Kodigo ng Asal - Welcome to the ASSA ABLOY Group · PDF fileAng ilang mga bansa ay naglalapat...

8
The global leader in door opening solutions Kodigo ng Asal Kasama sa Negosyo

Transcript of Kodigo ng Asal - Welcome to the ASSA ABLOY Group · PDF fileAng ilang mga bansa ay naglalapat...

Page 1: Kodigo ng Asal - Welcome to the ASSA ABLOY Group · PDF fileAng ilang mga bansa ay naglalapat ng kahulugan ng “mga batang manggagawa” sa mga tao na ... mapabuti ang kabuuang epekto

1

The global leader in door opening solutionsKodigo ng Asal

Kasama sa Negosyo

Page 2: Kodigo ng Asal - Welcome to the ASSA ABLOY Group · PDF fileAng ilang mga bansa ay naglalapat ng kahulugan ng “mga batang manggagawa” sa mga tao na ... mapabuti ang kabuuang epekto

2

PanimulaANG ASSA ABLOY AY NANINIWALA sa panlipunan at kapali-girang responsibilidad at etikal na pag-uugali, at inaasahan nito ang mga kasama sa negosyo upang gawin ang kahalin-tulad. Ang ASSA ABLOY ay binuo na may pang-matagalang pagpapanatili ang nasa isip, na kung saan din kasama ang pagbuo ng pagpapatuloy na relasyon sa aming mga kasama sa negosyo. Higit pa rito, ang ASSA ABLOY at ang kanyang mga kasama sa negosyo ay may obligasyon sa lahat ng mga stakeholder upang obserbahan ang mataas na pamantayan ng integridad at tapat na pakikipag-ugnayan. Ito ang pun-dasyon para sa at ang dahilan kung bakit ang ASSA ABLOY ay lumikha ng Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo. Ang aming mga patakaran at ang Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo ay batay sa:

• Pandaigdigang Pahayag sa Karapatang Pantao ng UN at konektadong mga Kapulungan ng UN

• Tripartite na Pahayag ng mga Simulain patungkol sa Multinasyonal na Kalakalan at Panlipunang Patakaran ng ILO

• Mga Patnubay sa Multinasyonal na Kalakalan ng OECD• Pandaigdigang Kasunduaan ng UN• ISO 14001

Kanino tumutukoy ang Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo?Ang Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo ay tumutukoy sa lahat ng mga kasama sa negosyo na magbigay ng mga produkto o mga serbisyo sa ASSA ABLOY, o na nakatuon o naatasan na kumilos para sa o sa ngalan ng ASSA ABLOY, katulad halimbawa ng mga tagapagtustos (mga subkon-traktor kapag ginamit habang kaakibat ang ASSA ABLOY), mga taga-konsulta, tagapamahagi, mga ahente at iba pang mga kinatawan.

Kasama sa Negosyo

Legal na pagsunodAng ASSA ABLOY ay nangangailangan na ang lahat ng aming mga kasama sa negosyo ay gumagawa alinsunod sa mga prinsipyo sa Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo at sa buong pagsunod sa lahat ng naaangkop na batas at regu-lasyon. Ang Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo ay hindi pumapalit sa batas at kung ang dalawa ay magkasalungat, ang batas ay may karapatang manguna. Kung ang Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo ay natalaga ng mataas na kalidad kaysa sa mga umiiral na batas, ang kabaligtaran ay umiiral. Ang Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo ay may bisa sa wikang Ingles. Kung saan may mga iba’t ibang mga bersyon ng wika ng dokumentong ito, ang mga ito ay dapat ituring na mga pagsasalin lamang. Ang porma sa Apendise II ay maaaring gamitin upang lagdaan ang Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo.

Pagpapaalam sa mga alalahaninKung ikaw o ang iyong mga empleyado ay naniniwala na ang mga alituntunin ng mga Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo ay hindi sumasang-ayon sa o ang ASSA ABLOY ay hindi gumaganap ayon sa kanyang sariling Kodigo ng Asal ng ASSA ABLOY, ay hinihikayat namin na itaas ang inyong mga alalahanin sa tungkulin para sa Kodigo ng Asal ng ASSA ABLOY Head Office sa pamamagitan ng web form na makikita sa www.assaabloy.com. Ang form na nakalaan sa Apendise I ay maaari ding gamitin.

Pagpapatupad at pagsusubaybayAng ASSA ABLOY ay sumusubaybay sa pagpapatupad at pagsunod sa mga Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo. Susuriin ng ASSA ABLOY ang mga kasama sa negosyo sa pag tupad at pagsunod sa mga alituntuning nakatala sa Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo. Ang mga paglabag sa mga alituntunin ng Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo ay panghahawakan agad, at maaring malagay sa panganib ang relasyon sa negosyo ng kasama sa negosyo ng ASSA ABLOY, hangang sa at kabilang ang pagpapawalang bisa nito.

Kodigo ng Asal

Page 3: Kodigo ng Asal - Welcome to the ASSA ABLOY Group · PDF fileAng ilang mga bansa ay naglalapat ng kahulugan ng “mga batang manggagawa” sa mga tao na ... mapabuti ang kabuuang epekto

3

1. Mga Etika sa Negosyo

2. Karapatang Pantao at Pamantayan ng mga Gawain

1.1 PangkalahatanAng ASSA ABLOY ay gumagalang sa mga batas at regulasy-on ng mga bansa kung saan ito ay nagpapagawa at nan-gangailangan na ang mga kasama sa negosyo ay gawin ang kahalintulad. Ang ASSA ABLOY ay hindi tumatanggap ng anumang korupt na gawain, kabilang ang ngunit hindi limi-tado sa pagpapabagsak, salungatan ng interes, pandaraya, pangingikil, paglustay at labag sa batas na mga kickback, at ang kanyang mga kasosyo sa negosyo ay hindi masasangkot sa, o maging sanhi para sa ASSA ABLOY upang makisali sa, anumang paraan ng tiwaling gawain.

1.2 Kumpetisyon at batas sa antitrustAng mga kasosyo sa negosyo ng ASSA ABLOY ay dapat sumunod sa mga naaangkop na kumpetisyon at antitrust na batas at regulasyon. Nangangahulugan ito na, bukod sa ibang mga bagay, upang hindi lumahok sa pagtatakda ng presyo, pagbabahagi sa merkado, panlilinlang sa pagtaya o alokasyon ng mamimili.

2.1 Batang manggagawaAng ASSA ABLOY ay kinikilala ang mga karapatan ng bawat bata na maging protektado mula sa pang-ekonomiyang pagsasamantala at mula sa paggawa ng trabaho na mala-mang na maging mapanganib sa kanilang pisikal, men-tal o espirituwal na kalusugan, nakasasama sa kanilang mga moral o panlipunang pag-unlad, o makagambala sa kanilang pag-aaral.

Ang isang bata sa ganitong konteksto ay isang taong mas bata sa 15 taong gulang, o 14 taong gulang alinsunod sa mga eksepsiyon para sa umuunlad na mga bansa tulad ng itinakda sa Artikulo 2.4 sa Kapulunang ng ILO Bilang 138 sa Edad na Pinakabata. Kung ang katuturang mga pambansang batas ay nagtakda ng isang mas mataas na edad, ang edad na ito ay ilalapat.

Ang ilang mga bansa ay naglalapat ng kahulugan ng “mga batang manggagawa” sa mga tao na nasa mataas sa pinaka-mababang edad at sa mababa sa 18, na nangangahulugan na doon ay maaaring maging legal na paghihigpit tungkol sa uri ng trabaho na ito ay pinahihintulutan upang maisagawa.

Ang ASSA ABLOY ay hindi tumatanggap ng batang mangagawa, at inaasahan ang pagtulad mula sa kanyang mga kasosyo sa negosyo. Gayunman, lubos na nauunawaan ng ASSA ABLOY na di kaagad mapapahinto sa pamamagitan ng simpleng pag-tatalaga ng mga patakaran o pagsisyasat. Kung ang isang batang mangagawa ay mapatunayang gum-agawa ng produkto o serbisyo patungkol sa ASSA ABLOY, hinhiling na ang employer ay gaganap alinsunod sa pang-kalahatan at pinakamahusay na interes ng bata. Ang mga kasama sa negosyo ay inaasahan na makipagtulungan sa paghahanap ng isang kasiya-siyang solusyon na mapabuti ang pangkalahatang sitwasyon sa bawat batang mangga-gawa, at ang edad, sitwasyong panlipunan at edukasyon ng bata ay dapat palaging isaalang-alang bago gawin ang isang desisyon.

2.2 Sapilitan o bonded na paggawaAng ASSA ABLOY ay hindi nagpapatupad o tumatanggap ng anumang anyo ng sapilitan o bonded na paggawa, mga bilanggo o iligal na manggagawa, at inaasahan nito ang kasama sa negosyo upang gawin ang kahalintulad. Ang ASSA ABLOY ay kinikilala na ang sapilitang pamimilit sa mga tao na magtrabaho ay maaring nakapaloob ang isang deposito ng pagbabayad o pangangailangang ideposito ang papeles sa pagkakaklilalan o iba pang mga personal na gamit na kung saan ang lahat ay ipinagbabawal. Kung ang mga kasama sa negosyo ay gumagamit ng mga manggaga-wang dayuhan na batay sa isang kontrata hindi sila dapat na kailanganing manatili sa trabaho ng labag sa kanilang kalooban, at sila dapat ay may parehong mga karapatan tulad ng sa mga lokal na manggagawa. Ang employer ay magbabayad ng para sa mga komisyon at bayarin sa ahen-sya ng pangangalap na may kaugnayan sa trabaho kung saan naaangkop.

Lahat ng mga manggagawa ay may karapatang umalis sa kanilang lugar ng trabaho at tirahan (kung may ibinibigay) ng malaya sa mga oras na kapag sila ay hindi gumagawa.

2.3 Kalayaan sa asosasyon at collective bargainingAng ASSA ABLOY ay inaasahan ang kanyang mga kasama sa negosyo na igagalang ang mga karapatan ng mga emp-leyado nito upang magkaroon ng kalayaan sumali, o hindi sumali, sa isang samahan ng may malayang pagpili pati na rin ang magtatag ng isang samahan ng may kalayaan o gustong kaaniban bumuo at sama-samang makipagsundo bilang isa alinsunod sa mga lokal na batas at regulasyon. Walang empleyado ang dapat ay ipagsapalaran at maabuso ng dahil sa paganap ng mga karapatang ito.

1.3 Laban sa panunuholAng ASSA ABLOY ay hindi tumatanggap ng mga panunuhol o pangangasiwa ng pagbabayad o sa anumang anyo nito.

1.4 Kasalungat na interesAng salungatan ng interes sa pagitan ng isang kasama sa negosyo at ng ASSA ABLOY ay dapat na iwasan. Ang mga salungatan ng interes ay maaaring nakapaloob sa mga pan-labas na aktibidad ng negosyo, personal na pinansiyal na interes, impormasyon galing sa loob, pag-empleyo ng, pag-bili mula sa, at pagbebenta sa mga miyembro ng pamilya at malapit na personal na mga kaibigan. Higit pa rito, ang ASSA ABLOY ay umaasa sa iyong pakikipag-ugnayan sa negosyo na pangangalagaan ang lahat ng lihim at impor-masyon na ibinigay sa pamamagitan ng ASSA ABLOY at igalang ang mga intelektuwal na pag-aari ng ASSA ABLOY at iba pa.

Page 4: Kodigo ng Asal - Welcome to the ASSA ABLOY Group · PDF fileAng ilang mga bansa ay naglalapat ng kahulugan ng “mga batang manggagawa” sa mga tao na ... mapabuti ang kabuuang epekto

4

3. Kapaligiran3.1 Kapaligiran at pagpapanatiliAng ASSA ABLOY ay tumutugon sa mga legal na mga kinakailangan ng kapaligiran at inaasahan nito ang mga kasosyo sa negosyo upang makakuha, mapanatili ang kasalukuyan, at sumunod sa lahat ng mga permisong kinakailangan sa kapaligiran at lisensya na kailangan para sa kanilang operasyon. Ang ASSA ABLOY ay naghihikayat sa pag-unlad at pamamahagi ng environmentally friendly na teknolohiya. Ang ASSA ABLOY ay inirerekomenda sa lahat ng mga kasosyo sa negosyo na may makabuluhang epek-to sa kapaligiran na ipatupad ang certifiable na sistema ng pamamahala sa kapaligiran o mga katulad na sistema na mapadali ang mga trabaho na alinsunod sa kapaligiran ng kasama sa negosyo.

Ang ASSA ABLOY ay patuloy na humahanap ng paraan upang mabawasan ang pagkonsumo ng mga kapaligiran. Ang ASSA ABLOY ay umaasang ang mga kasama sa nego-syo na magsusumikap upang mabawasan ang kanilang pag-konsumo ng mga mapagkukunan sa kapaligiran, kabilang ang enerhiya, basura at tubig, maiwasan ang polusyon, ang antas ng ingay sa katanggap-tanggap na mga antas at mapabuti ang kabuuang epekto sa kapaligiran ng mga ope-rasyon nito at mga produkto sa pagpapahalaga ng kapali-giran. Dagdag pa dito, ang mga kemikal at mapanganib na materyales ay mamamarkahan ng maayos at ligtas na naka-imbak, at ma-recycle, magamit at itapon ng maayos.

2.4 Mga kontrata ng manggagawa oras ng gawain at kabayaran

Ang ASSA ABLOY ay inaasahan ang kanyang mga kasama sa negosyo na sumunod sa mga lokal na batas at regulasyon patungkol sa kontrata ng manggagawa, oras ng pagtatra-baho, kabilang ang overtime at kabayaran sa overtime. Ang mga sahod ay dapat bayaran nang regular at sumunod sa mga naaangkop na lokal na batas at mga lokal na sitwasyon ng merkado. Ang mga manggagawa ay dapat na may kara-patan sa isang pinakamaliit na isang araw na walang pasok sa loob ng pitong araw at kumuha ng oras na pagpapahinga para sa itinatag na pambansa at lokal na pista opisyal. Ang mga manggagawa ay dapat na pagkalooban ng itinatadha-na na taunang bakasyon, sick leave at maternity/paternity leave nang walang anumang negatibong kalalabasan.

2.5 Diskriminasyon, panliligalig at pagkakaiba-ibaAng ASSA ABLOY ay pinahahalagahan at nagtataguyod sa pagkakaiba-iba at balanse ng kasarian. Ang ASSA ABLOY ay inaasahan ang kanyang mga kasama sa negosyo upang magbigay ng isang kapaligiran sa trabaho kung saan ang lahat ay dapat na tratuhin nang may respeto at dignidad at bibigyan ng makatarungan at pantay na pagkakataon para sa pagpapaunlad. Ang ASSA ABLOY ay hindi pumapayag sa anumang uri ng diskriminasyon o panliligalig sa lugar ng trabaho, at ang aming mga kasosyo sa negosyo ay hindi dapat magtangi laban sa anumang manggagawa batay sa lahi, etnisidad, sekswal na oryentasyon, kasarian, relihiyon, edad, kapansanan, opinyong pulitikal, nasyonalidad o anu-mang iba pang mga potensyal na dahilan na magtangi.

2.6 Alkohol at/o abuso sa drogaAng ASSA ABLOY ay proactively na gumagawa upang tang-galin ang anumang mga panganib sa lugar ng trabaho.

Ang mga indibidwal na gumagawa ng mga produkto o nagbibigay ng mga serbisyo para sa ASSA ABLOY ay hindi dapat nasa lugar ng kumpanya o sa lugar ng trabaho kung ang mga ito ay nasa ilalim ng impluwensiya ng, o masa-mang epekto ng, alkohol, hanggang sa ang kakayahan ng indibidwal upang maisagawa ang kanyang mga tungkulin sa trabaho ay maapektuhan. Ang ASSA ABLOY ay may zero tolerance sa mga gamot, at hindi pinapayagan ang mga indibidwal sa paggawa ng mga produkto o pagbibigay ng mga serbisyo para sa ASSA ABLOY na nasa lugar ng kumpan-ya o sa lugar ng trabaho kung ang mga ito ay nasa ilalim ng impluwensiya ng mga bawal na gamot.

2.7 Mga kapakinabangan ng mamimiliAng ASSA ABLOY ay nangangailangan na ang naaangkop na mga kinakailangan sa kalusugan at kaligtasan ay natu-tugunan para sa kanyang mga produkto at serbisyo, at ang aming mga kasama sa negosyo ay dapat isaalang-alang kapag gumagawa ng mga kalakal o pagbibigay ng serbisyo para sa ASSA ABLOY.

2.8 Responsableng paghahanap ng mga mineralAng ASSA ABLOY ay nakatuon upang sumunod sa mga kaugnay na batas at regulasyon na nangangailangan ng pag-sisiwalat ng ang paggamit ng mga conflict mineral. Ang mga conflict mineral ay mga mineral mula sa mataas na pan-ganib at mga lugar na apektado ng pagsalungat na direk-ta o hindi direktang nag-ambag sa pamumuhunan ng mga armadong grupo, kung saan ang ilang mga grupo ay nanini-wala na maging sanhi ng mga seryosong paglabag sa kara-patang pantao. Ang mga kalakal na ibinigay sa ASSA ABLOY ay dapat na sumunod sa mga kaugnay na batas at regulasy-on patungkol sa mga conflict mineral.

Page 5: Kodigo ng Asal - Welcome to the ASSA ABLOY Group · PDF fileAng ilang mga bansa ay naglalapat ng kahulugan ng “mga batang manggagawa” sa mga tao na ... mapabuti ang kabuuang epekto

5

4. Kalusugan at Kaligtasan4.1 Kapaligiran sa TrabahoAng ASSA ABLOY ay sistematikong gumagawa sa kalusug-an at kaligtasan at nakatuon upang magbigay ng isang lig-tas na kapaligiran sa trabaho, at inaasahan nito ang kasama sa negosyo upang gawin ang kahalintulad. Ang mga pan-ganib na maaaring maging sanhi ng aksidente o pahinain ang kalusugan at kagalingan ng mga indibidwal habang nagtatrabaho para sa ASSA ABLOY ay dapat mabawasan. Samakatuwid, ang mga panganib sa trabaho at sa kalusug-an at kaligtasan ay dapat na kinilala, sinusuri at pinamama-halaan sa pamamagitan ng isang inuunang proseso ng pag-bawas sa peligro, mga kontrol sa inhinyeriya, at/o kontrol pang-administratibo.

Para sa ASSA ABLOY ang isang ligtas na kapaligiran sa tra-baho ay nangangahulugan na, halimbawa, na ang lugar sa trabaho ay pinananatiling malinis at malaya mula sa polusy-on, ang mga makinang ginagamit sa produksyon ay ligtas at hindi mapanganib sa kalusugan ng mga manggagawa, at mga tagubilin tungkol sa paggamit ng personal na protek-syon at kagamitan sa trabaho ay pinanghahawakan. Ang kagamitang pang-personal na proteksiyon at kagamitan sa trabaho ay dapat ipagkaloob sa mga manggagawa. Dagdag pa dito, ang kapaligiran ng trabaho ay dapat mahusay na naiilawan, at magkaroon ng temperatura at ingay na may katanggap-tanggap na antas. Kapag ang antas ng ingay ay mataas sa katanggap-tanggap na antas, ang kagamitan para sa personal na proteksiyon katulad ng proteksyon sa

tainga ay dapat gamitin. Lahat ng mga yunit ay dapat mag-bigay ng sapat at malinis na kuwarto sa pagpapalit, mga washroom at palikuran, hiwalay para sa mga kalalakihan at kababaihan. Ang ASSA ABLOY ay umaasa na tutuparin din ng mga kasama sa negosyo ang mga nabangit.

4.2 Gusali at kaligtasan sa sunogAng mga mapanganib na materyal at kagamitan ay dapat na naka-imbak ayon sa naaangkop sa batas. May mga labasan na dapat na malinaw na minarkahan pang-emergency. Ang mga labasan ay hindi dapat nahaharangan at dapat na mali-wanag. Lahat ng mga manggagawa ay dapat tumanggap ng impormasyon tungkol sa mga kaayusan sa kaligtasan tulad ng mga emergency na labasan, pamatay sunog, kagamitan sa paunang lunas, atbp. Ang isang plano sa paglikas ay dapat na ipinapakita sa bawat palapag ng isang gusali. Ang alarma sa sunog ay dapat na nasubukan at ang pagsasanay sa pag-likas ay tinutupad sa isang regular na batayan.

4.3 Paunang lunas at pangangalagang medikalAng mga kagamitan sa paunang lunas ay dapat na magaga-mit sa naaangkop na lokasyon, at kinakailangang isang tao sa bawat lokasyon ay dapat na bihasa sa simpleng pang-unang lunas. Ang kasosyo sa negosyo ay dapat masaklawan ang mga gastos ng medikal na pangangalaga para sa mga pinsala na natamo sa kanyang lugar kung sila ay hindi sakop ng social security o insurance, sa kondisyon na ang mga patakaran sa kaligtasan ay hindi nalabag.

Page 6: Kodigo ng Asal - Welcome to the ASSA ABLOY Group · PDF fileAng ilang mga bansa ay naglalapat ng kahulugan ng “mga batang manggagawa” sa mga tao na ... mapabuti ang kabuuang epekto

6

Apendise I: Pag-uulat sa hindi pagsunodNababatid ko ang isang sitwasyon na maaaring hindi sumusunod sa mga Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo ng ASSA ABLOY.Paglalarawan ng potensyal o aktwal na paglabag sa ilalim ng Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo.

Pangalan at mga detalye sa pakikipag-ugnayan:

Mangyaring ipadala ang pag-uulat na ito kay:[email protected] kung hindi ito posible kay:Code of Conduct FunctionASSA ABLOY ABBox 70340SE-107 23 Stockholm, Sweden

Page 7: Kodigo ng Asal - Welcome to the ASSA ABLOY Group · PDF fileAng ilang mga bansa ay naglalapat ng kahulugan ng “mga batang manggagawa” sa mga tao na ... mapabuti ang kabuuang epekto

7

Apendise II: SertipikasyonAng ASSA ABLOY ay humihiling na ang Awtorisadong Tagalagda/Legal na Kinatawan ng iyong kumpanya na bumabasa sa pamamagitan ng Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo ng ASSA ABLOY at sa pamamagitan ng pag-lagda sa ibaba at paglalagay ng selyo ng kump-anya, kung naaangkop, pagtibayin na nauunawaan mo at susunod sa mga alituntuning nakapaloob sa Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo ng ASSA ABLOY.

Ako, ang lumagda, ay Awtorisadong Tagalagda/Legal na Kinatawan ng kumpanyang naka-takda sa ilalim, ay pinagtitibay na nauunawaan ng kumpanya at susunod sa mga alitun-tuning nakapaloob sa Kodigo ng Asal ng Kasama sa Negosyo ng ASSA ABLOY.

Lugar, petsa

Pangalan ng Kumpanya

Lagda

Pangalan

Titulo

Page 8: Kodigo ng Asal - Welcome to the ASSA ABLOY Group · PDF fileAng ilang mga bansa ay naglalapat ng kahulugan ng “mga batang manggagawa” sa mga tao na ... mapabuti ang kabuuang epekto

8

Ang ASSA ABLOY ay ang pandaigdigang namumuno sa mga solusyon na nag-bubukas pinto, na nakatuon sa nagbibigay-kasiyahan sa pangangailangan ng end-user para sa seguridad, kaligtasan at kaginhawaan.www.assaabloy.com

ASSA ABLOY AB (Publ.)Address pang-koreo:P.O. Box 70340SE-107 23 Stockholm, SwedenAddress pisikal: Klarabergsviadukten 90Telepono: +46(0)8 506 485 00Fax: +46(0)8 506 485 85Numero ng rehistrasyon:SE.556059-3575Rehistradong opisina:Stockholm, Swedenwww.assaabloy.com FILIPINO/ PILIPINO