Jve 121009203737-phpapp01

17
Introduksyon Ang pera ay mahalagang bahagi ng mga pang-araw-araw na ugnayan sa lipunan. Lahat ng pera, barya man o papel, ay mga larawan, maging mukha ng isang bayani o di kaya mga kakaibang hayop, halaman o makahulugang simbolo. Makikita sa disenyo ng pera ang mga nais ipahayag ng pamahalaan hinggil sa bansang pinagmulan nito. Inilalarawan din ang mga layon at mithiin ng mga namumuno ng bansa. Inilalahad ng isa sa mga eksibisyong ito kung paano idinisenyo ang salapi. Itinatanghal din nito ang ilang dibuho ng iba’t ibang lumikha. Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng eksibisyon ay ang Essay Color Trial ng Estados Unidos. Ang mga disenyong ito ay nabili ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa isang subasta noong Pebrero 2007. Makikita din ang mga disenyo ng salapi ng Pilipinas noong 1950’s mula sa Instituto Poligrafico dello Stato ng Italia. Bahagi rin ng eksibisyong ang mga dibuho nilikha ng mga Pilipinong sina: Rafael Asuncion at Angel Cacnio noong 1960’s hanggang 1980’s. Makikita din dito ang eksibisyon kung ano ang pinagmulan ng pera at paano ito ginamit. Disenyo at ilang mga Espesyal ng Elemento ng Pera Sa paglikha ng Disenyo ng pera maraming uri ng palamuti ang ginagamit. Halimbawa nito ay: Rosettes – mga hugis ng malabulaklak Lacework Design – disenyong malapuntas o ginantsilyo Vignette – isang tanyag ng tanawin o pangyayari Color Scheme – kombinasyon ng mga kulay Portrait – larawan ng isang bayan o pangulo ng bansa

description

Finished Documentation

Transcript of Jve 121009203737-phpapp01

Page 1: Jve 121009203737-phpapp01

IntroduksyonAng pera ay mahalagang bahagi ng mga pang-araw-araw na ugnayan sa lipunan. Lahat ng pera, barya man o papel, ay mga larawan, maging mukha ng isang bayani o di kaya mga kakaibang hayop, halaman o makahulugang simbolo.

Makikita sa disenyo ng pera ang mga nais ipahayag ng pamahalaan hinggil sa bansang pinagmulan nito. Inilalarawan din ang mga layon at mithiin ng mga namumuno ng bansa.

Inilalahad ng isa sa mga eksibisyong ito kung paano idinisenyo ang salapi. Itinatanghal din nito ang ilang dibuho ng iba’t ibang lumikha. Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng eksibisyon ay ang Essay Color Trial ng Estados Unidos. Ang mga disenyong ito ay nabili ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa isang subasta noong Pebrero 2007. Makikita din ang mga disenyo ng salapi ng Pilipinas noong 1950’s mula sa Instituto Poligrafico dello Stato ng Italia.

Bahagi rin ng eksibisyong ang mga dibuho nilikha ng mga Pilipinong sina: Rafael Asuncion at Angel Cacnio noong 1960’s hanggang 1980’s.

Makikita din dito ang eksibisyon kung ano ang pinagmulan ng pera at paano ito ginamit.

Disenyo at ilang mga Espesyal ng Elemento ng Pera

Sa paglikha ng Disenyo ng pera maraming uri ng palamuti ang ginagamit. Halimbawa nito ay:

Rosettes – mga hugis ng malabulaklakLacework Design – disenyong malapuntas o ginantsilyoVignette – isang tanyag ng tanawin o pangyayari Color Scheme – kombinasyon ng mga kulayPortrait – larawan ng isang bayan o pangulo ng bansa

Kasama sa disenyo ng pera ang ilang mga espesyal na elemento para hindi ito makopya ng mga manghuhuwad. Kasama dito ang:

Watermark – mala-aninong balangkas na naaninag lamang kapag gumagamit ng malakas na ilaw

Microprinting – maliliit at pinung-pinong limbag na salita na hindi maaring basahin kung walang espesyal na kagamitan

Security thread – espesyal na uri ng sinulid na ipinaloob sa bandang gitna ng salapi noong ginawa ang papel

Iridescent Band – malapad, makintab, malagintong, patayong guhit na may nakalimbag na halaga

Fluorescent Printing – ito ay kumikinang na nakalimbag na halaga ng salapi na makikita kapag itinapat sa ultra violet na ilaw

Page 2: Jve 121009203737-phpapp01

Nakasaad sa disenyo ng pera ang mga mininmithi ng mga namumuno para sa pagpapaunlad sa buhya ng mga mamamayan kaya naman madalas, inilalarawan na salapi ang mga bagay na may kinalaman sa industriya, katulad ng mga pabrika, ang mga oil drilling equipment at ang mga taniman. Iba’t ibang sagisag din ng pagkakaisa ng sambayanan ang ginamit katulad ng bandila o mga gusali ng pamahalaan. Maari na ang iba pang mga disenyo ay naglalarawan ng ninanais na kapayapaan at kasaganahan.

Pre –Hispanic EraTulad sa mga ibang lipunan noong unang panahon, ang kalakalan sa Pilipinas a sa pamamagitan ng palitan o tinatawag na barter. Ang mga katutubong kalakal noon ay sigay, pulot-pukyutan, bulak, mga hinabing himaymay, bunga ng niyog, halamang dagat, palay, bao ng pawikan, perlas, gintong palamuti at barter ring.

Ilan sa mga ginamit ng mga ating mga ninuno sa pangangalakal:

Piloncito

Ang tawag sa kauna- unahang perang barya na nakilala ng mga ninuno natin. Ito ang ibinigay na pangalan ng mga ninuno natin. Ito ang ibinigay na pangalan ng mga makabagong dalubhasa sa pag-aaral ng pera dahil sa pagkawangis nito sa sisidlan ng asukal na kung tawagin ay “pilon”. Ang mga perang ito ay nahukay sa iba’t- ibang look nh Laguna, Bataan, Mindoro, Hilagang Mindanao at Ilog Pasig. Ang titik na nakaukit ditto ay katumbas ng “ma” sa sinaunang baybaying at maaring tumukoy sa “Mai”, ang tawag ng mga mangangalakal na Intsik sa Pilipinas bago dumating ang Kastila.

Page 3: Jve 121009203737-phpapp01

Barter rings

Panahon ng EspañolKalakalang Galyon, kung saan nagsimula noong kolonyalisasyon ng España sa Pilipinas nong 1565 at nagtagal ng 250 taon ang napabago sa Manila bilang isang sentro ng kalakalan sa buong Asya.

Ilan sa mga pera ginamit nila ay:

Cobs o macuquinas

Page 4: Jve 121009203737-phpapp01

Dos Mundos

Counterstamped Coins

Noong 18-siglo, pinasinayaan ng España ang Ayuntamiento o Municipality of Manila na gumawa ng baryang gawa sa pilak dahil noong panahon na yun ay nagkaroon ng kakulangang sa pera. Tinawag itong barillas ng lumabas noong 1728. Noong 1852, nilabas ang kauna unahang perang papel na tinawag na Pesos Fuertes at noong 1861, ginawa ng Case de Moneda de Manila ang kauna-unahang gintong barya na may nakalagay na “Filipinas” na tinatawag na Isabelinas at Alfonsinos.

Page 5: Jve 121009203737-phpapp01

Barillas

Pesos Fuertes

Isabelinas

Page 6: Jve 121009203737-phpapp01

Alfonsinos

Casa de Moneda de Manila

Page 7: Jve 121009203737-phpapp01

Revolutionary Period

Noong Agosto 23, 1896, sinimulan ni Andres Bonifacio ang simula ng Rebolusyon ng mga Pilipino. Matapos maihalal si Pangulo Emillio Aguinaldo bilang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas, may dalawang klase ng 2-centavo copper coins ang merong ang arsenal ng Malolos. Dahil konti lang ang nagawa, isa ito sa mga pinakabihira sa koleksyon ng Bangko Sentral. Gumawa din sila ng mga perang papel ngunit saglit lang ito dahil hindi nagtagal ang Unang Republika ng Pilipinas.

Page 8: Jve 121009203737-phpapp01

Panahon ng Amerikano

Noong sinakop tayo ng mga Amerikano, pinasinayaan ng Konggreso ng Estados Unidos ang Philippine Coinage Act, kung saan binibigyan ng karapatan ang Pilipinas para gumawa ng mga Silver Coins. Kasabay din nito ang pag issue ng Silver Certificates noong 1918 at ito ay pinalitan ng Treasury Certificates noong 1918 hanggang 1935. Naisip ng Pamahalaan ng Amerikano na mas makakatulong sa ekonomiya at mas madaling gamitin ang Silver coins sa Pilipinas kaya binuksan ulit ang Manila Mint noong 1920 kung saan gumawa sila ng pera hanggang sa panahon ng Commonwealth. Panahon ding ito nagsimula ang Bangko Sentral ng Pilipinas.

Treasury Certificates

Page 9: Jve 121009203737-phpapp01

Pangalwang Digmaang Pandaigdig

Noong panahon ng Hapon, may dalawang uri ng pera – ang Japanese Invasion Money na nilabas ng Pamahalaan ng Hapon at ang Guerilla Notes o Currencies na nilabas ng mga Gerilyang Pilipino.

Japanese Invasion Money

Guerilla Notes

Page 10: Jve 121009203737-phpapp01

Republic PeriodAng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay isang bangko sentral ng Republika ng Pilipinas. Isinaayos muli ang karta ng bangkong ito noong Hulyo 3, 1993, alinsunod sa mga panustos ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas at ang Bagong Batas ng Bangko Sentral ng 1993. Itinatag ang BSP noong Enero 3, 1949, bilang pangasiwaan ng sentrong pananalapi ng bansa. Ang kaunaunahang Bank Notes ginawa ng Bangko Sentral ay ang English Series noong 1951, at sinundan ng Pilipino Series noong 1967, Ang Bagong Lipunan Series noong 1973 at New Designs Series noong 1985. Inilabas din ng Bangko Sentral ang English Series na barya at sinundan ito ng Pilipino Series noong 1967, Ang Bagong Lipunan Series noong 1975. Nilabas din nila ang Flora and Fauna Series noong 1983, at pinaganda pa ito noong 1992 hanggang mapawalang halaga ang mga ito noong 1998.

English Series

Page 11: Jve 121009203737-phpapp01

Pilipino Series

Bagong Lipunan Series

Page 12: Jve 121009203737-phpapp01

Flora and Fauna Series

Page 13: Jve 121009203737-phpapp01

Ilan sa mga Pilipinong gumawa ng dibuho ng ating pera:

Angel Cacnio

Angel C. Cacnio, born in 1931 still lives in the hometown of his birth, Malabon. Known for his masterful rendition of Philippine genre both in oil and watercolor. Angel Cacnio has had several solo and group exhibitions. While still a student, Cacnio already showed his talent, winning first prize in the Shell National Student’s Art Competition in 1953.

Cacnio’s lasting legacies are his designs for banknotes and coins for Bangko Sentral ng Pilipinas. The artist designed the 20 and 100 peso bills that are now in circulation. He also won the Bangko Sentral ng Pilipinas coin design competition for the 1-centavo Lapu-lapu and the 50-centavo Marcelo H. del Pilar in 1967. It subsequently went into production as the Pilipino Series (1967-1973). Among the designs that were never produce were two studies for the Php. 500 banknote featuring President Ferdinand Marcos while the other showed the late Senator Benigno Aquino depicted with sugarcane, symbolizing Tarlac as his home province.

Rafael Asuncion

Rafael Asuncion came from a long line of 19th century Asuncion artists, namely, Justiniano, Mariano, Leoncio, and Jose Mari. The artist’s career spanned over for decades distinguishing himself in some of the biggest advertising agencies in Manila.

Page 14: Jve 121009203737-phpapp01

Asuncion was also a founding member of the Art Association of the Philippines and the president of the Art Directors club of the Philippines. He taught at the College of the Holy Spirit and the University of the Philippines College of Fine Arts, designing the official seal of the latter. Asuncion passed away in 2005 but his memory lives on through the 10 and 50 piso banknotes he designed for the Bangko Sentral ng Pilipinas which are still in circulation. Previous to this, Asuncion also conceived the 2-piso, the 25 and 50 centavo coins of the Flora and Fauna Series. Designs that never reached production were two studies for the Php. 500 banknote showing former President Ferdinand Marcos while the other featured the late Senator Benigno Aquino.