Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Transcript of Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Kagawaran ng Edukasyon
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Pakikipagkapuwa-tao Ikalawang Markahan - Modyul 2
Ma. Theresa B. Bayais
Manunulat
Annie D. Pesito
Tagasuri
Dr. Shella C. Navarro, Annie D. Pesito
Ana Lyn S. Dacara, Noema O. Gillego School Quality Assurance Team
2
Inaasahan
Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol sa kaguluhan, at iba pa (pagmamalasakit sa kapuwa na sinasaktan/kinukutya/binubully)
2. Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng:
2.a. Mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan
2.b. Paggalang sa natatanging kaugalian/paniniwala ng mga katutubo at
dayuhang kakaiba sa kinagisnan.
Unang Pagsubok
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Mula sa malayong probinsya si Caloy. Maitim ang kulay ng kanyang balat at kulot ang buhok. Bagong lipat siya sa inyong paaralan at nakikita mo na
tinutukso siya ng iba mong kamag-aral. Ano ang maaari mong gawin?
A. Hayaan lang ang ginagawang panunukso sa kanya ng inyong mga kamag- aral.
B. Ipagwalang bahala na lang ang sitwasyon ni Caloy sa inyong paaralan at huwag kumibo.
C. Ipadama kay Caloy na hindi ka katulad ng inyong mga kamag-aral na nanunukso sa kanya.
D. Ipaalam sa inyong guro ang ginagawang pangungutya kay Caloy upang matulungan siya.
2. Bagong Lipat si Kylie sa inyong lugar, nagmula siya sa ibang bansa kaya
nahihirapan siyang makisalamuha sa inyong mga kapitbahay. Anong klaseng
tulong ang maaari mong gawin? A. Magkunwari na hindi mo siya napapansin
B. Pahiramin siya ng aklat na maaari niyang basahin. C. Ilayo siya sa inyong mga kapitbahay at mahirap siyang kausapin.
D. Yayain siya na makipaglaro at makipag kuwentuhan sa iyong mga kaibigan.
3. Iba-iba ang relihiyon ng ilan sa iyong mga kaibigan. Minsan, kapag nag-uusap
kayo, napapansin mo na magkakaiba ang inyong mga pananaw. Ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang hindi pagkaka-unawaan?
A. Pilitin na lang na ibahin ang paksa ng inyong usapan. B. Unawain ang mga sinasabi nilang kaiba sa iyong relihiyon.
C. Huwag na lang intindihin ang kanilang sinasabi tungkol sa kanilang
relihiyon. D. Pakinggan na lamang ang kanilang mga sinasabi tungkol sa kanilang mga
3
relihiyon.
4. Sa isang programa sa inyong paaralan ay nagpapakita ng isang katutubong sayaw ang mga Aeta gamit ang kanilang tradisyunal na kasuotan. Ano ang inyong
gagawin? A. Huwag na lamang silang panoorin upang hindi na sila mapagtawanan.
B. Patigilin ang kanilang pagsasayaw at sabihan na malaswa ang kanilang kasuotan.
C. Pagtawanan ang kanilang kasuotan at sabihin na bumalik na sila sa bundok na pinanggalingan nila.
D. Manuod nang may buong paghanga at interes bilang pagtangkilik at
suporta
5. Narinig mo ang iyong kaibigan ay may kinuhanan ng baon sa kantina ng inyong paaralan, at binabalak niya na gawin ulit ito sa recess. Ano ang maaari
mong gawin upang mapigilan ang kanyang pinaplano na gawin? A. Hayaan na lamang hindi ka naman apektado.
B. Pagsabihan ang namamahala sa inyong kantina na bantayan ang iyong
kaibigan. C. Isumbong ang iyong kaibigan sa inyong guro upang siya ay maparusahan
mag-isa. D. Pagsabihan ang iyong kaibigan na hindi maganda ang kanyang ginawa at
ipasauli ang kinuhang baon.
6. Sa palengke, nakita ninyo ng iyong mga kaibigan ang inyong kamag-aral na
katutubo na nagtitinda ng gulay. Ano ang inyong gagawin? A. Lapitan ito at sabihin sa na maganda ang kanyang ginagawa.
B. Huwag pansinin ang inyong kamag-aral at ikahiya na kakilala mo siya. C. Pagtawanan ang iyong kamag-aral at sabihin sa iyong mga kaibigan na
nakakatawa ang kanyang hitsura. D. Tuksuhin ang iyong kamag-aral na katutubo at sigawan ito nang malakas
upang mapahiya sa maraming tao.
7. Kapag hindi ka sumasang-ayon sa ideya o opinyon ng iyong kasamahan
pinagbabantaan kang gagawan ng masama, ano ang iyong gagawin? A. Huwag na lamang kumibo.
B. Aawayin sila at sabihin na hindi sila marunong umintindi. C. Isusumbong sa magulang tungkol sa balak na masama sa iyo.
D. Ipapakita ko sa kanila na ako ang tama at hindi ko kailanman pakikinggan ang kanilang opinyon.
8. Napansin mo na tahimik palagi sa kanyang upuan ang bagong kamag-aral
na dayuhan. Ano ang maaari mong gawin?
A. Lapitan siya at kaibiganin B. Huwag na lamang siyang pansinin.
C. Kausapin mo ang iba mong kamag-aral na lapitan siya. D. Sabihin sa inyong guro ang tungkol sa iyong kamag-aral at ilipat siya sa
ibang pangkat.
9. Si Gio ay isang Aeta na lumipat sa Maynila upang maipagpatuloy ang
kanyang pag-aaral. Pagdating niya sa kanyang bagong paaralan ay may mga tumukso sa kanya. Kanino siya maaaring lumapit upang maiwasan ang
panunukso sa kanya? A. guro C. pulis
B. magulang D.television
4
10. Aking sinasalungat ang mga opinyon ng iba sa mahinahon na paraan.
Ngunit may iba kang kamag-aaral na pinipilit ka na ipagpilitan ang iyong opinyon upang makinig ang lahat.
A. Magagalit at ipagpilitan ang iyong opinyon.
B. Mananatiling mahinahon at igalang ang opinyon ng iba. C. Umalis na lamang upang maramdaman ng iba na hindi mo gusto ang
kanilang opinyon. D. Awayin ang iyong mga kamag-aral na tumigil sila sa kanilang ginagawa at
naiinis ka na.
Balik-tanaw
Panuto: Magbigay ng iba’t ibang kilos na nagpapakita ng pagtulong o pagkakawanggawa. Isulat ang iyong sagot sa loob ng hugis-puso.
5
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
Ang Pilipinas ay isang kapuluan na binubuo ng iba’t ibang pangkat etniko. Dahil sa pagkakalayo ng mga pulo, nagkakaiba ang pangkat na ito sa
paraan ng pananamit, pananalita, pamumuhay, kaugalian, paniniwala at kultura. Ngunit magkakaiba man ng paniniwala at kultura, ang mga katutubo
sa ating bansa at maging ang mga dayuhan mula sa ibat ibang panig buong
mundo, ay may na karapatan.
Maaring kakaiba ang paniniwala at kaugalian ng mga katutubo at dayuhan sa ating kinalakihang kaugalian at paniniwala ngunit mahalaga na ipakita natin
ang paggalang sa kanilang paniniwala at kaugalian.
Gawain
Gawain 1
Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Paano mo ipagbibigay alam sa mga kinauukulan ang mga pangyayari at paano mo ito
sasagutan. Isulat ang inyong sagot sa patlang.
1. Isang araw, papunta ka sa tindahan upang bumili ng pandesal. Nakita mong galit na galit ang tatay ng kapitbahay mo sa kanyang anak. Nagsasabi ito ng
masasakit na mga salita. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. May bago kang kamag-aral mula sa isang malayong probinsya. Kakaiba ang kanyang hitsura. Naririnig mong lagi siyang kinukutya sa harap ng ibang mga
bata tuwing recess.
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Ayaw na ayaw pasalihin ng inyong lider si Joey sa mga gawain at hindi naman daw ito magaling. Baka daw ikatalo pa ng inyong pangkat kapag sinali
siya sa inyong pangkat.
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Napapansin ninyo ng iyong mga kamag-aral na sobra ang higpit ng inyong
guro, at sobra ang kanyang pagdidisplina. May ilan kang mga kamag-aral na
6
Wastong
pakikitungo sa mga dayuhan
at mga katutubo
nagbabalak na pumunta sa opisina ng punongguro upang isumbong ang inyong
guro. ______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Habang bumibili ka sa isang tindahan, napansin mo ang anak ng may-ari ng tindahan na hinahaluan ng tubig ang kanilang panindang suka.
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Gawain 2
Sa pamamagitan ng isang “graphic organizer”, isulat ang mga dapat na
gawain sa pakikitungo sa ating kapuwa dayuhan at mga katutubo.
Mga pagpipilian:
1. Igalang ang karapatan ng bawat tao.
2. Pagtawanan ang mga katutubong nakikita sa lansangan. 3. Patutuluyin ang mga dayuhan o katutubo sa inyong tahanan.
4. Bigyan ng tulong ang mga dayuhan na naghahanap ng tamang direksyon sa daan
5. Pakitunguhan o tratuhin nang maayos ang mga panauhing katutubo at mga
dayuhan sa ating paaralan.
7
Gawain 3
Gumawa ng isang pangako tungkol sa kung paano maipapakita ang
paggalang at pagpapahalaga sa mga katutubo. Isulat ito sa kahon.
Ako po ay nangangakong __________________________________________
____________________________________________________________________

____________________________
Lagda
Tandaan
Ang pagmamalasakit sa kapuwa ay Ang pag-aalala sa kapakanan ng kapuwa at pagganap ng Tungkulin para sa ikabubuti ng isang tao
8
Pag-alam sa mga Natutuhan
Isulat iyong magiging damdamin tuwing nakakakita ng batang nakakaranas ng pangungutya at pangaapi. Magbahagi ng inyong maaaring gawin
kapag nahaharap sa mga ganitong sitwasyon.
Sagot:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit
Gumuhit ng ang patlang kung ito ay nagpapakita ng paggalang
sa mga katutubo at mga dayuhan at kung hindi.
____________1. May sumasayaw na katutubo sa parke, uuwi na dapat ang Ate mo pero tumigil muna siya at masayang nanood sa ginagawa ng mga katutubo at
nagbigay ng konting donasyon.
____________2. Pinagsabihan ng Nanay mo ang mga batang nanunukso sa mga
batang Mangyan na nakaupo sa parke upang magpahangin.
____________3. May mga dayuhang nagtatanong ng direksyon sa mga kabataang nakatambay sa harapan ng tindahan ni Aling Mameng, pinagtawanan lamang
nila ito at hindi sinabi ang tamang direksyon.
____________4. May mga Hapon na pumunta sa inyong paaralan upang magbigay ng tulong sa kakulangan sa pasilidad. Laking pasasalamat ng inyong paaralan.
Kaya ang inyong pangkat ay naatasang magpresinta ng sayaw at awit para sa
mga bisita.
____________5. Lagi na lang tinutukso ng iba mong mga kaklase ang hitsura ni Rollen dahil siya ay anak ng Negro.
____________6. Ang mga batang Aeta ay nagtitinda sa palengke ng kanilang mga
paninda sa palengke. Sinabihan ka ng iyong Nanay na bumili at tangkilikin ang
kanilang mga paninda.
____________7. Ang iyong Kuya ay may ipinakilalang dayuhan na kaibigan sa inyo. Hindi mo siya pinansin dahil hindi mo masyadong maintindihan ang kanyang
mga sinasabi.
9
____________8. Darating ang inyong mga kamag-anak na Muslim, at sinabi ng Nanay mo na hindi kayo maaaring maghanda ng mga pagkaing may sahog na
baboy bilang respeto sa inyong mga kamag-anak.
____________9. Inimbitahan kayo ng isang kaibigan na makiisa sa kanilang pagsamba. Maayos mo silang tinanggihan at sinabi na hindi kayo maaaring
dumalo sa kanilang pagsamba.
____________10. May mga dayuhan ay may mga dala na pagkain para sa inyong
klase. Sinabihan ka na kumuha ng kanilang dalang pagkain, hindi mo ito pinansin at tinalikuran na lamang dahil hindi ka sigurado kung malinis ang
kanilang pagkain.
10
Sanggunian:
1. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, Zenaida R. Ylarde at Gloria A, Peralta,
Ed.D, pp. 61- 63 2. Kagamitan ng Guro at Kagamitan ng Mag-aaral sa Edukasyom sa Pagpapakatao 5,
pp. 54 – 58
3. www.google.com
Susi sa Pagwawasto
Unang Pagsubok
1. C 2. B 3. B
4. D 5. C 6. A 7. C 8. A 9.A
10. B
Pangwakas na Pagsusulit
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
11