Japanese Invasion in the Philippines
description
Transcript of Japanese Invasion in the Philippines
PANANAKOP NG HAPONBy: Lin, Jesse Baldwin
A.P. Report
Nakipagdigma ang Hapon sa mga bansa sa Asya. Nasakop nito ang Manchuria, French Indochina at Malaking bahagi ng Tsina.
Imperyo ng Japan
“Ang Asya Para sa mga Asyano”
Inanyayahan ni Arita, Ministrong panlabas ng Japan na makilahok ang Pilipinas sa Greater East Asia Co-prosperity Sphere. Ngunit tinanggihan ito ng mga Pilipino.
Dahil sa nakaambang panganib tinipon ni Hen. Douglas MacArthur ang regular at reserved Armed Forces ng Pilipinas.
PAGBOMBA SA PEARL HARBOR
Bukas at patuloy na nakipagunawaan ang US sa Japan, nagtungo si Nomura kichisaburo upang makipagusap sa mga Amerikano hinggil sa kapayapaan noong Sep. 1941
Ngunit hindi pa natatapos ang usapan ay binomba na ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa Hawaii noong Dec. 7, 1941
Malaki ang napinsala sa US dahil ang lakas pandagat nito ay nasa Pearl Harbor. Ito ang nagsimula ng WW2
WW2 Allied vs. AxisAllied | Axis
|||||
Paglusob ng mga Hapones sa Pilipinas
May mga Hapones na sa Pilipinas bago pa man bombahin ng mga ito ang Pearl Harbor. Nakontrol nila ang malaking bahagi ng pangangalakal at pagluluwas ng mga kalakal mula Pilipinas, lalong lalo na sa Davao.
Matapos pasabugin ng mga Hapones ang Pearl Harbor, nilusob nila ang mga eroplanong pandigma sa Clark Air Base Field sa Pampanga
Binomba rin nila ang Maynila noong Dec. 9 ,1941. Ipinagtanggol ng mga Amerikano at Pilipino ang Pilipinas.
Napasok agad ng mga Hapones ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Pinasok nila ang Hilagang Luzon at Batanes noong Dec. 10, 1941.
Ipinahayag naman ni Hen. MacArthur na Open City ang Manila noong Dec.26, 1941. Ginawa niya ito upang maiwasan ang pamiminsala.
Kinamkam ng mga Hapones ang mga sasakyan, tirahan at pagkain ng mga Pilipino. Sinira rin nila ang shortwave na radyo
Paglilipat ng Pamahalaang Commonwealth
Noong Dec.24, 1941, bago pa man maipahayag na open city ang Manila, nailipat na ni Pang. Quezon ang Commonwealth sa Corregidor. Inatasan niya si Jose P. Laurel na maiwan sa Maynila upang sumalubong sa mga Hapones
Sinikap ni Jose P. Laurel na pangalagaan ang taong bayan laban sa kalupitan ng mga Hapones at panatiliing buo ang Pilipinas. Si Jorge Vargas ang alkalde ng Maynila.
Sa Ilalim ng Pamamahala ng mga Hapon
Jan 2, 1942 nang nasakop ng Hapon ang Maynila. Agad ipinahayag ni Hen. Homma ang kanilang patakaran sa pananakop. Pinahayag niya na ang mamumuno ng Pangasiwaang Militar ay ang Direktor Heneral. Siya ang susubaybay sa pagsakop sa Pilipinas
Heneral Masaharu Homma
Ang Lupong Tagapagpaganap
Inatasan si Vargas na maging Pangulo ng Executive Commission. Inutusan siya ng pamunuang Hapon na humirang ng anim na mamumuno sa mga kagawarang bubuuin nito.
Komisyoner ng Interyor: Benigno Aquino Sr.
Pananalapi:Antonio Delas AlasKatarungan:Jose P. Laurel
Agrikultura:Rafael AlunanEdukasyon at Kalusugan:
Claro M. RectoPagawaing Bayan:Quintin Paredes
Meeting ni Homma at Vargas sa Malakanyang
Ang Pambansang Asemblea
Ang mga batas na may pagpapahalagang demokratiko at laban sa mga layunin ng mga Hapones ay kanilang inalis
Bagamat pinanatili nila ang National Assembly sa Ilalim ng Commonwealth, wala itong kalayaan na gumawa ng batas.
Ang Hukuman
Nanatili ang mga dating hukuman ngunit limitado ang kapangyarihan. Usaping sibil at kriminal na kinasasangkutan ng mga Pilipino lamang ang nililitis nito.
Madalas din itong pakialaman ng mga Kempei-tai, ang mga Pulis Militar ng mga Hapones, lalo na kung ang nasasangkot ay mga Pilipino.
Ang mga kasong kriminal na laban sa mga Hapones at nasasangkot na salarin ang mga Pilipino, ay nililitis sa hukumang militar ng mga Hapones.
Ang kaso tungkol sa pagpatay sa mga Hapones, pagtulong sa kilusang gerilya at pagpapakalat ng propaganda laban sa mga Hapones ay hinawakan din nito.
Ang Pag-alis ng kalayaan
Nagpairal ang militar na totalitaryan ng mga Hapones. Inalis nila ang pamahalaang itinatag ng mga Amerikano.
Karapatang mamuhay ng malaya at may sapat na edukasyon.
Karapatan sa pagturing na walang sala ang isang narapatangan hanggang hindi napatutunayang siya ay nagkasala
Karapatang magpahayag ng malaya at magpalimbag nang malaya.
Karapatang magsagawa ng isang tahimik na pagtitipon upang mailahad ang saloobin
oKarapatang maglakbay ng malaya.
oKarapatan sa pagpili ng mga pinuno ng bayan.
MGA COMFORT WOMAN
Ang Labanan sa Bataan
Jan. 2, 1942 ng lubusang masakop ng mga Hapones ang Maynila. Umurong ang mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan. Ito ay isang pulo na sadyang ginawang moog ng mga Amerikano upang mabantayan ang lagusan patungong Manila Bay.
Nagkaroon ng madugong labanan upang mapigilan ang paglusob ng mga Hapones mula Pampanga hanggang Bataan noong Jan 1-5 1942.
Ang Pagbagsak ng Bataan
Feb.20, 1942 nilikas ni Manuel L. Quezon ang Commonwealth mula Corregidor patungong Washington D.C., USA
Naatasan bilang pinuno ng dating USAFFE si Hen.Wainwright at ang USAFFE ay naging USFIP nang mapalitan si MacArthur. Si Wainwright ay binilinang huwag susuko, subalit napilitan siyang sumuko nung Abril 9, 1942.
Inatasan niya si Hen. Edward P. King na pumunta kay Koronel Nakayama upang ihayag ang kanilang pagsuko. Ito ang naging dahilan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng mga Hapones
Pinahirapan ng mga Hapones ang mga sumukong sundalo. Nilabag ng mga Hapones ang kasunduan sa pakikidigma ayon sa Geneva Convention
ANG DEATH MARCH
AN
G D
EATH
MA
RC
H
RU
TA N
G D
EATH
M
AR
CH
Ang nakakakilabot na Death March ng mga Pilipino at Amerikanong bilanggo ng digmaan ay nagsimula noong APRIL 9, 1942. Inilipat ng mga Hapon ang mga sumukong USFIP mula Bataan patungong Capas, Tarlac
May 5 000 ang namatay sa sakit at sugat o kaya’y sinaksak ng bayoneta habang nagmamartsa ng walang pahinga, pagkain at inumin. Pinangakuang ibabalik ng mga Hapones ang mga nagsisukong Pilipino subalit ito ay hindi natupad kung kaya marami sa kanila ang tumakas. Ang nahuhuling tumakas ay binabaril.
Ang Pagbagsak ng Corregidor
Isang linggong binomba nang walang tigil ng mga Hapones ang Corregidor simula noong Apr.29,1942. birthday ito ni Emperor Hirohito. Noong May 4, 1942 naranasan ng mga USFIP ang pinakamahirap na araw ng pakikidigma dahil sa walang tigil na pag-ulan ng bala at kanyon
Ibinuhos na lahat ni Heneral Moore noong May 5, 1942 ang kanilang makakaya sa pagtatanggol sa Corregidor, subalit nagapi pa rin sila ng mga Hapones
Heneral Moore
Ipinahayag ni Wainwright na sila ay handang sumuko. Ipinasunog ni Wainwright ang:
Php 280 000 000 Php 30 000 000 salaping silver
Kodigo Lihim na kasulatan ng hukbo
Jonathan Wainwright
Bago sila humarap kay Homma, ang pinakamataas na opisyal ng mga Hapones upang hindi na ito mapakinabangan ng mga Hapones.
Ang KALIBAPI
Inalis ng mga Hapones ang lahat ng lapian sa pulitika. Nilikha ng mga Hapones ang KALIBAPI. Pinamumunuan ito ni Jorge Vargas at pinamahalaan ni Benigno Aquino Sr.
Noong July 19, 1943 nagdaos ang KALIBAPI ng Pambansang Kumbensiyon upang humirang ng 20 kaanib sa PCPI. Napiling Pangulo si Jose P. Laurel. Ang pagbalangkas ng bagong saligang batas ang kanyang tungkulin.
Saligang Batas 1943
Binago ang Saligang-Batas ayon sa layunin ng mga Hapones. Ginawa ito upang magmukhang totoo ang pagtatatag ng Bagong Republika. Ngunit ito’y Puppet Government lamang
Pinagtibay ito ng 117 kinatawan ng KALIBAPI noong Sept. 4, 1943. Narito ang ilan sa katangian ng Saligang Batas 1943
May higit na kapangyarihan ang Pangulo ng Republika kaysa sa Hukuman at unicameral na National Assembly
Walang posisyon para sa pangalawang pangulo
Nakaatang ang kapangyarihang pambatas sa batasang unicameral
Binigyang diin ang mga pananagutan at tungkulin ng mamamayan sa halip na ang karapatan na nasasaad sa Bill of Rights.
Ang Ikalawang Republika
Unang nagpulong ang pambansang asemblea sa ilalim ng Japan noong Sept.20, 1943. Nahalal si Jose P. Laurel bilang Pangulo ng Ikalawang Republika
Pinasinayaan ang Republikang itinatag noong Oct.14, 1943. Inihayag ni Mayor Jose Vargas ang pagbawi ng pangasiwaang militar ng mga Hapones. Inihayag din ang pangakong bibigyan ng kalayaang mamalakad ng may pananagutan ang mga namumuno
Nanumpa bilang Pangulo ng Pilipinas si Laurel sa araw na iyon at ang watawat ng Pilipinas ay itinaas kasabay ng pambansang awit. Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay tinawag na Puppet Republic dahil sunud-sunuran lamang ito sa mga Hapones
Nabigyan naman si Pangulong Laurel na pumili ng mga kalihim ng mga kagawarang bubuo sa kanyang Gabinete
Narito ang kanyang mga nilikha:
Gawaing Panlabas Gawaing Panloob Pananalapi Katarungan Agrikultura at Komersiyo Pagawaing Pambayan, Edukasyon, at Komunikasyon
Gawaing Pangkabuhayan
Kalusugan at Kapakanang Bayan
Nagtatag si Laurel ng mga bagong kawanihan, tanggapan at komisyon. Pinalitan din niya ang sistema ng Hukuman. Sinikap din niyang maging makatotohanan ang Republika, ngunit lahat ng kanyang pagsisikap ay nawalan ng saysay.
Hindi tinupad ng mga Hapones ang kanilang pangakong bibigyan ng kalayaan ang bansa. Niyurakan ng mga Hapones ang Karapatan ng mamamayan
Nagpatuloy ang kanilang pagmamalupit sa mga Pilipino. Ang panahong ito ay tinawag na “Panahon ng Kadiliman” dahil walang seguridad at katiyakan ang buhay ng mga mamamayan.
THE ENDPEACE IN THE WORLD