K-12 Aralin 18 patakarang piskal
-
Upload
rivera-arnel -
Category
Education
-
view
1.943 -
download
38
Transcript of K-12 Aralin 18 patakarang piskal
Aralin 18
Patakarang PiskalInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistoryAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Panimula:• Isang malaking sulirarin
ng pambansang ekonomiya ang inflation.
• Ngunit may mga hakbang na maaring gawin ang pamahalaan upang mabawasan ang epekto nito sa mga konsyumer.
Patakarang Piskal(Fiscal Policy)• Ang pagkontrol ng pamahalaan sa
ekonomiya upang mapatatag ang pambansang ekonomiya.
• Nakapaloob dito ang: • paghahanda ng badyet,• pangungulekta ng buwis • paggamit ng pondo.
Uri ng Patakarang Piskal
Expansionary fiscal policy
Contractionary fiscal policy
Expansionary Fiscal Policy• Layunin nito na mapasigla ang pambansang
ekonomiya. Ginagawa ito upang isulong ang ekonomiya, lalo na sa panahon ng recession.
• Kabilang dito ang pamumuhunan ng pamahalaan at pagbabawas sa ibinabayad na buwis.
• Ang ganitong gawain ay magpapataas sa demand, magpapababa sa presyo ng kalakal at magpapalaki sa output ng ekonomiya.
Contractionary Fiscal Policy• Layunin nito na bawasan ang sobrang kasiglahan
ng ekonomiya dahil ang labis na mataas na demand sa suplay ay magdudulot ng inflation.
• Kabilang sa mga hakbang nito ang pagbabawas sa gastusin ng pamahalaan, pagsasapribado ng ilang pagpublikong korporasyon at pagpapataas sa singil na buwis.
• Ang ganitong gawain ay magpapababa sa demand, magpapataas sa presyo ng kalakal at pagbabawas sa output ng ekonomiya
Break Muna:Tukuyin kung ang mga sumusunod ay sanhi ng contractionary fiscal policy o expansionary fiscal policy. BAWAL ANG MAGBURA.1. Nagpataw ang pamahalaan ng dagdag na buwis sa mga sinehan.2. Binawasan ng pamahalaan ang sinisingil na income tax sa mga
manggagawa.3. Ibinenta ng pamahalaan sa pribadong sektor ang Maynilad.4. Nagbigay ng tax incentive ang pamahalaan sa mga nais
magnegosyo.5. Tinaasan ng pamahalaan ang E-VAT mula 10% sa 12%.
Pinagmumulan ng Kita ng Pamahalaan• Kita mula sa buwis
(81%)• Kitang di-mula sa
buwis (19%)
Ano ang buwis (tax)?• Ang salapi na sapilitang kinukuha ng
pamahalaan sa mga mamamayan.• Ito ay maaaring ipataw ng pamahalaan sa
mga ari-arian, tubo, kalakal o serbisyo.• Ang buwis ay sakop ng kapangyarihan ng
pamahalaan.
Layunin ng pagbubuwis• Mapataas ang kita ng pamahalaan.• Pagpapatatag ng ekonomiya. • Mapalagaan ang industriyang panloob laban
sa mga dayuhang kalakal.• Gamit para sa tamang distribusyon ng kita.• Regulasyon para sa tamang pagbili at
pagkonsumo ng kalakal.
Uri ng buwis• Tuwiran (direct tax) – buwis na tuwirang
ipinapataw sa mga indibidwal o bahay kalakal.• Hal. with-holding tax
• Di-tuwiran (indirect tax) – buwis na ipinapataw sa mga kalakal o serbisyo.• Hal. Value-added tax
Mga halimbawa ng buwis:• Buwis sa kinikita ng mamamayan – income tax• Buwis sa mga may-ari ng sasakyan – road user’s
tax• Buwis sa mga may-ari ng negosyo – business tax• Buwis sa mga binibiling kalakal – Value added tax • Buwis sa mga libangan tulad ng sinehan, parke, at
sugalan – amusement tax• Buwis sa mga kalakal na galing ibang bansa –
import duties tax
Sangay ng pamahalaan na kumokolekta ng buwis • Bureau of Internal Revenue (BIR) –
nangangalap ng buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa loob ng bansa.
• Bureau of Customs (BOC) - nangangalap ng buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa labas ng bansa.
Break Muna!• Maghanda ng talaan ng mga gastusin ng inyong
pamilya sa isang buwan at isulat ang halagang inilalaan para dito.
• Natutugunan ba ang lahat ng inyong gastusin?• Magkano ang natitirang halaga matapos matugunan
ang mga gastusin?
Gastusin Halagang NakalaanPambayad sa Bahay 3,000.00
Kuryente 800.00
Tubig 300.00
Pambansang Badyet• Naglalaman ng halaga ng salaping
inaasahang matatanggap ng pamahalaan sa isang takdang taon.
• Isang plano kung paano tutugunan ng pamahalaan ang mga gastusin nito.
• Naglalaman ito ng inaasahang kita at ipinakikita rin kung paano gagastusin ang kitang ito.
Pambansang Badyet• Sa paghahanda ng badyet, binibigyan ng
pansin kung magkano ang gagastusin sa programa ng pamahalaan tulad ng depensa, edukasyon at kalusugan. Ang kabuuang gastusin ay maaring baguhin upang mapataas o mapababa ang output ng ekonomiya.
Mga sangay ng pamahalaan na namamahala ng pambansang badyet• Department of Finance (DOF)• Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)• National Economic and Development
Authority (NEDA)• Department of Budget and Management
(DBM)• Commission on Audit (COA)
Pagbuo ng Pambansang Badyet• Executive Preparation – paghahanda ng
panukalang badyet.• Budget Authorization – pagsusuri at pag-
apruba (o hindi pag-apruba) ng panukalang badyet.
• Budget Execution – pagbibigay ng badyet at paggamit nito.
• Budget Accountability – paghahanda ng ulat upang malaman kung nagasta ang badyet ayon sa itinakda para dito.
Checks and Balances• Pagtiyak na hindi maaabuso ng anumang
sangay ng pamahalaan ang kanilang kapangyarihan sa usapin ng paglalaan ng limitadong pondo ng bayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Uri• Personal Services (PS) – gastusin para sa
suweldo,honoraria at bonuses ng mga kawani ng pamahalaan.
• Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) – gastusin para sa operasyon tulad ng kuryente, papel, tubig, gasolina at iba pa.
• Capital Outlay (CO) – gastusin para sa karagdagang asset tulad ng gusali, lupa, sasakyan o makinarya.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Sektor• Serbisyong Pang-ekonomiyo – gastusin sa
pagpapaunlad ng mga programang pangkaunlaran tulad ng kalakalan, industriya at turismo.
• Serbisyong Panlipunan – mga gastusin sa edukasyon, kalusugan, transportasyon etc.
• Pambansang Tanggulan – mga gastusin sa pagpapanatili ng katahimikan at seguridad.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Sektor• Pangkalahatang Pampublikong Paglilingkod
– mga gastusin sa pagsasagawa ng tungkuling pansibiko tulad ng tulong sa panahon ng kalamidad, pagpapautang etc.
• Pambayad utang – gastusin na pinambabayad sa mga utang ng bansa panlabas o panloob.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Sektor
Pambayad Utang24%
Serbisyong Pan-lipunan
30%
Serbisyong Pang-ekonomiko
24%
Pambansang Tanggulan
5%
Pangkalahatang Pampublikong Paglil-
ingkod17%
Sitwasyon ng Budget• Budget Deficit – nagaganap kung mas
mataas ang gastos sa kita ng pamahalaan.• Budget Surplus – nagaganap kung mas
mataas ang kita sa gastos ng pamahalaan.
• Anong sektor ng pamahalaan ang dapat
na magkaroon ng karagdagang badyet at
alin ang dapat bawasan ang badyet?
PAGPAPAHALAGA
Ang GRADES pinaghihirapan
HINDI inililimos!
Tandaan:
References:• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI