Katipiran sa Enerhiya ng Australia Makabagong Pag-ilaw · PDF fileIsang halimbawa ng...

4
Ang National Electrical and Communications Association (NECA) ng Australia bilang kapareha ng Society of Philippine Electrical Contractors and Suppliers (SPECS) at ng Federation of Asia Pacific Electrical Contractors Association (FAPECA) ay interesado sa pagtataguyod ng impormasyon sa pinakamahusay na kasanayan ng industriya sa pagtugon sa katipiran sa enerhiya sa pag-ilaw. Ang Pamahalaan ng Australia ay naglaan ng pinansiyal na tulong upang isulong ang talakayang ito. Katipiran sa Enerhiya ng Australia Makabagong Pag-ilaw

Transcript of Katipiran sa Enerhiya ng Australia Makabagong Pag-ilaw · PDF fileIsang halimbawa ng...

Page 1: Katipiran sa Enerhiya ng Australia Makabagong Pag-ilaw · PDF fileIsang halimbawa ng inisyatiba ng pamahalaan - Pag-phase-out ng mga incandescent na ilaw ... ang mga implikasyon ng

Ang National Electrical and Communications Association (NECA) ng Australia bilang kapareha ng Society of Philippine Electrical Contractors and Suppliers (SPECS) at ng Federation of Asia Pacific Electrical Contractors Association (FAPECA) ay interesado sa pagtataguyod ng impormasyon sa pinakamahusay na kasanayan ng industriya sa pagtugon sa katipiran sa enerhiya sa pag-ilaw. Ang Pamahalaan ng Australia ay naglaan ng pinansiyal na tulong upang isulong ang talakayang ito.

Katipiran sa Enerhiya ng Australia

Makabagong Pag-ilaw

Page 2: Katipiran sa Enerhiya ng Australia Makabagong Pag-ilaw · PDF fileIsang halimbawa ng inisyatiba ng pamahalaan - Pag-phase-out ng mga incandescent na ilaw ... ang mga implikasyon ng

Ang pagpapanatili at ang kahalagahan ng katipiran sa enerhiya sa pag-ilaw.Kasama sa mga benepisyo ng pagpapabuti sa katipiran sa enerhiya ay: bawas na pangangailangan sa pamumuhunan sa imprastraktura ng enerhiya, bawas na gastos sa fuel, dagdag sa pagiging competitive, mga pagpapahusay sa kabutihan ng mamimili, pinahusay na seguridad sa enerhiya, at pagbabawas sa mga greenhouse gas na emisyon.

Ang International Energy Agency (IEA) ay nagmumungkahi na ang katipiran sa enerhiya ay magdudulot ng 65% ng lahat ng paghupa ng pandaigdigang greenhouse gas na kailangan upang makamit ang layuning 450 bahagi kada milyong CO2. Ang pag-ilaw ay sumasagot sa pagitan ng 5 at 15% ng pangbahay na enerhiya at hanggang 30% ng paggamit sa komersiyal na gusali ng enerhiya sa buong mundo, at patuloy na tumataas. Sa ilang mga negosyo, halimbawa, sa tingiang sektor, ang pag-ilaw ay sumasagot sa hanggang 80% ng paggamit ng enerhiya. Dahil ito sa mahabang oras ng operasyon at ang pangangailangang "panatiliing maliwanag ang mga bagay" at mauna sa kompetisyon.

May sakop ng mga teknolohiya sa pag-ilaw na may malawak na pagkakaiba sa pagiging episyente, pati na ang magkakaibang kahusayan sa pagitan ng magkakaibang mga produkto sa loob ng mga uri ng teknolohiya - nangangahulugan ito na may mahusay na potensiyal na bawasan ang paggamit ng enerhiya mula sa pag-ilaw habang hindi naaapektuhan ang mga lebel ng ilaw o kalidad ng ilaw.

Tinataya ng IEA na kung lahat ng hindi episyenteng pinagmumulan ng ilaw ay pinalitan ng katumbas na mga episyente, ang pangangailangan sa pandaigdigang pag-ilaw sa mundo ay magiging hanggang 40% mas mababa sa kabuuang gastos, at ang mas malaking katipiran ay matatamo sa pamamagitan ng matalinong paggamit ng mga kontrol, mga lebel ng ilaw at liwanag sa araw.

Ang pangunahing mekanismong magagamit ng mga Pamahalaan upang pabutihin ang katipiran sa enerhiya sa pag-ilaw ay sa pamamagitan ng Minimum Energy Performance Standards (MEPS). Ang MEPS ay ang pinakamababang mga pamantayan sa episyente na kailangang matugunan ng mga produkto upang mabenta.

Ang layunin ng katipiran sa enerhiya ay upang

mabawasan ang dami ng enerhiyang kailangan

upang magbigay ng mga produkto at mga serbisyo.

Page 3: Katipiran sa Enerhiya ng Australia Makabagong Pag-ilaw · PDF fileIsang halimbawa ng inisyatiba ng pamahalaan - Pag-phase-out ng mga incandescent na ilaw ... ang mga implikasyon ng

Ang Pamahalaan ng Australia ay nagpe-phase out ng mga hindi episyenteng bumbilya sa pagpapatupad ng MEPS para sa mga produktong ilaw. Ang pag-phase-out ay magdudulot ng makabuluhang katipiran sa kapaligiran at sa ekonomiya. Sa kabuuan ng Australia, ang pagkilos patungo sa mas episyenteng pag-ilaw, katulad ng mga Compact Fluorescent Lamp (CFL), ay inaasahang makatipid ng hanggang 30 terawatt na oras ng koryente at 28 milyong tonelada ng mga greenhouse gas na emisyon sa pagitan ng 2008 at 2020. Katumbas ito ng permanenteng hindi paggamit ng maliit na istasyon ng koryente na coal-fired o permanenteng pagtanggal ng mahigit sa 500,000 kotse mula sa mga kalye. Inaasahan na magresulta ito sa katipiran sa ekonomiya ng Australia nang hanggang tinatayang $AUD 380 milyon kada taon sa 2020 at magresulta sa netong katipiran nang mahigit sa $AUD 50 kada taon para sa bawat tahanan na nagpapalit ng lahat ng mga incandescent na bumbilya sa CFL.

Bilang bahagi ng pagphase-out ang Pamahalaan ng Australia ay nakikipagtulungan rin sa mga propesyonal sa industriya ng pag-ilaw at koryente upang madagdagan ang pagkakaroon ng mahusay na disenyo sa pag-ilaw. Bilang dagdag sa nakikita nang mga benepisyo sa pagbabawas ng paggamit ng enerhiya at produksiyon ng mga greenhouse gas mula sa paggamit ng mas matipid sa enerhiyang mga lampara, ang mahusay na disenyo ng pag-ilaw na nagsasaalang-alang sa pagsosona ng ilaw, lakas ng ilaw, mga ballast ng ilaw, pag-sub-meter at mga kontrol ng ilaw ay nagbibigay din sa kabuuang pagpapanatili. Bilang kasalungat, ang hindi mahusay na disenyo ng pag-ilaw ay makakapagdagdag sa konsumo sa enerhiya habang pinahuhusay ng mga gumagamit ang kanilang kapaligirang nakikita sa paggamit ng karagdagang ilaw at maaaring makadagdag sa enerhiyang kailangan upang palamigin ang gusali dahil sa mas mataas na lebel ng paggawa ng init. Ang pangangailangan upang turuan ang mga mamimili ay katumbas ng pagkamit ng nais na kalalabasan.

Bakit mahalaga na ngayon ang pagsasanay sa katipiran sa enerhiya?May mga dumaragdag na mga tusper sa lahat ng mga merkado – domestikong komersiyal at pang-industriya – na lumilikha ng lumalaking pangangailangan sa matipid sa enerhiya at/o mabuti sa kapaligiran na mga instalasyon, teknolohiya at mga produkto, kasama ang:

• Umiigting na kaalaman ng mamimili sa mga isyung pangkapaligiran at ang pangangailangan na makatipid ng enerhiya (ngunit ang karamihan ng mga mamimili ay hindi sigurado kung paano ito isagawa o ano ang mga oportunidad);

• Mga bagong pamamaraan sa katipiran para sa mga gusaling komersiyal at pampubliko na pinakilala sa mga regulasyon sa lahat ng antas ng Pamahalaan (hal. mga Kodigo ng Gusali);

• Sa karamihan ng mga bansa ang mga mamimili ay dumaragdag na ngayong humihiling ng mga opsyon sa katipiran sa enerhiya na magdudulot ng pag-unlad sa lugar at magpapababa sa gastos sa mga produkto;

• Lumalaking mga oportunidad para sa mga kontratista na hikayatin ang mga matipid sa enerhiyang instalasyon dahil sa regular silang nagmementina, nag-aayos at nag-a-upgrade ng mga instalasyon sa mga dometiko, komersiyal at industriyal na mga lugar. Ang karagdagang serbisyo na ito ay magdudulot ng pagtaas ng mga kita ng mga kontratista na nagsasagawa ng trabahong pantahanan o komersiyal;

• Ang pangangailangan sa koryente ay lumalaki domestiko sa karamihan ng mga bansa nang hindi bababa sa 4 na porsiyento kada taon; at

• Sa pagalugad ng pamahalaan sa mga inisyatiba katulad ng mga pamamaraan sa pakikipagpalitan ng emisyon o mga subsidiya sa paggawa ng alternatibong enerhiya o mga programa sa katipiran, inaasahan na ito ay magpapaigting sa pangangailangan sa katipiran sa anerhiya, partikular sa hindi domestikong mga merkado at magpapaigting sa mga gastos sa enerhiya.

Ang mga pangunahing elemento upang isulong ang pangangailangan ng mamimili ay maaaring magsama rin ng ilang kaganapan ng kumbinasyon ng sumusunod:

• Napondohan ng pamahalaan na mga inisyatiba na nagpapa-igting sa kaalaman ng mamimili at pangangailangan sa kaalaman ng mamimili at pangangailangan sa mga produkto at serbisyo na matipid sa enerhiya at mga propesyonal na may akreditasyon at

• Mga pinansiyal na insentibo para sa mga mamimili upang mamuhunan sa mga produkto at teknolohiya na nakakatipid sa enerhiya.

Isang halimbawa ng inisyatiba ng pamahalaan -

Pag-phase-out ng mga incandescent na ilaw

Ang susi sa anumang tagumpay na inisyatiba ay ang malapitang pagtatrabaho ng Pamahalaan at

industriya sa pagpapa-unlad, implementasyon at patuloy na pagsubaybay sa anumang

makabagong istratehiya.

Page 4: Katipiran sa Enerhiya ng Australia Makabagong Pag-ilaw · PDF fileIsang halimbawa ng inisyatiba ng pamahalaan - Pag-phase-out ng mga incandescent na ilaw ... ang mga implikasyon ng

Ang Mga Pangunahin sa Episyenteng Pag-ilaw Isang libreng pampublikong manwal sa pagsasanayAng layunin ng materyal sa pagsasanay na ito ay tatlong-paraan. Ang unang layunin ay upang magbigay sa puwersa ng manggagawa ng pag-ilaw at pinagsamang industriya ng paunang pananaw sa mga pangunahing prinsipyo sa pag-ilaw kung saan kasama ang pag-intindi ng mga konsepto sa pangunahing disenyo at mga sa kasalukuyang magagamit ng teknolohiya sa pag-ilaw, sa konteksto ng pagpapanatili. Ang pangalawang layunin ay upang tulungan ang mga gumagamit na maintindihan ang kahalagahan ng katipiran sa enerhiya at ang mga implikasyon ng pagpili ng produkto sa kabuuang saklaw ng pagkonsumo ng enerhiya. Naglalayon din ito na tulungan ang mga gumagamit sa proseso ng pagpili kapag tumutukoy, nagrerekomenda, nagdidisenyo at nag-iinstala ng iba't-ibang mga sistema sa pag-ilaw.

Sa mga tirahan, ang konsumo sa enerhiya ng pag-ilaw ay makabuluhang tumaas gamit ang popular na mga halogen downlight na sistema,

na tunay na hindi matipid kapag kinumpara sa dumaraming mga uri ng pangtirahang mga compact fluorescent lamp (CFL). Ito ay

isang halimbawa kung saan ang kaalaman sa pinabuting disenyo ng pag-ilaw ay maaaring magdulot ng mas matipid na mga

instalasyon.

Ang dokumentong ito ay nagpapakilala ng mga pangunahing konsepto ng pag-ilaw, at gumagalugad sa mga

pangunahing pangangailangan ng sistema ng pag-ilaw at anong mga pamantayan ang kailangang matugunan.

Pinapaliwanag din nito ang aming tinutukoy sa pagpapanatili at katipiran sa enerhiya at paano

makakapagbigay sa mga ito ang mahusay na disenyo ng pag-ilaw. Ang pamamaraan sa

detalyadong disenyo ay higit sa sakop ng dokumentong ito.

Ang Manwal ay makukuha nang libre sa Ingles at Pinasimpleng Tsino sa www.neca.asn.au o sa www.fapeca.org

Mga Ecosmart na Electrician Isang pinangungunahan ng industriyang opsyon sa pagsasanayAng NECA Australia ay bumuo at nagpatupad ng bago at makabagong pambansang programa sa pagsasanay at akreditasyon para sa mga electrician sa teknolohiyang matipid sa enerhiya, mga produkto at mga instalasyon.

Ang kurso ay binubuo ng apat na kailangang kuning mga modyul: Pamamahala ng Enerhiya; Pag-ilaw; Mga Bomba, Mga Bentilador at Mga Makina; at Solar, Pagpapa-init at Pagpapalamig.

Ang mga kontratista at mga electrician na tagumpay na makakakumpleto ng lahat ng apat na modyul ay bibigyan ng akreditasyon bilang Mga EcoSmart na Electrician na magbibigay sa kanila ng karapatang itaguyod ang mga karagdagan nilang kahusayan at magdagdag ng halaga sa mga serbisyo na hinahandog nila sa kanilang mga kostumer.

Ang pagsasanay ng Mga EcoSmart na Electrician ay patatakbuhain sa buong Australia ng NECA Australia. Ang pagsasanay ay nagsimula sa Victoria noong Agosto 2007. 1,000 mga electrician ay sinanay sa unang taon at 4,000 sa pagtatapos ng pinansiyal na taong 2011. Ang pagsasanay ay makukuha sa National Training Information Service para maihandog ng alinmang Registered Training Organisation (RTO). Makukuha rin ito mula sa makabuluhang samahan ng industriya sa New Zealand.

Ang dulugan sa pagsasanay ay libre ding makukuha para sa lahat ng mga miyembro ng FAPECA at ibang mga organisasyon sa www.ecosmartelectricans.com.au.

Ang 10 case study ay makukuha rin mula sa web site na nagtatampok ng magkakaibang mga kompanya at mga

organisasyon na nagsagawa ng mga pamamaraang katipiran sa enerhiya

sa mga negosyo nila.