Islam Brochure

4
Kaugnayan kay Abraham Si Abraham , na nabanggit sa Tora ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya , ang pinakaninuno ng mga Arabo dahil sa kanyang anak na lalaking si Ismael . Siya rin ang ninuno ng mga Hebreo dahil sa kanyang anak naman na lalaking si Isaac . Mga Muslim Mga nagdarasal na Muslim , sa loob ng isang moske . Kilala ang mga sumasampalataya sa Islam bilang mga Muslim. Nangangahulugan ang Muslim bilang ang "mga pumapasailalim" o "mga taong ibinibigay ang kanilang sarili sa Diyos". Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si Muhammad noong nabubuhay pa siya. Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga kadahilan kung bakit mas gusto nilang tawagin silang mga Muslim ang kanilang pagsamba lamang sa Diyos, hindi sa kay Muhammad at dahil na rin sa marami nang iba pang mga Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila dapat na pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad. Para sa mga Muslim, nagpadala ang Diyos ng isang maensaheng hindi

description

PROJECT

Transcript of Islam Brochure

Page 1: Islam Brochure

Kaugnayan kay Abraham

Si Abraham, na nabanggit sa Tora ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya, ang pinakaninuno ng mga Arabo dahil sa kanyang anak na lalaking si Ismael. Siya rin ang ninuno ng mga Hebreo dahil sa kanyang anak naman na lalaking si Isaac.

Mga Muslim

Mga nagdarasal na Muslim, sa loob ng isang

moske.

Kilala ang mga sumasampalataya sa

Islam bilang mga Muslim. Nangangahulugan ang Muslim bilang ang "mga pumapasailalim" o "mga taong ibinibigay ang kanilang sarili sa Diyos". Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si Muhammad noong nabubuhay pa siya. Dahil

dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga kadahilan kung bakit mas gusto nilang tawagin silang mga Muslim ang

kanilang pagsamba lamang sa Diyos, hindi sa kay Muhammad at dahil na rin sa marami nang iba pang mga Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila dapat na pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad.

Para sa mga Muslim, nagpadala ang Diyos ng isang maensaheng hindi mababago ninuman. Nagsasabi ang mensaheng ito ng kung ano ang dapat nilang malaman upang sumaya sila sa mundo at sa kabilang buhay. At si Muhammad nga ang taong pinili ng Diyos upang maging kanyang propetang mensahero o tagapagbalita. Para rin sa paniniwalang Muslim, isa lamang sa kanilang mga propeta si Hesus. Hindi sila tinataguriang mga

Page 2: Islam Brochure

Kristiyano dahil hindi sila naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.

Inihanda ni:DARLINE LUZETTE R. PANGANIBAN

II-HYACINTH

Islam

Kaligrapiya na nagsasabi ng Allah.

Islam (Arabo: ;اإلسالم al-islām), "pagsuko (sa kalooban ng Diyos)" ay isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Isang Abrahamikong relihiyon ang Islam, kasama ang Kristiyanismo at Hudaismo, kaya't malapit na kamag-anak ito ng dalawang huling pananampalataya. Naniniwala ang mga tagasunod, kilala bilang

mga Muslim, na ipinahayag ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang banal na salita diretso sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng Islam.

Kahulugan

Pinakapayak na kahulugan ng Islam ang "pagtanggap at pagpapasailalim o pagsuko sa kagustuhan ni Allah.” Maaari rin itong mangahulugang "pagtutuon" o "paglalaan" (dedikasyon) sa Diyos.

Kasaysayan

Tagapagtatag

Si Muhammad, kinikilala ng mga Muslim bilang

Page 3: Islam Brochure

propeta ng Diyos, ang tagapagtatag ng pananampalatayang Islam. Nagsimulang makatanggap si Muhammad ng mga pahayag mula sa Diyos noong 610. Noong nasa gulang na apatnapu na si Muhammad, nagkaroon siya ng pangitain kung saan tinawag siya ni Arkanghel Gabriel upang magturo ng salita ng Diyos. Noong 613, nagsimula siyang mangaral. Nagbuhat ang simulain ng Islam bilang sumisibol na relihiyon mula pa noong 622, nang maganap ang Hijra na nangangahulugang "emigrasyon" o pangingibang bayan. Pinag-ugatan ng Hijra ng salitang Hegira o "Taon ng Emigrasyon" (ito ang unang taon sa

kalendaryong Muslim). Nilisan ni Muhammad at ng kanyang mga tagasunod ang Mecca dahil sa mga Arabong sumasalungat o lumalaban sa kanyang mensahe. Mismong ang tribo ni Muhammad ang hindi nagkagusto sa mensahe ng Koran, sapagkat natatakot silang napakaraming mga pagbabagong gagawin ito sa kanilang mga buhay. Nagtungo sina Muhammad at kanyang mga tagasunod na naniniwala sa Koran sa oasis ng Yathrib, na nakilala sa paglaon bilang Medina o ang "Lungsod ng Propeta". Noong 630, naging matatag na ang pagkakalunsad ni Muhammad ng kanyang bagong relihiyon, dahil ito ang taon kung kailan

nagbalik si Muhammad sa lungsod ng Mecca. Kasama ang 10,000 mga kawal, nilusob at tinaban ni Muhammad ang lungsod. Napagbago niya ang kalooban ng mga tao upang yakapin ang Islam. Winasak rin niya at ng kanyang mga sundalo ang mga idolo o anito. Pinanatili lamang niya ang Kaaba (Arabe para sa "kubo"), ang maliit na gusaling dating kinalalagakan ng mga idolo. Hindi niya ito sinira sapagkat may kaugnayan ito sa kapanahunan ni Abraham at Ishmael, na kapwa mga karaniwang ninuno ng mga Hudyo at ng mga Arabo.

Page 4: Islam Brochure

Ang Koran

Naitala ang mga pangaral ni Muhammad sa Koran, ang banal na aklat ng Islam. Para sa mga Muslim, ang Koran ang mga pahayag ng Diyos. Isinaayos at isinabatas ni Uthman, isang pinunong Muslim, ang Koran.

Nangangahulugang "mga pagsasabi" o "mga pagbigkas" (resitasyon) ang salitang Koran. Tinutukoy nito ang mga instruksiyon o kautusan ni Arkanghel Gabriel kay

Muhammad noong 610 na bigkasin ang pangalan ng Diyos o sambitin ang pangalan ni Allah.

Binubuo ang Koran ng 114 na mga kabanata o mga surah. Nahahati ang mga kapitulong ito sa mga taludtod o taludturan.