komposisyon2 (1)

46

Transcript of komposisyon2 (1)

Page 1: komposisyon2 (1)
Page 2: komposisyon2 (1)

Balangkas:

Page 3: komposisyon2 (1)

• I. Komposisyon• II. Pampersonal• III. Iba’t ibang Uri ng

Komposisyong Pampersonal• IV. Paghahambing ng Memoir,

Jornal, Talaarawan at Awtobayograpiya

Page 4: komposisyon2 (1)

KOMPOSISYON

Page 5: komposisyon2 (1)

Ano ang komposisyon?

 - tinuturing na pinakapayak na pamamaraan ng pagsulat.- isang uri ng pagpapahayag ng iniisip at nadarama.- maaring maging pormal at di pormal.

Page 6: komposisyon2 (1)

Pormal na komposisyon-Naglalayong magpaliwanag o magbigay– kahulugan sa mga katotohanan at konsepto.

Halimbawa : maaring ipaliwanag kung paano makakuha ng visa patungong ibang bansa at naghahambing ng pamahalaang demokrasya at komunismo.

Impormal na komposisyon-Nabibigyan ng diin ang istilong ginagamit ng awtor dahil naipapamalas ang personalidad ng awtor.

Page 7: komposisyon2 (1)

Kahingian ng komposisyon1. Paksa- Nilalaman ng sulatin.- Nakukuha sa kapaligiran.*Importante sa Paksa- Ito’y dapat na kawili-wili.- Ang manunulat ay nangangailangang may malalim na kaalaman.

2. Pamagat- Ito’y tinatawag na “title” sa ingles.- Nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa ukol sa paksa ng komposisyon. *Pinagmumulan ng isang pamagat-Pinakadiwa ng komposisyon.-Pinakamahalagang bagay sa komposisyon. (Mahahalagang tao, bagay lugar o taon.)

Page 8: komposisyon2 (1)

3. Pagsisimula - May layunin na tumawag ng pansin. (halimbawa: anekdota na makakapagtawa.) Iba’t ibang paraan ng pagsisimula ng komposisyona. Sipi o quotations Halimbawa: Minsan ay sa ating buhay-pulitika. Kailangan na rin tayong lumaya sa sarili! ” sinabi ng Pangulong Manuel Roxas na : “Ngayon ay malaya na tayo. (Nababagay sa komposisyong ukol sa Wikang Filipino.)

b. Tanong ex. Ano ang tunay ng pag-ibig sa bayan? Ito ba’y ang pagsunod sa bawat sabihin ng mga nagpapalakad ng bayan? (Nababagay sa komposisyong ukol sa pagkamakabayan.)

Page 9: komposisyon2 (1)

c. Salawikain Halimbawa: Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo. (Nababagay sa komposisyong ukol sa paggalaw ng maaga.)

d.Salitaan-paglalahad ng aktwal na kumbersasyon.

e.Pagsasalaysay-pagkwekwento ng mga pangyayari, suliranin o pagbalik sa nakaraan o kasaysayan. 4. Pagwawakas

Paraan ng pagwawakas-Buod-Pagiwan ng tanong. -Paghahamon-Sipi

Page 10: komposisyon2 (1)

Gamit-para mahasa ang mga mag-aaral sa pagsulat.-pagpapahayag ng isip at damdamin, tulad ng pagkwekwento ng karanasan, pagbibigay interpretasyon at pagpupuna.

Page 11: komposisyon2 (1)

II. Pampersonal

• a. Kahulugan * tumutukoy sa mga

komposisyong naglalahad ng mga personal na karanasan ukol sa may-akda.

b. Hangganan- Pagsasaad lamang ng sariling karanasan.- Kadalasang pribado ngunit maaring isapubliko depende sa kagustuhan ng may akda.

Page 12: komposisyon2 (1)

* Isang magandang halimbawa ng pampersonal na komposiyon ay ang diary na isunusulatan ng mga pangaraw-araw na karanasan.

Halimbawa ng Pampersonal na Komposisyon

Page 13: komposisyon2 (1)

III. Iba’t ibang Klase ng Pampersonal na Komposisyon

a. Kahulugan • * -isang impormal na

pampersonal na komposisyon kung saan ikinikwento ng may-akda ang mga pang-araw-araw niyang pangyayari, obserbasyon, kaisipan at reaksyon ukol dito.

• - kadalasang bukas sa publiko.

A. Journal b. Dahilan 1. Travel log-talaan ng mga pagbibyahe sa iba’t ibang lugar.2. Talaan ng panaginip -rekord kung saan makikita ang listahan at kwento ukol sa sariling panaginip.3. Isang lagbuk (log book)-tunay na tumutukoy sa isang talaan ng lakbayin ng isang barko.4. Aklat ng kaisipan-idinudukomento ang mga libangan o kapakipakinabang na gawain.

Page 14: komposisyon2 (1)

b. Dahilan

5.) Kwaderno sa

pagplano

* pagsusulat ng mga

balakin, tunguhin, o

mga plano para sa

mga gawain na may

kinalaman sa

proyekto o anumang

may praktikal na

gamit sa pang-araw-

araw.

6.) Batayan / paraan ng malikhaing gawain - Pinagmumula ng mga kaisipan o inspirasyon

7.) Inventaryong ekliktik *paginipun –ipon ng mga paboritong sawikain, salita, panunudyo, usapang marinig o anekdota.

Page 15: komposisyon2 (1)

b.Dahilan

• 8.Tagatago ng koleksyon * Dito inilalagay ang mga suvinir, retrato o

anumang kinatuwaang koleksyon.

Page 16: komposisyon2 (1)

c. Gamit

Pinagtatalaan ng mga kawiliwli at makahulugang pangyayari at mga obserbasyon, gayundin ng mga reaksyon sa mga pangyayaring ito.

Page 17: komposisyon2 (1)

d. Importansya- Imbakan ng ideya para sa hinaharap.- Pag-aalala sa mga nakalipas na mga

karanasan.

e. Problema- Katamaran ng manunulat.- Kawalan ng bolpen o lapis.- Naubusan ng papel.

Page 18: komposisyon2 (1)

Paggawa ng Jornal

1. Pagpili ng kwaderno. -Maaring gamitin ang sumusunod: spiral-bound o

close-bound na kwaderno, blankong libro, o puting filler na tinapalan ng construction paper, ayon sa kagustuhan ng awtor.

2. Sa pagsusulat, mahalagang lagyan ng petsa ang bawat entri.

3. Isaalang-alang ang mga bahagi: panimula, gitna at wakas.

4. Alalahaning maitala ang dalawang uri ng detalye kailangan sa pagsulat ng isang jornal: yaong mga tiyak at yaong mga naging impresyon at mga naging damdamin.

Page 19: komposisyon2 (1)

5. Maliban dito, kailangan din maitala ang mga sumusunod:

• Tagpuan Kailan at saan naganap ang pangyayari?

• Mga tauhan Sinu-sino ang mga taong kasangkot?

• Usapan Anu-ano ang mga sinasabi at paano sinabi?

• Banghay Paano tumakbo ang pangyayari?• Kahulugan Bakit mahalaga sa iyo ang

pangyayaring ito?

Page 20: komposisyon2 (1)

Halimbawa:

Santolan, Batangas, Dis. 27, 1994. Umuwi kami sa bayan nina Daddy,

kasama ang mga kapatid ko at si Mommy. Unang pagdalaw ko iyon at talagang kailangang kasama ako, kasi magmamano kami, dahil Pasko nga. Sabi ni Daddy, maliit ang bayang iyon at naisip kong baka mainip lamang ako roon. Tatlong oras ang biyahe. Malamig ang sumasagupang hangin sa mukha at bahagya akong nalibang sa mga tanawin- mga punongkahoy, kabundukang natatanaw, malalawak na luntiang bukirin. Tuwang-tuwa si Lola, lalo na nang abutin niya ang bagong bestidang pasalubong namin. “Isisimba ko ito.” Maraming kamag-anak kaming naratnan at nagmano kami sa lahat. “Malalaki na, parang kailan lang.” “Mga dalaga’t binata na.” “Ang isang ito’y kamukha ni Berto.” (Si Daddy yon na Bert sa Maynila).

•  

Page 21: komposisyon2 (1)

Tatlong paksa lamang ang karaniwang napag-uusapan doon: mga napalayo ng mga kamag-anak, panahon, kalusugan: “Nasa ‘Merika na si Flor, nars. Si Fred, nasa Germany naman.” “Malimit dito ang daan ng bagyo.” “Hindi kayo magugutom sa amin, mabangong kanin, maraming gulay, prutas—dalandan, tsiko, atis.” Dalawang araw lamang, ako’y nainip na. Nang magsimba kami pinagtitingnan kami ng lahat yatang tao: “Mga apo iyan ni Nanay Sela.” “Dumaan muna kayo, makapag-almusal: tsokolate, suman, kalamay, bibingka, puto, kalamay at ube.” ”Kababata ko ang daddy mo, lagi kong kapartner sa sayaw, sa mga iskul program.” Habang tumatagal kami roon, may kasiyahan na akong nararamdaman sa pagkukuwento ni Lola tungkol sa kamusmusan at pagbibinata ni Daddy.  Nang bumalik kami sa lungsod, nakadama ako ng bahagyang lungkot: nakangiti si Lola nang kami’y magpaalam nguni’t may kinang na luha sa mga mata. Alam kong muling uuwi ako sa Santolan.

Page 22: komposisyon2 (1)

Sanaysay-” Salaysay ng mga sanay”

Karaniwa’y personal na pananaw ng manunulat hinggil sa mga bagay-bagayna nakaaapekto sa kanya.

PormalDi- Pormal

Page 23: komposisyon2 (1)

Refleksyon- Pagsusuri

Nagbibigay-pagkakaton sa manunulatna makapagbigay ng reaksyon ointerpretasyon sa mga bagay-bagayhinggil sa kanyang nabasa, nasulat o napanood.

Page 24: komposisyon2 (1)

Memoirs KahuluganIsang impormal na

komposisyon na naglalayong maisulat ang mga magagandang at di-malilimutang alaala sa buhay ng isang tao.

Katangian1. Bida ay ang awtor

ngkomposisyon.2. Kadalang mas

maikili kaysa sa isang awtobayograpiya.

3. Nakapokus sa isang peryod lamang.

4. Naratibo ang istraktura.

Page 25: komposisyon2 (1)

Gamit

1. Pangpamilya at pang-therapeutic na karanasan o paghihilom.

2. Pag-dokumento at pag-alala ng mga magagandang pangyayari mula sa nakaraan.

Importansya

Pagdedebelop ng personalidad.

Personal na pagbubuo. Pagalala sa mga

magagandang nakalipas na karanasan.

Problema

Paglimot sa iba’t ibang pangyayari.

Katamaran. Ayaw balikan ang

nakaraan. Kawalan ng bolpen

at papel.

Page 26: komposisyon2 (1)

Pagsulat ng memoir

1. Katulad din ng jornal, nangangailangan din ng kwadernong masusulatan ang isang memoir.

2. Bago magsulat, mag-brainstorm muna ukol sa mga magagandang pangyayaring napakaimportante sa buhay mo, maging sa maganda o sa masamang paraan. Maaring gamitin ang talaarawan o jornal bilang base o kausapin ang ibang mga kapamilya upang matulungan ka sa pag-alala ng mga pangyayaring maaring nalimot na. 3. Piliin ang mga serya ng pangyayari na pinakaintersado at kawiliwli para sa iyo.

Page 27: komposisyon2 (1)

4. Mag-brainstorm ulit upang makakuha ng mas maraming detalye tulad ng pangalan, lugar, deskripsyon, boses, kumbersasyon, bagay at iba pang mga detalyeng magpapakulay sa iyong memoir. Pagpatuloy ang pag-brabrainstorm hanggang handa ng maisapapel ang mga memorya.

5. Para sa unang burador, isulat ang lahat ng mga ideya mula simula hangang dulo. Huwag munang magrebisa, at ipabasa muna sa kapatid o magulang upang malaman ang kanilang pananaw ukol dito.

6. Sundin lagi ang nadaramang tama at magsimulang magrebisa. Alalahanin lagi na ang memoir ay ukol lamang sa mga totoong mga pangyayari, kaya’t bawal ang pagmamalabis.

Page 28: komposisyon2 (1)

HALIMBAWA:

Memoirs Of A GeishaBy ARTHUR GOLDEN Excerpt of Chapter One  Suppose that you and I were sitting in a quiet room overlooking a garden, chatting and sipping at our cups of green tea while we talked about something that had happened a long while ago, and I said to you, "That afternoon when I met so-and-so . . . was the very best afternoon of my life, and also the very worst afternoon." I expect you might put down your teacup and say, "Well, now, which was it? Was it the best or the worst? Because it can't possibly have been both!" Ordinarily I'd have to laugh at myself and agree with you. But the truth is that the afternoon when I met Mr. Tanaka Ichiro really was the best and the worst of my life. He seemed so fascinating to me, even the fish smell on his hands was a kind of perfume. If I had never known him, I'm sure I would not have become a geisha.

Page 29: komposisyon2 (1)

I wasn't born and raised to be a Kyoto geisha. I wasn't even born in Kyoto. I'm a fisherman's daughter from a little town called Yoroido on the Sea of Japan. In all my life I've never told more than a handful of people anything at all about Yoroido, or about the house in which I grew up, or about my mother and father, or my older sister-and certainly not about how I became a geisha, or what it was like to be one. Most people would much rather carry on with their fantasies that my mother and grandmother were geisha, and that I began my training in dance when I was weaned from the breast, and so on. As a matter of fact, one day many years ago I was pouring a cup of sake for a man who happened to mention that he had been in Yoroido only the previous week. Well, I felt as a bird must feel when it has flown across the ocean and comes upon a creature that knows its nest. I was so shocked I couldn't stop myself from saying: "Yoroido! Why, that's where I grew up!“

This poor man! His face went through the most remarkable series of changes. He tried his best to smile, though it didn't come out well because he couldn't get the look of shock off his face.

"Yoroido?" he said. "You can't mean it."

Page 30: komposisyon2 (1)

I long ago developed a very practiced smile, which I call my "Noh smile" because it resembles a Noh mask whose features are frozen. Its advantage is that men can interpret it however they want; you can imagine how often I've relied on it. I decided I'd better use it just then, and of course it worked. He let out all his breath and tossed down the cup of sake I'd poured for him before giving an enormous laugh I'm sure was prompted more by relief than anything else.

"The very idea!" he said, with another big laugh. "You, growing up in a dump like Yoroido. That's like making tea in a bucket!" And when he'd laughed again, he said to me, "That's why you're so much fun, Sayuri-san. Sometimes you almost make me believe your little jokes are real.“

I don't much like thinking of myself as a cup of tea made in a bucket, but I suppose in a way it must be true. After all, I did grow up in Yoroido, and no one would suggest it's a glamorous spot. Hardly anyone ever visits it. As for the people who live there, they never have occasion to leave. You're probably wondering how I came to leave it myself. That's where my story begins.

Page 31: komposisyon2 (1)

Talaarawan

KahuluganTinatawag na “diary” sa wikang Ingles.Isang impormal na pampersonal na

komposisyon na nakapokus sa paglabas ng emosyon g may akda ukol sa mga pangyayari sa araw na iyon.

nagsisilbi ring talaan o rekord ng mga pang-araw-araw na pangyayari, karanasan at obserbasyon.

Kadalasang pribado lamang.

Page 32: komposisyon2 (1)

Uri ng Talaarawan1. Pang-lakbay

Dokumentasyon ng mga lakbayin.

2. Pang-diet na talaarawan isang pang-araw-araw na talaan ng lahat ng

pagkain na kinunsumina, kadalasang ginagamit upang sundan ang calorie comsumption sa layon na magpapayat o magpataba.

3. Pang-ensayo Isang talaan na nagrerekord ng pang-araw-araw

na ehersisiyo, kadalasan nakatala din ang haba ng pag-eehersisyo at ibang mga saloobin.

Page 33: komposisyon2 (1)

4. Pangtulog Kasangkapang ginagamit upang ma-

diagnose at mahilom ang mga sakit pantulog.

5. Awdyong talaarawan Ang mga rekord ay nakatala sa

pasalitang paraan imbis na pasulat, kadalasang gamagamit ng teyp rekorder.

Page 34: komposisyon2 (1)

GamitMala-jornal nalistahan.Listahan ng dapat gawin.Listahan ng mga nagawa.Listahan ng saloobin o nadarama at

iniisip.Listahan ng pantasya .Listahan ng kabiguan.

Page 35: komposisyon2 (1)

ImportansyaPara masundan ang

araw-araw na pangyayari sa buhay ng isang tao.

Paglabas ng emosyon.

Paghimok ng pag-iisip.

ProblemaKatamaran.Kawalanngpanulat

at papel.

Pagsusulat ng talaarawan

1. Maghanap ng kwaderno

2. Alalahanin ang mga nangyari sa araw na ito.

3. Isulat ang lahat ng mga naalala.

4. Ibuhos ang lahat ng nadarama sa talaarawan

Page 36: komposisyon2 (1)

Halimbawa:

Paano naman ako, Fidel?Jose Dakila N. Espiritu

Maginhawang buhay para sa anak na mahal. Isinaalang-alang kahit buhay ay maparam.

Kakatapos lamang ng libing ni Itay at di pa ako nagigising sa katotohanang marami pala akong pagkukulang na di ko binigyang-pansin.“Natagpuan ko sa ilalim ng unan ng Itay mo,” turan ni inay. Bago pa man makapagsalita si Fidel ay nakatalikod na si Corazon, ang kanyang ina.May naiwan palang talaarawan si Itay. Nangangatal ang mga kamay na binabasa niya ang librong kanina pa sa kanyang harapan.Kilalang-kilala niya ang sulat-kamay ng kanyang ama – pahilis at malalaki ang pagkakasulat ng mga iyon.

Page 37: komposisyon2 (1)

Enero14, Linggo

Karating ko pa lang sa Macau. Matindi ang trabaho ko sa konstruksyon. Hindi ito ang inaasahan kong gawaing maitotoka sa akin. Ngunit alam kong ang pagpapakahirap ko rito ay para na rin sa kinabukasan ng dalawa naming anak ni Corazon, sina Fidel, ang aking panganay, at Ezperanaza, ang aking bunso. Lahat ng ito ay para sa kanila lalo na sa aking panganay. Hindi naman ako makapagreklamo sa aking among Intsik.Kailangan ba iyon? Minsan sa hapdi ng aking sikmura, nawalan ako ng malay dahil tanghaling tapat na’y di pa kami pinapapakain. Pero sanayan lang naman ito. Magagamay rin ako sa buhay-Macau at sa uri ng aking trabo. Kaya lang, kung minsan, bigla na lamang akong nag-iisip at sasabihin sa aking sarili na naging mayaman na lang sana ako’t di na nagpapakahirap pang kumayod para lamang magkaroon ng magandang bukas ang aking pamilya.

Enero 20, Sabado

Matindi ang sikat ng araw. Pero nagtratrabaho pa rin ako kahit Sabado. Masama ang pakiramdam ko ngayon ngunit kailangan kong pilitin ang aking sarili upang makarating sa construction site. Nasa ikatlong taon na nga pala sa medicine proper ang aking si Fidel. Medisina? Isipin mong nagpapaaral ako ng sa medisina. At ang bunso namin, buti na lang at nasa ikatlong taon pa lang ito sa hayskul. Kung nagkataong nasa kolehiyo na rin ito ay baka dobleng trabahong-kalabaw ang gagawin kong kayod.

Page 38: komposisyon2 (1)

Siyang pala, ibinalita sa akin ni Corazon na may ipinakilala sa kanyang babae si Fidel at dinala sa bahay. Dolores daw ang pangalan. Nagtapos ng nursing at sabi’y maganda raw. Talagang may taste ang aking si Fidel.Biglang may kumurot sa aking puso. Ano kaya’t mag-asawa agad si Fidel nang di pa nakakapagtapos? Ano kaya’t maanakan niya si Dolores? Ano kaya’t maisipan niyang huminto na lang ng pag-aaral? Ano kaya’t mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko? Napakaraming ano at takot at pangamba ang biglang bumalot sa aking pagkatao. Natakot ako at nakatulugan kong lahat ang mga katanungan at takot na iyon.

Enero 26, Biyernes

Nagpadala ako ng monthly remittance ko sa Pilipinas. Sana naman ay sapat na iyon sa kakailanganin ni Fidel at kung may matitira pa ay para sa gastusin sa bahay. Ibayong paghihigpit ng sinturon at pagtitipid ang gagawin ko dahil sa Marso ay final examinations na nina Fidel. Sa susunod na pasukan ay intern na siya. At lalong malaking gastos ito para sa akin. Hindi bale, malapit na naming maging doctor ang anak ko.Naawa nga ako kay Corazon dahil nagnenegosyo rin siya ngayon bilang pandagdag kita. Napakahirap talagang bumuhay ng pamilya ngayon. Dadalawa na nga lang anak naming ni Corazon ay parang hirap na hirap pa rin kami.

Page 39: komposisyon2 (1)

 Pebrero 5, Lunes

Naging “forklift crane operator” ako noong nakaraang linggo at dagdag dito’y nagmason din ako. Ang bigat talagang trabaho, pero dagdag-kita rin. Nang dumating ako sa tinutuluyan naming apartment ng tatlo ko pang kasamang mga Pilipino, nabanggit nang isa sa kanila na tumawag daw sa overseas si Corazon sa akin. Bigla akong kinabahan. Bakit kaya? Di naman basta-basta tumawag si Corazon. Pilit kong inaliw ang aking sarili sa pag-iisip na di sana ito ang mga takot na pinayagan ko noong nakaraang mga araw. Tatawagan ko si Corazon. Mag-iipon lang ako ng lakas para matanggap ko ang ibabalita niya sa akin. Kahit na ano pa man ito.

Pebrero 13, Martes

Isang lingo na pagkatapos kong mabalitaan ang nangyari sa aking pamilya, ang ginawa ni Fidel. Biruin mo? Matagal na pala akong niloloko ng aking panganay. Di na pala ito nagpapapasok sa eskwela. Nabuntis pala nito si Dolores. Huli na pala niya ipinagtapat kay Corazon ang mga bagay-bagay na ito. Pati ina niya’y pinaglilihim. Sa takot, ewan ko? Sa hiya, ewan ko rin.Isang buwan na pala itong mga pangyayari ay di rin binabanggit ni Corazon sa mga sulat niya sa akin. Natatakot siyang baka kung ano ang aking isipin. Baka kung ano ang aking gawin. Alam niya ang sakit ko sa puso at kabilibilinan kong huwag magbabanggit ng kahit ano sa dalaw naming anak, lalo kay Fidel, ang sakit kong ito na pasumpong-sumpong kung dumating sa akin.

Page 40: komposisyon2 (1)

Pakiwari ko’y dinaya niya ako. Alam kong tungkulin ng bawat magulang ang magpaaral ng mga anak at bigyan ang mga ito ng magandang bukas ngunit para akong tinraidor ng sarili kong anak na pinaguukulan ko ng maraming oras – panahon, pera at ang sakripisyong makapagtrabaho rito sa lupain ng mga mapambusabod na mga Intsik. Akala ko pa nama’y magkakaroon ako ng doctor na anak, na isang magandang puhunan si Fidel sa aming pagtanda ni Corazon, na bubuti na rin ang aming buhay pag-ganap nang duktor na aming anak. Isipin mo na lang ang lahat.

Pebrero 14, Miyerkules

Araw ng mga Puso. Wala ang pagdidiriwang na ito rito sa Macau. Walang alam ang mga tao rito kundi pawang trabaho. Walang puwang ang emosyon sa kanila. Ako lang yata ang may emosyon dito ngayong araw. Habang sinusulat ko ito, umiiyak ako para sa aking pamilya at siguro para na rin sa sarili ko. Parang di ako lalaki. Iniiyakin ko ang isang bagay na alam kong patutunguhan naman ng karamihan mga anak – ang pag-aasawa.Ang masakit marahil sa akin ay ang panloloko ng aking anak na si Fidel.

Page 41: komposisyon2 (1)

Marso 2, Biyernes

Nanininikip ang dibdib ko sa araw na ito… Marahil sa tensyon, sa di ko maibubulaslas na galit, sama ng loob. Paano naman… nagpilit pa rin akong pumasok sa trabaho. Tatlong buwan pa at matatapos na ang dalawang taon kong kontrata. Parang ang tagal. Parang gusto ko na umuwi. Gusto ko na makita si Fidel; ewan ko kung ano ang magagawa ko sa aking anak.…….

Page 42: komposisyon2 (1)

Marami pang pahina ang di ko na binasa. Nanghihina na ako at di na makagalaw ang aking mga daliri.

Nakikini-kinita ko na ang mga pangyayari – naaalala ko ang mga nagdadaang araw ang pagsisikap ni Ama na maigapang ako sa pag-aaral. Ang madalas niyang pag-o-overtime. Ang paninikip ng kanyang dibdib. Ang mataas na presyon na di niya iniida. Ang pagiging mabuti nitong padre de pamilya. Wala itong reklamo.

Si Dolores ay di nakilala nang personal ni Ama. May halong panghihinayang sa akin. Ako nga ba ito? Ako nga ba itong walang kunsiderasyon sa paghihirap ng magulang?

“Gabi na, Fidel, matulog ka na,” sabi ni Inay. “Di na maririnig ng iyong ama ang panghihinayang mo. Ni ang pagluha mo, kung umiiyak ka man,” dagdag nito.

Nagkaroon pala ng kumplikasyon si Ama. Bukod sa sakit sa puso na unti-unting lumalaki ay mayroon pa pala siyang kanser sa bituka, na lumala nang nasa ibang bansa siya. Habang tinitingnan niya ang mukha ng kanyang ama sa kabaong, nakita niya ang maraming gatla nito sa noo at ang mukhang parang hirap at dumaraing. Napansin din niya ang kamao nitong nakatikom at parang may kimkim na galit. Sa halip na bukas ang palad ay nakasara ito. At hindi siyang maaring magkamali, may nakita siyang tumutulong luha sa kanang pisngi ng kanyang ama.

At sa kanyang nahihimalay ng diwa, waring nakikita niyang ang nang-uusig nitong tingin. Nanunubat. Paulit-ulit sa katanungan nitong PAANO NAMAN AKO, FIDEL? 

Page 43: komposisyon2 (1)

Awtobiyografiya- Personal na Sanaysay

Pangalan Kapanganakan Magulang at Pamilya

Mga libangan Karanasan sa buhay

Mga pangarap sa buhay Mga kabiguan at tagumpay.

Page 44: komposisyon2 (1)

Memoir Jornal TalaarawanImpormal at pampersonal na komposisyon.

Impormal at pampersonal na komposisyon.

Impormal at pampersonal na komposisyon.

Nakapokus sa sunud-sunod na serye ng pangyayari.

Nakapokus sa pang-araw-araw na pangyayari.

 Nakapokus sa emosyon sa pang-araw-araw na pangyayari.

Pinagdudugtong ang iba’t ibang serye ng pangyayari.

Pang-araw-araw na entri, hindi nangangailangan ng pagdurugtong.

Pang-araw-araw na entri, hindi nangangailangan ng pagdurugtong.

Pagkwekwento ng serye ng pangyayari ayon sa pagkaalala ng may akdang mas matalino at may karanasan na kumpara sa dati.

Ine-eksamina ang buhay ng may akda. Naglalayon tungo sa personal o emosyonal na pagtanda at pagkamit ng mga nais sa buhay.

 Simpleng talaan lamang ng pananaw at emosyon sa pang-araw-araw na pangyayari.

Kausap ang mambabasa. Walang kinakausap. May kausap. Kadalasang nagsisimula sa mga salitang “Dear diary”. Halimbawa:”Dear Diary, today I fell in love with Amy. She's cute, isn't she?" 

Kumukuha ng paksa o ideya mula sa talaarawn at jornal.

Nagsisilbing base sa pagsulat ng memoir.

Nagsisilbing base sa pagsulat ng memoir.

Kadalasang isinusulat kapag nasa edad 50 o 60 na.

Kahit anong edad. Kahit anong edad.

Isinasapubliko. Isinasapubliko. Kadalasang pansarili lamang.

•Paghahambing sa Memoir, Jornal, Talaarawan at Awtobayograpiya

Page 45: komposisyon2 (1)

Awtobayograpiya Memoir

Bida ang awtor. Bida ang awtor.

Buong buhay, mula sa pagkasilang hanggang sa kasalukuyan.

Piling mga pangyayari sa buhay.

Pormal na komposisyon. Impormal na komposisyon. Kadalasang may emosyon.

Page 46: komposisyon2 (1)

Maraming Salamat po!

FIN