IP Summit Fefegetuwan 11December2013

6
usapin ng mga katutubong pama- yanan, gaya ng: 1. Ancestral Domain 2. Customary Law 3. Protection of indigenous peo- ples 4. Land registration, land man- agement, and land use Para maseguro ang maayos na relasyon ng National Govern- ment at ang bubuing Bangsamoro Government, itatayo ang Inter- governmental Relations Body. Ito ang mekanismo na gagamitin sa pagpapatupad ng mga kapangyari- han ng dalawang partido ayon mga napagkasunduang prinsipyo Pinirmahan na ng Government of the Philippines (GPH) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Annex on Power Sharing noong December 9, 2013. Naka- paloob dito ang balangkas at detalye ng kasunduan tungkol sa hatian ng kapangyarihan ng Na- tional Government at at ita- tayong Bangsamoro Govern- ment, bilang bahagi ng kabuuang Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB). Malaki ang interes ng mga katu- tubong pamayanan sa Annex on Power Sharing dahil kasama dito ang kanilang mga lupaing ninuno o “ancestral domain” na matatag- puan sa loob ng panukalang teri- toryo ng Bangsamoro. Tatlong uri ng kapangyarihan ang binigyan detalye sa loob ng An- nex on Power Sharing. Una, inisa-isa ang kapangyarihang mananatili sa poder ng National Government. Tinatawag itong “reserved powers” na nanganga- hulugang tanging ang National Government lamang ang gagamit ng mga kapangyarihang ito. Pangalawa, nakasaad ang mga kapangyarihan na sabay na ga- gamitin ng National Government at Bangsamoro government. Tinatawag naman itong “concurrent powers”. Pangatlo, may mga kapangyarihan na tanging ang Bangsamoro Gov- ernment lamang ang gagamit o ang tinatawag na “exclusive pow- ers”. Ibig sabihin, ang itatayong Bangsamoro Government ang may “authority” at “jurisdiction” sa mga kapangyarihang ito. Nakapaloob sa “exclusive pow- ers” ng Bangsamoro Govern- ment ang ilang mahahalagang “Tungkulin ng gobyerno ang ipagtanggol ang karapatan at kapakanan ng mga katutubong pamayanan.” Ito ang mensahe ni Komisyoner Froilyn “Tutut” Tenorio-Mendoza kay Chairper- son Miriam Coronel-Ferrer, pinuno ng negotiating panel ng gobyerno sa usapang pang- kapayapaan o “peace talks” sa pagitan ng gobyerno at ng MILF. Bago pa lumipad papuntang Kuala Lumpur si Chairperson Ferrer noong nakaraang August 15, 2013, nagpadala ng liham si Ko- misyoner Froilyn upang sabihin ang posisyon ng mga katutubong pamayanan sa Annex on Power Sharing. Ayon sa liham, dapat kilalanin ng gobyerno at MILF ang karapatan ng mga katutubong pamayanan sa loob ng mga lu- paing ninuno o “ancestral do- mains.” Anumang pakikipag- negosasyon ay dapat manindigan sa mga nakalatag nang karapatan. Annex on Power Sharing pinirmahan na Panawagan ng mga Katutubong Pamayanan: Protektahan ang mga Karapatan TANGGAPAN NI KOMISYONER FROILYN “TUTUT” TENORIO-MENDOZA, BANGSAMORO TRANSITION COMMISSION (BTC) Féfégétuwan Féfégétuwan Féfégétuwan Féfégétuwan 12 DECEMBER 2013 VOLUME 1, ISSUE 1 MGA BALITA TUNGKOL SA: Annex on Power Sharing Annex on Wealth Sharing and Reve- nue Generation Bangsamoro Transi- tion Commission Mga Gawain ng Tanggapan ni Tutut Tenorio-Mendoza, Kinatawan ng mga Katutubo sa BTC

description

Féfégétuwan: IpaalamNewsletter mula sa TANGGAPAN NI KOMISYONER FROILYN “TUTUT” TENORIO-MENDOZA ng BANGSAMORO TRANSITION COMMISSION (BTC)

Transcript of IP Summit Fefegetuwan 11December2013

Page 1: IP Summit Fefegetuwan 11December2013

usapin ng mga katutubong pama-yanan, gaya ng: 1. Ancestral Domain 2. Customary Law 3. Protection of indigenous peo-ples 4. Land registration, land man-agement, and land use Para maseguro ang maayos na relasyon ng National Govern-ment at ang bubuing Bangsamoro Government, itatayo ang Inter-governmental Relations Body. Ito ang mekanismo na gagamitin sa pagpapatupad ng mga kapangyari-han ng dalawang partido ayon mga napagkasunduang prinsipyo

Pinirmahan na ng Government of the Philippines (GPH) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Annex on Power Sharing noong December 9, 2013. Naka-paloob dito ang balangkas at detalye ng kasunduan tungkol sa hatian ng kapangyarihan ng Na-tional Government at at ita-tayong Bangsamoro Govern-ment, bilang bahagi ng kabuuang Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB). Malaki ang interes ng mga katu-tubong pamayanan sa Annex on Power Sharing dahil kasama dito ang kanilang mga lupaing ninuno o “ancestral domain” na matatag-puan sa loob ng panukalang teri-toryo ng Bangsamoro. Tatlong uri ng kapangyarihan ang binigyan detalye sa loob ng An-nex on Power Sharing. Una, inisa-isa ang kapangyarihang

mananatili sa poder ng National Government. Tinatawag itong “reserved powers” na nanganga-hulugang tanging ang National Government lamang ang gagamit ng mga kapangyarihang ito. Pangalawa, nakasaad ang mga kapangyarihan na sabay na ga-gamitin ng National Government at Bangsamoro government. Tinatawag naman itong “concurrent powers”. Pangatlo, may mga kapangyarihan na tanging ang Bangsamoro Gov-ernment lamang ang gagamit o ang tinatawag na “exclusive pow-ers”. Ibig sabihin, ang itatayong Bangsamoro Government ang may “authority” at “jurisdiction” sa mga kapangyarihang ito. Nakapaloob sa “exclusive pow-ers” ng Bangsamoro Govern-ment ang ilang mahahalagang

“Tungkulin ng gobyerno ang

ipagtanggol ang karapatan

at kapakanan ng mga katutubong

pamayanan.” Ito ang mensahe ni

Komisyoner Froilyn “Tutut”

Tenorio-Mendoza kay Chairper-

son Miriam Coronel-Ferrer,

pinuno ng negotiating panel ng

gobyerno sa usapang pang-

kapayapaan o “peace talks” sa

pagitan ng gobyerno at ng MILF.

Bago pa lumipad papuntang Kuala

Lumpur si Chairperson Ferrer

noong nakaraang August 15,

2013, nagpadala ng liham si Ko-

misyoner Froilyn upang sabihin

ang posisyon ng mga katutubong

pamayanan sa Annex on Power

Sharing. Ayon sa liham, dapat

kilalanin ng gobyerno at MILF ang

karapatan ng mga katutubong

pamayanan sa loob ng mga lu-

paing ninuno o “ancestral do-

mains.” Anumang pakikipag-

negosasyon ay dapat manindigan

sa mga nakalatag nang karapatan.

Annex on Power Sharing pinirmahan na

Panawagan ng mga Katutubong Pamayanan: Protektahan ang mga Karapatan

T A N G G A P A N N I

K O M I S Y O N E R

F R O I L Y N “ T U T U T ”

T E N O R I O - M E N D O Z A ,

B A N G S A M O R O

T R A N S I T I O N

C O M M I S S I O N ( B T C )

FéfégétuwanFéfégétuwanFéfégétuwanFéfégétuwan 1 2 D E C E M B E R 2 0 1 3 V O L U M E 1 , I S S U E 1

MGA

BAL ITA

TUNGKOL

SA :

• Annex on Power

Sharing

• Annex on Wealth

Sharing and Reve-

nue Generation

• Bangsamoro Transi-

tion Commission

• Mga Gawain ng

Tanggapan ni Tutut

Tenorio-Mendoza,

Kinatawan ng mga

Katutubo sa BTC

...sundan sa p2

...sundan sa p4

Page 2: IP Summit Fefegetuwan 11December2013

P A G E 2

“Si Komisyoner

Froilyn Tenorio-

Mendoza ay kasapi

ng Committee on

Political Autonomy,

Committee on

Justice and

Security, at

Committee on

Fiscal Autonomy”

Iba’t ibang Komite ng BTC itinayo na

Annex on Power Sharing...

at iba pang laman ng Annex on Power Sharing. Ayon din sa Annex on Power Sharing, anuman ang hawak na kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan o local govern-ment units (LGUs) ay hindi babawasan. Ang kapangyarihan at katayuan ng mga lokal na pamahalaan ay maaaring ma-bago kung ito ay nakalagay sa bubuuing Bangsamoro Basic Law (BBL) at Bangsamoro Local Government Code. Ayon din sa Annex on Power Sharing, bubuo ng Bangsamoro

Parliament na may kom-posisyong limampung (50) kinatawan mula sa “districts, party lists, sectoral representa-tives.” Ang mga kinatawan na ito ay ihahalal ng lahat ng mga botante sa loob ng teritoryo ng Bangsamoro. Pagkaraan mabuo ang Parlia-ment, ang 50 kinatawan naman ang maghahalal ng Chief Minis-ter at Deputy Minister. Sila ang mamumuno at magsisilbing liderato ng Bangsamoro Gov-ernment. Ang majority ng mga partido sa loob ng Parliament ang siyang bubuo ng gobyerno.

Sa pagkakataon na wala ng suporta ng mga tao ang nai-tayong gobyerno, maaari itong palitan sa pamamagitan ng “no confidence” vote ng mga kina-tawan ng Parliament. Ang paglagay ng detalye ng mga probiso na ito ay nakasalalay na ngayon sa Bangsamoro Transition Commission (BTC). Itatakda ng panukalang Bang-samoro Basic Law kung paano ipapatupad at isasabuhay ang Annex on Power Sharing.

“basic principles” na gagabay sa pagbuo ng Bangsamoro Gov-ernment. Tutukuyin dito ang opisyal na pangalan ng Bang-samoro Government at ang sakop na teritoryo. Pag-aaralan din ang mga usapin tungkol sa pagbuo ng Bangsamoro Gov-ernment at ang Bangsamoro Parliament, ang sistema ng eleksyon at paraan ng pagboto ng liderato sa loob ng Bang-samoro. Sa komite na ito din pag-uusapan ang lupaing nin-uno o “ancestral domain” ng mga katutubong pamayanan. Sa Committee on Fiscal Autonomy, pag-uusapan ang pagkukunan ng buwis at iba pang pondo sa loob ng teri-toryo Bangsamoro at ang sis-tema ng hatian sa pagitan ng National Government at Bang-samoro Government. Sa Committee on Justice and Security pag-uusapan ang iba’t ibang sistema ng pangangasiwa ng katarungan o “administration of justice” sa loob ng Bangsamoro. Partiku-lar dito ang Shari’ah Courts, Tribal Justice, at iba pang Al-ternative Dispute Resolution (ADR). Sa komite na ito din pag-aaralan ang iba’t ibang

paraan ng pagkakaroon ng seguridad sa loob ng Bang-samoro. Sa Committee on Basic Rights and Social Justice pag-uusapan ang mga batayang karapatan ng mga tao o “basic rights” at mga “civil, political, social at cul-tural rights.” Sa Committee on Constitu-tional Amendments pag-uusapan ang mga posibleng panukalang pagbabago sa 1987 Philippine Constitution batay sa karanasan ng iba-ibang mga tao sa bahaging ito ng Min-danao. Sa Committee on Transitional Arrangements and Modalities pag-uusapan ang iba-ibang mekanismo na kailangan itayo upang itawid ang pagpapatupad ng BBL mula sa kasalukuyang ARMM Regional Government papunta sa Bangsamoro Gov-ernment. Nakapaloob dito ang detalye ng plebisito na gagawin upang makuha ang pag-sang ayon ng mga tao sa BBL. Na-kalagay din dito ang detalye ng pagboto ng Bangsamoro Tran-sition Authority (BTA) na siyang magsisilibing pansaman-talang tagapangasiwa ng teri-

Nagkasundo ang mga komisyo-ner ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) na bumuo ng iba’t ibang komite upang mapabilis ang pagsusuri, pag-aaral at pagbuo ng mga panu-kalang probisyon para sa bi-nubuong Bangsamoro Basic Law (BBL). Sa kasalukuyan, mayroong anim (6) na komite ang BTC: 1. Committee on Political

Autonomy 2. Committee on Fiscal

Autonomy 3. Committee on Justice and

Security 4. Committee on Basic

Rights and Social Justice 5. Committee on Constitu-

tional Amendments 6. Committee on Transi-

tional Arrangements and Modalities

Si Komisyoner Froilyn Tenorio-Mendoza ay kasapi ng Com-mittee on Political Autonomy, Committee on Justice and Security, at Committee on Fiscal Autonomy. Sa Committee on Political Autonomy, Pag-uusapan ang mga batayang prinsipyo o

F É F É G É T U W A N

Page 3: IP Summit Fefegetuwan 11December2013

Iba’t ibang Komite ng BTC...

P A G E 3 V O L U M E 1 , I S S U E 1

toryo ng Bangsamoro mula sa pagpasa ng BBL hanggang sa magkaroon ng regular na eleksyon ng mga kinatawan o representatives sa Bangsamoro Parlia-ment.

Kalikasan? Wika nga, kung noon,

umaasa tayo sa kalikasan. Ngayon,

ang kalikasan ang umaasa sa atin.

“Mother earth is now in great pain

and agony”. Malakas ang panawa-

gan ng Katutubong pamayanan na

dapat: Kilalanin ang natatanging

pagkatao o identity ng mga katu-

tubo sa loob at labas ng core areas,

kasama sa pagkilalang ito ang pinaka

-mahalangang usapin tungkol sa

lupaing ninuno, at ang kanilang in-

herent rights. Ito ang mga usapin na

nanatiling tahimik sa FAB at an-

nexes. Kapag ito ay nabigyang linaw,

magiging malinaw din sa katutubo

ang sistema ng hatian ng yaman.

Mga tanong na naghihingi ng kasagu-

tan: (1) Paano ba tinitingnan ng

katutubo ang mga pumapasok na

“Hinahanap ko sa bawat pahina ng

Annex on Wealth Sharing kung may

mga titik ba na nagsasabi sa pagpa-

pahalaga sa Inang Kalikasan. Subalit

wala: wala sa lahat ng nakasulat

tungkol sa hatian, pagbubuwis at

kita na mababasa dito.” Ito ang mga

salita ni Komisyoner Froilyn

makaraang makita ang nilalaman ng

Annex on Wealth Sharing.

“Bagamat buo na ang FAB at Annex

on Wealth Sharing, walang nasabi

tungkol sa Katutubong pamayanan.”

dagdag niya. Nakakalungkot at

nakakapangangamba kung ito ang

magiging pamantayan ng magiging

economic package ng Bangsamoro.

Paano mabibigyang proteksyon ang

lupain mula sa mga anumang banta

gaya ng malawakang pagmimina at

kalaunan ay pagkasira ng Inang

development projects sa kanyang

lupaing ninuno? (2) Paano ba tini-

tingnan ang usapin ng “native title”

at ang mga batas na meron na at ang

karapatan ng katutubo hinggil dito?

Malinaw na sinasabi sa FAB na ang

pagbalangkas ng Bangsamoro Basic

Law ay dapat umayon sa mga pan-

daigdigang pamantayan katulad ng

United Nation Declaration on the

Rights of Indigenous Peoples

(UNDRIP) at ILO 169. Makikita ang

pagpapatupad nito sa Pilipinas sa

pamamagitan ng IPRA. Sinasabi ng

batas na ang katutubo ay mayroong

royalty share at priority rights ka-

sama ang free and prior informed

consent sa kung ano mang pumapa-

sok na mga developement projects

lalo na sa konteksto ng lupaing nin-

uno ng mga katutubo.

Bangsamoro.

Ayon sa kasunduan, may ilang uri ng

buwis na ang National Government

lamang ang maaaring magpataw

(tulad ng buwis sa kita o “income

tax”) at ang iba naman ay binigay

ang pagpataw sa bubuuing Bang-

samoro Government, (tulad ng

buwis sa bentahan ng lupa o “capital

gains tax” at buwis sa pag-mana o

“estate tax”).

Sa makokolekta na buwis, fees at

charges sa loob ng Bangsamoro,

25% ang mapupunta sa Central

Government habang 75% naman sa

Bangsamoro. Sa kita mula sa likas

na yaman, ang mga non-metallic

minerals tulad ng buhangin, graba,

ay mapupunta lahat sa Bangsamoro

at mga lokal na pamahalaan. Sa mga

metallic minerals, 75% ang mapu-

punta sa Bangsamoro. Sa fossil fuels

tulad ng petroleum, natural gas, at

coal, kasama ang uranium, hati ang

Central Government at Bang-

samoro. May block grant din na

ibibigay ang National Government

sa Bangsamoro bawat taon.

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan

kung paano mapapanatili ang kon-

trol ng mga katutubong pamayanan

sa mga lupaing ninuno.

Bilang pagtupad sa kasanduang naka-

paloob sa Framework Agreement

on the Bangsamoro (FAB), nagka-

sundo ang Government of the Phil-

ippines (GPH) at Moro Islamic Lib-

eration Front (MILF) sa sistema ng

hatian ng yaman o “wealth sharing”

at paglikha ng yaman o “revenue

generation” sa loob ng teritoryo ng

Annex on Wealth Sharing and Revenue Generation pinirmahan na

Panawagan ng mga Katutubong Pamayanan: Likas Yaman ay Protektahan

“Mother earth

is now in great

pain and

agony”.

Page 4: IP Summit Fefegetuwan 11December2013

P A G E 4

“Subalit, laking

gulat ng

karamihan ng

pinirmahan ang

Annex on Power

Sharing na hindi

Makita ang

posisyon ng mga

katutubo.”

Partisipasyon ng mga Katutubo sa mga Public Hearings ng BTC

Panawagan sa Annex on Power Sharing (mula Page 1)

Anumang posisyon sa pakiki-

pag-negosasyon ay hindi dapat

makabawas sa karapatan ng

mga katutubo, lalo na kung

nakasaad na sa 1987 Philippine

Constitution at sa Indigenous

Peoples Rights Act o IPRA.

Nakasaad din sa liham ni Ko-

misyoner Tenorio-Mendoza na

ang mga katutubong pamaya-

nan ang siyang may kapangyari-

han at kontrol sa loob ng mga

lupain ninuno batay sa “native

title” at kasaysayang limot na

ng gunita o “since time imme-

morial.” Sa pagpapatuloy ng

negosasyon sa pagitan ng

gobyerno at ng MILF nitong

December 2013, muling ipi-

naabot ni Komisyoner Men-

doza ang posisyon ng mga

katutubong pamayanan hindi

lamang kay Chairperson Ferrer

kung hindi kay Chairperson

Mohagher Iqbal, ang Chairman

ng negotiating panel ng MILF.

Kung kaya’t hindi naitago ng

karamihan ang kanilang

pagkagulat nang mapirmahan

ang Annex on Power Sharing

na waring hindi nanindigan sa

karapatan ng katutubo. Kung

kaya, malaking katanungan

kung bakit sa Bangsamoro

Government mapapapunta ang

“authority” at “jurisdiction” sa

lupaing ninuo, customary laws,

karapatan ng mga katutubong

pamayanan o indigenous peo-

ples, at proteksyon ng kalika-

san.

tional Arrangements and Mo-

dalities ang mga usapin tungkol

sa Plebisito, nagbigay ng mung-

kahi si Timuay Santos Unsad ng

TJG. Nito namang nakaaraang

December 7, 2013, habang

dinidinig ng Committee on

Fiscal Autonomy ang mga

usapin hinggil sa mga buwis at

iba pa na pagkukunan ng pondo

sa loob ng Bangsamoro, nagbi-

gay ng mungkahi sina Timuay

Nagkaroon ng pag-

kakataon ang kinatawan

ng mga katutubong

pamayanan na makilahok

sa mga pampublikong

pagdinig o “public con-

sultations” ng Bang-

samoro Transition Com-

mission (BTC). Noong

November 14, 2013,

habang dinidinig ng

Committee on Transi-

Alim Bandara ng TJG at Heidi

Mokudef ng TLWO.

Sa ngayon ay pinaghahandaan

ng iba’t ibang kinatawan ng mga

tribo, kasama ang Tanggapan ni

Komisyoner Froilyn Tenorio-

Mendoza, ang mga susunod na

Public Consultations sa darat-

ing na taong 2014.

F É F É G É T U W A N

Konsultasyon sa mga komunidad umandar na

Habang abala ang Bangsamoro Transition Commission sa pag-buo ng sarili nitong organisas-yon, opisina at mga sistema, nagdaos ng mga konsultasyon sa mga katutubong pamayanan si Komisyoner Froilyn Tenorio-Mendoza. Nakilahok din siya sa mga kon-sultasyon at oryentasyon na idinaos ng ilang mga organisas-yon kung saan nagbigay siya ng balita tungkol sa mga ginagawa ng BTC at ang pagsulong ng interes ng mga katutubong pamayanan.

IP Women Summit 2013, Building Unities Towards En-gaging the Bangsamoro Basic Law noong March 10, 2013 sa South Upi, Maguindanao. Babaehon Consultation noong May 4, 2013, sa Bayanga, Ca-gayan de Oro City. Indigenous Peoples Consulta-tion on the Framework Agreement on the Bang-samoro noong May 23-24, 2013 sa Pacific Heights, Cota-bato City.

Sa mga konsultasyon na ito ay lumalabas ang mga usapin tung-kol sa natatanging pagkatao o “identity” ng mga katutubong pamayanan mula sa Bang-samoro; ang pagkakaroon ng sariling uri ng “governance” at “justice system” sa loob ng mga lupaing ninuno o “ancestral domain”; ang tung-kulin ng bawat isa na pangala-gaan ang kalikasan; at ang ma-halagang papel na ginagam-panan ng mga kababaihan sa pagtaguyod ng kapayapaan, kabuhayan at karapatan.

[Timuay Alim Bandara sa isa sa mga public hearings ng BTC.]

Page 5: IP Summit Fefegetuwan 11December2013

Pahayag ng pagkakaisa ng Katutubong Kababaihan sa binubuong Bangsamoro Basic Law

P A G E 5 V O L U M E 1 , I S S U E 1

Kinikilala ang batayang karapatan ng mga katutubong pamayanan sa kanilang lupang ninuno bilang salalayan ng kanilang buhay, kultura, katauhan at pagkakakilanlan, at batayan ng kanilang karapatan sa sariling pagpapasya;

Tinataguyod ang isang proseso ng ka-

payapaan na nakaugat sa pagkilala, katuparan, at proteksyon ng kara-patang pantao ng lahat, na walang tinatangi batay sa kasarian, kultura, lahi o kulay, edad at iba pang katayuan sa buhay;

Isinusulong ang lipunang may pagkaka-

pantay-pantay at dumidinig sa boses ng lahat, lalo na ng mga maliliit at kadala-sang naisasangtabi na pamayanan at grupo sa lipunan;

Nananawagan ang mga lider kababaihan

ng mga tribung Teduray, Lambangian, Dulangan Manobo, at Higaonon, na tiyakin ang mga sumusunod na kara-patan ng mga katutubong pama-yanan sa loob ng binubuong Bang-

samoro Basic Law; Malaya at Mapayapang pamumu-hay sa loob ng Lupaing Ninuno. Makakamtan ang lubos na kalayaan at kapanatagan o seguridad sa loob ng mga lupaing ninuno kung naririyan ang:

Tukoy na teritoryo ng mga katutubong

komunidad, may tiyak na mga hangga-nan o territorial boundaries sa pagi-tan ng mga tribu. Nararapat na ito’y pangasiwaan ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) na matagal nang dapat isinakatuparan sa loob ng Bang-samoro core areas. Kaalinsabay nito ang pagbibigay tulong sa mga tribu sa kanilang pagbubuo ng aplikasyon para sa ancestral domain claims at pagpa-patibay ng mga dokumentasyon ng mga kasaysayan at tradisyon, gaya ng isinusulong na Bangsa Mamalu;

Pagkilala sa katutubong sistema ng

pamamahala at hustisya, kung saan naisasabuhay at napapalago ng tribu

ang kanilang mga tradi-syon, kasaysayan at paniniwala. Sinasakop ng sistemang pangkul-tura ang buhay pam-pulitika, pangekonomiya, at panlipunang relasyon ng mga kababaihan at kalalakihan sa tribu, kaya nararapat lamang na ito’y palaguin ayon sa mga batayang kara-patang pantao. Ga-yundin nararapat na ituring ang katutubong sistema bilang lehitimong batayan sa pagresolba ng mga maaring di-pagkakasundo sa pagitan ng magkakaibang katawhan sa tribu, Moro at settlers;

Paggalang sa patuloy na pag-oorganisa

ng mga samahan ng mga katutubo, lalong higit sa bahagi ng mga katu-tubong kababaihan, tungo sa isang demokratiko at malusog na pamama-hala;

lan, Transition of the Bureauc-

racy

• January 29, 2014, Civil, Politi-

cal, Economic and Cultural

Rights

• February 6, 2014, Public Or-

der and Security

• February 21, 2014, Economy

Sa mga gusto dumalo, making at

magbigay ng mga mungkahi sa mga

pampublikong pagdinig o public

consultations ng BTC, ito ang mga

iskedyul:

• December 19, Cotabato City

Basic Rights

• January 16, 2014, Isabela, Basi-

and Patrimony

• February 27,

2014, Social Jus-

tice

• March 3-7, 2014,

Ancestral Do-

main, Indigenous

Peoples, Tribal

Justice

tungkol sa Shari’ah Law. Malinaw

mula sa mga dalubhasa o “experts”

na ang sistema ng batas na ito ay

sakop lamang ang mga Muslim.

Hindi nito saklaw ang mga hindi

Muslim. Sa pagkakataon na may

alitan o hindi pagkakaunawaan ang

mga hindi Muslim, hindi gagamitin

ang Shari’ah Law.

Subalit, batay sa karanasan ng mga

katutubo, may mga alitan sa pagitan

ng katutubo at moro o Christian. Sa

ganitong pagkakataon, mung-

kahi ni Komisyoner Tutut na

bumuo ng isang mekanismo

kung saan ang mga elders at

leaders ng mga partidong

may hidwaan ang siyang

didinig at lulutas sa prob-

lema. Ang panukalang ito ay

tinanggap ng mga ustudz at

sinabing maaari pang palalimin ang

mga kaugnay na pag-aaral.

“Kung ang hidwaan ay sa pagitan ng

katutubo at moro o kaya ay katu-

tubo at Christian, kaninong justice

system ang gagamitin?” Ito ang ta-

nong ni Komisyoner Froilyn Teno-

rio-Mendoza sa mga ustudz at

Shari’ah Court judges noong De-

cember 9, 2013 na sesyon ng Com-

mittee on Justice and Security.

Layunin ng pag-uusap na ito ang

pagtukoy ng mga probisyon sa

bubuuing Bangsamoro Basic Law

Mekanismong Tri-People para sa Justice

Schedule of BTC Public Hearings

“Kung ang hidwaan ay sa

pagitan ng katutubo at

moro o kaya ay katutubo at

Christian, kaninong justice

system ang gagamitin?”

Page 6: IP Summit Fefegetuwan 11December2013

Pagbabawal sa anumang gawain na makakasira o magsisilbing banta sa kalusugan, pinagku-kunan ng pagkain at tubig-inumin, tirahan at kultura ng tribu, lalong higit kung magiging banta sa salalayan ng buhay ng susunod na henerasyon;

Palakasin ang mga tradisyon na nagpapakita ng

payapang palitan ng mga produkto sa lipunan, na namamagitan sa mga katutubo at Moro. Ang prinsipyong nakapaloob sa kasaysayan o tradisyon na ito ay maaring batayan ng isang maktwirang pagbabahagi-nan ng likas na yaman;

Pagpapalakas sa mga Kababaihan. Bigyang halaga ang kontribusyon ng kababai-han sa pagpapanatili at pagbubuo ng mga paya-pang komunidad sa pamamagitan ng: Patuloy na suporta sa pag-oorganisa ng mga

kababaihang katutubo at pagseseguro ng kanilang karapatang maging bahagi ng pagdedesisyon at pamamahala sa lahat ng antas;

Pagbibigay halaga at suporta sa gawain ng mga

lider kababaihang katutubo – mga Kefedu-wan Libun, Boi, Datu Bai – na sa maraming pagkakataon ay susi sa pagreresolba ng mga kaso at di-pagkakasundo sa komunidad;

Patuloy na proteksyon sa kababaihan mula sa

anumang uri ng pang-aabuso, karahasan at diskriminasyon – dulot man ito ng hindi-na

Makataong pamamahala na naghahatid ng serbisyong edukasyon at pangkalusugan sa mga liblib at napag-iwanang komuni-dad ng mga katutubo – lalo na sa mga kabundukan at mga baybaying komuni-dad. Ang akses sa edukasyon ang siyang nakikitang paraan upang lumaya sa ka-hirapan at magsilbing depensa sa patu-loy na pang-aabuso, gaya ng pagiging biktima ng mga kabataang kababaihan sa illegal recruitment at trafficking, o di kaya ay ang pagkaagaw ng mga katu-tubong lupain dahil sa mga pribadong korporasyon. Serbisyong pangkalusu-gan naman ang magtitiyak na maam-patan ang mataas na inisidente ng pagka-matay sa mga babaeng nagbubuntis (maternal mortality) at ang mga ka-bataang malnourished sa tribung komu-nidad.

Proteksyon sa Likas na Yaman. Sa pagpapanatili ng integridad ng lupaing ninuno bilang simbolo ng buhay, mahalaga ring maisakatuparan ang:

Makatwirang gamit sa yamang lupa, kabun-

dukan at katubigan, na may permiso mula sa katutubong pamayanan at pa-munuan. Ang makatwirang paggamit ay nangangahulugang nakabatay sa likas na kapasidad ng pisikal na kapaligiran na matugunan ang batayang pangangailan-gan ng mamamayan, lalo na ang pagse-seguro ng pagkain;

-angkop na tradisyon (hal.maagang pag-aasawa sa batang kababaihan) o di kaya ay dulot naman ng mapanlinlang na mga kalakaran (hal.trafficking at prostitusyon).

PINAGKAISAHAN at pinagtibay ng higit

300 kababaihang katutubo, kasama ang ilang

lider kalalakihan, sa isinigawang “IP

WOMEN SUMMIT 2013: BUILDING UNITIES

TOWARDS ENGAGING THE BANGSAMORO

BASIC LAW” noong ika 10- Marso 2013 sa

Bayan ng South Upi, Maguindanao.

Sa mga inyong saloobin, huwag mag-atubiling

kumontak sa sumusunod:

Tutut Mendoza - 09197484018

Romeo Saliga - 09983377599

Miguel Musngi - 09276482681

IP Women Summit...

Mensahe

Sa mga minamahal ko at kinakatawan kong pamayanan ng katutubo sa bubuuing Bangsamoro, Meuyag at pagbati na rin ng Paskong darating sa ating lahat. Kamakailan lamang pinirmahan na ng pamahalaan at MILF ang dalawa sa natitirang Annexes on Power Sharing at ito ay nagtatakda ng kapangyarihan at sasakuping kapangyarihan ng Bangsamoro. Sasaklawin ng kapanyarihang ito ang usapin ng lupaing ninuno, customary law, proteksyon ng katu-tubo, proteksyon sa kalikasan at kapangyarihang may kinala-man sa lupa at mga pagpaparehistro. Mahalagang matingnan ang mga balangkas na ito at maisu-long ng katutubo ang sa tingin natin ay naayon sa ating “kefiyo fedew” o peace of mind na isa sa pinaka mahalan-gang prinsipyo at batayan ng hustisya at kaunlaran ng katu-tubo.

Tutut Tenorio-Mendoza

[Nakiisa ang mga grupong gaya ng PKKK at IP Dev sa pagtitipong ito ng IP Women.]