Kataga ng Buhay

23
Katag Katag a a ng ng Buhay Buhay Setyembre 2010

description

Kataga ng Buhay. Setyembre 2010. "Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito." ( Mt 18,22). - PowerPoint PPT Presentation

Transcript of Kataga ng Buhay

Page 1: Kataga ng Buhay

KatagKatagaa

ngng

BuhaBuhay y

Setyembre 2010

Page 2: Kataga ng Buhay

"Hindi ko sinasabing

makapito, kundi pitumpung ulit pa

nito." (Mt 18,22)

Page 3: Kataga ng Buhay

Ito ang tugon ni Jesus kay Pedro na matapos makinig sa

magagandang bagay na Kanyang

sinabi ay nagtanong: “Panginoon,

makailan kong patatawarin ang aking kapatid na

paulit-ulit na nagkakasala sa

akin? Makapito po ba?” Sagot ni Jesus:

“Hindi ko sinasabing

makapito, kundi pitumpung ulit pa

nito.”

Page 4: Kataga ng Buhay

Malalim na naantig si Pedro ng pangaral ng

Panginoon at dahil siya ay mabuti at mabait na

tao, naisip niyang sumunod sa mga turo ni Jesus. Handa siyang kumilos kahit gumawa ng isang bagay na di-

pangkaraniwan, magpatawad hanggang

makapito. [...]

Page 5: Kataga ng Buhay

Ngunit sumagot si Jesus, “... pitumpung ulit pa nito.” Para sa Kanya, ang pagpapatawad ay walang hanggan Dapat tayong magpatawad

lagi.

Page 6: Kataga ng Buhay

"Hindi ko sinasabing

makapito, kundi pitumpung ulit pa

nito.”

Page 7: Kataga ng Buhay

Ipinapaalala ng mga salitang ito ang awitin ni Lamec, na kaapu-apuhan ni Adan, “Kung saktan si Cain, ang parusang gawad sa gagawa nito’y pitong

patong agad, ngunit kapag ako ang siyang sinaktan, pitumpu’t pitong patong ang

kaparusahan”. Ganito nagsimulang kumalat ang poot sa ugnayan ng mga tao sa mundo, para itong

umaapaw na ilog na nagiging isang malawak na dagat ng kapootan.

Page 8: Kataga ng Buhay

Upang labanan ang paglaganap ng kasamaan, iminumungkahi ni Jesus ang walang-hanggan at

walang pasubaling kapatawaran na may kakayahang putulin ang pag-ikot ng karahasan.

Page 9: Kataga ng Buhay

Tanging ang pagpapatawad ang makakaputol sa kasamaan at

makakapaghandog sa sangkatauhan ng isang kinabukasan na nangangako ng

ibang bagay maliban sa sariling kasiraan.

Page 10: Kataga ng Buhay

"Hindi ko sinasabing

makapito, kundi pitumpung ulit pa

nito.”

Page 11: Kataga ng Buhay

Dapat tayong magpatawad, laging magpatawad. Ngunit ang pagpapatawad ay hindi tulad ng

paglimot, na malimit ay naglalarawan ng pag-aalinlangan na harapin ang sitwasyon.

Page 12: Kataga ng Buhay

Ang pagpapatawad ay hindi rin tanda ng kahinaan: hindi ibig sabihin nito ay bale-walain ang pagkakamali na maaaring nagdulot sa atin

ng paghihirap ng kalooban, dahil lamang sa takot sa taong gumawa nito. Ang pagpapatawad ay hindi sabihing mabuti ang isang bagay na sa totoo ay masama, o sabihing hindi gaanong

mahalaga ngunit sa totoo ay mabigat at matindi.

Page 13: Kataga ng Buhay

Ang pagpapatawad ay hindi pag-alintana. Ang pagpatawad ay isang alam at kusang pagkilos ng

kalooban, kaya’t ito’y isang malayang pagkilos. Ito ang nagtutulak sa atin na tanggapin ang ating

kapwa kung sino at ano sila sa kabila ng ginawa nilang pagkakamali sa atin, tulad nang tinanggap

tayo ng Diyos kahit tayo’y makasalanan at sa kabila ng ating mga pagkakamali. Ang

pagpapatawad ay hindi nangangahulugan na suklian ng pagkakamali ang isa. Bagkus ito ay gawin ang sinabi sa atin ni San Pablo: “Huwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng

mabuti ang masama.”

Page 14: Kataga ng Buhay

Ang pagpapatawad ay paghahandog sa nagkasala sa atin ng pagkakataon na

makabuo ng isang bagong ugnayan sa atin. Sa ganoong paraan, pareho tayong

makakapagsimula muli, at mararanasan natin ang isang kinabukasan kung saan hindi ang

kasamaan ang may huling salita.

Page 15: Kataga ng Buhay

"Hindi ko sinasabing

makapito, kundi pitumpung ulit pa

nito.”

Page 16: Kataga ng Buhay

Paano natin isasabuhay ang mga salitang ito? Tinanong ni San Pedro si

Jesus, “Makailan kong patatawarin ang aking kapwa?”

Page 17: Kataga ng Buhay

Nang sumagot si Jesus, iniisip Niya, higit sa lahat, ang ugnayan ng mga Kristiyano,

ng mga kasapi sa iisang sambayanan.

Page 18: Kataga ng Buhay

Kaya, ganito dapat ang pagkilos natin, una sa lahat, sa mga nakikibahagi sa ating

pananampalataya, sa ating pamilya, sa trabaho, sa paaralan, at sa iba pa. Alam natin na sinumang

nasaktan ay malimit natutuksong gumanti, at gamitin din ang ganoong salita o pagkilos.

Page 19: Kataga ng Buhay

At alam natin na kahit ang mga sarili nating kasambahay ay malimit na nagkukulang sa

pagmamahal dahil sa pagkakaiba ng katangian, kabagutan, o iba pang dahilan. Kaya’t huwag nating kalimutan na tanging ang patuloy at

pinaninibagong saloobin ng pagpapatawad ang makakapagbalik ng kapayapaan at pagkakaisa.

Page 20: Kataga ng Buhay

Lagi tayong matutuksong isipin ang kakulangan ng kapwa, alalahanin ang nakaraan, at iniisip natin na sana ay kaiba sila sa kung anong sila ngayon. Ngunit kailangan nating matutunang

tingnan sila nang may bagong mata, makita sila bilang bagong tao, at lagi silang tanggapin agad nang walang pasubali, kahit hindi sila magsisi.

Page 21: Kataga ng Buhay

Maaari mong sabihin, “Mahirap

iyon!” Tama ka. Ito ang hamon ng ating buhay Kristiyano. Sa

totoo lang, sumusunod tayo sa

isang Diyos, na noong mamamatay

na sa krus ay humiling sa Ama na patawarin ang mga taong nagtulak sa

kanya sa kamatayan. At Siya ay muling nabuhay mula sa mga patay.

Page 22: Kataga ng Buhay

Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Magsimula tayong mamuhay nang ganito. Makakatagpo tayo

ng kapayapaan at kaligayahan na hindi natin kilala at hindi pa nararanasan.

Page 23: Kataga ng Buhay

"Hindi ko sinasabing

makapito, kundi pitumpung ulit pa

nito." (Mt 18,22)

Sinulat ni Chiara Lubich