Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga...
-
Upload
ma-katrina-matus-camilon -
Category
Documents
-
view
4.367 -
download
38
description
Transcript of Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga...
1
ISANG KOMPARATIBONG PAG-AARAL SA PAGIGING EPEKTIBO NG
TABLOID AT BROADSHEET SA MGA ORDINARYONG EMPLEYADO
AT PROPERYUNAL, MGA MAG-AARAL NG PAMPUBLIKO AT
PRIBADONG PAARALAN
nina
Alvarez, Princess Joy T.
Baño, Ellaine Jewel G.
Camilon, Ma. Katrina M.
Sabillo, Alexander Nicole P.
Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Pangangailangan sa ZFI 112
Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina
Pamantasan ng Silangan
105 Samson Road, Caloocan City
Marso 2013
Prop. Enrico M. Pilongo, MD. Ed.
2
Pahina ng Pagpapatibay
Bilang pagtupad sa mga pangangailangan sa asignaturang Fil111, Pagbasa at Pagsulat
sa Iba’t ibang Disiplina, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Isang komparatibong
pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong
empleyado at properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan. Ay
inihanda at ipinasa ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa ABCA-2B na binubuo
nina:
Princess Joy T. Alvarez Jan Paulene F. Cacnio Ellaine Jewel G. Baño Ma. Katrina M. Camilon Alexander Nicole P. Sabillo
Ang pananaliksik na ito ay minarkahang _____ %
ng dalabgurong si
PROP. ENRICO M. PILONGO MD. Ed.
Kolehiyo ng Sining at Agham
3
Pasasalamat
Ang pananaliksik na ito ay naging matagumpay sa tulong ng mga
taong sumusuporta at gumabay sa paggawa ng pag-aaral na ito. Mga
taong bihasa sa kanilang mga propesyon na nagbigay ng kanilang opinyon,
suwestyon at puna sa aming ginawang pag-aaral.
Nais naming pasalamatan ang mga taong walang sawang sumuporta
sa aming ginawang pag-aaral. Una sa lahat, sa Diyos na lumikha. Ang
walang hanggang papuri’t pasasalamat ay nakalaan sa kanyang kapurihan.
Ang lahat ng ito ay hindi magiging posible ng hindi dahil sa kanyang
pagmamahal at kapangyarihan. Ito ay alay sa kanyang kabutihan at
kaluwalhatian, ngayon at magpakailan pa man.
Sa aming mga magulang, sa kanilang walang sawang pagsuporta at
pagmamahal. Kung ano mang bagay, materyal o espiritwal ang mayroon
kami ngayon ay utang namin sa kanila. Sila ang nagsilbing inspirasyon, at
gumabay sa amin sa lahat ng pagkakataon. Sa mga magulang ni Princess
Alvarez, sa kanilang pagpayag na gamitin ang kanilang munting tahanan
upang mayroon kaming lugar sa aming paggawa ng pag-aaral na ito. Sa
aming mga magulang, dahil naiintindihan nila ang aming pag-uwi ng mas
huli kaysa sa aming tamang oras ng pag-uwi. At sa pang-unawa sa amin
dahil kung minsan ay hindi na namin nagagawa ang gawaing bahay na
nakaatas sa amin.
Sa aming guro sa ZFI 112, Propesor Enrico M. Pilongo. Maraming
salamat sa walang sawang pagtuturo at pagsuporta sa aming ginawang
pananaliksik. . Kung hindi dahil sa inyo ay hindi namin magagawa ang pag-
aaral na ito ng wasto at tama. At salamat rin sa pagtuturo sa amin ng tunay
na kahulugan ng pagiging mananaliksik.
4
Sa aming mga kaibigan, sa kanilang pagsuporta at pagtitiwala na
magagawa namin ang pag-aaral na ito. Sa pagtulong sa mga oras na
kailangan namin ng tulong at pagsagot sa mga tanong namin. Ang kanilang
ginawang mga suwestyon at puna sa aming ginawang pag-aaral ay labis
na nakatulong sa aming ginawang pananaliksik. Sa mga taong sumagot sa
aming ginawang serbey, sa aming mga kaibigan na draybers. Sa aming
butihing kaibigan na si Bb. Mary Paulene Omae San Miguel, mag-aaral ng
Journalism sa unang taon ng Polytechnic University of the Philippines, na
tumulong sa amin na magsagawa ng serbey sa nasabing pamantasan. Sa
mga propesyunal na naglaan sa amin ng kanilang mahalagang oras upang
sagutan ang nasabing serbey. At sa aming mga kaklase sa pamantasang
ito. Maraming salamat, dahil kung hindi dahil sa inyo ay hindi namin
magagawa ang pag-aaral na ito.
- Mga Mananaliksik
5
Abstrak
Pamagat: Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng
“tabloid” at “broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at
properyunal, mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan.
Mananaliksik: Princess Joy T. Alvarez Jan Paulene F. Cacnio
Ellaine Jewel G. Baño Ma. Katrina M. Camilon
Alexander Nicole P. Sabillo
Paaralan: University of the East Caloocan
Taon: 2013
Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin ang dalawang uri ng peryodiko, ang
“tabloid” at “broadsheet” upang malaman kung ano sa dalawang nabanggit ang mas
epektibo sa mga mambabasa.
Mga Natuklasan
1. Ang mga mag-aaral ng AB Communication Arts na nasa unang taon S.Y. 2012-
2013 ay nakakuha ng kaalaman ukol sa mas epektibong pahayagan sa tabloid at
broadsheet.
2. Ang mga kababayan nating jeepney drayber ay mas nagbabasa ng pahayagan
kumpara sa ating mga kababayanag bus at FX drayber.
3. Mas binabasa ng ating mga kababayang jeepney drayber ang tabloid dahil mas
naiintindihan nila ito at mas naaayon sa kanilang pamumuhay.
4. Ang mag kababayan nating mga propesyunal naman ay mas binabasa ang
broadsheet dahil ayon sa kanila mas kumpleto ang mga balitang nakukuha dito.
5. Lumabas din na ang mga mag-aasral ng CA sa pamantasan ng Silangan at ng
Journalism sa Poleteknikong Pamantasan ng Pilipinas na hindi na sila gaanong
sumasangguni sa pahayagan dahil sa modernong teknolohiya.
6
6. Ang ibang mag-aaral ng Pamantasan ng Silangan at Poleteknikong Pamantasan
ng Pilipinas na sumasangguni pa sa pahayagan ay mas binabasa ang
broadsheet dahil ayon sa kanila ay mas kumpleto ang impormasyon at balitang
makukuha dito.
Mga Konklusyon
Mas madalas magbasa ng pahayagan ang ating mga kaibigang jeepney drayber
dahil na rin sa mas madali ang pagbili ng pahayagan sa kanila. Sa mga terminal
kasi ay medaling bumili.
Mas madaming dyipni draybers ang nagbabasa ng tabloid dahil sa mas madali
itong bilhin at mura sa presyo kung ikukumpara sa broadsheet.
Mas sapat ang nakukuhang impormasyon sa broadsheet kaysa sa tabloid dahil
mas kumpleto ito ng bahagi.
Mas madaming balita ang malalagay at mas makatotohanan ang mga nakalagay
sa broadsheet.
Mas epektibo din ang broadsheet sa pangangalap ng balita dahil buong-buo ang
impormasyon na mahahanap dito, hindi naka “summary” ang mga balita at
nakasaad dito ang bawat detalye ng pangyayari.
Mas nakukuha din ng mabilis ang impormasyong iyong nais malaman sa
broadsheet dahil na kaayos na ito batay sa katigorya.
Mas pinagkakatiwalaan ang balitang nasa broadsheet dahil mas makalidad ang
mga kinukuhang manunulat.
Mga Rekomendasyon
1. Iniririkumenda ng mga mananaliksik na tangkilikin ng mga mambabasa ang broadsheet sa kadahilanang mas kumpleto ang laman, impormasyon at balitang makukuha dito.
2. Tangkilikin natin ang mga pahayagan sa ating bansa upang hindi ito mawala sa ating sistema.
3. Basahin natin ang mga pahayagan lalo na ang broadsheet upang maibalik ang kagustuhan ng mga kabataan ngayon sa pagbabasa.
7
Talaan ng Nilalaman
Pahina ng Pamagat………………………………………………………….i
Pahina ng Pagpapatibay…………………………………………………….ii
Pagpapasalamat……………………………………………………………..iii
Kabanata 1: ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO Buod………………………………………………………………………….1
Panimula……………………………………………………………………...1-3
Paglalahad ng Suliranin………………………………………………………3
Hinuha………………………………………………………………………..3
Disenyo ng Pananaliksik……………………………………………………...4
Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………….4
Instrumentong Ginamit……………………………………………………….4
Kasaklawan at Limitasyon……………………………………………………4-5
Kabanata 2: MGA KAUGNAY NA PANITIKAN Kaugnay na Panitikan………………………………………………………..13
Kabanata 3: METODOLOHIYA Metodolohiya…………………………………………………………………6
Disenyo ng Pananaliksik……………………………………………………....6
Pangangalap ng Datos………………………………………………………...6-7
Paraan ng Sampling…………………………………………………………...7
Instrumento ng Pananaliksik…………………………………………………..7-8
Kabanata 4: PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA RESULTA
AT TALAKAYAN Pagbabasa ng pahayagan …………………………………………………………9
Anong uri ng pahayagan ang mas binabasa ng nakakarami ……………………..10
Anong uri ng pahayagan mas kakikitaan ng kumpletong impormasyon…………11
Mga Isinasa alang-alang ng mga mambabasa.....................................................…12
Kabanata 5: IMPLIKASYON, KONGKLUSYON AT
REKOMENDASYON Implikasyon………………………………………………………………….12
Konklusyon………………………………………………………………….12-13
Rekomendasyon……………………………………………………………..13
Talasanggunian………………………………………………………………13
Dagdag na dahon A-Talatunugan……………………………………………13
Dagdag na dahon B-Resume…………………………………………………14
8
Talaan ng Talahanayan
Talahanayan Blg. 1-Mga indibidwal na naging kalahok sa pag-aaral(Bahagdan)........................5
Resulta ng Sarbey(Numerikal) Talahanayan Blg. 2- Pagbabasa ng pahayagan………………………………………………….9
Talahanayan Blg. 3- Uri ng Pahayagan na mas binabasa ng nakararami……………………….10
Talahanayan Blg. 4-Uri ng Pahayagan na nakikitaan ng kumpletong impormasyon…………...11
Talahanayan Blg. 5-Mga isinasaalang-alang ng mga mambabasa………………………………12
9
Isang komparatibong pag-aaral sa pagiging epektibo ng “tabloid” at
“broadsheet” sa mga ordinaryong empleyado at properyunal,
mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan.
Ang tabloid at broadsheet ay isang uri ng pahayagan. Ang pahayagan ay isa sa
ating pinagkukunan ng impormasyon at balita sa ating pang araw-araw na pamumuhay.
Masasabing kadikit na nga daw ito ng ating buhay. Kabilang sa tradisyong Pilipino na
sinasabuhay simula pa ng dumating ang mga mananakop na Español. Upang malaman
kung ano ang mas epektibo sa dalawang uri ng pahayagan, isang pag-aaral ang
isinagawa kasama ang Isang daan (100) katao na may iba’t-ibang estadao sa buhay
bilang respondente sa nasabing pag-aaral. Ang bawat respondent ay binigyan ng
servey form na naglalaman ng walong (8) katanungan. Lumalabas sa aming
pananaliksik na mas madalas magbasa ng pahayagan ang ating mga kaibigang
jeepney drayber, dahil na din sa mas madali ang pagbili nila ng dyaryo. Lumalabas din
na bagamat mas madami sa atin ang nagbabasa ng tabloid, mas kompleto pa din ang
imposmasyon na nakakalap sa broadsheet, dahil una (1) mas kompleto ito ng mga
bahagi, at pangalawa (2) makakaasa ka na ang balita at impormasyon iyong makukuha
dito ay totoo at tama. Dahil kinukuha ito sa mismong source ng balita. Isa din ito sa
sinasaalang-alang ng mga mambabasa. Ang nilalaman ng pahayagan kung ito ba ay
tama.
Panimula:
Kabilang na sa pang-araw araw
na pamumuhay ng mga Pilipino ang
pagbabasa ng dyaryo. Isa na itong ritwal
tuwing umaga kasama ng paghigop ng
mainit na kape na samahan pa ng
monay o kaya’y mainit na pandesal.
Nagamit na din itong paraan ng
pagpapahayag ng damdamin noong
panahon ng kastila. Naging tulay sa
pagmamahayag ng saloobin ng mga
bayaning naging dahilan upang lumaya
sa mga mananakop na dayuhan. Ito rin
ay pangunahing pinagkukunan ng
impormasyon ng ating mamamayan.
Kaalintabay ng pakikinig sa radyo o di
kaya ay panunuod sa telebisyon.
Ano ba ang Tabliod? Ang tabloid
ay isang uri ng pahayagan na mayroong
mas maliit na sukat kaysa sa
broadsheet. At karaniwang binibigyang
pansin ng mga artikulo nito ay ulat
10
tungkol sa krimen, hula o zodiac signs,
at balita tungkol sa mga artista na
karaniwan ay stismis lamang.
Ang Broadsheet naman ay isang
uri din na peryodiko at ang pinakamalaki
sa uri nito. At ito din ang mayroong
madaming pahina. Kinalalamnan ito ng
mas madami at kompletong
impormasyon.
Ang broadsheet ay ang pinaka
kilalang format ng diyaryo, na tipikal na
11-12 pulgada ang lapad at mahigit 20
na pulgada ang haba. Karaniwan sa
mga broadsheet ay meron 6 na hanay.
Ang tabloid naman ay may sukat na 11
X 17 na pulgada at meron 5 hanay. Mas
makipot kumpara sa broadsheet. Dahil
sa mas maliit ang tabloid, ang nilalaman
nito ay mas kakaunti kumpara sa mga
istoryang nilalaman na makikita sa
broadsheet.
Makikita ang matalas na
pagkakaiba ng broadsheet at tabloid sa
usapin ng pagpili ng istorya. Dahil
karaniwang sentro ng istorya ng tabloid
ay krimen at showbiz. Karaniwan din
itong gumagamit ng mga bulgar na
salita na ang mga tao sa alta sosyalidad
ay hindi maiintindihan. Bagamat ang
isang karaniwang Pilipino ay madaling
makakaintindi o makakabasa nito.
Mayroon din itong bilang na parte kaya
limitado lamang ang mga nakalagay
dito. Dahil din sa maliit ito at kulang sa
espasyo kaya kakaunti lamang ang
balitang nakalagay dito. Samantalang
ang broadsheet naman ay nakasentro
sa madaming aspeto. Madami kasi itong
bahagi kaya madaming istorya ang
malalaman. At hindi lang ito nakasentro
sa showbiz at krimen dahil mayroon din
itong mga parte para sa iba pang balita.
Gaya nalang ng word new, TV guide,
classified ads, editoryal atpb. Pero hindi
naan puro balita lang ang laman nito,
kahalintulad ng tabloid. Mayroon din
itong panglibangan kagaya ng word
search, sudoko at cross word puzzle.
Isa pang pinagkaiba ng dalawang
nasabing pahayagan ay ang istilo ng
panunulat. Wala naman gaanong
pagkakaiba maliban na lamang na ang
broadsheet ay karaniwang nakasualat
sa ingles. Samantalang ang tabloid
naman karaniwang nakasulat sa
tagalog.
Sa kabuuan, ang layunin ng pag-
aaral na ito ay upang pagkomparahin
ang dalawang uri ng peryodiko (tabloid
at broadsheet) upang malaman ng
mambabasa kung ano ang mas
11
epektibo at mas mainam basahin sa
dalawang peryodikong nabanggit.
Suliranin
Parte na ng pang araw araw na
buhay ng mga Pilipino ang pagbabasa
ng dyaryo. Ang pag-aaral na ito ay
naglalayong malaman ang pagkakaiba
ng istilo ng panulat ng mga mamahayag
at malaman kung saan mas may
nakukuhang tama at kumpletong
impormasyon ang mga mambabasa.
Ang pag-aaral na ito ay
naglalayong matugunan ang mga
sumusunod na katanungan:
1.1 Sapat ba ang nakukuhang
impormasyon sa peryodiko?
1.2 Ano ang mas epektibong
gamitin sa pangangalap ng
balita o impormasyon?
1.3 Nakabasa ka na ba ng mga
salitang hindi pamilyar na
ginagamit sa pang-araw
araw?
1.4 Nakukuha ba agad ang mga
impormasyon na nais
malaman?
1.5 Anu-ano ang isinasaalang-
alang ng mga mambabasa kapag
nagbabasa ng pahayagan?
Hinuha
Mas madami ang tumatangkilik at
nagbabasa ng broadsheet kaysa sa
tabloid dahil mas kumpleto ang mga
datos na naririto. Walang binabastos at
hindi gumagamit ng mga salitang bulgar
dahil ito ay nakasulat sa paraang
pormal.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay gumamit
ng paglalarawan at mapanuring paraan
ng pananaliksik upang matukoy o
matuklasan ang mas epektibong
babasahin o peryodiko. Sa
pamamaraang ito, ang mga
impormasyon na hango sa iba't-ibang
nakalap na literatura ay maayos na
nabigyang paliwanag at naiuri ayon sa
kanilang saklaw. Nakapaloob na rin sa
isinagawang pagsusuri na ito ang mga
resultang kaugnay ng pag-aaral. Sa
pananaw ng mga mananaliksik, ang
pamamaraang ito ang nararapat at
pinakamabisang gamitin. Ito ay
sapagkat sa paggamit ng nasabing
paraan ay maaaring mailarawan ang
kasalukuyang sitwasyon o kalagayan ng
pananampalataya ng mga kabataan, at
12
ginagawang posible ang pagsusuri o
pag-aanalisa ng mga natuklasan batay
sa mga nakalap na datos.
Kahalagahan ng pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay
makakatulong sa pag-aaral at
pananaliksik ng mga susunod na
henerasyon lalo na ang mga mag-aaral
na sumasangguni sa dyaryo. Higit sa
lahat ay ang mga mag-aaral ng
Journalism Makaktulong din ito upang
malaman kung anong uri ng pahayagan
mas kapupulutan ng maayos at tapat na
balita.
Pamamaraan
Instrumentong ginamit
Ang mabisang pagsasagawa ng
pag-aral na ito ay sa pamamagitan ng
talatanungan o questionnaires. Ang
nasabing questionnaire ay binubuo ng
anim (6) na katanungan na karaniwang
masasagot ng oo o hindi. Sadyang
ganito uri ng questionnaire ang
ginawang estilo ng mga mananaliksik ay
upang mas madaling malaman ang
datos at mas medaling sagutan. Ang
pagbuo at pag balangkas ng mga
katanungan na nahandirito ay nakabase
sa mga suliranin na nabanggit at
bibigyan ng kasagutan
Kasaklawan at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay
sumasaklaw sa istilo ng pagsusulat ng
artikulo ng mga manunulat sa dalawang
uri ng peryodiko, ang broadsheet at
tabloid, kabilang din sa pag-aaral na ito
kung anong uri ng peryodiko sa
dalawang nabanggit ang mas binabasa
ng mamamayan, mas naiintindihan at
nakakakuha ng mas mainam na
impormasyon. Ang mga mananaliksik ay
nagsarbey ng isangdaang (100) katao
mula sa iba’t-ibang uri ng mamamayan
ng ating lipunan. Kabilang dito ang mga
estudyante ng Pamantasan ng Silangan
at P.U.P., mga propesyonal at mga
draybers.
Pagpili ng mga respondente
Ang mananaliksik ay nagserbey
sa Isangdaan at limangpung katao
(150) na kinabibilangan ng iba’t-ibang
antas ng tao sa lipunan.
Kinabibilangan ito ng mga estudyante
ng Journalism mula sa Polytechnic
University of the Philippines na nasa
unang baitang sa kolehiyo, estudyante
13
ng Communication Arts mula sa
Pamantasan ng Silangan na nasa
mataas na baitang, mga propesyonal
na kinabibilangan ng mga guro,
duktor, mangangalakal, atbp., at mga
namamasada ng jeep. Napili ang
mga sumusunod na respondente dahil
ayon sa aming pananaliksik at ayon
na din sa aming obserbasyon. Ang
mga sumusunod ay ang mga
madalas na nagbabasa ng dyaryo.
TALAHANAYANG Blg. 1: Mga indibidwal na naging kalahok sa pag-aaral
Respondente Bilang ng respondente
Porsyento (%)
Estudyante ng Journalism
mula sa PUP.
25
25%
Estudyante ng Comm Arts mula sa UE.
25
25%
Mga propesyonal na kinabibilangan
ng guro, duktor, mangangalakas
atbp.
25
25%
Namamasada ng Jeep.
25
25%
Kabuuan
100
100%
14
METODOLOHIYA
Ang paraang ginamit ay paalarawan kung saan ipinakita ang pagkakaiba at
pagkakaarehas ng dalawang uri ng pahayagan.
DISENYO NG PANANALIKSIK
BALANGKAS ng “Komparatibong pag-aaral sa istilo ng pagsusulat ng
Broadsheet at Tabloid ”
NAKALAP
Mga datos kung saan
nagpapakita ng
pagkakaiba at
pagkakaparehas ng
peryodikong tabloid at
broadsheet,pagiging
epektibo ng bawat isa sa
mga mamamayan.
NATUKLASAN
Ang mga mananaliksik ay
nagkaroon ng kaalaman
tungkol sa pagkakaiba at
pagkakaparehas ng dalawang
peryodikong nabanggit.
Nalaman din kung anong uri
ng peryodiko ang mas
mainam basahin, gamitin at
epektibo.
Pagkuha at
paghahanap ng mga
lathalain na may
kaugnay sa tabloid.
Sa tulong nito,
makakagawa ng mga
katanungan na
ilalagay sa sarbey.
Pagkuha ng mga
respondante na
kakailanganin upang
masagutan ang mga
tanung na inilagay sa
sarbey at inihanda ng
mga mananaliksik.
15
PANGANGALAP NG DATOS
Ang mga datos na nakalap ay
nagpapakita ng pagkakaparehas at
pagkakaiba ng mga peryodikong tabloid
at broadsheet. Sa pamamagitan ng
pananaliksik na ito malalaman ng mga
mamamayan ang mga nakukuhang
kaalaman sa tabloid at broadsheet,
malalaman din dito kung anong
pahayagan ang mas epektibo at mas
binabasa ng karaniwang tao. Upang
makuha ang mga datos na
kinakailangan at ang importanteng mga
impormasyon, nagsagawa ang mga
mananaliksik ng paghahanap ng mga
lathalain na may kaugnayan sa mga
pahayagang broadsheet at tabloid. Ang
mga impormasyon na nakalap at
nakuha mula sa internet, mga libro at
mga pahayagan ay lubos na nakatulong
upang maisagawa ng maayos at
makakalap ng sapat na impormasyon.
Sa pamamagitan nito, nakabuo ang
mga mananaliksik ng mga katanungan
na nakatulong upang makagawa ng
isang sarbey. Mula sa nagawang
survey, ipinamahagi ito sa mga
estudyante, propesyonal at mga
draybers. Pagkatapos nito ay muling
kinalap ang mga survey form, ito ay
itinala at binilang upang magamit sa
estatistikong pag-aaral.
PARAAN NG SAMPLING
Ang mga mananaliksik ay
kumuha ng mga respondante na mula
sa mga propesyonal (25), draybers (25
)at mga estudyante (50) na binubuo ng
isandaang katao (100), ang pagpiling
naganap ay binase sa mga tao na
kumpirmadong nagbabasa ng
pahayagan. Karamihan naman sa ating
mga mamamayan ay nagbabasa ng
pahayagan ngunit ang mga
mananaliksik ay nagpokus sa mga
taong na mas madalas magbasa ng
pahayagan. Ang kwalipikasyon ay
umikot lamang sa mga respondanteng
propesyonal, estudyante at draybers. Sa
ganitong paraan, malalaman kung
anong pahayagan ang mas binabasa ng
mga nasabing respondante ayon sa
kanilang propesyon at trabaho. Sa
ganitong paraan ang magiging resulta
ay magiging katotohanan sapagkat
magpapakita ito ng tunay na kasagutan
ng bawat mambabasang respondate at
malalaman rin rito dito ang mga
pagkakaiba ng pahayagang tabloid at
broadsheet.
16
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Sa pag-aaral na ito, ang
pangunahing ginamit na instrumento ay
pangangalap ng datos na naging daan
upang makagawa ng mga tanong para
sa serbey na gagaawin. Ang burador ng
palatanungan ay ginawa at ipinasuri sa
aming Propesor , para sa mga
mahahalagang komento, puna, at
mungkahi. Ginawa ito upang mas
mapaunlad ang mga katanungan at mai-
tama ang mga mali sa naturang
palatanungan sa serbey. Ang
palatanungan ay naglalaman ng bating
panimula. Nakasaad din dito ang
paghingi ng pahintulot sa mga
respondante bago nila sagutin ang mga
tanong. Ito ay kinalolooban ng walong
(8) katanungan na naglalayong alamin
ang saloobin ng mga mambabasa ukol
sa dalawang uri ng pahayagan. Ang
pagbuo ng mga katanungan ay ibinatay
sa pahayag ng suliranin upang makalap
ang mga impormasyon at reaksyong ng
mga mambabasa na kailangan sa
pananaliksik.
Mga Resulta at Talakayan
Gaano kadalas magbasa ng
pahayagan
Dahil nga sa iba’t-ibang uri at
estado sa buhay ang aming
pinagserbeyan, iba’t-iba ang
kasagutang nakuha ng mga
mananaliksik. Lumalabas sa datos na
aming nakalap na mas madalas
magbasa ng pahayagan ang ating mga
kaibigang jeepney drayber. Naging
bahagi na kasi ito ng kanilang
pamumuhay, habang nasa terminal at
naghihintay ng kanilang byahe ang
pahayagan na ang nagsisilbi nilang
libangan. Isa pa, madali ang pagbili para
sa kanila ng pahayagan. Dahil madami
ang mga nagtitinda nito sa kanilang mga
terminal. Lumalabas din na ang mga
estudyante ng CA sa Pamantasan ng
Silangan at ng Journalism sa
Polytechnic University of the Philippines
ay hindi gaano sumasangguni sa mga
pahayagan. Dahil na rin sa modernong
teknolohiya ngayon, ang ating mga
kabataan ay nakakakuha na ng balita at
impormasyon sa pamamagitan ng
telebisyon at lalong lao na sa mga
“social networking sites” na madalas
gamitin ng mga kabataan ngayon.
17
Karamihan na kasi sa mga kabataan
ngayon ay lagi ng nakabatay sa
kompyuter, hindi rin nawawala sa
kanilang araw-araw na gawain. Ang
mga guro naman at mga propesyunal
na aming nakalapan ng datos ay
ganoon din. Dahil na nga sa umuunlad
na teknolohiya, karamihan sa mga
propesyonal ay hindi na nagbabasa at
nakakapgbasa ng pahayagan bagkus ay
nakikinig na lamang sa radio o di kaya
ay nanunuod nalang sa telebisyon. Mas
komportable kasi ito. Pwede kang may
ginagawang iba habang nakikinig ng
balita (Multi tasking). Lalung-lalo na ang
ating mga guro dahil madami silang
ginagawa ng mga papeles sa paaralan,
wala na silang panahon o oras
upang makapagbasa pa. Sa mga
gurong maraming gingawang gawain na
pampaaralan, mas pinipili nila kung
saan magiging praktikal at episyente
ang kanilang oras at Gawain.
TALAHANAYAN Blg. 2: Pagbabasa ng pahayagan
Araw-araw Minsan isang
linggo
Minsan isang
buwan
Hindi ako
nagbabasa
Kabuuan
Bilang % Bilang % Bilang % Bilang %
Propesyunal
13
52%
10
40%
1
4%
1
4%
25 – 100%
Mga mag-aaral
ng P.U.P.
4
16%
17
68%
4
16%
-
0%
25 – 100%
Mga mag-aaral
ng Pamantasan
ng Silangan
14
56%
6
24%
4
16%
1
4%
25 – 100%
Drayber
22
88%
2
12%
-
0%
-
0%
25 – 100%
Pahayagan na kanilang binabasa
Kung susuriin naman ang resulta
ng sarbey tungkol kung anong uri ng
pahayagan ang kanilang binabasa,
lumalabas dito na nakadepende ito sa
uri ng taong magbabasa katulad na
lamang sa mga draybers. Lumabas sa
sarbey na mas malaking poryento ng
ating mga draybers ang nagbabasa ng
tabloid. Sa kadahilanang mas
convenient ito dalhin dahil sa maliit na
sukat nito, mas naaagaw nito ang
kanilang pansin dahil sa mga larawang
18
nakapaloob dito, ang mga ginagamit na
salita rito ay mababaw lamang at hindi
mahirap intindihin at higit sa lahat mas
mura ito kaysa sa broadsheet. Salungat
naman ito sa lumabas na resulta sa
mga propesyonal na nagbabasa ng
pahayagan, mas pinipili nilang basahin
ang broadsheet, dahil nga kung gaano
naman kalaki ito, siksik naman ito sa
kaalaman at nilalaman. Hindi ito
gumagamit ng bulgar na mga salita.
Dahil nga ang mga propesyonal ay
sinusuri ang bawat nilalaman mas
kapaki-pakinabang ito para sa kanila,
nakakatulong rin ito upang mahasa lalo
ang iyong kakayahan sa pagbabasa at
pagsasalita sa wikang ingles. Kung
susumahin, ang mas mataas na presyo
ng tabloid ay worth it naman dahil sa
siksik, liglig at umapaaw na mga
nilalaman nito
TALAHANAYAN Blg. 3: Anong uri ng pahayagan ang mas binabasa ng
nakakarami
Propesyunal Mag-aaral ng
P.U.P
Mag-aaral ng Pamantasan ng
Silangan
Drayber
Bilang % Bilang % Bilang % Bilang %
Tabloid
8
32%
5
20%
6
24%
17
68%
Broadsheet
17
68%
20
80%
19
76%
8
32%
Kabuuan
25
100%
25
100%
25
100%
25
100%
Saang pahayagan ng pahayagan mas
makakakuha ng kompletong
impormasyon.
Ayon na din sa nakalap ng datos
ng mananaliksik. Mas makakakuha ka
ng kompletong impormasyon sa
broadsheet. Dahil na din sa ang tabloid
ay di hamak na mas maliit ang espasyo
kaysa sa broadsheet. Mas madami ang
malalaman dito na balita. Isa pa,
kompleto din ang mga bahagi ng
broadsheet.
Kabilang na dito ang editoryal kung
saan makikita ang saloobin ng mga
manunulat patungkol sa isang paksa.
Sports section kung saan mo
19
matatagpuan ang pinaka bagong balita
tungkol sa isports. Meron din itong world
news na seksyon kung saan mo
makikita ang iba’t-ibang balita sa buong
mundo. Tanging Lathalain, tinatampok
dito ang katangi-tanging artikulo na
maaaring tao, pook, pangyayari, bagay,
lunan, at kakaibang paniniwala o
panuntunan sa buhay
(www.answers.com). Meron din itong
Entertainment section ngunit hindi
kasing dami ng nasa tabloid. Dahil mas
kinauukulan nito ng pansin ang mas
mahahalagang balita. Ngunit, hindi lang
naman puro balita ang laman ng
broadsheet, meyroon din itong
panglibangan kung saan kinalolooban
ito ng mga cross word puzzles, Sudoku,
word search atpb.
TALAHANAYAN Blg. 4: Anong uri ng pahayagan mas kakikitaan ng
kumpletong impormasyon
Propesyunal Mag-aaral ng
P.U.P
Mag-aaral ng Pamantasan ng
Silangan
Drayber
Bilang % Bilang % Bilang % Bilang %
Tabloid
2
8%
-
0%
-
0%
8
32%
Broadsheet
23
92%
25
100%
25
100%
17
68%
Kabuuan
25
100%
25
100%
25
100%
25
100%
Ano ang isinasaalang-alang ng
mambabasa?
Ang isinasaalang-alang ng mga
mambabasa, batay sa resulta ng
isinagawang sarbey ng mga
mananaliksik, ay ang nilalaman ng
mismong pahayagan. Sumusunod sa
listahan ay ang Pangalan ng pahayagan
at ng sumulat nito. Dahil mayroong mga
tao na namimili din ng pangalan o ng
brand ng pahayagan na babasahin.
Dahil naniniwala ang ilan na ang tapat
20
na balita ay nakasalalay din sa tapat na
pahayagan at mapagkakatiwalaang mga
mananaliksik at manunulat. Marahil ay
dala na din ng komersyalismo ng mga
Pilipino at ng mga sabi sabi ng mga
taong mapagkakatiwalaan. Kahalintulad
na lamang ng mga palabas sa
telebisyon
TALAHANAYAN Blg. 5: Mga Isinasa alang-alang ng mga mambabasa
Nilalaman Convenience Pangalan ng Tabloid/Broadsheet
o ng sumulat
Itsura/ayos front page
Kabuuan
Bilang % Bilang % Bilang % Bilang
Propesyunal 24 96% - - 1 4% - - 25 – 100%
Mga mag-
aaral ng
P.U.P.
21
84%
1
4%
1
4%
2
8%
25 – 100%
Mga mag-
aaral ng
Pamantasan
ng Silangan
19
76%
4
16%
2
8%
-
-
25 – 100%
Drayber
19
76%
4
16%
2
8%
-
-
25 – 100%
21
Kongklusyon, Implikasyon, at
Rekomendasyon
Ayon sa resulta na ginawang
pag-aaral. Mas sapat ang nakukuhang
impormasyon sa broadsheet kaysa sa
tabloid dahil mas kumpleto ito ng
bahagi. Mas madaming balita ang
malalagay at mas makatotohanan ang
mga nakalagay dito. Mas epektibo din
ang broadsheet sa pangangalap ng
balita dahil buong-buo ang
impormasyon na mahahanap dito, hindi
naka “summary” ang mga balita at
nakasaad dito ang bawat detalye ng
pangyayari. Mas nakukuha din ng
mabilis ang impormasyong iyong nais
malaman sa broadsheet dahil na kaayos
na ito batay sa katigorya. May mga
parte ang broadsheet na iyon lamang
hahanapin para makita ang
impormasyong iyong gustong malaman.
Halimbawa, gusto mong maghanap ng
trabaho o mga binebentang ga ari-arian
ay pupunta ka lamang sa “Classified
Ads” ng broadsheet kung saan nakatala
ang mga naghahanap ng trabahador.
Mas pinagkakatiwalaan ito dahil mas
makalidad ang mga kinukuhang
manunulat. Hindi rin ito gumagamit ng
mga salita o mga larawang hindi
maaaring ipabasa o ipakita sa mga bata
o sa mga wala pa sa hustong edad.
Kung impikasyon naman ang
pagbabasehan, mas malaki ang sukat
nito kaysa sa tabloid, nasa wikang
ingles ito nakalimbag at mas mahal ito
kaysa sa pahayang tabloid.
Inererekomenda ng mga
mananaliksik na mas magbasa o mas
sumangguni sa broadsheet kaysa sa
tabloid. Bagamat ang parehong uri ng
pahayagan ay nagbibigay impormasyon
sa atin, ang broadsheet ay mas
nagbibigay ng kumpleto at angkop na
impormasyon na ating magagamit sa
araw-araw. Makakatulong din ito upang
maging updated tayo sa nangyayari
hindi lamang sa loob pati na rin sa labas
na ating bansa. Maipapabasa rin ito sa
ating mga kabataan dahil wala kang
kailangang iwasan na bulgar na mga
salita o malalaswang imahe.
Makakatulong din ito upang mas
mapalawak ang ating komprehensyon
sa mga salitang ingles at masanay sa
pagbabasa at pagsasalita ng wikang ito.
Malaki man ang sukat ng pahayagang
ito, at mas mahal. Mas marami naman
ang makakalap at makukuhang
impormasyon na angkop para sa
panlasa at hinahanap-hanap ng masang
Pilipino.
Mga Sanggunian:
22
www.answers.com
Sterling, Christopher H.
Encyclopedia of Journalism. Vol. 1.
Hinango noong, Disyembre 15, 2012,
mula sa:
file:///C:/Users/MA25D2~1.KAT/AppData
/Local/Temp/Encyclopedia%20of%20Jo
urnalism%20%20Google%20Mga%20a
klat.htm
Apendiks
Serbey
Isang mapagpalang araw sa iyo
kaibigan. Kami, ay mga estudyante ng
ABCA sa Pamantasan ng Silangan ay
humihingi ng pahintulot upang sagutin
ang mga sumusunod na katanungan na
may kaugnay sa aming ginagawang
pananaliksik hinggil sa pamamaraan ng
pagsusulat at sa tabloid at broadsheet.
Ang inyong pagsagot sa mga
sumusunod na katanungan ay malaking
bagay sa aming ginagawang
pananaliksik.
Apendiks
Serbey
Pangalan (Opsyonal):_____________
Edad:___________________
Propesyon/Kurso/Trabaho:_________
Panuto: Lagyan ng tsek ang katapat na
kahon na kumakatawan sa iyong sagot.
1. Gaano ka kadalas magbasa ng
pahayagan?
Araw-araw
Minsan isang lingo
Minsan sa isang buwan
Hindi ako nagbabasa
2. Anong uri ng pahayagan ang
iyong binabasa?
Tabloid
Broadsheet
3. Sapat ba ang impormasyong
iyong nakukuha sa iyong
binabasang pahayagan?
Oo
Hindi Masyado
Hindi
23
4. Kumpleto ba ang bahagi ng iyong
pahayagang binabasa?
Oo
Hindi
5. Saan ka makakabasa ng mas
kompletong impormasyon?
Tabloid
Broadsheet
6. Nakakabasa kana ba ng mga di
pangkaraniwang salita na hindi
kadalasang ginagamit araw-
araw?
Oo
Hindi
7. Sa iyong palagay, ano ang mas
magandang basahin?
Tabloid
Broadsheet
8. Ano ang iyong isinasaalang-
alang mo kapag nagbabasa ng
pahayagan?
Nilalaman
Convenience
Pangalan ng
Tabloid/Broasheet
o ng sumulat
Itsura/ayos ng front page
Maraming salamat at mabuhay po
kayo!