Kabanata 37
-
Upload
lorna-ramos -
Category
Education
-
view
3.169 -
download
20
Transcript of Kabanata 37
![Page 1: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/1.jpg)
Ni: Dr. Jose P. Rizal
![Page 2: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/2.jpg)
AngKapitan- Heneral
Kabanata 37
![Page 3: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/3.jpg)
Mga Tauhan
![Page 4: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/4.jpg)
Crisostomo Ibarra
Isang binatang nag-aral sa
Europa; nangarap na
makapagpatayo ng paaralan
upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
![Page 5: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/5.jpg)
Maria Clara
ang mayuming
kasintahan ni Crisostomo; mutya ng
San Diego na inihimatong
anak ng kanyang ina na si Doña
Pia Alba kay Padre
Damaso.
![Page 6: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/6.jpg)
Kapitan Heneral
pinakamakapangyarihan sa Pilipinas;
lumakad na maalisan ng
pagka-ekskomunyon si
Ibarra.
![Page 7: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/7.jpg)
Padre Salvi
kurang pumalit kay
Padre Damaso,
nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria
Clara.
![Page 8: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/8.jpg)
paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Padre Sibyla
![Page 9: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/9.jpg)
Alkalde
Nangako sa Kapitan Heneral na
pangangalagaan niya si Ibarra
![Page 10: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/10.jpg)
Sinang
Kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
![Page 11: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/11.jpg)
Halagang Pangkatauhan
![Page 12: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/12.jpg)
Ang isang mahusay na pinuno
ay walang kinikilingan maliban sa
katarungan
![Page 13: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/13.jpg)
AngPanimula
![Page 14: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/14.jpg)
Ang isang mabuting pinuno ay minamahal ng kanyang nasasakupan. Siya ay may pantay na pagtingin dapat sa
lahat ,makatarungan at marunong magpalakad ng gobyerno. Ang kanyang iniisip ay kapakanan ng nakararami. Ang pangunahing layunin niya ay
maglingkod ng tapat.
Ngunit nakalulungkot isipin na sa panahon ngayon maraming mamamayan ang nakakalimutan na ng ilan sa ating mga umuugit na batas o mga taong inihahalal
noong panahon ng eleksiyon. Naklilimot ang ilan sa sinumpaan nilang tungkulin at napababayaan ang mga
taong dapat paglingkuran lalo na ang nasa liblib na lugar o hindi matanaw o maabot.
![Page 15: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/15.jpg)
Sa kabanata, ipinakilala ni Rizal ang isang mahusay na pinuno sa katauhan ng Kapitan Heneral. Siya ay walang kinikilingan at tapat sa kanyang nasasakupan. Sa kabila ng isang Kastila, ang pagbibigay ng katarungan ay hindi
ipinagkait maging sa mga Pilipino. Pinakikinggan niya ang bawat panig at nagbibigay papuri kung
kinakailangan. Tulad ni ibarra na isa ring Pilipino, siya ay pinapurihan ng kapitan heneral dahil sa kanyang mga panukala at dahil alam niyang walang kasalanan ang binata, nangako siyang tutulong upang maalis ang
kanyang pagka- excomulgado. Bukod pa rito, si Ibarra ay ipinagbilin ng Kapitan Heneral sa alkalde upang hindi na
maulit ang nangyari sa tanghalian sapagkat ayon sa Kapitan Heneral, iyon ay nakasisirang puri sa
pamahalaan at sa lahat ng Kastila. Upang lalo mo pang masaksihan ang mabuting pamamalakad ng Kapitan
Heneral kailangan mong basahin ang kabanata.
![Page 16: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/16.jpg)
Buod
![Page 17: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/17.jpg)
Pagkadating ng Kapitang-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit nang lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral.
![Page 18: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/18.jpg)
Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga prayle na sina Pari Sibyla, Pari Martin, Pari Salvi at iba pang mga prayle. Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa Heneral. Dahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng Heneral. Sinabi nina Pari Sybila at Pari Salvi na may sakit si Pari Damaso. Matapos paupuin ng Kapitan Heneral ang mga prayle ay siya na mang pagdating nina Kapitan Tiago at Maria Clara.
![Page 19: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/19.jpg)
Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Kung hindi dahil sa kanya , maaring nasaktan na ni Ibarra si Padre Damaso. Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng gantimpala si Maria na kaagad namang tumutol.
Samantala, ipinahayag ng kagawad na dumating na si Ibarra at nakahanda na siyang humarap sa Heneral. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, Kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya nito sa paglilibot.
![Page 20: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/20.jpg)
Hindi matiis ni Pari Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay excomunicado. Pero,hindi siya pinapansin nito at sa halip sinabi ng Heneral na ipaabot kay Padre Damaso ang pangangamusta na gumaling ito kaagad. Hindi nila natanggap na dahil lamang kay Padre Damaso ay naging malamig ang pagtanggap sa kanila ng Heneral. Umalis ang mga prayle na may sama ng loob sa heneral at nakasalubong si Ibarra ngunit walang batiang nangyari maliban sa mga tinginang makahulugan.
Pagkakita ng Heneral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama lang ang kanyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkaka-excumunicado ni Ibarra.
![Page 21: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/21.jpg)
Sa pagkukuwento, lumitaw na pinalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan Heneral noong siya’y nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang liham na tagubiling dala si Ibarra para sa kanya. “Hindi na kailangan ito”, ani ni Ibarra sapagkat lahat daw ng mga Pilipino ay tinagubilin na sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang sariling pananaw sa buhay, napagmunian ng Heneral na matalino ang binata. Inamuki niya itong ipagbili ang lahat ng ari-arian at sumama na sa kanya sa Espanya sapagkat hindi nababagay ang kanyang kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa bayang sinilangan at pinamuhayan din ng mga magulang nito
![Page 22: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/22.jpg)
Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarra sapagkat inaakala niyang higit nga niyang kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang maalala niya si Maria, kaagad itong nagsalita at sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang kanyang kasintahan at itagubilinang paparoonin sa kanya si kapitan Tiago.Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si Ibarra at umalis na. Pagkaalis ni Ibarra ay tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na hindi na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin. Huwag ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral.
![Page 23: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/23.jpg)
Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang pangangalagaan din ang kaligtasan ni Ibarra. Nang dumating si Tiyago kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak. Nagprisinta pa ang Heneral na maging ninong sa kasal kahit hindi pa man naaayos ang kasal.
Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra si Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumagot at pinalagos ang kanyang boses sa susian ng pinto. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan. Nagtaka si Ibarra.
![Page 24: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/24.jpg)
Mahahalagang Pangyayari
![Page 25: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/25.jpg)
Nagpasalamat ang Kapitan Heneral kay Maria dahil siya ang namagitan sa away nina Padre Damaso at Ibarra
![Page 26: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/26.jpg)
Hinanap ng Kapitan Heneral si Padre Damaso sa mga prayleng bumisita sa kanya.
![Page 27: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/27.jpg)
Ipinaalam ni Padre Salvi sa Kapitan Heneral na si Ibarra ay isang excomulgado
![Page 28: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/28.jpg)
Nakausap ni Ibarra ang Kapitan Heneral at sinabi ng huli sa una na siya ay labis na nasiyahan sa kanyang panukala na pagpapatayo ng paaralan
![Page 29: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/29.jpg)
Niyaya ng Kapitan Heneral si Ibarra na sumama sa kanya sa Espanya ngunit tumanggi ang binata at sinabing kailangan niyang mamuhay kung saan namuhay ang kanyang mga magulang
![Page 30: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/30.jpg)
Nagkaroon ng pagkakataon si Ibarra na puntahan si Maria Clara sa kanyang silid ngunit hindi siya hinarap ng dalaga
![Page 31: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/31.jpg)
Talasalitaan
![Page 32: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/32.jpg)
Excomunicado(taong tumiwalag sa simbahan)
(Siya ay isang excomunicado!!!!)
![Page 33: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/33.jpg)
Kinalulugdan
(Ikinalulugdan ko ang kanyang pagdating
(ikinatutuwa)
![Page 34: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/34.jpg)
Pinalagos(Pinadaan)
(Pinalagos ko sa kanya ang aking sulat.)
![Page 35: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/35.jpg)
Pagsusuri
![Page 36: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/36.jpg)
Makatuwiran si Rizal. Naniniwala siya na sa bawat panlalahat ay may edukasyon. Inilarawan ni Rizal ang pagpuri niya sa mga
Kastilang may malawak na pag-iisip tulad ng Kapitan Heneral. Dito
napag-unawa na walang kinikilingan si Rizal. Sinasabi niya kung ano ang totoo lamang. Ang
tunay na dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino sa ilalim ng
parnumuno ng mga Kastila ay ang pakikisangkot ng mga pari sa
usaping panlipunan at pampulitika.
![Page 37: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/37.jpg)
Wakas
![Page 38: Kabanata 37](https://reader033.fdocument.pub/reader033/viewer/2022061401/589f4c161a28abec418b5193/html5/thumbnails/38.jpg)
Ipinasa nila:Jan Paul B. Olaso
At
Arjay M. Torno III One