KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL
-
Upload
joemer-aragon -
Category
Spiritual
-
view
1.088 -
download
62
Transcript of KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL
WELCOMEPRE-CANA SEMINAR
INIHANDA NI:BRO. JOEMER V. ARAGON
PAKSA: PANALANGIN ayon kay santa Teresa ng Avila,
“Personal na pakikipag-usap sa Diyos” ito ay oxygen ng ating kaluluwa Personal na pagbaling sa Diyos - sa
pagdarasal personal tayong tumutugon sa panawagan ng Diyos na ibigin siya.
Pagbubukas ng ating isipan at puso sa Diyos
Personal at buhay na pakikitungo ng mga anak ng Diyos sa Kanyang Ama.
Bakit kinakailangan nating manalangin o magdasal?
ADORATION- upang magpuri o magpugay sa Diyos na makapagyarihan at tagapaglikha
CONTRITION- upang humingi ng tawad sa mga nagawang kasalanan bunga ng mga kahinaan.
THANKSGIVING-upang magpasalamat sa mga biyayang tinatanggap sa araw-araw
SUPPLICATION-upang magsumamo / humingi ng tulong na bigyan ng mga pangangailangan sa buhay, lakas na maiwasang magkasala at makasunod sa kanyang kalooban
Uri ng Pananalangin
Mental Prayer- mga panalangin na sa isip lamang
Vocal Prayer- mga panalangin na binibigkas ng ating mga labi.
Mga Pangunahing Panalangin na dapat alam ng isang Katoliko
Tanda ng Krus Ama Namin Aba Ginoong Maria Luwalhati Sumasampalataya
Tanda ng Krus
Ito ay dakilang simbolo / tanda /tatak ng ating pagiging kristiyanong Katoliko. Ito ang pagkakakilanlan (identitiy) natin bilang mga binyagan katoliko. Kaya tayo, bilang mga binyagang katoliko ay nag-aantanda ng Krus upang ipahayag na tayo ay Anak ng Diyos Ama, kapatid ni Jesus at pinapatnubayan / pinababanal ng Espiritu Santo
Tanda ng Krus Ang krus ay tanda ng dakilang
pag-ibig ng Diyos sa tao. nang dahil sa pagmamahal ay ipinagkaloob ng Diyos Ama ang kanyang Anak na si Jesukristo (na nagkatawang-tao sa kapangyarihan ng Espiritu Santo)
Tanda ng Krus Tanda ng ating kaligtasan. na kung saan higit na
ipinahayag ni Jesus ang wagas na pagmamahal sa tao. Ito rin ay kapahayagan ng ating pagsamba /pagkilala sa
iisang Diyos na tatlo ang pagkapersona. Ang Diyos Ama na Siyang Tagapaglikha; ang Diyos Anak, si Jesukristo na Siyang Tagapagligtas; at ang Diyos Espiritu Santo na Siyang Tagapagpabanal at gumagabay. Ito ay ang pagpapagahay ng pinakamataas at pinakabanal na katotohanan ng ating pananampalataya. ng pagsamba sa Bnal na Santatlo habang ating inaalaala ang ginawang pagliligtas sa atin ni Jesukristo.”
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo
AMA NAMIN Ito ay huwaran o kumpletong
panalangin sapagkat nakaloob rito ang A-C-T-S
Ang Ama Namin tinatawag na Panalangin ng Panginoon sapagkat ito ang panalanging itinuro ng ating Panginoong Jesukristo sa kanyang mga apostol noong lumapit sila sa kanya at nagpaturong manalangin
Ano ang ipinahihiwatig kapag sinasabi nating ‘Ama Namin’
Nagpapahayag ito nang isang bagong pakikipag-ugnayan, nang malinaw na pagtanggap at pagpapahayag ng ating relasyon sa isa’t-isa
Ito ay pagsamba sa Diyos bilang atimg Amang Maylikha
Ano ang nilalaman ng panalanging ito?
ito ay binubuo ng pitong kahilingan Ang unang tatlong kahilingan ay nakatuon sa
Diyos at sa kanyang kaluwalhatian. Ang “kahilingan- Mo” na para sa pagsamba sa Diyos Ama.
Ang apat na huling kahilingan naman ay mag pagsusumamo / paghingi ng tulong sa Diyos Ama ng awa dahil sa ating karukhaan at mga hangarin. “Kahilingan- Namin” para sa kabutihan ng mga nananalangin
1.Sambahin ang ngalan Mo. 2.Mapasaamin ang kaharian Mo;3.Sundin ang loob Mo dito sa lupa para
nang sa langit,4.Bigyan Mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw.5.At patawarin Mo kami sa aming mga
sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
6.At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
7.At iadya Mo kami sa lahat ng masama
Aba Ginoong Maria ito ay panalangin kay Santa Maria. kinikilala natin si Maria bilang ina ni Jesus. ipinagdalang tao niya si Jesus sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo (Lk. 1:35). Siya ang gumabay kay Jesus hanggang siya ay magsimula na sa kayang misyon (Lk 2:39-40)
Itinanghal din siya bilang ating Ina (spiritual mother), tagapagtanggol at katuwang, huwaran bilang mapagkumbabang lingkod ng Panginoon at bilang banal at may kabutihang asal
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay suamasaiyo
bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen
Luwalhati ito ay isang doxolohiya na nangangahulugang
maikling awitin/ panalangin ng pagpupuri/ pagsamba sa Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo sa lahat ng panahon.
Isang panalanging nagpupuri at kumikilala sa Diyos bilang Diyos.
Ang nais ipahayag sa atin ng panalanging ito una, ang pinakamataas na doktrina / katotohanan ng ating Simbahan; ang Banal na Santatlo (Iisang Diyos sa tatlong Persona- Ama, Anak, at Espiritu Santo). Ikalawa, ang nararapat na papuri at pagsamba na dapat ilaan sa Diyos sa lahat ng panahon, habang tayo ay nabubuhay. Siya ang nagkakaloob ng lahat ng biyaya.
SUMASAMPALATAYASumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na ________ ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo iisang Anak ng Diyos___________. Nagkatawang- tao Siya ________ng Espiritu Santo, _____________ ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni ________, ipinako sa krus, namatay, inilibing, _______________sa kinaroroonan ng mga yumao; ________________, nabuhay na mag-uli, _________ sa langit, ____________ sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat; doon __________ paririto at huhukom sa ____________ at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa ___________, sa Banal na Simbahang Katolika; sa _____________ ng mga Banal, sa kapatawaran ng mga _____________, sa pagkabuhay na muli ng ____________, at sa buhay na walang hanggan. Amen
SUMASAMPALATAYA Ito ay tinatawag na ‘kredo’ Ito ay panalanging nagpapahayag ng kabuuan ng mga
katotohang pinaniniwalaan/ sinasampalatayanan ng mga Kristiyanong Katoliko.
Ito ay summary of our faith, of what we believe (buod ng ating pananampalataya, na ating pinaniniwalaan.)
Ito ay simbolo ng ating pananampalataya. Sa panalanging ito tinipon / pinagsamasama ang mga katotohanang itinuturo ng Simbahan at siyang nagbubuod ng mahahalagang katotohanang ating pinaniniwalaan.
Ito ay santatluhan (Trinitarian). Patungkolsa iisang Diyos sa tatlong Persona (One God in three divine person.)
Ito ay may tatlong bahagi na, patungkol sa Diyos Ama, Ikalawa patungkol sa Diyos Anak at Ikalto patungkol saDiyos Espiritu Santo.
1. Ang Diyos Ama bilang makapangyarihan at maylikha ng lahat2. Si Hesukristo bilang iisang Anak ng Diyos at Panginoon3. Siya ay ipinaglihi lalang ng Espiritu Santo at ipinanganak ni
Santa Mariang Birhen4. Siya ay pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus,
namatay, inilibing;5. Siya ay nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao at nabuhay na
mag-uli sa ikatlong araw6. Siya ay umakyat sa langit at naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyariahan sa lahat;7. Doon (sa langit) magmumulang paririto si Hesus sa
kaluwalhatian upang hukuman ang nangamatay at nangabubuhayna tao;
8. Ang pagsampalataya sa Diyos Espiritu Santo9. Pagsampalataya sa Banal na Simbahang katolika;10.Pagsampalataya sa kapatawaran ng mga kasalanan11.pagsampalataya sa muling pagkabuhay ng mga nangamatay na
tao; at12.Pagsampalataya sa buhay na walang hanggan.
PagsisisiO Diyos ko, ako’y nagsisisi nang buong puso, sapagkat ako’y nagkasala sa Iyo. At kinapopootan ko ang lahat ng kasalanan ko sapagkat natatakot akong di ko makamtam ang langit at maparusahan sa impiyerno. Subalit higit sa lahat, sapagkat nilapastanganan Kita, O Diyos ko, gayong napakabuti Mo at dapat kang ibigin ng buo kong puso. Nagtitika akong matibay sa tulong ng iyong grasya, na ikumpisal ang mga kasalanan ko, magpakasakit at magbagong- buhay. Amen
ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS
Ano ang pamantayan o batas? ito ay isang atas ng katwiran na
itinakda ng may kakayahan, may kapangyarihan para sa kapakanang panlipunan.
Ipinapahayag ng mga moral na pamantayan, batay sa isang moral na pananaw
Ganito ang nakasulat sa Bibliya
Katesismo Opisyal
1. Ako ang Panginoong mong Diyos: huwag kang magkaroon ng ibang mga diyos maliban sa Akin
Ibigin mo ang Diyos nang higt sa lahat
2. Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoong Diyos nang walang kabuluhan
Igalang mo ang Ngalan ng Diyos
3. Alalahanin mo ang araw ng Sabat upang pabanalin ito
Mangilin ka sa mga araw na pinangingilinan
4. Igalang mo ang iyong ama at ina.
Igalang mo ang iyong ama at ina.
5. Huwag kang papatay Huwag kang papatay6. Huwag kang makikiapid Huwag kang gagawa ng mga laban
sa kalinisan7. Huwag kang magnanakaw Huwag kang magnanakaw8. Huwag kang sasaksi ng di totoo laban sa iyong kapwa
Huwag kang sasaksi ng di totoo laban a ioyng kapwa
9. Huwag kang magnasa sa asawa ng iyong kapwa
Huwag kang sumang-ayon sa mga isipin at pagnanasang laban sa kalinisan
10. Huwag nanasain ang ari ng iyong kapwa
Huwag mong pagnasaan ang ari-arian ng iyong kapwa
UNANG UTOS
Ako ang Panginoong mong Diyos: huwag kang magkaroon ng ibang mga diyos maliban sa Akin / Ibigin mo ang Diyos nang higt sa lahat
IKALAWANG UTOS
Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoong Diyos nang walang kabuluhanIgalang mo ang Ngalan ng Diyos
IKATLONG UTOS
Alalahanin mo ang araw ng Saba upang pabanalin ito / Mangilin ka sa mga araw na pinangingilinan
IKA-APAT NA UTOS
Igalang mo ang iyong ama at ina.
IKA-LIMANG UTOS
HUWAG KANG PAPATAY.
IKA-ANIM NA UTOS / IKA-SIYAM NA UTOS
HUWAG KANG MAKIKIAPID. / HUWAG MONG
PAGNASAAN ANG HINDI MO ASAWA
IKA-PITONG UTOS / IKA-SAMPU NA UTOS
HUWAG KANG MAGNANAKAW /.
HUWAG MONG PAGNASAAN ANG DI MO
PAG-AARI
IKA-WALONG UTOS
HUWAG KANG SUMAKSI NG WALANG
KATOTOHANAN LABAN SA IYONG
KAPWA.
ANG LIMANG UTOS NG SIMBAHAN1.MAKIISA SA PAGDIRIWANG NG MISA KUNG
LINGGO AT PISTANG PANGILIN.2.MANGUMPISAL MINSAN MAN LAMANG SA
ISANG TAON.3. TUMANGGAP NG BANAL NA KOMUNYON
LALO NA SA PANAHON NG MULING PAGKABUHAY.
4.MAG-AYUNO AT MANGILIN SA MGA ARAW NA ITINAKDA.
5.MAG-ABULOY PARA SA PANGANGAILANGAN NG SIMBAHAN.
SAKRAMENTO
Banal na tanda na itinatag ni Kristo na kung tatanggapin ng mga pananampalataya ay nagkakaloob ng biyaya,
Sa binyag- Ang pagsilang sa buhay ng Diyos
Sa kumpil- katatagan sa buhay kabanalan
Sa eukaristiya- pagkain ng kaluluwa Sa pakikipagkasundo-gamot sa
kaluluwa Sa pagpapahid ng Langis sa may
sakit- kalusugan ng katawan at kaluluwa
Sa pagpapari- ang mga pinuno sa Simbahan
Sa kasal- mga mamamayang Kristiyano
Pakikipagkasundo (Jn 20:21-23)
Ang pakikipagkasundo ay isang malaking bahagi ng buhay ng tao; kung may nasirang ugnayan, kailngan ang pakikipagkasundo. Bahgi ng Sakramentong ito ang pagpapatawad sa ating kapwa; ang karanasan ng biayaya ng pagpapatawad ng isang mapagmahal na Diyos ay along malaking bahagi ng Sakramentong ito.
Inaanyayahan tayo ni Jesus na magsisisi at magkaroong ng pakikipagkasundo upang maging makabuluhan ang pagtanggap nating ng sakramentong ito.
Hakbang sa mabuting pangungumpisal PAGSUSURI NG BUDHI- humingi ng liwanag upang maalala ang
kanyang mga kasalanan mula sa huling kumpisal. Isip-isipin ang mga kasalanang nagawa
PAGSISISI NG TAOS SA PUSO SA MGA NAGAWANG KASALANAN- Ang pagsisis ang siyang pinakamahalaga sa mga humihingio ng kapatawaran. Ito’y pagsisisi ng kaluluwa at isang pagtitikang lalayuan ang kasalanan at di na magkakasala uli. Kung nagmumula sa pag-ibig sa Diyos na minamahal ng higit sa lahat, ng pagsisisi ay tinatawag na “ganap ng pagsisisi” (pagsisising pag-ibig).
PAGKUKUMPISAL O PAGSABI NG KASALANAN-lalapit sa pari upang isabi ang mga nagawang kasalanan. Ang pagtapat ng mga kasalanan sa pari ay bahaging pangunahin ng sakramento ng kumpisal: dapat isa-isahin ng mga magkukumpisal ang lahat ng kasalanang mortal na kanilang nababatid pagkatapos ng masusing pag-uusisa ng budhi.
TUPARIN ANG PARUSANG IGINAWAD NG PARI AT MANGAKONG MAGBABAGONG BUHAY-pagkatapos magkumpisal gawin agad ang ipinagagawa ng pari na kaparusahan at iiwasan ang mga bagay na maaaring ipagkasala uli.
SAKRAMENTO NG KASAL Ang sakramento ng kasal
ay ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng isang lalaki at babae ayon sa batas upang bumuo ng di mapaghihiwalay na buhay.
Ang kasal ay tinawag na sakramento sapagkat malinaw na naglalarawan ito ng pagmamahal ng Diyos sa tao.
May dalawang elemento kung bakit tinawag ang kasal bilang sakramento.
1. Sakramental na pagdiriwang (seremonya o ritu) nagsisimula ito sa pagtayo ng dalawang ikakasal sa harap
ng Diyos at mga tao upang ihayag na sila’y nagmamahalan, at ito’y malaon na nilang pinaghandaan sa malalim na pagkilala at pagmamahalan sa isa’t isa na handa nilang gawin habambuhay. Ang habambuhay na pagsasamang ito ang mabisang tanda ng mapanligtas na pagmamahal ni Kristo sa kanilang magiging anak at sa komunidad.
2. patuloy na pagsasama ng mag-asawa Ang habambuhay napagsasama ng mag-asawa ay tanda at
daan ng patuloy na pagbibigay ni Kristo ng kanyang sarili sa kanila sa pamamagitan ng walang maliw nilang pagmamahal sa isa’t-isa.
Ang kasal ay kasunduan-
tumutukoy ito sa malaya at bukal sa loob na pagpapasiya ng lalaki at babae.
ito’y tipan ng isang lalaki at babae lamang (exclusive)
Ang kasal ay pag-iisang dibdib- tinatawag din itong pagtataling puso, pag-
iisang puso at pag-iisang palad. Tumutukoy ito sa pagkakaisa ng mag-
asawa na lumalago sa pagiging bukas nila sa isa’t-isa, sa pagtanggap nila sa katangian, kakayahan, o sa maging sa kahinaan at kakulangan nilang dalawa. Ang nagbubuklod sa pagkakaisang io ay ang kanilang pagmamahal na ang modelo at pinagmulan ay ang pagmamahalan at pagkakaisa ng banal na Santatlo, ang pagmamahal mismo ng Diyos.
Ang kasal ay ayon sa batas
sibil at simbahan May mga pamantayan na
dapat sundin, kagaya ng mga papeles na dapat ayusin, mga hinihingi sa simbahan kagaya ng seminar at interview at iba pa
Ang itatag ng dalawang ikakasal ay di mapaghihiwalay na uri ng buhay - ito’y habambuhay na pagtatalaga ng sarili.
Ang DIYOS ang may akda ng kasal kaya’t “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao” kaya walang puwang ang diborsyo o paghihiwalay ng mag-asawa sa kasal sa Katolikong simbahan
May mga mahahalagang hinihingi sa mga ikinakasal o mga magiging mag-asawa
Tungkulin ng ikakasal o ng mga magiging mag-asawa ang magmahalan sa isa’t isa at itaguyod ang kanilang magiging supling.
dalawa ang pinakalauyunin ng kasal; ang pagmamahalan sa isa’t-isa (mutual love) at pagkakaroon ng supling (procreation)
pagmamahalan sa isa’t-isa / Mutual Love
Ang pagmamahalan sa isa’t-isa ang pangunahing kailangan ng mag-asawa, ito’y konkretong ipinapakita sa pagsuportaa sa pangangalangan ng magkabiyak lalao na sa kanilang katandaan.
Ang pagmamahal sa isa’t-isa ay nangangahulugan din ng katapatan. Di lamang ito nangnangahulugan ng pag-iwas sa pangangalunya kundi paglago sa pananampalataya, pagtitiwala at pag-ibig.
pagkakaroon ng supling (Procreation)
isa sa mahalagang layunin ng kasal. Ito ay pagtupad sa kalooban ng Diyos na maging kamanlilikha Niya subalit ang karangalang ito’y pinagkakaloob sa mag-asawa na nasa grasya ng sakramento ng kasal kaya di ayon ang simbahan sa live-in at trial marriages o kaya pre-marital sex. Ang karangalang ito ng kasal ay may katapat na responsibilidad, hindi lamang sa Diyos kudi sa Simbahan. Ang pagkakaroon ng anak ay tumutugon hindi lamang sa pangangailangang palaganapin at panatilihin ang lahi ng tao sa mundo at ng magkaroon ng taong sasamba sa DIYOS higit sa lahat ng ito, ang pangangailangang lumikha ng banal na miembro ng Sambayanan ng Diyos. Banal na layunin ang pagkakaroon ng supling kaya’y ang pagkitil o paggamit ng mga kontraseptibo para mapigil ang panganganak ay di pinapayagan ng simbahan liban na lamang sa mga pamamaraang itinakda nito gaya ng “Rhythm method at sexual absteninence”.
Ang konkretong pagtaguyod sa mga anak ay ang palakihin sila nang maayos, papag-aralin, turuan ng wastong asal at turuang magmahal at kumilala sa Diyos sa maikling salita, magkaroon ng Kistiyanong mga anak at bigyan ng magandang kinabukasan.
Paano isinasagawa ang sakramento ng kasal?
Sa sakramento ng kasal ang lalaki at babaeng mag-iisang dibdib ay nangangako sa isa’t-isa sa harap ng Diyos at Sambayanan na sila’y magsasama habambuhay.
(marriages vows)
O Panginoon kami po ay iyong loobing magkaisa ng kalooba’t damdamin mula ngayon sa kaginhawaan at kahirapan, sa karamdaman at kalusugan sa lahat ng araw ng aming buhay.
Samakatuwid ang ministro o ang nagkakasal ay mismo ang lalaki at babaeng nag-iisang dibdib.
Ang pari ay kinatawan lamang ng Diyos na siyang nagpapatibay at nagbabasbas ng kanilang sumpaan
ang mga ninong at ninang ay kumakatawan sa sambayanan at nangangakong susuporta sa mag-asawa upag manatili silang tapat sa kanilang sinumpaan
Mga tanda sa kasal
Sing-sing Aras
Kordon Belo
Kandila
SingsingInilalagay sa kanang palasinsingan Kasabay ng pagsuot nito ay babanggitin ang: “(N.) isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.” Ang singsing ay bilog at walang lagot na ang kahulugan ay sagisag ng katapatan at pag-ibig na walang hanggan.
Aras
“(N.) Inilalagak ko sa iyo itong mga aras na tanda ng aking pagpapahalaga at pagkalinga sa kapakanan Mo. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.”
At kung saan habang tinatanggap ito ng babae kanyang tutugunin ang kanyang esposo: “Tinatanggap ko ang mga ito at nangangako akong magiging iyong katuwang sa wastong paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan.”
Kordon
Tanikala ng pag-ibig na bumubuklod sa pagkakaisa ng dalawang pusong humaharap sa dambana. “Sa tali ng matrimonyo o kasal, ang nagbubuklod ay si Kristo”. Sagisag ng pamamalagi sa kabanalan. “Kaya hindi na sila dalawa kundi iisa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao” (Mt. 16:6).
Belo-
Sinusunong ng babae at pinapasan ng lalaki. napa-iilalim ang babae sa pagmamahal at kapasiyahan ng lalaki;
ang lalaki’y nakahanda naman magpasan ng pananagutan sa lahat ng pangangailangan at mga bagay na magpapaligay sa asawa at sa buong angkan “Mga babae pasakop kayo sa inyo-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa Iglesiya.”
Kandila- Larawan ni Kristo, ang ilaw ng
daigdig (Jn 8:12). Siya ang tumatanglaw sa buhay ng mga mag-asawang tumatawag sa knya. Ang kandila ay may apoy at liwanag. Ang apoy ay nagpapaalaala na may kaparusahan para sa mga magkabiyak na nagpapawalang kabuluhan sa kabanalan ng kasal; at may liwanag ng kaluwalhatian sa langit ukol sa mga mag-asawang naging wangis at kalarawan ng Diyos sa pamamagitan ng banal na pag-iibigan.
DIYOS
Commitment
Communication
Fidelity Love