Knb1303
description
Transcript of Knb1303
Kataga
ng
Buhay
Marso2013
«Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa
kanya» (Jn 8,7).
Habang nagtuturo si Jesus sa templo, ang mga Eskriba at Pariseo ay nagdala ng babaeng nahuling nangangalunya. Sinabi nila kay Jesus, “Inutusan
kami sa batas ni Moises na parusahan ng kamatayan ang mga babaeng katulad nito sa
pamamagitan ng pagbato. Anong masasabi mo?” (Jn 8:5).
Nais nilang bitagin Siya sa pamamagitan ng tanong na ito. Sa katunayan, kung ipinakita ni Jesus na hindi Siya sang-ayon sa pagbato, maaari nila Siyang akusahan na lumalabag
sa batas.
Sapagkat sang-ayon sa batas, ang mga tunay na nakasaksi ang magsisimulang bumato sa
nagkasala, pagkatapos ay susunod ang ibang mga tao.
Kung, sa halip, papayagan ni Jesus ang parusang kamatayan, magiging kabaligtaran ito ng
Kanyang itinuturo tungkol sa habag ng Diyos sa mga makasalanan.
Subalit si Jesus, na hindi nababahala, ay nakatungo lamang habang nagsusulat sa lupa sa pamamagitan ng Kanyang daliri. Sa katapusan,
Siya ay tumayo at nagwika:
«Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa
kanya.» (Jn 8,7).
Nang marinig nila ito, isa-isang umalis ang mga nag-aakusa, simula sa pinakamatanda.
Pagkatapos ay humarap si Jesus sa babae at tinanong siya, “Nasaan sila? Wala bang
nagparusa sa iyo?” “Wala, Ginoo,” ang sabi niya. “Hindi rin kita hinuhusgahan”, wika ni Jesus. “Humayo ka, at huwag na muling
magkasala” (cf.Jn.8:10-11).
«Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa
kanya.» (Jn 8,7).
Sa mga katagang ito, hindi hangad ni Jesus na magmukhang pinapayagan Niya ang mga maling gawain, katulad ng pangangalunya. Nang sinabi Niya “Humayo ka, at huwag na
muling magkasala,” maliwanag Niyang ipinahayag ang kautusan ng Diyos.
Sa halip ay nais ni Jesus na ilantad ang pagpapanggap ng mga
nagpapalagay ng kanilang mga sarili bilang hukom ng kanilang kapwang nagkasala, at hindi kinikilala na sila
rin ay makasalanan.
Binibigyang-diin ng Kanyang mga salita ang kautusan:”Huwag ninyong hatulan ang inyong
kapwa, upang hindi kayo hatulan ng Diyos. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa hatol na inihahatol ninyo sa iba” (Mt 7,1-2).
Sa ganitong paraan, pinatutungkulan din ni Jesus sila na sa ngalan ng batas ay
bumabalewala sa mga taong nagkasala at hindi isinasaalang-alang ang pagsisisi na
maaaring nararamdaman sa kanilang puso.
Maliwanag ditong ipinapakita ang saloobin ni Kristo sa isang nagkasala:
Siya ay mahabagin.
Kagaya ng sinabi ni San Agustin, nang lumayo ang mga humuhusga sa nangangalunya,
“dalawang tao ang naiwan: ang nangangailangan ng awa at Siya na mismong
Awa ”.
«Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa
kanya.» (Jn 8,7).
Paano natin isasabuhay itong Kataga ng Buhay?
Sa lahat ng ating pakikipag-ugnayan sa kapwa, alalahanin natin na tayo rin ay
makasalanan.
Lahat tayo ay nagkasala; at kahit iniisip natin na hindi pa tayo nakakagawa ng mabigat na
kasalanan, hindi pa rin natin alam kung paanong ang mga pangyayari ay
nakaimpluwensya sa iba, na nagiging dahilan ng kanilang pagbaksak at paglayo sa Diyos.
Hindi natin alam kung paano tayo kikilos kung tayo ang nasa kalagayan nila. Tayo rin ay sumira sa ugnayan ng pagmamahal na
nakalaan upang pag-isahin tayo sa Diyos. Hindi tayo naging tapat sa Kanya.
Kung si Jesus, na sadyang walang kasalanan, ay hindi naghagis ng bato
sa babaeng nangangalunya, tayo man ay walang karapatang humusga
sa iba.
Dapat tayong magkaroon ng habag sa lahat, labanan ang mga udyok na nagtutulak sa
atin na manghusga ng walang awa. Kailangan nating matutong magpatawad at
lumimot.
Huwag nating itago ang mga bakas ng paghuhusga o sama ng loob sa ating mga
puso sapagkat dito magmumula ang galit at pagkamuhi na maglalayo sa atin sa iba.
Kailangan nating makitang “bago” ang bawat tao sa bawat sandali.
Kung ang ating puso ay puno ng pagmamahal at habag para sa iba, sa halip
na paghuhusga at pagbatikos, matutulungan natin ang iba na magsimula ng bagong buhay
at magkaroon ng tapang na magsimulang muli.
«Ang sinuman sa
inyo na walang
kasalanan ang
maunang bumato sa
kanya.»
Isinulat ni: Chiara LubichIsinulat ni: Chiara Lubich