Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

47
ISANG KOMPARATIBONG PAGAARAL SA MGA NARS SA PILIPINAS AT SA AMERIKA Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas Bilang pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik ng Ikalimang Pangakat, I BSN 11

Transcript of Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

Page 1: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

ISANG KOMPARATIBONG PAGAARAL SA MGA NARS SA PILIPINAS AT SA

AMERIKA

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng

Filipino, Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas

Bilang pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng

Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

ng

Ikalimang Pangakat, I BSN 11

Marso 2010

Page 2: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2,

Pagbasa at Pagsulat 1 Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na

pinamagatang Isang Komparatibong Pag-aaral sa mga Nars sa Pilipinas at sa Amerika ay

inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa I-11 na binubuo nina:

Carmina Fuentebella Reyshyl Gresola

Justine Danielle Ilagan Millet Jimenez

Kenny Ladores Justine Torres

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad

ng Santo Tomas, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at

Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Aissa Abegail A. Jimenez

Guro

Page 3: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

PASASALAMAT

Taus-puso kaming nagpapasalamt sa mga sumusunod na indibidwal at tanggapan

dahil sa panahong iginugol nila, sa suporta at tulong para sa ikabubuti at tagumpay ng

pamanahong-papel na ito;

kay Ma’am Jimenez, ang aming masigsig, matalino at maganda propesora sa

Fil2, sa pagagabay sa amin sa simula at pagtatapos ng pamanahong-papel na

ito sa pagtuturo ng tamang paggawa at tamang paraan ng pagsulat ng

ganitong pamanahong-papel;

kay Gng. Glecy Hermogenes, G. Jun Vega, Norman Jose Galvez, R.N., an

gaming mga respondent, sa pagbibigay panahon sa aming interbyu na

isinagawa, sa pagpapahintulot nila sa interbyu upang madagdagan ang

kaalaman naming ukol sa pagiginga nars nila dito sa Pilipinas at sa US;

sa mga awtor at editor ng mga sanggunian na ginamit naming na mula sa

Buenavides Library na kinuhaan naming ng mga mahahalagang

impormasyon na nagamit naming sa una at lalo na sa ikalawang kabanata ng

amning pamanahong-papel;

sa aming mga kamag-aral na sumusuporta at tumutulong sa mga panahong

kinakailangan naming ng tulong ukol sa pamanahong-papel na ito;

sa aming mga pamilya, lalo na sa aming mga magulang na umiintindi sa

aming kalagayan, sa pagintindi sa amin kapag ginagabi kami ng uwi para sa

ikagaganda ng aming pamanahong-papel at higit sa lahat;

sa Poong May Kapal, sa pagsagot sa aming mga dalangin hinggil sa aming

pag-aaral higit sa lahat pamanahong papel na ito, sa paggabay sa mga oras

at mga lugar na pinaggagawan naming ng papel na ito at sa pagpapahiram

sa amin ng talino upang matapos ito.

Muli’t-mul, hanggang sa huli nagpapasalamat kami sa inyong lahat.

Mula sa mga Mananaliksik

Page 4: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata I, Ang Suliranin at Kalagiran Nito

1. Introduksyon

1

2. Layunin ng Pag-aaral

2

3. Kahalagahan ng Pag-aaral 3

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

4

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya 4

Kabanata II, Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura 6

Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

1. Disenyo ng Pananaliksik 9

2. Mga Respondente 9

3. Intrumentong Pampananaliksik 10

4. Tritment ng mga Datos 10

Kabanata IV, Presentasyon at Interpretsyon ng mga Datos 11

Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomemdasyon

1. Lagom

18

2. Kongklusyon 18

3. Rekomendasyon 19

Listahan ng mga Sanggunian

Apendiks

A. Transkripsyon ng Interbyu 20

Page 5: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

B. Liham ng Paghingi ng Pahintulot sa Interbyu

21

C. Pormulasyon sa Pag-eebalweyt ng Pamanahong-Papel 24

LISTAHAN NG MGA GRAP

A. Grap 1: Ang mga Gastusin ng isang Nars na Nagtatrabaho sa Amerika

Talaan ng Buwanang Gastusin

B. Grap 2: Ang mga Gastusin ng isang Nars na Nagtatrabaho sa Pilipinas

Talaan ng Buwanang Gastusin

C. Grap 3: Ang mga Gastusin ng isang Pamilyang Sinusustentuhan ng Isang Nars na

Nagtatrabaho sa Amerika

Talaan ng Buwanang Gastusin

Page 6: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Marami sa ating mga kababayan ay nangingibang bansa. Naitala ng POEA na halos 8.7

hanggang 11 milyong Pilipino o halos 11% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ay nasa

karatig bansa. At ang 3% mula sa 11 milyon ay nasa bansang Amerika lamang. Tuwing

mapag-uusapan ang bansang Amerika hindi na mawawala ang kalakip nitong salita na

“Nars”. Narsing o ang pagiging nars ay masasabi nating pinaka prominenteng trabaho

ngayon lalo na sa bansang Amerika. Naitala sa Bureau of Labor Statistics ng Amerika na

hanggang sa taong 2018 ay tataas ang dami ng trabaho na naghihintay sa mga nars doon.

Aabot sa mahigit 1.5 milyong trabaho ang nag-iintay sa kanila at may posibilidad rin na

madagdagan pa ito ng daan-daang libo dahil sa mga nars na magreretiro kada taon.

Si Gng. Perla Vega ay isang nars sa Amerika. Mahigit 15 taon na siya namamalagi

doon habang naiwan ang kanyang mga anak at asawa sa Pilipinas. Kaya naman aming

kinapanayam si G. Vega upang mabigyang linaw ang mga kuro-kurong kumakalat at

naging kadahilanan at epekto ng pangngingibang bansa ng mga nars. Ayon kay G.Vega

mahirap daw ang buhay kahit noon pa man kaya napilitan nang mangibang bansa ang

kanyang misis. Noong nandito pa daw si Gng. Vega ay kinukulang daw sila para sa

buwanang gastusin nila. Nabanggit rin niya na kahit pagsamahin pa raw nila ang sweldo

nilang mag-asawa ay hindi rin nila maitaguyod ang tatlong anak sa liit ng kinikita nila

kaya naman naisipang mangibang bansa ni Gng. Vega. Simula noong nangibang bansa

siya ay mas naging maginhawa raw ang kanilang pamumuhay. Mapagtatapos na ni Gng.

Page 7: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

Vega ang kanyang pangalawang anak sa isang kilalang unibersidad sa dito ngunit ang

isang bagay na ikinakalungkot ni Gng. Vega ay ang hindi niya personal na nakitang

lumaki ang mga anak. At dahil na nga rin sa sitwasyon nila kung minsan daw ay

nagkakahiyaan ang mag-iina na tila hindi panatag ang kanilang loob sa ina.

Kaya naman ang pamanahunang papel na ito ay magsisilbing gabay o magbibigay

linaw sa mga bagay-bagay na kalakip na ideya ng pangingiibang bansa ng isang Pilipinong

nars at kung ano ang mga magaganda at hindi kanais-nais na aspeto nito.

2. Layunin

Ang pamanahong papel na ito ay isang kumparatibong pananaliksik ukol sa mga

pagkakaiba ng nars sa Pilipinas at Amerika at ito ay may layuning:

1. Mapalawak ang kaalaman ng mga mambabasa ukol sa mga pagkakaiba ng

trabaho ng isang nars sa Pilipinas at nars sa Amerika.

2. Maikumapara ang kinikita ng nars sa bawat bansa at masuri ang kanilang

ginagastos sa isang buwan.

3. Maitalakay ang mga benepisyo na nakukuha nila sa ospital kung saan sila

nagtatrabaho.

4. Sumangguni sa Labor Code of the Philippines upang maikumpara kung sapat

ang pagtrato sa mga nars dito sa Pilipinas.

5. Masuri ang mga dahilan sa patuloy na pag-migrate ng mga nars sa Amerika.

Page 8: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

3. Kahalagahan ng Pag-aaral:

Naging isyu na sa mga dyaryo ngayon na lumalaki na ang porsiyento ng mga nars na

nagtatrabaho sa Amerika. Alam ng karamihan na ang sweldo ay ang pangunahing dahilan

kaya’t marami ang nagnanais lumipat ng bansa.

Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat naniniwala ang mga mananaliksik na may iba

pang dahilan kaya’t maraming Pilipinong nars ang nagtatrabaho sa Amerika. Ang mga

impormasyon na nakatala sa papel na ito ay makakatulong sa mga estudyanteng nars, may

balak na kumuha ng Narsing at pati na rin ang mga rehistradong nars.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaring mapunan ang mga kakulangan sa

kaalaman at masagot pa sa mga ibang kuro-kuro ng mga estudyante na kukuha ng

kursong Narsing. Magbibigyang ideya rin ang mg estudyante tungkol sa limitasyon ng

pagiging nars sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Bukod dito, matatawagan ng pansin ang mga ospital at gobyerno upang mabigayang

pansin at mabigyang lunas ang mga problema sa likod ng pangingibang bansa ng mga

Pilipinong nars.

Kung gayon, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahang ang lipunan at gobyerno

ay magkakaroon ng kaalaman upang mapalawak at mapaganda ang mga sistema ng mga

ospital at magkaroon ng mas magandang benipisyo ang mga nars sa Pilipinas.

Page 9: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa mga pagkakaiba ng mga nars sa

Pilipinas at Amerika. Saklaw ng papel na ito ang karansan ni Gng. Glecy Hermogenes at

G. Jun Vega, na parehong naging nars dito sa Pilipinas at nagtatrabaho na ngayon sa

Amerika, G. Nor-J Galve na isang nars dito sa Pilipinas.

Ang pamanahunang papel na ito ay nakalimita lamang sa karansan ng tatlong nars

at sa mga ospital na kanilang pinagtatrabahuan. Naniniwala ang mga mananaliksik na

karamihan sa mga nagtatapos ng kursong Narsing dito sa Pilipinas ay ibig magtrabaho sa

Amerika; kaya nais ng grupong suriin ang mga posibleng kadahilanan sa kanilang pag-

lipat sa ibang bansa.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang Labor Code of the Philippines ang nagtatakda ng mga tuntunin para sa pagtanggap

at pagtatanggal ng mga pribadong empleyado. Nakasaad rin dito ang mga kondisyon ng

pagtatrabaho kasama na ang pinakamataas na oras ng trabaho at overtime; benepisyo ng

mga empleyado tulad ng holiday pay, ikalabintatlong buwang bayad at bayad ng

pagreretiro at ang mga patnubay sa organisasyon at sa pagiging kasapi ng mga unyon ng

manggagawa pati na rin ang sa collective bargaining.

Page 10: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

Ang NCLEX (National Council Licensure Examination) ay isang pagsusulit na

kinakailangan upang makakuha ng lisensya sa legal na pagsasanay bilang isang nars sa

Estados Unidos.

Ang green card ito ay isang pagtitibay na ang isang nagtatrabaho ay legal na residente

ng naturang lugar. Kadalasang nagkakaroon ng green card ang isang tao dahil sa mga

kapamilyang nag-iisponsor sa kanila. Ang isang taong may green card ay binigyang

pahintulot na manirahan at magtrabaho sa US.

Ang visa ay ang indikasyon na ang isang tao ay pinahintulutang makapasok ang sa mga

bansa na napapailalim sa pahintulot ng isang opisyal ng imigrasyon sa panahon ng tunay

na entry. Ang pagpapahintulot ay maaaring isang dokumento, karaniwang ginagamit dito

ay endorsed stamp sa pasaporte ng aplikante.

Ang IELTS o 'International English Language Testing System', ay isang pagsusulit na

pang-internasyonal upang masuri ang kakayahan at husay sa paggamit wikang Ingles.

Page 11: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

May mga pag-aaral na isinagawa upang malaman ang pang-araw-araw na gastusin

ng isang mamamayang Pilipino dito sa bansa. Bago isipin ng karamihan ng mga nars na

magtrabaho sa Amerika, dapat malaman muna ang kanilang badyet upang mapatunayan

na talagang kinakailangang lumipat na ng bansa. Sa kabilang panig, dapat malaman din

ang kinikita ng isang nars sa Amerika upang maihambing ang sitwasyon nila pagdating sa

mga gastusin. Hindi naman lahat ng Pilipinong nars na nagtatrabaho sa Amerika ay

Masaya. Nagkataon lang na kailangan pang makakuha ng mas malaking sweldo upang

matugunan ang pangangailangan sa buhay.

Ayon sa ekonomistang si Tereso Tullao, Jr. (2002), ang layunin ng buhay ay ang

makamit ang ginhawa. Ang diin sa hilig at hindi sa mga pangunahing pangangailangan ay

nagangahulugang natugunan na ng lipunan ang mga pangunahing pangangailangan ng

mga mamamayan nito upang mabuhay. Ang pagtugon sa mga ipinagbago ng hilig o mga

artipisyal na pangangailangan ang siyang pinagtutuunan ng pansin. Ang ganitong killing

ang nag-uudyok sa mga mamamayan na palawakin ang kanilang yaman.

Ayon sa Labor Code of the Philippines (C.A. Azucena):

Artikulo 94: Ang mga nagtatrabaho sa linya ng medical tulad ng mga nars, physical

therapist, occupation therapist at iba pang trabaho sa larangan ng medisina ay

nakatatanggap ng double pay sa panahon ng pagbibigay ng sweldo. Ang double pay ay

Page 12: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

pagbibigay ng dobleng sahod sa mga nagtatrabaho sa kabila ng mahahalagang okayson ng

taon tulad ng pasko, kwaresma at bagong taon na sana ay ipinagdiriwang nila kasama ang

kani-kanilang pamilya.

Artikulo 97: Ang sweldo ng isang mamamayang nagtatrabaho sa isang araw ay

nakadepende sa dami ng kanyang ginagawa at sa kinikita ng insitusyon kung saan siya

nagtatrabaho.

Artikulo 243: Coverage and employees right to self-organization. Isinasaad dito ang

karapatan ng bawat tao, kahit saan pa man siya nagttrabaho mapa-komersyal, industryal,

medikal, o kahit saan pa man, ang lahat ng tao ay may karapatan na magkaroon siya ng

pansarili. Ika-anim na titulo artikulo 247 hanggang 249 Unfair Labor Practices.

Binibigyang diin dito ang pagkakaroon ng kalayaan ng mga taong nagtatrabaho. Ang mga

parusang ipinapataw ng mga pinagtatrabahuhan nila na hindi nagbibigay ng katarungan

at kalayaan sa mga empleyado.

Ayon naman sa isang artikulo sa The Philippine Star, Isa lamang ang dahilan ng

mga tao kung bakit sila nagtatrabaho, ito ay para makakita ng pera. Ito ay totoo dahil

wala naming tao ang nagpapakahirap magtrabaho para lamang sa wala-pwera na lamang

kung marami siyang panagkakakitaan ng pera, at maaari ring sa kadahilanang ito ay

ikinatutuwa niyang gawin at ito ang pinakaimportante. Sa ating bansa ay napakaraming

gumraduweyt ng Nursing na walang trabaho ngayon. Pero sa kabila nito, napakarami ding

ospital at komunidad na nagrereklamo sa kakulangan ng taong magaalaga sa mga

pasyente ngunit hindi ito masustentuhan ng gobyerno ang mga ito. Kung ang isang taong

gumradweyt ng kursong nursing ay makakahanap ng mapapagtrabahuhan sa sarili niyang

Page 13: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

bansa, madalas ito ay sa isang pribadong institusyon, at sa mga instutusyon na ito ay mas

maliit pa ang kinikita kaysa sa government hospital at kakaunti lamang ang nakukuha

dito. Marami rin naming nagtatrabaho kahit walang sweldo at ito ang tinatawag na mga

nagvovoluntaryo sa mga ospital para magkaroon ng maraming karanasan. Dahil ang

pagkakaroon ng maraming karanasan ay isa sa mga hinahanap ng mga ospital sa Abroad,

nakakadagdag chansya ito sa pag pasok sa kanila.

Ayon sa Journal of Nursing Administration, Ang Pilipinas ay ang namumuno sa

paghahanda ng mga nars para sa migration sa Estados Unidos lalo na dahil sa mga pang-

ekonomiyang benepisyo at ang mga oportunidad para sa karera kadaliang kumilos at isang

mas mahusay na kalidad ng life.2 Nurses mula sa Pilipinas ay may pang-edukasyon ng

pagsasanay na katulad na sa Estados Unidos , at maaaring sila ay nagsasalita ng Ingles

kapag dumating sila sa bansang ito, gayunman, ang mga ito sa lalong madaling panahon

mahanap na ang mga pagkakatulad sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay hindi

bilang malaking bilang kanilang anticipated.

Ayon naman kay Gunigundo, hindi na ito magtataka kung patuloy pa ring

tinatarget ng mga Filipino nurse ang Amerika bilang kanilang destinasyon dahil maganda

ang benipisyong naghihintay sa kanila roon kumpara sa ibang bansa. Maliban dito, ang

patuloy na pakikipagpalaran ng mga Filipino nurse na makapagtrabaho sa Amerika sa

kabila ng krisis ay indikasyon na hindi nawawalan ng pag-asa ang mga Pinoy sa gitna ng

problemang ito ng mundo.

Sa kasalukuyang panahon, ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa pagpapadala

ng mga nars upang magtrarbaho sa iba’t ibang mga ospital at nursing homes sa mundo.

Page 14: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

85% nang mga nars sa Pilipinas ay pawing nangibang bayan na. Marami rin sa mga

doctor ng bansa ay muling nag-aaral para maging nars.

Page 15: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

KABANTA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pamanahong papel na ito ay gumamit ng komparatibong pananaliksik. Ito ang

ginamit ng mga mananaliksik para sa papel na ito dahil ito ay napapanahon at para

upang maiparating sa madla ang dahlian ng pagkakagawa ng papel na ito; ang pagbigay

impormasyon hindi lamang ukol sa bansang kinaroroonan kundi pati na rin sa mga

bansang nais nating paglingkuran ng kanilang serbisyo. Ang pagkakaroon ng

paghahambing ay nakakatulong upang mapagisipan pa lalo kung saan mas nakakabuti.

Ito ay hindi para bigyan lito ang mambabasa kundi uoang ito ay matulungan pa siya.

2. Mga Respondente

Ang mga napiling respondente ay sina Gng. Glecy Germogenes, isang nars sa Amerika,

Norjay Galve, RN, isang nars sa Pilipinas at G. June Vega, asawa ng isang nars sa

Amerika.

Si Gng. Glecy ay limang taon na nagtatrabaho sa Jamaica Medical Center bilang isang

E.R. nars. Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing sa Manila Central

University. Bago umalis si Gng. Glecy patungo sa Amerika, siya ay nanilbihan muna sa St.

Mary’s Hospital (sa Bulacan) bilang isang staff nars.

Page 16: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

Si G. Nor-J Galve, R.N. ay nagtatrabaho bilang staff nars sa pampublikong ospital

habang naghihintay ng kanyang working visa patungo sa bansang Amerika.

Si G. June Vega naman ay asawa ng isang nars sa Amerika at ama ng dalawang

anak. Silang mag-aaama ay sinusustentuhan ng kanyang asawa.

3. Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng panayam. Kinonsulta ng

pangkat si Gng. Perla Vega at si Gng. Glecy Hermogenes upang malaman ang kanilang

karanasan, pananaw at saloobin sa mga gawain ng nars sa Pilipnas at Amerika.

Nakakuha rin ng impormasyon ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng

pagbabasa ng mga libro at artikulo na makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman

ukol sa paksa.

Page 17: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

4. Tritment ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay panimulang aral lamang. Walang ginawang pagtangka ang

pangkat upang makagawa ng mas mainam na imbestigasyon upang makahanap ng

eksaktong solusyon para sa problemang nakatala.

Ang naging karanasan ng mga ininterbyung nars ang binibigyang halaga ng

grupo.Sa pagpresenta ng mga datos, gumamit ng table at pie chart ang mga mananaliksik

upang maging mas malinaw ang pagtalakay sa mga impormasyong nakuha.

Page 18: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang sumusunod na datos at impormasyon:

I. Ang Kinikita at Ginagastos ng mga Responedente

Inalam ang gastusin ng mga respondente upang masuri kung sapat ang kanilang

kinikita upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Pansinin ang mga grap:

Grap 1

Ang mga Gastusin ng isang Nars na Nagtatrabaho sa Amerika

(Talaan ng Buwanang Gastusin)

20%

30%25%

10%

25%Iba paBuwisHouse BillsPagkainIpon

Page 19: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

Sa unang grap, nakatala ang mga gastusin ni Gng. Glecy Hermogenes, isang nars na

nagtatrabaho sa Amerika. Makikita na tatlumpung porsiyento (30%) ng kanyang sweldo

ay napupunta sa buwis. Malaki ang buwis na kinokolekta sa Amerika na hindi naman

inirereklamo ang karamihan sa mga mamamayan doon dahil magagagandang serbisyong

ibinibigay ng kanilang gobyerno; maayos ang mga kalsada, malinis ang paligid at

organisado ang pagpapatakbo sa mga sistemang pampamahalaan. Dalawampu’t limang

porsiyento (25%) naman ay napupunta sa mga gastusing pambahay. Kasama sa gastusing

pambahay ang kuryente, tubig, telepono, atbp. Sampung porsiyento (10%) naman ang

nakalaan sa pagkain. Mapapansin na maliit na bahagdan lamang ang sakop ng pagkain

sapagkat mura ang halaga ng mga bilihin sa Amerika. Ang iba pang gastusin ay umaabot

ng dalawampung porsiyento (20%) kasama na dito ang mga luho, pagpapagamot at ang

perang ipinadadala para sa pamilya sa Pilipinas. Ang natitirang dalawampu’t limang

porsiyento (25%) mula sa kanyang kinikita ay ang naiipon niya.

Kumpara sa isang nars na nagtatrabaho sa Pilipinas, ang tulad ni Gng. Glecy

Hermogenes at iba pang Pilipinong nagtatrabaho roon ay nakakaranas ng magandang

buhay. Natutugunan nila ang mga pangunahing pangangailangan at natutugunan din ang

kanilang mga kagustuhan o luho.

Page 20: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

Grap 2

Ang mga Gastusin ng isang Nars na Nagtatrabaho sa Pilipinas

(Talaan ng Buwanang Gastusin)

70%10%

5%6%

6%3%

PagkainHouse billsBuwisPamasaheGastos sa AnakAtbp.

Ang ikalawang grap ay tungkol sa mga gastusin ng pamilya Galve na nainirahan

dito sa Pilipinas. Nakatala sa ibaba ang pagkakabaha-bahagi ng kanilang mga gastusin.

Kabuuang sahod ng isang nars sa Pilipinas: P 10,000

Buwis: 5% = P 500

Pagkain: 70% = P 7,000

Pamasahe: 6% = P 600

Gastos sa anak: 6% = P 600

House bills: 10% = P 1,000

Iba pang gastusin: 3% = P 300

Page 21: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

Sapagkat ang kanyang asawa ay walang trabaho, si G. Galve lamang ang kumikita

para sa kanilang pamilya. Siya ay isang nars na nagtatrabaho sa isang pangkaraniwang

ospital sa Kamaynilaan. Siya ay nagtatrabaho ng labindalawa hanggang labing-apat na

oras kada araw.

Makikita na ang pinakamalaking bahagdan sa kanilang mga gastusin ay ang

pagkain. Sumunod ang mga gastusin sa bahay tulad ng kuryente at tubig, gastusin para sa

kanilang dalawang anak, pamasahe, buwis, at iba pang gastusin (damit, gamot, atbp.).

Masasabing ang kanyang kinikita ay sumasapat lamang sa mga pangunahing

pangangailangan ng kanya pamilya. Kadalasan pa ay hindi sumasapat ang kanyang

kinikita tulad ng mga panahong nagkakasakit ang kanyang mga anak at pagkakaroon ng

hindi inaasahang gastusin.

Page 22: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

Grap 3

Ang mga Gastusin ng isang Pamilyang Sinusustentuhan ng Isang Nars na Nagtatrabaho sa

Amerika

(Talaan ng Buwanang Gastusin)

12.75%

10%31.25%18.75%

18.75%

8.5%

BuwisHouse BillsPagkainCar loanGastos sa AnakIpon

Kabuuang padala ng isang nars na nagtatrabaho sa Amerika: P 80,000

Buwis: 18.75% (P8,500+20% of the excess) = P 10,200

Pagkain: 31.25% = P 25,000

Gastos sa anak: 18.75% = P 15,000

House bills: 10% = P 8,000

Car loan: 18.75% = P 15,000

Ipon: 8.5% = P 6,800

Kumpara sa pangkaraniwang pamilya ng isang nars na nagtatrabaho sa Pilipinas,

natutugunan ng husto ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya ng isang nars na

Page 23: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

nagtatrabaho sa Amerika. Nakabibili sila ng masasarap na pagkain, nakapag-aaral sa

magandang paaralan ang kanilang mga anak at nakabibili ng magagandang damit.

Bagama’t malaki ang buwis na kanilang binabayaran, nakakaya pa rin ng kanilang badyet

ang magkaroon ng car loan at naitatabi ang natitirang pera para sa ipon at iba pang

gastusin.

Napatunayan na may malaking pagkakaiba ang kalagayan ng isang nars na

nagtatrabaho sa Pilipinas kumpara sa isang nars na nagtatrabaho sa Amerika. Dahil sa

malaking sahod ng mga nars na nagtatrabaho sa Amerika ay natutugunan nila ang mga

pangangailangan ng kanilang sarili at pamilya.

II. Ang mga Pagkakaiba ng Trabaho at Benepisyo ng Nars sa Pilipinas at Amerika

Nakatala sa ibaba ang mga pagkakaiba sa trabaho at benepisyo ng nars sa Pilipinas at

Amerika, ayon sa naging karanasan nina Gng. Glecy Hermogenes at G. Jun Vega at Gng.

Nor-j Galve.

Pilipinas Amerika

Nakaasa sa doctor. Kakaunti lang ang mga Mas marami ang ginagawa ng nars at hindi

Page 24: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

trabahong pwede gawin mag-isa.

(independent function)masyadong nakaasa sa doktor

May double pay kapag pumapasok ng mga

araw na may pagdiriwang

Walang double pay kapag pumapasok nang

mga pagdiriwang pero may sweldo pa rin

kahit walang pasok

Hindi masyadong pinapalaganap ang paid

vacation sa mga ospital.Pagkakaroon ng paid vacation

Hindi kagad tinatapon ang syringe

pagkatapos gamitin sa isang pasyente.

Maaari pa itong gamitin ulit.

Isang beses lang ginagamit ang mga syringe.

Ginagamit pa din ang papel na mga mga

charts sa pagtala ng mga kalagayan ng

pasyente

Ang paggamit ng mga computerized charts

sa paglista ng mga kalagayan ng pasyente.

Anim na beses sa isang linggo ang pasok; 8

na oras ang shift, may overtime lamang kung

kinakailangan.

12 oras ang shift; tatlong beses sa isang

linggo ang pasok at may overtime na isang

beses sa isang linggo.

4-5 na taon ang pag-aaral ng kursong

Narsing

2 taon lamang ito tinuturo para sa may

gusto mag-Narsing

Nakadepende ang pagtaas ng sweldo sa

tagal at husay sa pagtrabahoTumataas ang sweldo bawat taon

Ang kinikita ay nakabase kung ilang araw

ang pagtrabaho sa ospital (P300-500/day)

Ang kinikita ay nakabase sa bawat oras ng

pagtrabaho. ($35/hr)

Halos Pilipino lang ang nakakasalamuha Nakakakilala at nakikihalubilo sa iba’t

ibang klase ng tao mula sa iba’t-ibang

Page 25: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

bansa.

Mayroong SSS at pensionMayroong liability insurance, medical

benefits, union benefits

KABANATA V

Page 26: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtangkang malaman ang damdamin, pananaw,

kadahilanan at kaalaman ng mga estudyante at mga rehistradong nars sa Pilipinas at sa

Amerika hinggil sa isyu ng pangingibang bansa nila.

Gamit ang, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng interbyu sa tatlong respondent,

isang respondente na nagtatrabaho sa Pilipinas at mangingibang bansa, ang isa naman ay

nagtatrabaho sa Amerika at ang huli ay isang kamag-anak ng isang nars sa Amerika.

2. Kongklusyon

Batay sa inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na

kongklusyon:

a. Hindi masyadong pinapahalagahan ng gobyerno ang mga nars sa Pilipinas

kumpara sa Amerika.

b. Kaunti lamang ang mga batas na umaayon para sa kapapkanan ng mga nars.

c. Ang mga nars sa mga pangpabribadong at pangpublikong ospital ay hindi

nabibigyan ng sapat na benepisyo

d. Mababa ang sweldo na natatanggap ng mga nars kumpara sa bigat ng trabaho na

ginagawa nila.

Page 27: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

3. Rekomendasyon

Kaugnayan ng mga konklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inirerekomenda

ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa pamahalaan, mapagbuti ang batas ukol sa benepisyo at karapatan ng mga

nars at maipatupad ito sa isang mas epektibong paraan.

b. Para sa administrasyon ng ospital, mas mapagbuti ang benepisyo para sa mga nars

na at magkaroon ng sapat na sweldo sa kaukulang trabaho.

c. Para sa mga mag-aaral, huwag magpasilaw sa laki ng suweldo ng mga nars sa

Amerika. Magsagawa ng pag-aaral ukol sa propesyon na gustong tahakin.

d. Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito

tungo sa pagtuklas ng marami pang impormasyon na maaring makatulong sa

pagpapalawak at pagpapabuti ng mga batas at sistema ng mga ospital at gobyerno

ukol sa mga nasabing problema o kadaihalan ng pangngingibang bansa ng mga

nars.

APENDIKS A

Page 28: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

Gng. Glecy Hermogenes, R.N.

G. Jun Vega, R.N.

Norman Jose Galvez, R.N. (binigyan ng tigitigisang sulat ang mga respondent)

Mga nars na nagtrabaho sa Pilipinas at sa US

Madam/ Sir,

Isang magandang araw!

Kami po ay mga mag-aaral na nangaling sa Kolehiya ng Narsing sa Unibersidad ng

Santo Tomas na kumukuha ng asignaturang Filipino 2 sa ilalim ng pamamahala ni

Propesora Abegail Jimenez. Ang pananaliksik pong ito ay isa sa mahahalagang

pangangailangan para sa nasbanggit na asignatura. Ang aming pananaliksik po ay ukol sa

Ang Kinikita ng Isang Nars kaya’t Pinilit Magtrabaho sa Amerika at Pilipinas.

Dahil po rito’y nahingi kami ng kaunting oras at panahon para sa kaunting tanong

na nais naming masagot na mula sa inyo. Kayo po ang mga napili naming makapanayan at

gamiting respondente sa nasabng pagaaral dahil kayo ay isa sa mga nars na

nakakapagtrabaho sa Amerika at sa Pilipinas.

Amin pong ikagagalak ang inyong positibong pagtugon sa aming hiling. Salamat po!

Lubos na gumagalang,

Carmina Feuntebella

Representante ng Groupo

APENDIKS B

Page 29: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

TRANSKRIPSYON NG INTERBYU KAY GNG. GLECY HERMOGENESMarso 14, 2010

Interbyuwer: Carmina Fuentebella

Carmina: Magandang umaga po Gng. Glecy Hermogenes. Base po sa inyong karanasan,

ano po ang pagkakaiba ng mga nars dito sa Pilipinas at sa Amerika?

GH: Unang una, mas malaki ang kinikita na nursing sa US kaysa Pilipinas. Noon, halos

P15,000 ang kinikita ko dito bawat buwan. Sa Amerika, per hour ang bayad sa amin kaya

malaki. Tumataas din yung sweldo namin bawat taon.

Carmina: Magkano po kinikita niyo? Kahit tansya lang po.

GH: Mga $2,100/month.

Carmina: Malaki nga po…

GH: Pero 30-35% ng kinikita namin, napupunta sa buwis. Malaki pero sulit kasi maganda

ang facilities at napupunta sa tamang lugar ang pera.

Carmina: Hindi naman po kayo nalulungkot na mag-isa sa US?

GH: Sa simula, malungkot, nakaka-homesick din pero ngayon kasi may computer na,

internet. Kahit papano, nakakausap ko yung mga kamag-anak ko dito sa Pilipinas.

Carmina: Ah, anong klase pong nurse kayo?

GH: ER-Nurse. Ito yung pinakamahirap kasi lagging puyat. Maraming pasyenteng

nagwawala, nagmumura, pero sanayan na lang din.

Page 30: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

Carmina: Ilang beses po kayo pumapasok sa isang linggo?

GH: 3, 12 hours bawat shift at dapat meron kaming overtime isang beses sa isang linggo.

Carmina: Eh, sa trabaho po, anong pinagkaiba ng nars dito sa Pilipinas?

GH: Dito sa Pilipinas, masyadong asa sa doctor. Doon, puro assessment. Mas marami ding

klase ng tao ang makakahalubilo mo doon. Dito, iilan lang, halos puro Pilipino.

Carmina: Sa mga kagamitan po, may masasabi po ba kayo?

GH: Dito, ang syringe, pwedeng gamitin ng maraming beses. Doon, lahat disposable.

Tapon kagad pagkagamit. Sa US, gumagamit na rin sila ng computerized charting para

mas mabilis madiagnose yung pasyente. Dito, manu-mano pa.

Carmina: May diskriminsayon po bang nangyayari doon?

GH: Meron din, pero hindi na masyadong pinapakita.

Carmina: Ano po yung mga benepisyo na nakukuha niyo doon?

GH: Meron kaming liability insurance, pension, medical benefits at union benefits. May

maternity leave din.

Carmina: May mga long vacation po ba kayo?

GH: Sa isang taon, pwede kami kumuha ng 4 weeks na vacation. Bahala ka kung pano mo

hahatiin yun. Pero bayad ka na ng paid vacation.

Carmina: Ah, ilang test po yung kinukuha at kailangang ipasa bago makapunta ng

Amerika?

Page 31: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

GH: Una, yung board exam, tapos yung NCLEX tapos yung English exam. Pero kahit

mapasa mo yan, dapat may ospital na mag-ssponsor sayo bago ka tanggapin.

Carmina: Maraming salamat po Gng. Glecy. Marami po akong nakuhang impormasyon

para sa pananaliksik namin.

GH: Sure. Anytime!

APENDIKS C

PORMULARYO SA PAG-EEBALWEYT NG PAMANAHONG PAPEL

Page 32: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

Pamagat : ____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Mananaliksik : ________________________________________________________________

_________________________________________________________________

Taon at Pangkat : __________ Semestre : _________ Taong Akademiko : __________

Sistema ng Pagmamarka:

Apat (4) na puntos ang pinakamataas na maaring ibigay sa bawat aytem. Maaring magbigay ng puntos na may decimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka.

A. Paksa at Suliranin

1. Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng pananaliksik? _____

2. Sapat ba ang pagtalakay sa introduksyon? _____

3. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksaupangmakalikha ng mga valid na paglalahat? _____

4. Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyonsa paksa ng pag-aaral? _____

5. Malinaw, ispesipik at sapt ba ang mga tiyak na layuninng pag-aaral? _____

6. Sapat at matalino ba ang pagpili sa mga terminongbinigyan ng depinisyon at malinaw ba angpagpapakahulugan sa bawat isang termino? _____

Subtotal: _____

B. Kaugnay na pag-aaral at literature

Page 33: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

1. Sapat at angkop ba ang mga pag-aaral at literaturang tinatalakay? _____

2. Malinaw at maayos ba ang pagtatalakay sa mga pag-aaral at literaturang _____

iyon?

3. Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga pag-aaral at iba pang _____

hanguang ginamit? Sub-Total: _____

C. Disenyo ng Pag-aaral

1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraaan/ metodong ginamit sa pananaliksik? _____

2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naayon ba iyon sa sayantipik na metodo ng pananaliksik?

_____

3. Sapat at angkop ba ang mga respondeng napili sa paksa ng pananaliksik? _____

4. Malinaw at wasto ba ang disenyo ng instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos?

_____

Sub-Total: _____

D. Presentasyon ng mga Datos

1. Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos na nakalap? _____

2. Maingat bang nasuri at nalapatan ba ng wastong istatistikal tritment ang mga datos? _____

3. Wasto at sapat ba ang nagiging interpretasyon ng mga datos? _____

Page 34: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

4. Malinaw, maayos at consistent ba ang tekstwal at tabular/ grapikal na presentasyon ng mga datos? _____ Sub-Total: _____

E. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

1. Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa mga datos? _____

2. Lohikal at valid ba ang mga kongklusyon? Nakabatay ba iyon sa mga datos na nakalap? _____

3. Nasagot bas a kongklusyon ang mga ispesipikong katanungan sa layunin ng pag-aaral? _____

4. Lohikal, pisibol, praktikal at ateynabol ba ang mga inilahad na rekomendasyon? Natutugunan ba ng mga iyon ang mga suliranin natukoy sa pag-aaral? _____

5. Malinaw, tuwiran at maayos ba ang paglalahad ng mga lagom, kongklusyon at rekomendasyon?

_____

Sub-Total: _____

F. Mekaniks at Pormat

1. Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng pamanahong-papel? Nasunod ba ang mga tuntunin at tagubiling tinalakay sa klase?

_____

2. Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto ng pamanahong-papel? _____

3. Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread at pagkakaedit sa teksto ng pamanahong-papel?

_____

Sub-Total: _____

Page 35: Isang Komparatibong Pagaaral Sa Mga Nars Sa Pilipinas at Sa Amerika

Kabuuan/Katumbas na Marka (100) _____

Ebalweytor:_____________________________________Petsa: _________________________________________

SANGGUNIAN

Taguinod, Bernard. (n.d.). Us paborito pa rin ng pinoy nurses.

Abante Online, Retrieved from

http://www.abante.com.ph/issue/jan1809/news07.htm

The Brown raise movement. (n.d.).

Retrieved from http://www.thebrownraise.org/tl/the-philippines-today/

Philippine tax rates. (n.d.).

Retrieved from http://philippinecompanies.com/guide/6/philippine-tax-rates

Labor code of the philippines. (n.d.).

Retrieved from http://www.chanrobles.com/legal4labor.htm