 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

na isang "magastos at mapanganib na patakarang kolonyal." Sa palagay niya, ang "imperyalismo" ay hindi di-maiiwasang yugto ng monopolyo kapitalismo, kundi isang patakaran lamang na "pinili" ng pinansyang kapital.

Natanaw niya ang kapitalismo na uunlad bilang "supra-imperyalismo" — pagkakaisa ng lahat ng imperyalistang estado kung saan ang pinansyang kapital ay magiging iisang pandaigdigang monopolyo na nagsasamantala sa buong daigdig. Sa ilalim ng "supra-imperyalismo", magbabawa ang pagiging di-pantay-pantay at mga kontradiksyong likas sa pandaigdigang ekonomya. Titigil, sa wakas, ang mga digmaan.

Ang tunggalian para muling hatiin ang daigdig ay di-maiiwasang mauwi sa digmaan

Pinuna ni Lenin ang teorya ni Kautsky, ipinaliwanag na ang "supra-imperyalismo" — habang posible sa teorya — ay umiiral lamang na "abstraktong posibilidad sa hinaharap", samantalang lihis ito sa "lalim ng umiiral na antagonismo" noong maagang bahagi ng ika-20 siglo.

Idiniin ni Lenin na ang mismong di-pantay na pag-unlad ng kapitalismo ang lumikha ng malalawak na pagkakaiba-iba sa tantos ng paglago sa pandaigdigang ekonomya. Totoo na nagbubuo ng mga alyansa ang mga imperyalistang bayan, pero ang mga ito'y hindi magiging perpekto at permanente, at muling lilitaw ang pagiging di-pantay.

Pangwakas ni Lenin: Sa oras na magbago ang timbangan ng lakas, "wala ibang paraan sa ilalim ng kapitalismo na malutas ang mga kontradiksyong ito kundi sa pamamagitan ng pwersa ng armas, sa pamamagitan ng digmaan." Ang mga inter-imperyalistang alyansa sa anumang anyo ay pansamantalang pahinga lamang sa labanan sa pagitan ng mga digmaan. Paliwanag niya, "Inihahanda ng payapang mga alyansa ang kalagayan para sa digmaan, at ang mga ito'y bunga rin ng mga digmaan," dagdag pa niya, "ikinukondisyon ng isa ang isa pa, nagreresulta sa nagsasalitang anyo ng mapayapa at di-mapayapang labanan sa iisa't parehong batayan..."

Pinatitindi ng imperyalismo ang pambansang pang-aapi

Ang pagkilos para sa gera, pananakop at dominasyon sa iba pang bayan ay di-maiiwasang mangahulugan ng mas maraming paglabag sa karapatan ng mga bansa sa sariling pagpapasya. Pinalulubha ng imperyalismo ang pambansang pang-aapi na nagpapalala naman sa pagiging di-pantay-pantay na likas sa kapitalistang pag-unlad.

Tulad ng sinabi ni Lenin: "Ang patakaran ng pambansang pang-aapi, namana mula sa awtokrasya at monarkiya; ay pinapanatili ng mga panginoong maylupa, kapitalista at peti-burgesya para protektahan ang kanilang makauring pribilehiyo at

Page 143: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 135

para maghasik ng panghahati sa hanay ng mga manggagawa at iba pang nasyunalidad. Ang modernong imperyalismo, na nagpapalakas sa tunguhin na ipailalim ang mahihinang bansa, ay isang bagong salik na nagpapatindi ng pambansang pang-aapi."4

Nakatuon ang ganitong pinatinding pambansang pang-aapi hindi lamang sa inaasahang maging kolonya at bayang palaasa kundi sa lahat ng potensyal na makakamkam — kabilang ang mga lugar ng pambansang minorya sa loob ng mga lokal na hangganan, at sa kahuli-hulihan, sa sariling teritoryo ng mga imperyalistang karibal.

Militarismo

Laging matatagpuan sa akda ni Lenin ukol sa imperyalismo bilang salalayan ang katotohanan ng makauring diktadura ng burgesya sa marami nitong anyo at bahagi. Kabilang dito ang militarismo, na sa malaon ay nagkahugis sa pasismo.

Sa isa pa niyang kilalang akda, State and revolution, muling iginiit ni Lenin ang saligang Marxistang pananaw na ang bawat kapitalistang estado, sa kaibuturan nito, ay makauring diktadura ng burgesya. Ginagamit ng burges na estado ang armadong pwersa nito at iba pang mapanupil na makinarya laban sa proletaryado at iba pang mga pinagsasamantalahang uri, kapwa sa loob ng hangganan nito at sa ibayong-dagat. Sa ilang kalagayan, nagsasaanyo ang ganitong estado sa sukdulang reaksyunaryong militarismo.

Nakabaon na nang malalim sa mga nangungunang kahariang kolonyal ng ika-17 at ika-18 siglo, naging karaniwan na ang militaristang estado sa tulak ng lumilitaw na monopolyo kapitalismo pagsapit ng 1860s. Pinangunahan ng Germany ang ganitong padron sa ilalim ng Second Reich at ng Japan sa pamamagitan ng Meiji Restoration. Tinutunggali noon ng mga Bolshevik at ng uring manggagawa ng Russia ang pinakamasahol na kasong tinawag ni Lenin na "imperyalismong militar-pyudal" — ang awtokrasya ng tsar — bilang tuwirang kaaway hanggang 1917. Sa Caricature of Marxism, sinuma ni Lenin ang ganitong militaristang tunguhin ng monopolyo kapitalismo.5

Imperyalistang gera at geopulitika hanggang 1945

Sa esensya'y pinatunayan ng mga sumunod na kabanata sa kasaysayan ng daigdig sa nakaraang 100 taon ang tesis ni Lenin ukol sa imperyalismo. Sa bahaging ito, magtutuon tayo sa patuloy na patotoo ng ikalimang katangian at iba pang kaugnay na katangian hanggang sa pagtatapos ng World War II.

4 V.I. Lenin, “Resolution on the National Question”, CW Vol. 24 p. 3025 Lenin, Collected Works Vol. 23 p. 43

Page 144: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

136 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Matapos ang World War I

Walang kapagurang ipinaliwanag ni Lenin na isang tahasang inter-imperyalistang digmaan sa pagitan ng dalawang malalaking kampo ang World War I. Isinilang ang unang sosyalistang estado sa gera na ito, at magsisimula ang salaysay natin mula roon.

Matapos ang Rebolusyong Oktubre at sa pagkonsolida ng sosyalismo, naging inspirasyon ang Unyong Sobyet sa mga kilusan at partido ng uring manggagawa na maglunsad ng sarili nilang rebolusyonaryong pakikibaka at suportahan ang mga kilusan sa pambansang pagpapalaya sa buong daigdig. Sa bahagi nila, itinatag ng mga imperyalistang bayan ang League of Nations noong 1920, ipinagpapalagay na mapipigilan ang digmaan sa pamamagitan ng kooperasyon at pagdidis-arma, at malulutas ang mga hidwaan sa pamamagitan ng negosasyon at arbitrasyon. Subalit naging saglit lamang ang ilusyon.

Humantong ang serye ng mabibigat na krisis pang-ekonomya sa Great Depression ng 1930s, sinilaban ang pandaigdigang disgusto ng masa at makauring kilusan sa direksyon ng rebolusyon. Sa kabilang banda, nagsilbing tagabalita ang pasismo para sa inter-imperyalistang digmaan at kontra-rebolusyon. Nililinaw ang batayan sa likod ng pasismo, ipinaliwanag ni Jose Maria Sison na ang monopolyo kapitalistang uri, na malinaw na hindi na makapaghari sa dating paraan, "ay naghuhubad ng palamuti ng demokrasyang burges, gumagamit ng lantarang paghahari ng pananakot at naglulunsad ng mga gerang agresyon para muling hatiin ang daigdig."6 Nilantad ng mga partido ng Comintern ang kaugnay na mga tunguhin ng pasismo at paghahanda sa gera, at nanawagan ng nagkakaisang prente laban sa dalawa. Nagsimulang pumalya ang imperyalistang balanse, na tinuntungan ng League of Nations.

World War II

Resulta ang World War II ng mabigat na pandaigdigang krisis bago ang digmaan, at kaalinsabay na kumakatawan sa pinakamarahas at mapangwasak na pagtatangka ng mga imperyalistang estado na malutas ang krisis na iyon sa pamamagitan ng paglulunsad ng digma laban sa isa't isa.

Layon ng Germany na baguhin ang mapa ng Europe at durugin ang Unyong Sobyet para ilatag ang daan sa pandaigdigang paghahari ng Germany patungong silangan sa Asia at sa timog patawid ng Mediterranean, kasama ang Italy bilang batang kapareha sa paghahati ng Africa. Sa bahagi nito, tinanaw ng Imperyong Japan ang sariling "Greater East Asia Co-Prosperity Sphere" at nais lamunin ang buong China.

Pormal na humanay ang Germany, Japan at Italy sa Axis Alliance. Kabilang naman sa kasalungat na alyansang imperyalista ang France, Poland at Great Britain 6 Sison, Continuing the Struggle for National and Social Liberation, pp. 151-153

Page 145: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 137

sa simula, at sumunod ang US, Unyong Sobyet, British India, China sa ilalim ng paghaharing Guomindang, at iba pang kasapi ng British Commonwealth.

Kaiba sa World War I, ipinakita ng World War II ang bagong aspeto na hindi na inter-imperyalista: naglulunsad ang mga patriyotiko at popular na pwersa ng anti-pasistang digmaang paglaban sa mga nasakop o sinalakay na bayan. Humanay ang karamihan sa kanila sa Allied na pwersa sa pamamagitan ng anti-pasistang nagkakaisang prente at taktikal na kooperasyon, subalit nagpapaunlad ng nagsasariling baseng masa sa hanay ng mga uring anakpawis.

Kalauna'y nagapi ng mga pwersang Sobyet at mamamayan ang pinakamahuhusay na hukbo ng Germany, sa gayo'y naibalik ang agos para sa buong Europe at sa daigdig. Sa China, napigil at natalo ng mga pwersang pinamumunuan ng mga komunista kaalyado ang patriyotikong Guomindang ang bulto ng mga pwersa ng Japan. Sa napakaraming bayan, nakiisa ang mga komunista sa iba pang makabayan at progresibo sa paglulunsad ng digmang gerilya laban sa mga pwersang pasista.

Kumita nang malaki ang US sa panahon ng digmaan — sa una'y naghihintay sa tabi, at pagkaraa'y pinili ang mananalong panig sa tamang panahon. Sa pagtatapos ng digmaan, natiyak nito ang pinakamainam na posisyon para makuha ang bulto ng masasamsam.

Imperyalistang digmaan at geopulitika sa panahon ng Cold War

Maagang mga dekada matapos ang digmaan (1945-1960)

Pagsapit ng huling bahagi ng 1945, sumulong ang mga Pulang hukbo sa mga teritoryo na iniwan ng natalo at umaatras na hukbong imperyalista at papet sa Europe at Asia-Pacific. Nagresulta ang mga ito sa matatagumpay na digmang bayan at paglitaw ng marami pang sosyalistang bayan na sumasaklaw sa sangkatlo ng pandaigdigang populasyon. Samantala, patuloy na nilabanan ng mga kilusan sa pambansang pagpapalaya ang imperyalismo at gumawa ng malalaking hakbang pasulong sa Asia, Africa at Latin America.

Sa ganoong kalagayan, ang lumang kolonyal na sistema ay pinalitan sa wakas ng isang pinaunlad na sistemang neokolonyalismo, kung saan mahigpit na pinanatili sa imperyalistang kontrol bilang mga neokolonya ang mga bagong-layang bayan (maliban sa pinakamagiit sa kanilang pambansang karapatan).

Mabilis na pinatibay ng US ang posisyon nito bilang nag-iisang superpower. Magagampanan nito ang papel bilang numero-unong tagakamal ng salapi sa pagdomina ng mga institusyong Bretton Woods. Sa pagpopondo ng rekonstruksyon

Page 146: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

138 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

matapos ang digmaan, mapapalawak nito ang hegemonya kapwa sa mga tradisyunal na kakampi at dating kaaway, kabilang ang dati nitong mga kolonya at malakolonya.

Makagagampan din ang US ng papel bilang numero-unong pulis dahil sa monopolyong nukleyar nito (hanggang 1949) at labis-labis na suplay ng armamento. Makagagampan ito ng papel bilang pandaigdigang tagapag-utos, nanghihimasok sa lahat ng klaseng pagtatalo dahil sa pangingibabaw nito sa UN at sa General Assembly at Security Council nito.

Gamit ang ganoong pangkalso sa militar, pinansya at ugnayang panlabas, naitatag ng US ang pinakamalawak na imperyong neokolonyal. Sa kalagitnaan ng 1960s, ang neokolonyal na imperyo ng US ay binubuo ng 19 na bayan sa Latin Amerika; apat na bayan sa Middle East; apat na bayan sa South at Southeast Asia; dalawang bayan sa East Asia; dalawang bayan sa Africa; Greece; at Canada dagdag pa sa US mismo at mga tuwirang pag-aari sa ibayong dagat.7

Subalit naharap ang US sa dalawang problema: Una, maaaring magdulot ng resesyon ang agarang paglilipat-gamit ng plantang militar sa gamit sibilyan. At ikalawa, binabantaan ang hegemonya nito sa paglitaw ng mga sosyalistang bayan at kilusan sa pambansang pagpapalaya. Ang naging sagot ng US ay maglunsad ng Cold War, na lumikha ng matinding militarista at anti-komunista, halos baliw, na modelo ng imperyalismo.

Ang bantog na doktrina ni Presidente Harry Truman, na makikialam ang US sa anumang bayan na may banta ng "komunistang agresyon o subersyon," ay ipagpapatuloy, igigiit at palalawigin pa ng walong magkakasunod na pangulo ng US sa susunod na apat na dekada. Ginamit itong palusot para sa pandaigdigang pagpapalaki ng US sa militar at agresyon bilang tagapagtanggol ng "malayang daigdig", at para siraan ang mga sosyalistang estado bilang mga "rehimeng totalitaryo." Mabalasik na isinalarawan ang mga digmang bayan na "bumabagsak na mga domino" na kailangang mapigil bago tumungo sa ganap na pagguho ng "malayang daigdig".

Pinalibutan ng US ng mga base militar ang Soviet Union at China, lumikha ng payong-nukleyar sa mga alyadong estado at papet na rehimen, nagpanatili ng iba pang base sa lahat ng kontinente at sa mga susing pulo sa Pacific, pinatibay ang mga alyansa sa pamamagitan ng NATO, CENTO at SEATO, at inalok sila ng maraming klaseng suportang militar. Lubhang pinalaki ng US ang military-industrial complex nito sa puntong kahit si US President Dwight Eisenhower ay nagbabala sa mga panganib nito sa sibilyang interes.

Noong 1950-53, naglunsad ang imperyalistang alyansang pinamumunuan ng US ng gerang interbensyon para pigilan ang pinal na opensiba ng digmang bayan sa

7 Baran and Sweezy, Monopoly Capital, p. 183

Page 147: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 139

Korea. Nauwi ang gera sa pagkapatas, kalauna'y ginawa ang South Korea na ikatlong kutang militar ng US (dagdag sa Japan at Taiwan) laban sa China.

Sa ilalim ng mga presidenteng Harry Truman (1945-53) at Dwight Eisenhower (1953-1960), nagbigay ang US ng suportang pang-ekonomya at pang-militar sa mga pasistang diktadurang rehimen sa buong daigdig. May namumukod na mahabang listahan ng mga pagpapalit ng rehimen na pasimuno ng US sa Latin America at Caribbean, laluna sa ilalim ng patakarang "Good Partner" ni Eisenhower.

Isang alyansang pinamunuan ng US ang tumulong magtayo ng Zionistang Israel para sikaping umungos ang imperyalistang kapangyarihan sa buong Middle East at North Africa. Sa Asia, gumanap ng mahalagang papel ang US sa paggapi sa armadong paglaban ng lumang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan habang ang matalik nitong alyado, ang Great Britain, ang nagpakilos sa buong British Commonwealth para talunin ang armadong paglaban ng Malayan People's Liberation Army.

Ang panahon ng Vietnam War (1960-1975)

Itinaguyod ng mga presidenteng John F. Kennedy (1960-63) at Lyndon Johnson (1963-69) ang napaka-militaristang balangkas sa patakarang panlabas. Pinalakas ng malakihang paggastos sa militar ang mga base militar sa ibayong-dagat at pinatinding produksyong militar at pananaliksik sa kalawakan (na may kaugnayan sa teknolohiyang militar sa maraming paraan). Sinalamin din ang militarismo sa patakarang panloob ng US, kabilang ang sa midya at kultura.

Naglunsad ng gerang agresyon ang US laban sa Vietnam, sinimulan ng mga tagapayong militar noong 1950, at nagtriple na bilang ng tropa noong 1961 at muli noong 1962. Makaraang patalsikin ang sariling papet na rehimeng Diem at pagpapakana ng insidenteng Gulf of Tonkin, malawakang nag-deploy ang US ng mga pwersang panlaban sa South Vietnam habang sistematikong binagsakan ng masinsing pagbomba ang North Vietnam. Kalauna'y sinaklaw ng gera ng US ang kanugnog na Cambodia at Laos. Nagtayo rin ang US ng maraming papet pasistang diktadurang rehimen sa Indonesia, Pilipinas at iba pa para pigilan ang agos ang mga kilusang anti-imperyalista.

Muling binuhay ang militaristang Japan bilang junior partner ng US sa Asia. Matatag na sinuportahan ng US ang Zionistang Israel at rehimeng apartheid ng South Africa bilang tukod sa Middle East at katimugang Africa. Nagsimulang lumawak ang militaristang tunguhin sa Europe sa harap ng mga rebelyon ng manggagawa at kabataan noong 1960s.

Hahapay-hapay sa mga pagkatalo, demoralisasyon, malakihang gastos, malawakang protesta laban sa gera at pampulitikang pagkakabukod sa daigdig, walang magawa ang US kundi maghanap ng hindi-nakakahiyang pag-atras sa

Page 148: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

140 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Indochina sa ilalim ng kasunduang pang-kapayapaan sa Paris noong 1972. Gumuho ang natitirang pwersa ng US at kanilang papet na hukbo sa huling koordinadong opensiba ng pwersa sa pagpapalaya ng bayan sa Indochina noong 1975.

Ang Unyong Sobyet, na naging opisyal na rebisyunista noong 1956, ay unti-unting naging burukratikong tipo ng kapitalismo na nagpapanggap na sosyalismo. Dumausdos sa sosyal-imperyalismo, nakihamok ito sa US sa ribalang superpower para sa pandaigdigang hegemonya. Nabigo ang mga pagsisikap sa detente para pigilan ang lumalalang paligsahan sa armas. Sinalakay ng Soviet Union ang kanugnog na mga bayan na nagbantang umalis sa saklaw ng impluwensya nito, tulad sa Czechoslovakia noong 1968 at Afghanistan noong 1979.

Sumiklab doo't dito ang proxy wars sa pagitan ng dalawang superpower, laluna sa Middle East sa buong panahon ng 1960s at maagang bahagi ng 1970s. Noong Oktubre 1973 (Yom Kippur), dinigma ng mga estadong Arabo na suportado ng Sobyet ang Israel na suportado ng US para bawiin ang sinakop ng Israel na Sinai at Golan Heights. Nilagay nito ang daigdig sa bingit ng US-Soviet na gerang nukleyar. Kaalinsabay, gumanti ng oil embargo sa Kanluran ang Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na dominado ng Arabo. Ang pagsirit pataas ng presyo ng langis at pagbabawas sa produksyon ay nagpaputok ng pandaigdigang krisis na yumanig hanggang 1980s.

Ang rebisyunistang pagtataksil sa Sobyet ay nagpasiklab ng pagtatalo sa China, na nagtakwil sa rebisyunismo at naglinaw sa sarili nitong landas tungong sosyalismo. Sa pamumuno ni Mao, inilunsad ng China ang Great Proletarian Cultural Revolution (1966-76). Pinalalim ng GPCR ang sosyalistang rebolusyon at konstruksyon, nagharap ng mga aral sa iba pang sosyalistang bayan, nagsilbing inspirasyon sa mga kabataang rebolusyonaryo na mamuno sa kilusang masa sa kanilang mga bayan, at muling nagpasigla sa mga partido komunista sa buong daigdig.

Nakamit din ng China ang diplomatikong tagumpay sa pag-upo sa UN noong 1971 at pagbubukas ng diplomatikong ugnayan sa US noong 1972. Sa kabilang panig, nagpatuloy ang mga tunggalian ng uri sa loob ng bayan. Sinalamin ito sa loob ng Partido Komunista at sa pamunuan nito bilang tunggaliang pang-ideolohiya sa pagitan ng mga proletaryo rebolusyonaryo at mga rebisyunista, na dudulo noong 1976.

Nagwakas ang panahon sa tagumpay ng mamamayan ng Indochina noong 1975. Ang magkakasunod na pagkamatay ni Mao at mga beteranong rebolusyonaryo na sina Zhou Enlai at Zhu De noong 1976, sa kabilang banda, ay agad naglatag ng daan para maagaw ng rebisyunistang pangkat ni Deng ang kapangyarihan sa China, kapagdaka'y sa pagpihit ng bayan sa kapitalistang landas.

Page 149: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 141

Panahon matapos ang Vietnam War (1975-1990)

Dumagundong sa buong mundo ang makasaysayang pagkatalo ng imperyalismong US sa Indochina at nagdulot ng paghina nito sa pandaigdigang saklaw. Sa partikular, lumikha ng malalaking disbalanse sa ekonomya ng US ang napakalaking gastos ng gera sa Indochina, ang US-Soviet na paligsahan sa armas, at ang pandaigdigang lambat ng mga base-militar.

Sa isang banda, humatak ng rekurso ang mayabong na industriyang militar palayo sa produksyong sibilyan. Sa kabilang banda, nagatungan ang pandaigdigang implasyon ng krisis sa langis ng 1973 bunga ng digmang Yom Kippur at krisis sa langis ng 1979 bunga ng rebolusyong Islamiko sa Iran. Bilang resulta, naipit ang pandaigdigang kapitalistang ekonomya ng matagalang problemang pang-ekonomya na kung tawagi'y "stagflation".

May iba pang mga salik sa paghina ng US. Habang nabalaho ang US sa Cold War at mga gerang agresyon, ganap na nakabangon ang mga ekonomya ng Germany at Japan. Pagdating ng 1960s at 1970s, nagsimula sila at iba pang kapitalistang bayan na makipagkompetensya sa US sa lumiliit na pandaigdigang kapitalistang pamilihan.

Nakayanan pa nang ilang panahon ng US na mananatiling nasa ibabaw dahil mahirap talunin ang kakayahan nitong pigain ang sarplas mula sa uring manggagawa nito, ibayong gatasan ang mga neokolonya nito, at itali ang buong daigdig sa sistemang pinasnyal na nakabatay sa dolyar ng US. Patuloy na inililipat ng mga imperyalistang bayan sa kabuuan ang bigat ng pandaigdigang kapitalistang krisis sa kanilang mga neokolonya.

Subalit lalong naligalig ang paparaming mga bayan at mamamayan sa Third World. Kahit ang matatapat na kliyenteng estado ng mga imperyalista ay nagsimulang tumutol sa mga dikta ng kanilang amo. Muling lumitaw ang makabayang panawagan para sa proteksyunismo. Sa UN at iba pang pandaigdigang pagpupulong, hiniling ng mga estado ng Third World ang New International Economic Order.

Ang investment banks ng US na kumamal ng windfall profits mula sa krisis sa langis ay naghanap ng iba pang mapagpupuhunanan ng kanilang petro-dollars. Ang mga estado ng Third World, na hinikayat ng IMF at World Bank na umutang nang malaki sa pondong ito para sa imprastraktura at pagtapal sa depisito sa kalakalan, ay nalubog sa utang sa buong 1970s at maagagang bahagi ng 1980s.

Sa gayon lumitaw ang krisis sa utang at ekonomya ng 1980s. Ang dating malakas na agos ng kapital papasok sa mga bayan ng Third World ay bumaligtad sa malaking problema ng pag-alis ng kapital. Naharap sila sa papataas na interes sa umiiral na utang, kakulangan ng makukuhang dagdag na pautang, pagtigil sa pagbabayad ng utang at problema sa pagbabago ng takdang panahon sa pagbabayad ng utang.

Page 150: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

142 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Marami sa kanila (laluna sa Africa) ay patuloy na gumiray-giray sa mga problemang ito hanggang sa kasalukuyan.

Kaalinsabay, naging dominado ang neoliberal na patakaran sa ekonomya noong 1979-81. Sa gayon, maipapataw pa ng mga structural adjustment programs (SAPs) ng IMF-World Bank noong 1980s at 1990s ang mas masasahol na kondisyon tulad ng liberalisasyon sa kalakalan at pinansya, deregulasyon, pribatisasyon, deindustriyalisasyon, at denasyunalisasyon.

Ang pampulitikang pag-angat ng mga estado ng Third World (1955-1990)

Tatapusin natin ang bahaging ito sa pagsusuri kung paano ang mga dating kolonya at malakolonya — na malaon nang kinawawa ng imperyalistang pang-aapi at sinira ng dalawang digmaang pandaigdig na hindi naman nila kagagawan — ay unti-unting naghugis ng bagong bloke ng mga estado sa Third World sa panahon ng mahabang Cold War.

Noong 1914, panahon ito ni Lenin bagong ang Rebolusyong Oktubre, may kabuuang populasyon ang mga kolonya na 568.7 milyon. Ito ang bumubuo ng pinakamalaking bulto ng teritoryo ng daigdig sa kabuuan at sa mga nakapailalim sa imperyalistang kontrol. Ang susunod na pinakamaraming populasyon ay mga bayang metropolitan ng Six Great Powers, sinundan ng mga malakolonya kabilang ang China.8

Pagsapit ng 1950s, nabago ang kabuuang sitwasyong ito dulot ng ilang pangyayari sa daigdig. Una, binago ng dalawang inter-imperyalistang digmaan ang hanayan ng mga imperyalistang bayan, na US ang naging nag-iisang superpower. Ikalawa, lumitaw ang sosyalistang kampo at malawakang lumaki. At ikatlo, halos lahat ng dating mga kolonya bago ang World War II ay naging, o magiging, pormal na malayang estado habang ginagawa ng imperyalismo ang lahat ng paraan para panatilihin silang mga neokolonya.

Ang bulto ng bagong-layang mga bayan, mas kilala ngayon bilang Third World, ay ikinategorya bilang "underdeveloped" o "less-developed" o "developing" (ang kasalukuyang katawagang pinili ng UN). Kalakhan ng Asia, Africa at Latin America ay nabibilang sa kategoryang ito, sa pinaka-menos hanggang 1990.

Isinalarawan ni Sison ang pag-angat ng Third World na dumaan sa dalawang yugto. Ang unang yugto ay mula 1945 hanggang 1960, at ang ikalawang yugto mula 1960 hanggang 1970s. Kapwa sa dalawang yugto, maraming bayan ang alinman sa

8 See table on “Colonial Possessions of the Great Powers” in Lenin’s Imperialism, p. 85

Page 151: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 143

nakuha ang makabuluhang kalayaan sa pamamagitan ng armadong pakikibaka, o pormal na kalayaan bilang konsesyon ng kolonyal na kapangyarihan.9

Rurok ng yugtong ito ang matagumpay na armadong rebolusyon sa Vietnam, Laos at Cambodia noong 1975. Sinundan ang mga ito ng rebolusyong Islamiko na nagbagsak sa rehimeng US-Shah Reza Pahlavi sa Iran at ng rebolusyong Sandinista (FSLN) na nagbagsak sa rehimeg US-Somoza sa Nicaragua, kapwa noong 1979. Lahat ng limang rebolusyon ay hayagang nagtatakwil sa hegemonya ng US.10

Itinaas din ng mga bayan sa Third World ang antas ng koordinadong pagkilos laban sa dayuhang dominasyon sa pandaigdigang saklaw, simula noong 1955, nang magtipon ang 29 na estadong Afro-Asian sa Bandung Conference.11 Noong 1961, tumulong ang pinaka-makabayang mga estadong Third World (kabilang ang Cuba) para buuin ang Non-Aligned Movement (NAM). Pagsapit ng 1983, ang NAM na may 101 na kasaping bayan ang makapag-aangkin ng awtomatikong mayorya para sa posisyong Third World sa mga deliberasyon sa UN. Nagkonsolida rin sa sarili ang blokeng Third World sa loob ng UN sa Group of 77. Simula sa Algiers noong 1967, lumawak pa ang G-77 sa 126 na kasaping bayan noong 1984, at sa kasalukuyang 134 na kasaping bayan.12

Panahong matapos ang Cold War (1990-kasalukuyan)

Nilagom ni Sison ang partikular na kalagayan ng ribalang inter-imperyalista sa panahong matapos ang Cold War sa ganitong paraan: "Makaraan ang Cold War, naiwasan pa ng mga imperyalistang kapangyarihan ang tuwirang komprontasyong militar sa isa't isa. Mas pinili nilang gumamit ng proxy wars sa pagsuporta ng iba't ibang panig sa mga lokal at rehiyunal na digmaan. Iba-iba ang naging pusisyon nila kung gagawa o hindi ng unilateral na magkasanib ng aksong militar sa loob o sa labas ng saklaw ng UN Security Council. Sa inabot ngayon, walang magkaribal na kapangyarihang imperyalista o bloke ng mga kapangyarihang imperyalista ang nagbanta na gumamit ng high-tech na weapons of mass destruction laban sa isa't isa."13

9 Sison, “The United States and the Third World”, Continuing the Struggle for National and Social Liberation (Selected Writings, 1986-1991), pp.314-315.10 A sixth revolution in Afghanistan (1978) rapidly deteriorated into factional in-fighting, triggering a Soviet war of intervention (1979), which in turn was countered by a US-backed Islamic insurgency. Islamic-jihad movements would increasingly figure in great-power rivalries after the end of the Cold War.11 The leadership of the conference was a powerhouse of Third World states strongly assertive of their independence, such as Indonesia (represented by Sukarno), India (represented by Nehru), China (represented by Zhou), and Egypt (represented by Nasser).12 Third World unity against imperialist impositions have been dramatically demonstrated in the UN, such as in 1972 when it gave an overwhelming vote for the restoration of the legitimate right of China to its UN seat, and in 1974 when it granted permanent observer status to the Palestine Liberation Organization.13 Sison, Building People’s Power, p. 455

Page 152: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

144 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Gayunpaman, ang kalagayang ito ay dinamiko. Sapat na naging mahaba ang panahon matapos ang Cold War para mahati ito sa di-bababa sa tatlong yugto: 1990-2001; 2001-2008; at mula 2009 hanggang sa kasalukuyan.

Unipolar na imperyalismo (1990-2001)

Nagsimula ang unang yugto sa pagguho ng blokeng Sobyet, na naging opisyal noong Disyembre 1991. Sa China, pinabilis ng burukrata-kapitalistang estado ang mga kapitalistang reporma at pinatindi ang mga pasistang pamamaraan para supilin ang panlipunang ligalig. Samantala, inilatag ng naghaharing pangkatin sa US ang pundasyon ng neokonserbatibong modelo, na nanawagan na palawigin ang unipolar na hegemonya ng US at full-spectrum dominance sa ika-21 siglo.14

Sa gayon nadomina ng US ang buong imperyalistang kampo at talagang naghari sa daigdig bilang nag-iisang superpower, na walang malakas na katunggali para labanan ito. Nawalan ng bwelo kahit ang blokeng Third World sa makitid na pagkakulong sa mga proseso ng UN at sa sarili nitong mga kontradiksyon.

Kaalinsabay, kinailangan ng US na magharap ng mga bagong panakot — ang tinawag na rogue states — para palitan ang "kilabot ng komunismo". Ang ilan ay mga natitira mula sa Cold War, tulad ng North Korea at Serbia. Ang iba, tulad ng Iran, Iraq, Libya, at Syria, ang kumatawan sa bagong tema na sinimulang palawigin ng mga imperyalista: ang kilabot ng "Islamikong terorismo".

Ang makabagong militansyang Islamiko (hindi agad nangangahulugang terorista) at nasyunalismong panlahatang Arabo ay noon pang panahon ng Ottoman empire, na nawasak noong 1924. Ibayong nagatungan ang Islamikong militansya sa kasunod na mga imposisyong imperyalista sa Middle East at pwersahang pagpasok ng Zionistang Israel. Matagal nang kaaway ng republikang nakabatay sa Islam ang US at Zionistang Israel. Subalit ang sinuportahang insurhensya ng US sa Afghanistan noong 1980s ang lumikha ng bagong tipo ng pwersang Islamiko: ang mga grupong jihadist na ginamit bilang mga panalakay na asong hawak ng US sa mahabang tali para idestabilisa at kalaunan ay makontrol ang iba pang bayan.

Samantala, nakonsolida ng EU ang sarili habang nanatiling alyado ng US at gulugod ng NATO. Humina ang Japan sa dekadang-haba na resesyon pero nanatili rin na pangunahing alyado ng US sa East Asia. Samakatwid, maituturing sa ganitong pakahulugan at panahon ang US-EU-Japan bilang "imperyalismong Triad".

Naging mas buong pandaigdigang entidad para sa imperyalistang konsensus ang G-7 bilang alyansa ng pinakaabanteng mga kapangyarihang imperyalista. 14 The most influential designers of this platform were in the think tank “Project for a New American Century” (1997-2006). Ten PNAC members would go on to become top US officials under Bush II’s presidency and play key roles in its foreign policy, including the blueprint for regime change in selected countries and “rebuilding America’s defenses.”

Page 153: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 145

Nagsimulang imbitahan sa taunan nitong pagpupulong ang mga namumunong opisyales ng mga multilateral na kalipunan tulad ng UN, IMF, World Bank, at WTO, gayundin sa pagtanggap sa Russia sa pinalawak na grupong G-8. Ang WTO naman ang tumayong instrumento ng neokolonyal na kontrol sa ekonomya sa magkatuwang na hawak sa ilalim ng pamumuno ng US.

Dumaan sa mabilis na kapitalistang paglago ang ilang malalaking bayang Third World, kabilang ang China at India, at, kasama ang dating mga bayan sa blokeng Sobyet at tinatawag na Asian Tigers, ay tinanaw bilang mga "emerging" o "transitional" na ekonomya. Pero hindi pa sila kumikilos bilang mga blokeng geopulitikal. Patungo sa pagtatapos ng unang yugto, tinamaan sila ng mabigat na krisis pang-ekonomya. Lalo nitong pinatingkad ang bentaheng unipolar ng imperyalismong US.

Pandaigdigang "war on terror" (2001-2008)

Nagsimula ang ikalawang yugto sa teroristang atake ng Setyembre 11. 2001, na naghudyat ng mayor na pagpihit sa patakaran ng imperyalismong US at mga alyado nito tungo sa pandaigdigang "war on terror". Pinalitan ng bagong panakot na "teroristang Islamiko" ang "bantang komunista" para bigyang-katwiran ang presensya at pagpapalaki ng militar ng US, mga hayagang gera at lihim na operasyon, at pagsuporta sa mga papet na rehimen sa buong daigdig.

Una sa lahat, ginagamit ng US ang pinaka-mabangis na pundamentalismong Islamiko bilang sandata at pansuhay laluna sa Middle East; hawak nito sa mahabang tali ang mga paboritong grupong Islamiko-jihad at pinakakawalan kapag kailangan para ilihis ang mga insurhensya at magsusol ng lihim na aksyon, kabilang ang mga operasyong false-flag (lihim na operasyong pinalalabas na ibang grupo ang gumagawa). Makaraan ang Cold War, nagsimulang lumaganap ang mga pwersang jihadist at nilubos ang pagganap sa ganitong papel.

Gamit ang bentahe ng pandaigdigang pagkamuhi sa atakeng 9/11, pinalawak ng US ang "war on terror" para isama ang mga Islamikong estadong anti-US at malawak na hanay ng grupong jihadist na ipinagpalagay na kupkop ng mga estadong ito. Nilubos ang doktrinang Bush na palitan ang anumang rehimen na lumalaban sa mga dikta ng US, at gamit ang prinsipyong "pananagutan na magbigay ng proteksyon" ng UN para bigyang-katwiran ang preemptive na aksyong militar.

Sa ganoong doktrina at palusot, naglunsad ang imperyalistang kampong pinamumunuan ng US ng mga gerang-agresyon at pinatagal ang okupasyon sa Afghanistan at Iraq. Naglunsad din ang US ng iba pang proxy wars at lihim na kampanya para suportahan ang mga katoto sa Middle east at magpalit ng rehimen sa piniling mga "rogue states" sa iba pang lugar.

Page 154: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

146 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Dumanas ang EU ng masiglang paglago (2002-2007) matapos makabawi sa epekto ng naunang mga krisis na tumama sa "emerging countries" ng East Asia, Latin America, at Eastern Europe. Mabilis din na nakabawi ang mga "emerging economies". Nanatiling nagkakaisa ang imperyalistang kampo na pinamumunua ng US kahit pa may ilang mga bitak doo't dito. Buo ang loob ng Russia at China na ipakita ang bagong malaking-kapitalistang lakas pero hindi pa nagiging mabisang pangontra. Mas ideya pa ang BRICS kaysa katotohanan.

Nagtapos ang yugtong ito sa nakakagimbal na pagsiwalat: ang pinansyal na pagkagunaw noong 2007-2008 na naghudyat ng Great Recession.

Multipolar na daigdig at ribalan ng mga malalaking kapangyarihan (2009-kasalukuyan)

Magtatapos tayo sa kasalukuyang panahon, na maaaring maisalarawan bilang isang multipolar na daigdig at tumitinding ribalang imperyalista sa gitna ng matagalang pandaigdigang krisis pang-ekonomya. Patuloy na sinasalanta ng Greater Recession ang pandaigdigang kapitalistang sistema. Isang malinaw na resulta, tulad ng lagom ni Lenin para sa buong kapanahunan ng imperyalismo, ang pagtindi ng ribalang inter-imperyalista at mga salik para sa digmaan.

Nilalagom ang kasalukuyang multipolar na daigdig, isinalarawan ni Sison ang kasalukuyang ribalang inter-imperyalista sa ganito: "May lumalaking mga kontradiksyon sa hanay ng mga imperyalistang kapangyarihan sa mga patakaran sa ekonomya, pinansya, kalakalan at seguridad. Pinakalantad ang mga isyu na may kinalaman sa enerhiya at pagkukunan ng iba pang hilaw na materyales, mga larangan ng pamumuhunan, pamilihan, at saklaw ng impluwensya. Lumilikha rin ng pagkapoot ang pinakamasasahol na epekto ng interbensyon at agresyong militar ng US."15

US, EU at Japan. Patuloy na humihina ang US kahit pa nanatili ito bilang pinakamalaking kapangyarihan sa ekonomya at militar. Tinamaan nang matindi ang ekonomya nito sapul noong 2008; nahaharap din ito sa lumilipat-lipat na katapatan at lumalaking mga paghamon ng iba pang kapangyarihan. Sinasalamin ng pagkapangulong Trump ang matinding krisis pampulitika sa loob ng naghaharing-uri sa US at malaking potensyal para lalong humina ang US.

Binabayo ng walang pang katulad na bagyong papmpulitika at pang-ekonomyang problema ang European Union, at nagpupumilit na huwag lumubog. Ang lumulubhang ligalig sa mga kasaping-estado at ang maramihang pagpasok ng mga migrante't nagsilikas ay nagtulak sa mga kilusang dulong-Kanan na sakyan ang populistang sentimyento at baguhin ang pag-iisip sa buong proyektong EU.

15 Sison, Building People’s Power, pp.122-123

Page 155: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 147

Napapanatili pa ng US at EU ang pinakamalaking pang-ekonomyang tambalan sa daigdig, at patuloy na nagtatambalan sa malawak na komun ng interes. Nakatuon ang NATO sa malawakang pagpapalaki ng militar para pigilan ang Russia na magpalawak ng sariling interes pakanluran. Subalit may lumalaking pagkaka-iba-iba ang mga patakarang US-EU na maaaring lumubha sa ilalim ni Trump.

Sapul noong 1990, nagdusa ang Japan sa dalawang dekadang istagnasyon kung saan hindi pa ito nakabawi ni mumunti. Nananatili itong ikatlong pinakamalaking ekonomya sa daigdig at pangunahing alyado ng US sa rehiyon ng Asia-Pacific sa kabila ng ilang pagkayamot. Pinapalaki ng tambalang US-Japan ang bantang China-Russia para bigyang-katwiran ang pagpihit ng US sa Asia at sariling militaristang pagbuhay at muling pag-aarmas ng Japan.

Mga pagtatangka ng US na patagalin ang hegemonya sa daigdig. Patuloy na nandarahas ang US at mga alyado nito laban sa itinuring na kaaway na estado at iba pang katunggali, gamit ang malawak na hanay ng mapipiling aksyon sa ekonomya, pulitika at militar. Liban pa sa patay-sinding gera sa Iraq at Afghanistan, ginagamit nila ang bentahe ng panlipunang ligalig sa lahat ng lugar para muling igiit ang presensya at lakas sa lahat ng sulok ng daigdig. Sa proseso, gumagawa ang mga pwersang pinamumunuan ng US ng mga krimen sa gera, henosidyo, krimen sa sangkatauhan, at iba pang paglabag sa karapatan ng mga bansa at mamamayan na kinikilala ng UN.

Di-bababa sa tatlong namumukod na tunguhin ang lumitaw sa estratehiyang pulitika-militar ng US matapos ang Cold War. Una ang pagpihit sa mas pleksibleng "rotational presence" ng kalakha'y pwersang nakabase sa US sa mas maraming pasilidad sa lupa sa buong mundo. Ikalawa ang papalaking gamit ng "soft coup" o "slow-motion coup" (aka "color revolutions") bilang alternatibong moda ng pagpapalit ng rehimen, tulad sa kaso ng pag-aalsang "Arab Spring", pag-aaklas Euromaidan sa Ukraine, at mga pagtatangka laban sa mga rehlimeng Bolivarian sa Latin America.

Ikatlo ang humihigpit na ugnayang nakamamatay sa pagitan ng interbensyong-militar na pinamumunuan ng US sa isang banda at ng tipong-Jihad na terorismo sa kabilang banda, na patuloy na nagpapalakas sa isa't isa sa papatindi at bisyosong siklo ng karahasan. Ginagamit ng malalaking kapangyarihan ang paglaganap ng mga kilusang jihad sa partikular para hatiin, lituhin at wasakin ang pagkakaisang Third World laban sa imperyalismo, gayundin para pahinain ang kontrol ng mga karibal sa kani-kanilang saklaw ng impluwensya. Mariing nagsusumikap ang Daesh (ISIS) at iba pang grupong jihad na palawakin ang kanilang presensya at operasyon sa iba pang rehiyon sa daigdig. Karaniwang kasunod ng mga ito ang interbensyon ng US gamit ang ispesyal na pwersa at operasyon.

Russia at China. Noong una'y minamaliit bilang di-matatag na kapangyarihan sa rehiyon, matagumpay na naipasok muli ng Russia ang sarili sa hanay ng malalaking

Page 156: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

148 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

kapangyarihan. Sa kabila ng mga problema sa ekonomya, nakapaglunsad ang di-mabali na rehimebg Putin ng repormang militar at matagumpay na pagpapalakas militar.

Tumatayo ngayon ang Collective Security Treaty Organization (CSTO) na pinamumunuan ng Russia bilang karibal ng NATO sa kahabaan ng Central Eurasia. Ibayong umunlad ang Eurasian Economic Community sa Eurasian Economic Union (EAEU, sapul noong 2014). Itinutudla kapwa ng CSTO at EAEU ang lakas ng Russia pakanluran at patimog sa pag-aalok ng tuwirang pagsapi, at sa East Asia sa pamamagitan ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

Ang pinakamalaking katambal ng Russia, ang China, ay dumanas ng krisis pang-ekonomya sa nakaraang dekada pero ang dambuhalang lakas pinansyal nito ay nagpopondo ng mga ambisyosong proyektong pandaigdig halimbawa'y ang Silk Belt and Road Initiative, ang AIIB, at ang New Development Bank (BRICS Bank), dagdag pa sa bilateral na ayuda sa mga katambal na bayan. Patuloy na inaakit ng China ang ASEAN, na sa kalipuna'y isa sa pinakamalalaki nitong kapareha sa kalakalan.

Ang sariling mabilis na pagpapalaki ng militar ng China ay nakikita sa pag-reorganisa ng istrukturang militar; paglikha ng Rocket Force bilang ikaapat na sangay ng PLA; malakihang pagpapalakas ng hukbong-dagat na katumbas ang lumalaking kapangyarihang pandagat; mga bagong base-militar sa mga artipisyal na isla sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea; at pinaunlad na doktrinang militar. Pinalakas ng Russia at China ang pakikipagtulungan sa kanilang mga alyado sa BRICS at SCO sa ibang pang lugar sa daigdig, laluna sa Asia.

BRICS. Isa na ngayong pormal na alyansa ang BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa), na bag-as ang Russia at China. Layon ng BRICS na makihamok sa G-7 sa usapin ng pang-ekonomya at geopulitikal na lakas bagama't kung ikukumpara'y mas mahina ito. Pinag-iibayo ng lahat ng estadong BRICS ang indibidwal nilang lakas sa kani-kanilang rehiyon sa pagbubuo ng mga pormasyong tulad ng Mercosur, SCO, Caspian Sea Alliance, South Asian Association for Regional Cooperation, at South African Development Community.

Itinuturing ng US ang alyansang BRICS bilang banta sa hegemonya nito sa daigdig. Sa pagsisikap na wasakin ang BRICS, pinatindi ng patakarang panlabas ng US ang pang-aaway nito sa Russia at China habang inaakit ang Brazil, India at South Africa pabalik sa panig ng Kanluraning imperyalismo.

Mga ribalan ng malalaking kapangyarihan at mga pagsiklab ng labanan. Mula 2012, bumalik sa antas ng Cold War na kiskisang superpower ang US (kasama ang EU at Japan sa ilang saklaw) at Russia (kasama ang China sa ilang saklaw). May paulit-ulit na salpukang diplomatiko at proxy-war sa Middle east sa paglaki ng

Page 157: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 149

tropa at missile defense systems ng US at NATO sa Europe at Pacific, at sa anyo ng cyberwarfare.

Sa lahat ng rehiyon ng daigdig, nag-uunahan ang malalaking kapangyarihan na magpalakas ng kani-kanilang posisyon sa usapin ng pamumuhunan, pag-abot ng pamilihan, likas na yaman, pagbabarko, at base-militar, at pang-aangkin ng teritoryo. Pinakatampok ang girian sa pagitan ng US at Russia sa mga lugar na pinagsiklaban noon, nagaganap ngayon at malamang na pagputok pa ng armadong tunggalian tulad sa hangganang rehiyon ng Russia-Europe, sa Middle East at North Africa, sa Central at South Asia, at sa East Asia (na panig ang Russia sa China).

Sa East Asia, kumukulo ang Korean peninsula, East China Sea, at South China Sea, habang ang usaping soberanya ng Taiwan at Hong Kong SAR ay tila mga natutulog na dragon na maaaring bumangon muli. Ang estratehikong landasin ng US na tinawag na "pivot to Asia" (na itinakda sa panahong 2011-2020) ay nagpapatuloy ng pang-matagalan nitong paglilipat ng pwersang panghimpapawid, pandagat at panlupa sa mga lugar ng Asia-Pacific. Inilatag nito ang detalyadong mga plano para sa paghahanda sa digma ng Pentagon para sa gera sa Asia, partikular sa kalagayan ng isang tunggaliang pinamumunuan ng US laban sa China.16

Susing mga larangan ngayon sa ribalan ng malalaking kapangyarihan ang Central Asia at South Asia matapos ang insurhensyang mujaheedin na sinuportahan ng US noong 1980s, pagbagsak ng USSR noong 1991, at kasunod na interbensyong militar ng US-NATO. Inaakit kapwa ng US-NATO at Russia-CSTO ang mga bayan sa rehiyon habang inihaharap ang "teroristang banta" para bigyang-katwiran ang patuloy nilang presensya sa pulitika at militar.

Ang Middle East (southwest Asia, kabilang ang Turkey) at North Africa — nakagawiang ituring na isang rehiyon sa daigdig (MENA) — ay mapapatunayan na pinakasinalantang rehiyon makaraan ang World War II sa paulit-ulit na siklo ng sari-saring digmaan at iba pang sosyo-pulitikal na kaguluhan na nakulayan ng relihiyon at lahi, at tuwiran at di-tuwirang sangkot ang malalaking kapangyarihan. Muling iginigiit ng US at mga alyado nito ang kanilang hegemonya sa pamamagitan ng sistematikong paglalansag sa lahat ng uri ng anti-US at anti-Zionist na paglaban sa rehiyon.

Ginagatungan ng malalaking ribalan sa kapangyarihan at panrehiyon gayundin ng iba pang salik, ang paiba-ibang hanayan ay lumilikha at nagpapalubha ng mga armadong tunggalian at panloob na kaguluhan tulad sa Syria, Iraq at Libya. Lalong sinisipat ng US-Israel-Saudi na pandirigma ang alyansang Iran, Iraq at Syria na suportado ng Russia. Naging isang malaking pinagtatalunan ang Turkey, habang paparami ang bitak na lumitaw sa hanay ng mga estadong Gulf na suportado ng

16 “Asia-Pacific Rebalance 2025: Capabilities, Presence, and Partnerships”. https://csis-prod.s3.amazonaws.com/s3fs-public/publication/160119_Green_AsiaPacificRebalance2025_Web_0.pdf

Page 158: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

150 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

US. Hindi pa rin nalulutas ang malalalim na problema tulad ng tunggaliang Israel-Palestine.

Sa sub-Saharan Africa, nauwi ang pang-ekonomyang problema at panlipunang ligalig magmula 1980 sa pagbagsak ng mahigit 30 rehimen sa Africa noong 1990-94. Isang menor na pagtaas (2000-2007, kilala rin bilang "Africa rising") ang naudlot sa pandaigdigang resesyon. Lokalisado pero walang-lubay na armadong tunggalian (panloob o tawid-bayan), na lalong nakumplika ng ribalang tribo at dayuhang panghihimasok, ang umaapekto sa di-bababa sa isang dosenang bayan. Sinasakyan ng alyansang US-EU ang mga tunggalian na ito para pahigpitin ang kontrol, laluna't nagpapalaki ng presensya ang China sa rehiyon. Samantala, ginagamit ng South Africa ang bagong lakas at pinahihigpit ang ugnayan sa Russia at China.

Itinuring ng US sa kasaysayan na "likod-bahay" ang Latin America and the Caribbean (LAC) at naninibughong pinoprotektahan ang hegemonya nito sa rehiyon. Sa kabilang panig, maraming bayan ng LAC ang aktibo sa mga alyansa laban sa panghihimasok ng US at mas bukas sa multipolar na daigdig. kabilang dito ang CELAC, UNASUR, at ALBA. Samantala, humina na ang matagal nang kontrol ng US sa Organization of American States (OAS). Nananatiling anti-imperyalista at maka-sosyalista ang Cuba, habang ang mga rehimeng Bolivarian (maka-Kaliwang populista at anti-US sa pangkalahatan) at patuloy na naghaharap ng alternatibong landas. Gayunpaman, sa ilalim nito'y may masidhing tunggalian sa lipunan at patuloy na interbensyon ng US.

Pagtudla sa hinaharap ng ribalang inter-imperyalista

Bilang konklusyon, iginigiit muli ng sulating ito ang patuloy na katotohanan ng ikalimang katangian ng imperyalismo sa kasalukuyang panahon. Ang ribalan ng malalaking kapangyarihan bilang di-nagbabagong tagalikha ng militarismo at mga digmaan ay nakakabit pa rin sa pag-iral at paggalaw ng aktwal na estadong imperyalista, tulad ng ipinakita sa karaniwan ng nakalipas na 100 taon.

Sa puntong ito, idiniriin natin ang pinakatampok na mga tunguhin na nananatili sa haba ng mga dekada — sa mga panahon ng pandaigdigang digmaan at mga panahon ng di-mapalagay na "kapayapaan"; sa mga panahon ng lubhang pagkakahati at mararahas na ribalan sa hanay ng mga imperyalista at mga panahon ng unipolar na hegemonya; sa isang panahon na tinipon ng malakas na kampong sosyalista ang iba't ibang anti-imperyalistang pakikibaka ng mamamayan ng daigdig, at sa ikalawang hati ng ika-20 siglo nang unti-unting nalusaw ang kampong iyon. Itinuturing natin ngayon ang papel ng ganitong pangunahing agos sa paghubog at paglutas ng ganoong ribalan, dagdag pa sa pundamental na mga kontradiksyong panlipunan sa loob mismo ng monopolyo kapitalismo.

Page 159: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 151

Militarismo at pasismo

Ang militarismo at pasismo ay magkakambal na ideolohiya, bungkos ng mga institusyon at patakarang ginamit ng mga imperyalistang estado para harapin ang krisis at banta ng rebolusyon sa loob ng sariling bayan, at maghanda sa gera sa ibayong-dagat. Habang nasamahan ng militarismo ang makauring lipunan (laluna sa mga imperyo) sa buong panahon ng maraming armadong tunggalian sa kasaysayan ng tao, kalitatibong naiiba at nasa mas mataas na antas ang modernong imperyalistang militarismo.

Sa loob ng nakaraang siglo, sa pangkalahata'y lumakas ang militarismo sa buong daigdig, na pangunahing bumubukal sa mga imperyalistang kapangyarihan. Mahigpit itong nakasalikop sa walang-patid na tunguhin ng pasismo at mga sistematikong pag-atake sa mga karapatan ng mamamayan, kapwa sa loob ng mga imperyalistang punong-bayan at sa malalawak na teritoryo ng Third World.

Sa panahon ni Lenin, nagbigay ng dagdag na diin ang iba pang Marxistang lider tulad nina Rosa Luxemburg at Karl Liebknecht sa kaganapan ng militarismo. Masaklaw na sinuri ang paksa sa akda ni Liebknecht, Militarism and Anti-Militarism (1907). 17 Maraming anti-imperyalistang manunulat ang nagsiyasat sa katangian na ito ng imperyalismo nang lampas sa partikularidad ng panahon ni Lenin.

Makaraan ang kalahating siglo, naglaan ng buong kabanata sa usaping ito mismo sina Baran at Sweezy, sa Monopoly Capital. 18 Ang pagkilos ng isang imperyalistang estado na nakaasa nang malaki sa lakas militar ay ibayo pang siniyasat sa akda ni Alfred Szymanski, The Logic of Imperialism.19 Pinakamainam sa mambabasa na pag-aralan ang mga nabanggit na kabanata.

Ang military-industrial complex, kalakalan sa armas at paligsahan sa armas. Patuloy na nabubundat ang military-industrial complex. Sa pagtatapos ng World War I, ang bawat imperyalistang kapangyarihan ay may sariling mayabong na industriya sa armamento at military-industrial complex (MIC), at nakipagtagisan para sa mas malaking bahagi ng pandaigdigang kalakalan sa armas. Makaraan ang World War II, pinakamalaking nakinabang ang MIC ng US datapwa't bumawi at patuloy na lumawak sa buong daigdig ang industriya sa kabuuan. Mula noon, patuloy itong lumago sa nakaraang 50 taon, lampas pa sa Cold War, patunay sa malalim nitong pagkabaon sa pinakasaligang istruktura ng imperyalismo.

17 The topic was explored extensively in K. Liebknecht’s Militarism and Anti-Militarism (1907), http://www.marxistsfr.org/archive/liebknecht-k/works/1907/militarism-antimilitarism/index.htm18 Baran and Sweezy, “The Absorption of Surplus: Militarism and Imperialism” in Monopoly Capital, pp.178-214.19 Szymanski, The Logic of Imperialism, pp.177-216

Page 160: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

152 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Patuloy na lumobo ang gastos militar ng nangungunang kapitalistang kapangyarihan.20 Ang US at iba pang mauunlad na bayan, na sa kalakha'y gumagastos nang malaki sa militar, ang sila ring pinakamalalaking tagabenta ng armas, taga-suplay at taga-bigay ng ayudang militar sa mga hukbo sa buong daigdig.21

Inaasahan sana sa pagtatapos ng Cold War na mawawala na sa daigdig ang kahibangang-militar ng estratehikong paligsahang US-Sobyet sa armas. Subalit nagpatuloy ito at lalong bumilis pa, at nasasangkot ang mas maraming malalaking kapangyarihan. Ang unahan ay hindi lamang sa dami ng armas nukleyar at di-nukleyar, kundi mas mahalaga, sa kalakasang pangwasak at kakayahan na agarang maitalaga at magamit.

Syempre pa, may partikular at lumalaking pagkabalisa sa tinatawag na tactical nukes, iyon ay, mga armas-nukleyar na mas malapitan at mas magaan ang dala kung kaya't lalong angkop sa iba't ibang sitwasyon ng labanan. Nagbubukas din ang malalaking kapangyarihan ng mga bagong larangan para sa paligsahan sa armas, tulad ng cyber-warfare, robot weapons systems, at pagmilitarisa sa kalawakan sa pamamagitan ng satellite systems na pang-militar.

"National security state" at "deep state". Ibayong umunlad pa ang pasistang estado na nagpakita ng pinakamasamang anyo noong 1930s at World War II sa buong panahon ng Cold War. Mula noon, umangat sa kapangyarihan ang mga gobyernong dulong-Kanan at mga elitistang diktadurang militar habang walang-kahihiyang nalagay sa pangunahing agos ang mga pampulitikang kilusang pasista at mga partidong kaanib ng Nazi. Nagsasagawa ang mga pasistang pwersa na ito ng sistematikong mga kampanya para atakehin ang karapatang pantao at mga demokratikong pakinabang, muling-nagtatayo ng mga pakanang estado-pulis, at nagpapalaganap ng sari-saring sobrang reaksyunaryong pag-iisip sa pamamagitan ng mass media, Internet, paaralan at iba pang daluyang kultural.

Ilan sa pinakamasasahol na katangian ng pasismo ang makikita ngayon sa US at Europe, laluna bilang bahagi ng "war on terror". Papatinding nagpapakita ang US at EU ng natatanging anyo ng pasismo sa pamamagitan ng "national security state" kilala rin bilang Deep State. Hinayaan ng mga naghaharing-uri ang mga pangkating neo-konserbatibo, militarista at pasista na mahigpit na nakaugnay sa oligarkiya sa

20 The world’s total military expenditures in 2016 are estimated to have reached USD 1,686 billion. The US share was 36% – higher than the military spending of the eight next top-ranked countries combined. (“World military spending: Increases in the USA and Europe, decreases in oil-exporting countries”. SIPRI. Stockholm, 24 April 2017. https://www.sipri.org/research/armament-and-disarmament/arms-transfers-and-military-spending/military-expenditure)21 In the most recent period analyzed by SIPRI (2012-2016), the US remains the world’s top arms exporter (as it has been since 1990) with 33% share. Russia is in No. 2, with 23% share. China, France, Germany, and the UK each recorded about 5% of global exports, rounding out the top six of 57 exporter countries. (“U.S. Leads Rising Global Arms Trade”. Arms Control Association. 1 March 2017. https://www.armscontrol.org/act/2017-03/news/us-leads-rising-global-arms-trade)

Page 161: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 153

pinansya para lalong isentralisa at ikamuplahe (sa ilang kaso'y kahit ang walang-tangi na isapribado) ang susing makinarya ng estado.

Epekto sa ribalang inter-imperyalista ng iba pang pandaigdigang mga kontradiksyon

Matapos ang Rebolusyong Oktubre, di-nagtagal ay naging malinaw na aabutin ng isang buong istorikong panahon ang pandaigdigang proletaryong rebolusyon na iiral ang mga sosyalistang estado kaalinsabay ng mga kaaway na estadong imperyalista, habang naging saligang tungkulin ng mga sosyalista sa buong daigdig na suportahan ang mga digmaan sa pagpalaya at kilusang masa sa mga kolonya at malakolonya.

Habang lumilitaw ang ganitong mga bagong kontradiksyon (kampong imperyalista laban sa kampong sosyalista, imperyalismo laban sa mga kilusan sa pambansang pagpapalaya at lumalaking bloke ng mga malayang estado), kailangang lubos na masuri ang kanilang masasalimuot na interaksyon sa ribalan at digmaang inter-imperyalista. Nakamit ang paglilinaw sa teorya, estratehiya at taktika sa mga usaping ito ng mga sumunod na henerasyon ng mga Marxista-Leninista. Muling napatunayan ang limang katangian ng imperyalismo ni Lenin — nang mas lubusan pa pagsapit ng World War II sa kaso ng ikalimang katangian.

Ang Cold War, na umiral nang mahigit limang dekada at halos mas mahaba pa sa nakaraang panahong kinakitaan ng dalawang digmaang pandaigdig, ay ibayong nagpatunay sa pangunahing pagsusuri ni Lenin ukol sa mga ribalang inter-imperyalista. Subalit nagpakita rin ito ng katangian na hindi eksakto sa larawan ni Lenin sa inter-imperyalistang digmaan; ang mga pangunahing putukang digma sa panahong ito ay hindi sa magkakaribal na imperyalista, kundi sa mga bayan tulad ng Korea at Indochina, kung saan nilabanan ng imperyalistang alyansa ang mga kilusan sa pambansang pagpapalaya na suportado ng sosyalistang kampo.

Lalong naging masalimuot ang kalagayan bunga ng rebisyunismong Sobyet at sumunod na pagkakahati ng sosyalistang kampo. Sa gayon, nagbagong-anyo ang Cold War mula sa orihinal na katangian nito bilang istorikong labanan sa pagitan ng imoeryalismo at sosyalismo tungo sa pandaigdigang ribalan ng dalawang imperyalistang superpower. Bagama't hindi sumambulat ang US-Sobyet na ribalan sa World War III, ang walang-lubay na paligsahan sa armas at proxy wars nito ay nagpatibay sa tesis ni Lenin ukol sa imperyalismo at digmaan.

Muli, makaraan ang Cold War, mistulang nadomina ng imperyalismong US ang unipolar na daigdig nang walang mabisang katunggali. Gayunpaman, patuloy na lumikha ng ribalang inter-imperyalista ang batas ng kapitalistang krisis at di-pantay na pag-unlad. Napapalitan na ngayon ang unipolar na daigdig ng lumalaking pagkakahati at mas malalaking salik para sa digmaan ng malalaking kapangyarihan.

Page 162: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

154 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Tesis ni Amin sa "kolektibong imperyalismo". May sariling 12 tesis si Samir Amin sa nangyari sa imperyalismo sapul nang sulatin ni Lenin ang kanyang akda.22 Iginigiit ng kanyang ika-10 tesis na may naganap na "isang pagpihit mula sa panahon ng inter-imperyalistang tunggalian na tinuran ni Lenin, tungo sa panahon ng hegemonya ng U.S. noong Cold War, sa kolektibong imperyalismo ng Triad (kasama ang EU at Japan) sa pamumuno ng US sa pagtatapos ng ika-20 siglo.

Nagpalawig si Amin sa ganitong Triad sa pagsasabing "natagpuan ng kolektibong imperyalismo ang batayan ng pag-iral nito sa kamulatan ng mga burgesya sa mga bayan ng triad na kinakailangan ang kanilang sama-samang pamamahala sa daigdig..." Iginiit niya na ang hidwaan sa pagitan ng Triad, sa isang banda, at ng China at Russia, sa kabilang banda, ay hindi mga ribalang inter-imperyalista kundi mga tunggalian sa pagitan ng mga sentrong imperyalista, sa isang panig, at dalawang estado sa "palibot" na tumatanggi pa na maging hamak na "neo-komprador burgesya" tulad ng iba pang Third World sa kabilang panig.23

Bagama't totoo sa napaka-ispesipikong panahon ng imperyalismo, hindi maitatatwa ng tesis na ito ang pundamental na batayan ng inter-imperyaistang tunggalian na pinaghalawan ni Lenin ng ikalimang katangian. Ang kanyang "panahon ng hegemonya ng U.S. noong Cold War" (1947-1990) at ang "panahon ng kolektibong imeryalismo" sa triad na pinamumunuan ng US (1990-kasalukyan) ay kumakatawan lamang sa mga bago o transisyunal na anyo ng mga tunggaliang iyon. Nananatiling totoo pa rin tulad nang dati ang ikalimang katangian ng imperyalismo.

Nagpapatuloy na panahon ng imperyalismo at mga rebolusyong sosyalista

Hindi maitutudla ang hinaharap ng imperyalismo at ribalang inter-imperyalista nang hiwalay sa kinabukasan ng mga sosyalistang rebolusyon. Tulad ng sinabi ni Lenin, ang panahon ng imperyalismo ay panahon ng proletaryong rebolusyon. Laging iginigiit ng mga henerasyon ng Marxista-Leninista na ang pandaigdigang kapitalistang krisis ay mauulit nang ilang beses at mas malala. Bawat krisis ay lumilikha ng paborableng mga kalagayan na pag-uusbungan ng mga bagong rebolusyon, kapwa demokratikong bayan at sosyalista) at magkakamit ng mga tagumpay.

Habang wala pang mayor na sosyalistang rebolusyon na matatanaw sa ngayon, ibayong pinalalaki ang obhetibo at suhetibong mga salik para sa rebolusyon ng paulit-ulit na krisis ng kapitalistang sistema, tumatalim na ribalan ng malalaking kapangyarihan at nagbabangon-muli na Third World. Patuloy na igigiit ng mga bansa ang kalayaan at ng mamamayan ang pagsusulong ng rebolusyon.

22 Samir Amin is aligned with the Marxian-dependency theorists clustering around the Monthly Review together with Paul Baran, Paul Sweezy, Harry Magdoff, and Andre Gunder Frank. His 12 theses on imperialism were presented in a Monthly Review article in 2011 article by John Bellamy Foster (MR vol. 63 no. 5, October 2011)23 Amin, Monthly Review vol. 67 no. 3, Jul-Aug 2015

Page 163: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 155

Habang nagpapatuloy ang mga krisis ng pandaigdigang kapitalismo, umaani ng panibagong lakas ang interes at kahilingan para sa sosyalismo, kapwa sa matatandang henerasyon ng anakpawis na nakakaalala pa sa pakinabang ng sosyalismo at sa nakababatang henerasyon na muling natutuklasan ang nakalipas. Lilitaw ang mas maraming proletaryo rebolusyonaryo, hahalaw ng aral sa mga tagumpay at kabiguan ng nakaraan, at mamumuno sa masa para igiit ang sosyalismo.

Tulad ng paalala sa ating lahat ni Lenin: "Tanging ang proletaryo sosyalistang rebolusyon ang makakapamuno sa sangkatauhan mula sa pagkatigil na likha ng imperyalismo at imperyalistang digmaan. Anumang kahirapang maaaring kaharapin ng rebolusyon, anumang posibleng pansamantalang pag-atras o agos ng kontra-rebolusyon na kailangan nitong labanan, hindi maiiwasan ang pangwakas na tagumpay ng proletaryado."24

MGA SANGGUNIAN

Baran, Paul A. and Paul M. Sweezy. 1966. Monopoly Capital: An Essay on the American Economic and Social Order. Monthly Review Press (as reprinted in England: Pelican Books 1968). 390pp.

Brewer, Anthony. 1990. Marxist Theories of Imperialism: A Critical Survey. 2nd edition, London and New York: Routledge. 300pp. PDF file downloaded 20 March 2017 from http://psi424.cankaya.edu.tr/uploads/files/Brewer,%20Marxist_Theories_of_Imperialism.pdf

Chibber, Vivek. 2009. American Militarism and the US Political Establishment: The Real Lessons of the Invasion of Iraq. In Socialist Register. PDF file download 7 April 2017 from http://sociology.fas.nyu.edu/docs/IO/225/AmericanMilitarismandtheUSPoliticalEstablishment.pdf

Greene, Felix. 1970. The Enemy: Notes on Imperialism and Revolution. London: Jonathan Cape (as reprinted in Quezon City: Malaya Books). 341pp.

Lenin, Vladimir Ilyich (Ulyanov). 1917. Imperialism, the Highest Stage of Capitalism (A Popular Outline). In V.I. Lenin Selected Works in One Volume. 1968. Moscow: Progress Publishers. Pp.169-263.

____________. 1920. “Preface to the French and German Editions” in Imperialism, the Highest Stage of Capitalism.

24 V.I. Lenin, “Materials Relating to the Revision of the Party Programme”, Collected Works Vol. 24, p. 460

Page 164: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

156 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Magdoff, Harry. 2003. Imperialism without Colonies. New York: Monthly Review Press. PDF file download 25 March 2017 from http://www.kropfpolisci.com/class.system.theory.magdoff.pdf

Mundey, Lisa. 2012. American Militarism and Anti-Militarism in Popular Media, 1945-1970. McFarland.

Sison, Jose Maria. 2015a. Continuing the Struggle for National and Social Liberation (Selected Writings, 1986-1991). The Netherlands: INPS and Manila: Aklat ng Bayan. 458pp.

____________. 2015b. Crisis Generates Resistance (vol. 1 of Selected Writings, 2009-2015). The Netherlands: INPS. 392pp.

____________. 2016. Building People’s Power (vol. 2 of Selected Writings, 2009-2015). The Netherlands: INPS. 474pp.

Szymanski, Albert. 1981. . New York: Praeger Publishers. 598pp.

Page 165: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Ang Hinaharap ng Imperyalismo at SosyalismoProf. Jose Maria Sison

Pambungad

Mahirap o imposible pa nga na talakayin at liwanaging mabuti ang hinaharap ng imperyalismo (monopolyo kapitalismo) at sosyalismo nang walang pag-unawa sa mga batas ng pag-unlad na may kaugnayan sa panlipunang pagbabago at sa tunguhin ng mga pag-unlad mula sa nakaraan tungo sa kasalukuyan, laluna sa panahong ito na dominante pa rin ang imperyalismo at kailangan pang bumangon muli ng sosyalismo sa pamamagitan ng paggamit sa bentahe ng walang-puknat na mga krisis sa ekonomya't pinansya at mga agresibong digmaan na nagsisiwalat sa parasitiko, marahas at naghihingalong katangian ng imperyalismo.

Anu't anuman, lampas na tayo sa panahong ang isang utusan ng imperyalismong US ay palalong magsasabing hindi na iigpaw ang sangkatauhan sa kapitalismo at liberal na demokrasya at pumanaw na ang sosyalistang adhikain dahil sa panunumbalik ng kapitalismo sa China, Soviet Union, Eastern Europe at East Germany bago matapos ang ika-20 siglo.

Mula noon, makaraang ipaghambog ang sarili bilang nanalo sa Cold War at nag-iisang superpower sa isang unipolar na daigdig, pinabilis ng US ang sariling estratehikong paghina sa pamamagitan ng pagsira sa sarili nito sa matataas na kabayaran sa pang-ekonomyang neoliberal na patakarang batbat ng krisis at sa neokonserbatibong patakaran ng mga agresibong digmaan. Sa maagang mga dekada ng nakaraang siglo, lumitaw ang isang multipolar na daigdig, kinatangian ng tuminding mga kontradiksyong inter-imperyalista at nag-uumigting na tunggalian para sa muling-paghahati ng daigdig.

Sa International Seminar on Mao Zedong Thought para gunitain ang ika-100 anibersaryo ng kapanganakan ni Kasamang Mao Zedong noong 1993, nagdeklara ang Partido Komunista ng Pilipinas na nasa panahon pa rin tayo ng makabagong imperyalismo at proletaryong rebolusyon, kahit pa ang una'y tila nagkapaghahari nang walang mabigat na paghamon at ang huli'y nasa estratehikong pag-atras bunga ng pagtataksil sa sosyalismo na nagsimulang masigasig sa Soviet Union sa panahon ni Khruschov.

Sapul noong huling dekada ng ika-20 siglo, nasaksihan natin ang hambog pero mapanira-sa-sarili na direksyon ng mga opensiba sa ideolohiya, pulitika, ekonomya at

Page 166: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

158 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

militar na ginawa ng imperyalismong US at mga alyado nito sa NATO para atakehin ang proletaryado at inaaping mga mamamayan at bansa. Ang gayong mga opensiba at lubhang malulupit na bunga ng mga ito ay nagsilbing pagdiriin sa puntong walang ibang alternatiba sa imperyalismo kundi sosyalismo.

I. Marx at Engels sa Panahon ng Malayang Kompetisyong Kapitalismo

Inilatag nina Marx at Engels ang mga pundamental na prinsipyo ng Marxismo sa larangan ng pilosopiya, ekonomyang pampulitika at syensyang panlipunan. Nahigitan nila ang naunang antas ng kaalaman sa mga larangang ito sa pamamagitan ng pag-aaral sa katotohanan ng mabilis na pagbabago sanhi ng paggamit ng mga makina sa malakihang produksyong pang-kalakal sa panahon ng malayang kompetisyong kapitalismo at sa pagpapahalaga sa malawak na pananaw at rebolusyonaryong potensyal ng proletaryadong industriyal.

Itinuturo sa atin ng pilosopiya ng dialektikong materyalismo na walang bagay na hindi nagbabago sa sansinukob at walang bagay na permanente maliban sa pagbabago. Ang materyal na daigdig na umiiral nang obhetibo, independyente sa kamalayan ng tao, ay pinamamahalaan ng mga batas ng kontradiksyon mula sa antas ng mga partikulo at subpartikulo hanggang sa pinakalantarang anyo at pangyayari sa kalikasan at lipunan.

Ang istorikong materyalismo ay ang paglalapat ng dialektikong materyalismo sa pag-aaral ng mga lipunan at proseso ng panlipunang transpormasyon. Naipakita nito ang pangkalahatang pagkakasunud-sunod ng maraming libong taon ng walang uri pero primitibong komunal na lipunang stone-age at ang alipin, pyudal, kapitalista at sosyalistang mga anyo ng lipunan na kinatangian ng literasiya, pag-iral ng mga uri at kaalaman sa metal. Ang kontradiksyon sa pagitan ng pwersa sa produksyon (mga tao sa produksyon at mga kasangkapan sa produksyon) at ng relasyon sa produksyon ay nagpapalitaw sa bago at mas mataas na anyo ng lipunan.

Sa pangkalahatan, sa panahong nauuna ang ebolusyon sa rebolusyon, paunang naitatakda ng mga pwersa sa produksyon ang mga relasyon sa produksyon. Subalit sa proseso ng rebolusyon, maaaring paunlarin at pabilisn ng mga bagong relasyon sa produksyon ang paglago ng mga pwersa sa produksyon at irebolusyonisa kapwa ang moda ng produksyon at ang panlipunang super-istruktura. Kumulatibo ang panlipunang pagbabago subalit hindi sa isang diretsong linya. May tunguhing magpaliku-liko ang mga ito. May mga halimbawa rin ng mga lipunang umaatras mula sa naunang mga anyo ng lipunan dahil sa panloob at panlabas na mga salik.

Sa Marxistang kritika sa kapitalistang ekonomya, binabayaran ang mga manggagawa ng pasahod na maliliit na bahagi lamang ng bagong materyal na halaga na kanilang nilikha at ang lahat ng iba pa na kung tawagi'y labis na halaga ay kanya-

Page 167: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 159

kanyang pinaghahatian ng kapitalistang may-ari, ng mga bangko at ng may-ari ng lupa bilang tubo, interes at upa, alinsunod sa pagkakasunud-sunod. Para lubusin ang tubo at manatiling buhay o makapangibabaw sa kompetisyong inter-kapitalista, nilalayon ng kapitalista na paliitin at pababain ang sahod at tapatan ang mas kaunting manggagawa ng makinang tipid sa paggawa.

Bilang resulta, nililimitahan at pinakikitid ang pamilihan dahil sa nabawasang empleyo at kita o kakayahang bumili ng mga manggagawa. Sa gayon, nagaganap ang krisis ng labis na produksyon relatibo sa pamilihan. Kapag sinikap ng mga kapitalista na maka-igpaw sa pang-ekonomyang pagtumal, tumatakbo sila sa bangko para sa utang nang sa gayo'y maiahon sila sa kagipitan at kalauna'y lumilikha ng krisis sa pinansya kapag naganap ang mga pagkabangkrap at pagbabawas ng produksyon bunga ng walang-lubay na istagnasyon o depresyon ng demand.

Ang krisis sa ekonomya at pinansya na lumilitaw mula sa pagpapababa sa sahod at higit na pagpupuhunan sa mga kasangkapan sa produksyon ay nagtutulot sa mga nanalong kapitalista para talunin ang mga kakompetensya. Sa gayon, tumutungo ang kompetisyon sa konsentrasyon ng kapital at sa huli'y tungo sa monopolyo. Sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo, may mga monopolyo na sa Britain na nakikinabang sa binansagang free trade sa lumalawak na imperyong kolonyal ng Britain. Sa huling tatlong kuwarto ng ika-19 na siglo, lumitaw ang mga monopolyo sa ilang mga industriyal na kapitalistang bayan.

Sa syensyang panlipunan, inabante nina Marx at Engels ang pag-aaral sa makauring tunggalian, na pinasimulan ng mga rebolusyonaryong demokrata ng rebolusyon sa France. Pinasaklaw nila ang pag-aaral sa makauring tunggalian patungo sa makauring diktadura ng proletaryado at pagpapalit sa makauring diktadura ng burgesya. Ang makauring diktadura ng proletaryado o estado ng uring manggagawa ay ang susi sa buong teorya at praktika ng syentipikong sosyalismo. Sa kabaligtaran, ang sosyalismong utopian ay mapagnasang saloobin lamang at sumasalig sa iilang may mabuting kalooban para magtatag ng mga komunal na enklabo.

Sa Communist Manifesto, nanawagan sina Marx at Engels sa pagbabagsak sa burgesya at pagtatatag ng makauring diktadura ng proletaryado. Nanawagan din sila ng pakikibaka para sa demokrasya. Matitiyak ng uring manggagawa sa sarili ang tagumpay hindi lamang sa pagpapalakas ng sarili kundi sa pagkabig sa malawak na masa ng mamamayan sa pakikibaka na ibagsak ang burgesya. Ibinuhos nina Marx at Engels ang lahat ng kanilang magagawa sa paglahok sa kilusan ng uring manggagawa sa pagtatatag ng Communist League noong 1847 at paggampan ng pamumuno sa pagbubuo at gawain ng International Workingmen's Association o First International noong 1864.

Pinag-aralan ni Marx ang Paris Commune ng 1871 bilang mayamang pagkukunan kapwa ng positibo at negatibong mga aral sa pagsusulong ng proletaryong rebolusyon

Page 168: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

160 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

at diktadura ng proletaryado. Pinuri niya ang uring manggagawa ng Paris sa pag-agaw sa kapangyarihang pang-estado at pagtatatag ng diktadura ng proletaryado at pagpapatibay ng mga rebolusyonaryong patakaran at pagkilos. Ngunit pinuna rin niya ang kabiguan na mag-opensiba laban sa Versailles at durugin ang makinaryang burukratiko at militar ng burges na estado. Wala sa panahong nagtawag ng eleksyon ang mga nag-komuna. Walang malay nilang hinayaan ang burgesya na gamitin ang impluwensya nila sa Paris at magpakana pa ng masaker sa mga nag-komuna. Anu't anuman, nagsilbing prototype ang Paris Commune ng makauring diktadura ng proletaryado.

II. Si Lenin sa Panahon ng Makabagong Imperyalismo at Proletaryong Rebolusyon

Nilagom ng dakilang si Lenin ang Marxismo, sa tatlo nitong saligang nilalaman at rebolusyonaryong esensya nito. Itinaguyod, ipinagtanggol at ibayo pang pinaunlad ang minana niya kina Marx at Engels. Gumawa siya ng sariling namumukod-tanging mga kontribusyon sa Marxistang pilosopiya, ekonomyang pampulitika at syensyang panlipunan. Naging inspirado siya sa katotohanang Marxismo ang pangunahing agos ng kilusan ng uring manggagawa sa Europe pagsapit ng huling dekada ng ika-19 na siglo. Pinatalas niya ang teoretikal na kaalaman sa paglalapat nito sa rebolusyonaryong pakikibaka laban sa Tsarismo at sa burgesya at pinuna ang mga agos ng oportunismo, repormismo at rebisyunismo sa hanay ng nagsasabing mga rebolusyonaryo sa Russia at sa Second International.

Sa pilosopiya, binaka ni Lenin ang peti-burges na suhetibong idealismo, na nagpapanggap na ikatlong hiwalay na pilosopiya sa pagitan ng materyalismo at idealismo o naggigiit sa dualismo ng natural at supernatural, dinadamitan ang idealismo at metapisika ng empirisismo o mekanikal na materyalismo at itinatanggi ang dialektikong materyalismo. Nanindigan siya sa syentipiko materyalistang posisyon at itinuro ang pagkakaisa ng magkakasalungat bilang pinaka-pundamental na batas ng materyal na dialektika sa hanay ng tatlong batas ng kontradiksyon (pagkakaisa ng magkakasalungat, pagtumbalik sa katumbalikan, at kantitatibong pagbabago tungo sa kalitatibong pagbabago).

Ibayong naglinaw siya sa batas ng di-pantay na pag-unlad para tukuyin na lilitaw ang sosyalismo mula sa pinakamahinang kawing ng mga imperyalistang kapangyarihan, tulad ng Russia na may lumalaking burgesya sa mga industriyal na islang pinalilubutan ng dagat ng kaayusang medieval at pyudalismo at gumagamit ng imperyong militar-pyudal para pagasamantalahan at apihin ang iba't ibang nayunalidad. Sa mga lugar na mas maunlad ang kapitalismong industriyal at naglalatag ng pang-ekonomya't panlipunang kalagayan para sa sosyalismo, nasa mas malakas na posisyon ang burgesya na labanan at supilin ang kilusan ng uring manggagawa at sosyalistang adhikain. Malamang na haharapin ng proletaryado ang terorismo

Page 169: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 161

ng estado at kailangang ipanalo ang laban para sa demokrasya sa pamamagitan ng pagbabagsak sa burges na estado. Sa mga bayang hindi kasing-unlad tulad ng Russia, mas mahuhugisan ang burges-demokratikong yugto ng rebolusyon.

Sa ekonomyang pampulitika, pinag-aralan ni Lenin ang pag-unlad ng malayang kompetisyon tungo sa monopolyo kapitalismo o makabagong imperyalismo at ipinaliwanag ang huli bilang pinakamataas at pinakahuling yugto ng kapitalismo. Ito ay nabubulok at naghihingalo dahil madaling kapitan ng mga krisis at digmaan. Inilarawan niya ang limang katangian ng imperyalismo: ang pangingibabaw ng monopolyo kapital sa kapitalistang ekonomya, ang pagsasanib ng kapital ng bangko sa industriyal na kapital na nagiging batayan ng pinansyang kapital, ang mas malaking kahalagahan ng pag-eksport ng labis na kapital kaysa labis na kalakal, ang pag-angat ng mga internasyunal na pagsasanib ng mga monopolyo kapitalistang korporasyon para pagsaluhan ang daigdig sa kanilang mga sarili at nakumpleto na ang teritoryal na dibisyon ng daigdig sa hanay ng mga pinakamalalakas na imperyalistang kapangyarihan.

Ang isang makabuluhang pagtikwas sa balanse ng pwersa sa hanay ng mga imperyalista ay nauuwi sa mas matinding tunggalian para sa redibisyon ng daigdig at pagputok ng pandaigdigang digma. Inilarawan niya ang inter-imperyalistang digmaan bilang bisperas ng sosyalistang rebolusyon at nanawagan sa proletaryado at mamamayan na isalin ang imperyalistang digmaan sa rebolusyonaryong digmang-sibil. Nilabanan niya ang mga sosyal-demokratikong partido ng Europe sa Second International sa pagsuporta sa pakikidigma at badyet sa digma ng kani-kanilang bayan at tinawag silang mga sosyal-sobinista.

Matagumpay niyang pinamunuan ang partidong Bolshevik at mga sobyet ng manggagawa, magsasaka at sundalo sa pagpapabagsak sa Provisional Government na pinamunuan ni Kerensky sa Petrogad noong Oktubre 25, 1917 (Nobyembre 7 sa kalendaryong Gregorian). Sa gayon, itinatag niya sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ang unang sosyalistang estado sa isang bayan na sumasaklaw sa ikaanim na bahagi ng daigdig. Iprinoklama niya sa mga sobyet ang lahat ng kapangyarihan at ang wakas ng inter-imperyalistang digmaan. Kagyat niyang kinonsolida ang kapangyarihan ng mga sobyet sa pagtataguyod ng kapayapaan, pagsasabansa ng lupain at muling-pagbuhay sa ekonomya.

Makaraang maipanalo ng Pulang Hukbo ang Digmang-Sibil laban sa mga Puting hukbo at dayuhang interbensyong-militar, idinekreto ang New Economic Policy (NEP) noong 1922 para muling-buhayin ang ekonomya sa pinakamaagang panahon mula sa mahirap na kalagayan ng digma, kakapusan ng produkto at "komunismong pandigma" ng pagrarasyon sa pamamagitan ng paggamit ng paraang kapitalismo ng estado at pagbibigay ng konsesyon sa maliliit at katamtamang-laki na prodyuser at mangangalakal. Naunang pinagtibay ng gobyernong pinamumunuan ng

Page 170: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

162 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Bolshevik ang NEP sa takbo ng ika-10 Kongreso ng Partido Komunista ng Buong Rusya noong 1921.

Idinirehe ni Lenin ang pagtatatag ng Union of Soviet Socialist Republics (USSR) bilang bagong balangkas ng pag-iral ng estado. Pinagtibay ng Congress of Soviets ang Declaration and Treaty of Union of the Republics noong 1922. Pagkatapos ng pagkamatay ni Lenin noong 1924, humalili sa pamumuno ng partidong Bolshevik at ng USSR si Stalin at isinulong ang sosyalistang rebolusyon at konstruksyon. Tinapos niya ang NEP noong 1928 at tumuloy sa pagpapatupad ng serye ng mga limang-taong plano para itayo ang sosyalistang industriya at ang kolektibisasyon at mekanisasyon ng agrikultura. Ginapi niya ang oposisyon mula sa "Kaliwang" mga oportunista na nangangaral na imposible ang sosyalismo sa isang bayan gayundin ang mga Kanang oportunista na naggigiit na patagalin pa ang NEP.

Sa pamumuno ni Stalin at ng Communist Party of the Soviet Union, naging makapangyarihang estadong industriyal ang USSR pagsapit ng 1936. Sa pamamagitan ng Konstitusyong Sobyet, idineklara ni Stalin ang pagwawakas ng mga uri at ng makauring tunggalian, maliban doon sa pagitan ng mamamayang Sobyet at mga imperyalista. Mali ang ganitong pormulasyon dahil patuloy na umiiral ang mga uri at makauring tunggalian at kinakailangang wastong panghawakan. Kaiba sa Unyong Sobyet, ang mga industriyal na kapitalistang bayan ay binagabag ng Great Depression, panlipunang ligalig, paglitaw ng pasismo at lumalaking panganib ng inter-imperyalistang digmaan.

Laging matapat si Stalin kay Lenin at sa Leninismo at tumalima sa Marxismo-Leninismo. Mas matimbang ang kanyang mga merito kaysa kakulangan sa pagtatayo ng sosyalismo. Pagkaraa'y sinukat siya ni Kasamaang Mao na 70 porsyentong mabuti kaiba sa lubos na pagbatikos niya kay Kruschov noong 1956. Sa pilosopiya, minsa'y lubha siyang natutuon sa ugnayan ng mga magkakasalungat na pwersang panlabas naman sa isa't isa. Sa ekonomyang pampulitika, inatas niya ang ganap na tugmaan ng moda ng produksyon at super-istruktura. Sa syensyang panlipunan, wala sa panahon niyang idineklara ang wakas ng mga uri at makauring tunggalian sa Unyong Sobyet.

Sa labis na pagsasabing wala nang mga uri sa lipunang Sobyet, di-sinasadya niyang pinalabo ang pangangailangan na patingkarin ang proletaryong paninindigan, pananaw at pamamaraan at ang pangangailangan na wastong pakitunguhan ang relasyon ng mga uri sa hanay ng mamamayan. May tendensya siya na pakitunguhan ang kanyang mga kritiko at katunggali gamit ang kamay na bakal dahil madali silang napaparatangan na kaaway ng mamamayan. Subalit nang magbanta at sumambulat ang World War II, na Russia ang pangunahing target ng Nazi Germany, nagluwag siya sa pulitika at ibinalik ang ari-arian ng Orthodox Church alang-alang sa pagpapalawak at pagpapalakas ng Great Patriotic War laban sa pasistang pananalakay.

Page 171: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 163

Sa kabuuan, namumukod-tanging komunistang lider at mandirigma si Stalin. Naging mahusay siya sa paglaban sa imperyalismo at pasismo para itaguyod, ipagtanggol at isulong ang sosyalismo sa Unyong Sobyet, nagtagumpay siya sa pagtatayo ng sosyalistang ekonomyang Sobyet mula 1928 hanggang 1940 at muling-pagtatayo nito mula 1945 hanggang 1953, sa pagpapaunlad ng sistema sa edukasyon at kultura ng uring manggagawa, sa pagbibigay-inspirasyon sa mamamayang Sobyet na labanan at gapiin ang Nazi Germany at pasismo, sa pagsusulong ng pandaigdigang kilusang komunista at sa pagsuporta sa mga pwersang pinamumunuan ng komunista para itatag ang mga demokrasyang bayan at estadong sosyalista (sa Eastern Europe, East Germany, China at Korea) gayundin ang mga kilusan sa pambansang pagpapalaya at sa pakikihamok sa US at mga alyado nitong imperyalista pagkatapos ng World War II.

III. Makabagong Rebisyunismo at Panunumbalik ng Kapitalismo

Sa panahong tamang-tama na masasabing sangkatlo ng sangkatauhan ang nasa sosyalistang mga bayan na pinamumunuan ng mga rebolusyonaryong partido ng proletaryado at nahahati ang daigdig sa pagitan ng kapitalista at sosyalistang kampo, binigkas ni Khrushchov ang kanyang "sikretong" talumpati laban kay Stalin sa ika-20 Kongreso ng Communist Party of the Soviet Union noong 1956, pinaratangan siya na nagtataguyod ng kulto ng personalidad, ng paggamit dito para magwalang-bahala sa kolektibong pamumuno at nagresulta sa pagpurga ng mga komunistang kadre at laksang masa. Inisa-isa niya ang 61 na di-umano'y krimen, na mapapatunayang hindi naman totoo. Naging hudyat ang talumpati sa paglitaw ng makabagong rebisyunismo sa CPSU at kalakhan ng mga naghaharing partido komunista sa Eastern Europe.

Maaaring isalarawan ang makabagong rebisyunismo bilang isang lahatang-panig na linya at praktika sa ideolohiya, pulitika, ekonomya at lipunan ng nagpapakilalang komunistang naghaharing partido na nagsasabing gumagawa ng malikhaing paglalapat ng Marxismo-Leninismo sa pamamagitan ng tinaguriang mga reporma na sumisira sa sosyalistang lipunan at nagpapanumbalik sa kapitalismo. Kung ikukumpara, kumikilos ang mga klasikong rebisyunista (mga sosyal-demokrata) bilang buntot ng burgesya sa burges na parlamento. Ang mga makabagong rebisyunista ay yaong nasa sentro ng poder pang-ehekutibo na nasa posisyon para ibasura ang sosyalismo at ipanumbalik ang kapitalismo. Inaaruga ito ng muling-nagbabangon na burgesyang lokal at hinihikayat ng burgesyang internasyunal.

Ganap na binaligtad ni Krushchov si Stalin at kanyang mga napagtagumpayan at inalipusta ang CPSU at proletaryado at mamamayang Sobyet na sunud-sunuran umano sa kanyang kulto ng personalidad. Iginiit niya na natupad na ng proletaryado ang pangkasaysayng misyon nito sa pagtatayo ng sosyalismo, na ang CPSU at sosyalistang estado ay hindi na sa proletaryado kundi sa buong mamamayan, na ang transisyon tungo sa sosyalismo ay dapat na mapayapa, na ang superyoridad

Page 172: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

164 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

ng sosyalismo sa kapitalismo ay mapapatunayan sa mapayapang kompetisyong pang-ekonomya at ang mapayapang pakikipamuhay ang pangkalahatang linya ng internasyunal na kilusang komunista.

Pinagtibay at pinatupad niya ang mga patakaran at hakbangin ng "reporma" para lansagin ang sosyalistang ekonomya. Dinesentralisa niya ang mga ministeryo sa ekonomya at sinabotahe ang sentral na pagpaplano sa ekonomya. Itinaguyod niya ang pagkamakasarili sa pabrika, ginawang responsabilidad ng indibidwal na empresa ang kanilang pagkwenta sa gastos at tubo at nagbigay sa mga manedyer ng kapangyarihang umupa at magtanggal ng manggagawa. Sa agrikultura, sinira niya ang sakahang estado at kolektibo sa pagpapalawak ng pribadong mga lupain at ng malayang pamilihan at nagdulot ng maramihang pagbabalik ng mga kulak; inilagay niya ang mga istasyon ng makina at traktora sa pag-aari ng indibidwal na kolektibong sakahan at pinanagot sa sarili nilang pagkwenta sa gastos at tubo. Sanhi rin siya ng pagpapalaganap ng maling pananim sa maling klaseng lupa.

Pinanagot si Krushchov sa kapalpakan ng ekonomya at pinalitan ni Brezhnev bilang CPSU General Secretary noong 1964 hanggang 1982. Nagpanggap ang huli bilang taga-balik ng Stalinisasyon sa ekonomya sa muling pagsentralisa ng ilang ministeryo at empresa na kailangan para tiyakin ang pondo ng estadong pederal at tiyakin ang produksyon ng mga armas ayon sa patakaran ni Brezhnev na makipagpaligsahan sa armas sa US at makamit ang pagkapatas sa lakas-militar. Nanatili ang marami sa mga repormang isinagawa ni Krushchov para paburan ang burukratang burgesya kakutsaba ang pribadong burgesya bilang kriminal na kasapakat sa mga korap na gawain. Sa gayon, ang Brezhnevismo ay tinawag na Krushchovismo na walang Krushchov.

Sa ugnayang panlabas, maraming satsat si Krushchov ukol sa pangkalahatang linya ng mapapang pakikipamuhay, naglalayon ng detente sa US at pagwawakas sa Cold War. Subalit may pagka-bisyoso siya sa pagbawi ng tulong sa China bilang resulta ng pang-ideolohiyang debate sa pagitan ng CPC at CPSU, na ang una'y tumindig sa Marxismo-Leninismo laban sa makabagaong rebisyunismo ng huli. Nagpadala siya ng mga missile sa Cuba noong 1961 pero inatras din agad nang magbabala ang US. Iniwasan niyang magbigay ng konkretong suporta sa pakikibaka ng mamamayan para sa pambansang pagpapalaya sa Vietnam. Kung ihahambing, pinagtibay ni Breznev ang agresibong patakaran, umani ng batikos bilang sosyal-imperyalista (sosyalista sa salita at imperyalista sa gawa) sa paglusob sa Czechoslovakia noong 1968, pagsalakay sa Zhenbao Island sa Wusuli River at pag-deploy ng isang milyong tropa sa kahabaan ng hangganang Sino-Soviet.

Ang serye ng mga di-nagtagal na mga pangkalahatang kalihim ng CPSU na sumunod kay Brezhnev ay hindi nagbago sa rebisyunistang seryeng Krushchov-Brezhnev. Nakita ni Gorbachov at kanyang kapangkat, kasama si Yeltsin bilang kasapakat at mistulang karibal, na kumbinyenteng kalagayan ito para sa mga ideya,

Page 173: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 165

patakaran at hakbangin sa mabilis at ganap na panunumbalik ng kapitalismo at pagbagsak ng Unyong Sobyet. Sinadya ni Gorbachov ang kakapusan ng produktong konsyumer at hinikayat ang pagbubuo ng 500,000 hungkag na kooperatiba para magawa ang lihim na pagbebenta sa konsyumer na nagsawa na sa kapipila sa tindahang pag-aari ng estado, habang ang Russian Mafia (ang kriminal na burgesya) ay nag-aantabay ng malaking premyo sa pribatisasyon ng estado monopolyong yaman.

Walang lider o naghaharing partido ng estado na may respeto sa sarili ang maglalagay ng pagdududa sa pag-iral ng estadong iyon sa pamamagitan ng pagtatawag ng reperendum ukol dito. Subalit ginawa iyon ni Gorbachov. Sa tila naiibang paraan, hiniwalay ni Yeltsin ang Russia mula sa Soviet Union para bumuo lamang ng Confederation of Independent States (CIS) at isantabi ang resulta ng reperendum na ipinatawag ni Gorbachov para pagpasyahan ang buhay ng Soviet Union, kahit pa mayorya ng mamamayang Sobyet ay bumoto para sa patuloy na pananatili ng Soviet Union. Sa gayon, nilusaw ang Soviet Union noong Disyemre 25, 1991.

Maraming alam si Mao ukol sa CPSU at Unyong Sobyet nina Lenin at Stalin at salot ng makabagong rebisyunismo mula sa matagalang ugnayan sa pagitan ng CPSU at Chinese Communist Party, mga pagpupulong sa Moscow ng mga partidong komunista at manggagawa noong 1957 at 1960, pag-aaral at pagsasanay ng libu-libong estudyante at manggagawa ng China sa Unyong Sobyet noong 1950s at ang pagbawi ng Sobyet ng tulong sa China noong 1959. Sa usapin ng prinsipyo, nilabanan ng CPC ang ganap na pagtakwil ni Kruschov kay Stalin at nanindigan para sa Marxismo-Leninismo laban sa makabagong rebisyunismo.

IV. Maoistang Teorya at Praktika laban sa Imperyalismo at Rebisyunismo

Ibayong pinaunlad ng dakilang Mao ang teorya at praktika ng Marxismo-Leninismo at gumawa ng higit na makabuluhang kontribusyon sa pilosopiya, ekonomyang pampulitika at syensyang panlipunan. Masasabing ang Maoismo ay ikatlong yugto sa pag-unlad ng teorya at praktika ng proletaryong rebolusyon sa mga naunang yugto ng Marxismo at Leninismo. Sa panahon ng Great Proletarian Cultural Revolution (GPCR), isinalarawan ang ang Kaisipang Mao Zedong bilang gabay sa rebolusyonaryong pagkilos sa kontekstong patungo ang imperyalismo sa ganap na pagbagsak at pagkakamit ng sosyalismo ng ganap na tagumpay sa daigdig.

Subalit kasunod ng matagumpay na Dengistang kudeta at pagkatalo ng mga proletaryong rebolusyonaryo noong 1976 matapos ang pagkamatay ni Mao at panunumbalik ng kapitalismo sa mismong China at ganap na panunumbalik ng kapitalismo sa mga lipunang pinamumunuan ng mga rebisyunista noong 1989 hanggang 1991, tinamo ng sosyalistang adhikain ang estratehikong pag-atras. Para maging maingat at mapag-isipan ang kasalukuyang estratehikong kalagayan masasabi nating nasa panahon pa rin tayo ng imperyalismo at proletaryong rebolusyon.

Page 174: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

166 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Katunayan nga, dominante pa rin ang imperyalismo at kailangan pa ng sosyalismo na bumangon muli. Ang yugto ng Maoismo ay maaaring umabot sa panahon ng mga bagong tagumpay ng sosyalismo laban sa imperyalismo at lahat ng reaksyon sa iba't ibang bayan.

Sa pilosopiya, ibayong naglinaw si Mao sa pagkakaisa ng magkakasalungat bilang pundamental na batas ng sansinukob. Umiiral sa lahat ng dako ang mga kontradiksyon, subalit nagkakaiba-iba ang mga ito ayon sa iba-ibang kalikasan ng mga bagay at proseso. Magkasabay na may pagkakaisa at tunggalian, at ang tunggalian ang nagtutulak sa mga bagay na gumalaw at magbago. Sa payak na klase ng kontradiksyon, ang prinsipal na aspeto ang nagtatakda sa katangian ng pansamantalang pagkakaisa o balanse ng magkakasalungat. Ngunit ang sekundaryong aspeto ay may potensyal na maging prinsipal na asepto sa pangingibabaw dito. Sa masasalimuot na bungkos ng kontradiksyon, kailangang matukoy ang prinsipal na kontradiksyon dahil ang kalutasan nito ang magpapadali ng kalutasan sa iba pang mga kontradiksyon.

Sinabi ni Mao na ang pinagmumulan ng kaalaman ay panlipunang praktika at kabilang ang produksyon, makauring tunggalian at syentipikong eksperimento. Isinalarawan niya na umaangat sa isang serye ng mga alon ang pagsulong ng perseptwal at rasyunal na kaalaman at teorya at praktika. Ang malalim na pagsusuri ni Mao sa pagkakaisa ng magkakasalungat ay nagdiriin sa prinsipyo ng pag-asa-sa-sarili sa rebolusyonaryong pakikibaka. Ang panlabas na mga dahilan ang kalagayan sa pagbabago at ang panloob na mga dahilan ang batayan ng pagbabago at nagkakaroon ng bisa ang panlabas na mga dahilan sa pamamagitan ng panloob na mga dahilan. Sa angkop na temperatura, nagiging manok ang itlog, subalit walang sukat ng temperatura ang makapagbabago sa bato na maging manok.

Sa ekonomyang pampulitika, naunawaan ni Mao ang Marxistang kritika sa kapitalismo at ang Leninistang kritika sa monopolyo kapitalismo. Gumawa siya ng kritika sa pagtatayo ng sosyalistang ekonomya sa Unyong Sobyet at humalaw ng mga aral mula rito. Isinulong niya ang linya na agrikultura ang base ng ekonomya, mabigat at saligang industriya bilang nangungunang salik at magaan na industriya bilang tulay sa pagitan ng dalawa. Pinauunlad ng rebolusyonisasyon ng produksyon ang mga pwersa sa produksyon. Pinauunlad ng rebolusyonisasyon ng super-istruktura ang moda ng produksyon.

Bilang tulay sa pagitan ng agrikultura at mabigat at saligang industriya, kagyat na naglilingkod ang magaan na industriya sa pangangailangan sa konsumo at produksyon ng mamamayan, laluna ng masang magsasaka, sa halip na pabigatin ang pasanin nila bilang resulta ng labis na akumulasyon at labis na pamumuhunan sa mabigat at saligang industriya. Ang pamumuno sa mga pabrika ay binubuo ng mga kinatawan ng Partido, mga manggagawa at mga eksperto. Salitan sila sa tuwirang paggawa para panatilihing mataas ang proletaryong makauring paninindigan, malaman ang

Page 175: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 167

kalagayan at pangangailangan ng mga manggagawa at ituluy-tuloy ang mahigpit na ugnayan sa mga manggagawa.

Sa syensyang panlipunan, gumawa si Mao ng dakilang mga ambag sa pag-unlad at pagwagi ng bagong demokratiko at sosyalistang mga yugto ng rebolusyon sa China. Ibayo niyang pinaunlad ang mga turo ni Lenin sa pagbubuo ng Partido bilang abanteng destakamento ng uring manggagawa. Naglinaw siya sa estratehiya at taktika ng matagalang digmang bayan kung saan makakapag-ipon ng lakas ang mga rebolusyonaryong pwersa sa kanayunan hanggang maagaw nila ang kapangyarihan sa mga lunsod. Sa batayang pagkumpleto ng bagong demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng pag-agaw sa kapangyarihang pampulitika, namumuno ang rebolusyonaryong partido ng proletaryado at nasa bag-as ng demokratikong republikang bayan at tinitiyak na ang hukbong bayan sa ilalim ng proletaryo rebolusyonaryong pamumuno ang pangunahing bahagi ng sosyalistang estado.

Sa gayon, nagsimula ang sosyalistang rebolusyon sa China kahit pa kinailangang gawin ang mga hakbang sa transisyon para makumpleto ang reporma sa lupa at iba pang burges-demokratikong reporma, ipatupad ang kooperasyong agrikultural at gawing sosyalisado ang ekonomya. Makapagsisimula rin ang sosyalistang konstruksyon sa pagkuha ng estado sa makapangyarihang tugatog ng ekonomya tulad ng estratehikong mga industriya, pangunahing pagkukunan ng hilaw na materyales at sistema ng transportasyon at komunikasyon. Matapos ang batayang sosyalisasyon ng buong ekonomya, iginigiit ng mga Kanang oportunista sa ilalim ng impluwensya ng rebisyunistang Sobyet ang pagpapalawig sa mga hakbang sa transisyon.

Subalit nakapanaig si Mao sa paglulunsad ng Great Leap Forward mula 1959 hanggang 1961 para itatag ang mga komuna at sosyalistang industriya. Tama ang naging tyempo nito para pangibabawan ang imperyalistang blokeyo, pagbawi ng Sobyet ng pang-ekonomyang kooperasyon at mga natural na kalamidad. Pagsapit ng 1962, nagawa ng China ang napakasaganang ani sa agrikultura at pagtatayo ng mayor na mabibigat at magagaan na industriya. Nanawagan si Mao ng kilusan sa sosyalistang edukasyon para salungatin ang mga pag-atake sa kanyang linya sa panahon ng at makaraan ang Great Leap Forward. Sinabotahe ng mga tumatahak ng kapitalistang landas sa Partido at pamunuan ng Estado ang kilusan para alisan ito ng bisa.

Sa kahuli-hulihan, iniharap ni Mao noong 1966 ang teorya at praktika ng nagpapatuloy na rebolusyon sa ilalim ng diktadura ng proletaryado sa pamamagitan ng GPCR para bakahin ang rebisyunismo, pigilan ang panunumbalik ng kapitalismo at ikonsolida ang sosyalistang sistema. Ang pakikibaka para ikonsolida ang sosyalismo ay tinanaw na sasaklaw ng mahabang panahon sa kasaysayan, mangangailangan ng serye ng mga pangkulturang rebolusyon. Nagkamit ang GPCR ng sunud-sunod na mga tagumpay mula 1966 hanggang 1976 sa pamumuno ni Mao kahit pa walang-tigil itong sinisira at sinasabotahe ng mga rebisyunista sa pangunguna nina Liu Shachi

Page 176: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

168 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

at Deng Xiaoping. Gayunpaman, matapos ang pagkamatay ni Mao, nag-kudeta si Deng at kanyang mga kasapakat noong 1976 at nagsimulang iatras ang mga nakamit ng GPCR.

Nakapagtala ang GPCR ng mga dakilang tagumpay sa sosyalistang rebolusyon at konstruksyon. Pero binaligtad itong lahat ng mga nagpanumbalik at nagpanatili ng kapitaismo. Maging ang GDP ng China ay may karaniwang taunang tantos ng paglago na 10 porsyento mula 1966 hanggang 1976. Pero ang tantos na ito ay ibababa sa halatang pagpalsipika ng pababang datos ng mga tumahak ng kapitalistang landas makaraan ang 1976. Walang-dudang pinatunayan ng Dengistang burges na kontra-rebolusyon at kapitalistang panunumbalik sa China na wasto si Mao sa paghaharap sa problema ng makabagong rebisyunismo at pagsusulong ng teorya ng nagpapatuloy na rebolusyon sa ilalim ng diktadura ng proletaryado sa pamamagitan ng GPCR.

Ang pagkatalo ng GPCR ay hindi nangangahulugan ng pagpawalang-saysay o permanenteng pagpanaw ng mga prinsipyo at pamamaraan nito bagkus ang mga ito'y ibayong mapag-aaralan, mapapaunlad at mapapalaganap para sagutin ang mga panunuya na walang alternatibo sa kapitalismo. Ang walang-kupas na halaga ng GPCR ay ang pagharap at paglutas nito sa usapin kung makokonsolida ba ang sosyalismo at mapipigilan ang kapitalistang panunumbalik. Matututunan ang mga aral mula sa mga tagumpay at pagkatalo ng GPCR. Ang pangunahing atake ay nagmula sa mga rebisyunista pero nakagawa rin ang mga Marxista-Leninista ng ilang pagkakamali. Tulad ng pag-aaral sa tagumpay at pagkatalo ng Paris Commune ng 1871, maaaring iharap at sagutin ang mga katanungan at mas maililinaw ang mga tungkulin ng mga proletaryo rebolusyonaryo sa patuloy na pag-aaral sa GPCR.

Sa panahon ng GPCR, tumindi ang pang-ideolohiyang debate sa pagitan ng CPC at CPSU. Nabuo ang mga bagong Partido Komunista para itaguyod ang Marxismo-Leninismo-Kaisipang-Mao-Zedong at para bakahin ang makabagong rebisyunismong Sobyet. Ang mga Komite Sentral ng mga Marxista-Leninistang partido ay nagpadala ng pamalagian at pana-panahong mga delegasyon sa Beijing. Pero sa kalaunan pagsapit ng 1974 sa patakarang panlabas at ugnayang diplomatiko, pumihit sa Kanan ang China sa pagtukoy ng three worlds: ang first world ng dalawang superpower, US at Soviet Union, ang second world ng di-kasing unlad na mga kapitalistang bayan at ang [third world] ng di-mauunlad na bayan ng Asia, Africa at Latin America. Patuloy na itinuring ng mga proletaryo rebolusyonaryo ang maraming bayan ng third world bilang pangunahing sandigan sa internasyunal na pakikipag-isang prente sa mga sosyalistang bayan laban sa alinman sa dalawang superpower. Subalit nagdiin ang mga makabagong rebisyunista ng China sa pakikipagmabutihan sa US para ilatag ang salalayan ng pakikipag-alyansa sa US at pagsasanib sa pandaigdigang kapitalistang sistema.

Page 177: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 169

V. Ang Hinaharap ng Imperyalismo at Sosyalismo

Matapos ang naunang pagsusuri sa nakaraan at kasalukuyang sitwasyon ng imperyalismo at ng adhikaing sosyalista, maaari na natin ngayong tayain ang malamang na daraanan at hinaharap ng mga ito. Naghihingalong sistema ng kasibaan at lagim ang imperyalismo o monopolyo kapitalismo na mabuti lamang sa iilan sa kapahamakan ng proletaryado at mamamayan na lumilikha ng panlipunang yaman ngunit pinagsasamantalahan at inaapi. Hindi maaring umiral nang walang-hanggan ang gayong sistema. Sosyalismo lamang ang tanging alternatiba. Dahil sa laging papalubhang krisis at pagiging mapangwasak ng imperyalismo, naging paborable ang mga obhetibong kondisyon para sa pagsulong ng mga suhetibong pwersa ng kilusang anti-imperyalista, demokratiko at sosyalista.

Kasunod ng ganap na panunumbalik ng kapitalismo sa mga bayang pinaghariang-rebisyunista at ng pagguho ng Soviet Union noong 1991, lumitaw ang US na nanalo sa bipolar na daigdig ng Cold War at nag-iisang superpower sa kapitalistang daigdig sa di-maitakdang mahabang panahon. Mula noon, nag-akala ang ilang tao na wala nang katapusan ang imperyalismo at hindi maaaring umigpaw sa kapitalismo at liberal na demokrasya ang kasaysayan. Gayunpaman, sa halip ng ipinangakong pang-ekonomyang kasaganahan at tinaguriang peace dividends bunga ng ganap na panunumbalik ng kapitalismo sa mga bayang pinaghariang-rebisyunista, isinagawa ng imperyalistang US ang mga opensiba sa ideolohoiya, pulitika, ekonomya at militar sa layong payamanin pang lalo ang sarili subalit sa katunaya'y nagresulta sa lubhang mataas at nagpapahina-sa-sarili na gastusin at nagpapaalab sa mamamayan na labanan ang pagtindi ng pagsasamantala, terorismo ng estado at mga gerang agresyon.

Dating ginamit ng US noon pang 1979 ang neoliberal na pang-ekonomyang patakaran para lutasin ang problema ng istagplasyon. Tumuloy si Reagan sa pagpapatupad ng patakaran sa pagkonsentra ng produksyon ng high-tech na kagamitang militar at pag-outsource ng paggawa ng produktong pang-konsyumer noong 1980s. Pinahina nito ang empleyo sa manupaktura ng produktong pang-konsyumer at pumihit ang US mula sa pinakamalaking nagpapa-utang tungo sa pinakamalaking nangungutang, may utang pangunahin sa Japan, China at iba pang ekonomya ng East Asia. Nakwenta ng mga gumagawa ng patakaran sa US na ang pag-subcontract sa mga operasyong sweatshop sa China ang magpapanatili rito sa pandaigdgang sistemang kapitalista. At ang produksyon ng high-tech at capital-intensive na mga produkto at kagamitang militar ng military industrial complex at pinansyalisasyon ng ekonomya ng US ang magpapanatili sa US bilang numero-unong pang-ekonomyang kapangyarihan.

Makaraan ang pagguho ng Soviet Union noong 1991, naging mas agresibo ang US sa Middle East (Iraq), Central Asia (Afghanistan) at Eastern Europe (Yugoslavia). Magpapatuloy ang tunguhin mula sa rehimen ng nakatatandang Bush hanggang kay Clinton noong 1990s. Ang huli'y nagtaya na mananatili ang US bilang numero-

Page 178: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

170 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

unong kapangyarihan sa ekonomya at militar sa pamamagitan ng pangunguna sa information technology, pinansyalisasyon ng ekonomya at pagpapalaki ng produksyong militar. Bumagsak ang high tech na paglakas ng negosyo sa umpisa ng ika-21 siglo at naghudyat sa katapusan ng unipolar na daigdig na US ang kinikilalang nag-iisang superpower. Pinalubha ni Bush ang krisis sa ekonomya at pinansya ng US at daigdig sa pagsasagawa ng maluwag na pangungutang at iba pang mga hakbangin na sa kalauna'y tumungo sa mortgage meltdown ng 2006-2008.

Sinamantala ni Bush ang pakinabang ng kaganapang 9/11 para magdeklara ng walang-katapusang global war on terror, maglapat ng neokonserbatibong patakaran ng agresyon gamit ang high-tech na armas pandigma, ibayong pagpapalaki ng produksyong pandigma at tunay na ipaghambong ito bilang military Keynesianism para pasikarin ang ekonomya. Nang pakawalan ng US ang gerang agresyon nito sa Iraq sa hungkag na pagdadahilan na ito'y may nukleyar at kemikal na weapons of mass destruction, mistulang sumuporta o sa pinakamenos ay pinalalampas ng China at Russia ang agresibong mga aksyon ng US laban sa Iraq. Pero hindi nila maaring palampasin ang banta sa kanila ng ekspansyunismo ng US at napansin kung paanong pinahihina ng US ang sarili sa lubhang magastos na agresyon at pumapailanglang na pampublikong utang ng US. Sa gayon, naging mas determinado sila na palakasin ang pang-ekonomyang bloke ng BRICS sa layunin ng pang-ekonomyang pag-unlad na independyente sa US at mga multilateral na ahensyang kontrolado nito; at buuin ang Shanghai Cooperation Organization sa layunin ng kolektibong seguridad.

Lumitaw ang isang multipolar na daigdig para palitan ang unipolar na daigdig na dominado ng US. Ito ang resulta ng pagpasok ng China at Russia sa hanay ng mga kapitalistang kapangyarihan, nagbago sa balanse ng pwersa sa pandaigdigang sistemang kapitalista at nagwakas sa katayuan ng US bilang walang-kalabang nag-iisang superpower. Lahat ng kapangyarihang kapitalista at imperyalista ay dinadagsa ngayon ng sosyo-ekonomiko at pampulitikangg krisis at nagpapatindi ng kanilang kompetisyon sa ekonomya at ribalang pampulitika. Tumitindi ang mga inter-imperyalistang kontradiksyon. Itinutulak ang mga kapangyarihang imperyalista na muling hatiin ang daigdig. Sa proseso, pinalulubha nila ang krisis at ibayong naglulunsad ng digmaan. Nagpapatuloy ang mga digmaan sa humigit-kumulang 50 bayan ngayon. Lumaki ang bilang ng mga ito mula 1968 at ibinunga ng imperyalismo at lokal na reaksyon.

Sa harap ng tuluy-tuloy na papalubhang krisis ng monopolyo kapitalismo at paglaganap ng digmaan, buong-pananalig na masasabi nating mamamatay ang imperyalismo at nasa bisperas tayo ng pandaigdigang pagdaluyong ng sosyalistang rebolusyon. Nasa transisyon tayo mula sa daigdig na dominado ng imperyalismo tungo sa isang daigdig na muling magbabangon ang sosyalismo at higit kailanma'y lalong maitatag. Paborable ang mga obhetibong kondisyon para sa pagsusulong ng kilusang anti-imperyaista, demokratiko at sosyalista. Subalit kailangang sunggaban ng mga suhetibong pwersa ng rebolusyon ang bentahe ng gayong kalagayan at

Page 179: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 171

maglunsad ng maigting na anti-imperyalista at makauring pakikibaka laban sa mga uring nagsasamantala at nang-aapi.

Bunga ng pansamantalang pagkatalo at estratehikong pag-atras ng adhikaing sosyalista, ipinatupad ng mga imperyalista ang patakaran na gawin ang lahat para pagsamantalahan ang proletaryado at malawak na masa ng mamamayan at pumiga ng super-tubo. Gumamit sila ng wala pang katulad na mataas na teknolohiya para sa produksyong sibil at militar at sa komunikasyon at transportasyon. Ang resulta ay malubhang kontradiksyon sa pagitan ng kasangkapan sa produkyon at mga tao sa produksyon at sa pagitan ng pwersa ng panlipunan produksyon at kapitalistang relasyon ng pribadong paglalaan ng gugugulin. Ito ang ugat ng paulit-ulit at naiipong krisis sa ekonomya at pinansya at pagputok ng mga agresibong gera. Matapos makinabang ang mga monopolyo kapitalista mula sa naturang teknolohiya, papalit naman ang proletaryado at mamamayan para gamitin ito sa pagpapatupad ng sosyalistang rebolusyon at konstruksyon. Mas akma sa sosyalismo kaysa monopolyo kapitalismo ang mataas na panlipunang katangian ng produksyong mataas ang teknolohiya.

Ang pagka-ulit ng krisis ng labis na produksyon at ang likas na hilig ng kapangyarihang imperyalista na gumamit ng terorismo ng estado at maglunsad ng mga gerang-agresyon ay lumilikha ng panlipunang ligalig at nagbubunsod sa mamamayan na lumahok sa pakikibakang anti-imperyalista at demokratiko at sapulin ang sosyalismo bilang tanging pangmatagalang alternatiba sa kapitalismo. Maituturing na baliw ang sinumang magsasabi ngayon na hindi iigpaw sa kapitalismo at liberal na demokrasya ang kasaysayan. Ang iginigiit ng mamamayan ay iwaksi ang kapitalismo.

Umaalingawngaw ang mga panawagan para pag-aralan at gamitin ang mga rebolusyonaryong prinsipyo at tagumpay nina Marx, Engels, Lenin, Stalin at Mao. Ang imperyalistang propaganda laban sa mga rebolusyonaryong paham at lider na ito, laluna't laban kina Mao at Stalin na may pinakamalaking nagawa sa sosyalistang rebolusyon at konstruksyon, ay bigong siraan ng loob ang proletaryado at mamamayan. Ang kabuuang saklaw ng teorya at praktika ng Marxismo-Leninismo-Maoismo at ng teorya at praktika ng nagpapatuloy na rebolusyon sa ilalim ng diktadura ng proletaryado sa pamamagitan ng rebolusyong pang-kultura ay nagbibigay kasagutan sa mga katanungan ukol sa hinaharap ng imperyalismo at sosyalismo, kaalinsabay na itinutulak ng papalubhang kalagayan ng mga krisis at digmaan ang mamamayan na labanan ang mga imperyalista't reaksyunaryo at tahakin ang landas tungong sosyalismo.

Ang mga suhetibong pwersa na kailangan para magsagawa ng rebolusyonaryong pangmasang pakikibaka laban sa imperyalismo at lokal na reaksyon ay ang rebolusyonaryong partido ng proletaryado, ang mga pangmasang organisasyon ng masang anakpwis ng manggagawa at magsasaka at ang peti-burgesyang lunsod,

Page 180: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

172 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

ang mga yunit sa pagtatanggol-sa-sarili ng pangmasang organisasyon at mga pang-opensibang armadong yunt ng hukbong bayan at ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika. Maaari lamang umusbong at umunlad ang mga suhetibong pwersa na ito kung may determinadong bag-as ng mga proletaryo rebolusyonaryo na tumatalima sa linya na walang rebolusyonaryong kilusan kung walang rebolusyonaryong teorya at hindi rin magkakaroon ng matagumpay na rebolusyon nang hindi minumulat, inoorganisa at pinakikilos ang mamamayan at binubuo ang hukbong bayan sa ilalim ng matatag na pamumuno ng rebolusyonaryong partido ng proletaryado na dudurog sa makinaryang militar at burukratiko ng burges na estado.

Kinakailangang dalhin ng rebolusyonaryong partido ng proletaryado ang pang-ideolohiyang linya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Sinasapol nito ang pundamental na mga prinsipyong nagtatakwil sa kapitalismo at yumayakap sa adhikaing sosyalista, mga karanasan at aral ng sosyalistang rebolusyon at konstruksyon sa panahon ng imperyalismo at proletaryong rebolusyon at ang teorya at praktika ng pang-kulturang rebolusyon para bakahin ang makabagong rebisyunismo, mapigilan ang panunumbalik ng kapitalismo at makonsolida ang sosyalistang sistema. Dapat na may wastong pangkalahatang pampulitikang linya ang gayong partido batay sa konkretong kalagayan at kahilingan ng mamamayan. Para makapamuno sa mamamayan sa mga pampulitikang pakikibaka, kinakailangan nitong mulatin, organisahin at pakilusin ang masa para itaguyod ang layon at adhikain ng rebolusyon. Dapat sumunod ang gayong partido sa prinsipyo ng demokratikong sentralismo. Dapat itong bumuo ng pinakamainam at kinakailangang mga desisyon sa batayan ng demokratikong talakayan, maagap na magtipon sa kapasyahan ng kolektiba at ng masa, at matatag na ipatupad ang mga desisyon.

Sa takbo ng pagpapahina sa sarili ng imperyalismo at pagpapahirap sa mamamayan sa paulit-ulit at lumulubhang krisis, terorismo ng estado at mga gerang-agresyon sa maagang mga dekada ng ika-21 siglo, buo ang loob natin na yayabong ang mga rebolusyonaryong kilusang anti-imperyalista, demokratiko at sosyalista at higit na magiging matagumpay kaysa noong ika-20 siglo. Napakalaki ng palugit na panahon para mangibabaw ang sosyalismo laban sa kapitalismo sa maraming bayan sa kasalukuyang siglo. Pagdating ng panahon na dominante na ang sosyalismo sa pandaigdigang saklaw bilang resulta ng pagkagapi at wakas ng imperyalismo, magiging maluwag ang landas para abutin ang yugto ng komunismo sa batayan ng mga tagumpay ng sosyalistang rebolusyon at konstruksyon.

MGA SANGGUNIAN

Armando Liwanag, Stand for Socialism against Modern Revisionism (Utrecht: Center for Social Studies, 1992)

David Harvey, A Brief History of Neoliberalism (2005)

Page 181: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 173

____________. A Companion to Marx’s Capital (London: Verso, 2010)

____________. The Enigma of Capital and the Crises of Capital (New York: Oxford University Press, 2010)

____________. The New Imperialism (New York: Oxford University Press, 2003)

____________. Seventeen Contradictions and the End of Capitalism (London: Profile Books, 2014)

____________. The Ways of the World (New York: Oxford University Press, 2016)

Editors, The Polemic on the General Line of the International Communist Movement (Peking: Foreign Languages Press, 1965)

____________. The Great Cultural Revolution in China (Hong Kong: Asia Research Center, 1967)

Fred Goldstein, Low-Wage Capitalism: Colossus with Feet of Clay, (New York: World View Forum, 2008)

Friedrich Engels, Anti-Duhring (Peking: Foreign Languages Press, 1976)

____________. Dialectics of Nature (Peking: Foreign Languages Press, 1976)

____________. Socialism: Utopian and Scientific ((Peking: Foreign Languages Press, 1976)

J.V. Stalin, Dialectical and Historical Materialism (Peking: Foreign Languages Press, 1972)

____________. Economic Problems of Socialism in the USSR (Peking: Foreign Languages Press, 1972)

____________. Foundations of Leninism (Peking: Foreign Languages Press, 1975)

____________. History of the Communist Party of the Soviet Union (Bolsheviks) Short Course (New York: International Publishers, 1939)

____________. Marxism and the National Question (Peking: Foreign Languages Press, 1976)

____________. Problems of Leninism (Peking: Foreign Languages Press, 1976)

Page 182: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

174 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Jodi Dean, The Communist Horizon (London: Versobooks, 2012)

Jose Maria Sison/Amado Guerrero, “Basic Principles of Marxism-Leninism”, Detention and Defiance against Dictatorship; Selected Writings, 1977-1986 pp.39-127 (The Netherlands: International Network for Philippine Studies & Philippines: Aklat ng Bayan, Inc., 2013)

____________. Building People´s Power, Vol. 2: 2010-2011, Peoples´ Struggle against Oppression and Exploitation, Selected Writings 2009-2015 (The Netherlands: International Network for Philippine Studies, 2017)

____________. Combat Neoliberal Globalization, Vol. 3: 2012, Peoples´ Struggle against Oppression and Exploitation, Selected Writings 2009-2015 (The Netherlands: International Network for Philippine Studies, 2017)

____________. Crisis of Imperialism and People’s Resistance; Selected Writings 1991-2009 (Philippines: Aklat ng Bayan, Inc., 2009)

____________. Defeating Revisionism, Reformism and Opportunism; Selected Writings, 1977-1986 (The Netherlands: International Network for Philippine Studies & Aklat ng Bayan, Inc. 2013)

____________. For Democracy and Socialism against Imperialist Globalization; Selected Writings 1991-2009 #2 (Philippines: Aklat ng Bayan, Inc., 2009)

____________. Foundation for Resuming the Philippine Revolution; Selected Writings, 1968-1972 (International Network for Philippine Studies & Philippines: Aklat ng Bayan, Inc. 2013)

____________. Philippine Society and Revolution, 3d ed. (Philippines: Aklat ng Bayan, Inc., 2006)

____________. People’s Struggle Against Plunder and Resistance; Selected Writings 1991-2009 #4 (Philippines: Aklat ng Bayan, Inc., 2009)

____________. Specific Characteristics of People´s War in the Philippines, in Building Strength through Struggle; Selected Writings, 1972-1977 (The Netherlands: International Network for Philippine Studies & Aklat ng Bayan, Inc. 2013)

Jose Maria Sison and Stefan Engel as General Editors, Essays in Commemoration of Mao´s Centennial: Mao Zedong Thought Lives! (Utrecht: Center for Social Studies & Gelsenkirchen: New Road Publications, 1995)

Page 183: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 175

Joseph E. Stiglitz, Globalization and its Discontents (New York: W.W.Norton, 2002)

____________. Whither Socialism, (Cambridge: MIT Press, 1994)

Karl Marx & Friedrich Engels, Communist Manifesto (Peking: Foreign Languages Press, 1975)

Karl Marx, Capital: A Critique of Political Economy. Volume I Book One: The Process of Production of Capital. First published: in German in 1867, English edition first published in 1887.

____________. Capital: A Critique of Political Economy. Volume II Book 2: The Process of Circulation of Capital, Edited by Friedrich Engels, First published in 1885, Collected Works, Vol. 36

____________. Capital: A Critique of Political Economy. Volume III The Process of Capitalist Production as a Whole, Edited by Friedrich Engels; Written: 1863-1883, edited by Friedrich Engels and completed by him 11 years after Marx’s death; Source: Institute of Marxism-Leninism, USSR, 1959; (New York: International Publishers, [n.d.]) First Published: 1894

____________. The Civil War in France (Peking: Foreign Languages Press, 1977)

____________. Critique of the Gotha Programme (1875), Marx/Engels, Selected Works, Volume III, Progress Publishers, Moscow, 1970; p. 13-30;

Mao Zedong, Four Essays on Philosophy (Peking: Foreign Languages Press, 1966)

____________. Critique of Stalin’s Economic Problems of Socialism in the USSR

____________. A Critique of Soviet Economics (New York: Monthly Review Press 1977)

____________. On Guerrilla Warfare, Translated by Samuel B. Griffith (https://archive.org/stream/MaoTse-tungOnGuerrillaWarfare)

____________.On Protracted War, Selected Works, volume 2, pp. 113-189 (Peking: Foreign Languages Press, 1965)

____________.On New Democracy (Peking: Foreign Languages Press, 1964)

____________. On Coalition Government (Peking: Foreign Languages Press, 1961)

Page 184: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

176 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

Maoist Economics and the Revolutionary Road to Communism; The Shanghai Textbook (New York: Banner Press, 1994)

Pao-yu Ching, Revolution and Counterrevolution: China’s Continuing Class Struggle Since Liberation. Manila: Institute of Political Economy, 2012

Paul Craig Roberts, How America Was Lost: From 9/11 to the Police/Welfare State. (Clarity Press, 2014)

____________. The Failure of Laissez Faire Capitalism and Economic Dissolution of the West. (Clarity Press, 2013)

Paul Krugman, End This Depression Now! (New York: W.W. Norton, 2012)

Richard Wolff, Capitalism’s Crisis Deepens: Essays on the Global Economic Meltdown 2010-2014, (Chicago: Haymarket Books, 2016)

____________.Capitalism Hits the Fan: The Global Economic Meltdown and What to Do About It, 2 Rev Upd Edition (DVD & book) http://www.mediaed.org/

Thomas Piketty, Capital in the Twenty-First Century, Translated by Arthur Goldhammer (London: The Belknap Press of Harvard University Press, 2014)

Stefan Engel, Dawn of the International Socialist Revolution: Strategy and Tactics of the International Socialist Revolution (Kerala: Mass Line Publication, 2011)

V.I. Lenin, Imperialism: The Highest Stage of Capitalism (1916); Selected Works, Volume I, pp.667-766 (Moscow: Progress Publishers, 1963)

____________. Materialism and Empiriocriticism. Critical Comments on a Reactionary Philosophy (1909); Collected Works, Volume 14, pages 17-362 (Moscow: Progress Publishers, 1972)

____________. One Step Forward, Two Steps Backward. (Peking: Foreign Languages Press, 1976)

____________. State and Revolution (1917)/ Collected Works, Volume 25, pp. 381-492 (Moscow: Progress Publishers, 1972)

____________. Two Tactics of Social Democracy in the Democratic Revolution (1905), (Peking: Foreign Languages Press, 1976)

____________. (Peking: Foreign Languages Press, 1976)

Page 185: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Hinggil sa mga may-akda (Pagkasunud-sunod ayon sa baybayin)

Pao-Yu Ching, professor emerita sa Marygrove College sa Detroit, Michigan, isang ekonomista at aktibista. Aktibo si Pao-yu sa kilusang anti-imperyalista. Nakatuon ang kanyang pagsusulat sa sosyalistang pag-unlad ng China at pagkritika sa kapitalistang reporma sa China. Ilan sa mga sulatin niya ang: “New Phase of Imperialism and China” inilathala Mayo 2015 sa Critique and Transformation; Revolution and Counterrevolution – China’s Continuing Class Struggle since Liberation, inilathala ng Institute of Political Economy, 2012; “Challenging the Conventional Wisdom on the Causes and Cures of the Current Economic Crisis” inilathala ng Institute of Political Economy Journals, 2010; at Globalization and Crisis of Capitalism, isang aklat na isinulat sa Chinese at inilathala sa Taiwan noong 2005.

Demba Moussa Dembele, ekonomista at mananaliksik, Pangulo ng l’Africaine de Recherche et de Coopération pour l’Appui au Développement Endogène (ARCADE), naka-base sa Dakar, Senegal. Malaganap na nailathala ang kanyang mga akda sa mga dyornal sa Africa at daigdig. Siya ang may-akda at kasamang nagsulat sa maraming aklat (sa French), kabilang ang: Getting Africa out of Monetary Servitude. Who Profits from the CFA franc? (co-editor), La Dispute, Paris, 2016; Discrediting Conventional Theories on Africa’s Development, Paris, L’Harmattan, 2015; at Samir Amin, Organic Intellectual Dedicated to the Emancipation of the South, Dakar, CODESRIA, 2011. Bahagi si Demba sa maraming network, tulad ng Council for the Development of Social Science Research in Africa (CODESRIA), International League of Peoples’ Struggle, World Forum of Alternatives, at International Council of the World Social Forum.

Fred Engst, nagtuturo ng ekonomiks sa isang pamantasan sa Beijing. Isinilang si Fred sa Beijing at lumaki makaraan ang pagkatatag ng People’s Republic of China. Ang mga magulang niyang Amerikano ay sina Erwin (Sid) Engst (isang dairy farmer) at Joan Hinton (isang nuclear physicist) na dumating sa China matapos ang WWII para lumahok sa bagong demokratikong rebolusyon ng bayan at sosyalistang konstruksyon. Isa siyang “Red Guard” sa panahon ng Cultural Revolution, at naging manggagawa sa pabrika nang limang taon bago lumipat sa U.S. noong 1974. Patuloy siyang nagtrabaho sa iba’t ibang pabrika nang ilang dosenang taon pa, habang nag-aaral nang part-time hanggang kolehiyo. Nagtapos siya ng economics Ph.D. noong 1997. Pagsapit ng 2007, bumalik siya sa China para ipagpatuloy ang interes niya sa

Page 186: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

178 Kritika ni Lenin sa Imperyalismo sa Ika-21 Siglo

pananaliksik, kabilang ang sosyalistang ekonomya at ang Cultural Revolution, sampu ng iba pa.

Paul L. Quintos, kasalukuyang Research Coordinator ng International League of Peoples’ Stuggle (ILPS), isang anti-imperyalista at demokratikong hanay na nagtataguyod, sumusuporta at nagpapa-unlad sa paglaban ng mamamayan sa imperyalismo at lahat ng reaksyon. Bago sumapi sa ILPS, mahigit isang dekada siyang nag-organisa at nagturo sa progresibong kilusang paggawa sa Pilipinas. Nagtapos siya ng MSc. in Development Studies sa London School of Economics and Political Science, at humawak ng iba’t ibang katungkulan sa akademya, gobyerno at iba’t ibang NGO.

Roland G. Simbulan, may pinakamataas na pang-akademyang antas na Professor 12 sa Development Studies and Public Management ng University of the Philippines. Nakapagsulat siya ng walong aklat ukol sa Philippine-U.S. Relations, U.S. military interventions in the Philippines and the Asia-Pacific, at Philippine foreign policy. Dati siyang Senior Political Consultant sa Philippine Senate (1987-1995), dating Vice Chancellor for Planning and Development (2002-2005), at dating Faculty Regent sa Board of Regents ng University of the Philippines (2006-2007).

Prof. Jose Maria Sison, Tagapangulong-tagapagtatag ng Central Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP) noong 1968 hanggang 1977 at detenidong pulitikal sa ilalim ng pasistang rehimen ni Marcos mula 1977 hanggang 1986. Kasalukuyan siyang Chief Political Consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Tagapangulo ng International League of Peoples’ Struggle. Nagturo siya ng English literature at political science sa University of the Philippines at sa Lyceum of the Philippines. Nakamit niya ang Southeast Asia WRITE Award for poetry noong 1986. Madalas siyang nagsusulat at nagtuturo sa mga isyu ng Pilipinas at daigdig. Sa Biographical Dictionary of Marxism ni Robert A. Gorman (London: Mansell Publishing Limited, 1986), kinikilala si JMS bilang isa sa 200 pinakamahuhusay na Marxistang teoretisyan sapul noong panahon nina Marx at Engels.

Antonio Tujan Jr., isang panlipunang aktibista na nakatuon sa mga isyu ng Pilipinas at daigdig nang mahigit 40 taon. Isa siya sa mga nagtatag ng IBON Foundation at kasalukuyang direktor ng IBON International. Siya rin ang executive editor ng Institute of Political Economy. Siya ang Vice-Chairperson for Internal Affairs ng International League of Peoples’ Struggle. Tagapangulong tagapagtatag siya ng Asia Pacific Research Network at isa sa mga nagtatag at tagapangulo ng CSO Partnership for Development Effectiveness. Kasapi siya sa Advisory Group ng United Nations Development Cooperation Forum. Isa siyang mananaliksik, patnugot, edukador at manunulat. May-akda siya o namatnugot sa iba’t ibang artikulo at aklat ukol sa food sovereignty, globalisasyon at kaugnay na mga isyu.

Page 187: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong

Institute of Political Economy 179

Pio Verzola Jr., isang Pilipinong mananaliksik at manunulat sa mga isyung pampulitika at sosyo-ekonomiko patungkol sa karapatan ng mga magsasaka at mga minorya, dating news editor ng Northern Dispatch Weekly at GMA Network Online, at beteranong aktibista na kaanib ng Cordillera Peoples Alliance. Gumanap din siya ng iba’t ibang katungkulan sa IBON International: bilang pinuno ng Policy and Communications Unit, pana-panahong patnugot ng mga lathalain ng Institute of Political Economy, at kasalukuyang research consultant.

Page 188: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong
Page 189: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong
Page 190: KRITIKA NI LENIN SAiboninternational.org/sites/ibon/files/resources/LII2C... · 2018-02-27 · Hindi ito umiral nang walang paghamon mula sa sosyalistang blokeng pinamunuan ng Unyong