Kasaysayan Ng Pilipinas

19
KASAYSAYAN NG PILIPINAS Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ngHomonhon , sa timog-silangan ng Samar noong Marso 16 , 1521 . Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565 , at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon . Nagtatag ng isang syudad (town) sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo . Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896 , na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas . Ngunit ang Kasunduan sa Paris , na naganap sa katapusan ng Digmaang Espanyol- Amerikano , ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos . Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899 , kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905 . Ang parsyal na pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945 . Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig . At pagkatapos ng pagkatalo ng mga Hapones noong 1945 . At ang huling pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945 . Kaya ang ganap na kalayaan ay iginawad lamang sa Pilipinas noong Hulyo 1946 . Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, ngunit nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagdeklara ng batas militar noong 1972 . Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawak na kurapsyon at pang-aabuso ng mga tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa EDSA noong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas sa Hawai'i lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya nanatili hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik ngdemokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula ang panahong iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pulitika at humina angekonomiya ng bansa . Unang Kasaysayan

description

kasaysayan

Transcript of Kasaysayan Ng Pilipinas

Page 1: Kasaysayan Ng Pilipinas

KASAYSAYAN NG PILIPINAS

Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga

tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating

ni Ferdinand Magellan sa pulo ngHomonhon, sa timog-silangan ng Samar noong Marso 16, 1521. Nagtayo ng mga

permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang

mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon.

Nagtatag ng isang syudad (town) sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal

ng tatlong siglo.

Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa

proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit ang Kasunduan sa Paris, na

naganap sa katapusan ng Digmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos.

Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang

limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Ang parsyal na pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa

isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula

sa komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong

panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. At pagkatapos ng pagkatalo ng mga Hapones noong 1945. At ang huling

pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas

mula 1944 hanggang 1945. Kaya ang ganap na kalayaan ay iginawad lamang sa Pilipinas noong Hulyo 1946.

Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, ngunit nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling

taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping diktatoryal ni Pangulong Ferdinand

Marcos na nagdeklara ng batas militar noong 1972. Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na

si Ronald Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang

administrasyon sa malawak na kurapsyon at pang-aabuso ng mga tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa EDSA noong

1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas sa Hawai'i lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados

Unidos, kung saan siya nanatili hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik ngdemokrasya sa bansa. Ngunit nang

nagsimula ang panahong iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pulitika at humina angekonomiya ng bansa.

Unang Kasaysayan

Mag-asawang Tagalog na mgamaharlika.

Page 2: Kasaysayan Ng Pilipinas

Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.[1] Naganap pa ang iba pangmigrasyon sa

pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon.[1]

Naging laganap ang sosyal at pulitikal na organisasyon ngpopulasyon sa mga pulo. Ang mga magsasaka lamang

ngHilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo.[1] Ang simpleng yunit ng pamahalaan ay ang barangay,

na isang grupong pinamunuan ng isangdatu. Sa isang barangay, ang mga sosyal na dibisyon ay ang mga maharlika,

kung saan kasama ang datu; ang mga timawa; at ang mga alipin. Maraming kategorya ang mga alipin: ang mga

magsasakang walang lupa; ang mga timawang nawalan ng kalayaan dahil sa pagkakautang o parusa sa krimen at ang

mga bihag ng digmaan.[1]

Dinala ang Islam ng mga mangangalakal at mga misyonaryo mula sa Indonesia.[2] Noong ika-16 dantaon, matatag na ang

Islam sa Sulu at lumaganap ito mula sa Mindanao; nakarating ito sa Maynila noong 1565.[1] Kahit kumalat ang Islam

sa Luzon, ang pagsamba pa rin sa mga anito ang relihiyon ng karamihan sa mga pulo ng Pilipinas. Dinala ng mga Muslim

ang pulitikal na konsepto ng mga estadong pinamunuan ng mga raha at sultan. Ngunit ang mga konsepto ng mga Muslim

at ng mga magsasaka ng Hilagang Luzon ng teritoryalismo ay hindi lumaganap sa ibang lugar.[1] Nang makarating ang

mga Kastila noong ika-16 dantaon, karamihan sa humigit-kumulang na 500,000 katao ay nanirahan sa mga panirahang

barangay.[1]

Pamumuno ng Espanya (1521-1898)

Pangunahing lathalain: Kasaysayan ng Pilipinas sa Panahon ng Pamumuno ng Espanya

Mga unang expedisyon ng Espanya

Ferdinand Magellan na nakarating sa Pilipinas noong 1521.

Estatwa ni Lapu-Lapu na nakatayo sa lugar kung saan napatay daw si Magallanes noong 1521.

Page 3: Kasaysayan Ng Pilipinas

Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng expedisyon ng mga Español na pinamunuan

ng Portuges na si Ferdinand Magellannoong Marso 16, 1521. Pumalaot si Magallanes sa pulo ng Cebu, inangkin ito para

sa Espanya, at binigyan ito ng pangalan na Islas de San Lazaro.[3]

Magiliw siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal nadatu. Nagdaos pa sila ng tradisyonal na sandugo kung saan

pinalalabas ang dugo sa braso, inihahalo sa tubig o alak at iniinom nilang magkasama. Sa ganitong paraan, ang dugo ng

kasama niya ay nasa kanyang mga ugat na ginagawa silang "magkapatid sa dugo", isang sagrado at hindi pwedeng

ipawalang-bisa na kasunduan. Nakumbinsi pa ni Magellan na maging Kristiyano.[3] Nagawa niya itong gawin kay

Humabon ng Cebu dahil sa Kristiyanismo, ginagalang ng mga bata ang mga matatanda. Ito ang nag-enganyo sa

konbersyon dahil noong panahong iyon ay hindi iginagalang ng mga bata ang matatanda dahil wala na silang

magagawang mabuti sa tribu. Ang mga kabataan ang nag-uutos sa mga matanda. Nagpakita ito ng isang mahalagang

pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagwagi si Magallanes laban kay Humabon sa pamamagitan ng pagdadala ng

bagong kultura na nagpapahalaga sa dignidad ng tao.

Ngunit, napatay si Ferdinand Magellan ng pangkat ni Lapu-Lapu, na tumutol sa pamamahala ng Espanya. Hinamon ni

Magellan si Lapu-Lapu sa isang labanan, upang ipakita kung paano lumaban ang mga Europeo. May tatlong dahilan kung

bakit natalo si Magellan laban kay Lapu-Lapu. 1) Hindi siya nagpadala ng tauhan upang suriin ang lugar, 2) binalaan niya

ang kalaban na siya aatake at 3) pumayag siyang mas maraming tribo ang lumaban sa kanyang mga tauhan.

Sa mga sumunod na dekada, iba pang mga ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. Noong 1543,

pinamunuan ni Ruy López de Villalobos ang isang ekspedisyon patungo sa mga pulo at pinagalang Las Islas

Felipinas (mula sa pangalan ni Felipe II ng Espanya) ang mga pulo ng Samar at Leyte. Hindi nagtagal, ibinigay ang

pangalang ito sa buong arkipelago.

Kolonya ng Espanya

Ang permanenteng paninirahan ay naitatag lamang noong 1565 nang makarating ang ekspedisyon na pinamunuan

ni Miguel Lopez de Legazpi sa Cebu mula sa Mexico. Ang pamumuno ng mga Espanyol ay naitatag sa mga maliliit na

malayang pamayanan na walang alam sa pamahalaang sentralisado.[4] Matapos ang anim na taon, nang matalo ang

isang Muslim na datu, itinatag ni Legazpi ang isang kabisera sa Maynila, na nagbigay ng pangunahing daungan sa Look

ng Maynila, isang malaking populasyon at malapit sa mga kapatagan ng Gitnang Luzon.[5] Naging sentro ng pamahalaang

kolonyal ang Maynila, pati na rin ang aktibidad na pang-militar, pang-relihiyon at pang-komersyal.

Naglayag ang mga bantog na galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico. Dinala nila ang pilak at ilang

mahahalagang metalmula sa Bagong Mundo sa Maynila upang bumili ng mga pampalasa mula sa Moluccas at

ang porselana, ivory, lacquerware at sedamula sa Tsina at Timog-silangang Asya. Bagama't ginamit ang mga ito sa

Mexico, karamihan sa mga kalakal ang dinala sa Espanya, upang ipagbili sa Europa.

Ang Pilipinas ay naging lalawigan ng Nueva Espanya hanggang 1821, nang makamit ng Mexico ang kalayaan.[6]

Ang pananakop sa kapuluaan ay nagtagumpay na walang pakikipaglaban (maliban sa mga Muslim).[5] Naging problema

ng mga Kastila ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu. Bilang sagot sa pag-atake ng mga Espanyol sa

mga Muslim at kanilang mga kakampi, sinalakay nila ang mga lugar sa Luzon at Bisayas na nasa ilalim ng pamamahala

ng Espanyol. Naglunsad ang mga Kastila ng mga kampanya laban sa mga Muslim, ngunit wala itong naging tiyak na

resulta hanggang sa gitna ng ika-19 siglo.

Magkaugnay ang Simbahan at Estado noong panahon ng Kastila. Naging responsibilidad ng estado ang mga

establishimentong pang-relihiyon.[5] Isa sa mga naging layunin ng Espanya sa kolonyalisasyon ng Pilipinas ay ang

pagbibinyag ng mga tribu sa Kristiyanismo. Ang pagpapalit ng relihiyon ay naganap dahil sa kawalan ng ibang maayos na

relihiyon, maliban sa Islam, na laganap sa Timog. Ang mga seremonya ng simbahan ay naging bantog, na naging dahilan

upang mapasama ang iba't ibang pista sa tradisyong Pilipino.[5]

Page 4: Kasaysayan Ng Pilipinas

Watawat ng Nueva Espanya.

Naging sanhi nito ang pagdami ng mga Katoliko sa bansa, na tinutulan ng mga Muslim saMindanao at mga tribu sa

Hilagang Luzon (tulad ng mga Ifugao ng Kordilyera at ang mgaMangyan ng Mindoro.[5]

Ang mga Kastila ay nagtayo ng tradisyonal na organisasyon ng barangay sa pamamagitan ng mga pinunong lokal sa

mababang antas ng pamamahala. Ang istilong ito na di-direktang pamamahala ang nagdulot ng pagbubuo ng mataas na

antas ng mga Pilipino na tinatawag naprincipalia, na naging mayaman, mataas ang respeto at iba pang mga prihibelyo.

Ito ay nagpakita ng isang sistemang oligarkiya sa lokal na pamamahala. Ilan sa mga pagbabago sa ilalim ng pamamahala

ng Espanya ang pagpapalit ng ideya ng pagmamay-ari ng lupa sa konsepto ng pribadong pagmamay-ari at ang

pagbibigay ng titulo sa mga kasapi ngprincipalia.[5]

Hindi kumita ang Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya, at malapit nang maubos ang salapi ng pamahalaan dahil sa

digmaan laban sa mga Dutch at sa pakikipag-laban sa mga Muslim.[5] Ang kita ng pamahalaang kolonyal ay nanggaling

sa kalakalang galyon.[5]

Pagbagsak ng pamumuno ng Espanya

Ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas ay sandaling naputol noong 1792 nang salakayin ng mga Ingles ang Maynila

na naging sanhi ng pagpasok ng Espanya sa Digmaan ng Pitong Taon. Ang Kasunduan sa Paris ng 1763 ang nagbalik

sa pamamahala ng mga Kastila at nilisan ng mga Ingles ang bansa noong 1764. Ang sandaling pananakop ng mga Ingles

ang nagpahina sa kapangyarihan ng Espanya at nagdulot ng mga rebelyon at mga demanda para sa kalayaan.[7]

Noong 1871, itinatag ni Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas ang Economic Society of Friends of the Country.

Noong panahong iyon, ang Pilipinas ay direktang pinamamahalaan ng Espanya. Ang mga kaganapan sa loob at labas ng

bansa ay nakatulong sa pagdadala ng mga bagong kaisipan sa Pilipinas. Ang pagbubukas ng Kanal Suez noong 1869 ay

nagpaikli ng panahon ng paglalayag patungong Espanya. Naging sanhi ito ng pagdami ng mga ilustrado na naging

kasama ng mga creoles, isang mataas na antas ng mga Pilipino, sapagkat maraming mga kabataang Pilipino ang

nakapag-aral sa Europa. Itinatag ng mga illustrado ang Kilusang Propagandanoong 1882.

Naging layunin ng Kilusang Propaganda ang pagbabalik ng representasyon ng Pilipinas sa Kongreso ng Espanya

(Spanish Cortes), ilang reporma at hindi nagtagal, ang kalayaan ng bansa. Si José Rizal, ang pinakamatalino at

pinakaradikal na illustrado noong panahong iyon, ang nagsulat ng mga nobelang Noli Me Tangere at ang El

Filibusterismo, na naging inspirasyon upang matamo ang kalayaan.[4] Noong 1892, itinatag ni Andrés

Bonifacio ang Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan(KKK) na naging layunin ang

pagkakamit ng kalayaan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga Kastila. Si Bonifacio ang naging supremo (pinuno)

nito.

Page 5: Kasaysayan Ng Pilipinas

Unang watawat ng mga rebolusyonaryong Pilipino.

Emilio Aguinaldo, Pangulong ng Pilipinas mula 1899hanggang 1901.

Nagsimula ang rebolusyon noong 1896. Napagkamalan si Rizal na siya ang nagpasimula ng rebolusyon na naging sanhi

ng kanyang pagkamatay noong Disyembre 30, 1896. Ang Katipunan sa Cavite ay nahati sa dalawa, ang Magdiwang na

pinamunuan ni Mariano Alvarez (kamag-anak ni Bonifacio sa pamamagitan ng kasal, at ang Magdalo, na pinamunuan

niEmilio Aguinaldo. Ang alitan sa pagitan ni Bonifacio at Aguinaldo ang nagdulot sa pagpatay kay Bonifacio ng

mga sundalo ni Aguinaldo noongMayo 10, 1897. Sumang-ayon si Aguinaldo sa mga kondisyon ngKasunduan sa Biak-na-

Bato at siya at ang kanyang mga kasamang rebolusonaryo ay ipinatapon sa Hong Kong.

Sesyon ng kongreso ng Unang Republika ng Pilipinas.

Nagsimula ang Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898 nang pasabugin ang USS Maine at lumubog sa daungan

ng Havana, na ipinadala sa Cuba upang mabuo ng isang mapayapang resolusyon sa pagitan ng mga ambisyon ng Cuba

na maging malaya at ang kolonyalismo ng Espanya. Matapos matalo ni Commodore George Dewey  ang mga Espanyol sa

Maynila, inimbitahan niya na bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas, na ginawa niya noong Mayo 19, 1898. Nang nakarating

ang mga sundalongAmerikano sa Pilipinas, nakuha na ng mga Pilipino ang kontrol sa buong Luzon, maliban

saIntramuros. Noong Hunyo 12, 1898, ipinahayag ni Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas saKawit, Cavite, na nagtatag

ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng unang demokratikong konstitusyon  ng Asya.[4]

Kasabay nito, dumating ang mga sundalong German at idineklarang kung hindi kukunin ng Estados Unidos ang Pilipinas

bilang isang kolonya, kukunin ito ng Germany. Nakuha ng mga Amerikano ang lungsod mula sa mga Espanyol

sa Labanan ng Maynila. Ang labanang ito ang nagtapos sa pakikipag-usapan ng mga Pilipino at Amerikano, dahil sa

pagpigil sa mga sundalong Pilipino sa pagpasok sa lungsod ng Maynila, isang kilos na tinutulan ng mga Pilipino.[8] Nagpadala ng mga komisyoner ang Espanya at Estados Unidos upang pag-usapan ang mga kondisyon ng Kasunduan

sa Paris na nagtapos sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Si Felipe Agoncillo, ang representatibo ng Pilipinas ay tinanggal

sa mga sesyon dahil ang pamahalaang rebolusyonaryo ay hindi kinilala ng ibang mga bansa.[8] Kahit mayroong mga

pagtututol, nagdesisyon ang Estados Unidos na hindi isasauli ang Pilipinas sa Espanya, at hindi rin pumayag na kunin ng

Germany ang Pilipinas. Maliban sa Guam at Puerto Rico, napilitan din ang Espanya na ibigay ang Pilipinas sa Estados

Unidos bilang kapalit sa US$ 20,000,000.00, na sinasabi ng Estados Unidos na "regalo" nila sa Espanya.[9] Nagrebelde

ang Unang Republika ng Pilipinas laban sa okupasyon ng Estados Unidos, na nagdulot ng pagsiklab ng Digmaang

Pilipino-Amerikano (1899-1913).

Panahong kolonyal ng Amerikano (1898-1946)

Page 6: Kasaysayan Ng Pilipinas

Isang karikaturang pulitikal noong 1898 na ipinapakita si McKinley, pangulo ng Estados Unidoskasama ang isang "mabangis" na bata.

Ikinukumpara dito ang pagbalik ng Pilipinas sa Espanya sa paghagis ng bata sa bangin.

Pangunahing lathalain: Pananakop ng Amerika sa Pilipinas

Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang labanan ang mga

Kastila.[10] Bilang mga magka-alyado, binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga Amerikano ng mga mahahalagang

impormasyon at suporta mula sa militar.[11] Ngunit, dumistansya ang Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino.

Hindi natuwa si Aguinaldo nang tumutol ang mga Amerikano na suportahan ang kalayaan ng Pilipinas.[11] Nagwakas ang

relasyon ng dalawang bansa at tumaas ang tensyon nang naging malinaw ang pakay ng mga Amerikanong manatili sa

mga pulo.[11]

Digmaang Pilipino-Amerikano

Pangunahing artikulo: Digmaang Pilipino-Amerikano

Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero, 1899, matapos patayin ng dalawang Amerikanong

sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.[12] Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa

digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-Amerikano.[4] Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang

lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa

isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng mga kasapi.[12] Sa pagitan ng 250,000 at

1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.[12]

Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano

sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.[12] AngMalolos, na

kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong Marso 31, 1899 ngunit nakatakas si

Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang

pinakamagaling nakumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy

na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga

hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit

sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.[12]

Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng katapatan

sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng katapusan ng digmaan.[12] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang

noong 1913.[13]

Page 7: Kasaysayan Ng Pilipinas

Kolonya ng Estados Unidos

Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino sa malayang

pamamahala.[14] Itinatag ang pamahalaang sibil noong 1901, na pinamahalaan ni William Howard Taft, ang unang

Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kay Arthur MacArthur, Jr. Ang gobernador-heneral ang

naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang kapisanan na itinatag ng Estados Unidos na may kapangyarihang

tagapagbatas at may limitadong kapangyarihang tagapamahala. Nagpatupad ang komisyon ng batas na nagtayo ng

iba't ibang mga sangay ng pamahalaan, kasama na rin ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal.

Itinatag ang Pambansang Pulisya (Philippine Constabulary) upang pamahalaan ang mga natitirang kilusang

lumalaban sa mga Amerikano at nang hindi naglaon ay ginampanan rin nito ang mga responsibilidad

ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos. Pinasinayaan ang halal na Asamblea ng Pilipinas noong 1907 bilang ang

mababang kapulungan, samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang mataas na kapulungan.

Ang mga panukala ng Estados Unidos sa Pilipinas ay napalitan kasabay ng pagpapalit ng mga administrasyon.[4] Sa

mga unang taon ng kolonyang pamamahala, ayaw ng mga Amerikano na ibigay ang karapatang pamamahala sa

mga Pilipino. Ngunit, nang naging pangulo ng Estados Unidos si Woodrow Wilson noong 1913, isang bagong

panukala ang ipinagtibay na naging daan sa kalayaan ng Pilipinas. Ang Batas Jones, na ipinasa ng Kongreso ng

Estados Unidos noong 1916, ay naging batayan ng pagtatag ng isang pamahalaan, nagpangako ng kalayaan at

pagtatatag ng inihalal na Senado ng Pilipinas.

Naganap noong dekada 1920 ang pakikipagtulungan at mga komprontasyon ng mga Pilipino sa mga gobernador-

heneral ng Estados Unidos, depende kung kaya ng gobernador-heneral na pamahalaan ang kolonya kasama ang

tagapagbatas ng bansa. Ang mga kasapi ng kongreso ay naghangad na makamit kaagad ang kalayaan mula sa

Estados Unidos. Ipinadala sa Washington D.C. ang ilang mga misyong pang-kalayaan. Itinatag ang serbisyong

sibil na pinamahalaan ng mga Pilipino noong 1918.

Ang pulitika ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo nito sa Estados Unidos ay pinamahalaan ng Partido

Nacionalista, na itinatag noong 1907. Kahit naghangad ito ng madaliang paggawad ng kasarinlan, naging mataas ang

suporta nito sa Estados Unidos sa mga panukala nito.[15] Pinamunuan ito ni Manuel L. Quezon, na naging pangulo ng

Senado mula noong 1916 hanggang 1935.

Panahon ng Komonwelt

Pangunahing artikulo: Komonwelt ng Pilipinas

Manuel L. Quezon, pangulo ng Komonwelt kasama si Franklin D. Roosevelt, pangulo ng Estados Unidossa Washington, D.C..

Noong 1933, ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Hare-Hawes-Cutting bilang ang Batas ng

Kalayaan ng Pilipinas kahit ito ay tinutulan ni Pangulong Herbert Hoover.[16] Kahit ang batas na ito ay binuo sa

tulong ng isang komisyon mula sa Pilipinas, tinutulan ito ng Pangulo ng Senado, si Manuel L. Quezon, dahil sa

probisyon nitong manatili ang kontrol ng Estados Unidos sa mga base militar sa bansa. Sa ilalim ng kanyang

impluwensya, tinutulan ito ng lehislatura ng Pilipinas.[17] Noong sumunod na taon, isang bagong batas na tinawag

na Batas Tydings-McDuffie ay ipinasa ng lehislatura. Isinaad sa batas na ito ang pagtatatag ngKomonwelt ng

Pilipinas na may 10-taong mapayapang transisyon patungo sa kasarinlan. Magkakaroon ang komonwelt ng

sariling saligang-batas at magiging responsibilidad ang pamamahala sa bansa, ngunit ang ugnayang

Page 8: Kasaysayan Ng Pilipinas

panlabas ay responsibilidad ng Estados Unidos, at ilang mga batas ay kailangan aprubahan ng pangulo

ng Estados Unidos.[17]

Manuel Quezon, Pangulong ng Pilipinas mula 1935hanggang 1944.

Isang konstitusyon ang binuo noong 1934 na pinagtibay sa isang plebisito noong sumunod na taon. Noong Mayo

14, 1935, isang halalan ang ginanap upang punan ang bagong tatag na posisyon ng Pangulo ng Komonwelt na

napanalunan ni Manuel L. Quezon ng Partido Nacionalista, at itinatag ang isang Pilipinong pamahalaan na

ibinase sa mga prinsipyo ng Konstitusyon ng Estados Unidos. Ang komonwelt ay itinatag noong 1935, na

mayroong malakas na sangay na tagapagpaganap, iisang sangay ng kapulungan, ang National Assembly at

ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na binubuo ng mga Pilipino sa unang pagkakataon mula noong 1901.

Noong panahon ng Komonwelt, nagpadala ang Pilipinas ng isang halal na Resident Commissioner sa Mababang

Kapulungan ng Estados Unidos (tulad ng ginagawa ng Puerto Rico ngayon).

Naging adhikain ng bagong pamahalaan ang pagtatatag ng batayan ng tanggulang pambansa, mas malakas na

kontrol sa ekonomiya, mga reporma sa edukasyon, pagpapabuti sa transportasyon, ang kolonisasyon ng pulo ng

Mindanao at ang promosyon ng lokal na kabisera at industriyalisasyon. Ngunit hinarap ng komonwelt ang

problema sa agrikultura, ang di-tiyak na sitwasyong diplomatiko at militar sa Timog-Silangan Asya, at hindi

maliwanag na lebel ng komitment ng Estados Unidos sa panghinaharap na Republika ng Pilipinas. Binago ang

konstitusyon noong 1939-1940 upang ibalik ang kongresong may dalawang kapulungan at ang pagpapahintulot

ng pagtakbo muli ni Pangulong Quezon, na nagkaroon lamang ng isang anim na taong termino.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagsakop ng mga Hapon

Pangunang Artikulo: Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas (1941-1945)

Humigit-kumulang 10,000 katao ang namatay sa Martsa ng Kamatayan sa Bataan.

Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa

Pampanganoong Disyembre 8, 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pag-atake sa Pearl Harbor. Ang

pagbobomba sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong

Hapones sa Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas

MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino at

Amerikano sa Bataan at sa pulo ngCorregidor. Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open City upang

maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito [18] ito ay

Page 9: Kasaysayan Ng Pilipinas

pinasok ng mga Hapones noong Enero 2, 1942 [19] . Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa

pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong Abril 9, 1942 at ang Corregidor noong Mayo

6. Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga Hapones sa Bataan ay

sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa Hilaga (Pampangga) .

Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga Amerikano ang namatay bago

makarating sa destinasyon.[20]

Sumama sina Quezon at Osmeña sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi nagtagal ay umalis sila

patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang Komonwelt.[21] Inutusan si MacArthur na pumunta

sa Australia, kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.

Jose P. Laurel, Pangulong ng Pilipinas mula 1943hanggang 1945.

Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong estruktura ng pamahalaan sa Pilipinas

at itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas). Isinaayos nila ang Konseho ng

Estado na nagpatupad ng mga pang-sibil na batas hanggang Oktubre 1943, nang ideklara nila ang Pilipinas

bilang isang malayang bansa. Ang republikang nasa ilalim ng mga Hapones na pinamunuan ni Jose P. Laurel ay

hindi naging popular.[22]

Ang pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay tinutulan nang maraming aktibidad ng mga gerilya. Lumaban ang

pangkat ng militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa mga Hapones sa isang digmaang gerilya at

kinilalang isa itong pangkat ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Ang tagumpay ng pakikipaglabang ito ay

ipinakita sa katapusan ng digmaan, kung saan kontrolado lamang ng mga Hapones ang labindalawa sa

apatnapu't walong lalawigan sa bansa.[22] Ang pangunahing elemento ng paghihimagsik sa Gitnang Luzon ay

ginampanan ng Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon), na mayroong 30,000 kasapi at ipinaabot ang

kontrol sa karamihang lugar sa Luzon.[22]

Noong Mayo 8, 1942 hanggang Setyembre 2, 1945, nagsimula ang kampanya ng Labanan ng Pilipinong

Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa ilalim ng pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong mga Pilipino at mga

Pilipinong Intsik na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang dating militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt

ng Pilipinas sa ilalim ng pangkat ng militar ng Estados Unidos (1935-1946) at ang sumali bilang gerilya ng

kumilalang pangkat ng gerilya sa buong pagbabaka at labanang ito sa Pilipinas katulad ng Luzon, Visayas at

Mindanao at lumaban sila sa mga Hapon, at bago po pagbabalik ng mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas

noong 1944.

Dumating si Heneral Douglas MacArthur at si Pangulong Sergio Osmena kasama ang maraming mga Pilipino at

Amerikanong sundalo sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Maraming pang mga sundalo ang dumating, at pinasok

ng mga Magkakaalyadong sundalong Pilipino at Amerikano ang Maynila. Nagtagal ang labanan hanggang sa

pormal na pagsuko ng Hapon noong Setyembre 2, 1945. Nagdanas ang Pilipinas ng pagkawala ng maraming

buhay at malawakang pagkasira nang matapos ang digmaan. Tinatayang isang milyong Pilipino ang namatay, at

nawasak ang Maynila dahil hindi idineklara ng mga Hapones ang Maynila bilang isang bukas na lungsod katulad

ng ginawa ng mga Amerikano noong 1942.[22]

Page 10: Kasaysayan Ng Pilipinas

Sergio Osmena, Pangulong ng Pilipinas mula 1944hanggang 1946.

Kasama ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos si Sergio Osmena. Namatay si Quezon sa sakit na

tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. Kasama siya ng mga puwersang

Amerikanong lumunsad sa Leyte. Samantala maraming ang magkakasanib ng mga sundalong Pilipino at

Amerikano kasama ng mga kumilalang gerilya ay ipagtatanggol ng sagupaan ng pakipaglaban sa mga Hapones

ay simula ng kampanya ng labanan ng pagpapalaya sa Pilipinas. Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa

hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng

Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.

Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika (1946-1972)

Pangunahing artikulo: Kasaysayan ng Pilipinas (1946–1972)

Pamamamahala ni Manuel Roxas (1946-1948)

Nagkaroon ng halalan noong 1946, na nagluklok kay Manuel Roxas bilang unang pangulo ng malayang

Pilipinas. Ibinalik ng Estados Unidos ang soberanya ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946.[4] Ngunit ang

ekonomiya ng Pilipinas ay nanatiling umaasa sa ekonomiya ng Estados Unidos, ayon kay Paul McNutt,

isang mataas na komisyoner ng Estados Unidos.[23] Ang Philippine Trade Act, na ipinagtibay bilang isang

kondisyon upang makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas mula

sa Estados Unidos,[24] ay lalong nagpalala sa relasyon ng dalawang bansa sa probisyon itong itali ang

ekonomiya ng dalawang bansa. Isang kasunduan na militar ang nilagdaan noong 1947 na nagtakda sa

Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base militar sa bansa (binawasan ito ng 25 taon

noong 1967).

Pamamamahala ni Elpidio Quirino (1948-1953)

Elpidio Quirino, Pangulong ng Pilipinas mula 1948hanggang 1953.

Pinatawad ng administrasyon ni Roxas ang mga taong nakipagtulungan sa mga Hapones noong Ikalawang

Digmaang Pandaigdig, maliban sa mga taong gumawa ng mga marahas na krimen. Namatay si Roxas dahil

saatake sa puso at tubercolosis noong Abril 1948, at humalili ang pangalawang pangulo, si Elpidio Quirino,

sa posisyon ng presidente. Tumakbo siya sa pagkapangulo noong 1949. Natalo ni Quirino si Jose P.

Laurel at nakamit niya ang apat na taong termino. Iniwan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Pilipinas

na sira-sira at nawalan ng moral. Ang muling pagbangon ng bansa ay naguluhan dahil sa mga aktibidad ng

mga gerilyangHukbalahap ("Huks") na naging kalaban ng bagong pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga

panukala ng pamahalaan sa mga Huk ay parehong naging pang-negosasyon at pang-supresyon.

Ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, siRamon Magsaysay ay nagsimula ng kampanya upang matalo ang

mga rebelde sa pamamagitan ng militar at para makuha na rin ang suporta ng pamahalaan mula sa mga

Page 11: Kasaysayan Ng Pilipinas

mamamayan. Unti-unting kumunti ang kampanya ng mga Huk noong dekada 1950's, at tuluyang nagwakas

ito sa walang kundisyon na pagsuko ni Luis Taruc, pinuno ng mga Huk noong Mayo 1954.

Pamamamahala ni Ramon Magsaysay (1953-1957)

Ramon Magsaysay, Pangulong ng Pilipinas mula 1953hanggang 1957.

Suportado ng Estados Unidos, nahalal si Magsaysay sa pagkapangulo noong 1953 dahil sa popularidad niya

sa mga tao. Ipinangako niya ang reporma sa ekonomiya, at napaunlad niya ang reporma sa lupa sa

pamamagitan ng pagtaguyod sa paglipat ng tirahan ng mga mahihirap na tao sa Katolikong hilaga patungo

sa mga tradisyonal na mga lugar ng mga Muslim. Kahit nakatulong ito sa pagbabawas ng populasyon sa

Hilaga, tumaas ang tensyong pang-relihiyon.[25] Ngunit naging popular pa rin siya sa mga mamamayan, at

ang kanyang pagkamatay sa pagbagsak ng kanyang eroplano noong Marso 1957 ay nagdulot ng

kalungkutan sa maraming mga Pilipino.

Pamamamahala ni Carlos Garcia (1957-1961)

Carlos Garcia, Pangulong ng Pilipinas mula 1957hanggang 1961.

Humalili si Carlos P. Garcia sa posisyon ng pangulo matapos ang pagkamatay ni Magsaysay, at nahalal rin

siya sa apat na taong termino noong Nobyembre ng taon ding iyon. Ipinatupad niya ang patakarang "Pilipino

Muna", na nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na malinang ang ekonomiya ng bansa.[26] Nakipag-

ugnayan si Garcia sa Estados Unidos ukol sa pagsasauli ang mga Amerikanong base militar sa Pilipinas.

Ngunit nawala ang popularidad ng kanyang administrasyon dahil sa mga isyu ng kurapsyon sa mga

sumunod na taon.[27]

Pamamamahala ni Diosdado Macapagal (1961-1965)

Diosdado Macapagal, Pangulong ng Pilipinas mula 1961hanggang 1965.

Nahalal si Diosdado Macapagal sa pagkapangulo noong halalan ng 1961. Ang panukalang banyaga ni

Macapagal ay humingi ng mas malapit na relasyon sa mga kalapit na mga bansa, partikular na ang Malaya

(ngayo'y Malaysia) at Indonesia.[25] Ang pakikipag-negosasyon niya sa Estados Unidos ukol sa mga

karapatan sa mga base militar ay nagdulot ng negatibong damdamin sa mga Amerikano.[25] Binago niya

Page 12: Kasaysayan Ng Pilipinas

ang Araw ng Kalayaan mula sa Hulyo 4 na pinalitan ng Hunyo 12, upang gunitain ang araw na idineklara ni

Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya noong 1898.

Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal nagpatuloy sa pagtaas ang halaga ng

bilihin, ngunit naisagawa niyang kahit paano'y mapanatili ang mababang halaga ng bigas at mais.

Gayunpama'y ang pagpupuslit ng mga kalakal na ipinagbabayad sa adwana'y laganap pa rin tulad ng dati. Si

Macapagal sa kanyang sarili'y isang taong matapat, ngunit ipinapalagy ng mga taong siya'y mahina at hindi

nababagay sa kanyang tungkulin, o kaya'y kinukunsinti niya ang katiwalian at kasamaang ginagawa ng mga

taong malapit sa kanya o may lakas sa kanyang tanggapan.

Tangi sa pampalagiang suliranin na pangkabuhayan at pampamahalaan ang lumigalig sa kanyang

pangasiwaan.

Pamumuno ni Ferdinand Marcos(1965-1986)

Ferdinand Marcos, pangulo ng Pilipinas mula 1965hanggang 1986.

Ang isa pang subyang sa panig ni Macapagal ay ang Pangulo ng Senado na si Ferdinand Marcos, isang

kapwa Liberal. Sinasabing upang matamo ang pagtulong ni Marcos sa halalan noong 1961, lihim na

nakipagkasundo si Macapagal kay Marcos na hindi siya tatakbong muli para sa reeleksiyon sa halalan ng

taong 1965. Ngunit habang lumalapit ang halalan ng taong 1965, napatunayang masugit si Macapagal sa

pagkandidato.

Sa pagkabigo ng pag-asa ni Marcos sa pagiging kandidato ng Partido Liberal sa pagkapangulo, at sa

dahilang naanyayahang sumama sa Partido Nacionalista at samantalahin ang pagkakataon sa Kumbensiyon

ng mga Nacionalista'y iniwan niya ang Partido Liberal at sumapi sa Nacionalista. Nagwagi si Marcos sa

Kumbensyon at naging opisyal na kandidato sa pagka-Pangulo.

Sa una niyang termino, naglunsad si Marcos ng iba't ibang mga proyekto at nagtaas ng koleksyon

ng buwis na nakatulong sa pag-unlad ng bansa noong dekada '70. Dahil rin sa pag-utang niya at sa tulong

pang-ekonomiya na nanggaling sa Estados Unidos, mas maraming mga daan ang naitayo ng kanyang

administrasyon kaysa sa lahat ng daan na naitayo ng mga nakalipas na pangulo at mas maraming

mga paaralan kaysa sa nakalipas na administrasyon.[28] Nahalal muli si Marcos bilang pangulo noong 1969,

na naging unang pangulo ng malayang Pilipinas na natamo ang ikalawang termino.

Hinarangan ng mga kalaban ni Marcos ang kinailangang lehislasyon para maisakatuparan ang kanyang mga

plano. Dahil dito, nawala ang positibong damdamin sa kanyang ikalawang termino at bumagal ang pag-unlad

ng kabuhayan.[29] Dumami ang krimen at pagsuway ng mga sibilyan sa batas. Binuo ng Partido Komunista

ng Pilipinas ang Bagong Hukbong Bayan. Nagpatuloy ang pakikipaglaban ng Moro Islamic Liberation

Front para sa kalayaan ng Mindanao. Ang isang pagsabog sa pagtitipon ng Partido Liberalkung saan

idineklara ang kanilang kandidato para sa Senado noong Agosto 21, 1971 ang nagdulot ng pagsuspinde ni

Marcos sa writ of habeas corpus, na ibinalik niya noong Enero 11, 1972 matapos ang mga protesta ng

publiko.

Batas Militar

Tingnan din: Estratehiya ng tensyon.

Page 13: Kasaysayan Ng Pilipinas

Setyembre 23, 1972 - Ipinahahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa isang pagbabalita sa

himpapawid.

Dahil sa kawalan ng respeto sa batas at ang banta ng rebelyon ng mga Komunista, idineklara ni Marcos

ang batas militar noong Setyembre 21, 1972sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081. Tinanggal ni Marcos

ang kalayaan ng pamamahayag at iba pang karapatan ng mga mamamayan, ipinasara ang Kongreso at

ang mga kompanya ng pamamahayag, at iniutos ang pag-aresto sa mga pinuno ng oposisyon at mga

aktibidad ng mga militante, kasama na ang kanyang pinakamalaking mga kritiko, si Senador Benigno

Aquino, Jr., Senador Jovito Salonga at Senador Jose Diokno.[30] Ang deklarasyon ng batas militar ay

tinanggap ng karamihan, dahil sa problemang panlipunang dinaranas ng Pilipinas.[31] Malaki ang binaba

ng bilang ng krimen matapos isakatuparan ang curfew.[32] Maraming mga kalaban sa pulitika ang

napilitang umalis ng bansa.

Isang konstitusyonal na kumbensyon, na itinatag noong 1970 upang palitan ang Saligang-Batas ng

1935, ay nagpatuloy sa pagbuo ng bagong saligang-batas matapos ang deklarasyon ng batas militar.

Nagkaroon ng bisa ang bagong konstitusyon noong 1973, na binago ang istilo ng pamahalaan mula

sapampanguluhan na naging parlamentaryo at nagpahintulot kay Marcos na manatili siya sa

kapangyarihan matapos ang 1973.

Ayon kay Marcos, ang batas militar ang simula nang pagbubuo ng Bagong Lipunan na ibinase sa mga

kahalagahang panlipunan at pampulitika.[33] Lumakas ang ekonomiya noong dekada 1970s, na

nagkaroon ng sobrang salapi para sa budyet at pangangalakal. Tumaas ang Kabuuang Pambansang

Produkto mula sa 55 bilyong piso noong 1972 na naging 193 bilyong piso noong 1980. Lumaki ang kita

ng pamahalaan sa turismo. Ngunit nakilahok si Marcos, ang kanyang mga kroni at ang kanyang

maybahay, si Imelda Romualdez-Marcos sa paggawa ng kurapsyon.[34] Sa pamumuno ni Nailah Ingco at

Joanna Bayabao.

Ikaapat na Republika

Upang palubagin ang Simbahang Katolika bago ang pagbisita ng Santo Papa, si Papa Juan Pablo II,[35] opisyal na ipinatigil ni Marcos ang batas militar noong Enero 17, 1981. Ngunit, pinanatili niya ang

kapangyarihan ng pamahalaan sa paghuli at pagkulong. Ang kurapsyon at ang kaguluhan sa lipunan

ang naging sanhi ng pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya sa ilalim ni Marcos, na humina ang

kalusugan dahil sa lupus.

Binoykot ng oposisyon ng halalan noong 1981, kung saan lumaban si Marcos at ang retiradong heneral

na si Alejo Santos.[30] Nanalo si Marcos ng 16 milyong boto, na pinahintulutan siyang manungkulan ng

anim na taon. Nahalal ang Kalihim ng Pananalapi, si Cesar Virata bilang Punong Ministro ng Batasang

Pambansa.

Page 14: Kasaysayan Ng Pilipinas

Noong 1983, napatay ang pinuno ng oposisyon, si Benigno Aquino, Jr. sa Pandaigdigang Paliparan ng

Maynila sa kanyang pagbalik sa Pilipinas matapos ang mahabang panahon ng pananatili sa ibang

bansa. Nagdulot ito ng pagtutol sa pamumuno ni Marcos at ang serye ng mga pangyayari, kasama ang

pag-aalala ng Estados Unidos, na nagsanhi ng halalan noong Pebrero 1986.[36] Nagkaisa ang oposisyon

sa biyuda ni Aquino, si Corazon Aquino.

Idineklara ng Komisyon ng Eleksyon (Comelec), ang opisyal na tagabilang ng resulta ng halalan, ang

pagkapanalo ni Marcos. Ngunit malaki ang pagkakaiba nito sa bilang ng Namfrel, isang

pinagkakatiwalaang tagabantay ng halalan. Tinutulan ni Corazon Aquino at ng kanyang mga

tagasuporta ang maling resulta ng halalan. Hindi rin kinilala ng mga dayuhang tagamasid, kasama ang

delegasyon ng Estados Unidos, ang opisyal na resulta.[36] Binawi ni Hen. Fidel Ramos at Kalihim ng

Tanggulang Pambansa, si Juan Ponce Enrile, ang suporta nila kay Marcos. Napatalsik si Marcos sa

isang mapayapang demonstrasyon, tinatawag na Rebolusyon sa EDSA ng 1986at ang paghalili

ni Corazon Aquino bilang pangulo noong Pebrero 25, 1986.

Ikalimang Republika (1986-kasalukuyan)

Pamamamahala ni Corazon Aquino (1986-1992)

Corazon Cojuangco-Aquino, Pangulong ng Pilipinas mula 1986hanggang 1992.

Bumuo kaagad si Corazon Aquino ng isang rebolusyonaryong pamahalaan para maging normal ang

sitwasyon, na naging batayan ang transisyonal na Freedom Constitution.[37] Isang bagong saligang-batas

ang ipinagtibay noong Pebrero 1987.[38] Ipinagbawal ng konstitusyong ito ang pagdedeklara ng batas

military, pagtatatag ng mga nagsasariling rehiyon sa Cordillera at sa Timog Mindanao at ang pagbabalik

ng istilong pampanguluhan ng pamahalaan at ang Kongresong may dalawang kapulungan.[39] Umunlad

ang bansa sa pamamagitan ng pagtatatag muli ng mga demokratikong institusyon at respeto sa mga

mamamayan, ngunit naging mahina ang pagbangon ng bansa sa administrasyong Aquino dahil sa

mga kudeta ng mga di-apektadong mga kasapi ng militar.[40] Ang paglakas ng ekonomiya ay hinadlangan

ng serye ng mga kalamidad, kasama na ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991 na nagdulot ng

pagkamatay ng 700 katao at ang pagkawala ng mga tirahan ng 200,000 na katao.[41]

Noong 1991, ibinasura ng Senado ang kasunduang nagpapahintulot sa pananatili ng mga base militar

ng Estados Unidos sa loob ng sampung taon. Isinauli ng mga Amerikano sa pamahalaan ang Clark Air

Base sa Pampanganoong Nobyembre ng taong iyon, at ang Subic Bay Naval

Base sa Zambales noong Disyembre 1992, na nagtapos sa halos isang siglo ng pamamalagi ng militar

ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Namatay si Corazon Aquino noong Agosto 1, 2009 sa Makati medical center sa lungsod ng makati sa

kadahilanang Colon Cancer.

Pamamamahala ni Fidel V. Ramos (1992-1998)

Page 15: Kasaysayan Ng Pilipinas

Fidel Ramos, Pangulong ng Pilipinas mula 1992hanggang 1998.

Noong 1992, nagwagi sa halalan ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Fidel Ramos, na inendorso

ni Pangulong Aquino, na may 23.6% lamang ng kabuuang boto sa pagitan ng pitong kandidato. Sa mga

unang taon ng kanyang termino, idineklara niya na mataas niyang prayoridad ang nasyonal na

rekonsilyasyon at gumawa siya ng koalisyon upang makabangon sa mga hidwaan ng administrasyong

Aquino.[39] Ginawa niyang legal angPartidong Komunista at nakipag-negosasyon sa mga ito, sa mga

rebeldeng Muslim at mga rebeldeng militar upang kumbinsihin sila na itigil ang kanilang mga kampanya

laban sa pamahalaan. Noong Hunyo 1994, nilagdaan niya ang amnestiyang nagpapatawad sa mga

rebeldeng pangkat, at mga Pilipinong militar at mga pulis na kinasuhan ng krimen habang

nakikipaglaban sa mga rebelde. Noong Oktubre 1995, nilagdaan ng pamahalaan ang kasunduang

nagtatapos sa kaguluhang rebelde. Isang kasunduang pang-kapayapaan ang nilagdaan ng pamahalaan

at ng Moro National Liberation Front (MNLF), isang pangkat ng mga rebeldeng naghahangad na maging

malayang bansa ang Mindanao, noong 1996, na nagtapos sa pakikipaglaban na nagtagal ng 24 taon.

Ngunit ipinagpatuloy ng humiwalay na pangkat ng MNLF, ang Moro Islamic Liberation Front ang

pakikipaglaban. Maraming mga malalaking protesta ang kumontra sa pagsisikap ng mga taong

sumuporta kay Ramos na susugan ang batas upang magkaroon siya ng pagkakataong tumakbo muli

para sa ikalawang termino, na naging sanhi ng hindi pagtakbo muli ni Ramos sa halalan.[42]

Pamamamahala ni Joseph Estrada (1998-2001)

Joseph Estrada, Pangulong ng Pilipinas mula 1998hanggang 2001.

Nanalo si Joseph Estrada, isang dating aktor at naging bise pangulong ni Ramos, sa halalan ng pagka-

Pangulo noong 1998. Ipinangako niya sa kanyang kampanya ang pagtulong sa mga mahihirap at

paunlarin ang sektor ng agrikultura sa bansa. Naging popular siya sa mga mahihirap.[43] Noong panahon

ng krisis na pinansyal sa Asyana nagsimula noong 1997, ang pamamahala ni Estrada ay nagdulot ng

mas malalang kahirapan sa ekonomiya. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho, lumaki ang

kakulangan sa badyet at bumaba ang halaga ng piso. Ngunit nakabangon ang kabuhayan ng bansa

ngunit mas mabagal ito kumpara sa mga kalapit-bansa nito.

Sa loob ng isang taon ng kanyang eleksyon, nawala ang popularidad ni Estrada dahil sa mga akusasyon

ng kronyismo at kurapsyon, at ang pagkabigo na masolusyonan ang mga suliranin sa kahirapan.[34] Noong Oktubre2000, inakusahan si Estrada na tumatanggap siya ng pera mula sa sugal. Siya ay

isinakdal ng Mababang Kapulungan, ngunit ang kanyang paglilitis sa Senado ay hindi natuloy nang iboto

Page 16: Kasaysayan Ng Pilipinas

ng senado na huwag eksaminahin ang tala sa bangko ng pangulo. Bilang sagot, nagkaroon ng mga

demonstrasyon na naghingi sa pag-alis ni Estrada. Dahil sa mga rally, ang resignasyon ng mga kalihim

at ang pagkawala ng suporta ng sandatahang lakas, umalis si Estrada sa opisina noong Enero 20, 2001.

Pamamamahala ni Gloria Macapagal-Arroyo (2001-2010)

Gloria Macapagal-Arroyo, Pangulo ng Pilipinas mula 2001hanggang 2010.

Humalili si Bise Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (ang anak ni Pangulong Diosdado Macapagal) sa

posisyon ng Pangulo sa araw ng kanyang paglisan. Tinatayang hindi lehitimo ang pag-upo ni Ginang

Arroyo sa pwesto dahil hindi pa tapos ang paghahatol sa kaso ng nakaraang pangulong Estrada. Naging

mas lehitimo ang kanyang pag-upo sa halalan pagkalipas ng apat na buwan, kung saan nanalo ang

kanyang koalisyon sa karamihan ng mga posisyon.[34] Ang unang termino ni Arroyo ay nagkaroon ng

hating pulitika ng mga koalisyon at isang kudeta sa Maynila noong Hulyo 2003 na naging sanhi ng pag-

deklara niya ng isang buwang pambansang state of rebellion.[34]

Sinabi ni Arroyo noong Disyembre 2002 na hindi siya tatakbo sa halalan noong 2004 ngunit binago niya

ang kanyang desisyon noong Oktubre 2003 at nagdesisyong sumali sa halalan.[34] Siya ay muling

nahalal at isinalin sa puwesto para sa kanyang anim na taong termino noong Hunyo 30, 2004.

Noong 2005, isang tape na naglalaman ng isang usapan ay lumabas na naglalaman ng usapan ni

Arroyo at isang opisyal ng halalan kung saan inutusan ni Arroyo ang opisyal na itaas ang bilang ng

kanyang mga boto upang manatili siya sa puwesto.[44] Nagdulot ito ng mga protesta na humihingi sa

pagbaba ni Arroyo sa puwesto. Inamin niya na kinausap niya ang isang opisyal ng halalan, ngunit

tinatwa niya ang mga alegayon ng pandaraya at hindi siya bumaba sa puwesto.[44]Hindi nagtagumpay

ang mga planong pagpapatalsik sa pangulo noong taong iyon.