Khmer Rouge Cambodia

9

Click here to load reader

description

Khmer Rouge

Transcript of Khmer Rouge Cambodia

Page 1: Khmer Rouge Cambodia

Mabuhay Ka, Anak Ko

Ni Pin Yathay

Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Buod:

Nakagigising ang ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahiga’y namalayan ko ang iba pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingit ng mga karetang hila ng baka, mga manaka-nakang sigaw. Alas singko ng umaga gising na si Thay bumangon, dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid ng buong pagtataka. Abril 17, 1975 noon, ito’y patapos na ng digmaang-bayan.

Ginising na si Amy ng kanyang asawang si Thay. Nagmadali silang mag-asawa sa pag-aayos sapagkat ilang oras na lang ay maaari na dumating ang mga sundalo. Ginising na din nila ang kanilang mga anak na sina Sudath, siyam na taong gulang at si Nawath na limang taong gulang. Si Amy ay pilit na binibilisan ang kanyang kilos upang madaling mabihisan ang kanyang mga anak. Pag kalipas ng ilang mga minuto nagising na din ang kanilang beybi na si Staud.

Hindi naman ganoon kahirap ang pagbabalot nila. Isang lingo na nilang alam, mula nang mg-alisan ang mg amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ang Gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. Naghihintay na lamang sila ng tamang panahon upang makalipat kung sakali mang tamaan ang kanilang bahay. Nakipag kasundo na si Thay sa kanyang mga magulang na magkikita sila sa bahay ng kanyang pinsang si Oan na nakatira malapit sa bayan. Pinuno na nila nang gas ang kotse. Wala na silang ibang dapat gawin kundi ang mag-impake ng mga gamit, pera at ilang mga bagay na magagamit sa propesyon. Gayundin ang diksyunaryong French-English.

Sumisipa-sipa si Nawath habang binibihisan ni Any. Nang biglang dumating ang kanyang nakatatandang kapatid na si Anyung. Nagsasabing handa na ang kanyang mga magulang para sa pagalis. Habang binibihisan ni Anyung si Staud, nagbalot si any ng mga pwedeng

Page 2: Khmer Rouge Cambodia

makakain ng mga bata. Pinag masdan ni Thay ang kanyang paligid at naisip na mas mabuting pinaalis na niya ng bansa ang kanyang pamilya. Sapagkat ayaw niya ang bulok na rehimen ni Lon Nol at wala siyang dapat ikatajot sa Khmer Rouge.

Pinilit ni Thay na sumama ang mga bata sa mga magulang ni Any. Habang inilagay niya ang kanilang mga bagahe sa kanyang sasakyan habang naghahabilin sa mga kaguluhan ng syudad at putuloy ang pag-andar ng sasakyan.

Ang nga taong naglalakad sa kalye ay balisa at sa kanilang mukha’y mababasa mo na hindi nila alam kung anong dapat gawin. May isandaang yarda na ang kanilang nalalakad ng biglang ang mga tao’y nagtakbuhan ng makadinig ng pagsabog. Sa bandang kanan nama’y usok na pumalibot at nagsidatingan ang mga mbulansya at bumbero. Nararamdaman ni Thay na maaari pang bumalik ang digmaan, ngunit umaasa siya na babalik din ang dating Cambodia bago pa dumating ang digmaan.

Si Thay ay nagbuhat sa Oudong,mataas ang pangarap ng kanyang mga magulang para sa kaniya kaya siya’y ipinadala da Phnom Penh. Siya’y nagging isang magaling na estudyante noon. Walang kinikilingan ang Cambodia, popular ang kanilang prinsipeng si Sihanouk, walang kahirap-hirap umunlad noon ng bansa. Siya’y pumunta noon sa France at doon nag-aral ng inhinyeriya. Doon niya din nakilala ang kanyang unang asawang si Thary. Nagkasakit si Thary noon siya’y nagbubuntis kay Sudath at ng di lumaon lumalala ito at siya’y namatay. Nang lumaon nakilala niya si Any sila’y nagpakasal at nagbunga ng dalawang anak na si Nawath at Staud.

Nagging kapansin-pansin ang pagkawala ng nyutralidad sa pamumuno ni Sihanouk. Dumami ang mga Vietnamese sa bansa. Dahil ditto pinabomba ni President Nixon ang mga Vietnamese. Pinalyas ni Lon Nol sa pwesto si Sihanouk. Lumayas si Sihanouk putungong Peking at nakapagtatakang sumapi sa gerilyang Khmer rouge na dati niyang kalaban. Sa simula’y nagiging maayos ang pamumuno ni Lon

Nol ngunit habang tumatagal nagiging pabaya ng siya sa katungkulang ipinataw sa sarili. Sinugod siya at naparalisa ang kalahati ng kanyang katawan. Nabigo nilang sugpuin ang mga Vietnamese at ang gerilyang Khmer Rouge. Lalong lumaki ang inflation at ang palitan sa pagitan ng riel at dolyar. Kahit si Thary ay sumama na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Gumawa siya ng organisasyon na tinatawag na Bees Club – mga propesyonal na may pantay-pantay na kaisipan. Nais nilang magkaroon ng bansang nagkakaisa at kung maaari kasama ng mga Khmer Rouge. Pinatalsik sa puwesto si Lon Nol ng gerilya at naiwan sa gobyernong mamuno si Long Boret.

Page 3: Khmer Rouge Cambodia

Makalipas ang higit dalawang oras na paglalakad ay nakarating na sila Psar Silep ang pinakamagandang lugar sa Cambodia. Doon nakatira ang pinsan niyang si Oan. Magandang tagpuan ang kanilang bahay sapagkat ito’y may mataas na bakod at may pintuang bakal. Si Oan din ay mag-isa lamang na nakatira doon sa ngayon sapagkat ang kanyang asawa, anak a t biyenan ay nakaalis na ng bansa. Nang sila’y pumasok na sa bahay nagulat sila sa dami ng kanilang kamag-anak na naroon. Naghanda ng makakain ang mga kababaihan maliban na lang kay Vouch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Siya’ y maboka gaya ng kanyang ateng sa Keng. Ngunit aktibo pagdating sa usapang pulitika. Lumapit ang kapatid ni Thary sa kanya at nagtatanong sa nangyayari sa bansa. Dalawang taon ang kabataan sa kanya ni Theng, may asawa at tatlong anak, guro sa primarya at higit na pinaguukulang pansin ang basketbol kaysa pulitika.

Naguusap-usap ang kanilang pamilya tungkol sa nangyayari sa kanilang bansa habang kumakain ng mga inihahanda ni Any at ng mga iba pang nasa kusina. Biglangg dumating si Sim ang pinsan nilang disiotso anyos na walang inatupag kundi maglakwatsa kasama ang barkada. Sa padedebate ng kanyang mga kamag-anak, naalala ni Thay ang panahon ng pakikipagusap niya sa kanyang mga magulang. Pilit nilang sinasabi na komunista, masama ang Khmer Rouge. Ngunit ayaw niyang maniwala sapagkat kampamte siya sa mga kaalaman niyang nalalaman at naniniwala siya ang mga Cambodian ay relihiyosong tao. Pagkalaan ng ilang oras me narinig silang pamilyar na boses na nagsasalita sa radio agad nilang pinalapit ang kanilang mga kamag-anak. Iyon pala’y Patriarkong Budhista na si Huot Tat. Sinabi nitong huwag na silang matakot sapagkat tapos na ang digmaan. Pagkaraa’y isang boses pa ang nadinig kay Heneral Mey Sichan na nagsasabing sumuko na ang mga rebelde upang hindi dumanak ng dugo. Pagkatapos ay may biglang umagaw ng mikropono na nagsasabing tapos na ang laban, sumuko na ang gobyerno. May isang trak ng military ang dumaan sa harap ng bahay. Tumatakas ang isang sundalo ngunit nahabol ito na isang Khmer Rouge na may hawak na riple. Naging maluwag na ang lahat sa kanila, sila’y nagbibiruan na at nagsimulang magsiuwian na ang iba.

Ngunit isang tagapamahala mula sa bahay ng biyenan ni Oan ang nagsabing pinlalayas sila ni Khmer Rouge. Hindi nila alam ang dapat gawin kaya naghingi sila ng mga impormasyon at gabay ni Patriarkang Huot Tat. Dali-dali silang umalis papunta sa pagoda kung nasaan ang patriarka ng kanilang mga sasakyan ngunit sadyang maraming tao ang naglalakad kaya napakabagal ng usad. Dumating na sila sa pagoda agad nilang nakilala ang ilang mga heneral na kasapi ng gobyerno. Sinabi ng patriarka na hindi makatwiran ang ebakwasyon. Nag-utos ng isang monghe na tawagan ang Cambodian Red Cross at Opposition Democratic Country. Nais sanang makapigbigay ang mga ito ng impormasyon tungkol sa Hotel Le Phnom at French Embassy. Umalis ang heneral kasama ang isang monghe. Gulung-gulo sina Thay at ang kanyang mga kasama sa mga pangyayari kaya’t pinili muna nilang maglakad-lakad at magkwentuhan. Patuloy na

Page 4: Khmer Rouge Cambodia

nagiging kainip-inip habang humahapon. Mag-aalasais dumating ang kinatawan ng patriarka. Sinabi niya na maraming opisyales ang nasa miting kasama ang Prime Minister na si Loleng Boret. Tumabi ang isang monghe sa opisyal ng isang Khmer Rouge nakiharap ito ng buong galang. Napag-usapang walang kabuluhan ang ebakwasyon. Nagging magaan ang kanilang kalooban. Kinagabihan ay natulog sila sa nakalatag na banig sa sahig ng pagoda. Mga alsa-nwebe ng gabi isang opisyal ng Khmer Rouge ang pumasok sa pagoda na may dala-dalang pisto nakita niya ang mga bisekleta at talong motorsiklo. Tinanong niya kung kanino iyon walang sumasagot, itinutok niya ang baril at muling nagtanong ngunit wala pa ring sumasagot. Isunuksok niya ang baril at pinuntahan ang isang motorsiklo pinutok niya ng dalawang beses ang baril upang matanggal ang kadena nito. Dali-dali siyang umalis at pagkalipas ng ilang minuto dumating pa ang dalawang kalalakihan at kinuha ang dalawa pang motorsiklo. Gulung-gulo ang kanilang mga isipan na may halong takot. Walang silang ibang magagawa kundi ang maghintay at gawing kumportable ang mga musmos nilang mga anak.

Page 5: Khmer Rouge Cambodia

Isang Kuwento ni Percival Campoamor Cruz

Kung manunumbalik sa alaala ang mga pangyayaring naganap noong sumisiklab ang Vietnam War, mapagkukuro na yaon ay isang digmaang walang katuturan. Biyak ang bansang Vietnam noon. Ang Norte ay Komunista samantalang ang Timog ay isang Demokrasya. Dahil sa pangangamba, ang Estados Unidos ay nasangkot sa hidwaan ng Norte at ng Timog. Naniwala ang mga mga may kapangyarihan sa Washington na kung babagsak ang Timog-Vietnam sa kamay ng mga Komunista ay isa-isa at sunud-sunod na babagsak rin ang mga karatig na bansa gaya ng Cambodia, Laos, Thailand at iba pa, kawangis ng mga natutumbang tisa ng domino. Ipinadala ng Estados Unidos ang kanyang sandatahang-lakas sa Vietnam upang tulungan ang sandatahang-lakas ng Timog-Vietnam sa pagtatanggol sa Demokrasya, sa paghaharang sa pag-usad ng mga Vietcong (sandatahang-lakas ng Norte) patungo sa Timog. Sa gayong kaparaanan, ang maliit na sigalot sa pagitan ng dalawang panig ng Vietnam, dahilan sa pangamba, ang maliit na mitsa, ay sumabog at kumalat, naging pinakamalaking digmaan sa mundo pagkatapos ng World War II. Nasangkot ang maraming bansa, pati na ang Pilipinas, sapagka’t ang mga ito’y kumampi sa Estados

Page 6: Khmer Rouge Cambodia

Unidos at nagpadala ng “contingent forces” upang tumulong sa “pakikipaglaban sa Komunismo”.

Naging mabangis at malupit ang digmaang tinuran. Hindi magapi ng Estados Unidos ang mga Vietcong. Mainit, maalinsangan at magubat ang larangan; hindi sanay ang mga kawal ng Estados Unidos sa ganoong kalagayan. Bihasa sa “jungle warfare” ang mga Vietcong at armado sila ng mga sandatang malalakas galing sa Komunistang Rusya. Maraming sundalo ng Estados Unidos ang nangamatay, nangapinsala at nangasira ang ulo dahilan sa tindi ng hirap.

Kung naging mabangis at malupit ang mga Vietcong ay ganoon din ang mga sundalo ng Estados Unidos. Maraming nayon ang sinilab nila at pinatay nila ang maraming mga walang kamuwang-muwang na mga bata, babae, at matanda na hindi naman kasali sa labanan. Sa huli ay gumamit pa ang Estados Unidos ng “napalm bomb” at “agent orange” na kasing-bagsik ng “atomic bomb” ang hagupit na noong World War II ay ibinagsak sa Hiroshima at Nagasaki.

Nagimbal ang mundo. Naantig ang damdamin ng mga mamamayan. Sigaw ng mga kontra sa Vietnam War:

“Walang katuturan, walang katuwiran ang digmaan!”

“Estados Unidos, huwag maki-alam sa Vietnam!”

“Itigil ang pagpatay ng mga bata!”

Sa Estados Unidos ay kumalat ang mga protesta. Sa Kent State University ay napatay ng mga pulis ang anim na estudyante na nagpo-protesta laban sa pakikialam sa Vietnam. May mga dating sundalo na sila mismo ay di sang-ayon sa gera. Binagabag sila ng kanilang mga konsensiya sa dami ng mga walang malay na bata at “civilians” na kanilang napatay sa labanan sa Vietnam. Ang mga “Vietnam veterans” na ito’y sumanib sa mga protesta. Sa harap ng mga “TV news cameras” ay itinapon nila ang kanilang mga medalya na nakamit sa pakikidigma, bilang simbolo ng kanilang galit at pagkawala ng galang sa gobyerno-militar ng Estados Unidos.

Sa maraming larawan ng digmaang ito na nakita ng buong mundo sa pahayagan at sa TV, pinaka-tanyag at pinaka-nangungusap ang retrato ng isang batang babae na ang damit ay halos nahubad na sanhi ng init na galing sa “napalm bomb”. Tumatakbo siya sa isang lansangan, kasunod ang isang tila nakababatang kapatid na lalaki. Sa kanilang mga mukha ay makikita ang sindak, ang hapdi, ang nabibinbing kamatayan.

Si Robert Thompson ay lumaban sa Vietnam. Magdadalawampung-taong gulang siya nang mapa-destino sa nasabing gera sa Vietnam.

Minsang ang kanyang tropa ay nagmamanman sa kabukiran ay napalapit sila sa isang pangkat ng mga magsasaka na nagtatanim ng palay. Sa kanilang kasuotan ay matitiyak na ang mga nasa pitak ng palayan ay mga magsasaka nga, mga babae’t lalaki, na ang mga ulo ay natatakpan pa ng tila salakot – sombrerong yari sa buli at kawayan. Nang ang mga sundalo ay nakarating na sa may harapan ng mga taong nagtatanim, ang mga magsasaka ay naglabas ng mga sandata at pinaputukan ng AK-47 at hinagisan ng granada ang mga sundalo. Sila pala’y mga Vietcong! Nakipagpalitan ng putok si Thompson at ang kanyang pinamumunuang tropa. Nang tumigil ang putukan at pinadpad na ng hangin ang usok ay tumambad sa paningin ni Thompson ang sabog-sabog na katawan ng mga Vietcong; at ang kanyang mga kasamahang sundalo . . . sila ri’y nagkaluray-luray sa tama ng bala. Siya lamang at ang isang kasamahan ang natira. Dumating ang Huey helicopter ng Estados Unidos at inilikas ang dalawang nakaligtas sa kamatayan. Dahilan sa kanyang kabayanihan at pagkakasalanta sa gera ay nakatanggap si Thompson ng karangalang Purple Heart Medal.

Mahigit pitong-pung taong gulang na si Thompson. Nang iwan niya ang buhay-militar ay nagpundar siya ng isang negosyo na sa tagal ng panahon ay lumaki naman at naging matagumpay.

Kamakailan lamang ay nakaramdam si Thompson ng pananakit sa dibdib at tila nahihirapan siyang huminga. Nagpatingin sa doktor si Thompson at ang kinalabasan ng pagsusuri – may kanser siya sa baga.

Hindi nagsisigarilyo si Thompson. Hindi rin nagsisigarilyo ang kanyang asawa. “Saan kaya nanggaling ang kanser?” tanong niya sa sarili.

Dahilan sa epekto ng lason na dala ng “agent orange”, di mabilang ang kaso ng kanser, pagkabulag, pagkapilay at marami pang ibang kapansanan ang naitala na dumapo sa mga mamamayang Vietnamese. Lumipas na ang mga dekada ay nagpatuloy pa ang masamang epekto ng nasabing lason sa mga tao; maraming bata ang isinilang na bulag, o di makalakad, o may kapansanan o ang mga paa o ang mga braso ay hindi nabuo. Matindi ang epekto ng “agent orange”.

Nakalanghap din ang mga sundalong-Estados Unidos, katulad ni Thompson, ng amoy, usok at init ng “agent orange”. Malamang na ang kanyang kanser ay dulot ng pagkakabilad sa “agent orange”.

Page 7: Khmer Rouge Cambodia

May mga sundalo ng Estados Unidos na nahuli at ikinulong ng mga Vietcong. Ipiniit sila na tila mga daga sa loob ng madidilim na lungga. Marumi at mainit ang mga lungga. Di sila pinapayagang magsalita, mag-usap. Ang marami ay inilalagay sa mga “torture chambers” at doon ay pinarurusahan sila. Halimbawa ng parusa ay ang paglalagay sa preso sa isang masikip na silid na nakasindi ang ilaw maghapon at magdamag. Nakatali sa isang silya ang preso at sa kanyang ulo ay paisa-isang pumapatak ang tulo ng tubig. Mahihibang ang sino mang ilalagay sa ganyang katayuan. Walang pag-asang ang taong nasa ganyang kalagayan ay makapagpapahinga o di kaya’y makatutulog.

Sa dakong wakas ng Vietnam War ay halos kalahating-milyong sundalo ng Estados Unidos ang napadala sa bansang nasabi. Mahigit isang milyon ang Amerikanong namatay. Mahigit dalawang milyon naman ang Vietnamese na nasawi.

Libo ang taga-Timog-Vietnam na inilikas ng Estados Unidos patungo sa Pilipinas muna, at pagkatapos, ay sa Estados Unidos, bago bumagsak ang Saigon, ang sentro ng Timog-Vietnam. Isa sa mga mapalad na nilalang na nailigtas ay si Linh Ahn Duong: Walong-taong batang babae na ang buong pamilya ay nasawi sa gera. May mag-asawang taga-Estados Unidos na umampon kay Linh at siya ay nakapag-aral at nagkaroon ng magandang kinabukasan.

Maganda at matalino si Linh. Makinis ang kanyang balat at mababakas sa kanyang mukha ang gandang magkahalong Vietnamese at French (ang Vietnam ay pinamahayan ng mga Pranses nang mahigit sa isang daang taon; kung kaya’t nagkaroon ng dugong Pranses ang marami sa kanila). Naging tigib ng trahedya ang kabataan ni Linh; salamat na lamang at ang masasamang pangyayari, lalo na kung nangyayari sa edad ng kamus-musan, ay nabubura sa alaala.

Naging doktor si Linh, sa awa ng Diyos at sa tangkilik ng mga hiram na magulang. At siya’y naging hindi lamang isang doktor, kundi isang pambihirang doktor. Siya’y “surgeon” na nakatuklas ng paraan kung papaano mahihiwa at lubusang maaalis ang kanser sa katawan. May natuklasan siyang “kulay” na kapagka itinurok sa kanser ay “umiilaw” ito at sa gayon ay nalalaman ng “surgeon” kung alin ang bahagi ng “organ” o “tissue” ang titistisin. Matagumpay na naaalis ang kanser, buo at walang naiiwan, at ang pasyente ay nabubuhay at naililigtas sa nasabing nakamamatay na sakit.

Nagsanga ang landas nina Thompson at Linh. Nagkadaupang-palad ang bayani ng Vietnam at ang biktima ng Vietnam. Ang Imperyalista at ang Komunista. Ang pasyente at ang doktor. Ang nasa bingit ng kamatayan at ang tagapagligtas.

Inoperahan si Thompson at, gaya ng inaasahan, matagumpay ang operasyon at nalinis at natistis ang lahat ng kanser.

Isang linggo ang lumipas at maaari nang makalabas ng ospital si Thompson. Nang lumipas na ang mga epekto ng gamot at luminaw na ang kanyang pag-iisip ay naunawaan niya na sila pala ng doktor ay kapuwa may nakalipas sa Vietnam. Nagkaroon siya ng pananabik na makausap ang doktor.

“Dr. Linh”, at ipinakita ni Thompson sa doktor ang kanyang Purple Heart Medal, “heto ang katibayan na dahil sa aking maliit na pagsasakit ay nagwagi ang Demokrasya sa Vietnam.”

“Mr. Thompson”, sagot ng magandang doktor, “walang nagwawagi sa ano mang digmaan.”

“Nguni’t ikaw ay isang halimbawa. Nailigtas ka sa Komunismo at naging doktor,” paliwanag ni Thompson.

“Ang kabayaran, Mr. Thompson? Ilang milyong buhay ang nasawi, kasama na ang buhay ng aking mga magulang at kapatid? Ilang bayan, ilang nayon ang nalimas? Ilang daang taon umatras ang kaunlaran sa Vietnam, dahilan sa gera? May nagwagi ba? Umurong ang Estados Unidos sa Vietnam at ang mga Vietnamese ay ipinagpatuloy ang buhay na kanilang nalalaman. Ang Estados Unidos ay Estados Unidos pa rin. Ang Vietnam ay Vietnam pa rin. Nagpahirap lamang tayo sa isa’t isa sa sampung mahahabang taon ng labanan, dala ng pakikialam sa buhay ng may buhay,” walang kagatol-gatol na winika ni Dr. Linh.

Idinagdag pa ng doktor: “Mr. Thompson, tingnan mo ang retratong ito.”

At tumambad sa mata ng dating sundalo ang retrato ng isang batang babae na ang damit ay halos nahubad na sanhi ng init na galing sa “napalm bomb”. Tumatakbo siya sa isang lansangan, kasunod ang isang tila nakababatang kapatid na lalaki. Sa kanilang mga mukha ay makikita ang sindak, ang hapdi, ang nabibinbing kamatayan.

“Ang sabi ng mga ‘adopted parents’ ko, ako raw ang batang-babae na nasa retrato.” Maikling pahayag ng doktor.

Matagal na tiningnan ni Thompson ang retrato. Sinalat-salat ang kinis ng ibabaw nito at tila natutuyo ang kanyang lalamunan. Dahan-dahang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Tumayo si Thompson mula sa pagkakahiga sa kama ng maysakit at lumakad patungo sa bintana. Binuksan niya ang bintanang-

Page 8: Khmer Rouge Cambodia

salamin at nilanghap nang malalim ang sariwang hangin na sumalubong sa kanyang mukha. Kipkip sa kanang kamay ang Purple Heart Medal, biglang inihagis niya ang karangalan sa kalawakan sa labas ng bintana.

Bumaling sa doktor at sa tinig na nabibyak dahilan sa mabigat na damdamin ay sinabi niya, “Ikaw na naging biktima ng aking “kabayanihan” ang nagligtas sa aking buhay. Ang sa akala ay inililigtas ko ay siyang naging tagapagligtas. Ang naging ulila, sa halip na gumanti, ay tinulungan ang kaaway. Tama ka, Dr. Linh. Ang digmaan ay walang katuwiran.