Kataga ng Buhay
description
Transcript of Kataga ng Buhay
Kataga ng Buhay
Marso 2011
"Ako’y alipin ng
Panginoon. Mangyari sa
akin ang iyong
sinabi.“ (Lc 1,38)
Nais ng Diyos na ipahayag sa bawat isa sa atin ang tunay nating pagkatao tulad ng ginawa
Niya kay Maria.
“Nais mo bang gawin kitang isang obra-maestra, pati rin ang buhay mo?” Tila ito ang tanong Niya sa atin. “Kung gayun, sundan mo ang daan na ituturo Ko sa iyo at malalaman mo
kung sino ka sa Aking puso.
Lagi kitang nasasaisip at minahal kita mula’t sapul, tinawag kita sa iyong pangalan. Sa
pagsasabi ko sa iyo ng Aking kalooban, ipinapahayag Ko ang tunay mong pagkatao.”
Maliwanag na hindi Niya ipinipilit sa atin ang Kanyang kalooban kundi ito’y pagpapahayag ng Kanyang pagmamahal at ng Kanyang plano para sa atin. Ito ay dakila tulad ng pagiging dakila ng
Diyos, ganap na kaakit-akit tulad ng Kanyang mukha: ito ay ang Diyos na nagbibigay ng sarili
Niya sa atin.
Ang kalooban ng Diyos ay tulad ng isang gintong sinulid, isang makalangit na himig na ganap na nag-uugnay ng ating buhay dito sa lupa at sa kabila; mula sa walang-hanggan
patungo sa walang-hanggan: simula sa kaisipan ng Diyos, patuloy dito sa lupa at matatapos sa
langit.
Ngunit upang ganap na matupad ang disenyo ng Diyos, hinihingi Niya ang aking pagsang-ayon,
gayundin ang sa iyo tulad ng paghingi Niya nito kay Maria. Ito lamang ang tanging paraan upang matupad ang salita na Kanyang binigkas para sa
akin at para sa iyo. Kaya’t tayo rin, tulad ni Maria, ay tinatawagan upang magsabi:
"Ako’y alipin ng
Panginoon. Mangyari sa
akin ang iyong
sinabi.“
Totoo na ang kalooban ng Diyos ay hindi laging maliwanag sa atin. Tulad ni Maria, kailangan din
nating humingi ng liwanag upang maunawaan ang nais Niya.
Kailangan nating pakinggang mabuti ang Kanyang tinig sa ating kalooban, humingi ng
payo, kung kailangan, sa taong maaaring makatulong sa atin. Ngunit sa sandaling maunawaan natin ang Kanyang kalooban,
nais natin agad na tumugon ng “oo.”
Sa katunayan, kung naunawaan natin na ang Kanyang kalooban ang pinakadakila at
pinakamagandang katotohanan sa ating buhay, hindi tayo “mapipilitang” gawin ang kalooban ng
Diyos
kundi “ikaliligaya” natin na tupdin ang Kanyang kalooban, sundan ang Kanyang mga plano upang matupad ang kagustuhan Niya para sa atin. Ito ang pinakamaganda at pinakamatalinong bagay
na ating magagawa.
Ang mga kataga ni Maria, “Narito ang alipin ng Panginoon,” ang ating tugon ng pag-ibig sa
pag-ibig ng Diyos. Makakatulong ito sa atin na laging ituon ang pansin sa Kanya, makinig at sumunod, na ang tanging ninanais ay tupdin ang Kanyang kalooban upang mangyari ang
ninanais Niya para sa atin.
Minsan ay para bang hindi makatwiran ang hinihingi Niya sa atin. Iba ang gusto nating
gawin, nais nating magdesisyon para sa ating sarili.
Halos gusto nating magpayo sa Diyos, sabihin sa Kanya ang dapat at di
dapat gawin.
Ngunit kung ako’y naniniwala na ang Diyos ay Pag-ibig at ako ay nagtitiwala sa Kanya, alam ko na anuman ang plano Niya para sa akin at sa mga taong malapit sa akin ay para rin sa
akin at sa kanilang kabutihan.
Kaya’t ipagkakatiwala ko ang aking sarili sa
Kanya at ipauubaya ko ang aking sarili nang may buong
pagtitiwala sa Kanyang kalooban. Buong puso kong
nanaisin ang kalooban ng Diyos, hanggang sa ito ay maging bahagi ng aking sarili. Batid
ko na ang pagtanggap ng
Kanyang kalooban ay pagtanggap sa
Kanya, pagyakap sa Kanya, hayaan na ako ay Kanyang
kalingain.
Maniwala tayo na walang nangyayari na nagkataon lamang. Walang pangyayari, maging ito man ay masaya, mahirap o di-nakakabahala,
walang pagtatagpo, sitwasyon sa pamilya, trabaho, paaralan, walang kalagayang pisikal o
moral na kalusugan na walang halaga.
Sa halip, bawat pangyayari, sitwasyon at tao ay naghahatid ng mensahe mula sa Diyos. Lahat ito ay
tumutulong para sa kaganapan ng disenyo ng Diyos na dahan-dahan nating matutuklasan araw-araw, sa pagsasagawa ng kalooban ng Diyos tulad
ng ginawa ni Maria.
"Ako’y alipin ng
Panginoon. Mangyari sa
akin ang iyong
sinabi.“
Paano natin isasabuhay ang Kataga ng Buhay na ito? Ang pag-oo natin sa Kataga ng Diyos
ay nangangahulugan ng ganap at taos-pusong pagsasakatuparan ng lahat ng
hinihingi Niya sa atin sa bawat kasalukuyang sandali.
Buong puso nating ibigay ang sarili sa anumang ginagawa natin, isantabi ang lahat ng ibang bagay, iwaksi ang ibang iniisip, ninanais,
inaalala o ginagawa.
Habang ginagawa natin ang bawat kalooban ng Diyos, masakit man ito o masaya o anuman, maaari nating ulitin: “Mangyari sa akin ang
iyong sinabi”, o kaya ay tulad ng itinuro sa atin ni Jesus sa ‘Ama Namin’, “Sundin ang loob
mo.”
Sabihin natin sa simula ng bawat gawain natin:
“Mangyari sa akin”, “Sundin ang loob mo.” Sa ganitong paraan, mabubuo
natin, bawat sandali, bawat piraso, ang napakaganda at
natatanging disenyo ng ating buhay na
mula’t sapul ay nasa isipan na ng Diyos
para sa bawat isa sa atin.
"Ako’y alipin ng
Panginoon. Mangyari sa
akin ang iyong
sinabi.“ (Lc 1,38)
Sinulat ni Chiara Lubich