KATOTOHANAN SA PAMAMAHAYAG

30
KATOTOHANAN SA PAMAMAHAYAG Bilang isang dyornalista o mamamahayag, DAPAT ba o HINDI DAPAT na isiwalat mo ang buong katotohanan kahit na manganib ang iyong buhay? Mula sa panulat nina: GONIE T. MEJIA — nagtanggol sa panig ng DAPAT RAFAEL A. PULMANO — sumulat ng iskrip para sa panig ng HINDI DAPAT na ipinagtanggol ni JULIET ASENITA , at LAKANDIWA na ginampanan ni PASTOR GAGARING LAKANDIWA (Pagbubukas) Ang alin mang selebrasyon ng taunang kaarawan Ng programa na pam-Pinoy sa himpilang KSAI Ay di ganap kapag wala ang aba pong balagtasan Kaya heto na po kami, malugod na nagpupugay! PASTOR GAGARING po lamang ang lingkod nyong Lakandiwa Sa banyan po ng lassoes, Paete, Laguna nagmula Kahit ako'y bago ritong di katulad nilang luma, Meron din po naman akong ibubuga sa pagtula. Ang paksa po ngayong gabi'y tungkol sa pamamahayag: Kung isa kang dyornalista, sa balita'y tagakalap, Lahat ng katotohana'y dapat mo bang isiwalat Kahit ito'y mapanganib, may peligrong kaakibat? Atin na pong tatawagin sa gitna ng entablado Ang dalawang magigiting na makatang magtatalo Parehas pong magagaling, at parehong mukhang tao, Ang ating pong isalubong, palakpakang todong-todo!

Transcript of KATOTOHANAN SA PAMAMAHAYAG

KATOTOHANAN SA PAMAMAHAYAG

Bilang isang dyornalista o mamamahayag,DAPAT ba o HINDI DAPAT na isiwalat mo ang

buong katotohanan kahit na manganib ang iyong buhay?

Mula sa panulat nina:GONIE T. MEJIA — nagtanggol sa panig ng DAPATRAFAEL A. PULMANO — sumulat ng iskrip para sa

panig ng HINDI DAPAT na ipinagtanggol ni JULIET ASENITA,at LAKANDIWA na ginampanan ni PASTOR GAGARING

LAKANDIWA (Pagbubukas)

Ang alin mang selebrasyon ng taunang kaarawanNg programa na pam-Pinoy sa himpilang KSAIAy di ganap kapag wala ang aba pong balagtasanKaya heto na po kami, malugod na nagpupugay!

PASTOR GAGARING po lamang ang lingkod nyong Lakandiwa Sa banyan po ng lassoes, Paete, Laguna nagmulaKahit ako'y bago ritong di katulad nilang luma,Meron din po naman akong ibubuga sa pagtula.

Ang paksa po ngayong gabi'y tungkol sa pamamahayag:Kung isa kang dyornalista, sa balita'y tagakalap,Lahat ng katotohana'y dapat mo bang isiwalatKahit ito'y mapanganib, may peligrong kaakibat?

Atin na pong tatawagin sa gitna ng entabladoAng dalawang magigiting na makatang magtataloParehas pong magagaling, at parehong mukhang tao,Ang ating pong isalubong, palakpakang todong-todo! 

DAPAT (Pagpapakilala)

Isang mapagpalang gabi, sa lahat po ang pagbatiSa "Pag-usapan Natin" program, Happy 8th Anniversary Sa mestisang paraluman na akin pong katunggaliMay pagkakataon ka pang umatras na at umuwi.

Ang pamamahayag ay propesyong sinumpaanDito'y dapat isiwalat, lahat ng katotohananIyan po ay ang panig kong bibigyan ng katuwiranGONIE MEJIA is the name ng lingkod nyong nagpupugay. 

HINDI DAPAT (Pagpapakilala)

Kay-aga pong nababahag ang buntot ng katunggaliWala pa 'kong nasasabi, ibig na 'kong mapauwiKung ayaw mong mapa-confine sa ospital ngayong gabiAyun ang gate, wag hintaying buto'y magkabali-bali.

Si JULIET ASENITA po ang black beauty ninyong lingkodIsang maligayang gabi ang pagbati kong malugodHindi dapat isiwalat, ang panig pong ilalahok,Lahat ng katotohanan, lalo't panganib ang dulot. 

LAKANDIWA

Lintik po kung maggirian ang dalawang magsasabongTingnan natin kung sino nga ang merong "K" na magkampeonSisimulan na po nating pausukin ang microphoneSi Gonie ang unang tindig, palakpak po'y isalubong! 

DAPAT (Unang Tindig)

Sa isports po karamihan, nagkakampeon ay ulikbaNgunit po sa Balagtasan, may binatbat sila kaya?Di ko naman sinasabing si Julieta'y utak-biyaNgunit labis ang pangarap nitong sunog na diwata.

Bago pasukin ang kursong napupusuan ninumanNakataya na ang loob pag ito'y napagtapusanNa gampanin ang tungkulin na dito ay nakaatangBuong linis, katapatan, nang ayon sa sinumpaan.

Ang propesyong journalism, o dili'y pamamahayagAy maipagkakapuring hanapbuhay na marilagDito'y pangunang tungkulin, sa lipuna'y isiwalatAng lahat po ng tutoong sa bansa ay nagaganap.

Walang dapat na ilihim, walang dapat na itagoTamaan ang tatamaan, walang dapat sinisino

Higit ang katiwaliang nagaganap sa gobyernoLalo't sangkot ay iyong ibang mga lintang pulitiko!

Wika nga po, napipigil ng iba ang kalokohanPagkat takot na mabunyag sa radyo at pahayaganIto'y dahil sa ating mga journalists na matatapangWalang gulat, walang kabang gumanap ng katungkulan! 

LAKANDIWA

Sa suntok at saka sipa ng makatang nagpaunaAng sagot ng katunggali naman niya'y ano kaya?Upang atin pong malaman, tawagin po natin siya,Hayan na po, palakpakan si Miss Juliet Asenita! 

HINDI DAPAT (Unang Tindig)

Marami po akong alam na kagaya ni Gorgonio Dibdiban kung manindigan, may matatag na prinsipyoWalang takot magsiwalat ng tutoo sa publikoDati silang nasa radyo, ngayo'y nasa sementeryo.

Wala raw pong ililihim, walang dapat itatagoMarangal daw na propesyong ilabas ang bawat bahoPati buhay ng artistang nabuntis ng kalaguyoIdyadyaryo ni Gorgonio pagkat pawang tutoo po!

Ang marangal na layunin ay di laging nagbubungaNg mabuti sa lipunan, kung minsan nga'y di magandaAng kriminal, pag nadyaryo't gumawa ng pelikulaBandang huli'y bayani pa, pati bata, gumagaya.

Kung ako'y mamamahayag, di po ibig sabihin naAng lahat kong naririnig, naaamoy, nakikita,Ay akin ngang katungkulang ibalita ko sa masaKapag ito ay nangyari, ang labas ko ay tsismosa.

Ang tsismis ay siyang mitsa ng maraming sigalutanAng balitang naglalantad ng lahat ng kabulukanAy gayon din, naghahatid ng panganib, agam-agamLalo na't kung isang pikon ang tao mong natapakan. 

LAKANDIWA

Mainit na ang dalawa, kaya ako ay tatabiDumakdak na sila hangga't meron silang masasabiKayo namang madlang people na narito ngayong gabiGamitin ang inyong kamay nang ganahan lalo kami! 

DAPAT (Ikalawang Tindig)

Si Julieta'y di tsismosa, mahina lang umintindiKapag sinabi pong tsismis ay di tunay na nangyariAng paksa po namin dito, kung dapat po ba o hindiAng tutoo ay ibulgar, ang tsismis ay di kasali.

Wari din pong pahiwatig ng mestisang paralumanNa ang seryosong tutoo ay marapat na tabunanNg ibang mga kinalap na balitang walang saysayPagkat dito'y wala daw pong mapipikon, masasaktan.

Anong silbi ng propesyon kung iyo ding itatakwilTunay nitong nilalayon, sakop na alituntuninKaysa iya'y mapangyari ay mainam pa marahilMagtulak ka ng kariton, maglako na lang ng asin.

Batid natin magkaminsan, ang hustisya'y nabibiliNg taong may impluwensya, sa buhay may sinasabiDahil nandiyan ang media, sa katotohana'y kampi,Tuwiran pong nagaganap, katarunga'y nagwawagi. 

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)

Ang mahinang umunawa'y butete kong katunggaliKaya ka nga natsitsismis, tunay kasing may nangyariAng tutoo'y tutoo rin kahit hindi mapa-TVPag may usok, may apoy daw, matatanda ang may sabi.

Ako ngayo'y magtatanong sa katalong kulay talongAlin ba'ng mas pipiliin: ang magamit ang propesyonHabang ikaw'y nabubuhay nang mahaba pang panahon?O ang ikaw'y magretiro nang maaga sa 'yong pantyon?

Halimbawang ang kasangkot sa malaking iskandaloAy sariling ama't inang nakaupo sa gobyerno?Ang lihim na baho nila ay iyo bang idyadyaryo?Malasakit ba sa banyan, mas matimbang sa 'yong dugo?

Ibubulgar mo rin kaya, kung balita mong nakalap,Sindikatong sabit dito'y nag-utos na ipakidnapAt nagbantang ililigpit ang asawa mo at anak?Anong uri ka bang ama? Anong klase ka bang kabyak? 

DAPAT (Ikatlong Tindig)

Simple po ang katanungan ng mestisang naulinganKahit anong propesyon mo, pag-iingat ang kaylanganKung ang aking ama't ina ang dawit sa kalaswaanDi man ako'ng magbubunyag, tiyak iba ang gagampan!

Kung higante ang kalaban, panganib sa pamilya koKailangan ay proteksiyong magmumula sa gobyernoKung hindi ko ibubulgar ang sinabing sindikatoMas marami pa pong buhay ang dito'y mapeperhuwisyo.

Kung di kaya ni Julietang isipin ang tamang bagayBilang isang namamahayag, hiling ko po siya'y mag-resignAt sa lahat ng journalist, kapatid sa hanapbuhayPaalala ko'y "Hoy, gising!" Limutin ang karuwagan! 

HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig)

Ang tanong ko'y diretsahan, sagot niya'y biglang likoMaliwanag po ang isyu ngunit kanyang nilalaboKatapangan pala niya'y hungkag lamang na pangakoBahag din po pala'ng buntot, nangangatog pati nguso!

Heto pa ang isang tanong: Halimbawa'y mismong ikawAng kinidnap ng NPA, ibabaon ka nang buhayMaliban kung susulat ka't aamin sa buong banyanNa una mong nilathatla'y pawang kasinungalingan?

Halimbawa pa rin naman, pakinggan mo, Oh Gorgonying,Mga anak mo'y musmos pa, asawa mo'y kagampan din,Tanging sa 'yo umaasang parang mga basang sisiw,Sa pamilya't propesyon mo, alin ang 'yong uunahin? 

DAPAT

Makulit po palang sadya ang ulikbang paraluman

Ako pa raw anya itong lumiliko sa usapanItataya ko ang lahat maging sarili kong buhayNgunit hindi ang magtaksil sa propesyon ko at banyan!

Tapat ako sa tungkulin pagkat aking sinumpaanSi Julieta'y sinungaling, propesyo'y paglalakuanNakahanda kong suungin ang lahat kong kasawianAyaw ko lang maging "tangi" kagaya po ni Bakekang! 

HINDI DAPAT

Itataya po ang lahat alang-alang sa propesyonYayaman po ang may-ari ng radyo at telebisyonGayon din ang negosyanteng may-ari ng publikasyonSamantalang nagluluksa ang pamilya ni Gorgonyong!

Kung talagang matapang ka't marubdob ang pagnanaisNa sagipin itong banyan sa kamay ng mga ganidBa't propesyong pinasok mo'y dyornalista't hindi pulis?Para kung mayro'n kang alam, ikaw mismo ang dadakip! 

DAPAT

Malala na palang sadya ang utak po ni Julieta Pati gawain ng iba, sa akin ipinapasaAt kung ikaw ay matinong tagatanggap ng balitaAng balitang hindi tama, higit mo bang ikakatuwa?

 HINDI DAPAT

Baka naman ibig mo lang magpasikat, makilalaNg maraming masusugid na publikong mambabasa?May pasumpa-sumpa ka pa sa propesyon, iyon pala,Ikaw itong sinungaling, taksil, traydor, palamara! 

DAPAT

Tungkulin ang nag-uudyok upang ako'y tumalimaAko ay hindi pasikat, ayaw ko lang magpabayaAng taong mapagparatang, may sanga daw yaong dilaMag-ingat ka't baka ikaw'y i-front page ko sa balita! 

HINDI DAPAT

Nadupilas po ang dila ng katalong propesyonalPropesyonal na blackmailer, ginagawang kasangkapanAng kaniyang hanapbuhay upang kapwa'y mahuthutan,Na kung hindi maglalagay, may peligrong mapa-headline! 

DAPAT

Kawawa ang kalaban kong di batid ang sinasabiNangingitim na sa galit, hindi na po mapakali! 

HINDI DAPAT

May tutoong magaganda't kapupulutan ng aralBa't di 'yan ang ibalita, wala ka pang masasaktan! 

DAPAT

Ang tutoo'y ihahayag ano pa man ang mangyari! 

HINDI DAPAT

Sa tutoo'y hindi dapat manira ng ibang puri! 

DAPAT

Tapat ako kung magsilbi! 

HINDI DAPAT

May tapat bang nabibili? 

LAKANDIWA (Paghatol)

Tigil! Para! Kayo muna'y tumabi at magpahingaAng hatol ko'y isusulit, ako naman ang popormaAng akin pong hiling lamang sa balanang nakanganga

Palakpakan muli natin si Gorgonio't si Julieta!

Dapat mo bang isiwalat bilang isang dyornalista,Lahat ng katotohanan kung panganib ang syang bunga?Ang kay Gonie, dapat daw po, si Juliet po dito'y kontraKayo naman, kababayan, ang "say" ninyo'y ano po ba?

Ani Gonie Mejia po, ang pangunang tungkulin dawNg isang mamamahayag, ibunyag ang nalalamanWala anyang sisinuhin, tamaan ang tatamaanPagkat ito sa banyan daw ay propesyong sinumpaan.

Dahil anya natatakot na mabunyag yaong bahoNapipigil daw ang iba sa paggawa ng di wastoKahit minsan ang hustisya'y nabibili diumanoKatarunga'y nagwawagi dahil media'y kaalyado.

Ang katwiran po ni Juliet Asenita'y kakaibaAyaw niyang makasugat sa damdamin daw ng kapwaMarami daw anya namang tutoo at magagandaNa puwede ring ibalita, may aral pang makukuha.

Si Juliet ay nagtatanong: sa buhay daw na iisaAt sa propesyong sinumpaan, alin ang mas mahalaga?Kung ang sangkot ay magulang, o ang anak at asawa,Alin daw ba'ng uunahin, hanapbuhay o pamilya?

Ako man po'y merong tanong sa isyu ng katapangan,Katapangan pa rin kaya kung pamilya'y madadamay?Sa propesyon, tutoo ngang may sumpa kang binitiwan,Pa'no naman ang sumpa mo sa asawa nang ikasal?

Matitindi ang katwiran, bawa't isa'y naglalayonNa linawin itong paksa, tugunin ang bawat tanongNgunit akong tagasuri ang pataw na obligasyonHanggang ngayo'y nangangapa sa dapat na maging hatol.

Kung akin pong pipiliting lutasin ang paksa ngayonBaka ako'y mangayayat sa labis na konsumisyonImportante'y meron tayong napulot na bagong leksyonKayo na po, kababayan, ang humusga at humatol!

 

LAKANDIWA: 

Isang paksang sa panahon ay talagang nababagayAng sa ngayo’y itatampok sa ngalan ng Balagtasan;“Dapat ba o Hindi Dapat na lumahok sa halalanAng dakilang boksingerong Manny Pacquiao ang pangalan?”Tanong itong sasagutin at bibigyang-katuwiranNg makatang naririto at nais kong anyayahan.

Kaya’t sino mang naritong sa pagtula ay may hilig,Aking inaanyayahang pumagitnang buong-kisig;Ang nais ko sa pagbigkas ay may rima at may himig,Yaong tulang kung pakingga’y lumilikha pa ng awit;Dito’y inyong patunayang sa larangan ng panitik,Tayong mga Filipino’y may isipang matalisik.

DAPAT: (Sa Ibaba ng Tanghalan – Panawagan)

Maginoong Lakandiwa, ako ngayo’y sumasagotSa pangalan ni Balagtas na makatang lubhang bantog;Iyang inyong  paanyaya’y tinatanggap kong malugod,Payag ako na si Pacquiao sa halalan ay lumahok;Kapag siya ay nagwagi’t sa tungkulin ay naluklok,Buong baya’y liligaya’t magdiriwang tayong lubos.

Idolo ng Filipino — at si Manny ay kilalaNa may pusong makatao’t kabutiha’y kitang-kita;Siya’y dangal nating lahat nang manalo’t makibakaSa kapuwa boksingerong sa suntuka’y kayang-kaya;Kaya nga O, Lakandiwang may masusing paanyaya,Ako ngayon ay tulutang makapanhik sa tribuna.

LAKANDIWA:

Kung ang iyong mga tula ay madiwa at mainam,Halika na at umakyat sa ibabaw ng tanghalan;

Sa tula mong bibigkasi’y iyo ritong patunayangIdolo mong boksingero’y nararapat sa halalan;Sa paglapit ng makata’y hinihiling ko rin namangSalubungin natin siya ng matinding palakpakan.

DAPAT: (Sa ibabaw ng tanghalan – Pagpupugay)

Ako’y buhat sa Lagunang lalawigan ng pag-ibig,Sa banyan ng mga puto, ng kutsinta at pinipig;Ako ngayo’y manunulang naghahandog ng panitikSa naritong kababayang nakabukas ang ulinig;Lingkod ninyong si Rafael Pulmano ay nagsusulit,Paglahok sa politika ni Pacquiao ay tama’t matwid!

HINDI DAPAT: (Sa Ibaba ng Tanghalan – Panawagan)

Sinungaling na makata, walang turing at pangahasBoksingero ay ibig mong sa halala’y mamayagpag;O, Mahal na Lakandiwa, tutol ako't kasalungatNg makatang naghahambog kung tumula at maghayag;Ang makatang ganyang uri’y para lamang ibong uwakNa ang ngala’y sinasambit habang siya’y lumilipad.

Sakali man na si Manny, may magandang kapalarangMaging isang boksingerong dinakila sa suntukan;Bakit siya isusubong pumalaot sa halalan,Sa maruming politikang likmuan ng tampalasan?Lakandiwang ngayong gabi’y may anyayang mahinusay,Kung ako ay tinatanggap, handa ako sa tulaan.

LAKANDIWA:

Malugod kang tatanggapin kung ang iyo ngayong dalaAy kampilan ni Balagtas at tulaing magaganda;Umakyat ka sa tanghalan at sabihin kung sino ka,Saka dito’y ipagtanggol ang panig mong buong-sigla;

Kung ikaw ay desididong sa tulaa’y lumusob na —Hinihiling ko sa madla'y palakpakang masagana.

HINDI DAPAT: (Sa ibabaw ng tanghalan – Pagpupugay)

Mula ako sa Batangas, mga lipi ng TagalogSa ang tula’y inaawit kung ang puso’y nadudurog;Ang ngalan kong isinuga ng tadhana sa bulaosAy si Lamberto B. Cabual na binubo sa pag-irog;Ang tanong ng Lakandiwa’y sasagutin kong masinop:Aayaw ko na si Pacquiao sa halala’y manibulos!

LAKANDIWA:

Yamang dito’y may makatang kapwa handang manaludtodAt ibig na magpasiklab sa maraming nanonood;Itong panig nitong Dapat ang una kong itatampokNa si Manny ay tulutang sa halala’y makilahok;Sa pagtindig ni Pulmanong may giting at lakas-loob,Palakpakang masigabo ang sa kanya ay isuob.

DAPAT: (Unang Tindig)

Sa ilalim ng Saligang Batas nating umiiral,Ganito ang nakasaad na tadhanang buong-linaw:Hindi pwedeng maihalal na pangulo ang sino man,Maliban kung siya'y isang Pilipino nang isilang;Botante syang rehistrado, Pilipinas ang tirahan,At marunong na magsulat at magbasa... Si Pacquiao yan.

Sinadya ng nagsiugit ng sagradong KonstitusyonNa bigyan ng tsansang patas ang sino mang may ambisyon;Na maglingkod sa gobyerno at maluklok sa posisyon,Mahirap man o mayaman, kapos man o sobrang dunong;Pwede kahit ang artista, aktibista, manananggol,Ekonomist, boksingero, o anchor ng TV Patrol.

Kaya ako'y nagtataka sa makata ng BatangasNa hindi ko mapagwari ang punto ng pagbabargas;Ang People's Champ ibig ko ngang sa halalan mamayagpag,Ngunit hindi bilang bokser sa kasino ng Las Vegas;Kung di bilang Filipino, res'dente ng PilipinasAt botanteng marunong din sa pagbasa at pagsulat.

Si Manny pag nagtampisaw sa maruming politikaAy may mga nangangambang matutulad na rin siyaSa maraming politikong pagnanakaw inuuna,Para itong isang sakit na matinding makahawa; Ang alin mang karamdaman, pag ginamot, may pag-asa,Subali't kung pabayaan, pwedeng maging epidemya.

Alalaon baga, bunying katunggali, kung paanoAng labadang marurumi, sa halip na iwasan mo,Ay harapin mo at labhan, gamitan ng pampabango,Gayon din ang ating bansang nalulugmok sa impyerno;Kailangan ang matino, matapang at may prinsipyo,At si Manny 'Pacman' Pacquiao ang angkop na kandidato!

LAKANDIWA:

Unang tindig ni Pulmano’y may hagupit na panggulatSa katalong sa tingin ko’y nakadukmo sa pag-ilag;Nguni’t ako’y may akalang may sa-palos kung umiwasAng magiting na makatang nagbuhat pa sa Batangas;Sa pagtindig ni Cabual sa pagaspas ng habagat, Ang hiling ko’y palakpakang atikabo’t walang kupas. 

HINDI DAPAT: (Unang Tindig)

Hindi ako nambabargas, lalong hindi naabusoSa takbo ng politikang itinatag ng gobyerno;Di rin ako tumututol sa marangal na kataloNa Saligang Batas nati’y may tadhanang makatao; Nguni’t, banyan, mag-isip ka…ang tsampyon bang boksingero

Ay may batas na gagawin kung mahalal sa Kongreso?

Si Pacman man ay kilala…boksingerong may kalidad,Idolo ko’t idolo rin nitong aking kabalagtas;Ang mundo ng boksingerong may tagumpay na matatag,Sa mundo ng politika’y lupa’t langit yaong agwat;Kung siya ma’y may kamaong parang lintik kung ibigwas,Pagpasok sa politika’y bangkay siyang maaagnas!

Ang lengwahe ng kamao at lengwahe niyang dilaAy larangang magkaiba’t magkalayong di kawasa;Talumpati sa Kongresong matalisik at madiwa Ay iba sa pambubuntal ng kamaong walang sawa;Boksingero’y sampay-bakod, kumbaga sa manunula,Sa bulwagan ng batasang politika ng hiwaga.

At si Manny ay lumaki sa pagsasanay ng boksing,Nagbuhos ng kakayahan at tiyagang buong-giting;Oo, siya’y nagpunyagi’t ang tagumpay nang sapitinAy inulan ng papuring bantayog ng dangal natin…(Bawa’t tao’y kanya-kanya ng maselang na tungkulingItinakda ni Bathalang masinop na talimahin.)

Ganyan din ang politikong hinuhubog ng panahon,Simula sa pagkabatang maghanda sa kanyang misyon;Kung matukso’t magahaman sa salaping sangkabunton,Mananagot siyang tiyak pagdating ng Armagedon;(Manny Pacquiao, makinig ka: “Politika ay patibong—Lumagi ka, sa boksing mong biyaya ng Panginoon!”)

LAKANDIWA:

Ibig yatang magkahalo ang balat sa tinalupan,Nang tumindig ang makatang napatanyag sa Batangan;Nguni’t itong kabalagtas na may dupil sa tulaan,Tila ibig nang sumagot at gulpihin ang kalaban;Sa pagtindig ni Pulmanong may unos na tangan-tangan,Palakpakan natin siya’t sa pagtula’y nang ganahan.

DAPAT: (Ikalawang Tindig)

Unang banat pa lang nitong kalaban kong may amnesia,Nalimutan na kaagad kung ano ang aming tema;Anya, bayan, kung si Manny ay mahalal, mag-isip ka...Aba, bayan, pagboto mo't di pagboto'y bahala ka!Iya'y iyong karapatan, ang kay Manny nama'y iba:Dapat ba s'ya o di dapat pumasok sa politika?

Magkaibang lubha, ayon sa makatang Batangueño,Lengwahe ng kongresista't lengwahe ng boksingero;Sa interbyu, kahit Ingles ni Manny ay kumakanto,Nakatigil, nakatutok sa TV ang buong mundo;Beteranong mambabatas kaygagaling magdiskurso,Ngunit sino'ng nakikinig? At sino ang may respeto?

Malabis na minaliit ng katalong mapangutyaAng purol ng pag-iisip ng idolo nating madla;Mga turo ng Bibliya nalimutan na rin yataNa ang tunay na talino sa Maykapal nagmumula;Si Manny ay maka-Diyos, di n'ya ikinahihiyaAng magdasal di gaya ng mga trapong walang hiya!

Sa tanong ng kalaban kong "Ang tsampyon bang boksingeroAy may batas na gagawin kung mahalal sa Kongreso?"Sa aklat ng Lumang Tipan, sa bahagi ng Eksodo,Bukod pa sa Sampung Utos, may iba pang libu-libo;Na batas na naisulat, alam mo ba ng kung sino?Si Moises na isang pastol, gabay niya'y Diyos mismo!

LAKANDIWA:

Lumalao’y gumaganda itong ating Balagtasan,Kaya ako ay titigil na lagi na sa pagitan;Papagitna lamang ako kung talagang kailangan,Nang di sila maabala sa maalab na sagutan;Ang titindig ngayong muli sa pagbigkas na mainamAy si Cabual ng Batangas — palakpakan ang ialay.

HINDI DAPAT: (Ikalwang Tindig)

Hindi dapat na manangan sa pagiging isang tanyagAng idolong boksingero nitong ating bansang liyag;Kabalagtas, ilingap mo ang pananaw at magmatyagNa boksing at politika’y parang sagang walang tapyas;Boksing ngani ay mapula nguni’t itim ang kabiyak,Ang ulap ng politika ay kay Manny magbabagsak.

At sapagka’t sa botante’y marami pang dungo’t mangmang,Si Pacquiao ay maaaring sa eleksyon magtagumpay;Kung sakaling mananalo: anong ating aabangan —Ang gagawin kaya’y ano sa Kongresong kalalagyan?Mga pagak na artistang nahalal sa katanyagan —Kabilang na siya roon — na malimit pagtawanan!

Sa Senado’t sa Kongreso ang “Artista” ay tama na,Huwag nating pabayaang komedyante…dagdagan pa;Kung si Manny ay may budhing makabayang sumisinta,Di na siya magmimithing sa halala’y mag-abala…(Sa distrito-politikal ng Mindanao na kay sigla,Ay ano ba ang gagawing pamalakad na maganda?)

Manunungkulan ba siya sa tulong ng tagapayoAt bungkos ng alipores na kampon ng mga tuso?Sila-sila’y may adyendang pansariling itotodo —Baligho ang mangyayari…magboksing man sa Kongreso!(Si Pacquiao ay pagpugayan bilang bidang boksingero,Subali’t sa politika…batuhin ng mangga’t puto.)

 DAPAT: (Ikatlong Tindig)

Marami ngang dungo't mangmang sa botanteng mamamayan,Marami ang nabibili ng salaping kumikinang;Marami rin ang may utang na loob na tinatanaw,At maraming hindi hamak ang uhaw sa katarungan;Kahinaan ng lipunang sinasamantala namanNg pinunong tanging hangad sarili ang paglingkuran.

Ito'y mga kahinaang naghahanap ng unawa,Kahinaang humihingi di ng limos o ng awa;Kahinaang naghihintay ng matapat na kalinga,Kahinaang si Pacquiao lang ang pag-asa nitong bansa;Isang bansang nananabik maibalik ang tiwala,Sa gobyernong malaon nang ang dangal ay nawawala.

Bakit silang mga dungo at mangmang ay pumapatol

Sa artista't boksingerong kapwa nila di marunong?Sa kanila nasisilip ng botanteng nagugutomAng pag-asang di matanaw sa henyong administrasyon;Kahit hungkag na pag-asang bunga lamang ng ilusyon,Kapalit ng nakaupong hanggang buto ang korapsyon.

HINDI DAPAT: (Ikatlong Tindig)

Kung si Manny ay talagang may hangaring makatulongSa bansa at kababayang nakaharap sa daluyong;Limutin ang politika!  Bumuo ng isang layonNa magtayo ng Youth Center na sa bayan nauukol;May karate, boksing, tenis, paglalangoy at basketbol —Kompleto sa pasilidad — ako’y diyan kasang-ayon.

Sa ganito’y malalayo ang kumpol ng kabataanSa hibo ng bisyo, droga, basag-ulo’t kahalayan;Magagawa niya ito…tutulong ang karamihangFoundation sa ating bansang makatao’t makabayan;(Hindi ba’t sa Paranaque, Training Center ay kay inam,sa sikap ni Flash Elorde, sa boksing din hinangaan?)

Di naabot ni Elorde ang kay Pacquiao na naabotSa tugatog nitong boksing na tila ba gintong bundok;Subali’t si Flash Elorde ay may diwa’t niloloobNa sa baya’t kabataan magmalasakit nang lubos…(Di pagtulong ang kay Pacquiao na hangaring binubunsod,Manapa’y self-aggrandisement—parang matsing naglalagot!!!)

DAPAT:

Maganda ang panukala at payo ng kabalagtas,Yan nga'y kaya niyang gawin, ngunit bakit tinatagpas;Bakit nililimitahan ang kaniyang abilidad?Bakit tanging ang pagiging boksingero'y itatatak?(Siya nama'y may talento sa iba ring kapasidad,Rekording nya't pelikula'y tinangkilik din ng lahat!)

Kung siya ay nanatiling boksingerong pang-amatyur,Di nagsikap na maging pro at umakyat ng dibisyon;

Kung siya'y di pinayagang sa kanbas ay makatuntong,Walang Manny Pacquiao tayong bayani ng buong nasyon;Ganyan din sa politikang masusubok lang ang bisyon,Kung hindi mo pagkaitan ng tsansa't pagkakataon.

HINDI DAPAT:

Tsansa at pagkakataon? — nakuha na niyang lahat,Nang magboksing, mag-artista't mag-commercial na palabas;Ayaw pa ba naman niya sa tayog ng pagkatanyag?At gusto pa na sa langit ang kapritso’y makalampas; (Samantalang itong bayan — ibong sawing umiiyak,Kasakimang bagamundo’y may parusang nakagayak.)

Sa ngalan ng politika’y hindi lamang yaong pusoAng marapat na ibigay sa kabayan at kabaro;Kailanga’y self-expression — kakayahang katutubo —Si Pacquiao ay wala niyan, totohanan man o biro;Di ko hangad na ang tanyag na si Manny — mabalaho,Ihahantad ng kalaban kapintasan niya’t baho!

DAPAT:

Hindi siya naghahangad ng higit pang katanyagan,Nais lamang makatulong sa bayan nyang minamahal;Kapintasan niya't baho di na dapat pagpistahanNa tila ba mas matino ang maraming iba riyangMapoporma, magagaling, mahuhusay, mararangal,Ngunit sobrang mangurakot at ang mukha'y makakapal!

HINDI DAPAT:

Ang mukha nga ay kakapal kapag laging ipipilitSi Pacquiao sa politikang may tala nga’y walang langit;Walang salang masisira ang imahen niya’t kisig,

At sa hangad na kagitna ay sansalop ang mapalis;Masasayang ang inimpok na dignidad at dolyaresNg idolo nitong lonang parisukat na malinis.

DAPAT:

Si Manny ay nagkukusang masagip ang Pilipinas,Ikaw nama'y mas pursiging si Pacquiao ang mailigtas;Gumastos man sa kampanya si Pacman ng limpak-limpak,Sa sariling pawis mula at di galing sa kulimbat!

HINDI DAPAT:

Di man galing sa kulimbat, ang salapi’y masasayang,Kung gastusin sa kampanyang may nag-ambang kasalanan;Gugulin na ang dolyares sa proyektong maiinamNa para sa mga dukha’t di sa bugok na halalan.

DAPAT:           

Proyektong mas matutupad pag si Manny ay nahalal,Bilang meyor, gobernador, na pwesto ring politikal.

HINDI DAPAT: 

Politikal niyang pwesto kung ano mang kahinatnan,Pipingas sa dangal niya at sa ating kabansaan.

DAPAT:

Dating dukha, ramdam niya ang dusa ng mamamayan,Simbolo sya ng pag-asa ng sikmurang kumakalam.

HINDI DAPAT: Kumakalam na sikmura'y patay-mali sa pag-asam,Tinatanaw na simbolo – bantayog ng dusa't panglaw!

DAPAT:

At kanino pa aasa ang mahirap?  Sa mayaman?Sa matayog yaong aral kahit na nga mapanlamang?

HINDI DAPAT: Kung si Manny ay idolong pag-asa ng karukhaan,Hindi dapat na "pagamit" sa kuhila’t salanggapang.

DAPAT:

Silang sukab, salanggapang at sipsip ang pagbawalan!

HINDI DAPAT:

Pagbawalan mo si Manny sa hibo ng kahibangan!

DAPAT:

Makulit ka! Kung gusto mo, tayo na lang magsuntukan!

HINDI DAPAT:

Ang suntok ng Batanggenyo’y simbagsik ng bulkang-Taal!

DAPAT:

Iboto si Manny Pacquiao!!

HINDI DAPAT:

Ang isip mo’y baliw…hibang!!!

LAKANDIWA:

Magsitigil kayo ngayon kung ayaw na mahambalos,Imisin ang mga kalat, bibilangin na ang puntos;Lumalalim na ang gabi at kayo na'y namamaos,Baka tayo abutin pa ng manok sa pagtilaok;Kababayang kanina pa matiyagang nakatutok,Paulanan ng palakpak ang dalawang nagpanuntok.

Alin man sa politika at boksing ay mayrong dangalNgunit knockout kapag sila'y kombinasyong pinagsabayPagkat hindi maaaring paglingkuran ng sino manAng dalawang panginoon sang-ayon sa Bagong TipanAng panahong gugugulin sa gobyrerno pag nahalalHindi pwedeng isisingit sa ensayo twing may laban.

Sa boksing ang buong bansa – sundalo man o rebelde,Oposisyon o pro-Gloria – napag-isa na ni Manny;

Pati mga mandurukot at pulis na nanghuhuli,Sa TV ay nakatutok, tahimik ang bawat kalye;Ang ganitong di nagawa ng sibilya't militari,Parang bulang sasambulat sa eleksyon kung sasali.

Naiangat na ni Pacquiao ang imahe nitong bansa,Huwag sanang matukso pang mag-anyaya ng pagkutya;Bayani na siya ngayon sa mata ng buong madla,Huwag sanang magpasulsol sa kati ng ibang dila;Nguni't ako'y nalilihis sa tungkuling nakatakdaBilang isang tagahatol sa dalawang nagpambangga.

Si Pulmano ang may sabing sa usapang nakalahad,Paglahok sa pulitika ni Pacquiao ay nararapat;Ito nama'y tinutulan ni Cabual na hindi payag,Dahil ayaw anya niyang idolo ay mapahamak;Sino nga ba sa kanila ang higit na nakaangat,At dapat na maging kampeon sa labanang walang puknat?

Atin muling sariwain ang katwirang isinaysay,Ng makatang taga-Biñan na Dapat ang pinanigan;Si Pacquiao daw ay simbolo ng pag-asang di matanawNg botanteng nangangarap maahon sa karukhaan;Di raw sagwil sa hangaring maglingkod sa kababayan,Ang alam na kakarampot dahil Diyos ang gagabay.

Niliwanag ni Rafael na ang paksa'y nakatuonSa kung dapat o di dapat na lumahok sa eleksyon;O pumasok sa politics si Pacquaio na boxing championNa aniya'y karapatang personal ng may ambisyon;(Kung dapat o hindi dapat iboto sya'y ibang tanong,Na botanteng mamamayan naman anya ang hahatol.)

Karapatang magsumiksik sa tanggapang politikal,Konstitusyon mismo natin malinaw daw na sandigan;Paggalang ng mga tao kay Manny ay gayon na lang,Maski Ingles butaw-butaw, buong mundo'y nagpupugay;Sa halip na awatin sya dahil baka "gamitin" daw,Silang mapagmanipula ang dapat na ipagbawal.

Panig naman ni Lamberto ng Batangas na nagtanggol,Sa Di Dapat ang katwirang busisiin natin ngayon:Sa larangan daw ng boksing si Manny nga'y isang kampeon,Subali't sa politika magmumukha siyang kengkoy;Hindi na raw kailangang maghangad pa ng posisyon,Kung talagang nais lamang sa bayan ay makatulong.

Mga proyektong pang-isports ang dapat daw pagtuunan,Sa halip na politikang patibong sa kanyang dangal;Binanggit na halimbawa'y Flash Elorde ng nagdaanNa nagsikap makatulong ilayo ang kabataanSa bitag ng mga bisyong naglipana sa lipunan,Itinayong Training Center, marami ang nakinabang.

Kahit na raw makatao ang saligan nating batas,Ang boksing at politika ay lupa't langit ang agwat;Ang bagsik ng kamao nyang mabangis at walang habag,Sa larangan ng suntukan ay di pwedeng ipantapat;Sa talas ng pag-iisip at dulas ng pangungusapNa puhunan sa kongreso ng hinog na mambabatas.

Tungkulin kong Lakandiwang sa nagtalo ay igawadAng hatol na mahalaga nang maingat na maingat;May matuwid si Rafael sa pagtulang mabanayadNa si Pacquiao sa halalan ay tumakbo at mangarap;Nguni't dito kay Lamberto na ang diwa'y nagniningas,Katwiran din na si Manny sa eleksyon ay di dapat. Anupa nga't wala akong maitulak at kabigin,Kapwa sila may magandang ninanasa at layunin;Nangangamba tuloy akong ang sinuma'y siphayuin,Pagkat baka mapintasan at bansagang walang turing;Ang hiling ko'y palakpakan sila't huling tagubilinAy kayo na ang humatol – ang mabuti ay pulutin!

PAMAMAALAM: 

Sa nakalipas na mga sandali ay sumainyo ang...Balagtasan! Magpadala ng inyong hatol sa Balagtasang ito...At habang papalayo ang kumakaway naming mga kataga...alalahanin nating ang masining na Filipinas ay mayaman sa Balagtasang walang kamatayan.  Salamat sa inyong pakikinig...

PAKINGGAN ANG BINIGKAS NA BERSIYON

IKAW, KABAYAN... ANO ANG IYONG HATOL?Mag-email sa amin ng iyong opinyon

HATOL NI JOJO

let him find out for himself. nobody knows manny than himself. Manny, manny, manny... for Congress!

Jojo PulmanoMicronesia / July 7, 2009 - via Facebook

HATOL NI SHIELA

he shouldn't...mag-boxing na lang sya..

Shiela Marie OliverioMicronesia / July 5, 2009 - via Facebook

HATOL NI EMMA

I think Manny should leave the politics alone. He may or may not be a good polotician, his intention might be good, but he will be surrounded by corrupt people. Baka mahawa pa siya...He doesnt need the money, but tingnan mo naman ang mg politician natin, maski mayaman pa sila eh panay panay pa rin ang pang kurakot nila. Maybe if he is in a country where there is no corruption baka puwede pa and his name will not be tainted by corrupt people around him.

We never know, maybe Manny will be good for the Phillipines. But every politician starts with a good intention but gets lost along the way, gets swept by the wave or maybe the tsunami of corrpution. Sabi nga ni isang artista diyan sa comedy na napanood ko: birds of the same feather, makes a good feather duster...hindi na birds of the the same feather flock together.

Emma BarclayAustralia / June 22, 2009 - via Yahoo! Group forum

HATOL NI JOSEPHINE

Kahanga-hanga ang mga talento ninyo sa pagkatha ng tula na bihirang talento na sa ngayon.  Sana maiparating ninyo kay Manny Pacquiao...para maging gabay niya sa pagdedesisyon niya at pakisama na din sa pagpaparating sa kanya ang aking "Open Letter To Manny Pacquiao," paano nga ba natin maipararating?  Kasi sayang lang na tayo lang ang makakabasa, mas dapat kasi si Manny Pacquiao ang makabasa nitong mga malasakit nating payo sa kanya...ang opinyon ko ay mas dapat siguro hindi na niya pasukin pa ang politika...hindi naman iyon sa paghamak sa kanyang kakayahan sa larangan ng politika...Boksing ang special talent na ibinigay sa kanya ng Diyos, kaya iyon ang gamitin niya...Sabi nga, stewards tayo ng mga talentong ipinagkaloob sa atin ng Diyos a iba-iba sa bawat tao, wag tayong maging sakim na lahat ay pasukan...Pagyamanin natin ang sadyang ibinigay...bagama't hindi din naman maling sikaping lahat ng talento ay may matutunan tayo kahit tag kakaunti nuong wala tayo...sa palagay ko, the best we can do is find our real talents to steward productively for God's glory and God will take care of the rest...

Josephine Castelltort-JayloPhilippines / June 21, 2009 - via Yahoo! Group forum

HATOL NI RAMIL

Maganda ang paksa at napakahusay ng tagisan,Kaya mahirap pumanig at pumagitna sa timbanganNgunit bantulot man akong humatol sa balagtasan,Sa bansa ay tungkulin ko ang magpahayag, makialamBaka sakaling makatulong at kanilang pagbatayanPayo sa mga botante at sa idol ng bayan.

Sa balagtasa'y panig ako kay kabayang Cabual,Na sa pagtulong di kailangang ikaw ay mahalal;Maraming paraan ng pagtulong at pagmamahal,Ngunit hindi na kabilang ang kabulukang politikalLingkod daw ng bayan kung magyabang at dumaldalSa totoo'y mga ganid, mga linta at pusakal!

Kung si Pacman ay matatag sa sariling prinsipyoAt tunay na hangarin ay makatulong, magsakripisyo,Huwag syang magpagamit sa mga trapong politiko,

Maglingkod at tumulong kahit wala sa kongreso;Di naman kumandidato mahuhusay na pilantropoNgunit di matatawaran ang tulong sa madlang-tao!

Elepanteng lumilipad, nakakatakot panoorin,Asong sumisiyap, kumakahol naman si muningMay dahilan ang langit sa bawat katangiang angkinSi Manny Pacquiao ay nakalaan sa larangan ng boksingYun ang biyaya sa kaniya at dun siya magalingPolitika ay iwaksi na, hoy Pacman aba'y gising!

Ramil Ilagan

Micronesia / June 13, 2009 - via email

HATOL NI BHENG

Tila hindi gaanong nasakyan ng panig ng DAPAT ang paksa, o sinadya niya itong hindi sakyan, upang magkapuntos sa pangangatuwiran.  Kapos sa puntos ng katuwiran ang nagnanais na makalahok si Pacquiao sa politika.  Totoo ang sinabi ng Lakandiwa na si Manny ay magmumukhang Kenkoy kung sakali man at mananalo siya sa halalang 2010.  Hindi siya pampolitika; sa boksing siya talagang nauukol.  Sa kapakanan niya at sa ikabubuti ng ating bansa, huwag na lamang gatungan pa si Pacquiao na pumalaot sa halalan 2010.  Siya'y totohanang magiging banyaga at maliligaw ng landas sa larangang ito.  Ayaw lamang marahil na makasakit ng Lakandiwa ng ego ng sinuman sa dalawang makata, nguni't sa takbo ng kanyang pananaludtod sa paghatol, sa wari ko'y gusto niyang papanalunin ang panig ng HINDI DAPAT. Kinakatigan ang panig ng Hindi Dapat sa kanyang mga katuwiran sa madiwa at masining pagtula.